2. Tandaan:
A. Ginagamit natin ang malaking titik
at ang iba’t- ibang bantas sa
pagsulat ng mga pangungusap
ayon sa gamit.
Lahat ng pangungusap ay
nagsisimula sa malaking titik.
3. Halimbawa:
Magkaisa tayo sa paglutas
ng problemang ito.
Ano po ba ang pinag-
uusapan natin?
Aba! Hindi po namin alam
ito!
HALIMBAWA:
4. Tuldok ( . ) – ginagamit sa mga
pangungusap na pasalaysay,
pautos o pakiusap.
Halimbawa:
Gumawa tayo ng paraan.
Pakilakasan po lamang ng
inyong pagsasalita.
5. Tandang Pananong ( ? )
ginagamit sa mga
pangungusap na
nagtatanong.
Halimbawa:
Lahat ba ay narito na?
Kailan tayo kikilos?
6. Tandang Padamdam ( ! )
ay ginagamit sa mga
pangungusap na padamdam o
nagpapahayag ng matinding
damdamin.
Halimbawa:
Nanalo ako!
7. Kuwit ( , )
Ginagamit sa paghihiwalay ng
magkakasunod na salitang
binabanggit sa isang
pangungusap.
Halimbawa:
Maraming yamang nakikita sa
kalikasan tulad ng mga bundok,
ilog, dagat, at sa mga kagubatan.
Kuwit ( , )
8. PPanipi ( “ ” )
ginagamit sa paghihiwalay ng
tuwirang sinabi ng tauhan sa
isang pahayag.
Halimbawa:
“ Maglinis tayo ng paligid” sigaw
ng kabataan sa parada.
9. Tutuldok ( : )
ginagamit upang ihiwalay ang
isang paliwanag, tuntunin, o
halimbawa buhat sa isang
malayang sugnay.
Halimbawa:
Ang gusto kong mga prutas ay
ang sumusunod: mangga,
saging, pinya, at mansanas.
10. Tuldok- kuwit ( ; )
Ginagamit sa pagdurugtong ng
dalawang magkakahiwalay na
sugnay upang maging isang
pangungusap.
Halimbawa:
Hangang- hanga ang palaka sa
tinig ni Tambelina; sadyang
napakaganda nito.