2. Kasaysayan
Noong pang panahon ng Babylon hanggang sa kasalukuyang
panahon, panahon ng makabagong teknolohiya gamit ang computer t iba
pa, ay batayang masasabing suliranin sa pagsasalin.
Suliranin ng isang tagapagsalin kung ano ang mas higit na pipiliin sa
pagitan ng anyo at kahulugan ng salita. Kapag ang pinili ang istilo ng
orihinal may posibilidad na masira ang kahulugan, samantala ang pagpili ng
literal na content ay karaniwang nawawala ang istilo nito.
Tunay na ipinakikita at ipinakikilala na magkaiba ang wika sa isa’t isa.
Nag-iiba pa ang midyum ng komunikasyon batay sa proseso ng pag-inog
nng pagbabago na nagiging suliranin ng tagapagsalin. Kinakailangan
magbigay puwang ang wika sa pagtanggap ng mga bagong karunungan at
bagong organisasyon ng karunungan. Kinakailanga ng wika na
makapagbigay ng panlipunang realidad upang mauri nito ang iba’t ibang
karanasan batay sa iba’t ibang uri ng tao sa lipunan. Binabagayan dapat ng
wika ang pagbabagong kinakaharap sa lipunang at ng tao. Sabi ni Julio
Casares (1956) na ang “ Pagsasalin wari’y isang warehouse – na kung ang
pagmamanman ng mga opisyales ay hindi mahigpit, baka walang
pakundangang pumasok ang maraming smuggled at banyagang idyoma
kaysa sa panglinggwistikang pananaw.”
3. Sa isang tagapagsalin, suliranin nito kung ang pagsasalin ay isang
sining o agham? Ito ba ay isang kasanayang matatamo lamang sa
pamamagitan ng pagsasanay o kaya’y tumutukoy sa ilang
pamamaraang dapat ilarawan at pag-aralan? Sa katunayan, ang
pagsasanay sa pagsasalin ay magkaiba sa teorya – bagaman ang
mga elementong makasining ay kinakailangan sa isang mahusay na
pagsasalin, subalit ang mga linggwist at philologist ay malaki ang
paniniwala at kamalayan na ang proseso ng pagsasalin ay higit na
angkop isakatuparan sa isang masining na paglalarawan. Kapag
pinag-uusapan ang “agham ng pagsasalin” ang pokus ay nasa
paglalarawang aspeto nito. At kung ang linggwistika ay inuring isang
inilalarawang agham – gayundin ang paglilipat ng mga mensahe
mula sa iba’t ibang wika, ang proseso ay isinasagawa sa isang
maagham na paglalarawan. Doon sa mga nanggigiit na ang
pagsasalin ay isang sining – yaong lamang at wala ng iba,
karaniwang nabibigo sa pagtuklas ng mga karagdagang alituntunin
sa pamamaraan sa makabuluhang gamit nito.
4. Kasaysayan ng Pagsasalin
( Unang Yugto )
Ang pagsasaling-wika sa Pilipinas ay
masasabing nagsimulang magkaanyo
noong panahon ng pananakop ng mga Kastila,
kaugnay na pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Kinailangan ng mga panahong iyon na isalin sa
Tagalog at iba pang katutubong wika sa kapuluan
ang mga katesismo, mga akdang panrelihiyon,
mga dasal at iba pa, sa ikadadali ng
pagpapalaganap ng Iglesia Catolica Romana.
5. Kasaysayan ng Pagsasalin
( Ikalawang Yugto )
Nang pumalit ang America sa Espana bilang
mananakop ng Pilipinas, nagbago na rin
ang
papel na ginagampanan ng pagsasaling
wika. Ang naging pangunahing
kasangkapan na pananakop noong
panahon ng Kastila ay krus o relihiyon;
noong panahon naman ng Americano ay
aklat o
edukasyon sa pamamagitan ng wikang
6. Kasaysayan ng Pagsasalin
( Ikatlong Yugto )
Ang maituturing na ikatlong yugto ng
kasiglahan sa pagsasaling-wika ay ang mga
pagsasalin sa Filipino ng mga materyales,
pampaaralan na nasusulat sa Ingles, tulad
ng mga aklat, patnubay, sanggunian,
gramatika at iba pa, kaugnay sa
pagpapatupad sa patakarang bilinggwal sa
ating sistema ng edukasyon.
7. Larangan ng Pagsasalin
Ang larangan ng pagsasalin ay maaaring mahati sa tatlong uri ayon
kay Jakobson. Ang unang uri ay tinatawag na:
intalingual – ito’y pagbabago lamang ng mga salita sa loob ng
magkaparehong wika. Ang ganitong proseso ay maaaring mag-interpret ng
mga verbal sign sa pamamagitan ng paggamit ng ibang sign sa loob ng
magkaparehong wika.
Interlingual translation - tinatawag rin itong ‘translation proper’. Ito ay may
layuning mag-interpret ng mga verbal sign sa pamamagitan nng mga verbal
sign ng ibang wika. Subalit ang pokus nito ay hindi lamang paghahanap ng
katugmang simbolo (i.e. salita-sa-salita) kundi maghanap ng katugmang
simbolo sa tumpak na pagkakahanay.
Intersemiotic o transmutation – ito’y pagsasalin ng isang mensahe mula sa
isang masistematikong simbolo patungo sa iba.Halimbawa ang isang berbal
na mensahe ay maaaring mai-transmute sa pammagitan ng pagwagayway
ng kanilang bandila sa tumpak na pamamaraan gaya sa pagbibigay ng
mensahe ng Navy.
Ang pagsasalin ay binubuo ng maraming paghihigpit dala ng kultura,
linggwistika. Pangliteraturang istilo at mass media. Ang pagsasalin ng mga
dokumentong legal – halimbawa, mga batas ay nakasulat sa wikang Ingles
na isasalin sa wikang Filipino ay kapapalooban ng pagkakaiba-iba ng bawat
wika dahil magkaiba ang saloobin sa pamamalakad ng batas.
8. Kahulugan ng Pagsasaling-Wika
1. Translation is a process by which a spoken or
written utterance takes place in one language,
which is intended and presumed to convey the
same meaning as a previously existing
utterance in another language. ( C. Rabin,
1958 )
2. Translation is an exercise which consists in the
attempt to replace a written message in one
language by the same message in another
language. ( P. Newmark, 1977 )
9. Kasaysayan ng Pagsasalin
( Ikaapat na Yugto )
Ang maituturing namang ikaapat na yugto
na kasiglahan sa pagsasaling-wika ay ang
pagsasalin ng mga katutubong panitikang
di-Tagalog. Kailangang-kailangang isagawa
ang ganito kung talagang hangad nating
makabuo ng panitikang talagang matatawag
na ‘pambansa’.
10. Kahulugan ng Pagsasaling-Wika
Ang pagsasaling-wika ay ang paglipat sa
pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na
katumbas na diwa at estilong nasa wikang
isinasalin.
11. Katuturan ng Pagsasalin
Ang pagsasaing-wika ay paglalahad ng ibang wika ng
katumbas na kahulugan sa isang wika.
Ang pagsasaling-wika ay isang paraan ng pagpapalit ng
diwang inihayag sa isang wika ng katapat na diwa sa
ibang wika.
Ang pagsasaling-wika ay palitan ng kahulugan sa ibang
wika at paglalahad nito sa ibang pananalita. (Webster’s
New World Dictionary of the American Language)
Ang pagsasaling-wika ay pagbibigay ng diwa o
kahulugan sa ibang wika (New Standard Dictionary)
Ang pagsasaling-wika ay isang sining ng pagpapahayag
ng isang orihinal na akda nang hindi nababago ang diwa
at kaisipang ipinahahayag nito tungo sa ibang wika.
(Santiago, 1976)
12. Apat na Kategorya ng Pagsasalin
Naglahad si Savory ng apat na kategorya ng salin:
1. Saling nagbibigay ng kabatiran gaya ng anunsyo, patalastas at
paunawa.
Halimbawa:
Second-hand books are sold here.
Salin: Nagbibili rito ng mga librong gamit na.
2. Saling sapat o yaong saling halos hindi mapagpasyahan para sa
karaniwang mambabasa, na ang ibig lamang ng mga mambabasa
ay ang nilalaman ng akda.
Halimbawa:
Fate of the Earth
Salin: Satanas sa lupa
Seven last Word
Salin: Huling wika.
13. Apat na Kategorya ng Pagsasalin
3. Saling sumasaklaw sa iba’t ibang porma gaya ng tuluyan sa tula, tula sa tuluyan o tula
sa tula.
Halimbawa:
The hour I spnet with thee, dear heart
Are a string of pearls to me;
I count them over, everyone part,
My rosary, my rosary.
Salin:
Ang mga sandaling kasama kita, ay para kang kwintas.
Paulit-ulit at paisa-isa kong binibilang ang mga ito
katulad ng mga rosaryo.
Ang mga sandali na kasama kita,
Sa pakiwari ko’y kwintas na perlas;
Binibilang-bilang nang paisa-isa
Na wari’y rosaryo ng wagas na pagsinta.
4. Saling siyentipiko o teknikal
Halimbawa;
Astronomy amplitude metric system
Salin: astronomiya taas ng alon sistemang metriko
Geostructural mapping amino acid
Salin: heoistruktural na pagmamapa amino acid
14. Dalawang Uri ng Salin
Lantad na Salin (Overt Translation) – ang lantad
na salin ay karaniwang kailangan ng orihinal na
teksto ay nakatali sa kultura ng pinagmulang
wika at malayang katayuan sa komunidad ng
pinagmulang wika. 9House, 1977)
Di-Lantad na Salin (Covert Translation) – ang di-
lantad na salin ay karaniwan kapag ang alin
mang dalawang nabanggit na kondisyon ay wala
(House, 1977)
15. Katangian ng Isang Tagasalin
Ayon sa aklat na Masaklaw na Pilipino na Belvez,
Catacataca at Villafuerte (1984), halos nagkakaisa ng
paniniwala sina Savory (1959) at naida (1969) tungkol sa
mga katangiang dapat taglayin ng isang tagasaling-wika.
Sapagkat ayon sa kanila’y dapat na mag-angkin ito ng:
Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin.
Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang
kasangkot sa pagsasalin.
Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng
pagpapahayag.
Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang
kaugnay sa pagsasalin.
16. Katangian ng Isang Mahusay na Salin
Kailangang katulad na katulad ng orihinal ang diwa, ang
estilo at paraan ng pagsulat ay katulad ng sa orihinal at
taglay ang ”luwag” at ”dulas’ ng pananalitang tulad ng sa
orihinal, upang hangga’t maaari ay magparaang orihinal
(Santiago, 1976).
Kailangang matagumpay na matamo ang layuning
maipahatid ito sa kinauukulang target (Nida, 1976)
Kailangang kumakatawan ito sa orihinal nang hindi
nilalapastangan ang wikang kinasalinan (Medina, 1988)
Kailangang meaning-based na nangangahuluganh dapat
itong magpahayag ng tamang kahulugan o diwa ng
orihinal sa tunay na porma ng pokus ng wika. (Lacson,
1984)
Kailangang may sensibilidad, naipahahayag ang
nilalaman at paraan ng orihinal, may natural at madulas
na ekspresyon at tumutugon sa pagtanggap na tulad ng
orihinal (Nida, 1964)
17. Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika
1. Higit na pahalagahan ang wikang
kasalukuyang ginagamit ng bayan kaysa wikang
nakasulat. Maaaring ang wikang nakasulat ay
nahagi na ng nakaraan kaya’t hindi na ginagamit
sa kasalukuyan. Piliin ang mga salitang higit na
gamitin.
Halimbawa:
”Nakain ka ba ng litson?”
Dapat: ”Kumakain ka ba ng litson?”
”Nilandi niya ang tubig sa tapayan.”
Dapat: ”Nilaro niya ang tubig sa tapayan.”
18. 2. Isaalang –alang ang kaisahan sa anyo
ng mga saliatng hinihiram sa ibang wika.
Halimbawa, kung isasalin ang mga
salitang ’agriculture and civilization’ sa
Filipino, ang anyo ay dapat na:
Pagsasaka at kabihasnan
Hindi Pagsasaka o sibilisasyon o
agrikultura at kabihasnan
19. 3. May mga salitang magkakasingkahulugan. Alin
man sa mga ito ang maaaring gamitin subalit
kailangang iangkop ang salita sa sinasaling
teksto.
Halimbawa:
Kulay asul ang baro niya
Kulay bughaw ang baro niya
Ingles: He belongs to the royal blob.
Salin: Siya’y nabibilang sa dugong
bughaw.
Mali: Siya’y nabibilang sa dugong asul.
20. 4. Maging matipid sa paggamit ng mga
salita.
Ingles: You make plans for the
school year.
Salin:
1. Gumawa ka ng plano para sa
taong panuruan.
(Matipid) 2. Magplano ka para sa
taong panuruan.
21. 5. Sa pagsasalin, hindi maiiwasan ang
pagpapakahulugan. Kung sakaling magkaroon
ng ibang pakahulugan sa itutumbas na salita,
umisip ng ibang maaaring ipalit dito.
Halimbawa: They moved to another
place.
Salin: 1. Sila ay gumalaw sa
ibang lugar.
Wasto 2. Sila ay lumipat sa ibang
lugar.
22. 6. Hangga’t maaari, iwasan ang paggamit ng
panumbas na salita na may kaanyo sa ibang
wika sa Pilipinas, subalit hindi kakahulugan.
7. Ang mga daglat at akronim na tinatangap na o
kinikilalang unibersal ay di na kailangan iayon sa
baybay ng katumbas sa Filipino.
Halimbawa: UST, QC, BPI, PTA, DepEd
ng umaga – n.u. ng hapon n.h.
23. 8. Kapag ang ang pamagat ay may
kahirapan isalin, bigyan ito ng katumbas
pagkatapos maisalin ang buong nilalaman
ng materyales na isasalin.
Narito ang ilan pang mga suliranin sa
pagtutumbas.
24. Sa panlinggwistika
1. Isa-sa-isang katumbas – (dito ang isang
tagapagsalin ay dapat na gumamit ng
diksyunaryong bilinggwal)
W1 leksikon (salita) W2 – leksikon
Halimbawa:
Instrument – kagamitan
Civilization – kabihasnan
25. 2. Isa – sa – maraming latumbas
W2 leksikon (a)
W1 leksikon W2 leksikon (b)
W2 leksikon (c)
Hal.:
young child
bata protegee
mistress
26. 3. Marami – sa – iisang katumbas
W1 leksikon (a)
W2 leksikon (b) W2 leksikon
W3 leksikon (c)
Hal.:
Maanghang ang sili
Mainit ang plantsa hot
May lagnat ang bata
27. Ano ang dapat mong gawin?
a. Maaaring manghiram, subalit lalagyan ng
panipi
Halimbawa:
Ang pag-aaral ng “discourse” ay ang
pangkomunikatibong paggamit ng mga
pangungusap sa mga gawaing pansosyal.
28. b. Panghihiram nang may pagbabago
1. hiramin ang salita subalit baybayin ayon sa ating
palabaybayan
Hal.: consistent – konsistent
2. hiramin ang katumbas na salita sa Kastila
Hal.:
Ingles organism
Kastila organismo
Filipino organismo
academic - academico - akademiko
3. lumikha
Hal.: index – talatuntunan
Vocabulary – talasalitaan
29. Mga Batayang sangkap ng
Pagsasalingwika:
Ang Teksto – ito ay dapat na nakasulat; ano mang haba ng wika na
may pagkakaugnay-ugnay sa isa’t isa ang bawat sangkap, at
nagkakaroon ng isang kabuuang may pagkakaugnay-ugnay
Teksto
Mga Katangiang Mga Katangiang
Panlinggwistika Ekstralinggwistika
Mga Pamantayan Estilo Mga Katangian Nilalaman
Ng Teksto
Mga Katangiang Bisa sa babasa
Intensyunal
(may-akda)
30. Mga Katangian ng Teksto
Pagpapaliwanag:
Ang isang teksto ay maaaring may mga katangiang
panlinggwistika at pang-ekstralinggwistika.
Panglinggwistika – ito’y pagtutuon ng pansin sa mga
anyo ng wika at gramatika, at ng pagkaakiba-iba ng
wikang isinasalin (W1) at ng wikang pagsasalinan (W2)
Halimbawa:
English verbal construction:
She ate the fruit. Kinain niya ang prutas.
Filipino nominal construction:
Siya ay kumain ng prutas.
It was she who ate the fruit, or She was the one who ate
the fruit.
31. Mga Pamantayan
Ang mga salita at ideya ng orihinal ay
nararapat na nasa isang salin, kaya’t
kapag ang isang salin ay binasa,
kinakailangang ito’y maging salamin ng
orihinal na sinulat tulad din ng pagiging
salamin ng isang salin.
32. Ang Estilo
Ang estilo ng orihinal ay dapat na
naipakikita ng isang salin at dapat ding
aralin ng isang slain ang estilo ng
tagapagsalin.
33. Pang-esktralinggwistika
Ito’y nauukol sa pangkalikasan at pangkultural
tulad ng mga sawikain, matalinghangang
pananalita atbp.
Halimbawa:
English; He is stubborn.
Filipino: Matigas ang ulo niya.
Tulad ng nabanggit na, ang nilalaman ay
kailangang magkakaugnay sa isa’t isa. Kalakip
dito ang layunin ng may-akda at kung paano ito
magiging epektibo sa mga mambabasa.
34. Kahusayan ng Tagapagsalin
Tagapagsalin
Orihinal Salin
Kahusayan sa W1 Kahusayan sa Paglipat
Kahusayan sa W2
Kahusayan sa Kahusayan sa Pagbibigay
Pagbibigay-kahulugan ng mensahe
Kahusayan sa Pagsususri Kahusayan sa Pagbuo
35. PALIWANAG
Ang pagiging mabisa sa salin ay nakasalalay
sa lkahusayan ng tagapagsalin mula sa orihinal.
Tulad ng nabanggit sa unang pahina, ang
tagapagsalin ay mahusay sa dalawang wikang
kasangkot sa pagsasalin. Ang mabuting
pagpapakahulugan sa W1 ay nagbubunga ng
kahusayan sa pagbibigay ng ideya o kaisipan sa
W2. At kung mahusay ang kanyang pagkakasuri
sa nilalaman ng W1, ang bawat bahagi sa W1
ay nagkakaroon ng mabisang kabuuan.
36. Mga Proseso sa Pagsasalingwika
Literal Hindi Literal
Panghihiram Pagpapalit Pagpapalit
Transposisyon Modulasyon
(Pagsasalin (Pagsasaling (Pagsasabi (Pagkuha ng
Sa isa-sa-isang Literal) sa sariling kahulugan)
Salita) pangungusap)
37. Pagpapaliwanag:
Ayon sa balangkas sa itaas ang pagsasaling
wika ay nagsisimula sa literal na pagsasalin sa
pamamagitan ng panghihiram at pagpapalit. Ang
pagpapalit ay sa paraang isa-sa-isang salita o
kaya’y pagsasaling literal. Pagkaraa’y pag-
aaralan kung paano maaaring gawing hindi
literal. Ang pagsasalin ay maaaring ipahayag sa
paggamit ng sariling pangungusap o pagkuha
kaya ng kahulugan sa teksto ng wikang isinaalin.
38. Batay sa sinulat ng dalubwika (Einar Haugen),
iminungkahi niya ang sumusunod na hakbang sa
pagsasalingwika.
Pagsusuri – sa pagsasalin, kailangang basahin muna
ang teksto sa orihinal na wika (W1). Dapat alamin ang
mga sumusunod:
kahulugan ng bawat salita
pagkagamit ng bawat salita sa isang pangungusap
kung ang pagpapakahulugan ng isang salita sa mga salita ay
maaapektuhan ng nilalaman.
Paglilipat – inililipat ng tagapagsalin ang nilalaman sa
wikang pinagsasalinan.
Pagbabago – pagsulat muli sa teksto sa sariling
pangungusap.
39. Pagsasalin ng Matayutay na Pahayag.
Nagkakaroon ng suliranin sa pagsasalin ng
matalinghagang mga pahayag. Hindi dapat
isiping ang bawat salita’y may hustong katapat
sa alin mang ibang wika. Ang matalinghagang
kahulugan ay ibinabatay sa taglay na kahulugan
ng pangunahing diwa.
Hal.:
Only five loyal souls reported for work.
Salin Lima lamang matatapat na
manggagawa ang dumating para magtrabaho.
40. Paraan sa Pagsasalin ng mga Tayutay
Dapat isalin ang diwa ng salita sa payak na kahulugan. Ang wikang isinasalin (W1)
na matayutay ay magiging payak sa wikang pinagsasalinan (W2).
Hal.:
The Philippines elected national officials inh 1998.
Ang mga mamamayang Pilipino ay naghalal ng pambansang pamunuan noong 1998.
Kailangang panatilihin ang orihinal na salita at dagdagan ng kahulugan upang
pasighiin ang damdamin. Nangyayari ito kadalasan, sa panulaan.
Hal.:
He drank 3 bottles.
Uminom siya ng tatlong boteng serbesa.
Dapat tumbasan ng kapwa matayutay o idyomatikong pananalita ang isinaalin. Ang
matayutay na wikang isinasalin (W1) ay tinutumbasan din ng matayutay na wikang
pinasasalinan (W2)
Hal.:
Don’t hurt his good name.
Huwag mong sirain ang maganda niyang pangalan.
Hango sa pag-aaral ng ginawa
Ni Teresita Fortunato
41. Sanggunian:
Retorika Filipino 3:Para sa Antas Tersarya
Reresita S. Buensuceso
Jose Dakila N. Espititu pp. 91-96
Villafuerte, Patocino V. (2001). Introduksyon sa
pagsasaling-wika: teorya, mga
halimbawa at pagsasanay. Pamantasang
Normal ng Pilipinas: Grandwater
Publications and Research Corporation. Makati
City