1. Tema
Mga Tauhan
-Ang Alamat
ng Daragang
Magayon ay
isang
trahedya.
Datu Makusog
Isang mapagmahal na ama sa kanyang
nag-iisang anak.
Handa niyang ibigay ang lahat sa
kanyang dalaga para sa ikaliligaya nito.
Pinapahalagahan at iginagalang niya
ang mga nagiging desisyon ng
kanyang anak.
-Patungkol
ito sa wagas
na
pag-iibigan,
pagkainggit,
pagkagalit, at
pagkapoot.
Daragang Magayon
Kaisa-isang anak ni Datu Makusog.
Walang makapapantay sa taglay nitong
kagandahan at kabaitan.
Pihikan siya sa pagpili ng kanyang
magiging kasintahan.
Handa niyang isuko at isakripisyo ang
kanyang mga kaligayahan mailigtas
niya lamang ang kanyang ama sa
kapahamakan.
Ulap/Panganoron
Magiting ngunit tahimik na
mandirigma.
Naglakbay magmula sa katagalugan
masilayan lamang ang kagandahan ni
Daragang Magayon.
Handa niyang ipaglaban ang kanyang
iniibig huwag lamang ito mawala sa
kanyang piling.
Pagtuga/Paratuga
Isang magiting ngunit mapagmataas
na Datu ng Iraga
Inaakala niyang ang kayamanan ang
batayan ng pagmamahal upang
makuha niya ang loob ni Daragang
Magayon.
Hindi siya marunong tumanggap ng
pagkabigo at pagkatalo.
Tagpuan
Banghay
Pagsusuring
Pangkultural
Mensahe
Teorya
Naganap ang
alamat na ito sa
isang maliit na
bayan ng Rawis
Simula
Sa isang payapang rehiyon ng Ibalong, sa
isang maliit na bayan ng Rawis na
pinamumunuan ni Datu Makusog at ng
kanyang asawa na si Dawani na
nagdadalang tao, sa kanyang
pangnganganak ay namatay ito.
Pinangalanan ng ama ang sanggol,
Daragang Magayon.
Ang “Ang Alamat ng
Daragang Magayon”
ay nagmula sa Bicol.
Tungkol ito sa
pinagmulan ng
Bulkang Mayon na
isa sa
pinakamagandang
tanawin sa Pilipinas
na nagbibigay na
malaking turismo sa
ating bansa. Dahil
dito ay nakatutulong
ito sa pag-unlad ng
ating bansa gayundin
sa pag-unlad ng
Panitikang Filipino.
“Ang Wagas na
Pagmamahalan
ay Hindi
Mahahadlangan
ninuman”
Teoryang
Romantisismo
Nangngingibabaw
ang Teoryang ito
dahil sa
pagmamahalan ng
mga tauhan sa
alamat sa kanilang
pamilya, at
kasintahan.
Pagpaigting na Galaw
Dahil sa kagandahan ni Daragang
Magayon, maraming kalalakihan ang ninais
Makita ang dalaga upang ibaon ang kanikanilang sibat sa lupa kung saan nakatayo
ang balay nina Datu Makusog ngunit ni isa
man sa kanila ay „di naibigan ng dalaga.
Kahit ang magiting ngunit mapagmataas
na si Pagtuga/Paratuga na naghandog pa
ng ginto, perlas, at iba pang kayamanan.
Isa lamang ang naibigan ng dalaga, si Ulap
na nagligtas sa kanya nang siya ay
madulas sa batuhan. Kanilang itinago ang
kanilang relasyon, kinalaunan ay naglakas
ng loo bang binatang harapin ang ama ni
Magayon upang ipagtapat na sila ay tunay
na nagmamahalan at kagustuhang
pakasalan ang dalaga. Hindi na tumanggi
pa ang ama ni Magayon dahil nakikita
naman nito na masaya ang kanyang anak.
Suliranin/Krisis
Nakarating agad ang balita kay
Paratuga/Pagtuga na naghudyat upang
siya mamula sag alit. Habang
nangngangaso si Datu Makusog ay dinakip
niya ito. Nagpadala ng mensahe si
Paratuga/Pagtuga kay Magayon na
kanyang papatayin ang ama nito kung
Nangngingibabaw
ang wagas na
pag-iibigan nina
Ulap at Magayon
na kahit mayroong
humadlang ay
hindi sila sumuko
namatay man
silang dalawa ay
nanatiling
magkasama sa
kani-kanilang
piling.
Nangngibabaw rin
ang labis na
pagmamahal ni
Daragang
Magayon sa
kanyang amang si
Datu Makusog.
2. hindi siya magpapakasal dito.
Kasukdulan
Walang nagawa si Magayon kaya kahit
labag ito sa kanyang kalooban ay
tinanggap niya ang kagustuhan ni
Paratuga/Pagtuga kaya agad inihanda ang
kasalan ng dalawa at nang nalaman ni
Ulap ay agad siyang bumalik sa Rawis
kasama ang mga magigiting na
mandirigma. Sa halip na kasalan ang
ipinagdiriwang ay isang madugong
digmaan ang naganap na sanhi ng
pagkamatay ni Paratuga/Pagtuga dahil sa
duwelo nila ni Ulap. Masayang
sasalubungin ni Magayon ang kanyang
minamahal ngunit sa „di inaasahan ay
natamaan siya ng ligaw na palaso na
naging sanhi ng pagkamatay ni Magayon
gayundin si Ulap na tinamaan ng sibat na
gawa ng kawal ni Paratuga. Naghukay si
Datu Makusog upang ilibing ang anak pati
na ang nag-iisang pag-ibig na si Ulap.
Realisasyon/Wakas
Tumaas ng tumaas ang pinaglibingan ng
dalawang nag-iibigan at sinamahan pa ito
ng pagyanig ng lupa at pagtilapon ng mga
nagbabangaang mga bato. At
pinaniniwaalan ng mga matatanda na
kapag ganito ang nagyayari ay ginagalit
daw ni Paratuga/Pagtuga ang bulkan dahil
gusto maibalik ang mga kayamanang
kanyang ibinigay sa dalaga. At kapag
natatakpan ng ulap ang tuktok ng bulkan
ay naghahalikan sina Ulap at Magayon.
Pagkatapos nito ay marahang dumadampi
ang ulan sa libis ng bulkanat ang pangalan
na Magayon ay naging Mayon na sa
kasalukuyang panahon ay tinatawag na
Bulkang Mayon.
3. Tema
-Ang Alamat ng
bulaklak ng
Naupaka ay isang
trahedya.
-Patungkol ito sa
wagas na
pagiibigan,pagkainggit,
pagkagalit, at
pagkapoot.
Mga Tauhan
Dyosa Pele (Goddess Pele)
Siya ay sinasamba ng mga tao
dahil siya ang nagbibigay ng init
o apoy sa kanilang bayan.
Sa kabila nito ay kinakatakutan
pa rin siya ng mga tao dahil
kapag nagalit ito ay hindi siya
magdadalawang-isip sirain ang
lahat- lahat sa kanilang isla.
Hindi siya mapagkakatiwalaan
dahil lahat ng mayroon ang
kanyang kapatid ay gusto
niyang agawin.
Hindi marunong tumanggap ng
pagkabigo at pagtanggi sa
kanya.
Princesa Naupaka
Siya ay isang mapagmahal at
marikit.
Gusting-gusto rin siya ng mga
tao dahil sa kanyang kabaitan.
Agad siyang nahumaling sa
isang mangingisda ng kanyang
makita at agad ding umibig sa
isang ordinaryong tao.
Nasawi siya dahil sa kagagawan
ni Dyosa Pele.
Kaui
Isang makisig at masipag na
mangingisda na nagtatrabaho
para sa kanyang mga magulang.
Minahal niya rin si Prinsesa
Naupaka.
Nasawi ito dahil sa kagagawan
ni Dyosa Pele.
Tagpuan
Banghay
Naganap ito sa
isang Isla.
Simula
Panibagong mundo ang sumalubong
sa mga taong naninirahan sa isang
isla. Panibagong mundo dahil hindi na
kailanman sumikat ang araw. Lamig
ang kanilang nadarama at pagod na
sila kumain ng hilaw na mga pagkain
at ang mga bundok ay malaki at
kumpol-kumpol ang mga bato.
Pagpaigting na Galaw
Isang araw, isang kislap ang kanilang
nakita sa isang madilim na kapaligiran,
Dyosa Pele, ang ngalan nito.
Sinasamba siya ng mga tao dahil siya
ang nagbigay ng apoy upang
magkaroon ng liwanag, pampainit sa
kawawang mga nilalang na matagal
nang nakararanas ng lamig at
nakakapagluto na rin sila ng pagkain.
Mayroong kapatid ang Dyosa si
Prinsesa Naupaka.
Suliranin/Krisis
Laging kinaiinggitan ni Dyosa Pele ang
kanyang kapatid dahil inaakala niyang
mas mahal ito ng mga tao kaysa sa
kanya na wala naman katotohanan.
Pati na rin sa usaping pag-ibig ay tila
kinaiingitan ang kapatid dahil umiibig
ang kanyang kapatid sa isang
mangingisda na kanyang nagustuhan
din.
Pagsusuring
Pangkultural
Ang “Ang Alamat ng
Bulaklak ng Naupaka”
ay isang malaking
ambag sa panitikan ng
bansang Hawaii dahil sa
kakaibang katangian ng
bulaklak na ito.
Bulaklak na may
kalahating talulot na
pinaniniwalaan ng mga
tagarito na ito ay mula
sa pagmamahalan ng
dalawang tao na
pinaghiwalay na
nagkatawang bulalak sa
tabing dagat at sa
bundok. Ang alamat na
ito ay pinakakilala at
pinakasikat sa bansa ng
Hawaii
Mensahe
“Ang Wagas na
Pagmamahalan
ay Hindi
Mahahadlangan
ninuman”
Teorya
Teoryang
Romantisismo
Nangngingibabaw
ang Teoryang ito
dahil sa
pagmamahalan ng
mga nina Prinsesa
Naupaka at Kaui
Nangngingibabaw
ang wagas na
pagmamahalan
nina Kaui at
Naupaka na
hanggang sa huli ay
dala-dala nila sa
pagkakatawang
bulaklak.
4. Kasukdulan
Nagpasyang puntahan ni Dyosa Pele
ang mangingisdang kinuwento ng
kanyang kapatid at nabatid nito na
tunay na makisig at kaakit-akit ang
mangingisda. Inalok ng Dyosa na
magsama sila habambuhay na
agarang tinaggihan ni Kaui dahil
nagmamahalan na sila ni Prinsesa
Naupaka na nagbigay hudyat upang
magalit ng tuluyan si Dyosa Pele. Kaya
pinaagos niya ang lava pababa ng
dagat at agad tumakbo si Kaui ngunit
bigo itong nakaligtas. Iniligtas din ni
Prinsesa Naupaka ang kanyang sarili
at nagtago sa tuktok ng bundok dahil
alam niyang walang kakayahan ang
kanyang kapatid na paakyating muli
ang lava pabalik ng bundok ngunit
mali ang kanyang pag-aakala. Sa
sobrang galit ni Dyosa Pele ay nagawa
niyang pabalikin mula itaas ang
umaapaw na apoy kaya nasawi rin si
Prinsesa Naupaka sa bundok na
kanyang kinalalagyan.
Realisasyon/Wakas
Dumaan ang ilang araw, mayroong
tumubong halaman sa dagat kung
saan dito nasawi si Kaui. Isang
makintab na dahon at bulaklak na
kalahati lang ang pagtubo gayundin sa
bundok kung saan nasawi si Prinsesa
Naupaka na mayroon rin tumubong
halaman ngunit kalahati lamang ang
bulaklak nito. Kaya sa isla mayroong
dalawang uri ng halaman, Naupaka
Makai na tumutubo sa dalampasigan
at Naupaka Mauka na tumutubo sa
Bundok.