2. Ang klima ng isang lugar ay malaking hamon sa mga
mamamayan nito. Nakabatay sa kakayahan ng mga
mamamayang makaangkop sa kanilang kapaligiran
ang pag-unlad at pagyaman ng kanilang pamumuhay.
Tunay nangng mapanghamon ang kalikasan dahil
may mga lugar sa asya na kung saan sinusubok nito
ang tiyaga, talino, husay, pagkamalikhain at lakas ng
mga asyano. Nangangahulugan lamang na likas sa
mga asyano ang pagiging maparaan at mahusay sa
pag angkop sa kanilang kapaligiran dahil nagawa
nilang mamuhay nang sagana sa kabila ng ganitong
kalagayang pangkapaligiran.
3. Ang hilaga at gitnang asya ay rehiyon sa pusod ng asya, naliligiran ito ng DAGAT
CASPIAN sa kanluran, china sa silangan, afghanistan sa timog at russia sa hilaga.
Kilala rin ito bilang inner asia at binansagan ang mga bansa rito bilang “mga stans” na
nasa kalakhang bahagi ng kontinenteng eurasia.
Maraming paglalarawan tungkol sa mga bansang sakop at hangganan ng hilaga at
gitnang asya. Gayunpaman, isa lamang ang malinaw rito. Nagsilbing tirahan ng mga
taong nomadiko ang rehiyon noong una at naging bahagi ito ng makasaysayang Silk
Road. Bilang resulta, nagsilbi ang rehiyon bilang tagapag-ugnay ng mga
mamamayan, kalakal at kaalaman ng Europa, KanlurangAsya,Timog Asya at
Silangang Asya.
Sa modernong pananaw, lahat ng paglalarawan sa mga bansang sakop ng hilaga at
gitnang asya ay nabibilang ang limang republikang dating kasapi sa Union of Soviet
Socialist Republics (USSR)---- ang mga ito ay ang kazakhstan, Kyrgyzstan,Tajikistan,
Turkmenistan at Uzbekistan. Dahil dito, tinagurian din ang rehiyon bilang SovietAsia.
Sa iba pang paglalarawan, isinasama rito ang Mongolia, Afghanistan, Hilaga at
Kanlurang Pakistan, Hilagang Silangang Iran, Kashmir, Ibang bahagi ng kanlurang
China (Xinking, dating tawag na silangang turkestan) at timog siberia sa russia.sa
araling ito, isinama ang siberia bilang bahagi ng hilaga at gitnang asya.
4.
5. ang hilaga at gitnang hilaga at gitnang asya ay isang malawak na
rehiyong nagtataglay ng iba’t ibang katangiang heograpikal tulad
ng matatarik na bangin, kabundukan (Tian Shan), malalawak ng
disyerto ( Karakum, Kyzyl Kum,Taklamakan) at kalakhang bahagi
nito ay tundra, taiga at mga damuhan tulad ng steppe at prairie
Pangunahing mga ilog ng rehiyon ang Amu Darya, Syr Darya, At Hari.
Itinuturing ding mga pangunahing anyong tubig nito ang dagat
Aral at Lake Balkhash. Nasa siberia ang lake baikal na siyang
pinakamalalim na lawa sa daigdig. May lalim itong 5,387
talampakan below sea level. Isa ito sa mga pinakamatanda at
pinakamalinaw na lawa sa daigdig. Sinasabing ito ay 30 milyong
taon na ang edad at may pinakamahabang sukat na 636 kilometro
at pinakamaluwang sa sukat na 79 kilometro.Tinagurian din itong
“ Perlas ng Siberia.
6.
7.
8. Tinagurian ang hilaga at gitnang asya bilang arctic asia dahil sa lokasyon itong malapit sa Arctic
Ocean. Dahil dito, nagtataglay ito ng mga biome (tuwirang panirahan ng mga hayop sa halaman
batay sa klima) na tanging sa rehiyong arctic lamang matatapuan tulad ng tundra at taiga.
Karamihan sa mga halaman sa rehiyon ay nababalutan ng kagubatang koniper (boreal). Ang
rehiyong ito ay tinatawag na taiga na nagtataglay ng pine, fir , larch, birch, aspen at willow. Ang
taiga at terminong ruso na nangangahulugang kagubatan at ito ang pinakamalaking biome sa
mundo. Dahil tuwid at matatas ang mga puno rito, timber ang pangunahing industriyang
pangkagubatan ng mga lugar dito. Panirahan ang taiga ng mga hayop tulad ng beaver, meado
vole, ermine, red fox at ilang mga tigre.
nasa hilagang bahagi ng taiga ang tundra. Ito ang mas malamig na bahagi ng arctic. Ang tundra
ay isang biome na kung saan nahahadlangan ng lamig ang paglaki ng mga halaman. Nagmula ito
sa terminong sapmi na tundar na nangangahulugang “ Kabundukang walang puno”.Tatlo uri ng
tundra ArcticTundra, AlpineTundra at AntarticTundra. Arctic Tundra ang nasa hilagang asya. Ang
tundra ay tumutukoy sa lugar na kung saan ang lupa ay permafrost o permanenteng nagyeyelo
ang lupa. Nagtataglay ang tundra ng mabababang halaman, damo, lumot at lichens. Ang mga
hayop na may malaking bilang sa rehiyong ito ay ang caribou (reindeer) musk ox, arctic hare,
arctic fox, snowy owl, lemmings, at polar bear ( sa pinakahilagang bahagi).Tinatawag na
timberline o tree line ang pagitan ng tundra at taiga
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27. tatlong uri ng damuhan ang makikita sa hilaga at gitnang asya– ang steppe,
prairie at savannah
Ang steppe biome at tuyo, malamig at may damuhang matatagpuan sa lahat ng
kontinente maliban sa australia at antartica. Malawak ang steppe na nasa
siberia. Hindi mahalumigmig ang hangin dito sa pagkat malayo ang lokasyon nito
sa karagatan at nahahadlangan ng mga kabundukan
Karaniwang matatagpuan ang steppe biome sa pagitan ng disyerto at
kagubatan. Mayroon itong malalawak na damuhang may mababaw na ugat.
Kapag nakakukuha ito ng maraming ulan, nagiging kagubatan ito ngunit kung
hindi, maaari nang maging disyerto.
ang prairie ay rehiyong patag o lupaing maburol na nababalutan ng mga damo
at ndi ng mga puno, mayroon itong matataas na damuhang nagtataglay ng
malalalim na ugat. Isa sa mga pangunahing biome ay ang prairie na matatagpuan
sa hilagang siberia.
Ang savannah ay biome ng pinagsamang damuhan at ilang kalat-kalat na puno
na matatagpuan sa mga kagubatang tropikal at disyerto.Tinatawag din ang
savannah bilang damuhang tropikal. Malaking bahagi nito ay makikita sa
dalawang bahagi ng ekwador sa gilid ng mga kagubatang tropikal
34. SUKAT 2, 715, 900 (KILOMETRO KWADRADO)
KAPITAL ASTANA
YUNIT NG SALAPI TENGE
YAMAN NATURAL GAS, PETROLYO, IRON ORE,
MANGANESE,CHROMITE ORE, COPPER,
POLLYMETALLIC ORES, NICKEL,TUNGSTEN,
MOLYBDENUM AT IBA PANG DI
PANGKARANIWANG METAL
TEMPERATURA 12 *C HANGGANG 30 *C
PORSYENTO NG LUPANG NASASAKA 8.28%
35. Nagmula ang pangalang kazakhstan sa mga
katutubo nitong kazakh. Ito ang
pinakamalaking bansa na napapalibutan ng
lupa (landlocked) sa mga hangganan.
Dumaan ang bansa sa kasaysayan ng
pananakop ng mga Mongol at mga Russian.
Nang masakop ito ng russia, naging kasapi ito
ng USSR at naging isang nagsasariling estado
nang mabuwag ang Soviet Union noong 1991
36. Ang lupain ng kazakhstan ay nasa hilagang
kanluran ng china, isa ito sa pinakamalaking
bansa sa asya. Nahahangganan ito ng
turkmenistan, Uzbekistan, at Krygystan sa
timog: Russia sa hilga; Russia at Dagat
Caspian sa kanluran; at ang XinjiangChina sa
Silangan
37. Maraming pagkakaiba sa topograpiya ng
kazamkhstan. Pinakamataas na bundok nito ang khan
tengri na nasa hangganan ng kyrgytan sa kabundukan
ngTian Shan. May taas itong mahigit 7,010 metro;
pinakamababang bahagi ng bansa ang ilalim ng
karagiye depression (lubak) na may sukat na -132
metro below sea level na nasa probinsya ng
Mangystau, silangan ng Dagat Caspian, karamihan sa
bahagi ng bansa ay nasa elebasyong 200 hanggang
300 metro above see level.ngunit ang ilan sa mga
baybaying ng Caspian sa Kazakhstan ay itinuturing na
ilan sa pinakamabababa sa mundo.
38. Nababalutan ng nyebe sa buong taon ang
karamihan sa tuktok ng altai at tian shan na
siyang pinagmumulan ng tubig ng karamihan
sa mga ilog ng bansa.
39. Maliban sa mga ilog ngTobol, Ishin at Irtysh,
lahat ng ilog sa kazakhstan ay nasa bahaging
landlocked. Ang ilan dito ay nagtatapos sa dagat
caspian at ang ilan naman ay nagwawakas sa
mga steppe at disyerto sa gitna at timog
kazakhstan. Karamihan sa mga ilog at lawa nito
ay nawawalan ng tubig sa panahon ng tag-araw.
Ang tatlong pangunahing anyong tubig ng
bansa ay ang lake balkhash sa silangan na
bahagyang tabang at alat, ang dagat caspian at
dagat aral--- parehong sakop ng kazakhstan ang
ilang bahagi ng mga ito.
40. Kontinental ang klima sa kazakhstan.
Mahaba lubos na maginaw ang taglamig at
maikli ang tag-araw. Sa panahon ng tag-
araw, ang temperatura ay umaabot sa
mahigit 30 *C (86*F) hanggang -12*C
(10.4*F) sa panahon ng taglamig.
Mayaman ang hilagang asya sa halos lahat ng
uri ng mineral. Nababahagian ng yamang ito
ang kazakhstan
41. Nagtataglay ito ng malaking deposito ng
petroleum at natural gas na siyang nakatulong
nang malaki sa ekonomiya ng bansa. Nasa
Kazakhstan din ang pangalawang
pinakamalaking reserba ng uranium, chromium,
lead, zinc, pangatlo sa reserba ng manganese,
ikalima sa copper, ikasampu sa reserba ng coal,
bakal at ginto ng ikalabing-isa sa reserba ng
langis natural gas. Hindi man mayaman ng
lupang sakahan, nakapagtatanim pa rin ang mga
mamamayan sa bansa ng trigo at bulak.
42.
43. SUKAT 143,100
KAPITAL DUSHANBE
YUNIT NG SALAPI RUBLE
YAMAN PETROLYO, URANIUM, MERCURY,
BROWNCOAL, LEAD, ZINC, ANTIMOTY,
TUNGSTEN, PILAKAT GINTO
TEMPERATURA 23 *C HANGGANG 30 *C (TAG-ARAW)AT
-1 *C HANGGANG 3*C (TAGLAMIG)
PORSYENTO NG LUPANG NASASAKA 6.52%
44. Nagmula ang pangalang tajiskistan sa
mgakatutubong tajik na sinasabing may lahing
Persiano. Dumaan ito sa seye ng pananakop ng mga
arabe, Mongol at Ruso. Nagsarili ang tajikistan bilang
isang malayang estado noong 1991 nang mabuwag
ang USSR.
Nakalatag ito sa timog-silangang bahagi ng rehiyon.
Nahahangganan ito ng Uzbekistan at Kyrgyzstan sa
hilaga, Afghanistan sa timog at china sa
bulubunduking bahagi nito sa silangan. Ito ay isang
bansang napapalibutan ng lupa (landlocked) at
pinakamaliit ang sukat sa gitnang asya.
45. Ito ay lupain ng mga bundok sa ilog. Sa katunayan, mahigit 90%
ng lupain nito ay nababalutan ng bulubundukin. Nakalatag ang
lupain nito sa bahagi ng pamir at tien shan na may taas mula 300
metro hanggang 7,495 metro. Nagtataglay ang tajikistan ng 947
ilog na may habang mahigit sa sampung (10) kilometro.
Pinakamalaking ilog ng bansa ang Amu Darya, Syr Darya (sa
hilaga), Zeravshan (kaugnay ng Amu Darya),Vakhsh at ang Panj
May mga lawa rin sa tajikistan. Pinakamalaki rito ang Lake Karakul
sa Silangang Pamis. Ang kabuuang sukat ng maalat na lawang ito
ay 380 kilometro kwadrado. Pinakamalalim na lawa ng bansa ang
Lake Sarez sa Kanlurang Pamir na may sukat na 86.5 kilometro
kwadrado at may lalim na 490 metro.Tabing ang tubig sa lawang
ito.
46.
47.
48.
49. Ang mga kabundukan ngTajikistan ay tanyag sa kanilang glacier
(nababalutan ng yelo) at itinuturing na pinakamalawak sa asya ang
Fredchenko Glacier, ang Pamir at ang Zeravshan Glacier.
Ang gitnang bahagi ngTajiskistan ay nababalutan ng Hissar-alay
Ridges (timog ngTien Shan). Ang Dushanbe – kabisera ng bansa
ay nasa Lambak Hissar sa paanan ng kabundukang Hissar.
Ang pamir ay nasa timog silangang bahagi ng bansa.
Pinakamataas na bundok ng Pamir at ng Bansa ang Communism
Peak na may taas na 7,495 metro (24,590 talampakan). Kilala rin
ito bilang Ismoil Somoni Peak. Nakatalag ito halos sa probinsya
mg Gorno-Badakhstan ng bansa at probinsya ng Badakhstan sa
Afghanistan.
50. Sa pangkalahatan, nakararanas ang tajikiistan ng klimang
kontinenral, subtropikal at maladisyerto na may mga disyertong
bahagi. Ngunit nag-iiba ang klima batay sa elebasyon. Ang
Lambak ng Fergana at iba pang mabababang lupain ay
nahahadlangan ng mga kabundukan sa mga bahaging
nagmumula sa Arctic ngunit mababa pa rin ang temperatura nito
(below freezung point) na tumatagal nang halos 100 araw sa isang
taon. Sa rehiyong timog kanlurang kapatagang subtropikal na
may pinakamataas na temperatura, ang klima ay tigang.
Ang mga pangunahing pananim ay barley, bulak, trigo at gulay.
Mayaman din ito sa mineral na uling, Lead at zinc. Pangunahing
industriya ang pagtunaw ng aluminyum, paggawa ng semento,
damit at sapatos.
51.
52.
53.
54.
55.
56. Nananatili itong pinakamahirap na bansa sa
mga dating kasapi ng USSR at sa gitnang Asya.
Ang pangunahing kita ng bansa ay nagmumula
sa produksyon ng aluminyum (aluminum),
pagtatanim ng bulak at kwartang padala ng mga
manggagawa sa labas ng bansa. Sa bansa
makikita ang pinakamalaking planta ng
aluminyum sa gitnang asya at isa sa
pinakamalaki sa buong daigdig. Ngunit dahil sa
korapsyon at di-maayos na patakarang pang
ekonomiya, nananatiling mabagal ang pagunlad
nito.
57.
58.
59. SUKAT 199,00 (KILOMETRO KWADRADO)
KAPITAL BISHKEK
YUNIT NG SALAPI SOM
YAMAN GINTO, MERCURY, URANIUM, NATURAL
GAS, COAL, LANGIS, NEPHELINE, BISMUTH,
LEAD AT ZINC.
TEMPERATURA -9*C HANGGANG 23*C
PORSYENTO NG LUPANG NASASAKA 6.55%
60. Nagmula ang pangalang kyrgyztan sa mga
katutubong kyrgz – mga pastol at nomadikong
Turkic na ang unang naninirahan sa
kabundukangTien Shan. Galing ito sa salitang
Kyrgyz na pinaniniwalaang salitangTurkic na
ang ibig sabihin ay apatnapu (40) na tumutukoy
sa 40 lipi ng mga manas. Makikita rin ang 40
sikat ng araw sa watawat ng bansa na
tumutukoy sa apatnapung tribo. Naging isang
nagsasariling estado ang Kyrgyzstan. Matapos
itong humiwalay sa USSR noong 1991.
61. Ang Kyrgyztan ay isang lupaing landlocked at bulubundukin na
nasa silangan ng China. Nahahangganan din ito ng Kazakhstan sa
hilga, Uzbekistan sa kanluran atTajikistan sa timog kanluran. Dahil
sa pagkakahati ng gitnang asya limang republika, maraming
pangkat etnikong Kyrgyz ang hindi nakatira ng Ilang kilometro ---
dalawa sa Uzbekistan at isa saTajikistan.
Ang matataas na lupain ng Kyrgyzstan ay sakop ng mga
kabundukan ngTien Shan at Pamir na umookupa sa 65% ng
Teritoryo ng bansa. Ang kabundukan ng alay na bahagi ngTien
Shan ay sumasakop sa timog kanlurang bahagi ng bansa at
binabagtas naman ng kalakhang bahagi ngTien Shan ang
Silangang lupain ng Kyrgyztan na nagsilbing hangganan ng bansa
at ng china
62. Matataas at matatarik ang mga kabundukan sa Kyrgyztan na
pinaghihiwalay ng malalalim na lambak. Malalawak din ang
glaniclation (nababalutan ng yelo) sa Kyrgyztan . Mayroon itong
6500 glacier na tinatayang may sukat na 650 kilometro kubiko
(cubic kilometers) ng tubig.Tanging ang paligid ng Chui,Talas, at
Lambak ng Fergana lamang ang malalawak ng kapatagan ng
bansa na angkop sa agrikultura
Dahil nababalutan ng yelo ang mga kabundukan ng Kyrgystan,
mayaman sa suplay ng tubig ang bansa. Ngunit wala sa mga ilog
ng Kyrgyztan ang maaaring daanan ng barko. Karamihan sa mga
ito ay maliliit at makikitid. Karamihan sa mga ilog ng bansa ay
sanga (tributaries) lamang ng ilog Syr Darya. Isa pang
pangunahing ilog ng bansa ang Chui na dumadaloy mula hilaga
patungong hilagang kanluran hanggang sa katimugang bahagi ng
Kazakhstan.
63. Ang Issyk Kul ay pangalawang pinakamalaking lawa sa Hilagang
Asya . May haba itong 182 kilometro at luwang na 60 kilometro.
Ito ay may kabuuang sukat na 6,236 % kilometro kwadrado.
Ikasampuu ito sa pinakamalalaking lawa sa kabuuang sukat sa
buong daigdig.Tinatayang may 2,000 lawa ang makikita sa
Kyrgyzstan.
Malaki ang impluwensya ng kabundukan sa klima at bansa.
Naaapektuhan din ito ng kanyang lokasyon sa gitna ng Eurasia
(landmass) at kalayuan sa karagatan. Magkakaiba ang klimang
nararanasan sa bansa. Kontinental sa ilang rehiyon at ang iba
naman ay halos marine lalung-lalo sa mga lugar na malapit sa
Issyk Kul. Malaking bahagi ng bansa ay nakararanas ng klimang
temperate sa mantalang subtropikal naman sa timog .
64. Ang agrikultura ay isang mahalagang sektor ng ekonomiya ng
Kyrgyztan. Pangunahing tanim ang trigo, matamig na aselya
(sweet beet), bulak, patatas, mga gulay at prutas. Nag-aalaga rin
ng hayop at nakakapagpoprodyus ng karne, lana (wool), at mga
gatas na nagsisilbing pangalakal. Makikita rin ang industriya ng
uling, ginto, uraniyum, antimoty, at ilang mahahalagang metal. Isa
sa mga napakahalagang industriya ng bansa ang metalurhiya
(metallurgy) na inaasahan ng pamahalaan na makaakit ng
mamumuhunan.
Nananatiling pangalawa sa pinakamahirap na bansa sa mga dating
sakop ng USSR (Union Od Soviet Socialist Republics) at sa gitnang
asya sa kasalukuyan ang Kyrgyztan.
65.
66.
67. SUKAT 447 ,400 (KILOMETRO KWADRADO)
KAPITAL TASHKENT
YUNIT NG SALAPI SOM
YAMAN GINTO,URANIUM, POTASSIUMAT NATURAL
GAS
TEMPERATURA -23 *C (TAGLAMIG)AT 40*C (TAG-ARAW)
PORSYENTO NG LUPANG NASASAKA 10.51 %