1. Ang talampas, na kung minsang tinatawag ding mesa ay ang kapatagan sa tuktok ng
isang bundok o anumang lokasyong lupa na mataas kaysa anumang katawan ng karagatan o
katubigan. Ito ang lupang dalata o patag na itaas ng bundok, na kilala rin
bilangpantayanin, bakood, at bakoor
2. Ang kapatagan sa heograpiya ay mahaba, patag at malawak na anyong lupa. Madaling
linangin at paunlarin ang mga pook na kapatagan. Mainam ito sa pagsasaka, Pagtatayo ng mga
kabahayan at paaralan at sa pangangalakal kaysa sa mga talampas at mga bundok.
3. Ang bulkan ay isang uri ng anyong lupa na naglalabas ng mainit na "lava" tuwing pagputok.
Ang isang bulkan ay maaring maging di-aktibo o dormant (di nagkakaroon ng pagputok) o aktibo
(may panahon ng pagputok).
5. Ang pulo o isla ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki sa bato na
napaliligiran ng tubig
6. Ang burol ay isang anyong lupa na lumalagpas sa taas ng pumapalibot na kalupaan, sa isang
limitadong sukat. Kadalasang may natatanging tuktok, bagaman sa ibang lugar na may ungos,
maaaring tumukoy ang isang partikular na seksiyon ng dalusdos ng ungos na walang malinaw na
tuktok. Maliit na burol ang isang punso.
7. Ang yungib o kuweba ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin
ng tao at hayop. Lungib o alkoa ang tawag sa mga yungib na nasa ilalim ng mga anyo ng tubig.
Kabilang dito ang mga groto. Isang halimbawa nito ang Kuwebang Tabonsa Palawan, Pilipinas.
Tinatawag namang kaberna ang isang malaking kuweba.
8. Ang lambak ay patag na lupa na pinapaligiran ng dalawang bundok. Ang lambak ay isang uri ng
lupa kung saan may mga parte na hindi pantay pantay ang lupa.
9. Ang bundok (Ingles: mountain[1], mont [katawagang pang-heograpiya][1], at mount[1] [isa pang
katawagang pang-heograpiya] ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang
bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak. Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa
isang burol, ngunit walang mga pangkalahatan pamantayan tinatanggap para sa kahulugan ng taas
ng isang bundok o isang burol bagaman may kinikilalang tuktok ang isang bundok.