52. Dukhang Tahanan
Ang aming tahana’y maliit na dampa
Na yari sa pawid at gamit na luma
Si ama ang siyang nagsikap, nagtiyaga
Upang maitayo ang tahanang dukha.
Ngunit kahit aba ang aming tahanan
Masasaya kami na naninirahan
Sapagkat sagana sa pagmamahalan
At laging maayos ang pagsasamahan.
Palasyo man pala’y di ko ipapalit
Dito sa bahay kong pagkaliit-liit
Kung ang nakatira’y may ugaling pangit
At sa kanyang kapwa’y palaging masungit.
68. Bagong Taon
Bagong Taon na naman
May ingay at putukan
At sa bawat sasakyan
May lata sa hulihan
Pakinggan mo ang tunog
ng kwitis at torotot
At sa lahat ng sulok
Maraming paputok
Mga tenga’y ating takpan
Pagkabingi ay iwasan
Ito naman ay miminsan
Kung Bagong Taon lamang