FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
tulang Pilipino 'Hibik'
1. Hibik
I
O, kislap kong duyan ng tahanan
Umiirog ako sa kaakit – akit na sanlibutan
Gayuma mo’y mapusok na iniingatan
Pintig ng damdamin ko’y masulyapan
II
Ang ilog na umiindayog sa kariktan
Dagat na piging sa dakot ng labi’y maalat
Kagubatang luntian espasyo ng kahangaan
III
Modernong aliw dumampi sa salapi
Liwanag- pinaltan kislap at ningning
Eksplotasyong dayametro ang sakop
Tuwina sa paghanga napalitan ng pagdilim n halukipkip
Milyong tagak, masarap na G.G sa lutong sisidlan
Kapalit ng milyong dagok –
Pagpusakal sa inang kalikasan
IV
Kababayan ko. Sa makabagong henerasyon
Sansinukubang di – pansinin
Huwag sintahin ang kapabayaang nasimulan
Simpleng pananim ng berdeng dahon sa lupa
Isang bulalas na pag – asa ang pasimulain.