2. Patuloy na naglakbay pakanluran ang ekspedisyon ni
Magellan upang mahanap ang isla ng Moluccas.pagkaraan
ng sampung araw,natanaw nila ang pulo ng Samar at sila
ang unang Europeo na naitalang nakarating sa Pilipinas.
Marso 16,1521-Dumating sina Magellan sa Arkipelago ni
San Lazaro o Islas de San Lazaro(katawagan na ibinigay ni
Magellan sa Pilipinas).Dahil hindi pa batid ng mga Espanyol
na sila ay dumaan sa International Date Line,ang petsa ay
dinagdagan ng isang araw at ginawang Marso 17.
3. Unang nagpunta sina Magellan sa pulo ng
Homonhon sa Samar.Samantala,nagawa naman
nila Magellan na makipag-usap sa mga katutubo
sa pamamagitan ni Enrique,isang Malay na
nagsilbing interpreter na sinasabing alipin ni
Magellan. Si Enrique ay nakasama na ni Magellan
simula pa noong 1511 pagkaraan sakupin ng mga
Portuges ang Malacca.Tinawag siya ni Pegaffeta
na Hinrich (sa wikang Portuges).Ayon kay
Pegaffeta,si Hinrich o Enrique ay katutubo mula sa
Sumatra.
4. Kasama ni Magellan si Enrique sa Europe at ang
paghahanap ng ruta pakanluran.Ayon kay Gines
de Mafra,sinama si Enrique sa ekspedisyon dahil
sa kakayahan nito na makapag salita ng wikang
Malay,ang wika na ginagamit sa buong Malay
Archipelago. Pagkaraan mamatay ni Magellan sa
Mactan,kasama si Enrique sa salo-salo na
inihanda ni Rajah Humabon.Ayon sa tala ni
Pegaffeta,ang lahat ng kasama sa ekspedisyon ni
Magellan sa salo-salo ay nalason maliban lamang
kay Enrique.Iniwan ng mga Espanyol sa Cebu si
Enrique noong Mayo 1.
5. Marso 31,1521-Narating ng mga Espanyol ang
Limasawa sa Leyte at idinaos dito ang unang misa
sa kapuluan sa pangunguna ni Padre Pedro de
Valderrama.ang pangyayari ay batay,sa tala ni
Antonio Pegaffeta, subalit batay naman sa ibang
pangkat,sinasabing ito ay isinagawa sa Masao,
Butuan na nasa Agusan del Norte sa
Mindanao.Pagkaraan ng misa,nagtayo ng isang
krus ang mga Espanyol sa itaas ng isang
burol.Nasaksihan ito ni Rajah Kolambu,pinuno ng
Limasawa at ang kanyang kapatid na si Rajah
Siaui,pinuno ng Butuan.
6. Abril 5,1521-Pagdating nila Magellan sa Cebu ay
nagtayo sila ng krus sa pampang na
nangangahulugan na inaangkin nila ang teritoryo
sa ngalan ng Spain.
Abril 7,1521-Dumating ang mga Espanyol sa
Cebu.Sila ay tinanggap ni Rajah Humabon,ang
pinuno ng Cebu.
Abril 14,1521-Isinagawa ang pagbibinyag sa mga
katutubo ng Cebu.Binigyagan din si Rajah
Humabon at ang kanyang asawa na si Hara
Amihan.nagbigay si Magellan ng imahe ng Santo
Ninio bilang regalo kay Hara Amihan.
7. Pagkaraan binyagan,binigyan ng bagong pangalan
si Rajah Humabon na Carlos,Bilang parangal kay
Haring Charle V ng Spain habang si Hara Amihan
ay pinangalanan na Juana,ang asawa ni Charles
V.
Abril 27,1521-Naganap ang labanan sa Mactan
kung saan napatay si Magellan. Si Lapu-Lapu ang
pinuno ng Mactan ay tumanggi na kilalanin ang
kapangyarihan ng Spain.Natalo ang mga Espanyol
sa labanan dahil hindi nagplanong mabuti sina
Magellan sa paglusob.Hindi nila naisip na ang mga
katutubo ay higit na marami ang bilang kaysa sa
kanila.
8. Ito marahil ay dahil minaliit nila ang kakayahan
ng mga katutubo sa labanan.Hindi rin nila
naisip na hindi mapapakinabangan ang
kanilang mga kanyon dahil hindi sila
makakalapit sa pampang dahil sa mga coral
reef.
9. Nang namatay si Magellan,humalili bilang pinuno
ng ekspedisyon si Duarte Barbosa at Juan Serrao,
subalit nang lumaon ipinapatay ni Rajah Humabon
na nagdalawang isip sa pakikipag-alyansa nito sa
mga dayuhan.Noong Mayo 1,1521,inanyayahan ni
Rajah Humabon ang 24 na opisyales sa isang
salo-salo at pagkaraan ay sinalakay ang mga ito
habang kumakain.Ang iba naman ay nalason sa
pagkain.Ang mga nakaligtas ay tumakas sakay ng
dalawang barko.
10. Mayo 2, 1521-Sinunog ng mga Espanyol ang
concepcion dahil hindi na sapat ang bilang ng
mga Espanyol upang maglayag sa tatlong
barko.Sa isang banda ,ito rin ang barko na
nangangailangan ng mas maraming
pagkukumpuni at ayaw din nilang magamit
ito.ng mga katutubo Ang Trinidad at Victoria ay
naglayag pakanluran patungong Palawan.
11. Hunyo 21,1521-Nakarating ang trinidad at victoria
sa Brunei at Borneo sa tulong ng katutubong
Muslim.Nanatili sila sa Brunei sa loob ng 35 araw
kung saan naitala ni Pegaffeta ang yaman ng
kaharian ni Rajah Siridapa.kung tutuusin,maaaring
maglayag lamang ng isang linggo mula sa
Pilipinas patungo sa Moluccas,subalit dahil hindi
batid ng mga manlalayag kung saan ang
Moluccas,sila ay naglayag paikot sa Borneo at
Sulu Sea hanggang matagpuan nila ang Spice
Island.
12. Nobyembre 5,1521-Narating ang Spice Island.Nakipag
kalakalan sila ng mga pampalasa sa Sultan ng
Tidore.Kinargahan ang dalawang barko ng mga pampalasa
hanggang sa ito ay mapuno at saka sinimulan ang
paglalayag pakanluran patungo sa Spain.Subalit sa kanilang
paglisan,nagsimulang pasukin ng tubig ang trinidad dahil sa
sobrang bigat ng mga kargamento na nakalulan
dito.Sinubukan nilang ayusin ito, subalit nangangailangan
ng panahhon para ito magawa.Nagpasya si Del cano na
iwanan na ang ilang kasapi ng ekspedisyon habang
ginagawa ang trinidad.Bunga nito,naunang naglayag ang
victoria pabalik sa Spain.Pagkaraan ng ilang
linggo,naglayag na rin ang trinidad subalit ito ay nabihag ng
mga portuges nang ito ay masira dahil sa isang bagyo.
13. Disyembre 21,1521-Narating ng victoria ang Indian Ocean
Mayo 6,1522-Nakaikot ang victoria sa Cape of Good Hope.
Sa kanilang paglalakbay ay namatay ang 20 katao dahil sa
kagutuman.Pinilit ni Del Cano na umiwas sa Cape of Good
Hope dahil teritoryo ito ng mga portuges,subalit dahil sa
kakulangan sa pagkain napilitan silang huminto sa Cape
Verde.Nang mabalitaan ito ng mga Portuges hinuli nila ang
nakitang Espanyol kaya`t napilitan si Del Cano na iwan ang
13 tauhan sa Cape Verde.Ito ay marahil sa pagkatakot niya
na mawala ang kargamento ng mga pampalasa na
tinatayang nasa 26 tonelada.Bagamat kulang ang tauhan
upang mapatakbo ang barko ay nagpatuloy sa paglalayag
sina Del Cano.
14. Setyembre 6,1522- Nakabalik sa Seville,
Spain ang victoria pagkaraan ng tatlong taon
ng paglalayag lulan ang 18 katao. Sa haba ng
paglalakbay ay hindi na maganda ang
kalagayan ng victoria. Halos sira-sira na ang
mga layag at marami na itong Butas.
Gayumpaman,nagawa nitong makabalik sa
Spain pagkaraan lakbayin ang 42,000 milya.Si
Del Cano Ang naging kapitan ng Barkong
victoria at ang nakakumpleto sa ekspedisyon ni
Magellan.