• Compartir
  • Enviar por correo
  • Insertar
  • Me gusta
  • Guardar
  • Contenido privado
Dula  Ppt(Lesson Plan)
 

Dula Ppt(Lesson Plan)

on

  • 45,461 reproducciones

 

Estadísticas

reproducciones

reproducciones totales
45,461
reproducciones en SlideShare
45,359
reproducciones incrustadas
102

Actions

Me gusta
10
Descargas
987
Comentarios
11

3 insertados 102

http://www.leadlms.com.sg 90
http://www.slideshare.net 10
http://arleneestolas.blogspot.com 2

Accesibilidad

Categorias

Detalles de carga

Uploaded via as Microsoft PowerPoint

Derechos de uso

© Todos los derechos reservados

Report content

Marcada como inapropiada Marcar como inapropiada
Marcar como inapropiada

Seleccione la razón para marcar esta presentación como inapropiada.

Cancelar

110 de 11 anterior siguiente Comentar

  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Tu mensaje aparecerá aquí
    Processing...

110 de 11 anterior siguiente

Publicar comentario
Edite su comentario

    Dula  Ppt(Lesson Plan) Dula Ppt(Lesson Plan) Presentation Transcript

    • Dul a Faycan, Joy F. Mabanta, Rosemarie Gaile C. Tapuro Jharmagne Maria Amor B.
    • Introduksyon ng Aralin at Talakayan sa kahulugan ng dula. Kahulugan ng dula Kasaysayan ng dula Elemento ng dula Sangkap ng dula Uri ng dula Sangkap sa pagsusuri ng dula
    • Kahulugan ng Dula  Arthur Casanova  Ruth E. Mabanglo  Veneranda Lachica  Rubel  Edmund Burke  Schiller at Madame De Staele  Balmaceda  Consolacion Sauco
    • Kasaysayan ng Dula  Panahon ng Katutubo  Panahon ng Kastila  Panahon ng Hapon  Panahon ng Amerikano  Panahon ng Bagong Republika hanggang sa Kasalukuyan
    • Elemento ng Dula  Iskrip o nakasulat na dula  Gumaganap o aktor  Tanghalan  Tagadirehe o Direktor  Manonood
    • Sangkap ng Dula  Tagpuan  Tauhan  Kwento ng Dula Aspekto:  Diyalogo at Kilos  Banghay
    • Uri ng Dula 1. Parsa 2. Komedya 3. Melodrama 4. Trahedya 5. Saynete
    • Sangkap sa pagsusuri ng Dula A. TEMA at PAKSA B. TAUHAN C. BANGHAY D. KAISIPAN o PILOSOPIYA MULA SA DIYALOGO
    • Workshop sa paggawa ng skrip ng Dula
    • Faycan, Joy F. B.S.Ed- Fil. III Contact #: 09073015388 Email: zymixjhoy@yahoo.com
    • Mabanta, Rosemari e Gaile C. B.S.Ed-Fil 3 Contact #: 09077128845 Email: bhabymhyne_0622@yaho o.com.ph
    • Tapuro, Jharmagne Maria Amor B. B.S.Ed-Fil 3 Contact #:09302280579 Email: tjharmagne@yahoo.com
    • Arthur Casanova  Isa sa mga anyo ng panitikang naglalarawan ng mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ng kasaysayan ng bayan.
    • Ruth E. Mabanglo  Isang paglalarawan ng buhay, isang pangagagad sa buhay na binubuo ng mga tauhan
    • Veneranda Lachica  Isang uri ng akdang inilalarawan ng mga artista sa ibabaw ng tanghalan o entablado ang kaisipan at damdamin ng may-akda.
    • Rubel  Isa sa maraming paraan ng pagkukwento. Ito’y may tawag na hango sa salitang Griyego— Drama– nangangahulugang gawin o ikilos.
    • Edmund Burke  Siyang katotohanang maipalalagay na pinakarepublika ng isang buhay ng panitikan at an kanyang kasaysayan ay siyang kasaysayan ng kanyang bansa.
    • Schiller at Madame De Staele  Isang uri ng akdang may malaking bisa sa diwa at ugali ng isang bayan. Parang buhay na inilalarawan dito sa atin ang buti at sama ng isang bayan; ang mabuti ay upang pulutin at masama ay upang iwasan at di gawin.
    • Balmaceda  Isang mahalagang hiyas ng alinmang wika at katulong sa marahas ng pagbibigay ng uri at kislap ng alinmang panitikan.
    • Consolacion Sauco  Isang larawan ng buhay na sinasangkap ng wika, damdamin at sining. Ito’y sinusulat hindi upang sulatin at basahin lamang. Hinahabi ito upang itanghal, makaaliw, umantig ng damdamin at makapaghatid ng isa o higit pang mensahe.
    • Iskrip o nakasulat na dula  Pinakakaluluwa ng isang dula;  lahatng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip;  walang dula kapag walang iskrip
    • Gumaganap o Aktor  Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip,  sila ang nagbibigkas ng dayalogo  sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin  sila ang pinanonood na tuhan sa dula.
    • Tanghalan  Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan.  Angtawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula  Angsilid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.
    • Tagadirehe o Direktor  ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip  Siya ang nag-iinterpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.
    • Manood  Hindimaituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hind ito napanood ng ibang tao.  Hindiito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o manood.
    • Tagpuan  Sumasaklaw sa panahon at lugar/ pook na pinagyarihan ng aksyon  Kadalasan inilalarawan ito ng manunulat upang makatulong sa produksyon.  Ang kaligiran ay mahalaga upang makita ng mambabasa ang pinagganapan ng kuwento.
    • Halimbawa ng Tagpuan: Pamagat: Hiblang Abo ni Ruel Aguila Isang abuhing silid; semento ang inaamag na dingding. Busalsal ang pagkapalitada. May sapat na kamang kalawangin ang plehe; sa tabi ng bawat isa, may munting kabinet na kupas ang barnis. Sa umpisa ng dula, nakatiklop ang gapok ng kutson sa tatlong kama; bakanteng tatlong higaan. May tatlong bakante sa institusyon ng mga abandonadang matanda. Sa kanan, ibaba, may isang mesang kainan at apat na silya. Kupas at nagsisimula nang mabakbak ang pintura.
    • Tauhan  Sila ang gumaganap  Sa buhay nila umiinig ang mga pangyayari sa kuwento  Sila ang nagsasagawa ng kilos na ipinahihiwatig ng kanilang mga dayalogo.  Sa kanilang pagsasalita lumilitaw ang mga butil ng kaisipang ibig palutangin ng sumulat at sa kanilang mga kilos naipadarama ang damdamin at saloobin.  Inuuri ang mga tauhan ng dula bilang pangunahing tauhan o protagonist na siyang may suliranin sa dula.
    • Halimbawa ng tauhan: Pamagat: Hiblang Abo ni Ruel Aguila Mga tauhan: Huse– mananalaysay, 70 Sotero– dating magsasaka, 75 Blas– dating manggagawa, 70 Pedro– dating magsasaka
    • Kwento ng Dula  Maaaring bungang isip lamang o hango sa totoong karanasan.  Sa kasalukuyan, maaaring pagbatayan ang isang maikling katha o kaya ay nobela.  Mayroon din namang pagkakataon na ang orihinal na dula, maikling kwento o kaya ang nobela ay nagiging batayan ng pelikula o kaya’y dulang pantelibisyon.
    • a. Diyalogo at Kilos  Ang dramatikong diyalogo ay masining, pil at pinatindi batay sa sitwayon.  Di dapat kaligtaan ang pagiging natural sa pagsasalita.  Ang pagsasalita ay may sariling katangian—tiig, bigkas, diin, bilis, lawak.  Ang galaw ng kalamnan ng mukha, ng mga bisig, balikat, kamay at katawan hanggang paa mula pagpasok hanggang paglabas ng tanghalan ay mahalaga.  May mga pagkakataong imiinumungkahi ng manunulat ang mga galaw sa bawat mahahalagang dayalog na higit na makapagpapalutang ng mensaheng nais ihatid.
    • b. Banghay  Basehan ng kayarian  Pinapanood ang mga kilos o aksyon na sadyang pinag - ugnay-ugnay upang mabuo ito.  Masining na pagkakasunud-sunod ng magkakaugnay na pangyayari.  Hinahati-hati ang buong banghay sa mga yugto o bahagi at ang bawat yugto ay sa mga tagpo o eksena.  Gaano man kahaba o kaikli ang isang dula, dapat itong magtaglay ng paglalahad, suliranin, gusot at ang kawakasan.  Ang suliranin o ang gusot ay ang pagtaas na ng aksyon na kinakailangan malutas sa pagtutunggalian ng mga tauhan.  Ang huling bahagi ng dula ay ang resolusyon at wakas na bunga ng tunggalian ng mga tauhan o pwersa sa kapaligiran.
    • 1. Parsa Katangian: a. Nagdudulot ng katatwanan sa mga tagapanood b. Gumagamit ng eksaheradong pantomina, pagbobobo(clowning), mga nakakatawa, nakatutuwa, komikong pagsasalita na karaniwang isinasagawa sa mabilisan at di akmang layunin at si pagkakaunawaan. c. Ang mga sitwasyon ay di makabuluhan. d. Nagbibigay o nagpapakita sa ugali ng tao na walang kontrol.
    • 2. Komedya Katangian: a. Naglalahad ng isang banghay sa sitwasyong nakahihigit kaysa parsa, higit na seryoso at kapani-paniwala, ngunit hindi naman sobra. b. Ang mga tauhan ay makikita sa lipunan ng mga indibidwal; maaaring sila’y pagtawanan o makitawa sa kanila na may pansin sa kanilang kalagayan o suliranin. c. Isang dramatikong epekto na humihikayat sa pagbabago ng lipunan, sapagkat ito ay tunay na salaming sosoyal.
    • 3. Melodrama Katangian: a. Tumutukoy hindi lamang sa kawili-wiling misteryo, ngunit maging sa mga dulang may mapuwersang emosyon o damdamin na puno ng mga simpatetikong mga tauhan. b. Karaniwang gumagamit ng poetikong katarungan at humihikayat ng pagkaawa para sa mga propagandista at pagkamuhi para sa mga antagonista. c. Ito’y umaabot at sumasaklaw sa seryosong drama o dula na tinatawag na “drama” sa Ingles at sa tinatawag na dulang suliranin (problem play) na patungo sa trahedya.
    • 4. Trahedya Katangian: a. Kumakatawan sa mga tauhan na ang lakas n isip ay nakatuon sa kanilang kalikasan ng sariling moralidad at sila’y nagagapi sa mga puwersa o laban sa kanila. b. Ayon kay Aristotle, ang ganap na trahedya ay dapat gumagad sa mga kilos na nagkakaroon ng awa at takot. c. Ang pagkagapi ng trahikong protagonista ay di maiiwasan, di matatanggap, at nagkakabunga ng masakit na pagtanggi sa moral na imperpeksyon o kaya sa poetikong kawalang katarungan sa daidig.
    • 5. Saynete Katangian: a. Ang layunin ay magpatawa ngunit ang mga pangyayari ay karaniwan lamang. b. Ang mga gumaganap ay tau-tauhan at nasa likod ng telon ang mga taong nagsasalita. c. Ito’y mayroon ding awitin .
    • A. Tema at Paksa  Paksa- kung ano ang inilalahad sa dula halimbawa: Pag-ibig, panibugho, ambisyon  Tema- namamayaning pangkalahatang kaisipan sa dula. halimbawa: pag-ibig- maaaring magdulot ng kasawian sa mga taong nagmamahalan. panibugho- nagtutulak sa taong mawalan ng katinuan.
    • B. Tauhan Mga Paraan: 1. maaaring paghambi-hambingin ang mga tauhan. 2. maaaring maitulad sa tauhan n iba pang dula. 3. maaari rin sa pamamagitan ng kilos at pagsasalita ng tauhan sa loob ng dula. 4. maaaring ang pagiging makatotohanan ng mga tauhan.
    • C. Banghay Tao laban sa kanyang sarili Tao laban sa kapwa tao Tao laban sa kalikasan Tao laban sa kanyang Lumikha
    • D. Kaisipan o Pilosopiya mula sa diyalogo Tinig  Maaring maging sarkastiko, masaya, malungkot, atbp.