2. Ang Pamahaalang
Kolonyal ng Espanya
May sariling pamahalaan na ang mga
katutubong Pilipino bago dumating ang mga
Espanyol ngunit nabago ito.
May mga pamahalaang barangay at sultanato
sila. Ang mga ito ay inalis ng mga Espanyol at
pinalitan ng pamahalaang kolonyal nang
masakop nila ang ating mga lupain.
3. Ang dating pamahalaang barangay ng ating mga ninuno ay
napalitan ng pamahalaang sentralisado.
Napailalim sa kapangyarihan ng mga espanyol ang ating
mga ninuno. Ang hari ng Espanya ang humirang ng mga
gobernador-heneral at iba pang mga opisyal ng
pamahalaan ng pilipinas
4. Ang pamahalaang sentral na itinatag ng Espanya sa Pilipinas
ay pinamumunuan ng gobernador-heneral. Tumatayo siya
bilang kinatawan ng hari ng Espanya sa ating bansa. Siya ay
ang pinakamataas na opisyal at nagpapatupad ng mga
batas na galing sa Espanya. Siya ang tagapangasiwa ng
pamahalaang sentral at lokal sa Pilipinas. May kapangyarihan
siyang humirang at magtanggal ng opisyal ng pamahalaan
at mga pari ng mangangasiwa sa mga parokya, maliban sa
mga hinirang ng hari.
Ang kanyang mga kilos ay sinusubaybayan ng Residencia at
Visitador.
5. Dalawa ang sangay ng pamahalaang itinatag ng mga
Espanyol sa Pilipinas: ang tagapagpaganap o ehekutibo at
ang panghukuman o hudikatura.
Ang lehislatibo o tagapagbatas noon ay nasa Espanya.
Nanggagaling pa sa hari ng Espanya ang mga batas mga
kautusang ipinatutupad ng gobernador-heneral sa Pilipinas.
6. ANG ROYAL AUDIENCIA
Ang Royal Audiencia o Kataas-taasang Hukuman ay itinatag
upang ang mga Katiwalian, pang-aabuso, at pang-aapi ng
nanunungkulan sa pamahalaan ay maihabla rito. Ang
Gobernador-heneral ay ang pinuno ng Royal Audiencia.
7. ANG PAMAHALAANG
PANLALAWIGAN
Naipasailalim sa kapangyarihan ng mga Espanyol
ang malaking bahagi ng Pilipinas. Ito ay kanilang
pinaghati-hati sa mga lalawigan at purok.
Dalawang uri ng lalawigan ang itinatag ng mga
espanyol: encomienda at corregimento.
8. ANG PAMAHALAANG PAMBAYAN
Ang mga lalawigan ay nahati sa Pueblo o Bayan.
Pinamumunuan ng Gobernadorcillo ang bayan. Katulong
niya sa pamamahala ng kanyang nasasakupan ang mga
mababang kawani at mga teniente tulad ng: teniente de
justicia na mamamahala sa mga kaso; teniente de policia na
namamahala sa mga pananim at hayop.
9. Ang gobernadorcillo ay inihalal ng mga mamamayang may-
asawa. Nang lumaon, inihalal siya ng labindalawang cabeza
de barangay at ng gobernadorcillo na kanyang papalitan.
Ang pagka-gobernadorcillo ang pinakamataas na posisyon
na maaaring makamtan ng isang Pilipino ngunit kadalasang
nasa kamay ng mga Espanyol.
10. ANG ENCOMIENDA
Ang paglilipat ng karapatan ng hari sa sinumang Espanyol o
institusyon na mag-aari ng lupain ay itinatawag na
encomienda. Encomiendero ang tawag sa binibigyan ng
karapatan na humawak sa encomienda. Tungkulin niyang
pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayang
nasasakupan niya laban sa mga kaaway, panatilihin ang
kapayapaan at kaayusan, at tulungan ang mga misyonero
na mapalaganap ang Relihiyong Katoliko.
11. ANG PAMAHALAANG PANLUNGSOD
Noong ika-17 daantaon, naitatag na ang
mga pamahalaang panlungsod sa iba’t
ibang lugar sa Pilipinas. Ang mga lungsod
ang sentro ng kabihasnan at kalakalan. Ang
pamahalaan ng isang lungsod ay tinawag
na AYUNTAMIENTO at pinamamahalaan ng
dalwang alkalde ordinaryo, anim hanggang
labindalawang konsehal o
REGIDORES, isang ALGUACIL MAYOR o
hepe ng pulisya, isang kalihim, at iba pang
kawani ng pamahalaan.
12. ANG PAGMAMAY-ARI NG
LUPA
Nang masakop na ng mga Espanyol ang
ating bansa, idineklara nilang pagmamay-ari
ng hari ang lahat na lupa. Ang bawat
naging Kristyanong katutubong pamilya ay
inatasang sakahin ang apat hanggang
limang ektarya ng lupa. Sila ay hindi
nagmamay-ari ng lupa o land-owner kundi
tagahawak lamang ng lupa na hindi
nabigyan ng lupa o landholder. Ayon sa
batas ng mga kolonyalistang Espanyol, hindi
maaaring magmamay-ari o magbebenta ng
lupa dahil ang mga lupa ay pag-aari ng
Espanya.