Good Stuff Happens in 1:1 Meetings: Why you need them and how to do them well
Pol medina jr
1. Pol Medina Jr.
Si Apolonio “Pol” Medina Jr., ay isinilang noong Abril 6,1960, at kinikilala ng isa sa mga
pinakatanyag na dibuhista sa Pilipinas ngayon. Naging bantog si Medina sa kaniyang mga obrang
gaya ng PugadBaboy, isang black-and-white na komik istrip na unang lumabas sa Philippine Daily
Inquirer (PDI) noong Mayo 18, 1988.
Talambuhay
Si Pol ay nag tungo sa Iraq sa kasagsagan ng giyera sa pagitan ng Iran at Iraq nang makapagtapos
siya ng kursong Arkitektura sa Unibersidad ng Sto. Tomas noong 1983, upang magtrabaho sa
isang Italian construction company. Sa mga panahong inilagi niya sa lugar na iyon, kanyang
naranasan ang sinasabi niyang pinaka-nakababaliw na dalawang taon sa kaniyang buhay.
Taong 1986 nang nagsimula siyang gumawa ng iskrip at gumuhit para sa PugadBaboy, isang
bagong komiks tungkol sa isang komunidad at sa isang asong nagngangalang Polgas. Matapos nito
ay nagtrabaho naman siya bilang isang arkitekto sa isang firm sa San Juan, Metro Manila noong
1987.
Setyembre noong taong 2002, si Pol ay naging isa sa mga co-founder ng PugadBaboy Inc., kasama
ang pito sa kaniyang mga kaibigan. Ginamit ng kumpanya bilang motto ang Ad Astra Per Asperan
inspirasyon dito ang Pulitzer Prize-winning novel ni Harper Lee na To Kill a Mockingbird. Matapos
ang tatlong taon, tuluyang nagsara ang kumpanya kasabay ng pag-alis dito ni Pol upang magsimula
ng isang bagong karerasa advertising industry.
MgaObra at Parangal
Simula noong 1988, ang kaniyang istrip ng PugadBaboy ay inilathala sa Philippine Daily Inquirer at
sa kaniyang 20 koleksyon. Kinilalang Komikon ang kaniyang husay bilang isang dibuhista nang
manalo siyang dalawa ng award noong 2006.Ang kaniyang likhang karakter na si Polgas ay napili
bilang Best Character at si Medina naman bilang Best Humor Artist.
Si Pol ay ikinasal sa kaniyang maybahay na si Susan at sila ay may tatlong anak: sina Maia cecilia,
Eladio Jose at Pablo Jose.
Tunay na pangalan: Apolonio Medina Jr.
Kapanganakan Abril 6, 1960
Asawa Susan Medina
IbangPangalan Pol Medina Jr.