• Me gusta
Panitikan ng ARMM
Próxima SlideShare
Cargando en...5
×

Panitikan ng ARMM

  • 13,969 reproducciones
Subido el

 

Más en: Educación
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    ¿Está seguro?
    Tu mensaje aparecerá aquí
    Sea el primero en comentar
Sin descargas

reproducciones

reproducciones totales
13,969
En SlideShare
0
De insertados
0
Número de insertados
1

Acciones

Compartido
Descargas
146
Comentarios
0
Me gusta
7

Insertados 0

No embeds

Denunciar contenido

Marcada como inapropiada Marcar como inapropiada
Marcar como inapropiada

Seleccione la razón para marcar esta presentación como inapropiada.

Cancelar
    No notes for slide

Transcript

  • 1. PANITIKAN NG ARMMA Research PaperPresented toMr. Ariel Ahmad L. FabraoFaculty of the Filipino DepartmentRC-Al Khwarizmi International College Foundation, INC.Marawi CityIn Partial Fulfillment of theRequirements for the CourseFilipino 13 (Retorika)MACAROMPIS, Alkhima M.ABDUL, Normalah P.KIRAM, Anady M.AMER, Najiera B.SULTAN, Asmah C.MONA, NorlailahFebruary, 2013
  • 2. BALANGKASPanimulaAng mga Maranao ay tinawag na mga taong naninirahan sa tabi ng ilog, “People of theLake”. Sila ang nangungunang relihiyong Muslim sa Pilipinas na naninirahan sa Mindanao.Kilala sila sa kanilang tanyag na mga sining, tanyag nilang karanasan, at sa kanilang tanyag naepikong panitikan.I. Panitikan ng Meranao1. Epiko1.1 Darangen2. Tutol (kuwento)2.1 Tutol sa Pagkapoon (Kuwento Tungkol sa Pinagmulan)2.2 Tutol sa Piyakakuyakayad (Nakakatuwang Kuwento)2.3 Pangangayaman (Pabula)3. Tubad Tubad (Maiiksing Tulang Pampag-ibig)4. Kadaonga (Love Fest)5. Pananaroon (Matalinghagang Kasabihan)6. Sowa-Sowa-i (Drama)6.1 Kambayoka6. 2 Kaganat sa Darangen6. 3 Diabro, kokok, at Onta6.4 Sagayan6.5 Sadoratan7. Limpangan ago Antoka (Puzzles and Riddles)
  • 3. 8. Sakuba (Rhymes)9. Panitikang Pambata9.1 Kanta tungkol sa Pangangaso9.2 Kanta tungkol sa Pangingisda9.3 Lalabay (Lullaby)9.4 Kantang May Rima (Rhyme)II. Panitikan ng Maguindanao1. Elemento ng Literaturang Maguindanao1.1 Folk Speech1.1.1 Antuka (Bugtong)1.1.2 Bayok1.2 Folk Narratives1.2.1 Tarsila1.2.2 Luwaran1.2.3 Hadith1.2.4 Quiza1.2.5 Katutubong tradisyon1.2.5.1 Raja Indarapatra1.2.5.2 Darangen1.2.5.3 Raja MadayaIII. Panitikan ng Manobo1.1 Tribo ng Manobo1.2 Kasaysayan at Pinagmulan1.3 Ekonomiya at industriya1.4 Lipunan at Pamahalaan1.5 Kaugalian at Paniniwala1.6 Sining1.7 Ang Manobo ng Modernong Panahon1.8 Mga Uri ng Panitikan sa SOCCSKSARGEN1.8.1 Mito
  • 4. 1.8.2 Alamat1.8.3 EpikoIV. Panitikan ng Samal1.1 Tradisyunal ng Literaturang Samal1.1.1 Narrative Prose1.1.2 Folk Tale1.2 Iba pang naratibo1.2.1 Mito1.2.2 Numskull Tales1.2.3 Novelistic TalesV. Panitikan ng Tiruray1.1 Mito1.2 Alamat1.3 Mga kwentong ang bida ay hayopVI. Panitikan ng Yakan1.1 Alamat
  • 5. PanitikanAng Panitikang MaranaoAng mga Maranao ay tinawag na mga taong naninirahan sa tabi ng ilog, “People of theLake”. Sila ang nangungunang relihiyong Muslim sa Pilipinas na naninirahan sa Mindanao.Kilala sila sa kanilang tanyag na mga sining, tanyag nilang karanasan, at sa kanilang tanyag naepikong panitikan.Ang mga MaranaoAng salitang Maranao ay puwedeng baybayin na Maranaw. Ang totoong tema ayIranaon sapagkat ito ay matatas na binibigkas sa Iranon o Iranun na nangangahulugan ding“People of the Lake”, tinutukoy ito na mga sina-unang tao na nanirahan sa lupang napapalibotng Lake Lanao at ang primaryang bayan ay Marawi City. Tatlo ang wikang ginagamit sa pook naMarawi City, ito ay: Maranao, Bisaya at Tagalog. Ang mga Maranao ay parte ng malaking gropong kulturang Moro na isa sa malaking gropo na kulturang Pilipino (Website, Wikipedia.com).Sarimanok ay ang kanilang alamat na ibon na naging simbolo ng kanilang sining. Isaitong alamid na makulay ang pakpak gayon din sa malapakpak na buntot nito at may nakatukangisda. Ito ay sinasabi nilang simbolo ng magandang kapalaran.Ang Panitikang MaranaoMay tinatawag na Panitikang di pang-Islam. Ito ay nahahati sa mga sumusunod: (1)Epiko, (2) Tutol (kuwento), (3) Tubad-tubad (maiiksing tula pampag-ibig) (4) Kadaonga (Lovefest), (5) Pananaroon (kasabihan), (6) Sowa-sowa-i (drama), (7) Limpangan ago Antoka (Puzzlesat Riddles), (8) Rhymes (Sakuba), (9) Panitikan Pambata (Madale, 1942).1) EpikoAng Darangen ang pinakatanyag na epiko sa Maranao. Ito ay mga salaysay na patulahinggil sa kabayanihan ng mga nasa Magindanaw, mga gawaing kahanga-hanga at di sukatmapaniwalang kabayanihan at kagitingan ng mga mandirigmang Muslim. Ang Darangan ayhindi iisang epiko – marami – ngunit tatatlo lamang ang napasalin pa sa Ingles at ito‘y utang sa
  • 6. pagsasaliksik ni G. Frank Lauback. Ang mga Darangan ay nasusulat sa wikang Maranaw. Anglalong popular sa lahat ay ang Bantugan, na paulit-ulit na binibigkas sa dating pagkakakatha sapalibot ng Lawa ng Lanaw. May ilang mga Muslim ngayon na nakapag-uulit sa kabuuan ngBantugan.2) Tutol (Kuwento)Ang tutol ay nahahati sa tatlo: (a) Tutol sa Pagkapoon (Kuwento tungkol saPinagmulan), (b) Tutol sa Piyakakuyakayad (Nakakatuwang Kuwento), (c) Pabula(Pangangayamun).a) Tutol sa Pagkapoon (Kuwento Tungkol sa Pinagmulan)Radia IndarapatraBagama‘t itinuturing ang Radia Indarapatra bilang epiko, ito aynapapabilang sa kategoryang tutol. Ito ay ayon kay Timan Madela (1942).Ang Radia Indarapatra ay may dalawang bersyon: ang sa Maguindanao atsa Maranao. Sa bersyon ng Maranao, binubuo ito ng pitong kabanata.Ang tutol ay tumutukoy sa mga pangyayari sa iba‘t ibang pagkakasunod:(1) pisikal at political na heograpiya, (2) sosyal at pamilyang organisasayon, (3) kosmolohiya,(4) relihiyon at mahika, at iba‘t ibang katangian ng lipunan ng Maranao (Madale, 1942).b) Tutol sa Piyakakuyakayad (Nakakatuwang Kuwento)Isang magandang halimbawa sa nakakatuwang kuwento na gusto-gustongmarinig ng mga Maranao ay ang Pilandok. Si Pilandok ay mautak at maparaan . Isa sa mgakuwento nito ay ang kuwento kung paano niya tinawid ang ilog na may mga buwaya (Madale,1942).c) Pangangayaman (Pabula)Mahilig ang mga kabataan sa mga nakakatuwang kuwento. Bukod pa dito,mahilig rin sila sa mga kuwento tungkol sa mga hayop o pabula. Halimbawa nito ay ―AngUnggoy at Ang Tagak‖ (Madale, 1942).
  • 7. 3) Tubad Tubad (Maiiksing Tulang Pampag-ibig)Noong una, ang mga Maranao ay gumagamit ng maiiksing mga berso para iphayagang kanilang nararamdaman at pagkadismaya. Patula nilang pinapahayag ang mga ito para dimasakit sa iba (Madale, 1942).Ito ay may iba‘t ibang interpretasyon depende sa okasyong ginamit ito. Kung saconteksto na pag-ibig, maaring ibig sabihin nito na hindi mapapantayan ng isang mangiibig angisa dahil ang isa ay masmataas o masmagaling kaysa sa kanya. Ang isa pang interpretasyon ayang literal na kahulugan na ang lawin ay di makakapantay sa agila (Madale, 1942).4) Kadaonga (Love Fest)Kapag gusto ng lalaki magphayag ng pag-ibig sa babae, binibisita niya ito sa bahayat may kasama siyang dala na nagsisilbing tagapagmensahe niya. Sa ganitong paraan, ang babaemayroon ring tagapagmensahe. Ito ay di pormal na okasyon (Madale, 1942).Ito ay halimbawa ng sagot nang lalaki matapos sagutin ng babae kung mayroon baitong pag-asa:Meranao EnglishIno ko diPapanok ka so NoriApai so samber ianDa ngka kasampirotiWhy will I not be surethat the bird Nori is mineWhen in flight it is freebut when it perched its caught5) Pananaroon (Matalinghagang Kasabihan)Ang mga pananaroon ng mga Maranao ay binibigkas tuwing pinaparusa ang isangbata upang matuto o uyamin ang tao. Kahit karamihan sa mga ito ay di nakasulat, isinasapuso itong mga bata at nagiging bahagi ng kanilang pagpapahalaga at paniniwala (Madale, 1942).
  • 8. Halimabawa:Meranao EnglishSo bawing a ketesenNa mi song bo sa ketesenNa makapemagenesaA bunch of bawing plantsMay grow far apartBut they are one when being pulled6) Sowa-Sowa-i (Drama)Ang Sowa-sowa-I ay mahahati sa lima: (a)Kambayoka, (b)Kaganat sa darangen,(c)Diabro, Onta, and Kokok (d)Sagayan (e)Sadoratan (Madale, 1942).a) KambayokaAng bayok ay mga patulang berso na tumatalakay sa iba‘t ibang paksa. Ang temaay umiikot sa uri ng kapistahan na piangdidiwang. Ito ay maaring bahagi ng epiko. Ito ay inaawitng onor. Ang tawag sa sesyon na ito ay kambayoka (Madale, 1942).Ito ay maaring kantahin ng dalawa o higit pa na nakaupo sa magkabila. Ito aynagsisimula ng isang panimulang talumpati ng tagapagbunsod at ng mga putok ng baril. Angpangatlong tao ay magsisilbing tagapaghatol kung sino sa dalawa ang may pinakamaganda atmay pinakamatalinghagang paglalarawan sa okasyon na iyon (Madale, 1942).Ito ay isang halimbawa ng isang bayok na may tunog ng Darangen natumatalakay sa isang bahagi ng epikong, ―Kamplomna‖ (Madale, 1942).b) Kaganat sa DarangenAng Kaganat sa Darangen ay isang interpretatibong sayaw at kanta. Inilalarawanng tagapagtanghal na subukan gayahin si Prinsipe Lomna nang pinadala siya upang mag-alok ngkasal para sa kanyang ama (Madale, 1942).Ang tagapagtanghal ay kailangan wala pang asawa, maganda at mayroong malambot nakatawan. Ito ay dula na nagpapakita ng pagpapadala kay Lomna sa Gindolongan. Maraming
  • 9. pagwawagayway ng pamaypay at maraming paggiwang ng bewang ang isisinasagawa sa dulangito (Madale, 1942).c) Diabro, kokok, at OntaAng daibro at ang kokok ay laging magkasama tuwing kasal, koronasyon at ibaipang magkatulad na pagdiriwang. Ang diabro ay nakabihis ng tuyong dahon ng banana. Sakapistahan, tatakbo siya kukunin ang kopya (kalo) ng mga datu. Ito ay kostumbre na maarilamang niya kunin balik ang kanyang gamit kung bibigyan niya ang diabro ng pera (Madale,1942).Ang koko naman ay isang nagmumukhang halimaw na nanggaling sa gubat.Nakasuot siya ng kalo. Mahaba ang kanyang buhok at ang kanyang suot ay puno ng algae.Kasama ang diabro, tatakbo sila, sasayaw sa tunog ng agong at kulintang (Madale, 1942).Ang onta ay isang paggaya sa kamelyo. Gumagamit sila ng kawayan upangmakabuo ng isang istraktura na halintulad sa kamelyo. Apat na lalake ang nagsisilbing binti ngkamelyo (Madale, 1942).Kinagawian na ang onta ay linilibot ang buong baryo tuwing kasal at binubukasang bunganga. Ito ay kagawian na kung buksan nito ang kanyang bunganga ay kinakailangan nalagyan ito ng laman. Ito ay nagsisilbing mga regalo ng pamilya ng babaeng kinakasal (Madale,1942).d) SagayanAng sagayan (sayaw pandigma) ay nagmula sa Darangen. Ito ay pagsasadula ngkabaynihan ni Bantugen habang ihinahanda ang kanyang sarili para sa pakikidigma sa mgakalaban-Ikadaraanen (Madale, 1942).e) SadoratanSa isang kabanata sa epiko, ang prinsesa matapos siyang dukutin ng isa pang prinsipe,siya ay lumakad sa gitna ng napakaraming tao na nasilayan ang kanyang kagandahan (Madale,1942).
  • 10. Ganito ang paglarawan ng kanyang paglakad:Meranao―…Kisiod bon a nglai na arega sakampo, kanatap palad a-i na pasa-i saka inged.‖English―…Swaying her hands as she walks is worth a camp, and lifting her foot is worth aplace.‖Ang sayaw na ito ay pagsasadula nang pinalakad ang prinsesa sa harap ng mga datuat sultan. Ang tagapagtanghal ay kailangan maganda, marunong kumanta at malamyos maglakad(Madale, 1942).7) Limpangan ago Antoka (Puzzles and Riddles)Ang limapangan (puzzles) ay para sa mga matatanda samantalang ang mga antoka(riddles) ay para sa mga bata (Madale, 1942).Ang halimabawa ng limpangan ay ang kuwento ng Unggoy at ng Puno.Ang mga limpangan ay binibigkas tuwing nagsasama-sama ang mga batang Maranao.Ang bata na na nakakasagot ng maraming limpangin ay hinahangaan at itinuturing matalino(Madale, 1942).Halimbawa :Meranao EnglishLadia sa kalaanA di ketangalan sa ig.A cup from the forestWhich can not hold water
  • 11. Sagot: Bird’s nest8) Sakuba (Rhymes)Ito ay kasiya-siyang pakinggan na may dalawang ibig kahulugan.Meranao EnglishIno ako den a-i Why am IMala ako den a-i A grown upPekelilid ako den rolling?Kapag isinulat at baybayin sa ibang paraan. Ganito ang kahulugan nito:Meranao EnglishIno a koden den a-i Why is thisMala a koden den a-i big potPekelilid a koden rolling?9) Panitikang PambataAng panitikang pambata ay nahahati sa tatlo:(a) Kanta tungkol sa Pangangaso (b)pangingisda, (c) lalabay,(d) kantang may rima (rhyme song) (Madale, 1942).a) Kanta tungkol sa PangangasoNaniniwala ang mga bata na kapag maglagay sila ng bitag at kapag sila ay kumanta,mahuhuli nila ang ibon. Ang isang uri ng ibon na mabibihag nila sa pamamagitan ng kantan ayang dao‘lan. Matapos niyang ibitag ito, aawit siya.b) Kanta tungkol sa PangingisdaHalimbawa :
  • 12. Meranao EnglishSeda ka seda kaO ba ka panonotolanMagpeka baka ‗kaMabibid a lig ka.Fish, fishDo not tell your storyOr your jaw will breakAnd you neck twisted.Pinaniniwalaan kapag kumanta sila ng kantang ito, marami silang mahuhulingisda.c) Lalabay (Lullaby)Meranao EnglishBon, bong ai bong bongan Sleep, sleep, sleepPakatorog ka wata Sleep dear little oneGomirao si ‗na aka Mother might sayBa ko seka dianeg That I punishGo ka ri pimbongetan And reprimanded you.;Kinakanta ito ng mga nakakatandang kapatid na babae sa kapag pinapatigil angiyak ng sanggol at kapag pinaputolog ang sanggol kapag umaalis sa bahay ang ina(Madale, 1942).d) Kantang May Rima (Rhyme)Karamihan ng mga bahay ay itinatayo malapit sa lawa. Dahil ditto, kinahiligan ngmga bata maglaro at lumangoy sa tubig. Matapos maglaro, lulundag sila mula sabanto at kakanta sila (Madale, 1942).
  • 13. Halimbawa:Meranao EnglishTalepi, talepi Beat, beatMaona ko mamara I will dry aheadDi so mga ped ko Of my companions.Panitikang MaguindanaoAng mga bumubuo sa elemento ng literatura ng mga Maguindanao ay ang folk speech atfolk narratives. Ang folk speech ay nahahayag sa mga antuka/pantuka/paakenala (bugtong) atbayok (tulang liriko), samantalang ang mga naratibo naman ay nahahati sa tradisyong pang-islam at sa katutubong tradisyon. Sa tradisyong pang-Islam kasama ang pagbasa sa Quran, angtarsila o naratibo ng angkan (genealogical narratives), ang luwaran, ang paglalarawan sa mganakasanayang batas; hadith o mga kataga ng propeta; ang quiza o mga relihiyosong kwento.Ang katutubong tradisyon naman ay binubuo ng tudtul (katutubong kwento), at mga epiko tuladng Raja Indarapatra, Darangen, at Raja Madaya.Para sa Maguindanao, ang mga bugtong ay nakakatulong sa pagsulong at pagkabuo ngpagkakaibigan sa isang grupo. Nagsisilbi itong kasangkapan sa paghahanda sa pagtuturo. Angistruktura ng isang bugtong sa Maguindanao ay binubuo ng isang larawan o imahe at ng isangpaksa. Merong apat na uri ng larawan: komparatibo, deskriptibo, puns o puzzle at naratibo. Angmga Maguindanao ay nainiwala sa pagkakaisa ng mga iba‘t –ibang aspeto ng kapaligiran at angpaniniwalang ito ay nasasalamin sa kadalasang paggamit ng nagsasalungat na imahe at paksa samga bugtong. (Notre Dame Journal 1980:17)Ang pagsasanay ng bugtong ay ginagawa sa isang grupo, kung saan ang isa ay angriddler. Kung isa man sa grupo ang nagnanais na maging riddler, kailangan ay may nakahanda
  • 14. na siyang bugtong, kung wala pa, siya ay sasailalim sa dtapulung (ridicule), na binibigay dibilang isang kritisismo ngunit bilang part eng tadisyon ng bugtungan. Tinuturing ng mgaMaguindanao na di magaling na riddler ang mga nagdadagdag o nagbabawas sa ‗orihinal‘ nateksto ng bugtong. Ang bugtungan ay maaring gawin saan mang oras at lugar, basta‘t ito‘ygagawin bilang grupo.Ang kalituhan sa sagot ay maaaring malutas sa pamamagitan ng pagtattanong samatatanda o ng sinumang nirerespeto sa lugar, partikular ng barangay. Sa ganitong pamamaraan,ang sagot sa bugtong ay nagiging flexible, dumarami at lumalawak ang posibilidad ng mga sagotna nagreresulta sa isang pedagogy.Halimbawa:Entuden, niadenIt is here, it is there (wind)*Bukas rin sa iba pang kasagutan ang bugtong na ito, halimbawa, pwede rin itong tumukoy saduyan. Ang mga bugtong nila ay maaari ring sumalamin sa pananaw nila tungkol sa mundo.May mga paniniwala tulad ng, dapat ang bugtungan ay hindi dapat ginagawa sa gabi,para hindi maenganyo ang mga masasamang espiritu na makisali. Isa pang paniniwala ay ang dipagamit ng salitang nipai (ahas) kapag gabi sa bugtungan.
  • 15. Ang mga verse ng mga Maguindanao ay pinapahayag sa pamamagitan ng ida-ida a rata(children rhymes) o sa pamamagitan ng tubud-tubud (maikling tulang patungkol sa pag-ibig).Halimbawa:Pupulayog sa papas ka pumagapas apasKa tulakin kon ko banogNa diron pukatalakinKa daon kasakritiKanogon si kanogon nakanogon ni ladan koA pukurasai mamikir a ana palandong a darNa di akun ipantao na pusulakan a igO matao kandalia.Flying hard, the swift isTrying to catch up the hawkBut he cannot equal himBecause he is far too smallWoe, woe unto me
  • 16. Worried from thinking of a loved oneAnd I cannot let my feelings prevail,Express my loveBecause everytime I want to reveal itStops it in its way.Metaporikal ang wika ng Maguindanao kaya kung ang sasabihin o kung ang nais naipahiwatig ay nangangailangan ng pagiingat, bayok ang ginagamit. (Wein 1938:35-36)Halimbawa:Salangkunai a melingA malidu bpagimanenKa mulaun sa dibernalDun-dun ai lumagingA paya pagilemuanKa mumbus sa hakadulatNa u saken idumandingSa kaludn pun na is
  • 17. Na matag aku ‗ngka manegDi ku mawatang galingTalking SalangkunaiT’is hard to trust in you,For untrue leaves could sproutDun-dun fond of chattingT’is hard believing youFor cheating buds may showOnce I (start to) fondleFrom the seaYou would just hear from meMy darling, close to meAng Luwaran ng Maguindanao ay lupon ng encoded adat laws na tumutugon sa mgakasong tulad ng pagpatay, pagnanakaw, pati na rin sa mga isyu ng pamana at kalakalan. Anglahat ay nasasakupan ng batas at ito na rin ang naging basehan ng hudisprudensiya ng Islam.(Darangen 1980:33).
  • 18. Ang hadith ay mga kasabihan at kaugalian ni propeta Mohammad na kinulekta, inipon atpinagtibay ng mga iskolar ng Islam. Nilalaman ng Hadith ang isa sa mga pinagkunan ng batas ngrelihiyong Islam. Ginagamit din itong basehan para sa pagpapaliwanag ng mga paksa sa Quran.Ang wikang ginagamit at Arabic.Ang tudtul (katutubong kwento) ng Maguindanao, ay mga maiikling kwento na maysimpleng pangyayari. Dalawang halimbawa nito ay ang ―Lagya Kudarat‖ na tungkol sapakikipagsapalaran ng dalawang anak ni Lagya (rajah) Mampalai ng Lum na tinangay sakagubatan matapos dumaing si Mampalai sa kawalan ng pwedeng mapangasawa ng kanyangdalawang anak. Ang dalawang anak ay sina Lagya Kudarat at Puteli (prinsesa) Sittie Kumala. SiPuteli Kumala ay tinangay sa kagubatan kung saan nakilala niya ang isang kabayan (isangmatandang dalaga). Inampon siya ng kabayan na ito kasama ng isang prinsipe na nagngangalangSumedsen sa Alungan. Kahit na magkasama sa bahay ay di naguusap sina Sumedsen at Kumala.Di kalaunan ay umalis si Kumala sa bahay at sumama si Sumedsen. Napadpad sila sa Lum, kungsaan nagkita-kita uli ang magkakapamilya. Di nagtagal ay nagpakasal rin si Sumedsen atKumala. Samantala si Lagya Kudarat naman ay tinangay sa Kabulawanan, doon ay nakilala niyaang isa pang kabayan na pinatira siya sa kanyang bahay. Isang araw habang nangangaso,nakarinig si Kudarat ng tunog ng mga naglalaro ng sipa. Sinundan niya ang tunog at ng Makitaang mga naglalaro ay nakisali siya. Hindi niya alam kung paano maglaro nito, kaya aksidentengnapunta sa lugar ng isang prinsesa ang sipa. Naghagis ang prinsesa ng isang singsing at panyopatungo kay Kudarat. Di nagtagal ay ipinakasal silang dalawa. Matapos ng kasal ay bumalik silasa Lum at nagkasama-sama muli ang buong pamilya nila. Matapos ng isang lingo ay bumalik siKudarat at kanyang asawa sa Kabulawanan upang manirahan sa biyenan nito. (Notre damejournal 1980:3-6).
  • 19. Ang isa pang folk tale ng Maguindanao ay ang ―Pat-I-Mata‖ na tungkol sa dalawangmagkapatid na Pat-I-Mata at Datu sa Pulu. Si Pat-I-Mata ay namumuno sa Kabalukan at si Datusa Pulu naman ay sa Reina Regente. Pat-I-Mata ang kanyang pangalan dahil sa meron siyangapat na mata, na kung saan kapag tulog ang dalawa ay naiiwang bukas ang natitirang dalawa.Kilala siya sa kanyang kalupitan sa mga kababaihan, kung saan ay pakakasalan niya ito kungito‘y maganda, ngunit kapag ito‘y pumangit na ay iiwanan na niya. Dahil sa ganitong ugali niPat-I-Mata ang mga mamamayanan ng Kaabalukan ay din a matiis ang kanyang pagkamalupit.Lumapit ang mga tao sa kanyang kapatid at humingi ng tulong. Sinubukan ni Datu sa Pulu nabigyan ng payo ang kanyang kapatid ngunit di ito nagbago kaya naisipan niyang patayin si Pat-I-Mata. Gumawa siya ng isang hawla, nang makita ito ni Pat-I-Mata, tinanong niya ang kanyangkapatid kung para saan ito at sinabi naman ni Datu sa Pulu na gagamitin ito bilang proteksyon sapaparating na bagyo. Dahil sa pagkamadamot ni Pat-I-Mata, hiningi niya ang hawla at hinayaanggumawa ng bago ang kanyang kapatid. Nang gagamitin na ang hawla at binuksan ito, hinayaanni Datu sa Pulu pumasok si Pat-I-Mata at pinabayaan itong makulong. Bago ihulog sa ilog si Pat-i-Mata ay isinumpa niyang magkaaway sila ng kanyang kapatid habambuhay. (Notre DameJournal 1980:7-8).Ang mga epiko ng Maguindanao ay sinasalita at pinaniniwalaang naunahan pa ang Islam.Ang epikong Rajah Indarapatra ay patungkol sa maraming tauhan na biniyayaan ng kakaibangkapangyarihan. Isang part eng epiko ay patungkol sa pagsilang kay Rajah Indarapatra, napinaniniwalaang nagmula sa union ng Sultang Nabi at pinsan nito.Ang Rajah Madaya ay pinaniniwalaang orihinal na literature ng Maguindanao dahilkaramihan sa elemento nito-wika, metaphor, gamit sa kwento ay mula sa Maguindanao. Sakabilang banda, ang iba pang elemento ng epiko ay may kasamang ibang naratibo, isa na rito ang
  • 20. tungkol sa walang anak na si Sultan Ditindegen. Sa kanyang pagkadesperado, nagdasal siyaupang magkaroon ng anak, kapalit ang pangakong ibibgay niya ito sa isang dragon. Natupad angkanyang hiling at kasabay nito ang paglabas ng isang dragon na nagsasabing ito na ang malakingPrinsesa Intan Tihaya. Nang mabalitaan ni Raja Madaya ang tungkol sa mahirap na sitwasyon ngprinsesa, ay dumating ito upang tumulong. (Wein 1984:14).Ang epiko ng Maguindanao ay binibigkas ng paawit sa paraang melismatiko. Ang mgareligious chants ay karaniwang melismatiko rin at gumagamit ng diatonic scale. Mahilig angmga Maguindanao sa chants, dalawang uri ang ginagamit nila, una ay ang sindil, ito ay‗coloristic‘ ang isa naman ay ang bayok na isa naming syllabic at tetrachordal. Ang mga oyayiay tetrachordal rin ang anyo. Ang mga kumakanta ng epiko at religious chants ay mgapropesyunal na maituturing samantalang ang mga kumakanta ng oyayi at bayok ay maituturingna kabilang lang sa pangkalahatan.Ang Tribo ng ManoboAng Manobo ay isa sa mga pinakamatandang tribo ng ating bansa na dapat na ipagmalakisapagkat mayaman ang kanilang kultura na sanay naipasa sa bawat Pilipino. Ang nasabing triboay tubong Agusan, isang lalawigan sa Mindanao,MANOBOKasaysayan at PinagmulanSino at ano nga ba ang nga Manobo? Saan ba talaga sila nagmula at anu-ano angkanilang mga kaugalian na magpahanggang ngayon ay patuloy pa ring umiiral sa komunidad?Maraming mga sagot patungkol sa kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng salitang Manobo.Ang isa ay nagsasabing: ang Manobo ay nangangahulugang tao o mga tao;ikalawa ay ito raway nagmula sa salitang "Mansuba" mula sa salitang man na nangangahulugang tao at suba na
  • 21. ang ibig sabihin ayilog,ibig sabihin ang salitang "Mansuba" ay nangangahuligang "taong ilog"sapagkat karamihan sa kanila ay makikitang nakatira sa tabi ng mga ilog;ang ikatlo ay nagsasabina ito raw ay nagmula sa salitang "Banobo", isang creek na kasalukuyang dumadaloy sa IlogPulange dalawang kilometro pababa ng Cotabato City;at ang ikaapat ay nagsasabi na ito aygaling sa salitang "man" na ang ibig sabihin naman ay "first o aboriginal" at "tuvu" na ang ibigsabihin ay "pagtubo o paglaki".Ang mga manobo ay nagmula sa mga taong lagalag mula sa kanlurang bahagi ng Tsina.Karamihan sa kanila ay nakatira sa tabing-ilog, tabi ng mga burol at sa talampas sa maramingbahagi ng Mindanao. Sinasabing sila ay unang nanirahan sa mga lambak ng Ilog Pulangi subalitnaghiwa-hiwalay sa pagdating ni Shariff Kabungsuan dahil sa pagtanggi ng ilan sarelihiyongIslam.Ekonomiya at IndustriyaAng karaniwang industriya ng mga manobo ay angkaingin.Ang pangunahing hanapbuhayng mga manobo ay pagtatanim ng palay at mais. Marunong din silang mangisda,pangangaso atpagkuha ng "pulot". Dahil dito, nabuhay ang nga Manobo sa isang sagana at matiwasay napamumuhay. Subalit, ang ilang nanirahan ng permanente ay natuto at nakuntento na lang sapagtatanim ng niyog at pagcocopra.Lipunan at PamahalaanNauuri sa apat ang mga manobo: ang bagani,baylan,mga manggagawa at mga alipin. Angmgabagani ay ang mga mandirigma na lumalaban sa nga digmaan at nagtatanggol sa pamayanan;ang mgabaylan ay ang mga babae o lalaking pari at manggagamot; ang mga manggagawa ay angmga magasasaka at ang mga alipin ay ang mga nakuha o mga nabihag nilang mga kalaban. patimga katutubo ay pwede ring maging alipin kung silay naparusahan sa kanilang pagkakasala.Pinamumunuan sila ng tatlo hanggang apat na timuay obai (babaeng datu) depende sa lawak atpagkakalapit-lapit ng mga baranggay. Subalit, ang mga Manobo ay walang sistema ng pamunuanhanggang sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.Kaugalian at mga Paniniwala
  • 22. Ang mga Manobo ay maraming paniniwala. Ilan dito ay ang paniniwala ng mga buntis na sila aydapat manatili sa loob ng bahay kung pula ang kulay ng langit matapos lumubog ang araw. Ito aydahil sa paniniwalang ang mga busaw (aswang) na uhaw sa dugo ay nasa paligid at nag-aabangsa biktima. Hindi rin sila maaring tumakbo kapag nasugatan ang paa sapagkat malalaglag angkanilang pinagbubuntis.Habang nanganganak ang babae,ang kumadrona ay naglalagay ng mga anting-anting sa bewangng nanganganak. Ito ay upang ipagtanggol ang buntis sa mga masasamang anito sa paligid.Matapos manganak, nililinis ng kumadrona ang lahat ng bagay na ginamit sa panganganak upangmaitaboy ang busaw. Biang kabayaran, ang kumadrona ay dapat bayaran ng maliit na kutsilyoupang linisin ang mga kuko; isang plato upang paglagyan ng dugo ng sinakripisyong manok;malong upang makapagbihis siya; at konting salapi upang hindi siya maglagay o magbitiw nganumang sumpa sa pamilya.Ang kasal naman ay kadalasang isang kasunduan sa pagitan ng mga magulang. Ito aynagsisimula sa ginsa (paki-usap) ng pamilya ng babae sa pamilya ng lalaki kung saan ito aymagalang na tinatanggihan hanggang magkaroon ng kasunduan para sa kagun (bridewealth).Lahat ng kamag-anak ng lalaki ay mag-aambagan para sa kagun hanggang sa maabot nila anghalaga ng kagun. Ang araw ng kasal ay maitatakda lamang kung matapos nang maabot anghalaga nang kagun. Habang nag-aambagan ang pamilya ng lalaki, ang pamilya ng babae namanay abala sa paghahanda ng apa ( handaan ng kasal). Nagtatapos ang proseso sa isang marangyangkasal. Ang kasal sa kanila ay isang sistema kung saan ang ugnayan ng pamilya ng lalaki at babaeay kinakailangan. Ang pagkakaroon ng maraming asawa, bagamat kadalasan lang kungmangyari ay hindi ipinagbabawal.Mayroon din silang kaugalian sapalilibing. Ang patay na lalaki ay kanilang inililibing nanakaharap sa silangan upang ang pagsikat ng araw ay magbigay hudyat na oras na upangmagtrabaho. Ang babaeng namatay naman ay inililibing na nakaharap sa kanluran upang angpaglubog ng araw ay magbigay hudyat na oras na para sa kanya ang magsaing. Sa oras natinatakpan na ng lupa ang libingan, lahat ng naroon ay tumatalikod upang mapigilan silangmahikayat na sumama sa namatay. Matapos ang libing, mayroong walo hanggang labindalawangaraw ng kalungkutan depende sa estado ng namatay. Ang sanggol ay isang araw lang at ang datu
  • 23. hanggang pitong araw. May kantahan at sayawan sa loob ng mga araw na ito subalitipinagbabawal ang instrumental na mga kanta.SiningAng pagiging makasining ng mga Manobo ay makikita sa kanilang pang-araw-araw na kasuotan.ang kanilang tradisyunal na kasuotan ay magarang binurdahan at halos lahat ay gawa sa abaka.Ito ay kinukalayan gamit ang mga pangkulay mula sa kalikasan. Kumukuha sila sa ibat-ibanghalaman para sa ibat-ibang kulay. Kadalasan ito ay hinahabi na may nga disenyo ng mgabulaklak at mga bagay sa kalikasan. Subalit, ang mga kasuotang ito ay nakilala lamang raw ngmga Manobo ng maaga lang ngayong siglo sapagkat, ang mga Manobo ay hindi marunongmaghabi.Maging ang pag-aayos ng kanilang buhok ay masining. Ang mga buhok nila ay kadalasang nasaestilong "buns" at "bangs". Ang buhok ng mga babae ay nilalagyan ng kawayang suklay at mgadekorasyon gaya ng perlas, kabibe at mga bagay na ibat-ibang hugis. Ang sa mga lalaki namanay ang tinatawag na tengkulu, isang piraso ng tela na kanilang binubuklod palibot sa kanilangulo.Ang mga alahas din ay may mahalagang papel sa kanilang buhay. Ang ilan pa nga rito aypinaniniwalaang epektibo laban sa mga lason at sumpa. Ang mga babae ay may mga hikaw nakahoy na halos tatlong sentimetro ang lapad. Ito ay nababalutan ng ginto,pilak o di kayay tanso.Mga kuwintas na kung tawagin aybalungkag na hinuhubog nila sa ibat-ibang disenyo gamit angmga kabibe, maliliit na beads, ngipin ng buwaya o di kayay mga kristal na may ibat-ibangkulay. Meron ding tinatawag na sinakit, isang kuwintas na sinukat sa laki at lapad ng leeg. Angpara sa mga lalaki ay isang sinakit na hinugis na tila likod ng isang sawa.Marami pa silang mga dekorasyon sa katawan gaya ng tattoo, panggilid sa ngipin at pulseras ngibat-ibang uri at laki.Gumagawa rin sila ng mga bagay-bagay na magagamit nila sa pang-araw-araw na buhay. Maymga sombrero na gawa sa kawayan at erik-ik o anahaw. Marami silang basket para sa ibat-ibanggamit. May basket para sa isda, bigas at mga pang-imbak.
  • 24. Ang mga Manobo ay mayaman rin pagdating sa kanilang pagsulat.Mayroong atukon, bugtong,salawikain, panonggelengan, katutubong kuwento, pabula, epiko at nakakatuwang kuwento.Ang Manobo ng Modernong PanahonKung tatanungin man ninyo kung mayroon pa bang mga Manobo sa panahon ngayon, siguradoang aming grupo sa aming isasagot, OO, nananatiling buhay ang grupong ito at patuloy nahinaharap ang magandang kinabukasan na para sa kanilay lubos na pinapahalagahan. Sa isangmaliit na bayan ng Tacloban City, Leyte, hindi namin inakalang magkakaroon kami ngpagkakataong makakita at di lamang makakita kundi makisalamuha kahit lamang sa maiklingpanahon. Ang kanina pang binabanggit sa blog na ito na aming nakunan ng personal na mgasagot sa aming mga katanungan, na ang ngalan ay Divina, ba-i kung tawagin ang isang pinunongbabae na Manobo. Ayon sa kanyang pahayag, mayroon din silang katutubong pangalan na hindimaaaring maibahagi sa amin sapagkat itoy parang kanilang "password" na tanging silang mgakatutubong Manobo lamang ang may karapatang sumambit sa mga sitwasyong alanganin.Mga Uri ng Panitikan sa SOCCSKSARGENAyon sa papel ni Corazon T. Martin-Roquero na pinamagatang Manobo Oral Literature, angpanitikan na makikita sa bahagi ng SOCCSKSARGEN ay madalas pasalita at naipasa-pasa na saiba‘t ibang henerasyon, gaya rin ng sa iba pang mga pangkat etnikong sa bansa. Ang mgapanitikan na matatagpuan dito ay repleksyon ng simpleng pamumuhay ng mga etnikong grupo salugar. Kung susuriin nang mabuti, ang kanilang buhay agrikultural, industriyal, at komersyal angsiyang nakaaapekto at lumalaman sa mga kwento na kanilang ipinapasa-pasa. Ang kanilangrelihiyosong mga paniniwala, panlipunang oryentasyon, pag-iibigan, pagkakaibigan atpakikidigma ay nakadaragdag rin sa maraming paraan ng pagkwekwento ng mga grupong ito.Ngunit maraming hadlang sa mga grupong tulad ng mga Manobo upang lubusang maipalaganapang kanilang panitikan. Ilan sa mga ito ay ang illiteracy at ang mga di-kagandahang sitwasyon ngkanilang lipunan. Sa kabila nito, kamangha-mangha pa rin kung paano naipalaganap ng maliliitna grupo sa Rehiyon 12 ang kanilang panitikan.
  • 25. Ang pag-aaral at pagsasaliksik sa mga pantikan ng isang grupo, dagdag ni Roquero, ay hindilamang pagtatangkilik sa mga poetic methods ngunit higit sa lahat, ito ay isang pag-aaral saikinaunlad ng isang grupo. Ang panitikan ng kahit anong grupo ay nagdadala ng mensahe ngnakaraan. Sabi nga ni Roquero, ―It is forged from the sum total of human experience andinterpreted in the light of local environment.‖Ayon kay Roquero, laganap ang paggamit ng mga kasabihan sa parte ng SOCCSKSARGEN,lalo na sa lugar kung saan maraming naninirahan na mga Manobo. Tinawag ni Roquero ang mgakasabihan na ―the sacred books of each nation, the sanctuary of the institutions‖ dahil ang mgaito ang siyang gumagabay sa mga tao patungo sa daan ng kaayusan. Gaya ng mga banal naiskripto, ang mga kasabihan ay nagpapayo o nagbibigay-liwanag sa mga taong tila nababalisa onawawala sa kanilang landasin. Dagdag pa niya, ang mga kasabihan ay ―ang mga kristal ngkarunungan ng isang lahi.‖ Ibig sabihin ang mga ito ang siyang ipinapasa-pasa ng iba‘t ibangsalinlahi at siyang pumapatnubay sa lahat ng mga nangangailangan ng gabay.Ilan sa mga halimbawa ng mg kasabihan na mula sa Rehiyon 12 ay:1. Manobo: De‘t talinga te dalan wa‘y dot pakpak ka bava.1. Trans.: Paths have ears and mouths have wings.2. Manobo: Ka talad ne otang ne kenano palilipati.2. Trans.: A promise is a debt you must not forget.3. Manobo: Andai to migalavok neduen baras din.3. Trans.: He who serves must be rewarded.4. Manobo: Ka tangis ne pakadazaat te putso izing te limo ne pakaamin do‘y pusong.4 Trans.: Rust wears away metals as love consumes the heart.5. Manobo: Angit ka wa‘y adangit ka kalibutan. Sonahao ka wa‘y sikana za tod angit.
  • 26. 5. Trans.: Laugh and the world laughs with you. Cry and you cry alone.6. Manobo: Andai to migalavok neduen baras din.6. Trans.: He who serves must be rewarded.7. Manobo: Ka kathalan ned buno te langon ne kamarasayan.7. Trans.: Industry conquers all hardships.8. Manobo: Limo te kurata ne dalid te langon ne sala.8. Trans.: Love of money is the root of all evil.9. Manobo: Kamatayen ted sopos te langon.9. Trans.: Death ends all cares.10. Manobo: Andai te adlipezeng kena pakaka-an.10. Trans.: He who sleeps shall not eat.11. Manobo: Oman sankad ne pakaovay do‘t leueng.11. Trans.: Each step brings one nearer to the grave.12. Manobo: Abmaharang ka gelat ambia sigi gamiten.12. Trans.: A knife grows sharp with constant use.13. Manobo: Ka lua ne malamo mamaza chaid ka moto mauhot kalipati.13. Trans.: Tears are easily dried but sorrow is hard to forget.14. Manobo: Ka manisan ne maritan ne bulawan, ka mapia ne maritan ne lambus.14. Trans.: A beautiful woman is a jewel; a good woman is a treasure.15. Manobo: Ka mapia ne aso kena sangongo ambia waza puonan din.15. Trans.: A good dog does not bark without a good cause.
  • 27. 16. Manobo: Ka ma-amas ne pakpak kena pakalayang.16. Trans.: Wet wings cannot fly.Ang mga bayok o bugtong ay bahagi din ng napakayamang panitikan ng SOCCSKSARGEN.Bayok ang tawag sa pormang literatura kung saan may ibibigay na mga salita na hindi diretsongtumutukoy sa tamang sagot. Napakaraming bayok ang pumapaloob sa probinsya ng Cotabato.Ayon sa pag-aaral ni Roquero, ang mga bayok ay isa sa mga kumon na porma ng libangan samga okasyon na napupuno ng kasiyahan.Ilan sa mga halimbawang nakalap ni Roquero ay:1. Manobo: Ibpemulata maaponNaperenderen ta masalem.1. Translation: We plant it in the afternoonWe pull it up in the morning.1. Sagot: lekeb o door-shutter2. Manobo: Marayo pak kanakanNagpampangilkil ak raja.2. Translation: The young man is still farBut the young lady is already trembling.2. Sagot: kramag o wind3. Manobo: Daisek an kanakanA napakaukom a tariru.3.Translation:Small gentleman could settle a problem.
  • 28. 3. Sagot: rahum o needle4. Manobo: Taltalanaka na kana pailsuluha.4. Translation: They belong to one family but theydo not give water to one another.4. Sagot: tava o sugarcane5. Manobo: Layoy na mama-anTaman d ate bakavako.5. Translation: It is a tall betelnut tree butIt reaches only the ankles.5. Sagot: Dalan o trail6. Manobo: Maama na edlooklook na kanaEd kaamas kad uzan.6. Translation: A man that walks through the rain yet does not get wet.6. Sagot: Aval o SmokeTulad ng karamihan ng mga rehiyon sa Pilipinas, ang SOCCSKSARGEN ay mayroon ringmga mito. Ang mga mito ay ang sinasabing repleksiyon ng buhay ng isang lugar. Ipinapikita samga mito ang pag-usad ng paraan ng pamumuhay, paniniwala, at kaisipan ng isang lahi. Ayonkay Roquero: ―They represent a place of development above that which is ordinarily possible tothe primitive peasant mind.‖ Sa mga mito di-umano natin makikita ang pinagsamang galing ngisang malikhaing manunulat at ng isang pilosopo, sapagkat may arte ang pagsasatitik ng mga itoat mayroong malalim na mensaheng nais iparating. Isa sa mga sikat na mito ng rehiyon ay angMito ng Mindanao.Ang Mito ng Mindanao ay tungkol kay Prinsipe Maranao ng Lanao at kay Prinsesa Minda. SiPrinsesa Minda ay maingat na pinangangalagaan ng kaniyang ama na si Datu Dipatuwan. Ayon
  • 29. sa datu, ang lahat ng magtatangkang manligaw sa prinsesa ay dapat munang dumaan sa tatlongmatinding pagsubok: 1) maibalik ang ikinalat na monggo sa isang sako sa loob ng 12 oras, 2)makuha ang singsing ng datu mula sa ilalim ng dagat, 3) ang makabalik sa ibabaw ng mundomula sa isang malalim na underground kung saan walang makakapitang bato o puno sa pag-akyat.Nang marining ni Prinsipe Maranao ang tungkol kay Prinsesa Minda, agad itong nagpaalam sakaniyang magulang para ito‘y puntahan. Hindi naging madali ang panliligaw ni PrinsipeMaranao kay Prinsesa Minda. Tulad ng ibang manliligaw, hinarang ng datu ang binata atbinigyan ito ng tatlong pagsubok.Sa unang pagsubok pa lamang ay nahirapan na ang binata. Tatlompung minuto na lamang angnatitira ngunit wala pa siyang napupulot ni isang munggo. Hindi naglaon, nakarinig siya ng isangmatinis na boses. Nang siya ay napatingin sa lupa, isang pulang langgam ang tumatawag sakaniya at nais maghatid ng tulong. Agad-agad dumami ang pulutong ng mga pulang langgam.Wala pang sampung minuto at napuno na ng prinsipe ang isang sako ng munggo.Ang pangalawang pagsubok ay mas mahirap kaysa sa nauna. Hindi magaling na maninisid angprinsipe, kaya lubos itong kinabahan nang siya ay inihagis sa dagat para hanapin ang singsing.Ngunit nang oras na siya ay itinapon sa dagat, siya ay napadpad sa isang malawak na daanan.Ilang minuto ang nakalipas at nakarinig ng malalim na boses ang binata. Ito ay ang Hari ngKaharian ng mga Isda. Inutusan nito ang kaniyang mga isda na hanapin ang singsing. Walangkahirap-hirap, nakuha ng prinsipe ang singsing.Pinakamahirap sa lahat ng pagsubok ay ang pangatlong utos ng datu. Ihahagis ang prinsipe saisang balon na walang puno o bato na mapagkakapitan. Kailangan niyang makabalik sa mundopara makuha ang prinsesa. Nalaman ito ni Prinsesa Minda, at kaniyang kinasundo ang mgatauhan ng ama at agad sumama sa prinsipe sa ilalim ng balon.Nang sila‘y nasa baba na, dumating ang datu. Sa takot ng mga tauhan, pinutol nila ang tali.Takot na takot ang dalawang magkasintahan dahil alam nilang wala ng paraan para sila ay maka-akyat. Ngunit sila ay nakatagpo ng isang ibon na tumulong sa kanila sa kanilang pag-akyat.
  • 30. Nakita ng prinsesa ang kaniyang ama sa kanilang pagbalik at humingi ito ng kapatawaran.Tinanggap na ng datu ang prinsipe at pinayagang pakasalan ang kaniyang anak. Nang yumao angdatu, si Prinsipe Maranao at Prinsesa Minda ang namuno sa naiwang kaharian ni DatuDipatuwan.Ang mga kwentong bayan ay tila bahagi na ng panitikan ng bawat rehiyon sa bansa. Saan ka mansa Pilipinas, may uusbong at uusbong na mga natatanging kwentong bayan. Iba‘t iba angkatangian ng isang kwentong bayan.Nariyan ang nakatatakot, nakagigimbal, nakamamangha.Isinulat ni Roquero na ang mga kwentong bayan ay ang pinagtagpi-tagping ispiritwal napaniniwala, tradisyon, at pangaraw-araw na pamumuhay ng mga tao. Dagdag pa niya, ang mgakwentong bayan ay ―the fabric upon which the people weave the pattern of the future.‖ Dahil samga mito ay nakabubuo ang mga tao ng kanilang kinabukasan. Nilalaman nito kung ano angnaiisip na hinaharap ng mga tao sa isang komunidad.Nabiyayaan din ang SOCCSKSARGEN ng maraming alamat. Ilan sa mga ito ay ang alamatng mga katawang pangkalawakan at ang alamat ng Lawa Pinamaloy. Ang mga alamat na ito aytungkol sa pag-ibig, pamilya, at katapangan.Ang alamat ng mga katawang pangkalawakan ay nag-uumpisa sa pagbubuo ni Azean kinaAndaw (araw) at Bulaw (buwan). Sina Andaw at Bulan ang kinikilalang unang magkasintahan sabuong kalawakan. Hindi naglaon ay nagkaroon ang dalawa ng kanilang sariling anak. Ngunit angnaging problema ay hindi ito mahawakan ni Andaw dahil sa napakainit niyang katawan. Lubositong ikinalungkot ni Andaw dahil hindi niya maipakita ang pag-aaruga ng isang ina. Sa kanyangpamamalagi sa tabi ng kaniyang anak, lagi lang tinititigan ni Andaw ang kanyang sanggol.Isang araw nang umalis si Bulan, nakita ni Andaw na umiiyak ang kaniyang anak. Nakitaniyang aligaga ang kaniyang alaga sa kaniyang pinaghihigaan. Hindi nagtagal, tila malalaglag naang bata. Walang pagdadalawang-isip na sinalo ni Andaw ang kaniyang anak. Sa kasawiang-palad, nasunog ang bata at namatay.
  • 31. Nang makabalik sa Bulan at nalaman ang kinahinatnan ng kanilang anak, lubos niya itongikinagalit. Napagpasiyahan ni Bulan na sila ni Andaw ay maghihiwalay dahil sa nangyari.Ngunit bago iyon ay hinati-hati muna nila ang katawan ng bata at ikinalat sa buong kalawakan.Ang mga pinutol na bahagi ng bata ay ang siyang naging mga katawang pangkalawan. Angbahaging hindi nasunog ay ang siyang naging dunya o mundo.Sa kanilang paghihiwalay, nagsalita si Andaw na: ―Mula ngayon, hinding-hindi na magtatagpoang ating mga landas. Akin ang umaga, sa iyo ang gabi.‖Ang alamat ng Lawa Pinamaloy ay tungkol sa isang binata mula sa lugar na kung tawagin ayAruman. Ang binatang ito ay isang mangangaso na magaling sa paggamit ng sibat at dilek. Isangaraw, siya ay nangaso sa kagubatan na ang kasama lamang ay ang kaniyang aso. Sa kagubatan aynakapatay siya ng isang baboy-ramo. Ngunit bago niya ito nagawa ay lubhang napuruhan rinsiya nito. Pinutol ng binata ang mga tenga ng baboy-ramo at inutusan ang kaniyang aso na dalhinito sa kaniyang iniibig na dilag.Nang marating ng aso ang dilag, ipinakita nito ang mga tenga ng baboy ramo. Nang tanungin ngbabae kung ano ang nangyari sa minamahal, ayaw magsalita ng aso sa takot na mayroongmangyaring masama. Pinilit nanng pinilit ng babae ang aso hanggang sa malaman niya angtotoo. Matapos sabihin ng aso ang tunay na nangyari, kumidlat nang malakas at nayanig angkanilang bayan.Nang ang bayan ay lumubog na dahil sa delubyong naganap, tumakbo pabalik ang aso sakaniyang amo. Doon ay dinala sila ng isang diwata sa lumubog na bayan na tinawag na RanawPinamboy.Sinasabi na sa ibang mga gabi ay mayroong naririnig na babeing humihikbi at isang aso natumatahol sa may lawa.Tulang naratibo ang tawag sa mga tulang mahahaba at isinulat para basahin o di kaya‘ykantahin. Ang pinakamagandang halimbawa ng isang tulang naratibo ay ang epiko na Ulahingan.Batay sa mga ulat, ang epikong Ulahingan ay mas mainam di-umano basahin nang malakaskaysa sa basahin nang taimtim. Ngunit aabutin ang isang mambabasa ng halos 12 oras bago
  • 32. matapos ang panimula palamang ng epiko. Kung nanaising tapusin ang kabuuan nito, aabot sahumigit kumulang na 612 na araw bago mabigyang wakas ang epiko.Ayon kay Dr. Elena Maquiso, isang iskolar na nagtala ng Ulahingan, nakalulungkot man isipinngunit hindi lubos na kilala ang epikong ito sa bahaging Kotabato. Ito na rin ang nag-udyok sakaniya upang isulat ang epiko ayon sa pagkakakanta sa kaniya ng mga katutubo. Sa kaniyangsanaysay na ―The Ulahingan: A Manobo Epic‖, isinulat niya ang kaniyang mga layunin sapagtala ng epiko: una ang maipaalam sa madla na mayroong ganitong uri ng epiko; pangalawaay ang ipakilala sa madla ang epikong ito; at pangatlo ay ang pagpapakalat ng kayamanan ngepiko.Ang epikong Ulahingan ay tungkol sa buhay ni Agyu noong narito pa lamang siya sa mundongibabaw. Tungkol din ito sa Nalandangan nang mapunta si Agyu at ang kaniyang mga kababayandito. Sa Ulahingan, inilalahad ang pagpatay ng mga dayuhan sa mga tao ni Agyu, angpagkukulong kay Agyu ng mga dayuhan, ang pagkakakulong ng kanyang mga kababayan saCagayan, ang kanilang pagtakas papunta sa Hilagang Mindanao, ang kanilang pakikipagdigmalaban sa isang datu ng Maguindanao, at ang kanilang mga sakripisyo at paghihirap.Matapos ang kanilang paghihirap, lumibot si Agyu kasama ng kaniyang mga kasamahan sakabuuan ng Mindanao. Sa kabutihang-palad, nakakita sila ng isang sakong bigas. Niluto nila itoat sa kanilang gulat ay nabusog ang lahat mula sa mga sanggol hanggang sa matatanda. Ito angnagdulot sa kanilang pag-akyat mula Aruman patungo sa Nalandangan.Bago sila tuluyan umakyat sa Nalandangan, iniwan ni Agyu ang kanyang anak na si Bayuayanupang magsilbing tagapagsalaysay ng kanilang naging pakikipagsapalaran.Dagdag ni Maquiso sa kaniyang sanaysay, mayroong tatlong ginagamit na musical na pormasa pagkanta ng epikong Ulahingan: ang undayag, ang likuen, at ang panahansan. Ang undayagay ginagamit sa dalawang paraan. Ang una ay ang umpisa ng kanta kung saan hinahanda ngmanganganta ang kaniyang sarili. Sa kaniyang paghahanda, sinasabi ng mangangawit ang mgalinyang aday aday mandaan and ay ay andaman na wala namang ibig sabihin.Ang likuen at panahansan ay maaring magsalitan sa kanilang gamit para makapagbigay ngbaryasyon sa pagkanta. Maraming anyo ang tono ng likuen, at ang mga ito ay may iba‘t ibang
  • 33. melodyo. Ngunit ang parahansan ay may iisang nota lamang, na ginagamit nang paulit-ulit saisang malakas na pagbigkas. Ang dalawang ito ay ginagamit na lang sa mismong kwento, athindi sa pamahra kung saan kinakanta ang likuen.Sa libro na Filipinos Writing: Philippine Literature from the Regions, na tinipon ng PambansangAlagad ng Sining para sa Literatura na si Bienvendio Lumbera, at kung saan si ChristineGodinez-Ortega ang patnugot ng parte ng panitikan sa Mindanao, unang naitala ang mga kantangrebolusyonaryo na kabilang sa mga anyong pampanitik ng Mindanao.Ang mga kantang rebolusyonaryo ay ang mga awit na nilikha ng mga local na Muslim labansa mga migranteng pumapasok at siyang nagdudulot ng kaguluhan sa kanilang lugar.Ilan sa mga nailimbag na halimbawa ay ang O Papanok (O Bird) at ang Bangsamoro (Peopleof Bangsamoro).“O Papanok”O‘ papanok aku bu na munota kusasambilka ingu ko kaganatan I kalidu nu ginawagalido su ginawa nu pingganat na labi din sukagganatanO‘ tayan tu, tayan ku nadi kadin bagulyangka mawatan pan I bangaayan kukokitan ku su palaw ingu su mga masla a kayoO‘ tayan ku, tayan ku napakabagil kay ginawa ningkaKa gatagat ku su mga wata ta
  • 34. meka matay aku na dika bagulyangkagina nakukit ako sa lalan nu mga sahid„„O Bird”If I‘m just a bird, then I will fly in the windso that I can leave the burdens I haveIt is hard to go, and it is painful for the ones leftbehindO‘ my dear, my only dearDon‘t cry!I still have a long way to goI‘ll pass the mountains and treesO‘ dear, my only dearbe strong in faithI‘ll be leaving our children behind.If I die, don‘t you cryfor I passed the way of the righteous.Bangsamoro
  • 35. Bangsamoro, gedam imaman kanuKa itindig su agama IslamSo kapanlalim sa lekitanunu taw a lumalapuwageb saguna na imbunwa tanuBangsamoro, a baninindigkanu ingedlila su ngiwa indi lugoMamagayon, mamagisa-isaapas tanu su kandaludayaPalaw ataw disdanPawas kadatalansu kandaludayaataw pakuburanPeople of BangsamoroPeople of Bangsamoro, awake and make up yourMindStand for our faiththe oppression they did to usthe immigrants
  • 36. now is the time to fight themPeople of Bangsamoro whofight for our Causeoffer your body and bloodCooperate, uniteaim for freedom in the mountainseven how many our enemies areFreedomOr Martyrdomfor I passed the way of the righteous.Ang Parang Sabil ay isang awitna para sa mga bandido. Halaw mula sa salitang Malaysian ang‗parang‘ na ang ibig sabihin ay ―giyera‖ at ang ‗sabil‘ naman ay ―sa paraan ng Diyos o ni Allah.‖Isang halimbawa ng Parang Sabil ay ang ‗Kissa kan Panglima Hassan‘, na tungkol sa isangmatapang na bayani na nakipagaban sa mga Amerikano na nais magpatupad ng sistemangMayroon ding iba‘t ibang uri ng maikling kwento ang matatagpuan sa rehiyon. Sa katunayan,mayroong inilabas na libro ang DepEd na isang antolohiya ng mga kwentong pambata sa salitangKotabato. Sa librong A Voice from Mt. Apo: Oral and Written Essays on the Culture and WorldView of the Manobo, mayroon ding matatagpuan na koleksyon ng mga tula at mga maiiklingkwento, na naisalin mula sa salitang Manobo patungo sa Ingles. Ilan sa mga kwentong ito ay angMolingling ni Tano Bayawan, Tilanduk woy dos Gungutan (Tilanduk and the Giant) ni EnagaroBugcal, at Iddos Oggasi way dos Anak (The Ogre and the Child) ni Olinan Landas, at iba pa.
  • 37. Sa mga libro at kwento na nabanggit, tila makabago na ang paraan ng pagkwekwento, ngunitnaroroon parin ang mga elemento ng kababalaghan, ng supernatural, at iba pang mga paraangmaaring ibinatay sa tradisyon at kultura ng mga naninirahan roon. Naniniwala parin sila sa mgaispirito, sa mga halamang nakagagaling ng sakit, sa mga misteryo na dulot ni Inang Kalikasan.Pinapatotoo nito na mula noon magpasahanggang-ngayon, ang pinagmulan ng mga porma ngpanitikan ay konektado sa isa‘t isa at magpasawalang hanggang magiging maimpluwensya sakanilang mga tao.Ilan ito sa mga tula at awit na matatagpuan sa librong A Voice from Mt. Apo: Oral andWrigtten Essays on the Culture and World View of the Manobo:MaandusManuel ArayamOy, otid dava rok matat allow,Kovudtrus dok songnga ku.Konna kud od koti-is, dayas ku nod ponihis.Oy, id somdit kut lawon Inday, konnod pomakoy‘t buyyag.Dumoruma rut sutsut, sutsut to inayon din.Oy, lohinat kad, Maandus, konuhun to gastu ta.Worad koponoyunat mongovay‘t Nolivoddan.Oy, wora pe-en pihu mongovay‘t Monubisa.O Ina, od monnuwon kud lawa en nanoy‘n Inday.Maandus
  • 38. Oy, if the eye of the sun is already set in the west,My breath is cut.I cannot bare it, (I cannot stop) my tears from falling.Oy, I regret that Inday did not believe the old ones.She listened to that provocation, provocation of her aunt.Oy, stand up (and let‘s go), Maandus, we‘re wasting our money.The young lady of Nolivoddan will no longe continue (the plan to marry).Oy, (my engagement) to the young lady from Monubisa is not all sure.O Mom, how can I get Inday to (believe me).SosolimanManuel ArayamOy, osiyoy, kahi rin, pullusow‘k tongkuu ku, id tambod du du rut uu ku.Patow rut Mondaangan patow ru to Tohovusow.Oy, id sondit kut lawon Ungkoy, timbak nod kookollon, od pongondollon nod tiru.Ini es konno rud en, konggin konno ru man.Oy, antap ayut songnga ku, od liling ad ka-ay‘t ingod, ossurad to bonuwa,Bonuwon Moivuyan, ingod to Tohovusow.Sud lonuhat Mondaangan, koogon konna rud en.
  • 39. Soliman‟s SongOy, Osiyoy, he said, get down my headdress, cover my head.The sign of Mondaangan is a sign of Tohovusow.Oy, I regret that Ungkoy is shooting (me) as (his hand) is shaking,aiming as his hand is shaking.Don‘t do it, kooggon, don‘t you do it.Oy, it is perhaps the opinion/impression of my breath, I will leave this world,I will move away to the city,The city of Moivuyan, region of Tohovusow.Because Mondaangan went along with this plan, koogon don‘t do it.Tonggapow kos Ginawa KuRetchor Umpan1 Duwon mammis no kuvukarannod dopotton to ahad ingkon no mgo manuk.2 Otin bo ondoy iddos bonnaa nod kopiyan ka-ay no kovukaran ku,no dii ku od elleyan.3 Otin ondoy iddos od kopiyan nod penek,od sondihan ku to dipalla,
  • 40. od lukatan ku to sobbangan.4 Ko-ungkay su id lukatan dud man,od pominog a to dinoggandiyon to kikow‘n kovonnaan,no sikkow en iddos kovukaranno siyak en iddos od ollobnod poko-iling to tomengnod ossop taddot mammis no kovukaran.5 Ponunggeleng ko duwon potiyukan,id soliyan kud ika,id potawan kud ika.6 Wora ahad ondoy nod puwag duwon;loppas koddi-oy.7 Su sikkow en iddos timbang mangga;ahad od soongkaton du ika,od ongayon ku su id ko-ivoggi ku.8 Su sikkow en iddos timbang buwanwoy mgo bitu-on nod pokotaddow ka-ay‘t lawa ku,nod se-aa ka-ay‘t pusung ku.9 Pomon to nose-alan kos koddin pusung.
  • 41. Accept My Love1 There is a sweet flower clusterthat any kind of bird will go near.2 Whoever truly desires this flower cluster of mine,I will not refuse.3 Whoever wants to come up to the house,I will lean the dipalla post,I will open the door.4 Now because you have opened it,I will listen to your tellingof truth about you,that you are the flower clusterand I the one who extracts its sweetnesslike a bee who sucks the sweetness of the flower cluster.5 If I compare (your love) to a beehive,I have placed a mark on it,I have placed a symbol on it.6 No one can smoke it out;
  • 42. I am the only one.7 Because you indeed are like a mango;even if you surround it with thorns,even if you put a fence around it,I will get at it because I desire it.8 because you are like the moonand stars whose rays of light shine on me,glowing here in my heart.Mga Tradisyonal na Naratibo sa SOCCSKSARGENMolinglingAng Molingling ay isang tradisyonal na kwento na inilahad ni Tano Bayawan. Ang kwentongMolingling ay kilalang-kilala sa mga Manobo na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng anit—angmga ipinagbabawal na gawain tulad ng incest at pakikipagrelasyon sa mga hayop at mga ispiritu.Ang mga Manobo ay dapat umiwas sa mga ipinagbabawal na mga gawain na ito, dahil kunghindi, sila ay mapaparusahan ng Inanit, ang ispirito ng anit. Gaya ng kwento sa Genesis kungsaan si Adan, ang ama ng santinakpan, ay nagkasala sa buong sambayanan, si Molingling aynagkasala ng pakikiapid at naapektuhan ang buong bayan na ngayon ay napaparusahan ng anit.Ang Buwitre at ang Inahin
  • 43. Ang buwitre at ang inahin ay tungkol sa isang pagkakaibigan na nasira dahil sa pagigingbanidoso ng inahin. Isang araw, ang inahin ay may pupuntahan na handaan. Nang dahil sakagustuhan na maging pinakamaganda sa handaan, pinuntahan niya aang kaibigang buwitre parahiramin ang isang gintong singsing. Agad naming ipinahiram ng buwitre ang kaniyangpinakaiingat-ingatan niyang singsing, at nagbiling na pakaaalagaan niya ito.Nang dumating ang inahin sa handaan, siya ang itinanghal na pinakamaganda.Pinagkaguluhan siya ng kaniyang mga kaibigan. Ngunit sa kaniyang pag-uwi, napansin ng inahinna nawawala na ang singsing na ipinahiram ng buwitre. Ginalugad niya ang lahat ng lugar nakaniyang napuntahan, hinanap ang singsing sa bawat sulok na kaniyang dinaaanan. Pero hindiniya nakita ang singsing ng buwitre.Nagdaan ang ilang araw at hindi pa rin nagpapakita ang inahin sa kaibigang buwitre. Nagtakana ang buwitre dahil hindi pa naisasauli ang kaniyang singsing. Galit na galit itong sumugod sabahay ng inahin, at itinanong kung nasaan na ang kaniyang singsing. Nang sabihin ng inahin nanawawala ito, nagwala ang kaibigang buwitre. Nang wala ng magawa ang buwitre, sumumpa itona hinding-hindi na sila magiging magkaibigan ng inahin. Isinumpa rin ng buwitre na hanggathindi naisasauli ang kaniyang singsing, habang buhay nitong kukunin ang mga anak na sisiw nginahin.Magmula noon ay naging magkaaway na ang inahin at ang buwitre.PituyAng kwentong Pituy ay isang tradisyonal na naratibo ng mga Manobo ng rehiyon. Si Pituy ayisang tamad na bata na walang ginawa kundi ngumuya ng nganga. Isang araw, pumunta si Pituysa tabi ng ilog para hanapin ang isang puno ng nganga. Sa kanyang paggagalugad, nakahanapsiya ng isa. Sa kaniyang pag-aakyat, mayroon siyang narinig na boses ng palaka. Ito ay kilalabilang si Otatat, isang mapaglarong palaka.Sumigaw si Otatat ng, ―Ang posisyon ni Pituy ay parang pambayo ng linga.‖Ikinainis ito ni Pituy at sumigaw ng, ―Hintayin mo ako, papatayin kita.‖ Bumaba agad-agad siPituy ay hinanap ang palaka. Para mas mapadali ang kaniyang paghahanap ay tinabas niya angmga makakapal na talahib na nakapaligid.
  • 44. Nang hindi niya ito Makita ay muli siyang umakyat. Mula sa kaniyang kinaroroonan, muliniyang narinig ang sigaw ng palaka. Muli siyang bumaba at inulit ang naunang ginawa.Hindi pa rin niya makita ang palaka, kahit na paulit-ulit niyang gawin ang pagtatabas ngtalahib at paghahanap. Nang napanisin ni Pituy na wala ng talahib sa kaniyang paligid, naisipanniyang taniman ang lupang kinatatayuan. Magmula noon, nakaka-ani na siya ng mga produktogaya ng mais, mga gulay, at iba pa.Simula noon, nagtrabaho na nang nagtrabaho si Pituy at lubos niyang ikinatutuwa ang mgabagay na kaniyang naaani.Ang Humuhuning Ibon at ang PusaAng kwentong ang Humuhining Ibon at ang Pusa ay isang tradisyonal na naratibo na inilahadni Badette Pescadera. Ito ay tungkol sa isang pusa na nais patayin ang isang ibong humuhunipara kainin. Ngunit, sa kasawiang pald, hindi niya ito mapatay-patay dahil hindi maabot ng pusaang ibon.Isang araw, lumanding ang ibon sa isang puno na may maraming bulaklak para kaniyangsipsipin ang sabaw ng mga ito. Agad siyang nakita ng pusa at sinabing, ―Ibon, marahil maaringbumaba ka riyan, at aking didilaan ang iyong mga pakpak.‖Dahil alam na ng ibon kung ano ang nais gawin ng pusa, alam nito kung paano magdahilanpara hindi siya mahuli sa patibong. ―Hindi maaari, pusa, dahil pinagbawalan ako ng aking mgamagulang na bumaba sa lupa.‖Hindi mapilit ng pusa ang ibon.Nagplano ang pusa kung paano mahuhuli ang ibon. Hindi mapakali ang pusa sa pag-iisip kungpaanong paraan niya mahuhuli ang pusa. Nang dumating ang araw na nagkaroon siya ng ideya.Sabi niya, ―Ayun yun; ngayon alam ko na kung paano huhuliin ang humuhuning ibon dahil gustoko talaga siyang kainin.‖Bumalik ang pusa sa kinalalagyan ng ibon. Nagulat ang ibon dahil nakita niya ang pusa namay dalang basket sa kaniyang bibig na mayroong mga hinog na bayabas. Ang sabi ng ibo,‖ Ku!Saan mo dadalhin ang bayabas, pusa?Mukhang masasarap ang mga iyan!‖
  • 45. Sumagot ang pusa,‖ Te, ibinibenta ko ang mga ito, ibon, ngunit hindi pera ang aking gusto.Ang nais ko ay ang mga balahibo ng mga ibong marunong lumipad dahil natutuwa akongmakahawak ng mga iyon. Ikaw, gusto mo ba? Isang bayabas para sa isang balahibo. Na, bilisanmo magdesisyon dahil baka mapilitan akong ibenta ang mga ito.‖Dahil talagang gusto ng ibon ang mga bayabas, siya ay pumayag ngunit mayroon kung anoman ang pumipigil sa kaniya. Sinabi ng ibon, ―Nahihirapan talaga ako magdesisyon dahil hinditalaga ako maaring umapak sa lupa.‖Ang sabi ng pusa, ―Hayaan mo na, ibon. Halika na lang dito sa loob ng aking basket na akingbitbit. Hayaan mo na kung nahihirapan ka; sa tuwing kakain ka ng bayabas, maari kangmamalagi dito at magtanggal ng iyong balahibo.‖At ayun nga ang ibong sa loob ng basket. Kumain siya ng bayabas.Sa tuwing nakauubos siyanito, minumungkahi ng pusa na magpatuloy siyang kumain. Inulit nang inulit ng pusa angpagkain, nang hindi niya na namalayan na mayroon na lang siyang iisang balahibong natitira.Humalakhak ang pusa sa galak dahil nahuli niya na ang ibon. Kahit gaano subukan ng ibonglumipad, hindi na niya magawang makaalis sa lupa.Ang Paglalakbay ni SunniAng Mga Paglalakbay ni Sunni ay isang tradisyonal na kasaysayan na ibinahagi ni JulianTungcalan. Nagsisimula ang kwento sa isang mag-asawang sina Ombong at Tumomowan.Nakatira sila sa Dollag sa Tomoggow. Mayroon silang isang anak na lalaki na nagngangalangSunni. Nang dumating ang araw na kaya ng mag-isip ng wasto ni Sunni, gumawa siya ng isangplano. Sinabi niya sa kaniyang ina, ―Nay, Tay, kung ayos lang po ba sa inyo, gaya ng pagigingmaayos nito para sa akin, maglilibot po ako sa buong bansa.‖ At iyon nga ang sinabi ni Sunni, atnagpatuloy siya sa kaniyang plano, dala-dala ang kaniyang backpack na gawa sa kawayan at angkaniyang mga sibat. At tuluyan niyang nilisan ang kanilang bayan.Ngunit bago niya napagtanto, siya ay nasa kalagitnaan na ng kagubatan. Ngayon, habangnaglalakad siya sa kasukalan ng gubat, napansin niya ang kaniyang napagdaanan. Napansinniyang may mga puno na mayroong mga bunga; mayroong mga nakakain at mayroon din iyongmga hindi. Sa bawat oras na siya ay nagpapahinga at kumakain ng bunga, dahan-dahan niyang
  • 46. nilalagay ang mga buto sa kaniyang backpack. Sa tuwing mapapansin niyang walang katulad napuno ang bungang kinain niya, itinatanim niya ang mga butong nakuha hanggat sa naikalat naniya ang mga iba‘t ibang uri ng puno sa kagubatan.Unti-unti nakita niyang nalibot ang bansa at kung paano ito nabuo. Nalaman niya na ang bansaay binubuo ng iba‘t ibang mga pulo, tatlong malalaking isla, at napaliligiran ng mga katawang-dagat. Sa tuwing dumidilim ang paligid, matutulog siya sa ilalim ng puno.Nang malibot na niya ang buong bansa, bumalik siya sa kanilang bahay sa Dollag. Nagigingkulay abo na si Sunni at kumukuba dahil na rin sa haba ng kaniyang inilibot sa bansa.Ipinamahagi niya sa kaniyang mga kababayan ang kaniyang mga karanasan sa paglibot sa bansa:ang itsura nito, ang korte nito, ang mga nakakaing bunga sa kagubatan, at iba pa.Ngayon, ang mga sumunod kay Sunni ay hindi na nagugutom kapag sila ay pumupunta sakagubatan, dahil alam na nila kung anong mga bunga ang maaring kainin at hindi. Sabi ni Sunni,―Ang punong ito ay mayroong bungang nakakain; ito naman ay hindi.‖ Magmula noon, alam nang mga naninirahan sa kanilang bayan na hindi sila mamatay sa gutom dahil sa kayamanangtaglay ng kagubatan.TuwaangAng Tuwaangay isang epiko ng mga Manobo na ginagawa ring libangan tuwing may libing,kasal, ritwal ng pagpapasalamat para sa saganing ani, o sa isang matagumpay na pangangaso.Ang bawat awit ng epiko ng Tuwaang ay ipinakikilala ng mang-aawit gamit ang isang tula natinatawag ng mga Manobo na tabbayanon, na mayroong dalawang bahagi: ang tabbayanon nanagdudulot ng interes at kadalasang naghahayag ng pag-ibig at pangarap ng mang-aawit; at angbantangon, na nagpapabatid ng simula ng pag-awit. Mayroong higit sa 50 na mga kanta ngTuwaang, ngunit hanggang ngayon, dalawang kanta pa lamang ang nailalathala.Ito ay ang Mangovayt Buhong na Langit (The Maiden of the Buhong Sky) at MidsakopTabpopawoy (Tuwaang Attends a Wedding). Sa unang awit, iniligtas ni Tuwaang ang isangdilag mula sa kanyang dambuhalang manliligaw, isang lalaki mula sa Pangumanon. Gamit anglaway ni Tuwaang, napabuhay niyang muli ang mga taong pinatay ng higante. Dinala niTuwaang ang dilag sa kanyang bayan at doon, ay may nakasagupa na naman siyang isang
  • 47. katunggali. Pagkatapos, si Tuwaang at ang kanyang mamamayan ay sumakay sa isang bangkapatungo sa langit.Sa ikalawang awit, si Tuwaang ay dumalo sa isang kasalan, para lamang maging kabiyak ngbabaeng ikakasal, matapos na mabigong magbigay ang lalaki mula sa Sakadna ng kabayaranpara sa kasal. Natalo ni Tuwaang ang lalaki at pagkatapos ay dinala niya ang babae sa Kuamankung saan siya ay naghari magpakailanman.PANITIKAN NG SAMALAng Sama/Samal ay isa sa apat na grupong etniko na nasa archipelago ng Sulu. Angsalitang ‗Sama‘ ay maari raw nagmula sa salitang sama-sama (togetherness). Ang wikang gamitnila ay Siama/ Sinama na tinatawag ring Bahasa Sama, Bisla Sinama at Pamong Sinama.Ang tradisyunal na literature ng mga Samal ay binubuo ng kanilang mga naratibongprosa (narrative prose), katutubong kwento (folk tale) na karaniwang tinatawag bilang kata-kata, isang termino na karaniwang tumutukoy sa mga trickster tales na madalas isang pusungang sentrong karakter. Ang iba pang naratibo na mayroon ang panitikan ng Samal ay ang mgamito, kwento na hayop ang mga bida, numskull tales, kwentong may mahika, at mga novelistictales. Mayroong kata-kata ang mga Samal dahil ito ang nagpapaliwanag sa mga pinagmulan ngpagkain, bituin, pagkabuo ng lupa at iba pa. May mga kwento rin sila patungkol sa mga dragon,anghel, halimaw, prinsipe at prinsesa.Isang araw, noong unang panahon, may mga matatandang lalaki na nagsasagwan ngbangka gamit ang isang matabang sanga, nang masira ang sanga, may tumulong katas atnatuklasan nila na ito‘y matamis. Sa ganitong paraan nadiskubre ang tubo.Isang maybahay ang gumagamit ng gatong para sa kanyang niluluto. Nang magsimulangmagbaga ang gatong, tumalsik ang iba nito sa kamay ng maybahay. Nilapit niya ang kanyangkamay sa kanyang bibig at aksidenteng nalasahan ang gatong, at ito pala ay gabi, na maaaringkainin.Mayroon isang naga (dragon) na sobrang laki na halos kaya na nitong lumunok ngsampung kalabaw, nakalalason ang dila at kung ihampas nito ang kanyang buntot ay parangmagkakaroon ng bagyo. Kinain nito ang mga tao hanggang sa isang mag-asawa kasama ng
  • 48. kanilang isang anak ang natitira. Umakyat sila sa kabundukan upang hilingin sa diyos na bigyanghangganan na ang kalupitan ng dragon. Di pa sila natatapos sa kanilang pagdarasal ay lumutangna ang dragon ng napakataas at ito ang naging bituin sa kalangitan. Sa katapusan ng mundo, angdragon na ito ay magbabalik upang parusahan ang mga masasama. (Ziegler 1973:117).Sa mga kwentong pusung palaging naiisahan ni pusung ang mga nakatataas sa kanya.Minsan binigyan Pusung ang sultan ng cake. Nasarapan ang sultan sa cake ngunit kalaunan aynalaman niyang gawa pala ang cake sa buhok ng asong alaga ni pusung. Nagalit ang sultan atdahil dito at ipinautos na arestuhin si Pusung. Nang malaman ito ni Pusung, sinabihan niya angmga guwardiya na ang taong hinahanap nila ay may kulay itim na puwit samantalang siya aymay dilaw na puwit. Ang mga guwardiya ay nabigong mahuli si Pusung.Isa pang paboritong trickster ay si Abunnawas, isang matapat na subject sa Jolo. Katuladni Pusung, palagi niya ring naiisahan ang Sultan. Isa sa maituturing na tagumpay ni Abunnawasay ang pagpapakasal nito sa isa sa mga babae ng sultan, na pinaghirapang ligawan ng sultan.Isang halimbawa ng novelistic tale meron ang mga Samal ay tungkol sa isang babae nanaghiram ng pera sa kanyang asawa at nagdesisyong umalis patungong ibang lugar upanghanapin ang swerte. Nanghiram siya sa pitong opisyal ng sultanato, ang: pang-lima, maharajah,urungkaya, datu, bilal, hatib, at imam. Sa bawat isa ay nangako siyang ibabalik ang hiniram, atkung hindi man niya ito magawa, ang kanyang sarili ang kanyang ipambabayad. Dumating angtakdang panahon ng pagbabayad ngunit hindi niya kayang magbayad, kaya nangako siyangmakipagkasal sa bawat isa. Matapos nito ay nagkaroon siya ng pitong aparador na ginto anglabas. Isang gabi, dumating ang pitong lalaki sa pagitan ng tig-iisang oras. Tuwing may kakatokay nagtatago ang mga lalaki sa may aparador sa pag-aalalang baka ang asawa ng babae angdumating. Matapos ang tatlong araw ay nabalita na may nawawalang pitong opisyal. Lumapitngayon ang babae sa sultan at ibinigay ang mga nawawalang opisyal. Pareho niyang nakuha anggantimpala para sa mga nawawalang opisyal at pati na rin ang reward money dahil sa pagsasabiniyang pinilit siyang ipakasal, kahit na alam na ng mga opisyal na mayroon na siyang asawa.Ang tradisyong pangmusika ng mga Samal ay kaugnay rin ng mga iba pang grupo namatataguan sa Sulu. Ang pinakamatnadang uri ng musika ay ang luguh na siyang kinakanta ssamga banal at sosyal na pagtitipon. Mayroon itong mabagal at melancholy tune.
  • 49. PANITIKAN NG TIRURAYAng salitang Tiruray ay mula sa salitang ‗tiru‘ na nangangahulugang ‗place of origin,birth o residence’ at ang ‗ray‘ naman ay nangangahulugang ‗upper part of a stream or river’ .tinatawag ng mga Tiruray ang kanilang mga sarili na etew teduray (Tiruray People).Ang panitikan ng Tiruray ay binubuo ng mga mito, alamat at mga kwentong ang bida ayang mga hayop.Ang mito ng paglikha ay nakasentro sa isang diyosang nangngangalang Minaden, kungsaan hinubog niya ang mga tao mula sa putik. Matapos gawin nito, nilagay niya ang araw sagitna ng himpapawid at lupa, kaya nagkaroon ng umaga. Ang himpapawid ay hinihinalang maywalong layers, ang pinakamataas ay pinamumunuan ni Tulus, na kapatid ni Minaden. Kilala rinsa iba pang pangalan si Tulus tulad ng Meketefu at Sualla. Gumawa si Minaden ng dalawang taoat pinalaki ito, ngunit sa loob ng matagal na panahon ay di ito nagkaanak. Bumaba mula sahimpapawid si Meketefu at nakita na may problema sa pagkakalikha sa dalawa kayanapagdesisyunan niya na lumikha ng bagong tao mula sa luwad o putik. Di nagtagal ay taongnalikha niya ay nagsilang ng isang anak, ngunit wala naming pagkain para mabuhay kayanamatay rin ito kalaunan. Wala pang lupa noon kaya humiling ang ama kay Meketefu na bigyansila ng lupa, na siya rin namang binigay. Lumipas ang panahon at ang lupa ay tinubuan ng iba‘t-ibang klase ng halaman at gulay. (Patanne 1977:256 and Wood 1957:15-16).Ang mga Tiruray ay may mga bayani sa kanilang kulturang mitolohiya katulad nilaLagey Lengkuwos, na tinuturing na pinakamalakas sa kanilang lahat. Sinasabing nakapagsasalitana siya kahit na nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina. Siya raw ang nagbigay ng bagongbuhay sa mundo na dating ginawa ni Minaden, dahil ang ginawa dati ni Minaden ay puro lupa atbato lamang. Ayon sa talaan ni Sigayan, ang mga babaeng epic chanters ay nagkukwento ngtungkol kay Lagey Lengkuwos, Metiyatil Kenogon, Bidek at Bonggo na sinasabing mganaunang taong namuhay sa mundo. Hindi sila mga diyos ngunit sila ay nererespeto at sinusunodng mga sinaunang Tiruray. Nakatira na sila ngayon sa mundo ng mga espiritu.
  • 50. Ang alamat ng ―Kung paano nalikha ang mais at bigas‖ ay nagpapaliwananag na ang mgasinaunang Tiruray na kinakatawan ni Kenogolagey at ng kanyang asawang si Kenogen aykumakain lamang ng kamote at cassava. Isang araw, isang matandang lalaki ang bumisita sakanila at nagbigay kaalaman hinggil sa mas mainam na pagkain, ang bigas at mais na makukuhalamang sa nakakatakot na kastilyo ng isang higante sa gitna ng dagat. Dahil sa paying ito ngmatanda, nagpadala si Kenogolagey ng dalawang kaibigan, isang pusa at aso para kunin angnasabing pagkain. Dalawang araw silang lumangoy sa dagat at nakita ang pagkain sa maypaanan ng higante. Habang natutulog ang higante, ang pusa ay kumukuha ng mga butil ng bigasat ang aso naman ay kumuha ng mais, matapos nito ay lumangoy sila pabalik sa pampang ngunitnahulog ng aso ang mais at napunta ito sa kailaliman ng dagat. Hindi agad natulungan ng pusaang aso sapagkat may dala-dala rin siyang bigas. Nang makarating ang pusa sa pampang aynilapag niya muna ang nakuhang bigas at saka lumangoy muli para kunin ang nahulog na mais.Sinamantala ito ng aso at kinuha ang bigas. Bumalik ang aso sa kanilang lugar at ipinagmalakingsiya ang nakakuha. Nang makaligtas ang pusa ay bumalik ito sa kanilang lugar at sinabi angbuong katotohanan. Nagalit ang aso at sinugod ang pusa, ngunit nakatakbo ang pusa. Kahit nanagkaroon na ng bigas at mais sa kanilang lugar, doon naman nagsimula ang awayan ng aso‘tpusa.Katulad ng Pilandok (mouse deer), ang pagong sa mga kwento ng Tiruray aymapanlinlang at makulit. Sa kwentong ―Ang Pagong at ang mga unggoy‖, ang pagong aynakipagkita sa isang manok na ipinagmamalaki na hindi niya na kailangan pang magpagodupang makahanap ng pagkain dahil nakahanap siya ng maraming palay. Nainggit ang pagong samanok at sinabihan itong namumula ang mata niya, isang palatandaan ng matinding sakit namaaari niyang ikamatay. Naniwala ang manok sa sapantaha ng pagong at ito‘y ikinatakot niya.Kumuha siya ng dagta ng tegef at inilagay niya ito sa kanyang mga mata. Tumigas ang dagta, atnataranta ang manok kaya siya‘y nahulog kung saan ang ulo niya‘y pumasok sa isang butas natinitirahan naman ng isang talangka. Kinain ng talangka ang dagta sa mata ng manok na nagingdahilan upang ito‘y maging malaya muli at nagdesisyon itong maghiganti sa pagong. Samantala,ang pagong ay naglalaro sa may halamanan ng rattan at inaya rin ang unggoy na maglaro. Dinakayanan ng halaman ang bigat ng unggoy at ito‘y nahulog sa bangin at namatay. Kinuha agadng pagong ang utak, tenga at puso ng unggoy. Isa pang unggoy, si Dakel-ubal ay abala sapagtatanim ng palay at tinanong ang pagong para sa isang nganga. Nakilala ni Dakel-ubal ang
  • 51. labi ng unggoy at tinawag ang iba pa nitong kasamahan at sinentensiyahan ang pagong namamatay sa paglunod dito. Sa tubig, pinagtawanan lamang ng pagong ang unggoy. Nagalit angmga unggoy at nakiusap sa isang nilalang na nagngangalang Ino-Trigo na sipsipin ang lahat ngtubig papunta sa tiyan nito. Ginawa naman ito ni Ino-Trigo at nakita nila ang pagong nanagtatago sa likod ng mga sanga. Nang makita ng manok ang pagong, tinuka niya ito sa matangunit nabigo siya at ang natuka niya ay ang tiyan ni Ino-Trigo, nabutas ang tiyan nito atlumabas ang lahat ng tubig na siyang nagdulot ng pagkalunod ng manok at ng mga unggoy.Maraming uri ng kanta ang mga Tiruray na nababagay sa iba‘t-ibang okasyon. Ang balikata ayisang awit na may improvised text na kinakanta sa tradisyunal na melodiya na ginagamit rin samga debate at pakikipag-usap. Ang balikata bae ay kilalang oyayi samantalang ang lendugannaman ay isang awit ng pag-ibig, isang patulang paglalarawan sa kagandahan ng ligawan, nainihahambing rin sa mga bulaklak. Minsan, inilalarawan rin nito ang uri ng pamumuhay meronang mga Tiruray. Ang binuaya ay isang kantang naratibo na nagkukwento tungkol sa mgamahahalagang pangyayari sa nakaraan. Ang siasid ay isang dasal na inaawit na inaalala ang mgabiyayang binigay ni Lagey Lengkuwos at ng espiritu ng kalikasan na sina Serong at Remoger.Ang foto moto ay isang kanta na wari‘y nanunukso na siyang itinatanghal tuwing may kasal.Ang meka meka ay awit ng katapatan na kinakanta ng babae sa kanyang asawa.PANITIKAN NG MGA YAKANAng mga Yakan ay ang pinakalamaking grupo ng Muslim sa Basilan. Tinatawag sila ngmga Espanyol na Samecas at itinuturing silang maiilap at palaban na taga-bundok (Wulff1978:149; Haylaya 1980:13).Ang mga Yakan ay nagtataglay ng katangian ng mga Malay at nagsasalita ng wikangBahasa Yakan, isang baryasyon ng Samal Sinama o Siama at ng wika ng Tausug (Jundam1983:7-8). Sinusulat ito sa Malayan Arabic Script na may adaptasyon sa tunog na hindi maririnigsa Arabic (Sherfan 1976).Ang pinaka-prominenteng halimbawa ng literature ng Yakan ay mga alamat. Dalawangmagkaugnay na alamat ay ang kwento ng paglikha ng mundo at tao. Una ay kadiliman lamang
  • 52. ang mayroon at nilikha ng Diyos ang liwanag, sunod ay ang tubig at mga puno na nagbunga ng7.7 milyon na prutas. Sunod na nilikha ng Diyos ay ang mga ibon na mangamatay mataposkainin ang huling prutas. Pagkatapos ng pagkamatay ng ibon, nilikha ng Diyos ang 70 Adan namay 70 taon na buhay. Ang huling Adan ang ating ninuno.Nilikha rin ng Diyos ang mga bundok. Si Adan umakyat sa pinakamataas na bundok atnapagtantong wala pa siyang asawa at humiling sa Diyos na bigyan siya. Nagpakita ang isangespiritu at sinabihan siyang bumalik sa biyernes. Nang dumating ang araw na iyon, gumuhit nganyo ng isang babae at sinabi kay Adan na ito ang kanyang magiging asawa. Matapos ayinatasan si Anghel Gabriel na patulugin si Adan at kumuha ng laman sa kanyang tadyang na sakalaunan ay naging si Sitti Hawa ( Eve). Inutuan ng Diyos si Adan na bigyan ng regalo angkanyang asawa. Ang regalo na ibinigay ni Adan ay isang pormula: La Ilaha Illahah nanangangahulugang ―Walang ibang Diyos kundi si Allah‖. Nagkaroon sila ng apat na anak,dalawang lalaki at dalawang babae. Ang dalawang lalaki ay sina Kain at Habil. Mula sa kanilaumusbong ang dami ng tao.Ang isa pang kwento ay tungkol naman sa pinagmulan ng mga Yakan. Nagkaroon ngisang delubyo at sa kanluran naman, isang yakal ang nahati na siyang naglalaman ng unang taosa Basilan. Sa silangan ay may kabundukan na tinatawag na Tong Magtangal. Mula sa punso aylumabas ang unang babae sa Basilan. Nagkita ang dalawa, nag-ibigan, at nagkaroon sila ng apatna anak. Ang panganay na babae ay si Kumalang, na ipinangalan mula sa isang ilog na tinatawagna Bohe Kumalang na nasa kanluran. Sa hilaga nanirahan ang kanilang anak na lalaki na siGubawan, na hango rin sa pangalan ng ilog. Sa timog-silangang parte ng isla nanirahan ang isapa nilang anak na lalaki na si Tumahubong, na mula sa ngalan ng ilog. Ang huling anak na lalakina si Basilan ay ipinangalan mula sa ilog na Bohe Basilan sa may silangan.Isang araw, isang negosyanteng nagngangalang Julol mula sa Borneo ang dumating atumibig kay Kumalang. Ang mga magulang ni Kumalang ay pumayag na ipakasal sila sakondisyon na makakapagdala si Julol ng mga binhi ng mangga, niyog at marang na nagawanaman niya, kaya ang Basilan ay sagana sa mga prutas na ito (Sherfan 1976).Ang pinakapopular na katutubong kwento ay tungkol sa mga hayop. Isang halimbawa ayang kwento sa suliranin sa pagitan ng mga unggoy at paru-paro. Isang araw ang mga paru-paro,
  • 53. bibe at ibon ay nagsagwan gamit ang isang malaking dahon at tubo naman bilang batangan.Isang unggoy ang kumain sa tubo kaya naman ang mga nasa dahon ay tumaob. Nagalit ang mgaibon at tinanggihang tulungan makapunta ng pampang ang mga unggoy, ngunit nakumbinsi ngmga unggoy ang isang paru-paro. Nang makaahon sa pampang ang unggoy ay tinapakanniya ang paru-paro hanggang sa mamatay ito. Nagalit ang iba pang mga paru-paro at kalaunan aynagkaroon ng digmaan. Nangamba ang mga paru-paro dahil sa sila‘y maliliit lamang ngunitnakaisip ang pinuno ng mga paru-paro. Dumapo sila sa ilong ng mga unggoy at lumipad kaagadkaya naman ang mga unggoy ay nagkatamaan. Namatay ang mga unggoy maliban na lamang saisang buntis kaya naman di nagtagal ay dumami muli ang mga unggoy (Eugenio 1989:42-43).