1. Aralin 12
Ang Republic ng
Rome at ang
Imperyong Roman
Prepared By:
Jessabel Carla L. Bautista
Social Studies Teacher
Tagudin National High School
Mabini, Pangasinan
2. SINAUNANG ROMA
Ang sibilisasyong Romano ay
nagsimula sa makitid at hugis botang
tangway ng Italya.Tulad ng Gresya, ang
Roma ay napapaligiran rin ng
karagatang Mediterranean, bagamat
mas mainam ang lokasyon nito
sapagkat ito ay nasa gitna ng Italya.
3. Ang Italya naman ay nasa
gitna rin ng Mediterranean. Dahil
dito, naging sentro ng kalakalan sa
buong Italya ang Roma
4. Masdan ang kinalalagyan ng
Roma sa mapa ng Italya. Paano
nakaapekto ito sa pamumuhay
ng mga tao roon
5.
6. Sinaunang Pamayanan ng
Italya at Ang Heograpiya Nito
Sa habang 1120 kilometro at lapad na 240
kilometro, ang Italya ay umaabot sa Timog ng
Europa patungo sa Aprika at hinahati ang
karagatang Mediterranean sa silangan at
kanlurang bahagi. Mula sa nakapagitnang
lokasyon nito, naging napakadali para sa mga
Romano na pamahalaan ang kabuuan ng mga
lupain sa Mediterranean.
7. Dahilan sa mahalumigmig
at mamasa-masang klima nito,
ang mga magsasaka ay
nakapagtatanim ng iba’t ibang
butil, gulay, olives, at iba pang
mga prutas.
8. Samantala, ang pag-aangkat at
pagpapasok ng mga produkto ay hindi
naging madali dahilan sa limitado
nitong daungan. Ito ang dahilan kung
bakit ang mga
9. Ang pangyayaring ito ay
nakatulong upang magkaisa at
magkalapit ang iba’t ibang rehiyon
ng Italya. Di nagtagal, ang mga
nagkakaisang rehiyon ay napailalim
sa iisang pamahalaan.
10. Ilang libong taon mula 2,0001,000 BC, ang Italya ay sinakop ng mga
Indo-European na sinasabing may
kaugnayan sa mga Mycenaean ng
Gresya. Ang mga mananakop na ito ay
nagtayo ng mga pamayanan at
nagsaka ng mga lupang sakahan.
11. Isa sa mga pangkat ng IndoEuropean ay tinawag na mga Latin
sapagkat sila ay nagtayo ng mga
pamayanan sa kapatagan ng
Latium. Sila ang naging ninuno ng
mga Romano.
12. Pag-usbong ng
Republikang Romano
Pagsapit ng 800 BC, maraming
pamayanan ng mga Latin sa gitnang bahagi ng
Italya ang nagsama-sama sa isang pamayanan
na tinawag na Roma. Nakontrol ng
mga Romano ang Ilog ng Tibes na ruta ng
kalakalan mula hilaga hanggang timog ng
tangway ng Italya.
13. Noong 509 B.C.E., nag-alsa ang
mga Roman laban sa dayuhang Etruscan.
Nagtatag sila ng isang Republic kung
saan ang mga mamamayan ay
humihirang ng kanilang mga
kinatawan sa pamahalaan
14. 2 uri ng lipunang
Romano
Patrician
Hango sa salitang Latin na “patres o
mga ama” .
nagmula sa mga mayayamang may-ari
ng mga lupa
15. Bagamat sampung porsiyento
lamang ng kabuuang populasyon
ang mga patrician, nasa kamay
nila ang halos lahat ng
pangunahing posisyon sa
pamahalaan at nagtamasa sila ng
mas maraming karapatan.
16. Plebeians
Sila ay mga karaniwang tao na
angmula sa mayamang
mamamayan, negosyante,
artisano, magsasaka hanggang
sa mga manggagagawa.
17. Bilang mamamayan sila ay
nagbabayad ng buwis at
naglilingkod sa sandatahan
ngunit hindi kapantay ng mga
tinamasang karapatan ng mga
patrician ang kanilang tinaasang
karapatan.
18. Ang Pamamahala ng
Republika
tagapagpaganap (Executive)
tagapagbatas (Legislative)
dalawang patrician
nagangasiwa sa pamahalaan at sa
hukbong sandatahan, Sila ay inihalal sa
tungkulin at may terminong isang taon upang
Makapaglingkod.
19. Patrician
• Senate- 300 kasapi; senador
- Nanglilingkod hangbuhay,
nagpapanukala at nagpapasa ng batas.
- Nagpapahintulot ng paggamit sa
pamahalaan.
20. • Assembly of Century – ang
pinakamalahang Assembly. Ito ang
namamahala ng usaping padigma.
• Imperuim o kataas-taasang
kapangyarihan- Pinamumunuan ang
pamahalaan. Katungkulan nila na
pangunahan ang hukbo, ingatan ang
salap ng pamahalaan at tumayo bilang
21. kahuli-hulihang hukom.
Preator – hukom na ipaliwanag ang
batas.
Censor- bumibilang ng dami ng
populasyon upang matiyak kung
magkanong buwis ang babayaran.
22. Plebeians
• Assembly of Tribes - binubuo
karamihan ng mga plebeians.
• Tribune - Nilikha upang pangalagaan
ang karapatan nila laban sa mga
mapang-abusong opisyal.
23. • Ang kapangyarihan nito ay maaring
mapawalang-bisa ang anumang batas
na mapang-api.
• Twelve Tables – kalipunan ng batas
at nilagay ito sa pampublikong lugar.
24. Maaari rin nilang i-veto
o di tanggapin ang desisyon
ng bawat isa.
Kinakailangang magkasundo
sila sa mga pangunahin at
kritikal na desisyon.
25. Latin League
• Alyansa laban sa iba pang mga tribo sa
rehiyon.
• Layunin:
– Ipangtanggol ang estado.
– Makakuha ng karagdagang lupa para sa
sakahan.
26. Rome laban sa Carthage
• Yumaman ang Carthage sa
pakikipagkalakalan sa mga lalapit na
lugar nito ng Corsica, Sicily at Sardinia.
May isang malakas na plota ang
Carthage na siyang naging balakid sa
hangarin ng Rome na mangibabaw sa
Mediterranean Sea.
27. Ang malakas na hukbong sandatahan
ng Roma ang pangunahing dahilan ng
pananagumpay nito sa Italya. Ang pagiging
malakas ng sandatahan ay bunga ng
pagkakaorganisa nito. Ang pangunahing
yunit ay legions na binubuo ng mula 3,000
hanggang 6,000 sundalo na tinatawag na
legionnaires.
28. Sa pamamagitan ng mga
legions, ang sandatahan ay mas malakas
at
mas mabilis makipaglaban
29. Ang Unang Digmaang Punic
Ang ibig sabihin ng Punic ay
Phoenician. Ang Carthage ay
itinatag bilang sentro ng kalakalan
ng Phoenician.
30. Simple ang naging dahilan ng kanilang
alitan:
Natakot ang Carthage na makuha ng
Roma ang Sicily. Ang Roma naman ay
natakot na baka harangan ng
Carthage ang kalakalan sa pagitan ng
Italya at Sicily.
31.
32. Sinimulan ng Roma ang Unang
Digmaang Punic nang may mas
pinalakas na hukbong sandatahan,
ngunit may mahusay sa digmaang
pandagat ang mga Carthaginian. Kayat
ginamitan ito ng mga Romano ng
taktika at dali-dali silang gumawa ng
mga barkong halos katulad ng mga
barkong pandigma ng Carthage.
33. Gamit ang mga barkong ito, ang
Roma ay nanalo sa ilang labanan nila
sa Carthage. Ngunit tumagal ito ng
halos 20 taon bago tuluyang
napabagsak ng Roma ang Carthage at
nasakop ang isla ng Sicily. Nagbayad ng
indemnity o bayad pinsala ang mga
Romano.
34. IKALAWANG DIGMAANG PUNIC
Bumagsak nga ang Carthage ngunit
hindi ito tuluyang nanahimik. Sa halip, ito ay
nagpalawak pa ng kapangyarihan sa
Espanya sa pamumuno ni Heneral Hamilcar
Barca. Pagsapit ng 221 BC, ay nagkaroon ng
mahusay na pinunong Carthaginian ang
Espanya sa katauhan ni Hannibal, isa sa
pinakamahusay na heneral ng hukbong
Espanya sa kanyang kapanahunan
35. Bagamat mas kaunti, natalo
nina Hannibal ang mga sundalong
Romano na sumalubong sa kanila
sa naganap na Labanan sa Cannae
sa timog silangan ng Italya.
Nakarating ang mga Espanyol sa
bukana ng Roma ngunit hindi nila
ito pinasok.
36. Umasa si Hannibal na
makikipagkasunduan ang Roma sa kanila
ngunit hindi ito nangyari.
Upang maipagtanggol ang kanilang
lupain, bumalik si Hannibal sa Carthage
ngunit siya ay natalo ni Scipio sa labanan
sa Zama noong 202 BC. Ang pagkatalong
itoang nagwakas sa ikalawang Digmaang
Punic
37. Ang Ikatlong Digmaang Punic
Makalipas ang 50 taon pagkatapos ng
ikalawang Digmaang Punic nagkaroon ng
kapayapaan sa pagitan ng Roma at Carthage.
Sa mga panahong ito ay umunlad na muli ang
Carthage. Bagamat wala ng pangambang
maidudulot ang Carthage sa Roma, ang mga
malalagim na alaala ng mga ginawa ni
Hannibal ay patuloyn na nagsilbing bangungot
para sa mga Romano.
38. Ito ang naging dahilan upang naisin
nila ang tuluyang pagkawasak ng
Carthage. Kaya pagsapit ng 149 BC
sinimulan nila ang ikatlong Digmaang
Punic. Nagpadala sila ng mga sundalo sa
Hilagang Aprika at nilusob ang Carthage.
Sa loob ng tatlong taon, nagpatuloy sa
pakikipaglaban ang Carthage bago
tuluyang sumuko.
39. Pagkatapos nito, sinunog ng mga
Romano ang kabuuan ng Carthage at
sinabuyan ng asin ang lupang sakahan
nito upang tuluyan na itong mawalan
ng pakinabang. Ang mga taong di
namatay ay pinagbili bilang mga alipin.
41. Tagumpay sa Silangan
Hindi lamang ang mga Digmaang
Punic ang sumubok sa lakas ng Roma.
Matapos ang marami-raming
labanan, natalo nila ang mga
Macedonian at
noong 146 BC, naging probinsya ng
Roma ang Macedonia.
42. Sumunod na nilusob ng Roma
ay ang gitnang silangan. Bagamat
nanatili ang kalayaan ng Ehipto at
Syria, naging kaalyado ng Roma
ang mga pamahalaang ito.
Pagsapit ng 100 BC, nasakop na ng
Roma ang halos lahat ng lupaing
nakapaligid sa Mediterrenean
43. Dahil dito tinawag ng mga
taga-Rome ang Mediterrean Sea
bilang Mare Nostrum o Aming
Dagat.
45. Arkitektura
• Stucco – plaster n pampahid at
pantakip sa labas ng pader.
• Arch
• Basilica – isang bulwagan ng
nagsisilbing korte at pinagpupulungan
ng Assembly.
49. Pananamit
Dalawang kasuotang ng mga lalaki:
• Tunic - kasuotng pambahay na
hanggang tuhod.
• Toga – isusuout pag sa ibabaw ng tunic
kung sila ay lalabas ng bahay.
50.
51. Dalawa din ang kasuotang ng mga
kababihan:
• Stola – pambahay hanggang
talampakan.
• Palla – inilalagay sa ibabaw ng stola
paglalabas ng bahay.
52.
53. First Triumvirate
- Isang unyon ng tatlong
makapangyarihanng tao na
nangasiwa ng pamahaalaan
- Hinawakan nila ang
kapangyarihang politikal at
militar.
59. Second Triumvirate
• Binuo upang ibalik ang kaayusan sa
Rome.
• Ito ay dahil binalot ng takot ang Rome
mula ng mamamatay si Caesar.
60. • Lepidus
• Mark Anthony
• Octavian – “Augustus” titulong
ginawad ng Senate sa kanya , na
ngangahulugang isang banal na lugar o
banal na akto.nagpapahiwatig ng
pagiging banal o hindi karaniwan
64. Mga Emperador pagkatapos ni
Augustus
• Caligula- nilustay ang pera sa
maluluhong kasiyahan.
• Nero – ipinapatay niya ang kahat ng
hindi niya makatuwaan
66. Dinastiyang Flavian
• “Limang Mahuhusay na Emperador”
- O ang dakilang panahon ng imperyo.
- Nerva, Trajan, Hadrian, Antoninus
Pius, at Marcus Aurelius