Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)
1. Prepared By:
Jessabel Carla L. Bautista
Social Studies Teacher
Tagudin National High School
Mabini, Pangasinan
2. Sa panahon ng pinakahuling Ice Age,
natakpan ng mga Glacier ang
malaking bahagi ng North America at
Europe. Ipinapalagay ng mga
siyentista na ang Bering Strait sa
pagitan ng Asya at North America ay
dating isang tuyong lupain na tila
nagsilbing tulay sa kontinente.
3. Sa pagkatunaw ng mga glacier at
pagkawala ng mga tulay na lupa sa Asya
, naputol ang ugnayan sa pagitan ng mga
tao sa America at sa iba pang mga
kabihasnang umusbong sa iba’t-ibang
panig ng daigdig.
Ang pangyayaring ito, ay
nakapagpaliwanag sa pagkakaiba ng mga
teknilohiyang nalinang ng mga
sinaunang tao sa America kung
ihahambing sa iba pang mga kabihasnan.
4. Mesoamerica – hango sa katangang “meso”
o gitna.
Ito ay lunduyan ng kabihasnan sa America.
Ang Mesoamerica o Central America ay ang
rehiyon sa pagitan ng Sinoloa River Valley sa
Gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa
katimugan ng El Slavador.
5. Sa kasalukuyang, saklaw ng
Mesoamerica ang malaking bahagi ng
Mexico, Gautemala, Belize, El
Salvador, at kanlurang bahagi ng
Honduras.
Sa lupaing ito, ang malaking
pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at
dalas ng pag-ulan ay nagdudulot ng
iba’t-ibang uri ng klima at ekolohiya sa
iba’t-ibang bahagi ng rehiyon.
6. Ang mga sinaunang tao ay nagtatanim
ng mais at iba pang mga produkto sa
matabang lupain ng Yucatan
Peninsula. Sa pagsapit ng 1500 B.C.,
maraming taga-Mesoamerica ang
nagsimulang manirahan sa mga
pamayanan.
7. Nagkaroon din ng ilang mga
angkang pinangibabawan ang
aspetong pangekonomiya, panreliyon.
8. Kauna-unahang kabihasnang umusbong sa
Central America (at maaring sa kabuuang
America)
Olmec- nangangahulugang rubber
people, dahil sila ang kauna-unahang taong
gumamit ng dagta ng mga punong rubber o
goma.
Yumabong sa rehiyon ng Gulf Coast sa
katimugang Mexico na nang lumaon ay
lumawig hanggang Guatemala.
9. Pamayanang agrikultural, ang
sistemang irigasyon na itinayo rito ay
nagbigay-daan upang masaka ang
kanilang lupain.
Nakagawa ng mga kalendaryo.
Gumamit ng isang sistema ng
pagsusulat na may pagkakatulad sa
hieroglyphics ng mga Egpytians at
nakalinang ng mga katangi-tanging
akda ng sining.
10. Isang panritwal na laro na kahalintulad ng
larong basketball, subalit ang manlalaro ay
hindi maaring gumamit ng kanilang kamay
upang hawakan ang bolang yari sa goma. Sa
halip ay gagamit ng mga siko at baywang,
tinatangka ng mga manlalaro na ihulog at
ipasok ang bola sa isang maliit na ring na
gawa sa bato at nakalagay sa mataas na
pader.
12. Kilala rin sa paglililok ng mga anyong ulo mula sa
bato, maaring ang mga lilok na ito ay hango sa
anyo ng kanilang mga pinuno.
Sila rin ay nakagawa ng mga templong hugispiramide sa ibabaw ng mga umbok ng lupa, ang
mga estrukturang ito ay nagsisilbing mga lugarsambahan ng kanilang mga diyos.
Mahalaga sa paniniwalang Olmec ang hayop na
jaguar na pinakakinatatakutang maninila
(predator) sa Central America at South America.
Ito ay nagpapakita ng lakas, katuksuhan, at
kakayahang manirahan saan mang lugar. Agresibo
at matapang.
13. Katulad ng iba pang mga kulturang
umusbong sa America, ang
kabihasnang Olmec ay humina at
bumagsak. Sinasabing sila ay
maaring nakihalubilo sa iba pang
mga pangkat na sumakop sa kanila.
14. Isa sa mga dakila at pinakamalaking
lungsod .
Teotihuacan – nangangahulugang
“tirahan ng diyos”.
15. Ang piramide, liwasan, at lansangan ay
nagbigay karangyaan, kadakilaan, at
kapanyarihan sa lungsod.
Naging sentro ng pagawaan ang
lungsod samantalang ito ay nagkaroon
ng monopolyo sa maahahalagang
produkto tulad nito
cacao, goma, balahibo, at obsidian
16. Matagumpay na pinamunuan ng mga dugong bughaw
o nobility ang malaking bhagdan ng populasyon. Ito ay
naganap sa pamamagitan ng pagkontrol sa
ekonomiya, pang-angkop sa relihiyon at
pagpapasunod nang puwersahan.
QUETZALCOATL – ang Feathered Serpent God
pinakamahalagang diyos ng Teotihuacan.
Tinawag na diyos ng kabihasnan, pinaniniwalaang sa
kanya nagmula ang iba’t-ibang elemento ng
kabihasnan ng Teotihuacan.
Kinakatawan din niya ang puwersa ng kabutihan at
liwanag. Siya rin ang diyos ng hangin.
17. Noong 600 C.E., ang ilang tribo sa
hilaga ay sumalakay sa lungsod at
sinunog ang Teotihuacan. Mabilis
na bumagsak ang lungsod, ang
paghina ng lugar ay maaring dulot
ng mga banta mula sa karatiglugar, tag-tuyot, at pagkasira ng
kalikasan.
18. Namayani ang kabihasnang Maya sa
Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa timog
Mexico hanggang Guatemala.
Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno
ang mga kaparian sa pamamahala.
HALACH UINIC o “tunay na lalaki” –
pinalawig ang mga pamayanang urban na
sentro rin ang kanilang pagsamba sa
kanilang mga diyos.Nang lumaon, nabuo
rito ang mga lungsod-estado.
19. Banaag sa kaayusan ng lungsod
ang pagkakahati-hati ng mga tao sa
lipunan, hiwalay ang tirahan ng
mahihirap at nakaririwasa.
Ang sentro ng bawat lungsod ay
isang piramide na ang itaas na
bahagi ay dambana para sa mga
diyos. May mga templo at palasyo
sa tabi ng piramide.
20. Produktong pangkalakal ay mais, asin, tapa,
pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy at
balat ng hayop.
Nagtatanim sila sa pamamagitan ng
pagkakaingin.
Dahil sa kahalagahan ng agrikultura sa
buhay ng mga Maya, ang sinamba nilang
diyos ay may kaignayan sa pagtatanim tulad
ng ulan at mais.
21. Sa pagitan ng 850 C.E. at 950 C.E. ang
karamihan sa mga sentrong Maya ay
tuluyang inabandona o iniwan.At wala pang
lubusang makapagpaliwanag sa pagbagsak
ng kabihasnang ito.
Ayon sa ilang dalubhasa, maaring pagkasira
ng kalikasan , paglaki ng populsyon at
patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga
dahilan ng paghina nito.
22. Ang imperyo ng mga Toltec ay umusbong sa
Central Mexico noong ika-10 dantaon C.E.
kung saan ang pangunahing lungsod ay ang
Tula.
Halos kakaunti lamang ang nalalaman sa
mga Toltec, ito ay sa kadahilanang sinalakay
ng mga Aztec ang Tula upang kunin ang
mga materyales nito para sa kanilang
sariling kabisera.
23. Ang kaalaman ukol sa mga Toltec ay mula sa
mga alamat na hango sa mga sumusunod na
kabihasnan at batay sa mga panulat ng mga
Aztec.
NAHUATL – tawag sa wika ng mga Toltec,
na lumaon ginamit din ng mga Aztec.
Kauna-unahang kulturang gumamit ng
puwersang militar upang masakop ang
kanilang mga karating-lugar.
24. CHALCHIUH TLATONAC – kauna-unahang hari at
taga-pagtatag ng Tula.
Ang mga pinuno ng mga Toltec ay lumikha ng
kaisipan na namalagi sa mga tao ng Central
America.Ang mga pinuno ng mga Toltec ay
pinaniniwalaang diyos.
Page 89.