2. Paksa
Mambabasa
Layunin
Panahon sa pagsulat at haba ng
isusulat
Disenyo ng katha
3. Ang Kahalagahan ng Cyber Crime Law
Tungkol saan ba ang iyong
paksa?
Ano ba ang alam mo
tungkol sa paksang ito?
Ano ba ang iyong gagawin
sa paksang ito?
4. Sino ba ang babasa ng iyong katha?
Ano kaya ang nalalaman ng
mambabasa tungkol sa paksang iyong
isusulat?
Malawak ba ang kaalaman at
expiryensya ng taong babasa ng iyong
katha?
Ano ba ang iyong relasyon sa
mambabasa? Gaano ka-pormal o
impormal ang iyong pagsulat?
Ano ba ang gusto mong isipin ng
mambabasa pagkatapos niyang
basahin ang iyong katha?
5. LAYUNIN
Ano ba ang layunin na ipinahihiwatig
ng paksa?
Bakit ka ba sumusulat? Ano ba ang
gusto mong makamit sa kathang ito?
Paano mo ba maipapaabot sa mga
mambabasa ang iyong layunin?
6. TANDAAN:
ALAMIN ANG LAYUNIN NG IYONG
KOMPOSISYON
Mga layunin:
Upang pag-usapan ang isang punto o
opinyon
Upang ipaalam sa mga tao, upang ipabatid
sa kanila ang isang bagay
Upang magbigay kasiyahan sa mga
mambabasa
Upang magbigay ng kautusan
Upang magkwento ng istorya
Upang pag-isipin at pagtanungin ang mga
mambabasa
7. PANAHON SA
PAGSULAT AT HABA
NG ISUSULAT
Gaano ba kahaba ang iyong panahon sa
pagsulat? Paano mo ba ito matatapos sa
loob ng inilaang panahon?
Gaano ba kahaba ang iyong isusulat?
Anu-ano ba ang nararapat para sa iyong
paksa, mambabasa, at layunin?
8. Anu-anong disenyong pangretorika ang
maaring gamitin?
Paano mo gagamitin ang mga disenyong ito?
Anu-ano ang mga dapat tandaan sa
pagsulat?
9. MGA DISENYONG PANGRETORIKA
Pakahulugan
Pagsasabi kung saan nabibilang ang isang
bagay at kung ano ang ibig sabihin nito.
Halimbawa:
Ang Cyber Crime Law ay isa sa mga batas
na pinagtutuunan ng pansin ng mga Pilipino
ngayon. Ito ay nauukol sa mga makabagong
problema at kasong dulot ng pag-usbong ng
internet.
10. MGA DISENYONG PANGRETORIKA
Sanhi at Epekto
Pagsasabi kung ano ang nangyari (resulta),
kasama ang dahilan kung bakit ito nangyari
(sanhi)
Halimbawa:
Dahil sa “hacking”, marami sa mga
nagmamy-ari ng ATM ang nananakawan ng
pera nang hindi man lang namamalayan.
11. MGA DISENYONG PANGRETORIKA
Paghahalintulad
Paglalarawan ng mga pagkakatulad at
pagkakaiba sa pamamagitan ng dalawang
bagay.
Halimbawa:
Ang mga “hackers” ay mga magnanakaw din
dahil kinukuha nila ang hindi nila pag-aari.
Ngunit hindi tulad ng mga magnanakaw na
“personal” ang pagkuha ng mga bagay, ang
mga “hackers” ay gumagamit ng internet at
mga “codes”.
12. MGA DISENYONG PANGRETORIKA
Pagkasunud-sunod ayon sa panahon
Pagsasabi ng mga bagay sa ayos ng kanilang
pangyayari na naayon sa oras; mula sa
pinakabago hanggang sa pinakalumang
pangyayari, o mula sa pinakamaaga hanggang sa
pinakamatagal na pangyayari.
Halimbawa:
Si Roger ay isinilang sa lungsod ng Cagayan
de Oro. Lumaki siya kasama ang kanyang ama.
Nag-aral siya ng “Computer Programming”
pagdating sa kolehiyo. Pagkatapos niyang mag-
aral ay nakapag-asawa siya. Ngayon, si Roger ay
nagtatatrabaho bilang “Computer Programmer”
sa isang sikat na kompanya.
13. MGA DISENYONG PANGRETORIKA
Pagbaba ng kahalagahan
Paglsasabi ng impormasyon, sa ayos ng
importansya, mula sa pinakamahalaga hanggang
sa hindi gaanong mahalaga.
Halimbawa:
Ang Cyber Crime Law ay mahalaga upang
mapangalagaan ang karapatan ng tao, pangkat,
ahensiya o organisasyon. Naiibsan nito ang mga
iskandaloso at mahahalay na gawain sa internet.
Nakatutulong din ito upang madaling matugis ang
mga criminal.
14. MGA DISENYONG PANGRETORIKA
Pag-unlad sa pamamagitan ng halimbawa
Paglalarawan ng tungkol sa iyong isinusulat
sa pamamagitang ng pagbibigay halimbawa.
Halimbawa:
Maliban dito, marami ding kaso ng
prostitusyon, pornograpiya sa mga
kabataan, paninirang puri, pagbebenta
ng druga, iskandalo, at gawaing
terorismo na nagaganap sa cyberworld.
15. Kaugnayan ng mga Layunin at Disenyong Pangretorika
Mga Layunin Disenyong Pangretorika
Pagbaba ng kahalagahan;
Upang pag-usapan ang isang punto o paghahalintulad; sanhi at epekto;
opinyon pag-unlad sa pamamagitan ng
halimbawa
Pakahulugan; pag-unlad sa
Upang ipaalam sa mga tao, upang
pamamagitan ng halimbawa;
ipabatid sa kanila ang isang bagay
paghahalintulad
Upang magbigay kasiyahan sa mga pag-unlad sa pamamagitan ng
mambabasa halimbawa; pagbaba ng kahalagahan
Pagkasunud-sunod ayon sa panahon;
Upang magbigay ng kautusan
sanhi at epekto
Pagkasunud-sunod ayon sa panahon;
Upang magkwento ng istorya
sanhi at epekto
Upang pag-isipin at pagtanungin ang
Paghahalintulad, pakahulugan;
mga mambabasa
pagbaba ng kahalagahan
16. ANG INTRODUKSYON AT KONKLUSYON
Introduksyon:
Ang unang parapo na nagsasabi ng
pangunahing ideya at nagpapakita ng
nga pangunahing punto. (3-5
pangungusap)
Konklusyon:
Hulingparapo na muling nagsasabi ng
pangunahing ideya at nagbubuod ng
mga pangunahing punto. (3-5
pangungusap)
17. HALIMBAWA:
Introduksyon:
Ang Cyber Crime Law ay isa sa mga batas
na pinagtutuunan ng pansin ng mga
Pilipino ngayon. Ito ay nauukol sa mga
makabagong problema at kasong dulot ng
pag-usbong ng internet. Para sa akin, ito
ay mahalaga sa tatlong kadahilanan.
Konklusyon
Tunay ngang kailangan natin ang isang
batas na magpapatibay sa proteksyon ng
ating mga karapatan at pag-aari. Maganda
ang layunin ng Cyber Crime Law para sa
bawat tao. Dahil dito, naniniwala akong ito
ay mahalaga at nararapat lang na bigyan
ng sapat na atensyon.
18. KATAWAN
Ang katawan ang siyang nagbibigay ng malinaw na punto sa
sanaysay. Dito makikita ang mga halimbawa at iba pang susuportang
detalye upang maunawaan ng husto ang paksa at mapaabot ang
intensyon ng sumusulat sa mga mambabasa. (5-7 pangungusap
bawat talata)
Una, layunin ng Cyber Crime Law na pangalagaan nito ang karapatan ng
tao laban sa mga masasamang loob na gumagamit ng internet para
makapanloko ng iba. Pangalawa, ito ang naging batayan upang mabigyan ng
karampatang paglilitis at kaso ang mga “hackers” at “fraud” na hindi lang
namimeke ng aydentipikasyon kundi nagnanakaw pa ng pera sa mga
kompanya, at iba pa. Pangatlo, mahalaga din ito upang mapigilan o maibsan
ang lumalalang pornograpiya at iba pang mahahalay na mga larawan, video, at
iskandalosong materyal sa mga “social networks”. Halimabawa nito ang
nangyari kay Katrina Halili kung saan isiniwalat sa internet ang isang video na
kasama niya si Hayden Kho. Ito ay isang paninirang puri . Sa Cyber Crime
Law ito ay may karampatang proseso upang matunton at managot ang
nagpalaganap ng nasabing video.
19. ANG KAHALAGAHAN NG CYBER CRIME LAW
Ang Cyber Crime Law ay isa sa mga batas na pinagtutuunan
ng pansin ng mga Pilipino ngayon. Ito ay nauukol sa mga Introduksy
makabagong problema at kasong dulot ng pag-usbong ng internet. on
Para sa akin, ito ay mahalaga sa tatlong kadahilanan.
Una, layunin ng Cyber Crime Law na pangalagaan nito
ang karapatan ng tao laban sa mga masasamang loob na Katawan
gumagamit ng internet para makapanloko ng iba. Pangalawa, ito
ang naging batayan upang mabigyan ng karampatang paglilitis at
kaso ang mga “hackers” at “fraud” na hindi lang namimeke ng
aydentipikasyon kundi nagnanakaw pa ng pera sa mga kompanya,
at iba pa. Pangatlo, mahalaga din ito upang mapigilan o maibsan
ang lumalalang pornograpiya at iba pang mahahalay na mga
larawan, video, at iskandalosong materyal sa mga “social
networks”. Halimabawa nito ang nangyari kay Katrina Halili kung
saan isiniwalat sa internet ang isang video na kasama niya si
Hayden Kho. Ito ay isang paninirang puri . Sa Cyber Crime Law ito
ay may karampatang proseso upang matunton at managot ang
nagpalaganap ng nasabing video.
Tunay ngang kailangan natin ang isang batas na magpapatibay
sa proteksyon ng ating mga karapatan at pag-aari. Maganda ang Konklusyo
layunin ng Cyber Crime Law para sa bawat tao. Dahil dito, n
naniniwala akong ito ay mahalaga at nararapat lang na bigyan ng
sapat na atensyon.
20. SUBUKAN NATIN:
Paksa:
Ang Aking Pananaw sa Cyber
Crime Act
Mambabasa:
Guro
Evaluators
Layunin:
Upang pag-usapan ang isang punto
o opinyon
Disenyo: Pagbaba ng kahalagahan;
paghahalintulad; sanhi at epekto; pag-
unlad sa pamamagitan ng halimbawa