8. … Hiningi ng kalinisan ng buhay ang pagtitimpi para sa mga nag-iisa sa buhay at mga may-asawa. Para sa dalawang estado, hindi maiiwasang sangkap ng paghubog ng mga mabuting katangian at ng diwa ng pagkakait-sa-sarili ang “maging mas makapangyarihan sa sarili” (Tingnan CCC 2339) . …
9.
10. Ang pang-anim na utos ng Diyos. Waring payak at tahasan ang pang-anim na Utos,"Huwag kayong mangangalunya" ( Exo 20: 14; Deut 5: 17 ). Pinagbabawalan nito ang mga taong may-asawa na makipagtalik sa iba maliban sa kanilang asawa. Nguni't para sa mga sinaunang Israelita, ang kahalagahan ng Utos na ito ay higit na panlipunan kaysa sekswal. Nilalayon nitong pangalagaan ang pamilya, ang pangunahing sangkap ng lipunan. Tuwirang tinitingnan ang pamilya at pag-aasawa sa pananaw ng dalawang kasaysayan ng paglikha sa aklat ng Genesis. Nilikha ng Diyos ang tao na lalaki at babae upang hindi mag-isa ang lalaki ( Tingnan Gen 2: 18 ) at upang magparami at punuin ang daigdig ( Tingnan Gen 1: 27-28
11.
12. Lalo na para sa mga Pilipino, ang mahabang proseso ng edukasyon sa kalinisan ng buhay ay nararapat na nakasentro sa pamilya. Ito ay dahil ang kalinisan ng buhay ay para sa pag-ibig. Likas na nagbubukas ito sa pagkakaibigan (Tingnan CCC 2347). Sa kultura natin sa kasalukuyan, ang pamilya ang una at pangkaraniwang kapaligiran na kung saan nararanasan ng Pilipino ang mahalin at magmahal. Pinalawak ito ni Juan Pablo II:
13. “ Ang edukasyon sa pag-ibig bilang pagbibigay ng sarili ay siya ring napakahalagang dahilan para sa mga magulang na hinirang upang bigyan ang kanilang mga anak ng malinaw at maselang edukasyon sa seks . Nahaharap sa isang kulturang nagpapababa sa pagpapahalaga sa sekswalidad… sa isang paraang dahop-na-dahop sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa katawan at makasariling aliw: ang pang-edukasyong paglilingkod ay kailangang maging pagsasanay na tunay at ganap dahil ang sekswalidad ay nagpapayaman ng buong pagkatao ― katawan, mga emosyon at kaluluwa ― at nagpapamalas ito ng pinakamalalim nitong kahulugan sa pag-akay sa tao tungo sa pagbibigay ng sarili sa pag-ibig (FC, 37) . Edukasyon para sa Kalinisan ng buhay Juan Pablo II: