Barangay
Próxima SlideShare
Cargando en...5
×

¿Le gusta esto? Compártalo con su red

Compartir

Barangay

  • 7,599 reproducciones
Uploaded on

 

  • Full Name Full Name Comment goes here.
    ¿Está seguro?
    Tu mensaje aparecerá aquí
    Be the first to comment
    Be the first to like this
No Downloads

reproducciones

reproducciones totales
7,599
En SlideShare
7,599
De insertados
0
Número de insertados
0

Acciones

Compartido
Descargas
72
Comentarios
0
Me gusta
0

Insertados 0

No embeds

Denunciar contenido

Marcada como inapropiada Marcar como inapropiada
Marcar como inapropiada

Seleccione la razón para marcar esta presentación como inapropiada.

Cancelar
    No notes for slide

Transcript

  • 1. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo 1 Seksyon 1 Isang Pagtanaw sa Panahong bago ang Pananakop (Bago ang Ika – i6 na Siglo)Ano ang pangunahing kalagayang pansakahan ng mga panahong ito? Ang pangingisda, pangangaso at pagtatanim ng Ang ibig sabihin ng pang-ikinabubuhay palay ang mga pangunahing kabuhayan ng (subsistence) ay panahong ito. Ang mga ito’y ginagawa para sa pagpapakain; paggamit; layuning pang-ikinabubuhay. pagkaligtas Ipinapakita ng ilang dokumento o datos na ang paglilinang ng lupa o pagsasaka ay ginagawa sa dalawang paraan. Una, inihahanda ang lupa sa pagsusunog ng damong ligaw at sa pagtatanim (ito ngayon ay ang tinatawag na Kaingin o “slash and burn”) o ikalawa, ang pagsasaka muna ng lupa bago ang pagtatanim.May Konsepto ba ng pagmamay-aring indibidwal o pansarili sapanahong ito ? Walang konsepto ng pribado o indibidwal na pagmamay-ari sa panahong ito. Kadalasan ang lupa at ang mga kagamitang pansaka o tanim ay nasa pag-aari ng buong komunidad o “ barangay ” . Ang lupa ay tinatrato na pangunahing pinagkukunan ng yaman. Ang mga pinuno o datu (chiefs) ang namamahala ng lupa sa ngalan ng barangay. Ang mga yamang dagat, ang pangingisda at lupang pangangaso ay tinatrato ring yaman na may pang-komunidad na kalikasan. Ang Barangay ay isang bahagi ng gobyerno sa panahon bago dumating ang mananakop (pre-colonial). Ito ay isang komunidad na naka-base sa pamilya na binubuo ng 30 – 100 pamilya. Ito din ang salita o terminong batay sa salitang Malay na “ balangay “, isang bangkang lulan at nagdadala ng tao sa karagatan.TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
  • 2. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo2 Paano pinapairal ang pagmamay-aring pangkomunidad ? Naniniwala at ipinapatupad ng mga unang Stewardship – isang Pilipino ang “stewardship”. Kinilala ng mga konseptong tumutukoy sa Pilipino ang kahalagahan ng kaugnayan ng responsibilidad na alagaan at linangin ang tao at kalikasan. Kanilang nirespeto at isang pag-aari, yaman o prinotektahan ang lupa at yamang dagat. talento. Isa itong prinsipyo na nag- Kanila ring pinairal ang pag-aambag o uutos na ang gamit ng pakikihati ng yaman. Habang ang mga tao pag-aari, yaman at sa barangay ay hinahati ayon sa klase na talento ay hindi dapat kailanman abusuhin o may mga indibidwal na mga responsibilidad gamitin sa maling paraan. at tungkulin, lahat ay nakaka-abot at nakikibahagi sa bunga ng kanilang pagod o gawa. Walang sinuman ang walang pagkain o yaman, maging ano man ang kanilang klase/estado sa buhay. Mga Klase ng Pilipino sa ilalim ng Barangay Pinuno / Datu / Sultan – ang siyang pinuno ng barangay. Nasa kanya ang kapangyarihang maghati-hati at magpamudmod ng lupain na may pahintulot sa Kapulungan ng Nakakatanda (Council of Elders) . Maharlika o Malayang Pilipino - Malaya silang nakakapagsaka, ibenta ang kanilang mga ani nang hindi na humihingi ng permiso o magbayad ng parte kaninuman. Aliping Namamahay – Pinapayagan silang magkaroon ng sariling bahay, sakahin ang parsela ng lupa at magbigay ng parte ng ani sa Pinuno o Datu. Aliping Saguiguilid – Sila ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng kanilang maestro. Pinapayagan silang mabawi ang kalayaan sa pamamagitan ng sumusunod: pagpapakita ng di-pangkaraniwang tapang sa pagsasalba ng buhay ng kanilang maestro o ng kapamilya nito; pagpapakita ng malalim na katapatan at paggawa ng magandang serbisyo; at ang pagkamit ng estado sa pamamagitan ng pagpapakasal o pagtatamo ng yaman. TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
  • 3. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo 3Paano natin mailalarawan ang ekonomiya ng panahong ito? Nang mga panahong ito, hindi patungo sa kalakal at kita ang sistemang ekonomiya. Wala Kinship – tumutukoy pa ang kaperahan noon. Bigas o Palay ang siyang sa pamilya; relasyon ginagamit na pamalit-kalakal ng mga pamilya sa Barter Trade – loob ng barangay. Karamihan ng ani o pagpapalitan o produksyon ay inilalaan sa pampamilyang kalakal sa pangangailangan at upang magampanan ang pamamagitan ng mga bagay at hindi obligasyong pampamilya o komunidad (kinship). pera. Di naglaon, nakipagkalakal ang mga komunidad sa mga katabing tribo o nagdadaang barko, ito ang tinaguriang “ barter trade”. Ang mga Tsino, Hapon, at ilang nangangalakal na galing sa Europa ay nakipagpalitan ng mga mamahaling bagay (luxury items) para sa produktong agrikultura.Umiiral na ba ang sistemang paghahati ng ani ng mga panahong ito? Ang sistemang paghahati ay masasabing umiiral na. Mayroon ng sistema na kung saan ang ilang klase ng Pilipino (tulad ng mga alipin) ay nagsasaka ng bahagi ng lupa na pag-aari ng buong barangay at ibinibigay ang isang parte ng ani sa datu o pinuno ng barangay.Umiiral na ba ang Pagpapaupa (Lease) o Bentahan ng lupa sa panahongito ? Oo. Pinapakita ng ilang libro ng kasaysayan ang ilang pangyayari ng pagbebenta at pagpapaupa ng lupa. Ang “Code of Luwaran” ay isa sa mga pinaka-lumang batas ng lipunang Muslim na tumutukoy sa iba’t ibang saklaw/aspeto/larangan tulad ng pagmamana, diborsyo, usury, pagpapautang at karapatang pag-aari. May mga probisyon din ito patungkol sa pagpapaupa ng lupangTOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
  • 4. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo4 sakahan, ngunit wala itong mga probisyon sa pagtatamo, paglilipat, cession o pagbebenta ng lupa. Sinasabi naman ng “Maragtas Code” na ang pagbebenta ng lupa sa Isla ng Panay sa sampung (10) datu ng Borneo ay isang gintong salakot at mahabang gintong kwintas ang siyang naging kabayaran. Tinatayang ito lamang ang transaksyon sa lupa na naitala sa panahong ito. Paano naman ang kalagayan ng kababaihan noong panahon na ito ? Bilang mga manggagawa, ang kababaihan ay may kontrol sa kanilang pagtatrabaho at sa ani o kita. Hindi dumedepende ang mga kababaihan sa kalalakihan upang mabuhay. Ang kababaihan ay nagsaka, naging mga mandirigma, naging mga pinuno ng komunidad, tribo o relihiyon at pumasok sa kalakal. (Siglo Saka : A Century of Peasant Struggle and Contributions to Philippine Nationhood, Philippine Peasant Institute, 1998) TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
  • 5. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo 5 Seksyon 2 Ang Panahon ng Kastila: Ang Pagsisimula ng mga Problemang Pagmamay-ari sa Lupa (1521 – 1896)Ano ang ugat ng mga problemang pansakahan o agrikultural sapanahong ito ? Nang dumating ang Kastila sa Pilipinas, dala-dala nila ang konsepto ng lupaing pag-aari ng korona ng Espanya. Lahat ng lupa ay idineklarang pagmamay-ari ng hari ng Espanya. Ang resulta nito ay ang pagkawala ng karapatan ng mga Pilipino sa katutubong lupa.Ano ang “ pueblo agriculture “ at paano ito umusbong ? Ipinakilala ng pamahalaang kolonyal ang sistema ng sakahang “pueblo. Sa sistemang ito, inorganisa ang mga katutubong komunidad na maging pueblo at ang bawat naisa-Kristiyanong katutubong pamilya ay inatasang sakahin ang maliit na parsel ng lupa (apat hanggang limang ektarya). Pueblo – isang pansakahang komunidad kung saan ang simbahan, kumbento at “casa real” ay matatagpuan. Sa loob ng komunidad na ito matatagpuan ang mga lupang inatasang sakahin ng mga katutubong pamilya.Pinayagan ba ang mga katutubong pamilya na ariin ang lupang itinalagasa kanila sa sistemang pueblo ? Hindi. Ang mga pamilya ay hindi nagmamay-ari ng lupa (landowners), kundi taga-hawak/naninirikan sa lupa (landholders). Ayon sa batas hindi maaaring magmamay-ari o magbebenta sapagkat ang mga lupang ito ay pag-aari ng hari.TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
  • 6. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo6 Ayon sa mga mananalaysay, ang kawalan ng karapatan sa lupa at ang pagkawala ng kita sa ani sa dahilang pagbayad ng hati (tributes) ay nagpalusaw ng kanilang inisyatibong pagandahin ang pansakahang “pueblo”. Tributes – mga bahagi ng ani o kitang pansakahan at iba pang produkto tulad ng manukan at babuyan. Ang mga tributes ay kinulekta at binigay sa mga Kastilang may awtoridad na nakatalaga sa mga pueblo. Nagkaroon ba ng benepisyo ang sistemang pueblo sa mga katutubong Pilipino ? Nagkaroon ng benepisyo ang sistemang pueblo sa katutubo dahil sa mga sumusunod: Ang pamamahagi ng lupa ay pantay-pantay Walang mga sharecropper o nagbubungkal na walang lupa May bagong gamit at pamamaraan tulad ng paggamit ng kalabaw, araro na ipinakilala na siyang nagpaganda ng ani Anu-ano ang mga limitasyon ng sistemang sakahang pueblo ? Di naglaon, nagdulot ng malawak na hindi pagkakontento sa mga katutubo ang sistemang pueblo. Ang pataw ng Exaction – ito ay ang maling gawain sapilitang pagbabayad ng isang taong nasa awtoridad sa (exaction) o pagbibigay ng pagpipilit ng kabayaran o gantimpala sa kita ( tributes) ang siyang serbisyong kanyang ginawa. nagpabawas ng bahagi ng (Black’s law Dictionary, Ikalimang (5) mga katutubong Pilipino sa Edisyon) ani. Lalong pinahirapan ng mga abusadong prayle at ng sapilitang pagtatrabaho ang buhay ng mga katutubong Pilipino. TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
  • 7. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo 7Ano ang pinanggalingan ng Agricultural Tenancy at malawakangSakahang Hacienda sa Pilipinas ? Ang mga Kalupaang Prayle, Repartiamentos, at mga Encomienda ang nagdulot ng paglaganap ng agricultural tenancy at sistemang hacienda sa Pilipinas. Ang mga tao sa mga lugar na ito ay naging taga-bungkal at magsasaka. Ngunit wala naman silang karapatan sa lupa sapagkat sila’y nagtatrabaho para sa parte lamang ng ani. Kalupaang Prayle (Friar lands) - mga malalawak na kalupaang ipinagkaloob ng Korona sa mga samahan o korporasyong relihiyoso. Repartiamentos – mga lupang kaloob sa mga Kastilang military bilang pabuya sa kanilang serbisyo sa Koronang kastila. Encomiendas – mga malawak na lupaing kaloob sa mga Kastila upang pangasiwaan at paunlarin kasama ang karapatang tumanggap at magtamasa ng mga tributes mula sa mga katutubong naninirahan sa loob ng encomienda. Sa mga lupang kaloob na ito, ang karapatang pag-aari ay ginagawad sa mga tagapagmana ng mga encomienderos (caretakers) Tagapagmana– mga taong tagapagmana ng ari-arian, anuman ang klase nito. Sa pamamagitan ng batas, kanilang minamana ang karapatan sa ari-arian sa punto ng pagkamatay ng kanilang ninuno.Nakapagdulot ba sa pagpapalaganap ng mga problemang paupahan ngpanahong ito ang Kalupaan ng mga Prayle ? Oo. Ang mga Lupang Prayle ay ginamit sa mali at inabuso. Naging masahol na encomiendero ang mga prayle. Hindi nila sinaka o pina- unlad ang lupa. Pinaupahan nila ang mga lupa sa mga inquilino sa takdang taunang lupa. Inabuso naman ng mga inquilino ang kanilang posisyon. Inquilinos – mga nakakarangyang katutubo at mestizo na umupa ng mga malalawak na lupaing prayle o encomienderos at muling ipina-renta (sub- lease), isinangla, o ibinenta ang kanilang karapatan sa mga katutubong magsasaka. Sila ang umusbong na isa pang klase ng may-ari ng lupa.TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
  • 8. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo8 Nang gamitin ang mga lupaing prayle sa produksyon ng mga produktong pang-angkat, lalong nag-ibayo ang panlalamang at paggamit sa mga magsasaka. Karagdagan pa, tinaasan ang taunang renta at ang karagdagang ito ay kinuha sa bahagi ng ani ng mga magsasaka, at iniiwan silang nasa nibel ng kahirapan. Anu-ano ang mga mapang-aping gawain sa loob ng mga encomienda ? Bagama’t hindi naman ina-ari ng mga encomienderos ang lupang nasa kanilang poder, pawang mga may-ari ng lupa na rin sila na kinokolekta ang mga tribute mula sa mga tao sa encomienda. Di naglaon, ang mga tributes ay naging renta mula sa mga taong nakatira sa lugar. Ang sistemang “ compras y vandalas “ ang nagpilit sa mga Compras y Vandalas – (benta at bahagi / kota), isang sistema na tao sa encomienda na ginawang sapilitan ang pagbenta o magbenta ng mababang pagsuko ng mga agrikulturang ani ng halaga na siya namang mga magsasaka sa mga Kastilang nasa kapangyarihan. Kung minsan umaabot ibinenta ng mga ito sa pagkukumpiska sa dahilang ang encomiendero sa mas mataas kabayaran ay ayon sa kasulatan ng pagkakautang (promissory note) na kita. Ang mga taga encomienda ay kinakailangang magbigay ng personal na serbisyo sa publiko at relihiyosong gawain at magsilbing katulong sa bahay ng mga encomienderos. Gumamit ang mga encomienderos ng mga mapang-api at marahas na mga hakbang upang makuha ang mga tributes, bagay at gamit mula sa katutubo. TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
  • 9. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo 9Bakit maraming lupa ang napunta sa pag-aari ng iilang pamilya sapanahong ito ? Noong 1865, nagpalabas ang Hari ng Espanya ng isang batas na nagmandato sa mga may-lupa na ipatala o iparehistro ang kanyang pagmamay-ari. Dahil ang batas at mga dokumento ay nasa wikang Espanyol, maraming pamilyang magsasaka ang hindi nakapagpatala ng kanilang Caciques – mga pinunong lokal o kasapi lupain. sa mapapalad na klase na nabigyan ng karapatang Ang mga lupaing katutubo ay naipatala sa mangolekta ng mga tributes. Ginamit nila ang pangalan ng ibang tao, partikular ang mga kapangyarihan at posisyon pinagpala tulad ng mga caciques, upang abusuhin ang mga inquilinos, at mga tusong opisyal na magsasaka. Di naglaon, nakapagsamsam sila ng Kastila. Bilang resulta, ang mga aktuwal malalawak na lupain at na nagsasaka ay naitaboy sa mga lupang yaman. sinasaka ng ilang siglo o kaya’y napilitang maging magbubungkal.Sinuportahan ba ng Pamahalaan ng Madrid ang mga pang-aabuso atpang-aapi sa mga Pilipino ? Sa katunayan, sinubukang protektahan ng mga nasa awtoridad sa Madrid ang mga katutubo mula sa pang-aabuso ng mga makapangyarihang Kastilang opisyal na nakatalaga sa Pilipinas. Nagpasimula ito ng ilang pagbabago at nagbanghay ng ilang batas para maayos ang sistema. Subali’t, karamihan sa mga pagbabagong ito ay hindi nakatulong sa mga katutubong hindi nabahaginan ng kaalaman o binahaginan ng maling kaalaman. Kaya’t anumang pagbabago ay nagdulot ng karagdagang pang-aabuso. Ang mapang-abusong paghahati ng ani (crop sharing), ang mapang- aping sistemang (tribute) at upa ay nagpatuloy. Nagresulta ito sa isang mapang-abusong kalagayan ng pagmamay-ari ng lupa sa Pilipinas. Ang lahat ng ito naman ay nagtulak sa mga magsasaka na suportahanTOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
  • 10. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo10 at sumapi sa rebolusyonaryong Katipunan – isang pagkilos o ang Katipunan . Kung kaya’t sikretong ang mga magsasaka ang bumuo ng rebolusyunaryong kilusan pangunahing puwersa sa rebolusyong na inorganisa ni Andres Bonifacio noong 1896. Pilipinas noong 1896. Ano naman ang naging papel ng mga kababaihan sa rebolusyon ? Ang mga kababaihan ay gumanap ng importanteng papel sa pagpaplano at pagsasatupad ng mga gawain ng rebolusyon. Lumaban silang katabi at kasabay ng mga kalalakihan para sa kalayaan. Ano ang mahalagang kontribusyon ng mga Rebolusyonaryo upang masagot ang problema sa pagmamay-ari ng lupa ? Kinumpiska ng rebolusyonaryong pamahalaan ang malalawak na kalupaang pagmamay-ari, lalung-lalo na ang mga lupaing prayle at idineklara itong pag-aari na ng pamahalaan (Artikulo XVII, Saligang Batas ng Malolos, 1896). Sa anong paraan nagbago ang kalagayan o estado ng mga kababaihan ng mga panahong ito ? Ang Kastilang pananakop ay nagdulot ng pagbabago sa pagtingin, mga papel na ginampanan, at mga inaasahan sa mga kababaihan. Tinitingnan ng batas at kulturang Kastila ang mga kababaihan bilang mas mababa sa kalalakihan. Itinuturing silang mga ari-arian ng kalalakihan. Wala silang karapatang mag-ari ng sariling ari-arian. Ginamit sila bilang bayad-utang sa mga utang ng kanilang ama o asawa. TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
  • 11. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo 11 Seksyon 3 Ang Panahon ng Amerikano: Ang Pagkakataon para sa Reporma (1898 – 1935)Sinubukan ba ng Amerikano na ayusin ang kalagayan ng mgamagsasaka at umuupa sa lupa? Oo, nilayon ng mga Amerikano na tapusin na ang kaaba-abang kondisyon ng mga nag-uupang nagbubungkal at maliliit na magsasaka. Ilang batas ang ipinasa upang maayos ang depektibong sistema ng palupa at ang pagsasaayos ng pamamalagi sa lupa. Hinikayat ang mga maliliit at malayang may-ari ng lupa na bumuo ng mga samahan upang makapaglikha ng isang demokrasya sa Pilipinas at upang mapigilan ang paghawak at monopolyo ng mga cacique, malalaking may-ari ng lupa at mga kaanib nila sa lupa. Subali’t hindi lahat ng kanilang gawa ay nagbunga. Hindi rin nila lubusang napaganda ang kalagayan ng mga magsasaka.Ano ang direksyon ng polisiyang palupa sa panahon ng Amerikano ? Nilayon ng mga polisiyang palupa na palawakin ang lupa ng mga maliliit at ang paghati-hatiin ang lupang pag-aari sa mga mas nakakaraming magsasakang Pilipino.TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
  • 12. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo12 Ano ang di-sinasadyang negatibong resulta ng mga polisiyang palupa ng mga Amerikano ? Imbes na ayusin ang kalagayang pag-aari sa palupa, lalo nilang pinalala ito. Ang pag-aari ng lupa ay muling napunta sa mga kamay ng iilang tao at mas maraming lupa ang napasailalim sa sistemang paupa. Sapagkat, sa bentahan ng lupa, walang limitasyon na ipinataw sa laki ng lupa na pwedeng ariin ng isang tao. Karagdagan pa, tanging ang mga mayayaman lamang ang nakabili ng lupa at ipatala ito at nagtamo ng takdang titulo sa kanilang ari-arian. May ginawa ba ang mga Amerikano upang paunlarin o umareglo sa relasyong pananakahan ng may-ari ng lupa at magsasaka ? Bagama’t Oo. Sa katunayan ang mga Amerikano ang naisabatas na ang unang umayos sa sistemang partihan ng Act No. 4054 noong 1933, ang pagiging epektibo maylupa at magsasaka sa pamamagitan ng Rice nito ay sa panahon ng Share Tenancy Act of 1933 o Act No. 4054. administrasyon ni Pangulong Manuel L. Quezon Ano ang unang reaksiyon ng mga grupong pesante sa pagdating ng mga Amerikano ? Ayon sa ilang dalubhasa sa kasaysayan, ang mga samahang pesante ay nagkaroon ng mapagmasid at mapaghintay na pagtingin dito. Ito ay dahil sa kapagurang naranasan matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa panahon ng rehimeng Kastila. May ilang mga dalubhasa namang nagsasabi na naging aktibo ang mga pesante sa pag-oorganisa ng kanilang hanay sa mga unang taon ng Amerikano. TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
  • 13. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo 13Anu-ano ang mga balakid o pahirap na hinarap ng mga Amerikanonang sinubukan nilang magpakilala ng mga kagalingan sa lupang pag-aari at paupa ? Hindi nais ng Amerikano na galitin ang mga maylupa, sapagkat kailangan nila ang tulong Illustrado – nationalista – ng mga ito sa pagtatayo ng pamahalaang mga Pilipinong opisyal ng pamahalaan sibil sa Pilipinas. Sa dahilang ito, maingat silang nagpatuloy sa kanilang reporma. Karagdagan, ang mga ilustrado-nationalista ng mga panahong ito ay mas pinapahalagahan ang isyu ng kasarinlan o awtonomiya ng Pilipinas. Ang pagpapahalagang ito ay binigyang prayoridad kaysa sa pag-aayos o pagresolba ng usaping pag-aari sa lupa at ang kalagayang paupa.Paano tumugon ang samahang pesante sa pagpapa-walang bahala ngusaping pag-aari ng lupa at paupa ? Nagbunga sa malawakang pesanteng pag-aaklas at panlipunang kaguluhan ang pagpapawalang- Colorum / Sakdalista – mga kilusang binubuo ng bahala sa mga usaping ito. Sa mga taon ng 1920 armadong pesante at 1930, sumiklab ang aklasang Colorum na kumikilos sa Luzon at sa sinundan ng pagkalat ng aklasang Sakdalista . Sa Hilagang silangang Mindanao. mga taong 1930, nagsanib sa isang kolektibong kilusan ang militanteng samahang pesante at manggagawa laban sa pang-aabuso ng mga may-ari ng lupa. Dito isinilang ang Partido Komunista ng Pilipinas (Communist Party of the Philippines).Ano ang nangyari sa mga Lupaing Prayle sa panahon ng Amerikano ? Isang pangunahing kahirapan ang usaping lupaing prayle sa rehimeng Amerikano. Ang mga naglalawakang lupang ito ay sakop ng mga titulong inilabas ng rehimeng Kastila. Inobliga ng Treaty of Paris ang mga Amerikano na kilalanin ang mga titulong ito kaya’t naprotektahan ang interes ng mga prayle dito.TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
  • 14. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo14 Treaty of Paris – isang pormal na kasulatan tungkol sa paglilipat ng pangangasiwa sa Pilipinas at ibang bansa mula sa Espanya tungo sa Estados Unidos ng Amerika. May mga partikular na probisyon tungkol sa karapatang pagmamay-ari ng mga pribadong establisimiento, samahang relihiyoso at mga indibidwal na umiiral sa panahon ng Kastila. (Treaty of Paris , ika-10 ng Disyembre, 1898) Ang pinakamabisang solusyong inalok ay ang negosasyon para sa pagbili ng lupaing prayle at muling ibenta sa mga magsasaka sa sistemang hulugan. Ninais ng mga Amerikano na bilhin ang iba pang malalawak na lupain at muling ibenta sa mga umuupang magsasaka. Subali’t hindi ito nangyari. Bakit pinairal ng mga Amerikano ang sistemang Torrens sa pagpapatala ng lupa ? Dahil sa depektibong sistema ng pagpapatala ng lupa ng Kastila, halos 400,000 katutubong magsasaka ang wala pa ring titulo sa simula ng panahon ng Amerikano. Lalo itong pinalala ng kawalan ng mga datos at dokumento ng nailabas na titulo at maayos na surbey sa lupa. Upang bigyang lunas ang kalagayang ito, pinairal ang Torrens System ng pagpapatala ng lupa bilang kapalit sa sistema ng pagpapatala ng mga Kastila. Torrens System – tumutukoy sa sistema ng pagpapatala ng pamahalaan na ang layunin ay ang pagtatag at pagsertipika ng pagmamay-ari ng isang lupa at gawing simple ang paglilipat ng pag-mamay-ari nito. Ang Land Registration Act ng 1902 o Act No. 496, ang siyang nagpairal at tumukoy sa pagpapatupad ng sistemang ito. TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
  • 15. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo 15Ano ang Programang Homestead ng 1903 ? Pinapayagan ng Homestead Program ang isang masigasig na magsasaka na magtamo Public Domain (Lupang Pampubliko) – tumutukoy sa ari- ng di lalampas ng labing-anim (16) na arian na pag-aari ng publiko, ektarya para linangin mula sa malawak na para sa gamit publiko o ang lupang pampubliko. Ang Unang Public Land siyang eksklusibong pagmamay-ari ng estado na Act of 1903 o Act No. 926 ang nagpairal hindi para sa gamit ng lahat at tumukoy sa pagpapatupad ng (Philippine Law Dictionary, programang ito. Moreno)Bakit hindi naipatupad ang Programang Homestead sa buong bansa ? Pinairal lang ang programa sa ilang lugar ng Mindanao at Hilagang Luzon kung saan may mga lupang pampubliko na maaaring mahiwalay at maibenta (alienable and disposable).Paano nakaambag sa kalagayan ng mga Pilipina ang AmerikanongPananakop ? Sa panahong ito, pinairal ang pampublikong edukasyon sa mga kababaihan. Umabot din sila sa mas mataas na edukasyon. Ilan sa kanila ay naging mga guro. Ilan naman ay pinadala sa Estados Unidos para maging mga iskolar. Hinikayat ang mga kababaihan na bumuo at sumali sa mga samahang pangkababaihan. Di Suffrage (probilehiyong naglaon, nakamit nila ang pribilehiyong bumoto) –ay ang pribilehiyo bumoto (suffrage) nang ipinasa at na bumoto sa pampublikong pinirmahan ang batas sa pagboto ng eleksyon. (Black’s Law Dictionary, 5th Edition) kababaihan noong Disyembre 1933, na pinairal noong ika–1 ng Enero 1935 (kabanata XII, Kasaysayan: The Story of the Filipino People, Tomo VI, Under the Stars and Stripes).TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
  • 16. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo16 Nagsimula nang magtrabaho sa labas ng kanilang tahanan at naging parte ng pwersang paggawa ang kababaihan. Subali’t mas mababa ang sahod o binabayad o kaya’y nasa mas mababang posisyon sa pagawaan ang mga kababaihan. Dagdag dito ang pagtatayo ng mga base militar na nagdulot ng problemang panlipunan tulad ng prostitusyon. TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
  • 17. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo 17 Seksyon 4 Ang Panahong Komonwelt: Pag-aayos ng mga Kamalian (1935 – 1942)Ano ang naging kalagayan ng paupa at pagmamay-ari ng lupa sapanahong ito ? Naging pangkaraniwan ang matinding pagkakaiba ng buhay ekonomiko at pampulitika ng magsasaka at nagmamay-ari ng lupa. Habang yumayaman at lumalakas ang mga mayaman, ang mga magsasaka naman ay tinanggalan ng karapatan at naging mas mahirap. Dumami ang mga absentee landowners. Wala silang ipinakitang interes sa mga gawaing pagsasaka. Pinili nilang huwag manatili sa kanilang lupa, at sumubok ng kapalaran at opurtunidad sa mga lungsod. Iniwan nilang tiwangwang ang mga sakahan o sa pangangasiwa ng mga mapang-aping mga katiwala. Nagdulot ito ng mga haciendang di maayos at makatarungan ang pamamalakad. Ang maliit na lupang sinasaka ng pangkaraniwang magsasaka ay hindi sapat para sa ikabubuhay ng kanyang pamilya. Inako ng mga magsasaka ang mga matataas na multa, hindi makatarungang pagbubuwis at pautang. Lalo nitong pinalala ang kanilang kalagayang ekonomiko at lalong sinadlak sila sa kahirapan. Kulang ang sistema ng pautang at pagbebenta ng bigas. Dahil dito, ang mga magsasaka ay tumanggap ng di makatarungan at lubhang mababang presyo sa bigas. Kumalat ang mga aklasang magsasaka sa buong bansa.TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
  • 18. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo18 Ano naman ang paunang tugon ng pamahalaan sa mga hamong ito ? Sa ilalim ng pangangalaga ni Pangulong Quezon, natanto ng Paglilipat-tirahan (Resettlement) – tumutukoy sa libreng pagbabahagi ng pamahalaan na kailangan ng agrikulturang lupang pampubliko sa agarang pagpapatupad ng mga mga magsasakang walang lupa at repormang palupa. manggagawang bukid at upang hikayatin ang paglilipat sa mga lugar na hindi pa gaanong natitirahan para Katulad din ng Amerikano, palawigin ang produksyon, nakita ang pagbili ng mga pagkakaroon ng trabaho at itaas ang antas ng kabuhayan ng tao. Lupaing Prayle bilang posibleng paraan para masagot ang problema ng di-pantay na pagmamay-ari ng lupa. Nakita rin na ang programang Homestead ay maaaring magamit bilang isang malawakang programang paglilipat-tirahan (resettlement), kung maipapatupad lang na maayos. Anu-ano naman ang mga balakid na hinarap ng pamamahala ni Quezon ? Ang pagka-walang pakialam ng mga elitistang may-lupa ang siyang naging balakid sa pagpapatupad ng anumang hakbang na ipinanukala sa panahong Komonwelt. Siniguro ng mga may-ari ng lupa na siyang nasa Kongreso na hindi magiging matagumpay ang mga panukala. Dagdag pa rito, sumiklab na ang Ikalawang Pandaigdigang Digmaan bago pa masubukan ang anumang hakbang tungkol sa pagmamay-ari at paupa sa lupa. TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
  • 19. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo 19 Seksyon 5 Ang Pananakop ng Hapon: Paglaban sa mga Balakid (1942 – 1946)Anu-ano ang mga pangunahing suliranin ng ating kababayan nangpanahong ito ? Halos tumigil ang pagsasaka at produksyong industriyal dahil sa patuloy na digmaan. Karaniwan ang kahirapan at pagkasira ng ari- arian. Sa pangkalahatan, ang pangunahing suliranin ng panahong ito ay ang kasiguruhan: paano nila poprotektahan ang kanilang sarili, pamilya at kabuhayan: paano makakuha ng sapat na pagkain para sa kanilang pamilya.Anu-ano ang mga mahahalagang pangyayari tungkol sa lupang agraryosa pananakop ng Hapon ? Sa pagdating ng Hapon, dumami at lumakas ang mga samahang pesante at manggagawa. Isang gintong pagkakataon ang digmaan para ipakita ang inisyatibo ng tao at ang pagtulak ng mga programa para sa maralita. Sa ibang lugar nagpatupad ng de facto na programang reporma sa lupa ang mga HUKBALAHAP – Hukbong Bayan Laban sa Hapon. Isa HUKBALAHAP. Kanilang sinakop ang mga itong kilusan pesante na hacienda at ibinahagi ang lupa at ani nito binuo noong 1942 upang sa mga tao. lumaban sa mga hapon. Kanilang nakontrol ang malalawak na lugar sa Kung minsan, nagiging pribilehiyadong Gitnang Luzon kung saan nakaluklok ang kanilang klase ang mga magsasaka sa dahilang masang base. nadidikta nila ang presyo ng kanilang ani. Halimbawa, ang isang kaban ng bigas ay De Facto – ang umiral nang walang legal na awtoridad. maaaring ipalit sa isang piyano.TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN
  • 20. Kabanata 1: Paghayag sa mga Dahilan ng Problemang Agraryo20 Anu-ano ang mga naging karanasan ng ating kababaihan ng mga panahong ito ? Sinuportahan at pinagsalihan ng ilang malayang kababaihan ang kilusang gerilya at aklasan. Subali’t karamihan ng kababaihan ang nagkaroon ng nakaririmarim na karanasan sa dahilang sila’y ginahasa o kaya’y pinilit na maging “comfort women” ng mga tropang Hapon. Karamihan sa kanila’y dumanas ng matinding pagkawala ng nutrisyon at gutom. Ang takot at kawalan ng seguridad ang siyang nangunguna sa kanilang isipan. TOMO 2: REPORMANG AGRARYO:PAGBUBUKLAT NG MAKASAYSAYANG KAUTUSAN