1. Kolokyal
Sinasaklaw lamang nito ang isang tiyak na
bilang o grupo at lugar kung saan ginagamit
ang isang tiyak na lenggwahe. Tumutukoy ito
sa baryasyon ng isang lenggwahe na
ginagamit sa isang lugar subalit maaaring
hindi maunawaan sa ibang lugar dahil sa
pagkakaroon nito ng ilang modipikasyon dala
na rin ng interpretasyon ng mga taong
nagsasalita nito.
2. Balbal
Madalas ipinagpapalgay na ang balbal ay kauri rin ng
kolokyal. Subalit may magkaibang distinksyon ang dalawang
ito. Bagamat umiiral din ang balbal sa isang tiyak na lugar at
may mga tiyak na grupo na gumagamit nito,posibleng hindi
lahat ng nasa isang lugar ay nakauunawa ng mga balbal na
mga salita.
Halimbawa’y ang mga naninirahan sa “Tondo” na bagamat
iisa lamang ang komunidad na kanilang ginagalawan, hindi
lahat ng naninirahan dito ay nakauunawa sa lenggwahe ng
mga Bakla o Kanto Boys.
3. Kahulugang Konotatibo at Denotatibo
Ang kahulugang Denotatibo ay ang literal na kahulugan
ng isang salita na matatagpuan sa diksyunaryo. Habang
ang Konotatibo naman ay tumutukoy sa ekstrang
kahulugan na ikinakabit sa isang salita depende sa
intensyon (agenda) ng nagsasalita o sumusulat. May
mga salitang maaaring wasto ang pagkakagamit sa
usaping denotatibo subalit maaaring lumikha ng
tunggalian o kalituhan sa loob ng isang teksto.
4. Halimbawa’y ang salitang “ahas” na ang
kahulugang denotatibo ay isang makamandag
na hayop na gumagapang. Subalit kung
gagamitin ito sa pangungusap sa loob ng isang
teksto tulad ng “Inahas ni Florintino ang nobya
ni Dave na matalik niyang kaibigan”, ay ganap
na nawala ang kahulugang denotatibo sapagkat
iba na naging konotasyon ng salitang inahas sa
ahas.
5. Mga Tayutay
Isa sa mahalagang sangkap sa isang matalino, maganda
at epektibong pagsulat ay ang kasanayan sa paggamit
ng tayutay. Ayon kay Derrida, ang isang sulatin ay
walang permanenteng kahulugan sa kanyang sarili
dahil depende ito sa magiging interpretasyon ng mga
mambabasa. Sa puntong ito ay masasabing nawawala
ang literal na kahulugan ng isang salita.
6. Epektibong Pagsulat
Sa aklat ni Murrel Harris (2000) ay may
inihain siyang mga pamantayan upang maging
gabay sa epektibong pagsulat na nakapaloob sa
tinatawag niyang HOCs (Higher Order
Concerns)
7. 1. Layunin
Ang bawat manunulat ay may kaukulang
layunin sa kanilang pagsulat ng isang sulatin.
Maaaring ito ay upang mang-aliw, magbigay ng
impormasyon at mangumbinse, magturo at
magpaganap o magpatupad .
8. 2. Mambabasa
Walang sinuman ang sumulat ng para lamang
sa kanyang sarili. Layunin o pangarap ng bawat
manunulat na malathala o mabasa man lamang
ng iba ang kanyang mga naisulat. Kaya naman
isa sa pangunahing konsiderasyon na dapat
isaalang-alang sa pagsulat ay kung sino ang
babasa ng teksto.
9. 3. Pangunahing Ideya/Kaisipan
(Thesis Statement)
Ito ang pinaka-esensiya at sustansiya na
maaring mapiga ng mga mambabasa mula sa
isang sulatin. Ito ay isang maiksing pahayag na
binubuo lamang ng isa o dalawang
pangungusap.
10. 4. Organisasyon
Ang manunulat upang makatiyak na
makatutugon ayon sa kahingian ng kanyang
pangunahing ideya ay kinakailangan
magbalangkas (outlining) upang matiyak na
ang nilalaman ng bawat talata ay sumusuporta
rito at hindi lumilihis sa paksang tinatalakay.
Mahalaga ito para maging lohikal ang daloy ng
mga ideya at impormasyon at hindi malito ang
mga mambabasa.
11. 5. Debelopment
Tiyaking sapat ang mga detalye tulad ng pantulong na
ebidensya at impormasyon na sumusuporta sa
pangunahing ideya (thesis statement). Dito ay
maaaring magtanggal ng mga materyales na wala
namang direktang kinalaman sa paksa o ‘di naman
kaya ay magdagdag ng mga panibagong konsepto na
lalo pang magpapalakas sa pangunahing ideya na
makatutulong sa pagtamo ng layunin sa pagsulat.
12. 6. Haba ng Bawat Talata
Dapat ay magkakatulad ang haba ng halos lahat
ng talata sa buong komposisyon at hindi dapat
na ito ay umabot o omukupa ng isang buong
pahina. Ang masyadong mahabang talata ay
sadyang kinababa-gutang basahin ng mga
mambabasa.
13. 7. Transisyon sa Pagitan ng mga
Pangungusap at Tala
Kinakailangan na maging maayos ang ugnayan sa
pagitan ng bawat talata. Ang transisyong pangungusap
ang siyang nagpapakita ng kaugnayan ng isang talata sa
sinusundan nitong talata. Isa itong mahalagang
konsidirasyon na dapat bigyang pansin ng mga
manunulat dahil hindi lamang nito maaaring iligaw ang
mga mambabasa kundi maaari rin itong
makapagpahina sa nilalaman ng isang komposisyon o
teksto.
14. 8. Introduksyon (Panimula) at Kongklusyon
(Wakas)
Ang introduksyon ay dapat na nagbibigay ng motibasyon sa
mga mambabasa sa simula pa lamang upang makumbinsi
itong ipagpatuloy ang pagbabasa. Ang bahaging ito ay dapat
na maging kawili-wili at interesante upang makaakit ng mga
mambabasa.
Ang konklusyon ang nagbibigay hudyat na papalapit na ang
wakas at kinokondisyon ang isipan ng mga mababasa hinggil
sa nalalapit na wakas. Ang konklusyon ay maaring
maglaman ng mga mungkahi na gabay sa pagkilos o
pagpapasya ng mga mambabasa ayon sa mga inihaing
impormasyon o mga datos.
15. Mga Epektibong Istratehiya sa Muling
Pagsulat ng Burador
1. Ipabasa ang burador sa isang taong
mapagkakatiwalaan tulad ng guro, kaibigan,
magulang at maging bukas ang isipan para sa
kanilang mga mungkahi o puna.
2. Ilagay ang iyong sarili sa posisyon ng mga
mambabasa. Isaalang-alang ang mga nais nilang
malaman.
16. 3. Bagalan lamang ang pagbabasa (Proof Reading) nang
sa gayon ay maitanghal ang lahat ng mga posibleng
kamalian. Iwasan ang pagmamadali upang makita ang
maling bantas, baybay at kapitalisasyon.
4. Huwag lamang basta umasa o dumepende sa
“Thessaurus” ng kompyuter para sa awtomatikong
pagwawasto ng mga pagkakamali sa ispeling.
5. Itala ang lahat ng nakitang kamalian upang maging
batayan sa pagwawasto sa pangwakas na pagsulat.