SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 1
Bangkang Papel ni Genoveva Edroza Matute
Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunodang pag-ulan.Alam
nilang kapag iyo’y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang
tigil ang pag-ulan. Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpokat
inilulubog, nariyang winawasak. Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabaliksa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang
batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman... Isang batang lalaking nagising sa
isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat. Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya’y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang
natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon.Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang noon ay wala nang ingay na
pumapatakmula sa kanilang bubungan. Sa karimla’t pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid
na silahis. Hindi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay ang biglang pagliliwanag. Gulilat siyang nagbalikwas at
hinanap nang paningin ang kanyang ina. Nagsunud-sunodang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang paggulong ng mga
iyo’y sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli.Samantala’y patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang
bubungan, sa kanilang paligid, sa lahat ng dako. Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan. “Inay, umuulan,
ano?” “Oo, anak, kangina,” anang tinig mula sa dulo ng hihigan. “Inay,” ang ulit niya sa karimlan, “dumating na ba ang Tatay?” Sumagot ang
tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kaya’t itinaas niya nang bahagay ang likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabi;y naroon ang
kapatid na si Miling. Sa tabi nito’y nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila naman nito’y nakita niya ang banig na walang tao. Ibinaba
niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis ng lamig ng kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni milng ay
hinila niya ang kumot at ito’y itinakip sa sariling katawan. Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi pagkilos.
Naaawa siya kay Miling kaya’t ang kalahati ng kumot ay ibinalot sa katawan niyon at siya’y namaluktot sa nalabing kalahati. Naramdaman niya
ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya ang kanag kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya ang sahig.
Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling ipinasokmuli sa kumot. “Inay,” ang tawag niyang muli, “bakit wala
pa si Tatay? Anong oras na ba?” “Ewan ko,” ang sagot ng kanyang ina. “Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang
ginawa mo.” Natuwa ang bata sa kanyang narinig. Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki’y malalaki’t matitibay...hin di masisira ng
tubig. Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksiksa pagitan ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa
pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo’y ipinatong
sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita: “Siya, matulog ka na.” Ngunit ang bata’y hindi natulog. Mula sa malayo’y naririnig n iya ang hagibis ng
malakas na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon. “Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi,” ang kanyang nasabi. Naalala niyang
may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama. “Saan natutulog ang Tatay kung hindisiya umuuwi rito?” ang tanong niya sa kanyang ina.
Ngunit ito’y hindi sumagot. Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay hindi niya makita.
Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw ay ito. Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod
ng baha sa kanilang tapat... At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang pangrap ng batang yaon, ang panahon ay patuloy
sa pagmamasungit. Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa pananahimikat pag-uumugong, sa pagbabata ng
walang awing hampas ng hangin at ulan... Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga bangkang papel ay dumating...Ngunit
kakaibang kinabukasan. Pagdilat ng inaantokpang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa hihigan. Naroon ang kumot at unan ni Miling
at ng kanyang ina. Pupungas siyang bumangon.Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang yao’y si
Aling Berta, ang kanilang kapitbahay. Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa. Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok.
Gising na gising ang kanyang ulirat. Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Alng Ading, si Feli, at si Turing, si Pepe.
Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao. Nahihintakutang mga batang humanap kay kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon
nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhoknito ay walang
tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina.Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit ang mga mata
noo’y hindi pumupikit, nakatingin sa wala. Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong. “Bakit, Inay, ano ang
nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito?” Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo’y patuloy sa hindi
pagsikap. Ang kamay noo’y patuloy sa paghaplos sa buhokni Miling. Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang
pag-uusap nila’y biglang natigil nang siya’y makita. Wala siyang narinig kundi...“Labinlimang lahat ang nangapatay...” Hindi niya maunawaan
ang ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyakni Aling Feli nang siya ay makita. Sa
pagitan ng mga hikbi, siya’y patuloy sa pagtatanong... “Bakit po? Ano po iyon?” Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niya’y nanatiling
pinid ang labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat o kaya’y hinahaplos ang kanyang buhokat wala na. Hindi niya matandaan kung gaano
katagal bago may nagdatingan pang mga tao. “Handa na ba kaya?” anang isang malakas ang tinig. “Ngayon din ay magsialis na kayo. Kayo’y
ihahatid ni Kapitan Sidro sa pookna ligtas. Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw sila’y papasokdito... Kaya’t walang maaaring
maiwan.” Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari. Sila’y palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang kapitbahay,
ang maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan. Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang
bagay. Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa sagupaanng mga kawal at taong-bayan. Nag-
aalinlangan, ang batang lalaki’y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa paghakbang. “Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang
Tatay? Bakit? Bakit?” Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa kanyang mukha. Pagkatapos, sa isang
tinig na marahang-marahan ay nagsalita. “Iyon din ang nais kong malaman, anakm iyon din ang nais kong malaman.” Samantala... Sa bawat
hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan. Ang
gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mga bangkang papel – ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa
kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na humalili’y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon.Kaya nga ba’t
sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabaliksa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong
malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman.

Más contenido relacionado

La actualidad más candente

Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling KwentoMga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling KwentoManuel Daria
 
Awiting Pambata (Lyrics)
Awiting Pambata (Lyrics)Awiting Pambata (Lyrics)
Awiting Pambata (Lyrics)LadySpy18
 
Suliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiranSuliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiranRoije Javien
 
Uri ng Maikling Kwento
Uri ng Maikling KwentoUri ng Maikling Kwento
Uri ng Maikling KwentoCacai Gariando
 
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)Jenita Guinoo
 
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasaMaikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasaNeri Zara
 
Pagbabagong morpoponemiko
Pagbabagong morpoponemikoPagbabagong morpoponemiko
Pagbabagong morpoponemikoAllan Ortiz
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2Jenita Guinoo
 
Domain2 linguisticsoftl
Domain2 linguisticsoftlDomain2 linguisticsoftl
Domain2 linguisticsoftlrej_temple
 
Region 6 ( Kanlurang Visayas )
Region 6 ( Kanlurang Visayas )Region 6 ( Kanlurang Visayas )
Region 6 ( Kanlurang Visayas )Ma. Jessabel Roca
 
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in FilipinoElehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in Filipinoanalyncutie
 
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Juan Miguel Palero
 
Uri ng panitikan
Uri ng panitikanUri ng panitikan
Uri ng panitikanSCPS
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)faithdenys
 

La actualidad más candente (20)

Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling KwentoMga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
 
Awiting Pambata (Lyrics)
Awiting Pambata (Lyrics)Awiting Pambata (Lyrics)
Awiting Pambata (Lyrics)
 
Suliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiranSuliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiran
 
Uri ng Maikling Kwento
Uri ng Maikling KwentoUri ng Maikling Kwento
Uri ng Maikling Kwento
 
Tula
TulaTula
Tula
 
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
 
Sanaysay
SanaysaySanaysay
Sanaysay
 
Bangkang papel
Bangkang papelBangkang papel
Bangkang papel
 
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasaMaikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
 
Pagbabagong morpoponemiko
Pagbabagong morpoponemikoPagbabagong morpoponemiko
Pagbabagong morpoponemiko
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
 
Ang ama
Ang amaAng ama
Ang ama
 
Domain2 linguisticsoftl
Domain2 linguisticsoftlDomain2 linguisticsoftl
Domain2 linguisticsoftl
 
Region 6 ( Kanlurang Visayas )
Region 6 ( Kanlurang Visayas )Region 6 ( Kanlurang Visayas )
Region 6 ( Kanlurang Visayas )
 
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in FilipinoElehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
 
Mga Katutubo sa Pilipinas
Mga Katutubo sa PilipinasMga Katutubo sa Pilipinas
Mga Katutubo sa Pilipinas
 
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
 
Uri ng panitikan
Uri ng panitikanUri ng panitikan
Uri ng panitikan
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
 
Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
 

Destacado

Paper boat (bangkang papel)
Paper boat (bangkang papel)Paper boat (bangkang papel)
Paper boat (bangkang papel)Patricia Laxa
 
Ang babaing pulubi ng locarno
Ang babaing pulubi ng locarnoAng babaing pulubi ng locarno
Ang babaing pulubi ng locarnoglevsie
 
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozabangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozaBay Max
 
Genoveva edroza matute
Genoveva edroza matuteGenoveva edroza matute
Genoveva edroza matuteApril Gonza
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoDenni Domingo
 
Bahagi ng balangkas kwento
Bahagi ng balangkas  kwentoBahagi ng balangkas  kwento
Bahagi ng balangkas kwentoAlma Reynaldo
 
Hector beverages’ paper boat
Hector beverages’ paper boatHector beverages’ paper boat
Hector beverages’ paper boatAkash Sharma
 
Balangkas ng maikling kwento 1
Balangkas ng maikling kwento 1Balangkas ng maikling kwento 1
Balangkas ng maikling kwento 1Janette Diego
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Kuwentong Pambata
Kuwentong PambataKuwentong Pambata
Kuwentong Pambatagenbautista
 
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)arseljohn120
 
Behavioral Objectives in Filipino
Behavioral Objectives in FilipinoBehavioral Objectives in Filipino
Behavioral Objectives in Filipinoedwin53021
 
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong LipunanPanitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong LipunanMi Shelle
 

Destacado (20)

Paper boat (bangkang papel)
Paper boat (bangkang papel)Paper boat (bangkang papel)
Paper boat (bangkang papel)
 
Ang babaing pulubi ng locarno
Ang babaing pulubi ng locarnoAng babaing pulubi ng locarno
Ang babaing pulubi ng locarno
 
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozabangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
 
Genoveva edroza matute
Genoveva edroza matuteGenoveva edroza matute
Genoveva edroza matute
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 
Maikling kuwento
Maikling kuwentoMaikling kuwento
Maikling kuwento
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
Paper Boat
Paper BoatPaper Boat
Paper Boat
 
Bahagi ng balangkas kwento
Bahagi ng balangkas  kwentoBahagi ng balangkas  kwento
Bahagi ng balangkas kwento
 
Hector beverages’ paper boat
Hector beverages’ paper boatHector beverages’ paper boat
Hector beverages’ paper boat
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
Balangkas ng maikling kwento 1
Balangkas ng maikling kwento 1Balangkas ng maikling kwento 1
Balangkas ng maikling kwento 1
 
Ang magkaibigan
Ang magkaibiganAng magkaibigan
Ang magkaibigan
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
 
Kuwentong Pambata
Kuwentong PambataKuwentong Pambata
Kuwentong Pambata
 
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
 
Behavioral Objectives in Filipino
Behavioral Objectives in FilipinoBehavioral Objectives in Filipino
Behavioral Objectives in Filipino
 
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong LipunanPanitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
 
Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikan
 
Item analysis
Item analysis Item analysis
Item analysis
 

Similar a Bangkang papel ni genoveva edroza matute

Similar a Bangkang papel ni genoveva edroza matute (20)

Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
 
Maikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang MarkahanMaikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang Markahan
 
Haen ka na totoy
Haen ka na totoyHaen ka na totoy
Haen ka na totoy
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
 
Ang pasaway na palaka
Ang pasaway na palakaAng pasaway na palaka
Ang pasaway na palaka
 
Aralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampid
Aralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampidAralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampid
Aralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampid
 
Nobela - kamalayang walang dangal
Nobela -   kamalayang walang dangalNobela -   kamalayang walang dangal
Nobela - kamalayang walang dangal
 
Ang Alamat ng Alingawngaw
Ang Alamat ng AlingawngawAng Alamat ng Alingawngaw
Ang Alamat ng Alingawngaw
 
banyaga-ni-liwayway-arceo
banyaga-ni-liwayway-arceobanyaga-ni-liwayway-arceo
banyaga-ni-liwayway-arceo
 
Aralin sa filipino 7 unang markahan-solampid
Aralin sa filipino 7  unang markahan-solampidAralin sa filipino 7  unang markahan-solampid
Aralin sa filipino 7 unang markahan-solampid
 
2014 3rd gp akda
2014 3rd gp akda2014 3rd gp akda
2014 3rd gp akda
 
Longing Bliss First Draft.docx
Longing Bliss First Draft.docxLonging Bliss First Draft.docx
Longing Bliss First Draft.docx
 
Nobela
NobelaNobela
Nobela
 
My First Slideshared :)
My First Slideshared :)My First Slideshared :)
My First Slideshared :)
 
YUMAYAPOS-ANG-TAKIPSILIM.docx
YUMAYAPOS-ANG-TAKIPSILIM.docxYUMAYAPOS-ANG-TAKIPSILIM.docx
YUMAYAPOS-ANG-TAKIPSILIM.docx
 
Screening Phil IRI Grades 5 and 6.docx
Screening Phil IRI Grades 5 and 6.docxScreening Phil IRI Grades 5 and 6.docx
Screening Phil IRI Grades 5 and 6.docx
 
Ang ama
Ang amaAng ama
Ang ama
 
Ang kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusaAng kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusa
 
"Titig" - Danny Boy Velez
"Titig" - Danny Boy Velez"Titig" - Danny Boy Velez
"Titig" - Danny Boy Velez
 

Más de Jeremiah Nayosan

Detailed lesson plan in grade 7
Detailed lesson plan in grade 7Detailed lesson plan in grade 7
Detailed lesson plan in grade 7Jeremiah Nayosan
 
Detailed lesson plan in biology mary
Detailed lesson plan in biology   maryDetailed lesson plan in biology   mary
Detailed lesson plan in biology maryJeremiah Nayosan
 
A detailed lesson plan in teaching literature secondary
A detailed lesson plan in teaching literature secondaryA detailed lesson plan in teaching literature secondary
A detailed lesson plan in teaching literature secondaryJeremiah Nayosan
 
A detailed lesson plan in science i (secondary)
A detailed lesson plan in science i (secondary)A detailed lesson plan in science i (secondary)
A detailed lesson plan in science i (secondary)Jeremiah Nayosan
 
A detailed lesson plan in reading for grade 10
A detailed lesson plan in reading for grade 10A detailed lesson plan in reading for grade 10
A detailed lesson plan in reading for grade 10Jeremiah Nayosan
 
A detailed lesson plan in english iii (secondary)
A detailed lesson plan in english iii (secondary)A detailed lesson plan in english iii (secondary)
A detailed lesson plan in english iii (secondary)Jeremiah Nayosan
 
Detailed lesson plan in english ii
Detailed lesson plan in english iiDetailed lesson plan in english ii
Detailed lesson plan in english iiJeremiah Nayosan
 

Más de Jeremiah Nayosan (7)

Detailed lesson plan in grade 7
Detailed lesson plan in grade 7Detailed lesson plan in grade 7
Detailed lesson plan in grade 7
 
Detailed lesson plan in biology mary
Detailed lesson plan in biology   maryDetailed lesson plan in biology   mary
Detailed lesson plan in biology mary
 
A detailed lesson plan in teaching literature secondary
A detailed lesson plan in teaching literature secondaryA detailed lesson plan in teaching literature secondary
A detailed lesson plan in teaching literature secondary
 
A detailed lesson plan in science i (secondary)
A detailed lesson plan in science i (secondary)A detailed lesson plan in science i (secondary)
A detailed lesson plan in science i (secondary)
 
A detailed lesson plan in reading for grade 10
A detailed lesson plan in reading for grade 10A detailed lesson plan in reading for grade 10
A detailed lesson plan in reading for grade 10
 
A detailed lesson plan in english iii (secondary)
A detailed lesson plan in english iii (secondary)A detailed lesson plan in english iii (secondary)
A detailed lesson plan in english iii (secondary)
 
Detailed lesson plan in english ii
Detailed lesson plan in english iiDetailed lesson plan in english ii
Detailed lesson plan in english ii
 

Bangkang papel ni genoveva edroza matute

  • 1. Bangkang Papel ni Genoveva Edroza Matute Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunodang pag-ulan.Alam nilang kapag iyo’y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan. Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpokat inilulubog, nariyang winawasak. Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabaliksa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman... Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat. Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya’y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon.Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatakmula sa kanilang bubungan. Sa karimla’t pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Hindi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay ang biglang pagliliwanag. Gulilat siyang nagbalikwas at hinanap nang paningin ang kanyang ina. Nagsunud-sunodang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang paggulong ng mga iyo’y sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli.Samantala’y patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid, sa lahat ng dako. Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan. “Inay, umuulan, ano?” “Oo, anak, kangina,” anang tinig mula sa dulo ng hihigan. “Inay,” ang ulit niya sa karimlan, “dumating na ba ang Tatay?” Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kaya’t itinaas niya nang bahagay ang likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabi;y naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi nito’y nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila naman nito’y nakita niya ang banig na walang tao. Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis ng lamig ng kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni milng ay hinila niya ang kumot at ito’y itinakip sa sariling katawan. Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi pagkilos. Naaawa siya kay Miling kaya’t ang kalahati ng kumot ay ibinalot sa katawan niyon at siya’y namaluktot sa nalabing kalahati. Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya ang kanag kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya ang sahig. Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling ipinasokmuli sa kumot. “Inay,” ang tawag niyang muli, “bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?” “Ewan ko,” ang sagot ng kanyang ina. “Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo.” Natuwa ang bata sa kanyang narinig. Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki’y malalaki’t matitibay...hin di masisira ng tubig. Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksiksa pagitan ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo’y ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita: “Siya, matulog ka na.” Ngunit ang bata’y hindi natulog. Mula sa malayo’y naririnig n iya ang hagibis ng malakas na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon. “Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi,” ang kanyang nasabi. Naalala niyang may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama. “Saan natutulog ang Tatay kung hindisiya umuuwi rito?” ang tanong niya sa kanyang ina. Ngunit ito’y hindi sumagot. Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay hindi niya makita. Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw ay ito. Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod ng baha sa kanilang tapat... At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang pangrap ng batang yaon, ang panahon ay patuloy sa pagmamasungit. Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa pananahimikat pag-uumugong, sa pagbabata ng walang awing hampas ng hangin at ulan... Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga bangkang papel ay dumating...Ngunit kakaibang kinabukasan. Pagdilat ng inaantokpang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa hihigan. Naroon ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina. Pupungas siyang bumangon.Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang yao’y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay. Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa. Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat. Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Alng Ading, si Feli, at si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao. Nahihintakutang mga batang humanap kay kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhoknito ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina.Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit ang mga mata noo’y hindi pumupikit, nakatingin sa wala. Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong. “Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito?” Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo’y patuloy sa hindi pagsikap. Ang kamay noo’y patuloy sa paghaplos sa buhokni Miling. Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap nila’y biglang natigil nang siya’y makita. Wala siyang narinig kundi...“Labinlimang lahat ang nangapatay...” Hindi niya maunawaan ang ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyakni Aling Feli nang siya ay makita. Sa pagitan ng mga hikbi, siya’y patuloy sa pagtatanong... “Bakit po? Ano po iyon?” Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niya’y nanatiling pinid ang labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat o kaya’y hinahaplos ang kanyang buhokat wala na. Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao. “Handa na ba kaya?” anang isang malakas ang tinig. “Ngayon din ay magsialis na kayo. Kayo’y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pookna ligtas. Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw sila’y papasokdito... Kaya’t walang maaaring maiwan.” Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari. Sila’y palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan. Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang bagay. Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa sagupaanng mga kawal at taong-bayan. Nag- aalinlangan, ang batang lalaki’y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa paghakbang. “Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?” Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa kanyang mukha. Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-marahan ay nagsalita. “Iyon din ang nais kong malaman, anakm iyon din ang nais kong malaman.” Samantala... Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan. Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mga bangkang papel – ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na humalili’y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon.Kaya nga ba’t sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabaliksa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman.