ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
Banghay aralin sa hekasi v diosdado macapagal
1.
2. I. Layunin
Natatalakay ang mga patakaran/
programa sa panunungkulan ni
Diosdado P. Macapagal ( 1961-
1965).
3. II. Nilalaman
Paksa: Mga Patakaran at Programa sa
Pamamahala ni Pangulong Diosdado P.
Macapagal sa Ikatlong Republika
BEC: PELC VI A.1 p 20
Makabayan Kasaysayang Pilipino 5 ph.
220-222
Pilipinas Kong Hirang ph. 374-375
5. III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Mga napapanahon na
pangyayari sa ngayon.
2. Balik Aral
Game ka na ba?
6. Pangkatin ang klase sa limang
grupo at pipili sila ng isang
kinatawan para maglaro. Unahan
sa pagtaas ng kamay para sa
pagsagot. Ang unang makakuha ng
3 puntos ay siyang panalo.
7.
8. 1. Sino ang unang pangulo sa
ikatlong Republika?
Sagot: Manuel A. Roxas
2. Siya ang Pangulo na tinaguriang
Kampeon ng mga masa.
Sagot: Ramon F. Magsaysay.
9. 3. Ano ang natatanging
Programang pang ekonomiya na
dapat bigyan ng pagkakataon ang
mga Pilipino na mapaunlad ang
kanilang kabuhayan?
Sagot: Pilipino Muna ni Carlos P.
Garcia
10. 4. Itinakda ang batas na ito ang
malayang kalakalan sa pagitan ng
United States at Pilipinas hanggang
1954.
Sagot : Batas Bell
11. 5. Tawag sa pantay na karapatan
ng mga Piipino at Amerikano sa
paglinang ng mga likas na yaman
ng bansa.
Sagot: Parity Rights.
12. B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ni
Pangulong Diosdado P. Macapagal.
14. 2. Pagbuo ng suliranin
Anu-ano ang naging
patakaran at programa ni
Pangulong Diosdado P. Macapagal?
15. 3. Pagkuha ng kasagutan
Bigyan ng sapat na panahong
makapaghanda ng mga
pangkatang gawain ang bawat isa.
Maglikom ng mga kaalaman sa
kanilang batayang aklat.
16. Pangkat 1: Reporma sa lupa
Gamit ang balitaan, iulat
ang reporma sa lupa na isinulong
ni pangulong Diosdado
P.Macapagal.
17. Pangkat 2: Pagsupil sa katiwalian
Ipakita sa pamamagitan ng
dula-dulaan ang programa ni
Pangulong Diosdado P. Macapagal
sa pagsupil sa katiwalian.
18. Pangkat 3: Pagpapaunlad ng
kabuhayan
Isulat ang mga Programang
Pangkabuhayan ni Diosdado P.
Macapagal.Gumamit ng Web map.
19. Anu-ano ang mga
itinatag at ginawa ni
Diosdado Macapagal
na nakakatulong sa
pagpapaunlad ng
Kabuhayan?
20. Pangkat 4: Pakikipag-ugnayan sa
ibang bansa
Sa pamamagitan ng pantomina
ipakita ang pakikipag-ugnayan sa
ibang bansa.
21. Pangkat 5: Pilipinismo
Gumawa ng Slogan na
nagpapakita ng Pilipinismo.
4. Paglalahad ng mga kasagutan
5. Pagsusuri ng mga datos at pahayag
22. C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ang mga patakaran at
programa na nagawa ni Pangulong
Diosdado P. Macapagal ay ang mga
sumusunod:
23. 1. Reporma sa Lupa
2. Pagsupil sa katiwalian
3. Pagpapaunlad ng kabuhayan
4. Pakikipag-ugnayan sa iyang
bansa
5. Pilipinismo
24. 2.Paglalapat
Kung ikaw ay magiging isang
Pangulo sa hinaharap, ano ang
maaring programa at patakaran ang
iyong ipapatupad?
25. 3. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral na nasa
ikalimang baitang, paano mo
maipapakita ang paggalang sa
namumuno sa inyong silid aralan?
27. 1. Ano ang tawag ni Pangulong
Macapagal sa kanyang
pangasiwaan?
a. Bagong Panahon
b. Bagong Teknolohiya
c. Bagong Pamumunod
d. Bagong Pangulo
28. 2. Ito ay isang uri ng palay na
maramihan kung mamunga na
ipinalaganap ni Pangulong
Macapagal.
a. Miracle Rice
b. Miracle Seed
c. Miracle Flower
d. Miracle Root
29. 3. Nilikha ni Pangulong
Macapagal upang mangasiwa
sa mga gawaing bayan tulad ng
pagpapagawa at
pagpapakumpuni ng mga
imprastraktura.
31. 4. Bakit higit na
makabuluhn ang petsang
Hunyo 12 bilang araw ng
kalayaan?
32. a. sapagkat noong Hunyo 12 1898
ipinahayag ni Heneral Aguinaldo
ang kalayaan ng Pilipinas.
b. dahil naging malaya ang mga
Pilipino
c. dahil sa bisa ng Proklamasyong
Bilang 28 noong May 12, 1962
d. sapagkat si Heneral Emilio
Aguinaldo ang nagpalaya sa mga
Pilipino
33. 5. Ano ang hakbang na ginawa ni
Pangulong Macapagal bilang
pagpigil sa mga katiwalian.
a. hinimok niya ang mga
pinunong bayan at kawani na
mamuhay nang simple at
maglingkod nang mahusay at
matapat
34. b. hinikayat ang mga magsasaka
na pagbutihin ang paraang ng
pagsasaka.
c. pagtatalaga sa mga militar
bilang pinuno ng bayan
d. bumalangkas ng Limang
Taong Programang
Pangkabuhayan
35. V. Kasunduan/ Takdang Aralin
Isulat sa isang sagutang papel.
Sa inyong palagay, ano ang
pinakamahalagang programa o
patakaran na ipinatupad ni
Pangulong Diosdado P. Macapagal?
Bakit?