7. Makikita sa Talahanayan 11.1 ang plano ng mamimili. Ito ay
ang bilhin ang produkto, presyo nito at ang dami ng
bibilhin.
Sa Pigura 11.1 naman makikita ang graph ng ugnayan ng
presyo at dami ng demand.
Ang kurbang nabuo ay kurba ng demand ng indibidwal
(individual demand curve). Ipinakita nito na habang
bumababa ang presyo, dumadami ang produktong
handang bilhin, kabaligtaran naman ang mangyayari
kapag tumaas ang presyo ng produkto.
ITO ANG BATAS NG DEMAND
Tanging presyo lamang ang nakaaapekto sa pagbabago ng
demand at suplay samantalang ang ibang salik ay hind
nababago o nakaaapekto rito.
Samantala ang Market Demand ay ang pinagsama samang
demand ng bawat indibidwal sa isang produkto.
8.
9. PANLASA
Ang pagbabago ng produkto ang nakaaapekto
sa panlasa ng mga mamimili.
Halimbawa ay ang paglalabas ng Compact disc
o Cd nanagpababa sa mga cassette tape .
KITA
Ang pagtaas ng kita ay nakapagpataas ng
demand, ang pagbaba ng kita ay nakapagpapababa
din ng demand.
Halimbawa , sa pagtaas ng kita nagkakaroon
ng kakayahan ang mga tao na bumili ng mga
mamahaling produktro tulad ng kotse o bagong
mga appliance.
10. PRESYO NG KAHALILING PRODUKTO
Ang kahalili ng produkto ay yaong maaaring
gamitin kapalit ng produkto.
Halimbawa ay ang karne ng manok na maaaring
kahalili sa karne ng baboy. Kapag tumaas ang presyo
ng karne n g baboy tataas ang demand para sa karne
ng manok.
BILANG NG MGA MAMIMILI
Ang malaking populasyon ay nangangahulugan
ng maraming pangangailangan para sa mga kalakal at
serbisyo. Katumbas ito ng maraming bilang ng mga
mamimili, at ang pagdami nhg mga mamimili ay
magdududlot ng paglaki ng demand.
11. INAASAHAN NG MGA MAMIMILI
Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas
ang presyo ngh produkto sa hinaharap ,
daragdagan nila ang bibilihing produkto sa
kasalukuyan. Magdudulot ito ng pagbabago ng
bilang ng demand.
12.
13. 1. Ang pagsunod sa uso ay nakapagpapataas sa demand
na hahantong lamang sa pagtaas ng presyo ng
produkto. Mas makabubuti kung hindi sususnod agad
sa uso upang di magkaroon ng malaking pagbabago sa
demand.
2.Matutong tipirin ang kita. Ang labis na paggasta ay
hindi mainam lalo sa panahong mababa ang antas ng
produksyon dahil magdudulot ito ng pagtaas ng
presyo.
3. Ang pagkakaroonng maraming kahalili ay
maktutulong upang magkaroon ng maraming
pagpipilian na may mababang presyo.
4. Ang tamang paggasta at pagkonsumo ay
makatutulong upang maging matatag ang kalagayan
ng presyo sa pamilihan.
end~