Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Repleksyong Papel: Methods at Media
1. REPLEKSYONG PAPEL: METHODS and MEDIA
Bilib din naman ako kay Propesor Pitagan sapagkat nagawa niyang gumamit ng iba’t- ibang
paraan sa pagtuturo. Sa dalawang semestreng aking napagdaanan, halos lahat ng aking naging guro ay
nagtuturo gamit ang iisang paraan lamang. Nakaupo lang sila at minsanang magsusulat sa pisara. Kung
ganito ang moda ng pagtuturo ng lahat ng guro, may papasok pa kaya sa klase?
Iba- ibang paraan ng pagtuturo ang ginawa ni Propesor Pitagan. May mga araw na ang paraan
na ginamit niya ay Presentation. Gumamit siya ng PowerPoint Presentations para ituro ang ilang mga
paksa. Masasabi kong epektibo ito. Mas hindi kasi nakaka-antok kapag may PowerPoint. At kung ang
isang tao ay may problema sa pandinig, walang problema dahil ang pinaka- importanteng konsepto ay
naka- project naman sa white screen. At ang maganda pa dito ay inu-upload niya ang mga files sa Yahoo!
Groups. Hindi na kailangan mahati ang aming atensyon sa pagsulat, pagbasa at pakikinig.
Sa EdTech 101 ko din unang naranasan kung paano makilahok sa isang Online Discussion.
Salamat sa kursong ito at talagang nabago ang aking konsepto ng OD. Akala ko dati kailangan sabay-
sabay na online ang mga estudyante at ang guro. Akala ko din dati, ang guro lang ang pwede magsalita
ng magsalita sa forum. Maaari lang sumingit ang estudyante kung may katanungan siyang naiisip. Sa
madaling salita, akala ko ang OD ay parang normal na diskusyunan lang. Ang kaibahan ay dinala nga lang
ito sa internet. Hindi pala ganoon ang OD. Nagiginhawaan ako sa paggamit ng OD. Para lang kasi itong
Peyups o PinoyExchange kung saan kapag may katanungan, libre lang ang mag- post. Kung may mga
katanungan, libre din ang lahat na sumagot. Ang naging problema ko lang sa OD ay wala akong
permanenteng koneksyon sa internet. Pag na-tyempohan ko na bukas ang wi-fi ng aking kapitbahay,
doon lang ako nakakapagbukas ng UVLE. Maaari din ako makapag- net kung sipagin ako pumunta sa
kompyuter shop. Pero hindi lahat ng aking kaklase ay kakayahan na magbayad sa renta ng kompyuter
ilang beses sa isang linggo. Dito hindi nagiging patas ang paggamit ng OD.
Hindi rin kami naubusan ng Cooperative Learning sa kursong ito. Sa unang bahagi ng pagtuturo
ni Sir, madalas niya kaming hinahati sa maliliit na grupo para pag- usapan pa ng mas malalim ang mga
paksang itinuro niya. Pabor ako sa ganitong paraan. Pero naalala ko noong tinuro niya yung Issues and
Trends in the Use of Computers in Technology, puro kalagayan ng Japan at ibang bansa ang binigkas
niya. Naiintindihan ko naman na ang karanasan niya ay base talaga sa Japan. Pero sana pinilit niya pa rin
na magsaliksik tungkol sa Philippine setting. Sana iyon na lang ang itinuro niya.
Pabor din ako na inatasan niya ang mga estudyante na mag- ulat tungkol sa mga piling paksa. Sa
ganitong paraan, lahat ng mag- aaral ay may pagkakataon na makapag- salita sa harapan. Nagkaroon
ang lahat ng pagkakataon para may maibahaging kaalaman sa klase. Maganda rin na ginawa na nagbigay
siya ng twist na kung ano ang media na tinakda sa bawat grupo ay siya ring media na gagamitin sa pag-
uulat. Sa ganitong paraan, direkta naming nakita kung paano gamitin ang bawat media. Nalaman namin
ang kahigitan at kakulangan ng bawat media. Malaking bagay din na mayroon kaming hand- out ng
bawat pag- uulat para may mababalik- balikan kaming reference balang araw.
Masasabi kong kuntento ako pagdating sa paraan at media na ginamit sa kursong ito. Pero
minumungkahi ko na mas pag- eksperimentuhan pa ang paggamit sa iba’t- ibang paraan at media bilang
isa naman itong EdTech na kurso.