3. May Akda: Dr. Jose P. Rizal
Karugtong nobela: Noli Me Tangere
Wikang nakasulat(orihinal):Kastila
Nalimbag: Setyembre 22,1891
Inialay: Gomburza (Gomez,Burgoz,Zamora)
»Valentin Ventura
4. Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y
tagapayo ng Kapitan Heneral.
Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita
Basilio - kasintahan ni Juli.
Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka
na inaangkin ng mga prayle.
Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.
Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng
suliraning pampaaralan
Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.
Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
Padre Florentino - ang amain ni Isagani
Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta
Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang
Kastila
5. Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa
kilalang angkang may dugong Kastila
Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa
pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng
kagipitan.
Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga
mag-aaral
Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina;
tiyahin ni Paulita.
Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa
Pilipinas.
Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.
Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikano nagtatanghal sa perya.
Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.
6. Ang nobela ay nagsisimula sa isang paglalakbay ng isang bapor, ang Bapor Tabo.
Doon ipinakilala ang ilang tauhan ng nobela na si Simoun, Isagani, at Basilio.
Si Crisostomo Ibarra, ang bida sa Noli Me Tangere, ay nagbalik sa Pilipinas at
nagbalatkayo bilang isang mayamang alahero na nagngangalang Simoun. Taglay ang poot at
layong makapaghiganti at iligtas si Maria Clara sa kumbento, naglunsad si Simoun ng mga
plano upang bulukin at pahinain ang pamahalaan upang maging sanhi ng himagsikan.
Lihim at masinop siyang nagbalak at nakipagkuntsaba sa iba't ibang tauhan sa
nobela, kabilang na si Basilio. Una, binalak niyang manghimagsik at manggulo sa isang
pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Santa Clara upang agawin si Maria Clara.
Ngunit hindi natuloy ang planong ito sapagkat namatay nang hapong iyon si Maria Clara.
Pangalawa, nagkaroon ng pagkakataon si Simoun sa kasal ni Paulita Gomez at Juanito
Pelaez kung saan dadalo ang lahat ng makapangyarihan sa pamahalaan. Niregaluhan ni Simoun
ang ikinasal ng isang magarang lamparang may hugis granada na kasinlaki ng ulo ng
tao.Lingid sa kaalaman ng lahat, ang ilawang ito ay nagtataglay ng granada na kapag
itataas ang mitsa upang paliwanagin ay sasabog ito. Sa kasawiang palad at sa pangalawang
pagkakataon, hindi natuloy ang balak na ito ni Simoun sapagkat nalaman ni Isagani ang
maitim na balak na ito at mabilis na inihagis ang ilawan sa ilog.
Matapos ang pangyayari, namundok si Simoun dala ang kaniyang mga alahas at
nakipagkita kay Padre Florentino. Nangumpisal si Simoun at pinatawad naman ng pari. Uminom
si Simoun ng lason upang hindi mahuli ng mga guardia sibil na buhay. Nagwakas ang nobela
nang ihagis ng pari ang kayamanan ni Simoun sa dagat at umasang matatagpuan iyon at
magagamit para sa kabutihan ng taumbayan
7. Ang nasabing nobela ay pampulitika
na nagpapadama, nagpapahiwatig at
nagpapagising pang lalo sa maalab
na hangaring makapagtamo ng tunay
na kalayaan at karapatan ang bayan.