4. Mga mamamayan ng San Diego
Ñol Juan
Ibarra
Padre Damaso
Pilosopo Tasyo
5. • Nobyembre 10 - Bisperas ng Pista ng San Diego
• Abalang-abala ang buong bayan sa mga
paghahanda.
• Arkong kawayan, komedya, 5 banda ng
musiko, 3 orkestra, kuwitis
• Mga batikang tahur
• Kapitan Tiyago, Kapitan Joaquin, Carlos
• Padre Damaso - nahirang na magbigay ng
sermon
• Pilosopo Tasyo - “Lalong pakaingat sa kaaway na
lihim.”
6. “Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay
masayang mukha’t pakitang giliw, lalong
pakainga’t kaaway na lihim siyang isaisip
na kakabakahin.”
-Pilosopo Tasyo
Naranasan mo na ba ito?
10. • Labis din ang paghahanda sa bahay nina Kapitan
Tiyago.
• Paaralan ni San Francisco-mungkahing pangalan ni
Kapitan Tiyago sa paaralan ni Ibarra
• Pagsapit ng takipsilim, sinamahang mamasyal ni
Ibarra sina Maria Clara, Victoria at Iday
• Inihulog ni Maria Clara ang kanyang relikaryo sa
bakol ng ketongin.
• Dumating si Sisa, niyakap ang ketongin at umalis.
Siya ay hinuli ng mga sibil dahil daw sa panggugulo.
• Wala pa ring nagagawa si Ibarra upang tulungan si
Sisa at ang kanyang pamilya.
15. • Unang sulat
• Nagbabalita at naglalarawan ng makulay na selebrasyon
para sa pista ng San Diego
• Maraming tao ang dumalo.
• Nagkaroon ng palabas at dulaan sa liwasan.
• Naghandog ang Hermano Mayor ng isang masaganang
hapunan.
• Hindi dumalo si Ibarra sa mga pagtitipon.
• Nagdaos ng prusisyon at misa cantada.
• Naganap ang sayawan kina Kapitan Tiyago.
• Inilagay ang unang bato sa paaralang ipinatatayo ni
Ibarra.
• Ikalawang sulat
• Isinulat ni Maria Clara para kay Ibarra
• Puno ito ng pag-aalala at pagtatampo.
16. Marami tayong tradisyong
sinusunod tuwing sasapit ang
kapistahan.
Dapat bang ipagpatuloy
ang ilang tradisyon kung
ito ay nagpapakita ng di
magandang gawi nating
mga Pilipino?
19. • Naririnig na ang musiko at mga paputok.
• Magara ang kasuotan ng mga mamamayan.
• Di pa rin tumitigil si Pilosopo Tasyo sa pagpuna sa
marangyang selebrasyon.
• Nagsermon pa rin si Padre Damaso kahit masama ang
pakiramdam.
• Abalang-abala ang Hermana Mayor sa pagtanggap ng
panauhin upang ipakitang karapat-dapat siya sa
titulong ito.
• Maayos na naidinaos ang prusisyon.
20. “Kabaliwan at paglulustay ang inyong ginagawa
taun-taon. Higit na marami ang maralitang
nangangailangan ng salapi at tulong. Ang inaasal
ninyo ay isang baliw na karangyaan at pagtatakip
lamang upang mapigil ang paghihinagpis.
Ang tao’y maaari namang magsaya nang hindi na
niya kailangan pang gumawa ng mga kabaliwan.”
-Pilosopo Tasyo
Ipaliwanag.
23. • Punung-puno ang simbahan dahil naroon ang iba’t
ibang uri ng tao saSan Diego.
• Ibarra, Maria Clara, Kapitan Tiyago, Alkalde – ilan
sa mga panauhing dumalo ng misa
• Padre Salvi, Padre Damaso at Padre Martin –
tatlong paring mangunguna sa misa
• Kinindatan ni Padre Damaso si Ibarra bago ang
misa.
27. • Maganda ang panimula ng sermon ni Padre
Damaso ngunit hindi nawala ang panlalait niya sa
mga Pilipino.
• Panlalait ni Padre Damaso – pamilya ni Ibarra, ang
pagtungo niya sa Europa, at ang pagkamatay ng
kanyang ama
• Nagsimula ng isang gulo ang isang lalaking
nakatulog habang ang pari’y nagsesermon.
• Dumating si Elias at pinag-iingat si Ibarra sa
paglalagay ng unang bato sa kanyang paaralan.
28. Matiyaga mo bang
pinakikinggan ang sermon
sa simbahan? Ano ang
kahalagahan ng bahaging ito
ng misa?
31. • Nauwi sa paghuhugos ng panulukang bato para sa
paaralan ang atensyon ng lahat.
• Matapos makapaglagay ng semento (palitada) ng
mga panauhin, Si Ibarra naman ang bumaba.
• Biglang nagkagulo dahil bumagsak nang wala sa
panahon ang isang malaking batong bahagi ng
kalo.
• Natagpuang patay ang lalaking madilaw na siyang
dapat magpakawala ng bato.
32. Kung ikaw si Ibarra, bababa
ka rin ba sa hukay sa kabila
ng tagubilin ni Elias? Bakit o
bakit hindi?
35. • Dumalaw sa tahanan ni Ibarra si Elias.
• Muling pinaalalahanan ni Elias si Ibarra ukol sa
mga lihim na kaaway nito.
• Pinagtakhan ni Ibarra ang matatayog na kaisipan ni
Elias.
• Nais ni Elias na maligtas sa kapahamakan si Ibarra
para sa kapakanan ng bayan.
36. Kung ikaw si Elias,
pagmamalasakitan mo rin
kaya si Ibarra?
39. • Isang pananghalian ang nakatakdang pagsaluhan
ng mga dumalo sa paghuhugos.
• Muli na namang nilapastangan ni Padre Damaso
ang ama ni Ibarra.
• Hindi na nakapagtimpi pa si Ibarra kaya kumuha
siya ng kutsilyo at tinangka niyang saksakin si
Padre Damaso.
• Napigilan ni Maria Clara si Ibarra. Umalis na
lamang siya at naiwan sa gitna ng kahihiyan si
Padre Damaso.
40. Kung ikaw ang nasa
katayuan ni Ibarra,
makapagtimpi ka kaya sa
mga panlilibak at pang-
aalipusta ni Padre
Damaso?
43. • Agad kumalat ang balita tungkol sa nangyari sa
pananghalian.
• May mga lumibak kay Crisostomo at may mga
nagsabi namang tama lamang ang kanyang ginawa.
• Ibarra – nag-ugaling matanda
• Padre Damaso – nag-ugaling bata
• Walang magagawa ang bayan sapagkat ang mga
prayle naman ang namamahala sa bayan.
44. Bakit di dapat gamitan ng
dahas ang mga
pangyayari tulad ng
naganap kina Padre
Damaso at Ibarra?
47. • Pinasira ni Padre Damaso ang kasunduan ng pag-
iisang dibdib nina Ibarra at Maria Clara.
• Alfonso Linares – Kastilang magiging bagong
katipan daw ni Maria Clara
• Dumating ang Kapitan Heneral upang makaharap
si Maria Clara.
• Nagdahilan siyang maysakit ngunit wala rin siyang
nagawa dahil nakapangako ang kanyang ama.
48. Ang mga magulang, lalo na
noong unang panahon, ay
tahasang nakikialam sa
pagpili ng pakakasalan ng
kanilang anak. Nangyayari pa
ba ito sa ngayon?
51. • Ipinatawag ng Kapitan Heneral si Ibarra upang
kausapin siya tungkol sa kanyang kaso.
• Labis na humanga ang Kapitan Heneral sa
katalinuhang taglay ni Ibarra.
• Ibinilin ng Kapitan Heneral sa Alkalde na
pangalagaan si Ibarra.
• Tumuloy si Ibarra kina Maria Clara ngunit walang
sumasagot.
52. “Kung marunong magparusa
ang katarungan ay marunong
din namang magbigay ng
gantimpala at di palaging
bulag.”
-Kapitan Heneral
Naniniwala ka ba rito?
55. • Naanyayahang manood ng prusisyon ang Kapitan
Heneral kasama ni Kapitan Tiyago at Ibarra.
• Ang prusisyon ay binubuo ng maraming santo at
santa at ito ay humihinto sa kubol upang bigkasin
ang papuri o loa.
• Nang matapat ang prusisyon sa bahay nina Kapitan
Tiyago, umawit na isang malungkot na Ave Maria si
Maria Clara.
• Naramdaman ni Ibarra ang kalungkutan at hinaing
sa tinig ni Maria Clara ngunit hindi niya matukoy
ang dahilan nito.
59. • Hindi pinayagang lumabas ng alperes si Donya
Consolacion.
• Para kay Donya Consolacion, siya ay kaakit-akit at
maganda pa kay Maria Clara.
• Pinakanta at pinasayaw ng donya si Sisa upang siya
ay maaliw ngunit nang di na siya maunawaan ng
baliw, pinagpapalo na niya ito.
• Dinatnan ng alperes ang ganitong sitwasyon at
inutusan ang katulong na bihisan at pakainin si
Sisa dahil dadalhin na siya kay Ibarra kinabuksan.
60. May mga Donya Consolacion
pa ba kayong nalalaman sa
kasalukuyang panahon?
Sinu-sino sila?
63. • Nanggugulo si Don Filipo sa pagpapalabas ng dula.
• Matatapos na ang dulaan ng dumating si Ibarra.
Tinutulan ni Don Filipo ang hiling ni Padre Salvi na
paalisin ang binata kaya ang kura na lamang ang
umalis.
• Nagkaroon ng kaguluhan kaya’t humingi ng tulong
si Ibarra kay Elias upang sawatain ito.
• Nagtungo si Padre Salvi kina Maria Clara upang
tingnan ang lagay ng dalaga.
64. Naranasan mo na bang
mabalewala ang iyong
karapatan? Paano mo ito
ipinaglaban?
67. • Dumalaw si Elias kay Ibarra upang ipaalam sa
binata na maysakit si Maria Clara.
• Dahil sa labis na pag-aalala, nagbihis si Ibarra
upang dalawin si Maria Clara.
• Sa daan, tinanong ni Lucas si Ibarra tungkol sa
halagang ibabayad niya sa kanilang pamilya sa
pagkamatay ng taong madilaw.
• Sinabi ni Ibarra na di nito dapat ubusin ang
pasensya ng binata at sa halip ay bumalik na
lamang siya sa ibang araw.
68. Naranasan mo na bang
humarap sa mga tao sa kabila
ng mga suliraning gumugulo
sa iyong isipan? Paano mo ito
hinarap?
71. • Donya Victorina de Espadaña
• 45 taon na ngunit ayon sa kanya’y 32 lamang.
• Noong bata siya, siya’y marilag at labis ang
paghanga niya sa sarili.
• Dahil sa pagiging mapili, nilipasan siya ng
pnahon kaya pinatos na lamang niya si Don
Tiburcio.
• Don Tiburcio
• 35 taong lamang ngunit matanda pa ang itsura
niya kaysa kanyang asawa.
• Isa siyang maralitang taga-Extremadura.
• Naging pilantod at bungal siya.
• Sa tulong ng asawa, siya ay naging isang huwad
75. • Umiiyak na nilapitan ni Padre Damaso si Maria
Clara.
• Ipinakilala ni Donya Victorina si Linares kay Padre
Damaso.
• Nais ng sumulat ng liham na dala ni Linares na
ihanap siya ni Padre Damaso ng trabaho rito at
isang asawa.
• Nagsumbong si Lucas kay Padre Salvi ngunit
ipinagtabuyan lamang niya ito.
76. Kung ikaw ang pipili, sino
ang papabooran mo – ang
inireto sa iyo ng isang
kaibigan o ang isang taong
kusa mong nakilala? Bakit?
79. • Nabinat si Maria Clara pagkatapos mangumpisal.
• Iba-iba ang hatol ng mga taong nakapaligid sa
kanya para siya ay ganap na gumaling.
• Ang hatol ni Padre Salvi (na muling mangumpisal
si Maria Clara) ang nasunod.
• Walang makapagsabi kung ano ang nangyari sa
pangungumpisal na ginawa nang gabing iyon.
80. Naniniwala ka bang malaki
ang nagagawa ng pagdarasal
sa buhay ng tao? Bakit?
83. • Nagtungo sa gubat si Elias upang kausapin si
Kapitan Pablo.
• Nasabi ni Elias at Kapitan Basilio ang kani-
kanilang kabiguan sa isa’t isa.
• Handang kalimutan ni Elias ang lahat ng kanyang
kasawian ngunit hindi si Kapitan Pablo.
• Nabanggit ni Elias si Ibarra at ang gagawing
pakikipag-usap nito sa Kapitan Heneral ukol sa
kanilang mga hinaing.
84. May mga taong hindi nasisiyahan
sa pamamalakad ng pamahalaan
kaya sila’y namumundok at
nagtatayo ng sariling pangkat na
lalaban dito.
Sang-ayon ka ba sa ganitong
paraan ng paglaban sa
pamahalaan?
87. • Maraming tao ang nagtutungo sasabungan tuwing
araw ng Linggo.
• Mga bahagi ng sabungan
• Una – pintong binabantayan ng mga babae upang
maningil
• Ikalawa – lugar na pinagtitipunan ng mga tahur
• Ikatlo – ruweda kung saan idinadaos ang sabong
• Naroon sina Kapitan Basilio at Kapitan Tiyago upang
magsabong.
• Inalok ni Lucas sina Bruno at Tarcilo na sumama sa
pagsalakay sa kwartel kapalit ng pera.
88. Ang sabong ay bahagi na ng
kulturang Pilipino.
Ang sabong ba ay bisyo o
libangan? Dapat bang
ipagbawal ang sabong?
91. • Nagsagutan at naghamunan ang dalawang donya
ng mapadaan ang mag-asawang de Espadaña sa
bahay nina Donya Consolacion.
• Nagalit si Donya Victorina at sinabihan ang
asawang hamunin ng duwelo ang alperes ngunit
labis na natakot ang doktor.
• Sa inis ng Donya, hinablot niya ang pustiso ng
asawa at pinagtapak-tapakan.
• Bumalik ang donya kina Kapitan Tiyago upang
sabihan si Linares na hamunin ang alperesa kung
hindi ay ibubulgar nito ang kanyang tunay na
95. • Dumating si Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiyago dala
ang balitang hindi na siya ekskomulgado.
• Laking pagdaramdam ni Ibarra nang makita
niyang naroon si Linares kaya’t umalis na lang ito
at tumungo sa ipinapagawang paaralan.
• Hiningi ni Ibarra kay Nol Juan ang talaan ng mga
manggagawa.
• Hiniling ni Elias na makapag-usap sila ni Ibarra
matapos umalis ni Nol Juan.
96. Kung nakita mong may
kausap na iba ang iyong
minamahal, ano ang iyong
madarama?
99. • Namangka sina Ibarra at Elias kung saan sinabi
lahat ni Elias ang kanyang mga dinaramdam.
• Sinabi rin ni Elias kay Ibarra ang napag-usapan
nila ni Kapitan Pablo tungkol sa mga pagbabagong
hinihingi ng mga tulisan.
• Tumanggi si Ibarra na tulungan ang mga tulisan.
Naniniwala siya na walang karapatan ang mga
tulisang tumanggi sa mga ginagawa ng
pamahalaan at simbahan dahil sila’y masasama.
• Bigung-bigo si Elias nang mga sandaling iyon.
100. Magbigay ng isang tiyak na
halimbawa na natamo ng
ating bansa ang tagumpay
dahil sa pagkakaisa ng taong-
bayan.
103. • Isinalaysay ni Elias kay Ibarra ang kanyang
karanasan sa buhay, naging buhay ng kanyang ama
at kapatid.
• Dati silang mayaman ngunit nauwi sa wala ang
kayamanang taglay dala ng kalupitan ng kanilang
kapwa.
• Ang katulong na lalaki ng ginamit ng mga kalaban
ng kanyang lolo para makuha ang kanilang yaman
ang kanya palang tunay na ama.
• Nang malaman ang ganitong katotohanan, ang
mag-aama ay napilitang mamundok hanggang sa
mamatay ang matanda at ang kanyang kapatid.
104. May mga kababaihang kapag
nakararanas na ng kabiguan,
naiisipan nilang
magpakamatay.
May kilala ba kayong katulad
nila? Ano ang maaari ninyong
ipayo sa kanila?
107. • Nakatanggap si Linares ng liham mula kay Donya
Victorina. Pinagbabantaan niya si Linares na
ibubulgar ang mga lihim niya kung di niya
mapapatay ang alperes sa loob ng 3 araw.
• Ibinalita rin ni Padre Salvi ang pagkawala ng
excommunion ni Ibarra.
• Dumating si Ibarra at pinakiusapan si Sinang na
gumawa ng paraan para magkausap sila ni Maria
Clara.
• Nangako si Sinang na gagawa naman siya ng
paraan para magkausap ang magkasintahan.
108. Kapag mayroon tayong
ipagagawang isang bagay at di
naisakatuparan ng ating
inutusan, kinagagalitan natin
sila.
Ganyan din ba ang nangyayari
sa inyo ngayon?
111. • May mga nilalang na nag-uusap tungkol sa
gagawing pag-aaklas.
• Narinig ni Elias ang usapang iyon.
• Narinig din niyang ang ulo ng nasabing pag-aalsa
ay walang iba kundi si Ibarra.
• Narinig din niyang kapag nagtagumpay ang
himagsikan, ang isisigaw nila ay “Viva Don
Crisostomo Ibarra”!
115. • Pinag-uusapan sa bayan ang balitang may nakitang
maraming ilaw sa libingan kagabi. Marami ring
nagsasabing nakarinig sila ng mga panaghoy.
• Dinalaw ni Don Filipo si Pilosopo Tasyo sapagkat
maysakit ang matanda.
• Pinag-usapan nila ang pag-unlad na sinang-
ayunan ng mga Heswita at hinangaan sa Pilipinas,
ngunit 300 taon nang luma sa Europa.
• Nakiusap si Tasyo na sana’y makausap niya si
Ibarra.
116. Ano kaya ang nais
ipahiwatig ng pamagat na
“Ang Mabuting Araw ay
Nakikilala sa Umaga”?
119. • Isang babae ang nangumpisal kay Padre Salvi
tungkol sa malaking sabwatan laban sa
pamahalaan at simbahan.
• Isinumbong ni Padre Salvi ang babae sa
komandante ng mga gwardiya-sibil.
• Pinuntahan ni Elias si Ibarra upang ipagbigay-alam
na siya ang itinuturong ulo ng himagsikan kaya
dapat ay magtago na siya.
• Natuklasan ni Elias na kamag-anak ni Ibarra ang
taong ugat ng kasawian ng kanyang mga kaanak.
120. Anong katangian ni Elias
ang kahanga-hanga nang
matuklasan niyang lolo ni
Ibarra si Don Pedro? Kung
ikaw si Elias, gagawin mo
rin ba ito?