SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 37
MODULESA PAGPAPASEMINAR
1
jvaragon2014
PAKSA 1: PANALANGIN
Paano ba tayo nakikipag-usap?
 nag-uusap ng harapan, sa pamamagitan ng cellphone (text or call) etc….
Paano tayo nakikipag-usap sa Diyos?
 sa Panalangin o pagdarasal
PANALANGIN-ayon kay santa Teresa ng Avila, “Personal na pakikipag-usap sa Diyos”
 ito ay oxygen ng ating kaluluwa
 Personal na pagbaling sa Diyos - sa pagdarasal personal tayong tumutugon sa
panawagan ng Diyos na ibigin siya.
 Pagbubukas ng ating isipan at puso sa Diyos
 Personal at buhay na pakikitungo ng mga anak ng Diyos sa Kanyang Ama.
Bakit kinakailangan nating manalangin o magdasal?
 ADORATION- upang magpuri o magpugay sa Diyos na makapagyarihan at
tagapaglikha
 CONTRITION- upang humingi ng tawad sa mga nagawang kasalanan bunga ng
mga kahinaan.
 THANKSGIVING-upang magpasalamat sa mga biyayang tinatanggap sa araw-
araw
 SUPPLICATION-upang magsumamo / humingi ng tulong na bigyan ng mga
pangangailangan sa buhay, lakas na maiwasang magkasala at makasunod sa
kanyang kalooban.
Uri ng Pananalangin
Mental Prayer- mga panalangin na sa isip lamang
Vocal Prayer- mga panalangin na binibigkas ng ating mga labi.
Mga Pangunahing Panalangin:
Tanda ng Krus
 Ito ay dakilang simbolo / tanda /tatak ng ating pagiging kristiyanong Katoliko. Ito
ang pagkakakilanlan (identitiy) natin bilang mga binyagan katoliko. Kaya tayo,
bilang mga binyagang katoliko ay nag-aantanda ng Krus upang ipahayag na tayo
ay Anak ng Diyos Ama, kapatid ni Jesus at pinapatnubayan / pinababanal ng
Espiritu Santo
 Ang krus ay tanda ng dakilang pag-ibig ng Diyos sa tao. nang dahil sa pagmamahal
ay ipinagkaloob ng Diyos Ama ang kanyang Anak na si Jesukristo (na
nagkatawang-tao sa kapangyarihan ng Espiritu Santo)
 Tanda ng ating kaligtasan. na kung saan higit na ipinahayag ni Jesus ang wagas na
pagmamahal sa tao.
 Ito rin ay kapahayagan ng ating pagsamba /pagkilala sa iisang Diyos na tatlo ang
pagkapersona. Ang Diyos Ama na Siyang Tagapaglikha; ang Diyos Anak, si
Jesukristo na Siyang Tagapagligtas; at ang Diyos Espiritu Santo na Siyang
Tagapagpabanal at gumagabay. Ito ay ang pagpapagahay ng pinakamataas at
pinakabanal na katotohanan ng ating pananampalataya. ng pagsamba sa Bnal na
Santatlo habang ating inaalaala ang ginawang pagliligtas sa atin ni Jesukristo.”
MODULESA PAGPAPASEMINAR
2
jvaragon2014
(tuturuan ng katekista ng tamang paraan ng pag-antanda ng krus ang mga
pinapaseminar)
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo
Ama Namin
Ama Namin sumasalangit ka sambahin ang ngalan Mo, mapasaamin ang kaharian
Mo sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw patawarin mo kami sa
aming mga sala para ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin at huwag mo kaming
ipahintulot sa tukso at iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen
 Ito ay huwaran o kumpletong panalangin sapagkat nakaloob rito ang A-C-T-S
 Ang Ama Namin tinatawag na Panalangin ng Panginoon sapagkat ito ang
panalanging itinuro ng ating Panginoong Jesukristo sa kanyang mga apostol noong
lumapit sila sa kanya at nagpaturong manalangin.
Ano ang ipinahihiwatig kapag sinasabi nating ‘Ama Namin’
 Nagpapahayag ito nang isang bagong pakikipag-ugnayan, nang malinaw na
pagtanggap at pagpapahayag ng ating relasyon sa isa’t-isa
 Ito ay pagsamba sa Diyos bilang atimg Amang Maylikha.
Ano ang nilalaman ng panalanging ito?
 ito ay binubuo ng pitong kahilingan
 Ang unang tatlong kahilingan ay nakatuon sa Diyos at sa kanyang kaluwalhatian.
Ang “kahilingan- Mo” na para sa pagsamba sa Diyos Ama.
1. Sambahin ang ngalan Mo.
2. Mapasaamin ang kaharian Mo;
3. Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit,
 Ang apat na huling kahilingan naman ay mag pagsusumamo / paghingi ng tulong sa
Diyos Ama ng awa dahil sa ating karukhaan at mga hangarin. “Kahilingan- Namin”
para sa kabutihan ng mga nananalangin:
4. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
5. At patawarin Mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa
nagkakasala sa amin.
6. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
7. At iadya Mo kami sa lahat ng masama
Amen- nagpapahayag ng pagtitiwala at pananalig.
Aba Ginoong Maria
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya ang Panginoong Diyos ay suamasaiyo
bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung
kami’y mamamatay. Amen
 ito ay panalangin kay Santa Maria.
 kinikilala natin si Maria bilang ina ni Jesus.
MODULESA PAGPAPASEMINAR
3
jvaragon2014
 ipinagdalang tao niya si Jesus sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu
Santo (Lk. 1:35). Siya ang gumabay kay Jesus hanggang siya ay magsimula
na sa kayang misyon (Lk 2:39-40)
 Itinanghal din siya bilang ating Ina (spiritual mother), tagapagtanggol at
katuwang, huwaran bilang mapagkumbabang lingkod ng Panginoon at bilang
banal at may kabutihang asal
Saan nagmula ang panalanging ito?
 Unang bahagi, mula sa Banal na Kasulatan (Lukas 1:26-37)
 Hinihiling natin kay Santa Maria na tayong mga makasalanan ay kanyang
ipanalangin sa kanyang Anak na si Jesukristo sapagkat naniniwala tayong ‘mabisa
ang taimtim na panalangin ng taong matuwid’( Santiago 5:16) tulad ni Santa Maria.
Luwalhati
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo Kapara nang sa unang una ngayon
at magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen
 ito ay isang doxolohiya na nangangahulugang maikling awitin/ panalangin ng
pagpupuri/ pagsamba sa Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo sa lahat ng panahon.
 Isang panalanging nagpupuri at kumikilala sa Diyos bilang Diyos.
Ang nais ipahayag sa atin ng panalanging ito una, ang pinakamataas na doktrina /
katotohanan ng ating Simbahan; ang Banal na Santatlo (Iisang Diyos sa tatlong Persona-
Ama, Anak, at Espiritu Santo). Ikalawa, ang nararapat na papuri at pagsamba na dapat
ilaan sa Diyos sa lahat ng panahon, habang tayo ay nabubuhay. Siya ang nagkakaloob ng
lahat ng biyaya.
SUMASAMPALATAYA
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng
langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating
lahat. Nagkatawang- tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang
Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing, nanaog sa
kinaroroonan ng mga yumao; nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-uli, umakyat sa
langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat; doon
magmumulang paririto at huhukom sa nangabuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang
Katolika; sa kasamahan ng mga Banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay
na muli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen
 Ito ay tinatawag na ‘kredo’
 Ito ay panalanging nagpapahayag ng kabuuan ng mga katotohang pinaniniwalaan/
sinasampalatayanan ng mga Kristiyanong Katoliko.
 Ito ay summary of our faith, of what we believe (buod ng ating pananampalataya,
na ating pinaniniwalaan.)
 Ito ay simbolo ng ating pananampalataya. Sa panalanging ito tinipon /
pinagsamasama ang mga katotohanang itinuturo ng Simbahan at siyang nagbubuod
ng mahahalagang katotohanang ating pinaniniwalaan.
MODULESA PAGPAPASEMINAR
4
jvaragon2014
 Ito ay santatluhan (Trinitarian). Patungkolsa iisang Diyos sa tatlong Persona (One
God in three divine person.)
 Ito ay may tatlong bahagi na, patungkol sa Diyos Ama, Ikalawa patungkol sa Diyos
Anak at Ikalto patungkol saDiyos Espiritu Santo.
 Ito ay nahahati sa labindalawang artikulo o aral (12 articles)
1. Ang Diyos Ama bilang makapangyarihan at maylikha ng lahat
2. Si Hesukristo bilang iisang Anak ng Diyos at Panginoon
3. Siya ay ipinaglihi lalang ng Espiritu Santo at ipinanganak ni Santa Mariang Birhen
4. Siya ay pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing;
5. Siya ay nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao at nabuhay na mag-uli sa ikatlong
araw
6. Siya ay umakyat sa langit at naluluklok sa kanan ng Diyos Amang
makapangyariahan sa lahat;
7. Doon (sa langit) magmumulang paririto si Hesus sa kaluwalhatian upang hukuman
ang nangamatay at nangabubuhayna tao;
8. Ang pagsampalataya sa Diyos Espiritu Santo
9. Pagsampalataya sa Banal na Simbahang katolika;
10.Pagsampalataya sa kapatawaran ng mga kasalanan
11.pagsampalataya sa muling pagkabuhay ng mga nangamatay na tao; at
12.Pagsampalataya sa buhay na walang hanggan.
Mahalaga ang dasal na ito sapagkat sa pamamagitan nito ay naipagbibigay alam ang
Kristiyanong mensahe sa sanlibutan, kaya nga ito’y tinatawag na buod ng ating
pinanampalatayanan.
Ito ay batayan ng ating pinaniniwalaan at ng mga katuruang pansimbahan tungkol kay
Hesukristo.
Nagapapakita ng kaisahan (unity) nating mananampalataya kay Kristo
Mayroon tayong isang pinaniniwalaan at depensa laban sa anumang mali o salungat na
katuruan.
Hamon: Bilang mananampalatayang Katoliko, tayo ay hinihimok na dasalin ng taimtim at
may tamang pag-unawa ang dasal na ito sapagkat sa bawat pagbigkas natin nito ay
ipinapahayag natin ang ating pananampalataya sa Panginoong Diyos na lubos ang
kabutihan at pagmamahal sa ating lahat.
Pagsisisi
O Diyos ko, ako’y nagsisisi nang buong puso, sapagkat ako’y nagkasala sa Iyo. At
kinapopootan ko ang lahat ng kasalanan ko sapagkat natatakot akong di ko makamtam ang
langit at maparusahan sa impiyerno. Subalit higit sa lahat, sapagkat nilapastanganan Kita,
O Diyos ko, gayong napakabuti Mo at dapat kang ibigin ng buo kong puso. Nagtitika
akong matibay sa tulong ng iyong grasya, na ikumpisal ang mga kasalanan ko,
magpakasakit at magbagong- buhay. Amen
MODULESA PAGPAPASEMINAR
5
jvaragon2014
PAKSA 2: ANG SAMPUNG UTOS NG DIYOS
Bakit kailangan ang isang batas sa lipunan?
 upang magkaroon ng kaayusan
 upang mayroong gabay na dapat sundin
(tanungin ang mga tagapakinig at kuhain ang sagot)
Ano ang pamantayan o batas?
 ito ay isang atas ng katwiran na itinakda ng may kakayahan, may kapangyarihan
para sa kapakanang panlipunan.
 Ipinapahayag ng mga moral na pamantayan, batay sa isang moral na
pananaw
Ano ba ang pinakamataas na batas o utos?
 Ang utos ng Diyos ang pinakamataas sa lahat ng batas o utos na umiiral sa mundo.
SALITA NG DIYOS
Alamin natin ngayon kung ano ba ang kanyang mga utos (Ex 20:2-17) Deuteronomio 5:1-
22
1. Ilan ang ibinigay na utos ng Diyos?
 10
2. Kanino ibinigay ang sampung utos?
 kay Moises
3. Saan ibinigay ang sampung utos?
 Sa bundok Sinai
4. Bakit ibinagay ng Diyos ang kanyang utos sa tao?
 Upang tayo o ang tao ay makaiwas sa kasalananan
INTERPLAY
Ang isang lipunan ay kailangan ang batas upang magkaroon ng kaayusan at
mayroong gabay na dapat sundin ang mga mamamayan (halimbawa ay ang batas Trapiko
kung wala ang batas na ito maaaring maraming mga maaaksidente, magulo ang daanan), at
iba pa kaya nga maraming mga batas ang umiiral ngayon sa ating bansa subalit ang
gumawa nito ay isang namumuno sa lipunan sa madaling salita isang tao lamang kaya’t
mas mataas ang Batas ng Diyos sapagkat ang batas na ginagawa nila ay galing sa batas ng
Diyos. Ang sampung utos ng Diyos ay ibinigay kay Moises sa bundok ng Sinai na
nakasulat sa dalawang tipyas na bato, ibinigay ito ng Diyos upang tayo o ang Tao ay
makaiwas sa kasalanan at ito ang magsilbing gabay natin sa paglalakbay sa mundong ito.
Ano ba ang Sampung Utos?
Ganito ang nakasulat sa Bibliya Katesimo Opisyal
1. Ako ang Panginoong mong Diyos: huwag
kang magkaroon ng ibang mga diyos maliban
sa Akin
Ibigin mo ang Diyos nang higt sa lahat
2. Huwag mong babanggitin ang pangalan
ng Panginoong Diyos nang walang
Igalang mo ang Ngalan ng Diyos
MODULESA PAGPAPASEMINAR
6
jvaragon2014
kabuluhan
3. Alalahanin mo ang araw ng Sabat upang
pabanalin ito
Mangilin ka sa mga araw na pinangingilinan
4. Igalang mo ang iyong ama at ina. Igalang mo ang iyong ama at ina.
5. Huwag kang papatay Huwag kang papatay
6. Huwag kang makikiapid Huwag kang gagawa ng mga laban sa kalinisan
7. Huwag kang magnanakaw Huwag kang magnanakaw
8. Huwag kang sasaksi ng di totoo laban sa
iyong kapwa
Huwag kang sasaksi ng di totoo laban a
ioyng kapwa
9. Huwag kang magnasa sa asawa ng iyong
kapwa
Huwag kang sumang-ayon sa mga isipin at
pagnanasang laban sa kalinisan
10. Huwag nanasain ang ari ng iyong kapwa Huwag mong pagnasaan ang ari-arian ng iyong
kapwa
Ang Sampung utos ng Diyos ay nahahati sa dalawa ito ay ang Pag-ibig sa Diyos at Pag-
ibig sa Kapwa ito ang pinakamataas na utos (Mt. 22;37 o Lk10:27). Ang unang tatlong
utos ng Diyos ay ukol sa mga tungkulin ng tao sa kanyang Diyos. Ang huling pito ay mga
tungkulin sa kapwa.
PAGPAPALIWANAG:
Unang utos: Ibigin mo ang Diyos nang higit sa lahat
Ano ang ipinag-uutos sa unang utos?
 Ipinag- uutos ng Diyos sa unang utos ang pagsamba sa kanya sa pamamagitan ng
pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa kanya
Ito ay tumatawag sa tao upang sumampalataya sa Diyos, umasa sa kanya at umibig sa
kanya ng higit sa lahat ng bagay. Iniibig natin ang Diyos nang higit sa lahat ng bagay
kung sa lahat ng panahon at bagay ay tinutupad natin ang kanyang mga utos at
kalooban.
Bakit kailangan ng tao ang pananampalataya?
 Hindi natin maaaring sambahin at ibigin ang Maykapal kung hindi natin siya kilala.
Ang ibig sabihin ng pagsampalataya ay tanggapin nang buong puso ang mga
ipinahayag ng Diyos at itinuro ni Kristo, na ngayon ay ipinangangaral ni Iglesya
Katolika.
Hinihingi sa atin na alagaan at ingatang mahinahon at masuri ang ating
pananampalataya at iwasan ang tanang labag dito.
Ano ang ibig sabihin ng Pag-asa?
 Kung nagpapahayag ang Diyos at tinatawag ang tao, hindi ito maaaring lubusang
tumugon sa pag-ibig ng Diyos sa sarili niyang lakas. Dapat umasa sa Diyos na
bibigyan siya ng lakas upang tugunin ang gayong pag-ibig at gumawa nang ayon sa
mga utos ng pag-ibig.
Paano tayo nagkakasala sa unang utos ng Diyos?
 Sa kusang pag-alinlangan sa pananampalataya winawalang bahala o tinatalikdan
ang tunay na pahayag ng Diyos at ang aral ng Simbahan na dapat sumampalataya.
MODULESA PAGPAPASEMINAR
7
jvaragon2014
 Di- pagsampalataya - inkrekulidad ay paglait sa katotohanang ipinahahayag o kaya
ang kusang pagtakwil sa paniniwala.
 Herecy o Herejia ang matinding pagtakwil, pagtatwa, pagkatapos tanggapin
ang binyag, ng isang katotohanan na dapat sampalatayanan nang may
pananampalatayang maka- Dios at Katoliko o kaya ang alinlangang mahigpit
tungkol doon
 Apostacy oApostacia ang pagtakwil o pagtalikod sa buong
pananampalatayang Kristiyano.
 Cisma ang pagtutol sa pagsunod sa Santo Papa o sa pakikisama sa mga
kasapi ng Iglesia.
 Desesperasyon pagwawalang -pag-asa, di na inaasahan ang Diyos sakanyang
kaligtasang Personal , ang tulong upang marating iyon o ang kapatawaran ng
kanyang mga kasalanan.
 Presunsyon o Presumption
 Lisyang nananalig ang tao sa sariling lakas- umaasang maliligtas sa sariing
lakas, at di sa Diyos
 malabis na umaasa sa kapangyarihan ng Diyos o sa kanyang awa- umaasang
magkakamit ng kanyang kapatawaran ng walang pagbabagong- loob at ng
kaluwalhatian nang walang merito
 Pagwawalang-bahala o Indeferencia- itinatabi o itinatakwil ang pag-ibig sa
Diyos; hinahamak ang pauna niyang aksion at itinatatuwa ang lakas nito.
 Di - pagtanaw ng utang na loob nililimot o itinatatwang kilalanin ang pag-ibig ng
Diyos at di sinusuklian ang pag-ibig ng pag-ibig.
 Katamlayan o tibieza ay ang isang alinlangang ibigay ang sarili sa mabathalang
pag-ibig, maaring tukuyin ang Pagtangging ibigay ay sarili na alok ng pag-ibig.
 Acedia o katamaran sa Espiritual sinusugpo ang galak na galing sa Diyos at
nasisindak sa kabutihang banal.
 Poot sa Dios nagmumula sa kapalaluan salungat sa pag-ibig ng Diyos na ang
kabutihan ay itinatatuwa at nilalapastanganan yayamang kinokondena ang
kasalanan at nagpapataw ng parusa.
 Superstisyon o Pamahiin isang uri ng kasamaan ng relihio dahil sa kalabisan at
lisya sa damdamin relihioso at sa mga gawaing ipinag-uutos
 Idolatria o pagsamba sa dios- diosan, Politeismo hal. salapi, kapangyarihan,
hinihingi sa tao huwag sumampalataya sa ibang mg adios maliban sa tunay na
Diyos at huwag ambahin ang ibang dios maliban sa kaisa-isang Dios.
 Adivinasyon o Panghuhula ito ay ang pagdulog kay Satanas, o sa mag Demonyo,
ang pagtawag sa Patay o evocacion, pagsangguni sa mga horoscope, astrolohia at
iba pa at dapat ito ay itakwil at ang lahat ng gawain ng Mahika o ng pangkukulam
(magia, hechiceria) na sa pamamagitan nito ikinukunwaring supilin ang mga
natatagong lakas upang gamitin para sa sariling kapakinabanganat magtamo ng
lakas sobrenatural sa kapwa. Ang espiritisimo ay malilmit tumutukoy sa mga
gawain ng panghuhula o mahika.
 Irelihion o Panunukso sa Diyos ito ay pagsubok sa wika o sa gawa sa kabutihan at
kapangyarihan ng Diyos.
MODULESA PAGPAPASEMINAR
8
jvaragon2014
 Sacrilege o Sakrilio paglapastangan o gamiting di- karapat- dapat ang mga
sakramento at ibang mga gawaing liturhiko, tulad ng mga persona, bagay, mga
pook na nakalaan sa Diyos. ito ay isang mabigat na kasalanan, lalo na kung
nilapastanganan ang Eukaristia sapagkat nasa sakramentong ito ang Katawan ni
Kristo, taglay ang pagka Diyos.
 Simony o Simonia (Gawa 8:9-24) Ito ay ang pagpapabibili o pamimili na mga
bagay na esperitual.
 Ateismo o Atheism pagtakwil sa pagkakaroon ng Diyos
 Agnosticismo pagtatutwa sa Diyos
Bakit sa simbahan maraming mga Imahen o Rebulto ng Santo, ni Sta. Maria o Kristo
ito ba ay labag sa unang utos ng Diyos?
 Hindi ito labag sa unang utos ng Diyos sapagkat sa Diyos lamang natin ibinibigay
ang ating pagsamba ang larawan na makikita natin sa simbahan ay nagpapakita
lamang sa atin na mayroong Diyos, at ang mga santo ay di natin sinansanmba sila
ay iginagalang lamang natin bilang mga kaibigan ng Diyos at huwaran sa ating
pananampalataya na maaari natin matularan. na kung saan ito ay tulong sa atin
upang matulungan tayo na mailapit sa Diyos.
LATRIA- pagsamba na tanging ibinigay sa Diyos lamang
HYPERDULIA - parangal at paggalang kay Sta Maria
DULIA - parangal at paggalang na ibinibigay sa mga Santo at Santa.
Ikalawang Utos: Igalang mo ang Ngalan ng Diyos
Ang Pangalan ng Diyos ay larawan at sagisag ng kanyang lakas, kapangyarihan,
kabanalan at kalikasan.
Ipinag-uutos ng ikalawang utos ay magsalita nang may magalang tungkol sa Diyos
at sa mga tao o mga bagay na banal, at tuparin ang ating mga panata at panunumpa.
Nagkakasala tayo sa utos na ito sa mga sumusunod paraan
 Blasfemia ito ay ang pagsalita nang laban sa Diyos ang paglait sa kanya isang
paglapastangan.
 Pagsumpa sa kapwa o paggamit sa ngalan ng Diyos o ng isang bagay sa
sangkalikasan upang ipahamak ang kapwa.
 Pagtawag sa ngalan ng Diyos upang sumaksi sa ating sinasabi na hindi naman
makatotohanan o sa mga bagay na walang kabuluhan
 Hindi pagtupad ng ating panata sa Diyos.
Ikatlong utos: Mangilin ka kung Linggo at Pistang Pangiling
Ipinag-uutos nito ang pagsamba sa Diyos sa isang tanging paraan upang ipangilin o
igalang ang araw na nakatalaga a kanya. Ibinibigay ng Diyos ang anim na araw sa tao
upang pangalagaan ang kanyang katawan at kabuhayan, ngunit inilalaan ang isang araw sa
kanyang sarili. Samakatuwid ang paglabag sa araw ng Panginoon ay maituturing na isang
pagnanakaw ng araw na nakatalaga sa Diyos.
MODULESA PAGPAPASEMINAR
9
jvaragon2014
 Makibahagi tayo sa buong Misa (magsimba) sapagakat ito ang pinakamataas na uri
ng pagsamba sa Diyos. Sa Misa ay nakikiisa tayo kay Kristo sa kanyang
paghahandog sa Krus ng isang hain na karapat-dapat sa Ama.
Ang ipinagbabawal sa ikatlong utos ay ang paggawa ng mabigat na trabaho na dito’y
ginagamit natin ang ating katawan at hindi ang isipan, sapagkat nararapat ang
pamamahinga ng katawan upang ang tao ay magkaroon ng panahon sa kanyang kaluluwa
at sa Diyos na dapat niyang pasalamatan sa mga biyayang kaloob niya. And di pagsimba sa
araw ng Linggo nang walang sapat na kadahilanan maliban sa sakit ay kasalanan, gayon
din ang paglaktaw ng malaking bahagi sa Misa.
Sa mga pistang pangiling ay ipinagdiriwang natin ang mahahalagang pangyayari sa buhay
ng Panginoon, ng Mahal na Birhen at ng mga santo.
Sa Pilipinas, ito ang ang mga pistang pangilin:
1. Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos (Enero 1)
2. Immaculada Conception (Disyembre 8)
3. Pasko o Kapangakan ni Jesus ( Disyembre 25)
Tungkol sa pagtupad ng kautusang ito, ang Santa Iglesya ay nagbigigay ng kaluwagan
sa kanyang mga anak upang sa bisperas (hapon o gabi) ng linggo at pistang pangilin na
maaari silang magsimba at makatupad sa tungkulin ng Linggo o pistang pangilin.
Ikaapat na Utos: Igalang mo ang iyong ama at ina
Ang ipinag-uutos ng Diyos sa utos na ito ay ang paggalang at pagmamahal sa ating
mga magulang at mga pinuno ; itinakda rin niya ang mga tungkulin ng mga magualng at
mga pinuno.
Dapat nating igalang at mahalin ang ating mga magulang sapagkat binigyan nila
tayo ng buhay at kahalili sila ng Diyos. Sa paggalang ng mga anak sa kanilang mga
magulang ay ipinamamalas nila ang kanilang pagtanaw ng utang na loob sa kanilang mga
magulang.
Dapat nating mahalin ang ating bayan at pamahalaan, tumulong sa ikabubuti ng
madla, at sumunod sa mga batas na makatarungan. Tungkulin nating sumunod sa mga
pinuno at magbayad ng buwis. Kung halalan, iboboto natin ang mabubuting mga tao na
hahawak ng ating pamahalaan.
Tungkulin natin igalang, sundin at tulungan ang mga pinuno ng Santa Iglesya
bilang mga kahalili ni Kristo. Tumalima sa mga ipinag-uutos ng Simbahan at magbigay ng
nauukol sa kanilang kabuhayan.
Alin ang mga pangunahing utos ng Simbahan
a) Makibahagi sa buong Misa kung linggo at pistang pangiling. (nasa ikatlong utos ng Diyos ang
paliwanag)
b) Mag-ayuno at mag abstininsya sa mga araw na itinakda ng Simbahan.
Ayuno- pagbabawas ng pagkain tuwing Miryekules ng Abo, Miyerkoles Santo at
Biyernes Santo.
Abstininsya- hindi pagkain ng karne o lamang kati Miryekules ng Abo, Miyerkoles
Santo at Biyernes Santo at lahat ng araw ng biyernes sa mahal na araw
c) Magkumpisal minsan sa isang taon at tumanggap ng Banal na komunyon minsan
man lamang lalo na sa panahon ng Muling Pagkabuahay
MODULESA PAGPAPASEMINAR
10
jvaragon2014
d) Magbigay ng tulong sa simbahan
Maaring tayong tumulong sa simbahan sa tatlong paraan
T-reasure
T-alent
T-ime
e) Magpakasal sa simbahan ayon sa batas
Ano ang kasalanan sa utos na ito?
Ang di paggalang sa mga magulang at pinuno ng pamahalaan at simbahan.
Ikalimang utos: Huwag kang papatay
Ibinigay sa atin ng Diyos ang katawan at kaluluwa sampu ng mga sangkap nito
upang gamitin natin sa pagbibigay-luwalhati sa kanya at sa ating kaligtasan. Inaalagaan ng
Diyos ang ating buhay sa ikalimang utos.
Ipinag-uutos ng Diyos ang paggalang sa buhay at kalusugan ng katawan at
kaluluwa, ang sa ating sarili at ang sa ating kapwa. Ang Diyos lamang ang Panginoon at
may-ari ng ating buhay, kaya siya lamang ang maaaring magbigay o bumawi nito.
Kailangan ingatan ang ating buhay sapagkat katiwala lamang tayo ng Diyos at balang araw
ay magbibigay sulit tayo sa kanya ng ating buhay at kabuhayan.
Ano ang mga kasalanan laban sa ikalimang utos?
Suicide o pagpatay sa sarili
Murder
Abortion-Pagpatay ng sanggol sa sinapupunan ng ina o
Euthanasia o Mercy Killing
Pag abuso sa kalusugan ng katawan
Ikaanim na utos: Huwag kang makikiapid
Ikasiyam na utos: Huwag mong pagnasaan ang hindi mo asawa.
Sa ikalimang utos, ipinag-uutos ng Diyos ang pag-iingat sa ating buhay,
samantalang sa ikaanim at ikasiyam ipinagtatanggol niya ang bukal ng buhay. Sa
karunungan at kabutihan ng Diyos, binigyan niya ang lalaki at babae ng kapangyarihan na
tumulong sa kanya sa pagpaparami ng mga tao, kaya pinagkalooban sila ng isang dakilang
sangkap sa katawan upang isagawa ang dakilang layuning iyo. Ang sangkap na ito, tulad
ng iba, ay maari nating gamitin sa mabuti o sa masama. Kung sa masama nagkakasala tayo
sa ikaanim o sa ikasiyam na utos.
Sa ikaanim, ipinag-uutos na tayo ay maging malinis at banayad sa ating pagkilos; sa
ikasiyam, maging malinis sa isip at nasa. Ang tinutukoy sa ikaanim ay ang mga gawa o
kilos, kapag ang isang may asawa ay naghiwalay sa kanyang asawa at nakisama sa iba sila
ay nakikiapid at nagkakasala samantalang sa ikasiyam ay ang pag-iisp at hangarin., na
kung saan ang isang lalaki ay nag-isip ng may pagnanasa sa babae na di naman niya asawa
siya ay nagkakasala sinabi ni Kristo “kung ang isang lalaki ay nag-isip ng masama sa
kanyang kapwa siya ay nagkakasala ng pakikiapid” Sa madaling sabi ang ikaanim ay ang
tungkol sa gawa at ang ikasiyam ay sa isip.
Ipinagbabawal ang kahalayan at lahat ng gawang labag sa kalinisan, maging sa
wika, tingin at gawa, sa sarili o sa iba.
MODULESA PAGPAPASEMINAR
11
jvaragon2014
Ang mag-asawa ay kailangang maging tapat sa isa’t-isa. Kapag nagkasala sa bagay
na ito ay gumagawa ng pakikiapid. Ang pakikiapid ay nagdudulot ng pagdurusa sa buhay
na ito at sa kabila. Sa lumang tipan ang nakikiapid ay pinaparusahan ng kamatayan.
Ang may asawa na gumagawa ng mahalay sa sarili, ng birth control o tumatanggi sa
karapatan ng kanyang kabiyak ay lumalabag sa utos na ito.
Ipinagbabawal din ang lahat ng pag-iisip at nasang labag sa kalinisan. Kung ang
sumasaging pag-iisip o nasa ay agad nating itinataboy at hindi tinatanggap ng ating
kalooban, tayo ay hindi nagkakasala.
Masturbation -paggawa ng pansariling kaligayan
Pornography o Panonood at pagbabasa ng mahahalay
Prostitute - Pagbibinta ng sarili kapalit ay pera
Pre- Marital Sex- Pagtatalik na hindi kasal o labas sa kasal
Homosexuality- pagtatalik na magkapareho ang kasarian
Adultery o pakikiapid- Pagkikipagtalik sa hindi asawa
Artificial Contraceptives- paggamit ng mga konraseptibo upang mapigil ang panganganak
Sa utos na ito inaanyayahan tayo ng Diyos na maging malinis tayo sa atin wika at kilos.
Ikapitong utos: Huwag kang magnanakaw
Ikasampung na utos: Huwag mong pagnasaan ang hindi mo pag-aari
Ipinag-uutos sa atin ng ikapito at ikasiyam na utos na igalang at pangalagaan natin
ang pag-aari ng iba ta huwag tayong mainggit sa kanila, sapagkat binigyan ng Diyos ng
karapatan na mag-ari ang isang tao.
Sinasabi ng Simbahan na ang karapatan ng bawat tao na mag-ari ay isang likas na
karapatan, na di maaaring ipagkait sa tao. Ngunit ito’y hindi nangangahulugan na
magagawa ng tao ano man ang kanyang ibig sa kanyang ari-arian. Masama ang maglustay
ng kayamanan, ang paggamit nito sa masasama o kaya’y sa ikapipinsala ng ating kapwa.
Ang tinutukoy sa ikapitong utos ay ang mga gawa samantalang sa ikasampu ay mga
hangarin at nasa na makuha o maitago ang pag-aari ng iba nang labag sa katarungan
labag sa utos na ito ang mga sumusunod:
Ang pang-uumit, pagnanakaw at panloloob
Ang pandaraya sa sukatan, timbangan, huwad na pera o tseke o dokumento
Usury-Ang pagpapautang nang may mataas na tubo o pagtutubo ng malaki sa
pangangalakal
Ang paninira ng pag-aari ng iba
Ang pagtanggap o paghingi ng suhol
Ang di pagbabayad ng wastong sahod sa mga katulong, utusan o manggagawa
Ang pagtanggap o pamimili ng bagay na nakaw
pagkaiingit sa tagumpay ng iba
Ang nagtatangkang magnakaw
Ikawalong utos: Huwag kang sumaksi ng walang katotohanan laban sa iyong kapwa.
Ipinag-uutos nito na tayo ay magsalita ng katotohan sa lahat ng bagay, lalung-lalo
na sa mga bagay na may kaugnayan sa mabuting pangalan at karangalan ng ating kapwa.
Yayamang ang tao ay nabubuhay sa lipunan, nararapat na siya ay maging tapat sa kanyang
MODULESA PAGPAPASEMINAR
12
jvaragon2014
pakikitungo sa kapwa, ang kanyang mga salita o sinasabi ay maging akma at tugma sa
kanyang isipan at damdamin.
Iginagalang natin ang mabuting pangalan ng ating kapwa kung nag-iisip o
nagsasalita tayo ng mabuti tungkol sa kanya at maaaring magsabi ng kanyang kapintasan
kung talagang kailangan lamang.
Anu-ano ang mga kasalanang labag sa utos na ito?
 Kasinungalingan o Perjury - Ang pagsabi ng hindi totoo upang linlangin ang iba,
kung nakapipinsala ng malaki o may kasamanag panunumpa, katulad sa husgado ay
mabigat na kasalanan at kung ang ikinikols o ginagawa ng isang tao ay salungat sa
kanyang damdamin at kalagayan, nagkakasala siya ng pagbabalatkayo at
pagkukunwari, na itinuturing na pagsisinungaling sa gawa (hipokrasiya).
Ang isang lihim ay kailangang itago kung ipinangako natin at kung hinihingi ng
ating tungkulin o kaya kung iyan ay tungo sa pangangalaga ng mabuting pangalan
na iba.
 Paninirang-puri- pagsabi ng nakasisira sa dangal ng iba.
a) Slander / Calumny o Kalumniya - pagsira ng pangalan ng ating kapwa na
hindi totoo o walang katotohanan sa pamamagitan ng pagbubunyag sa iba.
b) Detraksiyon-Kung totoo ngunit lihim naman ang pagbubunyag.
Ito ay maituturing na isang uri ng pagnanakaw sapagkat ninanakaw natin ang
karangalan ng iba, kaya ang nakagawa nito ay may tungkuling gumawa ng
restitusyon na kung saan kailangan niyang sikaping gumawa ng mga hakbang
upang isauli ang nawalang mabuting pangalan at puri ng kapwa
PAKSA 3: SAKRAMENTO
I. SITWASYON NG BUHAY
Paano niyo ipinapahayg ang pagmamahal sa mga taong mahahalaga sa inyo?
Posibleng sagot: Tumutulong kung kinakailangan, nagibigay ng regalo kung may
kaarawan o anibersaryo, nginingitian, binabati lalo na kung nalulungkot at iba pa.
Pagbubuo / Pagpapalalim
Sa pagpapahayag ng pagmamahal gumagamit tayo ng mga paraan o tanda upang
ipadama o malaman na tayo’y nagmamahal o may pagtingin sa ating minamahal.
Gumagamit tayo ng tanda na maaaring bagay, kilos, salita
Hal. regalo na maaaring kagamitan, bulaklak, at iba pa.
Pag-uugnay:
Kung tayong mga tao ay gumagamit ng tanda upang ipadama natin sa isang tao na
mahalaga at minamahal natin siya. ang Diyos din ay gumamit ng tanda upang ipakita ang
pagmamahal o pag-ibig niya sa ating lahat.
II. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS: (Juan 3:16-17)
Sapagkat gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay
niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay
hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Isinugo ng Diyos
MODULESA PAGPAPASEMINAR
13
jvaragon2014
ang kanyang Anak upang di hatulang maparusahan ang mga tao, kundi upang iligtas
ang mga ito sa pamamagitan niya.
Pagtatalakayan:
1. Sino ang ipinadala ng Diyos sa atin?
2. Bakit niya ginawa ito?
3. Ano ba buhay naa walang hanggan?
Buod: Si Jesus ang tanda ng pagmamahal ng Diyos sa ating lahat
Ano ang ginawa ni Jesus nang siya’y dumating dito sa lupa
Buod: Iniligtas niya tayo sa ating mga kasalanan, ipinakita niya ang daan tungo saAma
(pagsunod). Ngunit pagkatapos tayong iligtas ay umakyat sa langit subalit patuloy pa rin
ang gawain niyang pagliligtas sa pamamagitan ng Simbahan at konkreto itong nakikita sa
pagdiriwang ng mga Sakramento. Bilang pagbibigay diin mapapansin natin na, ipinadala
ng Ama si Kristo bilang tanda ng kanyang pagmamahal, itinatag naman ni Kristo ang
Simbahan at sa simbahan ipinagdiriwang naman natin ang mga Sakramento kung saan
patuloy nating nakatatagpo ang Ama sa pamamagitan ni Jesukristo sa kapangyarihan ng
Espiritu Santo.
AMA-------------------KRISTO------------------SIMBAHAN-------------7 SAKRAMENTO
kaya masasabi natin na si Kristo ang sakramento ng Ama-- ang Simbahan ang sakramento
ni Kristo at ang pitong Sakramento ang ipinagdiriwang ng Simbahan
AMA KRISTO SIMBAHAN 7 SAKRAMENTO
Sakramento ng Ama) Sakramento ni Kristo Sakramento ng Simbahan
(Primordial Sacraments) ( Foundation Sacraments) (Ritual Sacraments)
At sinabi natin na ang Anak ay sinugo ng Diyos Ama upang ipaalam sa tao ang
kanyang pag-ibig, ituro sa tao ang katotohanan hinggil sa buhay na walng hanggan at
akitin ang lahat sa pakikibahagi sa buhay ng Diyos, bilang paghahanda sa kaligayahang
walang hanggan. Inihayag ng Anak ang lahat ng niloloob ng Ama upang puspusang
matamo ng tao ang pakikibahagi sa buhay at kaligayahan ng Diyos. “Ito nga ang kalooban
ng aking Ama, na ang lahat ng makakita sa Anak at sumampalataya sa kanya ay magkamit
ng buhay na walang hanggan at bubuhayin ko siyang muli sa huling araw” (Jn. 6:40). Si
Kristo ang ibinigay ng Ama upang maging daan katotohanan at buhay ng tao. Paanong
makakamit ng tao ang buhay ng Diyos o grasyang nagpapabanal sa pamamagitan ng
Anak? Nagtatag si Kristo ng pitong sakramento bilang mga bukal ng grasyang
nagpapabanal. Ipinagpatuloy ni Kristo ang kanyang pamumuhay sa ating piling sa
pamamagitan ng mga sakramento. Kung paanong ginamit ni Kristo noong una ang
kanyang katawan sa paggawa ng mabuti, gayon din naman ginagamit ngayon ang mga
Sakramento sa paggawad ng biyaya sa mga kaluluwa.
Ano ang Sakramento?
SAKRAMENTO-Banal na tanda na itinatag ni Kristo na kung tatanggapin ng mga
pananampalataya ay nagkakaloob ng biyaya,
Pananampalataya- naniniwala, nagtitiwala, tumatalia sa Diyos
MODULESA PAGPAPASEMINAR
14
jvaragon2014
Sa mga Sakramento, nakakatagpo natin si Kristo na siyang kaganapan ng
kagandahang- loob at pagmamahal ng Ama.
Mayroon tayong pitong Sakramento ito ay ang: BINYAG, KUMPIL, BANAL NA
EUKARISTIYA, SAKRAMENTO NG PAKIKIPAGKASUNDO, PAGPAPAHID NG
LANGIS SA MAY SAKIT, KASAL AT PAGPAPARI.
Pitong Sakramento at ang Pagkakahai- hati nito
YUGTO NG BUHAY PISIKAL YUGTO NG BUHAY ESPIRITUAL
I. Pagsilang Pag-anib (Initiation) Panimulang pagpasok
Binyag
Kumpil
Banal na Eukaristiya
II. Pagkakasakit Pagpapagaling/ Paglunas
Sakramento ng Pakikipagkasundo
Pagpapahid ng banal na Langis sa may Sakit
III. Pagdedesisyon Pagtatalaga ng Sarili 0 Paglilingkod
Kasal
Pagpapari
Sa mga Sakramento si Kristo ang ating nakakatagpo subalit may disposisyong kailagan
upang sumaatin siya….. Ano ito?
Kung tinatanggap natin ito nang may pananampalataya, pag-asa at pag-ibig.
Anong biyaya ang ating natatanggap sa mga SAKRAMENTO?
Ang mga sakramento ay nagbibigay ng buhay ng Diyos, at ang tanging grasya na
angkop sa layunin ng bawat Sakramento.
Sa pangangailangan ng bawat tao:
Sa binyag- Ang pagsilang sa buhay ng Diyos
Sa kumpil- katatagan sa buhay kabanalan
Sa eukaristiya- pagkain ng kaluluwa
Sa pakikipagkasundo-gamot sa kaluluwa
Sa pagpapahid ng Langis sa may sakit- kalusugan ng katawan at kaluluwa
Sa pangangailangan ng lipunan:
Sa pagpapari- ang mga pinuno sa Simbahan
Sa kasal- mga mamamayang Kristiyano.
Binyag-
Sakramento ng pananampalataya:
 na nagdadala sa tin ng bagong buhay Kay Kristo at kapatawaran ng mga kasalanan
sa pamamagitang ng tubig at Espiritu,
 na ginagawa tayong kabahagi ng Simbahan
 nagdadala sa atin sa pakikibahagi sa pag-ibig ng banal na Santatlo bilang mga
inampong anak ng Diyos
MODULESA PAGPAPASEMINAR
15
jvaragon2014
Mt 28:18-20 “ Ipinagkaloob sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at lupa kaya
magsihayo kayo at gawin ninyong mga alagadang lahat ng bansa, Binyagan sila sa
ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Sabnto”
Gawa 2:38- “Magsisi kayo at pabinyag ang bawat isa sa ingyo sa pangalan ni
Jesukristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan at tanggapin ninyo ang
kaloob ng Espiritu Santo”
Kumpil
 Pinalalakas ang biyayang tinanggap natin sa binyag
 nagiging saksi ni Krsito
Gawa 8:14-17
Banal na Eukaristiya
 Ito ay hain at sakramento na sa anyong tinapay at alak ai iniaalay ni Kristo ang
sarili bilang handog at pagkain natin at nananatili sa piling natin.
Lc. 22:19:20 (sinabi Hesus noong huling hapunan)
Pakikipagkasundo (Jn 20:21-23)
 Ang pakikipagkasundo ay isang malaking bahagi ng buhay ng tao; kung may
nasirang ugnayan, kailngan ang pakikipagkasundo. Bahgi ng Sakramentong ito ang
pagpapatawad sa ating kapwa; ang karanasan ng biayaya ng pagpapatawad ng isang
mapagmahal na Diyos ay along malaking bahagi ng Sakramentong ito.
 Inaanyayahan tayo ni Jesus na magsisisi at magkaroong ng pakikipagkasundo
upang maging makabuluhan ang pagtanggap nating ng sakramentong ito.
Hakbang sa mabuting pangungumpisal
 PAGSUSURI NG BUDHI- humingi ng liwanag upang maalala ang kanyang mga
kasalanan mula sa huling kumpisal. Isip-isipin ang mga kasalanang nagawa
 PAGSISISI NG TAOS SA PUSO SA MGA NAGAWANG KASALANAN- Ang
pagsisis ang siyang pinakamahalaga sa mga humihingio ng kapatawaran. Ito’y
pagsisisi ng kaluluwa at isang pagtitikang lalayuan ang kasalanan at di na
magkakasala uli. Kung nagmumula sa pag-ibig sa Diyos na minamahal ng higit sa
lahat, ng pagsisisi ay tinatawag na “ganap ng pagsisisi” (pagsisising pag-ibig).
 PAGKUKUMPISAL O PAGSABI NG KASALANAN-lalapit sa pari upang isabi
ang mga nagawang kasalanan (kung maaari ay sabihin ang gagawin sa
pagkukpisal). Ang pagtapat ng mga kasalanan sa pari ay bahaging pangunahin ng
sakramento ng kumpisal: dapat isa-isahin ng mga magkukumpisal ang lahat ng
kasalanang mortal na kanilang nababatid pagkatapos ng masusing pag-uusisa ng
budhi.
 TUPARIN ANG PARUSANG IGINAWAD NG PARI AT MANGAKONG
MAGBABAGONG BUHAY-pagkatapos magkumpisal gawin agad ang
ipinagagawa ng pari na kaparusahan at iiwasan ang mga bagay na maaaring
ipagkasala uli.
Pagpapahid ng Langis sa may Sakit
 Sa pamamagitan nito tinutulungan ang may sakit o karamdaman na maging malakas
ang kanyang kaluluwa at katawan sa tulong ni Jesukristong tagapaligtas at
tagapagpagaling sa mga may sakit.
MODULESA PAGPAPASEMINAR
16
jvaragon2014
Santiago 5:14-15 “ Mayroon bang maysakit sa inyo? Ipatawag ang mga pinuno ng
Simbahn upang ipanalangin siya at pahiranm ng langis sa ngalan ng Panginoon. Ang may
sakit ay ililigtas ng panalangin at pananampalataya at siya ay pagiginhawahin ng
Panginoon, at kung nagkasala man siya ay patatawarin”
Markos 6:12-13 Sila ay lumakad upang akiting magsisis ang mga tao. Nagpalayas sila ng
maraming demonyo at nagpagaling ng mga may sakit sa pamamagitan ng pagpapahid ng
langis.
Kasal
 Ang pag-iisang dibdib ng lalaki at babae upang bumuo ng isang di mapaghihiwalay
na buhay.
Efeso 5:31:32 (tagubilin ni San Pablo sa mga maag-aasawa)
Gen. 1:27 (paglikha ng Diyos sa tao)
Pagpapari
 ito ay sakramentong nagbibigay ng kapangyarihan at grasya upang ipagpatuloy ang
pagkapari ni Kristo.
Heb 5:1-4 Ang dawat dakilang saserdote na hinirang ay inilalagay nga upang kumatawan
sa mga tao sa mga bagay na may kaugnayan sa Diyos upang maghandog ng mga alay at
mga hain dahil sa kasalanan……
PAKSA 4 BINYAG
Bakit kaya nagpapabinyag ang isang tao?
 para maligtas
 Upang maging anak ng Diyos
 Mawala ang kasalanang mana
 Tumanggap ng bagong –buhay
 Maging Kristiyano.
Ano ba ang karaniwang napapansin natin tuwing may pagdiriwang ng Sakramento ng
Binyag/
 Pag-uunahan ng mga magulang palabas ng pintuan ng simbahan pagkatapos ng
pagdiriwang.
 pagpapaiyak sa bata
 Paramihan ng Ninong at ninang
Ano ang inaakala nating epekto sa isang bata kung ginagawa natin ito?
 Magiging mapalad o masuwerte.
Salita ng Diyos: (Juan 3:1-13)
May isang Pariseo at pinuno ng mga Judio, na nagngangalang Nicodemo. Isang gabi,
siya ay nagsadya kay Hesus. “Rabbi” ang sabi niya, “nalalaman po naming na kayo’y
isang guro mula sa Diyos, sapagkat walang makagagawa ng mga kababalaghang
ginawa Ninyo malibang sumasakanya ang Diyos.” Sumagot si Hesus, “sinasabi Ko sa
inyo: maliban na ipanganak na muli ang isang tao, hindi siya paghaharian ng Diyos.”
MODULESA PAGPAPASEMINAR
17
jvaragon2014
“Paano pong maipapanganak na muli ang isang tao kung matanda na siya?
Makapapasok pa ba siya sa tiyan ng kanyang ina para ipanganak na muli?” tanong ni
Nicodemo. “Sinasabi ko sa inyo,” ani Hesus, “maliban ang tao’y ipanganak sa tubig at
Espiritu, hindi siya paghaha-rian ng Diyos. Ang ipinanganak sa laman ay laman, at ang
ipinanganak sa Espiritu ay espiritu.
Sino ang kausap ni Jesus? Nicodemus
Ano ang kanilang pinag-uusapan?
Narinig natin sa pagbasa na si Nicodemo ay lumapit kay Hesus upang itanong niya ang
tungkol sa muling pagsilang ng tao ngunit sinagot siya ni Kristo na ang ipinanganak sa
laman ay laman at ang ipinanganak sa Espiritu ay Espiritu ay kailangang tayong lahat ay
muling isilang sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu na kung saan ito ay ang Spiriutal ng
pagsilang hindi ang pisikal na pagsilang ito ay nagaganap sa pagdiriwang ng Binyag
Ano ba ang Sakramento ng binyag?
 Ang binyag ang pinaka-unang sakramento, sapagkat ito ang sakramento ng ating
pagsilang sa buhay kabanalan.
 Pintuan para tanggapin ang iba pang Sakramento.
Saan galing ang salitang Binyag?
 Sa salitang Griego (Baptizien), Ilubog o ipasok sa ilalim ng tubig na
nangangahulugang pagkamatay ni Jesus at muling pagkabuhay sa kanya bilang
isang bagong nilalang.
 Ang binyag ay Libingan (TOMB)-dito namamatay ang taong binibinyagan sa
kanyang kasalalanan.
 Ang binyag ay Sinapupunan- (WOMB)-dito tinatanggap ng binibinyagan ang
bagong buhayna kaloob ni Hesus.
 Ang binyag ay sakramento ng pananampalataya
 dahil sa paghahangad na mabinyagan, hinihiling natin sa Simbahan ng Diyos
na pagkalooban tayo ng Pananampalataya. Sa loob lamang ng sambayanan
ng mga mananampalataya, ang Katawan ni Kristo na naliwanagan ng grasya
ng Espiritu Santo, maaari tayong ganap na tumugon sa Ebanghelyo ni Kristo.
 Ang Binyag rin ay sakramento ng pananampalataya na kung saan tayo ay:
 nagiging anak ng Diyos at kapatid ni Kristo
*nakikibahagi sa buhay ng Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo.
Ipinapahayag ito sa panimula ng pagbibinyag
Ang binyagan ay itinatalaga sa Banal na Santatlo at nakakaisa sa pakikipagrelasyon o
pakikipagkaibigan kasama ang Ama, Anak at Espiritu Santo na nangyayari sa
pamamagitan ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig.
Ang binyagan ay tinatatakan ng Krus sa noo tanda ng siya ay pag-aari na ng Diyos
at nakiisa sa buhay ni Krsito kaya’t ang tawag sa lahat ng bunyagan ay KRISTIYANO-
kapatid at tagasunod ni Kristo.
 Nagkakaroon ng Bagong buhay kaisa ni Kristo
 Ang unang bunga ng binyag ay pag-isahin ang nabinyagan at si Kristo, ang
Panginoon nating Muling nabuhay.
MODULESA PAGPAPASEMINAR
18
jvaragon2014
*pinatatawad sa kasalanan- mana at personal para sa may sapat na gulang na
binibinyagan.
Inilalarawan ito sa pagbubuhos ng tubig sa ulo ng binibinyagan na tanda ng
paglilinis sa kasalanan at pagkakaroon ng bagong buhay kay kristo sa pamamagitan ng
Espiritu (N. Binibinyagan kita sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo)
(nakawahak ang mga ninong at ninang sa bata)
Bakit sa ulo lamang binubuhusan ng tubig at hindi sa buong katawan?
 Sa ulo ng tao naroon ang utak na siyang pinakamakina ng buong katawan. Kung
inyong mapapansin, kapag ang isang tao ay nagkaroon ng stroke, may epekto ito sa
kanyang buong katawan. May ilang bahagi ng kanyang katawan na nawawala ng
pandama dahil sa pamumuo ng dugo sa bahagi ng utak. Praktikal para sa lahat ang
pagbubuhos ng tubig sa ulo ng binibinyagan, maging sa may sakit at malusog,
matanda at mga sanggol.
 Tubig- simbolo ng buhay at kamatayan: buhay ng Diyos, kamatayan o paglilinis sa
kasalanan.
Ang damit na puti o puting belo na ipinapatong sa ulo ng bata ay tanda rin na ang
binibinyagan ay pinapaging malinis ng Diyos
 Puti -simbolo ng kalinisan
 Puting damit-tanda ng bagong buhay kay Kristo, pagiging malinis at karangalan ng
mga anak ng Diyos.
 Kandila- tanda ng liwanag ni Kristo na tinaggap sa binyag.
III. Nagiging kasapi ng malaking Pamilya ng Diyos
 Nagiging kaanib tayo ng simbahan- tumutukoy sa malaking pamilya ng Diyos na
binubuo ng lahat ng binyagan na pinamumunuan ni Kristo.
 Inaakala ng ilang Pilipino na ang Simbahan ay ang lugar na kung saan
binibinyagan ang mga tao. Subalit malinaw na ang Simbahan ay hindi pisikal na
gusali kundi ang mga binyagan na siyang bumubuo ng Kristiyanong
Sambayanan.
Krisma ng langis- ito ay langis na galing sa olibo na binasbasan ng Obispo tuwig
huwebes Santo ng umaga sa misa ng Krisma sa Katedral.
 Pagpahin ng Krisma sa Noo
 tanda ng paglukob o pagkakaloob ng Espiritu Santo at pakikiisa sa misyon ni Kristo
(hari, pari, at propeta)
 Nakikibahagi sa misyon ni Kristo bilang
Pari- pag-aalay ng panalngin at sakripisyo
Hari- paglilingkod sa kapwa ng may kababaang-loob
Propeta- pagpapahayag ng salita ng Diyos at pagiging saksi nito (pagsasabuhay)
Ipinapahayag ito sa pamamagitan ng pagpapahid ng Krisma sa noo ng binibinyagan.
ang binyag ay sakramento ng pananampalataya, ito ay hinihingi ng anumang
nagpapabinyag: at ang paunang pananampalataya rin ang nag-uudyok sa isang tao na
hingin ang sakramento ng binyag.
Tatlong paraan ng pagbibinyag
=Ang kasayasayan ng Binyag ay nagsimula sa paglulublob sa tubig, pagkatapos ay
pagbubuhos ng tubig sa at sumunod ay pagwiwisik na lamang
MODULESA PAGPAPASEMINAR
19
jvaragon2014
Sa pagdaan ng kasaysayan, nagkaroon ng mga pagbabago, lalo na pagkatapos
ipahayag ni Emperador Constantino na ang lhat ng nasasakupan ng Emperyong
Romano ay kailangang sumunod sa isang relihiyon- Ang Romano katoliko. nagging
malaking suliranin kung papaano bibinyagan ang napakaraming tao:
Sino ang Ministro o manggagawad ng Binyag?
- Obispo, pari, Diyakono, subalit sa oras panganib o binggit ng kamatayan kahit sino ay
maaaring maggawad nito basta gamitin lamang ang tamang pormula sa binyag
 Tubig na malinis at ang salita na bnibigkas.
 Pagbubuhos ng tubig sa ulo ng binibinyagan kasabay ang salitang (pangalan)
Binibinyagan kita sa ngalan ng Ama at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Kapag gumaling ang bata kailangan dalahin ito sa simbahan upang ganapin ang iba pang
seremonya ng binyag.
Kailan itinatag ni Kristo ang Binyag?
Itinatag ni Kristo ang Sakramento ng Binyag ng Sinugo niya Ang kanyang mga
Apostoles
Mt. 28:19 “Magsihayo kayo at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng bansa, Binyagan
sila sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo”
Anong pangalan ang mainam na ibigay sa isang sanggol?
 Ang mas mainam na ibigay na pangalan ay pangalan ng isang Santo, Bakit?
Upang siya ay magkaroon ng isang tagapamagitan sa langit at huwaran niya
ang buhay ng nasabing patron kaya labag sa diwa ng kristiyanismo ang
magbigay ng pangalang walang kinalaman sa ating pananampalataya.
Tungkulin ng mga Magulang ng bata
 pabinyagan agad ang kanilang mga anak lalo na kung may sakit at nasa
panganib
 sumaksi at makiisa sa pagdiriwang ng binyag ng kanilang mga anak
 imulat ang mga anak sa pananampalataya at maging tunay na saksi nito. (isabuhay)
Pagpili ng Ninong at Ninang
 May sapat at wastong gulang na hindi bababa sa labing-anim
 binyagang katoliko na isinasabuhay ang pananampalataya
 may kakayahan at taimtim na hangaring tulungan ang bagong binyagan na
maisabuhay ang Kristiyanong pananampalataya.
Tungkulin ng mga Ninong at Ninang
Hindi lamang sa pagbibigay ng regalo o anumang bagay kung sasapit ang kaarawan, pasko
at mga okasyon bagkus sila ay
 pangalawang magulang ng mga batang bininyagan na tumutugon sa pagiging
Katoliko at may pananagutan sa harap ng Diyos.
 hubugin ang bata sa pananampalatayang katoliko sakaling nakaligtaan ito ng
mga magulang.
Upang hindi mahirapan kailangan maging saksi tayo nito at nagsasabuhay
Hamon: Bilang mga nabinyagan na paano natin isinasabuhay ang mga biyayang natanggap
natin sa Sakramento ng Binyag?
MODULESA PAGPAPASEMINAR
20
jvaragon2014
PAKSA 5: SAKRAMENTO NG KASAL
I. SITWASYON NG BUHAY:
Naririto tayo ngayon upang sama-samang mag-aaral / magseminar bilang paghahanda sa
nalalapit ninyong kasal. Sigurado ko na kayo ay nakadalo na o nakasaksi ng isang kasalan. Anu-
ano ang inyong napansin sa pagdiriwang ng kasal? bigyan pansin ang mga taong nakita ninyo:
 Lalaki at babaeng ikinakasal, Pari, mga magulang ng lalaki at babaeng ikakasal,
ninong at ninang, mga abay, mga nakikipagkasal
Bagay na napansin Salitang binibigkas]
Singsing Pagsang-ayon ng dalawang ikakasal
Aras Pagsusumpa ng ikakasal
belo at kordon
Pagbubuo at pagpapalalim:
Ang rito ng kasal kasama ang mga elementong napansin ninyo ang nagpapakita ng kahalagahan at
dignidad ng sakramentong ito sa ugnayan ng pagmamahalan ng lalaki at babae. Ang
pagmamahalang ito ay pinababanal sa kanilang pagbubuklod sa harap ng Diyos at sa habambuhay
na pagtatalaga ng sarili sa isa’t-isa.
Ano ba ang kasal? Bakit ito mahalaga?
II. SALITA NG DIYOS (Gen. 2:18, 21-24)
Pagbasa sa Aklat ng Genesis
Matapos gawin ang lahat ng ito, sinabi ni Yahweh, Hindi mainam na mag-isa ang tao:
bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong. Kaya’t pinatulog ni Yahweh ang tao,
samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at pinaghilom ang laman sa tapat
niyon. Ang tadyang na iyo’y ginawa niyang isang babae at inilapit sa tao. Sinabi ng lalaki, sa
wakas narito ang isang tulad ko, laman ng aking laman at buto ng aking buto: Babae ang siyang
itatawag sa kanya, sapagkat sa lalaki nagmula siya. Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang
kanyang ama at ina upang sumama sa kanyang asawa, sapagkat sila’y nagiging iisa.
Ang Salita ng Diyos
1. Ano ang ipinahahayag ng pagbasa?
 paghahanap ng Diyos ng ankop na kasama ng tao
2. Paano nagkaroon ang tao ng angkop na kasama?
 pinatulog ng Diyos ang tao, humugot dito ng tadyang at ginawang babae at dinala sa tao.
3. Anong naibulalas ng tao, matapos Makita ang babae?
 ngayon nga, siya ang laman ng aking laman at buto ng aking buto. Siya’y
tatawaging babae dahil siya’y sa lalaki kinuha.
4. Ano ang bunga ng ganitong paraan ng paglikha sa babae?
 dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at siya ay makikipisan sa
kanyang asawa, at sila’y magiging isang laman lamang.
Mahalagang puntos:
Ang babae ang pinaka-angkop na kasama ng lalaki dahil nilikha siya buhat sa kanyang
tadyang dahil dito sila’y magiging “isang laman/ katawan”, nangangahulugan ng malalim na
ugnayan ng pagmamahal.
MODULESA PAGPAPASEMINAR
21
jvaragon2014
Magiging isa: Ang pagiging isa ng babae at ng lalaki sa kasal ay habambuhay na proseso.
Ang pagiging magkapantay ng babae at lalaki ang pangunahing kailangan ng
pagiging-isa.
Si San Pablo Apostol ay may ipinagtatagubilin sa mga mag-aasawa, pakinggan natin ang
kayang sulat sa mga taga Efeso 5: 21-33
Pasakop kayo sa isa’t-isa tanda ng iyong paggalang kay Kristo. Mga babae pasakop
kayo sa inyo-inyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon sapagkat ang lalaki
ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng Iglesiya, na kanyang katawan,
at siyang Tagapagligtas nito. Kung paanong nasasakop ni Kristo ang iglesiya, gayon din
naman ang mga babae dapat pasakop nang lubusan sa kani-kanilang asawa.
Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Kristo sa
Iglesiya. Inihandog niya ang kanyang buhay para dito upang ang Iglesiya ay italaga sa
Diyos matapos linisin sa pamamagitan ng tubig at salita. Ginawa niya ito maiharap sa
kanyang sarili ang Iglesiya, marilag, banal, walang batik at walang anumang dungis o
kulobot. dapat mahalin ng mga lalaki ang kani-kanilang asawa tulad ng sarili nilang
katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kanyang aswa ay nagmamahal sa kanyang sarili.
Walang taong namumuhi sa sarili niyang katwan, bagkus ito’y pinakakain at inaalagaan,
gaya ng ginawa ni Kristo sa Iglesiya. Tayo ay mga bahagi ng kanyang katawan, dahil dito
iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila’y
magiging isa. Isang dakilang katotohanan ang inihahayag nito ang kaugnayan ni KRISTO
sa Iglesiya ang tinutukoy ko. Subalit ito’y tumutukoy rin sa bawat isa sa inyo. Mga lalaki
mahalin niyno ang inyo-inyong asawa gaya ng inyong sarili; mga babae, igalang ninyo ang
inyo-inyong asawa.
Ang Salita ng Diyos.
1) Ano ang itinatagubilin ni San Pablo sa mga mag-asawa?
 Pasakop sa isa’t-isa
2) Bakit kailangang pasakop ang babae sa lalaki?
 sapagkat ang lalaki ang ulo niya/ pinuno tulad ni Kristo na siyang ulo ng
Iglesia, na kanyang katawan, at Tagapagligtas
3) Ano naman ang ibinibilin sa lalaki?
 ibigin ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Kristo sa Iglesia.
Inihandog niya ang kanyang buhay para dito.
 dapat mahalin ng mga lalaki ang kani-kanilang asawa tulad ng sarili nilang
katawan
Mahalagang puntos:
Pasakop sa isa’t isa- pagpapaalaala sa Kristiyanong mag-asawa ng mahigpit na
magmahalan
Lalaki bilang ulo- di nangangahulugan na mas makapangyarihan siya sa asawang babae
kundi pagpapatibay ito ng pagbibigayan sa isa’t isa. Tanda ito ng
kanyang pagiging lingkod gaya ni Kristo bilang ulo ng Iglesia.
MODULESA PAGPAPASEMINAR
22
jvaragon2014
Pagbubuod:
Sa salaysay ng paglikha ipinakikita na ang paglikha sa tao ay naging konkreto lang
sa paglikha sa babae na siyang angkop na kasama ng lalaki kung kaya’t isinasaad pa rin na
ito ang dahilan kung bakit iiwan ng lalaki ang kanyang mga magulang at sila ng kanyang
asawa ay magiging isa. Sa sulat ni San Pablo sa mga taga Efeso, itinatagubilin niya sa
mag-asawa na magkaroon ng matibay na pagmamahalan sa isa’t-isa. Sa sulat na ito
ipinakikita rin niya na ang relasyon ng lalaki at ng babae (mag-asawa) ay larawan ng
relasyon o tipan ni Krsito sa Simbahan. Dahil dito ang panawagan sa mag-asawa ay
maging buhay na tanda ng pagmamahal ni Kristo sa Simbahan na Kanyang katawan. Ang
dalawang pagbasang ito na buhat sa Banal na Kasulatan ay malaki ang kaugnayan sa
Sakramento ng Kasal.
Ano nga ba ang Sakramento ng Kasal? Bakit ito mahalaga?
III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Ang sakramento ng kasal ay ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng isang lalaki at
babae ayon sa batas upang bumuo ng di mapaghihiwalay na buhay.
Ang kasal ay tinawag na sakramento sapagkat malinaw na naglalarawan ito ng
pagmamahal ng Diyos sa tao.
May dalawang elemento kung bakit tinawag ang kasal bilang sakramento.
1. Sakramental na pagdiriwang (seremonya o ritu)
nagsisimula ito sa pagtayo ng dalawang ikakasal sa harap ng Diyos at mga tao
upang ihayag na sila’y nagmamahalan, at ito’y malaon na nilang pinaghandaan sa
malalim na pagkilala at pagmamahalan sa isa’t isa na handa nilang gawin
habambuhay. Ang habambuhay na pagsasamang ito ang mabisang tanda ng
mapanligtas na pagmamahal ni Kristo sa kanilang magiging anak at sa komunidad.
2. patuloy na pagsasama ng mag-asawa
Ang habambuhay napagsasama ng mag-asawa ay tanda at daan ng patuloy na
pagbibigay ni Kristo ng kanyang sarili sa kanila sa pamamagitan ng walang
maliw nilang pagmamahal sa isa’t-isa.
Ang kasal ay kasunduan- tumutukoy ito sa malaya at bukal sa loob na pagpapasiya ng
lalaki at babae. ito’y tipan ng isang lalaki at babae lamang (exclusive)
Ang kasal ay pag-iisang dibdib- tinatawag din itong pagtataling puso, pag-iisang puso at
pag-iisang palad. Tumutukoy ito sa pagkakaisa ng mag-asawa na lumalago sa pagiging
bukas nila sa isa’t-isa, sa pagtanggap nila sa katangian, kakayahan, o sa maging sa
kahinaan at kakulangan nilang dalawa. Ang nagbubuklod sa pagkakaisang io ay ang
kanilang pagmamahal na ang modelo at pinagmulan ay ang pagmamahalan at pagkakaisa
ng banal na Santatlo, ang pagmamahal mismo ng Diyos.
Ang kasal ay ayon sa batas----sibil at simbahan
May mga pamantayan na dapat sundin, kagaya ng mga papeles na dapat ayusin, mga
hinihingi sa simbahan kagaya ng seminar at interview at iba pa….
MODULESA PAGPAPASEMINAR
23
jvaragon2014
Ang itatag ng dalawang ikakasal ay di mapaghihiwalay na uri ng buhay - ito’y
habambuhay na pagtatalaga ng sarili.
Ang DIYOS ang may akda ng kasal kaya’t “Ang pinagsama ng Diyos ay huwag
paghiwalayin ng tao” kaya walang puwang ang diborsyo o paghihiwalay ng mag-asawa sa
kasal sa Katolikong simbahan. Samantala ang kasal Civil at Kasal Simbahan ay hindi
magkapreho dahil ang sa Civil ang nagkakasal sa kanila ang mga pinuno ng pamahalaan o
gobyerno samakatuwid sila ay kasal lamang sa batas ng tao samantalang ang kasal
simbahan ay pinagtititbay o binabasbasan ng alagad ng Diyos ang kanilang pagmamahalan
sila ay kasal sa batas ng Diyos. na kung saan ito ang pinakamataas sa lahat ng Batas.
May mga mahahalagang hinihingi sa mga ikinakasal o mga magiging mag-asawa
Tungkulin ng ikakasal o ng mga magiging mag-asawa ang magmahalan sa isa’t isa at
itaguyod ang kanilang magiging supling.
dalawa ang pinakalauyunin ng kasal; ang pagmamahalan sa isa’t-isa (mutual love) at
pagkakaroon ng supling (procreation)
1. Ang pagmamahalan sa isa’t-isa ang pangunahing kailangan ng mag-asawa, ito’y
konkretong ipinapakita sa pagsuportaa sa pangangalangan ng magkabiyak lalao na
sa kanilang katandaan.
Ang pagmamahal sa isa’t-isa ay nangangahulugan din ng katapatan. Di lamang ito
nangnangahulugan ng pag-iwas sa pangangalunya kundi paglago sa
pananampalataya, pagtitiwala at pag-ibig.
hadlang:
 “a double standard morality” (di bale ng magtaksil ang lalaki huwag lang ang
babae)
 kahirapan ng pananalapi na nagiging dahilan ng pagkalayo ng mag-anak
 maling pagpapahalaga na ipinalalaganap ng media
 pag-aasawa ng bata pa
Sa kabila nito hindi pa rin dahilan ito upang di maging tapat. Patuloy ang grasya ng
Diyos na nagbibigay lakas sa mag-asawa na maging tapat.
Sa plano ng Diyos ang di mapaghihiwalay na sakrameto ng kasal ay bunga, tanda at
kailangan ng lubos na tapat na pagmamahal ng Diyos sa tao at ni Hesukristo sa simbahan
tanda ng walang maliw na katapatan ng pagmamahal na ipinadarama ng Diyos sa bawat isa
at sa Sangkatauhan.
2. Ang pagkakaroon ng supling ay isa sa mahalagang layunin ng kasal. Ito ay
pagtupad sa kalooban ng Diyos na maging kamanlilikha Niya subalit ang
karangalang ito’y pinagkakaloob sa mag-asawa na nasa grasya ng sakramento ng
kasal kaya di ayon ang simbahan sa live-in at trial marriages o kaya pre-marital sex.
Ang karangalang ito ng kasal ay may katapat na responsibilidad, hindi lamang sa
Diyos kudi sa Simbahan. Ang pagkakaroon ng anak ay tumutugon hindi lamang sa
pangangailangang palaganapin at panatilihin ang lahi ng tao sa mundo at ng
magkaroon ng taong sasamba sa DIYOS higit sa lahat ng ito, ang pangangailangang
MODULESA PAGPAPASEMINAR
24
jvaragon2014
lumikha ng banal na miembro ng Sambayanan ng Diyos. Banal na layunin ang
pagkakaroon ng supling kaya’y ang pagkitil o paggamit ng mga kontraseptibo para
mapigil ang panganganak ay di pinapayagan ng simbahan liban na lamang sa mga
pamamaraang itinakda nito gaya ng “Rhythm method at sexual absteninence”.
Ang konkretong pagtaguyod sa mga anak ay ang palakihin sila nang maayos, papag-aralin,
turuan ng wastong asal at turuang magmahal at kumilala sa Diyos sa maikling salita,
magkaroon ng Kistiyanong mga anak at bigyan ng magandang kinabukasan.
Paano isinasagawa ang sakramento ng kasal?
Sa sakramento ng kasal ang lalaki at babaeng mag-iisang dibdib ay nangangako sa
isa’t-isa sa harap ng Diyos at Sambayanan na sila’y magsasama habambuhay.
Hayagan silang nangangako sa kinatwan ng Diyos at sambayan ng ganito: (marriages vows)
O Panginoon kami po ay iyong loobing magkaisa ng kalooba’t damdamin mula
ngayon sa kaginhawaan at kahirapan, sa karamdaman at kalusugan sa lahat ng araw
ng aming buhay.
Samakatuwid ang ministro o ang nagkakasal ay mismo ang lalaki at babaeng nag-
iisang dibdib. Ang pari ay kinatawan lamang ng Diyos na siyang nagpapatibay at
nagbabasbas ng kanilang sumpaan ang mga ninong at ninang ay kumakatawan sa
sambayanan at nangangakong susuporta sa mag-asawa upag manatili silang tapat sa
kanilang sinumpaan.
Mga tanda sa kasal:
Singsing- Inilalagay sa kanang palasinsingan sa paniniwalang may ugat itong
pinakamalapit tungo sa puso. Kasabay ng pagsuot nito ay babanggitin ang: “(N.)
isuot mo ang singsing na ito bilang tanda ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan
ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.” Ang singsing ay bilog at walang
lagot na ang kahulugan ay sagisag ng katapatan at pag-ibig na walang hanggan.
Aras- Larawan ng kabuhayang pagsisikapang hanapin ng lalaki sa isang mabuti at malinis
na paraan upang ihandog nang buo sa babaeng minamahal. habang inilalagay ng
lalaki ang aras sa babae kanyang sinansabi: “(N.) Inilalagak ko sa iyo itong mga aras
na tanda ng aking pagpapahalaga at pagkalinga sa kapakanan Mo. Sa ngalan ng
Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.” na kung saan tatangapin naman ng
babae upang gamitin ng buong ingat para sa kapakanan at ikauunlad ng sariling
angkan. At kung saan habang tinatanggap ito ng babae kanyang tutugunin ang
kanyang esposo: “Tinatanggap ko ang mga ito at nangangako akong magiging iyong
katuwang sa wastong paggamit at pangangasiwa ng ating kabuhayan.” Pangako ito
ng kasipagan ng lalaki sa paghahanap-buhay, at katalinuhan ng babae sa pagbabadyet
ng gugol sa loob at labas ng tahanan.
Kordon- Tanikala ng pag-ibig na bumubuklod sa pagkakaisa ng dalawang pusong
humaharap sa dambana. “Sa tali ng matrimonyo o kasal, ang nagbubuklod ay si
Kristo”. Sagisag ng pamamalagi sa kabanalan. “Kaya hindi na sila dalawa kundi iisa.
Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao” (Mt. 16:6).
MODULESA PAGPAPASEMINAR
25
jvaragon2014
Belo- Sinusunong ng babae at pinapasan ng lalaki. Ibig sabihin, sumasailalim sila sa mga
batas at kapangyarihan ng Santa Iglesiya, Halimbawa’y pagsisimba tuwing araw ng
linggo at pistang pangilin, gayundin ang pagpapahalaga at malimit na pagtanggap sa
mga banal na Sakramento. At napa-iilalim ang babae sa pagmamahal at kapasiyahan
ng lalaki; ang lalaki’y nakahanda namang magpasan ng pananagutan sa lahat ng
pangangailangan at mga bagay na magpapaligay sa asawa at sa buong angkan “Mga
babae pasakop kayo sa inyo-inyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa
Panginoon. Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni
Kristo sa Iglesiya.”
Kandila- Larawan ni kristo, ang ilaw ng daigdig (Jn 8:12). Siya ang tumatanglaw sa buhay
ng mga mag-asawang tumatawag sa knya. Ang kandila ay may apoy at liwanag. Ang
apoy ay nagpapaalaala na may kaparusahan para sa mga magkabiyak na
nagpapawalang kabuluhan sa kabanalan ng kasal; at may liwanag ng kaluwalhatian sa
langit ukol sa mga mag-asawang naging wangis at kalarawan ng Diyos sa
pamamagitan ng banal na pag-iibigan
Dalawang katangian ng kasal Kristiyano:
1. Pagkakaisa (Unity)-nangangahuluga na sa kasal kristiyano, isa lamang lalaki at isa
lamang babae ang maaaring magpisan. Kaya hindi ipinahihintulot ang tinatawag na
“poligamia” o maraming asawa. Ayon kay Mateo 19:5-6: Dahil dito, iiwan ng lalaki ang
kanyang ama’t ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila’y magiging isa. kaya hindi
na sila dalawa kundi isa…”
2. Di Makakalag na Pagkatali (Indissolubility) nangangahulugan na minsan makasal
ang isang babae at isang lalaki, ang kanilang pagsasama ay panghabang buhay, hanggang
kamatayan. Ayon kay Mateo 19:6 “Ang pingsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng
tao…” Kaya sa Simbahang Katolika, bawal ang diborsiyo, sapagkat salungat ito sa
tagubilin ng Panginoong Hesus sa Banal na Kasulatan.
Ang Diyos ang nagpapatibay at nagbabasbas ng sumpaan ng dalawang ikinakasal at siya
din ang tutulong upang ang sumpaan ng mag-asawa ay maging isang katotohanan o
maisabuhay kaya mahalaga ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan
ng:
Buhay panalangin at pagtanggap ng mga sakramento lalo na ang Banal na Eukaristiya at
Pakikipagkasundo
Napakahalaga ng Sakramento ng Kasal at ang mag-asawa’y di biro….
Anong gagawin ninyo upang maging matagumpay ang inyong pagsasama sa harap ng tao at ng
Diyos
(PRE-CANA SEMINAR) alternate module
SESSION 1: Ako at ang aking mga Pangarap
Activity:
 Sino Ako? Guamawa ng Family Tree
 Sino ka nga ba? Ano ang pagkakakilala mo sa iyong sarili?
MODULESA PAGPAPASEMINAR
26
jvaragon2014
 Anu-ano ang aking mga pangarap ? Sa aking sarili? Sa aking mga magiging anak? Sa
aking iba pang mga mahal sa buhay? Sa aking career o trabaho?
 Lahat tayo at may kanya-kanyang pagkakakilala sa ating sarili…
 Joharis Window
 Sino nga ba ako sa paningin ng Diyos? Gen. 1:26-31
 Ako’y kanyang nilalang
 Ako’y nilalang niya ayon sa kanyang wangis o larawan
 Ako’y kanyang nilalang na kakaiba o unique
 Ako’y kanyang nilalang dahil ako’y Kanyang mahal at ako ay mahalaga sa kanya.
 Kahit na ako ay maraming pagkukulang o pagkakamali o kasalanan, ako’y mahalaga
pa rin at mahal na mahal niya.
 Anu-ano ang aking mga pangarap? Sa aking sarili? Sa aking Pamilya? Sa aking mga
magiging mga anak? Sa aking iba pang mga mahal sa buhay? Sa aking career o trabaho?
 Sabi nila libre daw ang mangarap….tama… wala itong bayad
 Ia itong regalo ng Diyos na ibinibigay niya ng libre.
 Pangarap- Goal sa buhay
 Kapag walang pangarap, wala ka ng dahilan para mabuhay
 Kapag hindi ka nangangarap, walang patutunguhan ang ating buhay
 Pangarap ang magbibigay ng direksyon sa ating paglalakbay sa mundo.
 Pangarap ang tumutulak sa atin upang gumawa at magtrabaho.
SESSION II Ako at ang aking mapapangasaw
 Gaano na kayo katagal magkakilala?
 Ikuwento ang unang pagtatagpo ninyo?
 Gaano mo na kakilala ang iyong mapapangasawa?
 Anu- ano ang kanyang mga katangiang gustong-gusto ko sa kanya?
 Anu- ano ang kanyang mga katangiang ayaw na ayaw ko o hindi ko masyadong
nagugustuhan sa kanya?
 Anong ugali o gawi niya ang gusto kong ipagpatuloy pa niya?
 Anong ugali o gawi niya ang gusto kong alisin niya?
 Anu- anong mga kakaibang talent o kakayahan meron ang iyong mapapangasawa?
SUMMARY:
Mahalaga sa isang taong magpapakasal na kilala niya, unang una ang kanyang sarili. Ito
ang siya niyang puhunan sa kanyang magiging relasyon sa kanyang esposo/a.
Kinakailangang may matatag na pundasyon ang kanyang pagkakakilala niya sa kanyang
sarili bilang tao at bilang anak ng Diyos, Anak ng Diyos na kanyang mahal at mahalaga sa
kanya. Ikalawa, Mahalaga ring makilala niya ang taong kanyang makakasama
habambuhay. Ngunit ang pagkilalang ito ay habambuhay rin. Sa araw-araw ay may
makikilala at malalaman kang bago sa iyong mapapangasawa, Kaya dapat hindi mawala
ang Sense of Wonder sa isang mag-asawa. Dahil kapag ito ay nawala, unti-unti na ring
mawawala ang tamis ng inyong pagsasama,mawawalang lasa at asim ang inyong
pagmamahalan. Magsasawa ka na at magagalit ka na sa kanya kapag hindi mo nagustuhan
ang iyong nakikita. Katapusan na ng inyong relasyon. Kasama sa pagkilalang iyon ay ang
inyong mga Pangarap. Pangarap bilang indibidwal. Pangarap bilang mag-asawa. Pangarap
MODULESA PAGPAPASEMINAR
27
jvaragon2014
DIYOS
Nobyo/ NobyaLOVE
IKAW
bilang mga magulang sa inyong mga magiging mga Anak, kung di man kadalasang ito ay
pinanagmumulan ng hindi pagkakaunawaan at pagkakasira ng relasyon. Kapag hindi
magkaisa ang mga pangarap ng mga mag-asawa o hindi maunawaan o hind matanggap ang
isa ang mga pangarap o panaginip ng kanyang asawa.
Know yourself and your Spouse
Dream and share it
Understand and Talk
Accept
Pray
Journey Together
SESSION III Kami at ang Diyos
 Bakit ka nga ba magpapakasal sa Simbahan?
Maaring Sagot:
 Kasi Gusto naming mabasbasan ng pari ang aming pagsasama
 Kasi gusto naming maging legal ang aming pagsasama
 Kasi Gusto naming kasama ang Diyos sa kanilang buhay buhay pamilya
At ito naman talaga ang dahilan kung bakit gusto ng mga tao na makasal sa
Simbahan. Upang Basbasan ng Diyos ang kanilang pagsasama, pagmamahalan
bilang mag-asawa.
Iisa lamang Gusto ninyo… ang makasama ang Diyos sa inyong relasyon bilang
mag-asawa.
At ito naman talaga ang Dapat.
Anumang pagsasama, pagkakaibigan, mag-asawa o anupa man, kinakailangan
palaging nasa gitna ang Diyos upang mas matatag, malalim at mabuti ito.
Kinakailangan may Diyos. Sino nga ba ang Diyos sa buhay mo? (tanungin ang bawat isa
kung sino nga ba o ano ba ang pagtingin nila sa Diyos ) [anyayahan magbahagi ang bawat isa]
 Ang plano ng kaligtasan(Basic Doctrine)
 Buhay panalangin at kahalagahan nito sa amin at sa aming Pamilyang binubuo.
 Mga pangunahing Panalangin
MODULESA PAGPAPASEMINAR
28
jvaragon2014
 Sampung Utos ng Diyos
 Diyos ang naglalang sa lahat
 Diyos ang siyang nagligtas
 Diyos ang gumagabay sa atin sa araw-araw nating pamumuhay upang maging banal
o Lahat ng ito dahil lamang iisang dahilan; Dahil dakila ang pagmamahal niya sa
atin.
o Siya ang Diyos natin, Nararanasan mo ba Siya sa iyong buhay? Paano?
(Magbigay ng mga konkretong karanasan na magpapatunay na naranasan mo
nga ang Diyos sa iyong buhay.)
o Dakila ang kanyang pagmamahal, ngunit maraming pagkakataon hindi tayo
nakatutugon ng maayos sa pagmamahal na ito ng Diyos sa atin.
Hindi natin sinusuklian ang pagmamahal na ito ng pagmamahal din. Imbes na
pagmamahal, kasalanan ang ating ginaganti. Ngunit hindi pa rin siya “Give up” sa atin.
Patuloy niya tayong mamahalin at maghihintay na gantihan ng pagmamahal ang kanyang
pag-ibig sa atin.
SESSION IV Ang Simbahang aming kinabibilangan.
 Ano nga ba ang Simbahan?
 Mga batas ng Simbahan?
 Ang Simbahan at ang kanyang mga Sakramento
Ang Pamilyang aking Pinapangarap
-Anu-ano ba ang mga hinaharap ng matrimonyo sa ngayon?
1. Sekularisasyon ng Kasal
2. Pagtaas ng pagkasira ng pagtingin ng kristiyano sa sekswalidad
3. Paghina ng pagpapahalagang moral at pampamilya
 Infidelity
 Adultery
 Divorce
 Broken families
 Artificial contraceptives
 Abortion
1) Ang Pamilya at Sekswalidad ayon sa ating pagtingin
2) AngPamilya at Sekswalidad ayon sa paningin ng Lipunan
3) Ang Pamilya at Sekswalidad sa Paningin ng Diyos at ng Simbahan
Bakit nga ba nagpapakasal sa Simbahan?
1) To have their binding commitment of love to each other before lead and the
Christian Community
2) Blessed through, with and in Christ their Lord and Savior
3) Dahilan ng kasal
 Procreation - propagating the human race
MODULESA PAGPAPASEMINAR
29
jvaragon2014
 Unitive - two are called to become one body in intimate of equal partnership
of life and love
 Responsibleng Pagpapamilya
 Obligasyon ng mag-asawa sa bawat isa
 Obligasyon ng magulang sa kanilang mga anak
 Pagpaplano ng pamilya
Providing Basic needs:
a. Material (foods, shelter,clothing)
b. Education
c. Social
d. Psychological
e. Emotional
f. Spiritual
Buod:
May mahahalagang Elemento upang magkaroon ng isang masaya at buong pamilya at
mabiyayang pagsasama:
a) Genuine Love/ tunay na pag-ibig- siyang magiging ground o
pagmumulan ng relasyon ng mag-asawa sa isa’t-isa at sa mga magiging
anak.
b) Commitment o paninindigan- Siyang magiging panangga sa anumang
unos na darating sa inyong buhay pamilya.
c) Fidelity o katapatan- pinto upang maging maayos at kaaya-aya ang
pagsasama.
d) Communication o pag-uusap- bintana upang maging bukas sa isa’t-isa at
upang Makita ang mas malawak ang mundong ginagalawan ng bawat isa.
e) Diyos / Buhay Panalangin- siyang pundasyon ng pagsasama, kung wala
ito wala itong mabubuong relasyon, pampamilya at tahanan
Commitment
Communication
Diyos
Fidelity Fidelity
MODULESA PAGPAPASEMINAR
30
jvaragon2014
Love
PAKSA 6: SAKRAMENTO NG KUMPIL
I. SALITA NG DIYOS (Gawa 2:1-13)
Nang sumapit ang araw ng pentecostes nagkatipon silang lahat sa isang lugar. At
biglang narinig ang isang ugong mula sa langit, animo’y hagunot ng malakas na
hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. May nakita silang waring mga
dilang apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila. At silang lahat ay napuspos ng Espiritu
Santo at nagsalita ng iba’t-ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.
May mga Judiong buhat sa iba’t-ibang bansa, na naninirahan noon sa Jerusalem, mga
taong palasamba sa Diyos. Nang marinig ang ugong na ito, nagdatingan ang maraming
tao. Namangha sila sapagkat sinasalita ng mga alagad ang mga wika nila. Sa kanilang
pagtataka ay kanilang nasabi, “Hindi ba Galileo silang lahat. Bakit ang atin-ating
katutubong wika ang narinig natin sa kanila? Tayo’y mga taga Partia, mga taga Media,
mga taga Elam; mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at Capadocia, sa Ponto, at
sa Asia. Mayroon pa sa ating taga-Frigia at Panfilia, Egipto at sa mga saklaw ng libia
na sakopo ng Cirene, at mga nakikipanirahang mula sa Roma, maging mga Judio at
mga naakit sa Judaismo. May mga taga- Creta at Arabia pa rito. Paano sila
nakapagsasalita sa atin-ating wika tungkol sa mga kahanga-hangang gawa ng Diyos.”
Hidi nila lubos maisip ang nangyari, kaya’t di matigil ang tanungan, “Ano ang ibig
sabihin nito?” Ngunit ang iba;y pakutyang nagsabi mga lasing iyan!
Pagpapalalim ng Salita ng Diyos
1. Ano ang ginawa ng mga alagad?
nagkatipon-tipon sa silid
2. Ano ang dalawang simbolo ng Banal na Espiritu?
Apoy at hangin
3. Ano ang nangyari sa mga alagad nang sila ay napuspos ng Banal na Espiritu?
nakapagsalita ng iba’t-ibang wika
4. Anu-ano ang mga nagawa ng mga lagad sa tulong ng Banal na Espiritu?
nagkaroon ng lakas ng loob at kakayahan na ipahayag ang salita ng Diyos.
Nang si Jesus ay mamatay ang kanyang mga alagad ay nagsimulang nagkahiwa-
hiwalay at nagtago. Ngunit nang si Jesus ay muling nabuhay at nagpakita sa kanyang mga
alagad ipinangako niya ang kanyang banal na Espiritu. Kung kaya’t sila ay nagkatipon-
tipon sa isang silid sa paghihintay sa pagdating ng Banal na Espiritu. Kasabay ng
paghihintay ay nanduon ang takot sa kanilang mga puso. Ngunit may magandang bagay na
nangyari sa kanilang pagtitipon. Tinanggap nila ang Banal na Espiritu na nag-alis sa
kanilang mga kahinaan, takot at pag-aalinlangan at nagbigay sa kanila ng lakas na loob na
ipahayag ang kanilang pananampalataya kay Hesus na walang takot magingg sa pagharap
sa panganib.
II. SITWASYON NG BUHAY
MODULESA PAGPAPASEMINAR
31
jvaragon2014
1. Katulad ng mga alagad ni Hesus, may pagkakataon bas a iyong buhay na nakadama
kayo ng takot o panghihina? Bakit?
2. Ano ang inyong ginawa para paglabanan ang inyong takot o kahinaan?
Katulad ng mga alagad, may mga pagkakataon din sa ating buhay na tayo ay
nanghhina, natatakot, nawawalan ng pag-asa o nahihirapan. Sa mga panahong atin itong
nadarama, nais nating mayroon tayong mga kasama tulad ng mga kaibigan o mga barkada.
Kadalasan sa kanila tayo kumukuha ng lakas ng loob na harapin ang ating mga kahinaan at
takot. Ngunit higit pa saating mga kaibigan ay mayroong isang tunay na nagbibigay ng
lakas na siyang tumutulong sa atin sa panahon ng ating mga kahinaan. Ito ay banal na
Espiritu na siya ring nagbigay ng lakas ng loob sa mga alagad at sa mga unang Kristiyano.
Tinanggap natin ang Banal na Espiritu sa Sakramento ng Binyag sa panahong tayo ay nasa
murang gulang palang (bata pa) pa lamang at hindi pa lubos na maunawaan ang biyayang
dulot nito. Ngunit tayo ay lumalago at kaalinsabay ng paglago natin bilang tao ay ang
paglago natin sa buhay espiritual kung saan tayo ay inaanyayahang maunawaan ang
biyayang tinanggap sa binyag ng sa gayon maisabuhay at mapatatag ito. Nagaganap ito sa
pagdiriwang ng Sakramento ng Kumpil.
III. Pahayag ng Pananampalataya
Ano nga ba ang Sakramento ng Kumpil?
Sa Sakramento ng Kumpil, pinagiging ganap ang biyayang tinanggap natin sa
Sakramento ng Binyag.
Ano ang ibig sabihin ng “pinagiging ganap”
 pinapalakas, pinagiging totoo, pintatatag
Ano ang mga biyayang tinanggap natin sa Sakramento ng Binyag na “pinagiging ganap”
sa Sakramento ng Kumpil o matatawag din natin na bunga sa pagtanggap ng Sakramento
ng Kumpil?
a. Binibigyan tayo ng lakas ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na maisabuhay
ang pagiging anak natin ng Diyos sa salita at gawa.
b. Tinutulungan tayo na mamuhay sa katotohanan bilang mga binyagang tumanggap
ng bagong buhay kaisa ni Kristo
c. Pinatatag tayo bilang kasapi ng pamilya ng Diyos (ang simbahan) na sinusugo na
ipahayag ang pananampalataya at ibahagi ang pagmamahal ng Diyos sa tao.
Kaya nga sa Sakramento ng Kumpil tayo ay inaanyayahang maging tunay na saksi ni
Kristo.
Paano natin tinatanggap ang napanggit na mga biyayang dulot ng Sakramento ng Kumpil?
Sa pagdiriwang ng Sakramento ng Kumpil may mga tanda (kilos, at salita) na
nakakatulong upang maunawaan ang biyayang idinudulot nito.
KILOS
Ipinapatong ang kamay ng Obispo sa kukumpilan
Pagpapahid ng banal na Krisma sa noo
Pakikipagkamay/ pagtapik sa balikat o pisngi
MODULESA PAGPAPASEMINAR
32
jvaragon2014
SALITA
“N tanggapin mo ang tatak ng kaloob ng Espiritu Santo.”
Pagpapatong ng kamay- nagpapahayah na tinatanggap ng mga kukumpilan ang mga
kaloob ng Banal na Espiritu, ang lakas ng pag-ibig, pananampalataya at pag-asa
upang maging tunay na saksi ni Kristo.
ito ay kumakatawan sa pagdating ng Espiritu Santo. Ito ay ayon sa halimbawa ng
mga alagad: “at ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa kanila at
tumanggap sila ng Espiritu Santo” (Gawa *:17).
Pagpapahid ng Banal na Krisma sa noo- ang kinukumpilan at ay tinatatakan ng krus ang tatak
ni Kristo. Nagpapahiwatig na sila ay lubusang kaisa ni Kristo sa kanyang misyon na:
a. pagka-pari - may kakayahang mag-alay ng sarili sa Diyos at kapwa
b. pagka-hari- may kakayahang maglingkod na may kababaang loob.
c. pagka-propeta- may kakayahang magpahayag ng pananampalataya.
 Banal na Krisma- ito ay langis na mula sa olibo na binabasbasan ng Obispo tuwing Misa
ng Krisma tuwing Huebes Santo sa Katedral.
Pakikipagkamay/ pagtapik sa balikat o pisngi- Ayon sa tradisyon, matapos ang
pagpapahid ng langis at pagpapatong ng kamay, sinasampal ng marahan ng Obispo
ang pisngi ng kukumpilan bilang sagisag ng katapangan. Dahil nakumpilan na ang
isang Kristiyano, siya ay isa nang “sundalo ni Kristo” (Miles Christi) at dapat niyang
ipaglaban ng buong tapang ang paghahari ng Diyos. at Bilang isang kumpilang may
tatak ni Kristo at pinuspos ng Banal na Espiritu ang kilos ito ay nagsasaad ng
kapayapaang hangad ng Obispo, pagtanggap at pagsugo sa kanila ng may
pagmamahal bilang mga saksi ni Kristo.
Matapos ang pagpapatong ng kamay at pagpapahid ng Krisma sa noo ng kukumpilan sa
pamamagitan ng hinlalaki sa pa- krus na paraan, sinasabi ng Obispo: “N tanggapin mo ang
tatak ng kaloob ng Espiritu Santo.”Ito ay ang panalangin na binibigkas ng Obispo upang
maibigay ang Sakramento ng Kumpil.
Sino ang naggagawad ng Sakramento ng Kumpil?
 Si Kristo sa katauhan ng Obispo bilang kahalili ng mga apostol. Gayunman, may
mga pagkakataong dala ng di maiwasang mga kadahilanan ay maaaring ipagkaloob
ng mga Obispo sa mga Pari ang kapangyarihang pangasiwaan ang Sakramentong
ito.
Sino ang maaaring tumanggap ng Sakramento ng Binyag?
 Lahat ng binyagang Katoliko ay maaari at dapat tumanggap ng sakramentong ito
matapos marating ang hustong gulang.
 may sapat na gulang- ang gulang ng pagpapasiya. Iminumungkahi ng Simbahang
Katoliko ang nasa edad na 14 pataas.
 May kaalaman sa kahulugan ng kumpil.
Kaya mahalaga ang lubusang paghahanda katulad ng pagtitipon na ito upang matulungan
tayong magkaroon ng kaalaman sa Sakramento ng Kumpil. Nang sa gayun makatugon
tayo sa hamon na maging tunay na saksi ni Kristo.
(MORAL)
MODULESA PAGPAPASEMINAR
33
jvaragon2014
Sa pagtanggap natin sa Sakramento ng Kumpil. Tayo ay nagiging tunay na Saksi ni Kristo.
Ano ang ibig sabihin ng salitang “saksi”?
 magpatotoo
Ano ang patotohanan ng kukumpilan?
 patotohanan niya ang kanyang pananampalataya na:
 may Diyos Ama na nananatiling nagmamahal sa kabila ng pagkukulang at
kasalanan
 may kapatid tayong si Kristo na nag-alay ng kanyang buhay upang tayo ay
maligtas at maging kaisa niya.
 may Banal na Espitu na gumagabay sa ating buhay.
 Kanino sasaksi o magpapatotoo ang taong tatanggap ng Kumpil?
 sa lahat ng taong kanyang makakasalamuha, binyagan man o hindi.
 Paano mo ito maisasagawa? Madali bang gawin ito? Sino ang tutulong sa iyo?
 Hindi natin maisasagawa ang hamon na maging saksi ni Kristo sa sarili nating
kakayahan. Ngunit sa Sakramento ng Kumpil tinanggap natin ang iba’t- ibang
kaloob ng Banal na Espiritu upang tayo ay magkaroon ng lakas ng loob tulad ng
mga apostol na maipahayag ang pananampalataya na walang takot.
Sino ang Espiritu Santo?
 Ang Ikatlong persona ng Banal na Santatlo, at siya ang tagapagpabanal at
tagapaggapay
Ang aral ng Banal na Santalo, na nagsasabing ang Diyos ay iisa na may tatlong persona,
ay ipinahayag ni Jesus nang sinabi niyang:
“Kaya humayo kayo at gawin ninyong alagad ko asng lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila
sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo” (Mateo 28:19)
Anu- ano ang apat na pangunahing pagpapakita ng Espiritu Santo sa bibliya
1. Inspirasyon ng Bibliya- Ang Espiritu Santo ay nagsalita sa pamamagitan ng mga
propeta at ng mag apostol, pinukaw rin nito ang kanilang damdamin upang maisulat
ang Luma at Bagong tipan. Katulad ng sinabi ni Pedro “ Sapagkat hindi nagbuhat
sa kalooban ng tao ang hula ng mga propeta, ito’y galing sa Diyos at ipinahayag
ng mga taong kinasihan ng Espiritu Santo” (2 Pedro 1:21)
2. Pagdalaw ng Anghel- Si Jesukristo ay ipinaglihi sa sinapupunan ng Birheng Maria
sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Kagaya ng sinabi ng Arkaanghel Gabriel sa
kanya: “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng
kataas-taasan. Kaya’t banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos.
(Lk 1:35)
3. Pagbibinyag kay Jersus- Ang Espiritu Santo ay pumanaog kay Jesus sa
pagbibinyag sa Ilog ng Jordan. Aayon nga sa Mambuting Balita “Nang
mabinyagan si Jesus, umahaon siya sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita niya
ang Espiritu ng Diyos, bumababa sa kanya, gaya ng isang kalapati” (Mateo 3:16-
17)
4. Pentekostes- Noong araw ng Pentekostes, pumanog ang Espiritu Santo sa Birheng
Maria at mga alagad na natitipon sa Senakulo sa Jerusalem. Kagaya nga ng
nakasaad sa kasulatan: “Nang sumapit ang araw ng pentecostes nagkatipon silang
MODULESA PAGPAPASEMINAR
34
jvaragon2014
lahat sa isang lugar. At biglang narinig ang isang ugong mula sa langit, animo’y
hagunot ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila.
May nakita silang waring mga dilang apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila. At
silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsalita ng iba’t-ibang wika, ayon
sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu” Gawa 2:1-4)
Anu-ano ang kaloob ng Banal na Espiritu
 Ito ay pamalagiang kaisipan upang maging masunurin tayo sa kalooban ng Diyos.
Ang mga ito ay inihayag ni Propeta Isaias: “Mananahan sa kanya ang Espiritu ng
Diyos, bibigyan siya ng katalinuhan at pagkaunawa, kaalaman at kapangyarihan,
ng karunungan at takot sa Panginoon” (Isaias 11:2-3)
1. Karunungan-nagbibigay ng tunay na diwa ng pagpapasiya kung ano ang tama at
mali at hanapin ang mga bagay na maka- Diyos.
2. Kaalaman-makilala ang Diyos at sarili nang matularan ang mga banal
3. Pag-unawa- maunawaang mabuti ang lahat ng ipinahahayagng Diyos sa tao sa
pamamagitan ng kanyang mga aral.
4. Payo- nagbibigay ng lakas na magawa ang tamang kalutasan sa mga problema.
5. Katatagan- nagbibigay ng lakas at sigla sa paggawa ng kabutihan.
6. Kabanalan- nagbibigay tulong sa pagsamba sa Diyos at pagpapahalaga sa ating
kapwa at mga bagay na may kaugnayan sa Diyos.
7. Pagkatakot sa Diyos-nagbibigay lakas upang maiwasan nating magkasala at nang
hindi mapalayo sa Diyos.
Sa tulong ng mga kaloob na ito ng Banal na Espiritu na naging ganap sa Sakramento ng
Kumpil ang kukumpilan ay maroong lakas upang tunay na maging saksi ni kristo at
maipahayag ang kanyang pananampalataya. Ngunit kung wala ring pagsisikap ang
tatanggap ng biyaya na palaguin ang mga ito walang saysay din ang pagtanggap spagkat
sabi nga: “nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa”
Anu-ano ang mga bunga ng Sakramento ng Kumpil
a. nagbibigay ng Banal na Espiritu
b. tayo’y nagiging maalam na Kristiyano
c. nagtatatak ng katangian
Ano ang katangian ng kumpil?
Ito ay ang espritual na tanda na nagtatalaga ng ating mga sarili kay Kristo. Winika ni
San Pablo: “Tinatakan niya kami at pinagkalooban ng kanyang Espiritu, bilang
katunayang tutuparin niya ang kanyang pangako” (2Corinto 1:22). Ito ay hindi na
mabubura pa sapagkat ito’y nangangahulugan ng ating pagiging kaisa ni Kristo. Ito’y
katulad ng tanda na nakatatak sa mga sundalo na nagpapahiwatig ng kanilang katapatan sa
kanilang pinuno o kaya’y selyong idinidikit na nagpapatunay sa isang dokumento. Ang
Sakramento ng Binyag at Banal na Orden ay nagtatatak din ng katangian; kung kaya’t ang
mga nasabing sakramento ay nagtataglay ng katangiang hindi mabubura at di na maaring
ulitin.
(PAGSAMBA)
Ano ang nagiging tugon ninyo kapag kayo ay nakakatanggap ng regalo ng regalo o biyaya.
MODULESA PAGPAPASEMINAR
35
jvaragon2014
Nagpapasalamat sa pamamagitan ng:
 Salita (salamat po, thank you….)
 gawa (ginagamit, inaalagaan, ibinabahagi, ibinabahagi, ipinagmamalaki)
Sa bawat pagtanggap natin ng regalo mula sa kaibigan, kaklase magulang, etc.. ganito
na lamang ang pagpapahayag natin ng ating pasasalamat.. ano pa kaya ngayong nalaman
natin na sa lubos ng pagmamahal sa atin ng Diyos Ama, ipinagkaloob niya si Kristo ang
kaisa-isa niyang anak na nagkaloob ng kanyang Espiritu sa mga apostoles noong panahon
ng Pentekostes at tinatanggap rin natin ngayon sa panahon ng Sakramento ng kumpil.
Kaya nga tinatawag natin na ang Sakramento ng Kumpil ay “sarili nating pentekostes”
sapagkat iisang Banal na Espiritu ang tinanggap ng mga apostoles noon at natin ngayon.
Paano tayo makikitungo sa Banal na Espiritu na nagkaloob sa atin ng iba’t- ibang biyaya
 Makikipag-ugnayan sa Banal na Espiritu bilang isang kaibigan sa pamamagitan ng
Panalangin at pasasalamat sa biyayang tinanggap sa Sakramento ng Kumpil.
Bakit maituturing nating kaibigan ang banal na Espiritu?
maituturing nating kaibigan ang Banal na Espiritu sapagkat handa siyang tumulong
at gumabay sa atin araw-araw at sa ano mang oras.
Tugon ng pananampalataya:
Bilang isang kumpilan, paano mo maipapahayag ang pagiging isang tunay na Saksi ni
Kristo?
PAMILYA
Papa At Mama Iniibig ng Lubos Yaman ng mga Anak
Sa pamamagitan ng pamilya, ang tao ay hinuhubog bilang ganap na tao
Ang Pamilya ay eskuwelahan ng PAG-IBIG
LIMANG SALITA NG PAGPAPAHAYAG NG PAG-IBIG
1. SALITA NG PAGPUPURI
2. PAGLILINGKOD
3. PAGTANGGAP NG BINIBIGAY
4. PAGHAWAK
5. PAGLALAAN NG SAPAT NA ORAS
Para mapanatili at mapalakas ang pamilya, komunikasyon at pag-uugnayan ay napakamahalaga,
Bawat miyembro ng pamilya simula sa pinakabunso hanggang sa pinakapanganay ay may
responsibilidad na gawing kapakipakinabang ang pamilya
Ang instruktura ng pamilya ay mas higit na pinalalakas ng ugnayan ng pamilya sa hapag kainan.
Ang salu-salo sa hapag kainan ay pagbabahagi ng buhay ng bawat miyembro hindi lamang ng pagkain.
(DOROTHY NOLTE)
Ang ating mga ginagawa ay nakakaapekto sa mga bata.
Kung ang mga bata ay nabubuhay sa pagbatikos, natututo silang manghusga
Kung ang mga bata ay nabubuhay sa pag-aaway natututo silang makipaglaban
Kung ang mga bata ay nabubuhay na palaging pinagtatawanan, natututo silang maging mahiyain.
Kung ang mga bata ay nabubuhay sa pagpapahiya, natututo silang sisihin ang sarili sa
pagkakamali.
MODULESA PAGPAPASEMINAR
36
jvaragon2014
Kung ang mga bata ay nabubuhay sa mapaggabay na pagpapaubaya ng mga magulang,
natututo silang maging mapagpasensya
Kung ang mga bata ay nabubuhay sa pagbibigay ng lakas ng loob ng mga magulang,
natututo silang magtiwala sa kanilang kakayahan.
Kung ang mga bata ay nabubuhay na pinapahalagahan natututo silang magpahalaga sa kapwa.
Kung ang mga bata ay nabubuhay sa pagiging patas, natututo silang maging pantay.
Kung ang mga bata ay nabubuhay sa tamang pangangalaga at gabay ng mga magulang
natututo silang magtiwala sa Diyos.
Kung ang mga bata ay nabubuhay sa pagsang-ayon, natututo silang kalugdan ang sarili.
Kung ang mga bata ay nabubuhay sa pagtanggap at pakikipagkaibigan, natututo silang
makita ang pag-ibig sa mundo.
PRAKTIKAL NA GABAY SA PANGARAW-ARAW NA BUHAY PARA
MAPALAKAS ANG BUHAY PAMILYA.
(Brenda Hager)
1. Pagbibigay ng ngiti sa mga minamahal. Ipabatid mo sa kanila sa pamamagitan ng iyong
maaliwalas na mukha na masaya ka dahil naging bahagi sila ng iyong buhay.
2. Hawakan mo ang iyong mga mahal sa buhay araw-araw kahit man lang sa maikling sandali.
Ang paghawak ay isa sa pinaka nakapagpapalubag at nakakapagpalakas ng loob.
3. Malumanay na pagsasalita sa mahal sa buhay. Ang pabulong na pagpapahayag ng
taimtim na pagmamahal ay napakahalaga.
4. Hanapin ang mga bagay na nagiging dahilan ng paghanga mo sa mahal mo sa buhay.
Isaisantabi kahit man lang pansamantala ang mga pangit niyang katangian.
5. Tanggapin sa sarili na meron ka ring kahinaan at kapintasan at hindi sa lahat ng sandali
ay ikaw ang tama at may karapatan.
6. Karapatan mong magmahal at hindi lang karapatan mo na mahalin. Kung gaano mo
kasarap nararanasan na mahalin, matuto ka ding magmahal upang ipalasap sa iba ang
kagandahan na ikaw ay minamahal.
7. Maging tapat ka sa iyong minamahal. Ipabatid mo sa kanila kung gaano sila kahalaga sa
buhay mo. Huwag mong isipin na alam naman nila na mahal mo sila. Darating ang oras
na mawawala sila sa buhay mo at pagsisisihan mo kung bakit hindi mo naipakita at
naipadama kung gaano sila kahalaga sa buhay mo.
Ano ang kaaya-ayang pamilya?
1. Nararamdaman mo ang pagiging buhay, ang katotohanan, katapatan at pagmamahal
2. Ikaw ay pinakikinggan at handa ka ring makinig.
3. Malaya kang nakakapag bahagi ng iyong damdamin, sama ng loob at hindi pagsang-
ayon.
4. Hindi ka natatakot magkamali sapagkat alam mo na ang bawat miyembro ay
makakaunawa at magsasabing ang pagkakamali ay bahagi ng pag-unlad.
5. May karapatan kang mapansin, pahalagahan at mahalin. Karapatan mo rin na pansinin,
pahalagahan at mahalin ang iyong mga kasama.
6. Ang bawat miyembro ay nakakatingin ng diretso at nakapagsasalita ng malinaw at
maayos.
7. Ang bawat miyembro ng pamilya ay malayang nakapagpapahayag ng mga
saloobin.(pagkabigo, takot, sakit, pagkukutya at maging kasiyahan).
MODULESA PAGPAPASEMINAR
37
jvaragon2014
8. Hindi nagpapadala sa mga problema kundi may direksyon pa rin ang pagpapasiya.
9. Ang mga magulang ay pinuno at hindi punong puno.
10. Ang pinaka pangunahing trabaho ng mga magulang ay turuan ang mag anak na
magpakatao hindi lamang maging tao.
11. Ang pamilya ay palaging may panahon sa Diyos.
Ako ay ako dahil sa aking pamilya.
Ang hamon sa akin ngayon ay:
-Gawin ang aking obligasyon at bahagi sa aking pamilya dahil ang aking pamilya ay bigay
sa akin ng Diyos.
- Gawin ang aking pamilya na instrumento ng Diyos para sa ikabubuti ng daigdig.
(kamanlilikha at tagapagturo)

Más contenido relacionado

La actualidad más candente

Ang Kredo, Artikulo 1
Ang Kredo, Artikulo 1Ang Kredo, Artikulo 1
Ang Kredo, Artikulo 1Ric Eguia
 
Sacrament of the Holy Eucharist (Lesson + Game)
Sacrament of the Holy Eucharist (Lesson + Game)Sacrament of the Holy Eucharist (Lesson + Game)
Sacrament of the Holy Eucharist (Lesson + Game)Francis Cabredo
 
Misteryo ng Santo Rosaryo
Misteryo ng Santo Rosaryo Misteryo ng Santo Rosaryo
Misteryo ng Santo Rosaryo Ellen Maala
 
Gifts of the holy spirit & confirmation
Gifts of the holy spirit & confirmationGifts of the holy spirit & confirmation
Gifts of the holy spirit & confirmationEmanuelEstrada
 
Mga Handog at Bunga ng Espiritu Santo
Mga Handog at Bunga ng Espiritu SantoMga Handog at Bunga ng Espiritu Santo
Mga Handog at Bunga ng Espiritu SantoSheryl Coronel
 
Ang Espiritu at ang Simbahan
Ang Espiritu at ang SimbahanAng Espiritu at ang Simbahan
Ang Espiritu at ang SimbahanRic Eguia
 
kumpil-SEMINAR-PARENT2012.ppt
kumpil-SEMINAR-PARENT2012.pptkumpil-SEMINAR-PARENT2012.ppt
kumpil-SEMINAR-PARENT2012.pptshirleybaloro
 
Looking into the Christian Vocation
Looking into the Christian VocationLooking into the Christian Vocation
Looking into the Christian VocationMark Jason Alcantara
 
The doctrine of the trinity
The doctrine of the trinityThe doctrine of the trinity
The doctrine of the trinityAndre Fernandez
 
Who is the Holy Spirit
Who is the Holy SpiritWho is the Holy Spirit
Who is the Holy SpiritOka Kurniawan
 
Ritu ng Sakramento ng Kumpil
Ritu ng Sakramento ng KumpilRitu ng Sakramento ng Kumpil
Ritu ng Sakramento ng KumpilEllen Maala
 
Sorrowful Mystery (Rosary Guide) PowerPoint Presentation Slides
Sorrowful Mystery (Rosary Guide) PowerPoint Presentation SlidesSorrowful Mystery (Rosary Guide) PowerPoint Presentation Slides
Sorrowful Mystery (Rosary Guide) PowerPoint Presentation SlidesGerome Arcilla
 
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundoKatekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundoJoemer Aragon
 

La actualidad más candente (20)

Basic Catholic
Basic CatholicBasic Catholic
Basic Catholic
 
Ang Kredo, Artikulo 1
Ang Kredo, Artikulo 1Ang Kredo, Artikulo 1
Ang Kredo, Artikulo 1
 
Sacrament of the Holy Eucharist (Lesson + Game)
Sacrament of the Holy Eucharist (Lesson + Game)Sacrament of the Holy Eucharist (Lesson + Game)
Sacrament of the Holy Eucharist (Lesson + Game)
 
Sacramento
SacramentoSacramento
Sacramento
 
Prayer
PrayerPrayer
Prayer
 
kumpil
kumpilkumpil
kumpil
 
Misteryo ng Santo Rosaryo
Misteryo ng Santo Rosaryo Misteryo ng Santo Rosaryo
Misteryo ng Santo Rosaryo
 
Gifts of the holy spirit & confirmation
Gifts of the holy spirit & confirmationGifts of the holy spirit & confirmation
Gifts of the holy spirit & confirmation
 
The church as one
The church as oneThe church as one
The church as one
 
Mga Handog at Bunga ng Espiritu Santo
Mga Handog at Bunga ng Espiritu SantoMga Handog at Bunga ng Espiritu Santo
Mga Handog at Bunga ng Espiritu Santo
 
Ang Espiritu at ang Simbahan
Ang Espiritu at ang SimbahanAng Espiritu at ang Simbahan
Ang Espiritu at ang Simbahan
 
kumpil-SEMINAR-PARENT2012.ppt
kumpil-SEMINAR-PARENT2012.pptkumpil-SEMINAR-PARENT2012.ppt
kumpil-SEMINAR-PARENT2012.ppt
 
Looking into the Christian Vocation
Looking into the Christian VocationLooking into the Christian Vocation
Looking into the Christian Vocation
 
The doctrine of the trinity
The doctrine of the trinityThe doctrine of the trinity
The doctrine of the trinity
 
Who is the Holy Spirit
Who is the Holy SpiritWho is the Holy Spirit
Who is the Holy Spirit
 
The Holy Rosary
The Holy RosaryThe Holy Rosary
The Holy Rosary
 
Ritu ng Sakramento ng Kumpil
Ritu ng Sakramento ng KumpilRitu ng Sakramento ng Kumpil
Ritu ng Sakramento ng Kumpil
 
Pre Cana Presentation
Pre Cana PresentationPre Cana Presentation
Pre Cana Presentation
 
Sorrowful Mystery (Rosary Guide) PowerPoint Presentation Slides
Sorrowful Mystery (Rosary Guide) PowerPoint Presentation SlidesSorrowful Mystery (Rosary Guide) PowerPoint Presentation Slides
Sorrowful Mystery (Rosary Guide) PowerPoint Presentation Slides
 
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundoKatekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo
 

Similar a PRE CANA MODULE

Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptxHunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptxDarellLanuza1
 
Presentation clss tagalog version
Presentation clss tagalog version Presentation clss tagalog version
Presentation clss tagalog version Melvin Angeles
 
Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!Truth
 
Nuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docx
Nuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docxNuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docx
Nuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docxNanetteMSitjar
 
Ang Panalangin ng Buhay Kristiano
Ang Panalangin ng Buhay KristianoAng Panalangin ng Buhay Kristiano
Ang Panalangin ng Buhay KristianoAi V
 
Lesson 5 pre encounter
Lesson 5  pre encounterLesson 5  pre encounter
Lesson 5 pre encounterRogelio Gonia
 
410629065-Sacrament-of-the-Holy-Eucharist.pptx
410629065-Sacrament-of-the-Holy-Eucharist.pptx410629065-Sacrament-of-the-Holy-Eucharist.pptx
410629065-Sacrament-of-the-Holy-Eucharist.pptxElmer982286
 
PRAY 1 -PINALAKAS SA KAPANGYARIHAN - PTR ALAN ESPORAS - 7AM MABUHAY SERVICE
PRAY 1 -PINALAKAS SA KAPANGYARIHAN - PTR ALAN ESPORAS - 7AM MABUHAY SERVICEPRAY 1 -PINALAKAS SA KAPANGYARIHAN - PTR ALAN ESPORAS - 7AM MABUHAY SERVICE
PRAY 1 -PINALAKAS SA KAPANGYARIHAN - PTR ALAN ESPORAS - 7AM MABUHAY SERVICEFaithworks Christian Church
 
aspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf l
aspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf laspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf l
aspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf lGlennRamesisPiad2
 
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)Ric Eguia
 
Visita Iglesia 2014 Tagalog version
Visita Iglesia 2014 Tagalog versionVisita Iglesia 2014 Tagalog version
Visita Iglesia 2014 Tagalog versionFergus Ducharme
 
36TH FOUNDING ANNIVERSARY-NAUJAN BIBLE CHURCH.pptx
36TH FOUNDING ANNIVERSARY-NAUJAN BIBLE CHURCH.pptx36TH FOUNDING ANNIVERSARY-NAUJAN BIBLE CHURCH.pptx
36TH FOUNDING ANNIVERSARY-NAUJAN BIBLE CHURCH.pptxMei Miraflor
 
Nobena sa mahal na birhen ng mga dukha
Nobena sa mahal na birhen ng mga dukhaNobena sa mahal na birhen ng mga dukha
Nobena sa mahal na birhen ng mga dukhaJoemer Aragon
 
God Promises a Savior
God Promises a SaviorGod Promises a Savior
God Promises a SaviorRic Eguia
 
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptx
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptxENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptx
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptxDarellLanuza1
 
C o u p l e s f o r c h r i s t christian life program talk no
C o u p l e s f o r c h r i s t christian life program talk noC o u p l e s f o r c h r i s t christian life program talk no
C o u p l e s f o r c h r i s t christian life program talk nocotiocrd
 
Jan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptx
Jan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptxJan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptx
Jan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptxCarlosTorralba4
 

Similar a PRE CANA MODULE (20)

Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptxHunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
 
ppt-for-first-communion.pptx
ppt-for-first-communion.pptxppt-for-first-communion.pptx
ppt-for-first-communion.pptx
 
Presentation clss tagalog version
Presentation clss tagalog version Presentation clss tagalog version
Presentation clss tagalog version
 
Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!
 
Nuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docx
Nuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docxNuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docx
Nuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docx
 
Ang Panalangin ng Buhay Kristiano
Ang Panalangin ng Buhay KristianoAng Panalangin ng Buhay Kristiano
Ang Panalangin ng Buhay Kristiano
 
Lesson 5 pre encounter
Lesson 5  pre encounterLesson 5  pre encounter
Lesson 5 pre encounter
 
410629065-Sacrament-of-the-Holy-Eucharist.pptx
410629065-Sacrament-of-the-Holy-Eucharist.pptx410629065-Sacrament-of-the-Holy-Eucharist.pptx
410629065-Sacrament-of-the-Holy-Eucharist.pptx
 
PRAY 1 -PINALAKAS SA KAPANGYARIHAN - PTR ALAN ESPORAS - 7AM MABUHAY SERVICE
PRAY 1 -PINALAKAS SA KAPANGYARIHAN - PTR ALAN ESPORAS - 7AM MABUHAY SERVICEPRAY 1 -PINALAKAS SA KAPANGYARIHAN - PTR ALAN ESPORAS - 7AM MABUHAY SERVICE
PRAY 1 -PINALAKAS SA KAPANGYARIHAN - PTR ALAN ESPORAS - 7AM MABUHAY SERVICE
 
aspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf l
aspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf laspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf l
aspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf l
 
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
 
Visita Iglesia 2014 Tagalog version
Visita Iglesia 2014 Tagalog versionVisita Iglesia 2014 Tagalog version
Visita Iglesia 2014 Tagalog version
 
Clp sesyon 10
Clp sesyon 10Clp sesyon 10
Clp sesyon 10
 
36TH FOUNDING ANNIVERSARY-NAUJAN BIBLE CHURCH.pptx
36TH FOUNDING ANNIVERSARY-NAUJAN BIBLE CHURCH.pptx36TH FOUNDING ANNIVERSARY-NAUJAN BIBLE CHURCH.pptx
36TH FOUNDING ANNIVERSARY-NAUJAN BIBLE CHURCH.pptx
 
Nobena sa mahal na birhen ng mga dukha
Nobena sa mahal na birhen ng mga dukhaNobena sa mahal na birhen ng mga dukha
Nobena sa mahal na birhen ng mga dukha
 
God Promises a Savior
God Promises a SaviorGod Promises a Savior
God Promises a Savior
 
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptx
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptxENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptx
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptx
 
C o u p l e s f o r c h r i s t christian life program talk no
C o u p l e s f o r c h r i s t christian life program talk noC o u p l e s f o r c h r i s t christian life program talk no
C o u p l e s f o r c h r i s t christian life program talk no
 
Jan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptx
Jan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptxJan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptx
Jan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptx
 
Cfc clp talk 3
Cfc clp talk 3Cfc clp talk 3
Cfc clp talk 3
 

Más de Joemer Aragon

Parish advent recollection basud
Parish advent recollection basudParish advent recollection basud
Parish advent recollection basudJoemer Aragon
 
Sending off and renewal 2017-2018
Sending off and renewal   2017-2018Sending off and renewal   2017-2018
Sending off and renewal 2017-2018Joemer Aragon
 
San rafael arkanghel
San rafael arkanghelSan rafael arkanghel
San rafael arkanghelJoemer Aragon
 
San lorenzo ruiz ng maynila
San lorenzo ruiz ng maynilaSan lorenzo ruiz ng maynila
San lorenzo ruiz ng maynilaJoemer Aragon
 
How to make a holy Hour
How to make a holy HourHow to make a holy Hour
How to make a holy HourJoemer Aragon
 
Pag-uulit ng sumpaan ng Mag-asawa
Pag-uulit ng sumpaan ng Mag-asawaPag-uulit ng sumpaan ng Mag-asawa
Pag-uulit ng sumpaan ng Mag-asawaJoemer Aragon
 
Modyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytang
Modyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytangModyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytang
Modyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytangJoemer Aragon
 
The purpose of my life
The purpose of my lifeThe purpose of my life
The purpose of my lifeJoemer Aragon
 

Más de Joemer Aragon (16)

praayer
praayerpraayer
praayer
 
a acatechist
a acatechista acatechist
a acatechist
 
Parish advent recollection basud
Parish advent recollection basudParish advent recollection basud
Parish advent recollection basud
 
Alay kapwa 2018
Alay kapwa 2018Alay kapwa 2018
Alay kapwa 2018
 
Sending off and renewal 2017-2018
Sending off and renewal   2017-2018Sending off and renewal   2017-2018
Sending off and renewal 2017-2018
 
San rafael arkanghel
San rafael arkanghelSan rafael arkanghel
San rafael arkanghel
 
San lorenzo ruiz ng maynila
San lorenzo ruiz ng maynilaSan lorenzo ruiz ng maynila
San lorenzo ruiz ng maynila
 
How to make a holy Hour
How to make a holy HourHow to make a holy Hour
How to make a holy Hour
 
Pag-uulit ng sumpaan ng Mag-asawa
Pag-uulit ng sumpaan ng Mag-asawaPag-uulit ng sumpaan ng Mag-asawa
Pag-uulit ng sumpaan ng Mag-asawa
 
Modyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytang
Modyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytangModyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytang
Modyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytang
 
The purpose of my life
The purpose of my lifeThe purpose of my life
The purpose of my life
 
Prayer
 Prayer Prayer
Prayer
 
Why no Sunday 3
Why no Sunday 3Why no Sunday 3
Why no Sunday 3
 
Know your Mass 2
Know your Mass 2Know your Mass 2
Know your Mass 2
 
Know your Mass 1
Know your Mass 1Know your Mass 1
Know your Mass 1
 
Marian Catechesis
Marian CatechesisMarian Catechesis
Marian Catechesis
 

PRE CANA MODULE

  • 1. MODULESA PAGPAPASEMINAR 1 jvaragon2014 PAKSA 1: PANALANGIN Paano ba tayo nakikipag-usap?  nag-uusap ng harapan, sa pamamagitan ng cellphone (text or call) etc…. Paano tayo nakikipag-usap sa Diyos?  sa Panalangin o pagdarasal PANALANGIN-ayon kay santa Teresa ng Avila, “Personal na pakikipag-usap sa Diyos”  ito ay oxygen ng ating kaluluwa  Personal na pagbaling sa Diyos - sa pagdarasal personal tayong tumutugon sa panawagan ng Diyos na ibigin siya.  Pagbubukas ng ating isipan at puso sa Diyos  Personal at buhay na pakikitungo ng mga anak ng Diyos sa Kanyang Ama. Bakit kinakailangan nating manalangin o magdasal?  ADORATION- upang magpuri o magpugay sa Diyos na makapagyarihan at tagapaglikha  CONTRITION- upang humingi ng tawad sa mga nagawang kasalanan bunga ng mga kahinaan.  THANKSGIVING-upang magpasalamat sa mga biyayang tinatanggap sa araw- araw  SUPPLICATION-upang magsumamo / humingi ng tulong na bigyan ng mga pangangailangan sa buhay, lakas na maiwasang magkasala at makasunod sa kanyang kalooban. Uri ng Pananalangin Mental Prayer- mga panalangin na sa isip lamang Vocal Prayer- mga panalangin na binibigkas ng ating mga labi. Mga Pangunahing Panalangin: Tanda ng Krus  Ito ay dakilang simbolo / tanda /tatak ng ating pagiging kristiyanong Katoliko. Ito ang pagkakakilanlan (identitiy) natin bilang mga binyagan katoliko. Kaya tayo, bilang mga binyagang katoliko ay nag-aantanda ng Krus upang ipahayag na tayo ay Anak ng Diyos Ama, kapatid ni Jesus at pinapatnubayan / pinababanal ng Espiritu Santo  Ang krus ay tanda ng dakilang pag-ibig ng Diyos sa tao. nang dahil sa pagmamahal ay ipinagkaloob ng Diyos Ama ang kanyang Anak na si Jesukristo (na nagkatawang-tao sa kapangyarihan ng Espiritu Santo)  Tanda ng ating kaligtasan. na kung saan higit na ipinahayag ni Jesus ang wagas na pagmamahal sa tao.  Ito rin ay kapahayagan ng ating pagsamba /pagkilala sa iisang Diyos na tatlo ang pagkapersona. Ang Diyos Ama na Siyang Tagapaglikha; ang Diyos Anak, si Jesukristo na Siyang Tagapagligtas; at ang Diyos Espiritu Santo na Siyang Tagapagpabanal at gumagabay. Ito ay ang pagpapagahay ng pinakamataas at pinakabanal na katotohanan ng ating pananampalataya. ng pagsamba sa Bnal na Santatlo habang ating inaalaala ang ginawang pagliligtas sa atin ni Jesukristo.”
  • 2. MODULESA PAGPAPASEMINAR 2 jvaragon2014 (tuturuan ng katekista ng tamang paraan ng pag-antanda ng krus ang mga pinapaseminar) Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo Ama Namin Ama Namin sumasalangit ka sambahin ang ngalan Mo, mapasaamin ang kaharian Mo sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw patawarin mo kami sa aming mga sala para ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen  Ito ay huwaran o kumpletong panalangin sapagkat nakaloob rito ang A-C-T-S  Ang Ama Namin tinatawag na Panalangin ng Panginoon sapagkat ito ang panalanging itinuro ng ating Panginoong Jesukristo sa kanyang mga apostol noong lumapit sila sa kanya at nagpaturong manalangin. Ano ang ipinahihiwatig kapag sinasabi nating ‘Ama Namin’  Nagpapahayag ito nang isang bagong pakikipag-ugnayan, nang malinaw na pagtanggap at pagpapahayag ng ating relasyon sa isa’t-isa  Ito ay pagsamba sa Diyos bilang atimg Amang Maylikha. Ano ang nilalaman ng panalanging ito?  ito ay binubuo ng pitong kahilingan  Ang unang tatlong kahilingan ay nakatuon sa Diyos at sa kanyang kaluwalhatian. Ang “kahilingan- Mo” na para sa pagsamba sa Diyos Ama. 1. Sambahin ang ngalan Mo. 2. Mapasaamin ang kaharian Mo; 3. Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit,  Ang apat na huling kahilingan naman ay mag pagsusumamo / paghingi ng tulong sa Diyos Ama ng awa dahil sa ating karukhaan at mga hangarin. “Kahilingan- Namin” para sa kabutihan ng mga nananalangin: 4. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. 5. At patawarin Mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. 6. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso 7. At iadya Mo kami sa lahat ng masama Amen- nagpapahayag ng pagtitiwala at pananalig. Aba Ginoong Maria Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya ang Panginoong Diyos ay suamasaiyo bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen  ito ay panalangin kay Santa Maria.  kinikilala natin si Maria bilang ina ni Jesus.
  • 3. MODULESA PAGPAPASEMINAR 3 jvaragon2014  ipinagdalang tao niya si Jesus sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo (Lk. 1:35). Siya ang gumabay kay Jesus hanggang siya ay magsimula na sa kayang misyon (Lk 2:39-40)  Itinanghal din siya bilang ating Ina (spiritual mother), tagapagtanggol at katuwang, huwaran bilang mapagkumbabang lingkod ng Panginoon at bilang banal at may kabutihang asal Saan nagmula ang panalanging ito?  Unang bahagi, mula sa Banal na Kasulatan (Lukas 1:26-37)  Hinihiling natin kay Santa Maria na tayong mga makasalanan ay kanyang ipanalangin sa kanyang Anak na si Jesukristo sapagkat naniniwala tayong ‘mabisa ang taimtim na panalangin ng taong matuwid’( Santiago 5:16) tulad ni Santa Maria. Luwalhati Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo Kapara nang sa unang una ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen  ito ay isang doxolohiya na nangangahulugang maikling awitin/ panalangin ng pagpupuri/ pagsamba sa Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo sa lahat ng panahon.  Isang panalanging nagpupuri at kumikilala sa Diyos bilang Diyos. Ang nais ipahayag sa atin ng panalanging ito una, ang pinakamataas na doktrina / katotohanan ng ating Simbahan; ang Banal na Santatlo (Iisang Diyos sa tatlong Persona- Ama, Anak, at Espiritu Santo). Ikalawa, ang nararapat na papuri at pagsamba na dapat ilaan sa Diyos sa lahat ng panahon, habang tayo ay nabubuhay. Siya ang nagkakaloob ng lahat ng biyaya. SUMASAMPALATAYA Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang- tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing, nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao; nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-uli, umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat; doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika; sa kasamahan ng mga Banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen  Ito ay tinatawag na ‘kredo’  Ito ay panalanging nagpapahayag ng kabuuan ng mga katotohang pinaniniwalaan/ sinasampalatayanan ng mga Kristiyanong Katoliko.  Ito ay summary of our faith, of what we believe (buod ng ating pananampalataya, na ating pinaniniwalaan.)  Ito ay simbolo ng ating pananampalataya. Sa panalanging ito tinipon / pinagsamasama ang mga katotohanang itinuturo ng Simbahan at siyang nagbubuod ng mahahalagang katotohanang ating pinaniniwalaan.
  • 4. MODULESA PAGPAPASEMINAR 4 jvaragon2014  Ito ay santatluhan (Trinitarian). Patungkolsa iisang Diyos sa tatlong Persona (One God in three divine person.)  Ito ay may tatlong bahagi na, patungkol sa Diyos Ama, Ikalawa patungkol sa Diyos Anak at Ikalto patungkol saDiyos Espiritu Santo.  Ito ay nahahati sa labindalawang artikulo o aral (12 articles) 1. Ang Diyos Ama bilang makapangyarihan at maylikha ng lahat 2. Si Hesukristo bilang iisang Anak ng Diyos at Panginoon 3. Siya ay ipinaglihi lalang ng Espiritu Santo at ipinanganak ni Santa Mariang Birhen 4. Siya ay pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing; 5. Siya ay nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao at nabuhay na mag-uli sa ikatlong araw 6. Siya ay umakyat sa langit at naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyariahan sa lahat; 7. Doon (sa langit) magmumulang paririto si Hesus sa kaluwalhatian upang hukuman ang nangamatay at nangabubuhayna tao; 8. Ang pagsampalataya sa Diyos Espiritu Santo 9. Pagsampalataya sa Banal na Simbahang katolika; 10.Pagsampalataya sa kapatawaran ng mga kasalanan 11.pagsampalataya sa muling pagkabuhay ng mga nangamatay na tao; at 12.Pagsampalataya sa buhay na walang hanggan. Mahalaga ang dasal na ito sapagkat sa pamamagitan nito ay naipagbibigay alam ang Kristiyanong mensahe sa sanlibutan, kaya nga ito’y tinatawag na buod ng ating pinanampalatayanan. Ito ay batayan ng ating pinaniniwalaan at ng mga katuruang pansimbahan tungkol kay Hesukristo. Nagapapakita ng kaisahan (unity) nating mananampalataya kay Kristo Mayroon tayong isang pinaniniwalaan at depensa laban sa anumang mali o salungat na katuruan. Hamon: Bilang mananampalatayang Katoliko, tayo ay hinihimok na dasalin ng taimtim at may tamang pag-unawa ang dasal na ito sapagkat sa bawat pagbigkas natin nito ay ipinapahayag natin ang ating pananampalataya sa Panginoong Diyos na lubos ang kabutihan at pagmamahal sa ating lahat. Pagsisisi O Diyos ko, ako’y nagsisisi nang buong puso, sapagkat ako’y nagkasala sa Iyo. At kinapopootan ko ang lahat ng kasalanan ko sapagkat natatakot akong di ko makamtam ang langit at maparusahan sa impiyerno. Subalit higit sa lahat, sapagkat nilapastanganan Kita, O Diyos ko, gayong napakabuti Mo at dapat kang ibigin ng buo kong puso. Nagtitika akong matibay sa tulong ng iyong grasya, na ikumpisal ang mga kasalanan ko, magpakasakit at magbagong- buhay. Amen
  • 5. MODULESA PAGPAPASEMINAR 5 jvaragon2014 PAKSA 2: ANG SAMPUNG UTOS NG DIYOS Bakit kailangan ang isang batas sa lipunan?  upang magkaroon ng kaayusan  upang mayroong gabay na dapat sundin (tanungin ang mga tagapakinig at kuhain ang sagot) Ano ang pamantayan o batas?  ito ay isang atas ng katwiran na itinakda ng may kakayahan, may kapangyarihan para sa kapakanang panlipunan.  Ipinapahayag ng mga moral na pamantayan, batay sa isang moral na pananaw Ano ba ang pinakamataas na batas o utos?  Ang utos ng Diyos ang pinakamataas sa lahat ng batas o utos na umiiral sa mundo. SALITA NG DIYOS Alamin natin ngayon kung ano ba ang kanyang mga utos (Ex 20:2-17) Deuteronomio 5:1- 22 1. Ilan ang ibinigay na utos ng Diyos?  10 2. Kanino ibinigay ang sampung utos?  kay Moises 3. Saan ibinigay ang sampung utos?  Sa bundok Sinai 4. Bakit ibinagay ng Diyos ang kanyang utos sa tao?  Upang tayo o ang tao ay makaiwas sa kasalananan INTERPLAY Ang isang lipunan ay kailangan ang batas upang magkaroon ng kaayusan at mayroong gabay na dapat sundin ang mga mamamayan (halimbawa ay ang batas Trapiko kung wala ang batas na ito maaaring maraming mga maaaksidente, magulo ang daanan), at iba pa kaya nga maraming mga batas ang umiiral ngayon sa ating bansa subalit ang gumawa nito ay isang namumuno sa lipunan sa madaling salita isang tao lamang kaya’t mas mataas ang Batas ng Diyos sapagkat ang batas na ginagawa nila ay galing sa batas ng Diyos. Ang sampung utos ng Diyos ay ibinigay kay Moises sa bundok ng Sinai na nakasulat sa dalawang tipyas na bato, ibinigay ito ng Diyos upang tayo o ang Tao ay makaiwas sa kasalanan at ito ang magsilbing gabay natin sa paglalakbay sa mundong ito. Ano ba ang Sampung Utos? Ganito ang nakasulat sa Bibliya Katesimo Opisyal 1. Ako ang Panginoong mong Diyos: huwag kang magkaroon ng ibang mga diyos maliban sa Akin Ibigin mo ang Diyos nang higt sa lahat 2. Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoong Diyos nang walang Igalang mo ang Ngalan ng Diyos
  • 6. MODULESA PAGPAPASEMINAR 6 jvaragon2014 kabuluhan 3. Alalahanin mo ang araw ng Sabat upang pabanalin ito Mangilin ka sa mga araw na pinangingilinan 4. Igalang mo ang iyong ama at ina. Igalang mo ang iyong ama at ina. 5. Huwag kang papatay Huwag kang papatay 6. Huwag kang makikiapid Huwag kang gagawa ng mga laban sa kalinisan 7. Huwag kang magnanakaw Huwag kang magnanakaw 8. Huwag kang sasaksi ng di totoo laban sa iyong kapwa Huwag kang sasaksi ng di totoo laban a ioyng kapwa 9. Huwag kang magnasa sa asawa ng iyong kapwa Huwag kang sumang-ayon sa mga isipin at pagnanasang laban sa kalinisan 10. Huwag nanasain ang ari ng iyong kapwa Huwag mong pagnasaan ang ari-arian ng iyong kapwa Ang Sampung utos ng Diyos ay nahahati sa dalawa ito ay ang Pag-ibig sa Diyos at Pag- ibig sa Kapwa ito ang pinakamataas na utos (Mt. 22;37 o Lk10:27). Ang unang tatlong utos ng Diyos ay ukol sa mga tungkulin ng tao sa kanyang Diyos. Ang huling pito ay mga tungkulin sa kapwa. PAGPAPALIWANAG: Unang utos: Ibigin mo ang Diyos nang higit sa lahat Ano ang ipinag-uutos sa unang utos?  Ipinag- uutos ng Diyos sa unang utos ang pagsamba sa kanya sa pamamagitan ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa kanya Ito ay tumatawag sa tao upang sumampalataya sa Diyos, umasa sa kanya at umibig sa kanya ng higit sa lahat ng bagay. Iniibig natin ang Diyos nang higit sa lahat ng bagay kung sa lahat ng panahon at bagay ay tinutupad natin ang kanyang mga utos at kalooban. Bakit kailangan ng tao ang pananampalataya?  Hindi natin maaaring sambahin at ibigin ang Maykapal kung hindi natin siya kilala. Ang ibig sabihin ng pagsampalataya ay tanggapin nang buong puso ang mga ipinahayag ng Diyos at itinuro ni Kristo, na ngayon ay ipinangangaral ni Iglesya Katolika. Hinihingi sa atin na alagaan at ingatang mahinahon at masuri ang ating pananampalataya at iwasan ang tanang labag dito. Ano ang ibig sabihin ng Pag-asa?  Kung nagpapahayag ang Diyos at tinatawag ang tao, hindi ito maaaring lubusang tumugon sa pag-ibig ng Diyos sa sarili niyang lakas. Dapat umasa sa Diyos na bibigyan siya ng lakas upang tugunin ang gayong pag-ibig at gumawa nang ayon sa mga utos ng pag-ibig. Paano tayo nagkakasala sa unang utos ng Diyos?  Sa kusang pag-alinlangan sa pananampalataya winawalang bahala o tinatalikdan ang tunay na pahayag ng Diyos at ang aral ng Simbahan na dapat sumampalataya.
  • 7. MODULESA PAGPAPASEMINAR 7 jvaragon2014  Di- pagsampalataya - inkrekulidad ay paglait sa katotohanang ipinahahayag o kaya ang kusang pagtakwil sa paniniwala.  Herecy o Herejia ang matinding pagtakwil, pagtatwa, pagkatapos tanggapin ang binyag, ng isang katotohanan na dapat sampalatayanan nang may pananampalatayang maka- Dios at Katoliko o kaya ang alinlangang mahigpit tungkol doon  Apostacy oApostacia ang pagtakwil o pagtalikod sa buong pananampalatayang Kristiyano.  Cisma ang pagtutol sa pagsunod sa Santo Papa o sa pakikisama sa mga kasapi ng Iglesia.  Desesperasyon pagwawalang -pag-asa, di na inaasahan ang Diyos sakanyang kaligtasang Personal , ang tulong upang marating iyon o ang kapatawaran ng kanyang mga kasalanan.  Presunsyon o Presumption  Lisyang nananalig ang tao sa sariling lakas- umaasang maliligtas sa sariing lakas, at di sa Diyos  malabis na umaasa sa kapangyarihan ng Diyos o sa kanyang awa- umaasang magkakamit ng kanyang kapatawaran ng walang pagbabagong- loob at ng kaluwalhatian nang walang merito  Pagwawalang-bahala o Indeferencia- itinatabi o itinatakwil ang pag-ibig sa Diyos; hinahamak ang pauna niyang aksion at itinatatuwa ang lakas nito.  Di - pagtanaw ng utang na loob nililimot o itinatatwang kilalanin ang pag-ibig ng Diyos at di sinusuklian ang pag-ibig ng pag-ibig.  Katamlayan o tibieza ay ang isang alinlangang ibigay ang sarili sa mabathalang pag-ibig, maaring tukuyin ang Pagtangging ibigay ay sarili na alok ng pag-ibig.  Acedia o katamaran sa Espiritual sinusugpo ang galak na galing sa Diyos at nasisindak sa kabutihang banal.  Poot sa Dios nagmumula sa kapalaluan salungat sa pag-ibig ng Diyos na ang kabutihan ay itinatatuwa at nilalapastanganan yayamang kinokondena ang kasalanan at nagpapataw ng parusa.  Superstisyon o Pamahiin isang uri ng kasamaan ng relihio dahil sa kalabisan at lisya sa damdamin relihioso at sa mga gawaing ipinag-uutos  Idolatria o pagsamba sa dios- diosan, Politeismo hal. salapi, kapangyarihan, hinihingi sa tao huwag sumampalataya sa ibang mg adios maliban sa tunay na Diyos at huwag ambahin ang ibang dios maliban sa kaisa-isang Dios.  Adivinasyon o Panghuhula ito ay ang pagdulog kay Satanas, o sa mag Demonyo, ang pagtawag sa Patay o evocacion, pagsangguni sa mga horoscope, astrolohia at iba pa at dapat ito ay itakwil at ang lahat ng gawain ng Mahika o ng pangkukulam (magia, hechiceria) na sa pamamagitan nito ikinukunwaring supilin ang mga natatagong lakas upang gamitin para sa sariling kapakinabanganat magtamo ng lakas sobrenatural sa kapwa. Ang espiritisimo ay malilmit tumutukoy sa mga gawain ng panghuhula o mahika.  Irelihion o Panunukso sa Diyos ito ay pagsubok sa wika o sa gawa sa kabutihan at kapangyarihan ng Diyos.
  • 8. MODULESA PAGPAPASEMINAR 8 jvaragon2014  Sacrilege o Sakrilio paglapastangan o gamiting di- karapat- dapat ang mga sakramento at ibang mga gawaing liturhiko, tulad ng mga persona, bagay, mga pook na nakalaan sa Diyos. ito ay isang mabigat na kasalanan, lalo na kung nilapastanganan ang Eukaristia sapagkat nasa sakramentong ito ang Katawan ni Kristo, taglay ang pagka Diyos.  Simony o Simonia (Gawa 8:9-24) Ito ay ang pagpapabibili o pamimili na mga bagay na esperitual.  Ateismo o Atheism pagtakwil sa pagkakaroon ng Diyos  Agnosticismo pagtatutwa sa Diyos Bakit sa simbahan maraming mga Imahen o Rebulto ng Santo, ni Sta. Maria o Kristo ito ba ay labag sa unang utos ng Diyos?  Hindi ito labag sa unang utos ng Diyos sapagkat sa Diyos lamang natin ibinibigay ang ating pagsamba ang larawan na makikita natin sa simbahan ay nagpapakita lamang sa atin na mayroong Diyos, at ang mga santo ay di natin sinansanmba sila ay iginagalang lamang natin bilang mga kaibigan ng Diyos at huwaran sa ating pananampalataya na maaari natin matularan. na kung saan ito ay tulong sa atin upang matulungan tayo na mailapit sa Diyos. LATRIA- pagsamba na tanging ibinigay sa Diyos lamang HYPERDULIA - parangal at paggalang kay Sta Maria DULIA - parangal at paggalang na ibinibigay sa mga Santo at Santa. Ikalawang Utos: Igalang mo ang Ngalan ng Diyos Ang Pangalan ng Diyos ay larawan at sagisag ng kanyang lakas, kapangyarihan, kabanalan at kalikasan. Ipinag-uutos ng ikalawang utos ay magsalita nang may magalang tungkol sa Diyos at sa mga tao o mga bagay na banal, at tuparin ang ating mga panata at panunumpa. Nagkakasala tayo sa utos na ito sa mga sumusunod paraan  Blasfemia ito ay ang pagsalita nang laban sa Diyos ang paglait sa kanya isang paglapastangan.  Pagsumpa sa kapwa o paggamit sa ngalan ng Diyos o ng isang bagay sa sangkalikasan upang ipahamak ang kapwa.  Pagtawag sa ngalan ng Diyos upang sumaksi sa ating sinasabi na hindi naman makatotohanan o sa mga bagay na walang kabuluhan  Hindi pagtupad ng ating panata sa Diyos. Ikatlong utos: Mangilin ka kung Linggo at Pistang Pangiling Ipinag-uutos nito ang pagsamba sa Diyos sa isang tanging paraan upang ipangilin o igalang ang araw na nakatalaga a kanya. Ibinibigay ng Diyos ang anim na araw sa tao upang pangalagaan ang kanyang katawan at kabuhayan, ngunit inilalaan ang isang araw sa kanyang sarili. Samakatuwid ang paglabag sa araw ng Panginoon ay maituturing na isang pagnanakaw ng araw na nakatalaga sa Diyos.
  • 9. MODULESA PAGPAPASEMINAR 9 jvaragon2014  Makibahagi tayo sa buong Misa (magsimba) sapagakat ito ang pinakamataas na uri ng pagsamba sa Diyos. Sa Misa ay nakikiisa tayo kay Kristo sa kanyang paghahandog sa Krus ng isang hain na karapat-dapat sa Ama. Ang ipinagbabawal sa ikatlong utos ay ang paggawa ng mabigat na trabaho na dito’y ginagamit natin ang ating katawan at hindi ang isipan, sapagkat nararapat ang pamamahinga ng katawan upang ang tao ay magkaroon ng panahon sa kanyang kaluluwa at sa Diyos na dapat niyang pasalamatan sa mga biyayang kaloob niya. And di pagsimba sa araw ng Linggo nang walang sapat na kadahilanan maliban sa sakit ay kasalanan, gayon din ang paglaktaw ng malaking bahagi sa Misa. Sa mga pistang pangiling ay ipinagdiriwang natin ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng Panginoon, ng Mahal na Birhen at ng mga santo. Sa Pilipinas, ito ang ang mga pistang pangilin: 1. Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos (Enero 1) 2. Immaculada Conception (Disyembre 8) 3. Pasko o Kapangakan ni Jesus ( Disyembre 25) Tungkol sa pagtupad ng kautusang ito, ang Santa Iglesya ay nagbigigay ng kaluwagan sa kanyang mga anak upang sa bisperas (hapon o gabi) ng linggo at pistang pangilin na maaari silang magsimba at makatupad sa tungkulin ng Linggo o pistang pangilin. Ikaapat na Utos: Igalang mo ang iyong ama at ina Ang ipinag-uutos ng Diyos sa utos na ito ay ang paggalang at pagmamahal sa ating mga magulang at mga pinuno ; itinakda rin niya ang mga tungkulin ng mga magualng at mga pinuno. Dapat nating igalang at mahalin ang ating mga magulang sapagkat binigyan nila tayo ng buhay at kahalili sila ng Diyos. Sa paggalang ng mga anak sa kanilang mga magulang ay ipinamamalas nila ang kanilang pagtanaw ng utang na loob sa kanilang mga magulang. Dapat nating mahalin ang ating bayan at pamahalaan, tumulong sa ikabubuti ng madla, at sumunod sa mga batas na makatarungan. Tungkulin nating sumunod sa mga pinuno at magbayad ng buwis. Kung halalan, iboboto natin ang mabubuting mga tao na hahawak ng ating pamahalaan. Tungkulin natin igalang, sundin at tulungan ang mga pinuno ng Santa Iglesya bilang mga kahalili ni Kristo. Tumalima sa mga ipinag-uutos ng Simbahan at magbigay ng nauukol sa kanilang kabuhayan. Alin ang mga pangunahing utos ng Simbahan a) Makibahagi sa buong Misa kung linggo at pistang pangiling. (nasa ikatlong utos ng Diyos ang paliwanag) b) Mag-ayuno at mag abstininsya sa mga araw na itinakda ng Simbahan. Ayuno- pagbabawas ng pagkain tuwing Miryekules ng Abo, Miyerkoles Santo at Biyernes Santo. Abstininsya- hindi pagkain ng karne o lamang kati Miryekules ng Abo, Miyerkoles Santo at Biyernes Santo at lahat ng araw ng biyernes sa mahal na araw c) Magkumpisal minsan sa isang taon at tumanggap ng Banal na komunyon minsan man lamang lalo na sa panahon ng Muling Pagkabuahay
  • 10. MODULESA PAGPAPASEMINAR 10 jvaragon2014 d) Magbigay ng tulong sa simbahan Maaring tayong tumulong sa simbahan sa tatlong paraan T-reasure T-alent T-ime e) Magpakasal sa simbahan ayon sa batas Ano ang kasalanan sa utos na ito? Ang di paggalang sa mga magulang at pinuno ng pamahalaan at simbahan. Ikalimang utos: Huwag kang papatay Ibinigay sa atin ng Diyos ang katawan at kaluluwa sampu ng mga sangkap nito upang gamitin natin sa pagbibigay-luwalhati sa kanya at sa ating kaligtasan. Inaalagaan ng Diyos ang ating buhay sa ikalimang utos. Ipinag-uutos ng Diyos ang paggalang sa buhay at kalusugan ng katawan at kaluluwa, ang sa ating sarili at ang sa ating kapwa. Ang Diyos lamang ang Panginoon at may-ari ng ating buhay, kaya siya lamang ang maaaring magbigay o bumawi nito. Kailangan ingatan ang ating buhay sapagkat katiwala lamang tayo ng Diyos at balang araw ay magbibigay sulit tayo sa kanya ng ating buhay at kabuhayan. Ano ang mga kasalanan laban sa ikalimang utos? Suicide o pagpatay sa sarili Murder Abortion-Pagpatay ng sanggol sa sinapupunan ng ina o Euthanasia o Mercy Killing Pag abuso sa kalusugan ng katawan Ikaanim na utos: Huwag kang makikiapid Ikasiyam na utos: Huwag mong pagnasaan ang hindi mo asawa. Sa ikalimang utos, ipinag-uutos ng Diyos ang pag-iingat sa ating buhay, samantalang sa ikaanim at ikasiyam ipinagtatanggol niya ang bukal ng buhay. Sa karunungan at kabutihan ng Diyos, binigyan niya ang lalaki at babae ng kapangyarihan na tumulong sa kanya sa pagpaparami ng mga tao, kaya pinagkalooban sila ng isang dakilang sangkap sa katawan upang isagawa ang dakilang layuning iyo. Ang sangkap na ito, tulad ng iba, ay maari nating gamitin sa mabuti o sa masama. Kung sa masama nagkakasala tayo sa ikaanim o sa ikasiyam na utos. Sa ikaanim, ipinag-uutos na tayo ay maging malinis at banayad sa ating pagkilos; sa ikasiyam, maging malinis sa isip at nasa. Ang tinutukoy sa ikaanim ay ang mga gawa o kilos, kapag ang isang may asawa ay naghiwalay sa kanyang asawa at nakisama sa iba sila ay nakikiapid at nagkakasala samantalang sa ikasiyam ay ang pag-iisp at hangarin., na kung saan ang isang lalaki ay nag-isip ng may pagnanasa sa babae na di naman niya asawa siya ay nagkakasala sinabi ni Kristo “kung ang isang lalaki ay nag-isip ng masama sa kanyang kapwa siya ay nagkakasala ng pakikiapid” Sa madaling sabi ang ikaanim ay ang tungkol sa gawa at ang ikasiyam ay sa isip. Ipinagbabawal ang kahalayan at lahat ng gawang labag sa kalinisan, maging sa wika, tingin at gawa, sa sarili o sa iba.
  • 11. MODULESA PAGPAPASEMINAR 11 jvaragon2014 Ang mag-asawa ay kailangang maging tapat sa isa’t-isa. Kapag nagkasala sa bagay na ito ay gumagawa ng pakikiapid. Ang pakikiapid ay nagdudulot ng pagdurusa sa buhay na ito at sa kabila. Sa lumang tipan ang nakikiapid ay pinaparusahan ng kamatayan. Ang may asawa na gumagawa ng mahalay sa sarili, ng birth control o tumatanggi sa karapatan ng kanyang kabiyak ay lumalabag sa utos na ito. Ipinagbabawal din ang lahat ng pag-iisip at nasang labag sa kalinisan. Kung ang sumasaging pag-iisip o nasa ay agad nating itinataboy at hindi tinatanggap ng ating kalooban, tayo ay hindi nagkakasala. Masturbation -paggawa ng pansariling kaligayan Pornography o Panonood at pagbabasa ng mahahalay Prostitute - Pagbibinta ng sarili kapalit ay pera Pre- Marital Sex- Pagtatalik na hindi kasal o labas sa kasal Homosexuality- pagtatalik na magkapareho ang kasarian Adultery o pakikiapid- Pagkikipagtalik sa hindi asawa Artificial Contraceptives- paggamit ng mga konraseptibo upang mapigil ang panganganak Sa utos na ito inaanyayahan tayo ng Diyos na maging malinis tayo sa atin wika at kilos. Ikapitong utos: Huwag kang magnanakaw Ikasampung na utos: Huwag mong pagnasaan ang hindi mo pag-aari Ipinag-uutos sa atin ng ikapito at ikasiyam na utos na igalang at pangalagaan natin ang pag-aari ng iba ta huwag tayong mainggit sa kanila, sapagkat binigyan ng Diyos ng karapatan na mag-ari ang isang tao. Sinasabi ng Simbahan na ang karapatan ng bawat tao na mag-ari ay isang likas na karapatan, na di maaaring ipagkait sa tao. Ngunit ito’y hindi nangangahulugan na magagawa ng tao ano man ang kanyang ibig sa kanyang ari-arian. Masama ang maglustay ng kayamanan, ang paggamit nito sa masasama o kaya’y sa ikapipinsala ng ating kapwa. Ang tinutukoy sa ikapitong utos ay ang mga gawa samantalang sa ikasampu ay mga hangarin at nasa na makuha o maitago ang pag-aari ng iba nang labag sa katarungan labag sa utos na ito ang mga sumusunod: Ang pang-uumit, pagnanakaw at panloloob Ang pandaraya sa sukatan, timbangan, huwad na pera o tseke o dokumento Usury-Ang pagpapautang nang may mataas na tubo o pagtutubo ng malaki sa pangangalakal Ang paninira ng pag-aari ng iba Ang pagtanggap o paghingi ng suhol Ang di pagbabayad ng wastong sahod sa mga katulong, utusan o manggagawa Ang pagtanggap o pamimili ng bagay na nakaw pagkaiingit sa tagumpay ng iba Ang nagtatangkang magnakaw Ikawalong utos: Huwag kang sumaksi ng walang katotohanan laban sa iyong kapwa. Ipinag-uutos nito na tayo ay magsalita ng katotohan sa lahat ng bagay, lalung-lalo na sa mga bagay na may kaugnayan sa mabuting pangalan at karangalan ng ating kapwa. Yayamang ang tao ay nabubuhay sa lipunan, nararapat na siya ay maging tapat sa kanyang
  • 12. MODULESA PAGPAPASEMINAR 12 jvaragon2014 pakikitungo sa kapwa, ang kanyang mga salita o sinasabi ay maging akma at tugma sa kanyang isipan at damdamin. Iginagalang natin ang mabuting pangalan ng ating kapwa kung nag-iisip o nagsasalita tayo ng mabuti tungkol sa kanya at maaaring magsabi ng kanyang kapintasan kung talagang kailangan lamang. Anu-ano ang mga kasalanang labag sa utos na ito?  Kasinungalingan o Perjury - Ang pagsabi ng hindi totoo upang linlangin ang iba, kung nakapipinsala ng malaki o may kasamanag panunumpa, katulad sa husgado ay mabigat na kasalanan at kung ang ikinikols o ginagawa ng isang tao ay salungat sa kanyang damdamin at kalagayan, nagkakasala siya ng pagbabalatkayo at pagkukunwari, na itinuturing na pagsisinungaling sa gawa (hipokrasiya). Ang isang lihim ay kailangang itago kung ipinangako natin at kung hinihingi ng ating tungkulin o kaya kung iyan ay tungo sa pangangalaga ng mabuting pangalan na iba.  Paninirang-puri- pagsabi ng nakasisira sa dangal ng iba. a) Slander / Calumny o Kalumniya - pagsira ng pangalan ng ating kapwa na hindi totoo o walang katotohanan sa pamamagitan ng pagbubunyag sa iba. b) Detraksiyon-Kung totoo ngunit lihim naman ang pagbubunyag. Ito ay maituturing na isang uri ng pagnanakaw sapagkat ninanakaw natin ang karangalan ng iba, kaya ang nakagawa nito ay may tungkuling gumawa ng restitusyon na kung saan kailangan niyang sikaping gumawa ng mga hakbang upang isauli ang nawalang mabuting pangalan at puri ng kapwa PAKSA 3: SAKRAMENTO I. SITWASYON NG BUHAY Paano niyo ipinapahayg ang pagmamahal sa mga taong mahahalaga sa inyo? Posibleng sagot: Tumutulong kung kinakailangan, nagibigay ng regalo kung may kaarawan o anibersaryo, nginingitian, binabati lalo na kung nalulungkot at iba pa. Pagbubuo / Pagpapalalim Sa pagpapahayag ng pagmamahal gumagamit tayo ng mga paraan o tanda upang ipadama o malaman na tayo’y nagmamahal o may pagtingin sa ating minamahal. Gumagamit tayo ng tanda na maaaring bagay, kilos, salita Hal. regalo na maaaring kagamitan, bulaklak, at iba pa. Pag-uugnay: Kung tayong mga tao ay gumagamit ng tanda upang ipadama natin sa isang tao na mahalaga at minamahal natin siya. ang Diyos din ay gumamit ng tanda upang ipakita ang pagmamahal o pag-ibig niya sa ating lahat. II. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS: (Juan 3:16-17) Sapagkat gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Isinugo ng Diyos
  • 13. MODULESA PAGPAPASEMINAR 13 jvaragon2014 ang kanyang Anak upang di hatulang maparusahan ang mga tao, kundi upang iligtas ang mga ito sa pamamagitan niya. Pagtatalakayan: 1. Sino ang ipinadala ng Diyos sa atin? 2. Bakit niya ginawa ito? 3. Ano ba buhay naa walang hanggan? Buod: Si Jesus ang tanda ng pagmamahal ng Diyos sa ating lahat Ano ang ginawa ni Jesus nang siya’y dumating dito sa lupa Buod: Iniligtas niya tayo sa ating mga kasalanan, ipinakita niya ang daan tungo saAma (pagsunod). Ngunit pagkatapos tayong iligtas ay umakyat sa langit subalit patuloy pa rin ang gawain niyang pagliligtas sa pamamagitan ng Simbahan at konkreto itong nakikita sa pagdiriwang ng mga Sakramento. Bilang pagbibigay diin mapapansin natin na, ipinadala ng Ama si Kristo bilang tanda ng kanyang pagmamahal, itinatag naman ni Kristo ang Simbahan at sa simbahan ipinagdiriwang naman natin ang mga Sakramento kung saan patuloy nating nakatatagpo ang Ama sa pamamagitan ni Jesukristo sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. AMA-------------------KRISTO------------------SIMBAHAN-------------7 SAKRAMENTO kaya masasabi natin na si Kristo ang sakramento ng Ama-- ang Simbahan ang sakramento ni Kristo at ang pitong Sakramento ang ipinagdiriwang ng Simbahan AMA KRISTO SIMBAHAN 7 SAKRAMENTO Sakramento ng Ama) Sakramento ni Kristo Sakramento ng Simbahan (Primordial Sacraments) ( Foundation Sacraments) (Ritual Sacraments) At sinabi natin na ang Anak ay sinugo ng Diyos Ama upang ipaalam sa tao ang kanyang pag-ibig, ituro sa tao ang katotohanan hinggil sa buhay na walng hanggan at akitin ang lahat sa pakikibahagi sa buhay ng Diyos, bilang paghahanda sa kaligayahang walang hanggan. Inihayag ng Anak ang lahat ng niloloob ng Ama upang puspusang matamo ng tao ang pakikibahagi sa buhay at kaligayahan ng Diyos. “Ito nga ang kalooban ng aking Ama, na ang lahat ng makakita sa Anak at sumampalataya sa kanya ay magkamit ng buhay na walang hanggan at bubuhayin ko siyang muli sa huling araw” (Jn. 6:40). Si Kristo ang ibinigay ng Ama upang maging daan katotohanan at buhay ng tao. Paanong makakamit ng tao ang buhay ng Diyos o grasyang nagpapabanal sa pamamagitan ng Anak? Nagtatag si Kristo ng pitong sakramento bilang mga bukal ng grasyang nagpapabanal. Ipinagpatuloy ni Kristo ang kanyang pamumuhay sa ating piling sa pamamagitan ng mga sakramento. Kung paanong ginamit ni Kristo noong una ang kanyang katawan sa paggawa ng mabuti, gayon din naman ginagamit ngayon ang mga Sakramento sa paggawad ng biyaya sa mga kaluluwa. Ano ang Sakramento? SAKRAMENTO-Banal na tanda na itinatag ni Kristo na kung tatanggapin ng mga pananampalataya ay nagkakaloob ng biyaya, Pananampalataya- naniniwala, nagtitiwala, tumatalia sa Diyos
  • 14. MODULESA PAGPAPASEMINAR 14 jvaragon2014 Sa mga Sakramento, nakakatagpo natin si Kristo na siyang kaganapan ng kagandahang- loob at pagmamahal ng Ama. Mayroon tayong pitong Sakramento ito ay ang: BINYAG, KUMPIL, BANAL NA EUKARISTIYA, SAKRAMENTO NG PAKIKIPAGKASUNDO, PAGPAPAHID NG LANGIS SA MAY SAKIT, KASAL AT PAGPAPARI. Pitong Sakramento at ang Pagkakahai- hati nito YUGTO NG BUHAY PISIKAL YUGTO NG BUHAY ESPIRITUAL I. Pagsilang Pag-anib (Initiation) Panimulang pagpasok Binyag Kumpil Banal na Eukaristiya II. Pagkakasakit Pagpapagaling/ Paglunas Sakramento ng Pakikipagkasundo Pagpapahid ng banal na Langis sa may Sakit III. Pagdedesisyon Pagtatalaga ng Sarili 0 Paglilingkod Kasal Pagpapari Sa mga Sakramento si Kristo ang ating nakakatagpo subalit may disposisyong kailagan upang sumaatin siya….. Ano ito? Kung tinatanggap natin ito nang may pananampalataya, pag-asa at pag-ibig. Anong biyaya ang ating natatanggap sa mga SAKRAMENTO? Ang mga sakramento ay nagbibigay ng buhay ng Diyos, at ang tanging grasya na angkop sa layunin ng bawat Sakramento. Sa pangangailangan ng bawat tao: Sa binyag- Ang pagsilang sa buhay ng Diyos Sa kumpil- katatagan sa buhay kabanalan Sa eukaristiya- pagkain ng kaluluwa Sa pakikipagkasundo-gamot sa kaluluwa Sa pagpapahid ng Langis sa may sakit- kalusugan ng katawan at kaluluwa Sa pangangailangan ng lipunan: Sa pagpapari- ang mga pinuno sa Simbahan Sa kasal- mga mamamayang Kristiyano. Binyag- Sakramento ng pananampalataya:  na nagdadala sa tin ng bagong buhay Kay Kristo at kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitang ng tubig at Espiritu,  na ginagawa tayong kabahagi ng Simbahan  nagdadala sa atin sa pakikibahagi sa pag-ibig ng banal na Santatlo bilang mga inampong anak ng Diyos
  • 15. MODULESA PAGPAPASEMINAR 15 jvaragon2014 Mt 28:18-20 “ Ipinagkaloob sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at lupa kaya magsihayo kayo at gawin ninyong mga alagadang lahat ng bansa, Binyagan sila sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Sabnto” Gawa 2:38- “Magsisi kayo at pabinyag ang bawat isa sa ingyo sa pangalan ni Jesukristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan at tanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo” Kumpil  Pinalalakas ang biyayang tinanggap natin sa binyag  nagiging saksi ni Krsito Gawa 8:14-17 Banal na Eukaristiya  Ito ay hain at sakramento na sa anyong tinapay at alak ai iniaalay ni Kristo ang sarili bilang handog at pagkain natin at nananatili sa piling natin. Lc. 22:19:20 (sinabi Hesus noong huling hapunan) Pakikipagkasundo (Jn 20:21-23)  Ang pakikipagkasundo ay isang malaking bahagi ng buhay ng tao; kung may nasirang ugnayan, kailngan ang pakikipagkasundo. Bahgi ng Sakramentong ito ang pagpapatawad sa ating kapwa; ang karanasan ng biayaya ng pagpapatawad ng isang mapagmahal na Diyos ay along malaking bahagi ng Sakramentong ito.  Inaanyayahan tayo ni Jesus na magsisisi at magkaroong ng pakikipagkasundo upang maging makabuluhan ang pagtanggap nating ng sakramentong ito. Hakbang sa mabuting pangungumpisal  PAGSUSURI NG BUDHI- humingi ng liwanag upang maalala ang kanyang mga kasalanan mula sa huling kumpisal. Isip-isipin ang mga kasalanang nagawa  PAGSISISI NG TAOS SA PUSO SA MGA NAGAWANG KASALANAN- Ang pagsisis ang siyang pinakamahalaga sa mga humihingio ng kapatawaran. Ito’y pagsisisi ng kaluluwa at isang pagtitikang lalayuan ang kasalanan at di na magkakasala uli. Kung nagmumula sa pag-ibig sa Diyos na minamahal ng higit sa lahat, ng pagsisisi ay tinatawag na “ganap ng pagsisisi” (pagsisising pag-ibig).  PAGKUKUMPISAL O PAGSABI NG KASALANAN-lalapit sa pari upang isabi ang mga nagawang kasalanan (kung maaari ay sabihin ang gagawin sa pagkukpisal). Ang pagtapat ng mga kasalanan sa pari ay bahaging pangunahin ng sakramento ng kumpisal: dapat isa-isahin ng mga magkukumpisal ang lahat ng kasalanang mortal na kanilang nababatid pagkatapos ng masusing pag-uusisa ng budhi.  TUPARIN ANG PARUSANG IGINAWAD NG PARI AT MANGAKONG MAGBABAGONG BUHAY-pagkatapos magkumpisal gawin agad ang ipinagagawa ng pari na kaparusahan at iiwasan ang mga bagay na maaaring ipagkasala uli. Pagpapahid ng Langis sa may Sakit  Sa pamamagitan nito tinutulungan ang may sakit o karamdaman na maging malakas ang kanyang kaluluwa at katawan sa tulong ni Jesukristong tagapaligtas at tagapagpagaling sa mga may sakit.
  • 16. MODULESA PAGPAPASEMINAR 16 jvaragon2014 Santiago 5:14-15 “ Mayroon bang maysakit sa inyo? Ipatawag ang mga pinuno ng Simbahn upang ipanalangin siya at pahiranm ng langis sa ngalan ng Panginoon. Ang may sakit ay ililigtas ng panalangin at pananampalataya at siya ay pagiginhawahin ng Panginoon, at kung nagkasala man siya ay patatawarin” Markos 6:12-13 Sila ay lumakad upang akiting magsisis ang mga tao. Nagpalayas sila ng maraming demonyo at nagpagaling ng mga may sakit sa pamamagitan ng pagpapahid ng langis. Kasal  Ang pag-iisang dibdib ng lalaki at babae upang bumuo ng isang di mapaghihiwalay na buhay. Efeso 5:31:32 (tagubilin ni San Pablo sa mga maag-aasawa) Gen. 1:27 (paglikha ng Diyos sa tao) Pagpapari  ito ay sakramentong nagbibigay ng kapangyarihan at grasya upang ipagpatuloy ang pagkapari ni Kristo. Heb 5:1-4 Ang dawat dakilang saserdote na hinirang ay inilalagay nga upang kumatawan sa mga tao sa mga bagay na may kaugnayan sa Diyos upang maghandog ng mga alay at mga hain dahil sa kasalanan…… PAKSA 4 BINYAG Bakit kaya nagpapabinyag ang isang tao?  para maligtas  Upang maging anak ng Diyos  Mawala ang kasalanang mana  Tumanggap ng bagong –buhay  Maging Kristiyano. Ano ba ang karaniwang napapansin natin tuwing may pagdiriwang ng Sakramento ng Binyag/  Pag-uunahan ng mga magulang palabas ng pintuan ng simbahan pagkatapos ng pagdiriwang.  pagpapaiyak sa bata  Paramihan ng Ninong at ninang Ano ang inaakala nating epekto sa isang bata kung ginagawa natin ito?  Magiging mapalad o masuwerte. Salita ng Diyos: (Juan 3:1-13) May isang Pariseo at pinuno ng mga Judio, na nagngangalang Nicodemo. Isang gabi, siya ay nagsadya kay Hesus. “Rabbi” ang sabi niya, “nalalaman po naming na kayo’y isang guro mula sa Diyos, sapagkat walang makagagawa ng mga kababalaghang ginawa Ninyo malibang sumasakanya ang Diyos.” Sumagot si Hesus, “sinasabi Ko sa inyo: maliban na ipanganak na muli ang isang tao, hindi siya paghaharian ng Diyos.”
  • 17. MODULESA PAGPAPASEMINAR 17 jvaragon2014 “Paano pong maipapanganak na muli ang isang tao kung matanda na siya? Makapapasok pa ba siya sa tiyan ng kanyang ina para ipanganak na muli?” tanong ni Nicodemo. “Sinasabi ko sa inyo,” ani Hesus, “maliban ang tao’y ipanganak sa tubig at Espiritu, hindi siya paghaha-rian ng Diyos. Ang ipinanganak sa laman ay laman, at ang ipinanganak sa Espiritu ay espiritu. Sino ang kausap ni Jesus? Nicodemus Ano ang kanilang pinag-uusapan? Narinig natin sa pagbasa na si Nicodemo ay lumapit kay Hesus upang itanong niya ang tungkol sa muling pagsilang ng tao ngunit sinagot siya ni Kristo na ang ipinanganak sa laman ay laman at ang ipinanganak sa Espiritu ay Espiritu ay kailangang tayong lahat ay muling isilang sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu na kung saan ito ay ang Spiriutal ng pagsilang hindi ang pisikal na pagsilang ito ay nagaganap sa pagdiriwang ng Binyag Ano ba ang Sakramento ng binyag?  Ang binyag ang pinaka-unang sakramento, sapagkat ito ang sakramento ng ating pagsilang sa buhay kabanalan.  Pintuan para tanggapin ang iba pang Sakramento. Saan galing ang salitang Binyag?  Sa salitang Griego (Baptizien), Ilubog o ipasok sa ilalim ng tubig na nangangahulugang pagkamatay ni Jesus at muling pagkabuhay sa kanya bilang isang bagong nilalang.  Ang binyag ay Libingan (TOMB)-dito namamatay ang taong binibinyagan sa kanyang kasalalanan.  Ang binyag ay Sinapupunan- (WOMB)-dito tinatanggap ng binibinyagan ang bagong buhayna kaloob ni Hesus.  Ang binyag ay sakramento ng pananampalataya  dahil sa paghahangad na mabinyagan, hinihiling natin sa Simbahan ng Diyos na pagkalooban tayo ng Pananampalataya. Sa loob lamang ng sambayanan ng mga mananampalataya, ang Katawan ni Kristo na naliwanagan ng grasya ng Espiritu Santo, maaari tayong ganap na tumugon sa Ebanghelyo ni Kristo.  Ang Binyag rin ay sakramento ng pananampalataya na kung saan tayo ay:  nagiging anak ng Diyos at kapatid ni Kristo *nakikibahagi sa buhay ng Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo. Ipinapahayag ito sa panimula ng pagbibinyag Ang binyagan ay itinatalaga sa Banal na Santatlo at nakakaisa sa pakikipagrelasyon o pakikipagkaibigan kasama ang Ama, Anak at Espiritu Santo na nangyayari sa pamamagitan ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig. Ang binyagan ay tinatatakan ng Krus sa noo tanda ng siya ay pag-aari na ng Diyos at nakiisa sa buhay ni Krsito kaya’t ang tawag sa lahat ng bunyagan ay KRISTIYANO- kapatid at tagasunod ni Kristo.  Nagkakaroon ng Bagong buhay kaisa ni Kristo  Ang unang bunga ng binyag ay pag-isahin ang nabinyagan at si Kristo, ang Panginoon nating Muling nabuhay.
  • 18. MODULESA PAGPAPASEMINAR 18 jvaragon2014 *pinatatawad sa kasalanan- mana at personal para sa may sapat na gulang na binibinyagan. Inilalarawan ito sa pagbubuhos ng tubig sa ulo ng binibinyagan na tanda ng paglilinis sa kasalanan at pagkakaroon ng bagong buhay kay kristo sa pamamagitan ng Espiritu (N. Binibinyagan kita sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo) (nakawahak ang mga ninong at ninang sa bata) Bakit sa ulo lamang binubuhusan ng tubig at hindi sa buong katawan?  Sa ulo ng tao naroon ang utak na siyang pinakamakina ng buong katawan. Kung inyong mapapansin, kapag ang isang tao ay nagkaroon ng stroke, may epekto ito sa kanyang buong katawan. May ilang bahagi ng kanyang katawan na nawawala ng pandama dahil sa pamumuo ng dugo sa bahagi ng utak. Praktikal para sa lahat ang pagbubuhos ng tubig sa ulo ng binibinyagan, maging sa may sakit at malusog, matanda at mga sanggol.  Tubig- simbolo ng buhay at kamatayan: buhay ng Diyos, kamatayan o paglilinis sa kasalanan. Ang damit na puti o puting belo na ipinapatong sa ulo ng bata ay tanda rin na ang binibinyagan ay pinapaging malinis ng Diyos  Puti -simbolo ng kalinisan  Puting damit-tanda ng bagong buhay kay Kristo, pagiging malinis at karangalan ng mga anak ng Diyos.  Kandila- tanda ng liwanag ni Kristo na tinaggap sa binyag. III. Nagiging kasapi ng malaking Pamilya ng Diyos  Nagiging kaanib tayo ng simbahan- tumutukoy sa malaking pamilya ng Diyos na binubuo ng lahat ng binyagan na pinamumunuan ni Kristo.  Inaakala ng ilang Pilipino na ang Simbahan ay ang lugar na kung saan binibinyagan ang mga tao. Subalit malinaw na ang Simbahan ay hindi pisikal na gusali kundi ang mga binyagan na siyang bumubuo ng Kristiyanong Sambayanan. Krisma ng langis- ito ay langis na galing sa olibo na binasbasan ng Obispo tuwig huwebes Santo ng umaga sa misa ng Krisma sa Katedral.  Pagpahin ng Krisma sa Noo  tanda ng paglukob o pagkakaloob ng Espiritu Santo at pakikiisa sa misyon ni Kristo (hari, pari, at propeta)  Nakikibahagi sa misyon ni Kristo bilang Pari- pag-aalay ng panalngin at sakripisyo Hari- paglilingkod sa kapwa ng may kababaang-loob Propeta- pagpapahayag ng salita ng Diyos at pagiging saksi nito (pagsasabuhay) Ipinapahayag ito sa pamamagitan ng pagpapahid ng Krisma sa noo ng binibinyagan. ang binyag ay sakramento ng pananampalataya, ito ay hinihingi ng anumang nagpapabinyag: at ang paunang pananampalataya rin ang nag-uudyok sa isang tao na hingin ang sakramento ng binyag. Tatlong paraan ng pagbibinyag =Ang kasayasayan ng Binyag ay nagsimula sa paglulublob sa tubig, pagkatapos ay pagbubuhos ng tubig sa at sumunod ay pagwiwisik na lamang
  • 19. MODULESA PAGPAPASEMINAR 19 jvaragon2014 Sa pagdaan ng kasaysayan, nagkaroon ng mga pagbabago, lalo na pagkatapos ipahayag ni Emperador Constantino na ang lhat ng nasasakupan ng Emperyong Romano ay kailangang sumunod sa isang relihiyon- Ang Romano katoliko. nagging malaking suliranin kung papaano bibinyagan ang napakaraming tao: Sino ang Ministro o manggagawad ng Binyag? - Obispo, pari, Diyakono, subalit sa oras panganib o binggit ng kamatayan kahit sino ay maaaring maggawad nito basta gamitin lamang ang tamang pormula sa binyag  Tubig na malinis at ang salita na bnibigkas.  Pagbubuhos ng tubig sa ulo ng binibinyagan kasabay ang salitang (pangalan) Binibinyagan kita sa ngalan ng Ama at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Kapag gumaling ang bata kailangan dalahin ito sa simbahan upang ganapin ang iba pang seremonya ng binyag. Kailan itinatag ni Kristo ang Binyag? Itinatag ni Kristo ang Sakramento ng Binyag ng Sinugo niya Ang kanyang mga Apostoles Mt. 28:19 “Magsihayo kayo at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng bansa, Binyagan sila sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo” Anong pangalan ang mainam na ibigay sa isang sanggol?  Ang mas mainam na ibigay na pangalan ay pangalan ng isang Santo, Bakit? Upang siya ay magkaroon ng isang tagapamagitan sa langit at huwaran niya ang buhay ng nasabing patron kaya labag sa diwa ng kristiyanismo ang magbigay ng pangalang walang kinalaman sa ating pananampalataya. Tungkulin ng mga Magulang ng bata  pabinyagan agad ang kanilang mga anak lalo na kung may sakit at nasa panganib  sumaksi at makiisa sa pagdiriwang ng binyag ng kanilang mga anak  imulat ang mga anak sa pananampalataya at maging tunay na saksi nito. (isabuhay) Pagpili ng Ninong at Ninang  May sapat at wastong gulang na hindi bababa sa labing-anim  binyagang katoliko na isinasabuhay ang pananampalataya  may kakayahan at taimtim na hangaring tulungan ang bagong binyagan na maisabuhay ang Kristiyanong pananampalataya. Tungkulin ng mga Ninong at Ninang Hindi lamang sa pagbibigay ng regalo o anumang bagay kung sasapit ang kaarawan, pasko at mga okasyon bagkus sila ay  pangalawang magulang ng mga batang bininyagan na tumutugon sa pagiging Katoliko at may pananagutan sa harap ng Diyos.  hubugin ang bata sa pananampalatayang katoliko sakaling nakaligtaan ito ng mga magulang. Upang hindi mahirapan kailangan maging saksi tayo nito at nagsasabuhay Hamon: Bilang mga nabinyagan na paano natin isinasabuhay ang mga biyayang natanggap natin sa Sakramento ng Binyag?
  • 20. MODULESA PAGPAPASEMINAR 20 jvaragon2014 PAKSA 5: SAKRAMENTO NG KASAL I. SITWASYON NG BUHAY: Naririto tayo ngayon upang sama-samang mag-aaral / magseminar bilang paghahanda sa nalalapit ninyong kasal. Sigurado ko na kayo ay nakadalo na o nakasaksi ng isang kasalan. Anu- ano ang inyong napansin sa pagdiriwang ng kasal? bigyan pansin ang mga taong nakita ninyo:  Lalaki at babaeng ikinakasal, Pari, mga magulang ng lalaki at babaeng ikakasal, ninong at ninang, mga abay, mga nakikipagkasal Bagay na napansin Salitang binibigkas] Singsing Pagsang-ayon ng dalawang ikakasal Aras Pagsusumpa ng ikakasal belo at kordon Pagbubuo at pagpapalalim: Ang rito ng kasal kasama ang mga elementong napansin ninyo ang nagpapakita ng kahalagahan at dignidad ng sakramentong ito sa ugnayan ng pagmamahalan ng lalaki at babae. Ang pagmamahalang ito ay pinababanal sa kanilang pagbubuklod sa harap ng Diyos at sa habambuhay na pagtatalaga ng sarili sa isa’t-isa. Ano ba ang kasal? Bakit ito mahalaga? II. SALITA NG DIYOS (Gen. 2:18, 21-24) Pagbasa sa Aklat ng Genesis Matapos gawin ang lahat ng ito, sinabi ni Yahweh, Hindi mainam na mag-isa ang tao: bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong. Kaya’t pinatulog ni Yahweh ang tao, samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at pinaghilom ang laman sa tapat niyon. Ang tadyang na iyo’y ginawa niyang isang babae at inilapit sa tao. Sinabi ng lalaki, sa wakas narito ang isang tulad ko, laman ng aking laman at buto ng aking buto: Babae ang siyang itatawag sa kanya, sapagkat sa lalaki nagmula siya. Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina upang sumama sa kanyang asawa, sapagkat sila’y nagiging iisa. Ang Salita ng Diyos 1. Ano ang ipinahahayag ng pagbasa?  paghahanap ng Diyos ng ankop na kasama ng tao 2. Paano nagkaroon ang tao ng angkop na kasama?  pinatulog ng Diyos ang tao, humugot dito ng tadyang at ginawang babae at dinala sa tao. 3. Anong naibulalas ng tao, matapos Makita ang babae?  ngayon nga, siya ang laman ng aking laman at buto ng aking buto. Siya’y tatawaging babae dahil siya’y sa lalaki kinuha. 4. Ano ang bunga ng ganitong paraan ng paglikha sa babae?  dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at siya ay makikipisan sa kanyang asawa, at sila’y magiging isang laman lamang. Mahalagang puntos: Ang babae ang pinaka-angkop na kasama ng lalaki dahil nilikha siya buhat sa kanyang tadyang dahil dito sila’y magiging “isang laman/ katawan”, nangangahulugan ng malalim na ugnayan ng pagmamahal.
  • 21. MODULESA PAGPAPASEMINAR 21 jvaragon2014 Magiging isa: Ang pagiging isa ng babae at ng lalaki sa kasal ay habambuhay na proseso. Ang pagiging magkapantay ng babae at lalaki ang pangunahing kailangan ng pagiging-isa. Si San Pablo Apostol ay may ipinagtatagubilin sa mga mag-aasawa, pakinggan natin ang kayang sulat sa mga taga Efeso 5: 21-33 Pasakop kayo sa isa’t-isa tanda ng iyong paggalang kay Kristo. Mga babae pasakop kayo sa inyo-inyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng Iglesiya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito. Kung paanong nasasakop ni Kristo ang iglesiya, gayon din naman ang mga babae dapat pasakop nang lubusan sa kani-kanilang asawa. Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Kristo sa Iglesiya. Inihandog niya ang kanyang buhay para dito upang ang Iglesiya ay italaga sa Diyos matapos linisin sa pamamagitan ng tubig at salita. Ginawa niya ito maiharap sa kanyang sarili ang Iglesiya, marilag, banal, walang batik at walang anumang dungis o kulobot. dapat mahalin ng mga lalaki ang kani-kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kanyang aswa ay nagmamahal sa kanyang sarili. Walang taong namumuhi sa sarili niyang katwan, bagkus ito’y pinakakain at inaalagaan, gaya ng ginawa ni Kristo sa Iglesiya. Tayo ay mga bahagi ng kanyang katawan, dahil dito iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila’y magiging isa. Isang dakilang katotohanan ang inihahayag nito ang kaugnayan ni KRISTO sa Iglesiya ang tinutukoy ko. Subalit ito’y tumutukoy rin sa bawat isa sa inyo. Mga lalaki mahalin niyno ang inyo-inyong asawa gaya ng inyong sarili; mga babae, igalang ninyo ang inyo-inyong asawa. Ang Salita ng Diyos. 1) Ano ang itinatagubilin ni San Pablo sa mga mag-asawa?  Pasakop sa isa’t-isa 2) Bakit kailangang pasakop ang babae sa lalaki?  sapagkat ang lalaki ang ulo niya/ pinuno tulad ni Kristo na siyang ulo ng Iglesia, na kanyang katawan, at Tagapagligtas 3) Ano naman ang ibinibilin sa lalaki?  ibigin ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Kristo sa Iglesia. Inihandog niya ang kanyang buhay para dito.  dapat mahalin ng mga lalaki ang kani-kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan Mahalagang puntos: Pasakop sa isa’t isa- pagpapaalaala sa Kristiyanong mag-asawa ng mahigpit na magmahalan Lalaki bilang ulo- di nangangahulugan na mas makapangyarihan siya sa asawang babae kundi pagpapatibay ito ng pagbibigayan sa isa’t isa. Tanda ito ng kanyang pagiging lingkod gaya ni Kristo bilang ulo ng Iglesia.
  • 22. MODULESA PAGPAPASEMINAR 22 jvaragon2014 Pagbubuod: Sa salaysay ng paglikha ipinakikita na ang paglikha sa tao ay naging konkreto lang sa paglikha sa babae na siyang angkop na kasama ng lalaki kung kaya’t isinasaad pa rin na ito ang dahilan kung bakit iiwan ng lalaki ang kanyang mga magulang at sila ng kanyang asawa ay magiging isa. Sa sulat ni San Pablo sa mga taga Efeso, itinatagubilin niya sa mag-asawa na magkaroon ng matibay na pagmamahalan sa isa’t-isa. Sa sulat na ito ipinakikita rin niya na ang relasyon ng lalaki at ng babae (mag-asawa) ay larawan ng relasyon o tipan ni Krsito sa Simbahan. Dahil dito ang panawagan sa mag-asawa ay maging buhay na tanda ng pagmamahal ni Kristo sa Simbahan na Kanyang katawan. Ang dalawang pagbasang ito na buhat sa Banal na Kasulatan ay malaki ang kaugnayan sa Sakramento ng Kasal. Ano nga ba ang Sakramento ng Kasal? Bakit ito mahalaga? III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Ang sakramento ng kasal ay ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng isang lalaki at babae ayon sa batas upang bumuo ng di mapaghihiwalay na buhay. Ang kasal ay tinawag na sakramento sapagkat malinaw na naglalarawan ito ng pagmamahal ng Diyos sa tao. May dalawang elemento kung bakit tinawag ang kasal bilang sakramento. 1. Sakramental na pagdiriwang (seremonya o ritu) nagsisimula ito sa pagtayo ng dalawang ikakasal sa harap ng Diyos at mga tao upang ihayag na sila’y nagmamahalan, at ito’y malaon na nilang pinaghandaan sa malalim na pagkilala at pagmamahalan sa isa’t isa na handa nilang gawin habambuhay. Ang habambuhay na pagsasamang ito ang mabisang tanda ng mapanligtas na pagmamahal ni Kristo sa kanilang magiging anak at sa komunidad. 2. patuloy na pagsasama ng mag-asawa Ang habambuhay napagsasama ng mag-asawa ay tanda at daan ng patuloy na pagbibigay ni Kristo ng kanyang sarili sa kanila sa pamamagitan ng walang maliw nilang pagmamahal sa isa’t-isa. Ang kasal ay kasunduan- tumutukoy ito sa malaya at bukal sa loob na pagpapasiya ng lalaki at babae. ito’y tipan ng isang lalaki at babae lamang (exclusive) Ang kasal ay pag-iisang dibdib- tinatawag din itong pagtataling puso, pag-iisang puso at pag-iisang palad. Tumutukoy ito sa pagkakaisa ng mag-asawa na lumalago sa pagiging bukas nila sa isa’t-isa, sa pagtanggap nila sa katangian, kakayahan, o sa maging sa kahinaan at kakulangan nilang dalawa. Ang nagbubuklod sa pagkakaisang io ay ang kanilang pagmamahal na ang modelo at pinagmulan ay ang pagmamahalan at pagkakaisa ng banal na Santatlo, ang pagmamahal mismo ng Diyos. Ang kasal ay ayon sa batas----sibil at simbahan May mga pamantayan na dapat sundin, kagaya ng mga papeles na dapat ayusin, mga hinihingi sa simbahan kagaya ng seminar at interview at iba pa….
  • 23. MODULESA PAGPAPASEMINAR 23 jvaragon2014 Ang itatag ng dalawang ikakasal ay di mapaghihiwalay na uri ng buhay - ito’y habambuhay na pagtatalaga ng sarili. Ang DIYOS ang may akda ng kasal kaya’t “Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao” kaya walang puwang ang diborsyo o paghihiwalay ng mag-asawa sa kasal sa Katolikong simbahan. Samantala ang kasal Civil at Kasal Simbahan ay hindi magkapreho dahil ang sa Civil ang nagkakasal sa kanila ang mga pinuno ng pamahalaan o gobyerno samakatuwid sila ay kasal lamang sa batas ng tao samantalang ang kasal simbahan ay pinagtititbay o binabasbasan ng alagad ng Diyos ang kanilang pagmamahalan sila ay kasal sa batas ng Diyos. na kung saan ito ang pinakamataas sa lahat ng Batas. May mga mahahalagang hinihingi sa mga ikinakasal o mga magiging mag-asawa Tungkulin ng ikakasal o ng mga magiging mag-asawa ang magmahalan sa isa’t isa at itaguyod ang kanilang magiging supling. dalawa ang pinakalauyunin ng kasal; ang pagmamahalan sa isa’t-isa (mutual love) at pagkakaroon ng supling (procreation) 1. Ang pagmamahalan sa isa’t-isa ang pangunahing kailangan ng mag-asawa, ito’y konkretong ipinapakita sa pagsuportaa sa pangangalangan ng magkabiyak lalao na sa kanilang katandaan. Ang pagmamahal sa isa’t-isa ay nangangahulugan din ng katapatan. Di lamang ito nangnangahulugan ng pag-iwas sa pangangalunya kundi paglago sa pananampalataya, pagtitiwala at pag-ibig. hadlang:  “a double standard morality” (di bale ng magtaksil ang lalaki huwag lang ang babae)  kahirapan ng pananalapi na nagiging dahilan ng pagkalayo ng mag-anak  maling pagpapahalaga na ipinalalaganap ng media  pag-aasawa ng bata pa Sa kabila nito hindi pa rin dahilan ito upang di maging tapat. Patuloy ang grasya ng Diyos na nagbibigay lakas sa mag-asawa na maging tapat. Sa plano ng Diyos ang di mapaghihiwalay na sakrameto ng kasal ay bunga, tanda at kailangan ng lubos na tapat na pagmamahal ng Diyos sa tao at ni Hesukristo sa simbahan tanda ng walang maliw na katapatan ng pagmamahal na ipinadarama ng Diyos sa bawat isa at sa Sangkatauhan. 2. Ang pagkakaroon ng supling ay isa sa mahalagang layunin ng kasal. Ito ay pagtupad sa kalooban ng Diyos na maging kamanlilikha Niya subalit ang karangalang ito’y pinagkakaloob sa mag-asawa na nasa grasya ng sakramento ng kasal kaya di ayon ang simbahan sa live-in at trial marriages o kaya pre-marital sex. Ang karangalang ito ng kasal ay may katapat na responsibilidad, hindi lamang sa Diyos kudi sa Simbahan. Ang pagkakaroon ng anak ay tumutugon hindi lamang sa pangangailangang palaganapin at panatilihin ang lahi ng tao sa mundo at ng magkaroon ng taong sasamba sa DIYOS higit sa lahat ng ito, ang pangangailangang
  • 24. MODULESA PAGPAPASEMINAR 24 jvaragon2014 lumikha ng banal na miembro ng Sambayanan ng Diyos. Banal na layunin ang pagkakaroon ng supling kaya’y ang pagkitil o paggamit ng mga kontraseptibo para mapigil ang panganganak ay di pinapayagan ng simbahan liban na lamang sa mga pamamaraang itinakda nito gaya ng “Rhythm method at sexual absteninence”. Ang konkretong pagtaguyod sa mga anak ay ang palakihin sila nang maayos, papag-aralin, turuan ng wastong asal at turuang magmahal at kumilala sa Diyos sa maikling salita, magkaroon ng Kistiyanong mga anak at bigyan ng magandang kinabukasan. Paano isinasagawa ang sakramento ng kasal? Sa sakramento ng kasal ang lalaki at babaeng mag-iisang dibdib ay nangangako sa isa’t-isa sa harap ng Diyos at Sambayanan na sila’y magsasama habambuhay. Hayagan silang nangangako sa kinatwan ng Diyos at sambayan ng ganito: (marriages vows) O Panginoon kami po ay iyong loobing magkaisa ng kalooba’t damdamin mula ngayon sa kaginhawaan at kahirapan, sa karamdaman at kalusugan sa lahat ng araw ng aming buhay. Samakatuwid ang ministro o ang nagkakasal ay mismo ang lalaki at babaeng nag- iisang dibdib. Ang pari ay kinatawan lamang ng Diyos na siyang nagpapatibay at nagbabasbas ng kanilang sumpaan ang mga ninong at ninang ay kumakatawan sa sambayanan at nangangakong susuporta sa mag-asawa upag manatili silang tapat sa kanilang sinumpaan. Mga tanda sa kasal: Singsing- Inilalagay sa kanang palasinsingan sa paniniwalang may ugat itong pinakamalapit tungo sa puso. Kasabay ng pagsuot nito ay babanggitin ang: “(N.) isuot mo ang singsing na ito bilang tanda ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.” Ang singsing ay bilog at walang lagot na ang kahulugan ay sagisag ng katapatan at pag-ibig na walang hanggan. Aras- Larawan ng kabuhayang pagsisikapang hanapin ng lalaki sa isang mabuti at malinis na paraan upang ihandog nang buo sa babaeng minamahal. habang inilalagay ng lalaki ang aras sa babae kanyang sinansabi: “(N.) Inilalagak ko sa iyo itong mga aras na tanda ng aking pagpapahalaga at pagkalinga sa kapakanan Mo. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.” na kung saan tatangapin naman ng babae upang gamitin ng buong ingat para sa kapakanan at ikauunlad ng sariling angkan. At kung saan habang tinatanggap ito ng babae kanyang tutugunin ang kanyang esposo: “Tinatanggap ko ang mga ito at nangangako akong magiging iyong katuwang sa wastong paggamit at pangangasiwa ng ating kabuhayan.” Pangako ito ng kasipagan ng lalaki sa paghahanap-buhay, at katalinuhan ng babae sa pagbabadyet ng gugol sa loob at labas ng tahanan. Kordon- Tanikala ng pag-ibig na bumubuklod sa pagkakaisa ng dalawang pusong humaharap sa dambana. “Sa tali ng matrimonyo o kasal, ang nagbubuklod ay si Kristo”. Sagisag ng pamamalagi sa kabanalan. “Kaya hindi na sila dalawa kundi iisa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao” (Mt. 16:6).
  • 25. MODULESA PAGPAPASEMINAR 25 jvaragon2014 Belo- Sinusunong ng babae at pinapasan ng lalaki. Ibig sabihin, sumasailalim sila sa mga batas at kapangyarihan ng Santa Iglesiya, Halimbawa’y pagsisimba tuwing araw ng linggo at pistang pangilin, gayundin ang pagpapahalaga at malimit na pagtanggap sa mga banal na Sakramento. At napa-iilalim ang babae sa pagmamahal at kapasiyahan ng lalaki; ang lalaki’y nakahanda namang magpasan ng pananagutan sa lahat ng pangangailangan at mga bagay na magpapaligay sa asawa at sa buong angkan “Mga babae pasakop kayo sa inyo-inyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Kristo sa Iglesiya.” Kandila- Larawan ni kristo, ang ilaw ng daigdig (Jn 8:12). Siya ang tumatanglaw sa buhay ng mga mag-asawang tumatawag sa knya. Ang kandila ay may apoy at liwanag. Ang apoy ay nagpapaalaala na may kaparusahan para sa mga magkabiyak na nagpapawalang kabuluhan sa kabanalan ng kasal; at may liwanag ng kaluwalhatian sa langit ukol sa mga mag-asawang naging wangis at kalarawan ng Diyos sa pamamagitan ng banal na pag-iibigan Dalawang katangian ng kasal Kristiyano: 1. Pagkakaisa (Unity)-nangangahuluga na sa kasal kristiyano, isa lamang lalaki at isa lamang babae ang maaaring magpisan. Kaya hindi ipinahihintulot ang tinatawag na “poligamia” o maraming asawa. Ayon kay Mateo 19:5-6: Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila’y magiging isa. kaya hindi na sila dalawa kundi isa…” 2. Di Makakalag na Pagkatali (Indissolubility) nangangahulugan na minsan makasal ang isang babae at isang lalaki, ang kanilang pagsasama ay panghabang buhay, hanggang kamatayan. Ayon kay Mateo 19:6 “Ang pingsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao…” Kaya sa Simbahang Katolika, bawal ang diborsiyo, sapagkat salungat ito sa tagubilin ng Panginoong Hesus sa Banal na Kasulatan. Ang Diyos ang nagpapatibay at nagbabasbas ng sumpaan ng dalawang ikinakasal at siya din ang tutulong upang ang sumpaan ng mag-asawa ay maging isang katotohanan o maisabuhay kaya mahalaga ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng: Buhay panalangin at pagtanggap ng mga sakramento lalo na ang Banal na Eukaristiya at Pakikipagkasundo Napakahalaga ng Sakramento ng Kasal at ang mag-asawa’y di biro…. Anong gagawin ninyo upang maging matagumpay ang inyong pagsasama sa harap ng tao at ng Diyos (PRE-CANA SEMINAR) alternate module SESSION 1: Ako at ang aking mga Pangarap Activity:  Sino Ako? Guamawa ng Family Tree  Sino ka nga ba? Ano ang pagkakakilala mo sa iyong sarili?
  • 26. MODULESA PAGPAPASEMINAR 26 jvaragon2014  Anu-ano ang aking mga pangarap ? Sa aking sarili? Sa aking mga magiging anak? Sa aking iba pang mga mahal sa buhay? Sa aking career o trabaho?  Lahat tayo at may kanya-kanyang pagkakakilala sa ating sarili…  Joharis Window  Sino nga ba ako sa paningin ng Diyos? Gen. 1:26-31  Ako’y kanyang nilalang  Ako’y nilalang niya ayon sa kanyang wangis o larawan  Ako’y kanyang nilalang na kakaiba o unique  Ako’y kanyang nilalang dahil ako’y Kanyang mahal at ako ay mahalaga sa kanya.  Kahit na ako ay maraming pagkukulang o pagkakamali o kasalanan, ako’y mahalaga pa rin at mahal na mahal niya.  Anu-ano ang aking mga pangarap? Sa aking sarili? Sa aking Pamilya? Sa aking mga magiging mga anak? Sa aking iba pang mga mahal sa buhay? Sa aking career o trabaho?  Sabi nila libre daw ang mangarap….tama… wala itong bayad  Ia itong regalo ng Diyos na ibinibigay niya ng libre.  Pangarap- Goal sa buhay  Kapag walang pangarap, wala ka ng dahilan para mabuhay  Kapag hindi ka nangangarap, walang patutunguhan ang ating buhay  Pangarap ang magbibigay ng direksyon sa ating paglalakbay sa mundo.  Pangarap ang tumutulak sa atin upang gumawa at magtrabaho. SESSION II Ako at ang aking mapapangasaw  Gaano na kayo katagal magkakilala?  Ikuwento ang unang pagtatagpo ninyo?  Gaano mo na kakilala ang iyong mapapangasawa?  Anu- ano ang kanyang mga katangiang gustong-gusto ko sa kanya?  Anu- ano ang kanyang mga katangiang ayaw na ayaw ko o hindi ko masyadong nagugustuhan sa kanya?  Anong ugali o gawi niya ang gusto kong ipagpatuloy pa niya?  Anong ugali o gawi niya ang gusto kong alisin niya?  Anu- anong mga kakaibang talent o kakayahan meron ang iyong mapapangasawa? SUMMARY: Mahalaga sa isang taong magpapakasal na kilala niya, unang una ang kanyang sarili. Ito ang siya niyang puhunan sa kanyang magiging relasyon sa kanyang esposo/a. Kinakailangang may matatag na pundasyon ang kanyang pagkakakilala niya sa kanyang sarili bilang tao at bilang anak ng Diyos, Anak ng Diyos na kanyang mahal at mahalaga sa kanya. Ikalawa, Mahalaga ring makilala niya ang taong kanyang makakasama habambuhay. Ngunit ang pagkilalang ito ay habambuhay rin. Sa araw-araw ay may makikilala at malalaman kang bago sa iyong mapapangasawa, Kaya dapat hindi mawala ang Sense of Wonder sa isang mag-asawa. Dahil kapag ito ay nawala, unti-unti na ring mawawala ang tamis ng inyong pagsasama,mawawalang lasa at asim ang inyong pagmamahalan. Magsasawa ka na at magagalit ka na sa kanya kapag hindi mo nagustuhan ang iyong nakikita. Katapusan na ng inyong relasyon. Kasama sa pagkilalang iyon ay ang inyong mga Pangarap. Pangarap bilang indibidwal. Pangarap bilang mag-asawa. Pangarap
  • 27. MODULESA PAGPAPASEMINAR 27 jvaragon2014 DIYOS Nobyo/ NobyaLOVE IKAW bilang mga magulang sa inyong mga magiging mga Anak, kung di man kadalasang ito ay pinanagmumulan ng hindi pagkakaunawaan at pagkakasira ng relasyon. Kapag hindi magkaisa ang mga pangarap ng mga mag-asawa o hindi maunawaan o hind matanggap ang isa ang mga pangarap o panaginip ng kanyang asawa. Know yourself and your Spouse Dream and share it Understand and Talk Accept Pray Journey Together SESSION III Kami at ang Diyos  Bakit ka nga ba magpapakasal sa Simbahan? Maaring Sagot:  Kasi Gusto naming mabasbasan ng pari ang aming pagsasama  Kasi gusto naming maging legal ang aming pagsasama  Kasi Gusto naming kasama ang Diyos sa kanilang buhay buhay pamilya At ito naman talaga ang dahilan kung bakit gusto ng mga tao na makasal sa Simbahan. Upang Basbasan ng Diyos ang kanilang pagsasama, pagmamahalan bilang mag-asawa. Iisa lamang Gusto ninyo… ang makasama ang Diyos sa inyong relasyon bilang mag-asawa. At ito naman talaga ang Dapat. Anumang pagsasama, pagkakaibigan, mag-asawa o anupa man, kinakailangan palaging nasa gitna ang Diyos upang mas matatag, malalim at mabuti ito. Kinakailangan may Diyos. Sino nga ba ang Diyos sa buhay mo? (tanungin ang bawat isa kung sino nga ba o ano ba ang pagtingin nila sa Diyos ) [anyayahan magbahagi ang bawat isa]  Ang plano ng kaligtasan(Basic Doctrine)  Buhay panalangin at kahalagahan nito sa amin at sa aming Pamilyang binubuo.  Mga pangunahing Panalangin
  • 28. MODULESA PAGPAPASEMINAR 28 jvaragon2014  Sampung Utos ng Diyos  Diyos ang naglalang sa lahat  Diyos ang siyang nagligtas  Diyos ang gumagabay sa atin sa araw-araw nating pamumuhay upang maging banal o Lahat ng ito dahil lamang iisang dahilan; Dahil dakila ang pagmamahal niya sa atin. o Siya ang Diyos natin, Nararanasan mo ba Siya sa iyong buhay? Paano? (Magbigay ng mga konkretong karanasan na magpapatunay na naranasan mo nga ang Diyos sa iyong buhay.) o Dakila ang kanyang pagmamahal, ngunit maraming pagkakataon hindi tayo nakatutugon ng maayos sa pagmamahal na ito ng Diyos sa atin. Hindi natin sinusuklian ang pagmamahal na ito ng pagmamahal din. Imbes na pagmamahal, kasalanan ang ating ginaganti. Ngunit hindi pa rin siya “Give up” sa atin. Patuloy niya tayong mamahalin at maghihintay na gantihan ng pagmamahal ang kanyang pag-ibig sa atin. SESSION IV Ang Simbahang aming kinabibilangan.  Ano nga ba ang Simbahan?  Mga batas ng Simbahan?  Ang Simbahan at ang kanyang mga Sakramento Ang Pamilyang aking Pinapangarap -Anu-ano ba ang mga hinaharap ng matrimonyo sa ngayon? 1. Sekularisasyon ng Kasal 2. Pagtaas ng pagkasira ng pagtingin ng kristiyano sa sekswalidad 3. Paghina ng pagpapahalagang moral at pampamilya  Infidelity  Adultery  Divorce  Broken families  Artificial contraceptives  Abortion 1) Ang Pamilya at Sekswalidad ayon sa ating pagtingin 2) AngPamilya at Sekswalidad ayon sa paningin ng Lipunan 3) Ang Pamilya at Sekswalidad sa Paningin ng Diyos at ng Simbahan Bakit nga ba nagpapakasal sa Simbahan? 1) To have their binding commitment of love to each other before lead and the Christian Community 2) Blessed through, with and in Christ their Lord and Savior 3) Dahilan ng kasal  Procreation - propagating the human race
  • 29. MODULESA PAGPAPASEMINAR 29 jvaragon2014  Unitive - two are called to become one body in intimate of equal partnership of life and love  Responsibleng Pagpapamilya  Obligasyon ng mag-asawa sa bawat isa  Obligasyon ng magulang sa kanilang mga anak  Pagpaplano ng pamilya Providing Basic needs: a. Material (foods, shelter,clothing) b. Education c. Social d. Psychological e. Emotional f. Spiritual Buod: May mahahalagang Elemento upang magkaroon ng isang masaya at buong pamilya at mabiyayang pagsasama: a) Genuine Love/ tunay na pag-ibig- siyang magiging ground o pagmumulan ng relasyon ng mag-asawa sa isa’t-isa at sa mga magiging anak. b) Commitment o paninindigan- Siyang magiging panangga sa anumang unos na darating sa inyong buhay pamilya. c) Fidelity o katapatan- pinto upang maging maayos at kaaya-aya ang pagsasama. d) Communication o pag-uusap- bintana upang maging bukas sa isa’t-isa at upang Makita ang mas malawak ang mundong ginagalawan ng bawat isa. e) Diyos / Buhay Panalangin- siyang pundasyon ng pagsasama, kung wala ito wala itong mabubuong relasyon, pampamilya at tahanan Commitment Communication Diyos Fidelity Fidelity
  • 30. MODULESA PAGPAPASEMINAR 30 jvaragon2014 Love PAKSA 6: SAKRAMENTO NG KUMPIL I. SALITA NG DIYOS (Gawa 2:1-13) Nang sumapit ang araw ng pentecostes nagkatipon silang lahat sa isang lugar. At biglang narinig ang isang ugong mula sa langit, animo’y hagunot ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. May nakita silang waring mga dilang apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila. At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsalita ng iba’t-ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu. May mga Judiong buhat sa iba’t-ibang bansa, na naninirahan noon sa Jerusalem, mga taong palasamba sa Diyos. Nang marinig ang ugong na ito, nagdatingan ang maraming tao. Namangha sila sapagkat sinasalita ng mga alagad ang mga wika nila. Sa kanilang pagtataka ay kanilang nasabi, “Hindi ba Galileo silang lahat. Bakit ang atin-ating katutubong wika ang narinig natin sa kanila? Tayo’y mga taga Partia, mga taga Media, mga taga Elam; mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at Capadocia, sa Ponto, at sa Asia. Mayroon pa sa ating taga-Frigia at Panfilia, Egipto at sa mga saklaw ng libia na sakopo ng Cirene, at mga nakikipanirahang mula sa Roma, maging mga Judio at mga naakit sa Judaismo. May mga taga- Creta at Arabia pa rito. Paano sila nakapagsasalita sa atin-ating wika tungkol sa mga kahanga-hangang gawa ng Diyos.” Hidi nila lubos maisip ang nangyari, kaya’t di matigil ang tanungan, “Ano ang ibig sabihin nito?” Ngunit ang iba;y pakutyang nagsabi mga lasing iyan! Pagpapalalim ng Salita ng Diyos 1. Ano ang ginawa ng mga alagad? nagkatipon-tipon sa silid 2. Ano ang dalawang simbolo ng Banal na Espiritu? Apoy at hangin 3. Ano ang nangyari sa mga alagad nang sila ay napuspos ng Banal na Espiritu? nakapagsalita ng iba’t-ibang wika 4. Anu-ano ang mga nagawa ng mga lagad sa tulong ng Banal na Espiritu? nagkaroon ng lakas ng loob at kakayahan na ipahayag ang salita ng Diyos. Nang si Jesus ay mamatay ang kanyang mga alagad ay nagsimulang nagkahiwa- hiwalay at nagtago. Ngunit nang si Jesus ay muling nabuhay at nagpakita sa kanyang mga alagad ipinangako niya ang kanyang banal na Espiritu. Kung kaya’t sila ay nagkatipon- tipon sa isang silid sa paghihintay sa pagdating ng Banal na Espiritu. Kasabay ng paghihintay ay nanduon ang takot sa kanilang mga puso. Ngunit may magandang bagay na nangyari sa kanilang pagtitipon. Tinanggap nila ang Banal na Espiritu na nag-alis sa kanilang mga kahinaan, takot at pag-aalinlangan at nagbigay sa kanila ng lakas na loob na ipahayag ang kanilang pananampalataya kay Hesus na walang takot magingg sa pagharap sa panganib. II. SITWASYON NG BUHAY
  • 31. MODULESA PAGPAPASEMINAR 31 jvaragon2014 1. Katulad ng mga alagad ni Hesus, may pagkakataon bas a iyong buhay na nakadama kayo ng takot o panghihina? Bakit? 2. Ano ang inyong ginawa para paglabanan ang inyong takot o kahinaan? Katulad ng mga alagad, may mga pagkakataon din sa ating buhay na tayo ay nanghhina, natatakot, nawawalan ng pag-asa o nahihirapan. Sa mga panahong atin itong nadarama, nais nating mayroon tayong mga kasama tulad ng mga kaibigan o mga barkada. Kadalasan sa kanila tayo kumukuha ng lakas ng loob na harapin ang ating mga kahinaan at takot. Ngunit higit pa saating mga kaibigan ay mayroong isang tunay na nagbibigay ng lakas na siyang tumutulong sa atin sa panahon ng ating mga kahinaan. Ito ay banal na Espiritu na siya ring nagbigay ng lakas ng loob sa mga alagad at sa mga unang Kristiyano. Tinanggap natin ang Banal na Espiritu sa Sakramento ng Binyag sa panahong tayo ay nasa murang gulang palang (bata pa) pa lamang at hindi pa lubos na maunawaan ang biyayang dulot nito. Ngunit tayo ay lumalago at kaalinsabay ng paglago natin bilang tao ay ang paglago natin sa buhay espiritual kung saan tayo ay inaanyayahang maunawaan ang biyayang tinanggap sa binyag ng sa gayon maisabuhay at mapatatag ito. Nagaganap ito sa pagdiriwang ng Sakramento ng Kumpil. III. Pahayag ng Pananampalataya Ano nga ba ang Sakramento ng Kumpil? Sa Sakramento ng Kumpil, pinagiging ganap ang biyayang tinanggap natin sa Sakramento ng Binyag. Ano ang ibig sabihin ng “pinagiging ganap”  pinapalakas, pinagiging totoo, pintatatag Ano ang mga biyayang tinanggap natin sa Sakramento ng Binyag na “pinagiging ganap” sa Sakramento ng Kumpil o matatawag din natin na bunga sa pagtanggap ng Sakramento ng Kumpil? a. Binibigyan tayo ng lakas ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na maisabuhay ang pagiging anak natin ng Diyos sa salita at gawa. b. Tinutulungan tayo na mamuhay sa katotohanan bilang mga binyagang tumanggap ng bagong buhay kaisa ni Kristo c. Pinatatag tayo bilang kasapi ng pamilya ng Diyos (ang simbahan) na sinusugo na ipahayag ang pananampalataya at ibahagi ang pagmamahal ng Diyos sa tao. Kaya nga sa Sakramento ng Kumpil tayo ay inaanyayahang maging tunay na saksi ni Kristo. Paano natin tinatanggap ang napanggit na mga biyayang dulot ng Sakramento ng Kumpil? Sa pagdiriwang ng Sakramento ng Kumpil may mga tanda (kilos, at salita) na nakakatulong upang maunawaan ang biyayang idinudulot nito. KILOS Ipinapatong ang kamay ng Obispo sa kukumpilan Pagpapahid ng banal na Krisma sa noo Pakikipagkamay/ pagtapik sa balikat o pisngi
  • 32. MODULESA PAGPAPASEMINAR 32 jvaragon2014 SALITA “N tanggapin mo ang tatak ng kaloob ng Espiritu Santo.” Pagpapatong ng kamay- nagpapahayah na tinatanggap ng mga kukumpilan ang mga kaloob ng Banal na Espiritu, ang lakas ng pag-ibig, pananampalataya at pag-asa upang maging tunay na saksi ni Kristo. ito ay kumakatawan sa pagdating ng Espiritu Santo. Ito ay ayon sa halimbawa ng mga alagad: “at ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa kanila at tumanggap sila ng Espiritu Santo” (Gawa *:17). Pagpapahid ng Banal na Krisma sa noo- ang kinukumpilan at ay tinatatakan ng krus ang tatak ni Kristo. Nagpapahiwatig na sila ay lubusang kaisa ni Kristo sa kanyang misyon na: a. pagka-pari - may kakayahang mag-alay ng sarili sa Diyos at kapwa b. pagka-hari- may kakayahang maglingkod na may kababaang loob. c. pagka-propeta- may kakayahang magpahayag ng pananampalataya.  Banal na Krisma- ito ay langis na mula sa olibo na binabasbasan ng Obispo tuwing Misa ng Krisma tuwing Huebes Santo sa Katedral. Pakikipagkamay/ pagtapik sa balikat o pisngi- Ayon sa tradisyon, matapos ang pagpapahid ng langis at pagpapatong ng kamay, sinasampal ng marahan ng Obispo ang pisngi ng kukumpilan bilang sagisag ng katapangan. Dahil nakumpilan na ang isang Kristiyano, siya ay isa nang “sundalo ni Kristo” (Miles Christi) at dapat niyang ipaglaban ng buong tapang ang paghahari ng Diyos. at Bilang isang kumpilang may tatak ni Kristo at pinuspos ng Banal na Espiritu ang kilos ito ay nagsasaad ng kapayapaang hangad ng Obispo, pagtanggap at pagsugo sa kanila ng may pagmamahal bilang mga saksi ni Kristo. Matapos ang pagpapatong ng kamay at pagpapahid ng Krisma sa noo ng kukumpilan sa pamamagitan ng hinlalaki sa pa- krus na paraan, sinasabi ng Obispo: “N tanggapin mo ang tatak ng kaloob ng Espiritu Santo.”Ito ay ang panalangin na binibigkas ng Obispo upang maibigay ang Sakramento ng Kumpil. Sino ang naggagawad ng Sakramento ng Kumpil?  Si Kristo sa katauhan ng Obispo bilang kahalili ng mga apostol. Gayunman, may mga pagkakataong dala ng di maiwasang mga kadahilanan ay maaaring ipagkaloob ng mga Obispo sa mga Pari ang kapangyarihang pangasiwaan ang Sakramentong ito. Sino ang maaaring tumanggap ng Sakramento ng Binyag?  Lahat ng binyagang Katoliko ay maaari at dapat tumanggap ng sakramentong ito matapos marating ang hustong gulang.  may sapat na gulang- ang gulang ng pagpapasiya. Iminumungkahi ng Simbahang Katoliko ang nasa edad na 14 pataas.  May kaalaman sa kahulugan ng kumpil. Kaya mahalaga ang lubusang paghahanda katulad ng pagtitipon na ito upang matulungan tayong magkaroon ng kaalaman sa Sakramento ng Kumpil. Nang sa gayun makatugon tayo sa hamon na maging tunay na saksi ni Kristo. (MORAL)
  • 33. MODULESA PAGPAPASEMINAR 33 jvaragon2014 Sa pagtanggap natin sa Sakramento ng Kumpil. Tayo ay nagiging tunay na Saksi ni Kristo. Ano ang ibig sabihin ng salitang “saksi”?  magpatotoo Ano ang patotohanan ng kukumpilan?  patotohanan niya ang kanyang pananampalataya na:  may Diyos Ama na nananatiling nagmamahal sa kabila ng pagkukulang at kasalanan  may kapatid tayong si Kristo na nag-alay ng kanyang buhay upang tayo ay maligtas at maging kaisa niya.  may Banal na Espitu na gumagabay sa ating buhay.  Kanino sasaksi o magpapatotoo ang taong tatanggap ng Kumpil?  sa lahat ng taong kanyang makakasalamuha, binyagan man o hindi.  Paano mo ito maisasagawa? Madali bang gawin ito? Sino ang tutulong sa iyo?  Hindi natin maisasagawa ang hamon na maging saksi ni Kristo sa sarili nating kakayahan. Ngunit sa Sakramento ng Kumpil tinanggap natin ang iba’t- ibang kaloob ng Banal na Espiritu upang tayo ay magkaroon ng lakas ng loob tulad ng mga apostol na maipahayag ang pananampalataya na walang takot. Sino ang Espiritu Santo?  Ang Ikatlong persona ng Banal na Santatlo, at siya ang tagapagpabanal at tagapaggapay Ang aral ng Banal na Santalo, na nagsasabing ang Diyos ay iisa na may tatlong persona, ay ipinahayag ni Jesus nang sinabi niyang: “Kaya humayo kayo at gawin ninyong alagad ko asng lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo” (Mateo 28:19) Anu- ano ang apat na pangunahing pagpapakita ng Espiritu Santo sa bibliya 1. Inspirasyon ng Bibliya- Ang Espiritu Santo ay nagsalita sa pamamagitan ng mga propeta at ng mag apostol, pinukaw rin nito ang kanilang damdamin upang maisulat ang Luma at Bagong tipan. Katulad ng sinabi ni Pedro “ Sapagkat hindi nagbuhat sa kalooban ng tao ang hula ng mga propeta, ito’y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong kinasihan ng Espiritu Santo” (2 Pedro 1:21) 2. Pagdalaw ng Anghel- Si Jesukristo ay ipinaglihi sa sinapupunan ng Birheng Maria sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Kagaya ng sinabi ng Arkaanghel Gabriel sa kanya: “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng kataas-taasan. Kaya’t banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos. (Lk 1:35) 3. Pagbibinyag kay Jersus- Ang Espiritu Santo ay pumanaog kay Jesus sa pagbibinyag sa Ilog ng Jordan. Aayon nga sa Mambuting Balita “Nang mabinyagan si Jesus, umahaon siya sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos, bumababa sa kanya, gaya ng isang kalapati” (Mateo 3:16- 17) 4. Pentekostes- Noong araw ng Pentekostes, pumanog ang Espiritu Santo sa Birheng Maria at mga alagad na natitipon sa Senakulo sa Jerusalem. Kagaya nga ng nakasaad sa kasulatan: “Nang sumapit ang araw ng pentecostes nagkatipon silang
  • 34. MODULESA PAGPAPASEMINAR 34 jvaragon2014 lahat sa isang lugar. At biglang narinig ang isang ugong mula sa langit, animo’y hagunot ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. May nakita silang waring mga dilang apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila. At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsalita ng iba’t-ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu” Gawa 2:1-4) Anu-ano ang kaloob ng Banal na Espiritu  Ito ay pamalagiang kaisipan upang maging masunurin tayo sa kalooban ng Diyos. Ang mga ito ay inihayag ni Propeta Isaias: “Mananahan sa kanya ang Espiritu ng Diyos, bibigyan siya ng katalinuhan at pagkaunawa, kaalaman at kapangyarihan, ng karunungan at takot sa Panginoon” (Isaias 11:2-3) 1. Karunungan-nagbibigay ng tunay na diwa ng pagpapasiya kung ano ang tama at mali at hanapin ang mga bagay na maka- Diyos. 2. Kaalaman-makilala ang Diyos at sarili nang matularan ang mga banal 3. Pag-unawa- maunawaang mabuti ang lahat ng ipinahahayagng Diyos sa tao sa pamamagitan ng kanyang mga aral. 4. Payo- nagbibigay ng lakas na magawa ang tamang kalutasan sa mga problema. 5. Katatagan- nagbibigay ng lakas at sigla sa paggawa ng kabutihan. 6. Kabanalan- nagbibigay tulong sa pagsamba sa Diyos at pagpapahalaga sa ating kapwa at mga bagay na may kaugnayan sa Diyos. 7. Pagkatakot sa Diyos-nagbibigay lakas upang maiwasan nating magkasala at nang hindi mapalayo sa Diyos. Sa tulong ng mga kaloob na ito ng Banal na Espiritu na naging ganap sa Sakramento ng Kumpil ang kukumpilan ay maroong lakas upang tunay na maging saksi ni kristo at maipahayag ang kanyang pananampalataya. Ngunit kung wala ring pagsisikap ang tatanggap ng biyaya na palaguin ang mga ito walang saysay din ang pagtanggap spagkat sabi nga: “nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa” Anu-ano ang mga bunga ng Sakramento ng Kumpil a. nagbibigay ng Banal na Espiritu b. tayo’y nagiging maalam na Kristiyano c. nagtatatak ng katangian Ano ang katangian ng kumpil? Ito ay ang espritual na tanda na nagtatalaga ng ating mga sarili kay Kristo. Winika ni San Pablo: “Tinatakan niya kami at pinagkalooban ng kanyang Espiritu, bilang katunayang tutuparin niya ang kanyang pangako” (2Corinto 1:22). Ito ay hindi na mabubura pa sapagkat ito’y nangangahulugan ng ating pagiging kaisa ni Kristo. Ito’y katulad ng tanda na nakatatak sa mga sundalo na nagpapahiwatig ng kanilang katapatan sa kanilang pinuno o kaya’y selyong idinidikit na nagpapatunay sa isang dokumento. Ang Sakramento ng Binyag at Banal na Orden ay nagtatatak din ng katangian; kung kaya’t ang mga nasabing sakramento ay nagtataglay ng katangiang hindi mabubura at di na maaring ulitin. (PAGSAMBA) Ano ang nagiging tugon ninyo kapag kayo ay nakakatanggap ng regalo ng regalo o biyaya.
  • 35. MODULESA PAGPAPASEMINAR 35 jvaragon2014 Nagpapasalamat sa pamamagitan ng:  Salita (salamat po, thank you….)  gawa (ginagamit, inaalagaan, ibinabahagi, ibinabahagi, ipinagmamalaki) Sa bawat pagtanggap natin ng regalo mula sa kaibigan, kaklase magulang, etc.. ganito na lamang ang pagpapahayag natin ng ating pasasalamat.. ano pa kaya ngayong nalaman natin na sa lubos ng pagmamahal sa atin ng Diyos Ama, ipinagkaloob niya si Kristo ang kaisa-isa niyang anak na nagkaloob ng kanyang Espiritu sa mga apostoles noong panahon ng Pentekostes at tinatanggap rin natin ngayon sa panahon ng Sakramento ng kumpil. Kaya nga tinatawag natin na ang Sakramento ng Kumpil ay “sarili nating pentekostes” sapagkat iisang Banal na Espiritu ang tinanggap ng mga apostoles noon at natin ngayon. Paano tayo makikitungo sa Banal na Espiritu na nagkaloob sa atin ng iba’t- ibang biyaya  Makikipag-ugnayan sa Banal na Espiritu bilang isang kaibigan sa pamamagitan ng Panalangin at pasasalamat sa biyayang tinanggap sa Sakramento ng Kumpil. Bakit maituturing nating kaibigan ang banal na Espiritu? maituturing nating kaibigan ang Banal na Espiritu sapagkat handa siyang tumulong at gumabay sa atin araw-araw at sa ano mang oras. Tugon ng pananampalataya: Bilang isang kumpilan, paano mo maipapahayag ang pagiging isang tunay na Saksi ni Kristo? PAMILYA Papa At Mama Iniibig ng Lubos Yaman ng mga Anak Sa pamamagitan ng pamilya, ang tao ay hinuhubog bilang ganap na tao Ang Pamilya ay eskuwelahan ng PAG-IBIG LIMANG SALITA NG PAGPAPAHAYAG NG PAG-IBIG 1. SALITA NG PAGPUPURI 2. PAGLILINGKOD 3. PAGTANGGAP NG BINIBIGAY 4. PAGHAWAK 5. PAGLALAAN NG SAPAT NA ORAS Para mapanatili at mapalakas ang pamilya, komunikasyon at pag-uugnayan ay napakamahalaga, Bawat miyembro ng pamilya simula sa pinakabunso hanggang sa pinakapanganay ay may responsibilidad na gawing kapakipakinabang ang pamilya Ang instruktura ng pamilya ay mas higit na pinalalakas ng ugnayan ng pamilya sa hapag kainan. Ang salu-salo sa hapag kainan ay pagbabahagi ng buhay ng bawat miyembro hindi lamang ng pagkain. (DOROTHY NOLTE) Ang ating mga ginagawa ay nakakaapekto sa mga bata. Kung ang mga bata ay nabubuhay sa pagbatikos, natututo silang manghusga Kung ang mga bata ay nabubuhay sa pag-aaway natututo silang makipaglaban Kung ang mga bata ay nabubuhay na palaging pinagtatawanan, natututo silang maging mahiyain. Kung ang mga bata ay nabubuhay sa pagpapahiya, natututo silang sisihin ang sarili sa pagkakamali.
  • 36. MODULESA PAGPAPASEMINAR 36 jvaragon2014 Kung ang mga bata ay nabubuhay sa mapaggabay na pagpapaubaya ng mga magulang, natututo silang maging mapagpasensya Kung ang mga bata ay nabubuhay sa pagbibigay ng lakas ng loob ng mga magulang, natututo silang magtiwala sa kanilang kakayahan. Kung ang mga bata ay nabubuhay na pinapahalagahan natututo silang magpahalaga sa kapwa. Kung ang mga bata ay nabubuhay sa pagiging patas, natututo silang maging pantay. Kung ang mga bata ay nabubuhay sa tamang pangangalaga at gabay ng mga magulang natututo silang magtiwala sa Diyos. Kung ang mga bata ay nabubuhay sa pagsang-ayon, natututo silang kalugdan ang sarili. Kung ang mga bata ay nabubuhay sa pagtanggap at pakikipagkaibigan, natututo silang makita ang pag-ibig sa mundo. PRAKTIKAL NA GABAY SA PANGARAW-ARAW NA BUHAY PARA MAPALAKAS ANG BUHAY PAMILYA. (Brenda Hager) 1. Pagbibigay ng ngiti sa mga minamahal. Ipabatid mo sa kanila sa pamamagitan ng iyong maaliwalas na mukha na masaya ka dahil naging bahagi sila ng iyong buhay. 2. Hawakan mo ang iyong mga mahal sa buhay araw-araw kahit man lang sa maikling sandali. Ang paghawak ay isa sa pinaka nakapagpapalubag at nakakapagpalakas ng loob. 3. Malumanay na pagsasalita sa mahal sa buhay. Ang pabulong na pagpapahayag ng taimtim na pagmamahal ay napakahalaga. 4. Hanapin ang mga bagay na nagiging dahilan ng paghanga mo sa mahal mo sa buhay. Isaisantabi kahit man lang pansamantala ang mga pangit niyang katangian. 5. Tanggapin sa sarili na meron ka ring kahinaan at kapintasan at hindi sa lahat ng sandali ay ikaw ang tama at may karapatan. 6. Karapatan mong magmahal at hindi lang karapatan mo na mahalin. Kung gaano mo kasarap nararanasan na mahalin, matuto ka ding magmahal upang ipalasap sa iba ang kagandahan na ikaw ay minamahal. 7. Maging tapat ka sa iyong minamahal. Ipabatid mo sa kanila kung gaano sila kahalaga sa buhay mo. Huwag mong isipin na alam naman nila na mahal mo sila. Darating ang oras na mawawala sila sa buhay mo at pagsisisihan mo kung bakit hindi mo naipakita at naipadama kung gaano sila kahalaga sa buhay mo. Ano ang kaaya-ayang pamilya? 1. Nararamdaman mo ang pagiging buhay, ang katotohanan, katapatan at pagmamahal 2. Ikaw ay pinakikinggan at handa ka ring makinig. 3. Malaya kang nakakapag bahagi ng iyong damdamin, sama ng loob at hindi pagsang- ayon. 4. Hindi ka natatakot magkamali sapagkat alam mo na ang bawat miyembro ay makakaunawa at magsasabing ang pagkakamali ay bahagi ng pag-unlad. 5. May karapatan kang mapansin, pahalagahan at mahalin. Karapatan mo rin na pansinin, pahalagahan at mahalin ang iyong mga kasama. 6. Ang bawat miyembro ay nakakatingin ng diretso at nakapagsasalita ng malinaw at maayos. 7. Ang bawat miyembro ng pamilya ay malayang nakapagpapahayag ng mga saloobin.(pagkabigo, takot, sakit, pagkukutya at maging kasiyahan).
  • 37. MODULESA PAGPAPASEMINAR 37 jvaragon2014 8. Hindi nagpapadala sa mga problema kundi may direksyon pa rin ang pagpapasiya. 9. Ang mga magulang ay pinuno at hindi punong puno. 10. Ang pinaka pangunahing trabaho ng mga magulang ay turuan ang mag anak na magpakatao hindi lamang maging tao. 11. Ang pamilya ay palaging may panahon sa Diyos. Ako ay ako dahil sa aking pamilya. Ang hamon sa akin ngayon ay: -Gawin ang aking obligasyon at bahagi sa aking pamilya dahil ang aking pamilya ay bigay sa akin ng Diyos. - Gawin ang aking pamilya na instrumento ng Diyos para sa ikabubuti ng daigdig. (kamanlilikha at tagapagturo)