1. Ang kandilang sisindiha’y
pangako ang binabanggit,
Una, ito siyang sagisag,
punung puno ng pag-ibig;
Ukol ito sa Lumikhang kay
Bathalang nasa langit,
At kasama ang sa bayang
kadluan ng tuwa’t hapis.
2. Ikalawang sisindiha’y
sakop pa rin ng pangako,
Sagisag ay kabaitang sa
tao’y siyang sugo ;
Ang pagtulong sa kapuwa’y
laging taos, hindi biro.
Pagkat bunga ay ligaya
kung pagtulong ay nasa
puso.
3. Ang ikatlong sisindiha’y
yaong batas na susundin
Mayro’ng sampu yaong bilang,
isa-isang babanggitin
Buod nito’y katutura’y
may magandang layo’t turing,
Maliwanag at malinaw
kapag iyong nanamnamin.
4. Ang Babaeng Scout ay Malinis ang
Isip, Salita at Gawa.
Malinis na lagi yaong kaisipan
Sa salita ri’y gayo’t gawai’y marangal;
Kung makipag-usap di inililiban
Nang hindi masira sa salitaan.
Laging ganyan kami sa Bagong Lipunan.
Dangal nitong lahi , sa lahat ay huwaran,
Malinis na gawa ay isang karangalan,
May magandang bukas at may kaunlaran.
5. Ang Babaeng Scout ay Mahabagin.
Ako’y mahabagin at handang dumamay
Sa lahat ng tao, saan mang lugar,
Ang aking tungkulin ay pakinabangan,
Di lang ng kaanak kundi ng iba man.
Maganda ang aking hangad na pagtulong
Sumigla ang iba sa munti kong layon.
Nais kong umunlad iba kong kanayon,
Guminhawa sila sa lahat ng panahon.
6. Ang Babaeng Scout ay
Disiplinado
Ang magandang disiplina ay laging taglay
Sa puso,diwa, lakas at buhay
Sa bawat gawain, sa pagtulong, sa pagsasanay
May lakas na pagpipigil sa ginagawang pag-
damay
May disiplina ako sa bawat balakin.
May pagpipigil ako sa mapusok kong
damdamin.
Aking nilalabanan ang masidhing nasain.
Makapagbigay lamang sa kapwa ng
magandang simulain.
7. Ang Babaeng Scout ay Masipag
Ang taong masipag,marami ang natutulungan
Maraming kawanggawa ang natutuklasan.
Sagana sa kaibigan, sagana sa kaligayahan.
At hindi dinadalaw ng anumang kalungkutan.
Ang taong masipag,taglay ang kasiyahan.
Masigla ang tahanan, gayon din ang bayan.
Mapagkawanggawa sa lahat ng
nangangailangan.
Tumutulongsa kapwa hanggang libingan.
8. Ang Babaeng Scout ay
Masunurin sa Batas
Pagsunod sa batas ang laging nasa isip.
Sapagkat ang batas ay dapat sundin at igalang
Bawat batas ng bayan ay taglay angpagmam
Kaya’t ang paggalang sabatas ay dapat pag-
aralan.
Ang tao’y kaya laging napapahamak
Laging nabibigo,nalulungkot,at sawi sa lahat
Ang tunay na sanhi at kadahilanang tapat
Hindi sa batas marunong tumupad.
9. Ang Babaeng Scout ay Matapat.
Ang Babaeng Scout sa kapwa ay laging
matapat,
Isipan ay malinis, at dibdib, laging bukas,
Matapat kung dumamay, sa isa o sa lahat
Walang halong pag-iimbot, walang ganting
hinahangad.
Ang ganitong kaasala’y bukal sa diwa at isip
Ang gumawa at maglingkod sa kapwa’y ang
laging pakay,
Ang tungkulin at pagdamay sa iba ay
karangalan,
Iyan ang laging nasa isip nitong Babaeng
Scout araw-araw.
10. Ang Batas ng Babaeng Scout
Ang Girl Scout ay
mapagkakatiwalaan.
Ang Girl Scout ay matapat.
Ang Girl Scout ay matulungin.
Ang Girl Scout ay kaibigan ng lahat
at kapatid ng bawat Girl Scout.
Ang Girl Scout ay magalang
sa lahat na may buhay.
11. Ang Girl Scout ay mapitagan.
Ang Girl Scout ay magalang
sa
lahat na may buhay.
Ang Girl Scout ay disiplinado.
Ang Girl Scout ay may
sariling
paninindigan.
Ang Girl Scout ay matipid.
Ang Girl Scout ay malinis sa
isip,
12. Ang Babaeng Scout ay Matapat.
Ang Babaeng Scoutsa kapwa ay laging matapat,
Isipan ay malinis, at dibdib, laging bukas,
Matapat kung dumamay, sa isa o sa lahat
Walang halong pag-iimbot, walang ganting
hinahangad.
Ang ganitong kasala’y bukal sa diwa at
isipan.
Ang gumawa at maglingkodsa kapwa’y laging
pakay,
Ang tungkulin at pagdamay saiba ay karangalan,
Iyan ang laging nasa isip nitong
Babaeng scout araw-araw.