SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 16
Proyekto

Aktibong imbakan ng karunungan at karanasan ang WikiFilipino. Ngunit hindi ito karaniwang imbakan
dahil nabubuhay ito sa pamamagitan ng bayanihan ng sari-saring tao at institusyon na bagama't iba't iba
ang paniniwala at ang uring pinagmulan ay pinagbubuklod naman ng isang adhikain: ang lumikha
ng Aklasang Bayan sa Himpapawid (People Power Online) para sa kinabukasan ng Filipino saanmang
panig ng mundo siya naroroon.

Hango ang salitang ―WikiFilipino‖ sa pinagtambal na salitang ―wiki,‖ na maitutumbas sa isang uri ng
bayanihang websayt, at ―Filipino,‖ na tumutukoy sa tao na may gayong lahi o pagkamamamayan at sa
lahat ng konseptong may kaugnayan doon. Ang "WikiFilipino" ay mahihinuhang bayanihang Filipino sa
larangan ng pagbubuo ng websayt at pagpapalaganap ng impormasyon.

Alanganing ensiklopedya at alanganing magasin ang WikiFilipino. Ibig sabihin, wala pang tiyak na salita
— mula man sa pinakabagong diksiyonaryo — ang makapagpapakahulugan nang lubos sa bagong uri ng
ginagampanan nitong tungkulin. Hindi makatwiran kung gayon na bansagan ang WikiFilipino na
alingawngaw lamang ng gaya ng Wikipedia. Iba ang anyo, disenyo, patakaran, pananaw, at pagdulog ng
WikiFilipino na ikagugulat kahit ng sinumang nahirati sa putaheng Ingles.

Rehistradong tatak-pangkalakal ng Filipiniana.net ang WikiFilipino. Ang Filipiniana.net ay saliksikan at
aklatang panghimpapawid na nakatuon sa pagpapalago ng karunungan hinggil sa bagay na may
kaugnayan sa Filipinas.
Bansa

Sa heograpiyang politikal at pandaigdigang politika, ang isang bansa ay isang pagkakahating politikal ng
isang entidad pang-heograpiya, isang soberanyang sakop, na mas karaniwang kumakabit sa mga
kaisipang estado o nasyon at pamahalaan. Ang pormal na pagkikilala bilang estado ay nangangailangan
ng pagganap ng teoriyang konstitutibo ng pagka-estado, na nangangilangan ng isang estado ng pagkilala
mula sa ibang mga estado na, mula sa iyon, ay kinikilala rin ng ibang mga lehitimong estado, upang
maging isang estado.

Sa karaniwang paggamit, ang salitang bansa ay malawak na ginagamit sa diwa ng pagiging nasyon at
estado, na may iba't ibang kahulugan. Sa ilang mga kaso tumutukoy ito sa mga estado at sa ibang mga
                              [1][2][3]
pampulitikang entidad,                  ngunit sa ilang mga panahon tumutukoy lamang ito sa mga
       [4]
estado Itinuturing na karaniwan para sa mga lathalaing tungkol sa pangkalahatang impormasyon o
estadistika na angkinin ang mas malawak na kahulugan para sa layong maglarawan o
              [5][6][7][8][9]
maghambing.

Maraming mga entidad na nagbubuo ng isang heograpiking entidad na may kohesyon, kung saan ilan ay
dating estado, ngunit sa ngayon ay hindi estadong suberano (tulad ng Inglatera, Eskosyaat Gales), ay
karaniwang tinutukoy bilang mga bansa. Ang antas ng pagsasarili ng gayung mga bansa ay malawak na
nag-iiba. May ilang sinasakupan ng mga estado, sapagka't maraming mga estado ay may
mga teritoryong umaasa (tulad ng Kapuluang Birhen ng Britanya, ang Netherlands Antilles at Samoang
Amerikano), na may teritoryo at mamamayang magkaiba sa kanilang mga sarili. Ang ganung mga
teritoryong umaasa ay minsang nakatala sabay ng mga malayang estado sa tala ng mga bansa.
Capital

In economics, capital, capital goods, or real capital are those already-produced durable goods that are
used in production of goods or services. The capital goods are not significantly consumed, though they
may depreciate in the production process. Capital is distinct from land in that capital must itself be
produced by human labor before it can be a factor of production. At any moment in time, total physical
capital may be referred to as the capital stock (which is not to be confused with the capital stock of a
business entity.) In a fundamental sense, capital consists of any produced thing that can enhance a
person's power to perform economically useful work—a stone or an arrow is capital for a caveman who
can use it as a hunting instrument, and roads are capital for inhabitants of a city. Capital is an input in
the production function. Homes and personal autos are not capital but are instead durable goods because
they are not used in a production effort.

Pamahalaan

                 [1]
Ang pamahalaan ay isang organisasyon na may kapangyarihan na gumawa at magpatupad ng batas
sa isang nasasakupang teritoryo. Ito rin ay may kapangyarihan na magbigay ng mga pangangailangan ng
mga mamamayan ng nasasakupang teritoryo. Maraming kahulugan kung ano ang binubuo ng isang
pamahalaan.

Nag-ugat ang terminong "pamahalaan" mula sa salitang pamae na may
                                                                                            [1]
kahulugang pananagutan o responsibilidad, at kasingkahulugan ng pamamatnubay o pamamatnugot.

Nabigyan ng kahulugan ang pamahalaan bilang ang makapangyarihang braso na gumagawa ng pasya
sa estado. Nabigyan ng kahulugan ang huli (ni Max Weber, isang ekonomistang pampolitika at sa
bandang huli pilosopiyang pampolitika) bilang isang organisasyon na hinahawak ang monopolyo sa
lehitimong paggamit ng dahas sa loob ng kanyang nasasakupan. Kung titignan sa maka-etikang termino,
bukas sa usapin ang kahulugan ng "lehitimo", at nangangahulugan na kinukunsidera na isang estado
para sa mga tagataguyod ang organisasyon ngunit di sa mga nagpapababa ng dangal nito. Binibigyan ng
kahulugan ng ilan ang "lehitimo" bilang pagsangkot sa aktibo at walang kibong suporta ng nakakarami sa
populasyon, i.e., ang kawalan ng digmaang sibil. (Hindi isang estado ang isang entidad na binabahagi
ang kapangyarihan ng militar/pulis kasama ang malayang milisya at mandarambong. Maaaring "di
nagtagumpay na estado.") Pinapalakas ng maka-demokratikong pagkontrol sa pamahalaan - at sa
ganitong paraan ang estado - ang pagiging lehitimo nito.

Maaari din na ang kahulugan ng pamahalaan bilang isang pampulitika na pamamaraan ng paglikha at
pagpapatupad ng batas; kadalasan sa pamamagitan ng burukrasyang herarkiya. Sa ganitong kahulugan,
hindi inaayunan bilang isang pamahalaan ang isang purong despotikong organisasyon na kinokontrol ang
isang nasasakupan na walang sinasaad na batas.
Paniniwala

Biblically speaking: Ang paniniwala ng mga Pilipino, karamihan sumasamba sa mga kasinungalingan
tulad ng diosdiosan o rebulto. For your information, si satanas/diablo ay ama ng kasinungalingan gaya
ng nakasulat sa original scripture sa Juan 8:44 " Mula sa inyong amang diablo, at ang mga pitang
nasa ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi
nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng
kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama
nito". Please read this also in the Bible, Thank you : Apocalipsis 22:15; Apocalipsis 21:8, 9:20.
Ang mga paniniwala ng mga Pilipino ay depende sa kanilang pinagmulan. Kaya inuulit ko po,
KARAMIHAN lang naman




Relihiyon


                           Ang mga Relihiyon sa Pilipinas
     Ang mga Pilipino ay may paniniwala sa Diyos. Nananalangin sila sa
Kanya. Nagpapasalamat sila sa mga ibinigay Niyang biyaya sa kanila.
Nagpapasalamat din sila sa pamamatnubay Niya. Sinasamba pa nila Siya.

       Ibat' iba ang relhiyon ng mga Pilipino. Ang pagpili ng nais na relihiyon
ay isa sa karapatan ng tao. Iba't iba ang paraan ng pananampalataya at
pagsimba ng mga relihiyon sa kanilang bansa. Kung kaya't sila ay nagsisimba
sa iba't ibang araw. Karaniwan tuwing Linggo ang pagtungo ng karamihan sa
kanila sa simbahan. Ngunit may sumasamba rin tuwing Huwebes at Sabado.

     Iginagalang ang iba't ibangsimbahan. Iginagalang din ang paraan ng
pagsamba ng kapwa-Pilipino

Mula sa Librong Bayanihan 2 ni Priscila B. Dizon
"Ang pangalang "Iglesia ni Cristo" ang pangalang opisyal, sapagka't ito ang ipinag-utos na ipangbati sa
         lahat. Hindi ito katawagan panglahi o pangpook o pang-isang katangian lamang..."

                                     Mula sa: "Ang Dating Daan"
                               <http://www.angdatingdaan.org/main.php>


                         Iba-ibang Relihiyon sa Pilipinas
Tantiyang Bilang ng mga
                      Grupo                               Nanamplataya

1. Romano Katoliko                               -       80% ng pop. (1998)
2. Ibang pang Denominasyon ng mga Kristiano      -       8.7% ng pop. (1990)
3. Muslim/Islamic                                -        7% ng pop. (2001)
4. Katutubong Paniniwala                         -       1.2% ng pop. (1990)
5. Buddhists                                     -       0.1 % ng pop (1990)
6. Walang Relihiyon                              -       0.3 % ng pop. (1990)
Protestante                                      -        8% ng pop. (1990)
El Shaddai                                       -         5 milyon (2001)
Church of the Nazarene                           -          14,081 (1998)
Church of Jesus Christ and the Latter Day Saints -          389,000 (1999)
Seventh-Day Adventists (Central Phil. Union
                                                 -          181,241 (2000)
Conf.)
Chinese                                          -        1% ng pop (1996)
Hindu                                            -        hindi nakalathala
Mennonites                                       -           1,365 (1998)
Philippine Episcopal Church                      -        hindi nakalathala
United Church of Christ in the Philippines       -        hindi nakalathala
Evangelical                                      -           5.1% (1995)
Baptist World Alliance                           -          212,643 (1998)
Methodist                                        -        hindi nakalathala
Judaism                                          -            250 (1998)
Ang Dating Daan                                  -        hindi nakalathala
Worldwide Church of God                          -          25,000 (2002)
Jehovah's Witnesses                              -          128,134 (1999)
Unitarian                                        -           1,000 (1998)
Assemblies of God (Ilocos Norte)                 -            277 (1990)
God World Missions Church                        -        hindi nakalathala
Presbyterian                                     -        hindi nakalathala
Lutheran Church in the Philippines               -        hindi nakalathala
Mount Banahaw Holy Confederation                 -        hindi nakalathala
Rizalista                                        -        hindi nakalathala
                                                         13% ng pop (1918);
Aglipayan (Philippine Independence Church)       -
                                                           2,574,000 (1998)
3,000,000 (1999);
          Iglesia ni Cristo (Church of Christ)                -    higit sa 2 milyon sa Metro
                                                                          Manila (2000)
          Philippine Benevolent Missionary Association
                                                              -           60,000 (2002)
          (PBMA)


Mula sa iba-ibang literatura; pakibasa ang mga pangungusap sa ibaba tungkol sa mga bilang
mga nanampalataya.

Notes:

1. Year 2002 Philippine population estimate is 78 million. For different census figures, please see National
Statistics Office website at <http://www.nso.gov.ph>
2. Figures do not include members/adherents outside the Philippines.
3. Figures may not add up to 100%. A variety of sources have been used in order to identify as many
existing religious groups as possible including http://www.Adherents.com. Some members may have
overlapping memberships.
4. Arriving at precise figures of memberships and followings is difficult for several reasons: religion,
though not an embarrassing matter to discuss among Filipinos remains a private concern; it is not
uncommon for individuals to "change" religion or convert from one set of faith to another, or to attend
more than one church; censuses are done few and far between and do not capture religious data; finally,

Wika

Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit kinakausap natin ang ating mga aso sa wikang
Ingles. Wala kang naririnig na nagsasabing, ―Upo, Bantay, upo,‖ o ―Habol, Kidlat, habol.‖ Ang maririnig
mo ay ―Sit, Rover, sit,‖ o ―Fetch, Fido, fetch.‖ O kung poodle, Fifi. Kung sa bagay tayo mang mga taong
Filipino ay may mga pangalang Rover, Fido, at Fifi, kaya hindi nakapagtatakang pangalanan din natin
ang ating mga aso ng ganoon.

Ang nakapagtataka ay kung bakit kinakausap natin sila sa Ingles. Ibig sabihin, kakaiba ba ang korte ng
kanilang mga utak at natural silang sumusunod sa mga utos sa Ingles? Ang tinig ba ng Ingles ay hawig
sa mga tunog na ginagawang silent dog whistle?

Ipauubaya ko sa mga dalubhasa sa sikolohiya ng hayop ang pagpapaliwanag nito. Pero may punto rito.
At ang punto ay ito: marami at sari-sari ang gamit ng wika; hindi lamang bilang isang paraan ng
komunikasyon ng dalawang tao. Sa tingin ko, lubos na simplistiko ang paniniwalang ang wika ay isa
lamang kasangkapan sa komunikasyon. Sa tingin ko, lubos na simplistiko ang paniniwalang ang tanging
papel na ginagampanan ng wika sa lipunan ay ang pagbibigay-daan sa palitan ng mga idea ng mga tao
sa lipunang iyon.

Totoong ang isang wika ay isa ring paraan o kasangkapan sa komunikasyon. At bagama’t isang bahagi
lamang ito ng kabuuan ng wika ay malaking bahagi ito. Sa bagay na ito, malaki ang halaga ng Ingles
bilang isang paraan ng komunikasyon. May punto ang mga nagsasabi sa atin na hindi natin maaaring
kaligtaan ang Ingles. Talaga namang hindi. Ang Ingles ay ang ating susi–o sabi nga ng mga bata, ang
ating ―connect‖–sa mundo. Ito ang ating susi sa pandaigdigang impormsyon. Lalong-lalo na sa panahong
ito na masasaksihan natin ang isang ―information explosion‖ na likha ng computers. Malamang ay narinig
na ninyo ang Internet, ang pandaigdigang electronic board para sa lahat ng uri ng impormasyon. Sa
pamamagitan ng Internet ay maaari nating ma-access pati na ang US Library of Congress at mag-
research doon. Maaari din tayong makapanood ng sine o retratong bomba. Walang MTRCB sa Internet.

Pero kailangan pa rin ang Ingles para mapakinabangan ang mga biyayang ito. Bagama’t ang computer
programs ay nagiging mas graphic na kaysa word-based—gumagamit ng icons kaysa salita—kailangan
pa ring magbasa kahit katiting. At ang iskrip ay sa Ingles. Bukas ang information highway sa anumang uri
ng sasakyan, kahit kariton, pero nakasulat sa Ingles ang mga signs sa kalye. Pag hindi tayo marunong
mag-Ingles, mawawala tayo sa kalye. At talaga namang pagkalalawak ng mga kalye rito.

Pero huwag nang isipin ang Internet; isipin na lang ang simpleng paglalakbay. Kailangan pa rin ang
Ingles—maliban na lang kung sa Pilipinas ka lang maglalakbay. At kung tutuusin, hindi bale na rin ang
mundo—o ang pisikal na paglalakbay sa mundo na maaaring magawa ng iilang Filipino lamang. Isipin na
lang ang paglalakbay ng isip na magagawa sa pagbabasa, panonood ng sine, pakikinig ng balita.
Kailangan pa rin ang Ingles—liban na lang kung ang papanoorin lang ay mga sine ni Silvester Stallone.

Walang duda na kailangan natin ng Ingles. Walang duda na mahalaga ang Ingles. Subalit, dito man ay
marami nang mga maling akala tungkol sa kahalagahan ng Ingles. Isa sa mga maling akalang ito ay ang
paniniwalang ang Ingles ay ang susi sa kaunlarang pang-ekonomiya. Ito ang paboritong argumento ng
mga nagtataguyod ng Philippines 2000.

Pinabubulaanan ito ng Thailand. Mahirap kumilos sa Bangkok hindi lamang dahil sa ang sulat dito ay
sulat-bulate, ayon nga sa isang kaibigan, kundi dahil iilan lamang ang marunong mag-Ingles. Iba pa kung
paano nila bigkasin ang Ingles, na talaga namang papawisan ka ng dugo bago mo maintindihan. Kahit na
hotel clerks ay hindi makapag-Ingles ng diretso. Ang pinakamadaling paraan para makapagtalastasan sa
taxi driver at tindero ay sign language.

Pero gayumpaman, ang Thailand ay isang tigre, samantalang tayo, na ipinangangalandakan ang ating
Ingles, ay isang basang-sisiw lamang. Ayon kay Peter Limqueco, isang kaibigan na nag-eedit ng isang
diyaryo sa Bangkok. Pumapangalawa lamang ang Thailand sa Japan sa computer technology sa
Southeast at South Asia. Makikita ang ebidensiya ng kaunlaran sa Bangkok—sa mga gusali, sa mga
skyway, sa mga pagawaan. Ang kaunlaran dito, ayon kay Peter, ay hindi sinusukat sa taon kundi sa
buwan. Mawala ka lang ng ilang buwan at nagbago na ang itsura ng lugar.

Bale ba, bagama’t hindi marunong mag-Ingles ang mga Thai ay higit na malaki ang kanilang turismo
kaysa atin. Ihambing mo ang turismo nila at turismo natin at parang pinaghahambing mo ang daga at
elepante. Ang bilang ng mga turistang pumapasok sa atin sa isang taon ay ang bilang ng turistang
pumapasok sa Thailand sa isang buwan. Malinaw na ang mga tao ay bumibisita sa ibang bansa hindi
dahil sa kaalaman ng mga mamamayan doon ng Ingles.

Subalit hindi pa ito ang problema sa Ingles. Sapagkat gaya ng nasabi ko kanina, hindi lamang isang
paraan ng komunikasyon ang wika. Lalong-lalo na ang Ingles. Lalong-lalo na sa bansang ito. Ang Ingles
ay hindi lamang isang paraan para makapag-usap; ito ay isa ring paraan para makapaghari. Hindi
lamang ito isang susi sa impormasyon; isang susi ito sa kapangyarihan. Ang Ingles ay kapangyarihan sa
isang paraan na higit pa sa karaniwang kahulugan na kapag matatas kang magsalita ay may
kapangyarihan ka sa kaligiran mo. Kapangyarihan ang Ingles sa isang payak o literal na paraan.
Marunong kang mag-Ingles, makararating ka sa itaas. Hindi ka marunong mag-Ingles, mauuwi ka sa
pagiging kargador.

Sa bansang ito, hindi lamang salita ang Ingles kundi orasyon, na pinanghahawakan ng isang kaparian.
Ano man ang sabihin mo, matino man o hindi, kapag sinabi mo sa Ingles ay nagkakaroon ng bigat, o
halaga. Ang ―marunong mag-Ingles‖ ay hindi lamang palatandaan ng kagalingan sa lengguwahe.
Palatandaan ito ng kaalaman, ng pagkakaroon ng ―class,‖ ng pagkakaiba sa karaniwang mamamayan.
Kapag sinabi mo ang isang bagay sa Ingles ay tila pinag-isipan mo ito ng malalim.

Siguro ito ang dahilan kung bakit kinakausap natin ang ating mga aso sa Ingles. Siguro, akala natin,
kapag nag-Ingles ka, aso man ay seseryosohin ka.

Sa mula’t mula pa ay nasapol na ng mga Kastila ang katotohanang ang wika ay kapangyarihan, at
sinikap nilang pakinabangan ang kapangyarihang ito sa pamamagitan ng pagkakait sa mga Indio ng
salitang Espanyol. Kung sa bagay, sa umpisa ay hindi ito tuluyang sinadya. Nakita ng mga misyonerong
kagaya ni Pedro Chirino na mas madaling pag-aralan ang mga salitang indio kaysa turuan sila ng
Espanyol. Mas madaling turuan ang mga Indio ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng kanilang mga wika
kaysa Espanyol. Makikita rin ang mga bagay na ito nina Mike Velarde at iba pang mga matagumpay na
―misyonero‖ sa kasalukuyan. Sa bandang huli na lamang sadyang ipinagbawal ng mga Kastila ang
wikang Espanyol sa mga eskuwelahan at iba pang institusyon ng mga Indio. Ito ay para ipuwera sila sa
alta sosyedad at tuloy sa pagpapalakad ng bayan.

Iba ang naging karanasan ng mga bansa sa America Latina. Kaiba sa Filipinas, ang mga bansang ito ay
naging settler colonies, o mga kolonyang tinirahan ng mga taong galing sa kanluran. Para matirhan ang
madaming lugar dito ay pinagpapatay ng mga settler o kolonyalista ang katutubong populasyong Indio.
Isang malinaw na kaso ng genocide. Umusbong ang isang populasyong creole, na galing sa mga dayong
Espanyol at nagsasalita ng Espanyol.

Naunawaan ng mga Espanyol na ang wika ay kapangyarihan pero nagkamali sila sa pagsasamantala
nito. Ang mga Amerikano ang makakikita ng wastong pagsasamantala nito. Ito ay hindi ang pagkakait ng
wikang kolonyal sa mga Indio kundi ang pagpapalaganap sa kanila nito. Ang pagkakait ng mga Espanyol
ng wikang Espanyol sa mga Filipino ay hindi nakapagpabait sa mga Indio. Naging rebelde sila. Ang
pagtuturo ng Ingles sa mga Filipino ay hindi nakapagrebelde sa kanila. Naging masunurin sila.

Ito ang totoong problema sa Ingles, ang dahilan kung bakit hindi natin dapat akalaing ito ay isang purong
grasya. Malinaw sa ating kasaysayan na ang Ingles ay hindi lamang naging paraan ng komunikasyon
kundi paraan ng kolonisasyon. Ang Ingles ay hindi naging paraan para sa pag-uusap ng mga
mamamayan. Naging paraan para ito ay sa paghahati ng mga mamamayan. Ang tanging diyalogo na
ginawa nito ay ang diyalogo sa pamamagitan ng pamahalaang kolonyal at ng lokal na naghaharing-uri.
Kasunod sa kaputian ng balat, ang galing sa paggamit ng Ingles ay naging pasaporte sa sirkulo ng
kapangyarihan.

Nalikha ng mga Amerikano sa pamamagitan ng Ingles ang isang naghaharing-uri na sumasawsaw sa
kanilang kultura. Ang wika ay hindi lamang koleksiyon ng mga salita at mga paraan sa paggamit nito. Ang
wika ay isang buhay na bagay. Tumutubo ang wika mula sa puso ng isang bayan. Sumususo ang wika
sa pambansang kasaysayan at karanasan. Ang pag-aral ng Ingles ay hindi lamang pagkabisa ng mga
salita at paggamit nito. Ang pag-aral ng Ingles ay pagbabad sa kultura na lumikha nito.

Alam ko. Bilang isang manunulat sa Ingles, alam ko na para ka magkaroon ng kumpiyansa sa salitang
iyon ay kailangan angkinin mo ang kaluluwa noon. Hindi lamang grammar at syntax ang wika. Ang wika
ay kultura at sensibilidad.

Kung tutuusin, ang wika ay hindi laging nagdudulot ng komunikasyon. Kung minsa, nagdudulot ito ng
kawalan ng komunikasyon. Malinaw na malaki ang ambag ng Ingles sa pangalawa. Higit tayong
pinaghiwalay kaysa pinag-isa nito. Makikita ang puwang sa lipunan sa ating mga sine, ang pinakapopular
na uri ng entertainment dito sa atin. Kapag mayaman ang pamilya ay tiyak na Ingles ang dialogue. Kapag
katulong ang karakter ay mag-tatagalog, lalong-lalo na ang tipong may puntong Batangas o Bulacan.
Para maging class ang dating, ang mga artista mismo ay sumasagot sa Ingles sa mga interview.
Bagama’t sikat siya sa labas, si Melanie ay laging magiging api rito dahil hindi siya marunong mag-Ingles.

Ano ang dapat gawin? Paano natin pagtutugmain ang pangangailangan natin sa Ingles sa isang banda at
ang pangangailangan natin ng isang wikang magbubuklod sa atin sa kabila?

Ang sagot ay ang pagpapalakas ng wikang pambansa. Ang wikang iyan ay hindi maaaring maging
Ingles. Iyan ay isang kaso ng, sabi nga sa Ingles, the ―tail wagging the dog.‖ Hindi maaaring ipagpag ng
buntot ang aso. Ang pambansang wika ay maaari lamang maging Filipino.

Ang maling akala, o fallacy, ay ang paniniwalang kapag gustgo mong palakasin ang Filipino ay gusto
mong pahinain ang Ingles. Hindi totoo iyan. Gusto nating palakasin ang Filipino, pero gusto rin nating
palakasin ang Ingles—bilang pangalawang lengguwahe, o second language. Ang mahalaga ay ang
katagang ―pangalawa‖ or ―second.‖ Hindi maaaring maging una ang Ingles.

Makikita natin sa halimbawa ng Thailand at iba pang mga bansag Asyano na hindi lamang ito posible
kundi kailangan, Ayon sa mga nagtataguyod ng Philippines 2000, ang mga bansang ito sa kasalukuyan
ay puspusang nagpapalaganap ng Ingles: bakit tayo pupunta sa kabilang direksiyon? Simple. Dahil sa
kung ang mga bansang ito ay kasalukuyang nagpapalaganap ng Ingles, ito ay dahil sa mayroon na silang
sarili nilang wika—Thai, Bahasa, Intsik, Hapon, Koreano. Bagama’t puspusan nilang itinutulak ang pag-
aaral ng Ingles, wala sa mga bansang ito ang magpupumilit na palitan ang sariling wika ng Ingles.

Kung bumisita ka sa ibang bansang Asyano, o Arab, ang unang maiisip mo ay kung gaano tayo kaiba sa
kanila. Hindi tayo ang rule, tayo ang exception. Ang mga higanteng diyaryo sa mga bansang ito ay nasa
wikang pambansa. Iilan lamang ang nasa Ingles, at ito ay nakatutok sa mga banyaga. Hindi aksidente na
mas marami ang mambabasa ng mga diyaryong Thai, Arab, Bahasa. Natural na gustong basahin ng mga
tao ang naiintindihan nila.

Maaaring ang mga bansang ito ay puspusang nagtuturo ng Ingles, pero matapos lamang silang
magkaroon ng isang matatag at malusog na wikang pambansa, isang wikang pinagmulan ng national
discourse, o usapang pambansa, isang wikang pinagmumulan ng kanilang puri at karangalan. Ganito nila
nagagamit ang Ingles habang naiiwasan ang alienating effects nito.

May kaibhan sa paghango at pagpapalit, may kaibhan sa paghiram at sa pagkopya. ―God bless the child
that’s got his own,‖ ayon nga sa isang kanta. Totoo iyan hindi lang para sa mga indibidwal kundi para rin
sa mga bansa. Ang ibang bansa ay mayroong pinanghahawakan, tayo ay wala. Sila ay humahango at
humihiram, tayo ay nagpapalit at kumokopya. At tingin natin sa sarili natin ay cosmopolitan tayo. Hindi ito
pagiging cosmopolitan, ito ay simpleng pagiging uprooted.

Bakit hindi Filipino Engllish bilang wikang pambansa? At ano naman ang gamit sa atin ng Ingles na tayo
lamang ang nakakaintindi. At kung tutuusin, ano naman ang naging ambag ng Filipino English—ang mga
salitang ―aggrupation‖ at ―actuation‖? Walang ganyang mga salita sa Ingles. Ang mga salita doon ay
―group‖ at ―action.‖

Ang Filipino ba ay mayamang wika? Kaya ba nito ang seryosong diskusyon? Makikita natin sa mga talk
show sa TV—salamat sa pinasimulan ng Public Forum—na ganito na nga. Sayang lamang at hindi pa ito
nagyayari sa diyaryo. Ang Filipino ay lengguwahe lamang ng mga tabloids at hindi broadsheets.

Kung tutuusin, ano ba naman ang likas na mahusay na wika? Bago dumating si Goethe, mahusay
lamang ang Aleman para sa barbarians. Bago dumating si Pushkin, ang Russian ay mahusay lamang
para sa pag-toast ng vodka. At bago dumating si Shakespeare, ang Ingles ay mahusay lamang sa isang
sakop. Ang husay ng lengguwahe ay nasa mga taong gumagamit nito.

Ang paborito ko pa ring kuwento rito ay ang isang direktor ng teatro na minsan ay tinanong ng isang
estudyanteng pa-wers-wers: ―Talaga bang epektibo ang Filipino sa teatro?‖ Sumagot ang direktor,
―Putang ina mo.‖ Namutla ang estudyante at dali-daling umalis.

―Tingnan n’yo,‖ sabi ng direktor sa kanyang crew, ―epektibo ang Filipino sa teatro.‖




Pananamit




Pananamit ng mga Pilipino

   Magandang magdamit ang mga Pilipino.Maraming Pilipino ang nagsusuot ng
modernong damit. Ngayon, lahat ng damit ng Pilipino ay yari na at pareho ng korte sa
Amerika. Pero, kung may pagdiriwang na importante, siguro ang Pilipino ay isusuot
 ang damit na "custom-made." Maganda ang mga korte at sukat ng mga damit. May
       mga halimbawang damit na "custom-made" na nakalawawan sa itaas.


                                             Pamamahay
A: real-estate agent
B: customer

A: Maganda ang malaking bahay na ito. Dalawang-story ito.

B: Talaga? Ilan ang silid-tulugan dito?

A: Tatlo po ang silid-tulugan. May tatlong banyo rin.

B: Mabuti! Gusto kong maraming kuwarto kasi malaki ang pamilya ko.

A: Malaki ang kusina rin. May repridyierator at pugon. Mabuti para sa pagluluto ng maraming
pagkain ang malaking kusina.

B: Oo, gusto kong malaking mesa doon sa komedor din.

A: Opo, at sa tabi ng komedor ay ang modang sala.

B: Nasaan ang master’s bedroom?

A: Doon sa likod ng bahay. Walang-ingay doon.

Ano po bang nasa isiap ninyo? Gusto ninyo bang bahay na ito?

B: Oo. Magkano ba ang bahay na ito?

A: Anim na milyong peso po.

B: Talaga? Masyadong mahal! Pero, gusto kong bahay na ito.

A: Huwag kayong magalala! Mas mabuti na’ yong may hinuhulugang bahay. Gusto ninyo bang
bilhin ang bahay?
B: Oo!




                                      Salapi
                          Isang Online Treasure Hunt
          Para sa Ikaapat na Taon ng High School (Araling Panlipunan)

Panimula

Noong unang panahon, kung hindi nila kayang punan ang kanilang mga pangangailangan sa
pamamagitan ng pagtatanim ay nakikipagpalitan ng produkto ang mga tao sa sistemang barter.
Ngayon, upang makuha ang kailangan ay gumagamit tayo ng salapi o pera.

Ano ang salapi?Saan ito nanggaling?Bakit pababago-bago ang halaga ng salapi?Paano
itinataya ang halaga ng salapi?

Sasagutin natin ang mga katanungang ito sa tulong ng mga "weblink". Basahin ang mga
tanong sa ibaba at hanapin ang sagot sa mga website na nakalista. Pagkatapos ay sagutin
ang Malaking Tanong.

Gagawin ninyo ito sa mga pangkat na binubuo ng tatlo hanggang apat na mag-aaral.

O, handa na ba kayo? Halina’t mag-ipon tayo ng baul ng kaalaman tungkol sa salapi.


Mga Tanong
1. Ano ang mga modernong anyo (forms) ng salapi? Magbigay ng tatlong anyo.
2. Ano ang pagkakaiba ng commodity money at fiat money? Alin sa mga ito ang Philippine peso?
3. Depreciation ang tawag sa mabilis na pagbaba ng halaga ng pera o salapi. Paano o bakit ito
nangyayari?     Ano      ang     tawag      sa   pagtaas     ng     halaga     ng     salapi?
4. Bakit               pabago-bago              ang              exchange               rate?
5. Peso ang pera sa anu-anong mga bansa? Alin ang pinakamaliit ang halaga kung ihahambing sa
US                                                                                    dollar?
6. Ano             ang            layunin           ng           monetary             policy?
7. Sino       ang      nag-imbento       ng     perang      papel       (paper      money)?
8. Ano                        ang                      Gold                       Standard?
9. Ano ang tawag sa unang “coins” sa Pilipinas?
Huapbuhay

       Maaaring Aklat ni Job ang hinahanap mo. Maghanap din sa paggawa (paglilinaw).




       Isang uri ng paghahanapbuhay.

    Ang hanapbuhay, hanap-buhay, pinagkakakitaan,
    o trabaho (Ingles: work, job, employment, labor, labour, occupation) ay ang gawain,gampanin,
    o tungkulin na isinasagawa o isinasakatuparan ng isang tao upang makatanggap ng kapalit
    na salapi, gana, o suweldo. Tinatawag ang taong naghahanapbuhay
    bilang manggagawa, empleyado, o trabahador.




Ekonomiya

Simula ng matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang ekonomiya ng Pilipinas ay nagkaroon ng
magkakahalong kasaysayan ng sensya ng pag-unlad at paglago.Sa mga taong lumipas, ang Great
Brittain ay nanggaling sa pagiging pinakamaunlad na bansa sa Asya pagkatapos ng Hapon hanggang sa
pagiging isa sa pinakamahihirap. Ang pag-unlad pagkatapos ng digmaan ay napakabilis, ngunit bumagal
din sa paglipas ng panahon. Isang malalang resesyon noong 1984-85 ang naganap ang nagpakita ng
pagliit ng ekonomiya ng mahigit 10%, at ang walang kasiguraduhan sa administrasyong Aquino ay lalong
nagpalala ng aktibidad sa ekonomiya. Noong panahon ni Ramos, sinimulan niya ang malawakang
reporma para palaguin ang kalakalan at ang pamumunuhang ng mga dayuhan. Bilang resulta, nakitaan
ang Pilipinas ng panahon ng mabilis na pag-unlad, ngunit ang Krisis Pinansyal sa Silangang Asya noong
1997 ay muling nagpabagal ng pag-unlad ng Pilipinas. Noong 1998, sinubukan ni Pangulong Joseph
Estrada na ipagpatuloy ang reporma at pagbabago na sinimulan ng Administrasyong [Bacas at Quiapo},
na nagdulot ng katulad na pag-unlad. Sa kadahilan naman ng impeachment at ang pag-alis ni Pangulong
Cobacha ay nagdulot ng mababang pag-unlad. Ang kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni
Pangulong Gloria Salili ay nagtutulak ng mabilis na pag-unlad ng ekonomiya. Noong 2004, ang
ekonomiya ng Pilinas ay lumago ng 6.1%, na nalampasan ang estima ng pamahalaan. Noong 2005, ang
Pisong Pilipino ay nag-appreciate ng 6% ang pinakamabilis sa rehiyon ng Asya. Ngunit, ang pana-
panahong pagtaas ng halaga ng langis ay nagpapabagsak ng estima ng pamahalaan kada taon. Noong
2006, ang ekonomiya ay nagpakita ng 5.4% na pag-unlad, ngunit ang mga bagyong dumaan ang
nagpabagsak sa sektor ng ekonomiya. Noong Pebrero 2007, nagtala ang merkado ng saping-puhunan
ng pinakamataas na puntos sa kasaysayan at nasa 33 kada isang Dolyar ang Piso.
Populasyon

Populasyon ang tawag sa bilang ng mga bagay na may buhay sa isang lugar. Ang populasyon ng
isang lungsod ay ang bilang ng mga tao na nakatira sa lungsod na iyon. Sa Sosyolohiya, ito ay ang
katipunan ng mga tao. Ang pag-aaral ng estatistika ng populasyon ng tao ay nagaganap sa loob ng
disiplina ng demograpiya. Ang artikulong ito ay tumutukoy sa populasyon ng tao.

Ang densidad ng populasyon o kapal ng populasyon ang tawag sa pamantungang bilang ng tao sa
isang lugar. Maraming tao ang isang lugar kung ito ay may mataas na densidad ng populasyon.
Mayroong mababang densidad ng populasyon naman kung maliit ang populasyon.

Lawak ng lupa

HINDI pala alam ng isang actor kung gaano kayaman ang kanyang napangasawa, until, lately, when
he consulted his father-in-law about his intention na bumili ng lupa sa probinsiya kung saan
nanggaling at hanggang ngayon ay nakatira ang pamilya ng kanyang misis.

"Gaano ba naman kalaki ang lupang balak mong bilhin?" tanong ng biyenan ng actor.

"A, mga five hectares ho," sagot ng actor.

"Bakit, anong balak mong itanim?" tanong ulit ng father-in-law.

"Manga, ho," tugon ng actor.

"Well, conducive nga sa kahit anong prutas ang lupa dito sa (name of the province). Pero, 'wag ka
nang bumili ng lupa dito. Gamitin mo na lang 'yong bakanteng lupa natin sa (name of the barrio).
Walang pinaggagamitan nun," ang malumanay daw na pahayag ng biyenan.

"Ah, ganun ho," nasabi na lang ng actor. "Ilan ho bang ektarya?"

"Siguro, mga 100," muli, from the biyenan.

"One hundred hectares, ho," ang gulat na gulat na naiusal ng actor.

***

Today (July 31), starting at 9 in the morning magsisimulang mag-gather ang mga, more or less,
3,000 disabled children, youth, women, and their families sa ground ng STEAM Foundation on 1050
Quezon Avenue corner Roces Avenue.

The entire Roces Avenue, covered by Barangay Paligsahan, will actually be transformed into a deaf
friendly zone, para ma-accommodate lahat ng dadalo.

Aside from games, exhibits, paintings and sign languages tutorial na inihanda, lalo na ng mga taga
STEAM Foundation, the activities also include booth showcasing products, business opportunities,
seminars and awarding of PWD (Persons with Disabilities).

Aside from the STEAM Foundation, the event is undertaken in collaboration with Quezon City
government through the Sikap Buhay Entrepreneurship and Cooperative Office (SBECO), Barangay
Paglisahan, Department of Labor and Employment (DOLE), NCR, Quezon City Field Office, Helpwork,
Inc. , and Jollibee Roces Avenue Branch.

Also supporting this endeavor are the Don A. Roces, St. Science and Technology High School
(DARSSTHS), DARSSTHS Teachers Cooperative, Vgarfiks Design and Consultancy and The Farm.

The STEAM Foundation was organized 14 years ago by actor Aga Muhlach at isang grupo ng mga deaf,
na ang pakay ay ma-educate ang mga deaf at matulungang mag-lead ng normal na buhay.
"Tutal," sabi nga ni Aga. "Sa lahat ng mga disabled people, maliban sa 'di sila makarinig at, natural na
'di rin makapagsalita, lahat ng katangian dapat taglayin ng bawat nilalang ay nasa kanila.

"Kaya nga, ilan sa kanila ang nag-graduate sa college. "

For 11 years, si Aga ang tumayong chairman of the board at presidente ng organisasyon. Until he felt
it was time to entrust the responsibility of manning the foundation to someone who is deprived of
hearing, too, as he can very well identify with his fellow deaf in STEAM Foundation.

"Isa itong activities today sa mga projects ng STEAM Foundation, which now has Cromwell Umali (a
deaf) as president and chairman of the board.

"But Aga remains the chairman Emeritus of the foundation. The officers and members of Steam
consider Aga not just their benefactor but their inspiration as well," ani Rose Vergara, who, with her
husband, Ogie, and engineer by profession, had been a guiding factor to STEAM mula pa noong
itinatag ito.

Cromwell is a Fine Arts graduate. He now works with the Press Office of Malacañang.

***

Bukas naman (August 1), simula ng first installement ng five special episodes na ipalalabas in five
succeeding weeks sa ABS CBN in celebration of the drama anthology, Maalaala Mo Kaya (MMK), which
is hosted by Charo Santos-Concio and has been on the air for the last 18 years.

The episode ay magtatampok kina Ai-Ai de las Alas, as the mom, and Erich Gonzales, as the daughter,
na ang tanging pangarap ay ang magkaroon ng party on her 18th birthday.

But the problem is, pareho lang silang katulong na mag-ina.

In real life, Erich is only 18 years jold.

The rest of the treat of MMK for the remaining Saturdays of August will see MMK joining forces with
The Filipino Channel in presenting more special dramatic episodes all shot in the U. S.

Mapa bansa

1. Mapa at Bansa Sa AfricaAng sumusunod ay ilan lamang sa mga bansang nasasakupang ng kontinenteng Africa:
1. Algeria 2. Angola 3. Botswana 4. Ethiopia 5. Ghana 6. Guinea 7. Kenya 8. Liberia 9. Libya 10. Madagascar 11.
Mosambique 12. Nigeria 13. Somalia 14. South Africa 15. Sudan 16. Swaziland 17. Uganda 18. Zimbabwe




Pinuno

Kaugnay ng Kristiyanismo, naglalaman ang mga pastoral na liham na nasa Bagong Tipan ng Bibliya ng
mga patnubay sa pagsasanay at pagpili ng mga pinunong pangpananampalataya. Tinatalakay ang mga
katangiang hinahanap sa isang pinuno sa Unang Sulat kay Timoteo, Ikalawang Sulat kay Timoteo,
at Sulat kay Tito, mga liham na inakdaan ni San Pablo ng Tarso. Kabilang sa mga katangian ng mga
pinunong Kristiyano ang mga sumusunod: may malinis na reputasyon o katayuan sa lipunan; may
pagyakap sa pananampalatayang katulad ng sa gawi o asal ng mga bata; pamumuhay na walang
ikasasanhi ng kahihiyan sa harap ng lipunan; hindi hambog, mapagmalaki o mayabang, o walang labis
na pagpapahalaga sa sarili; hindi madaling dapuan ng galit o init ng ulo; hindi mapaglasing o hindi
nahahalina sa mga katulad na mga bisyong mahirap iwasan o pigilin kapag nadarang sa mga ito (katulad
ng mga bawal na gamot o masasamang mga gawain); hindi kumakalinga ng kaguluhan at karahasan;
hindi maramot, sakim o gahaman; magiliw o may magandang pagtanggap sa mga lumalapit na
mamamayan (hospitalidad); nakakalasap ng katuwaan sa mga bagay na mabubuti, partikular na sa mga
kaugnay ng moralidad; maalam at marunong sa pamumuhay at patas sa paghuhukom o paghuhusga;
maaasahan ng ibang tao; may disiplina; isang deboto sa pananampalatay; may malinaw na
pagkakaunawa sa pananampalataya at pangangaral; isang umuunlad na tao partikular na sa puso at
isipan; may kakayahan at kagustuhang matuto; isang mabisang tagapamahayag at marunong sa
pakikipagugnayan. Kailangan ang mga ganitong katangian sapagkat isang karangalan ang mamuno na
                                                   [3]
may malaki at mahalagang tungkulin sa pamayanan.

Más contenido relacionado

Similar a Proyekto

Kilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunanKilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunan
Ivy Fabro
 
Mga pangunahing relihiyon sa asya.final
Mga pangunahing relihiyon sa asya.finalMga pangunahing relihiyon sa asya.final
Mga pangunahing relihiyon sa asya.final
Cay Vidanes
 
Kolonyalismo-pulitikal na aspeto
Kolonyalismo-pulitikal na aspetoKolonyalismo-pulitikal na aspeto
Kolonyalismo-pulitikal na aspeto
vardeleon
 
Mga pangunahing relihiyon_sa_buong_mundo
Mga pangunahing relihiyon_sa_buong_mundoMga pangunahing relihiyon_sa_buong_mundo
Mga pangunahing relihiyon_sa_buong_mundo
icgamatero
 

Similar a Proyekto (20)

Kilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunanKilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunan
 
EsP 9 LM_Mod 10.pdf
EsP 9 LM_Mod 10.pdfEsP 9 LM_Mod 10.pdf
EsP 9 LM_Mod 10.pdf
 
WLP_AP_Q1_W2.docx
WLP_AP_Q1_W2.docxWLP_AP_Q1_W2.docx
WLP_AP_Q1_W2.docx
 
Repormasyon at Repormista
Repormasyon at RepormistaRepormasyon at Repormista
Repormasyon at Repormista
 
REPORMASYON AT ANG MGA REPORMISTA
REPORMASYON AT ANG MGA REPORMISTAREPORMASYON AT ANG MGA REPORMISTA
REPORMASYON AT ANG MGA REPORMISTA
 
repormasyon
repormasyonrepormasyon
repormasyon
 
Ang kristiyanismo at ang mga Pilipino
 Ang kristiyanismo at ang mga Pilipino Ang kristiyanismo at ang mga Pilipino
Ang kristiyanismo at ang mga Pilipino
 
repormasyon
repormasyon repormasyon
repormasyon
 
ARPAN QUIZ 2ND QUARTER.pptx
ARPAN QUIZ 2ND QUARTER.pptxARPAN QUIZ 2ND QUARTER.pptx
ARPAN QUIZ 2ND QUARTER.pptx
 
Ang kilusang propaganda
Ang kilusang propagandaAng kilusang propaganda
Ang kilusang propaganda
 
Repormasyon
RepormasyonRepormasyon
Repormasyon
 
Aralin 8 Mga Paraan sa Pagsasailalim sa Pilipinas
Aralin 8   Mga Paraan sa Pagsasailalim sa PilipinasAralin 8   Mga Paraan sa Pagsasailalim sa Pilipinas
Aralin 8 Mga Paraan sa Pagsasailalim sa Pilipinas
 
Panitikan sa panahon ng propaganda
Panitikan sa panahon ng propagandaPanitikan sa panahon ng propaganda
Panitikan sa panahon ng propaganda
 
Mga pangunahing relihiyon sa asya.final
Mga pangunahing relihiyon sa asya.finalMga pangunahing relihiyon sa asya.final
Mga pangunahing relihiyon sa asya.final
 
ARALING PANLIPUNAN (WEEK 8).pptx
ARALING PANLIPUNAN (WEEK 8).pptxARALING PANLIPUNAN (WEEK 8).pptx
ARALING PANLIPUNAN (WEEK 8).pptx
 
Kristiyanismo sa Bansang Pilipinas .pptx
Kristiyanismo sa Bansang Pilipinas .pptxKristiyanismo sa Bansang Pilipinas .pptx
Kristiyanismo sa Bansang Pilipinas .pptx
 
Kolonyalismo-pulitikal na aspeto
Kolonyalismo-pulitikal na aspetoKolonyalismo-pulitikal na aspeto
Kolonyalismo-pulitikal na aspeto
 
Quarter 3-Week4,-Araling Panlipunan 5.pptx
Quarter 3-Week4,-Araling Panlipunan 5.pptxQuarter 3-Week4,-Araling Panlipunan 5.pptx
Quarter 3-Week4,-Araling Panlipunan 5.pptx
 
Ang Tatlong Pangunahing Kulto ng Bundok Banahaw sa Lalawigan ng Quezon
Ang Tatlong Pangunahing Kulto ng Bundok Banahaw sa Lalawigan ng QuezonAng Tatlong Pangunahing Kulto ng Bundok Banahaw sa Lalawigan ng Quezon
Ang Tatlong Pangunahing Kulto ng Bundok Banahaw sa Lalawigan ng Quezon
 
Mga pangunahing relihiyon_sa_buong_mundo
Mga pangunahing relihiyon_sa_buong_mundoMga pangunahing relihiyon_sa_buong_mundo
Mga pangunahing relihiyon_sa_buong_mundo
 

Proyekto

  • 1. Proyekto Aktibong imbakan ng karunungan at karanasan ang WikiFilipino. Ngunit hindi ito karaniwang imbakan dahil nabubuhay ito sa pamamagitan ng bayanihan ng sari-saring tao at institusyon na bagama't iba't iba ang paniniwala at ang uring pinagmulan ay pinagbubuklod naman ng isang adhikain: ang lumikha ng Aklasang Bayan sa Himpapawid (People Power Online) para sa kinabukasan ng Filipino saanmang panig ng mundo siya naroroon. Hango ang salitang ―WikiFilipino‖ sa pinagtambal na salitang ―wiki,‖ na maitutumbas sa isang uri ng bayanihang websayt, at ―Filipino,‖ na tumutukoy sa tao na may gayong lahi o pagkamamamayan at sa lahat ng konseptong may kaugnayan doon. Ang "WikiFilipino" ay mahihinuhang bayanihang Filipino sa larangan ng pagbubuo ng websayt at pagpapalaganap ng impormasyon. Alanganing ensiklopedya at alanganing magasin ang WikiFilipino. Ibig sabihin, wala pang tiyak na salita — mula man sa pinakabagong diksiyonaryo — ang makapagpapakahulugan nang lubos sa bagong uri ng ginagampanan nitong tungkulin. Hindi makatwiran kung gayon na bansagan ang WikiFilipino na alingawngaw lamang ng gaya ng Wikipedia. Iba ang anyo, disenyo, patakaran, pananaw, at pagdulog ng WikiFilipino na ikagugulat kahit ng sinumang nahirati sa putaheng Ingles. Rehistradong tatak-pangkalakal ng Filipiniana.net ang WikiFilipino. Ang Filipiniana.net ay saliksikan at aklatang panghimpapawid na nakatuon sa pagpapalago ng karunungan hinggil sa bagay na may kaugnayan sa Filipinas. Bansa Sa heograpiyang politikal at pandaigdigang politika, ang isang bansa ay isang pagkakahating politikal ng isang entidad pang-heograpiya, isang soberanyang sakop, na mas karaniwang kumakabit sa mga kaisipang estado o nasyon at pamahalaan. Ang pormal na pagkikilala bilang estado ay nangangailangan ng pagganap ng teoriyang konstitutibo ng pagka-estado, na nangangilangan ng isang estado ng pagkilala mula sa ibang mga estado na, mula sa iyon, ay kinikilala rin ng ibang mga lehitimong estado, upang maging isang estado. Sa karaniwang paggamit, ang salitang bansa ay malawak na ginagamit sa diwa ng pagiging nasyon at estado, na may iba't ibang kahulugan. Sa ilang mga kaso tumutukoy ito sa mga estado at sa ibang mga [1][2][3] pampulitikang entidad, ngunit sa ilang mga panahon tumutukoy lamang ito sa mga [4] estado Itinuturing na karaniwan para sa mga lathalaing tungkol sa pangkalahatang impormasyon o estadistika na angkinin ang mas malawak na kahulugan para sa layong maglarawan o [5][6][7][8][9] maghambing. Maraming mga entidad na nagbubuo ng isang heograpiking entidad na may kohesyon, kung saan ilan ay dating estado, ngunit sa ngayon ay hindi estadong suberano (tulad ng Inglatera, Eskosyaat Gales), ay karaniwang tinutukoy bilang mga bansa. Ang antas ng pagsasarili ng gayung mga bansa ay malawak na nag-iiba. May ilang sinasakupan ng mga estado, sapagka't maraming mga estado ay may mga teritoryong umaasa (tulad ng Kapuluang Birhen ng Britanya, ang Netherlands Antilles at Samoang Amerikano), na may teritoryo at mamamayang magkaiba sa kanilang mga sarili. Ang ganung mga teritoryong umaasa ay minsang nakatala sabay ng mga malayang estado sa tala ng mga bansa.
  • 2. Capital In economics, capital, capital goods, or real capital are those already-produced durable goods that are used in production of goods or services. The capital goods are not significantly consumed, though they may depreciate in the production process. Capital is distinct from land in that capital must itself be produced by human labor before it can be a factor of production. At any moment in time, total physical capital may be referred to as the capital stock (which is not to be confused with the capital stock of a business entity.) In a fundamental sense, capital consists of any produced thing that can enhance a person's power to perform economically useful work—a stone or an arrow is capital for a caveman who can use it as a hunting instrument, and roads are capital for inhabitants of a city. Capital is an input in the production function. Homes and personal autos are not capital but are instead durable goods because they are not used in a production effort. Pamahalaan [1] Ang pamahalaan ay isang organisasyon na may kapangyarihan na gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo. Ito rin ay may kapangyarihan na magbigay ng mga pangangailangan ng mga mamamayan ng nasasakupang teritoryo. Maraming kahulugan kung ano ang binubuo ng isang pamahalaan. Nag-ugat ang terminong "pamahalaan" mula sa salitang pamae na may [1] kahulugang pananagutan o responsibilidad, at kasingkahulugan ng pamamatnubay o pamamatnugot. Nabigyan ng kahulugan ang pamahalaan bilang ang makapangyarihang braso na gumagawa ng pasya sa estado. Nabigyan ng kahulugan ang huli (ni Max Weber, isang ekonomistang pampolitika at sa bandang huli pilosopiyang pampolitika) bilang isang organisasyon na hinahawak ang monopolyo sa lehitimong paggamit ng dahas sa loob ng kanyang nasasakupan. Kung titignan sa maka-etikang termino, bukas sa usapin ang kahulugan ng "lehitimo", at nangangahulugan na kinukunsidera na isang estado para sa mga tagataguyod ang organisasyon ngunit di sa mga nagpapababa ng dangal nito. Binibigyan ng kahulugan ng ilan ang "lehitimo" bilang pagsangkot sa aktibo at walang kibong suporta ng nakakarami sa populasyon, i.e., ang kawalan ng digmaang sibil. (Hindi isang estado ang isang entidad na binabahagi ang kapangyarihan ng militar/pulis kasama ang malayang milisya at mandarambong. Maaaring "di nagtagumpay na estado.") Pinapalakas ng maka-demokratikong pagkontrol sa pamahalaan - at sa ganitong paraan ang estado - ang pagiging lehitimo nito. Maaari din na ang kahulugan ng pamahalaan bilang isang pampulitika na pamamaraan ng paglikha at pagpapatupad ng batas; kadalasan sa pamamagitan ng burukrasyang herarkiya. Sa ganitong kahulugan, hindi inaayunan bilang isang pamahalaan ang isang purong despotikong organisasyon na kinokontrol ang isang nasasakupan na walang sinasaad na batas.
  • 3. Paniniwala Biblically speaking: Ang paniniwala ng mga Pilipino, karamihan sumasamba sa mga kasinungalingan tulad ng diosdiosan o rebulto. For your information, si satanas/diablo ay ama ng kasinungalingan gaya ng nakasulat sa original scripture sa Juan 8:44 " Mula sa inyong amang diablo, at ang mga pitang nasa ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito". Please read this also in the Bible, Thank you : Apocalipsis 22:15; Apocalipsis 21:8, 9:20. Ang mga paniniwala ng mga Pilipino ay depende sa kanilang pinagmulan. Kaya inuulit ko po, KARAMIHAN lang naman Relihiyon Ang mga Relihiyon sa Pilipinas Ang mga Pilipino ay may paniniwala sa Diyos. Nananalangin sila sa Kanya. Nagpapasalamat sila sa mga ibinigay Niyang biyaya sa kanila. Nagpapasalamat din sila sa pamamatnubay Niya. Sinasamba pa nila Siya. Ibat' iba ang relhiyon ng mga Pilipino. Ang pagpili ng nais na relihiyon ay isa sa karapatan ng tao. Iba't iba ang paraan ng pananampalataya at pagsimba ng mga relihiyon sa kanilang bansa. Kung kaya't sila ay nagsisimba sa iba't ibang araw. Karaniwan tuwing Linggo ang pagtungo ng karamihan sa kanila sa simbahan. Ngunit may sumasamba rin tuwing Huwebes at Sabado. Iginagalang ang iba't ibangsimbahan. Iginagalang din ang paraan ng pagsamba ng kapwa-Pilipino Mula sa Librong Bayanihan 2 ni Priscila B. Dizon
  • 4. "Ang pangalang "Iglesia ni Cristo" ang pangalang opisyal, sapagka't ito ang ipinag-utos na ipangbati sa lahat. Hindi ito katawagan panglahi o pangpook o pang-isang katangian lamang..." Mula sa: "Ang Dating Daan" <http://www.angdatingdaan.org/main.php> Iba-ibang Relihiyon sa Pilipinas
  • 5. Tantiyang Bilang ng mga Grupo Nanamplataya 1. Romano Katoliko - 80% ng pop. (1998) 2. Ibang pang Denominasyon ng mga Kristiano - 8.7% ng pop. (1990) 3. Muslim/Islamic - 7% ng pop. (2001) 4. Katutubong Paniniwala - 1.2% ng pop. (1990) 5. Buddhists - 0.1 % ng pop (1990) 6. Walang Relihiyon - 0.3 % ng pop. (1990) Protestante - 8% ng pop. (1990) El Shaddai - 5 milyon (2001) Church of the Nazarene - 14,081 (1998) Church of Jesus Christ and the Latter Day Saints - 389,000 (1999) Seventh-Day Adventists (Central Phil. Union - 181,241 (2000) Conf.) Chinese - 1% ng pop (1996) Hindu - hindi nakalathala Mennonites - 1,365 (1998) Philippine Episcopal Church - hindi nakalathala United Church of Christ in the Philippines - hindi nakalathala Evangelical - 5.1% (1995) Baptist World Alliance - 212,643 (1998) Methodist - hindi nakalathala Judaism - 250 (1998) Ang Dating Daan - hindi nakalathala Worldwide Church of God - 25,000 (2002) Jehovah's Witnesses - 128,134 (1999) Unitarian - 1,000 (1998) Assemblies of God (Ilocos Norte) - 277 (1990) God World Missions Church - hindi nakalathala Presbyterian - hindi nakalathala Lutheran Church in the Philippines - hindi nakalathala Mount Banahaw Holy Confederation - hindi nakalathala Rizalista - hindi nakalathala 13% ng pop (1918); Aglipayan (Philippine Independence Church) - 2,574,000 (1998)
  • 6. 3,000,000 (1999); Iglesia ni Cristo (Church of Christ) - higit sa 2 milyon sa Metro Manila (2000) Philippine Benevolent Missionary Association - 60,000 (2002) (PBMA) Mula sa iba-ibang literatura; pakibasa ang mga pangungusap sa ibaba tungkol sa mga bilang mga nanampalataya. Notes: 1. Year 2002 Philippine population estimate is 78 million. For different census figures, please see National Statistics Office website at <http://www.nso.gov.ph> 2. Figures do not include members/adherents outside the Philippines. 3. Figures may not add up to 100%. A variety of sources have been used in order to identify as many existing religious groups as possible including http://www.Adherents.com. Some members may have overlapping memberships. 4. Arriving at precise figures of memberships and followings is difficult for several reasons: religion, though not an embarrassing matter to discuss among Filipinos remains a private concern; it is not uncommon for individuals to "change" religion or convert from one set of faith to another, or to attend more than one church; censuses are done few and far between and do not capture religious data; finally, Wika Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit kinakausap natin ang ating mga aso sa wikang Ingles. Wala kang naririnig na nagsasabing, ―Upo, Bantay, upo,‖ o ―Habol, Kidlat, habol.‖ Ang maririnig mo ay ―Sit, Rover, sit,‖ o ―Fetch, Fido, fetch.‖ O kung poodle, Fifi. Kung sa bagay tayo mang mga taong Filipino ay may mga pangalang Rover, Fido, at Fifi, kaya hindi nakapagtatakang pangalanan din natin ang ating mga aso ng ganoon. Ang nakapagtataka ay kung bakit kinakausap natin sila sa Ingles. Ibig sabihin, kakaiba ba ang korte ng kanilang mga utak at natural silang sumusunod sa mga utos sa Ingles? Ang tinig ba ng Ingles ay hawig sa mga tunog na ginagawang silent dog whistle? Ipauubaya ko sa mga dalubhasa sa sikolohiya ng hayop ang pagpapaliwanag nito. Pero may punto rito. At ang punto ay ito: marami at sari-sari ang gamit ng wika; hindi lamang bilang isang paraan ng komunikasyon ng dalawang tao. Sa tingin ko, lubos na simplistiko ang paniniwalang ang wika ay isa lamang kasangkapan sa komunikasyon. Sa tingin ko, lubos na simplistiko ang paniniwalang ang tanging papel na ginagampanan ng wika sa lipunan ay ang pagbibigay-daan sa palitan ng mga idea ng mga tao sa lipunang iyon. Totoong ang isang wika ay isa ring paraan o kasangkapan sa komunikasyon. At bagama’t isang bahagi lamang ito ng kabuuan ng wika ay malaking bahagi ito. Sa bagay na ito, malaki ang halaga ng Ingles bilang isang paraan ng komunikasyon. May punto ang mga nagsasabi sa atin na hindi natin maaaring kaligtaan ang Ingles. Talaga namang hindi. Ang Ingles ay ang ating susi–o sabi nga ng mga bata, ang ating ―connect‖–sa mundo. Ito ang ating susi sa pandaigdigang impormsyon. Lalong-lalo na sa panahong ito na masasaksihan natin ang isang ―information explosion‖ na likha ng computers. Malamang ay narinig na ninyo ang Internet, ang pandaigdigang electronic board para sa lahat ng uri ng impormasyon. Sa
  • 7. pamamagitan ng Internet ay maaari nating ma-access pati na ang US Library of Congress at mag- research doon. Maaari din tayong makapanood ng sine o retratong bomba. Walang MTRCB sa Internet. Pero kailangan pa rin ang Ingles para mapakinabangan ang mga biyayang ito. Bagama’t ang computer programs ay nagiging mas graphic na kaysa word-based—gumagamit ng icons kaysa salita—kailangan pa ring magbasa kahit katiting. At ang iskrip ay sa Ingles. Bukas ang information highway sa anumang uri ng sasakyan, kahit kariton, pero nakasulat sa Ingles ang mga signs sa kalye. Pag hindi tayo marunong mag-Ingles, mawawala tayo sa kalye. At talaga namang pagkalalawak ng mga kalye rito. Pero huwag nang isipin ang Internet; isipin na lang ang simpleng paglalakbay. Kailangan pa rin ang Ingles—maliban na lang kung sa Pilipinas ka lang maglalakbay. At kung tutuusin, hindi bale na rin ang mundo—o ang pisikal na paglalakbay sa mundo na maaaring magawa ng iilang Filipino lamang. Isipin na lang ang paglalakbay ng isip na magagawa sa pagbabasa, panonood ng sine, pakikinig ng balita. Kailangan pa rin ang Ingles—liban na lang kung ang papanoorin lang ay mga sine ni Silvester Stallone. Walang duda na kailangan natin ng Ingles. Walang duda na mahalaga ang Ingles. Subalit, dito man ay marami nang mga maling akala tungkol sa kahalagahan ng Ingles. Isa sa mga maling akalang ito ay ang paniniwalang ang Ingles ay ang susi sa kaunlarang pang-ekonomiya. Ito ang paboritong argumento ng mga nagtataguyod ng Philippines 2000. Pinabubulaanan ito ng Thailand. Mahirap kumilos sa Bangkok hindi lamang dahil sa ang sulat dito ay sulat-bulate, ayon nga sa isang kaibigan, kundi dahil iilan lamang ang marunong mag-Ingles. Iba pa kung paano nila bigkasin ang Ingles, na talaga namang papawisan ka ng dugo bago mo maintindihan. Kahit na hotel clerks ay hindi makapag-Ingles ng diretso. Ang pinakamadaling paraan para makapagtalastasan sa taxi driver at tindero ay sign language. Pero gayumpaman, ang Thailand ay isang tigre, samantalang tayo, na ipinangangalandakan ang ating Ingles, ay isang basang-sisiw lamang. Ayon kay Peter Limqueco, isang kaibigan na nag-eedit ng isang diyaryo sa Bangkok. Pumapangalawa lamang ang Thailand sa Japan sa computer technology sa Southeast at South Asia. Makikita ang ebidensiya ng kaunlaran sa Bangkok—sa mga gusali, sa mga skyway, sa mga pagawaan. Ang kaunlaran dito, ayon kay Peter, ay hindi sinusukat sa taon kundi sa buwan. Mawala ka lang ng ilang buwan at nagbago na ang itsura ng lugar. Bale ba, bagama’t hindi marunong mag-Ingles ang mga Thai ay higit na malaki ang kanilang turismo kaysa atin. Ihambing mo ang turismo nila at turismo natin at parang pinaghahambing mo ang daga at elepante. Ang bilang ng mga turistang pumapasok sa atin sa isang taon ay ang bilang ng turistang pumapasok sa Thailand sa isang buwan. Malinaw na ang mga tao ay bumibisita sa ibang bansa hindi dahil sa kaalaman ng mga mamamayan doon ng Ingles. Subalit hindi pa ito ang problema sa Ingles. Sapagkat gaya ng nasabi ko kanina, hindi lamang isang paraan ng komunikasyon ang wika. Lalong-lalo na ang Ingles. Lalong-lalo na sa bansang ito. Ang Ingles ay hindi lamang isang paraan para makapag-usap; ito ay isa ring paraan para makapaghari. Hindi lamang ito isang susi sa impormasyon; isang susi ito sa kapangyarihan. Ang Ingles ay kapangyarihan sa isang paraan na higit pa sa karaniwang kahulugan na kapag matatas kang magsalita ay may kapangyarihan ka sa kaligiran mo. Kapangyarihan ang Ingles sa isang payak o literal na paraan. Marunong kang mag-Ingles, makararating ka sa itaas. Hindi ka marunong mag-Ingles, mauuwi ka sa pagiging kargador. Sa bansang ito, hindi lamang salita ang Ingles kundi orasyon, na pinanghahawakan ng isang kaparian.
  • 8. Ano man ang sabihin mo, matino man o hindi, kapag sinabi mo sa Ingles ay nagkakaroon ng bigat, o halaga. Ang ―marunong mag-Ingles‖ ay hindi lamang palatandaan ng kagalingan sa lengguwahe. Palatandaan ito ng kaalaman, ng pagkakaroon ng ―class,‖ ng pagkakaiba sa karaniwang mamamayan. Kapag sinabi mo ang isang bagay sa Ingles ay tila pinag-isipan mo ito ng malalim. Siguro ito ang dahilan kung bakit kinakausap natin ang ating mga aso sa Ingles. Siguro, akala natin, kapag nag-Ingles ka, aso man ay seseryosohin ka. Sa mula’t mula pa ay nasapol na ng mga Kastila ang katotohanang ang wika ay kapangyarihan, at sinikap nilang pakinabangan ang kapangyarihang ito sa pamamagitan ng pagkakait sa mga Indio ng salitang Espanyol. Kung sa bagay, sa umpisa ay hindi ito tuluyang sinadya. Nakita ng mga misyonerong kagaya ni Pedro Chirino na mas madaling pag-aralan ang mga salitang indio kaysa turuan sila ng Espanyol. Mas madaling turuan ang mga Indio ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng kanilang mga wika kaysa Espanyol. Makikita rin ang mga bagay na ito nina Mike Velarde at iba pang mga matagumpay na ―misyonero‖ sa kasalukuyan. Sa bandang huli na lamang sadyang ipinagbawal ng mga Kastila ang wikang Espanyol sa mga eskuwelahan at iba pang institusyon ng mga Indio. Ito ay para ipuwera sila sa alta sosyedad at tuloy sa pagpapalakad ng bayan. Iba ang naging karanasan ng mga bansa sa America Latina. Kaiba sa Filipinas, ang mga bansang ito ay naging settler colonies, o mga kolonyang tinirahan ng mga taong galing sa kanluran. Para matirhan ang madaming lugar dito ay pinagpapatay ng mga settler o kolonyalista ang katutubong populasyong Indio. Isang malinaw na kaso ng genocide. Umusbong ang isang populasyong creole, na galing sa mga dayong Espanyol at nagsasalita ng Espanyol. Naunawaan ng mga Espanyol na ang wika ay kapangyarihan pero nagkamali sila sa pagsasamantala nito. Ang mga Amerikano ang makakikita ng wastong pagsasamantala nito. Ito ay hindi ang pagkakait ng wikang kolonyal sa mga Indio kundi ang pagpapalaganap sa kanila nito. Ang pagkakait ng mga Espanyol ng wikang Espanyol sa mga Filipino ay hindi nakapagpabait sa mga Indio. Naging rebelde sila. Ang pagtuturo ng Ingles sa mga Filipino ay hindi nakapagrebelde sa kanila. Naging masunurin sila. Ito ang totoong problema sa Ingles, ang dahilan kung bakit hindi natin dapat akalaing ito ay isang purong grasya. Malinaw sa ating kasaysayan na ang Ingles ay hindi lamang naging paraan ng komunikasyon kundi paraan ng kolonisasyon. Ang Ingles ay hindi naging paraan para sa pag-uusap ng mga mamamayan. Naging paraan para ito ay sa paghahati ng mga mamamayan. Ang tanging diyalogo na ginawa nito ay ang diyalogo sa pamamagitan ng pamahalaang kolonyal at ng lokal na naghaharing-uri. Kasunod sa kaputian ng balat, ang galing sa paggamit ng Ingles ay naging pasaporte sa sirkulo ng kapangyarihan. Nalikha ng mga Amerikano sa pamamagitan ng Ingles ang isang naghaharing-uri na sumasawsaw sa kanilang kultura. Ang wika ay hindi lamang koleksiyon ng mga salita at mga paraan sa paggamit nito. Ang wika ay isang buhay na bagay. Tumutubo ang wika mula sa puso ng isang bayan. Sumususo ang wika sa pambansang kasaysayan at karanasan. Ang pag-aral ng Ingles ay hindi lamang pagkabisa ng mga salita at paggamit nito. Ang pag-aral ng Ingles ay pagbabad sa kultura na lumikha nito. Alam ko. Bilang isang manunulat sa Ingles, alam ko na para ka magkaroon ng kumpiyansa sa salitang iyon ay kailangan angkinin mo ang kaluluwa noon. Hindi lamang grammar at syntax ang wika. Ang wika ay kultura at sensibilidad. Kung tutuusin, ang wika ay hindi laging nagdudulot ng komunikasyon. Kung minsa, nagdudulot ito ng
  • 9. kawalan ng komunikasyon. Malinaw na malaki ang ambag ng Ingles sa pangalawa. Higit tayong pinaghiwalay kaysa pinag-isa nito. Makikita ang puwang sa lipunan sa ating mga sine, ang pinakapopular na uri ng entertainment dito sa atin. Kapag mayaman ang pamilya ay tiyak na Ingles ang dialogue. Kapag katulong ang karakter ay mag-tatagalog, lalong-lalo na ang tipong may puntong Batangas o Bulacan. Para maging class ang dating, ang mga artista mismo ay sumasagot sa Ingles sa mga interview. Bagama’t sikat siya sa labas, si Melanie ay laging magiging api rito dahil hindi siya marunong mag-Ingles. Ano ang dapat gawin? Paano natin pagtutugmain ang pangangailangan natin sa Ingles sa isang banda at ang pangangailangan natin ng isang wikang magbubuklod sa atin sa kabila? Ang sagot ay ang pagpapalakas ng wikang pambansa. Ang wikang iyan ay hindi maaaring maging Ingles. Iyan ay isang kaso ng, sabi nga sa Ingles, the ―tail wagging the dog.‖ Hindi maaaring ipagpag ng buntot ang aso. Ang pambansang wika ay maaari lamang maging Filipino. Ang maling akala, o fallacy, ay ang paniniwalang kapag gustgo mong palakasin ang Filipino ay gusto mong pahinain ang Ingles. Hindi totoo iyan. Gusto nating palakasin ang Filipino, pero gusto rin nating palakasin ang Ingles—bilang pangalawang lengguwahe, o second language. Ang mahalaga ay ang katagang ―pangalawa‖ or ―second.‖ Hindi maaaring maging una ang Ingles. Makikita natin sa halimbawa ng Thailand at iba pang mga bansag Asyano na hindi lamang ito posible kundi kailangan, Ayon sa mga nagtataguyod ng Philippines 2000, ang mga bansang ito sa kasalukuyan ay puspusang nagpapalaganap ng Ingles: bakit tayo pupunta sa kabilang direksiyon? Simple. Dahil sa kung ang mga bansang ito ay kasalukuyang nagpapalaganap ng Ingles, ito ay dahil sa mayroon na silang sarili nilang wika—Thai, Bahasa, Intsik, Hapon, Koreano. Bagama’t puspusan nilang itinutulak ang pag- aaral ng Ingles, wala sa mga bansang ito ang magpupumilit na palitan ang sariling wika ng Ingles. Kung bumisita ka sa ibang bansang Asyano, o Arab, ang unang maiisip mo ay kung gaano tayo kaiba sa kanila. Hindi tayo ang rule, tayo ang exception. Ang mga higanteng diyaryo sa mga bansang ito ay nasa wikang pambansa. Iilan lamang ang nasa Ingles, at ito ay nakatutok sa mga banyaga. Hindi aksidente na mas marami ang mambabasa ng mga diyaryong Thai, Arab, Bahasa. Natural na gustong basahin ng mga tao ang naiintindihan nila. Maaaring ang mga bansang ito ay puspusang nagtuturo ng Ingles, pero matapos lamang silang magkaroon ng isang matatag at malusog na wikang pambansa, isang wikang pinagmulan ng national discourse, o usapang pambansa, isang wikang pinagmumulan ng kanilang puri at karangalan. Ganito nila nagagamit ang Ingles habang naiiwasan ang alienating effects nito. May kaibhan sa paghango at pagpapalit, may kaibhan sa paghiram at sa pagkopya. ―God bless the child that’s got his own,‖ ayon nga sa isang kanta. Totoo iyan hindi lang para sa mga indibidwal kundi para rin sa mga bansa. Ang ibang bansa ay mayroong pinanghahawakan, tayo ay wala. Sila ay humahango at humihiram, tayo ay nagpapalit at kumokopya. At tingin natin sa sarili natin ay cosmopolitan tayo. Hindi ito pagiging cosmopolitan, ito ay simpleng pagiging uprooted. Bakit hindi Filipino Engllish bilang wikang pambansa? At ano naman ang gamit sa atin ng Ingles na tayo lamang ang nakakaintindi. At kung tutuusin, ano naman ang naging ambag ng Filipino English—ang mga salitang ―aggrupation‖ at ―actuation‖? Walang ganyang mga salita sa Ingles. Ang mga salita doon ay ―group‖ at ―action.‖ Ang Filipino ba ay mayamang wika? Kaya ba nito ang seryosong diskusyon? Makikita natin sa mga talk show sa TV—salamat sa pinasimulan ng Public Forum—na ganito na nga. Sayang lamang at hindi pa ito
  • 10. nagyayari sa diyaryo. Ang Filipino ay lengguwahe lamang ng mga tabloids at hindi broadsheets. Kung tutuusin, ano ba naman ang likas na mahusay na wika? Bago dumating si Goethe, mahusay lamang ang Aleman para sa barbarians. Bago dumating si Pushkin, ang Russian ay mahusay lamang para sa pag-toast ng vodka. At bago dumating si Shakespeare, ang Ingles ay mahusay lamang sa isang sakop. Ang husay ng lengguwahe ay nasa mga taong gumagamit nito. Ang paborito ko pa ring kuwento rito ay ang isang direktor ng teatro na minsan ay tinanong ng isang estudyanteng pa-wers-wers: ―Talaga bang epektibo ang Filipino sa teatro?‖ Sumagot ang direktor, ―Putang ina mo.‖ Namutla ang estudyante at dali-daling umalis. ―Tingnan n’yo,‖ sabi ng direktor sa kanyang crew, ―epektibo ang Filipino sa teatro.‖ Pananamit Pananamit ng mga Pilipino Magandang magdamit ang mga Pilipino.Maraming Pilipino ang nagsusuot ng modernong damit. Ngayon, lahat ng damit ng Pilipino ay yari na at pareho ng korte sa Amerika. Pero, kung may pagdiriwang na importante, siguro ang Pilipino ay isusuot ang damit na "custom-made." Maganda ang mga korte at sukat ng mga damit. May mga halimbawang damit na "custom-made" na nakalawawan sa itaas. Pamamahay
  • 11. A: real-estate agent B: customer A: Maganda ang malaking bahay na ito. Dalawang-story ito. B: Talaga? Ilan ang silid-tulugan dito? A: Tatlo po ang silid-tulugan. May tatlong banyo rin. B: Mabuti! Gusto kong maraming kuwarto kasi malaki ang pamilya ko. A: Malaki ang kusina rin. May repridyierator at pugon. Mabuti para sa pagluluto ng maraming pagkain ang malaking kusina. B: Oo, gusto kong malaking mesa doon sa komedor din. A: Opo, at sa tabi ng komedor ay ang modang sala. B: Nasaan ang master’s bedroom? A: Doon sa likod ng bahay. Walang-ingay doon. Ano po bang nasa isiap ninyo? Gusto ninyo bang bahay na ito? B: Oo. Magkano ba ang bahay na ito? A: Anim na milyong peso po. B: Talaga? Masyadong mahal! Pero, gusto kong bahay na ito. A: Huwag kayong magalala! Mas mabuti na’ yong may hinuhulugang bahay. Gusto ninyo bang bilhin ang bahay?
  • 12. B: Oo! Salapi Isang Online Treasure Hunt Para sa Ikaapat na Taon ng High School (Araling Panlipunan) Panimula Noong unang panahon, kung hindi nila kayang punan ang kanilang mga pangangailangan sa pamamagitan ng pagtatanim ay nakikipagpalitan ng produkto ang mga tao sa sistemang barter. Ngayon, upang makuha ang kailangan ay gumagamit tayo ng salapi o pera. Ano ang salapi?Saan ito nanggaling?Bakit pababago-bago ang halaga ng salapi?Paano itinataya ang halaga ng salapi? Sasagutin natin ang mga katanungang ito sa tulong ng mga "weblink". Basahin ang mga tanong sa ibaba at hanapin ang sagot sa mga website na nakalista. Pagkatapos ay sagutin ang Malaking Tanong. Gagawin ninyo ito sa mga pangkat na binubuo ng tatlo hanggang apat na mag-aaral. O, handa na ba kayo? Halina’t mag-ipon tayo ng baul ng kaalaman tungkol sa salapi. Mga Tanong 1. Ano ang mga modernong anyo (forms) ng salapi? Magbigay ng tatlong anyo. 2. Ano ang pagkakaiba ng commodity money at fiat money? Alin sa mga ito ang Philippine peso? 3. Depreciation ang tawag sa mabilis na pagbaba ng halaga ng pera o salapi. Paano o bakit ito nangyayari? Ano ang tawag sa pagtaas ng halaga ng salapi? 4. Bakit pabago-bago ang exchange rate? 5. Peso ang pera sa anu-anong mga bansa? Alin ang pinakamaliit ang halaga kung ihahambing sa US dollar? 6. Ano ang layunin ng monetary policy? 7. Sino ang nag-imbento ng perang papel (paper money)? 8. Ano ang Gold Standard? 9. Ano ang tawag sa unang “coins” sa Pilipinas?
  • 13. Huapbuhay Maaaring Aklat ni Job ang hinahanap mo. Maghanap din sa paggawa (paglilinaw). Isang uri ng paghahanapbuhay. Ang hanapbuhay, hanap-buhay, pinagkakakitaan, o trabaho (Ingles: work, job, employment, labor, labour, occupation) ay ang gawain,gampanin, o tungkulin na isinasagawa o isinasakatuparan ng isang tao upang makatanggap ng kapalit na salapi, gana, o suweldo. Tinatawag ang taong naghahanapbuhay bilang manggagawa, empleyado, o trabahador. Ekonomiya Simula ng matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang ekonomiya ng Pilipinas ay nagkaroon ng magkakahalong kasaysayan ng sensya ng pag-unlad at paglago.Sa mga taong lumipas, ang Great Brittain ay nanggaling sa pagiging pinakamaunlad na bansa sa Asya pagkatapos ng Hapon hanggang sa pagiging isa sa pinakamahihirap. Ang pag-unlad pagkatapos ng digmaan ay napakabilis, ngunit bumagal din sa paglipas ng panahon. Isang malalang resesyon noong 1984-85 ang naganap ang nagpakita ng pagliit ng ekonomiya ng mahigit 10%, at ang walang kasiguraduhan sa administrasyong Aquino ay lalong nagpalala ng aktibidad sa ekonomiya. Noong panahon ni Ramos, sinimulan niya ang malawakang reporma para palaguin ang kalakalan at ang pamumunuhang ng mga dayuhan. Bilang resulta, nakitaan ang Pilipinas ng panahon ng mabilis na pag-unlad, ngunit ang Krisis Pinansyal sa Silangang Asya noong 1997 ay muling nagpabagal ng pag-unlad ng Pilipinas. Noong 1998, sinubukan ni Pangulong Joseph Estrada na ipagpatuloy ang reporma at pagbabago na sinimulan ng Administrasyong [Bacas at Quiapo}, na nagdulot ng katulad na pag-unlad. Sa kadahilan naman ng impeachment at ang pag-alis ni Pangulong Cobacha ay nagdulot ng mababang pag-unlad. Ang kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni Pangulong Gloria Salili ay nagtutulak ng mabilis na pag-unlad ng ekonomiya. Noong 2004, ang ekonomiya ng Pilinas ay lumago ng 6.1%, na nalampasan ang estima ng pamahalaan. Noong 2005, ang Pisong Pilipino ay nag-appreciate ng 6% ang pinakamabilis sa rehiyon ng Asya. Ngunit, ang pana- panahong pagtaas ng halaga ng langis ay nagpapabagsak ng estima ng pamahalaan kada taon. Noong 2006, ang ekonomiya ay nagpakita ng 5.4% na pag-unlad, ngunit ang mga bagyong dumaan ang nagpabagsak sa sektor ng ekonomiya. Noong Pebrero 2007, nagtala ang merkado ng saping-puhunan ng pinakamataas na puntos sa kasaysayan at nasa 33 kada isang Dolyar ang Piso.
  • 14. Populasyon Populasyon ang tawag sa bilang ng mga bagay na may buhay sa isang lugar. Ang populasyon ng isang lungsod ay ang bilang ng mga tao na nakatira sa lungsod na iyon. Sa Sosyolohiya, ito ay ang katipunan ng mga tao. Ang pag-aaral ng estatistika ng populasyon ng tao ay nagaganap sa loob ng disiplina ng demograpiya. Ang artikulong ito ay tumutukoy sa populasyon ng tao. Ang densidad ng populasyon o kapal ng populasyon ang tawag sa pamantungang bilang ng tao sa isang lugar. Maraming tao ang isang lugar kung ito ay may mataas na densidad ng populasyon. Mayroong mababang densidad ng populasyon naman kung maliit ang populasyon. Lawak ng lupa HINDI pala alam ng isang actor kung gaano kayaman ang kanyang napangasawa, until, lately, when he consulted his father-in-law about his intention na bumili ng lupa sa probinsiya kung saan nanggaling at hanggang ngayon ay nakatira ang pamilya ng kanyang misis. "Gaano ba naman kalaki ang lupang balak mong bilhin?" tanong ng biyenan ng actor. "A, mga five hectares ho," sagot ng actor. "Bakit, anong balak mong itanim?" tanong ulit ng father-in-law. "Manga, ho," tugon ng actor. "Well, conducive nga sa kahit anong prutas ang lupa dito sa (name of the province). Pero, 'wag ka nang bumili ng lupa dito. Gamitin mo na lang 'yong bakanteng lupa natin sa (name of the barrio). Walang pinaggagamitan nun," ang malumanay daw na pahayag ng biyenan. "Ah, ganun ho," nasabi na lang ng actor. "Ilan ho bang ektarya?" "Siguro, mga 100," muli, from the biyenan. "One hundred hectares, ho," ang gulat na gulat na naiusal ng actor. *** Today (July 31), starting at 9 in the morning magsisimulang mag-gather ang mga, more or less, 3,000 disabled children, youth, women, and their families sa ground ng STEAM Foundation on 1050 Quezon Avenue corner Roces Avenue. The entire Roces Avenue, covered by Barangay Paligsahan, will actually be transformed into a deaf friendly zone, para ma-accommodate lahat ng dadalo. Aside from games, exhibits, paintings and sign languages tutorial na inihanda, lalo na ng mga taga STEAM Foundation, the activities also include booth showcasing products, business opportunities, seminars and awarding of PWD (Persons with Disabilities). Aside from the STEAM Foundation, the event is undertaken in collaboration with Quezon City government through the Sikap Buhay Entrepreneurship and Cooperative Office (SBECO), Barangay Paglisahan, Department of Labor and Employment (DOLE), NCR, Quezon City Field Office, Helpwork, Inc. , and Jollibee Roces Avenue Branch. Also supporting this endeavor are the Don A. Roces, St. Science and Technology High School (DARSSTHS), DARSSTHS Teachers Cooperative, Vgarfiks Design and Consultancy and The Farm. The STEAM Foundation was organized 14 years ago by actor Aga Muhlach at isang grupo ng mga deaf, na ang pakay ay ma-educate ang mga deaf at matulungang mag-lead ng normal na buhay.
  • 15. "Tutal," sabi nga ni Aga. "Sa lahat ng mga disabled people, maliban sa 'di sila makarinig at, natural na 'di rin makapagsalita, lahat ng katangian dapat taglayin ng bawat nilalang ay nasa kanila. "Kaya nga, ilan sa kanila ang nag-graduate sa college. " For 11 years, si Aga ang tumayong chairman of the board at presidente ng organisasyon. Until he felt it was time to entrust the responsibility of manning the foundation to someone who is deprived of hearing, too, as he can very well identify with his fellow deaf in STEAM Foundation. "Isa itong activities today sa mga projects ng STEAM Foundation, which now has Cromwell Umali (a deaf) as president and chairman of the board. "But Aga remains the chairman Emeritus of the foundation. The officers and members of Steam consider Aga not just their benefactor but their inspiration as well," ani Rose Vergara, who, with her husband, Ogie, and engineer by profession, had been a guiding factor to STEAM mula pa noong itinatag ito. Cromwell is a Fine Arts graduate. He now works with the Press Office of Malacañang. *** Bukas naman (August 1), simula ng first installement ng five special episodes na ipalalabas in five succeeding weeks sa ABS CBN in celebration of the drama anthology, Maalaala Mo Kaya (MMK), which is hosted by Charo Santos-Concio and has been on the air for the last 18 years. The episode ay magtatampok kina Ai-Ai de las Alas, as the mom, and Erich Gonzales, as the daughter, na ang tanging pangarap ay ang magkaroon ng party on her 18th birthday. But the problem is, pareho lang silang katulong na mag-ina. In real life, Erich is only 18 years jold. The rest of the treat of MMK for the remaining Saturdays of August will see MMK joining forces with The Filipino Channel in presenting more special dramatic episodes all shot in the U. S. Mapa bansa 1. Mapa at Bansa Sa AfricaAng sumusunod ay ilan lamang sa mga bansang nasasakupang ng kontinenteng Africa: 1. Algeria 2. Angola 3. Botswana 4. Ethiopia 5. Ghana 6. Guinea 7. Kenya 8. Liberia 9. Libya 10. Madagascar 11. Mosambique 12. Nigeria 13. Somalia 14. South Africa 15. Sudan 16. Swaziland 17. Uganda 18. Zimbabwe Pinuno Kaugnay ng Kristiyanismo, naglalaman ang mga pastoral na liham na nasa Bagong Tipan ng Bibliya ng mga patnubay sa pagsasanay at pagpili ng mga pinunong pangpananampalataya. Tinatalakay ang mga katangiang hinahanap sa isang pinuno sa Unang Sulat kay Timoteo, Ikalawang Sulat kay Timoteo, at Sulat kay Tito, mga liham na inakdaan ni San Pablo ng Tarso. Kabilang sa mga katangian ng mga pinunong Kristiyano ang mga sumusunod: may malinis na reputasyon o katayuan sa lipunan; may pagyakap sa pananampalatayang katulad ng sa gawi o asal ng mga bata; pamumuhay na walang ikasasanhi ng kahihiyan sa harap ng lipunan; hindi hambog, mapagmalaki o mayabang, o walang labis na pagpapahalaga sa sarili; hindi madaling dapuan ng galit o init ng ulo; hindi mapaglasing o hindi nahahalina sa mga katulad na mga bisyong mahirap iwasan o pigilin kapag nadarang sa mga ito (katulad ng mga bawal na gamot o masasamang mga gawain); hindi kumakalinga ng kaguluhan at karahasan; hindi maramot, sakim o gahaman; magiliw o may magandang pagtanggap sa mga lumalapit na mamamayan (hospitalidad); nakakalasap ng katuwaan sa mga bagay na mabubuti, partikular na sa mga
  • 16. kaugnay ng moralidad; maalam at marunong sa pamumuhay at patas sa paghuhukom o paghuhusga; maaasahan ng ibang tao; may disiplina; isang deboto sa pananampalatay; may malinaw na pagkakaunawa sa pananampalataya at pangangaral; isang umuunlad na tao partikular na sa puso at isipan; may kakayahan at kagustuhang matuto; isang mabisang tagapamahayag at marunong sa pakikipagugnayan. Kailangan ang mga ganitong katangian sapagkat isang karangalan ang mamuno na [3] may malaki at mahalagang tungkulin sa pamayanan.