3. Prehistory
Ay yugto sa mahabang nakaraan ng
sangkatauhan na nag-ugat halos 2.5
milyong na ang nakalipas o bago pa
ang paglikha ng isang sistematikong
pagsusulat at pagtatala.
Ito ay hinggil sa mga pangyayari bago
naitala ng mga sinaunang tao ang
kasaysayan.
4. Kasaysayan o History
Ay ang pag-aaral hinggil sa nakaraan
ng tao batay sa mga nasusulat na
dokumento.
Ang pag-aaral ng prehistory ay isang
larangang pinagtutulungang buuin ng
mga arkeologo at mga siyentista mula
sa iba’t-ibang disiplina.
5. BIOLOGY
– o pag-aaral ng mga
halaman.
ZOOLOGY – o pag-aaral ng
mga hayop.
PALEONTOLGY – o pag-aaral
ng mga fossil ng mga hayop at
halaman.
GEOGRAPHY AT GEOLOGY.
6. ARCHAEOLOGY
– pangunahing pinagmulan ng
kaalaman tungkol sa prehistory.
- Isang sangay ng agham na
nag-aaral ukol sa kultura at
pamumuhay ng sinaunang tao sa
pamamagitan ng paghuhukay at
pagsusuri ng mga artifact at mga
labi o remians.
7.
2 mahalagang proseso ang naganap at
nararapat pagtuunan ng pansin sa
panahong prehistoriko:
1. SAPIENTIZATION- ang mga
pagbabago naganap sa aspektong
biyolohikal ng tao hanggang sa pagkamit
ng katalinuhang naghihiwalay sa kanya sa
mga hayop
8. 2. Ang pagkakaroon ng
kasalukuyang uri ng tao ng
kakayahan na makagawa o
makalikha ng mga bagay. Kabilang
dito ang kakayahang gamitin ang
kapaligiran ayon sa kanyang
pangangailangan nang sa gayon ay
hindi lamang umasa sa mga bagay
na makukuha mula sa kalikasan.
9. Mga Paraan sa Pagtatakda
ng Petsa sa Prehistory
Dokumentong
historikal at mga
kagamitang batid ang panahon.
- Ang tinatayang panahon ay
mula 3000 B.C.E. hanggang sa
kasalukuyan sa ilang mga lugar. Ito
ang pangkaraniwang pamamaraan
ng pagpepetsa.
10. Dendrochronology
o Tree-ring
Dating
- isang siyentipikong
pamamaraang ginagamit upang
matukoy ang gulang p edad ng isang
puno.
- ang madalas at regular na
pagbabago ng klima sa isang lugar
ay nagdudulot ng pagdaragdag sa
growth ring ng puno bawat taon.
11. Radiocarbon
(C14) Dating
- sinusuri ang mga isotope
carbon 14 upang matukoy ang
edad ng mga materyales na may
carbon o carbonaceous
materials. Sinusuri ang natirang
isotope carbon14 sa isang
organic na labi.
12. Potassium-Argon Dating
- ginagamit upang tukuyin kung
gaano na katagal ang mga sinaunang
depositong mineral o mineral deposits
Sa pamamagitan ng nabanggit na
mga paraan, nalalaman ng kung kailan
nagsimula ang isang pamayanan, at
kailan nabuhay ang isang prehistorikong
tao.
13. Panahon ng Paleolitiko
O panahong ng Lumang Bato ang
pinakamaagang panahon sa pagunlad ng tao.
Nagmula sa katagang Greek na
“paleos” o matanda at “lithos” o bato.
Pleistocene, ang pinakamaagang
bahagi ng Panahon ng Bato (Stone
Age) at pinakamahabang yugto sa
kasaysayan ng sangkatauhan.
14. Sa panahong ito, nakatira ang unang tao sa
yungib upang pangalagaan ang sarili sa
malamig na panahon. Katatapos pa lamang ng
panahon ng pagyeyelo at maaring kasalukuyan
pang nagyeyelo sa ibang bahagi ng daigdig) at
walang permanenteng tirahan ang mga tao sa
panahong ito.
Pagala-gala sila sa paghahanap ng pagkain.
Namimitas silang mga bungangkahoy,
nanghuhuli ng mga hayop sa lupa at mga isda
sa tubig sa pamamagitan ng mga kamay
lamang. Kung minsan naman, gumagamit sila
ng batong panghampas o pambato at sanga ng
kahoy upang maging madali ang panhuli.
15.
Sa panahong din ito natuklasan ang
gamit ng apoy. Maaring sa hindi
sinasadyang pagkakataon, tinamaan
ng kidlat ang isang puno. Nasunog ito
at nagbigay ng init sa paligid.
Maganda ang epekto ng init sa
panahon ng taglamig
20. 3 Dibisyon ng Panahong ng
Paleolitiko
Lower
Paleolithic
Middle Paleonlithic
Upper Paleonlithic
21. Lower Paleolithic Period
Panahong
ng pinakamaagang
pananatili ng tao sa daigdig
simula nang maitala sa
arkeolohiya ang kanyang
pamumuhay.
HOMO HABILIS – ay mas
mukhang tao kung ihahambing sa
mga mas nauna sa kanila.
22. Nangangahulugang
able man o
handy man dahil sila ang unang
species ng hominid na marunong
nang gumawa ng kagamitang bato.
Gumamit ng mga kasangkapan
Olduvan o kagamitang bato na
maliliit.
23. Ang
sinundan naman ng Homo
habilis ay Homo Erectus.
Nagpamalas ang HOMO
ERECTUS ng higit na
kakayahan sa paggawa ng
kagamitang bato. Sila rin ang
ipinapalagay na unang gumamit
ng apoy at pangangaso.
24.
25. Middle Paleolithic Period
Panahon kung kailan higit pang
nakontrol ng mga unang homonid ang
kanilang kapaligiran.
Pino na rin ang paggawa nila ng mga
kagamitan.
Pangunahing pinagmulan ng pagkain
ay ang pangangaso.
Sinubukan narin nilang kumain ng
Selfish.
26.
27.
28.
29. Maaring pinasimulan na rin ang
presersyon ng pagkain sa pamamagitan
ng pagpapausok at pagpapatuyo ng
karne.
Sa kauna-unahang pagkakataon
umusbong ang pagiging artistiko ng
mga tao sa pamamagitan ng pagpipinta
sa kanilang katawan at ilang mga guhit
na bato.
30.
Nagkaroon na rin ng paglilibing ng mga
patay na nagpapahiwatig ng mga
kaparaanang relihiyoso at ritwal noon
pa mang sinaunang panahon.
31. Upper Paleolithic Period
Ang mga makabagong tao na lumisan
ng Africa, noong Middle Paleoithic
Period ay nagsimulang bumuo ng
kanilang saraling kulturang
panrelihiyon sa mga panahong ito.
Unang pamayanan sa anyong
campsite at kadalasan matatagpuan
sa mga lambak, upang mapadali ang
kanilang pangangaso at pagpapastol.
32.
33. Isang
patunay ng pagiging
artistiko ng mga taong
nabuhay sa Upper Paleolithic
Period ay ang kanilang mga
nalikhang Venus Figure na
sumusimbolo sa kakayahang
magkaanak.
34.
35. Ang paggamit ng mga simbolo at
pagkakaroon ng mga ritwal ay naging
mahalaga sa makabagong pag-uugali
ng mga tao.
CRO-MAGNON- hango sa lugar sa
katimugang France kung saan
natuklasan ang mga labi nito noong
1856.
Ang mga naiwang nilang pinta ng mga
hayop ay matatagpuan sa mga yungib
ng Altamira sa hilagang Spain at
36. Lascaux
sa timog kanlurang
France.
Maaring ito ay iginuhit bilang bahagi
ng isang ritwal paea sa isang
matagumpay na pangangaso.
37.
38.
-
-
Perigordian
Kutsilyong bato na tanging isang
bahagi lang ang may talim.
Solutrean
Mga mangangaso na nagtungo sa
Europe mula sa silangan at pinalitan
ang mga naunang nanirahan dito.
41. Ice Age
Pagbabago sa temperatura na
nagdulot ng mahabang panahon ng
taglamig na tumaggal nang halos libolibong taon.
42. Panahong Neolitiko
Huling
bahagi ng Panahong Bato.
Neolithic Period o Panahong ng
Bagong Bato (New Stone Age)
Hangoo sa mga salitang Greek
na neos o “bago” at lithos o
bato.
43. Ang
terminong “neolitiko” ay
ginagamit sa arkeolohiya at
antropolohiya upang italaga ang
isang antas ng ebolusyong
pangkalinangan o pagbababo
sa pamumuhay at teknolohiya.
44. Nahubog
ang Panahong
Neolitiko sa pamamagitan ng
pag-aalaga ng hayop na
kinakain at ng pagtuklas sa
pagtatanim. Ang pagtatanim o
pagsasaka ang
pinakamahalagang
kontribusyon ng panahong ito.
45. Nagsimula rin sa panahong ito ang
pagpapalayok. Natutunan ng taong
gumawa ng
mga bagay na yari sa putik tulad ng
laryo (bricks) na pinatitigas sa init ng
araw gaya ng sa India, o kaya ay
pinatitigas sa pugon, gaya ng sa
Mesopotamia. Ginagamit ang laryo sa
paggawa ng bahay.
46.
Sa Panahong Neolitiko, malaki ang
naging pagbabago sa kasangkapan ng
tao. Pinakinis ang dating
magagaspang na bato at ginawang
iba’t ibang hugis at laki ayon sa
kanilang gamit: pamutol ng kahoy,
gamit sa pagsasaka, panghiwa, pangahit, pamutol ng buhok, pamatay ng
hayop, armas, at marami pang iba
47. Lalo pang pinag-ibayo sa panahong ito
ang pag-aalaga ng hayop na nasimulan
noong Panahong Mesolitiko. Sa
kalaunan, ginamit na nila itong sasakyan
o tagahila ng behikulo katulad ng paragos
at karwahe. Kabayo, baka at aso ang
mga hayop na ginagamit para rito.
48.
Nabago rin ang mga tirahan sa
panahong ito. Bagamat nagsimula ang
pagkakaroon ng permanenteng tirahan
noong Panahong Mesolitiko, higit pa
itong nalinang noong Panahong
Neolitiko. Dahil ito sa pag-unlad ng
pagsasaka, at pag-imbento ng asarol
at iba pang gamit sa bukid. Kailangang
tumira ang tao sa isang lugar habang
hinihintay niyang
49. tumubo at maani ang kanyang
pananim. Habang wala pa ang tag-ani,
gumagawa naman siya ng mga
palayok at iba pang gamit na yari sa
putik. Natuto siyang maghabi ng banig,
basket at tela dahil mahirap umasa sa
mga balat ng hayop upang gawing
damit.
50. Walled city ng Jericho
Matatagpuan
sa Jordan Valley
Isa sa mga pinakaunang
pamayanang
Umusbong sa daigdig.Nakasalalay
sa pagtatanim ng trigo at barley
ang kanilang pamumuhay. May
katibayan din ng pangangaso at
pakikipagkalakalan.
51. Catal Huyuk
Ang kabahayan ay hugis parihaba at
patag ang bubungan.
Ang bubungan ay gawa sa roble o oak
at mga ladrilyo o brick mula sa
pinatuyong luwad.
Mayroon ng paniniwala sa kabilang
buhay dahil inililibing ang kanilang
yumao sa loob ng bahay at nilalagyan
ng pagkain ang mga pinaglibingan.
52. Pamayanan ng sakahan at mga
artisano ay mahusay sa paghahabi at
paggawa ng mga alahas, salamin at
kutsilyong gawa sa obsidian.
OBSIDIAN- isang batong mula sa
bulkan na mistulang kristal.