3. Title
Pagsasalaysay / Pagkukwento
Isang paraan ng pagkukwento ng
pangyayri o kawil ng mga
magkakaugnay na pangyayaring
maaring totoo o dili kaya’y mga
pangyayaring bunga ng
imahinasyon o guniguni.
18. 1. Pumili ng materyal na maaaring
gamitin.
2. Kahit sino pwedeng maglahad ng
kwento.
3. Malakas na paglalahad ng
kwento.
4. Ekspresyon ng mukha.
5. Ang kwento ay dapat naayon sa
mga taga-pakinig.
19. “ANG ARAL NG DAMO”
May anghel na galing sa langit na
nagbisita upang tiyakin kung tunay
ngang ang lahat ng nilalang sa
kagubatan ay nasisiyahan. "G.
Punongkahoy, ikaw ba'y maligaya?"
tanong ng anghel. "Hindi," ang
sagot sa tinig na walang sigla,
"sapagkat ako'y walang bulaklak."
20. • Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak
upang magsiyasat. "Bb. Bulaklak, ikaw
ba'y maligaya sa iyong paligid?"
"Hindi ako maligaya sapagkat wala
akong halimuyak. Masdan mo ang
gardenia sa banda roon. Siya'y
umuugoy sa amihan. Ang kanyang
bango na taboy ng hangin ay kahali-
halina!"
21. • Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang
mabatid ang damdamin nito. "Ano ang
masasabi mo sa iyong halimuyak?" "Ako'y
hindi nasisiyahan. Wala akong bunga.
Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya'y
natatanaw ko. Ang kanyang mga piling ay
hinog na!" Ang anghel ay lumapit sa saging,
nag magandang-araw at nagtanong, "G.
Saging, kumusta? Ikaw ba'y nasisiyahan sa
iyong sarili?"
22. • "Hindi. Ang aking katawan ay mahina,
hindi matibay na tulad ng sa narra!
Pag malakas ang hangin lalo't may
bagyo, ako'y nababali! Nais ko sanang
matulad sa narra!" Nagpunta ang
anghel sa narra at nagtanong, "Anong
palagay mo sa iyong matibay na
puno?"
23. • "Sa ganang akin, gusto ko pa ang
isang damo! Ang kanyang mga
dahon ay matutulis. Ang mga ito'y
nagsisilbing proteksiyon!" pakli ng
narra. Ang anghel ay nagpunta sa
damo. "Kumusta ka ? Ano ang
nanaisin mo para sa iyong sarili?"
24. • "Masaya ako !" sagot ng damo . "Ayaw
kong mamumulaklak. Walang kwenta
ang bunga. Ayaw ko rin ng matibay na
puno. Gusto ko'y ako'y ako... hindi
nananaghili kaninuman pagkat
maligaya!"
25. at
am
al
S
ng inig!
ha ik
a g
D p ak
sa
Isinumite nina :
Puno, Airan
Santos, Mercy Amor T.
Isinumite kay:
Dr. Vilma Tacbad