2. Noong unang panahon, ang mga tao sa
bayan ng Pinagpala ay may mga kanya-
kanyang espesyal na talento na
ipinagkaloob ng Maylikha. May magaling
sumayaw, tumugtog ng ibat’ ibang
instrumento, makipagtalastasan at iba
pa. Lahat ng mga tao ay tuwang-tuwa sa
talentong pinagkaloob sa kanila. Bilang
pasasalamat, ang mga tao ay
naghahandog ng kanilang tanim o hayop
sa Maylikha tuwing huling araw ng buwan.
3. Sumapit ang huling araw ng buwan at ang
mga tao ay muling nag-alay sa Maylikha.
Abala ang mga tao sa pagdiriwang na iyon.
May nagluluto ng iba’t ibang putahe,
naglalagay ng palamuti sa kani-kanilang
tahanan, sumasayaw habang may
tumutugtog ng instrumento at iba pa.
Lahat ay nagsasaya sa araw na iyon.
4. Sa gitna ng pagsasaya ng mga tao ay
mapapansin ang isang binatang
nagngangalang Alingawngaw. Di sya
nakikipagsaya, sa halip ay nasa isang
tabi. Gaya ng ibang tao sa lugar na
ito, si Alingawngaw din ay may
espesyal na talento; ang paggaya ng
boses ng ibang tao. Ngunit si
Alingawngaw ay di nasisisyahan sa
talentong ipinagkaloob sa kanya.
5. “Ang lahat ng tao ay nagsasaya ngunit ika’y nandito sa
isang tabi at napakalungkot pa. Anong problema mo
kaibigan?”, ang pagtataka ni Silay.
“Bakit sa lahat ng tao sa atin ay sa akin pa naibigay
ang pinakawalang kwentang talento?”, panggagalaiti ni
Alingawngaw.
“Yan ka na naman. Lagi mo na lang pinoproblema ang
bagay na yan. Alam mo bang ang talento mong yan ang
nag-iisa dito sa ating lugar? Ibig sabihin, talagang
napakaganda ng iyong talento. Wag ka ng malungkot.
Tayo na at makipagsaya sa kanilang lahat”,
pangungumbisi ng dalaga.
6. Para di na tumagal ang ang pag-uusap, pumayag na si
Alingawngaw at sumama sa kiabigan. Ngunit nanatiling
di gusto ni Alingawngaw ang talentong ipinagkaloob. Sa
isip-isip nya, sya na ang pinakamalas na tao sa kanilang
lugar at yan ay dahil sa kanyang kakayahan na
manggaya ng boses ng ibang tao.
Lumipas ang pagdiriwang at bumalik ang mga tao sa
kanya-kanyang gawain. Isang ordinaryong na ang mga
tao ay abala sa kanilang mga tahanan upang maglinis,
magluto at iba pa. Ngunit ang binatang sa Alingawngaw
ay piniling pumunta sa isang kuweba, di kalayuan sa
kanilang lugar.
7. “Ano naman kaya ang gagawin ko para sa araw na ito? Wala
naman akong kakayahang tumugtug ng kahit na anong
instrumento para aking libangin ang aking sarili. Wala rin
akong sapat na kakayahan upang manghuli ng mga
mababangis na hayop sa kagubatan. Ang talentong sa akin
lamang ipinagkaloob ay..tama!”
Sa gitna ng kanyang pagrereklamo ay nakaisip si
Alingawngaw ng isang ideya. Isang ideyang labis nyang
ikinatuwa at ikinasaya. Pumasok na si Alingawngaw sa isang
kuweba at naghihintay.
“Ang tagal naman. Wala bang taong paparito upang
pumasyal o di kaya’y magmunimuni man lang?”, pagrereklamo
ni Alingawngaw.
8. Makalipas ang ilang minuto, may napadaang dalaga
upang makipagtagpo sa kayang kasintahan malapit sa
kuweba.
“ Gaspar! Nasaan ka na?”,ang pagtatanong ng dalaga.
Narinig ni Alingawngaw ang sinabi ng dalaga at kanya
itong ginaya.
“Sino ka?” pagtataka ng dalaga.
9. At muli, ginaya ni Alingawngaw ang binanggit ng
dalaga. Sa labis na takot ng dalaga ay
napagpasyahan na lamang nitong umalis at hindi
na hinintay pa ang kasintahan. Nang mapansing
wala na ang dalaga ay lumabas na sa
pinagtataguan si Alingawngaw. Tuwang-tuwa sya
sa kanyang ginawa. Sa kanyang labingpitong taon
sa mundong ito ay ngayon lang sya nasiyahan sa
kanyang talento. Sumapit ang gabi at
napagpasyahan nyang bumalik na sa kanilang
tahanan.
10. Sa kanyang pag-uwi ay nasalubong nya ang kaibigang si
Silay. Napansin ng dalaga ang kasiyahan sa mga mata
ni Alingawngaw.
“Mukhang masaya ang araw na ito para sa’yo kaibigan.
Maaari mo bang ibahagi ito sa akin?”, pagtatanong ni
Silay.
“Labis lamang akong natutuwa sa nangyari at tama ka
Silay. Napakaganda ng aking talento. Ngayon ko
lamang nabatid kung gaano ako kaswerte sa aking
natanggap mula sa Maykapal”, ang sagot ni
Alingawngaw. Pagkatapos nito ay nagpaalam na si
Alingawngaw kay Silay.
11. Sumunod ang mga araw ay pumunta ulit si Alingawngaw
sa nasabing kweba at doon ay ipinagpatuloy ang
kalokohang naisip. Bawat taong nagpupunta doon ay
inuulit ni Alingawngaw ang sinasabi na naging dahilan
upang ang mga ito ay matakot. Si Alingawngaw naman
ay labis pa ring nasisiyahan sa kanyang ginawa. Di
nagtagal, ang pangyayaring ito ay kumalat na sa buong
lugar. Wala ng taong nais pang pumunta malapit sa
kweba sa paniniwalang may isang di pangkaraniwang
nilalang sa nasabing lugar na pinaglalaruan sila. At
dahil dito labis na namang naging malungkot si
Alingawngaw.
12. Kahit na alam na ni Alingawngaw na wala ng
pupunta malapit sa kweba ay nagtutungo pa
rin sya roon at nagbabakasakali na may
mapadaang tao. Ngunit kahit gaano katagal
syang maghintay doon ay wala ng taong
pumupunta sa nasabing lugar.Habang nasa
kuweba si Alingawngaw ay nagdasal siya na
sana ay lagi nyang magamit ang talentong
ibinigay sa kanya. Narinig ito ng diwata ng
kagubatan at agad na sinabi sa Maykapal.
13. Papunta na ulit si Alingawngaw ng masalubong si Silay.
“Alingawngaw! Ngayon na lang ulit kita nakita dito. Lagi ka
bang may ginagawa?”, pagtatanong nito.
“Di naman Silay”, matipid nitong sagot.
“Saan ka nga pala pupunta?”, muling tanong ni Silay.
“Gusto ko lang maging masaya Silay kaya napagpasyahan
kong pumunta sa kuweba doon sa may gubat”,sagot ni
Alingawngaw.
May sasabihin pa sana si Silay sa kaibigan ngunit nakalayo
na ito sa kanya.
14. Sumapit ang gabi at ang mga tao sa lugar
na iyon ay nasa kanya-kanya ng mga
tahanan. Maliban kay Aling Karisa, ang ina
ni Alingawngaw na naghahanap sa kanyang
anak. Bawat taong madadaanan ay agad na
itinanong kung napansin ang anak.
Naghahanap ng kasagutan sa ibang tao.
15. Umabot na ng tatlong araw ay nananatili pa
ring wala si Alingawngaw at di matagpuan. Si
Silay na ngayon pa lang dumating mula sa
kabilang lugar ay nabalitaan ang pagkawala ni
Alingawngaw. Agad na pumunta si Silay sa
tahanan ng binata at sinabi ang huling
nalalaman tungkol dito. Walang anu-ano’y agad
na pumunta si Silay at si Aling Karisa sa
kuweba.
“Alingawngaw! Alingawngaw!”, ang pagtatawag
ni Aling Karisa sa anak.
16. Sa halip na boses ni Alingawngaw ay boses ni
Aling Karisa ang narinig at animoy ginaya lang
ang sinabi. Naalala nilang dalawa ang talento ni
Alingawngaw- ang kakayahang manggaya ng
boses. At dahil dito napatunayang walang
kakaibang nilalang sa may kuweba. Sa halip, ito
ay walang iba kundi si Alingawngaw na
pinaglalaruan ang kanyang talento upang
maaliw. At dahil din sa kadahilanang ito ay
tinawag na alingawngaw ang madalas nating
naririnig sa kweba tuwing tayo ay nagsasalita.