1. ANG SISTEMA NG
PAGPAPAHALAGA NG MGA
PILIPINO
Presentasyon ni:
JAYSON S. HERNANDEZ
Guidance Counselor I
San Miguel National High School
2. Ang Pagpapahalaga (value) ay ang pamantayan sa
paghusga ng tama, kanais-nais o hindi karapat-dapat na mga
gawi at asal (DECS, 1988). Ang pamantayan ay galing sa
salitang ugat na pantay. Ito ay ginagamit upang suriin ang
kaangkupan ng beheybyor sa isang sitwasyon.
3. Ang pamantayan bilang sukatan kung kaibig-ibig o katanggap-tangap ang kalidad
ng mga bagay o beheybyor.
Labis (more)
Pamantayan: Tama
(standard) (right)
Kulang (less)
4. Ang patakaran sa pamantayan ay maging nasa tamang
katayuan sa pananaw ng madla. Ibig sabihin, ang beheybror ay
maaaring labis (more) o kulang (less). Ang nakalinyada ay
nangangahulugang kinakikitaan ng mabuting asal. Halimbawa,
ang nagbubuhat ng sariling bangko ay itinuturing na yabang at
ang napakamahiyain ay kulang. Ang isang taong matalino
ngunit hindi maipahayag ang sarili ay tinatawag na tanga.
Samakatuwid, ang kumikilos ng naaayon sa pamantayan ay
tinatanggap ng pangkat.
5. Ang apat na pamamaraan sa pagtingin ng
pamantayan
Ang pamantayan bilang kodigo ng
pagpapakahulugan (code of meanings).
Kinapapalooban ito ng panloob na kodigo upang
malaman, maunawaan, maranasan at maisalarawan ang
bumabalot sa paligid. Halimbawa, ang isang bagay ay
maganda dahil kinikilala at tinatanggap ang kalidad o
elemento nito sa ating kultura. Ibig sabihin, ang katangap-
tanggap sa atin ay maaaring hindi katanggap-tanggap sa
ibang kultura
6. Ito ang dahilan kung kaya’t nagkakaroon ng “culture shock” o
pagkabagabag sa kakulangang makibagay sa ibang kultura. Ito rin ang
dahilan kung bakit hindi katanggap-tanggap sa mga dayuhan ang mga
indihenong pagpapahalaga at katangian natin pati na din sa mga Pilipinong
lumaki sa ibang bansa. Ang resulta: namamali ang kanilang pagkaunawa sa
naobserbahang lokal na beheybyor. Samakatuwid, kinakailangan natin
ang higit na pang-unawa sa sistema ng pamantayan sa ating lokal na
kaalaman, paniniwala at mga kagawian dahil kung hindi ay maliligaw tayo
sa pagbibigay ng interpretasyon sa mga pagpapahalaga na labas sa
konteksto ng ating kultura.
7. Ang pamantayan bilang panloob na patakaran (internal rule).
Ito ay tumutukoy sa mga tradisyunal na prinsipyo at patakarang
gumagabay sa beheybyor. Ang mga patakarang ito ang nagiging
pamantayan sa kilos at gawi na nagiging prinsipyong pang-etika tulad ng
“paninindigan”. Kapag ang “paninindigan” ay malalim na pinahalagahan,
ito ay nagiging isang moral na ideyal tulad ng “karangalan” o honor.
Halimbawa, iniuugnay nating mga Pilipino ang pagpapahalaga sa sarili
kung tayo ay may malinis na pangalan, karangalan, kabutihang-asal,
kagandahang-loob, magandang kaugalian, kabaitan, mapagkakatiwalaan.
Ito ang nagiging sukatan ng kadakilaan (greatness).
8. Ang pamantayan bilang sistema ng pakikipag-ugnayan
(system of relationships).
Ito ay nagbibigay pagsasalarawan ng mga etikal at moral na mga aspekto
ng pamumuhay sa komunidad. Ang mga aspektong pang-intelektwal,
pang- emosyonal at pang-pisikal na mga beheybyor ay magkaka-ugnay
sa isa’t isa upang makapagbalangkas ng iisang piniling pakikipag-ugnayan.
Lahat ng ating ginagawa ay may kahalagahan. Nakikiisa tayo at
nakikipag-ugnayan batay sa katanggap-tanggap na pamantayan maliban
lamang kung tumataliwas tayo rito upang magkaroon ng pagbabago.
Halimbawa, ang kasabihan nating mga Tagalog na: “Ang taong nagigipit,
kahit sa patalim ay kakapit;” “Kapag ang tao ay naghihikahos, handa siyang
makikipaghamok” ay nangangahulugang anumang uri ng pagsubok ang
kaharapin, gagawin natin ang lahat para lamang malagpasan ito. Ang
pagpapahalaga para mabuhay (value of survival)
9. Mga Elemento ng Pamantayan:
HALAGA (Evaluative Core)
ASAL (Expressive Core)
DIWA (Spiritual Core)
10. Ang proseso ng pagkilala, pagtatalaga at pagtanggap sa halaga.