1. 9
ay patuloy din na nabubuhay. Ang tao ay nabubuhay sa paghahanap at pag-alam ng
mga bagay-bagay, at ang wika ay nabubuhay kung napag-uukulan ito ng panahon na
mapaunlad ng tao. Sa madaling salita, magkaagapay ang bawat isa sa pagtupad ng
isang layuning makabansa.
Binanggit naman ni Gleason (Baluca et.al, 2006) na ang baryasyon ng wika ay
isang katotohanan sa lipunan na nakabukod sa mga tradisyon ng mga tao at sa mga
salik panlipunan na nakikilala sa iba’t ibang grupong sosyal, kultural at etniko.
Gayunpaman, kinakailangan na mapaghandaan ang anumang pagbabagong
magaganap sa wika, ito ang pahayag ni Bautista (2004). Ayon pa sa kanya, dulot ng
pagbabagong ito ang mga suliranin sa pagbabaybay sa ortograpiya at gramatika.
Sa patuloy na panghihiram ng mga salita sa ibang wika, nawawalan ng
kakanyahan ang isang wika dahil sa mga katangiang hinahalaw dito na nagpapabago sa
anyo ng palabaybayan nito. Kung kaya, gaya ng dating panuntunan, ang walong dagdag
na mga letra (C,F,J,N,Q,V,X,Z) ay gagamitin lamang sa mga: (1) pantanging ngalan ng
tao, lugar, produkto, pangyayari, gusali atbp.; (2) mga salitang teknikal na hindi
karakarang maasimila dahil kapag binaybay nang ayon sa sinusunod na sistema ng
pagbaybay ay nalalayo na sa orihinal na anyo sa Ingles kaya ayon kay Santiago (2003)
ito ay nagkakaroon ng tinatawag na “visual repulsion” sa mambabasa; at (3) mga
salitang may wikang katangiang kultural mula sa iba’t ibang katutubong wika.
Kaugnay na Pag-aaral
Ang pag-aaral nina Bigata at Bunao (Baluca et.al, 2006) ang pangunahing
kaugnay na pag-aaral ng kasalukuyang pananaliksik. Kanilang pinag-aralan ang mga
pagbabagong dulot ng 2001 Revisyon ng Alfabetong Filipino. Isa na sa mga
pagbabagong ito ay ang modernong ispeling ng mga salita sa Filipino na
kinakalangkapan ng walong (8) dagdag na letra. Kaugnay nito, dahil na rin sa bagong
reporma sa alpabeto at tuntunin sa pagbaybay, nais ding malaman ng mga mananaliksik
2. 10
sa pag-aaral na ito kung ano nga bang gabay sa Ortograpiya sa Wikang Filipino ang
kasalukuyang ginagamit ng mga mag-aaral.
Ang ginawang pananaliksik ni Delima (Baluca et.al, 2006) ukol sa varayti ng
Filipino na ginagamit sa mga Unibersidad sa Metro Baguio ang pangunahing kaugnay
na pag-aaral ng kasalukuyang pananaliksik. Sa pag-aaral na ito, inalam niya ang
katangian sa pasalita at pasulat na Filipino ng mga guro. Gayunpaman, magkaiba rin
ang pag-aaral ni Delima at ang kasalukuyang pag-aaral sapagkat ang una ay nais
malaman ang katangian ng mga guro sa pasalita at pasulat na Filipino, samantalang
ang huli naman ay hangad malaman ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral tungkol
sa mga pagbabago sa Ortograpiyang Filipino.
May kaugnayan din ang pag-aaral ni Sual (Averilla, 2004) sa kasalukuyang
pananaliksik. Pangunahing layunin niya ang mabatid ang uri ng wikang ginagamit sa
pakikipagsulatan ng mga estudyante sa antas tersyarya ng pamantasan ng Liceo de
Cagayan. Gayunpaman, sa pag-aaral na ito ay binibigyang diin ang uri ng wikang
ginagamit sa pakikipagsulatan, samantalang ang kasalukuyang pag-aaral naman ay
may kinalaman sa 2009 Gabay sa makabagong Ortograpiya ng Wikang Filipino kung
batid nga ba ito ng mga mag-aaral sa Salvacion National High School.
Ayon sa pag-aaral nina Alejo at Cillan (Baluca et.al, 2006), ang 2001 Revisyon
ng Alfabetong Filipino ay kumakatawan sa ikalawang bahagi ng final output ng
proyektong “Tungo sa Istandardisasyon ng Sistema ng Pagsusulat sa Filipino”. Ito ay
nakapokus sa dagdag na letra na hiniram at nakapaloob sa 28 letrang Alfabetong
Filipino at pangmadlang literasi. Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagiging
istandardisado o maunlad ng wikang Filipino na siyang nais alamin sa kasalukuyang
pananaliksik na kung paano nga ba uunlad ang wikang Filipino kung iba’t ibang
panuntunan sa pagbabaybay ang ginagamit ng mga tao partikular na ang mga mag-
aaral.
3. 11
Sa pag-aaral naman na isinagawa nina Lacdao at Manzanillo (2004), natuklasan
ang tinatagong positibong epekto ng Implementasyon ng 2001 Revisyon ng Alfabeto at
Ispeling ng Wikang Filipino. Kaugnay nito, nais ding alamin ng mga kasalukuyang
mananaliksik ang epekto sa ispeling ng mga salita sa Filipino na ginagamit at
pinapatupad ng 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino.
Lagom ng Sining
Ayon sa KWF, ang wikang Filipino ay palaging tulad ng ibang wika sa
pamamagitan ng pagsalin ng mga salita galing sa mga katutubo at dayuhang salita para
sa iba’t ibang sitwasyon. Sang-ayon kay Gleason na ang baryasyon ng wika ay isang
katotohanan sa lipunan na nakabukal sa mga tradisyon ng mga tao at sa mga salik
panlipunan na nakakakilala sa iba’t ibang grupong sosyal, kultural at etniko. Ang wika ay
lumalago, nagbababgo at nadaragdagan ang talasalitaan hanggat ito ay buhay, ito
naman ang pahayag ni Quinto. Gayunpaman, binanggit ni Bautista na kinakailangan na
mapaghandaan ang anumang pagbabagong magaganap sa wika dahil dulot ng
pagbabagong ito ang mga suliranin sa pagbabaybay sa ortograpiya at gramatika.
Sinang-ayunan naman ito ng pahayag ni Santiago tungkol sa mga salitang teknikal na
hindi karakarakang maasimila dahil kapag binaybay nang ayon sa sinusunod na sistema
ng pagbaybay ay malalayo na sa orihinal na anyo sa ingles, kaya’t nagkakaroon nmg
tinatawag na “visual repulsion” sa mambabasa.
Sa pag-aaral naman ni Delima ay nalaman niya ang katangian ng pasalita at
pasulat na Filipino ng mga guro. Binanggit naman nina Bigata at Bunao ang tungkol sa
mga pagbabagong dulot ng Revisyon ng Alfabetong Filipino. Pinag-aralan din ni Sual
ang uri ng wikang ginagamit sa pakikipagsulatan ng mga estudyante sa antas tersarya
ng Pamantasan ng Liceo de Cagayan. Binigyang linaw naman sa pag-aaral nina Alejo at
Cillan ang 2001 Revisyon ng Alfabetong Filipino bilang kumakatawan sa ikalawang
bahagi ng final output ng proyektong “Tungo sa Istandardisasyon ng Sistema ng
4. 12
Pagsusulat sa Filipino”. Sang-ayon sa pag-aaral nina Lacdao at Manzanillo na
natuklasan ang tinatagong positibong epekto ng Implementasyon ng 2001 Revisyon ng
Alfabetong Filipino. Samantalang ang kasalukuyang pag-aaral ay nakatuon sa mga
pagbabago sa Ortograpiya ng Wikang Filipino.
Gap o Puwang
May mga pag-aaral na ang naisagawa tungkol sa ispeling sa Filipino ngunit wala
pa tungkol sa mga pagbabago sa Ortograpiyang Filipino. Marami rin ang mga kaugnay
na literatura at pag-aaral ang may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral dahil ito ay
may kinalaman sa ispeling ngunit iba-iba ang pinaksa rito. Ang pananaliksik nina Bigata
at Bunao ay may kaugnayan din sa kasalukuyang pananaliksik. Kanilang pinag-aralan
ang mga pagbabagong dulot ng Revisyon ng Alfabetong Filipino. Naniniwala ang
kasalukuyang mga mananaliksik na kailangang malaman ang konsistent na
pagbabaybay sa mga salita sa Filipino upang maituro nang maayos at maintindihan ito
nang mabuti ng mga mag-aaral na siya namang pupunuan sa kasalukuyang pag-aaral.
Balangkas Teoretikal
Makikita sa Pigura 1 ang Paradaym Teoretikal ng pag-aaral na ito. Ibinatay ang
pag-aaral na ito sa teoryang Progresivismo ni John Dewey (San Mateo et.al, 2003) na
nagbibigay-halaga sa interes at pangangailangan ng mga mag-aaral bilang sentro ng
pag-aaral. Sinuportahan ito ng teoryang Reconstructionism (San Mateo et.al, 2003) na
nakapokus naman sa pagbabagong nagaganap sa lipunan. Pinaniniwalaan sa teoryang
ito na ang paaralan ang dapat na maging pundasyon ng mga alituntunin at pag-unlad na
maaaring maganap sa loob ng lipunan at ang mga guro ay nararapat na gamitin ang
kanilang impluwensiya nang sa ganoon ay mahikayat ang mga mag-aaral sa paghubog
ng lipunang ginagalawan.
5. 13
Sentro
ng
Pag-aaral
Pigura 1. Paradaym Teoretikal ng Pag-aaral
6. 14
Balangkas Konseptwal
Ang pag-aaral na ito ay nakasentro sa mga pagbabago sa Ortograpiya ng
Wikang Filipino. Binanggit ni Bertland Russel (San Mateo et, al, 2003) na kailangang
matukoy ang lohikal na istruktura ng isang wika na ayon sa kanyang pilosopiya ito ay
makakatulong na makabuo ng isang batayan sa wika.
Sa pag-aaral na ito ay aalamin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa
Salvacion National High School ukol sa mga pagbabago sa Ortograpiya ng Wikang
Filipino ayon sa ispeling, pantig at maging sa panghihiram, ang mga suliranin na
kinakaharap ng mga ito at batay din sa mga suliranin ay magbibigay ng mga
mungkahing solusyon ang kasalukuyang pag-aaral.
Makikita sa Pigura 2 ang Paradaym Konseptwal ng kasalukuyang pag-aaral.
Mga pagbabago Pag-alam ng mga Mungkahing
sa Ortograpiya sumusunod: Solusyon
ng Wikang 1. Ang antas ng
Filipino ayon sa kaalaman ng mga
ispeling, pantig mag-aaral sa
at panghihiram? makabagong
ortograpiya.
2. Mga suliraning
kinakaharap ng
mga mag-aaral.
TUGON/FIDBAK
Pigura 2. Paradaym Konseptwal ng Pag-aaral
7. 15
Katuturan ng Talakay
Ang mga mananaliksik ay binigyang katuturan ang mga sumusunod na salita
upang lubos na maunawaan ang kasalukuyang pag-aaral.
Implementasyon. Ang pagpapatupad ng isang batas na masasabing pinag-
uusapan ng mga kinauukulan. Ito ay pagsasakatuparan o pagsasagawa ng isang bagay
upang mapag-aralan at masabing matagumpay ito.
Pag-aaral. Isang mahalagang responsibilidad na dapat gampanan ng isang
mag-aaral at nag-aaral. (Avana at Nantiza, 2006). Isa itong proseso ng pagpapalawak
ng kaalaman sa mga bagay-bagay.
Ortograpiya. Paraan ng pagbibigay kahulugan sa wikang pasalita sa
pamamagitan ng paraang pasulat sa tulong ng mga simbolo at ang paraan na ginagamit
sa isang wika sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga tunog. (Evelyn E. Bautista.
et.al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananalisik, 2007). Ito ay makabuluhang pag-aaral
ng ispeling,pantig at mga hiram na salita sa wikang Filipino.
Panghihiram. Kapag ang salita ay hiniram hindi na natin tungkulin na ito ay
isauli sapagkat ang nasabing salita ay magagamit din ng ating pinanghiraman. Ang
tunog at baybay ng salitang hiniram ay hindi natin tungkuling panatilihin ang gayong
pronunsasyon at baybay. (Marietta A. Abad et. Al Filipino Bilang Tanging Gamit).
Ginamit ito sa kasalukuyang pag-aaral upang makapaglahad ng maraming halimbawang
salita para sa alubos na pagkaunawa sa isang konsepto.
Pantig. Ito ay binubuo ng ng isang salita na binibigkas sa pamamagitan ng
antalang bugso ng tinig. Bawat pantig sa Filipino ay may patinig na kalimitan ay may
kakabit na katinig o mga katinig sa unahan, sa hulihan o sa magkabila. (Alfonso O.
Santiago, Panimulang Linggwistika, 1999). Ito ay paghati sa bahagi ng salita batay sa
pagbigkas nito.
8. 16
Paraan. Ang mga hakbang na ginagawa para sa ikalulutas ng isang suliranin
(Nano at Tantiado, 2005). Ito ay ang paghahanap ng mga makabuluhang pamamaraan
upang ang isang suliranin o pag-aaral ay mabigyan ng kaukulang kasagutan o solusyon.
Revisyon. Isang pagbabago o rekomendasyon para sa pagwawasto at
pagpapaunlad. (Millano at Cordovilla, 2007). Ito ay pagrerebisa na ipinapatupad upang
ang isang pag-aaral ukol sa isang bagay/ paksa ay maiwasto at higit na mapaunlad.
9. 17
TALA
Diana Millano at Mary Ann Cordovilla. Pananaw ng mga Mag-aaral na Nasa
Unang Taon sa Tersarya Tungkol sa 2001 Revisyon ng Alfabetong Filipino. Di-Limbag
na Undergradweyt Tesis. Pamantasan ng Bikol Kolehiyo ng Edukasyon, Daraga, Albay,
2006, p.14.
Shyryll S. Baluca at Simonette G. Bilbao, Efekto ng Revisyon sa Ispeling sa
Filipino. Di-Limbag na Undergradweyt Tesis. Pamantasan ng Bikol Kolehiyo ng
Edukasyon, Daraga, Albay, 2006, p.10.
wika.ploworks.com/w/page/8021677/KWF-Komisyon-sa-Wikang-Filipino
Millano et.al
Alfonso O. Santiago. Sining ng Pagsasaling-Wika (Sa Filipino Mula sa Ingles).
Rex Bookstore, Lungsod ng Quezon, 2003, p.15.
Baluca et.al,p.14.
Baluca et.al,p.15-16.
Sharon C. Averilla. Varayti ng Pasulat ng Filipino ng mga Mag-aaral sa
Sekondarya sa Panahon ng Makabagong Teknolohiya. Di-Limbag na Tesis.
Pamantasan ng Bikol Paaralang Gradwado, Lungsod ng Legazpi, 2004.
Baluca et.al,p.14-15.
Millano et.al
Rosalinda A. San Mateo at Maura G. Tangco. The Historical Foundations of
Education. Katha Publishing Co., Inc., Lungsod ng Quezon, 2003, p.80.
San Mateo et.al, p.81.
San Mateo et.al, pp.83-84.
Bautista, Evelyn et.al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. TCS.
Publishing House, 2007,p.33
Abad, Marrieta A., et.al. Filipino Bilang Tanging Gamit. National Book Store, Inc.
Publishers. M.M. Phil. p. 83.
Alfonso O. Santiago. Panimulang Liggwistika, Rex Book Store 856 Nicanor
Reyes Sr. St. 1937 C.M. Recto Avenue, Manila, Phil. Copyright 1999, pp. 152-153.