2. Mat 7:13 Kayo'y magsipasok sa makipot na
pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at
malapad ang daang patungo sa
pagkapahamak, at marami ang doo'y
nagsisipasok.
Mat 7:14 Sapagka't makipot ang pintuan, at
makitid ang daang patungo sa buhay, at
kakaunti ang nangakakasumpong noon.
3. Jam 4:14 Kayo ngang hindi nakaaalam ng
mangyayari bukas. Ano ang inyong buhay?
Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling
panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi.
4. Heb 11:13 Ayon sa pananampalataya ay
nangamatay ang lahat ng mga ito, na hindi
kinamtan ang mga pangako, nguni't kanilang
nangakita na natanaw mula sa malayo, at
kanilang ipinahayag na sila'y pawang taga
ibang bayan at manglalakbay sa ibabaw ng
lupa.
5. Heb 9:27 At kung paanong itinakda sa mga
tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos
nito ay ang paghuhukom;
6. Luk 16:19 Mayroon ngang isang taong
mayaman, at siya'y nagdaramit ng kulay ube
at maselang lino, at sa araw-araw ay
kumakain ng sagana:
Luk 16:20 At isang pulubi na ang pangala'y
Lazaro, lipos ng mga sugat, ay inilalagay sa
kaniyang pintuan,
7. Luk 16:21 At naghahangad na mapakain ng
mga mumo na nangahuhulog mula sa dulang
ng mayaman; oo, at lumapit pati ang mga aso
at hinihimuran ang kaniyang mga sugat.
Luk 16:22 At nangyari, na namatay ang
pulubi at siya'y dinala ng mga anghel sa
sinapupunan ni Abraham: at namatay naman
ang mayaman, at inilibing.
8. Luk 16:23 At sa Hades na nasa mga
pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga
mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si
Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan.
Luk 16:24 At siya'y sumigaw at sinabi,
Amang Abraham, maawa ka sa akin, at
suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa
tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at
palamigin ang aking dila; sapagka't
naghihirap ako sa alab na ito.
9. Luk 16:25 Datapuwa't sinabi ni Abraham,
Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap
ng iyong mabubuting bagay sa iyong
pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding
paraan ay masasamang bagay: datapuwa't
ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa
kahirapan.
10. Luk 16:26 At bukod sa lahat ng ito, ay may
isang malaking banging nakalagay sa pagitan
namin at ninyo, upang ang mga magibig
tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay
hindi maari, at gayon din walang makatawid
mula diyan hanggang sa amin.
11. Luk 16:27 At sinabi niya, Ipinamamanhik ko
nga sa iyo, ama, na suguin mo siya sa bahay
ng aking ama;
Luk 16:28 Sapagka't ako'y may limang
kapatid na lalake; upang sa kanila'y
patotohanan niya, baka pati sila'y
mangaparito sa dakong ito ng pagdurusa.
12. Luk 16:29 Datapuwa't sinabi ni Abraham,
Nasa kanila si Moises at ang mga propeta;
bayaang sila'y pakinggan nila.
Luk 16:30 At sinabi niya, Hindi amang
Abraham: datapuwa't kung ang isang mula sa
mga patay ay makaparoon sa kanila, sila'y
mangagsisisi.
13. Luk 16:31 At sinabi niya sa kaniya, Kung di
nila pinakikinggan si Moises at ang mga
propeta, ay di rin mangahihikayat sila, kahit
ang isa'y magbangon sa mga patay.
14. Rev 21:8 Nguni't sa mga duwag, at sa mga
hindi mananampalataya, at sa mga
kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao,
at sa mga mapakiapid, at sa mga
manggagaway, at sa mga mapagsamba sa
diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling,
ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang
nagniningas sa apoy at asupre; na siyang
ikalawang kamatayan.
15. Mat 16:24 Nang magkagayo'y sinabi ni Jesus
sa kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang
tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa
kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus,
at sumunod sa akin.
Mat 16:25 Sapagka't ang sinomang magibig
iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan
nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang
buhay dahil sa akin ay makakasumpong
niyaon.
16. Psa 1:1 Mapalad ang tao na hindi lumalakad
sa payo ng masama, ni tumatayo man sa
daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa
upuan ng mga manglilibak.
Psa 1:2 Kundi ang kaniyang kasayahan ay
nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan
niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
17. Psa 1:3 At siya'y magiging parang punong
kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng
tubig, na nagbubunga sa kaniyang
kapanahunan, ang kaniyang dahon nama'y
hindi malalanta; at anumang kaniyang gawin
ay giginhawa.
18. Psa 1:4 Ang masama ay hindi gayon; kundi
parang ipa na itinataboy ng hangin.
Psa 1:5 Kaya't ang masama ay hindi tatayo sa
paghatol, ni ang mga makasalanan man sa
kapisanan ng mga matuwid.
Psa 1:6 Sapagka't nalalaman ng Panginoon
ang lakad ng mga matuwid: nguni't ang lakad
ng masama ay mapapahamak.