Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Bad News
1.
2. Psalms 112:7
Siya'y hindi matatakot sa mga masamang
balita: ang kaniyang puso ay matatag, na
tumitiwala sa Panginoon.
3. Philippians 4:6
Huwag kayong mangabalisa sa anomang
bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa
pamamagitan ng panalangin at daing na
may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang
inyong mga kahilingan sa Dios.
4. 2 Kings 19:14-20
14 At tinanggap ni Ezechias ang sulat sa
kamay ng mga sugo, at binasa; at pumanhik
si Ezechias sa bahay ng Panginoon, at
iniladlad sa harap ng Panginoon.
5. 15 At si Ezechias ay dumalangin sa harap
ng Panginoon at nagsabi, Oh Panginoon, na
Dios ng Israel na nauupo sa mga
querubin, ikaw ang Dios, ikaw lamang sa
lahat ng kaharian sa lupa; ikaw ang
lumikha ng langit at lupa.
6. 16 Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh
Panginoon, at iyong dinggin; idilat mo ang
iyong mga mata, Oh Panginoon, at tumingin
ka: at dinggin mo ang mga salita ni
Sennacherib, na kaniyang ipinasugo upang
ipanungayaw sa buhay na Dios.
7. 17 Sa katotohanan, Panginoon, sinira ng
mga hari sa Asiria ang mga bansa, at ang
kanilang mga lupain,
18 At inihagis ang kanilang mga dios sa
apoy: sapagka't sila'y hindi mga dios, kundi
gawa ng mga kamay ng mga tao, na kahoy
at bato; kaya't kanilang nilipol ang mga
yaon.
8. 19 Ngayon nga, Oh Panginoon naming
Dios, iligtas mo kami, isinasamo ko sa iyo sa
kaniyang kamay, upang makilala ng lahat
na kaharian sa lupa na ikaw ang
Panginoong Dios, ikaw lamang.
9. 20 Nang magkagayo'y nagsugo si Isaias na
anak ni Amos kay Ezechias, na nagsasabi,
Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng
Israel, Yamang ikaw ay dumalangin sa akin
laban kay Sennacherib na hari sa Asiria,
dininig kita.
10. 2 kings 19:32-37
32 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon,
tungkol sa hari sa Asiria. Siya'y hindi
paririto sa bayang ito, o magpapahilagpos
man ng pana riyan, ni haharap man siya
riyan na may kalasag, o maghahagis man ng
bunton laban doon.
33 Sa daang kaniyang pinanggalingan,
doon din siya babalik, at hindi siya darating
sa bayang ito, sabi ng Panginoon.
11. 34 Sapagka't aking ipagsasanggalang ang
bayang ito upang iligtas, dahil sa akin at
dahil sa aking lingkod na si David.
35 At nangyari, nang gabing yaon, na ang
anghel ng Panginoon ay lumabas, at nanakit
sa kampamento ng mga taga Asiria ng isang
daan at walong pu't limang libo: at nang
ang mga tao ay magsibangong maaga sa
kinaumagahan, narito, silang lahat ay mga
bangkay.
12. 36 Sa gayo'y umalis si Sennacherib na hari
sa Asiria, at yumaon, at bumalik, at
tumahan sa Ninive.
37 At nangyari, nang siya'y sumamba sa
bahay ni Nisroch na kaniyang dios, na
sinugatan siya ng tabak ni Adramelech, at
ni Saresar: at sila'y nagsitanan na patungo
sa lupain ng Ararat. At si Esar-hadon na
kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
13. Isaiah 54:17
Walang almas na ginawa laban sa iyo ay
pakikinabangan at bawa't dila na gagalaw
laban sa iyo sa kahatulan ay iyong
hahatulan. Ito ang mana ng mga lingkod ng
Panginoon, at ang katuwiran nila ay sa
akin, sabi ng Panginoon.
14. Romans 8:31
Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na
ito? Kung ang Dios ay kakampi natin, sino
ang laban sa atin?