SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 31
Descargar para leer sin conexión
1
ARALING PANLIPUNAN IV
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 14
PATAKARAN SA PANANALAPI
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION
Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City
2
MODYUL 14
PATAKARAN SA PANANALAPI
Humihingi ka ba ng pera sa magulang mo? Bakit ba mahalaga ang pera? Kung
gaano kahalaga sa iyo ang pagsasaayos ng pera mo ay ganito din ito kahalaga sa ating
bansa.
Ang ganitong pagsasaayos ng pananalapi ng bansa ay hindi na kayang
gampanan ng pamahalaan kung nag-iisa lamang, kaya kailangan niya ng patakaran sa
pananalapi.
Sa modyul na ito ay tutulungan ka naming maintindihan mo ang patakaran ng
pananalapi sa ating bansa.
May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Kasaysayan ng Pananalapi sa Pilipinas
Aralin 2: Paggawa at Gamit na Salapi sa Pilipinas
Aralin 3: Institusyon ng Pananalapi sa Pilipinas
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Maikukwento sa sariling salita ang kasaysayan ng pera sa bansa;
2. Maipaliliwanag ang paggawa ng salapi sa bansa;
3. Maiisa-isa ang iba’t ibang gamit at tungkulin ng pera sa ekonomiya;
4. Makikilala ang iba’t ibang institusyon ng pananalapi sa bansa; at
5. Mabibigyan ng pagpapahalaga ang mga bayaning nakalarawan sa ating mga
salapi sa pamamagitan ng pagkilala.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
3
PANIMULANG PAGSUSULIT
I. Panuto: Sagutin ang sumusunod sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga
letra ng alpabeto na katapat ng bawat numero. A – 1, B – 2, C – 3…
1. Pinangangalagaan ang katatagan ng salapi sa bansa. Tinaguriang bangko ng mga
bangko.
3 5 18 12 1 7 5 8 9 5 19
2. Ang paggamit ng anumang bagay tulad ng ginto, pilak, at tanso bilang instrumento ng
palitan.
3 13 15 4 13 25
3. Instrumento ng palitan ng kalakal at paglilingkod na tinatanggap ng mga tao.
12 16
4. Nasa ganitong paraan sa kasalukuyan ang paggawa ng pera sa Pilipinas.
12 9 20 1 4
5. Tinatawag din itong savings bank.
20 8 18 20 2 11
6. Inaasikaso ng bangkong ito ang mga pondo ng charitable institutions.
20 18 20 3 13 16 5 19
4
7. Pinakamaliit na bangko. P2 milyon ang kailangang kapital upang maitatag.
Naglalayong tulungan ang magsasaka upang magkaroon ng puhunan.
18 21 12 2 11
8. Ang akronim na ito ay may kahulugang “Pagtutulungan sa Kinabukasan – Ikaw,
Bangko at Gobyerno”.
16 1 - 9 7 6 21 4
-
9. Itinatag noong 1946 sa Washington, D.C. na naglalayong tulungan na makabangon
muli ang mga bansang napinsala ng digmaan at nangangailangan ng puhunan para sa
pagpapaunlad ng ekonomiya.
23 15 4 2 11
10. Pamantayan sa paggawa ng pera na salaping papel at hindi na kailangan pang
tumbasan ng anumang metal. Halimbawa nito ay ang Yen ng Japan, Pound ng
Europa, Piso ng Pilipinas, at iba pa.
16 1 5 18 20 1 4 18
II. Lagyan ng S kung totoo ang pahayag at H kung hindi totoo ang pahayag.
1. Ang International Monetary Fund (IMF) ay tumatayong international cooperative.
2. Ang ating salapi mula noon hanggang ngayon ay pareho. Hindi ito nagbago.
3. Barter ang paraan ng palitan ng produkto ng ating mga ninuno. Produkto kapalit ng
produkto.
4. Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit ayaw ng maraming bansa ang paggamit ng
salapi. Ito ay madaling makilala, tinatanggap ng lahat, madaling dalhin, at nahahati.
5
5. Madali lamang ang paggawa ng pera. Maaari itong gawin kahit saan at ng kahit
sino.
6. Madaling makilala ang huwad na salapi.
7. Sa kasalukuyan ay kakikitaan ng larawan ng ating mga bayani ang lahat ng ating
pera.
8. Ang bagong barya ay binubuo ng 75% na bakal.
9. Ang pagkontrol sa suplay ng salapi ay nakabubuti sa ating ekonomiya.
10. Kailangan lamang gumawa ng gumawa ng pera ang bansa upang mabigyang
solusyon ang kahirapan.
6
ARALIN 1
KASAYSAYAN NG PANANALAPI SA PILIPINAS
May pera ka ba sa bulsa mo ngayon? Sino ang nakalarawan dito? Maaari mo
ba itong gamitin sa ibang bansa? Ito na kaya ang salapi noong panahon bago pa ang
iyong mga lolo at lola?
Lahat ng ito ay pipilitin nating alamin sa araling ito.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Maisasalaysay ang kasaysayan ng salapi sa Pilipinas sa pamamagitan ng info
wheel na ipapakita;
2. Makikilala ang iba’t ibang uri at anyo ng pera na ginagamit sa lahat ng uri ng
transaksyon sa ating ekonomiya;
3. Matutukoy ang mga umiral at umiiral na pamantayan sa paggawa ng salapi sa
iba’t ibang bansa; at
4. Mapahahalagahan ang ating mga bayani sa pamamagitan ng pagkilala sa kanila
sa mga umiikot nating salapi sa bansa.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
7
Nakakita ka na ba ng ganitong mga pera? ____________________________________
Ginagamit ba ito sa ating bansa? ___________________________________________
Bakit hindi nagagamit ang iba sa mga perang nasa larawan? _____________________
______________________________________________________________________
Ano ang pagkakaiba ng ibang pera na nasa larawan sa pera na nasa bulsa mo? _____
______________________________________________________________________
Nagbabago kaya ang pera? _______________________________________________
______________________________________________________________________
Kasaysayan ng Salapi sa Pilipinas
Ano ang ibig sabihin ng salapi o pera? Ito ay instrumento o gamit sa
pagpapalitan ng kalakal at serbisyo.
Bago pa dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay may barter na.
Nakikipagpalitan na tayo ng kalakal sa kapwa Pilipino o maging sa mga taga-karatig
bansa. Nagpapalitan sila ng produkto sa produkto. Maaaring ipampalit ang kahit na
anong produkto noon tulad ng bigas, ginto, gulay, asin, at marami pang iba.
Ang unang barya sa Pilipinas ay nadiskubre ni Dr. Gilbert Perez at tinawag itong
penniform gold barter ring. Hindi ito gawa sa Pilipinas.
Ang unang barya na gawa sa Pilipinas ay ginawa ng unang bangko sa Pilipinas.
Ito ay ang El Banco Espanol-Filipino de Isabel II. Tinawag itong Spanish Barilla. Ang
unang salaping papel ay tinawag na Pesos Fuertes. Tinatanggap din kasabay ng mga
perang ito ang Mexican Pillar Dollar at Dos Mundos na nagmula sa ibang bansa.
Nagkaroon din ng kakaibang hugis na pera noong panahon ng Kastila. Ito ay tinawag
na Hilis Kalamay.
Naging gamitin ang barya sa ating bansa kaya pinagtibay ng Philippine Coinage
Act ang gold exchange standard at muling binuksan noong 1920 ang minting plant sa
Quezon City. Ito ang gumagawa ng ating barya katulong ang mga dayuhan bago pa
ang World War II. Taong 1977 nang mag-solo itong gumawa ng sarili nating barya.
8
Panahon ng Hapon nang magpalabas ng maraming pera sa sirkulasyon ang
Puppet Government. Naging dahilan ito ng implasyon at unti unting nawalan ng halaga
ang piso na tinawag noong Mickey Mouse Money.
Taong 1949 naman nang itatag ang Bangko Sentral ng Pilipinas na nagpalabas ng
salaping papel na may halaga mula sa piso hanggang 100 piso.
Sa panahon ng Bagong Republika ni Pangulong Marcos ay inalis ang pisong papel
at pinalitan ng 2 piso.
Sa kasalukuyan ay may 500 at 1,000 pisong papel na ang Pilipinas sa sirkulasyon.
Uri at Anyo
1. Commodity Money – ito ay ang uri at anyo ng pera kapag gumagamit ng
anumang bagay sa palitan tulad ng ginamit ng ating mga ninuno. Ang ginto,
pilak, at tanso ay halimbawa ng commodity money. May intrinsic value (halaga
ng metal) o face value (halagang isinulat o itinakda) ang lahat ng salapi.
2. Credit Money – ito ay anumang gamit na tinatanggap bilang bayad sa inutang
na produkto o serbisyo. Ito ay ang mga promissory notes, tseke (papel na may
nakasulat na halaga, bangko, at para kanino), cash card (tulad ng tseke, maaari
din itong di tanggapin kung walang sapat na pondo), at credit card.
3. Fiat Money – ito ay salaping papel na may face value. Ito ay itinuturing na legal
tender o may halaga dahil sa ginagarantiyahan ng pamahalaan ang paggamit
nito sa lahat ng transaksyon. Money Supply ang tawag sa barya at perang papel
na nasa sirkulasyon na ginagamit ng tao sa araw-araw.
9
Pamantayan sa Paggawa ng Salapi
1. Commodity Standard
a. Gold Standard kapag ang money supply ay may katumbas at tinutubos ng
ginto. Halimbawa, ang U.S. ay gumagamit ng pamantayang gold coin at gold
bullion standard. Ang gold coin ay inilalabas nila sa sirkulasyon, samantalang
ang gold bullion ay reserba ng pamahalaan.
Tayo ay nasa ganitong standard sa panahon ng pananakop ng
Amerikano. Tinawag din itong gold exchange standard. Ipinagamit din nila sa
atin ang dollar exchange standard.
b. Silver Standard kapag ang pamantayan ng halaga ng salapi ay pilak.
Kasama din ang silver coin standard at silver bullion standard.
Kapag ang isang bansa ay gumagamit ng ginto o pilak bilang pamantayan
ng pananalapi, sila ay nasa monometallic standard. Kapag dalawang metal,
ginto at pilak, sila ay nasa bimetallic standard. Ang England ay dating nasa
ganitong standard pero pinalitan nila dahil sa paliwanag ni Sir Thomas
Gresham. Ayon sa Gresham’s Law, itinatago ng mga tao ang salaping may
mataas na halaga ng metal. Nawawala ito at ang natitira ay ang inferior
money.
2. Non- Commodity Standard
a. Paper Standard - salaping papel na di na kailangang tumbasan ng kahit
anong metal. Ito ay ang managed currency standard na sinimulang gamitin
dahil mas madaling kontrolin ang dami nito sa sirkulasyon. Nangangailangan
ang papel ng garantiya ng pamahalaan. Ang Pilipinas ay nasa ganitong
pamantayan mula 1949.
10
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
A. Kilalanin ang tamang sagot mula sa info wheel.
1. Unang baryang ginamit sa bansa. _______________________________________
2. Salapi noong panahon ng Hapon. _______________________________________
3. Unang salaping papel na ginawa sa bansa. _______________________________
4. Kalakalang produkto ang salapi. ________________________________________
5. Salaping nakilala dahil sa kakaibang hugis. _______________________________
B. Sagutan ang puzzle.
1
2
10
3 4
5
6
7 8
9
barter
11
1. Pera sa sirkulasyon.
2. Anumang gamit na tinatanggap kapalit ng produkto o serbisyong nakuha.
3. Gumagamit ng ginto at pilak bilang batayan ng halaga ng salapi.
4. Halaga ng metal.
5. Gumagamit ng ginto o pilak bilang batayan ng halaga ng salapi.
6. Gawa dito ang perang nangangailangan ng garantiya ng pamahalaan bago
magamit.
7. Standard na ginto ang batayan ng halaga ng salapi.
8. _______ Law, nagsabing di maganda sa ekonomiya ang metallic standard.
9. Standard na pilak ang batayan ng halaga ng salapi.
10.Tawag sa perang natitira sa sirkulasyon kapag itinago ng tao ang perang metal na
may mas mataas na halaga.
Tandaan Mo!
Kasaysayan ng Salapi sa Pilipinas:
Penniform Gold Barter – Spanish Barilla – Mickey Mouse – Bagong
Lipunan – Kasalukuyang Pera
Uri at Anyo:
Commodity – bagay ang gamit sa palitan. May face value o intrinsic value ito.
Credit – tseke, promissory notes, credit card
Fiat – salaping may legal tender
Pamantayan sa Paggawa ng Salapi:
Commodity Standard – gold o silver, monometallic o bimetallic standard
Non-Commodity Standard – paper o managed currency standard tulad ng sa Pilipinas
12
Gawain 3: Paglalapat
A. Panuto: Kilalanin ang ating salaping papel at barya sa pamamagitan ng
pagsulat kung sino ang mga nakalarawan dito.
1. Singkuwenta Pesos - _________________________________________________
2. Limang Piso - _______________________________________________________
3. Sampung Piso - _____________________________________________________
4. Piso - _____________________________________________________________
5. Isandaang Piso - ____________________________________________________
6. Isanlibong Piso - ____________________________________________________
7. Limandaang Piso - ___________________________________________________
8. Dalawampu’t limang sentimo - __________________________________________
9. Dalawampung Piso - _________________________________________________
10. Dalawangdaang Piso - _______________________________________________
B. Panuto: Kilalanin ang salapi sa ibang bansa. Isulat ang katawagan sa salapi ng
sumusunod na bansa.
1. Japan - ____________________________________________________________
2. Kuwait - ___________________________________________________________
3. Saudi Arabia - ______________________________________________________
4. Korea - ____________________________________________________________
5. Italy - _____________________________________________________________
6. Amerika - __________________________________________________________
7. Indonesia - _________________________________________________________
8. China - ____________________________________________________________
9. Thailand - __________________________________________________________
10. Singapore - ________________________________________________________
13
ARALIN 2
PAGGAWA AT GAMIT NA SALAPI SA PILIPINAS
Meron ka bang bagay na gustong-gusto ngayon? Bakit mo ito gusto? Paano ka
magkakaroon nito? Ano ang kailangan mo para mabili ito? Sa mga bagay na gusto mo
lang bang bilhin nagagamit ang pera? Mahalaga ba ito?
Tutulungan ka ng araling ito upang masagot ang mga tanong na ito.
Halika… Simula na tayo…
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Maiisa-isa ang mga gamit ng salapi;
2. Maipaliliwanag ang sistema ng pagmomoneda sa Pilipinas;
3. Matutukoy ang iba’t ibang sistema ng pagmomoneda; at
4. Makikilala ang mga barya sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagkukwento kung
paano ito nagawa.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
14
Mula pa noong unang panahon marami ng sinubukan ang tao upang makuha
nang maayos ang mga bagay na kailangan at gusto niya.
Mula sa una nating aralin napag-alaman nating ang unang paraan ng palitan ng
kalakal ay sa pamamagitan ng produkto sa produkto o barter.
Hindi ito gaanong nagtagal dahil sa maraming dahilan. Mag-isip ka nga ng
maaaring mangyari kung kailangan mong palitan ng bigas ang gustong-gusto mong t-
shirt? Ilang kilo kaya ng bigas ang isang branded shirt?
Ito ang dahilan kung bakit naisipan ng taong gumamit ng salapi.
Isa-isahin natin ang mga gamit ng salapi.
Gamit ng Salapi
1. Instrumento ng palitan. Kaya kung marami kang gusto, maraming pera ang
kailangan mo.
2. Pamantayan ng halaga. Para malaman ang tunay na value ng isang bagay
nilalagyan ito ng halaga. Ang bigas ay P20 isang kilo, P450 ang isang t-shirt, at
iba pa.
3. Pamantayan ng maaantalang pagbabayad. Ang pera ay ginagamit bilang tanda
ng pangungutang at pagbabayad.
4. Reserba ng halaga. Lahat ng produkto ay hindi maaaring itago nang matagal
dahil nagbabago ang halaga nito. Kaya pinauutang ang mga produkto at
pinapalitan ito ng salapi. Salapi ngayon ang nagiging reserba ng halaga ng mga
produkto.
Ngayong alam na natin ang gamit ng salapi, paano ba ito ginagawa? Bakit
nagbabago ang laki at itsura nito?
Alamin naman natin ang paraan ng paggawa ng pera. Sistema ng
pagmomoneda ang tawag dito.
15
Sistema ng Pagmomoneda (Coinage)
Ang Bangko Sentral ng Pilipinas lang ang may kapangyarihang mag-moneda at
magpalabas ng money supply. Ang gagawin nitong pera ay ibabatay sa kakayahan at
ari-arian ng Pilipinas. Isipin mo na lang kung marami ang binigyan ng karapatang
gumawa ng pera. E, di iba-iba ang kulay at laki ng pera! Magiging madali rin ang
counterfeiting sa ganitong sistema. Siguradong magulo ang palitan ng kalakal at
serbisyo.
Ang pagmoneda ng salaping barya ay may tiyak na sukat, timbang, at
pagkametal. Ang pag-imprenta ng salaping papel ay ginagamitan ng espesyal na papel
mula pa sa ibang bansa.
Uri ng Pagmomoneda
1. Limitado
Pamahalaan ang mismong bumibili ng tiyak na dami ng metal at papel na
gagamitin sa pagmomoneda. Ito ang paraang ginagamit ng Pilipinas ngayon.
Nagpapakita lamang ng ganap na kapangyarihan ng pamahalaan ang sistemang ito.
2. Di - limitado
Kahit sino ay may pagkakataong magpagawa ng kahit gaanong kadami ng barya
mula sa metal na dadalhin sa planta ng pagmomonedahan ng pamahalaan. Free
Coinage ang tawag dito. Naglaho ang ganitong sistema dahil sa di magandang dulot
nito sa ekonomiya.
Kapag pumayag ang pamahalaan na makagawa ng barya ang isang tao mula sa
dala niyang metal, naniningil ito ng brassage (eksaktong gastos sa paggawa) o kaya ay
seignorage (may tubo).
Paano kaya ginagawa ang mga pera natin ngayon?
16
Bagong Barya sa Pilipinas
Noong1977, nakagawa ng barya ang Philippine Mint sa Quezon City. Mula noon
nagpapalit-palit na ang barya ng Pilipinas. Kapag nagpalit na ng bagong barya ang
pamahalaan, nagbibigay lang ang Bangko Sentral ng petsa kung hanggang kailan
maaaring gamitin at tanggapin sa bangko ang lumang barya. Kapag lumampas na sa
panahon, demonetized na (wala ng halaga) ang mga ito. Positive seignorage ang tawag
kapag mas mataas ang intrinsic value kaysa face value ng barya. Halimbawa, noong
1995, P2.55 ang ginastos ng pamahalaan sa pag-prodyus ng piso. Negative seignorage
kung mas mataas ang face value kaysa intrinsic value nito. Halimbawa, ang baryang
piso sa money supply ngayong 2005 ay ginastusan lang ng .64 ang produksyon.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Panuto: Isulat kung tama o mali ang sumusunod na pahayag. Kung
mali, isulat ang tamang sagot.
1. Sa Pilipinas kahit sino ay pwedeng magmoneda.
2. Ang seignorage ay bayad sa eksaktong halagang ginugol ng pamahalaan sa
paggawa ng barya.
3. Dahil sa sistema ng pagmomoneda natin ngayon ay napakahirap malaman ang
mga perang counterfeited.
4. Tanging ang Philippine Mint sa Quezon City ang gumagawa ng barya sa Pilipinas
mula pa noong 1977.
5. Negative Seignorage ang barya natin ngayon.
6. Walang masyadong gamit ang salapi kaya hindi ito mahalaga sa pag-unlad ng
ekonomiya.
7. Ang lahat ng bangko kasama ang Bangko Sentral ay maaaring mag-imprenta ng
perang papel ng Pilipinas.
8. Coinage ang tawag sa paggawa ng pera na may sinusunod na tiyak na timbang.
9. Demonitized ang tawag sa pera kapag di na ito tatanggapin pa sa pamilihan o
bangko.
10. Limitado ang uri ng pagmomoneda sa Pilipinas.
17
Tandaan Mo!
Gamit ng salapi:
• Istrumento ng palitan;
• Pamantayan ng halaga;
• Pamantayan ng maaantalang pagbabayad; at
• Reserba ng halaga
Sistema ng Pagmomoneda (Coinage) ng Bangko Sentral
Uri ng Pagmomoneda:
• Limitado (Pamahalaan lang ang gumagawa ng pera.)
• Di-limitado (Free coinage o kahit sino pwedeng magpagawa.
Naniningil ang pamahalaan ng brassage o seignorage.)
Barya sa Pilipinas
Ginagawa sa Philippine Mint sa Quezon City mula pa 1977. Demonitized ang
perang di na tinatanggap sa palitan at bangko. Maaari itong negative o positive
seignorage.
Gawain 3: Paglalapat
Panuto: Bilugan ang kung kasiya siya ang pahayag at
kung di kasiya-siya ang mga pahayag.
1. Maliliit na barya tulad ng 5 at 10 sentimo ngayon ☺
2. Nag-iisang Minting Plant sa Quezon City ☺
3. Paggawa ng maraming pera ng Bangko Sentral ☺
4. Pagpaparusa sa mga taong nagkakalat ng ☺
counterfeited na mga pera
18
5. Pagpapalit ng mga lumang pera sa sirkulasyon ☺
6. Paggamit ng mumurahing materyales sa paggawa ☺
ng barya
7. Iba’t ibang uri ng barya na ginagamit ng tao ☺
8. Nagkalat sa bansa ang mga pekeng pera ☺
9. Pagtanggal ng 5 at 10 sentimo sa sirkulasyon ☺
10. Pagbalik ng sistemang barter o palitan ng produkto ☺
sa produkto
ARALIN 3
INSTITUSYON NG PANANALAPI SA PILIPINAS
"[Type Lesson Overview here]"
Matapos ang araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Maiisa-isa ang uri ng bangko sa Pilipinas;
2. Makapagbibigay ng halimbawa ng iba’t ibang uri ng bangko; at
3. Mapahahalagahan ang mga institusyong di bangko sa pamamagitan ng pagkilala sa
mga ito.
19
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Sagutin ang tanong:
Sang-ayon ka ba na “Sa ikauunlad ng bayan… Bangko ang kailangan?”
Pangatwiranan ang sagot.
________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.
Institusyon ng Pananalapi
Bangko
1) Thrift Bank – tinatawag na savings bank. Kabilang dito ang a) Savings and Loan
Association na nagpapahiram at nagpapautang; b) Private Development Bank na
pinahihiram sa mga small and medium scale industry ang deposito ng tao; c)
Savings and Mortgage Bank na tumatanggap ng sanla sa pangungutang.
2) Commercial Bank – kilala ngayon bilang unibanking (universal banking) o
expanded commercial banks. Tumatanggap ng lahat ng uri ng deposito (savings,
time, at demand). Nagpapautang ng lahat ng uri ng utang (puhunan, housing, auto,
at iba pa) Tumatanggap ng letter of credit, bill of exchange, at tseke.
3) Rural Bank – may pinakamaliit na puhunang 2 milyong piso. Layunin nitong
tulungan ang magsasaka at industriya sa lalawigan.
20
4) Trust Companies – inaasikaso nito ang pondo at ari-arian ng taong walang
kakayahang pangalagaan ang pera niya (ng bata, menor de edad, at may
kapansanan). Gayundin ang sa simbahan at charitable institutions.
5) Espesyal na Bangko
Land Bank of the Philippines (LBP) - pangunahing layunin ang pagpapatupad ng
reporma sa lupa
Development Bank of the Philippines (DBP) - tumutulong sa pagpapaunlad ng
ating ekonomiya sa pamamagitan ng pag-alalay sa mga small and medium scale
industries. Nagpapautang ito nang may mababang interes sa maliliit na negosyante.
Al Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines - may pangunahing
layunin na tulungan ang mga nangangailangang Muslim
6) Bangko Sentral
6.1 Naitatag sa Pilipinas noong Enero 3, 1949 sa bisa ng Batas Republika 265. May
kapital na P 50 Bilyong piso. Si Miguel Cuaderno ang unang CB governor.
6.2 Bangko ng mga bangko dahil ito ay nagpapautang sa mga bangko
6.3 Nag-iisyu at pinanggagalingan ng salapi
6.4 Chief banker at tagapayo ng pamahalaan
6.5 Pag-aaring publiko dahil ito ay sa pamahalaan
6.6 Tagapamahala sa reserbang dayuhang salapi, ginto, at ang pagbabayad ng
utang panlabas at panloob
6.7 Layunin nito ang mapatatag ang pananalapi at presyo sa bansa, alagaan ang
palitan at international value ng piso, at mapataas ang produksyon, empleyo, at
kita.
6.8 Monetary Board ng BSP – 1 governor ng CB, 1 cabinet member, at 5 miyembro
ng pribadong sektor
21
Institusyong Di- Bangko
1) Government Service Insurance System (GSIS) – nagkakaloob ng seguro,
pensyon, pautang, at dibidendo sa mga kawani ng pamahalaan. Kumukuha ito ng
pera mula sa kontribusyon ng mga kasapi nito at mga negosyo.
2) Social Security System (SSS) – ahensyang pang-seguro ng pribadong sektor.
Tinatanggap nitong kasapi ang may tiyak na trabaho, boluntaryong kasapi, self-
employed, at maging katulong sa bahay at magsasaka.
3) PAG-IBIG FUND – Pagtutulungan sa Kinabukasan – Ikaw, Bangko at Gobyerno -
Itinatag upang matulungan ang mga kasaping magkaroon ng sariling bahay.
Manggagawang private, public, at overseas ay pwedeng maging kasapi nito.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
I. Tukuyin ang sumusunod mula sa pinaghalong letra sa kahon.
1. Isa sa mga uri ng savings bank. Tumatanggap ng sanla sa pangungutang.
B N K A V N G S A I S
D N A E G A G M T O R
2. Bangkong naglalayong tulungan ang mga magsasaka. May pinakamaliit na
puhunang 2 milyong piso.
L B A U A
N K R R
22
3. Itinatag para maipatupad ang Reporma sa Lupa.
L B P O F A N K H I L I N
N D A E T H P P P I S E
4. Bangko para sa mga simbahan at charitable institutions.
E N I S T R S
P A M O C U T
5. Isa pang tawag sa Bangko Sentral.
A E E I
C B H F N K R
II. Punuin ang patlang para mabuo ang paghahambing.
1. Pribado: SSS; Publiko: ______________________________________________
2. Safekeeper ng reserbang dolyar: Central Bank; Unibanking: ________________
3. Bangkong katulong ng pamahalaan sa pagpapaunlad: ____________________;
Bangkong tumutulong sa pangangailangan ng Muslim: Al Amanah Islamic Bank
of the Philippines
4. Bangko: Trust Companies; ______________________________: PAG-IBIG FUND
5. Gawain ng Bangko Sentral: Mag–isyu at panggalingan ng salapi;
___________________________________: Mapanatili ang katatagan ng presyo
23
Tandaan Mo!
BANGKO DI-BANGKO
1. Thrift 1. GSIS
2. Commercial 2. SSS
3. Rural 3.PAG-IBIG
4. Trust Companies
nagpapaimpok at tumatanggap ng kon-
nagpapautang tribusyon at nagpa-
pautang
24
Gawain 3: Paglalapat
Magbigay ng sariling opinyon tungkol sa mga sumusunod.
1. Mahalaga ba ang bangko sa pag-unlad ng bansa? Bakit mo nasabi?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Paano makatutulong ang isang mag-aaral na tulad mo sa pagpapaunlad ng
pagbabangko sa ating bansa?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
25
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
Ang mga sumusunod ay pangunahing kaisipan na dapat mong tandaan tungkol
sa modyul na ito:
Ang ating salapi ay dumaan sa pagbabago. Mula sa penniform gold barter ring –
Spanish barilla at pesos fuertes – mickey mouse money – pera sa panahon ng
bagong lipunan - kasalukuyang pera.
May 3 uri ang pera: commodity, credit, at fiat.
Ang paggawa ng pera ay maaaring commodity o non-commodity. Ginto at Silver
ang ginagamit sa bimetallic commodity standard. Ginto o silver kapag monometallic
standard. Paper Standard ang ginagamit sa non-commodity standard.
Ang Pagmomoneda ay maaaring limitado o di limitado. Maaaring magbayad ng
brassage o seignorage sa di limitadong pagmomoneda.
May 2 institusyon ng pananalapi, ang bangko at di bangko. Bangko ng mga
bangko ang tawag sa Bangko Sentral. Thrift, Commercial, Rural, Trust, at Espesyal
ang uri ng mga bangko. Special bank na maituturing ang Land Bank, Development
Bank at Al Amanah ng mga Muslim. Institusyong di bangko naman ang SSS, GSIS,
at PAG-IBIG Fund.
26
PANGHULING PAGSUSULIT:
I. Tukuyin kung nakatutulong o nakasasagabal ang mga sumusunod sa
ekonomiya. NT kung nakatutulong; NS kung nakasasagabal.
1. Holdapan sa bangko.
2. Pagsasara ng mga maliliit na bangko.
3. Kumikita ang mga negosyo ng trust companies.
4. Pagpapaliban ng pagbabayad ng utang panlabas ng bansa.
5. Mabagal na pagproseso ng loan ng GSIS.
6. Pagdaragdag ng banking hours.
7. Pagtaas ng interes ng mga utang sa bangko.
8. Pagdami ng small and medium scale industries na nanghihiram sa ADB.
9. Pagtaas ng piso laban sa dolyar.
10. Dumami ang taong nag-iimpok sa bangko.
II. Isulat sa paligid ng salaping papel ang mga gamit ng pera.
(larawan ng pera)
III. Pagkilala. Ilagay sa mga kahon ang tinutukoy ng mga pahayag.
1. Unang Central Bank Governor.
2. Unang perang papel na nagawa sa Pilipinas.
27
3. Pera noong panahon ng pananakop ng Hapon.
4. Salaping papel na may value dahil sa ginarantiyahan ito ng pamahalaan.
5. Pamantayan sa paggawa ng pera na maaaring monometallic o bimetallic.
6. Tanging tagagawa ng barya sa Pilipinas.
7. Naitatag noong Enero 3, 1949. May 50 bilyong pisong kapital.
8. Unang barya sa Pilipinas.
9. Tawag sa mga pera na nawalan na ng halaga, hindi tatanggapin ng bangko at mga
tindahan.
10. Kasama ng gobernador ng Central Bank at 5 taga-pribadong sektor bilang
Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.
28
GABAY SA PAGWAWASTO
PANIMULANG PAGSUSULIT
I.
1. Central Bank of the Philippines
2. Commodity Standard
3. Salapi
4. Limitado
5. Thrift Bank
6. Trust Companies
7. Rural Bank
8. Pag-ibig Fund
9. World Bank
10. Paper Standard
II.
1. S
2. H
3. S
4. H
5. H
6. H o S
7. H
8. H
9. S
10. H
ARALIN 1 KASAYSAYAN NG PANANALAPI SA PILIPINAS
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Isangguni sa guro ang sagot.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
A.
1. penniform gold barter ring
2. Mickey Mouse money
3. Spanish fuertes
4. barter
5. hilis-kalamay
B.
1. money supply
2. salapi
3. bimetallic
4. intrinsic
5. monometallic
6. paper o papel
7. gold
8. Greshams
9. silver
10. inferior
29
Gawain 3: Paglalapat
A.
1. Sergio Osmeña
2. Emilio Aguinaldo
3. Apolinario Mabini
4. Dr. Jose Rizal
5. Manuel Roxas
6. Abad Santos, Vicente Lim, Josefa
Llanes Escoda
7. Benigno Aquino
8. Simbolo ng BSP
9. Manuel Quezon
10. Diosdado Macapagal
B.
1. Yen
2. Dinar
3. Rial
4. Won
5. Euro
6. U.S. Dollar
7. Rupee
8. Yuan
9. Baht
10. Singapore Dollar
ARALIN 2 PAGGAWA AT GAMIT NA SALAPI SA PILIPINAS
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Isangguni sa guro ang sagot.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
1. M
2. M
3. M
4. T
5. T
6. M
7. M
8. T
9. T
10. T
30
Gawain 3: Paglalapat
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9. o
10.
ARALIN 3 INSTITUSYON NG PANANALAPI SA PILIPINAS
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Isangguni sa guro ang iyong sagot.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
I.
1. Savings ang Mortgage Bank
2. Rural Bank
3. Land Bank of the Philippines
4. Trust Companies
5. Chief Banker
II.
1. GSIS
2. Commercial Bank
3. Development Bank of the Philippines o DBP
4. Di–Bangko
5. Layunin ng Bangko Sentral
31
Gawain 3: Paglalapat
Isangguni sa guro ang sagot.
PANGHUILNG PAGSUSULIT
I.
1. NS
2. NS
3. NT
4. NT
5. NS
6. NT
7. NS
8. NT
9. NT
10. NT
II. (in any order)
instrumento ng palitan
pamantayan ng halaga
pamantayan ng naantalang
kabayaran
reserbang halaga
III.
1. Miguel Cuaderno
2. Pesos Fuertes
3. Mickey Mouse Money
4. Fiat Money
5. Commodity Standard
6. Philippine Mint
7. Bangko Sentral ng Pilipinas
8. Spanish Barilla
9. Demonitized
10. Miyembro ng Gabinete

Más contenido relacionado

La actualidad más candente

Modyul 4 implasyon
Modyul 4 implasyonModyul 4 implasyon
Modyul 4 implasyonsicachi
 
MELC_Aralin 15-Patakarang Piskal
MELC_Aralin 15-Patakarang PiskalMELC_Aralin 15-Patakarang Piskal
MELC_Aralin 15-Patakarang PiskalRivera Arnel
 
Aralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran
Aralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaranAralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran
Aralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaranRivera Arnel
 
Aralin 3 Sektor ng Industriya
Aralin 3 Sektor ng IndustriyaAralin 3 Sektor ng Industriya
Aralin 3 Sektor ng Industriyaedmond84
 
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpok
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpokUgnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpok
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpokJhaysee-pearls Dalasdas
 
Aralin 3 - ANG UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO
Aralin 3 - ANG UGNAYAN NG  PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMOAralin 3 - ANG UGNAYAN NG  PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO
Aralin 3 - ANG UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMOJENELOUH SIOCO
 
Modyul 9 implasyon
Modyul 9   implasyonModyul 9   implasyon
Modyul 9 implasyondionesioable
 
Es p 9 Module 6 Karapatan at Tungkulin 2018
Es p 9 Module 6 Karapatan at Tungkulin 2018Es p 9 Module 6 Karapatan at Tungkulin 2018
Es p 9 Module 6 Karapatan at Tungkulin 2018Edna Azarcon
 
B. Institusyong Di Bangko
B. Institusyong Di BangkoB. Institusyong Di Bangko
B. Institusyong Di BangkoNiloPauyon1
 
MELC_Aralin 23-Kalakalang Panlabas
MELC_Aralin 23-Kalakalang PanlabasMELC_Aralin 23-Kalakalang Panlabas
MELC_Aralin 23-Kalakalang PanlabasRivera Arnel
 
SISTEMA NG PANANALAPI
SISTEMA NG PANANALAPISISTEMA NG PANANALAPI
SISTEMA NG PANANALAPISAMisdaname
 

La actualidad más candente (20)

Modyul 4 implasyon
Modyul 4 implasyonModyul 4 implasyon
Modyul 4 implasyon
 
MELC_Aralin 15-Patakarang Piskal
MELC_Aralin 15-Patakarang PiskalMELC_Aralin 15-Patakarang Piskal
MELC_Aralin 15-Patakarang Piskal
 
Patakarang pananalapi
Patakarang pananalapiPatakarang pananalapi
Patakarang pananalapi
 
Aralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran
Aralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaranAralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran
Aralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran
 
Aralin 3 Sektor ng Industriya
Aralin 3 Sektor ng IndustriyaAralin 3 Sektor ng Industriya
Aralin 3 Sektor ng Industriya
 
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpok
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpokUgnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpok
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpok
 
Aralin 3 - ANG UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO
Aralin 3 - ANG UGNAYAN NG  PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMOAralin 3 - ANG UGNAYAN NG  PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO
Aralin 3 - ANG UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO
 
Implasyon
ImplasyonImplasyon
Implasyon
 
Aralin 2 gni
Aralin 2 gniAralin 2 gni
Aralin 2 gni
 
Modyul 9 implasyon
Modyul 9   implasyonModyul 9   implasyon
Modyul 9 implasyon
 
IMPLASYON
IMPLASYONIMPLASYON
IMPLASYON
 
Es p 9 Module 6 Karapatan at Tungkulin 2018
Es p 9 Module 6 Karapatan at Tungkulin 2018Es p 9 Module 6 Karapatan at Tungkulin 2018
Es p 9 Module 6 Karapatan at Tungkulin 2018
 
B. Institusyong Di Bangko
B. Institusyong Di BangkoB. Institusyong Di Bangko
B. Institusyong Di Bangko
 
Sektor ng pananalapi
Sektor ng pananalapiSektor ng pananalapi
Sektor ng pananalapi
 
MELC_Aralin 23-Kalakalang Panlabas
MELC_Aralin 23-Kalakalang PanlabasMELC_Aralin 23-Kalakalang Panlabas
MELC_Aralin 23-Kalakalang Panlabas
 
Mga sektor ng ekonomiya
Mga sektor ng ekonomiyaMga sektor ng ekonomiya
Mga sektor ng ekonomiya
 
SISTEMA NG PANANALAPI
SISTEMA NG PANANALAPISISTEMA NG PANANALAPI
SISTEMA NG PANANALAPI
 
EsP 9-Modyul 11
EsP 9-Modyul 11EsP 9-Modyul 11
EsP 9-Modyul 11
 
Pambansang kita
Pambansang kitaPambansang kita
Pambansang kita
 
Paikot na daloy ng ekonomiya
Paikot na daloy ng ekonomiyaPaikot na daloy ng ekonomiya
Paikot na daloy ng ekonomiya
 

Similar a Modyul 14 patakaran sa pananalapi

Pananalapi sa pilipinas
Pananalapi sa pilipinasPananalapi sa pilipinas
Pananalapi sa pilipinasMarie Cabelin
 
Aralin 23 - Ang Salapi at Ang Bangko Sentral ng Pilipinas
Aralin 23  - Ang Salapi at Ang Bangko Sentral ng PilipinasAralin 23  - Ang Salapi at Ang Bangko Sentral ng Pilipinas
Aralin 23 - Ang Salapi at Ang Bangko Sentral ng Pilipinasmonalisa
 
Sektor ng pananalapi
Sektor ng pananalapiSektor ng pananalapi
Sektor ng pananalapiAlda Nabor
 
Patakarang_Pananalapi_Bangko_Sentral_Kre.pptx
Patakarang_Pananalapi_Bangko_Sentral_Kre.pptxPatakarang_Pananalapi_Bangko_Sentral_Kre.pptx
Patakarang_Pananalapi_Bangko_Sentral_Kre.pptxFrancineHerezo
 
Patakarang pananalapi, bangko, pagmomoneda lessons
Patakarang pananalapi, bangko, pagmomoneda lessonsPatakarang pananalapi, bangko, pagmomoneda lessons
Patakarang pananalapi, bangko, pagmomoneda lessonsAisha Polestico
 
STRATEGIC INTERVENTION MATERIALS IN EKONOMIKS
STRATEGIC INTERVENTION MATERIALS IN EKONOMIKSSTRATEGIC INTERVENTION MATERIALS IN EKONOMIKS
STRATEGIC INTERVENTION MATERIALS IN EKONOMIKSJaime Hermocilla
 
ARALIN-3-UGNAYAN-NG-KITA-PAGKONSUMO-AT-PAG-IIMPOK.pptx
ARALIN-3-UGNAYAN-NG-KITA-PAGKONSUMO-AT-PAG-IIMPOK.pptxARALIN-3-UGNAYAN-NG-KITA-PAGKONSUMO-AT-PAG-IIMPOK.pptx
ARALIN-3-UGNAYAN-NG-KITA-PAGKONSUMO-AT-PAG-IIMPOK.pptxAkemiAkane
 
Aralin 6 Patakaran ng Pananalapi
Aralin 6 Patakaran ng PananalapiAralin 6 Patakaran ng Pananalapi
Aralin 6 Patakaran ng Pananalapiedmond84
 
PAMAMAHALA NG PANANALAPI SA EKONOMIYA.pptx
PAMAMAHALA NG PANANALAPI SA EKONOMIYA.pptxPAMAMAHALA NG PANANALAPI SA EKONOMIYA.pptx
PAMAMAHALA NG PANANALAPI SA EKONOMIYA.pptxQuennie11
 
Modyul 2 pagsusuri ng akda batay sa teoryang romantisismo
Modyul 2 pagsusuri ng akda batay sa teoryang romantisismoModyul 2 pagsusuri ng akda batay sa teoryang romantisismo
Modyul 2 pagsusuri ng akda batay sa teoryang romantisismodionesioable
 
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.pptaralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.pptPantzPastor
 

Similar a Modyul 14 patakaran sa pananalapi (20)

Pananalapi sa pilipinas
Pananalapi sa pilipinasPananalapi sa pilipinas
Pananalapi sa pilipinas
 
Aralin 23 - Ang Salapi at Ang Bangko Sentral ng Pilipinas
Aralin 23  - Ang Salapi at Ang Bangko Sentral ng PilipinasAralin 23  - Ang Salapi at Ang Bangko Sentral ng Pilipinas
Aralin 23 - Ang Salapi at Ang Bangko Sentral ng Pilipinas
 
Ang salapi at ang sistema ng pagbabangko sa
Ang salapi at ang sistema ng pagbabangko saAng salapi at ang sistema ng pagbabangko sa
Ang salapi at ang sistema ng pagbabangko sa
 
Pera
PeraPera
Pera
 
ECONOMICS ....
ECONOMICS ....ECONOMICS ....
ECONOMICS ....
 
Aralin 23 AP 10
Aralin 23 AP 10Aralin 23 AP 10
Aralin 23 AP 10
 
Sektor ng pananalapi
Sektor ng pananalapiSektor ng pananalapi
Sektor ng pananalapi
 
Patakarang_Pananalapi_Bangko_Sentral_Kre.pptx
Patakarang_Pananalapi_Bangko_Sentral_Kre.pptxPatakarang_Pananalapi_Bangko_Sentral_Kre.pptx
Patakarang_Pananalapi_Bangko_Sentral_Kre.pptx
 
Patakarang pananalapi, bangko, pagmomoneda lessons
Patakarang pananalapi, bangko, pagmomoneda lessonsPatakarang pananalapi, bangko, pagmomoneda lessons
Patakarang pananalapi, bangko, pagmomoneda lessons
 
Uri ng salapi
Uri ng salapiUri ng salapi
Uri ng salapi
 
EKONOMIKS_ARALIN 3.pptx
EKONOMIKS_ARALIN 3.pptxEKONOMIKS_ARALIN 3.pptx
EKONOMIKS_ARALIN 3.pptx
 
Aralin 24
Aralin 24Aralin 24
Aralin 24
 
STRATEGIC INTERVENTION MATERIALS IN EKONOMIKS
STRATEGIC INTERVENTION MATERIALS IN EKONOMIKSSTRATEGIC INTERVENTION MATERIALS IN EKONOMIKS
STRATEGIC INTERVENTION MATERIALS IN EKONOMIKS
 
ARALIN-3-UGNAYAN-NG-KITA-PAGKONSUMO-AT-PAG-IIMPOK.pptx
ARALIN-3-UGNAYAN-NG-KITA-PAGKONSUMO-AT-PAG-IIMPOK.pptxARALIN-3-UGNAYAN-NG-KITA-PAGKONSUMO-AT-PAG-IIMPOK.pptx
ARALIN-3-UGNAYAN-NG-KITA-PAGKONSUMO-AT-PAG-IIMPOK.pptx
 
patakarang pananalapi.pptx
patakarang pananalapi.pptxpatakarang pananalapi.pptx
patakarang pananalapi.pptx
 
Aralin 6 Patakaran ng Pananalapi
Aralin 6 Patakaran ng PananalapiAralin 6 Patakaran ng Pananalapi
Aralin 6 Patakaran ng Pananalapi
 
PAMAMAHALA NG PANANALAPI SA EKONOMIYA.pptx
PAMAMAHALA NG PANANALAPI SA EKONOMIYA.pptxPAMAMAHALA NG PANANALAPI SA EKONOMIYA.pptx
PAMAMAHALA NG PANANALAPI SA EKONOMIYA.pptx
 
WEEK-8-DAY-3.pptx
WEEK-8-DAY-3.pptxWEEK-8-DAY-3.pptx
WEEK-8-DAY-3.pptx
 
Modyul 2 pagsusuri ng akda batay sa teoryang romantisismo
Modyul 2 pagsusuri ng akda batay sa teoryang romantisismoModyul 2 pagsusuri ng akda batay sa teoryang romantisismo
Modyul 2 pagsusuri ng akda batay sa teoryang romantisismo
 
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.pptaralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
 

Más de dionesioable

Modyul 01 hegrapiya ng daigdig
Modyul 01   hegrapiya ng daigdigModyul 01   hegrapiya ng daigdig
Modyul 01 hegrapiya ng daigdigdionesioable
 
Innovation presentation
Innovation presentationInnovation presentation
Innovation presentationdionesioable
 
Results based performance management system (rpms) for dep ed
Results   based performance management system (rpms) for dep edResults   based performance management system (rpms) for dep ed
Results based performance management system (rpms) for dep eddionesioable
 
Unit 1, mod 3 Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinaunang Panahon
Unit 1, mod 3 Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinaunang PanahonUnit 1, mod 3 Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinaunang Panahon
Unit 1, mod 3 Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinaunang Panahondionesioable
 
Unit 1, mod 4 Pagtatag ng kolonyang Espanyol at mga patakarang kolonyal
Unit 1, mod 4 Pagtatag ng kolonyang Espanyol at mga patakarang kolonyalUnit 1, mod 4 Pagtatag ng kolonyang Espanyol at mga patakarang kolonyal
Unit 1, mod 4 Pagtatag ng kolonyang Espanyol at mga patakarang kolonyaldionesioable
 
Unit 1, mod 2 Ang bangang Manunggul at mga sinaunang paniniwala
Unit 1, mod 2 Ang bangang Manunggul at mga sinaunang paniniwalaUnit 1, mod 2 Ang bangang Manunggul at mga sinaunang paniniwala
Unit 1, mod 2 Ang bangang Manunggul at mga sinaunang paniniwaladionesioable
 
1 1a modyul final ok
1 1a modyul final ok1 1a modyul final ok
1 1a modyul final okdionesioable
 
1 1c modyul final ok
1 1c modyul final ok1 1c modyul final ok
1 1c modyul final okdionesioable
 
1 1b modyul final ok
1 1b modyul final ok1 1b modyul final ok
1 1b modyul final okdionesioable
 
Deped Sch calendar 2014 -15
Deped Sch calendar 2014 -15Deped Sch calendar 2014 -15
Deped Sch calendar 2014 -15dionesioable
 
Biology m13 human reproductive system
Biology m13 human reproductive systemBiology m13 human reproductive system
Biology m13 human reproductive systemdionesioable
 
Biology m8 integumentary & excretory systems
Biology m8 integumentary & excretory systemsBiology m8 integumentary & excretory systems
Biology m8 integumentary & excretory systemsdionesioable
 
Biology m6 the levels of biological organization
Biology m6 the levels of biological organizationBiology m6 the levels of biological organization
Biology m6 the levels of biological organizationdionesioable
 
Biology m3 movement of matls thru the cell membrane
Biology m3 movement of matls thru the cell membraneBiology m3 movement of matls thru the cell membrane
Biology m3 movement of matls thru the cell membranedionesioable
 
Biology m1 nature of biology
Biology m1 nature of biologyBiology m1 nature of biology
Biology m1 nature of biologydionesioable
 
Biology m18 animals with backbones
Biology m18 animals with backbonesBiology m18 animals with backbones
Biology m18 animals with backbonesdionesioable
 
Biology m16 diversity of plants
Biology m16 diversity of plantsBiology m16 diversity of plants
Biology m16 diversity of plantsdionesioable
 
Biology m1 nature of biology
Biology m1 nature of biologyBiology m1 nature of biology
Biology m1 nature of biologydionesioable
 

Más de dionesioable (20)

Squad drill
Squad drillSquad drill
Squad drill
 
Dril
DrilDril
Dril
 
Modyul 01 hegrapiya ng daigdig
Modyul 01   hegrapiya ng daigdigModyul 01   hegrapiya ng daigdig
Modyul 01 hegrapiya ng daigdig
 
Innovation presentation
Innovation presentationInnovation presentation
Innovation presentation
 
Results based performance management system (rpms) for dep ed
Results   based performance management system (rpms) for dep edResults   based performance management system (rpms) for dep ed
Results based performance management system (rpms) for dep ed
 
Unit 1, mod 3 Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinaunang Panahon
Unit 1, mod 3 Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinaunang PanahonUnit 1, mod 3 Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinaunang Panahon
Unit 1, mod 3 Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinaunang Panahon
 
Unit 1, mod 4 Pagtatag ng kolonyang Espanyol at mga patakarang kolonyal
Unit 1, mod 4 Pagtatag ng kolonyang Espanyol at mga patakarang kolonyalUnit 1, mod 4 Pagtatag ng kolonyang Espanyol at mga patakarang kolonyal
Unit 1, mod 4 Pagtatag ng kolonyang Espanyol at mga patakarang kolonyal
 
Unit 1, mod 2 Ang bangang Manunggul at mga sinaunang paniniwala
Unit 1, mod 2 Ang bangang Manunggul at mga sinaunang paniniwalaUnit 1, mod 2 Ang bangang Manunggul at mga sinaunang paniniwala
Unit 1, mod 2 Ang bangang Manunggul at mga sinaunang paniniwala
 
1 1a modyul final ok
1 1a modyul final ok1 1a modyul final ok
1 1a modyul final ok
 
1 1c modyul final ok
1 1c modyul final ok1 1c modyul final ok
1 1c modyul final ok
 
1 1b modyul final ok
1 1b modyul final ok1 1b modyul final ok
1 1b modyul final ok
 
Deped Sch calendar 2014 -15
Deped Sch calendar 2014 -15Deped Sch calendar 2014 -15
Deped Sch calendar 2014 -15
 
Biology m13 human reproductive system
Biology m13 human reproductive systemBiology m13 human reproductive system
Biology m13 human reproductive system
 
Biology m8 integumentary & excretory systems
Biology m8 integumentary & excretory systemsBiology m8 integumentary & excretory systems
Biology m8 integumentary & excretory systems
 
Biology m6 the levels of biological organization
Biology m6 the levels of biological organizationBiology m6 the levels of biological organization
Biology m6 the levels of biological organization
 
Biology m3 movement of matls thru the cell membrane
Biology m3 movement of matls thru the cell membraneBiology m3 movement of matls thru the cell membrane
Biology m3 movement of matls thru the cell membrane
 
Biology m1 nature of biology
Biology m1 nature of biologyBiology m1 nature of biology
Biology m1 nature of biology
 
Biology m18 animals with backbones
Biology m18 animals with backbonesBiology m18 animals with backbones
Biology m18 animals with backbones
 
Biology m16 diversity of plants
Biology m16 diversity of plantsBiology m16 diversity of plants
Biology m16 diversity of plants
 
Biology m1 nature of biology
Biology m1 nature of biologyBiology m1 nature of biology
Biology m1 nature of biology
 

Último

GRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptx
GRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptxGRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptx
GRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptxClaRisa54
 
MELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th Quarter
MELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th QuarterMELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th Quarter
MELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th QuarterRochAsuncion
 
Kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me TangereKaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me TangereJizaTimbal
 
DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx
DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docxDLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx
DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docxAnnalizaMaya4
 
LESSON 1- MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG.PPTX
LESSON 1- MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG.PPTXLESSON 1- MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG.PPTX
LESSON 1- MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG.PPTXMariaRuthelAbarquez4
 
PAGSASALING - WIKA 3rd quarter Fil 10.pptx
PAGSASALING - WIKA 3rd quarter Fil 10.pptxPAGSASALING - WIKA 3rd quarter Fil 10.pptx
PAGSASALING - WIKA 3rd quarter Fil 10.pptxArmeeAgan
 
KULTURA NG MGA PILIPINO ARALING PANLIPUNAN 3
KULTURA NG MGA PILIPINO ARALING PANLIPUNAN 3KULTURA NG MGA PILIPINO ARALING PANLIPUNAN 3
KULTURA NG MGA PILIPINO ARALING PANLIPUNAN 3MayAnnRodriguez2
 
Ikatlong MArkahang Pagsusulit sa Filipino
Ikatlong MArkahang Pagsusulit sa FilipinoIkatlong MArkahang Pagsusulit sa Filipino
Ikatlong MArkahang Pagsusulit sa FilipinoNoliEchano2
 
Determines the missing term/s in a given continuous pattern using one attribu...
Determines the missing term/s in a given continuous pattern using one attribu...Determines the missing term/s in a given continuous pattern using one attribu...
Determines the missing term/s in a given continuous pattern using one attribu...DianaKrisCayabyab1
 
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptx
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptxModyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptx
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptxFernanbocol
 
ANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERES
ANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERESANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERES
ANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERESMercedesTungpalan
 
Q3-FIL9-W1-PAGSUSULIT-1 (1).pptxhsnsnsndndnndnndndndnndndndnddndndndndndndndn...
Q3-FIL9-W1-PAGSUSULIT-1 (1).pptxhsnsnsndndnndnndndndnndndndnddndndndndndndndn...Q3-FIL9-W1-PAGSUSULIT-1 (1).pptxhsnsnsndndnndnndndndnndndndnddndndndndndndndn...
Q3-FIL9-W1-PAGSUSULIT-1 (1).pptxhsnsnsndndnndnndndndnndndndnddndndndndndndndn...Stephaniemagnaye2
 
3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya
3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya
3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisayarheapinkyneniza1
 
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptxmelc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptxevafecampanado1
 
Q4 AP 8 - Kapayapaang Pandaigdig.....pdf
Q4 AP 8 - Kapayapaang Pandaigdig.....pdfQ4 AP 8 - Kapayapaang Pandaigdig.....pdf
Q4 AP 8 - Kapayapaang Pandaigdig.....pdfPaulineMae5
 
Ang FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
Ang  FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptxAng  FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
Ang FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptxRoseAnneOcampo1
 
3rd quarter periodical test for AP grade 2
3rd quarter periodical test for AP grade 23rd quarter periodical test for AP grade 2
3rd quarter periodical test for AP grade 2rheapinkyneniza1
 
dokumentaryong panradyo sa Filipino.pptx
dokumentaryong panradyo sa Filipino.pptxdokumentaryong panradyo sa Filipino.pptx
dokumentaryong panradyo sa Filipino.pptxHelenLanzuelaManalot
 
Pangunahing pangangailangan ng tao, hayop at halaman presentation.pptx
Pangunahing pangangailangan ng tao, hayop at halaman presentation.pptxPangunahing pangangailangan ng tao, hayop at halaman presentation.pptx
Pangunahing pangangailangan ng tao, hayop at halaman presentation.pptxCelestineMiranda
 
PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA 2022-2023.p
PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA 2022-2023.pPAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA 2022-2023.p
PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA 2022-2023.pDesilynNegrillodeVil
 

Último (20)

GRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptx
GRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptxGRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptx
GRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptx
 
MELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th Quarter
MELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th QuarterMELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th Quarter
MELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th Quarter
 
Kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me TangereKaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
 
DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx
DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docxDLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx
DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx DLL_MAPEH 3_Q3_W8.docx
 
LESSON 1- MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG.PPTX
LESSON 1- MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG.PPTXLESSON 1- MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG.PPTX
LESSON 1- MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG.PPTX
 
PAGSASALING - WIKA 3rd quarter Fil 10.pptx
PAGSASALING - WIKA 3rd quarter Fil 10.pptxPAGSASALING - WIKA 3rd quarter Fil 10.pptx
PAGSASALING - WIKA 3rd quarter Fil 10.pptx
 
KULTURA NG MGA PILIPINO ARALING PANLIPUNAN 3
KULTURA NG MGA PILIPINO ARALING PANLIPUNAN 3KULTURA NG MGA PILIPINO ARALING PANLIPUNAN 3
KULTURA NG MGA PILIPINO ARALING PANLIPUNAN 3
 
Ikatlong MArkahang Pagsusulit sa Filipino
Ikatlong MArkahang Pagsusulit sa FilipinoIkatlong MArkahang Pagsusulit sa Filipino
Ikatlong MArkahang Pagsusulit sa Filipino
 
Determines the missing term/s in a given continuous pattern using one attribu...
Determines the missing term/s in a given continuous pattern using one attribu...Determines the missing term/s in a given continuous pattern using one attribu...
Determines the missing term/s in a given continuous pattern using one attribu...
 
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptx
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptxModyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptx
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptx
 
ANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERES
ANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERESANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERES
ANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERES
 
Q3-FIL9-W1-PAGSUSULIT-1 (1).pptxhsnsnsndndnndnndndndnndndndnddndndndndndndndn...
Q3-FIL9-W1-PAGSUSULIT-1 (1).pptxhsnsnsndndnndnndndndnndndndnddndndndndndndndn...Q3-FIL9-W1-PAGSUSULIT-1 (1).pptxhsnsnsndndnndnndndndnndndndnddndndndndndndndn...
Q3-FIL9-W1-PAGSUSULIT-1 (1).pptxhsnsnsndndnndnndndndnndndndnddndndndndndndndn...
 
3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya
3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya
3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya
 
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptxmelc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
 
Q4 AP 8 - Kapayapaang Pandaigdig.....pdf
Q4 AP 8 - Kapayapaang Pandaigdig.....pdfQ4 AP 8 - Kapayapaang Pandaigdig.....pdf
Q4 AP 8 - Kapayapaang Pandaigdig.....pdf
 
Ang FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
Ang  FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptxAng  FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
Ang FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
 
3rd quarter periodical test for AP grade 2
3rd quarter periodical test for AP grade 23rd quarter periodical test for AP grade 2
3rd quarter periodical test for AP grade 2
 
dokumentaryong panradyo sa Filipino.pptx
dokumentaryong panradyo sa Filipino.pptxdokumentaryong panradyo sa Filipino.pptx
dokumentaryong panradyo sa Filipino.pptx
 
Pangunahing pangangailangan ng tao, hayop at halaman presentation.pptx
Pangunahing pangangailangan ng tao, hayop at halaman presentation.pptxPangunahing pangangailangan ng tao, hayop at halaman presentation.pptx
Pangunahing pangangailangan ng tao, hayop at halaman presentation.pptx
 
PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA 2022-2023.p
PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA 2022-2023.pPAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA 2022-2023.p
PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA 2022-2023.p
 

Modyul 14 patakaran sa pananalapi

  • 1. 1 ARALING PANLIPUNAN IV (Effective Alternative Secondary Education) MODYUL 14 PATAKARAN SA PANANALAPI BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
  • 2. 2 MODYUL 14 PATAKARAN SA PANANALAPI Humihingi ka ba ng pera sa magulang mo? Bakit ba mahalaga ang pera? Kung gaano kahalaga sa iyo ang pagsasaayos ng pera mo ay ganito din ito kahalaga sa ating bansa. Ang ganitong pagsasaayos ng pananalapi ng bansa ay hindi na kayang gampanan ng pamahalaan kung nag-iisa lamang, kaya kailangan niya ng patakaran sa pananalapi. Sa modyul na ito ay tutulungan ka naming maintindihan mo ang patakaran ng pananalapi sa ating bansa. May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Kasaysayan ng Pananalapi sa Pilipinas Aralin 2: Paggawa at Gamit na Salapi sa Pilipinas Aralin 3: Institusyon ng Pananalapi sa Pilipinas Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maikukwento sa sariling salita ang kasaysayan ng pera sa bansa; 2. Maipaliliwanag ang paggawa ng salapi sa bansa; 3. Maiisa-isa ang iba’t ibang gamit at tungkulin ng pera sa ekonomiya; 4. Makikilala ang iba’t ibang institusyon ng pananalapi sa bansa; at 5. Mabibigyan ng pagpapahalaga ang mga bayaning nakalarawan sa ating mga salapi sa pamamagitan ng pagkilala. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo.
  • 3. 3 PANIMULANG PAGSUSULIT I. Panuto: Sagutin ang sumusunod sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga letra ng alpabeto na katapat ng bawat numero. A – 1, B – 2, C – 3… 1. Pinangangalagaan ang katatagan ng salapi sa bansa. Tinaguriang bangko ng mga bangko. 3 5 18 12 1 7 5 8 9 5 19 2. Ang paggamit ng anumang bagay tulad ng ginto, pilak, at tanso bilang instrumento ng palitan. 3 13 15 4 13 25 3. Instrumento ng palitan ng kalakal at paglilingkod na tinatanggap ng mga tao. 12 16 4. Nasa ganitong paraan sa kasalukuyan ang paggawa ng pera sa Pilipinas. 12 9 20 1 4 5. Tinatawag din itong savings bank. 20 8 18 20 2 11 6. Inaasikaso ng bangkong ito ang mga pondo ng charitable institutions. 20 18 20 3 13 16 5 19
  • 4. 4 7. Pinakamaliit na bangko. P2 milyon ang kailangang kapital upang maitatag. Naglalayong tulungan ang magsasaka upang magkaroon ng puhunan. 18 21 12 2 11 8. Ang akronim na ito ay may kahulugang “Pagtutulungan sa Kinabukasan – Ikaw, Bangko at Gobyerno”. 16 1 - 9 7 6 21 4 - 9. Itinatag noong 1946 sa Washington, D.C. na naglalayong tulungan na makabangon muli ang mga bansang napinsala ng digmaan at nangangailangan ng puhunan para sa pagpapaunlad ng ekonomiya. 23 15 4 2 11 10. Pamantayan sa paggawa ng pera na salaping papel at hindi na kailangan pang tumbasan ng anumang metal. Halimbawa nito ay ang Yen ng Japan, Pound ng Europa, Piso ng Pilipinas, at iba pa. 16 1 5 18 20 1 4 18 II. Lagyan ng S kung totoo ang pahayag at H kung hindi totoo ang pahayag. 1. Ang International Monetary Fund (IMF) ay tumatayong international cooperative. 2. Ang ating salapi mula noon hanggang ngayon ay pareho. Hindi ito nagbago. 3. Barter ang paraan ng palitan ng produkto ng ating mga ninuno. Produkto kapalit ng produkto. 4. Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit ayaw ng maraming bansa ang paggamit ng salapi. Ito ay madaling makilala, tinatanggap ng lahat, madaling dalhin, at nahahati.
  • 5. 5 5. Madali lamang ang paggawa ng pera. Maaari itong gawin kahit saan at ng kahit sino. 6. Madaling makilala ang huwad na salapi. 7. Sa kasalukuyan ay kakikitaan ng larawan ng ating mga bayani ang lahat ng ating pera. 8. Ang bagong barya ay binubuo ng 75% na bakal. 9. Ang pagkontrol sa suplay ng salapi ay nakabubuti sa ating ekonomiya. 10. Kailangan lamang gumawa ng gumawa ng pera ang bansa upang mabigyang solusyon ang kahirapan.
  • 6. 6 ARALIN 1 KASAYSAYAN NG PANANALAPI SA PILIPINAS May pera ka ba sa bulsa mo ngayon? Sino ang nakalarawan dito? Maaari mo ba itong gamitin sa ibang bansa? Ito na kaya ang salapi noong panahon bago pa ang iyong mga lolo at lola? Lahat ng ito ay pipilitin nating alamin sa araling ito. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maisasalaysay ang kasaysayan ng salapi sa Pilipinas sa pamamagitan ng info wheel na ipapakita; 2. Makikilala ang iba’t ibang uri at anyo ng pera na ginagamit sa lahat ng uri ng transaksyon sa ating ekonomiya; 3. Matutukoy ang mga umiral at umiiral na pamantayan sa paggawa ng salapi sa iba’t ibang bansa; at 4. Mapahahalagahan ang ating mga bayani sa pamamagitan ng pagkilala sa kanila sa mga umiikot nating salapi sa bansa. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
  • 7. 7 Nakakita ka na ba ng ganitong mga pera? ____________________________________ Ginagamit ba ito sa ating bansa? ___________________________________________ Bakit hindi nagagamit ang iba sa mga perang nasa larawan? _____________________ ______________________________________________________________________ Ano ang pagkakaiba ng ibang pera na nasa larawan sa pera na nasa bulsa mo? _____ ______________________________________________________________________ Nagbabago kaya ang pera? _______________________________________________ ______________________________________________________________________ Kasaysayan ng Salapi sa Pilipinas Ano ang ibig sabihin ng salapi o pera? Ito ay instrumento o gamit sa pagpapalitan ng kalakal at serbisyo. Bago pa dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay may barter na. Nakikipagpalitan na tayo ng kalakal sa kapwa Pilipino o maging sa mga taga-karatig bansa. Nagpapalitan sila ng produkto sa produkto. Maaaring ipampalit ang kahit na anong produkto noon tulad ng bigas, ginto, gulay, asin, at marami pang iba. Ang unang barya sa Pilipinas ay nadiskubre ni Dr. Gilbert Perez at tinawag itong penniform gold barter ring. Hindi ito gawa sa Pilipinas. Ang unang barya na gawa sa Pilipinas ay ginawa ng unang bangko sa Pilipinas. Ito ay ang El Banco Espanol-Filipino de Isabel II. Tinawag itong Spanish Barilla. Ang unang salaping papel ay tinawag na Pesos Fuertes. Tinatanggap din kasabay ng mga perang ito ang Mexican Pillar Dollar at Dos Mundos na nagmula sa ibang bansa. Nagkaroon din ng kakaibang hugis na pera noong panahon ng Kastila. Ito ay tinawag na Hilis Kalamay. Naging gamitin ang barya sa ating bansa kaya pinagtibay ng Philippine Coinage Act ang gold exchange standard at muling binuksan noong 1920 ang minting plant sa Quezon City. Ito ang gumagawa ng ating barya katulong ang mga dayuhan bago pa ang World War II. Taong 1977 nang mag-solo itong gumawa ng sarili nating barya.
  • 8. 8 Panahon ng Hapon nang magpalabas ng maraming pera sa sirkulasyon ang Puppet Government. Naging dahilan ito ng implasyon at unti unting nawalan ng halaga ang piso na tinawag noong Mickey Mouse Money. Taong 1949 naman nang itatag ang Bangko Sentral ng Pilipinas na nagpalabas ng salaping papel na may halaga mula sa piso hanggang 100 piso. Sa panahon ng Bagong Republika ni Pangulong Marcos ay inalis ang pisong papel at pinalitan ng 2 piso. Sa kasalukuyan ay may 500 at 1,000 pisong papel na ang Pilipinas sa sirkulasyon. Uri at Anyo 1. Commodity Money – ito ay ang uri at anyo ng pera kapag gumagamit ng anumang bagay sa palitan tulad ng ginamit ng ating mga ninuno. Ang ginto, pilak, at tanso ay halimbawa ng commodity money. May intrinsic value (halaga ng metal) o face value (halagang isinulat o itinakda) ang lahat ng salapi. 2. Credit Money – ito ay anumang gamit na tinatanggap bilang bayad sa inutang na produkto o serbisyo. Ito ay ang mga promissory notes, tseke (papel na may nakasulat na halaga, bangko, at para kanino), cash card (tulad ng tseke, maaari din itong di tanggapin kung walang sapat na pondo), at credit card. 3. Fiat Money – ito ay salaping papel na may face value. Ito ay itinuturing na legal tender o may halaga dahil sa ginagarantiyahan ng pamahalaan ang paggamit nito sa lahat ng transaksyon. Money Supply ang tawag sa barya at perang papel na nasa sirkulasyon na ginagamit ng tao sa araw-araw.
  • 9. 9 Pamantayan sa Paggawa ng Salapi 1. Commodity Standard a. Gold Standard kapag ang money supply ay may katumbas at tinutubos ng ginto. Halimbawa, ang U.S. ay gumagamit ng pamantayang gold coin at gold bullion standard. Ang gold coin ay inilalabas nila sa sirkulasyon, samantalang ang gold bullion ay reserba ng pamahalaan. Tayo ay nasa ganitong standard sa panahon ng pananakop ng Amerikano. Tinawag din itong gold exchange standard. Ipinagamit din nila sa atin ang dollar exchange standard. b. Silver Standard kapag ang pamantayan ng halaga ng salapi ay pilak. Kasama din ang silver coin standard at silver bullion standard. Kapag ang isang bansa ay gumagamit ng ginto o pilak bilang pamantayan ng pananalapi, sila ay nasa monometallic standard. Kapag dalawang metal, ginto at pilak, sila ay nasa bimetallic standard. Ang England ay dating nasa ganitong standard pero pinalitan nila dahil sa paliwanag ni Sir Thomas Gresham. Ayon sa Gresham’s Law, itinatago ng mga tao ang salaping may mataas na halaga ng metal. Nawawala ito at ang natitira ay ang inferior money. 2. Non- Commodity Standard a. Paper Standard - salaping papel na di na kailangang tumbasan ng kahit anong metal. Ito ay ang managed currency standard na sinimulang gamitin dahil mas madaling kontrolin ang dami nito sa sirkulasyon. Nangangailangan ang papel ng garantiya ng pamahalaan. Ang Pilipinas ay nasa ganitong pamantayan mula 1949.
  • 10. 10 Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Kilalanin ang tamang sagot mula sa info wheel. 1. Unang baryang ginamit sa bansa. _______________________________________ 2. Salapi noong panahon ng Hapon. _______________________________________ 3. Unang salaping papel na ginawa sa bansa. _______________________________ 4. Kalakalang produkto ang salapi. ________________________________________ 5. Salaping nakilala dahil sa kakaibang hugis. _______________________________ B. Sagutan ang puzzle. 1 2 10 3 4 5 6 7 8 9 barter
  • 11. 11 1. Pera sa sirkulasyon. 2. Anumang gamit na tinatanggap kapalit ng produkto o serbisyong nakuha. 3. Gumagamit ng ginto at pilak bilang batayan ng halaga ng salapi. 4. Halaga ng metal. 5. Gumagamit ng ginto o pilak bilang batayan ng halaga ng salapi. 6. Gawa dito ang perang nangangailangan ng garantiya ng pamahalaan bago magamit. 7. Standard na ginto ang batayan ng halaga ng salapi. 8. _______ Law, nagsabing di maganda sa ekonomiya ang metallic standard. 9. Standard na pilak ang batayan ng halaga ng salapi. 10.Tawag sa perang natitira sa sirkulasyon kapag itinago ng tao ang perang metal na may mas mataas na halaga. Tandaan Mo! Kasaysayan ng Salapi sa Pilipinas: Penniform Gold Barter – Spanish Barilla – Mickey Mouse – Bagong Lipunan – Kasalukuyang Pera Uri at Anyo: Commodity – bagay ang gamit sa palitan. May face value o intrinsic value ito. Credit – tseke, promissory notes, credit card Fiat – salaping may legal tender Pamantayan sa Paggawa ng Salapi: Commodity Standard – gold o silver, monometallic o bimetallic standard Non-Commodity Standard – paper o managed currency standard tulad ng sa Pilipinas
  • 12. 12 Gawain 3: Paglalapat A. Panuto: Kilalanin ang ating salaping papel at barya sa pamamagitan ng pagsulat kung sino ang mga nakalarawan dito. 1. Singkuwenta Pesos - _________________________________________________ 2. Limang Piso - _______________________________________________________ 3. Sampung Piso - _____________________________________________________ 4. Piso - _____________________________________________________________ 5. Isandaang Piso - ____________________________________________________ 6. Isanlibong Piso - ____________________________________________________ 7. Limandaang Piso - ___________________________________________________ 8. Dalawampu’t limang sentimo - __________________________________________ 9. Dalawampung Piso - _________________________________________________ 10. Dalawangdaang Piso - _______________________________________________ B. Panuto: Kilalanin ang salapi sa ibang bansa. Isulat ang katawagan sa salapi ng sumusunod na bansa. 1. Japan - ____________________________________________________________ 2. Kuwait - ___________________________________________________________ 3. Saudi Arabia - ______________________________________________________ 4. Korea - ____________________________________________________________ 5. Italy - _____________________________________________________________ 6. Amerika - __________________________________________________________ 7. Indonesia - _________________________________________________________ 8. China - ____________________________________________________________ 9. Thailand - __________________________________________________________ 10. Singapore - ________________________________________________________
  • 13. 13 ARALIN 2 PAGGAWA AT GAMIT NA SALAPI SA PILIPINAS Meron ka bang bagay na gustong-gusto ngayon? Bakit mo ito gusto? Paano ka magkakaroon nito? Ano ang kailangan mo para mabili ito? Sa mga bagay na gusto mo lang bang bilhin nagagamit ang pera? Mahalaga ba ito? Tutulungan ka ng araling ito upang masagot ang mga tanong na ito. Halika… Simula na tayo… Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maiisa-isa ang mga gamit ng salapi; 2. Maipaliliwanag ang sistema ng pagmomoneda sa Pilipinas; 3. Matutukoy ang iba’t ibang sistema ng pagmomoneda; at 4. Makikilala ang mga barya sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagkukwento kung paano ito nagawa. Gawain 1: Pag-isipan Mo!
  • 14. 14 Mula pa noong unang panahon marami ng sinubukan ang tao upang makuha nang maayos ang mga bagay na kailangan at gusto niya. Mula sa una nating aralin napag-alaman nating ang unang paraan ng palitan ng kalakal ay sa pamamagitan ng produkto sa produkto o barter. Hindi ito gaanong nagtagal dahil sa maraming dahilan. Mag-isip ka nga ng maaaring mangyari kung kailangan mong palitan ng bigas ang gustong-gusto mong t- shirt? Ilang kilo kaya ng bigas ang isang branded shirt? Ito ang dahilan kung bakit naisipan ng taong gumamit ng salapi. Isa-isahin natin ang mga gamit ng salapi. Gamit ng Salapi 1. Instrumento ng palitan. Kaya kung marami kang gusto, maraming pera ang kailangan mo. 2. Pamantayan ng halaga. Para malaman ang tunay na value ng isang bagay nilalagyan ito ng halaga. Ang bigas ay P20 isang kilo, P450 ang isang t-shirt, at iba pa. 3. Pamantayan ng maaantalang pagbabayad. Ang pera ay ginagamit bilang tanda ng pangungutang at pagbabayad. 4. Reserba ng halaga. Lahat ng produkto ay hindi maaaring itago nang matagal dahil nagbabago ang halaga nito. Kaya pinauutang ang mga produkto at pinapalitan ito ng salapi. Salapi ngayon ang nagiging reserba ng halaga ng mga produkto. Ngayong alam na natin ang gamit ng salapi, paano ba ito ginagawa? Bakit nagbabago ang laki at itsura nito? Alamin naman natin ang paraan ng paggawa ng pera. Sistema ng pagmomoneda ang tawag dito.
  • 15. 15 Sistema ng Pagmomoneda (Coinage) Ang Bangko Sentral ng Pilipinas lang ang may kapangyarihang mag-moneda at magpalabas ng money supply. Ang gagawin nitong pera ay ibabatay sa kakayahan at ari-arian ng Pilipinas. Isipin mo na lang kung marami ang binigyan ng karapatang gumawa ng pera. E, di iba-iba ang kulay at laki ng pera! Magiging madali rin ang counterfeiting sa ganitong sistema. Siguradong magulo ang palitan ng kalakal at serbisyo. Ang pagmoneda ng salaping barya ay may tiyak na sukat, timbang, at pagkametal. Ang pag-imprenta ng salaping papel ay ginagamitan ng espesyal na papel mula pa sa ibang bansa. Uri ng Pagmomoneda 1. Limitado Pamahalaan ang mismong bumibili ng tiyak na dami ng metal at papel na gagamitin sa pagmomoneda. Ito ang paraang ginagamit ng Pilipinas ngayon. Nagpapakita lamang ng ganap na kapangyarihan ng pamahalaan ang sistemang ito. 2. Di - limitado Kahit sino ay may pagkakataong magpagawa ng kahit gaanong kadami ng barya mula sa metal na dadalhin sa planta ng pagmomonedahan ng pamahalaan. Free Coinage ang tawag dito. Naglaho ang ganitong sistema dahil sa di magandang dulot nito sa ekonomiya. Kapag pumayag ang pamahalaan na makagawa ng barya ang isang tao mula sa dala niyang metal, naniningil ito ng brassage (eksaktong gastos sa paggawa) o kaya ay seignorage (may tubo). Paano kaya ginagawa ang mga pera natin ngayon?
  • 16. 16 Bagong Barya sa Pilipinas Noong1977, nakagawa ng barya ang Philippine Mint sa Quezon City. Mula noon nagpapalit-palit na ang barya ng Pilipinas. Kapag nagpalit na ng bagong barya ang pamahalaan, nagbibigay lang ang Bangko Sentral ng petsa kung hanggang kailan maaaring gamitin at tanggapin sa bangko ang lumang barya. Kapag lumampas na sa panahon, demonetized na (wala ng halaga) ang mga ito. Positive seignorage ang tawag kapag mas mataas ang intrinsic value kaysa face value ng barya. Halimbawa, noong 1995, P2.55 ang ginastos ng pamahalaan sa pag-prodyus ng piso. Negative seignorage kung mas mataas ang face value kaysa intrinsic value nito. Halimbawa, ang baryang piso sa money supply ngayong 2005 ay ginastusan lang ng .64 ang produksyon. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto: Isulat kung tama o mali ang sumusunod na pahayag. Kung mali, isulat ang tamang sagot. 1. Sa Pilipinas kahit sino ay pwedeng magmoneda. 2. Ang seignorage ay bayad sa eksaktong halagang ginugol ng pamahalaan sa paggawa ng barya. 3. Dahil sa sistema ng pagmomoneda natin ngayon ay napakahirap malaman ang mga perang counterfeited. 4. Tanging ang Philippine Mint sa Quezon City ang gumagawa ng barya sa Pilipinas mula pa noong 1977. 5. Negative Seignorage ang barya natin ngayon. 6. Walang masyadong gamit ang salapi kaya hindi ito mahalaga sa pag-unlad ng ekonomiya. 7. Ang lahat ng bangko kasama ang Bangko Sentral ay maaaring mag-imprenta ng perang papel ng Pilipinas. 8. Coinage ang tawag sa paggawa ng pera na may sinusunod na tiyak na timbang. 9. Demonitized ang tawag sa pera kapag di na ito tatanggapin pa sa pamilihan o bangko. 10. Limitado ang uri ng pagmomoneda sa Pilipinas.
  • 17. 17 Tandaan Mo! Gamit ng salapi: • Istrumento ng palitan; • Pamantayan ng halaga; • Pamantayan ng maaantalang pagbabayad; at • Reserba ng halaga Sistema ng Pagmomoneda (Coinage) ng Bangko Sentral Uri ng Pagmomoneda: • Limitado (Pamahalaan lang ang gumagawa ng pera.) • Di-limitado (Free coinage o kahit sino pwedeng magpagawa. Naniningil ang pamahalaan ng brassage o seignorage.) Barya sa Pilipinas Ginagawa sa Philippine Mint sa Quezon City mula pa 1977. Demonitized ang perang di na tinatanggap sa palitan at bangko. Maaari itong negative o positive seignorage. Gawain 3: Paglalapat Panuto: Bilugan ang kung kasiya siya ang pahayag at kung di kasiya-siya ang mga pahayag. 1. Maliliit na barya tulad ng 5 at 10 sentimo ngayon ☺ 2. Nag-iisang Minting Plant sa Quezon City ☺ 3. Paggawa ng maraming pera ng Bangko Sentral ☺ 4. Pagpaparusa sa mga taong nagkakalat ng ☺ counterfeited na mga pera
  • 18. 18 5. Pagpapalit ng mga lumang pera sa sirkulasyon ☺ 6. Paggamit ng mumurahing materyales sa paggawa ☺ ng barya 7. Iba’t ibang uri ng barya na ginagamit ng tao ☺ 8. Nagkalat sa bansa ang mga pekeng pera ☺ 9. Pagtanggal ng 5 at 10 sentimo sa sirkulasyon ☺ 10. Pagbalik ng sistemang barter o palitan ng produkto ☺ sa produkto ARALIN 3 INSTITUSYON NG PANANALAPI SA PILIPINAS "[Type Lesson Overview here]" Matapos ang araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maiisa-isa ang uri ng bangko sa Pilipinas; 2. Makapagbibigay ng halimbawa ng iba’t ibang uri ng bangko; at 3. Mapahahalagahan ang mga institusyong di bangko sa pamamagitan ng pagkilala sa mga ito.
  • 19. 19 Gawain 1: Pag-isipan Mo! Sagutin ang tanong: Sang-ayon ka ba na “Sa ikauunlad ng bayan… Bangko ang kailangan?” Pangatwiranan ang sagot. ________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ __________________________________________________________________. Institusyon ng Pananalapi Bangko 1) Thrift Bank – tinatawag na savings bank. Kabilang dito ang a) Savings and Loan Association na nagpapahiram at nagpapautang; b) Private Development Bank na pinahihiram sa mga small and medium scale industry ang deposito ng tao; c) Savings and Mortgage Bank na tumatanggap ng sanla sa pangungutang. 2) Commercial Bank – kilala ngayon bilang unibanking (universal banking) o expanded commercial banks. Tumatanggap ng lahat ng uri ng deposito (savings, time, at demand). Nagpapautang ng lahat ng uri ng utang (puhunan, housing, auto, at iba pa) Tumatanggap ng letter of credit, bill of exchange, at tseke. 3) Rural Bank – may pinakamaliit na puhunang 2 milyong piso. Layunin nitong tulungan ang magsasaka at industriya sa lalawigan.
  • 20. 20 4) Trust Companies – inaasikaso nito ang pondo at ari-arian ng taong walang kakayahang pangalagaan ang pera niya (ng bata, menor de edad, at may kapansanan). Gayundin ang sa simbahan at charitable institutions. 5) Espesyal na Bangko Land Bank of the Philippines (LBP) - pangunahing layunin ang pagpapatupad ng reporma sa lupa Development Bank of the Philippines (DBP) - tumutulong sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya sa pamamagitan ng pag-alalay sa mga small and medium scale industries. Nagpapautang ito nang may mababang interes sa maliliit na negosyante. Al Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines - may pangunahing layunin na tulungan ang mga nangangailangang Muslim 6) Bangko Sentral 6.1 Naitatag sa Pilipinas noong Enero 3, 1949 sa bisa ng Batas Republika 265. May kapital na P 50 Bilyong piso. Si Miguel Cuaderno ang unang CB governor. 6.2 Bangko ng mga bangko dahil ito ay nagpapautang sa mga bangko 6.3 Nag-iisyu at pinanggagalingan ng salapi 6.4 Chief banker at tagapayo ng pamahalaan 6.5 Pag-aaring publiko dahil ito ay sa pamahalaan 6.6 Tagapamahala sa reserbang dayuhang salapi, ginto, at ang pagbabayad ng utang panlabas at panloob 6.7 Layunin nito ang mapatatag ang pananalapi at presyo sa bansa, alagaan ang palitan at international value ng piso, at mapataas ang produksyon, empleyo, at kita. 6.8 Monetary Board ng BSP – 1 governor ng CB, 1 cabinet member, at 5 miyembro ng pribadong sektor
  • 21. 21 Institusyong Di- Bangko 1) Government Service Insurance System (GSIS) – nagkakaloob ng seguro, pensyon, pautang, at dibidendo sa mga kawani ng pamahalaan. Kumukuha ito ng pera mula sa kontribusyon ng mga kasapi nito at mga negosyo. 2) Social Security System (SSS) – ahensyang pang-seguro ng pribadong sektor. Tinatanggap nitong kasapi ang may tiyak na trabaho, boluntaryong kasapi, self- employed, at maging katulong sa bahay at magsasaka. 3) PAG-IBIG FUND – Pagtutulungan sa Kinabukasan – Ikaw, Bangko at Gobyerno - Itinatag upang matulungan ang mga kasaping magkaroon ng sariling bahay. Manggagawang private, public, at overseas ay pwedeng maging kasapi nito. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman I. Tukuyin ang sumusunod mula sa pinaghalong letra sa kahon. 1. Isa sa mga uri ng savings bank. Tumatanggap ng sanla sa pangungutang. B N K A V N G S A I S D N A E G A G M T O R 2. Bangkong naglalayong tulungan ang mga magsasaka. May pinakamaliit na puhunang 2 milyong piso. L B A U A N K R R
  • 22. 22 3. Itinatag para maipatupad ang Reporma sa Lupa. L B P O F A N K H I L I N N D A E T H P P P I S E 4. Bangko para sa mga simbahan at charitable institutions. E N I S T R S P A M O C U T 5. Isa pang tawag sa Bangko Sentral. A E E I C B H F N K R II. Punuin ang patlang para mabuo ang paghahambing. 1. Pribado: SSS; Publiko: ______________________________________________ 2. Safekeeper ng reserbang dolyar: Central Bank; Unibanking: ________________ 3. Bangkong katulong ng pamahalaan sa pagpapaunlad: ____________________; Bangkong tumutulong sa pangangailangan ng Muslim: Al Amanah Islamic Bank of the Philippines 4. Bangko: Trust Companies; ______________________________: PAG-IBIG FUND 5. Gawain ng Bangko Sentral: Mag–isyu at panggalingan ng salapi; ___________________________________: Mapanatili ang katatagan ng presyo
  • 23. 23 Tandaan Mo! BANGKO DI-BANGKO 1. Thrift 1. GSIS 2. Commercial 2. SSS 3. Rural 3.PAG-IBIG 4. Trust Companies nagpapaimpok at tumatanggap ng kon- nagpapautang tribusyon at nagpa- pautang
  • 24. 24 Gawain 3: Paglalapat Magbigay ng sariling opinyon tungkol sa mga sumusunod. 1. Mahalaga ba ang bangko sa pag-unlad ng bansa? Bakit mo nasabi? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 2. Paano makatutulong ang isang mag-aaral na tulad mo sa pagpapaunlad ng pagbabangko sa ating bansa? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________
  • 25. 25 MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ang mga sumusunod ay pangunahing kaisipan na dapat mong tandaan tungkol sa modyul na ito: Ang ating salapi ay dumaan sa pagbabago. Mula sa penniform gold barter ring – Spanish barilla at pesos fuertes – mickey mouse money – pera sa panahon ng bagong lipunan - kasalukuyang pera. May 3 uri ang pera: commodity, credit, at fiat. Ang paggawa ng pera ay maaaring commodity o non-commodity. Ginto at Silver ang ginagamit sa bimetallic commodity standard. Ginto o silver kapag monometallic standard. Paper Standard ang ginagamit sa non-commodity standard. Ang Pagmomoneda ay maaaring limitado o di limitado. Maaaring magbayad ng brassage o seignorage sa di limitadong pagmomoneda. May 2 institusyon ng pananalapi, ang bangko at di bangko. Bangko ng mga bangko ang tawag sa Bangko Sentral. Thrift, Commercial, Rural, Trust, at Espesyal ang uri ng mga bangko. Special bank na maituturing ang Land Bank, Development Bank at Al Amanah ng mga Muslim. Institusyong di bangko naman ang SSS, GSIS, at PAG-IBIG Fund.
  • 26. 26 PANGHULING PAGSUSULIT: I. Tukuyin kung nakatutulong o nakasasagabal ang mga sumusunod sa ekonomiya. NT kung nakatutulong; NS kung nakasasagabal. 1. Holdapan sa bangko. 2. Pagsasara ng mga maliliit na bangko. 3. Kumikita ang mga negosyo ng trust companies. 4. Pagpapaliban ng pagbabayad ng utang panlabas ng bansa. 5. Mabagal na pagproseso ng loan ng GSIS. 6. Pagdaragdag ng banking hours. 7. Pagtaas ng interes ng mga utang sa bangko. 8. Pagdami ng small and medium scale industries na nanghihiram sa ADB. 9. Pagtaas ng piso laban sa dolyar. 10. Dumami ang taong nag-iimpok sa bangko. II. Isulat sa paligid ng salaping papel ang mga gamit ng pera. (larawan ng pera) III. Pagkilala. Ilagay sa mga kahon ang tinutukoy ng mga pahayag. 1. Unang Central Bank Governor. 2. Unang perang papel na nagawa sa Pilipinas.
  • 27. 27 3. Pera noong panahon ng pananakop ng Hapon. 4. Salaping papel na may value dahil sa ginarantiyahan ito ng pamahalaan. 5. Pamantayan sa paggawa ng pera na maaaring monometallic o bimetallic. 6. Tanging tagagawa ng barya sa Pilipinas. 7. Naitatag noong Enero 3, 1949. May 50 bilyong pisong kapital. 8. Unang barya sa Pilipinas. 9. Tawag sa mga pera na nawalan na ng halaga, hindi tatanggapin ng bangko at mga tindahan. 10. Kasama ng gobernador ng Central Bank at 5 taga-pribadong sektor bilang Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.
  • 28. 28 GABAY SA PAGWAWASTO PANIMULANG PAGSUSULIT I. 1. Central Bank of the Philippines 2. Commodity Standard 3. Salapi 4. Limitado 5. Thrift Bank 6. Trust Companies 7. Rural Bank 8. Pag-ibig Fund 9. World Bank 10. Paper Standard II. 1. S 2. H 3. S 4. H 5. H 6. H o S 7. H 8. H 9. S 10. H ARALIN 1 KASAYSAYAN NG PANANALAPI SA PILIPINAS Gawain 1: Pag-isipan Mo! Isangguni sa guro ang sagot. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. 1. penniform gold barter ring 2. Mickey Mouse money 3. Spanish fuertes 4. barter 5. hilis-kalamay B. 1. money supply 2. salapi 3. bimetallic 4. intrinsic 5. monometallic 6. paper o papel 7. gold 8. Greshams 9. silver 10. inferior
  • 29. 29 Gawain 3: Paglalapat A. 1. Sergio Osmeña 2. Emilio Aguinaldo 3. Apolinario Mabini 4. Dr. Jose Rizal 5. Manuel Roxas 6. Abad Santos, Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda 7. Benigno Aquino 8. Simbolo ng BSP 9. Manuel Quezon 10. Diosdado Macapagal B. 1. Yen 2. Dinar 3. Rial 4. Won 5. Euro 6. U.S. Dollar 7. Rupee 8. Yuan 9. Baht 10. Singapore Dollar ARALIN 2 PAGGAWA AT GAMIT NA SALAPI SA PILIPINAS Gawain 1: Pag-isipan Mo! Isangguni sa guro ang sagot. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 1. M 2. M 3. M 4. T 5. T 6. M 7. M 8. T 9. T 10. T
  • 30. 30 Gawain 3: Paglalapat 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. o 10. ARALIN 3 INSTITUSYON NG PANANALAPI SA PILIPINAS Gawain 1: Pag-isipan Mo! Isangguni sa guro ang iyong sagot. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman I. 1. Savings ang Mortgage Bank 2. Rural Bank 3. Land Bank of the Philippines 4. Trust Companies 5. Chief Banker II. 1. GSIS 2. Commercial Bank 3. Development Bank of the Philippines o DBP 4. Di–Bangko 5. Layunin ng Bangko Sentral
  • 31. 31 Gawain 3: Paglalapat Isangguni sa guro ang sagot. PANGHUILNG PAGSUSULIT I. 1. NS 2. NS 3. NT 4. NT 5. NS 6. NT 7. NS 8. NT 9. NT 10. NT II. (in any order) instrumento ng palitan pamantayan ng halaga pamantayan ng naantalang kabayaran reserbang halaga III. 1. Miguel Cuaderno 2. Pesos Fuertes 3. Mickey Mouse Money 4. Fiat Money 5. Commodity Standard 6. Philippine Mint 7. Bangko Sentral ng Pilipinas 8. Spanish Barilla 9. Demonitized 10. Miyembro ng Gabinete