1. SUNSET IN THE AIRPORT
Written by AnoBaAko
“ANO BA REEAALL!!!” sigaw ko sa kaklase ko.
“AHAHA! AHAHA!”tumawa lang siya at tumakbo papalabas ng classroom.
“AARRGGHH!” bigla kong sigaw dahil sa inis. >__<
I HATE IIITTTT!!!!!!! Sa araw araw na ginawa ng Diyos bakit niya ko kailangang parusahan ng
ganito? Mabait naman ako, mapagbigay, matalino, ang masama lang sakin e masungit – OO
MASUNGIT AKO PERO HINDI SA LAHAT NG TAO KUNDI DIYAN LANG SA REAL NA YAN!
SA KANYA LANG AKO MASUNGIT.
Yung lalaki kanina si Real yun. Ang weird ng pangalan niya noh? Tama, bagay sa kanyang
wirdo din. Alam niyo bang lagi akong inaasar, pinagtritripan at niloloko niyang lalakeng yan? Oo
tama ang basa niyo. Sa lahat ng kaklase ko ako palagi niyang ginaganyan.
Nakakainis?A big YES. Sige nga, kung may kaklase ka ding ganyan sa tingin mo hindi magiging
ganyan ang reaksyon mo? Alam ko na tinapunan lang niya ako ng butiki kanina pero hello?!
Sino bang matutuwa pag tinapunan ng butiki?! Natural wala. Kaya alam mo siguro kung bakit
grabe ako makasigaw kanina.
“O bakit ganyan mukha mo Alena?” tanong ni Diane pagkapasok niya.
“EPANOKASIYANGREALNAYANTINAPUNANAKONGBUTIKI!”
“Whoa. Relax. Masyado kang hot. Pakiulit yung sinabi mo at wala akong
naintindihan.Hahaha.”
2. Kinalma ko sarili ko at nagsalita, “Sabi ko yung Real na yun tinapunan ako ng butiki.”
“ANO?!”
“Unli tayo teh? Paulit-ulit?”
“AHAHAHA. Di lang ako makapaniwala . AHAHA.”
“Anong di kapanipaniwala dun aber? Kung yun nga lang ipahabol ako sa aso nagawa
niya yun pa kayang tapunan ako ng butiki hindi?!”
“AHAHA AHAHA AHAHA! Wala wala. Sige pagpatuloy mo na yang ginagawa mo. AHAHA.”
“Sige lang tumawa ka lang. Sumakit sana yang tiyan mo. Hmp.” sabi ko kay Diane tsaka
lumabas ng classroom.
Pumunta ako dun sa bahay kubo dun sa pinakadulo ng school grounds. Pag kasi inis na inis na
inis na ako, yung tipong sasabog na ako na parang bulkan, dito ako nagpupunta. At dahil hindi
naman bawal magdala ng mga gadget sa school at may Wi-Fi naman dito, lagi na lang akong
nagbabasa sa Wattpad.
Isa yung website na may mga stories tapos madami kang pagpipilian. Pumunta ako sa reading
list ko at clinick yung title nung paborito kong story. “Unexpected” yung title nung story, ewan ko
ba kung bakit ganun yung title, tanong niyo na lang sa author. XD
[A/N: Hihi. Plug ko lang po yung other story ko na Unexpected. Pabasa rin po. Salamats C:]
Napabuntong hininga ako.
3. “Hay buhay.Buti pa dito tahi – WAAAAA!!!” napasigaw at nagulat ako kasi biglangmay butiki
na nahulog dun sa table. Napatalon tuloy ako mula sa kinauupuan ko.
“REEAALLL!!!!” sigaw ko sa kawalan. Alam kong siya yun kasi sino pa bang gagawa nun
sakin? Siya lang diba.
Walang lumabas na tumatawa. Pinagtritripan nanaman ako nung Real na yun. Pati ba naman
dito. Eto na nga lang sanktuwaryo ko bubulabugin niya pa?! Sobra na siya ah!
Sumigaw ulit ako, “REEAALL!!” pero wala talagang lumalabas. Anak ng tinapa naman oh.
Kung hindi siya, sino?
Hindi kaya...
hindi kaya...
No! Hindi pwede yung iniisip ko! Wala namang ganun sa school namin. Di naman to katulad
nung mga ibang eskwelahan na pinamahayanan ng mga Espanol at Hapones kaya pano
magkakaroon ng ganun dito?
“AWOOO!”
4. Napalingon ako.Shett naman oh. Naku pag nakita kita kung sino ka man malalagot ka sakin.
“AWOOO!”
Yan nanaman. Joke lang yan. Allaine wag kang maniwala. Mga loko-lokolang yan.
“AWOOO!”
Allaine wag kang maniniwala.
“AWOOO!”
“AWOOO!”
“AWOOO!”
Ano bayan?! Sunod-sunod na siya. Huhu T_T Hindi totoo yan..
5. hindi totoo yan...
hindi totoo yan...
hindi to –
“MULTOOO!!!!” tumakbo ako papalabas dun sa bahay kubo. Leche. May multo nga!
Takbo lang ako ng takbo, bahala na kung san ako dadalhin ng mga paa ko basta ang mahalaga
makalayo ako sa mga yun. GUSTO KO PANG MABUHAAY!!
*boogsh!*
Ay tae. Nabangga pa ako. Teka, kanino ako nabangga e wala namang ta... o. Napalingon ako
dun sanakabangga ko na nasa sahig at nakaupo.
“MULTOOO!”sigaw ko nanaman. This time tumingin na sakin yung lalake, ang puti ng mukha.
Sabi ko na nga ba multo to eh. T^T
6. Nakakunot yung noo nung lalake habang nakatitig sakin, ay shet.Ang gwapong multo. Kahit na
punong-puno ng pulbos yung mukha kitang-kita yung pagkagwapo. Kung ganito lang naman
pala ang magmumulto sakin e go na go ako diyan. ^O^
“Multo? Sinong multo?” tanong nung lalake.
“I-ikaw yung multo. tignan mo yung mukha mo, a-ang p-puti puti.”
“Hahaha!Ako multo? You must be kidding me.”
Aba nag-english. May multo bang inglishero? T^T
“H-hindi kita binibiro. Multo ka. Ang puti ng mukha mo oh.” tinuro ko yung mukha niya.
Di ko namalayan na hawak na niya yung panyo niya at pinupunasan yung mukha niya. Ako
naman imbes na matakot ulit e napanganga na lang.
Pagkatapos niyang magpunas, humarap siya sakin at laking gulat ko na lang ng makita ko si...
“Real?!”
“Bakit Allaine di mo na ba ako kilala?”
Si Real pala itong mukhang espasol na lalakeng ito. Nah, binabawi ko na yung sinabi ko kanina
na gwapo siya. Ngayon pa? E si Real pala to. >__<
“Bakit ka nandito? Sinusundan mo ko? Lolokohin mo nanaman ako? Pagtritripan?
Aasarin? Teka, ikaw yung umuungol kanina no? Tama ikaw yun!” nilapit ko yung mukha ko
7. sa kanya, “Ano? Di ka makasagot? Umamin ka na kasi na ikaw may kagagawan nitong
lahat.”
“Anong ungol? Sinusundan? Wala akong alam sa mga sinasabi mo.”
“Tss. Wag ka ng magdeny.Sino pa bang gagawa nun sakin kundi ikaw lang. Kaya sabihin
mo na yung totoo.”
Sumimangot yung mukha niya tapos yumuko siya, “Ako lang ba may kayang gumawa nun?”
“Ano? May sinasabi ka?” alam ko may sinasabi siya kaso di ko lang naintindihan at narinig.
Tumingala siya, “Wala! Sabi ko di ko alam mga sinasabi mo. Diyan ka na nga!” tapos
naglakad siya palayo.
Anu problema nun? Ako nga dapat magalit sa kanya dahil niloloko niya ako tapos siya pang
may ganang magwalk-out? Aba sumusobra na siya ah.
Napapikit ako, “Ahhh! Real Sanidad may araw ka rin sakin!” sigaw ko at umalis na dun sa
lugar na yun.
<Real’s POV>
Tss. Kanina pa ako paikot-ikot kaso di ko matanggal yung inis ko. Di lang dahil napagkamalan
niya kong multo pati na rin yung sinabi niya na ako lang daw makakagawa nun sa kanya. Ako
lang?! E di ko nga alam yung sinasabi niyang multo etcetera etcetera na yun.
“Hahaha! Kung nakita mo lang yung reaksyon niya kanina nung may narinig siyang
umungol, nakakatawa! Haha!”
8. May narinig akong nagsalita sa classroom. Lumapit ako at nagtago sa may pinto para marinig at
makita kung sino yung nag-uusap.
“E si Real anong sabi?”
Si Diane at Peter yung nag-uusap.Ako ata yung pinag-uusapan. Narinig ko pangalan ko eh.
“Deny. Di daw siya gumawa nun at wala siyang alam sa mga sinasabi ni Allaine. Pero di
naman naniwala si Allaine kasi alam naman niya na si Real lang makakagawa nun sa
kanya. Wahaha! Ang cute nilang dalawa!”
“Hahaha!Korek ka diyan!”
What the f*ck?? Sina Diane at Peter yung may gawa nung binibintang sakin ni Allaine? E bakit
naman nila ginawa yun?
Lumabas ako mula dun sa pinto at nilapitan sila. Yung mukha nila ganito nung nakita nila ako -->
(O_O)
“R-real kanina ka pa ba d-diyan?” tanong sakin ni Diane.
“Oo. Narinig ko nga yung pinag-uusapan niyo eh.”
Tumayo si Peter tapos niyugyog ako, “Real biro lang namin yun. JOKE LANG. Wag ka ng
magalit.Huhu.”
“joke mo mukha mo. Bitiwan mo nga ako. Alam mo bang ako pinagbibintanganni Allaine
ngayon dahil sa kagagawan niyo?” galit kong tanong sa kanila.
9. “Oo. Alam na alam.” at ngumiti sila.
“Bakit kayo nakangiti? May nakakatuwa ba sa sinabi ko?”
“Wala naman. Natutuwa lang talaga kami.” sabi ni Diane.
“Ano kayo abno?”
“Oo. Abno na kung abno basta natutuwa kami.” sagot naman ni Peter.
Nahilamos ko yung palad ko sa mukha ko at sumigaw. “Aaaahh!!
Narinig ko pa silang tumawa pagkalabas ko ng classroom. ano na bang nangyayari sa kanila at
naisipan nilang gawin yun? Dahil sa ginawa nila nainis pinagbintangan ako ni Alena. Oh god I
hate this day. >_<
<Allaine’s POV>
Naku.May pasok nanaman. Buti na lang half day lang kami ngayon pero echos lang. Half day
nga pero dito lang daw sa school ano kaya yun?
Ok na din, dun na lang ulit ako sa may bahay kubo. Sure na akong wala ng multo dun dahil si
Real lang may pakana nun.
KLASE.
10. KLASE.
KLASE.
KLASE.
DISMISSAL! Yehey ^______^
Dumiretso agad ako dun sa bahay kubo pero gulat nanaman ako na may lalaking nandun. Di ko
makita yung mukha kasi nakatalikod siya. Sino kaya itong mambubulabogers na ito?
“Hoy! Sino ka?”nilapitan ko na yung lalaki at nakita na si Real ito.
“Anong ginagawa mo dito?”
“Nakaupo.Obvious ba?”
“Haha. Ibig kong sabihin bkit ka nandito? Trespassing ka dito. Lumayas ka.”
“Trespassing?”
11. “Oo. Pumapasok ka ng walang paalam dito sa bahay kubo ko. Trespassing tawag dun.”
“Kubo mo? Sino nagsabi?”
“Ako. Kakasabi ko lang diba? Bingibingi?”
“Hahaha!Kelan ka pa natutong mamilosopo?”
“Ngayon lang. Obvious?”
“Hahaha! Nakakatawa ka! Hahaha!”
“Psh. Bahala ka sa buhay mo. Bakit ka nga pala nandito? Guguluhin mo nanaman ba
buhay ko? Di ka na ba naaawa sakin?”
“Tss. Makapagsalita ka naman parang ang sama-sama kong tao.”
“Talaga.”
“Ikaw nga tong bad eh. Wala naman akong ginagawa sa’yo. Kaya lang naman ako
nandito kasi gusto ko ng katahimikan.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Gusto daw niya ng katahimikan? Ang isang REAL SANIDAD
gustong manahimik? I can‟t believe it. =.=”
“Weh?Totoo ba yan?”biro ko sa kanya. Baka binibiro lang din ako nito eh. -_-
12. “Tss. E di wag ka maniwala. Nagtatanong ka tapos di ka maniniwala.”
Hala. Mukhang nagalit ata. E ikaw nga naman kasi Alena, nagtatanong ka nga naman tapos di
ka maniniwala. E teka teka teka – sa hindi lang ako makapaniwala na ganun siya masisisi niyo
ba ako?
Wala ng nagsalita samin. Nagbasa na lang ulit ako ng Unexpected. Yun lang naman pwede
kong gawin eh. Maya-maya, napahinto ako sa pagbabasa. Para kasing kakaiba eh, di man lang
ako makaramdam ng kilos niya.
Tinignan ko siya at yun..nakatulog pala. Pinagmasdan ko yung mukha niya, gwapo pala siya
noh. Ngayon ko lang napansin, puro kasi kalokohan niya ang napapansin ko.
DUG DUG DUG DUG.
Weh?Ano yun? Ang lakas ng tibok ng puso ko. May sakit kaya ako sa puso? Papacheck-up nga
ako sa doktor.
Nanatililang akong nakatitig sa mukha ni Real. Ang sarap kasing tignan eh.Nakakagaan ng
kalooban. Para bang pag titingin ako lagi sa mukha niya bigla na lang mawawala yung inis at
galit ko sa kanya. Oh well, ganun ata talaga pag-inlove.
WAIT. Ano yung sinabi ko? Inlove?Nyeh, ako inlove?Hindi ah. Tss. Lilinawin ko, HINDI AKO
INLOVE. Maliwanag?
Sinarado ko na yung laptop ko. Tapos na kasi yung binabasa ko eh. Di pa nag-uupdate yung
author. Pakisabi nga sa author mag-update na siya ha? XD Nag-iwan na lang ako ng note sa
table tsaka umalis.
<Real’s POV>
13. Real,
Sensya kung iniwanan na kita. Natutulog ka kasi eh.
Kaya ako nag-iwan ng note para sa'yo kasi gusto kong
malaman mo na umalis ako ng walang tinangay mula
sa’yo. Baka isipin mo magnanakaw ako.
Allaine
P.S. – Wag mong isiping nag-aalala ako sa’yo. (--,)
Pagkagising ko yan agad nakita ko. Napangiti ako. Siyempre kasi naalala niya parin ako. Kahit
na tungkol sa pagnanakwa yung nakalagay basta tungkol sakin masaya ako. Ganda tuloy ng
gisingko.
Kinuha ko yung note at umalis na sa bahay kubo. Habang naglalakad ako, nakita ko si Allaine
na nakaupo dun sa isa sa mga bench. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.
“O gising ka na pala. Musta tulog mo?”
“A-ah o-ok lang naman.” gulat ako kasi tinanong niya ko kung kamusta yung tulog ko. Oo
yung tulog ko yung kinakamusta niya pero diba sakin yun? Kasi „tulog ko‟ so akin yun. Diba?
“Diba sabi mo dun sa note wala kang ninakaw sakin?”
“Oo. Di naman ako magnanakaw eh.”
“Sinungaling.” sabi ko sa kanya pero nakangiti ako.
14. “O-oy! Sinungaling ka diyan. Wala akong ninanakaw sa’yo. ang kapal mo.”
“Meron kaya.”
“Meron? Wala nga eh. Ang kulit mo.”
“Ikaw ang makulit.Sinabing meron nga eh.”
Tumayo siya, “Sige nga, sabihin mo nga sakin kung ano yung ninakaw ko sa’yo at ng
mahagilap natin sa mga gamit ko.”
Natawa ako, “Di mo naman yun makikita sa mga gamit mo dahil hawak mo lang yun eh.”
“Sabi ko sa’yo wala sa akin yung – wait, anong ibig mong sabihing hawak ko? Ano ba
kasi yang ninakaw ko?”
Kinuha ko yung kamay niya at nilapat sa kaliwang dibdib ko tapos ngumiti sa kanya at
nagsalitang, “Yung ninakaw mo sakin ay yung PUSO KO. Pero wag ka mag-alala dahil
sayong-sayo na yan. Matagal ko ng binigay yan sa’yo.”
Nagulat siya, pero ang mas ikinagulat ko ay nung naramdaman ko yung kamay niya na tumama
sa pisngi ko at tumakbo palayo. In short, SINAMPAL niya ko. Di ako nakagalaw nun, ang alam
ko lang, nakaupo na ako dun sa bench at umiiyak.
Oo umiiyak ako. Ewan ko kung bakit pero naiyak ako bigla. Ano ba kasing masama dun sa
sinabi ko? Di ba niya nagets na ang ibig sabihin nun e mahal ko siya? Akala niya ba na yung
tunay kong puso yung ninakaw niya? Na-offend ko ba siya? Ano? Sabihin niyo sakin kasi di ko
maintindihan. Ipaintindi niyo.. please..
15. <Allaine’s POV>
Shet. Nasampal ko siya. Di ko naman sinasadya eh. Naulat lang talaga ako dun sa sinabi niya.
Nung tumakbo ako, balak ko sana siyang balikan kaso nung tiningnan ko siya, umiiyak siya.
Naguilty tuloy ako. Nasaktan siguro talaga siya.
Ang tanga tanga ko kasi! Sa dinami dami ng pwede kong maging reaksyon, sampal pa.
Sigurado akong na-offend siya. Naintindihan ko naman yung ibig niyang sabihin dun sa
pagnakaw ko daw ng puso niya..
mahal niya ako..
Sigh. Bukas na bukas magsosorry ako sa kanya. Naguiguilty talaga ako. Wala naman siyang
ginawa eh kaya dapat lang ako ang magsorry.
-3 days later-
Tss. Naiinis nanaman ako sa kanya. Imbes na magsorry ako nainis na lang ako. Tuwing lalapit
ako sa kanya, iniiwasan naman niya ko. Pag naman susubukan ko siyang kausapin, di niya ko
papansinin. Di na rin niya ako inaasar, di na rin siya nagpupunta dun sa bahay kubo.
Nakakapikon na. Ako na nga tong nageeffort na magkabati kami siya naman tong may ayaw.
Argh. I hate him. >_<
“Hahaha. Magiging masaya tayo dun for sure.”
“Oo nga.Hahaha.”
16. Nakita ko si Real na may kausap na isang babaeng parang ka-age namin tapos maganda siya.
Mukhang masaya yung pinaguusapan nila kasi nakangiti nakatawa sila parehas.Psh.
Nakakainggit naman. Kahit kelan di pa kami nag-usap ng ganyan ni Real. ;(
“Sure ka bang pupunta ka mamaya?”
“Oo naman. Nandun ka eh.”
Napalingon ako sa kanila, nandun ka? Si Real ba nag-sabi nun? Akala ko ba ako? Bakit ngayon
siya na? Nakakainis ka Real. Buti na lang pala nasampal kita kahapon. Niloko mo lang ako.
Di ko na napigilan yung luha ko, ang nakakainis pa lalo dun, hinalikan ni Real yung babae. I
hate you Real. I hate you..
Tumakbo ako papunta dun sa may bahay kubo at umiyak ng umiyak. Akala ko talaga ako yung
mahal niya. Sinabi niya pa nga sakin diba? Nakita ko pa siyang umiiyak. Pero
ngayon?Bakit?Naguguluhanna ako.
Napasubsobko yung mukha ko sa table pero may nasagi yung kamay ko. tinignan ko kung ano
ito at nakita na isa palang video camera. May specific na video na yung dapat na iplay so plinay
ko siya.
Nakita ko si Real dun sa video. Naiyak nanaman ako. Pano kasi yung video nagsasalita siya
tapos pinapaliwanag niya kung bakit daw niya ako laging inaasar, kung bakit ganun yung mga
ginagawa niya, kung bakit di niya ko piapansin nitong past few days at higit sa lahat, sinabi niya
dun kung bakit niya ako mahal at kung gaano niya ako kamahal.
Ngayon malinaw na sakin yung talagang nararamdaman ko. Sa tulong nitong video alam ko na
kung bakit ako inis na inis kay Real pag inaasar niya ako o pinagtritripan ako, hindi dahil sa
nakakaasar siya o kung anu pa man kung hindi dahil sa ganun lang yung ginagawa niya sa akin.
Di niya magawang maging mabait, tahimik at kausapin ako ng maayos, dun ako naiinis kasi
naghahanap ako sa kanya ng ganung atensyon kasi..
17. kasi...
mahal ko na siya dati pa.
At hindi ko alam na yung panggaganun niya sakin ang paraan niya para mapakita yung
pagmamahal niya. Pero kasi diba kakaiba? Di niya ba naisip yun?
Sinara ko na yung video camera at aalis na sana pero may papel dun sa ibabaw. tinignan ko,
para sakin galing kay Real. Ngunit di ko akalin yung nakasulat sa papel..
Allaine,
Aalis muna ako. Sorry. I love you.
Real
Tumawag agad ako sa bahay nila para malaman kung nasaan si Real. yung maid yung
sumagot. Nasa Wattpad International Airport daw. Nagmamadali akong sumakay dun sa kotse
at pumunta sa Wattpad International Airport.
Aalis siya? San siya pupunta? ano yun ganun ganun na lang? Di ako papayag. Susundan ko
siya kahit san man siya magpunta. Kahit na lokohin na niya ako araw-araw basta kasama ko
lang siya. Promise ko yan sa kanya.
Real wag mo kong iiwan..
-Wattpad International Airport-
18. Lecheng airport yan ayaw pa akong papasukin.Nagkandasugat sugat tuloy ako.
Nakipagrambulan pa ako dun sa mga security guard para lag makapsok. Pero buti na lang nag-
aral ako ng taekwondo kaya natalo ko sila. Siyempre gagawin ko lahat para kay Real ko. O///O
Hinanap ng mga mata ko si Real at sa wakas nakita ko na din siya. Nakaupo siya tapos
nakatingin sa langit. Anong tinitingin-tingin niya dun?Hinahantay niya yung eroplano niya?
Subukan niya lang sumakay dun sasamain siya sakin.
Sumigaw ako sa kanya, “REAL SANIDAD!”
Hinanap niya yung nagsalita at nung makita ako binigyan niya ako ng isang anong-ginagawa-
mo-dito look. Lumapit siya sakin at lumapit din ako sa kanya.
“Anong ginagawa mo dito Allaine?”
“Bakit?Masama?Sa inyo tong airport na to?”
Natawa siya tapos pinunasan yung luha ko, umiiyak pala ako di ko alam.
“Pano mo nalamang nandito ako?”
“Magaling ang source ko.”
“Sino bang source mo?”
19. “Hindi na mahalaga. Ikaw bakit ka nandito? Diba aalis ka? San ka pupunta? Iiwanan mo
na ba ako? Alam mo ang daya mo, di ko pa nga nasasabi yung nararamdaman ko tapos
aalis ka. That’s unfair.”
Niyakap niya ako ng mahigpit tapos nagsalita siya, “Ano bang nararamdaman mo?
Natulungan ka ba nung video na ginawa ko?”
“Oo natulungan niya ako. Dahil dun alam ko na yung feelings ko para sa’yo.”
“So tell me, ano bang feelings mo sakin?”
“Mahal...
mahal...
mahal kita Real Sanidad.”
“Mahal din kita. Alam mo yan.”
“Yeah.” tapos nagtawanan kami.bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin tapos umupo kami
dun sa bench. Nakaakbay siya sakin tapos yung ulo ko nakapatong sa balikat niya.
"Ikaw, lagi mo na lang akong jinojoke. Nakakainis ka na" at hinampas ko siya sa braso.
Tumawa lang siya.
20. "E habit ko yun sa'yo eh."
“Hmp. E sino naman yung babaeng kasama mo kanina na hinalikan at niyakap mo?”
“Pinsanko yun na ngayon lang dumalaw sa Pilipinas. Last day na niya kasi dito kaya
hinatid namin siya sa airport.”
"Tss."
"Teka, nagseselos ka?yieenagseselos. Nagseselos siya."
"He.Tumigil ka nga."
"Aminin mo munang nagseselos ka."
"Di ako nagseselos." tapos maglalakadna sana ako palayo pero niyakap niya ako mula sa
likod at sinabing, "Sorry na. Hehe. Di naman kita niloloko eh. Pinsan ko lang talaga yun."
Bumuntong hininga ako.
“Akala ko talaga iiwanan mo na ko.”
21. “Magagawa ko ba yun? E mahal na mahal kita.”
“Haha. Mahal din kita.”
“Ay teka, yung ninakaw mo di mo pa binabalik.”
“Ano nanaman yan? Ah, alam ko na. Yung puso mo? Sabi mo wag ko ng ibalik.”
Umiling siya, “Hindi yun.Iba naman to ngayon.”
“Hmm. Ano yun?”
“Buhay ko.”
I threw him a confused look.
“Buhay ko kasi di ko kayang mabuhay pag wala ka.”
I giggled. “E pano kita bubuhayin kung puro sugat yung buhay mo?”
Tinignan niya ko from head to toe tapos ngumiti.
22. “Madali lang yan, pagagalingin ko yung buhay ko.”
Pagkasabi niya nun, hinalikan niya ako.
Pagkatapos ng halik na yun, nagstay lang kami dun sa bench ng airport. Same position,
nakaakbay siya sakin habang nakasandal ako sa kanya. Pero iba na ngayon, because we are
watching the sunset together and waiting for the morning to come.
“I love you Real.”
“I love you too Allaine.”
Then our lips met again. This isn‟t the last. This is just the beginning. I know that we will share
more years together and definitely grow old together. ♥
THE END.