SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 4
Isang sanaysay sa Filipino
Ang Kahalagahan ng Edukasyon (Tagalog na Sanaysay)
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang
takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na
edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga
university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon
ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na
pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay
pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science,
English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa.
Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang
matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang
pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa
kanilang mga inaasam na mga mithiin.
Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at
impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo
na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang
dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang
kapaligiran.
Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata
sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila
hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang
pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang
magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na
ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na
kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga
layunin nito.
Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng
kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang
magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging
kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang
lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang
matupad. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.
Sanaysay Tungkol sa Wika
Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging
kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at
maging sa dakilang Bathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang
unawaan, ugnayan at mabuting pagsasamahan.
Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabibilis
ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang
tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay,
ang krokis, ang ingay o anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat
ng mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika.
Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang
pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o
mahabang panahon ng mga naliko na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at
panlipunan, pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang
displina. Maging ang kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa
pamamagitan ng wika.
Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng galak, ang
kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang nakapaloob na katotohanan sa isang
intension, ang kaibuturan ng pasasalamat at paghanga at ng iba pang nais na iparating ng
sinuman.
Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang
pakikipagtalastasan at komunikasyon.
Kahalagahan ng Wikang Filipino
ni: J
Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang
mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng
pakikipag-usap niya sa kapwa kundi ginagamit din niya upang makipagkaibigan,
makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang iba’t ibang opinyon at kaisipan. Sa buong
kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng
wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa.
Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang sasakyan para
sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga ng
kanyang mga katangian bagkus ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng
isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba
ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang
mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan.
Ang wikang Filipino, na siyang pambansang wika sa Pilipinas ay ang wikang ginagamit sa lahat
ng sulok ng bansa. Ito ang nagsisilbing sinturon upang maitali ang mga mamamayan upang
maging isa sila sa kanilang mga diwa, pangarap at kalsadang tinutugpa. Mahirap na isipin kung
walang sariling wika na magiging daan upang magkabuklod-buklod ang mga hiwa-hiwalay na isla
ng Pilipinas. Maaaring magdulot ito ng mga kaguluhan at hindi pagkakaunawaan.
Kahit na sa anumang anyo, sa pamamagitan man ng pagsusulat o pagsasalita, ang wika ang
pinakamabisang paraan upang maihatid ang mga kaisipan at mapanatili sa madaling hakbang
ang kasaysayan at mga tala ng mga sinaunang Pilipino. Sa ganitong pagkakataon, malalaman ng
mga kasalukuyang mamamayan ang mga hakbangin na ginawa noong una upang maituloy ito sa
mabuting paraan at maiwasan ang mga hindi magagandang pangyayari noon. Ito ang ilaw na
magiging tanglaw ng mga Filipino upang mapabuti pa ang mga gawain. Ito rin ang magsisilbing
lakas upang maisakatuparan ang mga naudlot na pangarap noong simula pa.
Sa paglipas ng panahon, mapatutunayan na ang wika ang siyang pinakamahalagang sandata
upang maiparating ng isang bansa sa kanyang mga mamamayan ang mga pangyayari,
kasaysayan at bahagi ng ekonomiya nito. Gayundin naman na ang wika ang siyang sentro ng
mga mamamayan upang maihugos sa kanilang pamahalaan ang kanilang mga hinaing.
Naipadarama ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang sariling wika ang kasidhian ng kanyang
damdamin, ang lalim ng kanyang pagkatao, ang katangian ng kanyang ginagalawang
kapaligiran, ang lawak ng kanyang kultura at sining, ang kabihasaan niya sa anumang larangan
at ang katotohanan ng kanyang pag-iral. Sa kabuuan, ang wika ang nagsisilbing kaparaanan
upang maging isang ganap na tao ang isang tao at maging isang ganap na bansa ang isang
bansa.
Linggo ng Wika Theme 2011 - "Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa
Tuwid na Landas.”
Isang sanaysay sa filipino

Más contenido relacionado

La actualidad más candente

Pormal at di pormal na salita
Pormal at di pormal na salitaPormal at di pormal na salita
Pormal at di pormal na salitaLove Bordamonte
 
Isahan at Sabayang Pagbigkas
Isahan at Sabayang PagbigkasIsahan at Sabayang Pagbigkas
Isahan at Sabayang PagbigkasAngelique .
 
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, SosyolekBarayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, SosyolekIda Regine
 
Halimbawa ng TALUMPATI.docx
Halimbawa ng TALUMPATI.docxHalimbawa ng TALUMPATI.docx
Halimbawa ng TALUMPATI.docxKeithRivera10
 
Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at Poliglot
Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at PoliglotModyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at Poliglot
Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at PoliglotLexter Ivan Cortez
 
Multiple intelligences
Multiple intelligencesMultiple intelligences
Multiple intelligencesIam Guergio
 
Ang Talumpati at Ilang Mahahalagang Salik
Ang Talumpati at Ilang Mahahalagang SalikAng Talumpati at Ilang Mahahalagang Salik
Ang Talumpati at Ilang Mahahalagang SalikEM Barrera
 
Pagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysayPagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysayAllan Ortiz
 
Ang salitang bal bal
Ang salitang bal balAng salitang bal bal
Ang salitang bal balCamille Tan
 
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagFilipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagJuan Miguel Palero
 
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklawPagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklawCool Kid
 
Tugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipan
Tugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipanTugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipan
Tugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipanMichelle Muñoz
 

La actualidad más candente (20)

Pormal at di pormal na salita
Pormal at di pormal na salitaPormal at di pormal na salita
Pormal at di pormal na salita
 
Isahan at Sabayang Pagbigkas
Isahan at Sabayang PagbigkasIsahan at Sabayang Pagbigkas
Isahan at Sabayang Pagbigkas
 
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, SosyolekBarayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
 
Talumpati
TalumpatiTalumpati
Talumpati
 
Halimbawa ng TALUMPATI.docx
Halimbawa ng TALUMPATI.docxHalimbawa ng TALUMPATI.docx
Halimbawa ng TALUMPATI.docx
 
Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at Poliglot
Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at PoliglotModyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at Poliglot
Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at Poliglot
 
Pagtatalumpati
PagtatalumpatiPagtatalumpati
Pagtatalumpati
 
Pagsulat ng talumpati
Pagsulat ng talumpatiPagsulat ng talumpati
Pagsulat ng talumpati
 
Multiple intelligences
Multiple intelligencesMultiple intelligences
Multiple intelligences
 
Ang Talumpati at Ilang Mahahalagang Salik
Ang Talumpati at Ilang Mahahalagang SalikAng Talumpati at Ilang Mahahalagang Salik
Ang Talumpati at Ilang Mahahalagang Salik
 
Nasyonalismo
NasyonalismoNasyonalismo
Nasyonalismo
 
Pagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysayPagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysay
 
Ang salitang bal bal
Ang salitang bal balAng salitang bal bal
Ang salitang bal bal
 
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagFilipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
 
Sanaysay
SanaysaySanaysay
Sanaysay
 
Ang pagbasa
Ang  pagbasaAng  pagbasa
Ang pagbasa
 
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklawPagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
 
Antas ng wika
Antas ng wikaAntas ng wika
Antas ng wika
 
Pagsulat ng buod
Pagsulat ng buodPagsulat ng buod
Pagsulat ng buod
 
Tugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipan
Tugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipanTugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipan
Tugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipan
 

Similar a Isang sanaysay sa filipino

ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptxARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptxMhelJoyDizon
 
komunikasyon week 1.pptx unang linggo ppt
komunikasyon week 1.pptx unang linggo pptkomunikasyon week 1.pptx unang linggo ppt
komunikasyon week 1.pptx unang linggo pptMichellePlata4
 
1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx
1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx
1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptxMariaCecilia93
 
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at LipunanFil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at LipunanJoshuaBalanquit2
 
Q1.modyul1. wika-at-kultura
Q1.modyul1. wika-at-kulturaQ1.modyul1. wika-at-kultura
Q1.modyul1. wika-at-kulturaLeahMaePanahon1
 
Mga artikulo at diskusyon sa wika 2
Mga artikulo at diskusyon sa wika 2Mga artikulo at diskusyon sa wika 2
Mga artikulo at diskusyon sa wika 2TEACHER JHAJHA
 
Q1.MODYUL1.-WIKA-AT-KULTURA.pptx
Q1.MODYUL1.-WIKA-AT-KULTURA.pptxQ1.MODYUL1.-WIKA-AT-KULTURA.pptx
Q1.MODYUL1.-WIKA-AT-KULTURA.pptxLeahMaePanahon1
 
komunikasyonatpananaliksikm1-211012062714.pptx
komunikasyonatpananaliksikm1-211012062714.pptxkomunikasyonatpananaliksikm1-211012062714.pptx
komunikasyonatpananaliksikm1-211012062714.pptxferdinandsanbuenaven
 
1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptxMarife Culaba
 
Komunikasyon at Pananaliksik
Komunikasyon at Pananaliksik Komunikasyon at Pananaliksik
Komunikasyon at Pananaliksik Rachelle Gragasin
 
BALBAL SA KADALANAN: Isang pagtuklas sa sosyo-heograpikal na Wika ng mga Bata...
BALBAL SA KADALANAN: Isang pagtuklas sa sosyo-heograpikal na Wika ng mga Bata...BALBAL SA KADALANAN: Isang pagtuklas sa sosyo-heograpikal na Wika ng mga Bata...
BALBAL SA KADALANAN: Isang pagtuklas sa sosyo-heograpikal na Wika ng mga Bata...SheenaTolentino1
 
Filipino wika ng karunungan
Filipino   wika ng karununganFilipino   wika ng karunungan
Filipino wika ng karununganAllan Ortiz
 

Similar a Isang sanaysay sa filipino (20)

Wika ng Kaunlaran
Wika ng KaunlaranWika ng Kaunlaran
Wika ng Kaunlaran
 
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptxARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
 
komunikasyon week 1.pptx unang linggo ppt
komunikasyon week 1.pptx unang linggo pptkomunikasyon week 1.pptx unang linggo ppt
komunikasyon week 1.pptx unang linggo ppt
 
KAHALAGAHAN.pptx
KAHALAGAHAN.pptxKAHALAGAHAN.pptx
KAHALAGAHAN.pptx
 
1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx
1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx
1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx
 
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at LipunanFil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
 
Tungkadun ta
Tungkadun taTungkadun ta
Tungkadun ta
 
Q1.modyul1. wika-at-kultura
Q1.modyul1. wika-at-kulturaQ1.modyul1. wika-at-kultura
Q1.modyul1. wika-at-kultura
 
Wikang Pambansa Essay
Wikang Pambansa EssayWikang Pambansa Essay
Wikang Pambansa Essay
 
Mga artikulo at diskusyon sa wika 2
Mga artikulo at diskusyon sa wika 2Mga artikulo at diskusyon sa wika 2
Mga artikulo at diskusyon sa wika 2
 
Lit 1
Lit 1Lit 1
Lit 1
 
(KOMPAN) FIL11-JC.pdf
(KOMPAN) FIL11-JC.pdf(KOMPAN) FIL11-JC.pdf
(KOMPAN) FIL11-JC.pdf
 
Q1.MODYUL1.-WIKA-AT-KULTURA.pptx
Q1.MODYUL1.-WIKA-AT-KULTURA.pptxQ1.MODYUL1.-WIKA-AT-KULTURA.pptx
Q1.MODYUL1.-WIKA-AT-KULTURA.pptx
 
komunikasyonatpananaliksikm1-211012062714.pptx
komunikasyonatpananaliksikm1-211012062714.pptxkomunikasyonatpananaliksikm1-211012062714.pptx
komunikasyonatpananaliksikm1-211012062714.pptx
 
1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx
 
Komunikasyon at Pananaliksik
Komunikasyon at Pananaliksik Komunikasyon at Pananaliksik
Komunikasyon at Pananaliksik
 
BALBAL SA KADALANAN: Isang pagtuklas sa sosyo-heograpikal na Wika ng mga Bata...
BALBAL SA KADALANAN: Isang pagtuklas sa sosyo-heograpikal na Wika ng mga Bata...BALBAL SA KADALANAN: Isang pagtuklas sa sosyo-heograpikal na Wika ng mga Bata...
BALBAL SA KADALANAN: Isang pagtuklas sa sosyo-heograpikal na Wika ng mga Bata...
 
KATANGIAN NG WIKA-Q1 LESSON.pptx
KATANGIAN NG WIKA-Q1 LESSON.pptxKATANGIAN NG WIKA-Q1 LESSON.pptx
KATANGIAN NG WIKA-Q1 LESSON.pptx
 
KATANGIAN NG WIKA-Q1 LESSON.pptx
KATANGIAN NG WIKA-Q1 LESSON.pptxKATANGIAN NG WIKA-Q1 LESSON.pptx
KATANGIAN NG WIKA-Q1 LESSON.pptx
 
Filipino wika ng karunungan
Filipino   wika ng karununganFilipino   wika ng karunungan
Filipino wika ng karunungan
 

Isang sanaysay sa filipino

  • 1. Isang sanaysay sa Filipino Ang Kahalagahan ng Edukasyon (Tagalog na Sanaysay) Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos. Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin. Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran. Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito. Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.
  • 2. Sanaysay Tungkol sa Wika Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Bathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at mabuting pagsasamahan. Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika. Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga naliko na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan, pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang displina. Maging ang kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa pamamagitan ng wika. Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng galak, ang kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang nakapaloob na katotohanan sa isang intension, ang kaibuturan ng pasasalamat at paghanga at ng iba pang nais na iparating ng sinuman. Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon.
  • 3. Kahalagahan ng Wikang Filipino ni: J Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa kundi ginagamit din niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang iba’t ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa. Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang sasakyan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian bagkus ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan. Ang wikang Filipino, na siyang pambansang wika sa Pilipinas ay ang wikang ginagamit sa lahat ng sulok ng bansa. Ito ang nagsisilbing sinturon upang maitali ang mga mamamayan upang maging isa sila sa kanilang mga diwa, pangarap at kalsadang tinutugpa. Mahirap na isipin kung walang sariling wika na magiging daan upang magkabuklod-buklod ang mga hiwa-hiwalay na isla ng Pilipinas. Maaaring magdulot ito ng mga kaguluhan at hindi pagkakaunawaan. Kahit na sa anumang anyo, sa pamamagitan man ng pagsusulat o pagsasalita, ang wika ang pinakamabisang paraan upang maihatid ang mga kaisipan at mapanatili sa madaling hakbang ang kasaysayan at mga tala ng mga sinaunang Pilipino. Sa ganitong pagkakataon, malalaman ng mga kasalukuyang mamamayan ang mga hakbangin na ginawa noong una upang maituloy ito sa mabuting paraan at maiwasan ang mga hindi magagandang pangyayari noon. Ito ang ilaw na magiging tanglaw ng mga Filipino upang mapabuti pa ang mga gawain. Ito rin ang magsisilbing lakas upang maisakatuparan ang mga naudlot na pangarap noong simula pa. Sa paglipas ng panahon, mapatutunayan na ang wika ang siyang pinakamahalagang sandata upang maiparating ng isang bansa sa kanyang mga mamamayan ang mga pangyayari, kasaysayan at bahagi ng ekonomiya nito. Gayundin naman na ang wika ang siyang sentro ng mga mamamayan upang maihugos sa kanilang pamahalaan ang kanilang mga hinaing. Naipadarama ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang sariling wika ang kasidhian ng kanyang damdamin, ang lalim ng kanyang pagkatao, ang katangian ng kanyang ginagalawang kapaligiran, ang lawak ng kanyang kultura at sining, ang kabihasaan niya sa anumang larangan at ang katotohanan ng kanyang pag-iral. Sa kabuuan, ang wika ang nagsisilbing kaparaanan upang maging isang ganap na tao ang isang tao at maging isang ganap na bansa ang isang bansa. Linggo ng Wika Theme 2011 - "Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas.”