3. Noong unang panahon, sa isang bayan sa Laguna matatagpuan ang napakaraming mga
puno na may mga bilog-bilog na bunga. Mukhang masarap ang prutas ngunit wala sino
man ang mangahas na kumain nito sapagkat ang mga bunga ay lason. Ni lumapit sa
nasabing puno ay ayaw gawin ng mga taong bayan.
Napatunayan nilang lason ang mga bunga nang isang araw ay may napadpad na
manlalakbay sa kanilang bayan. Dahil sa pagod, naupo ang matanda sa ilalim ng
nasabing puno upang makapagpahinga. Nang makita ng manlalakbay ang mga nakasabit
na bunga ay bigla niyang naalala ang kanyang gutom at pumitas ng mga ito.
May isa sa mga taong bayan ang nakakita nang isubo ng matanda ang bunga. Tinangka
niya itong pigilan ngunit huli na ng naabutan niya ang matanda. Nakain na nito ang
lasong bunga at unti-unti na itong nangingisay at bumubula ang bibig. Dahil sa
pangyayaring ito, mas lalong natakot ang mga taong bayan na lumapit sa puno.
Sumapit ang isang matinding tagtuyot sa lugar. Namatay ang mga pananim at ang
tanging natira ay ang mga lasong puno na hitik na hitik sa bunga. Taimtim na nag-dasal
ang mga taong bayan na matapos na sana ang tagtuyot upang sila ay muling
makapagtanim at makapag-ani ng makakain sapagkat malapit ng maubos ang nakaimbak nilang pagkain.
4. Isang araw sa kainitan ng tanghali, isang mahiwagang babae ang dumating at kumatok
sa mga pintuan ng mga taong bayan. Nanlilimos ang magandang babae ng makakain.
Ngunit walang maibigay ang mga tao sapagkat salat din sila sa pagkain. Isang bata ang
lumapit sa magandang babae at nagbigay ng kapiranggot na makakain. Pagpasensyahan
na daw niya ito dahil iyon na lamang ang natitira niyang pagkain.
Napangiti ang babae at kinuha ang pagkaing inabot ng bata. Pinanood ng bata ang babae
habang ito ay kumakain. Pagkatapos kumain, tinanong ng babae ang bata kung bakit
nila nasabing salat sila sa pagkain samantalang marami namang bunga ang kanilang mga
punong-kahoy. Ikinuwento ng bata sa babae na lason ang mga bungang ito. Napangiti
ang babae at umiling ito.
Pumitas siya ng bunga at pinisil ito hanggang sa lumabas ang laman. Bago pa man
napigilan ng bata ang babae ay naisubo na nito ang puting laman ng bunga. Nagtaka ang
bata sapagkat walang nangyari sa babae; sa halip nakangiti nitong ibinigay ang prutas sa
bata na siya namang tinikman din ang bunga.
Masarap at manamis-namis ang prutas. Sa tuwa ng bata ay napasigaw ito at tinawag ang
mga kapitbahay upang matikman din nila ang prutas. Nagsilabasan ang mga taong
bayan. Noong una ayaw nilang paniwalaan ang bata ngunit di naglaon ay tinikman din
nila ito at napag-alaman ngang matamis ang bunga. Hinanap nila ang magandang babae
upang pasalamatan ngunit wala na ito.
Naniniwala silang tinanggal ng mahiwagang babae ang lason sa mga bunga. Simula ang
dating "lason" ay naging "lansones".
5. Bakit ito tumagal? Hanggang sa
kasalukuyan?
Ito ay tumagal
hangang sa kasalukuyan dahil
maraming pa ring puno ng lansones na makikita sa
Pakil at sa iba pang mga bayan ng Laguna. Maraming
mga tao ang kumakain pa rin nito hanggang ngayon.
6. May halaga ba ito sa bayan? O sa
kasaysayan ng bayan?
Mayroon itong halaga dahil ang lansones ay masagana
sa Laguna, ito na ang nagiging kabuhayan ng mga
taga-Laguna. Sa pagbebenta nito, nag kakaroon sila ng
kabuhayan.
Mahalaga din
Laguna.
ito sapagkat dito mas nakilala ang
7. KAPANIPANIWALA BA ITO?
Hindi, dahil sabi ng alamat na isang mahiwagang
babae ang nagtanggal ng lason sa lansones at di
naman totoo ang isang engkanto at ito ay kathang isip
lamang at isang kwentong bayan. Isa din itong alamat
at madalas ang alamat ay di makakatotohanan.
8. Ano ang reaksyon ng karamihan sa mga
kuwentong ito?
Maraming namamangha, hindi makapaniwala na dati
palang may lason ang bunga ng lansones. May mga
nagdududa kung totoo ang kwento.