2. Ang Batas Rizal Hunyo 12, 1956 – pinagtibay ang Batas ng Republika Blg. 1425 at tinawag itong Batas Rizal. Ayon sa batas, dapat maging bahagi ng kurikulum ng lahat ng pamantasan maging pampubliko at pambribadong paaralan ang kursong nauukol sa buhay, mga ginawa at mga naisulat ni Jose Rizal, lalo na ang kanyang dalawang nobela, ang Noli at El Fili