SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 103
Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO
Panimula
Ang epektibong pagpapahayag sa sariling pananaw, opinyon at ideya tungkol sa
isang paksa sa pasulat na anyo gamit ang ating sariling wika ay isang kasanayan na dapat
malinang sa bawat mag-aaral. Ang kasanayang ito ang huhubog ng tiwala sa sarili at
kakayahan sa pakikipagtalastasan na lubhang napakahalaga sa pag-unlad ng bawat
kabataan . Subalit sa panahong ito, isang hamon sa bawat guro at mag-aaral ang pagsulat.
Bawat mag-aaral ay nakakararanas ng matinding alalahanin kung paano nga ba sisimulan
ang pagsusulat.
Marami ring bilang ng mga mag-aaral ang nagpapakita ng pagkayamot, kawalan
ng motibasyon sa pagsulat at kung minsan ay hirap na hirap pa sa pagbuo ng mga ideya.
Ito ay bunga ng maling konsepto at mahinang estratehiya sa pagtuturo ng pagsulat.
Kadalasan, naaapektuhan ng mga kahinaang ito ang kasanayan ng mga mag-aaral sa
pagsulat (Badayos, 1999).
Maiisip na isa sa mga pangunahing solusyon sa kahinaan ng mga mag-aaral sa
kasanayang ito ay ang kahandaan ng guro sa pagtuturo ng pagsulat. Masasalamin ang
kahandaang ito sa maraming gawaing inihahanda ng guro para sa pagtuturo ng pagsulat .
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng ating
kaisipan. Samakatwid ang pagsulat ay bunga ng ating mga karanasan at kaalaman. At ito
ay binibigyan ng interpretasyon sa pamamagitan ng pagsulat.Ang kawalan ng karanasan
at kaalaman sa isang paksa ay isang balakid sa epektibong pagpapahayag at pagbuo ng
komposisyon.
Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang nauukol sa wastong gamit
ng mga salita, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan at retorika. Marapat lamang na ang
isang mag-aaral ay maihanda at magabayan sa pagkakamit ng mga kasanayang
nabanggit upang maging magaan at mabisa ang pagsusulat.
Binigyang-diin nina White at Arndt (1991) at Raimes (1983) ang pagsulat bilang
isang proseso na hindi natatapos sa isang upuan kundi nahahati sa iba’t ibang yugto.
Itinuturing itong isa sa pinakakomplikadong kasanayang dapat matutuhan ng mga mag-
aaral sapagkat habang nagsusulat, natututuhan din nila kung paano mag- eksperimento
gamit ang wika. Dahil sa ganitong kalikasan ng pagsulat, kailangang iparanas sa mga
mag-aaral ang process approach na binubuo ng sumusunod na mga yugto: bago sumulat;
paggawa ng borador; pagrerebisa; pag-eedit at paglilimbag. Ang mga gurong gumagamit
ng ganitong dulog ay nakabibigay sa mga mag-aaral ng dalawang mahahalagang suporta
sa pagbuo ng isang sulatin ito ay ang sapat na oras sa pagsusulat at pagbibigay ng puna.
Pinatutunayan lamang nito na nararapat na maituro sa mga mag-aaral ang process
approach sa pagsulat upang maihanda sila sa isang makabuluhang pagsusulat. Inaalis rin
nito ang mga balakid na maaaring humahadlang upang maging madali ang pagpapahayag
ng saloobin at pananaw tungkol sa isang paksa.
Mas mabisa ang pagkatuto sa pagsulat kung ang mga mag-aaral ay bibigyan ng
sapat na panahong makapagsulat; binibigyang diin na ang pagsulat ay nangangahulugan
ng eksperimentasyon sa paggamit ng wika, pagsubok ng mga bagong ideya, isang
gawain ng paglikha. Mahalaga ring mabigyan ng angkop na kasangkapan at espasyong
2
makatutulong sa mas mabilis at epektibong paglinang ng kasanayan sa pagsulat.
Pinatutunayan ng mga nabanggit na impormasyon na ang process approach ay
maaring magamit upang matiyak na ang bawat mag-aaral ay nagagabayan at nalilinang
ang kakayahan sa pagsulat na napakahalaga sa pagkakamit ng pang-akademikong
pagganap. Ito rin ay nagpapatibay ng mga tunguhin ng Kurikulum ng Edukasyong
Sekondarya ng 2010 (Secondary Education Curriculum) ang Kapaki-pakinabang na
Literasi para sa Lahat (Functional Literacy For All) na ibinatay sa mithiin ng Edukasyon
para sa Lahat 2015 (Education For All 2015). Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng
Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, at (2) kahusayan sa pag-unawa
at pagpapahalagang literari ng mga mag-aaral sa antas sekondarya. Lilinangin ang limang
makrong kasanayan - pakikinig, pagbasa, panonood, pagsasalita at pagsulat sa tulong ng
iba’t ibang dulog at pamamaraan.
Sa kabila ng pagtatakdang ito, marami pa ring maling pananaw sa pagsulat ang
umiiral tulad ng: pampalipas oras ang pagsulat, isang parusa at kailangan lamang gawain
o makapagsa bilang kailanganin para magkaroon ng marka kung kaya nawawala ang
tunay na layunin at kahalagahan ng pagsulat. Ang kahirapan sa pagtuturo ng pagsulat ay
mapapagaan sa pamamagitan ng mga gawaing inihanda sa parte ng guro (Lozano 2002).
Hanggang sa pagtuntong sa sekundarya ay dala-dala nila ang pananaw na ito sa pagsulat
sapagkat hindi nalinang sa kanila ang tamang kasanayan at motibasyon sa pagsulat.
Ang Pampublikong Paaralan ng Caluluan ay naniniwala sa kahalagahan ng
pakikipagtalastasan na pasulat sa lubos na pagkatuto ng bawat mag-aaral. Nakakatulong
ito sa pag-aangat ng kakayahang pang-akademiko ng bawat mag-aaral at kahusayan sa
pagpapahayag ng sarili.
3
Ang bawat institusyon ng lipunan gaya ng paaralan ay may responsibilidad sa
paghubog ng kasanayan sa pakikipagtalastasan maaring ito ay pasalita o pasulat man.
Ang paglinang ng kakayahang ito ay magdudulot ng higit na pakinabang sa bawat
kabataan na nagnanais na marinig ang saloobin, maunawaan ang pagkatao, maibulalas
ang kanyang damdamin at magkamit ng mataas na antas ng karunungan at kaganapang
pantao.
Paglalahad ng Suliranin
Layunin ng pag-aaral na ito na masukat ang kabisaan ng process approach sa
pagtuturo ng pagsulat sa mga mag-aaral sa Ikatlong Taon ng Pampublikong Paaralan
ng Caluluan, Concepcion, Tarlac, Taong Panuruan 2012-2013.
Sa kabuuan, sinikap na tugunan ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral bago at matapos
maituro ang process approach bilang isang estratehiya sa pagsulat batay
sa:
1.1 nilalaman
1.2 organisasyon
1.3 talasalitaan
1.4 wika
1.5 mekaniks
4
2. Gaano kabisa ang paggamit ng process approach sa pagpaunlad ng kasanayan
sa pagsulat ng mga mag-aaral batay sa kanilang mga marka sa kanilang mga
komposisyon?
3. Ano ang naging kalakasan at kahinaan ng process approach batay sa saloobin
at pananaw ng mga mag-aaral?
4. Ano ang implikasyon ng mga natuklasan ng pag-aaral sa pagtuturo ng
pagsulat sa Mataas na Paaralan ng Caluluan?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral, magulang,
guro, Punong-Guro at mga gumagawa ng patakaran sa edukasyon.
Sa mga mag-aaral sa high school, ito ay magdudulot ng kamulatan sa
kahalagahan ng paglinang ng kasanayan sa pagsulat ng may prosesong sinusunod upang
higit na mabisa at kawili-wili ang pagsulat.
Sa mga magulang, ito ay magsisilbing hamon upang higit na gabayan
ang kanilang mga anak tungkol sa kahalagahan ng kasanayan sa pagsusulat higit lalo na
sa pagbuo ng tiwala at pagtingin sa sarili. Ang pagsusulat ay isang paraan ng
pagbabahagi sa ating kapwa tao ng ating mga pananaw at saloobin batay sa ating
kaalaman at karanasan
Sa mga guro, magbibigay ito ng lubos na kamalayan at kaalaman
upang higit na maging epektibong guro sa Filipino sa pamamagitan ng pagggamit ng
estratehiyang ito sa pagtuturo ng pagsulat. Sa ganitong paraan higit na mas gagaan ang
5
pananagutan sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat at ang kahalagahan ng pagbibigay
ng puna sa kalagayan ng bawat mag-aaral sa paraan ng pagsulat na lubos na
makakatulong sa paglinang ng kasanayang ito.
Sa mga Punong-Guro at tagagawa ng mga Patakaran sa Edukasyon Ito ay
magsisilbing tagapaggising na lalong gabayan at suportahan ang mga guro sa pag-aaral
ng dulog na ito para sa mabisang pakikipagtalastasan tungo sa higit na mataas na kalidad
ng edukasyon at pang-akademikong pagganap.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang kabisaan ng pagtuturo ng
process approach sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Ikatlong Taon ng Mataas na
Paaralan ng Caluluan para sa Taong Panuruan 2012-2013.
Ito ay tuwirang nagsuri sa antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat bago
at matapos ang paggamit ng process approach. Nailarawan nito ang antas ng kasanayan
ng mga sinulat na komposisyon mula sa nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at
mekaniks. Layunin din nito na maimulat sa mga guro ang paggamit ng process
approach sa pagsulat para sa higit na makabuluhang pakikipagtalastasan ng mga
kabataan.
Ang mga pinagmulan ng datos ay galing sa 290 na mag-aaral mula sa mga ito ay
kinuha ang 80 kalahok. Ginamit ang random sampling na fish bowl technique upang
makuha ang 80 mag-aaral. Ginamit din ang stratified sampling upang ayusin ang mga
kalahok batay sa kanilang marka sa Filipino II mula sa pinakamatas at pinakamababang
marka binigyan ang mga marka ng bilang mula 1-80. Mula sa mga bilang na ito ay
6
ginamit ang lahat ng odd number bilang control group at ang even number bilang
experimental. Sa pagtala ng iskor sa mga isinulat ang mananaliksik ay gumamit ng
Second Language Composition Profile ni Hughey (1983). Ito ang ginamit sa pagtaya ng
kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat at ang kabisaan ng paggamit ng process
approach.
Mga Katawagang Ginamit
Upang lubos na maunawaan ang pag-aaral, ang mananaliksik ay gumamit ng mga
terminolohiyang na kanyang binigyang kahulugan konseptwal at batay sa pagkakagamit
nito sa pag-aaral.
Kabisaan.
Di-Pormal na Sanaysay.
Liham na Paanyaya.Ito ay isang uri ng liham pangkaibigan na nagsasaad ng paanyaya
sa isang mahalagang pagtitipon nakapaloob dito ang mahahalagang detalye ng okasyon
tulad ng layunin, kailan at saan. Madalas inilalagay rin ang uri ng kasuotang inaasahan
gayundin ang direksyon papunta sa lugar ng okasyo. Sa pag-aaral, ito ay tumutukoy sa
pagsulat ng liham ng paanyaya sa isang kilalang tao upang maging tagapagsalita sa isang
pagpupulong.
Mag-aaral. Ito ay tumutukoy sa sinumang tao na nakaenrol at umaatend ng mga klase
sa paaralan.(http//education.yahoo.com/reference). Sa pag-aaral na ito, ito ay tinutukoy
ang mga mag-aaral na nasa Ikatlong Taon ng Mataas na Paaralan ng Caluluan, Taong
Panuruan 2012-2013.
Maikling-kwento. Ito ay salaysay na may ilang tauhan at isang pangyayari sa
7
kasukdulan.
Mekaniks. Ito ay tumutukoy sa bantas gaya ng tuldok, kuwit, tandang pananong,
tandang padamdam at kudlit na ginagamit sa pangungusap at pagbaybay na tumutukoy sa
katumpakan ng pagkakasulat ng mga salita.
Nilalaman.Tumutukoy ito sa kahulugan o kabuluhan ng isang paksang sinulat.
(http.google.com.) Sa pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy sa kabuluhan ng mga detalyeng
sinulat at pagkakaugnay ng mga kaisipang inilahad.
Organisasyon. Ito ay tumutukoy sa kalinawan ng ideya at pansuportang detalye.Maging
ang paraan ng pagkakabuo ng paksa mula sa panimula, katawan at wakas.
Process Approach (Prosesong Dulog). Ito ay isang estratehiya sa pagsulat na hindi
nakatuon sa produkto ng sinulat kung hindi sa proseso ng pagsulat.Ang mga mag-aaral
ay sasailalim sa tatlong yugto ng pagsulat: ang unang yugto (Prewriting) ito ay
kinapapalooban ng mga panimulang gawain gaya ng pagpili ng paksa,anyo ng
komposisyon, paglilimita sa paksa pangangalap ng mga impormasyon at pag-aayos ng
mga ideya, ikalawang yugto ang pagsulat (Writing) kinapapalooban ng pagsulat ng
unang burador at rebisyon at ang huling yugto ay pagsulat na muli (Post writing)
nakapaloob dito ang proofreading at pagbibigay puna at huling pagsulat.
Sanaysay. Ito ay malayang paraang naglalahad ng kaisipan, kuru-kuro, palagay at ng
kasiyahan ng sumusulat; upang umaliw, magbigay-kaalaman o magturo.
Talasalitaan. Tumutukoy ito sa angkop na pagpili at paggamit ng salita, idyoma. at
talinghaga sa isang komposisyon.
8
Tradisyunal na Paraan ng Pagsulat.Tumutukoy ito sa pagtuturo ng pagsulat na
nagsisimula sa pagtalakay sa paraan ng pagsulat ng isang partikular na komposisyon at
saka na magsusulat ng burador,ito ay ipapasa sa guro para sa pagbibigay ng marka.
Wika. Tumutukoy ito sa ugnayan ng aspekto, bilang, salita, pantukoy, panghalip at iba
pang bahagi ng salita na ginagamit sa pagbuo ng isang makabuluhang komposisyon.
Kabanata 2
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Sa bahaging ito ay matutunghayan ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na
makabuluhang ginamit ng mananaliksik upang lalong maging maliwanag ang paglalahad
ng kasalukuyang pag-aaral.
Kaugnay na Literatura
Ang pagsulat ayon kay Badayos (2001) ay isang kompleks na kasanayan.Ang
isang manunulat ay kailangang may sapat na kaalaman sa mga salik na mahalaga sa
pagbuo ng isang sulatin, gaya ng mga sumusunod:
1. Tapik/Paksa- kailangan sa pagbuo ng isang sulatin ang sapat na kaalaman o
impormasyon sa paksang susulatin.Ang kaalaman/impormasyon ay maaring sa
mga sangguniang aklat, dyornal at iba pa o mga impormasyong nakalap buhat sa
mga pagmamasid at personal na mga karanasan.
2. Layunin- dapat na malinaw sa isipan ng manunulat ang dahilan kung bakit sila
nagsusulat.Malaki ang magiging epekto nito sa kanyang paraang ng
pagsulat.Kaya ang kaibhan sa anyo o porma ng isang sulatin ay nakabatya ng
malaki sa layunin.
9
3. Interaksyon at Isang Kamalayan ng Awdyens-dapat isaisip ng isang
manunulat na may nagaganap na interaksyon sa pagsulat.Kung minsan, ang
manunulat ay nag-iinterak sa kanyang sarili, halimbawa ,kapag nagsusulat sila ng
dyornal pero sa maraming pagkakataon ang interaksyon ay sa ibang
tao.Nagsusulat ka para mangumusta o di kaya’y sa pagsulat ng isang maikling
paalala/mensahe o kung may nais ipagawa sa isang kasambahay.Kailangan ding
linangin ng isang manunulat ang kanyang kasanayang interpersonal. Dapat na
alamin kung sino ang sinusulatan,ano ang gusto niyang malaman, ano ang lawak
ng kanyang pag-unawa, anong uri ng wika ang angkop na gamitin kung
isasaalang-alang ang kanyang kalagayan sa buhay at antas ng kanyang pinag-
aralan.
4. Wika- ang isang manunulat ay kailangan mayroong kaban ng wikang maaring
gamitin ayon sa pangangailangan.Dapat alam nila ang istilo ng wikang angkop
na gamitin sa lahat ng pagkakataon.Ang wika ay instrumentong ginagamit ng tao
sa pagpapahayag ng kanyang isipan at damdamin maging ito man ay pasalita o
pasulat.
5. Kombensyon- dapat isaalang-alang ang mga kombensyon sa pagsulat na
tinatangkilik sa isang pamayanan. Halimbawa, may sariling pormat at istilo ng
wika ang pagsulat ng adbertisment na kaiba sa pagsulat ng isang memorandum.
6. Mga kasanayan sa pag-iisip-ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng
iba’t ibang kasanayan sa pag-iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan sa
pagtatangi ng mga bagay at pangyayari upang madesisyunan niya ang kung alin
ang mahalaga o hindi; kailangan din niya ang kaalaman sa lohika upang
10
makapangatwiran siya nang mabisa; kailangang alam din niyang paglawin ang
kanyang imahinasyon at maging malikhain sa isang kawili-wilang
paglalahad;kailangan mayroon din siyang kakayahan sa pagbibigay ng sariling
pagpapasya at iba pa.Anupa’t totoong masasabi natin na ang pagsulat ay isnag
kompleks na proseso sa pag-iisip.
7. Kasanayan sa Pagbubuo- isa sa mga tungkulin ng manunulat ang makabuo
nang maayos na talataan na naglalahad nang malinaw na ideya at mga
pansuportang detalye.Nagagawa rin ng isang mahusay na manunulat na
lohikal na mailahad ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa pagbuo ng
isang magkakaugnay na teksto sa pamamagitan ng mga angkop na pang-
ugnay.
8. May sariling Sistema ng Pagpapahalaga- dapat isaalang-alang sa pagsulat
ang mga pagpapahalagang pinanaligan ng isang manunulat at handa niyang
panindigan ang mga ito.Binibigyang-pansin niya sa pagsulat ang mga
sumusunod:
 ano ang mahalaga sa paksa
 ano ang maganda o mahusay na pagsulat
 ano ang angkop na paraan ng pakikipagtalastasan sa isang taong may
edad kaysa sumusulat.
 sino ang awdyens o pinaglalaanan ng sulatin.
9. Mekaniks (pagsusulat, pagbaybay, pagbabantas, kombensyon sa
pagsulat)-dapat isaisip na ang maayos na pagkakasulat ng isang sulatin ay
11
isang kailanganin na dapat isaalang-alang sa pagsulat. Kailangan din na ang
lahat ng salitang gagamitin sa pagsulat ay may wastong baybay. Hindi rin
dapat kaligtaan ang wastong pagbabantas at ang angkop na anyo ng teksto na
gagamitin sa pagsulat.
10. Ang Proseso ng Pagsulat- dapat mabatid ng isang manunulat ang mga
proseso na sinusunod sa pagsulat: pagpili ng paksa; paglilikom ng mga ideya;
paggawa ng draf o burador; pagrerebisa, pag-eedit, ibayong pagtingin at
pagpapakinis sa buong manuskrito at paglalathala.
Ayon pa rin kay Badayos (2002) ang kalagayan o kultura sa ating paaralan ay
maaring makalikha ng mga di makatwirang pagpipilit ng mga metodo sa mabisang
pagsusulat.Ilan sa mga ito ang pagtatakda ng bilang ng pormal at di pormal na sulatin
para sa isang takdang panahon na di man isinasaalang-alang ang abilidad ng isang klase o
pangkat.Nariyan pa ang estratehiyang “write – to-a-title-approach” at iba pang gawi na
totoo namang pinaglumaan na ng panahon.Nagpahayag siya ng mga walong (8) batayang
simulaain sa pagsulat na hindi dapat kaligtaan ng mga guro:1. Iba-ibahin ang haba ng
sulatin, 2. Suriin at ipaalam ang kombensyon ng mga uri ng tekstong isinulat, 3. Iugnay
ang pagsulat sa iba pang hati ng mga kasanayang makro sa pagtuturo ng wika, 4. Iplano
ang mga aralin nang may wastong pagkakasunud-sunod, 5. Tiyaking may interaksyong
pang-mag-aaral sa proseso ng pagsulat, 6. Talakayin ang layunin sa pagsulat at ang
awdyens na paglalarawan nito, 7. Ituro ang mga teknik ng pag-eedit ng sulatin at 8. Iba-
ibahin ang pokus ng pagmamarka.Dinagdag pa niya sa kanyang pagwawakas ang mga
mungkahing paraan upang mabago at mapaunlad ang mga kaganapan sa mga
pagtuturo.Nagbigay siya ng mga mungkahi para mahawan ng bagong landas at direksyon
12
ang pagtuturo ng pagsulat:
1. Bigyan ng masusing pagtaya ang kasalukuyang dulog sa pagtuturo ng pagsulat
batay sa mga simulain sa pagtuturo ng wika.
2. Isaalang-alang ang mga batayang elemento sa pagtuturo at pagkatuto sa pagsulat
maging ito man ay una o ikalawang wika gaya ng manunulat, mambabasa, ang uri
ng teksto, ang konteksto at ang interaksyon ng mga ito sa isa’t isa.
3. Magkaroon ng pagsusuri sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa pagsulat upang
maging batayan ng kurikulum sa pagsulat sa bawat antas ng pag-aaral.
4. Bumuo ng isang silabus sa pagsulat na may komplimentasyon ang Ingles at
Filipino upang maiwasan ang duplikasyon ng mga gawain (gaya ng kung naituro
na sa Filipino ang pagbabalangkas hindi na dapat ito ituro sa Ingles).
5. Idokumento ang anumang karanasan sa pagtuturo na sa sariling palagay ay naging
epektibo sa pagkatuto.Maaring nasa loob ng silid-aralan ang mga epektibo at
mabisang pamamaraan at teknik sa pagkatuto.
Ang ikatlong mungkahing nabanggit ang naging batayan ng mananaliksik upang
bigyang diin at magsagawa ng pananaliksik ukol sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo
ng pagsulat ng sa gayon ay makagawa ng isang rekomendasyon na mapapakinabangan ng
mga kapwa guro ko sa Filipino higit lalo na ng mga mag-aaral na siyang sentro ng
pagtuturo.
Ang pagsulat ayon kay Tumangan at iba pa (2001) ay isang paraan ng
pagpapahayag ng pag-iisip, kaalaman at damdamin ng tao sa pamamagitan ng mga
13
sagisag ng mga tunog ng salita.Ito rin ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa paraang
palimbag upang maipahayag ang kanyang iniisip at nadarama.Sa mga mag-aaral ang
pagsulat ay ay isang paraan ng pagkatuto o pagtaya ng kanilang natutunan.Natututo
silang magsulat ng isang komposisyon bilang paghahanda sa pagsulat ng mahabang
salaysay,sumusulat silat ng ulat upang matuto ng mga bagay at impormasyong isinasama
sa ulat at nagsusulat sila ng isang napapanahong papel na nakadaragdag sa kanilang mga
kaalaman sa iba’t ibang paksa na isinasama sa pananaliksik. Nagsisilbing ebalwasyon ng
pagkatuto ang pagsulat kapag maganda ang ulat na sinulat,higit na malaman at kapaki-
pakinabang ang napapanahong papel at talagang nagsaliksik at nagbasa ng mga
sangguniang aklat.
Ayon kay Hedge (2002) ang pagsulat ay hindi lamang isang simpleng paraan ng
pagsasalin ng wika sa pasulat na simbolo ito ay isang proseso ng pag-iisip. Ito ay
nangangailangan ng intelektwal na pagsisikap na dapat na mapanatili sa isang takdang
panahon.Sapagkat ang kabisaan sa wika ay hindi sapat upang mapadali ang pagsulat
bagkus dapat ang pangkognitibong kasanayan.
Binigyang pansin ni White (2004) ang ating utak ay hindi lamang nakatuon sa
mga salitang nakalista at nakalinya. Bagamat makikita sa mga talumpati at napapanahong
papel ang mga hanay ng salita ito pa rin ay dumadaan sa proseso ng pagpili na nagaganap
sa ating isip. Ang manunulat ay nakakaranas ng mas mataas na yugto ng pag-iisip.gaya
ng isang kompyuter na nagsasaliksik ng angkop na ideya na angkop sa paksang sinusulat.
Ang kawalan ng aktibong pakikibahagi ng manunulat ay maaring magbunga ng kabiguan
sapagkat ang ideyang ito ay hindi matatamo. Samakatwid, napapadali ang pagsusulat
kapag nararating ng manunulat ang yugto ng kamalayan o “subconscious mind”. Sa kahit
14
na anong sitwasyon kung saan ang manunulat ay pumipili o binibigyan ng isang paksa o
suliraning bibigyan ng kalutasan, ang paksa ay magiging “felt sense in a vague fussy
feeling within the body created by the images, words, ideas evoked by the topic”.
Samantalang si Edward (1987) ay nagpapatunay na ang pagsusulat ay maaring
maisama bilang pinakamahirap na kasanayan sa wika. Mga kamalian sa pagbaybay at
gramatika ay hindi maiiwasan kahit na maliwanag ang kahulugan at ang pagkakasulat ay
kaakit-akit at maayos.
Sa artikulo ni Keh (1990) ipinahayag niya na ang proseso ng dulog sa pagsulat
ay nangangailangan ng mga maraming mga hakbang mula sa paglikha ng
ideya,pagsulat,pagrerebisa at pagkuha ng feedback sa mga bumasa ng iyong sinulat at
pagsulat muli. Siya ay nagdisenyo ng mga hakbanging sa pagsulat na hango sa ganitong
pananaw. Ang kanyang disenyo ay nakabalangkas ng ganito.
Panimulang Pagsulat (Prewriting)
Sa yugtong ito ng pagsulat ang mag-aaral ay nagpaplano ng kanyang
isusulat bago sulatin ang borador.Ito rin ay dumaraan sa mga sumusunod na
proseso.
Pagpili ng paksa-natutuon ito sa pagpili ng paksa batay sa inyong interes
at lawak ng kaalaman.Itala ang lahat ng mga ito,mula sa mga ito ay pumili ng
iyong paksang susulatin.
Pagpili ng anyo ng komposisyon-ito ay nakatuon sa pagdedesisyon kung
ang susulatin ay isang sanaysay, anekdota, talambuhay o maikling kwento.Ito ang
magbibigay sa iyo ng gabay sa pagsulat.
15
Limitahan ang paksa- kailangan pumili lamang ng isang aspekto o
bahagi ng iyong paksang nais na sulatin.
Pangangalap ng mga impormasyon- una, ay isulat ang mga kaalamang
alam mo na tungkol sa paksa,Pangalawa, maari kang kumuha ng mga
impormasyon sa mga pahayagan,magsin at mga libro.Maari ka ring magkaroon ng
pananyam sa isang tao bihasa sa iyong paksa.Itala ang mga nakalap na
impormasyon.
Ayusin ang mga ideya- basahin ang mga detalye ng iyong nakalap na
impormasyon.May mga magagamit at mayroong detalye na walang kaugnayan sa
iyong paksa,alisin ito.Ayusin ang mga impormasyon ayon sa pinakamahalagang
ideya.Maari kang gumawa ng banghay na magiging tuntunin mo sa pagbuo.
Pagsulat ng burador (Writing)- nakatuon sa pagsulat ng iyong unang
borador. Magsulat at hayaan muna ang mga maling baybay at bantas.Maari mo
naman itong itama pagkatapos mong basahin muli ang iyong borador.Hayaan mo
ang daloy ng ideya.Sundin mo ang iyong plano o banghay .
Pagsulat na muli (Post writing)
Rebisyon- ito ay ang pagwawasto ng iyong komposisyon.Sinusuri ang
iyong mga ideya at salita.Basahin muli ang sinulat.Maaring itanong ang mga
sumusunod:
May pagkakaugnay ba ang mga ideya?
Nakakapukaw ba ito ng interes?
Angkop ba ang mga salita?
Sa iyong burador markahan ang mga nais na palitan.Isulat ang mga
16
salitang nais mong ipalit at isama.
Proofreading- ang huling yugto ng pagrerebisa.Ito ang huling
pagwawasto sa bantas, balarila,baybay at pagsulat ng malaking titik.
Pagsulat muli- ito ang huling pagsulat gawin itong malinis at nababasa
nang mabuti.
Binigyan niya ng pansin ang ganitong dulog ay positibo sa pagpapahusay
ng nilalaman, organisasyon at wika.Karagdagan, itong dulog na ito ay nakapagpabago sa
mainipin at bigong pananaw tungo sa pagsulat para magkaroon ng positibong pananaw.
Batay sa mga pag-aaral na naisagawa malaki ang nagagawa ng pagsulat sa
paghubog ng damdamin ng isang mag-aaral.Sa pamamagitan ng pagsulat, naipapahayag
niya ang anumang mga paniniwala, mithiin, layunin sa buhay, pangarap, agam-agam,
damdamin at mga hinaing. Sa pagsulat din nakikilala ng mga mag-aaral ang kanyang
sarili; ang kanyang kalakasan at kahinaan, lalim ng kanyang pag-unawa, ang tayog at
lawak ng kanyang kaisipan at ang naabot ng kanyang kamalayan. Ayon kina Hugney,et.
al(1983), nakatulong ang pagsulat sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa
lohikal na pag-iisip at paglutas ng suliranin, napapaunlad nito ang iba pang kasanayang
pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mahahalagang detalye,
pakikipagtalakayan, pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga impormasyong nakalap bago
ang ganap na pagsulat.
Sa aklat na “Teaching Second Language Composition” (Principles and
Techniques) gumamit sina Hughey, et. al (1981) ng isang pamamaraan upang masuri
ang kahinaan at kalakasan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng komposisyon sa kanilang
paniniwala na
17
Important aspect of becoming an independent lifelong writer is
developing the ability to evaluate one’s own writing progress and to use feedback
from the evaluation as a guide for further growth and improvement.
Bunuo sila ng isang rubrics sa pagtataya ng isang sulatin na kanilang tinawag na
Composition Profile, na nakatuon sa limang aspekto. Ang bawat isa ay nakatuon sa
mahalagang bahagi ng pagsulat,ang bigat nito ay batay sa kahalagahan ng komunikasyon
sa paraang pasulat at ito ay; CONTENT tumutukoy sa pagkakaroon ng sinasabi o
nilalaman ng sinulat, ORGANIZATION tumutukoy sa pag-aayos ng kaisipan,
VOCABULARY , LANGUAGE USE and MECHANICS tumutukoy naman sa
panlinggwistika at mekanikal na paniniwala para sa epektibong paglalahad ng
talakay.Ang kabuuang bigat ng bawat aspekto ay nahahati sa apat na mastery level-
Excellent to Very Good, Good to Average, Fair to Poor at Very Poor. May tiyak na
katangiang naglalarawan na siyang magiging gabay sa pagtataya ang mga ito.Dahil sa
pawang mga keyword lamang na siyang nagpapakilala na malalaking konsepto ukol sa
komposisyon,ibinigay nila sa kanilang aklat ang mga detalye ng bawat isang mastery
level upang lalong maging malinaw ang pagtataya.Mahusay ang sulatin kung tumutukoy
na matagumpay na napahayag nito ang mensahe sa mambabasa.Samanatalang
kabaligtaran nito ay magulo at tuluyang nawala ang mensaheng ninanais na ipahayag sa
sulatin dahil sa kakulangan ng kasanayan.Ang unang dalawang mastery level ay
nagpapakita na matagumpay ang naging komunikasyon, may pagkakaiba nga lamang sa
digri, at ang dalawang huling mastery level ay pagkakaroon ng pagka-antala ng
komunikasyon.
18
Mga Kaugnay na Pag-aaral
A. Lokal na Pag-aaral
Ayon kay Batin (2000) sa kanyang di nailathalang disertasyong
“Developing Academic Writing Proficiency and Learner Autonomy through the Process
Approach” isang pag-aaral ang kanyang binanggit na nakatuon sa pagtaya ng pagiging
epektibo ng process approach sa pagtuturo sa pagsulat ng komposisyon ng mga mag-
aaral sa elementarya sa National Capital Region. Ang pag-aaral ay lumikha ng
konseptong hulwaran na gaya ng process approach para sa pagsulat ng komposisyon na
binubuo ng tatlong mga salik gaya ng:1. Ang mag-aaral bilang ang manunulat 2. Ang
Guro bilang taga facilitator at 3. Mga materyales na gagamitin.Ang implikasyon ng pag-
aaral na ito ay magiging epektibo ang process approach sa edukasyon ng Pilipinas kung
mabibigyan ang bawat guro at mag-aaral ng sapat na materyal at angkop na tekstong
susulatin.
Pinatitibay ng pag-aaral na ito ang kahalagahan ng pagkatuto ng bawat mag-aaral
sa pagpapatupad ng process approach at ang bahaging ginagamapanan ng bawat guro sa
pagsasagawa nito.Bagamat ipinakikita nito na nararapat na makalikha ang bawat guro ng
matetyal na gagamitin na ang proseso ay dumaraan sa panimulang pagsulat,pagpapaunlad
ng sinulat at huling pagsulat.
Batay sa pag-aaral na ginawa ni Ignacio (2008) “Teaching Writing to Fourth Year
High School Students”na naipamalas ng ebalwasyon sa kasanayan ng mga mag-aaral na
ang process approach ay nakatulong upang malinang ang kanilang kasanayan sa
pagsulat. Dahil ang mga bata ay binigyan ng pagkakataong mapag-isipan at marebisa ang
kanilang ideya kasama ng gabay na ibinibigay ng kanilang guro at kamag-aral sa mga
19
pulong –panayam, naging mas mahusay ang kinahinatnan ng mga huling sipi ng kanilang
akda.
Ang kabisaan ng paggamit ng process approach sa pagsulat ay pinatunayan sa
kwalitatibong pag-aaral na isinagawa ni Concepcion (2006). Lumabas sa kanyang pag-
aaral na mas mataas ang kalidad ng mga sulating nabubuo ng mag-aaral kung
ginagamitan ng process approach ang mga ito. Napatunayan ding malaking tulong ang
ganitong dulog sa paglinang ng komprehensyon ng mga mag-aaral, lalo pa kung
isinasaalang-alang ang interes, kakayahan at istilo sa pagkatuto ng mga estudyante.
Sa dalawang pag-aaral na isinagawa nina Concepcion at Ignacio pinatutunayan
lamang na higit na mabisa ang paggamit ng process approach upang matamo ang
kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa lahat ng antas. Bagaman lumabas din sa pag-
aaral ni Concepcion na nabubuo ang komprehensyon sa pagsulat dahil sa pagkakaroon ng
lubos na pagkaunawa sa paksa. Kapwa kinakatigan at pinaniniwalaan ng pananaliksik na
ito na mabisa ang paggamit ng estratehiyang process approach sa pagtuturo ng pagsulat
at paglalantad ng kahinaan at kalakasan ng bawat mag-aaral para sa higit na mabisang
paggabay.
Ang kaalaman at kasanayan sa pagsusulat ay maaring bunga ng maagang
paglinang nito sa bawat indibidwal ng ito ay nasa elementary pa lamang.Ito ang
paniniwala ni Soledad Francisco (1991) sa kanyang “Acquisition of Discourse Skills in
Written Narratives of Filipino Students” ang pag-aaral na ito ay nagpapatibay sa
paniniwalang na ang kakayahan ng mga nasa kolehiyo sa pagsulat ay nalilinang sa
kanilang pag-aaral. Ang mga resulta ng pag-aaral ay una, may mga baytang ng pag-unlad
sa pagkamit ng kakayahan sa pagsulat na makikita na dumaan sa natural na proseso.
20
Pangalawa, ang mga datos ay nagpapakita ng sistematikong pamamaraan ng paglinang ng
kakayahan sa pagsulat at ikatlo, ang pag-unlad sa pagsulat ay naiimpluwesnsiyahan ng
antas ng kanilang gulang dahil na rin sa iba’t ibang pagkatuto natin sa wika sa bawat
yugto ng ating buhay bilang estudyante. Ang pag-aaral ay nagbibigay ng rekomendasyon
na sa kadahilanan na ang pagkakamit ng kakayahan at kasanayan sa pagsulat ay
sumasailalaim sa bawat yugto ng pag-unlad mahalaga na makapagbibigay ang guro ng
angkop na pagsasanay sa pagsulat para maiugnay ang sarili at matapos ang pagsasanay
ng may tiwala sa sarili. Karagdagan, ang bawat mga guro ay nararapat na makalikha ng
kalagayan sa silid-aralan na makahihikayat sa bawat mag-aaral na sumulat at magsalita.
Pinatutunayan ng pag-aaral na ito na sa bawat antas ng pag-aaral ang bawat mag-
aaral ay magkamit ng mga kasanayan sa pamamagitan ng sistematikong pamamaraan
upang mahubog ang kakayahan sa pagsulat kaisa ang pag-aaral na ito sa kasalukuyang
pananaliksik ang makita ng bawat guro ang kabisaan ng process approach para sa
tamang paggabay at positibong pananaw sa pagsulat.
Sa isinulat ni Prof. Ramades M. Doctor na may pamagat na“Teacher Education
Curricula” na matatagpuan sa aklat na Philippine Extension Service Review na nailimbag
noong 1996. Tinalakay niya ang propesyon ng pagtuturo na naaayon sa kurikulum ng
edukasyon na kung saan dapat mapaunlad ang pagkaunawa, kakayahan at pag-uugali ng
mag-aaral. Ang tagapagturo ay isa sa tagapagpaunlad ng programang pang-edukasyon at
pangwika.Idinagdag pa niya na ang mga paaralan ay gumagamit ng iba’t ibang
pamamaraan para madaling matuto ang mga mag-aaral. Isa sa pamamaraang ito ay ang
kurikulum na nagiging instrumento sa pagsalin ng pag-asa o inaasahang edukasyon sa
kongkretong realidad. Para magawa na ang kurikulum sa programang pang-edukasyon at
21
pangwika ay maging totoong epektibo, ang kailangan ay iagapay sa panahon ang sistema
ng edukasyon na kung saan nalilinang ang kaalaman, operasyunal na kakayahan at
pagpapatupad ng katanggap-tanggap na pamamaraan. Sa bawat isa na nagbibigay ng
malikhaing mga karanasan at pagpapaunlad ng pag-iisip kasabay ang paparating na
bagong kaalaman sa pag-usad ng panahon (97-98).
Sa rekomendasyong ito ay pinahihintulutan ang paggamit ng mga estratehiya sa
pagtuturo para sa lubos na pagkatuto.Magkatulad ito sa layon ng pananaliksik na
maipakita ang isang epektibong dulog para magtulungan ang mga mag-aaral na mahubog
ang kasanayan sa pagsulat at ito nga ang process approach.
Sa pag-aaral ni Sengseng (1987) ipinahayag niya na “huwag nating asahan ang
ating mga estudyante na makalikha ng isang komposisyon na higit na orihinal at
makabuluhan sapagkat ang kanilang kakayahan ay nakadepende lamang sa uri ng
materyal at estratehiyang ginamit sa pag-uugnay ng kanilang mga karanasan upang
makapagsulat kaalinsabay nito ang pagtuturo ng tamang proseso ng pagsusulat.
Kaisa ang mananaliksik sa pahayag na ito na ang kakayahan ng bawat mag-aaral
ay nakadepende sa paraang ng pagbibigay ng tamang estratehiya ng pagsulat upang lubos
na mahubog ang kanilang kakayahan. Ang sapat na panahon at mga panimulang gawain
bilang paghahanda sa kanilang pagsulat ay lubos na nakakatulong upang lalo silang
magkaroon ng lubos na pagkaunawa sa paksang kanilang nais na isulat at ang pagbibigay
ng puna ay makakatulong upang higit na magabayan ang mga mag-aaral.
B.Banyagang Pag-aaral
Sa pag-aaral na ginawa ni Belinda Ho (2006) Effectiveness of using the
22
process approach to teach writing in six Hong Kong Primary Classrooms”. Napatunayan
ng pag-aaral na ito na epektibo ang paggamit ng prosesong ito sa paghubog ng kasanayan
sa pagsulat. Ang pagtaya ng pagiging epektibo nito ay ang pagsasagawa ng post-
interviews at paghahambing sa pre at post questionnaire, pre-test at post-test. At
pinatunayan nito na positibo ang resulta sa lahat ng klase na may mataas at mababang
antas ng talino. Iminumungkahi niya na maaring ito ay sagot para sa higit na epektibong
paglinang ng mga mag-aaral sa kasanayan sa pagsulat. Karagdagan, bago isinagawa ang
pag-aaral ang mga guro ay sumailalim muna sa dalawang buwang pag-aaral sa programa.
Ang pag-aaral na ito ay kahalintulad ng kasalukuyang pag-aaral ng
mananaliksik na epektibong estratehiya ang process approach sa paglinang ng kasanayan
sa pagsulat batay sa mga feedback o puna na ibinigay ng mga kalahok.
Sa pag-aaral na isinagawa ni Onozawa (2000) na pinamagatang “The Use of
Process Approach : A suggestion for an eclectic writing” tinalakay niya ang mga
kabutihang dulot ng paggamit ng process approach ayon sa kanyang pag-aaral
nagkakaroon ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na magsulat o bumuo ng
komposisyon na nakakatulong sa paglinang ng kanilang kakayahan sa pagsulat dahil sa
tatlong proseso ng pagsulat na kanilang pinagdadaanan.Nakabubuti rin ang paggamit ng
istratehiyang ito sa paggamit ng wika sapagkat ang mga mag-aaral mismo ang pipili at
lilikha ng mga salita na angkop sa nilalaman at mensahe ng kanilang komposisyon.
Nabibigyang-halaga rin nito ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagbibigay-puna
sa kanilang isinulat.Karagdagan pa,aniya, ang istratehiyang ito ay nakabubuti sa mga
mag-aaral dahil sa iba’t ibang gawain na nakakatulong sa paglinang ng kakayahan sa
paggamit ng wika at ang paggamit ng teknik na “conferencing”.
23
Bagamat ang naturang pag-aaral ay nakatuon sa mga mag-aaral na eclectic
masasabi ko na ang kinalabasan ng pag-aaral ni Onozawa ay nakakatulong sa pag-aaral
ng kabisaan ng process approach dahil sa bawat mag-aaral ay mayroong eclectic learner,
manapa ay masasabing sa kahit anong uri ng mag-aaral ay maaring epektibong magamit
ang prosesong ito upang malinang ang kakayahan sa pagsusulat na isa sa makrong
kasanayan ng Filipino.
Ayon naman sa pag-aaral na ginawa ni Unger (2004) na pinamagatang “Is Process
Writing the, Write Stuff?” batay sa kanyang mga rekomendasyon ay nangangailangan pa
rin ng malawakang pag-aaral at pananaliksik tungkol sa kabisaan ng process approach
sa pagsulat bagamat ayon sa kanya ay sapat ang mga nalikom na datos para masabing
epektibo ang paggamit ng process approach. Lalo na ang paggamit ng una at ikalawang
yugto ng pagsulat; ang panimulang pagsulat (Prewriting) at pagsulat (Writing) ay
nakatutulong sa paghubog ng kakayahan sa pagsulat. Sa kabuuan ang resulta ng kanyang
pag-aaral ay nagmumungkahi ng paghahanap ng mga tugma at angkop na materyales sa
paggamit ng prosesong ito sa pagtuturo ng pagsulat sa bawat mag-aaral.
Iminumungkahi ng pag-aaral na ito, na kailangan pa ng iba pang pag-aaral upang
higit na mapatunayan ang pagiging epektibo ng paggamit ng process approach. Ang mga
datos na nalikom ng pag-aaral ng mananaliksik ay magsisilbing patunay sa kakayahan at
kabisaan ng prosesong ito sa paghubog ng kakayahan ng bawat mag-aaral sa mahusay na
pagpapahayag ng kanilang mga saloobin at pananaw sa pasulat upang magkaroon ng
malawak na kaalaman sa paggamit ng wika at organisasyon ng ideya.
Ayon din sa pag-aaral ni Chau ( ) na isinagawa sa Ly Tu Trong Specialized
Upper-Secondary School na may paksang “The impact of Adapting the Process-Oriented
24
Approach on EFL Learners Writing Performance”. Tinalakay niya sa kanyang
rekomendasyon ang mga lumabas na suliranin na naranasan ng mga ginamit niyang
kalahok sa kanyang pag-aaral. Ang mga nakitang suliranin ay ang mahabang panahon ng
paghahanda ng mga mag-aaral at guro gaya ng brainstorming at pangangalap ng mga
impormasyon sa pagsulat ng paksa, ang oras para sa pagsulat ng unang burador, ang
pagrerebyu at pag-eedit at pagsulat muli.Ang lahat ng mga ito ay hindi magagawa sa loob
lamang ng 45 minuto o isang oras. Kaya iminumungkahi ng pag-aaral na ito kung ito ay
isasali sa kurikulum ay kailangang isaalang –alang ang paglalaan ng sapat na oras para sa
matagumpay na pagpapatupad ng process approach.
Ginamit din ng pag-aaral na ito ang English for Second Language Composition
Profile ni Jacobs sa pagtaya ng mga komposisyon ng mga mag-aaral.Tinaya ang bawat
komposisyon sa pamamagitan ng nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at
mekaniks.
Ang mga kinalabasan ng pag-aaral at rekomendasyon ni Chau ay tumutugma sa
nakalap ng mananaliksik. Ito rin ang nagsisilbing kahinaan ng process approach sa
pananaw ng mga kalahok. Bagamat ang mga ito ay hindi nararapat na maging hadlang sa
pagpapatupad ng prosesong ito gaya ng nasabi ni Chau dapat lamang itong isaalang-alang
sapagkat ang bunga naman ng prosesong ito ay higit na mapapakinabangan ng mga mag-
aaral lalo na sa pasulat na pakikipagtalastasan. Bagamat ginamit ng pag-aaral ng
mananaliksik ang ESL Composition Profile ni Hughey at hindi ang kay Jacobs masasabi
pa rin natin na hindi sila nagkaiba sa pagtaya ng komposisyon na sinulat gaya ng
pagsukat sa nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks.
25
Batayang Konseptwal
Ang pagsulat ay isa sa mga limang makrong kasanayan na nililinang ng
asignaturang Filipino sa bawat mag-aaral na nakatuon sa pagpapahayag ng pananaw,
saloobin o damdamin. Ipinapakita rin nito ang lubos na kabatiran ng bawat mag-aaral sa
paksa na nililinang.
Ang paglinang sa kasanayan sa pagsulat ay maaring mapadali sa pamamagitan ng
paggamit ng isang dulog o estratehiyang angkop sa pagtuturo ng kasanayang ito.Isang
estratehiyang tutugon sa pangangailangan, interes at estilo ng bawat mag-aaral.
Nagsisimula ang pagtuturo ng estratehiyang process approach sa pamamagitan ng
pangangalap ng guro ng mga angkop na materyales na gagamitin sa pagtuturo.Matapos
maihanda ang mga ito,sumasailalim ang bawat mag-aaral sa tatlong yugto ng
pagsulat:unang yugto (Prewriting) ang bawat mag-aaral ay nakatuon sa pagpili ng paksa
batay sa kanilang interes at kaalaman,pagpili ng anyo ng komposisyon, paglimita sa
paksa at pangangalap ng impormasyon sa napiling paksa, ang pangalawang yugto ay ang
pagsulat (writing) dito nakapaloob ang pagsulat ng unang burador ito ay nakadepende sa
anong uri ng kombensyon ang napili gaya ng pagbibigay ng wakas ng kwento, sanaysay
at liham paanyaya at ang huling yugto ay ang pagsulat muli (Post writing) nakapaloob
dito ang rebisyon ng mag-aaral, pagbibigay feedback gamit ang isang batayan ng pagtaya
ng marka at ang pagsulat ng huling burador.Ang bawat mga yugto ng pagsulat ay
tumtulong upang mahubog ang kasanayan sa pagsulat. Ang kahusayan at kasanayan sa
pagsulat ay makapagpapabago sa nangingibabaw na konseptong nakababagot ang
pagsulat.Ang pagsulat ay tumutulong sa paghubog ng iba pang kasanayan gaya ng
lohikal na pag-iisip, paglutas ng suliranin at pagiging kritikal at mapanuri. Makakatulong
26
Implikasyon ng
pag-aaral sa
mga mag-aaral,
guro at paaralan
Implikasyon ng
pag-aaral sa
mga mag-aaral,
guro at paaralan
Panimulang Pagsulat
a.Paghahanda ng mga
halimbawa ng pagbibigay
wakas ng kwento, sanaysay
at liham ng paanyaya.
b.Konbensyon ng pagsulat
c.Pag-aayos ng mga ideya
Panimulang Pagsulat
a.Paghahanda ng mga
halimbawa ng pagbibigay
wakas ng kwento, sanaysay
at liham ng paanyaya.
b.Konbensyon ng pagsulat
c.Pag-aayos ng mga ideya
din ito sa pag-angat ng pang-akademikong pagganap ng bawat mag-aaral. Ang prosesong
ito ay makakatulong sa bawat mga guro upang higit na maging epektibo sa pagtuturo.
Kaalinsabay ng pag-unlad ng bawat mag-aaral any ang pag-unlad din ng paaralan higit
lalo na sa larangan ng pagsulat bilang isa sa mga mahalagang makrong kasanayan.
27
Pagsulat (Writing)
Pagsulat ng Unang Burador
sa wakas ng kwento,
sanaysay at liham ng
paanyaya
.BBBurBrBurador
Pagsulat (Writing)
Pagsulat ng Unang Burador
sa wakas ng kwento,
sanaysay at liham ng
paanyaya
.BBBurBrBurador
Kabisaan ng
paggamit ng
process
approach
Kabisaan ng
paggamit ng
process
approach
Muling Pagsulat (Post
Writing)
Rebisyon,Proofreading,fe
edback,pagtaya gamit ang
Second Language Profile
ni Hughey (1983)
Pagsulat ng UBurador
Muling Pagsulat (Post
Writing)
Rebisyon,Proofreading,fe
edback,pagtaya gamit ang
Second Language Profile
ni Hughey (1983)
Pagsulat ng UBurador
Pag-unladng
antasng
kasanayansa
pagsulatngmga
mag-aaralsa
IkatlongTaon
Pag-unladng
antasng
kasanayansa
pagsulatngmga
mag-aaralsa
IkatlongTaon
Unang Pigura: Ang Daloy ng Process Approach tungo sa kasanayan sa Pagsulat
28
Kabanata 3
PAMAMARAAN AT PINAGMULAN NG MGA DATOS
Sa kabanatang ito ilalahad ang mga disenyo ng pananaliksik, lokal ng pag-
aaral,pinagmulan ng datos, instrumentong ginamit sa pag-aaral, pinagmulan ng datos,
instrumentong ginamit sa pananaliksik, pamamaraan ng pagbibigay ng iskor at
grado,pamamaraan ng pagkalap ng mga datos at estatistikang ginamit sa pagsusuri ng
mga datos.
Disenyo ng Pananaliksik
Ginamit ng mananaliksik ang eksperimental na pamamaraan ng pananaliksik.
Napili ito sapagkat, ito ang makatutugon sa pagtukoy ng kabisaan ng paggamit ng
process approach sa pagsulat ng mga mag-aaral.Ang pamamaraang ito ay maglalarawan
ng antas ng kasanayan sa pagsulat sa asignaturang Filipino ng Caluluan High School
matapos maituro ang process approach. Nagkaroon din ang mananaliksik ng panayam sa
mga kalahok upang makita ang kalakasan at kahinaan ng istratehiyang ito.
Lokal ng Pag-aaral
Ang Pampublikong Paaralan ng Caluluan ay matatagpuan sa
Caluluan,Concepcion, Tarlac.Naitatag ito noong 1966 (Taong Panuruan 1966-1967) sa
pamamagitan ng tulong ng Konseho ng Baryo sa pamumuno ng Kapitan ng Barangay na
si Victor Mallari, Pangulo ng Samahan ng mga Magulang na si G. Bienvenido Hipilito at
ni G. Glicerio Zablan na noon ay Punong-Guro ng elementarya ay naipatayo ang
paaralan.Ito ay matatagpuan malapit sa Barangay Parulung mayroon itong halos 25 mga
silid-aralan,kantina, silid-aklatan at mga tanggapan ng guro.
Patuloy sa paglago ang Pampublikong Paaralan ng Caluluan na may 48 na mga
29
guro , 4 na Head Teacher sa Agham, Matematika, Araling Panlipunan at Communication
Arts at humigit kumulang sa 1200 mga mag-aaral na galing sa mga kalapit na
barangay.Ito ay nagpapatupad ng Basic Education Curiculum sa Ikaapat at Ikatlong
Taon,Secondary Education Curriculum sa Ikalawang Taon at K-12 Curiculum sa Unang
Taon.
Pinagmulan ng mga Datos
Ang mga mag-aaral sa Ikatlong Taon ng Mataas na Paaralan ng Caluluan, taong
panuruan 2012-2013 ang ginamit na kalahok sa pananaliksik. Ang mga kalahok ay
binubuo ng 290 na mag-aaral mula sa mga ito ginamit ang random sampling na fish
bowl technique para makuha ang 80 mag-aaral. Ginamit din ang stratified sampling
upang ayusin ang mga kalahok batay sa pinakamataas at pinakamababang marka na
nakuha nila sa Filipino II bawat mag-aaral ay binigyan ng bilang mula 1-80.Mula sa
mga bilang na ito ay ginamit ang lahat ng odd number bilang control group at ang
even number bilang experimental. Ang mga nabibilang sa control group ay sasailalim
sa tradisyunal na paraan ng pagtuturo ng pagsulat samantalang ang experimental ay
sasailalim sa pagtuturo ng process approach.
Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik
Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay ang Second Language
Composition Profile (Hughey et. al. 1983). Ito ang ginamit sa pagtaya ng antas ng
kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat at kabisaan ng process approach.
Ang nabanggit na Composition Profile ay binubuo ng mga iskor na 30 para sa
nilalaman, 20 para sa organisasyon, 20 para sa talasalitaan , 25 para sa tamang
paggamit ng wika/gramatika at 5 para sa mekaniks.Ang kabuuang iskor ay 100.
30
Ang Second Language Composition Profile ni Hughey (1983) ay nagtataglay ng
5 bahagi at bawat bahagi ay nakatuon sa isang aspekto ng pagsulat at may katumbas na
kahalagahan sa pagsulat.
Ang nilalaman ay magbibigay tuon sa kaalaman ng mag-aaral sa paksa ng
pagsulat, maging ang pagiging malikhain nito sa paggamit ng mga salita,talasalitaan at
ng wikang Filipino para sa epektibong paglalahad ng mga ideya.
Ang bawat mga bahagi ay binigyan ng katumbas na bilang upang masukat ito at
nilagyan din ng apat na antas ng pagkatuto (Lubhang Mahusay__Mahusay,
Magaling__Magaling-Galing, Karaniwan___Mahina at Lubhang Mahina) na binigyan
ng tiyak na paglalarawan para kumatawan sa bawat krayterya ng pagsulat ng
komposisyon.
Ito ay susukatin batay sa bawat iskor na makukuha sa bawat bahagi o krayterya at
ang magiging kabuuang iskor ng bawat kalahok.
Ang mga nilalaman at gawain ng binuong mga aralin na ipapatupad sa
experimental at control group ay isinangguni ng guro/mananaliksik sa kanyang Punong-
guro, Head Teacher sa Communication Arts at sa tatlong mga kasama pa niyang guro na
nagtuturo ng Filipino para sa ebalwasyon. Nagmasid din ang Head Teacher para sa
pakitang turo ng pagpapatupad ng process approach ng mga nasa experimental group.
Para sa aralin ng pagbibigay ng wakas ng kwento ginamit at dinagdagan ng
mananaliksik ang mga gawain na nasa Banghay Aralin na matatagpuan sa Gabay sa
Pagtuturo ng Basic Education Curriculum para sa Filipino III,sa pagsulat ng sanaysay
ay nangalap sa mga aklat sa retorika at internet ng mga datos kung paano ang paraan
ng pagsulat ng sanaysay at sa pagbibigay ng liham ng paanyaya ay ginamit muli ng
31
mananaliksik ang Banghay Aralin na matatagpuan sa Gabay sa Pagtuturo ng BEC at
dinagdagan ito ng mga gawain ng mga mag-aaral na lilinang sa kasanayan sa pagsulat.
Samantalang tatayain ang komposisyong ng experimental at control group gamit
ang Second Language ni Hughey. Magkapareho ng aralin ang experimental group gaya
ng pagbibigay ng wakas ng kwento, pagsulat ng sanaysay at pagsulat ng Liham ng
Paanyaya. Parehong ituturo ang kombensyon ng pagsulat sa dalawang grupo ngunit
magiging magkaiba sa istratehiyang gagamitin. Kapwa tatanggap ng limang araw na
pagtuturo ang experimental at control group sa bawat komposisyon na lilikhain.Sa
kabuuan ay may labinglimang araw ng pagtuturo sa bawat grupo upang maisakatuparan
ang pag-aaral.
Ginamit din ng mananaliksik ang panayam bilang instrumento upang makalikom
ng mga datos ukol sa kalakasan at kahinaan ng process approach. Tinanong ang 40
kalahok na nasa experimental group tungkol sa kanilang karanasan sa pagsulat, kung
nakatulong ang mga gawain sa paghubog ng kanilang kasanayan sa pagsulat,kung
nakatulong ang puna sa pagpapahusay ng kanilang komposisyon at ng natapos ang
proseso ay higit na naunawaan ang mga paraan ng pagsulat ng iba’t ibang komposisyon.
Pamamaraan ng Pagbibigay ng Iskor at Grado
Bibigyan ng iskor ang unang burador at pinakahuling burador ng mag-aaral gamit
ang Second Language Composition Profile ni Hughey (1983). Magsisilbing tagapagwasto
at tagapagbigay ng puna ang Guro/Mananaliksik.Magkahiwalay ang iskor sa nilalaman,
organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks. Ang bawat iskor sa pagsulat ng burador at
panghuling burador ay ihahambing upang masukat ang kabisaan ng paggamit ng process
32
approach sa pagsulat. Susukatin rin ang kabuuan ng iskor na nakuha sa bawat komponent
upang matukoy ang kanilang antas ng kasanayan.
Pamamaraan ng Pagkalap ng mga Datos
Ang mga sumusunod na mga hakbang ang ginamit ng mananaliksik sa
pagsasagawa ng process approach upang makalikom ng datos na magpapatunay ng
kanyang kabisaan.
(Experimental Group)
Pagsulat ng Wakas ng Kwento
Ang bawat mag-aaral ay nagsulat ng wakas ng maikling kwento ni
“Kwento ni Mabuti” .Dalawang mga komposisyon ang isinulat, ang unang burador at ang
panghuling burador.
Panimulang Pagsulat
A. Panimulang Pagsulat (Prewriting)
Nagkwento ang mga mag-aaral ng kanilang mga hindi makakalimutan na
karanasan sa kanilang mga nagdaang guro sa elementarya at sekundarya.Nagbigay din
sila ng pagpapakahulugan tungkol sa pamagat ng “Kwento ni Mabuti” na sinulat ni
Genoveva Edroza-Matute na hango sa Gabay sa Pagtuturo-Filipino III ng Basic
Education Curriculum.Narito ang mga katanungan:
Ano ang ibig sabihin ng pamagat?
Tungkol saan ang kwento?
Bakit kaya ganito ang pamagat ng kwento?
B. Pagpapabasa sa akda
33
C. Pagbibigay ng buod ng kwento
D. Pagsusuri sa maikling kwento ayon sa mga sumusunod:
1. Banghay
2. Paningin
3. Paksang-diwa
4. Himig
5. Tauhan
6. Tunggalian
7. Teoryang Pampanitikan
8. Pag-uugnay sa akda sa mga tiyak na karanasan
(pangkatang gawain)
9. Pangangalap ng impormasyon sa silid-aklatan bilang
paghahanda sa komposisyong isusulat.
II.Pagsulat ( Writing )
A. Pagsasalaysay sa maikling kwento “Estero”.
B. Pagtalakay sa mga tuntunin ng pagsulat ng maikling kwento.
C. Pagbasa sa halimbawa ng pagbibigay ng wakas ng kwento, ang
“Estero”.
34
D. Pagsulat ng mga mag-aaral ng wakas ng kwento ng “Kwento ng
Mabuti”.
E. Pagsumite ng output para sa pagbibigay ng puna ng mananaliksik.
III. Muling Pagsulat (Postwriting)
A. Pagsasauli sa sinulat na burador kasama ng mga puna at komento.
B. Pagpapaliwanag sa mga komento. (One-on-one).Tinalakay sa mga
komento ang nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at
mekaniks.Binigyang-diin din ng mananaliksik ang kalakasan at
kahinaan ng komposisyong sinulat ng bawat mag-aaral para sa higit na
ikagaganda ng kanilang mga komposisyon.
C. Muling pagsulat sa komposisyon.Tinaya muli ng mananaliksik ang
mga panghuling output upang matukoy kung naging mabisa nga ba
ang process approach sa kanilang pagsulat.
Pagsulat ng Sanaysay
Ang mga kalahok ay sumailalim sa mga proseso na inilalalarawan sa ibaba upang
maisulat ang una at huling burador.
I. Panimulang Pagsulat (Prewriting)
1. Pagpapabuod sa maikling kwentong “Ang Kwento ni Mabuti” ni Genoveva
Edroza-Matute.
35
2. Tinalakay ang mga magagandang mga pananaw ng pangunahing tauhan sa
kwento.
3. Sinuri ang kalakasan at kahinaan ng propesyon ng pagiging guro.
4. Bumasa ang guro ng halimbawa ng isang sinulat na sanaysay tungkol sa guro.
(Ito ay ang isa sa mga sinulat o output ng mananaliksik sa kanyang asignatura
sa (Pagbasa at Pagsulat)
5. Pagpili ng paksa
6. Pangangalap ng impormasyon ukol sa napiling paksa.
7. Tinalakay ang mga tuntunin o paraan ng pagsulat ng sanaysay.
a. Tatlong Mahahalagang hakbang sa pagsulat ng sanaysay
b. Gabay sa pagsulat ng sanaysay.
II. Pagsulat
1. Binigyan ng isang oras ang mga mag-aaral upang makapagsulat ng isang
sanaysay na may kaugnayan sa guro.
2. Pinaalalahanan ang mga mag-aaral na iugnay ang kanilang mga karanasan
maging ang mga tinalakay na impormasyon na isali ito sa pagsulat ng
kanilang sanaysay maging ang resulta ng kanilang pananaliksik.
3. Sinimulang sulatin ang unang burador at ipinasa sa guro para sa pagbibigay
puna.
36
III. Muling Pagsulat (Post Writing)
1. Binigyan ng puna at iskor ng guro/mananaliksik ang unang burador batay sa
nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks.
2. Nagkaroon ng “one on one” ang guro/mananaliksik ukol sa kanilang iskor at
kung paano higit na mapapahusay ang kanilang komposisyon batay sa
kinalabasan ng pagtaya gamit ang Second Language Profile Composition.
3. Matapos ang pagbibigay ng puna sinulat ang huling burador.
4. Tinaya muli ng guro/mananaliksik ang iskor ng mag-aaral gamit pa rin ang
Second Language Composition Profile ni Hughey (1981).
Pagsulat ng Liham ng Paanyaya
I. Panimulang Pagsulat (Prewriting)
1. Palarong pahulaan kung ano ang okasyon ang isinasaad ng mga
larawang ipinakita ng guro.
2. Pagtalakay sa mga larawan kung kailan, saan ito ginanap, sino ang
tagapagsalita at paano kaya inanyayahan.
3. Pagtatanong sa mga mag-aaral kung ano ang nalalaman nila sa
pagsulat ng Liham ng Paanyaya.
4. Pagpapabasa sa isang tiyak na halimbawa ng liham na paanyaya.
5. Pagbibigay reaksyon ng mga mag-aaral sa nilalaman ng liham.
37
6. Pagbibigay ng sintesis tungkol sa mga kailangan sa pagsulat ng liham
ng paanyaya.
7. Pangangalap ng iba pang impormasyon ukol sa Liham Paanyaya.
8. Pagtalakay sa mga tuntunin o paraan ng pagsulat ng liham ng
paanyaya.
II. Pagsulat
1. Binigyang ng isang oras upang matapos ang pagsulat ng “Liham ng
Paanyaya”.
2. Isinumite ang sinulat na unang burador para sa pagbibigay ng puna.
III. Muling Pagsulat (Post writing)
1. Binigyan ng puna at iskor ng guro/mananaliksik ang unang burador batay
sa nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks.
2. Nagkaroon ng “one on one” ang guro/mananaliksik ukol sa kanilang iskor
at kung paano higit na mapapahusay ang kanilang komposisyon batay sa
kinalabasan ng pagtaya gamit ang Second Language Composition Profile
ni Hughey (1983).
3. Matapos ang pagbibigay ng puna at pagwawasto sa komposisyon ay
sinulat ang huling burador.
38
4. Tinaya muli ng guro/mananaliksik ang iskor ng mag-aaral gamit ang
Second Language Composition Profile ni Hughey (1983).
Matapos ang tatlong mga komposisyon sa pagpapatupad ng
process approach ay tinanong ng guro/mananaliksik ang mga mag-
aaral ukol sa nakita nilang mga kalakasan at kahinaan nito.Isinulat ng
mga mag-aaral ang kanilang mga saloobin saka ito tinipon ng
mananaliksik.
(Control Group)
Sumailalim ang grupong ito sa tradisyunal na pagtuturo, ang bawat komposisyon
ay nagkaroon ng limang araw na pagtalakay.Karaniwang pagpapaliwanag sa mga
tuntunin ng pagsulat ng wakas ng kwento, sanaysay at liham ng paanyaya. Matapos ang
talakayan ay nagpakita ng modelo o halimbawa ng nasabing komposisyon at hinayaan
na ang mga mag-aaral na magsulat.Matapos ang pagsusulat ipinasa ang papel at saka ito
iniwasto ng guro.Tinanggap ng mga mag-aaral ang kanilang mga komposisyon at
isinulat itong muli upang itama ang mga kamalian.
Narito ang pamamaraan na tinanggap ng mga mag-aaral na nasa control group. Sa
pagsulat ng wakas ng kwento, pagsulat ng sanaysay at liham ng paanyaya, ang mga
sumusunod na hakbang ay isinagawa.
1. Pagtalakay sa kombensyon ng pagsulat ng wakas ng kwento, sanaysay at liham ng
paanyaya.
39
2. Nagbigay ng isang halimbawa ng naisulat na komposisyon sa pagsulat ng wakas ng
kwento, sanaysay at liham ng paanyaya.
3. Pagsulat ng mga mag-aaral ng wakas ng kwento, sanaysay at liham ng paanyaya.
4. Pagpasa ng output sa guro/mananaliksik.
5. Tinaya ng guro ang sinulat na komposisyon gamit ang Second Language
Composition Profile ni Hughey (1983) para sa pagbibigay ng marka.
Pagsusuring Pang-istatiska
Ginamit ang mga sumusunod na instrumento para sa pagbibigay-kahulugan sa
mga datos na nakalap.
1. Frequency – ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na magkakaroon ng mataas
at mababang iskor sa una at huling pagsulat ng burador.
2. Measure of Central Tendency- ang pagtukoy nito ay ang paggamit ng
Mean.Kukunin ang mean ng iskor ng una at huling borador upang makita kung
naging mabisa ang paggamit ng process approach sa mga kalahok.
X= fm/n
Kung saan: f= frequency
m= midpoint
n= number of cases
Sa pagtaya ng bawat komposisyong sinulat ay ginamit ang Second Language
Composition Profile (Hughey et. al. 1983).Kung saan ang bawat mga bahagi ay binigyan
ng katumbas na bilang upang masukat ito at nilagyan din ng apat na antas ng pagkatuto
(Lubhang Mahusay_Mahusay, Magaling__Magaling-Galing, Karaniwan__Mahina at
40
Lubhang Mahina) na binigyan ng tiyak na paglalarawan para kumatawan sa bawat
krayterya ng pagsulat ng komposisyon.
41
Kabanata 4
PAGSUSURI, PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG MGA
DATOS
Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga tinipong datos na nasa talahanayan
at tekswal na anyo.Ang mga datos ay inayos,pinag-uri-uri at sinuri gamit ang mga
angkop na instrumentong pang-istatistika at mga proseso na nailarawan sa kabanata 3.
Ang interpretasyon ay naisagawa sa paliwanag ng mga tiyak na sakop at lawak ng
pag-aaral na ito.
Kaugnay ng mga layuning ito, ang mga sumusunod ay maingat na sinuri ng
mananaliksik.
1. Antas ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral bago at matapos
ituro ang process approach bilang isang istratehiya sa pagsulat batay sa
nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika/gramatika at mekaniks.
Ang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa ikatlong taon sa una at
huling burador ay sinukat gamit ang limang krayterya na makikita sa Second
Language Composition Profile (Hughey et. al. 1983). Ito ay binubuo ng nilalaman
(30%), organisasyon (20%), talasalitaan (20%), wika (25%) at mekaniks (5%).Ang
kanilang kasanayan ay makikita sa kanilang mga iskor sa bawat krayterya sa una at
huling burador ng kanilang sanaysay, pagsulat ng Liham ng Paanyaya at pagbibigay
wakas ng kwento. Matapos masukat ay kinuha ang karaniwang iskor sa bawat
krayterya upang mailarawan ang antas ng kasanayan sa pagsulat.
Makikita sa ibaba ang pagsusuri at interpretasyon sa mga datos kaugnay sa
antas ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral batay sa kalidad ng kanilang
42
sinulat na hinati-hati sa limang komponent.
A. Pagbibigay ng Wakas ng kwento
Talahanayan 1
Karaniwang Iskor sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga
Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach
Unang Burador Huling Burador
Komponent Kabuuang
Iskor
Karaniwang/
Mean
Deskripsyong
Berbal
Kabuuang
Iskor
Karaniwan
g
Mean
Deskripsyong
Berbal
Nilalaman
30%
830 20.75 Karaniwang
Mahina 1058 26.45
Lubhang
Mahusay-
Mahusay
Organisasyo
n 20%
538 13.45 Magaling-
Magaling-
Galing
700 17.5
Lubhang
Mahusay-
Mahusay
Talasalitaan
20%
450 11.25 Karaniwang
Mahina
750
18.75
Lubhang
Mahusay-
Mahusay
Wika
25%
690 17.25 Magaling-
Magaling-
Galing
860
21.5
Lubhang
Mahusay-
Mahusay
Mekaniks
5%
130 3.25 Karaniwang
Mahina
180 4.5
Lubhang
Mahusay-
Mahusay
Kabuuan
65.95 88.7
1.1. Karaniwang Iskor ng mga Mag-aaral bago at Matapos ang Pagtuturo
ng Process Approach.
Ipinakikita ng Talahanayan 1 ng karaniwang iskor o mean ng mga mag-aaral
sa pagsulat ng una at huling burador batay sa limang krayterya. Para sa nilalaman ng
43
unang burador nagkaroon ng kabuuang iskor na 830 na may karaniwang mean na
20.75 at deskripsyong berbal na karaniwan_mahina samanatalang matapos
maisagawa ang proseso ng process approach ay nagkaroon ng kabuuang iskor na
1058 at karaniwang mean na 26.45 na may deskripsyong berbal na Lubhang
Mahusay_Mahusay.
Batay naman sa organisasyon nakakuha ang mga mag-aaral ng kabuuang iskor
na 538 na may karaniwang mean na 13.45 at deskripsyong berbal na
Magaling_Magaling-Galing. Samantalang sa pinal na burador ay nakakuha ng
kabuuang iskor na 700 at karaniwang mean na 17.5 na may deskripsyong berbal na
Lubhang Mahusay_Mahusay.
Batay naman sa talasalitaan ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang
iskor na 450 at karaniwang mean na 11.25 at Karaniwang_Mahina bilang
deskripsyong berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 750 at 18.75
na karaniwang mean at Lubhang Magaling bilang deskripsyong berbal.
Batay naman sa wika ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor
na 690 at karaniwang mean na 17.25 at Magaling_Magaling-Galing bilang
deskripsyong berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 860 at 21.5 na
karaniwang mean at Lubhang Mahusay_Mahusay bilang deskripsyong berbal.
Batay naman sa mekaniks ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor
na 130 at karaniwang mean na 3.25 at Karaniwang_Mahina bilang deskripsyong
berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 180 at 4. 5 na karaniwang
mean at Magaling_Magaling-Galing bilang deskripsyong berbal.
44
Ipinapakita ng mga nakalap na datos na mahina ang pundasyon sa pagsulat ng
mga mag-aaral sapagkat ang kasanayang ito ay nililinang sa bawat yugto ng pag-aaral
Francisco (1991) dumaan ang mga mag-aaral sa iba’t ibang antas ngunit hindi
nalinang ang kasanayang ito, naging limitado ang talasalitaan at ideya dahil sa
kawalan ng interes sa pagbabasa .Maari ring maging salik ng kahinaan ay ang
kawalan ng kaalaman sa kombensyon ng pagsulat ng ganitong teksto.At ang kawalan
ng puna upang malaman ang mga kamalian.Ngunit nang matapos maisagawa ang
proseso ng process approach ay tumaas ang mga kabuuang iskor batay sa limang
krayterya. Patunay na nagabayan nang tama, nabigyan ng makabuluhang pagpuna at
sapat na kaalaman kung paano isusulat ang ganitong teksto.
1.2. Nilalaman
Ito ang pinakamahalagang krayterya sa pagtaya ng sulatin o komposisyon.
Sapagkat dito makikita ang lawak ng kaalaman at lubos na pagkaunawa sa paksa ng
mga mag-aaral. Sa mga sinulat na komposisyon gaya ng pagbibigay ng wakas ng
kwento. Ang nilalaman ay tumutukoy sa maayos na pagpapaliwanag ng paksa,
pagkakaroon ng mga ebidensya ng pagkaunawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mga suportang mga impormasyon na orihinal, kongkretong detalye, paglalarawan,
pagtutulad, pagbibigay ng halimbawa at sanhi at bunga.
Talahanayan 2
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral
Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Nilalaman
Hanay ng Iskor
sa Nilalaman
Unang
Burador
Pinal na
Burador Deskripsyon Berbal
45
30-26 0 25 Lubhang Mahusay-
Mahusay
21-25 15 15 Magaling-Magaling-Galing
20-16 25 0 Karaniwan-Mahina
15-11 0 0 Lubhang Mahina
Kabuuan 40 40
Batay sa talahanayan 1, ipinapakita nito na sa unang burador ay may 25 ang
nakakuha ng iskor sa pagitan ng 20-16 (Karaniwan_ Mahina). ito ang nakuha ng
pinakamalaking bahagdan ng mag-aaral na kung saan nasa karaniwan patungong
mahina ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral batay sa nilalaman ng kanilang
sinulat na wakas ng kwento. Samantalang 15 na mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa
pagitan ng 25-21 (Magaling_Magaling-Galing).Bagamat naituro na sa mga mag-aaral
ang paraan ng pagsulat ng wakas ng kwento at nakabasa ng halimbawa nito
masasabing nasa antas pa rin ng Karaniwan patungong Mahina ang mga mag-aaral
sapagkat ang ganitong komposisyon ay hindi karaniwang isinusulat ng mga mag-
aaral sapagkat ang Filipino II ay nakatuon sa paglikha ng tula, balagtasan at dula na
siyang batayan ng pag-aaral sa ikalawang taon sa ilalim ng Secondary Education
Curriculum (SEC). Ipinapakita rin ng resulta nito na nawalan ng pagkakaugnay ang
mga aralin ng SEC sapagkat sa ikatlong taon ang mga mag-aaral ay nasa ilalim sa
Basic Education Curriculum.
Samantalang matapos maituro ang process approach wala ng mag-aaral ang
nakakuha ng iskor sa pagitan ng 20-16, labinlima sa mga mag-aaral ang nakakuha ng
iskor sa pagitan ng 25-21 (Magaling_Magaling-galing) at 25 mag-aaral ang
nakakuha ng iskor sa pagitan ng 30-26 (Lubhang Mahusay_Mahusay). Pinatutunayan
ng mga datos na ito na nakatulong ang paggamit ng process approach bilang dulog sa
46
pagsulat ng wakas ng kwento upang lubos na mapahusay ang nilalaman ng
komposisyong sinulat. Nagkaroon ng kasanayan ang mga mag-aaral ng Lubhang
Mahusay_Mahusay nakatulong sa mga mag-aaral ang pagbibigay ng puna na
isinagawa ng guro sa bawat mag-aaral dahil sa nagkaroon sila ng pagkaunawa sa
kanilang kamalian at nabigyan ng payo kung paano higit na mapapayaman ang
nilalaman ng kanilang sinulat na siyang diin ng Edukasyong Sekondari ng 2010 ang
paggamit ng iba’t ibang dulog at pamamaraan sa paglinang ng limang makrong
kasanayan sa Filipino.
Sa pagsulat ng huling burador ay hindi nabigyan ng pagkakataon na
magkaroon ng self-correction at peer correction ang mga mag-aaral na dalawang
pamamaraan ng ebalwasyon na iminumungkahi ni Brookes (1990) dahil na rin sa
mababang iskor na nakuha ng mga mag-aaral sa pagsulat ng kanilang unang
burador.Ipinapakita lamang nito na walang kakayahan ang mga mag-aaral na makita
ang kanilang mga kamalian dahil sa mababang marka nila sa nilalaman,
organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks na mga krayterya sa pagbuo ng
komposisyon.Tanging ang guro/mananaliksik o Teacher Correction ang ginamit
bilang batayan ng pagtaya sa mga kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat ng wakas
ng kwento, sanaysay at liham paanyaya.
1.3. Organisasyon
Ang organisasyon ay tumutukoy sa kalinawan ng ideya at paraan ng
pagkakabuo ng paksa mula sa simula, katawan at wakas.
Talahanayan 3
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral
47
Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Organisasyon
Hanay ng Iskor sa
Organisasyon
Unang
Burador
Pinal na
Burador Deskripsyong Berbal
20-17 0 22 Lubhang Mahusay-Mahusay
16-13 17 18 Magaling-Magaling-Galing
12-9 23 0 Karaniwan-Mahina
8-5 0 0 Lubhang Mahina
Kabuuan 40 40
Ang talahanayan 4 ay nagpapakita ng iskor na kumakatawan sa kasanayan
ng mga mag-aaral sa una at pinal na burador matapos maituro ang process approach
batay sa organisasyon. Sa unang burador 23 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa
pagitan ng 12-9 (Karaniwan_Mahina) na nagpapakita na ang sinulat ay hindi
maayos at hindi lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye. Samantalang 17
mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 16-13 (Magaling_Magaling-Galing)
nawala ang pagka-organisado ngunit malinaw pa rin ang paksa. Masasabing ang antas
ng kasanayan ng mga mag-aaral ay nabibilang sa Karaniwan-Mahina
nangangahulugan ito na nahirapan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng wakas ng kwento
dahil sa kawalan ng pagpapakilala sa ganitong uri ng komposisyon, kawalan ng
interes at negatibong pananaw ukol sa pagsulat. Keh (1990)
Sa huling burador ng mga mag-aaral ay wala ng nabibilang sa iskor na sa
pagitan ng 12-9 na nasa Karaniwan_Mahina.Nagkaroon ng 18 mag-aaral na ang iskor
ay nasa pagitan ng 16-13 (Magaling_Magaling-Galing) at 22 mag-aaral ang nakakuha
ng iskor sa pagitan ng 20-17 (Lubhang Mahusay-Mahusay). Ipinapakita nito na
nagkaroon ng pag-unlad sa pagpapahayag ng paksa kasama ng organisadong
paglalahad ng mga pangyayari sa wakas ng kwento ang mga mag-aaral matapos na
maisagawa ang process approach at nagkaroon ng Lubhang Mahusay-Mahusay na
48
antas ng kasanayan ang mga mag-aaral dahil nabigyan ng pansin ng dulog na ito ang
positibong pagpapahusay sa nilalaman, organisasyon at talasalitaan (Keh 1990).
1.4. Talasalitaan
Ang talasalitaan ay sumusukat sa angkop na pagpili at paggamit ng salita
, idyoma at talinghaga sa pagbibigay ng wakas ng kwento.
Nakatuon ang talahanayang 3 sa kasanayan sa talasalitaan. Sa unang burador
ay ipinakita na 35 na mag-aaral ang nasa iskor sa pagitan ng 12-9 (Karaniwan-
Mahina) at 5 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 16-13
(Magaling_Magaling-galing). Batay sa mga datos ang mga mag-aaral ay nabibilang
sa Karaniwan_Mahina kung talasalitaan ang pag-uusapan batay sa kanilang unang
burador sapagkat ang maikling kwento ay nararapat na mayaman sa mga talinghaga at
idyoma upang maipakita ang pagiging malikhain ng isang manunulat.
Talahanayan 4
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral Matapos
Maituro ang Process Approach Batay sa Talasalitaan
Hanay ng Iskor
Sa Talasalitaan
Unang
Burador
Huling
Burador Palarawang Berbal
20-17 0 20 Lubhang Mahusay-
Mahusay
16-13 5 20 Magaling-Magaling-Galing
12-9 35 0 Karaniwan-Mahina
8-5 0 0 Lubhang Mahina
Kabuuan 40 40
Ipinapakita lamang nito na limitado ang talasalitaan ng mga mag-aaral bunga
ng kawalang ng interes sa pagbabasa.Ang pagsusulat ay pagsasalin sa papel ng
anumang kasangkapang maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,
49
simbolo at ilustrasyon (Lozano 2000). Samakatwid nahirapan sa paggamit ng tamang
talasalitaan ang mga mag-aaral dahil sa kawalang ng karanasan at kaalaman.
Samantalang matapos maisagawa ang process approach at maisulat ang pinal
na borador ay nagkaroon ng 20 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 16-13
(Magaling_Magaling-Galing ) at 20 mag-aaral na may iskor sa pagitan ng 20-17
( Lubhang Mahusay_Mahusay). Pinatutunayang ito na nasa pagitan ng
Magaling_Magaling-Galing at Lubhang Mahusay-Mahusay ang antas ng kasanayan
ng mga mag-aaral at nakatulong sa mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang
kaalaman sa mga idyoma, salita at bokabolaryo sa pagtatapos ng pagtuturo ng
process approach sa mga mag-aaral.
1.5. Wika
Ito ay tumutukoy sa kahusayan ng paggamit ng bahagi ng pananalita,
ugnayan ng aspekto, bilang at salita.
Talahanayan 5
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral Matapos
Maituro ang Process Approach Batay sa Wika
Hanay ng Iskor
sa wika
Unang
Burador
Huling
Burador
Palarawang Deskripsyon
25-21 0 25 Lubhang Mahusay-Mahusay
20-16 20 15 Magaling-Magaling-Galing
15-11 20 0 Karaniwan-Mahina
10-6 0 0 Lubhang Mahina
Kabuuan 40 40
Ipinapakita ng talahanayan 4, ang kasanayan ng mga mag-aaral sa wika. Sa
unang borador ng paggamit ng process approach ay may 20 mag-aaral na may iskor
50
sa pagitan ng 15-11 (Karaniwan_Mahina) at 20 na mag-aaral ang may iskor sa
pagitan ng 20-16 (Magaling_Magaling-galing).Batay sa mga datos ang mga mag-
aaral ay may antas ng kasanayan sa pagitan ng Karaniwan_Mahina at Magaling
_Magaling-Galing sa wika dahil sa may kaalaman na ang mga mag-aaral sa paraan
ng paggamit ng mga bahagi ng pananalit dahil mula elementarya ay itinuturo na ang
mga ito.
Samantalang matapos ang proseso ng process approach ay wala ng mga
mag-aaral ay nabibilang sa Karaniwang_Mahina sa wika. May mga 15 mag-aaral ang
nabibilang sa iskor na 20-16 (Magaling_Magaling-galing) at 25 ang nakakuha ng
iskor sa pagitan ng 25-21 (Lubhang mahusay_Mahusay). Ipinapakita nito na
nagkaroon ng higit na kaalaman ang mga mag-aaral sa tamang pamamaraan ng
paggamit ng mga bahagi ng pananalita ng mga mag-aaral dahil nabibilang na sila sa
kategorya ng Lubhang Mahusay_Mahusay.Nabalik-aralan ng mga mag-aaral ang
tamang paggamit ng mga bahagi ng pananalita, aspekto at salita sa pagbibigay ng
puna.
1.6. Mekaniks
Ito ay tumutukoy sa pagpapakita ng kahusayan sa kombensyon na
pagsulat, mga kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas, pagtatala at paggamit
ng malaking titik.
Talahanayan 6
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral
Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Mekaniks
51
Hanay ng Iskor sa
Mekaniks
Unang
Burador
Huling
Burador Deskripsyon Berbal
5 0 20 Lubhang Mahusay-Mahusay
4 10 20 Magaling-Magaling-Galing
3 30 0 Karaniwan-Mahina
2 0 0 Lubhang Mahina
Kabuuan 40 40
Sa talahanayan 6, mga 30 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 3
(Karaniwan_Mahina) at 10 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 4
(Magaling_Magaling-galing). Ipinapakita nito na sa unang borador ang kasanayan ng
mga mag-aaral ay nabibilang sa Karaniwan_Mahina naging karaniwang mali ng mga
mag-aaral ang kinaugaliang paraan ng pagsusulat sa pagtetext kaya’t madalas na mali
ang pagbaybay at paggamit ng malaking titik. Hindi masyadong karaniwan ang
ganitong uri ng teksto na nararapat na maituro, masuri at maipaalam sa mga mag-
aaral ang kombensyon ng ganitong teksto.
Matapos maisagawa ang proseso ng process approach ay wala ng mag-aaral
ang nabibilang sa Karaniwan_Mahina o iskor na 3 at 20 mag-aaral ang nakakuha ng
iskor na 4 (Magaling_Magaling-galing) at 20 ang nakakuha ng iskor na 5 (Lubhang
Mahusay_Mahusay).
Batay sa mga datos ng huling burador may kasanayan ang mga mag-aaral sa
wika ng Lubhang Mahusay_Mahusay at Magaling_Magaling-Galing dahil sa mabisa
nang naituro at naipaalam ang pamamaraan ng pagsulat sa ganitong teksto at
nagkaroon ng interaksyon ang mga mag-aaral sa kanilang guro,upang ituro ang teknik
ng pagsulat at maitama ang kanilang mga kamalian (Badayos,2002).
52
A. Pagsulat ng Sanaysay
B.1. Nilalaman
Talahanayan 7
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral Matapos
Maituro ang Process Approach Batay sa Nilalaman
Hanay ng Iskor sa
Nilalaman
Unang
Burador
Huling
Burador Deskripsyong Berbal
30-26 0 30 Lubhang Magaling-Magaling
25-21 15 10 Magaling-Magaling-Galing
20-16 25 0 Karaniwan-Mahina
15-11 0 0 Lubhang Mahina
Kabuuan 40 40
Batay sa Talahanayan 7 antas ng kasanayan sa pagsulat ng sanayasay batay sa
nilalaman, ipinapakita nito na sa unang burador ay may 25 mag-aaral ang nakakuha
ng iskor na 20-16 (Karaniwan patungong mahina) at 15 mag-aaral ang nakakuha ng
iskor sa pagitan ng 25-21 (Magaling_Magaling-Galing).Batay sa mga datos na ito ang
antas ng kasanayan ng mga mag-aaral ay nasa Karaniwan_Mahina bagamat ang
sanaysay ay ang malimit na isulat ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino
ipinapakita pa rin na nasa karaniwan patungong mahina ang kasanayan nila
nangangahulugang na sa 25 sanaysay ito ay nagtataglay ng limitadong kaalaman sa
paksa halos ang mga detalye ay kaunti lamang upang mapaunlad ang
komposisyon.Marami pa rin ang mga mag-aaral na nakatatapos ng elementary na
kulang sa kakayahan sa pagsulat.(Bernales at Villafuerte,2008)Kung nakakasulat man
ang kanilang sulatin ay hindi tumutugon sa mga itinakdang krayterya sa kanilang
antas ng pagkatuto.
53
Samantalang matapos maituro ang process approach wala na sa mga mag-
aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 20-16 ,sampu sa mga mag-aaral ay nakuha
ng iskor sa pagitan ng 25-21 (Magaling-Magaling-Galing) at 30 mag-aaral ang
nakakuha ng iskor sa pagitan ng 30-26 (Lubhang Mahusay-Mahusay). Pinatutunayan
ng mga datos na ito na nasa Lubhang Mahusay_Mahusay ang kasanayan ng mga
m,ag-aaral at nakatulong ang paggamit ng process approach bilang estratehiya sa
pagsulat ng sanaysay upang lubos na mapahusay ang nilalaman ng komposisyong
sinulat. Nakatulong sa mga mag-aaral ang pagbibigay ng puna na isinagawa ng guro
sa bawat mag-aaral dahil sa nagkaroon sila ng pagkaunawa sa kanilang kamalian at
nabigyan ng payo kung paano higit na mapapayaman ang nilalaman ng kanilang
sinulat (Badayos, 2002) .
B.2. Organisasyon
Talahanayan 8
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral Matapos
Maituro ang Process Approach Batay sa Organisasyon
Hanay ng Iskor sa
Organisasyon
Unang
Burador
Huling
Burador Deskripsyong Berbal
20-17 0 28 Lubhang Magaling-Magaling
16-13 10 12 Magaling-Magaling-Galing
12-9 30 0 Karaniwan-Mahina
8-5 0 0 Lubhang Mahina
Kabuuan 40 40
Ang talahanayan 8 ay nagpapakita ng iskor na kumakatawan sa kasanayan
ng mga ng mga mag-aaral sa una at huling na burador matapos maituro ang process
approach batay sa organisasyon. Sa unang borador 30 na mag-aaral ang nakakuha ng
iskor sa pagitan ng 12-9 (Karaniwan_Mahina) ang sinulat ay hindi maayos at hindi
54
lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye at 10 mag-aaral ang may iskor sa
pagitan ng 16-13 (Magaling_Magaling-Galing). Sa unang burador makikita na nasa
Karaniwan_Mahina ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral nangangahulugan ang
sinulat na sanayasay ay hindi maayos ang kaisipan, walang kaugnayan at hindi
lohikal ang pagkakasunod ng mga impormasyon.
Samantalang sa huling burador 12 mag-aaral nakakuha ng iskor sa pagitan
ng 16-13( Magaling_Magaling-Galing ) at 28 na mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa
pagitan ng 20-17 (Lubhang Mahusay_Mahusay). Ipinapakita nito na nasa Lubhang
Mahusay_Mahusay ang antas ng kasanayan sa sanaysay ng mga mag-aaral nagkaroon
ang mga ito ng pag-unlad sa pagpapahayag ng paksa kasama ng organisadong
paglalahad ng mga suporta at detalye ng isang sanayasay matapos naisagawa ang
process approach.
B. 3. Talasalitaan
Talahanayan 9
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral
Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Talasalitaan
Hanay ng Iskor sa
Talasalitaan
Unang
Burador
Huling
Burador Deskripsyong Berbal
20-17 0 20 Lubhang Magaling-Magaling
16-13 8 20 Magaling-Magaling-Galing
12-9 32 0 Karaniwan-Mahina
8-5 0 0 Lubhang Mahina
Kabuuan 40 40
Nakatuon ang talahanayan 9 sa kasanayan sa talasalitaan o ang paggamit ng
bokabularyo, salita at idyoma. Sa unang burador ay ipinakita na 32 mag-aaral ang
nasa iskor sa pagitan ng 12-9 (Karaniwan-Mahina) at 8 mag-aarla ang may iskor sa
55
pagitan ng 16-13 (Magaling_Magaling-Galing). Batay sa mga datos a ng mga mag-
aaral ay may antas ng kasanayan na Karaniwan_Mahina kung talasalitaan ang pag-
uusapan batay sa kanilang unang burador. Ang mga salik na nakaapekto rito ay ang
kawalan ng interes sa pagsulat (Keh,1990). Kasama rito ang kawalan din ng interes
sa pagbabasa upang lalong mapalawak ang kaalaman sa mga bokabularyo at idyoma
na nagpapaganda sa anumang komposisyon.
Samantalang matapos ang proseso ng process approach at maisagawa ang
huling burador 20 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 16-
13( Magaling_Magaling-galing ) at 20 mag-aaral sa kategorya ng Lubhang
Mahusay_Mahusay. Samakatwid ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral ay kapwa
nasa pagitan ng Lubhang Mahusay-Mahusay at Magaling-Magaling-
Galing.Pinatutunayang ito na nakatulong sa mga mag-aaral na mapaunlad ang
kanilang kaalaman sa mga idyoma, salita at bokabolaryo sa pagtatapos ng pagtuturo
ng process approach sa mga mag-aaral. Nakatulong ang aktibong pakikibahagi ng
mga mag-aaral sa estratehiya ng process approach upang matamo ang yugto ng
kamalayan at mapabuti ang sanaysay..(White, 2004)
B.4. Wika
Talahanayan 10
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral
Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Wika
Hanay ng Iskor
Sa Wika
Unang
Burador
Huling
Burador Deskripsyong Berbal
25-21 0 30 Lubhang Mahusay-Mahusay
20-16 5 10 Magaling-Magaling-Galing
15-11 30 0 Karaniwan-Mahina
10-6 5 0 Lubhang Mahina
56
Kabuuan 40 40
Ipinapakita ng talahanayang 10 ang kasanayan ng mga mag-aaral sa wika o
kahusayan sa paggamit ng mga bahagi ng pananalita sa pangungusap.Sa unang
burador ng paggamit ng process approach, 5 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa
pagitan ng 10-6 (Lubhang Mahina), 30 mag-aaral ay may iskor sa pagitan ng 15-11
(Karaniwan_Mahina) at 5 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 20-16
(Magaling_Magaling-Galing). Batay sa mga datos ang mga mag-aaral ay may
kasanayan ng Karaniwan_Mahina sa wika na inilalarawan nito na ang sanaysay ng
unang burador ay may mga suliranin sa pagkakabuo at kamalian sa ugnayan ng
aspekto at bahagi ng pananalita. Mauunawaan na ang mga ito ay naituro na mula sa
elemetarya at sekundarya ngunit magpahanggang ngayon ay dala pa ng mga mag-
aaral ang mga ganitong kamalian.(Bersales at Villafuerte,2008).
Samantalang matapos maisagawa ang estratehiya ng process approach ay
wala ng mga mag-aaral ang nabibilang sa Lubhang Mahina at Karaniwang_Mahina
sa wika. May mga 10 mag-aaral ang nabibilang sa iskor na 20-
16(Magaling_Magaling-galing) at 30 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng
25-21 (Lubhang Mahusay_Mahusay). Ipinapakita nito na nagkaroon ng higit na
kaalaman ang mga mag-aaral sa tamang pamamaraan ng paggamit ng mga bahagi ng
pananalita at aspekto dahil sa nagkaroon ang mga mag-aaral ng antas ng kasanayan
na Lubhang Mahusay_Mahusay na nangangahulugang naging mahusay na
pagkakabuo ng sanaysay at madalang na lamang ang mali sa ugnayan, aspekto at
bahagi ng pananalita na naunawaan matapos ang pagbibigay ng puna.(Ho, 2006)
57
B. 5. Mekaniks
Talahanayan 11
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral Matapos
Maituro ang Process Approach Batay sa Mekaniks
Hanay ng Iskor sa
Mekaniks
Unang
Burador
Huling
Burador Deskripsyong Berbal
5 0 32 Lubhang Mahusay-Mahusay
4 10 8 Magaling-Magaling-Galing
3 25 0 Karaniwan-Mahina
2 5 0 Lubhang Mahina
Kabuuan 40 40
Sa Talahanayan 11 ng mekaniks na tumutukoy sa pagpapakita ng kahusayan
sa kombensyon na pagsulat, mga kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas at
pagtatala at paggamit ng malaking titik.Limang mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 2
(Lubhang Mahina), 25 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 3 (Karaniwan_Mahina) at
10 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 4 (Magaling_Magaling-Galing). Ipinapakita
nito na sa unang burador ang kasanayan ng mga mag-aaral ay nabibilang sa
Karaniwan_Mahina. Inilalarawan nito na ang komposisyong ay malimit na may
kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas, pagtatala at paggamit ng malaking
titik. Isang malaking salik sa ganitong suliranin ay ang pagkahilig ng mga mag-aaral
sa pagtetext na kadalasan ay nadadala maging sa pagsulat ng komposisyon kasama na
rin ang kawalan ng interes sa pagsulat.(Concepcion,2006).
Matapos maisagawa ang proseso ng process approach wala ng mag-aaral
ang nabibilang sa Lubhang Mahina at Karaniwan-Mahina, 8 mag-aaral na lamang ang
nabibilang sa iskor na 4 na may deskripsyong berbal na Magaling_Magaling-
58
Galing at 32 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 5 na Lubhang Mahusay_Mahusay.
Batay sa mga datos ng huling burador ang mga mag-aaral sa wika ay may
antas ng kasanayan na Lubhang Mahusay_Mahusay sapagkat ito ay nakakuha ng
pinakamalaking bahagdan ng mga kalahok. Ipinakikita nito na naunawaan na ng mga
mag-aaral ang paraan ng pagsulat ng sanaysay maging ang pagkakaroon ng madalang
na kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas ,pagtatala at paggamit ng
malaking titik sa pamamagitan ng tamang paggabay at pagpapapaliwanang ng puna
ng guro .Mahalaga ang guro sa pagpapatupad ng process approach upang maging
totoong epektibo ang pagtuturo (Doctor, 1996).
B. 6. Karaniwang Iskor ng mga mag-aaral sa Pagsulat ng Sanaysay
Talahanayan 12
Karaniwang Iskor sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral
Matapos Maituro ang Process Approach
Unang Burador Huling Burador
Komponent Kabuuang
Iskor
Karaniwang/
Mean
Deskripsyong
Berbal
Kabuuang
Iskor
Karaniwang
Mean
Deskripsyong
Berbal
Nilalaman
30%
831 20.78 Karaniwang
Mahina
1120 28.00
Lubhang
Mahusay-
Mahusay
Organisasyon
20%
510 12.75 Karaniwang
Mahina
735 18.38
Lubhang
Mahusay-
Mahusay
Talasalitaan
20%
512 12.8 Karaniwang
Mahina
665 16.63 Magaling-
Magaling-
Galing
Wika
25%
600 15.00 Karaniwang
Mahina
920 23.00 Lubhang
Mahusay-
Mahusay
59
Mekaniks
5%
125 3.13 Lubhang
Mahina
192 4.8
0.0.1.1
8
Lubhang
Mahusay-
Mahusay
Kabuuan 64.46 90.81
Ipinakikita ng talahanayan 12 ang karaniwang iskor o mean ng mga mag-aaral
sa pagsulat ng una at pinal na borador batay sa limang krayterya. Para sa nilalaman
nagkaroon ng kabuuang iskor na 831 na may karaniwang mean na 20.78 at
deskripsyong berbal na karaniwan- mahina samanatalang matapos maiisagawa ang
proseso ng process approach ay nagkaroon ng kabuuang iskor na 1120 at
karaniwang mean na 28.00 na may deskripsyong berbal na Lubhang Mahusay-
Mahusay.
Batay naman sa organisasyon nakakuha ang mga mag-aaral ng kabuuang iskor na 510
na may karaniwang mean na 12.75 na may deskripsyong berbal na karaniwang-
mahina.Samantalang sa pinal na borador ay nakakuha ng kabuuang iskor na 665 at
karaniwang mean na 16.63 na may deskripsyong berbal na Magaling-Magaling-
galing.
Batay naman sa talasalitaan ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang
iskor na 512 at karaniwang mean na 12.8 at Karaniwan- Mahina bilang deskripsyong
berbal samantalang sa huling borador ay may kabuuang 665 at 16.63 na karaniwang
mean at Magaling-Magaling-Galing bilang deskripsyong berbal.
Batay naman sa wika ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor na
600 at karaniwang mean na 15.00 at Karaniwang-Mahina bilang deskripsyong berbal
samantalang sa huling burador ay may kabuuang 920 at 23.00 na karaniwang mean
60
at Lubhang Mahusay-Mahusay bilang deskripsyong berbal.
Batay naman sa mekaniks ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor
na 125 at karaniwang mean na 3.13 at Karaniwan- Mahina bilang deskripsyong
berbal samantalang sa huling borador ay may kabuuang 192 at 4.8 na karaniwang
mean at Lubhang Mahusay-Mahusay bilang deskripsyong berbal.
Ipinapakita ng mga nakalap na datos na mahina ang pundasyon sa pagsulat ng
mga mag-aaral sapagkat ang kasanayang ito ay nililinang sa bawat yugto ng pag-aaral
(Francisco) dumaan ang mga mag-aaral sa iba’t ibang antas ngunit hindi nalinang ang
kasanayang ito, naging limitado ang talasalitaan at ideya dahil sa kawalan marahil ng
interes sa pagbabasa .Maari ring maging salik ng kahinaan ay ang kawalan ng
kaalaman sa kombensyon ng pagsulat ng ganitong teksto. At ang kawalan ng puna
upang malaman ang mga kamalian. Ngunit nang matapos maisagawa ang proseso ng
process approach ay tumaas ang mga kabuuang iskor batay sa limang komponent.
Nabigyan nang tamang paggabay,makabuluhang puna at sapat na kaalaman kung
paano isusulat ang sanayasay batay na rin sa kanilang sariling pang-unawa.
B. Pagsulat ng Liham na Panyaya
C.1. Nilalaman
Talahanayan 13
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Liham ng Paanyaya ng mga Mag-aaral
Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Nilalaman
Hanay ng Iskor sa
Nilalaman
Unang
Burador
Huling
Burador Deskripsyong Berbal
30-26 0 15 Lubhang Mahusay-Mahusay
25-21 15 25 Magaling-Magaling-Galing
20-16 25 0 Karaniwan-Mahina
15-11 0 0 Lubhang Mahina
61
Kabuuan 40 40
Batay sa talahanayan 13, ipinapakita nito na sa unang burador ng pagsulat ng
liham ng paanyaya batay sa nilalaman ay may 25 mag-aaral ang nakakuha ng iskor
sa pagitan ng 20-16 (Karaniwan patungong mahina) at 15 mag-aaral ang nakakuha ng
iskor sa pagitan ng 25-21 (Magaling_Magaling-Galing). Makikita na ang antsa ng
kasanayan sa nilalaman ng unang burador ay nasa Karaniwan_Mahina. Ipinakikita
nito na ang sinulat na liham ay limitado ang kaalaman sa paksa at hindi napaunlad
ang kaisipan. Sapagkat kung minsan ang ating mga estudyante ay nahihirapan sa
paglikha ng komposisyon na orihinal at makabuluhan dahil nakadepende ang
kanilang kakayahan sa uri ng matetyal at estratehiyang ginamit sa pag-uugnay ng
kanilang karanasan (Sengseng, 1987). Ipinapakita na hindi naging mabisa ang mga
dating materyal na ginamit upang malinang ang kasanayan sa pagsulat ng liham
noong sila ay nasa elementarya at maaring sekundarya.
Samantalang matapos maituro ang process approach wala na sa mga mag-
aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan 20-16 (Karaniwan_Mahina),at 25 mag-aaral
ang nabibilang sa iskor sa pagitan ng 25-21 (Magaling_Magaling-Galing) at 15 mag-
aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 30-26. Pinatutunayan ng mga datos na ito
na nakatulong ang paggamit ng process approach bilang estratehiya sa pagsulat ng
liham ng paanyaya upang lubos na mapahusay ang nilalaman ng komposisyong
sinulat. Nakatulong sa mga mag-aaral ang pagbibigay ng puna na isinagawa ng guro
sa bawat mag-aaral dahil sa nagkaroon sila ng pagkaunawa sa kanilang kamalian at
nabigyan ng payo kung paano higit na mapapayaman ang nilalaman ng kanilang
sinulat.
62
C.2. Organisasyon
Talahanayan 14
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Liham ng Paanyaya ng mga Mag-aaral
Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Organisasyon
Hanay ng Iskor sa
Organisasyon
Unang
Burador
Huling
Burador Deskripsyong Berbal
20-17 0 27 Lubhang Mahusay-Mahusay
16-13 22 13 Magaling-Magaling-Galing
12-9 18 0 Karaniwan-Mahina
8-5 0 0 Lubhang Mahina
Kabuuan 40 40
Ang talahanayan 14 ay nagpapakita ng iskor na kumakatawan sa kasanayan
ng mga mag-aaral sa unang burador matapos maituro ang process approach batay sa
organisasyon. Sa unang burador 18 mag-aaral ang nabibilang sa iskor sa pagitan ng
12-9 (Karaniwan_Mahina) at 22 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 16-
13 (Magaling_Magaling-Galing). Batay sa mga datos na ito, makikita na ang
kasanayan ng mga mag-aaral ay nasa Magaling_Magaling-Galing na
nangangahulugan na ang liham ng paanyaya ay nawala sa pagiging organisado
ngunit malinaw pa rin ang paksa at limitado ang suporta ng mga detalye.
Samantalang sa huling burador ng mga mag-aaral ay wala ng mag-aaral ang
nakakuha ng iskor na 12-9 at 13 mag-aaral na nakakuha ng iskor na sa pagitan ng
63
16-13 (Magaling_Magaling-galing) at may 27 mag-aaral ang may iskor sa pagitan ng
20-17 (Lubhang Mahusay_Mahusay). Pinatutunayan ng mga datos na sa pagtatapos
ng pagsasagawa ng process approach ang mga kalahok ay nagkaroon ng
kasanayan na Lubhang Mahusay-Mahusay sa pagsulat ng liham paanyaya
nangangahulugan lamang na naging maayos na ang pagpapahayag ng paksa at
malinaw na nailahad ang mga suporta at lohikal ang pagkakaayos at may kaisahan ng
kaisipan. Mas mataas ang kalidad ng liham na nabubuo ng mga mag-aaral kung
ginagamitan ng process approach. Malaking tulong ang ganitong dulog sa paglinang
ng pagkaunawa sa mga mag-aaral at kung isinasaalang-alang ang kanilang
interes,kakayahan at estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral.(Concepcion 2006).
C. 3. Talasalitaan
Talahanayan 15
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Liham ng Paanyaya ng mga Mag-aaral
Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Talasalitaan
Hanay ng Iskor sa
Talasalitaan
Unang
Burador
Huling
Burador Deskripsyong Berbal
20-17 0 18 Lubhang Mahusay-Mahusay
16-13 4 22 Magaling-Magaling-Galing
12-9 30 0 Karaniwan-Mahina
8-5 6 0 Lubhang Mahina
40 40 Kabuuan
Nakatuon ang talahanayang 15 sa kasanayan sa talasalitaan o ang paggamit ng
bokabularyo,salita at idyoma sa pagsulat ng liham na paanyaya. Sa unang burador ay
ipinakita na 6 na mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 8-5 (Lubhang
Mahina), 30 mag-aaral ang nasa iskor sa pagitan ng 12-9 (Karaniwan_Mahina) at 4
64
na mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 16-13 (Magaling_Magaling-
Galing). Batay sa mga datos ang mga mag-aaral ay may antas ng kasanayan sa
Karaniwan_ Mahina. Nangangahulugan lamang na ang sinulat na liham ay limitado
ang kaalaman at may kamalian sa pagpili ng angkop na salita.Ito ay bunsod ng
kawalan ng mga gawain na lilinang sa mga mag-aaral upang mapayaman ang
kanilang kaalaman sa talasalitaan. Malimit ding alang interes sa pagbabasa ang mga
mag-aaral na hadlang sa paglinang ng mayaman na talasalitaan.
Samantalang matapos maisakatuparan ang proseso ng process approach at
maisagawa ang huling burador ay wala ng nabibilang sa karaniwang –mahina. May
22 mag-aaral ang nagkaroon ng iskor sa pagitan ng 16-13 ( Magaling_Magaling-
Galing ) at 18 mag-aaral sa kategorya ng Lubhang Mahusay_Mahusay.
Pinatutunayang ito na nakatulong sa mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang
kaalaman sa mga idyoma,salita at bukabolaryo sa pagtatapos ng pagsasagawa ng
process approach. Dahil ang mga mag-aaral ay binigyan ng pagkakataong mapag-
isipan at marebisa ang kanilang ideya kasama ng gabay na ibinigay ng guro na naging
dahilan para maging mahusay ang huling sipi ng kanilang liham.(Ignacio,2008)
C.4. Wika
Talahanayan 16
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Liham ng Paanyaya ng mga Mag-aaral
Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Wika
Hanay ng
Iskor
Unang
Burador
Huling
Burador Deskripsyong Berbal
25-21 0 20 Lubhang Mahusay-Mahusay
20-16 15 20 Magaling-Magaling-Galing
15-11 20 0 Karaniwan-Mahina
65
10-6 5 0 Lubhang Mahina
Kabuuan 40 40
Ipinapakita ng talahanayang 16 na ito ang kasanayan ng mga mag-aaral sa
wika o kahusayan sa paggamit ng mga bahagi ng pananalita sa pangungusap. Sa
unang burador ng paggamit ng process approach ay may 5 na mag-aaral na
nakakuha ng iskor sa pagitan ng 10-6 (Lubhang Mahina), 20 mag-aaral ay may iskor
sa pagitan ng 15-11 (Karaniwan_Mahina). Batay sa mga datos ang mga mag-aaral ay
may kasanayan ng Karaniwan_Mahina sa wika na nangangahulugan na ang liham
na isinulat ay may mangilan-ngilang suliranin sa pagkakabuo at may ilang kamalian
sa ugnayan ng aspekto, salita at bahagi ng pananalita.
Samantalang matapos maisagawa ang estratehiya ng process approach ay
wala ng mga mag-aaral ay nabibilang sa Lubhang Mahina at Karaniwang_Mahina sa
wika. May 20 mag-aaral ang nabibilang sa iskor na 20-16 (Magaling_Magaling-
galing) at 20 ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 25-21 (Lubhang
Mahusay_Mahusay). Ipinapakita nito na nagkaroon ng higit na kaalaman ang mga
mag-aaral sa tamang pamamaraan ng paggamit ng mga bahagi ng pananalita dahil sa
pagkakaroon ng antas ng kasanayan na kapwa Lubhang Mahusay_Mahusay at
Magaling_Magaling-Galing.
C. 5. Mekaniks
Talahanayan 17
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Liham ng Paanyaya ng mga Mag-aaral Matapos
Maituro ang Process Approach Batay sa Mekaniks
Hanay ng Iskor
Unang
Burador
Huling
Burador Deskripsyong Berbal
66
5 0 15 Lubhang Mahusay-Mahusay
4 10 25 Magaling-Magaling-Galing
3 22 0 Karaniwan-Mahina
2 8 0 Lubhang Mahina
Kabuuan 40 40
Sa talahanayan 17 ng mekaniks na tumutukoy sa pagpapakita ng kahusayan sa
kombensyon na pagsulat, mga kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas,
pagtatala at paggamit ng malaking titik. Walo sa mga mag-aaral ang nakakuha ng
iskor na 2 (Lubhang Mahina), 22 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 3
(Karaniwan_Mahina) at 10 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 4
(Magaling_Magaling-Galing). Ipinapakita nito na sa unang burador ang kasanayan ng
mga mag-aaral ay nabibilang sa Karaniwan_Mahina na nangangahulugan na ang mga
sinulat na liham ay may malimit na kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas,
pagtatala,paggamit ng malaking titik at may malabong kahulugan.
Matapos maisagawa ang estratehiyang process approach wala ng mag-aaral
ang nabibilang sa Lubhang Mahina at Karaniwan_Mahina, 25 mag-aaral ang
nakakuha ng iskor na 4 (Magaling_Magaling-galing) at 15 mag-aaral ang nakakuha
ng iskor na 5 Lubhang-Mahusay-Mahusay.
Batay sa mga datos ng huling burador ang mga mag-aaral ay may kasanayan
sa wika ng Magaling_ Magaling-Magaling ang mga liham na isinulat ay nagkaroon
na lamang ng mangilan-ngilang kamalian sa pagbaybay,paglalagay ng bantas ,
pagtatala at paggamit ng malaking titik.Pinatutunayan na nakatulong ang process
approach sa pagpapabuti ng mga liham na sinulat ng mga mag-aaral.
C. 6. Karaniwang Iskor sa Pagsulat ng Liham Paanyaya ng mga Mag-aaral
67
Ipinakikita ng talahanayan 18 ang karaniwang iskor o mean ng mga mag-aaral
sa pagsulat ng una at huling na burador batay sa limang component .Para sa nilalaman
nagkaroon ng kabuuang iskor na 875 na may karaniwang mean na 21.88 at
deskripsyong berbal na Magaling-Magaling-Galing samanatalang matapos
maisagawa ang proseso ng process approach ay nagkaroon ng kabuuang iskor na
1040 at karaniwan mean na 26 na may deskripsyong berbal na Lubhang Mahusay-
Mahusay.
Talahanayan 18
Karaniwang Iskor sa Pagsulat ng Liham ng Panyaya ng mga Mag-aaral Matapos
Maituro ang Process Approach
Unang Burador Huling Burador
Komponent Kabuuang
Iskor
Karaniwang/
Mean
Deskripsyong
Berbal
Kabuuang
Iskor
Karaniwang
Mean
Deskripsyong
Berbal
Nilalaman
30% 875 21.88 Magaling-
Magaling-
Galing
1040 26 Lubhang
Mahusay-
Mahusay
Organisasyon
20% 568 14.2
Magaling-
Magaling-
Galing
721 18.03 Lubhang
Mahusay-
Mahusay
Talasalitaan
20% 457 11.43 Karaniwang
Mahina
684 17.10 Lubhang
Mahusay-
Mahusay
Wika 650 16.25 Magaling- 870 21.75 Lubhang
68
25% Magaling-
Galing
Mahusay-
Mahusay
Mekaniks 5%
122 3.05 Karaniwang
Mahina
175 4.38 Magaling-
Magaling-
Galing
Kabuuan 66.81 87.26
Batay naman sa organisasyon nakakuha ang mga mag-aaral ng kabuuang iskor
na 568 na may karaniwang mean na 14.2 at deskripsyong berbal na Magaling-
Magaling-Galing. Samantalang sa huling borador ay nakakuha ng kabuuang iskor na
721 at karaniwang mean na 18.03 na may deskripsyong berbal na Lubhang Mahusay-
Mahusay.
Batay naman sa talasalitaan ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang
iskor na 457 at karaniwang mean na 11.43 at Karaniwang_Mahina bilang
deskripsyong berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 684 at 17.1 na
karaniwang mean at Lubhang Mahusay-Mahusay bilang deskripsyong berbal.
Batay naman sa wika ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor na
650 at karaniwang mean na 16.25 at Magaling_Magaling-Galing bilang deskripsyong
berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 870 at 21.75 na karaniwang
mean at Lubhang Mahusay_Mahusay bilang deskripsyong berbal.
Batay naman sa mekaniks ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor
na 122 at karaniwang mean na 3.05 at Karaniwan_Mahina bilang deskripsyong
berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 175 at 4.38 na karaniwang
mean at Magaling-Magaling-Galing bilang deskripsyong berbal.
69
Ipinapakita ng mga nakalap na datos na mahina ang pundasyon sa pagsulat ng
mga mag-aaral sapagkat ang kasanayang ito ay nililinang sa bawat yugto ng pag-aaral
(Francisco, 1991) dumaan ang mga mag-aaral sa iba’t ibang antas ngunit hindi
nalinang ang kasanayang ito, naging limitado ang talasalitaan at ideya dahil sa
kawalan ng interes sa pagbabasa. Naging sanhi rin ng kahinaan ay ang kawalan ng
kaalaman sa kombensyon ng pagsulat ng ganitong teksto maging ang kawalan ng
puna upang malaman ang sariling mga kamalian. Kasama nito ang kawalan ng
istratehiya sa pagsulat na makakatulong sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat upang
makalikha ng mas mataas na kalidad ng mga sulating bububuin (Doctor, 1996)
2. Kabisaan ng process approach sa pagpapaunlad ng kahusayan sa
pagsulat ng mga mag-aaral sa ikatlong taon batay sa kanilang marka sa iba
pang komposisyon.
Talahanayan 19
Mga Marka ng mga Mag-aaral na ginamitan ng Process Approach
Komposisyon Karaniwang Mean ng gumamit ng Process
Approach (Experimental Group)
Pagsulat ng Wakas ng Kwento 88.7
Pagsulat ng Sanaysay 90.81
Pagsulat ng Liham ng Panyaya 87.26
Karaniwang Mean 88.92
Ang talahanayang ito ang naglalarawan sa mga marka ng mga mag-aaral
na nabibilang sa experimental group ito ang nakatanggap ng proseso ng process
approach. Ipinapakita ng talahanayan 19 ang mga marka ng mga mag-aaral sa
70
pagsulat ng wakas ng maikling kwento na may markang 88.7, pagsulat ng sanaysay
na may markang 90.81 at pagsulat ng liham ng paanyaya na may markang 87.26. Ito
ay may kabuuang karaniwang mean na 88 .92. Nangangahulugan lamang na higit na
naging madali sa mga kalahok ang pagsulat ng sanaysay dahil ito ang pinaka-
karaniwang ginagamit sa klase mula sa paggamit ng estratehiyang ito, mas lalo nila
itong naunawaan maging ang mga tuntunin ng pagsulat nito. Samantalang
pumangalawa ang pagsulat ng wakas ng maikling kwento dahil sa naging pamilyar na
sila sa mga tuntunin at nilalaman nito at pinakahuling marka naman ang pagsulat ng
liham.Ito ay may karaniwang mean na 88.92 na nagpapatunay na higit na nakatulong
ang paggamit ng estratehiya ng process approach batay sa mga datos na ito.
Talahanayan 20
Mga Marka ng mga Mag-aaral sa Control Group sa Pagsulat
Komposisyon Karaniwang Mean (Control Group)
Pagbibigay ng wakas ng maikling kwento 82.00
Pagsulat ng Sanaysay 80.00
Liham na Paanyaya 81.00
Karaniwang Mean 81.00
Ang talahanayang ito ang naglalarawan sa mga control group ito ang pangkat
na sumailalalim sa tradisyunal na paraan ng pagtuturo.Ipinapakita ng talahanayan 20
ang mga iskor ng mga mag-aaral sa mga komposisyong sinulat na hindi gumamit ng
estratehiyang process approach. Ipinakikita nito na sa kabuuan ang mga kalahok ay
may pangkalahatang iskor na 82.00 sa pagsulat ng wakas ng maikling kwento, 80.00
71
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited
Thesis ni liz tsu format orig &edited

Más contenido relacionado

La actualidad más candente

PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfPRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfJosephRRafananGPC
 
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyonAng pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyonMakati Science High School
 
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfPRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfJosephRRafananGPC
 
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipinoMga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipinoTEACHER JHAJHA
 
MGA HAMON SA PAGTUTURO NG MGA GURO SA ASIGNATURANG FILIPINO SA PANAHON NG NEW...
MGA HAMON SA PAGTUTURO NG MGA GURO SA ASIGNATURANG FILIPINO SA PANAHON NG NEW...MGA HAMON SA PAGTUTURO NG MGA GURO SA ASIGNATURANG FILIPINO SA PANAHON NG NEW...
MGA HAMON SA PAGTUTURO NG MGA GURO SA ASIGNATURANG FILIPINO SA PANAHON NG NEW...AJHSSR Journal
 
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga Simulain
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga SimulainFil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga Simulain
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga SimulainJeffril Cacho
 
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMETRO MANILA COLLEGE
 
Mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo
Mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturoMga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo
Mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturoBatoAna
 
Banghay aralin sa filipino 10 rose
Banghay aralin sa filipino 10   roseBanghay aralin sa filipino 10   rose
Banghay aralin sa filipino 10 roseRoseGarciaAlcomendra
 
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10Eldrian Louie Manuyag
 
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang FilipinoPamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang FilipinoMARIA KATRINA MACAPAZ
 

La actualidad más candente (20)

PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfPRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
 
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyonAng pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
 
Mga istratehiya safilipino
Mga istratehiya safilipinoMga istratehiya safilipino
Mga istratehiya safilipino
 
Kurikulum chelle
Kurikulum chelleKurikulum chelle
Kurikulum chelle
 
Banghay aralin
Banghay aralinBanghay aralin
Banghay aralin
 
Kasaysayan ng Sanaysay
Kasaysayan ng SanaysayKasaysayan ng Sanaysay
Kasaysayan ng Sanaysay
 
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfPRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
 
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipinoMga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
 
MGA HAMON SA PAGTUTURO NG MGA GURO SA ASIGNATURANG FILIPINO SA PANAHON NG NEW...
MGA HAMON SA PAGTUTURO NG MGA GURO SA ASIGNATURANG FILIPINO SA PANAHON NG NEW...MGA HAMON SA PAGTUTURO NG MGA GURO SA ASIGNATURANG FILIPINO SA PANAHON NG NEW...
MGA HAMON SA PAGTUTURO NG MGA GURO SA ASIGNATURANG FILIPINO SA PANAHON NG NEW...
 
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga Simulain
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga SimulainFil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga Simulain
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga Simulain
 
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
 
Mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo
Mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturoMga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo
Mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo
 
Banghay aralin sa filipino 10 rose
Banghay aralin sa filipino 10   roseBanghay aralin sa filipino 10   rose
Banghay aralin sa filipino 10 rose
 
Panulaang Filipino
Panulaang FilipinoPanulaang Filipino
Panulaang Filipino
 
Estratehiya sa filipino
Estratehiya sa filipino Estratehiya sa filipino
Estratehiya sa filipino
 
Katangian ng Maayos na Kurikulum
Katangian ng Maayos na Kurikulum Katangian ng Maayos na Kurikulum
Katangian ng Maayos na Kurikulum
 
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10
Detalyadong Banghay aralin sa Filipino 10
 
ANG PONEMIKA
ANG PONEMIKAANG PONEMIKA
ANG PONEMIKA
 
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang FilipinoPamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
 
Sanaysay at talumpati.pptx
Sanaysay at talumpati.pptxSanaysay at talumpati.pptx
Sanaysay at talumpati.pptx
 

Destacado

THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONTHESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONMi L
 
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagaloghm alumia
 
Kabanata i v pananaliksik
Kabanata i   v pananaliksikKabanata i   v pananaliksik
Kabanata i v pananaliksikA. D.
 
Research paper in filipino
Research paper in filipinoResearch paper in filipino
Research paper in filipinoSFYC
 
Module 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoModule 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoNoel Tan
 
Kabanata 2 group 1 pp.8 17
Kabanata 2 group 1 pp.8 17Kabanata 2 group 1 pp.8 17
Kabanata 2 group 1 pp.8 17Dang Baraquiel
 
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)Merland Mabait
 
Pamanahong Papel tungkol sa pagkatuto sa Filipino
Pamanahong Papel tungkol sa pagkatuto sa FilipinoPamanahong Papel tungkol sa pagkatuto sa Filipino
Pamanahong Papel tungkol sa pagkatuto sa FilipinoShem Ü
 
Sulating pananaliksik
Sulating pananaliksikSulating pananaliksik
Sulating pananaliksikAllan Ortiz
 
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwikakennjjie
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoDenni Domingo
 
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)NicoleGala
 
Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga ...
Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga ...Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga ...
Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga ...JM Esguerra
 
Batayang Kaalaman sa Pagsulat
Batayang Kaalaman sa PagsulatBatayang Kaalaman sa Pagsulat
Batayang Kaalaman sa PagsulatMerland Mabait
 
Gay Lingo-isang pananaliksik
Gay Lingo-isang pananaliksikGay Lingo-isang pananaliksik
Gay Lingo-isang pananaliksikGrasya Hilario
 

Destacado (20)

THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONTHESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
 
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
 
Kabanata i v pananaliksik
Kabanata i   v pananaliksikKabanata i   v pananaliksik
Kabanata i v pananaliksik
 
Research paper in filipino
Research paper in filipinoResearch paper in filipino
Research paper in filipino
 
Module 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoModule 6.2 filipino
Module 6.2 filipino
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Kabanata 2 group 1 pp.8 17
Kabanata 2 group 1 pp.8 17Kabanata 2 group 1 pp.8 17
Kabanata 2 group 1 pp.8 17
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Kabanata 4
Kabanata 4Kabanata 4
Kabanata 4
 
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
 
Pamanahong Papel tungkol sa pagkatuto sa Filipino
Pamanahong Papel tungkol sa pagkatuto sa FilipinoPamanahong Papel tungkol sa pagkatuto sa Filipino
Pamanahong Papel tungkol sa pagkatuto sa Filipino
 
Sulating pananaliksik
Sulating pananaliksikSulating pananaliksik
Sulating pananaliksik
 
Pag unawa at komprehensyon
Pag unawa at komprehensyonPag unawa at komprehensyon
Pag unawa at komprehensyon
 
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga ...
Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga ...Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga ...
Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga ...
 
Batayang Kaalaman sa Pagsulat
Batayang Kaalaman sa PagsulatBatayang Kaalaman sa Pagsulat
Batayang Kaalaman sa Pagsulat
 
Gay Lingo-isang pananaliksik
Gay Lingo-isang pananaliksikGay Lingo-isang pananaliksik
Gay Lingo-isang pananaliksik
 

Similar a Thesis ni liz tsu format orig &edited

Level of Competence in Writing Essay: Basis for The Development of Educationa...
Level of Competence in Writing Essay: Basis for The Development of Educationa...Level of Competence in Writing Essay: Basis for The Development of Educationa...
Level of Competence in Writing Essay: Basis for The Development of Educationa...AJHSSR Journal
 
Mga Estratehiyang Pinakaginagamit sa Pagsulat sa Filipino ng mga Mag-aaral ng...
Mga Estratehiyang Pinakaginagamit sa Pagsulat sa Filipino ng mga Mag-aaral ng...Mga Estratehiyang Pinakaginagamit sa Pagsulat sa Filipino ng mga Mag-aaral ng...
Mga Estratehiyang Pinakaginagamit sa Pagsulat sa Filipino ng mga Mag-aaral ng...AJHSSR Journal
 
Methods of teaching of nomerto m. revilla jr.
Methods of teaching of nomerto m. revilla jr.Methods of teaching of nomerto m. revilla jr.
Methods of teaching of nomerto m. revilla jr.NomertoJohnRevilla
 
PAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINO
PAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINOPAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINO
PAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINOAJHSSR Journal
 
Mod. 1 - Akademikong Sulatin.pptx Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang - Qua...
Mod. 1 - Akademikong Sulatin.pptx Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang - Qua...Mod. 1 - Akademikong Sulatin.pptx Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang - Qua...
Mod. 1 - Akademikong Sulatin.pptx Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang - Qua...ANALIZAMARCELO
 
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika Prelim
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika PrelimIntroduksyon sa Pag-aaral ng Wika Prelim
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika PrelimJerlieMaePanes
 
Dll 2ndg topic-3_2 (1)
Dll 2ndg topic-3_2 (1)Dll 2ndg topic-3_2 (1)
Dll 2ndg topic-3_2 (1)jaymar099
 
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1thobie_cute20
 
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1thobie_cute20
 
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1thobie_cute20
 
Kaalaman at Kasanayang Komunikatibo sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Filipino 1.pptx
Kaalaman at Kasanayang Komunikatibo sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Filipino 1.pptxKaalaman at Kasanayang Komunikatibo sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Filipino 1.pptx
Kaalaman at Kasanayang Komunikatibo sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Filipino 1.pptxMariaCecilia93
 
Pamamaraan_sa_pagtuturo_ng_wika.pptx
Pamamaraan_sa_pagtuturo_ng_wika.pptxPamamaraan_sa_pagtuturo_ng_wika.pptx
Pamamaraan_sa_pagtuturo_ng_wika.pptxJennilynUnguiDesabil
 
2P-MSE06.pptx
2P-MSE06.pptx2P-MSE06.pptx
2P-MSE06.pptxgemma121
 
Kilos pananaliksik at aplayd reserts
Kilos pananaliksik at aplayd resertsKilos pananaliksik at aplayd reserts
Kilos pananaliksik at aplayd resertsReggie Cruz
 

Similar a Thesis ni liz tsu format orig &edited (20)

Level of Competence in Writing Essay: Basis for The Development of Educationa...
Level of Competence in Writing Essay: Basis for The Development of Educationa...Level of Competence in Writing Essay: Basis for The Development of Educationa...
Level of Competence in Writing Essay: Basis for The Development of Educationa...
 
Mga Estratehiyang Pinakaginagamit sa Pagsulat sa Filipino ng mga Mag-aaral ng...
Mga Estratehiyang Pinakaginagamit sa Pagsulat sa Filipino ng mga Mag-aaral ng...Mga Estratehiyang Pinakaginagamit sa Pagsulat sa Filipino ng mga Mag-aaral ng...
Mga Estratehiyang Pinakaginagamit sa Pagsulat sa Filipino ng mga Mag-aaral ng...
 
Methods of teaching of nomerto m. revilla jr.
Methods of teaching of nomerto m. revilla jr.Methods of teaching of nomerto m. revilla jr.
Methods of teaching of nomerto m. revilla jr.
 
chapter 1-2.docx
chapter 1-2.docxchapter 1-2.docx
chapter 1-2.docx
 
PAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINO
PAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINOPAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINO
PAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINO
 
Kabanata 2.docx
Kabanata 2.docxKabanata 2.docx
Kabanata 2.docx
 
kabanata 1.docx
kabanata 1.docxkabanata 1.docx
kabanata 1.docx
 
Mod. 1 - Akademikong Sulatin.pptx Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang - Qua...
Mod. 1 - Akademikong Sulatin.pptx Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang - Qua...Mod. 1 - Akademikong Sulatin.pptx Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang - Qua...
Mod. 1 - Akademikong Sulatin.pptx Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang - Qua...
 
macro.pptx
macro.pptxmacro.pptx
macro.pptx
 
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika Prelim
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika PrelimIntroduksyon sa Pag-aaral ng Wika Prelim
Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika Prelim
 
Dll 2ndg topic-3_2 (1)
Dll 2ndg topic-3_2 (1)Dll 2ndg topic-3_2 (1)
Dll 2ndg topic-3_2 (1)
 
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
 
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
 
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
 
Kaalaman at Kasanayang Komunikatibo sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Filipino 1.pptx
Kaalaman at Kasanayang Komunikatibo sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Filipino 1.pptxKaalaman at Kasanayang Komunikatibo sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Filipino 1.pptx
Kaalaman at Kasanayang Komunikatibo sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Filipino 1.pptx
 
PRESENTASYON 208.pptx
PRESENTASYON 208.pptxPRESENTASYON 208.pptx
PRESENTASYON 208.pptx
 
Pamamaraan_sa_pagtuturo_ng_wika.pptx
Pamamaraan_sa_pagtuturo_ng_wika.pptxPamamaraan_sa_pagtuturo_ng_wika.pptx
Pamamaraan_sa_pagtuturo_ng_wika.pptx
 
2P-MSE06.pptx
2P-MSE06.pptx2P-MSE06.pptx
2P-MSE06.pptx
 
Kilos pananaliksik at aplayd reserts
Kilos pananaliksik at aplayd resertsKilos pananaliksik at aplayd reserts
Kilos pananaliksik at aplayd reserts
 
Module 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoModule 6.2 filipino
Module 6.2 filipino
 

Thesis ni liz tsu format orig &edited

  • 1. Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO Panimula Ang epektibong pagpapahayag sa sariling pananaw, opinyon at ideya tungkol sa isang paksa sa pasulat na anyo gamit ang ating sariling wika ay isang kasanayan na dapat malinang sa bawat mag-aaral. Ang kasanayang ito ang huhubog ng tiwala sa sarili at kakayahan sa pakikipagtalastasan na lubhang napakahalaga sa pag-unlad ng bawat kabataan . Subalit sa panahong ito, isang hamon sa bawat guro at mag-aaral ang pagsulat. Bawat mag-aaral ay nakakararanas ng matinding alalahanin kung paano nga ba sisimulan ang pagsusulat. Marami ring bilang ng mga mag-aaral ang nagpapakita ng pagkayamot, kawalan ng motibasyon sa pagsulat at kung minsan ay hirap na hirap pa sa pagbuo ng mga ideya. Ito ay bunga ng maling konsepto at mahinang estratehiya sa pagtuturo ng pagsulat. Kadalasan, naaapektuhan ng mga kahinaang ito ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat (Badayos, 1999). Maiisip na isa sa mga pangunahing solusyon sa kahinaan ng mga mag-aaral sa kasanayang ito ay ang kahandaan ng guro sa pagtuturo ng pagsulat. Masasalamin ang kahandaang ito sa maraming gawaing inihahanda ng guro para sa pagtuturo ng pagsulat . Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng ating kaisipan. Samakatwid ang pagsulat ay bunga ng ating mga karanasan at kaalaman. At ito ay binibigyan ng interpretasyon sa pamamagitan ng pagsulat.Ang kawalan ng karanasan
  • 2. at kaalaman sa isang paksa ay isang balakid sa epektibong pagpapahayag at pagbuo ng komposisyon. Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang nauukol sa wastong gamit ng mga salita, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan at retorika. Marapat lamang na ang isang mag-aaral ay maihanda at magabayan sa pagkakamit ng mga kasanayang nabanggit upang maging magaan at mabisa ang pagsusulat. Binigyang-diin nina White at Arndt (1991) at Raimes (1983) ang pagsulat bilang isang proseso na hindi natatapos sa isang upuan kundi nahahati sa iba’t ibang yugto. Itinuturing itong isa sa pinakakomplikadong kasanayang dapat matutuhan ng mga mag- aaral sapagkat habang nagsusulat, natututuhan din nila kung paano mag- eksperimento gamit ang wika. Dahil sa ganitong kalikasan ng pagsulat, kailangang iparanas sa mga mag-aaral ang process approach na binubuo ng sumusunod na mga yugto: bago sumulat; paggawa ng borador; pagrerebisa; pag-eedit at paglilimbag. Ang mga gurong gumagamit ng ganitong dulog ay nakabibigay sa mga mag-aaral ng dalawang mahahalagang suporta sa pagbuo ng isang sulatin ito ay ang sapat na oras sa pagsusulat at pagbibigay ng puna. Pinatutunayan lamang nito na nararapat na maituro sa mga mag-aaral ang process approach sa pagsulat upang maihanda sila sa isang makabuluhang pagsusulat. Inaalis rin nito ang mga balakid na maaaring humahadlang upang maging madali ang pagpapahayag ng saloobin at pananaw tungkol sa isang paksa. Mas mabisa ang pagkatuto sa pagsulat kung ang mga mag-aaral ay bibigyan ng sapat na panahong makapagsulat; binibigyang diin na ang pagsulat ay nangangahulugan ng eksperimentasyon sa paggamit ng wika, pagsubok ng mga bagong ideya, isang gawain ng paglikha. Mahalaga ring mabigyan ng angkop na kasangkapan at espasyong 2
  • 3. makatutulong sa mas mabilis at epektibong paglinang ng kasanayan sa pagsulat. Pinatutunayan ng mga nabanggit na impormasyon na ang process approach ay maaring magamit upang matiyak na ang bawat mag-aaral ay nagagabayan at nalilinang ang kakayahan sa pagsulat na napakahalaga sa pagkakamit ng pang-akademikong pagganap. Ito rin ay nagpapatibay ng mga tunguhin ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondarya ng 2010 (Secondary Education Curriculum) ang Kapaki-pakinabang na Literasi para sa Lahat (Functional Literacy For All) na ibinatay sa mithiin ng Edukasyon para sa Lahat 2015 (Education For All 2015). Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, at (2) kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literari ng mga mag-aaral sa antas sekondarya. Lilinangin ang limang makrong kasanayan - pakikinig, pagbasa, panonood, pagsasalita at pagsulat sa tulong ng iba’t ibang dulog at pamamaraan. Sa kabila ng pagtatakdang ito, marami pa ring maling pananaw sa pagsulat ang umiiral tulad ng: pampalipas oras ang pagsulat, isang parusa at kailangan lamang gawain o makapagsa bilang kailanganin para magkaroon ng marka kung kaya nawawala ang tunay na layunin at kahalagahan ng pagsulat. Ang kahirapan sa pagtuturo ng pagsulat ay mapapagaan sa pamamagitan ng mga gawaing inihanda sa parte ng guro (Lozano 2002). Hanggang sa pagtuntong sa sekundarya ay dala-dala nila ang pananaw na ito sa pagsulat sapagkat hindi nalinang sa kanila ang tamang kasanayan at motibasyon sa pagsulat. Ang Pampublikong Paaralan ng Caluluan ay naniniwala sa kahalagahan ng pakikipagtalastasan na pasulat sa lubos na pagkatuto ng bawat mag-aaral. Nakakatulong ito sa pag-aangat ng kakayahang pang-akademiko ng bawat mag-aaral at kahusayan sa pagpapahayag ng sarili. 3
  • 4. Ang bawat institusyon ng lipunan gaya ng paaralan ay may responsibilidad sa paghubog ng kasanayan sa pakikipagtalastasan maaring ito ay pasalita o pasulat man. Ang paglinang ng kakayahang ito ay magdudulot ng higit na pakinabang sa bawat kabataan na nagnanais na marinig ang saloobin, maunawaan ang pagkatao, maibulalas ang kanyang damdamin at magkamit ng mataas na antas ng karunungan at kaganapang pantao. Paglalahad ng Suliranin Layunin ng pag-aaral na ito na masukat ang kabisaan ng process approach sa pagtuturo ng pagsulat sa mga mag-aaral sa Ikatlong Taon ng Pampublikong Paaralan ng Caluluan, Concepcion, Tarlac, Taong Panuruan 2012-2013. Sa kabuuan, sinikap na tugunan ang mga sumusunod na katanungan. 1. Ano ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral bago at matapos maituro ang process approach bilang isang estratehiya sa pagsulat batay sa: 1.1 nilalaman 1.2 organisasyon 1.3 talasalitaan 1.4 wika 1.5 mekaniks 4
  • 5. 2. Gaano kabisa ang paggamit ng process approach sa pagpaunlad ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral batay sa kanilang mga marka sa kanilang mga komposisyon? 3. Ano ang naging kalakasan at kahinaan ng process approach batay sa saloobin at pananaw ng mga mag-aaral? 4. Ano ang implikasyon ng mga natuklasan ng pag-aaral sa pagtuturo ng pagsulat sa Mataas na Paaralan ng Caluluan? Kahalagahan ng Pag-aaral Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral, magulang, guro, Punong-Guro at mga gumagawa ng patakaran sa edukasyon. Sa mga mag-aaral sa high school, ito ay magdudulot ng kamulatan sa kahalagahan ng paglinang ng kasanayan sa pagsulat ng may prosesong sinusunod upang higit na mabisa at kawili-wili ang pagsulat. Sa mga magulang, ito ay magsisilbing hamon upang higit na gabayan ang kanilang mga anak tungkol sa kahalagahan ng kasanayan sa pagsusulat higit lalo na sa pagbuo ng tiwala at pagtingin sa sarili. Ang pagsusulat ay isang paraan ng pagbabahagi sa ating kapwa tao ng ating mga pananaw at saloobin batay sa ating kaalaman at karanasan Sa mga guro, magbibigay ito ng lubos na kamalayan at kaalaman upang higit na maging epektibong guro sa Filipino sa pamamagitan ng pagggamit ng estratehiyang ito sa pagtuturo ng pagsulat. Sa ganitong paraan higit na mas gagaan ang 5
  • 6. pananagutan sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat at ang kahalagahan ng pagbibigay ng puna sa kalagayan ng bawat mag-aaral sa paraan ng pagsulat na lubos na makakatulong sa paglinang ng kasanayang ito. Sa mga Punong-Guro at tagagawa ng mga Patakaran sa Edukasyon Ito ay magsisilbing tagapaggising na lalong gabayan at suportahan ang mga guro sa pag-aaral ng dulog na ito para sa mabisang pakikipagtalastasan tungo sa higit na mataas na kalidad ng edukasyon at pang-akademikong pagganap. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang kabisaan ng pagtuturo ng process approach sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Ikatlong Taon ng Mataas na Paaralan ng Caluluan para sa Taong Panuruan 2012-2013. Ito ay tuwirang nagsuri sa antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat bago at matapos ang paggamit ng process approach. Nailarawan nito ang antas ng kasanayan ng mga sinulat na komposisyon mula sa nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks. Layunin din nito na maimulat sa mga guro ang paggamit ng process approach sa pagsulat para sa higit na makabuluhang pakikipagtalastasan ng mga kabataan. Ang mga pinagmulan ng datos ay galing sa 290 na mag-aaral mula sa mga ito ay kinuha ang 80 kalahok. Ginamit ang random sampling na fish bowl technique upang makuha ang 80 mag-aaral. Ginamit din ang stratified sampling upang ayusin ang mga kalahok batay sa kanilang marka sa Filipino II mula sa pinakamatas at pinakamababang marka binigyan ang mga marka ng bilang mula 1-80. Mula sa mga bilang na ito ay 6
  • 7. ginamit ang lahat ng odd number bilang control group at ang even number bilang experimental. Sa pagtala ng iskor sa mga isinulat ang mananaliksik ay gumamit ng Second Language Composition Profile ni Hughey (1983). Ito ang ginamit sa pagtaya ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat at ang kabisaan ng paggamit ng process approach. Mga Katawagang Ginamit Upang lubos na maunawaan ang pag-aaral, ang mananaliksik ay gumamit ng mga terminolohiyang na kanyang binigyang kahulugan konseptwal at batay sa pagkakagamit nito sa pag-aaral. Kabisaan. Di-Pormal na Sanaysay. Liham na Paanyaya.Ito ay isang uri ng liham pangkaibigan na nagsasaad ng paanyaya sa isang mahalagang pagtitipon nakapaloob dito ang mahahalagang detalye ng okasyon tulad ng layunin, kailan at saan. Madalas inilalagay rin ang uri ng kasuotang inaasahan gayundin ang direksyon papunta sa lugar ng okasyo. Sa pag-aaral, ito ay tumutukoy sa pagsulat ng liham ng paanyaya sa isang kilalang tao upang maging tagapagsalita sa isang pagpupulong. Mag-aaral. Ito ay tumutukoy sa sinumang tao na nakaenrol at umaatend ng mga klase sa paaralan.(http//education.yahoo.com/reference). Sa pag-aaral na ito, ito ay tinutukoy ang mga mag-aaral na nasa Ikatlong Taon ng Mataas na Paaralan ng Caluluan, Taong Panuruan 2012-2013. Maikling-kwento. Ito ay salaysay na may ilang tauhan at isang pangyayari sa 7
  • 8. kasukdulan. Mekaniks. Ito ay tumutukoy sa bantas gaya ng tuldok, kuwit, tandang pananong, tandang padamdam at kudlit na ginagamit sa pangungusap at pagbaybay na tumutukoy sa katumpakan ng pagkakasulat ng mga salita. Nilalaman.Tumutukoy ito sa kahulugan o kabuluhan ng isang paksang sinulat. (http.google.com.) Sa pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy sa kabuluhan ng mga detalyeng sinulat at pagkakaugnay ng mga kaisipang inilahad. Organisasyon. Ito ay tumutukoy sa kalinawan ng ideya at pansuportang detalye.Maging ang paraan ng pagkakabuo ng paksa mula sa panimula, katawan at wakas. Process Approach (Prosesong Dulog). Ito ay isang estratehiya sa pagsulat na hindi nakatuon sa produkto ng sinulat kung hindi sa proseso ng pagsulat.Ang mga mag-aaral ay sasailalim sa tatlong yugto ng pagsulat: ang unang yugto (Prewriting) ito ay kinapapalooban ng mga panimulang gawain gaya ng pagpili ng paksa,anyo ng komposisyon, paglilimita sa paksa pangangalap ng mga impormasyon at pag-aayos ng mga ideya, ikalawang yugto ang pagsulat (Writing) kinapapalooban ng pagsulat ng unang burador at rebisyon at ang huling yugto ay pagsulat na muli (Post writing) nakapaloob dito ang proofreading at pagbibigay puna at huling pagsulat. Sanaysay. Ito ay malayang paraang naglalahad ng kaisipan, kuru-kuro, palagay at ng kasiyahan ng sumusulat; upang umaliw, magbigay-kaalaman o magturo. Talasalitaan. Tumutukoy ito sa angkop na pagpili at paggamit ng salita, idyoma. at talinghaga sa isang komposisyon. 8
  • 9. Tradisyunal na Paraan ng Pagsulat.Tumutukoy ito sa pagtuturo ng pagsulat na nagsisimula sa pagtalakay sa paraan ng pagsulat ng isang partikular na komposisyon at saka na magsusulat ng burador,ito ay ipapasa sa guro para sa pagbibigay ng marka. Wika. Tumutukoy ito sa ugnayan ng aspekto, bilang, salita, pantukoy, panghalip at iba pang bahagi ng salita na ginagamit sa pagbuo ng isang makabuluhang komposisyon. Kabanata 2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Sa bahaging ito ay matutunghayan ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na makabuluhang ginamit ng mananaliksik upang lalong maging maliwanag ang paglalahad ng kasalukuyang pag-aaral. Kaugnay na Literatura Ang pagsulat ayon kay Badayos (2001) ay isang kompleks na kasanayan.Ang isang manunulat ay kailangang may sapat na kaalaman sa mga salik na mahalaga sa pagbuo ng isang sulatin, gaya ng mga sumusunod: 1. Tapik/Paksa- kailangan sa pagbuo ng isang sulatin ang sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang susulatin.Ang kaalaman/impormasyon ay maaring sa mga sangguniang aklat, dyornal at iba pa o mga impormasyong nakalap buhat sa mga pagmamasid at personal na mga karanasan. 2. Layunin- dapat na malinaw sa isipan ng manunulat ang dahilan kung bakit sila nagsusulat.Malaki ang magiging epekto nito sa kanyang paraang ng pagsulat.Kaya ang kaibhan sa anyo o porma ng isang sulatin ay nakabatya ng malaki sa layunin. 9
  • 10. 3. Interaksyon at Isang Kamalayan ng Awdyens-dapat isaisip ng isang manunulat na may nagaganap na interaksyon sa pagsulat.Kung minsan, ang manunulat ay nag-iinterak sa kanyang sarili, halimbawa ,kapag nagsusulat sila ng dyornal pero sa maraming pagkakataon ang interaksyon ay sa ibang tao.Nagsusulat ka para mangumusta o di kaya’y sa pagsulat ng isang maikling paalala/mensahe o kung may nais ipagawa sa isang kasambahay.Kailangan ding linangin ng isang manunulat ang kanyang kasanayang interpersonal. Dapat na alamin kung sino ang sinusulatan,ano ang gusto niyang malaman, ano ang lawak ng kanyang pag-unawa, anong uri ng wika ang angkop na gamitin kung isasaalang-alang ang kanyang kalagayan sa buhay at antas ng kanyang pinag- aralan. 4. Wika- ang isang manunulat ay kailangan mayroong kaban ng wikang maaring gamitin ayon sa pangangailangan.Dapat alam nila ang istilo ng wikang angkop na gamitin sa lahat ng pagkakataon.Ang wika ay instrumentong ginagamit ng tao sa pagpapahayag ng kanyang isipan at damdamin maging ito man ay pasalita o pasulat. 5. Kombensyon- dapat isaalang-alang ang mga kombensyon sa pagsulat na tinatangkilik sa isang pamayanan. Halimbawa, may sariling pormat at istilo ng wika ang pagsulat ng adbertisment na kaiba sa pagsulat ng isang memorandum. 6. Mga kasanayan sa pag-iisip-ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng iba’t ibang kasanayan sa pag-iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan sa pagtatangi ng mga bagay at pangyayari upang madesisyunan niya ang kung alin ang mahalaga o hindi; kailangan din niya ang kaalaman sa lohika upang 10
  • 11. makapangatwiran siya nang mabisa; kailangang alam din niyang paglawin ang kanyang imahinasyon at maging malikhain sa isang kawili-wilang paglalahad;kailangan mayroon din siyang kakayahan sa pagbibigay ng sariling pagpapasya at iba pa.Anupa’t totoong masasabi natin na ang pagsulat ay isnag kompleks na proseso sa pag-iisip. 7. Kasanayan sa Pagbubuo- isa sa mga tungkulin ng manunulat ang makabuo nang maayos na talataan na naglalahad nang malinaw na ideya at mga pansuportang detalye.Nagagawa rin ng isang mahusay na manunulat na lohikal na mailahad ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa pagbuo ng isang magkakaugnay na teksto sa pamamagitan ng mga angkop na pang- ugnay. 8. May sariling Sistema ng Pagpapahalaga- dapat isaalang-alang sa pagsulat ang mga pagpapahalagang pinanaligan ng isang manunulat at handa niyang panindigan ang mga ito.Binibigyang-pansin niya sa pagsulat ang mga sumusunod:  ano ang mahalaga sa paksa  ano ang maganda o mahusay na pagsulat  ano ang angkop na paraan ng pakikipagtalastasan sa isang taong may edad kaysa sumusulat.  sino ang awdyens o pinaglalaanan ng sulatin. 9. Mekaniks (pagsusulat, pagbaybay, pagbabantas, kombensyon sa pagsulat)-dapat isaisip na ang maayos na pagkakasulat ng isang sulatin ay 11
  • 12. isang kailanganin na dapat isaalang-alang sa pagsulat. Kailangan din na ang lahat ng salitang gagamitin sa pagsulat ay may wastong baybay. Hindi rin dapat kaligtaan ang wastong pagbabantas at ang angkop na anyo ng teksto na gagamitin sa pagsulat. 10. Ang Proseso ng Pagsulat- dapat mabatid ng isang manunulat ang mga proseso na sinusunod sa pagsulat: pagpili ng paksa; paglilikom ng mga ideya; paggawa ng draf o burador; pagrerebisa, pag-eedit, ibayong pagtingin at pagpapakinis sa buong manuskrito at paglalathala. Ayon pa rin kay Badayos (2002) ang kalagayan o kultura sa ating paaralan ay maaring makalikha ng mga di makatwirang pagpipilit ng mga metodo sa mabisang pagsusulat.Ilan sa mga ito ang pagtatakda ng bilang ng pormal at di pormal na sulatin para sa isang takdang panahon na di man isinasaalang-alang ang abilidad ng isang klase o pangkat.Nariyan pa ang estratehiyang “write – to-a-title-approach” at iba pang gawi na totoo namang pinaglumaan na ng panahon.Nagpahayag siya ng mga walong (8) batayang simulaain sa pagsulat na hindi dapat kaligtaan ng mga guro:1. Iba-ibahin ang haba ng sulatin, 2. Suriin at ipaalam ang kombensyon ng mga uri ng tekstong isinulat, 3. Iugnay ang pagsulat sa iba pang hati ng mga kasanayang makro sa pagtuturo ng wika, 4. Iplano ang mga aralin nang may wastong pagkakasunud-sunod, 5. Tiyaking may interaksyong pang-mag-aaral sa proseso ng pagsulat, 6. Talakayin ang layunin sa pagsulat at ang awdyens na paglalarawan nito, 7. Ituro ang mga teknik ng pag-eedit ng sulatin at 8. Iba- ibahin ang pokus ng pagmamarka.Dinagdag pa niya sa kanyang pagwawakas ang mga mungkahing paraan upang mabago at mapaunlad ang mga kaganapan sa mga pagtuturo.Nagbigay siya ng mga mungkahi para mahawan ng bagong landas at direksyon 12
  • 13. ang pagtuturo ng pagsulat: 1. Bigyan ng masusing pagtaya ang kasalukuyang dulog sa pagtuturo ng pagsulat batay sa mga simulain sa pagtuturo ng wika. 2. Isaalang-alang ang mga batayang elemento sa pagtuturo at pagkatuto sa pagsulat maging ito man ay una o ikalawang wika gaya ng manunulat, mambabasa, ang uri ng teksto, ang konteksto at ang interaksyon ng mga ito sa isa’t isa. 3. Magkaroon ng pagsusuri sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa pagsulat upang maging batayan ng kurikulum sa pagsulat sa bawat antas ng pag-aaral. 4. Bumuo ng isang silabus sa pagsulat na may komplimentasyon ang Ingles at Filipino upang maiwasan ang duplikasyon ng mga gawain (gaya ng kung naituro na sa Filipino ang pagbabalangkas hindi na dapat ito ituro sa Ingles). 5. Idokumento ang anumang karanasan sa pagtuturo na sa sariling palagay ay naging epektibo sa pagkatuto.Maaring nasa loob ng silid-aralan ang mga epektibo at mabisang pamamaraan at teknik sa pagkatuto. Ang ikatlong mungkahing nabanggit ang naging batayan ng mananaliksik upang bigyang diin at magsagawa ng pananaliksik ukol sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo ng pagsulat ng sa gayon ay makagawa ng isang rekomendasyon na mapapakinabangan ng mga kapwa guro ko sa Filipino higit lalo na ng mga mag-aaral na siyang sentro ng pagtuturo. Ang pagsulat ayon kay Tumangan at iba pa (2001) ay isang paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip, kaalaman at damdamin ng tao sa pamamagitan ng mga 13
  • 14. sagisag ng mga tunog ng salita.Ito rin ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa paraang palimbag upang maipahayag ang kanyang iniisip at nadarama.Sa mga mag-aaral ang pagsulat ay ay isang paraan ng pagkatuto o pagtaya ng kanilang natutunan.Natututo silang magsulat ng isang komposisyon bilang paghahanda sa pagsulat ng mahabang salaysay,sumusulat silat ng ulat upang matuto ng mga bagay at impormasyong isinasama sa ulat at nagsusulat sila ng isang napapanahong papel na nakadaragdag sa kanilang mga kaalaman sa iba’t ibang paksa na isinasama sa pananaliksik. Nagsisilbing ebalwasyon ng pagkatuto ang pagsulat kapag maganda ang ulat na sinulat,higit na malaman at kapaki- pakinabang ang napapanahong papel at talagang nagsaliksik at nagbasa ng mga sangguniang aklat. Ayon kay Hedge (2002) ang pagsulat ay hindi lamang isang simpleng paraan ng pagsasalin ng wika sa pasulat na simbolo ito ay isang proseso ng pag-iisip. Ito ay nangangailangan ng intelektwal na pagsisikap na dapat na mapanatili sa isang takdang panahon.Sapagkat ang kabisaan sa wika ay hindi sapat upang mapadali ang pagsulat bagkus dapat ang pangkognitibong kasanayan. Binigyang pansin ni White (2004) ang ating utak ay hindi lamang nakatuon sa mga salitang nakalista at nakalinya. Bagamat makikita sa mga talumpati at napapanahong papel ang mga hanay ng salita ito pa rin ay dumadaan sa proseso ng pagpili na nagaganap sa ating isip. Ang manunulat ay nakakaranas ng mas mataas na yugto ng pag-iisip.gaya ng isang kompyuter na nagsasaliksik ng angkop na ideya na angkop sa paksang sinusulat. Ang kawalan ng aktibong pakikibahagi ng manunulat ay maaring magbunga ng kabiguan sapagkat ang ideyang ito ay hindi matatamo. Samakatwid, napapadali ang pagsusulat kapag nararating ng manunulat ang yugto ng kamalayan o “subconscious mind”. Sa kahit 14
  • 15. na anong sitwasyon kung saan ang manunulat ay pumipili o binibigyan ng isang paksa o suliraning bibigyan ng kalutasan, ang paksa ay magiging “felt sense in a vague fussy feeling within the body created by the images, words, ideas evoked by the topic”. Samantalang si Edward (1987) ay nagpapatunay na ang pagsusulat ay maaring maisama bilang pinakamahirap na kasanayan sa wika. Mga kamalian sa pagbaybay at gramatika ay hindi maiiwasan kahit na maliwanag ang kahulugan at ang pagkakasulat ay kaakit-akit at maayos. Sa artikulo ni Keh (1990) ipinahayag niya na ang proseso ng dulog sa pagsulat ay nangangailangan ng mga maraming mga hakbang mula sa paglikha ng ideya,pagsulat,pagrerebisa at pagkuha ng feedback sa mga bumasa ng iyong sinulat at pagsulat muli. Siya ay nagdisenyo ng mga hakbanging sa pagsulat na hango sa ganitong pananaw. Ang kanyang disenyo ay nakabalangkas ng ganito. Panimulang Pagsulat (Prewriting) Sa yugtong ito ng pagsulat ang mag-aaral ay nagpaplano ng kanyang isusulat bago sulatin ang borador.Ito rin ay dumaraan sa mga sumusunod na proseso. Pagpili ng paksa-natutuon ito sa pagpili ng paksa batay sa inyong interes at lawak ng kaalaman.Itala ang lahat ng mga ito,mula sa mga ito ay pumili ng iyong paksang susulatin. Pagpili ng anyo ng komposisyon-ito ay nakatuon sa pagdedesisyon kung ang susulatin ay isang sanaysay, anekdota, talambuhay o maikling kwento.Ito ang magbibigay sa iyo ng gabay sa pagsulat. 15
  • 16. Limitahan ang paksa- kailangan pumili lamang ng isang aspekto o bahagi ng iyong paksang nais na sulatin. Pangangalap ng mga impormasyon- una, ay isulat ang mga kaalamang alam mo na tungkol sa paksa,Pangalawa, maari kang kumuha ng mga impormasyon sa mga pahayagan,magsin at mga libro.Maari ka ring magkaroon ng pananyam sa isang tao bihasa sa iyong paksa.Itala ang mga nakalap na impormasyon. Ayusin ang mga ideya- basahin ang mga detalye ng iyong nakalap na impormasyon.May mga magagamit at mayroong detalye na walang kaugnayan sa iyong paksa,alisin ito.Ayusin ang mga impormasyon ayon sa pinakamahalagang ideya.Maari kang gumawa ng banghay na magiging tuntunin mo sa pagbuo. Pagsulat ng burador (Writing)- nakatuon sa pagsulat ng iyong unang borador. Magsulat at hayaan muna ang mga maling baybay at bantas.Maari mo naman itong itama pagkatapos mong basahin muli ang iyong borador.Hayaan mo ang daloy ng ideya.Sundin mo ang iyong plano o banghay . Pagsulat na muli (Post writing) Rebisyon- ito ay ang pagwawasto ng iyong komposisyon.Sinusuri ang iyong mga ideya at salita.Basahin muli ang sinulat.Maaring itanong ang mga sumusunod: May pagkakaugnay ba ang mga ideya? Nakakapukaw ba ito ng interes? Angkop ba ang mga salita? Sa iyong burador markahan ang mga nais na palitan.Isulat ang mga 16
  • 17. salitang nais mong ipalit at isama. Proofreading- ang huling yugto ng pagrerebisa.Ito ang huling pagwawasto sa bantas, balarila,baybay at pagsulat ng malaking titik. Pagsulat muli- ito ang huling pagsulat gawin itong malinis at nababasa nang mabuti. Binigyan niya ng pansin ang ganitong dulog ay positibo sa pagpapahusay ng nilalaman, organisasyon at wika.Karagdagan, itong dulog na ito ay nakapagpabago sa mainipin at bigong pananaw tungo sa pagsulat para magkaroon ng positibong pananaw. Batay sa mga pag-aaral na naisagawa malaki ang nagagawa ng pagsulat sa paghubog ng damdamin ng isang mag-aaral.Sa pamamagitan ng pagsulat, naipapahayag niya ang anumang mga paniniwala, mithiin, layunin sa buhay, pangarap, agam-agam, damdamin at mga hinaing. Sa pagsulat din nakikilala ng mga mag-aaral ang kanyang sarili; ang kanyang kalakasan at kahinaan, lalim ng kanyang pag-unawa, ang tayog at lawak ng kanyang kaisipan at ang naabot ng kanyang kamalayan. Ayon kina Hugney,et. al(1983), nakatulong ang pagsulat sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa lohikal na pag-iisip at paglutas ng suliranin, napapaunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mahahalagang detalye, pakikipagtalakayan, pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga impormasyong nakalap bago ang ganap na pagsulat. Sa aklat na “Teaching Second Language Composition” (Principles and Techniques) gumamit sina Hughey, et. al (1981) ng isang pamamaraan upang masuri ang kahinaan at kalakasan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng komposisyon sa kanilang paniniwala na 17
  • 18. Important aspect of becoming an independent lifelong writer is developing the ability to evaluate one’s own writing progress and to use feedback from the evaluation as a guide for further growth and improvement. Bunuo sila ng isang rubrics sa pagtataya ng isang sulatin na kanilang tinawag na Composition Profile, na nakatuon sa limang aspekto. Ang bawat isa ay nakatuon sa mahalagang bahagi ng pagsulat,ang bigat nito ay batay sa kahalagahan ng komunikasyon sa paraang pasulat at ito ay; CONTENT tumutukoy sa pagkakaroon ng sinasabi o nilalaman ng sinulat, ORGANIZATION tumutukoy sa pag-aayos ng kaisipan, VOCABULARY , LANGUAGE USE and MECHANICS tumutukoy naman sa panlinggwistika at mekanikal na paniniwala para sa epektibong paglalahad ng talakay.Ang kabuuang bigat ng bawat aspekto ay nahahati sa apat na mastery level- Excellent to Very Good, Good to Average, Fair to Poor at Very Poor. May tiyak na katangiang naglalarawan na siyang magiging gabay sa pagtataya ang mga ito.Dahil sa pawang mga keyword lamang na siyang nagpapakilala na malalaking konsepto ukol sa komposisyon,ibinigay nila sa kanilang aklat ang mga detalye ng bawat isang mastery level upang lalong maging malinaw ang pagtataya.Mahusay ang sulatin kung tumutukoy na matagumpay na napahayag nito ang mensahe sa mambabasa.Samanatalang kabaligtaran nito ay magulo at tuluyang nawala ang mensaheng ninanais na ipahayag sa sulatin dahil sa kakulangan ng kasanayan.Ang unang dalawang mastery level ay nagpapakita na matagumpay ang naging komunikasyon, may pagkakaiba nga lamang sa digri, at ang dalawang huling mastery level ay pagkakaroon ng pagka-antala ng komunikasyon. 18
  • 19. Mga Kaugnay na Pag-aaral A. Lokal na Pag-aaral Ayon kay Batin (2000) sa kanyang di nailathalang disertasyong “Developing Academic Writing Proficiency and Learner Autonomy through the Process Approach” isang pag-aaral ang kanyang binanggit na nakatuon sa pagtaya ng pagiging epektibo ng process approach sa pagtuturo sa pagsulat ng komposisyon ng mga mag- aaral sa elementarya sa National Capital Region. Ang pag-aaral ay lumikha ng konseptong hulwaran na gaya ng process approach para sa pagsulat ng komposisyon na binubuo ng tatlong mga salik gaya ng:1. Ang mag-aaral bilang ang manunulat 2. Ang Guro bilang taga facilitator at 3. Mga materyales na gagamitin.Ang implikasyon ng pag- aaral na ito ay magiging epektibo ang process approach sa edukasyon ng Pilipinas kung mabibigyan ang bawat guro at mag-aaral ng sapat na materyal at angkop na tekstong susulatin. Pinatitibay ng pag-aaral na ito ang kahalagahan ng pagkatuto ng bawat mag-aaral sa pagpapatupad ng process approach at ang bahaging ginagamapanan ng bawat guro sa pagsasagawa nito.Bagamat ipinakikita nito na nararapat na makalikha ang bawat guro ng matetyal na gagamitin na ang proseso ay dumaraan sa panimulang pagsulat,pagpapaunlad ng sinulat at huling pagsulat. Batay sa pag-aaral na ginawa ni Ignacio (2008) “Teaching Writing to Fourth Year High School Students”na naipamalas ng ebalwasyon sa kasanayan ng mga mag-aaral na ang process approach ay nakatulong upang malinang ang kanilang kasanayan sa pagsulat. Dahil ang mga bata ay binigyan ng pagkakataong mapag-isipan at marebisa ang kanilang ideya kasama ng gabay na ibinibigay ng kanilang guro at kamag-aral sa mga 19
  • 20. pulong –panayam, naging mas mahusay ang kinahinatnan ng mga huling sipi ng kanilang akda. Ang kabisaan ng paggamit ng process approach sa pagsulat ay pinatunayan sa kwalitatibong pag-aaral na isinagawa ni Concepcion (2006). Lumabas sa kanyang pag- aaral na mas mataas ang kalidad ng mga sulating nabubuo ng mag-aaral kung ginagamitan ng process approach ang mga ito. Napatunayan ding malaking tulong ang ganitong dulog sa paglinang ng komprehensyon ng mga mag-aaral, lalo pa kung isinasaalang-alang ang interes, kakayahan at istilo sa pagkatuto ng mga estudyante. Sa dalawang pag-aaral na isinagawa nina Concepcion at Ignacio pinatutunayan lamang na higit na mabisa ang paggamit ng process approach upang matamo ang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa lahat ng antas. Bagaman lumabas din sa pag- aaral ni Concepcion na nabubuo ang komprehensyon sa pagsulat dahil sa pagkakaroon ng lubos na pagkaunawa sa paksa. Kapwa kinakatigan at pinaniniwalaan ng pananaliksik na ito na mabisa ang paggamit ng estratehiyang process approach sa pagtuturo ng pagsulat at paglalantad ng kahinaan at kalakasan ng bawat mag-aaral para sa higit na mabisang paggabay. Ang kaalaman at kasanayan sa pagsusulat ay maaring bunga ng maagang paglinang nito sa bawat indibidwal ng ito ay nasa elementary pa lamang.Ito ang paniniwala ni Soledad Francisco (1991) sa kanyang “Acquisition of Discourse Skills in Written Narratives of Filipino Students” ang pag-aaral na ito ay nagpapatibay sa paniniwalang na ang kakayahan ng mga nasa kolehiyo sa pagsulat ay nalilinang sa kanilang pag-aaral. Ang mga resulta ng pag-aaral ay una, may mga baytang ng pag-unlad sa pagkamit ng kakayahan sa pagsulat na makikita na dumaan sa natural na proseso. 20
  • 21. Pangalawa, ang mga datos ay nagpapakita ng sistematikong pamamaraan ng paglinang ng kakayahan sa pagsulat at ikatlo, ang pag-unlad sa pagsulat ay naiimpluwesnsiyahan ng antas ng kanilang gulang dahil na rin sa iba’t ibang pagkatuto natin sa wika sa bawat yugto ng ating buhay bilang estudyante. Ang pag-aaral ay nagbibigay ng rekomendasyon na sa kadahilanan na ang pagkakamit ng kakayahan at kasanayan sa pagsulat ay sumasailalaim sa bawat yugto ng pag-unlad mahalaga na makapagbibigay ang guro ng angkop na pagsasanay sa pagsulat para maiugnay ang sarili at matapos ang pagsasanay ng may tiwala sa sarili. Karagdagan, ang bawat mga guro ay nararapat na makalikha ng kalagayan sa silid-aralan na makahihikayat sa bawat mag-aaral na sumulat at magsalita. Pinatutunayan ng pag-aaral na ito na sa bawat antas ng pag-aaral ang bawat mag- aaral ay magkamit ng mga kasanayan sa pamamagitan ng sistematikong pamamaraan upang mahubog ang kakayahan sa pagsulat kaisa ang pag-aaral na ito sa kasalukuyang pananaliksik ang makita ng bawat guro ang kabisaan ng process approach para sa tamang paggabay at positibong pananaw sa pagsulat. Sa isinulat ni Prof. Ramades M. Doctor na may pamagat na“Teacher Education Curricula” na matatagpuan sa aklat na Philippine Extension Service Review na nailimbag noong 1996. Tinalakay niya ang propesyon ng pagtuturo na naaayon sa kurikulum ng edukasyon na kung saan dapat mapaunlad ang pagkaunawa, kakayahan at pag-uugali ng mag-aaral. Ang tagapagturo ay isa sa tagapagpaunlad ng programang pang-edukasyon at pangwika.Idinagdag pa niya na ang mga paaralan ay gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan para madaling matuto ang mga mag-aaral. Isa sa pamamaraang ito ay ang kurikulum na nagiging instrumento sa pagsalin ng pag-asa o inaasahang edukasyon sa kongkretong realidad. Para magawa na ang kurikulum sa programang pang-edukasyon at 21
  • 22. pangwika ay maging totoong epektibo, ang kailangan ay iagapay sa panahon ang sistema ng edukasyon na kung saan nalilinang ang kaalaman, operasyunal na kakayahan at pagpapatupad ng katanggap-tanggap na pamamaraan. Sa bawat isa na nagbibigay ng malikhaing mga karanasan at pagpapaunlad ng pag-iisip kasabay ang paparating na bagong kaalaman sa pag-usad ng panahon (97-98). Sa rekomendasyong ito ay pinahihintulutan ang paggamit ng mga estratehiya sa pagtuturo para sa lubos na pagkatuto.Magkatulad ito sa layon ng pananaliksik na maipakita ang isang epektibong dulog para magtulungan ang mga mag-aaral na mahubog ang kasanayan sa pagsulat at ito nga ang process approach. Sa pag-aaral ni Sengseng (1987) ipinahayag niya na “huwag nating asahan ang ating mga estudyante na makalikha ng isang komposisyon na higit na orihinal at makabuluhan sapagkat ang kanilang kakayahan ay nakadepende lamang sa uri ng materyal at estratehiyang ginamit sa pag-uugnay ng kanilang mga karanasan upang makapagsulat kaalinsabay nito ang pagtuturo ng tamang proseso ng pagsusulat. Kaisa ang mananaliksik sa pahayag na ito na ang kakayahan ng bawat mag-aaral ay nakadepende sa paraang ng pagbibigay ng tamang estratehiya ng pagsulat upang lubos na mahubog ang kanilang kakayahan. Ang sapat na panahon at mga panimulang gawain bilang paghahanda sa kanilang pagsulat ay lubos na nakakatulong upang lalo silang magkaroon ng lubos na pagkaunawa sa paksang kanilang nais na isulat at ang pagbibigay ng puna ay makakatulong upang higit na magabayan ang mga mag-aaral. B.Banyagang Pag-aaral Sa pag-aaral na ginawa ni Belinda Ho (2006) Effectiveness of using the 22
  • 23. process approach to teach writing in six Hong Kong Primary Classrooms”. Napatunayan ng pag-aaral na ito na epektibo ang paggamit ng prosesong ito sa paghubog ng kasanayan sa pagsulat. Ang pagtaya ng pagiging epektibo nito ay ang pagsasagawa ng post- interviews at paghahambing sa pre at post questionnaire, pre-test at post-test. At pinatunayan nito na positibo ang resulta sa lahat ng klase na may mataas at mababang antas ng talino. Iminumungkahi niya na maaring ito ay sagot para sa higit na epektibong paglinang ng mga mag-aaral sa kasanayan sa pagsulat. Karagdagan, bago isinagawa ang pag-aaral ang mga guro ay sumailalim muna sa dalawang buwang pag-aaral sa programa. Ang pag-aaral na ito ay kahalintulad ng kasalukuyang pag-aaral ng mananaliksik na epektibong estratehiya ang process approach sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat batay sa mga feedback o puna na ibinigay ng mga kalahok. Sa pag-aaral na isinagawa ni Onozawa (2000) na pinamagatang “The Use of Process Approach : A suggestion for an eclectic writing” tinalakay niya ang mga kabutihang dulot ng paggamit ng process approach ayon sa kanyang pag-aaral nagkakaroon ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na magsulat o bumuo ng komposisyon na nakakatulong sa paglinang ng kanilang kakayahan sa pagsulat dahil sa tatlong proseso ng pagsulat na kanilang pinagdadaanan.Nakabubuti rin ang paggamit ng istratehiyang ito sa paggamit ng wika sapagkat ang mga mag-aaral mismo ang pipili at lilikha ng mga salita na angkop sa nilalaman at mensahe ng kanilang komposisyon. Nabibigyang-halaga rin nito ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagbibigay-puna sa kanilang isinulat.Karagdagan pa,aniya, ang istratehiyang ito ay nakabubuti sa mga mag-aaral dahil sa iba’t ibang gawain na nakakatulong sa paglinang ng kakayahan sa paggamit ng wika at ang paggamit ng teknik na “conferencing”. 23
  • 24. Bagamat ang naturang pag-aaral ay nakatuon sa mga mag-aaral na eclectic masasabi ko na ang kinalabasan ng pag-aaral ni Onozawa ay nakakatulong sa pag-aaral ng kabisaan ng process approach dahil sa bawat mag-aaral ay mayroong eclectic learner, manapa ay masasabing sa kahit anong uri ng mag-aaral ay maaring epektibong magamit ang prosesong ito upang malinang ang kakayahan sa pagsusulat na isa sa makrong kasanayan ng Filipino. Ayon naman sa pag-aaral na ginawa ni Unger (2004) na pinamagatang “Is Process Writing the, Write Stuff?” batay sa kanyang mga rekomendasyon ay nangangailangan pa rin ng malawakang pag-aaral at pananaliksik tungkol sa kabisaan ng process approach sa pagsulat bagamat ayon sa kanya ay sapat ang mga nalikom na datos para masabing epektibo ang paggamit ng process approach. Lalo na ang paggamit ng una at ikalawang yugto ng pagsulat; ang panimulang pagsulat (Prewriting) at pagsulat (Writing) ay nakatutulong sa paghubog ng kakayahan sa pagsulat. Sa kabuuan ang resulta ng kanyang pag-aaral ay nagmumungkahi ng paghahanap ng mga tugma at angkop na materyales sa paggamit ng prosesong ito sa pagtuturo ng pagsulat sa bawat mag-aaral. Iminumungkahi ng pag-aaral na ito, na kailangan pa ng iba pang pag-aaral upang higit na mapatunayan ang pagiging epektibo ng paggamit ng process approach. Ang mga datos na nalikom ng pag-aaral ng mananaliksik ay magsisilbing patunay sa kakayahan at kabisaan ng prosesong ito sa paghubog ng kakayahan ng bawat mag-aaral sa mahusay na pagpapahayag ng kanilang mga saloobin at pananaw sa pasulat upang magkaroon ng malawak na kaalaman sa paggamit ng wika at organisasyon ng ideya. Ayon din sa pag-aaral ni Chau ( ) na isinagawa sa Ly Tu Trong Specialized Upper-Secondary School na may paksang “The impact of Adapting the Process-Oriented 24
  • 25. Approach on EFL Learners Writing Performance”. Tinalakay niya sa kanyang rekomendasyon ang mga lumabas na suliranin na naranasan ng mga ginamit niyang kalahok sa kanyang pag-aaral. Ang mga nakitang suliranin ay ang mahabang panahon ng paghahanda ng mga mag-aaral at guro gaya ng brainstorming at pangangalap ng mga impormasyon sa pagsulat ng paksa, ang oras para sa pagsulat ng unang burador, ang pagrerebyu at pag-eedit at pagsulat muli.Ang lahat ng mga ito ay hindi magagawa sa loob lamang ng 45 minuto o isang oras. Kaya iminumungkahi ng pag-aaral na ito kung ito ay isasali sa kurikulum ay kailangang isaalang –alang ang paglalaan ng sapat na oras para sa matagumpay na pagpapatupad ng process approach. Ginamit din ng pag-aaral na ito ang English for Second Language Composition Profile ni Jacobs sa pagtaya ng mga komposisyon ng mga mag-aaral.Tinaya ang bawat komposisyon sa pamamagitan ng nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks. Ang mga kinalabasan ng pag-aaral at rekomendasyon ni Chau ay tumutugma sa nakalap ng mananaliksik. Ito rin ang nagsisilbing kahinaan ng process approach sa pananaw ng mga kalahok. Bagamat ang mga ito ay hindi nararapat na maging hadlang sa pagpapatupad ng prosesong ito gaya ng nasabi ni Chau dapat lamang itong isaalang-alang sapagkat ang bunga naman ng prosesong ito ay higit na mapapakinabangan ng mga mag- aaral lalo na sa pasulat na pakikipagtalastasan. Bagamat ginamit ng pag-aaral ng mananaliksik ang ESL Composition Profile ni Hughey at hindi ang kay Jacobs masasabi pa rin natin na hindi sila nagkaiba sa pagtaya ng komposisyon na sinulat gaya ng pagsukat sa nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks. 25
  • 26. Batayang Konseptwal Ang pagsulat ay isa sa mga limang makrong kasanayan na nililinang ng asignaturang Filipino sa bawat mag-aaral na nakatuon sa pagpapahayag ng pananaw, saloobin o damdamin. Ipinapakita rin nito ang lubos na kabatiran ng bawat mag-aaral sa paksa na nililinang. Ang paglinang sa kasanayan sa pagsulat ay maaring mapadali sa pamamagitan ng paggamit ng isang dulog o estratehiyang angkop sa pagtuturo ng kasanayang ito.Isang estratehiyang tutugon sa pangangailangan, interes at estilo ng bawat mag-aaral. Nagsisimula ang pagtuturo ng estratehiyang process approach sa pamamagitan ng pangangalap ng guro ng mga angkop na materyales na gagamitin sa pagtuturo.Matapos maihanda ang mga ito,sumasailalim ang bawat mag-aaral sa tatlong yugto ng pagsulat:unang yugto (Prewriting) ang bawat mag-aaral ay nakatuon sa pagpili ng paksa batay sa kanilang interes at kaalaman,pagpili ng anyo ng komposisyon, paglimita sa paksa at pangangalap ng impormasyon sa napiling paksa, ang pangalawang yugto ay ang pagsulat (writing) dito nakapaloob ang pagsulat ng unang burador ito ay nakadepende sa anong uri ng kombensyon ang napili gaya ng pagbibigay ng wakas ng kwento, sanaysay at liham paanyaya at ang huling yugto ay ang pagsulat muli (Post writing) nakapaloob dito ang rebisyon ng mag-aaral, pagbibigay feedback gamit ang isang batayan ng pagtaya ng marka at ang pagsulat ng huling burador.Ang bawat mga yugto ng pagsulat ay tumtulong upang mahubog ang kasanayan sa pagsulat. Ang kahusayan at kasanayan sa pagsulat ay makapagpapabago sa nangingibabaw na konseptong nakababagot ang pagsulat.Ang pagsulat ay tumutulong sa paghubog ng iba pang kasanayan gaya ng lohikal na pag-iisip, paglutas ng suliranin at pagiging kritikal at mapanuri. Makakatulong 26
  • 27. Implikasyon ng pag-aaral sa mga mag-aaral, guro at paaralan Implikasyon ng pag-aaral sa mga mag-aaral, guro at paaralan Panimulang Pagsulat a.Paghahanda ng mga halimbawa ng pagbibigay wakas ng kwento, sanaysay at liham ng paanyaya. b.Konbensyon ng pagsulat c.Pag-aayos ng mga ideya Panimulang Pagsulat a.Paghahanda ng mga halimbawa ng pagbibigay wakas ng kwento, sanaysay at liham ng paanyaya. b.Konbensyon ng pagsulat c.Pag-aayos ng mga ideya din ito sa pag-angat ng pang-akademikong pagganap ng bawat mag-aaral. Ang prosesong ito ay makakatulong sa bawat mga guro upang higit na maging epektibo sa pagtuturo. Kaalinsabay ng pag-unlad ng bawat mag-aaral any ang pag-unlad din ng paaralan higit lalo na sa larangan ng pagsulat bilang isa sa mga mahalagang makrong kasanayan. 27 Pagsulat (Writing) Pagsulat ng Unang Burador sa wakas ng kwento, sanaysay at liham ng paanyaya .BBBurBrBurador Pagsulat (Writing) Pagsulat ng Unang Burador sa wakas ng kwento, sanaysay at liham ng paanyaya .BBBurBrBurador Kabisaan ng paggamit ng process approach Kabisaan ng paggamit ng process approach Muling Pagsulat (Post Writing) Rebisyon,Proofreading,fe edback,pagtaya gamit ang Second Language Profile ni Hughey (1983) Pagsulat ng UBurador Muling Pagsulat (Post Writing) Rebisyon,Proofreading,fe edback,pagtaya gamit ang Second Language Profile ni Hughey (1983) Pagsulat ng UBurador Pag-unladng antasng kasanayansa pagsulatngmga mag-aaralsa IkatlongTaon Pag-unladng antasng kasanayansa pagsulatngmga mag-aaralsa IkatlongTaon
  • 28. Unang Pigura: Ang Daloy ng Process Approach tungo sa kasanayan sa Pagsulat 28
  • 29. Kabanata 3 PAMAMARAAN AT PINAGMULAN NG MGA DATOS Sa kabanatang ito ilalahad ang mga disenyo ng pananaliksik, lokal ng pag- aaral,pinagmulan ng datos, instrumentong ginamit sa pag-aaral, pinagmulan ng datos, instrumentong ginamit sa pananaliksik, pamamaraan ng pagbibigay ng iskor at grado,pamamaraan ng pagkalap ng mga datos at estatistikang ginamit sa pagsusuri ng mga datos. Disenyo ng Pananaliksik Ginamit ng mananaliksik ang eksperimental na pamamaraan ng pananaliksik. Napili ito sapagkat, ito ang makatutugon sa pagtukoy ng kabisaan ng paggamit ng process approach sa pagsulat ng mga mag-aaral.Ang pamamaraang ito ay maglalarawan ng antas ng kasanayan sa pagsulat sa asignaturang Filipino ng Caluluan High School matapos maituro ang process approach. Nagkaroon din ang mananaliksik ng panayam sa mga kalahok upang makita ang kalakasan at kahinaan ng istratehiyang ito. Lokal ng Pag-aaral Ang Pampublikong Paaralan ng Caluluan ay matatagpuan sa Caluluan,Concepcion, Tarlac.Naitatag ito noong 1966 (Taong Panuruan 1966-1967) sa pamamagitan ng tulong ng Konseho ng Baryo sa pamumuno ng Kapitan ng Barangay na si Victor Mallari, Pangulo ng Samahan ng mga Magulang na si G. Bienvenido Hipilito at ni G. Glicerio Zablan na noon ay Punong-Guro ng elementarya ay naipatayo ang paaralan.Ito ay matatagpuan malapit sa Barangay Parulung mayroon itong halos 25 mga silid-aralan,kantina, silid-aklatan at mga tanggapan ng guro. Patuloy sa paglago ang Pampublikong Paaralan ng Caluluan na may 48 na mga 29
  • 30. guro , 4 na Head Teacher sa Agham, Matematika, Araling Panlipunan at Communication Arts at humigit kumulang sa 1200 mga mag-aaral na galing sa mga kalapit na barangay.Ito ay nagpapatupad ng Basic Education Curiculum sa Ikaapat at Ikatlong Taon,Secondary Education Curriculum sa Ikalawang Taon at K-12 Curiculum sa Unang Taon. Pinagmulan ng mga Datos Ang mga mag-aaral sa Ikatlong Taon ng Mataas na Paaralan ng Caluluan, taong panuruan 2012-2013 ang ginamit na kalahok sa pananaliksik. Ang mga kalahok ay binubuo ng 290 na mag-aaral mula sa mga ito ginamit ang random sampling na fish bowl technique para makuha ang 80 mag-aaral. Ginamit din ang stratified sampling upang ayusin ang mga kalahok batay sa pinakamataas at pinakamababang marka na nakuha nila sa Filipino II bawat mag-aaral ay binigyan ng bilang mula 1-80.Mula sa mga bilang na ito ay ginamit ang lahat ng odd number bilang control group at ang even number bilang experimental. Ang mga nabibilang sa control group ay sasailalim sa tradisyunal na paraan ng pagtuturo ng pagsulat samantalang ang experimental ay sasailalim sa pagtuturo ng process approach. Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay ang Second Language Composition Profile (Hughey et. al. 1983). Ito ang ginamit sa pagtaya ng antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat at kabisaan ng process approach. Ang nabanggit na Composition Profile ay binubuo ng mga iskor na 30 para sa nilalaman, 20 para sa organisasyon, 20 para sa talasalitaan , 25 para sa tamang paggamit ng wika/gramatika at 5 para sa mekaniks.Ang kabuuang iskor ay 100. 30
  • 31. Ang Second Language Composition Profile ni Hughey (1983) ay nagtataglay ng 5 bahagi at bawat bahagi ay nakatuon sa isang aspekto ng pagsulat at may katumbas na kahalagahan sa pagsulat. Ang nilalaman ay magbibigay tuon sa kaalaman ng mag-aaral sa paksa ng pagsulat, maging ang pagiging malikhain nito sa paggamit ng mga salita,talasalitaan at ng wikang Filipino para sa epektibong paglalahad ng mga ideya. Ang bawat mga bahagi ay binigyan ng katumbas na bilang upang masukat ito at nilagyan din ng apat na antas ng pagkatuto (Lubhang Mahusay__Mahusay, Magaling__Magaling-Galing, Karaniwan___Mahina at Lubhang Mahina) na binigyan ng tiyak na paglalarawan para kumatawan sa bawat krayterya ng pagsulat ng komposisyon. Ito ay susukatin batay sa bawat iskor na makukuha sa bawat bahagi o krayterya at ang magiging kabuuang iskor ng bawat kalahok. Ang mga nilalaman at gawain ng binuong mga aralin na ipapatupad sa experimental at control group ay isinangguni ng guro/mananaliksik sa kanyang Punong- guro, Head Teacher sa Communication Arts at sa tatlong mga kasama pa niyang guro na nagtuturo ng Filipino para sa ebalwasyon. Nagmasid din ang Head Teacher para sa pakitang turo ng pagpapatupad ng process approach ng mga nasa experimental group. Para sa aralin ng pagbibigay ng wakas ng kwento ginamit at dinagdagan ng mananaliksik ang mga gawain na nasa Banghay Aralin na matatagpuan sa Gabay sa Pagtuturo ng Basic Education Curriculum para sa Filipino III,sa pagsulat ng sanaysay ay nangalap sa mga aklat sa retorika at internet ng mga datos kung paano ang paraan ng pagsulat ng sanaysay at sa pagbibigay ng liham ng paanyaya ay ginamit muli ng 31
  • 32. mananaliksik ang Banghay Aralin na matatagpuan sa Gabay sa Pagtuturo ng BEC at dinagdagan ito ng mga gawain ng mga mag-aaral na lilinang sa kasanayan sa pagsulat. Samantalang tatayain ang komposisyong ng experimental at control group gamit ang Second Language ni Hughey. Magkapareho ng aralin ang experimental group gaya ng pagbibigay ng wakas ng kwento, pagsulat ng sanaysay at pagsulat ng Liham ng Paanyaya. Parehong ituturo ang kombensyon ng pagsulat sa dalawang grupo ngunit magiging magkaiba sa istratehiyang gagamitin. Kapwa tatanggap ng limang araw na pagtuturo ang experimental at control group sa bawat komposisyon na lilikhain.Sa kabuuan ay may labinglimang araw ng pagtuturo sa bawat grupo upang maisakatuparan ang pag-aaral. Ginamit din ng mananaliksik ang panayam bilang instrumento upang makalikom ng mga datos ukol sa kalakasan at kahinaan ng process approach. Tinanong ang 40 kalahok na nasa experimental group tungkol sa kanilang karanasan sa pagsulat, kung nakatulong ang mga gawain sa paghubog ng kanilang kasanayan sa pagsulat,kung nakatulong ang puna sa pagpapahusay ng kanilang komposisyon at ng natapos ang proseso ay higit na naunawaan ang mga paraan ng pagsulat ng iba’t ibang komposisyon. Pamamaraan ng Pagbibigay ng Iskor at Grado Bibigyan ng iskor ang unang burador at pinakahuling burador ng mag-aaral gamit ang Second Language Composition Profile ni Hughey (1983). Magsisilbing tagapagwasto at tagapagbigay ng puna ang Guro/Mananaliksik.Magkahiwalay ang iskor sa nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks. Ang bawat iskor sa pagsulat ng burador at panghuling burador ay ihahambing upang masukat ang kabisaan ng paggamit ng process 32
  • 33. approach sa pagsulat. Susukatin rin ang kabuuan ng iskor na nakuha sa bawat komponent upang matukoy ang kanilang antas ng kasanayan. Pamamaraan ng Pagkalap ng mga Datos Ang mga sumusunod na mga hakbang ang ginamit ng mananaliksik sa pagsasagawa ng process approach upang makalikom ng datos na magpapatunay ng kanyang kabisaan. (Experimental Group) Pagsulat ng Wakas ng Kwento Ang bawat mag-aaral ay nagsulat ng wakas ng maikling kwento ni “Kwento ni Mabuti” .Dalawang mga komposisyon ang isinulat, ang unang burador at ang panghuling burador. Panimulang Pagsulat A. Panimulang Pagsulat (Prewriting) Nagkwento ang mga mag-aaral ng kanilang mga hindi makakalimutan na karanasan sa kanilang mga nagdaang guro sa elementarya at sekundarya.Nagbigay din sila ng pagpapakahulugan tungkol sa pamagat ng “Kwento ni Mabuti” na sinulat ni Genoveva Edroza-Matute na hango sa Gabay sa Pagtuturo-Filipino III ng Basic Education Curriculum.Narito ang mga katanungan: Ano ang ibig sabihin ng pamagat? Tungkol saan ang kwento? Bakit kaya ganito ang pamagat ng kwento? B. Pagpapabasa sa akda 33
  • 34. C. Pagbibigay ng buod ng kwento D. Pagsusuri sa maikling kwento ayon sa mga sumusunod: 1. Banghay 2. Paningin 3. Paksang-diwa 4. Himig 5. Tauhan 6. Tunggalian 7. Teoryang Pampanitikan 8. Pag-uugnay sa akda sa mga tiyak na karanasan (pangkatang gawain) 9. Pangangalap ng impormasyon sa silid-aklatan bilang paghahanda sa komposisyong isusulat. II.Pagsulat ( Writing ) A. Pagsasalaysay sa maikling kwento “Estero”. B. Pagtalakay sa mga tuntunin ng pagsulat ng maikling kwento. C. Pagbasa sa halimbawa ng pagbibigay ng wakas ng kwento, ang “Estero”. 34
  • 35. D. Pagsulat ng mga mag-aaral ng wakas ng kwento ng “Kwento ng Mabuti”. E. Pagsumite ng output para sa pagbibigay ng puna ng mananaliksik. III. Muling Pagsulat (Postwriting) A. Pagsasauli sa sinulat na burador kasama ng mga puna at komento. B. Pagpapaliwanag sa mga komento. (One-on-one).Tinalakay sa mga komento ang nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks.Binigyang-diin din ng mananaliksik ang kalakasan at kahinaan ng komposisyong sinulat ng bawat mag-aaral para sa higit na ikagaganda ng kanilang mga komposisyon. C. Muling pagsulat sa komposisyon.Tinaya muli ng mananaliksik ang mga panghuling output upang matukoy kung naging mabisa nga ba ang process approach sa kanilang pagsulat. Pagsulat ng Sanaysay Ang mga kalahok ay sumailalim sa mga proseso na inilalalarawan sa ibaba upang maisulat ang una at huling burador. I. Panimulang Pagsulat (Prewriting) 1. Pagpapabuod sa maikling kwentong “Ang Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza-Matute. 35
  • 36. 2. Tinalakay ang mga magagandang mga pananaw ng pangunahing tauhan sa kwento. 3. Sinuri ang kalakasan at kahinaan ng propesyon ng pagiging guro. 4. Bumasa ang guro ng halimbawa ng isang sinulat na sanaysay tungkol sa guro. (Ito ay ang isa sa mga sinulat o output ng mananaliksik sa kanyang asignatura sa (Pagbasa at Pagsulat) 5. Pagpili ng paksa 6. Pangangalap ng impormasyon ukol sa napiling paksa. 7. Tinalakay ang mga tuntunin o paraan ng pagsulat ng sanaysay. a. Tatlong Mahahalagang hakbang sa pagsulat ng sanaysay b. Gabay sa pagsulat ng sanaysay. II. Pagsulat 1. Binigyan ng isang oras ang mga mag-aaral upang makapagsulat ng isang sanaysay na may kaugnayan sa guro. 2. Pinaalalahanan ang mga mag-aaral na iugnay ang kanilang mga karanasan maging ang mga tinalakay na impormasyon na isali ito sa pagsulat ng kanilang sanaysay maging ang resulta ng kanilang pananaliksik. 3. Sinimulang sulatin ang unang burador at ipinasa sa guro para sa pagbibigay puna. 36
  • 37. III. Muling Pagsulat (Post Writing) 1. Binigyan ng puna at iskor ng guro/mananaliksik ang unang burador batay sa nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks. 2. Nagkaroon ng “one on one” ang guro/mananaliksik ukol sa kanilang iskor at kung paano higit na mapapahusay ang kanilang komposisyon batay sa kinalabasan ng pagtaya gamit ang Second Language Profile Composition. 3. Matapos ang pagbibigay ng puna sinulat ang huling burador. 4. Tinaya muli ng guro/mananaliksik ang iskor ng mag-aaral gamit pa rin ang Second Language Composition Profile ni Hughey (1981). Pagsulat ng Liham ng Paanyaya I. Panimulang Pagsulat (Prewriting) 1. Palarong pahulaan kung ano ang okasyon ang isinasaad ng mga larawang ipinakita ng guro. 2. Pagtalakay sa mga larawan kung kailan, saan ito ginanap, sino ang tagapagsalita at paano kaya inanyayahan. 3. Pagtatanong sa mga mag-aaral kung ano ang nalalaman nila sa pagsulat ng Liham ng Paanyaya. 4. Pagpapabasa sa isang tiyak na halimbawa ng liham na paanyaya. 5. Pagbibigay reaksyon ng mga mag-aaral sa nilalaman ng liham. 37
  • 38. 6. Pagbibigay ng sintesis tungkol sa mga kailangan sa pagsulat ng liham ng paanyaya. 7. Pangangalap ng iba pang impormasyon ukol sa Liham Paanyaya. 8. Pagtalakay sa mga tuntunin o paraan ng pagsulat ng liham ng paanyaya. II. Pagsulat 1. Binigyang ng isang oras upang matapos ang pagsulat ng “Liham ng Paanyaya”. 2. Isinumite ang sinulat na unang burador para sa pagbibigay ng puna. III. Muling Pagsulat (Post writing) 1. Binigyan ng puna at iskor ng guro/mananaliksik ang unang burador batay sa nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks. 2. Nagkaroon ng “one on one” ang guro/mananaliksik ukol sa kanilang iskor at kung paano higit na mapapahusay ang kanilang komposisyon batay sa kinalabasan ng pagtaya gamit ang Second Language Composition Profile ni Hughey (1983). 3. Matapos ang pagbibigay ng puna at pagwawasto sa komposisyon ay sinulat ang huling burador. 38
  • 39. 4. Tinaya muli ng guro/mananaliksik ang iskor ng mag-aaral gamit ang Second Language Composition Profile ni Hughey (1983). Matapos ang tatlong mga komposisyon sa pagpapatupad ng process approach ay tinanong ng guro/mananaliksik ang mga mag- aaral ukol sa nakita nilang mga kalakasan at kahinaan nito.Isinulat ng mga mag-aaral ang kanilang mga saloobin saka ito tinipon ng mananaliksik. (Control Group) Sumailalim ang grupong ito sa tradisyunal na pagtuturo, ang bawat komposisyon ay nagkaroon ng limang araw na pagtalakay.Karaniwang pagpapaliwanag sa mga tuntunin ng pagsulat ng wakas ng kwento, sanaysay at liham ng paanyaya. Matapos ang talakayan ay nagpakita ng modelo o halimbawa ng nasabing komposisyon at hinayaan na ang mga mag-aaral na magsulat.Matapos ang pagsusulat ipinasa ang papel at saka ito iniwasto ng guro.Tinanggap ng mga mag-aaral ang kanilang mga komposisyon at isinulat itong muli upang itama ang mga kamalian. Narito ang pamamaraan na tinanggap ng mga mag-aaral na nasa control group. Sa pagsulat ng wakas ng kwento, pagsulat ng sanaysay at liham ng paanyaya, ang mga sumusunod na hakbang ay isinagawa. 1. Pagtalakay sa kombensyon ng pagsulat ng wakas ng kwento, sanaysay at liham ng paanyaya. 39
  • 40. 2. Nagbigay ng isang halimbawa ng naisulat na komposisyon sa pagsulat ng wakas ng kwento, sanaysay at liham ng paanyaya. 3. Pagsulat ng mga mag-aaral ng wakas ng kwento, sanaysay at liham ng paanyaya. 4. Pagpasa ng output sa guro/mananaliksik. 5. Tinaya ng guro ang sinulat na komposisyon gamit ang Second Language Composition Profile ni Hughey (1983) para sa pagbibigay ng marka. Pagsusuring Pang-istatiska Ginamit ang mga sumusunod na instrumento para sa pagbibigay-kahulugan sa mga datos na nakalap. 1. Frequency – ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na magkakaroon ng mataas at mababang iskor sa una at huling pagsulat ng burador. 2. Measure of Central Tendency- ang pagtukoy nito ay ang paggamit ng Mean.Kukunin ang mean ng iskor ng una at huling borador upang makita kung naging mabisa ang paggamit ng process approach sa mga kalahok. X= fm/n Kung saan: f= frequency m= midpoint n= number of cases Sa pagtaya ng bawat komposisyong sinulat ay ginamit ang Second Language Composition Profile (Hughey et. al. 1983).Kung saan ang bawat mga bahagi ay binigyan ng katumbas na bilang upang masukat ito at nilagyan din ng apat na antas ng pagkatuto (Lubhang Mahusay_Mahusay, Magaling__Magaling-Galing, Karaniwan__Mahina at 40
  • 41. Lubhang Mahina) na binigyan ng tiyak na paglalarawan para kumatawan sa bawat krayterya ng pagsulat ng komposisyon. 41
  • 42. Kabanata 4 PAGSUSURI, PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga tinipong datos na nasa talahanayan at tekswal na anyo.Ang mga datos ay inayos,pinag-uri-uri at sinuri gamit ang mga angkop na instrumentong pang-istatistika at mga proseso na nailarawan sa kabanata 3. Ang interpretasyon ay naisagawa sa paliwanag ng mga tiyak na sakop at lawak ng pag-aaral na ito. Kaugnay ng mga layuning ito, ang mga sumusunod ay maingat na sinuri ng mananaliksik. 1. Antas ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral bago at matapos ituro ang process approach bilang isang istratehiya sa pagsulat batay sa nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika/gramatika at mekaniks. Ang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa ikatlong taon sa una at huling burador ay sinukat gamit ang limang krayterya na makikita sa Second Language Composition Profile (Hughey et. al. 1983). Ito ay binubuo ng nilalaman (30%), organisasyon (20%), talasalitaan (20%), wika (25%) at mekaniks (5%).Ang kanilang kasanayan ay makikita sa kanilang mga iskor sa bawat krayterya sa una at huling burador ng kanilang sanaysay, pagsulat ng Liham ng Paanyaya at pagbibigay wakas ng kwento. Matapos masukat ay kinuha ang karaniwang iskor sa bawat krayterya upang mailarawan ang antas ng kasanayan sa pagsulat. Makikita sa ibaba ang pagsusuri at interpretasyon sa mga datos kaugnay sa antas ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral batay sa kalidad ng kanilang 42
  • 43. sinulat na hinati-hati sa limang komponent. A. Pagbibigay ng Wakas ng kwento Talahanayan 1 Karaniwang Iskor sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Unang Burador Huling Burador Komponent Kabuuang Iskor Karaniwang/ Mean Deskripsyong Berbal Kabuuang Iskor Karaniwan g Mean Deskripsyong Berbal Nilalaman 30% 830 20.75 Karaniwang Mahina 1058 26.45 Lubhang Mahusay- Mahusay Organisasyo n 20% 538 13.45 Magaling- Magaling- Galing 700 17.5 Lubhang Mahusay- Mahusay Talasalitaan 20% 450 11.25 Karaniwang Mahina 750 18.75 Lubhang Mahusay- Mahusay Wika 25% 690 17.25 Magaling- Magaling- Galing 860 21.5 Lubhang Mahusay- Mahusay Mekaniks 5% 130 3.25 Karaniwang Mahina 180 4.5 Lubhang Mahusay- Mahusay Kabuuan 65.95 88.7 1.1. Karaniwang Iskor ng mga Mag-aaral bago at Matapos ang Pagtuturo ng Process Approach. Ipinakikita ng Talahanayan 1 ng karaniwang iskor o mean ng mga mag-aaral sa pagsulat ng una at huling burador batay sa limang krayterya. Para sa nilalaman ng 43
  • 44. unang burador nagkaroon ng kabuuang iskor na 830 na may karaniwang mean na 20.75 at deskripsyong berbal na karaniwan_mahina samanatalang matapos maisagawa ang proseso ng process approach ay nagkaroon ng kabuuang iskor na 1058 at karaniwang mean na 26.45 na may deskripsyong berbal na Lubhang Mahusay_Mahusay. Batay naman sa organisasyon nakakuha ang mga mag-aaral ng kabuuang iskor na 538 na may karaniwang mean na 13.45 at deskripsyong berbal na Magaling_Magaling-Galing. Samantalang sa pinal na burador ay nakakuha ng kabuuang iskor na 700 at karaniwang mean na 17.5 na may deskripsyong berbal na Lubhang Mahusay_Mahusay. Batay naman sa talasalitaan ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor na 450 at karaniwang mean na 11.25 at Karaniwang_Mahina bilang deskripsyong berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 750 at 18.75 na karaniwang mean at Lubhang Magaling bilang deskripsyong berbal. Batay naman sa wika ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor na 690 at karaniwang mean na 17.25 at Magaling_Magaling-Galing bilang deskripsyong berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 860 at 21.5 na karaniwang mean at Lubhang Mahusay_Mahusay bilang deskripsyong berbal. Batay naman sa mekaniks ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor na 130 at karaniwang mean na 3.25 at Karaniwang_Mahina bilang deskripsyong berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 180 at 4. 5 na karaniwang mean at Magaling_Magaling-Galing bilang deskripsyong berbal. 44
  • 45. Ipinapakita ng mga nakalap na datos na mahina ang pundasyon sa pagsulat ng mga mag-aaral sapagkat ang kasanayang ito ay nililinang sa bawat yugto ng pag-aaral Francisco (1991) dumaan ang mga mag-aaral sa iba’t ibang antas ngunit hindi nalinang ang kasanayang ito, naging limitado ang talasalitaan at ideya dahil sa kawalan ng interes sa pagbabasa .Maari ring maging salik ng kahinaan ay ang kawalan ng kaalaman sa kombensyon ng pagsulat ng ganitong teksto.At ang kawalan ng puna upang malaman ang mga kamalian.Ngunit nang matapos maisagawa ang proseso ng process approach ay tumaas ang mga kabuuang iskor batay sa limang krayterya. Patunay na nagabayan nang tama, nabigyan ng makabuluhang pagpuna at sapat na kaalaman kung paano isusulat ang ganitong teksto. 1.2. Nilalaman Ito ang pinakamahalagang krayterya sa pagtaya ng sulatin o komposisyon. Sapagkat dito makikita ang lawak ng kaalaman at lubos na pagkaunawa sa paksa ng mga mag-aaral. Sa mga sinulat na komposisyon gaya ng pagbibigay ng wakas ng kwento. Ang nilalaman ay tumutukoy sa maayos na pagpapaliwanag ng paksa, pagkakaroon ng mga ebidensya ng pagkaunawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga suportang mga impormasyon na orihinal, kongkretong detalye, paglalarawan, pagtutulad, pagbibigay ng halimbawa at sanhi at bunga. Talahanayan 2 Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Nilalaman Hanay ng Iskor sa Nilalaman Unang Burador Pinal na Burador Deskripsyon Berbal 45
  • 46. 30-26 0 25 Lubhang Mahusay- Mahusay 21-25 15 15 Magaling-Magaling-Galing 20-16 25 0 Karaniwan-Mahina 15-11 0 0 Lubhang Mahina Kabuuan 40 40 Batay sa talahanayan 1, ipinapakita nito na sa unang burador ay may 25 ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 20-16 (Karaniwan_ Mahina). ito ang nakuha ng pinakamalaking bahagdan ng mag-aaral na kung saan nasa karaniwan patungong mahina ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral batay sa nilalaman ng kanilang sinulat na wakas ng kwento. Samantalang 15 na mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 25-21 (Magaling_Magaling-Galing).Bagamat naituro na sa mga mag-aaral ang paraan ng pagsulat ng wakas ng kwento at nakabasa ng halimbawa nito masasabing nasa antas pa rin ng Karaniwan patungong Mahina ang mga mag-aaral sapagkat ang ganitong komposisyon ay hindi karaniwang isinusulat ng mga mag- aaral sapagkat ang Filipino II ay nakatuon sa paglikha ng tula, balagtasan at dula na siyang batayan ng pag-aaral sa ikalawang taon sa ilalim ng Secondary Education Curriculum (SEC). Ipinapakita rin ng resulta nito na nawalan ng pagkakaugnay ang mga aralin ng SEC sapagkat sa ikatlong taon ang mga mag-aaral ay nasa ilalim sa Basic Education Curriculum. Samantalang matapos maituro ang process approach wala ng mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 20-16, labinlima sa mga mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 25-21 (Magaling_Magaling-galing) at 25 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 30-26 (Lubhang Mahusay_Mahusay). Pinatutunayan ng mga datos na ito na nakatulong ang paggamit ng process approach bilang dulog sa 46
  • 47. pagsulat ng wakas ng kwento upang lubos na mapahusay ang nilalaman ng komposisyong sinulat. Nagkaroon ng kasanayan ang mga mag-aaral ng Lubhang Mahusay_Mahusay nakatulong sa mga mag-aaral ang pagbibigay ng puna na isinagawa ng guro sa bawat mag-aaral dahil sa nagkaroon sila ng pagkaunawa sa kanilang kamalian at nabigyan ng payo kung paano higit na mapapayaman ang nilalaman ng kanilang sinulat na siyang diin ng Edukasyong Sekondari ng 2010 ang paggamit ng iba’t ibang dulog at pamamaraan sa paglinang ng limang makrong kasanayan sa Filipino. Sa pagsulat ng huling burador ay hindi nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng self-correction at peer correction ang mga mag-aaral na dalawang pamamaraan ng ebalwasyon na iminumungkahi ni Brookes (1990) dahil na rin sa mababang iskor na nakuha ng mga mag-aaral sa pagsulat ng kanilang unang burador.Ipinapakita lamang nito na walang kakayahan ang mga mag-aaral na makita ang kanilang mga kamalian dahil sa mababang marka nila sa nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks na mga krayterya sa pagbuo ng komposisyon.Tanging ang guro/mananaliksik o Teacher Correction ang ginamit bilang batayan ng pagtaya sa mga kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat ng wakas ng kwento, sanaysay at liham paanyaya. 1.3. Organisasyon Ang organisasyon ay tumutukoy sa kalinawan ng ideya at paraan ng pagkakabuo ng paksa mula sa simula, katawan at wakas. Talahanayan 3 Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral 47
  • 48. Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Organisasyon Hanay ng Iskor sa Organisasyon Unang Burador Pinal na Burador Deskripsyong Berbal 20-17 0 22 Lubhang Mahusay-Mahusay 16-13 17 18 Magaling-Magaling-Galing 12-9 23 0 Karaniwan-Mahina 8-5 0 0 Lubhang Mahina Kabuuan 40 40 Ang talahanayan 4 ay nagpapakita ng iskor na kumakatawan sa kasanayan ng mga mag-aaral sa una at pinal na burador matapos maituro ang process approach batay sa organisasyon. Sa unang burador 23 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 12-9 (Karaniwan_Mahina) na nagpapakita na ang sinulat ay hindi maayos at hindi lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye. Samantalang 17 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 16-13 (Magaling_Magaling-Galing) nawala ang pagka-organisado ngunit malinaw pa rin ang paksa. Masasabing ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral ay nabibilang sa Karaniwan-Mahina nangangahulugan ito na nahirapan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng wakas ng kwento dahil sa kawalan ng pagpapakilala sa ganitong uri ng komposisyon, kawalan ng interes at negatibong pananaw ukol sa pagsulat. Keh (1990) Sa huling burador ng mga mag-aaral ay wala ng nabibilang sa iskor na sa pagitan ng 12-9 na nasa Karaniwan_Mahina.Nagkaroon ng 18 mag-aaral na ang iskor ay nasa pagitan ng 16-13 (Magaling_Magaling-Galing) at 22 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 20-17 (Lubhang Mahusay-Mahusay). Ipinapakita nito na nagkaroon ng pag-unlad sa pagpapahayag ng paksa kasama ng organisadong paglalahad ng mga pangyayari sa wakas ng kwento ang mga mag-aaral matapos na maisagawa ang process approach at nagkaroon ng Lubhang Mahusay-Mahusay na 48
  • 49. antas ng kasanayan ang mga mag-aaral dahil nabigyan ng pansin ng dulog na ito ang positibong pagpapahusay sa nilalaman, organisasyon at talasalitaan (Keh 1990). 1.4. Talasalitaan Ang talasalitaan ay sumusukat sa angkop na pagpili at paggamit ng salita , idyoma at talinghaga sa pagbibigay ng wakas ng kwento. Nakatuon ang talahanayang 3 sa kasanayan sa talasalitaan. Sa unang burador ay ipinakita na 35 na mag-aaral ang nasa iskor sa pagitan ng 12-9 (Karaniwan- Mahina) at 5 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 16-13 (Magaling_Magaling-galing). Batay sa mga datos ang mga mag-aaral ay nabibilang sa Karaniwan_Mahina kung talasalitaan ang pag-uusapan batay sa kanilang unang burador sapagkat ang maikling kwento ay nararapat na mayaman sa mga talinghaga at idyoma upang maipakita ang pagiging malikhain ng isang manunulat. Talahanayan 4 Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Talasalitaan Hanay ng Iskor Sa Talasalitaan Unang Burador Huling Burador Palarawang Berbal 20-17 0 20 Lubhang Mahusay- Mahusay 16-13 5 20 Magaling-Magaling-Galing 12-9 35 0 Karaniwan-Mahina 8-5 0 0 Lubhang Mahina Kabuuan 40 40 Ipinapakita lamang nito na limitado ang talasalitaan ng mga mag-aaral bunga ng kawalang ng interes sa pagbabasa.Ang pagsusulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, 49
  • 50. simbolo at ilustrasyon (Lozano 2000). Samakatwid nahirapan sa paggamit ng tamang talasalitaan ang mga mag-aaral dahil sa kawalang ng karanasan at kaalaman. Samantalang matapos maisagawa ang process approach at maisulat ang pinal na borador ay nagkaroon ng 20 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 16-13 (Magaling_Magaling-Galing ) at 20 mag-aaral na may iskor sa pagitan ng 20-17 ( Lubhang Mahusay_Mahusay). Pinatutunayang ito na nasa pagitan ng Magaling_Magaling-Galing at Lubhang Mahusay-Mahusay ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral at nakatulong sa mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang kaalaman sa mga idyoma, salita at bokabolaryo sa pagtatapos ng pagtuturo ng process approach sa mga mag-aaral. 1.5. Wika Ito ay tumutukoy sa kahusayan ng paggamit ng bahagi ng pananalita, ugnayan ng aspekto, bilang at salita. Talahanayan 5 Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Wika Hanay ng Iskor sa wika Unang Burador Huling Burador Palarawang Deskripsyon 25-21 0 25 Lubhang Mahusay-Mahusay 20-16 20 15 Magaling-Magaling-Galing 15-11 20 0 Karaniwan-Mahina 10-6 0 0 Lubhang Mahina Kabuuan 40 40 Ipinapakita ng talahanayan 4, ang kasanayan ng mga mag-aaral sa wika. Sa unang borador ng paggamit ng process approach ay may 20 mag-aaral na may iskor 50
  • 51. sa pagitan ng 15-11 (Karaniwan_Mahina) at 20 na mag-aaral ang may iskor sa pagitan ng 20-16 (Magaling_Magaling-galing).Batay sa mga datos ang mga mag- aaral ay may antas ng kasanayan sa pagitan ng Karaniwan_Mahina at Magaling _Magaling-Galing sa wika dahil sa may kaalaman na ang mga mag-aaral sa paraan ng paggamit ng mga bahagi ng pananalit dahil mula elementarya ay itinuturo na ang mga ito. Samantalang matapos ang proseso ng process approach ay wala ng mga mag-aaral ay nabibilang sa Karaniwang_Mahina sa wika. May mga 15 mag-aaral ang nabibilang sa iskor na 20-16 (Magaling_Magaling-galing) at 25 ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 25-21 (Lubhang mahusay_Mahusay). Ipinapakita nito na nagkaroon ng higit na kaalaman ang mga mag-aaral sa tamang pamamaraan ng paggamit ng mga bahagi ng pananalita ng mga mag-aaral dahil nabibilang na sila sa kategorya ng Lubhang Mahusay_Mahusay.Nabalik-aralan ng mga mag-aaral ang tamang paggamit ng mga bahagi ng pananalita, aspekto at salita sa pagbibigay ng puna. 1.6. Mekaniks Ito ay tumutukoy sa pagpapakita ng kahusayan sa kombensyon na pagsulat, mga kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas, pagtatala at paggamit ng malaking titik. Talahanayan 6 Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Mekaniks 51
  • 52. Hanay ng Iskor sa Mekaniks Unang Burador Huling Burador Deskripsyon Berbal 5 0 20 Lubhang Mahusay-Mahusay 4 10 20 Magaling-Magaling-Galing 3 30 0 Karaniwan-Mahina 2 0 0 Lubhang Mahina Kabuuan 40 40 Sa talahanayan 6, mga 30 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 3 (Karaniwan_Mahina) at 10 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 4 (Magaling_Magaling-galing). Ipinapakita nito na sa unang borador ang kasanayan ng mga mag-aaral ay nabibilang sa Karaniwan_Mahina naging karaniwang mali ng mga mag-aaral ang kinaugaliang paraan ng pagsusulat sa pagtetext kaya’t madalas na mali ang pagbaybay at paggamit ng malaking titik. Hindi masyadong karaniwan ang ganitong uri ng teksto na nararapat na maituro, masuri at maipaalam sa mga mag- aaral ang kombensyon ng ganitong teksto. Matapos maisagawa ang proseso ng process approach ay wala ng mag-aaral ang nabibilang sa Karaniwan_Mahina o iskor na 3 at 20 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 4 (Magaling_Magaling-galing) at 20 ang nakakuha ng iskor na 5 (Lubhang Mahusay_Mahusay). Batay sa mga datos ng huling burador may kasanayan ang mga mag-aaral sa wika ng Lubhang Mahusay_Mahusay at Magaling_Magaling-Galing dahil sa mabisa nang naituro at naipaalam ang pamamaraan ng pagsulat sa ganitong teksto at nagkaroon ng interaksyon ang mga mag-aaral sa kanilang guro,upang ituro ang teknik ng pagsulat at maitama ang kanilang mga kamalian (Badayos,2002). 52
  • 53. A. Pagsulat ng Sanaysay B.1. Nilalaman Talahanayan 7 Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Nilalaman Hanay ng Iskor sa Nilalaman Unang Burador Huling Burador Deskripsyong Berbal 30-26 0 30 Lubhang Magaling-Magaling 25-21 15 10 Magaling-Magaling-Galing 20-16 25 0 Karaniwan-Mahina 15-11 0 0 Lubhang Mahina Kabuuan 40 40 Batay sa Talahanayan 7 antas ng kasanayan sa pagsulat ng sanayasay batay sa nilalaman, ipinapakita nito na sa unang burador ay may 25 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 20-16 (Karaniwan patungong mahina) at 15 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 25-21 (Magaling_Magaling-Galing).Batay sa mga datos na ito ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral ay nasa Karaniwan_Mahina bagamat ang sanaysay ay ang malimit na isulat ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ipinapakita pa rin na nasa karaniwan patungong mahina ang kasanayan nila nangangahulugang na sa 25 sanaysay ito ay nagtataglay ng limitadong kaalaman sa paksa halos ang mga detalye ay kaunti lamang upang mapaunlad ang komposisyon.Marami pa rin ang mga mag-aaral na nakatatapos ng elementary na kulang sa kakayahan sa pagsulat.(Bernales at Villafuerte,2008)Kung nakakasulat man ang kanilang sulatin ay hindi tumutugon sa mga itinakdang krayterya sa kanilang antas ng pagkatuto. 53
  • 54. Samantalang matapos maituro ang process approach wala na sa mga mag- aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 20-16 ,sampu sa mga mag-aaral ay nakuha ng iskor sa pagitan ng 25-21 (Magaling-Magaling-Galing) at 30 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 30-26 (Lubhang Mahusay-Mahusay). Pinatutunayan ng mga datos na ito na nasa Lubhang Mahusay_Mahusay ang kasanayan ng mga m,ag-aaral at nakatulong ang paggamit ng process approach bilang estratehiya sa pagsulat ng sanaysay upang lubos na mapahusay ang nilalaman ng komposisyong sinulat. Nakatulong sa mga mag-aaral ang pagbibigay ng puna na isinagawa ng guro sa bawat mag-aaral dahil sa nagkaroon sila ng pagkaunawa sa kanilang kamalian at nabigyan ng payo kung paano higit na mapapayaman ang nilalaman ng kanilang sinulat (Badayos, 2002) . B.2. Organisasyon Talahanayan 8 Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Organisasyon Hanay ng Iskor sa Organisasyon Unang Burador Huling Burador Deskripsyong Berbal 20-17 0 28 Lubhang Magaling-Magaling 16-13 10 12 Magaling-Magaling-Galing 12-9 30 0 Karaniwan-Mahina 8-5 0 0 Lubhang Mahina Kabuuan 40 40 Ang talahanayan 8 ay nagpapakita ng iskor na kumakatawan sa kasanayan ng mga ng mga mag-aaral sa una at huling na burador matapos maituro ang process approach batay sa organisasyon. Sa unang borador 30 na mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 12-9 (Karaniwan_Mahina) ang sinulat ay hindi maayos at hindi 54
  • 55. lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye at 10 mag-aaral ang may iskor sa pagitan ng 16-13 (Magaling_Magaling-Galing). Sa unang burador makikita na nasa Karaniwan_Mahina ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral nangangahulugan ang sinulat na sanayasay ay hindi maayos ang kaisipan, walang kaugnayan at hindi lohikal ang pagkakasunod ng mga impormasyon. Samantalang sa huling burador 12 mag-aaral nakakuha ng iskor sa pagitan ng 16-13( Magaling_Magaling-Galing ) at 28 na mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 20-17 (Lubhang Mahusay_Mahusay). Ipinapakita nito na nasa Lubhang Mahusay_Mahusay ang antas ng kasanayan sa sanaysay ng mga mag-aaral nagkaroon ang mga ito ng pag-unlad sa pagpapahayag ng paksa kasama ng organisadong paglalahad ng mga suporta at detalye ng isang sanayasay matapos naisagawa ang process approach. B. 3. Talasalitaan Talahanayan 9 Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Talasalitaan Hanay ng Iskor sa Talasalitaan Unang Burador Huling Burador Deskripsyong Berbal 20-17 0 20 Lubhang Magaling-Magaling 16-13 8 20 Magaling-Magaling-Galing 12-9 32 0 Karaniwan-Mahina 8-5 0 0 Lubhang Mahina Kabuuan 40 40 Nakatuon ang talahanayan 9 sa kasanayan sa talasalitaan o ang paggamit ng bokabularyo, salita at idyoma. Sa unang burador ay ipinakita na 32 mag-aaral ang nasa iskor sa pagitan ng 12-9 (Karaniwan-Mahina) at 8 mag-aarla ang may iskor sa 55
  • 56. pagitan ng 16-13 (Magaling_Magaling-Galing). Batay sa mga datos a ng mga mag- aaral ay may antas ng kasanayan na Karaniwan_Mahina kung talasalitaan ang pag- uusapan batay sa kanilang unang burador. Ang mga salik na nakaapekto rito ay ang kawalan ng interes sa pagsulat (Keh,1990). Kasama rito ang kawalan din ng interes sa pagbabasa upang lalong mapalawak ang kaalaman sa mga bokabularyo at idyoma na nagpapaganda sa anumang komposisyon. Samantalang matapos ang proseso ng process approach at maisagawa ang huling burador 20 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 16- 13( Magaling_Magaling-galing ) at 20 mag-aaral sa kategorya ng Lubhang Mahusay_Mahusay. Samakatwid ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral ay kapwa nasa pagitan ng Lubhang Mahusay-Mahusay at Magaling-Magaling- Galing.Pinatutunayang ito na nakatulong sa mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang kaalaman sa mga idyoma, salita at bokabolaryo sa pagtatapos ng pagtuturo ng process approach sa mga mag-aaral. Nakatulong ang aktibong pakikibahagi ng mga mag-aaral sa estratehiya ng process approach upang matamo ang yugto ng kamalayan at mapabuti ang sanaysay..(White, 2004) B.4. Wika Talahanayan 10 Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Wika Hanay ng Iskor Sa Wika Unang Burador Huling Burador Deskripsyong Berbal 25-21 0 30 Lubhang Mahusay-Mahusay 20-16 5 10 Magaling-Magaling-Galing 15-11 30 0 Karaniwan-Mahina 10-6 5 0 Lubhang Mahina 56
  • 57. Kabuuan 40 40 Ipinapakita ng talahanayang 10 ang kasanayan ng mga mag-aaral sa wika o kahusayan sa paggamit ng mga bahagi ng pananalita sa pangungusap.Sa unang burador ng paggamit ng process approach, 5 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 10-6 (Lubhang Mahina), 30 mag-aaral ay may iskor sa pagitan ng 15-11 (Karaniwan_Mahina) at 5 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 20-16 (Magaling_Magaling-Galing). Batay sa mga datos ang mga mag-aaral ay may kasanayan ng Karaniwan_Mahina sa wika na inilalarawan nito na ang sanaysay ng unang burador ay may mga suliranin sa pagkakabuo at kamalian sa ugnayan ng aspekto at bahagi ng pananalita. Mauunawaan na ang mga ito ay naituro na mula sa elemetarya at sekundarya ngunit magpahanggang ngayon ay dala pa ng mga mag- aaral ang mga ganitong kamalian.(Bersales at Villafuerte,2008). Samantalang matapos maisagawa ang estratehiya ng process approach ay wala ng mga mag-aaral ang nabibilang sa Lubhang Mahina at Karaniwang_Mahina sa wika. May mga 10 mag-aaral ang nabibilang sa iskor na 20- 16(Magaling_Magaling-galing) at 30 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 25-21 (Lubhang Mahusay_Mahusay). Ipinapakita nito na nagkaroon ng higit na kaalaman ang mga mag-aaral sa tamang pamamaraan ng paggamit ng mga bahagi ng pananalita at aspekto dahil sa nagkaroon ang mga mag-aaral ng antas ng kasanayan na Lubhang Mahusay_Mahusay na nangangahulugang naging mahusay na pagkakabuo ng sanaysay at madalang na lamang ang mali sa ugnayan, aspekto at bahagi ng pananalita na naunawaan matapos ang pagbibigay ng puna.(Ho, 2006) 57
  • 58. B. 5. Mekaniks Talahanayan 11 Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Mekaniks Hanay ng Iskor sa Mekaniks Unang Burador Huling Burador Deskripsyong Berbal 5 0 32 Lubhang Mahusay-Mahusay 4 10 8 Magaling-Magaling-Galing 3 25 0 Karaniwan-Mahina 2 5 0 Lubhang Mahina Kabuuan 40 40 Sa Talahanayan 11 ng mekaniks na tumutukoy sa pagpapakita ng kahusayan sa kombensyon na pagsulat, mga kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas at pagtatala at paggamit ng malaking titik.Limang mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 2 (Lubhang Mahina), 25 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 3 (Karaniwan_Mahina) at 10 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 4 (Magaling_Magaling-Galing). Ipinapakita nito na sa unang burador ang kasanayan ng mga mag-aaral ay nabibilang sa Karaniwan_Mahina. Inilalarawan nito na ang komposisyong ay malimit na may kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas, pagtatala at paggamit ng malaking titik. Isang malaking salik sa ganitong suliranin ay ang pagkahilig ng mga mag-aaral sa pagtetext na kadalasan ay nadadala maging sa pagsulat ng komposisyon kasama na rin ang kawalan ng interes sa pagsulat.(Concepcion,2006). Matapos maisagawa ang proseso ng process approach wala ng mag-aaral ang nabibilang sa Lubhang Mahina at Karaniwan-Mahina, 8 mag-aaral na lamang ang nabibilang sa iskor na 4 na may deskripsyong berbal na Magaling_Magaling- 58
  • 59. Galing at 32 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 5 na Lubhang Mahusay_Mahusay. Batay sa mga datos ng huling burador ang mga mag-aaral sa wika ay may antas ng kasanayan na Lubhang Mahusay_Mahusay sapagkat ito ay nakakuha ng pinakamalaking bahagdan ng mga kalahok. Ipinakikita nito na naunawaan na ng mga mag-aaral ang paraan ng pagsulat ng sanaysay maging ang pagkakaroon ng madalang na kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas ,pagtatala at paggamit ng malaking titik sa pamamagitan ng tamang paggabay at pagpapapaliwanang ng puna ng guro .Mahalaga ang guro sa pagpapatupad ng process approach upang maging totoong epektibo ang pagtuturo (Doctor, 1996). B. 6. Karaniwang Iskor ng mga mag-aaral sa Pagsulat ng Sanaysay Talahanayan 12 Karaniwang Iskor sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Unang Burador Huling Burador Komponent Kabuuang Iskor Karaniwang/ Mean Deskripsyong Berbal Kabuuang Iskor Karaniwang Mean Deskripsyong Berbal Nilalaman 30% 831 20.78 Karaniwang Mahina 1120 28.00 Lubhang Mahusay- Mahusay Organisasyon 20% 510 12.75 Karaniwang Mahina 735 18.38 Lubhang Mahusay- Mahusay Talasalitaan 20% 512 12.8 Karaniwang Mahina 665 16.63 Magaling- Magaling- Galing Wika 25% 600 15.00 Karaniwang Mahina 920 23.00 Lubhang Mahusay- Mahusay 59
  • 60. Mekaniks 5% 125 3.13 Lubhang Mahina 192 4.8 0.0.1.1 8 Lubhang Mahusay- Mahusay Kabuuan 64.46 90.81 Ipinakikita ng talahanayan 12 ang karaniwang iskor o mean ng mga mag-aaral sa pagsulat ng una at pinal na borador batay sa limang krayterya. Para sa nilalaman nagkaroon ng kabuuang iskor na 831 na may karaniwang mean na 20.78 at deskripsyong berbal na karaniwan- mahina samanatalang matapos maiisagawa ang proseso ng process approach ay nagkaroon ng kabuuang iskor na 1120 at karaniwang mean na 28.00 na may deskripsyong berbal na Lubhang Mahusay- Mahusay. Batay naman sa organisasyon nakakuha ang mga mag-aaral ng kabuuang iskor na 510 na may karaniwang mean na 12.75 na may deskripsyong berbal na karaniwang- mahina.Samantalang sa pinal na borador ay nakakuha ng kabuuang iskor na 665 at karaniwang mean na 16.63 na may deskripsyong berbal na Magaling-Magaling- galing. Batay naman sa talasalitaan ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor na 512 at karaniwang mean na 12.8 at Karaniwan- Mahina bilang deskripsyong berbal samantalang sa huling borador ay may kabuuang 665 at 16.63 na karaniwang mean at Magaling-Magaling-Galing bilang deskripsyong berbal. Batay naman sa wika ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor na 600 at karaniwang mean na 15.00 at Karaniwang-Mahina bilang deskripsyong berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 920 at 23.00 na karaniwang mean 60
  • 61. at Lubhang Mahusay-Mahusay bilang deskripsyong berbal. Batay naman sa mekaniks ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor na 125 at karaniwang mean na 3.13 at Karaniwan- Mahina bilang deskripsyong berbal samantalang sa huling borador ay may kabuuang 192 at 4.8 na karaniwang mean at Lubhang Mahusay-Mahusay bilang deskripsyong berbal. Ipinapakita ng mga nakalap na datos na mahina ang pundasyon sa pagsulat ng mga mag-aaral sapagkat ang kasanayang ito ay nililinang sa bawat yugto ng pag-aaral (Francisco) dumaan ang mga mag-aaral sa iba’t ibang antas ngunit hindi nalinang ang kasanayang ito, naging limitado ang talasalitaan at ideya dahil sa kawalan marahil ng interes sa pagbabasa .Maari ring maging salik ng kahinaan ay ang kawalan ng kaalaman sa kombensyon ng pagsulat ng ganitong teksto. At ang kawalan ng puna upang malaman ang mga kamalian. Ngunit nang matapos maisagawa ang proseso ng process approach ay tumaas ang mga kabuuang iskor batay sa limang komponent. Nabigyan nang tamang paggabay,makabuluhang puna at sapat na kaalaman kung paano isusulat ang sanayasay batay na rin sa kanilang sariling pang-unawa. B. Pagsulat ng Liham na Panyaya C.1. Nilalaman Talahanayan 13 Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Liham ng Paanyaya ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Nilalaman Hanay ng Iskor sa Nilalaman Unang Burador Huling Burador Deskripsyong Berbal 30-26 0 15 Lubhang Mahusay-Mahusay 25-21 15 25 Magaling-Magaling-Galing 20-16 25 0 Karaniwan-Mahina 15-11 0 0 Lubhang Mahina 61
  • 62. Kabuuan 40 40 Batay sa talahanayan 13, ipinapakita nito na sa unang burador ng pagsulat ng liham ng paanyaya batay sa nilalaman ay may 25 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 20-16 (Karaniwan patungong mahina) at 15 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 25-21 (Magaling_Magaling-Galing). Makikita na ang antsa ng kasanayan sa nilalaman ng unang burador ay nasa Karaniwan_Mahina. Ipinakikita nito na ang sinulat na liham ay limitado ang kaalaman sa paksa at hindi napaunlad ang kaisipan. Sapagkat kung minsan ang ating mga estudyante ay nahihirapan sa paglikha ng komposisyon na orihinal at makabuluhan dahil nakadepende ang kanilang kakayahan sa uri ng matetyal at estratehiyang ginamit sa pag-uugnay ng kanilang karanasan (Sengseng, 1987). Ipinapakita na hindi naging mabisa ang mga dating materyal na ginamit upang malinang ang kasanayan sa pagsulat ng liham noong sila ay nasa elementarya at maaring sekundarya. Samantalang matapos maituro ang process approach wala na sa mga mag- aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan 20-16 (Karaniwan_Mahina),at 25 mag-aaral ang nabibilang sa iskor sa pagitan ng 25-21 (Magaling_Magaling-Galing) at 15 mag- aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 30-26. Pinatutunayan ng mga datos na ito na nakatulong ang paggamit ng process approach bilang estratehiya sa pagsulat ng liham ng paanyaya upang lubos na mapahusay ang nilalaman ng komposisyong sinulat. Nakatulong sa mga mag-aaral ang pagbibigay ng puna na isinagawa ng guro sa bawat mag-aaral dahil sa nagkaroon sila ng pagkaunawa sa kanilang kamalian at nabigyan ng payo kung paano higit na mapapayaman ang nilalaman ng kanilang sinulat. 62
  • 63. C.2. Organisasyon Talahanayan 14 Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Liham ng Paanyaya ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Organisasyon Hanay ng Iskor sa Organisasyon Unang Burador Huling Burador Deskripsyong Berbal 20-17 0 27 Lubhang Mahusay-Mahusay 16-13 22 13 Magaling-Magaling-Galing 12-9 18 0 Karaniwan-Mahina 8-5 0 0 Lubhang Mahina Kabuuan 40 40 Ang talahanayan 14 ay nagpapakita ng iskor na kumakatawan sa kasanayan ng mga mag-aaral sa unang burador matapos maituro ang process approach batay sa organisasyon. Sa unang burador 18 mag-aaral ang nabibilang sa iskor sa pagitan ng 12-9 (Karaniwan_Mahina) at 22 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 16- 13 (Magaling_Magaling-Galing). Batay sa mga datos na ito, makikita na ang kasanayan ng mga mag-aaral ay nasa Magaling_Magaling-Galing na nangangahulugan na ang liham ng paanyaya ay nawala sa pagiging organisado ngunit malinaw pa rin ang paksa at limitado ang suporta ng mga detalye. Samantalang sa huling burador ng mga mag-aaral ay wala ng mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 12-9 at 13 mag-aaral na nakakuha ng iskor na sa pagitan ng 63
  • 64. 16-13 (Magaling_Magaling-galing) at may 27 mag-aaral ang may iskor sa pagitan ng 20-17 (Lubhang Mahusay_Mahusay). Pinatutunayan ng mga datos na sa pagtatapos ng pagsasagawa ng process approach ang mga kalahok ay nagkaroon ng kasanayan na Lubhang Mahusay-Mahusay sa pagsulat ng liham paanyaya nangangahulugan lamang na naging maayos na ang pagpapahayag ng paksa at malinaw na nailahad ang mga suporta at lohikal ang pagkakaayos at may kaisahan ng kaisipan. Mas mataas ang kalidad ng liham na nabubuo ng mga mag-aaral kung ginagamitan ng process approach. Malaking tulong ang ganitong dulog sa paglinang ng pagkaunawa sa mga mag-aaral at kung isinasaalang-alang ang kanilang interes,kakayahan at estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral.(Concepcion 2006). C. 3. Talasalitaan Talahanayan 15 Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Liham ng Paanyaya ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Talasalitaan Hanay ng Iskor sa Talasalitaan Unang Burador Huling Burador Deskripsyong Berbal 20-17 0 18 Lubhang Mahusay-Mahusay 16-13 4 22 Magaling-Magaling-Galing 12-9 30 0 Karaniwan-Mahina 8-5 6 0 Lubhang Mahina 40 40 Kabuuan Nakatuon ang talahanayang 15 sa kasanayan sa talasalitaan o ang paggamit ng bokabularyo,salita at idyoma sa pagsulat ng liham na paanyaya. Sa unang burador ay ipinakita na 6 na mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 8-5 (Lubhang Mahina), 30 mag-aaral ang nasa iskor sa pagitan ng 12-9 (Karaniwan_Mahina) at 4 64
  • 65. na mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 16-13 (Magaling_Magaling- Galing). Batay sa mga datos ang mga mag-aaral ay may antas ng kasanayan sa Karaniwan_ Mahina. Nangangahulugan lamang na ang sinulat na liham ay limitado ang kaalaman at may kamalian sa pagpili ng angkop na salita.Ito ay bunsod ng kawalan ng mga gawain na lilinang sa mga mag-aaral upang mapayaman ang kanilang kaalaman sa talasalitaan. Malimit ding alang interes sa pagbabasa ang mga mag-aaral na hadlang sa paglinang ng mayaman na talasalitaan. Samantalang matapos maisakatuparan ang proseso ng process approach at maisagawa ang huling burador ay wala ng nabibilang sa karaniwang –mahina. May 22 mag-aaral ang nagkaroon ng iskor sa pagitan ng 16-13 ( Magaling_Magaling- Galing ) at 18 mag-aaral sa kategorya ng Lubhang Mahusay_Mahusay. Pinatutunayang ito na nakatulong sa mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang kaalaman sa mga idyoma,salita at bukabolaryo sa pagtatapos ng pagsasagawa ng process approach. Dahil ang mga mag-aaral ay binigyan ng pagkakataong mapag- isipan at marebisa ang kanilang ideya kasama ng gabay na ibinigay ng guro na naging dahilan para maging mahusay ang huling sipi ng kanilang liham.(Ignacio,2008) C.4. Wika Talahanayan 16 Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Liham ng Paanyaya ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Wika Hanay ng Iskor Unang Burador Huling Burador Deskripsyong Berbal 25-21 0 20 Lubhang Mahusay-Mahusay 20-16 15 20 Magaling-Magaling-Galing 15-11 20 0 Karaniwan-Mahina 65
  • 66. 10-6 5 0 Lubhang Mahina Kabuuan 40 40 Ipinapakita ng talahanayang 16 na ito ang kasanayan ng mga mag-aaral sa wika o kahusayan sa paggamit ng mga bahagi ng pananalita sa pangungusap. Sa unang burador ng paggamit ng process approach ay may 5 na mag-aaral na nakakuha ng iskor sa pagitan ng 10-6 (Lubhang Mahina), 20 mag-aaral ay may iskor sa pagitan ng 15-11 (Karaniwan_Mahina). Batay sa mga datos ang mga mag-aaral ay may kasanayan ng Karaniwan_Mahina sa wika na nangangahulugan na ang liham na isinulat ay may mangilan-ngilang suliranin sa pagkakabuo at may ilang kamalian sa ugnayan ng aspekto, salita at bahagi ng pananalita. Samantalang matapos maisagawa ang estratehiya ng process approach ay wala ng mga mag-aaral ay nabibilang sa Lubhang Mahina at Karaniwang_Mahina sa wika. May 20 mag-aaral ang nabibilang sa iskor na 20-16 (Magaling_Magaling- galing) at 20 ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 25-21 (Lubhang Mahusay_Mahusay). Ipinapakita nito na nagkaroon ng higit na kaalaman ang mga mag-aaral sa tamang pamamaraan ng paggamit ng mga bahagi ng pananalita dahil sa pagkakaroon ng antas ng kasanayan na kapwa Lubhang Mahusay_Mahusay at Magaling_Magaling-Galing. C. 5. Mekaniks Talahanayan 17 Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Liham ng Paanyaya ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Mekaniks Hanay ng Iskor Unang Burador Huling Burador Deskripsyong Berbal 66
  • 67. 5 0 15 Lubhang Mahusay-Mahusay 4 10 25 Magaling-Magaling-Galing 3 22 0 Karaniwan-Mahina 2 8 0 Lubhang Mahina Kabuuan 40 40 Sa talahanayan 17 ng mekaniks na tumutukoy sa pagpapakita ng kahusayan sa kombensyon na pagsulat, mga kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas, pagtatala at paggamit ng malaking titik. Walo sa mga mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 2 (Lubhang Mahina), 22 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 3 (Karaniwan_Mahina) at 10 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 4 (Magaling_Magaling-Galing). Ipinapakita nito na sa unang burador ang kasanayan ng mga mag-aaral ay nabibilang sa Karaniwan_Mahina na nangangahulugan na ang mga sinulat na liham ay may malimit na kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas, pagtatala,paggamit ng malaking titik at may malabong kahulugan. Matapos maisagawa ang estratehiyang process approach wala ng mag-aaral ang nabibilang sa Lubhang Mahina at Karaniwan_Mahina, 25 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 4 (Magaling_Magaling-galing) at 15 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 5 Lubhang-Mahusay-Mahusay. Batay sa mga datos ng huling burador ang mga mag-aaral ay may kasanayan sa wika ng Magaling_ Magaling-Magaling ang mga liham na isinulat ay nagkaroon na lamang ng mangilan-ngilang kamalian sa pagbaybay,paglalagay ng bantas , pagtatala at paggamit ng malaking titik.Pinatutunayan na nakatulong ang process approach sa pagpapabuti ng mga liham na sinulat ng mga mag-aaral. C. 6. Karaniwang Iskor sa Pagsulat ng Liham Paanyaya ng mga Mag-aaral 67
  • 68. Ipinakikita ng talahanayan 18 ang karaniwang iskor o mean ng mga mag-aaral sa pagsulat ng una at huling na burador batay sa limang component .Para sa nilalaman nagkaroon ng kabuuang iskor na 875 na may karaniwang mean na 21.88 at deskripsyong berbal na Magaling-Magaling-Galing samanatalang matapos maisagawa ang proseso ng process approach ay nagkaroon ng kabuuang iskor na 1040 at karaniwan mean na 26 na may deskripsyong berbal na Lubhang Mahusay- Mahusay. Talahanayan 18 Karaniwang Iskor sa Pagsulat ng Liham ng Panyaya ng mga Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach Unang Burador Huling Burador Komponent Kabuuang Iskor Karaniwang/ Mean Deskripsyong Berbal Kabuuang Iskor Karaniwang Mean Deskripsyong Berbal Nilalaman 30% 875 21.88 Magaling- Magaling- Galing 1040 26 Lubhang Mahusay- Mahusay Organisasyon 20% 568 14.2 Magaling- Magaling- Galing 721 18.03 Lubhang Mahusay- Mahusay Talasalitaan 20% 457 11.43 Karaniwang Mahina 684 17.10 Lubhang Mahusay- Mahusay Wika 650 16.25 Magaling- 870 21.75 Lubhang 68
  • 69. 25% Magaling- Galing Mahusay- Mahusay Mekaniks 5% 122 3.05 Karaniwang Mahina 175 4.38 Magaling- Magaling- Galing Kabuuan 66.81 87.26 Batay naman sa organisasyon nakakuha ang mga mag-aaral ng kabuuang iskor na 568 na may karaniwang mean na 14.2 at deskripsyong berbal na Magaling- Magaling-Galing. Samantalang sa huling borador ay nakakuha ng kabuuang iskor na 721 at karaniwang mean na 18.03 na may deskripsyong berbal na Lubhang Mahusay- Mahusay. Batay naman sa talasalitaan ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor na 457 at karaniwang mean na 11.43 at Karaniwang_Mahina bilang deskripsyong berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 684 at 17.1 na karaniwang mean at Lubhang Mahusay-Mahusay bilang deskripsyong berbal. Batay naman sa wika ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor na 650 at karaniwang mean na 16.25 at Magaling_Magaling-Galing bilang deskripsyong berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 870 at 21.75 na karaniwang mean at Lubhang Mahusay_Mahusay bilang deskripsyong berbal. Batay naman sa mekaniks ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor na 122 at karaniwang mean na 3.05 at Karaniwan_Mahina bilang deskripsyong berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 175 at 4.38 na karaniwang mean at Magaling-Magaling-Galing bilang deskripsyong berbal. 69
  • 70. Ipinapakita ng mga nakalap na datos na mahina ang pundasyon sa pagsulat ng mga mag-aaral sapagkat ang kasanayang ito ay nililinang sa bawat yugto ng pag-aaral (Francisco, 1991) dumaan ang mga mag-aaral sa iba’t ibang antas ngunit hindi nalinang ang kasanayang ito, naging limitado ang talasalitaan at ideya dahil sa kawalan ng interes sa pagbabasa. Naging sanhi rin ng kahinaan ay ang kawalan ng kaalaman sa kombensyon ng pagsulat ng ganitong teksto maging ang kawalan ng puna upang malaman ang sariling mga kamalian. Kasama nito ang kawalan ng istratehiya sa pagsulat na makakatulong sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat upang makalikha ng mas mataas na kalidad ng mga sulating bububuin (Doctor, 1996) 2. Kabisaan ng process approach sa pagpapaunlad ng kahusayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa ikatlong taon batay sa kanilang marka sa iba pang komposisyon. Talahanayan 19 Mga Marka ng mga Mag-aaral na ginamitan ng Process Approach Komposisyon Karaniwang Mean ng gumamit ng Process Approach (Experimental Group) Pagsulat ng Wakas ng Kwento 88.7 Pagsulat ng Sanaysay 90.81 Pagsulat ng Liham ng Panyaya 87.26 Karaniwang Mean 88.92 Ang talahanayang ito ang naglalarawan sa mga marka ng mga mag-aaral na nabibilang sa experimental group ito ang nakatanggap ng proseso ng process approach. Ipinapakita ng talahanayan 19 ang mga marka ng mga mag-aaral sa 70
  • 71. pagsulat ng wakas ng maikling kwento na may markang 88.7, pagsulat ng sanaysay na may markang 90.81 at pagsulat ng liham ng paanyaya na may markang 87.26. Ito ay may kabuuang karaniwang mean na 88 .92. Nangangahulugan lamang na higit na naging madali sa mga kalahok ang pagsulat ng sanaysay dahil ito ang pinaka- karaniwang ginagamit sa klase mula sa paggamit ng estratehiyang ito, mas lalo nila itong naunawaan maging ang mga tuntunin ng pagsulat nito. Samantalang pumangalawa ang pagsulat ng wakas ng maikling kwento dahil sa naging pamilyar na sila sa mga tuntunin at nilalaman nito at pinakahuling marka naman ang pagsulat ng liham.Ito ay may karaniwang mean na 88.92 na nagpapatunay na higit na nakatulong ang paggamit ng estratehiya ng process approach batay sa mga datos na ito. Talahanayan 20 Mga Marka ng mga Mag-aaral sa Control Group sa Pagsulat Komposisyon Karaniwang Mean (Control Group) Pagbibigay ng wakas ng maikling kwento 82.00 Pagsulat ng Sanaysay 80.00 Liham na Paanyaya 81.00 Karaniwang Mean 81.00 Ang talahanayang ito ang naglalarawan sa mga control group ito ang pangkat na sumailalalim sa tradisyunal na paraan ng pagtuturo.Ipinapakita ng talahanayan 20 ang mga iskor ng mga mag-aaral sa mga komposisyong sinulat na hindi gumamit ng estratehiyang process approach. Ipinakikita nito na sa kabuuan ang mga kalahok ay may pangkalahatang iskor na 82.00 sa pagsulat ng wakas ng maikling kwento, 80.00 71