2. •Basahin ang batayang liham sa Pluma IV p. 95
•Matapos ay sagutin ang mga tanong sa p. 96
3. •Ang liham pangangalakal ay liham na ginagamit sa mga tanggapan at sa mundo ng kalakalan. Ito ay mahalagang isntrumento ng komunikasyon sa pagitan ng mga mangangalakal at ng kanilang mga kostumer o iba pang taong nais makipagsapalaran sa kanila.
4. Bahagi ng Liham Pangangalakal
•Pamuhatan – nagsasaad ito ng tinitirhan ng sumulat at petsa nang sulatin ang liham.
•Patunguhan – ito ang tumatanggap ng liham.
•Bating panimula – ito ay ang magalang na pagbati na maaaring pinangungyunahan ng Ginoo, Ginang, Binibini, Mahal na Ginoo, Mahal na Ginang, o Mahal na Binibini. Mahalaga na angkop sa taong padadalhan ang liham ang bating panimula na ginagamit.
5. Bahagi ng Liham Pangangalakal
•Katawan ng Liham – ito ay naglalaman ng pinakamahalagang mensahe na nais ipabatid ng sumulat sa sinulatan. Kumbaga sa pagkain, ito ang sustansya na mahalagang makuha natin.
•Bating Pangwakas – kung mayroon bating panimula, mayroon ding bating pangwakas. Ito ay ang bahagi ng pamamaalam ng sumulat. Ito ay nagtatapos sa kuwit (,).
•Lagda – ito ang buong pangalan at lagda ng sumulat.
6.
7. Mga dapat tandaaan sa pagsulat ng liham:
•Gamitin/Isulat ang pangalan ng buwan
•Halimbawa:
•Wasto Disyembre 5, 2009
•Mali – 12/05/09
•Gamitin/Isulat ang petsa sa halip ng ngalan ng araw.
•Wasto – Oktubre 5, 2007
•Mali - Lunes
•Maging maingat sa kawastuhan ng anumang isinusulat na liham.
•Kinakailangang maging tiyak ang nilalaman ng liham.
8. Mga dapat tandaaan sa pagsulat ng liham:
•Kailangang taglay ng liham ang sumusunod na katangian:
•Malinaw (clear) – ang pagiging malinaw ng isang liham ay nakikita sa kung paano pinagsusunud-sunod ang mga ideya. Ang isang liham ay hindi dapat na maging mahaba o maligoy. Higit na epektibo ang maikling pangungusap. Laging tandaan na ang kasimplehan ay daan sa madaling pagkaunawa.
•Wasto (correct) – laging isaisip na anumang liham ay dapat magtaglay ng angkop at tiyak na impormasyon. Mahalaga na wasto ang bawat pahayag o sinasabi ng liham. Kasama rin sa kawastuhan ang tamang paggamit ng mga bantas.
•Buo ang kaisipan (complete ideas) – buo at sapat ang mga impormasyon ng isang liham ay nakatutulong upang maging buo ang kaisipan at ideya na nais ipabatid nito.
9. Mga dapat tandaaan sa pagsulat ng liham:
•Magalang (courteous) – maging magalang sa anumang uri ng liham na isinusulat. Ang mga salitang nagpapahayag ng paggalang lalo na kung wala kang sapat na kaalaman o hhindi mo gaanong nakikilala ang taong iyong sinusulatan ay mahalaga.
•Maikli (concise) – ang bawat salitang ginagamit sa liham ay nakatutulong sa pagbabatid ng nais sabihin. Iwasan ang paglalakip ng mga detalyeng walang kabuluhan at hindi nakatutulong sa nais mong sabihin.
•Kombersasyonal (conversational) – mahusay ang pagkakasulat ng isang liham kung ang bumabasa nito ay parang personal na kausap ng sumusulat. Upang higit na maging epektibo ang pagkakaunawaan, sinasabi sa paraang natural ang mga nais sabihin.
10. Uri ng mga Liham
•Liham-Pagtatanong – ay liham na nagtatanong ng mga presyo , akomodasyon, basiko, at panlahat na impormasyon na ipinagkakaloob ng isang institusyon, organisasyon, o opisina. Humihingi ang liham na ito ng madaliang katugunan.
Ang liham na ito ay dapat magtaglay ng ss:
-Malinaw at di maligoy na pagtatanong o mpagsisiyasat
-Paliwanag sa layunin ng pagtatanong o pagsisiyasat
-Paglakip ng sobreng may pangalan at tirahan ng lumihiham
11. Uri ng liham
•Liham na nag-aanyaya sa panauhing pandangal/tagapagsalita
Ang liham na ito at dapat magtaglay ng ss:
-Okasyon at layunin ng pagtitipon
-Paksa o tema ng pagtitipon
-Petsa, lugar, oras at namamahala sa okasyon (maaaring maglakip ng direksyon ng lugar kung ang susulatan ay hindi pamilyar sa lugar)
-Dahilan ng pag-anyaya
-Paghiling na mabatid angt desisyon ng inaanyayahan sa lalong madaling panahon.
12. Uri ng liham
•Liham na humihingi ng pahintulot
ang liham naito ay dapat magtalay ng ss:
-Ang suliranin o layunin ng humihiling
-Magiging epekto ng pagtugon sa kahilingan
-Pagpukaw sa damdamin ng hinihilingan upang mapapayag sa kahilingan
-Pasasalamat
13. Uri ng mga Liham
•Liham ng pag-aaplay ng Trabaho – kapag sumusulat ng liham ng pag-aaplay, mahalagang tandaang may makasasabay ring liham ng iba pang mga aplikante ang iyong liham. Mababasa ang mga ito ng isang taong sanay bumasa at sumala ng liham. Mahalaga na makuha agad ng liham mo ang kanyang atensyon upang mabigyan ka ng pagkakataong matawag para sa isang panayam o interview.
•tinatawag din itong cover letter. Ito ay isang liham na tila “nagbebebnta ng sarili.” Naglalahad ito kung ano ang inyong maibabahagi sa isang kompanya, kung ang naghahanap ng trabaho ay nararapat, o kung ikaw ang sasagot sa hinahanap na empleyado ng kompanya.
14. Liham ng pag-aaplay na dapat taglayin
•Ang titulo ng trabaho o posisyong inaaplayan at kung paaano nalaman ang tungkol sa posisyon
•Buod ng kwalipikasyon ng taong nag-aaplay:
-Gulang
-Natapos na kurso o antas ng pinag-aralan
-Paaralan kung saan nagtapos
-Mga karanasang kaugnay ng inaaplayan
-Mga nagawang nakalinang sa inyong kakayahan
-Natatanging galing o kaalaman
15. Uri ng Liham
•Liham-Kahilingan o Pag-order – isang liahm na nagsasabi kung ano ang ino-order o hinihiling sa isang institusyon, organisasyon, o opisina. Mahalaga na ang liham na ito ay nagbibigay ng eksaktong deskripsyon ng bagay, laki o dami, kulay presyo, at iba pa. Importanteng isinasaad sa liham ang paraan ng pagkuha at paghahatid ng aytem o bagay at kung paano gagawin ang sistema ng pagbabayad.
•Dapat taglayon ng liham:
•Suliranin o layunin ng hinihiling
•Magiging epekto ng tugon sa kahilingan
•Pagpukaw sa damdamin ng hinihilingan upang mapapayag ito sa kahilingan
•Pasasalamat.
16. Uri ng mga Liham
•Liham-Karaingan - ito ay isang liham na naglalahad ng karaingan o reklamo ng isang tao na direktang naapektuhan ng isang pangyayari. May mga taong nagrereklamo sa produktong nabili, tulad ng pagkain, damit, sapatos, at iba pa; maging s amga programa, komersyal sa telebisyon, at sa mga balita sa dyaryo (Liham sa Patnugot) Mahalagang magkaroon ng matibay na dahilan at ebidensya sa pagrereklamo.
•Liham-Pasasalamat – isang liham na naglalahad ng pasasalamat sa isang tao o sa isang institusyon, organisasyon, o opisina.
17. Pagsasanay 1
•Panuto: Isulat kung saang uri ng liham mababasa ang mga sumusunod na pahayag. Gawin sa kalahating bahagi ng papel.
1. Ako po ay labing-anim na taong gulang at kasalukuyang nag- aaral sa Mataas na paaralang Magsaysay.
2. Dito po sa aming pook ay napakaraming mga kabataang tumigil sa kanilang pag-aaral. Kadalasa’y maghapon silang nakaistambay sa kalye kaya hindi maiwasang sila ang karaniwang pinagmumulan ng gulo.
3. Nais ko pong ipaabot sa inyong tanggapan ang pasasalamat dahil sa pagtalakay ninyo sa karagdagang buwis na nais ipataw ng pamahalaan sa mga alak at sigarilyo. Panahon na upang mamulat ang ating mga mamamayan sa iba’t ibang sakit na dulot ng mga bisyong ito. Kung mataas nga naman ang presyo’y siguradong magdadalawang-isip na silang bumili.
18. •4. Kayo po ang napili naming anyayahan dahil batid po namin ang inyong kakayahan at lawak ng karanasan sa paksang tungkol sa mga batas sa paggawa.
•5. Nais po sana naming magamit ang silid-aralan upang pagdausan ng halalan para sa kinatawan ng samahang Gabay ng Wika.
22. Tanza, Cavite
Mayo 15, 2006
Librarian
Ateneo De Manila University
Loyola Hieghts, Quezon City
Sa kinauuulan:
Magandang araw.
Ako po ay mag-aaral ng Elizabeth Seton School na
gumagawa ng isang pag-aaral at pananaliksik tungkol
sa wika. Humihingi po ako ng pahintulot na makagamit
ng inyong silid-aklatan upang makapagsaliksik ng
ilang pag-aaral kaugnay sa aking paksang pinag-
aaralan.
Lubos po akong umaasa na pauunlakan ninyo ang
aking kahilingan. .
Gumagalang,
Marlon Secis
23.
24.
25. Paglalagom
•Bakit mahalagang matutuhan ang hakbang sa pagsuslat ng liham pangangalakal?
•Bakit kailangang humihingi ng permiso sa kinauukulan bago isagawa ang pangangalap ng datos para sa sulating pananaliksik?