SlideShare a Scribd company logo
1 of 13
ISANG PAGSUSURI
  NI MARICEL A.
CASTILLANO BEED-3
TALAAN NG MGA NILALAMAN




I-     Panimula
       a. Layunin
       b. Paksa
II-    Talambuhay ng May-akda
III-   Tema
IV-    Tauhan
V-     Buod
VI-    Tunggalian
VII-   Teoryang Pampanitikan
I-    Panimula

         Layunin
Ang aking mga layunin sa nobelang ito ay:
         a. Matukoy kung anong Teoryang pampanitikan ang kwentong
             Mabangis na Lungsod ,
         b. makilala ang mga pangunahing tauhan sa akda,
         c. malaman ang pagtutungali ng mga tauhan,
         d. malaman kung sino ang may-ari/awtor ng kwentong ito,
         e. malaman kung ano ang talambuhay ng may akda, at
         f. makagawa ng buod sa ang kwentong Mabangis na Lungsod
            .
Paksa

Marami ang aking mga layunin sa kwentongito kaya dapat ko po
itong pag-iisipan para matupad ko ito.
Magsasagawa ako ng mga masinsinang pananaliksik para
malalaman ko kung anu-ano ang nilalaman ng akda ni Efren A.
Abueg
Susuriin ko po ng mabuti para malaman ang aking pagkakagawa,
gagamitin ko bilang sangkap ang mga modernong teknolohiya
upang mapadaling tuparin ang aking mga layunin sa paksa kaya
para    sa   akin   malaking   tulong    po   ito   sa   panahong
ito.Kinakailangan ko lang ang mataas na pasinsiya upang
maganda ang aking pagsusuri at siguradong matupad ang aking
mga layunin.
Isa ring sangkap ang libro na nakakatulong upang sa pagtupad
sa aking mga layunin sa paksa. Alam ko marami rin tayong
makukuha ng sapat na impormasyon.
II-    Talambuhay ng May-akda

Si Efren A. Abueg ay ipinanganak noong ika-3 nga Marso 1937 sa Tanza, Cavite.
Marami na siyang natanggap na awards at recognitions. Isa na rito ang Gawad
Pambansang Alagad ni Balagtas at apat na Liwayway Literary Prizes para sa mga
nobelang naisulat niya. Ang nobelang “Merah Tua” ay kasalukuyang inilathala sa
Liwayway. Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista,
mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga aklat ang
Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento. Siya rin ang editor at
bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga Agos
sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993); MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino
(1970) at Parnasong Tagalog ni Alejandro G. Abadilla (1973).Humakot ng parangal si
Abueg tulad ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (1959, 1960, 1963,
1964, 1967, at 1974); Timpalak ng KADIPAN, unang gantimpala (1957); Pang-alaalang
Gawad Balagtas (1969); Timpalak Pilipino Free Press (1969); Gawad Pambansang
Alagad ni Balagtas (1992) mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL);
Timpalak Liwayway sa Nobela (1964, 1965, at 1967).Sumulat at nag-edit ng maraming
mga sangguniang aklat si Abueg at ginagamit hanggang sa kasaluyukan sa kapwa
pribado at publikong paaralan, mula sa elementarya, sekundarya hanggang sa
kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang mga kuwento sa mga teksbuk na
sinulat ng ibang awtor.Samantala, aktibo rin siyang nakilahok sa mga kilusan hinggil sa
pagtuturo ng wika at panitikan sa Manuel L. Quezon University(1965–1972), Philippine
College of Commerce(1971–1972), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (1974–1977),
Ateneo de Manila University (1977–1978), at De La Salle University (1979–2006).
Naging pangulo siya ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL) noong 1986–
1988; Linangan ng Literatura ng Pilipinas; at nahalal na direktor ng Philippine Folklore
Society.
III-   Tema
Magbigayan
Dapat tayong mga mamayan ay magbigayan kung sobra sobra naman ang
biyaya na binigay sa atin ng Diyos, hindi natin ipagkait ang kunting halaga ng
mga barya.
Magsikap
Kinakailangan din nating magsikap upang may kakainin tayo sa araw araw at
hindi tayo umaasang manghingi sa ating kapwa dahil sa kakahingi natin ay
marami ng maiinip sa atin kaya magsipag at mamuhay ng tama.
IV- Tauhan

Adong-isang batang mamalimos na ulila,sa tabi ng simbahan ng Quiapo.

Aling Ebeng-matandang babae na kasamahan ni Adong.

Bruno-ang mapangabuso na lalaki na nangongolekta ng pera sa mga
namamalimos;sina adong.
V-     Buod
Mabangis na Lungsod ni Efren A. Abueg
Sadyang may mga taong malupit at mapang-api. Kung sino pa ang mahina at
aba, siya pang kinakaya-kaya.
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit
na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-
araw ay may bagong lunas na walang bias. Ngunit ang gabi ay waring
manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa
mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa
dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng
mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si
Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay
Adong, ang gabi'y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon,
kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni
Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi- at
ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang
nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa,
alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi'y mailaw
at mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang
bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay
buhay ni Adong.Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga
nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng
punongkahoy at halaman. As sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang
simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na
iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa
upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad.
Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang
mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.Kangina pa siyang tanghali
sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kanyang mga
bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na
tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang
sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sa
kanyang katawan."Mama... Ale, palimos na po."
Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay
ng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay
napapahalaga ng pagmamadali ng pag-iwas.
"Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!"
Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay
hirap, pandidiri, pagkasuklam. "Pinaghahanapbuhay 'yan ng mga magulang
para maisugal." madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang
bahagi ng pangungusap na iyon ay untang sa kanya ni Aling Ebeng, ang
matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.
At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata
kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang
hindi maiiwasan ang paghindi sa kanya ng limang piso, sa lahat. Walang
bawas."May reklamo?" ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata
nito'y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.
At ang mga kamayni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa
masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding
kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hindi nakarating sa
kanyang bituka."Maawa na po kayo, Mama.. Ale..gutom na gutom na ako!"
Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking
bitak ng lupa. Ang mga tao'y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na
ibinuburol ng karukhaan.
Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling
sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring
nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan
ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa.
Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at
pagtawag sa mga taong papalapit sa mga taong sa kanyang kinaroroonan.
"Malapit nang dumating si Bruno..." ani Aling Ebeng na walang sino mang
pinatutungkulan. Manapa'y para sa lahat na maaring makarinig.
Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka
ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa
kanyang mga laman at nagpapantindig sa kanyang mga balahibo ay waring
dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang
nagdaraan sa kanyang harap ang mga tao malamig, walang awa, walang
pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang
kalooban. Iwan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos
mapawi ang kanyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadara
iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa't waring umuuntag sa kanya na
gumawa ng isang marahas na bagay.
Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kung inilaglag,
sapagkat ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa
marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang
malinis, dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kanyang lukbutan.
Ilan pang barya ang nalaglag sa kanyang palad. At sa kaabalahan niya'y hindi
na napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa simbahan,
makita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga
kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng
nagmamadaling pag-iwas.
"Adong... ayun na si Bruno" narinig niyang wika ni Aling Ebeng.
Tinanaw ni Adong ang iniguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang
malapad na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong
pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama
niya ang mga barya roon.Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong
biglang umagos sa kanyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi
nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya sa kangina pa ay
mamamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang mga baryang
napagpalimusan.
"Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilis
niyang sinabi sa matanda.
"Ano?naloloko ka na ba. Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!"
Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa
paglalakad, sa simula'y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng
bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng
mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga
taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya'y nawala na siya sa loob ng
sinuot niyang mumunting iskinita.
Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas naiyon sa
pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay
tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay
Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha,
sa makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula't pa'y nakilala niya at
kinasusuklaman. Muling dinama niya ang mga barya sa kanyang bulsa. At
iyon ay matagal din niyang ipinakalansing.
"Adong!" Sinunsan iyon ng papalapit na mga yabag.
Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig
niyang tumakbo.Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang
mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig,
niluluray   ang   munting   lakas   na   nagkakaroon   ng   kapangyarihang
maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan.
"Bitiwan mo ako!Bitiwan mo ako!" Naisigaw na lamang ni Adong.
Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na
lamang niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya.Nahilo. At pagkaraan
ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang
biglang kumandong sa kanya.
VI-    Tunggalian
A- Tao sa Tao
   Halos ang mga tao na pinaglilimusan ni adong ay nandidiri at
   kinasusuklaman.
B- Tao sa Kanyang Sarili
   Sa nararamdamang gutom ni adong ay naisip niya sa kanyang sarili na
   magnakaw nalang upang may makakain. Takot ang nadama ni adong
   noong gumawa siya ng paraan na mandukot sa bulsa ni Bruno.
C- Tao sa Lipunan
   Si ay Bruno sinisimbolo niya ang mgamasasamang tao sa lipunan na
   gumagamitng ibang tao para umunlad.
   Sinalaysay sakwentong ito na malaking problema ito sa ating lipunan dahil
   sa paglaki ng pupolasyon ay marami ng naghihirap.
VII- Teoryang Pampanitikan

Teoryang Realismo
Sinusuri hindi lamang ang kultura kundipati ang pulitika, ekonomiya at
pilosopiya, isang kumpleto at ganap na paraan sapag-iimbestiga sa
karanasan ng tao. Nakasandal ito sa konsepto ng realismo at hindi
maititiwalag ang akda sa kontekstonito sa lipunan at panahon.
Sa ating realidad nakikita naman natin sa ating kalagayan ngayon marami
talaga ang naghihirap kaya marami ang nanglilimos sigurado na may
pananagutan ang mga magulang sa kanyang mga anak na bigyan ng mga
pangangailangan kagaya ng pagkain, edukasyon at moralalidad upang sa
paglaki ng ating mga kabataan ay hindi sagbot/damo sa ating katilingban.

More Related Content

What's hot

Mga Simulain sa Pagsasaling Wika
Mga Simulain sa Pagsasaling WikaMga Simulain sa Pagsasaling Wika
Mga Simulain sa Pagsasaling WikaChristine Baga-an
 
Pahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusPahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusLex Rivas
 
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring PampanitikanMga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring PampanitikanPaula Jane Castillo
 
El Filibusterismo
El FilibusterismoEl Filibusterismo
El Filibusterismoguest5a457f
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoDenni Domingo
 
Pagsusuri sa uhaw ang tigang na lupa
Pagsusuri sa uhaw ang tigang na lupaPagsusuri sa uhaw ang tigang na lupa
Pagsusuri sa uhaw ang tigang na lupaMargarita Celestino
 
Filipino report-diskurso
Filipino report-diskursoFilipino report-diskurso
Filipino report-diskursoabigail Dayrit
 
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagFilipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagJuan Miguel Palero
 
Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
Pagsulat ng Pangulong Tudling o EditoryalPagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
Pagsulat ng Pangulong Tudling o EditoryalIrah Nicole Radaza
 
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonAng panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonMarlene Forteza
 
Mga Pananaw at Teoryang Pampanitikan
Mga Pananaw at Teoryang PampanitikanMga Pananaw at Teoryang Pampanitikan
Mga Pananaw at Teoryang PampanitikanJohn Jarrem Pasol
 
Mga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalanMga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalanJenita Guinoo
 
Lope K. Santos
Lope K. SantosLope K. Santos
Lope K. Santosclairearce
 
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- jovelyn valdez
 
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasaMaikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasaNeri Zara
 
Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling KwentoMga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling KwentoManuel Daria
 

What's hot (20)

Mga Simulain sa Pagsasaling Wika
Mga Simulain sa Pagsasaling WikaMga Simulain sa Pagsasaling Wika
Mga Simulain sa Pagsasaling Wika
 
Pahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusPahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampus
 
TEORYANG PAMPANITIKAN: ISANG PAG-AARAL
TEORYANG PAMPANITIKAN: ISANG PAG-AARALTEORYANG PAMPANITIKAN: ISANG PAG-AARAL
TEORYANG PAMPANITIKAN: ISANG PAG-AARAL
 
Iba't ibang uri ng mga Tayutay
Iba't ibang uri ng  mga TayutayIba't ibang uri ng  mga Tayutay
Iba't ibang uri ng mga Tayutay
 
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring PampanitikanMga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan
 
El Filibusterismo
El FilibusterismoEl Filibusterismo
El Filibusterismo
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 
Pagsusuri sa uhaw ang tigang na lupa
Pagsusuri sa uhaw ang tigang na lupaPagsusuri sa uhaw ang tigang na lupa
Pagsusuri sa uhaw ang tigang na lupa
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
Filipino report-diskurso
Filipino report-diskursoFilipino report-diskurso
Filipino report-diskurso
 
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagFilipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
 
Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
Pagsulat ng Pangulong Tudling o EditoryalPagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
 
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonAng panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
 
Mga Pananaw at Teoryang Pampanitikan
Mga Pananaw at Teoryang PampanitikanMga Pananaw at Teoryang Pampanitikan
Mga Pananaw at Teoryang Pampanitikan
 
Mga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalanMga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalan
 
Lope K. Santos
Lope K. SantosLope K. Santos
Lope K. Santos
 
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
 
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasaMaikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
 
Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling KwentoMga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
 
MGA URI NG NOBELA
MGA URI NG NOBELAMGA URI NG NOBELA
MGA URI NG NOBELA
 

Viewers also liked

Saranggola ni Efren R. Abueg
Saranggola ni Efren R. AbuegSaranggola ni Efren R. Abueg
Saranggola ni Efren R. AbuegAlex Jose
 
Ibong adarna summary
Ibong adarna summaryIbong adarna summary
Ibong adarna summaryWendy Lopez
 
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Chin Chan
 
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagaloghm alumia
 
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOasa net
 

Viewers also liked (6)

Sa bagong paraiso
Sa bagong paraisoSa bagong paraiso
Sa bagong paraiso
 
Saranggola ni Efren R. Abueg
Saranggola ni Efren R. AbuegSaranggola ni Efren R. Abueg
Saranggola ni Efren R. Abueg
 
Ibong adarna summary
Ibong adarna summaryIbong adarna summary
Ibong adarna summary
 
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
 
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
 
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
 

Similar to Mars

Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayMariel Flores
 
Mabangis na lungsod
Mabangis na lungsodMabangis na lungsod
Mabangis na lungsoddaphneducay
 
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01Gladz Ko
 
3American and japanese period 21st century .pptx
3American and japanese period 21st century .pptx3American and japanese period 21st century .pptx
3American and japanese period 21st century .pptxArianeGraceLopez1
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationMarti Tan
 
Panahon ng bagong lipunan
Panahon ng bagong lipunanPanahon ng bagong lipunan
Panahon ng bagong lipunanmontezabryan
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxMarydelTrilles
 
LS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang PilipinoLS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang PilipinoMichael Gelacio
 
Screening Phil IRI Grades 5 and 6.docx
Screening Phil IRI Grades 5 and 6.docxScreening Phil IRI Grades 5 and 6.docx
Screening Phil IRI Grades 5 and 6.docxForrestCunningham1
 
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaanAwiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaanJenita Guinoo
 
Kuwentong Pambata
Kuwentong PambataKuwentong Pambata
Kuwentong Pambatagenbautista
 
panahon ng hapon.pptx
panahon ng hapon.pptxpanahon ng hapon.pptx
panahon ng hapon.pptxMarife Culaba
 

Similar to Mars (20)

Mabangis na lungsod
Mabangis na lungsodMabangis na lungsod
Mabangis na lungsod
 
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
 
2nd Quarter Filipino III
2nd Quarter Filipino III2nd Quarter Filipino III
2nd Quarter Filipino III
 
Mabangis na lungsod
Mabangis na lungsodMabangis na lungsod
Mabangis na lungsod
 
Filipino 7
Filipino 7Filipino 7
Filipino 7
 
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01
 
3American and japanese period 21st century .pptx
3American and japanese period 21st century .pptx3American and japanese period 21st century .pptx
3American and japanese period 21st century .pptx
 
Panahon kastila
Panahon kastilaPanahon kastila
Panahon kastila
 
Ang Pagtutuli
Ang PagtutuliAng Pagtutuli
Ang Pagtutuli
 
Panitikang pilipino
Panitikang pilipino Panitikang pilipino
Panitikang pilipino
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
 
Panahon ng bagong lipunan
Panahon ng bagong lipunanPanahon ng bagong lipunan
Panahon ng bagong lipunan
 
NOLI ME TANGERE pabalat.pptx
NOLI ME TANGERE pabalat.pptxNOLI ME TANGERE pabalat.pptx
NOLI ME TANGERE pabalat.pptx
 
Panitikang pilipino
Panitikang pilipinoPanitikang pilipino
Panitikang pilipino
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
 
LS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang PilipinoLS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang Pilipino
 
Screening Phil IRI Grades 5 and 6.docx
Screening Phil IRI Grades 5 and 6.docxScreening Phil IRI Grades 5 and 6.docx
Screening Phil IRI Grades 5 and 6.docx
 
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaanAwiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
 
Kuwentong Pambata
Kuwentong PambataKuwentong Pambata
Kuwentong Pambata
 
panahon ng hapon.pptx
panahon ng hapon.pptxpanahon ng hapon.pptx
panahon ng hapon.pptx
 

Mars

  • 1. ISANG PAGSUSURI NI MARICEL A. CASTILLANO BEED-3
  • 2. TALAAN NG MGA NILALAMAN I- Panimula a. Layunin b. Paksa II- Talambuhay ng May-akda III- Tema IV- Tauhan V- Buod VI- Tunggalian VII- Teoryang Pampanitikan
  • 3. I- Panimula Layunin Ang aking mga layunin sa nobelang ito ay: a. Matukoy kung anong Teoryang pampanitikan ang kwentong Mabangis na Lungsod , b. makilala ang mga pangunahing tauhan sa akda, c. malaman ang pagtutungali ng mga tauhan, d. malaman kung sino ang may-ari/awtor ng kwentong ito, e. malaman kung ano ang talambuhay ng may akda, at f. makagawa ng buod sa ang kwentong Mabangis na Lungsod .
  • 4. Paksa Marami ang aking mga layunin sa kwentongito kaya dapat ko po itong pag-iisipan para matupad ko ito. Magsasagawa ako ng mga masinsinang pananaliksik para malalaman ko kung anu-ano ang nilalaman ng akda ni Efren A. Abueg Susuriin ko po ng mabuti para malaman ang aking pagkakagawa, gagamitin ko bilang sangkap ang mga modernong teknolohiya upang mapadaling tuparin ang aking mga layunin sa paksa kaya para sa akin malaking tulong po ito sa panahong ito.Kinakailangan ko lang ang mataas na pasinsiya upang maganda ang aking pagsusuri at siguradong matupad ang aking mga layunin. Isa ring sangkap ang libro na nakakatulong upang sa pagtupad sa aking mga layunin sa paksa. Alam ko marami rin tayong makukuha ng sapat na impormasyon.
  • 5. II- Talambuhay ng May-akda Si Efren A. Abueg ay ipinanganak noong ika-3 nga Marso 1937 sa Tanza, Cavite. Marami na siyang natanggap na awards at recognitions. Isa na rito ang Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas at apat na Liwayway Literary Prizes para sa mga nobelang naisulat niya. Ang nobelang “Merah Tua” ay kasalukuyang inilathala sa Liwayway. Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento. Siya rin ang editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993); MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni Alejandro G. Abadilla (1973).Humakot ng parangal si Abueg tulad ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (1959, 1960, 1963, 1964, 1967, at 1974); Timpalak ng KADIPAN, unang gantimpala (1957); Pang-alaalang Gawad Balagtas (1969); Timpalak Pilipino Free Press (1969); Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (1992) mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL); Timpalak Liwayway sa Nobela (1964, 1965, at 1967).Sumulat at nag-edit ng maraming mga sangguniang aklat si Abueg at ginagamit hanggang sa kasaluyukan sa kapwa pribado at publikong paaralan, mula sa elementarya, sekundarya hanggang sa kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang mga kuwento sa mga teksbuk na sinulat ng ibang awtor.Samantala, aktibo rin siyang nakilahok sa mga kilusan hinggil sa pagtuturo ng wika at panitikan sa Manuel L. Quezon University(1965–1972), Philippine College of Commerce(1971–1972), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (1974–1977), Ateneo de Manila University (1977–1978), at De La Salle University (1979–2006). Naging pangulo siya ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL) noong 1986– 1988; Linangan ng Literatura ng Pilipinas; at nahalal na direktor ng Philippine Folklore Society.
  • 6. III- Tema Magbigayan Dapat tayong mga mamayan ay magbigayan kung sobra sobra naman ang biyaya na binigay sa atin ng Diyos, hindi natin ipagkait ang kunting halaga ng mga barya. Magsikap Kinakailangan din nating magsikap upang may kakainin tayo sa araw araw at hindi tayo umaasang manghingi sa ating kapwa dahil sa kakahingi natin ay marami ng maiinip sa atin kaya magsipag at mamuhay ng tama.
  • 7. IV- Tauhan Adong-isang batang mamalimos na ulila,sa tabi ng simbahan ng Quiapo. Aling Ebeng-matandang babae na kasamahan ni Adong. Bruno-ang mapangabuso na lalaki na nangongolekta ng pera sa mga namamalimos;sina adong.
  • 8. V- Buod Mabangis na Lungsod ni Efren A. Abueg Sadyang may mga taong malupit at mapang-api. Kung sino pa ang mahina at aba, siya pang kinakaya-kaya. Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw- araw ay may bagong lunas na walang bias. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab. Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi'y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo. Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi'y mailaw at mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. As sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad.
  • 9. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kanyang mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sa kanyang katawan."Mama... Ale, palimos na po." Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng pagmamadali ng pag-iwas. "Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!" Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay hirap, pandidiri, pagkasuklam. "Pinaghahanapbuhay 'yan ng mga magulang para maisugal." madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untang sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kanya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas."May reklamo?" ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito'y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay. At ang mga kamayni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hindi nakarating sa kanyang bituka."Maawa na po kayo, Mama.. Ale..gutom na gutom na ako!" Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao'y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan. Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan
  • 10. ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa mga taong sa kanyang kinaroroonan. "Malapit nang dumating si Bruno..." ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa'y para sa lahat na maaring makarinig. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpapantindig sa kanyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang mga tao malamig, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang kalooban. Iwan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi ang kanyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadara iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa't waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay. Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis, dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kanyang lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa kanyang palad. At sa kaabalahan niya'y hindi na napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa simbahan, makita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling pag-iwas. "Adong... ayun na si Bruno" narinig niyang wika ni Aling Ebeng. Tinanaw ni Adong ang iniguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon.Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kanyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya sa kangina pa ay
  • 11. mamamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang mga baryang napagpalimusan. "Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilis niyang sinabi sa matanda. "Ano?naloloko ka na ba. Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!" Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglalakad, sa simula'y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya'y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas naiyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula't pa'y nakilala niya at kinasusuklaman. Muling dinama niya ang mga barya sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing. "Adong!" Sinunsan iyon ng papalapit na mga yabag. Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo.Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkakaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan. "Bitiwan mo ako!Bitiwan mo ako!" Naisigaw na lamang ni Adong. Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya.Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.
  • 12. VI- Tunggalian A- Tao sa Tao Halos ang mga tao na pinaglilimusan ni adong ay nandidiri at kinasusuklaman. B- Tao sa Kanyang Sarili Sa nararamdamang gutom ni adong ay naisip niya sa kanyang sarili na magnakaw nalang upang may makakain. Takot ang nadama ni adong noong gumawa siya ng paraan na mandukot sa bulsa ni Bruno. C- Tao sa Lipunan Si ay Bruno sinisimbolo niya ang mgamasasamang tao sa lipunan na gumagamitng ibang tao para umunlad. Sinalaysay sakwentong ito na malaking problema ito sa ating lipunan dahil sa paglaki ng pupolasyon ay marami ng naghihirap.
  • 13. VII- Teoryang Pampanitikan Teoryang Realismo Sinusuri hindi lamang ang kultura kundipati ang pulitika, ekonomiya at pilosopiya, isang kumpleto at ganap na paraan sapag-iimbestiga sa karanasan ng tao. Nakasandal ito sa konsepto ng realismo at hindi maititiwalag ang akda sa kontekstonito sa lipunan at panahon. Sa ating realidad nakikita naman natin sa ating kalagayan ngayon marami talaga ang naghihirap kaya marami ang nanglilimos sigurado na may pananagutan ang mga magulang sa kanyang mga anak na bigyan ng mga pangangailangan kagaya ng pagkain, edukasyon at moralalidad upang sa paglaki ng ating mga kabataan ay hindi sagbot/damo sa ating katilingban.