3. • Ang prehistory ay yugto sa mahabang
nakaraan ng sangkatauhan na nag-uugat halos
2.5 milyong taon na ang nakalilipas o bago pa
ang pagkakalikha ng isang sistematikong
pagsusulat at pagtatala.
• Kabilang sa ilang disiplina na nagtutulungan sa
pag-aaral ng prehistory ay ang
biology, botany, geography, geology at
zoology.
4. • May dalawang mahahalagang proseso ang
naganap at nararapat na pagtuunan ng pansin
sa panahong prehistoriko:
1. Una ay ang ebolusyon o sapientization, ito ang
mga pagbabagong naganap sa aspetong
biyolohikal ng tao hanggang sa makamit ang
katalinuhang naghiwalay sa kanya sa mga hayop.
2. Ang ikalawa ay ang pagkakaroon ng
kasalukuyang uri ng tao ng kakayahan na
makagawa o makalikha ng bagay-bagay.
5. • Sa pagtatakda ng mga petsa sa
prehistory, mahalaga ang paggamit ng
makabagong teknolohiya at kagamitan. Ang
ilan sa mga kaparaanang isinasagawa upang
matukoy nang tuwiran ang panahon ng mga
pangyayari o bagay-bagay mula sa nakaraan ay
ang mga sumusunod:
– Dokumentong historikal at mga kagamitang hatid
ng panahon
– Dendrochronology o Tree-Ring Dating
– Radio Carbon (C14)
– Potassium-Argon Dating
6. • Dokumentong
Historikal at mga
kagamitang hatid ng
panahon – Ang
tinatayang panahon ay
mula sa kasalukuyan
hanggang sa 3000 BCE
sa ilang mga lugar. Ito
ang pangkaraniwang
paraan ng pagpepetsa.
7. • Dendrochronology o Tree-Ring Dating – Ang
tinatayang panahon ay mula sa kasalukuyan
hanggang 5000 BCE. Ito ay ay isang
pamamaraang ginagamit upang siyentipikong
matukoy ang gulang o edad ng isang puno.
8. • Radiocarbon (C14) – Ang
tinatayang panahon ay
mula 1500 CE hanggang
40, 000 taon o higit pa.
Ito ay naimbento nina J.
R. Arnold at W. F. Libby
noong 1949. Sa paraang
ito, ang mga isotope-
carbon 14 ang siyang
sinusuri upang matukoy
ang edad ng mga
materyales na may
carbon o carbonaceus
materials.
9. • Potassium-Argon
Dating – Ang
tinatayang panahon ay
mula 50, 000 hanggang
4.5 milyong taon at
mas higit pa. Ito ay
isang kaparaanang
ginagamit upang
tukuyin ang edad o
gulang ng mga
sinaunang depositong
mineral.
11. • Ang Panahong Paleolitiko (Paleolithic Period o
Old Stage Age) ang pinakamaagang panahong
kinakitaan ng pag-unlad ng tao.
• Ang terminong ito ay mula sa mga katagang
Greek na paleos o ”matanda” at lithos o
“bato.”
• Kaalinsabay nito ang napakalawak na
panahong heolohikal na Pleistocene. Ito ang
pinakamaagang bahagi ng Panahong Bato
(Stone Age)at pinakamahabang yugto sa
kasaysayan ng sangkatauhan.
12. • Ang isa sa pinakamahalang katangian ng
panahong ito ay ang naganap na pagbabagong
anyo ng tao mula sa pagiging isang mala-
bakulaw na nilalang hanggang sa pagiging
isang tunay na tao nang lumaon, ang Homo
Sapiens.
• Ang pagbabagong ito ay lubhang napakabagal
at nagpatuloy pa sa loob ng tatlong
mahahabang dibisyon ng Panahong
Paleolitiko: ang Lower Paleolithic, Middle
Paleolithic at Upper Paleolithic.
13. • Ito ang panahon ng pinakamaagang pananatili
ng tao sa daigdig simula nang maitala sa
arkeolohiya ang kanyang pamumuhay. Ito ay
nagtapos 120, 000 taon BCE nang magkaroon
ng mahahalaga at kapansin-pansing
pagbabago sa ebolusyon at teknolohiya ng tao
na nagbigay daan sa pagdating ng Middle
Paleolithic Period.
14. • Australopithecine – Mga
pinakamaagang hominid,
hindi pa ganoon kabihasa sa
pagggamit ng mga
kasangkapan. Sinasabing
mga ninuno ng
makabagong tao.
• “Lucy” – Kabilang sa uring
Australopithecine na
natagpuan ang mga labi sa
Ethiopia.
15. • Homo Habilis – Nadiskubre
nina Louis at Mary Leakey
at sinasabing mas mukhang
tao kung ihahambing sa
mga mas nauna sa kanila.
Ang Homo Habilis ay
nangangahulugang able
man o handy man dahil sila
ang mga uang species na
marunong nang lumikha ng
kagamitang bato. Sila ay
gumamit ng mga
kasangkapang Olduvan at
batid na ring gumawa ng
apoy.
16. • Homo Erectus – Sila
ang mga humalili sa
Homo Habilis.
Tinawag silang
Homo Erectus
sapagkat tuwid na
ang kanilang
paglalakad.
17. • Java Man o Taong Java
– Pinakamatandang
fossil ng Homo Erectus
na nahukay sa
Java, Indonesia noong
1891 at tinatayang may
may tanda na 700, 000
taon.
18. • Peking Man o Taong Peking – tinatayang may
tandang 420, 00 taon.
• Turkana Boy – Nahukay sa Kenya, Africa.
19. • Ito ay ang panahon sa kalagitnaan ng Panahong
Paleolitiko na tumagal mula 120, 000 hanggang
40, 000 taon.
• Sa panahong ito, ang mga unang hominid ay higit
pang nakontrol ang kanilang kapaligiran.
• Umusbong ang ekspresyong artistiko ng mga tao.]
• Nagkaroon na rin ng paglilibang at pagkakaroon
ng mga kaparaanang relihiyoso at ritwal.
• Kabilang sa panahong ito ang kulturang
Mousterian na kadalasang iniuugnay sa mga
Taong Neanderthal.
20.
21. • Neanderthal – Hango
ang kanilang pangalan sa
salitang Neander na
pangalan ng isang
lambak sa Germany kung
saan natagpuan ang
kanilang labi noong 1868.
Ang labi ng kanilang
kultura ay pangunahing
nabuhay sa Europa
subalit mayroon din
namang natagpuan sa
hilagang Africa, Palestine
at Siberia.
22. • Ito ang ikatlo at panghuling dibisyon ng
Panahong Paleolitiko sa Europa, Africa at Asya.
Saklaw nito ang mga panahon mula 40, 000 at
8500 taon.
• Matapos lumisan mula sa Africa noong Middle
Paleolithic Period ang mga makabagong tao,
sila ay nagsimulang bumuo ng kanilang sariling
kulturang panrelihiyon.
23. • Nagkaroon ng mga unang pamayanan sa
anyong campsite na kadalasang matatagpuan
sa mga lambak.
• Panahon din ito ng makailang ulit na pagbaba
ng pandaigdigang temperatura.
• Lumitaw ang pagiging artistiko ng mga tao at
gayun din ang mga kumplikadong
pagpapangkat sa lipunan, mas maraming uri
ng pagkain at mas espesyalisadong uri ng
kagamitan.
24.
25. • Cro-Magnon – Ang
pangalang ito ay hango sa
lugar sa katimugang France
kung saan natuklasan ang
kanilang labi noong 1856.
• Mayroon silang naiwang
mga pinta ng mga hayop na
matatagpuan sa mga
yungib ng Altamira sa
hilagang Spain at Lascaux
sa Timog Kanlurang France.
26. • Yumabong ang iba’t ibang kultura sa
panahong Paleolitiko. Kabilang sa mga ito ay
ang:
– Kulturang Aurignacion – Ang mga tao mula sa
kulturang ito na nagtungo sa Europa ay ang syang
lumikha ng mga Venus Figurines.
– Kulturang Solutrean – Ang mga mangangaso sa
na mula sa kulturang ito ay nagtungo sa Europa
mula sa silangan at pinalitan ang mga naunang
nanirahan dito.
– Magdalenean – Isang pamayanan ng mga
mangingisda at mangangaso ng mga usa.
28. • Ang Panahong Neolitiko (Neolithic o New
Stone Age) ay ang huling bahagi ng Panahong
Bato. Ang pangalan nito ay hango sa salitang
Greek na “neos” o bago at “lithos” o bato.
• Ang terminong Neolitiko ay ginagamit sa
arkeolohiya at antropolohiya upang italaga
ang isang antas ng ebolusyong pangkalinangan
o pagbabago sa teknolohiya.
29. • Ilan sa mga katangian ng panahong ito ay:
– Paggamit sa iba’t ibang kasangkapang bato na
higit na pulido at pino.
– Pananatili ng mga tao sa mga pamayanan.
– Domestikasyon ng mga pananim at hayop.
– Pagkakaroon ng mga kasanayan sa paggawa.
• Ang pagtatapos ng Panahong Neolitiko ay
itinakda simula sa pagkakaroon ng malalaki at
mahahalagang pagbabago sa pamumuhay ng
mga tao.