SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 30
ANG GANG BILANG ALTERNATIBONG INSTITUSYONG
                  PANLIPUNAN:
Ang Penomenon ng Gang at ang Kabataang Pilipino



              Michael Wilson I. Rosero
                   Kasaysayan 114




              PROF. GIL GOTIANGCO JR.
                       Guro




                     Abril 2010
1.0. PANIMULA
          Nasa kalikasan ng tao ang magsama-sama at bumuo ng isang samahan para sa isang
partikular na layunin at gawain. Sinasabing likas sa tao ang makipag-ugnayan sa kanyang kapwa
at bumuo at sumali sa mga samahan na makakatugon sa mga pangangailangan nito. Kahit na ang
mga sinaunang tao ay nangangaso at nangangalap ng mga pagkain ng pangkat-pangkat. Kaya
naman hindi na bago sa kasaysayan ng tao ang pag-iral at paglaganap ng mga samahan,
organisasyon at iba pang pagpapangkat-pangkat at sa partikular na usapin, ang penomenon ng
gang.


          Hindi na isang makabagong konsepto ang penomenon ng gang. Sa kasaysayan ng India,
lumitaw ng halos kasing-aga ng 1200 AD ang salitang thug na tumutukoy sa grupo ng mga
kriminal (Thugz) na sumasalanta sa mga pangunahing siyudad ng nasabing bansa. Ang mga
miyembro ng Thugz ay may sariling simbolo, mga senyas, ritwal at wika. Samantala ang salitang
gang na nagmula sa lumang Norse gangr, ganga na nangangahulugang ‘daan, paglakbay o
paglakad ay ginamit nang pagpapangalan sa mga grupo ng kabataan nang halos kasing-aga ng
ika-14 na siglo. Masasabi na ang etimolohiyang ito ay nagpapahiwatig na bahagi ng kalakaran ng
buhay ng sinaunang pagpapangkat-pangkat o band ang paggala o paglalakbay, bagama’t malayo
na ito sa kasalukuyang pagtingin ng gang na mayroon ng ideya na ng teritoryo.


          Matagal ng mayroong gang, anuman man ang anyo nito at ito ay bahagi na ng kasaysayan
ng tao. Ngunit sa pagpasok lamang ng dekada 80 naagaw ang pansin ng midya at pulitiko ng
mga karahasan at suliraning dulot ng gang. Pagdating ng ika-19 at ika-20 siglo naging suliranin
na ng bawat pangunahing siyudad sa mundo ang problemang dulot ng gang.


          Kasabay ng popularidad ng gang ay ang paglaganap at paglala ng mga suliraning dulot ng
mga miyembro nito. Naging popular na tema ito sa mga pag-aaral ng mga dalubhasa at literatura.
Subalit nakatuon ang mga isinagawang pag-aaral na ito sa ugat at pinagmulan ng penomenon ng
‘gang’ bilang isang suliraning panlipunan at paglaganap nito partikular na sa mga kabataan.
Kaugnay nito ay ang pag-usbong ng mga teorya hinggil sa pag-unlad ng gang, na kung saan ang
pagsugpo o paglutas sa suliranin na dulot ng samahang ito ng mga kabataan ang malimit na
usapin.
Sa bawat literaturang naisulat hinggil sa gang, negatibo ang lumalabas na pagtingin sa
gang. Nabigyang-pansin ng ganitong pagtanaw sa karahasan, at iba pang lihis na gawain ng
kabataang miyembro ng gang na umaabot pa sa pagnanakaw, pagpatay, at paggamit ng bawal na
gamot. Subalit hindi ito ang buong istorya. Bagama’t may mga ganitong popular na pagtanaw at
steryotipo sa gang at buhay-gang, hindi pa rin maaalis ang katotohanang may tungkuling
ginagampanan sa lipunan ang gang. Para sa mga miyembro nito, hindi lamang simpleng samahan
ng mga magkakaibigan ang gang, ito ang humahalili at gumaganap sa tungkuling dapat ay
ginagampanan ng institusyong panlipunan tulad pamilya, relihiyon at paaralan.


       Walang istandard na pagpapakahulugan sa salitang gang sa kasalukuyan. May sari-
sariling konsepto ng gang at nag-iiba-iba ang pagpapakahulugang ito sa bawat manunulat.
Karamihan sa naging pagpapakakahulugang ito ay nakatuon sa mga karahasan at problemang
dulot ng mga miyembro ng gang bilang pangunahing katangian ng gang na nag-iiba dito mula sa
iba pang uri ng pagpapangkat. Ang ganitong pagtanaw ay hindi nakatuon sa pag-unawa sa tunay
na konteksto ng problema kundi sa pagsugpo at pag-alis ng nasabing suliranin.


       Ang sulating ito ay isa lamang sa mga naging pagtatangkang unawain ang penomenon ng
gang sa mga kabataan. Ito ay preliminaryong pagsusuri sa isang kapansin-pansin at popular na
kaganapan sa mga kabataan, partikular na sa mga kabataang Pilipino sa mga nakalipas na taon.
Bagama’t marami ng naisulat na pag-aaral tungkol sa gang sa pangkalahatan, wala pang
naisasagawang pormal at komprehensibong pag-aaral hinggil sa mga Pinoy gang.


       Layunin ng sulating ito na makapagbigay ng isang kongkretong pagsasalarawan ng kung
ano ang gang at ang sinasabing buhay-gangster bilang isang pangkalinangang-tanawin sa lipunan
at kulturang Pilipino partikular na sa subkultura ng kabataan. Nilalayon nito na mabigyan ng
ideya ang mga mambabasa tungkol sa kalagayan ng mga ganitong samahan ng samahan at mga
miyembro nito sa lipunan at kulturang Pilipino. Uusisain din ang mga teorya hinggil sa pag-
unlad nito at ang iba’t ibang persepsyon dito. Kaugnay nito, nais din ng papel na ito na matukoy
ang pinagmulan ng gang at ang dahilan ng paglaganap nito sa Pilipinas.
Titingnan ng sulating ito ang gang bilang isang alternatibong institusyong panlipunan na
siyang nagiging takbuhan at kanlungan ng mga miyembrong ito sa mga pagkakataong di
nagagampanan ng maayos ng mga nasabing institusyon ang kanilang gampanin. Kaugnay nito,
titingnan ang pagsali sa gang bilang pakikipag-ugnayang sosyal na esensyal sa pag-unlad bilang
tao. Sa positibong pagtanaw, susuriin ang gang at ang tungkulin na ginagampanan nito sa
sosyalisasyon ng mga kabataang Pilipino. Pahapyaw din na tatalakayin ang isa pang
lumalaganap na uri ng pangkat ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon na nagpapahiwatig na
ng paghina ng penomenon ng gang sa kabataan.




1.1. Metodolohiya
       Gaya ng nabanggit sa itaas, ang pag-aaral na ito ay isang preliminaryong pagsusuri sa
kalagayan ng gang at buhay-gang sa Pilipinas. Layunin nito na makapagbigay ng kongkretong
pagsasalarawan at makapagbigay-ideya hinggil sa konsepto ng gang sa lipunan at kulturang
Pilipino.


       Dalawa ang naging pangunahing paraan ng mananaliksik sa pagkalap ng datos at
impormasyon para sa nasabing pag-aaral na ito. Pagkatapos magsumite ng isang balangkas at
batayang tanong, sinimulan ang pagbabasa ng mga akda at mga nakaraang pag-aaral, maging
mga dokumentaryo at artikulong naisulat tungkol sa gang.


       Sumunod na naging hakbang ay ang paghahanap ng mga informant, mga miyembro ng
gang upang kapanayamin. Hindi naman naging mahirap para sa mananaliksik ang pagtukoy sa
mga informant na kakailanganin sa pag-aaral. Unang tinukoy ang mga lugar na kinaroroonan at
napapabalitang may mga miyembro ng gang. Ilan sa mga lugar na ito ay Manggahan at Napa
Compound sa Brgy. Marcelo Green, Paranaque City, Brgy. Purok 3, Bagong Tanyag, Taguig
City, Dr. Arcadio Santos National High School        at Fourth Estate Elementary School sa
Paranaque. Kinapanayam din ang mga lokal na opisyal ng mga nasabing lugar at paaralan.
1.2. Saklaw at Limitasyon
        Ang pag-aaral na ito ay tutuon sa penomenon ng gang at paglaganap nito sa kabataang
Pilipino. Layunin nito na makapagbigay ng isang pagsasalarawan sa mukha at kalagayan ng gang
at mga miyembro nito. Sasaklawin ng pag-aaral na ito ang kasaysayan at pinagmulan ng gang at
paglaganap nito sa lipunang Pilipino. Kaugnay nito, tatalakayin din ang mga perspektibong
teoritikal na maikakawing sa pag-unlad ng gang sa Pilipinas.


        Mula sa mga nakalap na datos at impormasyon, magbibigay ang mananaliksik ng isang
kongkretong pagsasalarawan, pagpapakahulugan at pagtingin ng mga tao tungkol sa gang sa
lipunang Pilipino. Lalamanin din ng pagsusuri ang mga polisiya at programang ipinapatupad
kaugnay ng suliranin sa gang at karahasang dulot nito. Tatalakayin din ng pahapyaw ang
fraternity, isa ring lumalaganap na uri ng pangkat ng mga kabataang Pilipino. Sa pag-aaral na ito,
ipapakita ang unti-unti ng paghina ng penomenon ng gang at ang transisyon mula sa gang
patungong fraternity na siyang umiiral sa kasalukuyang panahon.


        Samantala, naging isang malaking limitasyon sa isinagawang pag-aaral ang kakulangan
sa oras at panahon bagamat masasabing sapat na ito upang makuha ang mga esensyal na
impormasyon para sa pag-aaral. Maliban pa dito ay ang pagiging sensitibo ng napiling paksa.
Bagama’t hindi masyadong nahirapan ang manunulat na maghanap ng mga informant, naging
suliranin naman ang pag-aatubili ng mga ito na ibigay ang hinahanap na datos. Isang
konsiderasyon din ang kaligtasan ng mananaliksik. Hindi na tinangka na magsagawa ng mga
panayam sa mga lugar na walang kakilalang tutulong sa paghahanap ng mga miyembro ng isang
gang.


        Wala pa ring gaanong nasusulat hinggil sa ‘Filipino gang’ kaya hindi naging madali ang
pagkalap ng impormasyon lalo tungkol sa kasaysayan ng gang sa Pilipinas. Karamihan sa
pinagbatayang batis ay sinulat ng mga banyagang may-akda.
2.0 KALUGARANG HISTORIKO-KULTURAL


2.1. Ang Kabataang Pilipino
       Mahigit isandaan taon na ang nakalilipas, winika ni Dr. Jose Rizal, ang pambansang
bayani ng Pilipinas na ang ‘Kabataan ang pag-asa ng bayan.’ Sa kasalukuyan, ito ang
pinanghahawakan ng mga kabataan para matamo ang minimithi nilang pagbabago.


       Sa lipunang Pilipino, ang ‘kabataan’ ay ang mga nabibilang sa mga edad 15-30 taong
gulang. Ito ay ayon sa itinakda ng Batas Republika 8044 o ang ‘Youth Nation-Building Act’
noong 1995. Subalit ang nag-iiba-iba ang pagpapakahulugang ito sa iba’t ibang ahensya ng
pamahalaan sa bansa na nakabatay sa tungkuling ginagampanan nila.


       Itinuturing na yugto ng kabataan ang isa sa mga pinakamahirap na yugto ng buhay ng
isang tao. Sa maikling panahong ito, patuloy na nakararanas ang isang tao ng mga pagbabago,
mga dramatikong trnaspromasyon sa pisikal at emosyonal na aspekto. Sa yugtong ito,
nararanasan ng isang tao ang mga pagsubok na makasabay sa mga pagbabagong ito.
       Sa paglipas ng panahon, mahalaga ang papel na ginampanan ng sektor ng kabataan sa
pagbuo ng kasaysayan. Noong panahon ng mga Kastila, sinimulan ng mga kabataang Pilipinong
tinawag na ilustrado na may kakayahang makapag-aral sa ibang bansa ang paghingi ng reporma
para sa kalayaan ng Pilipinas. Nanguna sina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez-
Jaena at marami pang iba.


       Sa panahon ng Batas Militar, naging aktibo ang mga kabataang Pilipino sa pagpapaalis sa
diktador na pangulo. Nanguna ang grupong Kabataang Makabayan at mga estudyanteng kabilang
sa sector ng kabataan sa paghingi ng pagbabago para sa bansa.


       Sa kasalukuyan, kinakarakterisa ng kabataang Pilipino ang sarili bilang indibidwal na
may katangi-tanging katangian, kakayahan, pangarap at mithiin at indibidwal na may
pagpapahalaga sa mithiin ng iba1 May kakayahan ang kabataang Pilipino na gumanap ng iba’t
ibang karakter sa iba’t ibng sitwasyon ng buhay.


        Sunod sa pamilya bilang mahalagang pinagmumulan ng suporta at pagtanggap bilang tao
ay ang kanilang mga kaibigan at barkada na tumutukoy sa maliit na pangkat ng tao na madalas
nakakasama sa lahat ng gawain. Karaniwan itong gumaganap na isang entablado na kung saan
nagagawa ng isang kabataan ang mga gampanin niya bilang tao. Isang mahalagang
pinagmumulan din ng tama at maling impormasyon ang barkada. Kung kaya naman ay
mayroong konsepto ng mabuti at masamang barkada ang mga magulang pagdating sa mga
kaibigan ng kanilang mga anak. Mayorya (97%) ng kabataang nabanggit ay may barkada. Ang
barkada ang nagsisilbing lugar na kung saan maaaring makapagpahayag ng walang ibang iniisip,
lalo na ang hindi nila masabi sa kanilang magulang at kapatid. Isang esensyal na bahagi ng
buhay-kabataan ang pagkakaroon ng barkada at iba pang uri ng samahan.




2.2. Kasaysayan ng Gang
         Unang ginamit ang salitang ‘gang’ bilang pagpapangalan sa grupo ng mga kabataan
noong ika-14 na siglo. Sa pagpasok ng ika-19 hanggang ika-20 siglo, naging pangunahing
suliranin sa mga malalaking siyudad sa mundo ang karahasang dulot ng mga grupo ng kabataan
ngunit naagaw lamang nito ang pansin ng midya at mga pulitiko noong 1980s.


        Unang lumitaw ang gang na kinabibilangan ng kabataan sa Europa at Mexico. Nakarating
at lumaganap ito sa Estados Unidos nang kasing-aga ng 1973 sa pagtatapos ng Rebolusyong
Amerikano. Pinaniniwalaang nag-ugat ito sa mga grupong tinatawag na play groups o maaaring
isa rin itong kolektibong pagtugon sa mga pagbabago sa kondisyon ng bansa. Sinasabi rin na
umusbong kasunod ng pandarayuhang Mehikano patungong timog-kanluran pagkatapos ng
Rebolusyong Mehikano noong 1813. Mahihinuhang ang hirap na naranasan at nakaharap ng mga


1
 Gale, Fay, ed. “Youth in Transition. The Challenges of Generational Change in Asia” The Association of Social
Science Research Councils, (2005), 202,
http://www.unescobkk.org/fileadmin/user_upload/shs/Publications/AASSREC_Book.pdf
migranteng kabataang Mehikano sa pakikipag-ugnayan sa banyagang kultura ang nagbunsod ng
pagbuo ng mga gang.


          Lumaganap ang mga gang sa New England noong unang bahagi ng 1800s sa pagsulong
ng Rebolusyong Industriyal sa mga malalaking siyudad ng Estados Unidos tulad ng New York,
Boston at Philadelphia. Umunlad ang gang sa Chicago at ibang malalaking siyudad sa pagtaas ng
antas ng pandarayuhan at pabagu-bagong populasyon noong panahong industriyal. Sa
kasaysayan ng Amerika, naging pinakaaktibo at pinakamarahas sa mga panahon na kung saan
may nagaganap na mabilis na pagbabago sa populasyon ng bansa. Kinakitaan ng apat na yugto
ng rurok ng pag-unlad ng gang at gawain nito: noong ika-18 siglo, dekada 20, 60 at 90. Noong
dekada 70 at 80, naging mas mapanganib ang mga gang. Ang dating mga away-gang o rumble na
ginagamitan lamang ng kamao at mga brass knuckles ay ginamitan na ng mga baril. Sa pag-
unlad ng panahon at makabagong teknolohiya, nagkakaroon ng mga bagong paraan at naging
daan ito sa pagiging mas mapanganib na gawain ng gang. Bumabata din ang mga naging
miyembro ng gang ng 1980 at 1990. Kinakitaan din ng pagbabago at transpormasyon ang ilan sa
mga gang patungo sa mga organisasyong entreprenyuryal. Pinasok na rin ng ilang gang ang
negosyo ng pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot noong kalagitnaan ng dekada 80.2




2.3. Ang Pinagmulan ng Pinoy Gang
          Sinasabing nagsimulang lumaganap ang mga gang na binubuo ng mga kabataang Pilipino
noong dekada 70 at 80. Ito ang panahong laganap ang kaguluhang pulitikal sa bansa. Dahil dito,
marami ang umalis ng Pilipinas at nagpunta sa ibang bansa tulad ng Estados Unidos. Dala ng
pagkakaiba sa kultural na aspeto, nagsimulang magbuo ng mga samahan ang mga kabataang
Pilipino bilang proteksyon sa mga komprontasyong kinakaharap nila sa ibang bansa. Habang
nasa banyagang lupain, kinailangan ng mga kabataang Pilipino na maipagtanggol ang kanilang
mga sarili laban sa iba’t ibang uri ng diskriminasyon dulot ng pagkakaiba ng lahi at kultura Dito
nagsimulang mabuo ang mga ‘gang’.



2
    Irving, Spergel, The Youth Gang Problem: A Community Approach (New York: Oxford University Press, 1995).
Sa Pilipinas, walang nakalap na impormasyon hinggil sa kasaysayan ng mga gang sa
bansa. Subalit kung pagbabasehan ang mga naging kaganapang panlipunan sa bansa,
mahihinuhang sa yugto ding ito ng dekada 70 at 80 nabuo at lumaganap ang mga gang sa bansa.
Sa mga panahong ito, aktibo ang mga kabataan sa pagbuo at pakikilahok sa mga samahan at
organisasyon.


        Isa sa rin sa maaaring pagbatayan ng ganitong hipotesis tungkol sa kasaysayan ng Pinoy
gang ay ang social disorganization theory3 na isa sa pinakapopular na teorya sa pag-unlad ng
gang. Ayon sa teoryang ito, malaki ang kaugnayan ng urbanisasyon, pandarayuhan at
industriyalisasyon sa pag-unlad ng gang na nagiging dahilan pagkasira ng mga umiiral na
institusyong panlipunan.


        Isa sa mga bunga ng urbanisasyon ay ang pagdami ng mga iskwater o mga informal
settlement. Ayon sa isang pag-aaral4, naging triple ang populasyon ng iskwater mula 3.35 milyon
noong 1985 na naging 11 milyon noong 1989. Nasa Metro Manila ang 45 porsyento ng
populasyon ng iskwater. Inaasahang sa patuloy na pagsulong ng urbanisasyon, patuloy rin ang
paglaki ng bilang ng populasyon ng iskwater sa mga susunod na dekada. Ang kalagayang ito ng
lipunang Pilipino noong dekada 80 ay maiuugnay din ito sa popular na pagtanaw na ang mga
gang ay karaniwang nabubuo sa mga mahihirap na lugar at mga lugar na may iskwater.


        Sa kasalukuyan, patuloy ang paglaganap ng mga gang sa kabataang Pilipino. Hindi rin
naiiba ang mga Pinoy gang sa mga gnag sa ibang bansa. Negatibo rin ang pagtingin ng mga tao
sa mga miyembro ng gang. Sa Metro Manila, naging malaking suliranin ang mga karahasang
dulot ng mga kabataang miyembro ng gang.


2.4. Ano ang Gang?
        Walang isang masasabing istandard na pagpapakahulugan sa gang. Nag-iiba-iba ito
depende sa pagtanaw ng mga manunulat na nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa gang. Sa mga
nakaraang pag-aaral, ang pagiging sangkot ng mga miyembro ng gang sa mga gawaing kriminal

3
 Randall Shelden, and others, Youth Gangs in American Society, (Wadsworth Publishing Company, 1997).
4
 Transportation, Water, And Urban Development Department, Philipines in the 1980s: A Historical Review of
Social Policy and Urban Level Interventions (Washington:The World Bank, 1993).
at delingkwenteng gawi ang nagiging batayan at siyang nag-iiba sa gang sa iba pang pangkat o
samahang kinabibilangan ng mga kabataan.


       Ayon sa mga isinagawang pag-aaral ng mga sosyolihista, ang gang ay grupo ng kabataan
na kinikilala at tinitingnan bilang distintong samahan sa lugar na kanilang kinabibilangan;
itinuturing   ang kanilang mga sarili bilang isang distintong grupo (na may sariling
pagpapangalan at mga simbolo na sumasagisag sa kanilang grupo) at; naging sangkot sa mga
iligal na insidente na sapat upang tumawag ng pansin o makakuha ng mga negatibong puna mula
sa mga tao sa kanilang lugar at/o maging sa mga awtoridad ng batas (Klein and Maxson, 1989).


       Sa isa pang parehong pagpapakahulugan, ayon kay Joan Moore na isang sosyolohista,
ang mga gang ay mga unsupervised peer group na ang paraan ng pakikipag-ugnayan at
sosyalisasyon ay sa mga kalye at kalsada at hindi sa ilalim ng mga umiiral na institusyon.
Kinikilala nila ang sarili nilang gang at may kapasidad na magparami ng kanilang samahan,
karaniwan sa kinabibilangan nilang lugar.


       Para   naman    kay   Frederic   Thrasher,   isang   sosyolohista   na   nagsagawa   ng
komprehensibong pag-aaral tungkol sa gang, ang mga gang ay isa sa mga normatibong gawain
ng mga kabataan na nakapaloob sa isang continuum ng pag-uugali, mula sa pagiging
kumbensiyonal patungo sa wild o magulong gawi.


       Samantala, sa perspektibo naman ng mga tagapagpatupad ng batas, ang gang ay mga
samahan at ugnayang kriminal na may iilang hard-core na miyembro (karaniwang inilalarawan
bilang mga sociopath). Naniniwala ang mga awtoridad ng batas na ang paghuli at pagkulong sa
mga indibidwal na ito ay kinakailangan at pinahihintulutan ng polisiyang panlipunan.


       Ayon naman sa California Penal Code, ang isang street gang ay kahit anong
organisasyon, asosasyon o samahan ng tatlo o higit pang indibidwal, pormal o di-pormal na may
iisang pagpapangalan o símbolo o senyas na kung saan ang mga miyembro ay maaaring mag-isa
o magkakasamang nagsasagawa o nakikilahok sa isang padrón ng gawain na labag sa batas.
Subalit ano nga ba ang pagpapakahulugan sa gang sa lipunang Pilipino? Sa pag-aaral at
pagsusuri ng mga gang, mahalagang bigyang-pansin na normatibo para sa mga kabataan na
makasama ang kanilang mga kaibigan. Dahil sa ang kabataan ay pumupunta sa mga kasiyahan at
party, at sayawan at mga mall upang mamili at mamasyal, hindi na nakakagulat ang ilan sa kanila
ay sumali sa isang uri ng grupo na kilala bilang gang. Dahil dito, maituturing na ang karanasan sa
gang na isang ang normatibo at pamilyar na penomenon sa subculture ng mga kabataan at
nagpapakita ng isang na manipestasyon ng pagkakaroon ng tendensiya ng mga nasa ganitong
pangkat na magsasama-sama o maging kabilang sa isang grupo.


        Sa mga isinagawang panayam sa mga miyembro ng gang, ang mga sumusunod ay mga
pagpapakahulugan nila sa mga gang na kanilang kinabibilangan:
        a. Isang samahan o tropa ng mga kabataan na nagtutulungan kapag may kaaway
        b. Isang samahan na maaari mong matakbuhan pag nangangailangan
        c. Isang samahan na makakapitan at magbibigay sa isang miyembro ng proteksyon
            laban sa nang-aapi
        d. Isang samahan o barkada
        e. Isang grupo o samahan ng mga kabataan na walang patutunguhan
        f. Isang kapatiran ng mga kabataan na nagdadamayan kung may naapi


        . Sa madaling sabi, kung pagsasamahin ang mga nakuhang sagot, ang gang ay isang
samahan ng mga kabataan na may layuning mabigyan ng proteksyon ang mga miyembro nito.
Bagama’t hindi pa rin naaalis ang negatibong konotasyon ng salitang gang, mahalagang unawain
na tinitingnan ito ng mga miyembro nito bilang isang institusyon na maaari nilang takbuhan at
magsisilbing kanlungan nila sa panahon ng kagipitan.


2.5. Ang Persepyon at Steryotipo sa Gang
        Sa lipunang Pilipino, hindi na rin bago ang pagturing sa mga miyembro ng gang bilang
masasama at delingkwenteng indibidwal. Hindi na rin bago ang pagiging sangkot sa krimen at
mga gawaing labag sa batas gaya ng pagnanakaw, at pagpatay.
Marahas, mayabang, maangas - ito ang mga salitang ito ang agad na sagot ng mga
nakapanayam tungkol sa persepsyon sa gang. Walang ibang ginagawa ang mga miyembro nito
kundi makipag-away at mangggulo at sangkot sa mga kaguluhang nangyayari sa lugar na
kanilang kinabibilangan. At bilang panghuli, pinaghihinalaang ang mga miyembro ay gumagamit
ng ipinagbabawal na gamot at nagbibisyo. Itinuring din na mahilig sa kasiyahan o party. Sa
madaling sabi, wika nga ng isang informant, ang mga miyembro ng gang ang mga walang
patutunguhan sa buhay.


          Isang mahalagang konsiderasyon din ang panlabas na katangian ng mga gangster.
Karaniwang nakasuot sila ng mga maluluwang na damit at sumbrero. Mayabang daw ang
paglalakad at pananalita ng mga ito. Ang paso sa daliri, braso at iba pang bahagi ng katawan ay
isa rin sa mga pisikal na palatandaan ng pagiging gangster. Popular na paniniwala din na ang
mga gangster ay mula sa mga mahihirap na lugar sa mga siyudad.




3.0. ANG PENOMENON NG GANG
          Marami ng naisagawang pag-aaral tungkol sa pinagmulan ng gang at dahilan ng pagsali
ng mga kabataan sa gang.            Subalit ang mga pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pagtugon
sa problemang idinudulot ng mga gang sa lipunang kinabibilangan nila. Ilan sa mga popular na
pagtanaw na ginagamit ng mga manunulat upang pag-aralan ang pag-unlad ng gang ay ang pag-
unawa sa mga salik na istruktural at sikolohikal.


3.1. Mga Istruktural na Salik sa Pag-unlad ng Gang
          Ang Social Disorganization Theory5 ang isa sa pinakapopular na teorya sa pag-unlad ng
gang. Isa itong teorya na nakatuon sa krimen at lihis na gawain na bunga ng pagkasira o
pagkawala ng mga institusyong komunal gaya ng pamilya, paaralan, relihiyon at lokal na
pamahalaan) at ugnayang komunal sa mga taong nakapaloob sa dito. Ang terminong
disorganization ay tumutukoy sa pagkasira o pagkawala ng ugnayan ng mga tao at ang mga
ugnayang ito ay tinitingnan na organisado at may depinidong istruktura. Ang organisado at



5
    Randall Shelden, and others, Youth Gangs in American Society, (Wadsworth Publishing Company, 1997).
depinidong istrukturang ito ay nasisira dala ng mga pagbabagong panlipunan at siyang nagiging
sanhi ng pagbuo ng mga gang.


       Ayon sa Social Disorganization Theory, ang mataas na bilang ng krimen at lihis na
gawain ay makikita sa mga lugar na nagpapakita ng mataas na bilang ng mga suliraning
panlipunan gaya ng kawalan ng trabaho, mababang kalidad ng edukasyon at iba pa. Ang
ganitong kalagayan ay maaaring bunga ng tatlong salik: ang urbanisasyon, industriyalisasyon at
pandarayuhan.
       Kung titingnan ang kasaysayan ng gang, naipapaliwanag ng Social Disorganization
Theory ang pinagmulan ng mga Pinoy gang sa ibang bansa. Ang pagkakaiba sa kultural na
aspeto ang nagbunsod sa mga kabataang Pilipino na bumuo ng gang upang ipagtanggol ang
kanilang mga sarili laban sa diskriminasyon dala ng pagkakaiba sa kultura at lahi. Magagamit
din ang teoryang ito upang ipaliwanag ang paglaganap ng mga gang sa Pilipinas noong dekada
70 at 80.


       Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pag-iral ng mga gang sa Pilipina. Ito ay maaaring dala
ng patuloy na urbanisasyon at pandarayuhan. Kasabay ng urbanisasyon ay ang paglaki ng
populasyon ng mga informal settler o mga iskwater sa Metro Manila na bunga ng pandarayuhan
ng mga mula sa karatig-bayan. Kaugnay ng paglaki ng bilang ng mga iskwater sa kalunsuran
partikular na sa Kamaynilaan ay ang pag-usbong at pagbuo ng mga gang.


       Sa isang lugar na kung saan nawala o nabigo ang umiiral na mga institusyong panlipunan
na gampanan ang mga kaukulang tungkulin sa buhay ng isang bata, nangangahulugan ito ng
disintegrasyon ng buhay-pamilya, pagiging di-epektibo ng mga paaralan, korupsyon, at
kawalang-interes sa lokal na pulitika, mababang sahod at kawalan ng trabaho at kakulangan ng
oportunidad para makapaglibang. Ang lugar na may mga iskwater ang isang perpektong
pagsasalarawan ng isang disorganisado at nabubulok na lipunan.


       Sa ganitong kalagayan, nagiging isang mahalagang bahagi ng pamumuhay ng mga
kabataan ang gang. Ang mga gang ang nagiging kahalili at nagsisilbing alternatibong institusyon
na nagbibigay ng kung anuman hindi maibigay ng umiiral na lipunan at nagiging kanlungan at
proteksyon laban sa di-kaaya-ayang kalagayang panlipunan. Sa gang nahahanap ng mga
kabataan ang hinahanap nilang pagkalinga ng pamilya at iba pang mga pangunahing
pangangailangan. Sa gang din nahahanap ng mga miyembro ng gang ang proteksyon na
kinakailangan nila sa paglaki at pakikipag-ugnayan sa mundo. Sa uri ng pamumuhay na umiiral
sa mga lugar na may iskwater, isang normatibong bahagi ng buhay ang pagkakaroon ng mga
kaibigan na kinakatawan ng mga gang.




3.2. Mga Sikolohikal na Salik sa Pag-unlad ng Gang
       Ang mga sikolohikal na salik ay maaaring bunga ng mga istruktural na salik na makikita
rin at pinagtuunan din ng pansin ng mga manunulat ng tungkol sa gang.
       Ang gang ang nagsisilbing alternatibong lugar na kung saan maaaring makamit o ng mga
miyembro nito ang mga batayang pangangailangan na hindi naibibigay sa kanila ng mga umiiral
na institusyong panlipunan tulad ng estadong panlipunan, pagkakakilanlan at pangangailangan
mapabilang sa isang samahan.


       Sa mga lugar na kanilang kinabibilangan, isang paraan ng pagkamit ng estadong
panlipunan at sariling pagkakakilanlan ay ang pagsali sa mga gang. Sa loob ng gang, nakakamit
ng mga miyembro nito ang mga pagkilalang ninanais nilang makamit. Makukuha sa gang ang
lahat ng imposible at di maibibigay ng lipunan gaya ng suporta, pagkakakilanlan, estado, dangal,
oportunidad at pamilya.




4.0. ANG GANG SUBCULTURE


4.1. Demograpiya
       Ang average na edad ng isang gangster ay 17 o 18 taong gulang. Sa isinagawang pag-
aaral, ang mga miyembro ng gang ay karaniwang may edad na 11 hanggang 24 taong gulang.
Ang ilan sa kanila ay maaaring mas matanda pa o bata sa nabanggit na edad.
Taliwas din sa lumang paniniwala na ang mga gang ay binubuo ng mga lalaki lamang,
marami na rin sa mga gang ngayon ay binubuo ng parehong lalaki at babae. Subalit bihira naman
ang pagkakaroon ng isang all-female gang na binubuo lamang ng mga kabataang babae.




4.2. Ang Gang at Kabataang Babae
       Bagamat walang nakalap na mga estadistika hinggil sa mga pagkakaroon ng mga
babaeng gang, karaniwan sa mga Pinoy gang ay binubuo na ng parehong lalaki at babaeng
miyembro. Ayon sa mga naging pag-aaral, may tatlong uri ng kasapian ang mga kabataang babae
na miyembro ng gang. Una ay ang pagiging independyente o hiwalay na gang sa mga
kalalakihan. Pangalawa, pagiging miyembro ng isang coed na gang na tumutukoy sa gang na
may babae at lalaking miyembro. At panghuling uri ng gang na kinabibilangan ng mga
kabataang babae ay ang babaeng bersyon (feminized version) ng mga umiiral na mga gang ng
kabataang lalaki.


        Kagaya ng mga lalaking gangster, pangunahing dahilan din ng pagsali ng gang ng
babaeng gangster ang paghahanap ng proteksyon. Pangalawa dito ay ang patuloy na hangaring
maalis ang steryotipo sa mga kababaihan at maipakita na kaya nilang gawin ang mga ginagawa
ng mga kalalakihan. Isang pagrerebelde din ito sa konserbatibong nosyon ng lipunang at
kulturang Pilipino sa pagiging babae na nangangahulugan ng pagiging mahinhin at masunurin at
laging pangalawa sa lalaki.   Ang pagsali sa gang ay isang paraan ng pagpapakitang-gilas sa
kakayahan at maaaring gawin bilang isang babae. Nakikita din mga kabataang babae na maaari
silang makahanap at magkaroon ng boyfriend pag sumali sila sa gang.


       Ang mga babaeng gangster ang karaniwang taga-dala o tagapagtago ng mga sandata ng
mga lalaking gangster. Isa rin sa tungkulin na ginagampanan nila sa gang ay magbigay ng aliw
(sekswal) sa mga lalaking miyembro nito. Kalimitan ding mga girlfriend ng lalaking gangster
ang mga babaeng miyembro ng gang.
4.3. Istrukturang Organisasyonal ng Gang
       Ayon sa isinagawang pananaliksik, ang mga Pinoy gang ay pinamumunuan ng Founder,
Pangulo at Master of Disciplinary Action (Master D.A.). Ito ang tatlong esesnyal na bahagi ng
samahan. Subalit maaaring magdagdag ng ilan pang opisyal ayon sa pagpapasya ng Founder at
Pangulo ng gang. Maaaring magkaroon ng Pangalawang Pangulo, Kalihim at Ingat-Yaman.


       Ang Founder ang tagapagtatag ng gang. Siya ang itinuturing na pinakamakapangyarihan
sa gang at kadalasang may pinakamalawak na karanasan at koneksyon. Iginagalang ng lahat ng
miyembro ang kanilang Founder. Karaniwan ang Founder ang nagbibigay ng payo sa mga
miyembro ng gang. Isa siya mga tinatawag na OG o original gangster na siyang mga beteranong
miyembro ng gang. Ang Founder din ang siyang gumagawa ng mga simbolo, pagpapangalan ng
samahan. Lady Founder naman ang katumbas nito sa mga babaeng gang.


       Ang Pangulo naman ang nangangasiwa at namamahala sa mga internal na gawain ng
gang. Sila ang gumagawa ng batas na dapat sundin ng mga miyembro ng gang. Bagama’t mas
makapangyarihan ang Founder, hindi ito gaanong nakikialam sa mga usapin ng gang.
Ipinauubaya nito sa Pangulo at iba pang opisyal ang pagpapanatili ng kaayusan ng samahan.


       Pinipili ang Pangulo sa pamamagitan ng botohan. Ang mga miyembro ang nagpapasya sa
kung sino ang kanilang magiging Pangulo. Ang isang Pangulo ay dapat responsable, malakas,
matapang at isang bentahe ang kanyang karanasan bilang isang gangster. Kailangan din na may
kakayahan siya at magaling magpalakad ng isang samahan. Karaniwan napapalitan lamang ang
isang Pangulo kapag siya ay namatay o nawala ito. Subalit sa mga pagkakataong nagkaroon ng
problema sa kanyang pamamahala, maaaring palitan siya at idinadaan ito sa botohan.


       Samantala, nasa kamay naman ng Master D.A. ang pagdidisiplina sa mga miyembro ng
gang. Siya ang nagpapanatili ng kaayusan ng samahan at kadalasang nagbibigay ng kaukulang
parusa sa mga lumalabag sa mga batas na dapat sinusunod ng mga miyembro. Siya rin ang
namamahala sa initiation ng mga gustong maging miyembro.
Sunod sa mga opisyal ay ang mga miyembro ng gang. Inaasahan ang bawat miyembro na
sumunod sa mga batas ng gang, at isabuhay ang mga paniniwala ng gang. Kasama na rin sa
responsibilidad na ito ang pagpapanatili sa gang sa pamamagitan ng            pagpaparami at
pagpapalawak ng sakop nito. Bawat miyembro ay may kakayahang makapagtatag ng bagong
chapter ng gang nila sa ibang lugar.


4.4. Proseso ng Pagsali sa Gang
       Bawat gang ay may sinusunod na proseso sa pagpapalawak ng kasapian nito. Ang mga
sumusunod ay hakbang sa pagsali ng gang ng isang neophyte o wannabe. Hindi ito ang istandard
na proseso sapagkat hindi lahat ng gang ay sumusunod sa mga hakbang na ito.


       Recruitment
               Ito ang unang hakbang sa pagsali sa isang gang. Lalapitan ng isang miyembro ng
       gang ang isang potensyal na miyembro at hihikayating sumali sa gang nila. Sa yugtong
       ito, ikinukwento ng miyembro ng gang ang lahat ng positibong bagay tungkol sa kanilang
       samahan. Subalit madalas na hindi na dumadaan dito ang mga nais na maging miyembro
       gangster. Sila na mismo ang lumalapit sa isang miyembro ng gang at nagpapahayag ng
       kagustuhang sumali. Karaniwan ang mga indibidwal na ito ay kaibigan na ng mga
       miyembro at halos alam na ang lahat ng tungkol sa gang na sasalihan niya.


       Confirmation
               Mahalaga sa gang na mapangalagaan ang anumang lihim na mayroon ito na
       nararapat lamang na malaman ng mga miyembro nito kung kaya’t dumadaan sa hakbang
       na ito ang mga nais na maging miyembro. Ito ay upang masiguro na alam na ng neophyte
       ang mga papasukin niya bilang miyembro ng gang at matiyak ang kagustuhan niyang
       bahagi ng gang.


       Hazing o ‘Bigay’
               Tinatawag itong 30-second massacre. Sa loob ng tatlumpung segundo, daranasin
       ng neophyte ang pisikal na pagpapahirap mula sa mga miyembro ng gang. Kadalasang
       jina-jump in at bibigyan o bubugbugin ng lahat ng naroroong miyembro ang neophyte.
Kinakailangan niyang kayanin ang ganitong pagpapahirap upang maging ganap na
       miyembro. Maaaring makaligtas ang isang neophyte sa 30-second massacre sa
       pamamagitan ng tinatawag na ‘welcome’ na kung saan nagagawang pakiusapan ng
       nagrecruit ang Pangulo na huwag ng dumaan sa hazing ang kanyang narecruit. Subalit
       tanging ang mga opisyal at mga miyembrong malapit sa Pangulo ang may prebilihiyong
       gawin ito.


              May sariling bersyon naman ang mga babaeng gang sa 30-second massacre. Sa
       kanila, maaaring ito ay sa pamamagitan ng pagsampal o pagsinturon sa neophyte.


              Bahagi rin ng hazing o Isa sa palatandaan ng gang ay ang tinatawag na sondo o
       paso sa pagitan ng daliri, braso o sa iba pang bahagi ng katawan.




       Kamayan
              Ito ang huling bahagi ng proseso. Kakamayan ng mga miyembro ang bagong
       miyembro upang maging opisyal ng miyembro ng gang.




4.5. Dahilan ng Pagsali sa Gang
       Iba-iba ang dahilan ng bawat miyembro sa pagsali sa gang . Ang mga sumusunod ay
mga ispisipikong dahilan ng pagsali ng mga kabataang Pilipino sa gang.


       Proteksyon


              Ang pagbibigay-proteksyon sa mga miyembro nito ang pinakapopular na dahilan
       sa pagsali sagang. Tinitingnan ng mga miyembro nito ang gang bilang isang samhan o
       kapatiran na tutulong sa kanila kapag sila ay naaapi. Panatag ang mga miyembro kapag
       kasama nila ang kanilang gang. Ayon sa isa sa mga informant, pag kasama niya ang gang
       niya, pakiramdam niya wala ng gagalaw sa kanya.
Ang gang din ang nagsisilbing takbuhan ng mga miyembro nito sa panahon ng
       kagipitan. Maliban sa pisikal na proteksyon, sa gang din nahahanap ng mga mga
       miyembro nito ang mga pagkukulang na di maibigay sa kanila ng kanilang pamilya,
       paaralan    at lokal na pamahalaan. Dito nila nararanasan ang suporta, pagkalinga at
       pagmamahal na hinahanap nila.


       Karanasan


                Ang ilan naman ay sumasali lang sa gang upang maranasan lamang ang buhay-
       gang. Dala ito ng kuryosidad sa kung ano ang mayroon sa gang at ano ang dahilan ng
       popularidad. Sa isang lugar sa Paranaque, dumating ang panahon na halos lahat ng
       kabataan ay nais maging gangster at halos lahat ay sumasabay sa popularidad ng gang.


       Barkada/Kaibigan


                Isang malaking impluwensya sa buhay ng kabataang Pilipino ang kani-kanilang
       grupo ng kaibigan o mga barkada. Karamihan sa mga naging informant ay
       naimpluwensyahan ng barkada o ang sabi pa ng isa ay nadala sa sulsol ng barkada kaya
       naman sumali at napasali sagang. Pinaiiral sa mga barkadang ito ang konsepto
       ng‘Walang iwanan’ na nagpapakita ng matibay na samahan ng mga magkakaibigan sa
       lipunan at kulturang Pilipino.


                Sa kabilang banda naman, ang paghahanap ng mga bagong kaibigan ay isa ring
       dahilan sa pagsali sa gang. Ayon kay Syron ng Reckless Asiatic Gang (RAG), masaya
       siya sa gang niya dahil sa mga kaibigan niya sa gang. Mas maganda kung maraming
       tropa.


4.6. Pag-alis sa Gang


       Hindi sa lahat ng pagkakataon ay matiwasay ang samahan sa gang. Minsan may mga
bagay na dapat isaalang-alang na humahantong sa pag-alis sa gang.
Para kay Paulo, isa sa mahalagang konsiderasyon sa pag-alis niya sa gang ay ang
kanyang pamilya. Hindi sang-ayon ang kanyang ina sa pagsali sa gang kaya naman di niya ito
ipinaalam. Subalit nang malaman ito ng kanyang ina, napilitan siyang umalis sa gang.
Humantong pa sa insidenteng ipinakulong siya kasama ang kanyang mga ka-gang dahil sa
pagsali niya sa gang.


       “…. Mama ko. Nung nagalit siya. Kasi yung cellphone ko nun may camera tas nakita
niya yung picture namin ng mga kagang ko. Ayaw niya kasi madudungis yung mga katropa ko.
Pagkatapos nun, wala na kaming pansinan ng mga kagang ko. Pero pag nakikita nila ako,
kinakantyawan nila ako. Pag ganun, may magsusumbong sa bahay, tas pupuntahan sila ni
Mama, aawayin niya mga yung mga dati kong ka-gang.”


       Isa rin sa mahalagang konsiderasyon ay ang internal na alitan sa loob ng gang. Kapag di
na nagugustuhan ng isang gangster ang pagpapalakad sa gang, nagiging dahilan ito ng pag-alis
niya sa gang. Ang kagustuhan ding lumipat sa ibang ang isa sa mga dahilan ng pag-alis ng isang
miyembro sa gang na kinabibilangan niya.


       Si Salnel ng Purok 3, Bagong Tanyag, Taguig ay matagal ng miyembro ng Original
Brotherhood 3 gang simula noong siyam na taong gulang pa lamang siya. Subalit pagsapit niya
ng ikadalawampung taon, dumating ang yugto sa buhay niya na sawa na siya sa buhay-gang at
hindi na naging aktibo sa gang niya.


       Subalit hindi rin ganoon kadali ang pag-alis sa gang. Kailangan munang sumailalim sa isa
pang 30-second massacre na tinatawag na good bye hazing. Halos katulad lang din ito ng bigay
sa pagsali sa gang subalit di hamak na mas matindi ang pagpapahirap na gagawin sa mga
miyembro na nais umalis ng gang. Doble ang hirap na mararanasan mo.


       Sa Armela Compound sa Paranaque, halos lahat ng kabataan ay miyembro o may
kaugnayan sa gang. Subalit pagdating ng ikadalawampung taon nila na kung saan nagtatrabaho
at may nahanap na ibang pagtutuunan ng pansin, unti-unti nang humihina ang partisipasyon ng
mga miyembro ng gang sa gawain ng gang nila. Masasabing ang ganitong tanawin ay
nagpapakita na ang buhay-gang ay isa lamang yugto ng kabataan na unti-unti ding nawala sa
paglipas ng panahon.


       Sa kasalukuyan, makikita na sa pag-iral at unti-unting paglaganap ng mga fraternity sa
komunidad na sakop ng pag-aaral. Sa Napa Compound sa Paranaque City, nakikita ang
transisyon mula sa gang patungo sa fraternity. Makikita ito sa ebolusyon ng True Asiatic Gang
(TAG) na ngayon ay Alpha Kappa Rho (AKRHO) na. Ganun din ang kasalukuyang nangyayari
sa Reckless Asiatic Gangsta na unti-unti na umanong nabubuwag at may plano ng isali sa
AKRHO. Sa kasalukuyan, tanging ang mga hard-core na miyembro na lamang ang patuloy na
naging aktibo sa RAG samantalang ang ilan sa mga miyembro nito ay lumipat sa mga fraternity
gaya ng Triskelion at AKRHO. Isa itong palatandaan ng humihinang penomenon ng gang sa mga
kabataang Pilipino.




4.7 Ang Kalinangang Gang


4.7.1. Sistema ng Paniniwala at Etika
       ‘Bala ang pantubos sa sala.
       Ang kaligtasan ,sa isa’t isa ay nasa.
       Yan ang buhay ng gangsta…’
                                                                 -   Buhay ng Gangsta


       Ang katapatan sa gang ang isa sa mga pagpapahalagang mayroon ang bawat miyembro
ng gang. Ito ay dala ng mga pinagsamahan at karanasan nila bilang mga miyembro ng gang. Sa
koro ng awiting Buhay-Gangsta, ang pagbubuwis ng buhay alang-alang sa kapwa gangster.
Laging iniuuna ng bawat miyembro ang kaligtasan ng bawat isa. Naisasalarawan nito ang
konsepto ng ‘Walanglaglagan’ at ‘Walang iwanan.’ Mahalaga rin ang pagpapanatili sa kaisahan
ng samahan at sa matiwasay na pagsasama ng mga miyembro nito. Ang pagpapahalaga sa
kasama, kaibigan, ka-barkada ay isa sa magandang karakterisasyon ng mga kabataang Pilipino at
naipapakita ito sa matibay na samahan ng mga miyembro ng gang.
Taliwas naman sa paniniwala ng nakararami, hindi gawain ng gang na manakit ng
sibilyan. Kadalasang mga miyembro ng ibang gang o kaalitang gang ang nagiging biktima ng
karahasan ng gang. Maaari namang humantong sa pagpatay ang pagganti para sa naagrabyadong
kamiyembro ng gang.




4.7.2. Wika


                               ‘Mga TBS satakbuhan ay mabilis
                                  Brown style 12, dumadami
                                 Kung TBS ka, putang-ina ka’
                                    Takbo TBS 13


       Para sa mga taga-labas ng gang, isa sa mga di-kaaya-ayang aspeto ng buhay-gang ay ang
paraan ng pananalita ng mga miyembro nito. Opensiba, bastos at bulgar na wika ang ginagamit
ng mga gangster. Sa bawat salita nila ay namumutawi ang mga mura at ang paggamit ng mga
salitang may kaugnayan sa maseselang bahagi ng katawang ng tao. Magkatulad ang babae at
lalaking miyembro ng gang sa aspetong ito.


       Taliwas ang ganitong gawi sa umiiral na mga pagpapahalagang Pilipino. Sa wikang ito,
masasalamin sa wika at sa tono ng pananalita ang pagiging ‘mayabang’ at maangas at walang
inuurungan na tila ba nagpapahiwatig ng pagiging rebelde ng mga kabataan sa umiiral na norm
sa lipunan at kulturang Pilipino. Maliban sa pang-araw-araw na kalakaran ng buhay-gang,
makikita rin ang ganitong paggamit ng wika sa mga awiting gang.




4.7.3. Pananamit
       Isa sa pisikal na palatandaan ng isang gangster ay ang kanyang pananamit.. Sa Pilipinas,
uso sa mga gangster ang panghiphop na porma ng mga kabataan. Kaiba ito sa mga gang sa ibang
panig na mundo na may sariling paraan ng pananamit upang tukuyin ang gang na kinabibilangan
nila. Makikita mo ang mga kabataang Pilipino na miyembro ng gang na nakasuot ng malalaki at
maluluwang na damit sa pang-itaas at shorts (size XXL). Teternuhan nila ito ng malalaking
sombrero sa ulo. At bilang sapin sa paa, tsinelas na malalaki na imitasyon ng brand na Islander.


        Sa mga kababaihan naman, malalaki at maluluwang na damit din ang pang-itaas nila na
karaniwang jersey. Sa pang-ibaba naman ay maiikling shorts na tinatawag poky o pekpek
shortsdahil sa sobrang ikli nito.


4.7.4. Simbolo (Hand Signs)
               Bawat gang ay may sariling mga senyas o simbolo o kamayan na isang paraan
upang makilala ang isang indibidwal na kabilang sa isang gang. Ang mga simbolong ito ay
binubuo ng Founder at nagsisilbing identidad ng miyembro ng gangster sa labas ng kanilang
teritoryo.




                                    Isang tipikal na gangster
Ang simbolo ng sikat na gang sa Estados Unidos na nagngangalang Bloods


4.7.4. Sining


       Kilala ang gang sa kanilang mga ,makukulay na graffiti at mga vandalismo sa mga pader
ng mga gusali at kung saan saan pa. Tinagurian ang mga graffiti na dyaryo o bulletin board ng
mga gang at ito ang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga gang, kasama na ang mga
mensahe ng paghahamon, babala, pagpapahayag ng mga matagumpay na gawain o mga gagawin
pa lang. Subalit ang mga graffiti na ito ay hindi kaaya-ayang tanawin para sa nakararami.


       Ilan sa mga pagpapakahulugan sa mga graffiti ay ang mga sumusunod:




 Ang mga graffiti na ito ay pagpapahiwatig na ang nasabing lugar ay teritoryo ng mga gang na
                                              ito.
Samantala ang mga graffiti na ito na may nakasulat na Henry RIP ay nangangahulugang babala
                ito sa kung sinumang miyembro ng gang na nagngangalang Henry.




4.7.5. Musika


                                   Gusto mo ba na sumama
                                 Saming mundo na madrama
                          Na may halong lungkot at saya at may kaba
                              Bala ang pangtubos sa sala ng iba
                               Ang kaligtasan sa isat-isa inasa
                                  Yan ang buhay ng gangsta
                                  Yan ang buhay ng gangsta
                                      Buhay ng gangsta


                                      Buhay ng Gangsta




       Ang Buhay ng Gangsta ay isang awiting rap na sumasalamin sa buong buhay ng isang
miyembro ng gang. Nakapaloob sa titik ng awiting ito ang hirap na dinanas ng isang gangster sa
pagsali sa gang, ang mga karanasan niya bilang isang gangster at mga alinlangan sa buhay na
pinasok niya.
Ang musikang rap ay isang genre na popular sa mga gangster. Paborito nila ang hiphop at
mabilis nitong himig. Sa isang blog ng isang miyembro ng True Brown Style na kung saan
tampok ang paksang ito, may tatlong pag-uuri sa ng musikang rap. Una ay ang makabayang rap
ni Francis Magalona, rap na puro kalokohan na pinasikat ni Andrew E. at ang gangsta rap.


       Para sa kanila, ang gangsta rap na kanilang paborito ay ang tema ng kanilang buhay,
Isang katangian ng musikang rap ay ang patula nitong pagkanta. Karaniwang tema ng gangsta
rap ang karahasan ng gang at pag-ibig. Ang dalawang ito ang paboritong paksa ng mga gangster
at karaniwang laman ng kanilang awitin.


       Negatibo ang konotasyon ng salitang gang at ang pagiging gangster ay isang di-kaaya-
ayang katangian ng isang indibidwal. Sa pamamagitan ng gangsta rap, naipapahayag ng mga
gangster ang kanilang wagas na pag-ibig sa kabila ng di magandang pagtingin sa kanila ng mga
tao. Tanging sa rap lamang nila naipapakita na handa silang magmahal ng totoo sa kabila ng
lahat ng karahasang kakabit ng pagiging gangster nila.




5.0. Mga Gawain ng Gang


                           ‘Mula noong 1998 buhay ko dito na ginugol
                        Dose anyos ang laro sa mga lespu magpahabol
                           Naging kakaiba ang pananaw sa kaedaran
                      Pinangarap na lahat ng gang ay mapangibabawan’
                                       Buhay ng Gangsta


       Naging popular ang mga kabataang gang sa mga karahasang dulot nila sa mga lugar na
kanilang kinabibilangan.    Sangkot sila sa bawat kaguluhan at pag-aaway na nagaganap sa
kanilang lugar. Narito ang ilan sa mga karanasan ng mga informant sa pagiging gangster nila:
‘Nung nakaraang linggo, may dumayo dito sa amin na mula sa kalaban naming gangsta.
Binanatan namin, binugbog at nakuhaan namin ng sumbrero. Gumanti lang kami. Binawian
lang namin kasi nung dumayo kami sa lugar nila, di lang nila kami ginanun, talagang papatayin
nila kami. hinagisan kami ng mga pasabog. Tinutukan kami ng sumpak. ‘


       Ang nasa itaas ay karanasan ni Jefferson, miyembro ng True Brown Style (TBS).
Madalas na nagkakaroon ng rumble kapag may napapadaan o napadpad na miyembro mula sa
kalabang gang. Nasa kalikasan ng gang ang magpagalingan at ipakita sa kapwa nila gangster
kung sino ang mas malakas na gang. Ang pasikatang ito ay madalas na nauuwi sa marahas na
kaguluhan. Madalas ding mangyari na dahil sa ayaw magpatalo ng isang gang, hindi ito titgil
hangga’t hndi nakakabawi o nakakaganti sa kabilang gang.


       Makikita ito sa karanasan ni Paulo, miyembro ng Lovestruck Gang (LSG). Layunin ng
bawat gang na mapangibabawan ang lahat ng kalabang gang.


       “ Experience lang. Nung nalaman ng mga TAG na may gangster sa PAE, lagi na silang
nagbabanatan dun, kasama ako. Pero bawal kasi ako makipag-away. Naka-uniform pa kasi ako
nun kaya ayun, pinapauna na lang nila ako. Pero parang gusto ko rin kaya yun, hinubad ko yung
uniform ko tas sumali sa rambol. Batuhan. “


       Humahantong sa kamatayan ang ang ganitong gawain ng gang. Sa matagal na panahon
ng pagiging gang, nasaksihan ni Salnel na miyembro ng OB3 ang rurok ng gawain ng gang.


       “Nakita ko, harap-harapan binabaril, sinasaksak. Dun sa may kanto, yung katropa ko,
binaril ng kalaban naming gang. Nakulong yung bumaril pero nakalaya din after 1 week. Yung
nabaril, baldado isang paa.”
       Maliban sa rumble at mga kaguluhan, sangkot din ang mga gang sa malilit na kaso ng
pagnanakaw at panghihingi sa mga biktima nito. Ito ang ginagamit nilang panggastos upang
matugunan ang kanilang mga pangangailangan at bisyo.
Bahagi na rin ng pagiging gangster ang pagbibisyo at paggamit ng ipinagbabawal na
gamot. Subalit hindi naman ipinipilit sa mga miyembro ang mga ganitong gawain. Ayon sa mga
informant, nasa indibidwal na ang pagpapasya kung magpapaimpluwensya ito sa kanyang mga
kasama.


       Hindi naman napatunayan ang hinuha na sangkot sa prostitusyon ang mga babaeng
miyembro ng gang. Hindi sila umaabot sa puntong ito.


       Sa buong maghapon, inuubos ng mga gang ang oras nila sa paggala at pakikipag-ugnayan
sa mga kapwa nila gangster na hindi nila kalaban sa ibang lugar. May mga insidente na
nasasangkot sila sa gulo at ilan pang gawaing labag sa batas. Pagsapit ng gabi, dito na
nagsisimula ang paggamit nila ng bawal na gamot at iba pang gawain.




6.0. Iba’t Ibang Pagtingin sa Gang


       Ang mga kabataang miyembro ng gang ay mga kabataang walang patutunguhan sa
buhay. Ito ang bukambibig ng mga tao kapag nababanggit ang tungkol sa gang. Ang mga
gangster ay mga indibidwal na puro away at gulo at karahasan lamang ang iniisip. Sangkot sila
sa mga kaguluhan at madalas na pinagmumulan ng mga problema sa lugar na kanilang
kinabibilangan.


       Mahirap na alisin sa isipan ng tao ang ganitong pagpapakahulugan sa gang. Bagama’t
nag-uumapaw na patunay na sumusuporta sa pagtanaw na ito, hindi ito dapat magtapos dito. Sa
ilang lugar na mayroong gang, hindi pawang negativo ang pagtingin sa gang. Dahil sa kahiligan
sa mga kasiyahan at party, mismong ang mga miyembro ng gang ang nangunguna sa pagtulong
at pag-aayos ng mga pasayaw sa kanilang lugar. Ito ang makikita sa Brgy. Bagong Tanyag at
Armela Compound. May mga pagkakataong tumutulong din ang mga gang sa kanilang
komunidad.
7.0. Paglalagom


       Isang sensitibong usapin ang gang na nangangailangan ng maingat na pagsusuri upang
higit na maunawaan ito. Nakatuon ang mga nakaraang pag-aaral sa pagsugpo, pagkontrol at pag-
alis sa mga gang dahil sa mga karahasan at perwisyong dulot nito. Subalit magpahanggang
ngayon, laganap pa rin ang mga gang.


       Isa sa tinitingnan at laganap na perspektibo sa pag-unlad ng gang ay ang Social
Disorganization Theory na tumukoy sa malaking bahagi ng mga institusyong panlipunan sa pag-
unlad ng kabataan at sa pagiging delingkwente nito. Isang mahalagang daan ito sa pag-unawa na
sa halip na bigyan ng pansin ang pagsugpo sa gang at karahasan nito, dapat nakatuon sa
pagpapaunlad at pagpapatatag ng mga nasabing institusyong ito.


       Sa lipunan at kulturang Pilipino, sa kasalukuyang panahon, mahalagang maunawaan na
isa ng institusyon sa buhay ng mga kabataan ang mga samahang tulad ng gang. Para sa mga
miyembro nito, isa lamang yugto sa buhay ng isang indibidwal ang pagsali sa gang at pagiging
gangster. Ito ay isang paraan ng pakikiangkop ng mga nasabing pangkat sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa kanila sa mga panahong ito.


       Sa pananaw ng kabataang Pinoy, ang gang ay isang samahan ng mga kabataan na may
layuning makapagbigay ng proteksyon sa mga miyembro nito. Ito ay isang lugar na kung saan
maaaring ipahayag ng isang indibidwal ang kanyang saloobin. Sa gang din unang nabubuo ang
kanyang identidad. Dito nila natatagpuan ang kanilang kaibigan, guro, at pamilya. Malaya silang
gawin ang nais nilang gawin kasama ang kanilang mga kaibigan sa gang. Ang pag-iral ng gang
sa mga kabataang Pilipino ay malinaw na manipestasyon ng kahalagahan ng mga peer group o
barkada sa pag-unlad nito bilang tao.
Batis
Gale, Fay, ed. “Youth in Transition. The Challenges of Generational Change in Asia” The
        Association of Social Science Research Councils, (2005), 202,
        http://www.unescobkk.org/fileadmin/user_upload/shs/Publications/AASSREC_Book.pdf
        (accessed April 4, 2010)


Shelden, Randall and others, Youth Gangs in American Society. Wadsworth Publishing
        Company, 1997.


Spergel, Irving, The Youth Gang Problem: A Community Approach New York: Oxford
        University Press, 1995.


Transportation, Water, And Urban Development Department. Philipines in the 1980s: A
        Historical Review of Social Policy and Urban Level Interventions (Washington: The
        World Bank, 1993).

Más contenido relacionado

La actualidad más candente

Yamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unlad
Yamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unladYamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unlad
Yamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unladBelle Sy
 
Unang Markahan sa AP10 (Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan sa AP10 (Kontemporaryong IsyuUnang Markahan sa AP10 (Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan sa AP10 (Kontemporaryong Isyugladysclyne
 
Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya.pptx
Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya.pptxPangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya.pptx
Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya.pptxKristelleMaeAbarco3
 
Pi population quiz
Pi population quizPi population quiz
Pi population quizFrancis1218
 
Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)
Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)
Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)edwin planas ada
 
DISKRIMINASYON SA MGA LALAKI, BABAE AT LGBT
DISKRIMINASYON SA MGA LALAKI, BABAE AT LGBTDISKRIMINASYON SA MGA LALAKI, BABAE AT LGBT
DISKRIMINASYON SA MGA LALAKI, BABAE AT LGBTedmond84
 
Ang limang tema ng heograpiya
Ang limang tema ng heograpiyaAng limang tema ng heograpiya
Ang limang tema ng heograpiyalornaraypan
 
Mga Angkop na Hakbang Sa CBDRRM PLan
Mga Angkop na Hakbang Sa CBDRRM PLanMga Angkop na Hakbang Sa CBDRRM PLan
Mga Angkop na Hakbang Sa CBDRRM PLanstephanie829237
 
Kawalan ng trabaho (Unemployment)
Kawalan ng trabaho (Unemployment)Kawalan ng trabaho (Unemployment)
Kawalan ng trabaho (Unemployment)Antonio Delgado
 
Pabalat ng Noli Me Tangere
Pabalat ng Noli Me TangerePabalat ng Noli Me Tangere
Pabalat ng Noli Me TangereDaniel Anciano
 
Yamang Tao at Kaunlaran.pptx
Yamang Tao at Kaunlaran.pptxYamang Tao at Kaunlaran.pptx
Yamang Tao at Kaunlaran.pptxRinalynPadron
 
Araling Panlipunan 10 Curriculum Guide rev.2016
Araling Panlipunan 10 Curriculum Guide rev.2016Araling Panlipunan 10 Curriculum Guide rev.2016
Araling Panlipunan 10 Curriculum Guide rev.2016Chuckry Maunes
 
Ang istruktura ng Lipunan AP 10
Ang istruktura ng Lipunan AP 10Ang istruktura ng Lipunan AP 10
Ang istruktura ng Lipunan AP 10Kariue
 

La actualidad más candente (20)

DLP Sample COT
DLP Sample COTDLP Sample COT
DLP Sample COT
 
BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA
BIRTUD AT PAGPAPAHALAGABIRTUD AT PAGPAPAHALAGA
BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA
 
Yamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unlad
Yamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unladYamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unlad
Yamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unlad
 
Unang Markahan sa AP10 (Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan sa AP10 (Kontemporaryong IsyuUnang Markahan sa AP10 (Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan sa AP10 (Kontemporaryong Isyu
 
Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya.pptx
Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya.pptxPangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya.pptx
Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya.pptx
 
Mga Uri ng Pamahalaan
Mga Uri ng PamahalaanMga Uri ng Pamahalaan
Mga Uri ng Pamahalaan
 
Pi population quiz
Pi population quizPi population quiz
Pi population quiz
 
Ang populasyon
Ang populasyonAng populasyon
Ang populasyon
 
Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)
Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)
Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)
 
Nasyonalismo sa Pilipinas.pptx
Nasyonalismo sa Pilipinas.pptxNasyonalismo sa Pilipinas.pptx
Nasyonalismo sa Pilipinas.pptx
 
Ang agwat teknolohikal
Ang agwat teknolohikalAng agwat teknolohikal
Ang agwat teknolohikal
 
DISKRIMINASYON SA MGA LALAKI, BABAE AT LGBT
DISKRIMINASYON SA MGA LALAKI, BABAE AT LGBTDISKRIMINASYON SA MGA LALAKI, BABAE AT LGBT
DISKRIMINASYON SA MGA LALAKI, BABAE AT LGBT
 
Ang limang tema ng heograpiya
Ang limang tema ng heograpiyaAng limang tema ng heograpiya
Ang limang tema ng heograpiya
 
Mga Angkop na Hakbang Sa CBDRRM PLan
Mga Angkop na Hakbang Sa CBDRRM PLanMga Angkop na Hakbang Sa CBDRRM PLan
Mga Angkop na Hakbang Sa CBDRRM PLan
 
Kawalan ng trabaho (Unemployment)
Kawalan ng trabaho (Unemployment)Kawalan ng trabaho (Unemployment)
Kawalan ng trabaho (Unemployment)
 
Pabalat ng Noli Me Tangere
Pabalat ng Noli Me TangerePabalat ng Noli Me Tangere
Pabalat ng Noli Me Tangere
 
Paglahok sa civil society
Paglahok sa civil societyPaglahok sa civil society
Paglahok sa civil society
 
Yamang Tao at Kaunlaran.pptx
Yamang Tao at Kaunlaran.pptxYamang Tao at Kaunlaran.pptx
Yamang Tao at Kaunlaran.pptx
 
Araling Panlipunan 10 Curriculum Guide rev.2016
Araling Panlipunan 10 Curriculum Guide rev.2016Araling Panlipunan 10 Curriculum Guide rev.2016
Araling Panlipunan 10 Curriculum Guide rev.2016
 
Ang istruktura ng Lipunan AP 10
Ang istruktura ng Lipunan AP 10Ang istruktura ng Lipunan AP 10
Ang istruktura ng Lipunan AP 10
 

Destacado

THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagaloghm alumia
 
Kabanata i v pananaliksik
Kabanata i   v pananaliksikKabanata i   v pananaliksik
Kabanata i v pananaliksikA. D.
 
MODYUL 14: KARAHASAN SA PAARALAN
MODYUL 14: KARAHASAN SA PAARALANMODYUL 14: KARAHASAN SA PAARALAN
MODYUL 14: KARAHASAN SA PAARALANCj Punsalang
 
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONTHESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONMi L
 
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleK to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleNico Granada
 
Ang Pagbuo Ng Konseptong Papel
Ang Pagbuo Ng Konseptong PapelAng Pagbuo Ng Konseptong Papel
Ang Pagbuo Ng Konseptong Papelallan jake
 
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)Merland Mabait
 
"ANG BARKADA TUNGO SA KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL NG ESTUDYANTENG MARINO"
"ANG BARKADA TUNGO SA KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL NG ESTUDYANTENG MARINO""ANG BARKADA TUNGO SA KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL NG ESTUDYANTENG MARINO"
"ANG BARKADA TUNGO SA KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL NG ESTUDYANTENG MARINO"louie46
 
Es p 8 Module 14 Karahasan sa Paaralan
Es p 8 Module 14 Karahasan sa PaaralanEs p 8 Module 14 Karahasan sa Paaralan
Es p 8 Module 14 Karahasan sa PaaralanEdna Azarcon
 
Research paper in filipino
Research paper in filipinoResearch paper in filipino
Research paper in filipinoSFYC
 
Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga ...
Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga ...Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga ...
Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga ...JM Esguerra
 

Destacado (20)

Karahasan sa paaralan
Karahasan sa paaralanKarahasan sa paaralan
Karahasan sa paaralan
 
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
 
Kabanata i v pananaliksik
Kabanata i   v pananaliksikKabanata i   v pananaliksik
Kabanata i v pananaliksik
 
MODYUL 14: KARAHASAN SA PAARALAN
MODYUL 14: KARAHASAN SA PAARALANMODYUL 14: KARAHASAN SA PAARALAN
MODYUL 14: KARAHASAN SA PAARALAN
 
Epekto ng pagseselfie
Epekto ng pagseselfieEpekto ng pagseselfie
Epekto ng pagseselfie
 
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONTHESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
 
Karahasan sa Paaralan
Karahasan sa PaaralanKarahasan sa Paaralan
Karahasan sa Paaralan
 
Bullying
BullyingBullying
Bullying
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Pambubulas / bullying
Pambubulas / bullyingPambubulas / bullying
Pambubulas / bullying
 
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleK to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
 
Ang Pagbuo Ng Konseptong Papel
Ang Pagbuo Ng Konseptong PapelAng Pagbuo Ng Konseptong Papel
Ang Pagbuo Ng Konseptong Papel
 
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
 
"ANG BARKADA TUNGO SA KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL NG ESTUDYANTENG MARINO"
"ANG BARKADA TUNGO SA KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL NG ESTUDYANTENG MARINO""ANG BARKADA TUNGO SA KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL NG ESTUDYANTENG MARINO"
"ANG BARKADA TUNGO SA KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL NG ESTUDYANTENG MARINO"
 
Es p 8 Module 14 Karahasan sa Paaralan
Es p 8 Module 14 Karahasan sa PaaralanEs p 8 Module 14 Karahasan sa Paaralan
Es p 8 Module 14 Karahasan sa Paaralan
 
Research paper in filipino
Research paper in filipinoResearch paper in filipino
Research paper in filipino
 
Bullying research in filipino
Bullying research in filipinoBullying research in filipino
Bullying research in filipino
 
Lis housekeeping users manual (formal school)
Lis housekeeping users manual (formal school)Lis housekeeping users manual (formal school)
Lis housekeeping users manual (formal school)
 
Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga ...
Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga ...Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga ...
Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga ...
 

Similar a Ang Gang Bilang Alternatibong Institusyong Panlipunan at ang Kabatang Pilipino

Kasaysayan ng lgbt sa pilipinas
Kasaysayan ng lgbt sa pilipinasKasaysayan ng lgbt sa pilipinas
Kasaysayan ng lgbt sa pilipinasliezel andilab
 
Week 3 - Wika at Kulturang Pilipino.pptx
Week 3 - Wika at Kulturang Pilipino.pptxWeek 3 - Wika at Kulturang Pilipino.pptx
Week 3 - Wika at Kulturang Pilipino.pptxEmanNolasco
 
Ap10 ibat ibang kasarian sa lipunan
Ap10 ibat ibang kasarian sa lipunanAp10 ibat ibang kasarian sa lipunan
Ap10 ibat ibang kasarian sa lipunanMylene Pilongo
 
ap10ibat-ibangkasariansalipunan-190213103835.pptx
ap10ibat-ibangkasariansalipunan-190213103835.pptxap10ibat-ibangkasariansalipunan-190213103835.pptx
ap10ibat-ibangkasariansalipunan-190213103835.pptxIVY MIRZI ANTIPATIA
 
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10Isyu at Hamong Panlipunan AP 10
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10ruth ferrer
 
Modyul 1 Isyu at Hamong Panlipunan.pptx
Modyul 1 Isyu at Hamong Panlipunan.pptxModyul 1 Isyu at Hamong Panlipunan.pptx
Modyul 1 Isyu at Hamong Panlipunan.pptxfaithdenys
 
ARALIN 3: KULTURA
ARALIN 3: KULTURAARALIN 3: KULTURA
ARALIN 3: KULTURAKokoStevan
 
aralin-3-kultura-221010022429-0279978a.pdf
aralin-3-kultura-221010022429-0279978a.pdfaralin-3-kultura-221010022429-0279978a.pdf
aralin-3-kultura-221010022429-0279978a.pdfFyuTexNathanDaGreat
 
Infiltration on students
Infiltration on studentsInfiltration on students
Infiltration on studentsDennis Cana
 
Araling panlipunan 10 HistoryGenderRoles.pptx
Araling panlipunan 10 HistoryGenderRoles.pptxAraling panlipunan 10 HistoryGenderRoles.pptx
Araling panlipunan 10 HistoryGenderRoles.pptxJun-Jun Borromeo
 
1 Covar, P. R. (1993). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.pdf
1 Covar, P. R. (1993). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.pdf1 Covar, P. R. (1993). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.pdf
1 Covar, P. R. (1993). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.pdfDaveZ4
 
MGA PILING KUWENTONG-BAYANG SURIGAON: ISANG ANTOLOHIYA
MGA PILING KUWENTONG-BAYANG SURIGAON: ISANG ANTOLOHIYAMGA PILING KUWENTONG-BAYANG SURIGAON: ISANG ANTOLOHIYA
MGA PILING KUWENTONG-BAYANG SURIGAON: ISANG ANTOLOHIYAAJHSSR Journal
 
AngPagtalakayngKaisipangPilipino.pdf
AngPagtalakayngKaisipangPilipino.pdfAngPagtalakayngKaisipangPilipino.pdf
AngPagtalakayngKaisipangPilipino.pdfJerickMalanay2
 
3-Mga-gawaing-pangkomunikasyon-ng-mga-Pilipino.pptx
3-Mga-gawaing-pangkomunikasyon-ng-mga-Pilipino.pptx3-Mga-gawaing-pangkomunikasyon-ng-mga-Pilipino.pptx
3-Mga-gawaing-pangkomunikasyon-ng-mga-Pilipino.pptxAprilJoyMangurali1
 

Similar a Ang Gang Bilang Alternatibong Institusyong Panlipunan at ang Kabatang Pilipino (20)

Kasaysayan ng lgbt sa pilipinas
Kasaysayan ng lgbt sa pilipinasKasaysayan ng lgbt sa pilipinas
Kasaysayan ng lgbt sa pilipinas
 
Week 3 - Wika at Kulturang Pilipino.pptx
Week 3 - Wika at Kulturang Pilipino.pptxWeek 3 - Wika at Kulturang Pilipino.pptx
Week 3 - Wika at Kulturang Pilipino.pptx
 
AP10 - WEEK 1.pptx
AP10 - WEEK 1.pptxAP10 - WEEK 1.pptx
AP10 - WEEK 1.pptx
 
Ap10 ibat ibang kasarian sa lipunan
Ap10 ibat ibang kasarian sa lipunanAp10 ibat ibang kasarian sa lipunan
Ap10 ibat ibang kasarian sa lipunan
 
ap10ibat-ibangkasariansalipunan-190213103835.pptx
ap10ibat-ibangkasariansalipunan-190213103835.pptxap10ibat-ibangkasariansalipunan-190213103835.pptx
ap10ibat-ibangkasariansalipunan-190213103835.pptx
 
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10Isyu at Hamong Panlipunan AP 10
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10
 
Modyul 1 Isyu at Hamong Panlipunan.pptx
Modyul 1 Isyu at Hamong Panlipunan.pptxModyul 1 Isyu at Hamong Panlipunan.pptx
Modyul 1 Isyu at Hamong Panlipunan.pptx
 
ARALIN-3-KULTURA.pptx
ARALIN-3-KULTURA.pptxARALIN-3-KULTURA.pptx
ARALIN-3-KULTURA.pptx
 
ARALIN 3: KULTURA
ARALIN 3: KULTURAARALIN 3: KULTURA
ARALIN 3: KULTURA
 
aralin-3-kultura-221010022429-0279978a.pdf
aralin-3-kultura-221010022429-0279978a.pdfaralin-3-kultura-221010022429-0279978a.pdf
aralin-3-kultura-221010022429-0279978a.pdf
 
Infiltration on students
Infiltration on studentsInfiltration on students
Infiltration on students
 
q3 10 ap.pptx
q3 10 ap.pptxq3 10 ap.pptx
q3 10 ap.pptx
 
Araling panlipunan 10 HistoryGenderRoles.pptx
Araling panlipunan 10 HistoryGenderRoles.pptxAraling panlipunan 10 HistoryGenderRoles.pptx
Araling panlipunan 10 HistoryGenderRoles.pptx
 
1 Covar, P. R. (1993). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.pdf
1 Covar, P. R. (1993). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.pdf1 Covar, P. R. (1993). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.pdf
1 Covar, P. R. (1993). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.pdf
 
MGA PILING KUWENTONG-BAYANG SURIGAON: ISANG ANTOLOHIYA
MGA PILING KUWENTONG-BAYANG SURIGAON: ISANG ANTOLOHIYAMGA PILING KUWENTONG-BAYANG SURIGAON: ISANG ANTOLOHIYA
MGA PILING KUWENTONG-BAYANG SURIGAON: ISANG ANTOLOHIYA
 
AngPagtalakayngKaisipangPilipino.pdf
AngPagtalakayngKaisipangPilipino.pdfAngPagtalakayngKaisipangPilipino.pdf
AngPagtalakayngKaisipangPilipino.pdf
 
AP10demo.pptx
AP10demo.pptxAP10demo.pptx
AP10demo.pptx
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Kultural na literasi
Kultural na literasiKultural na literasi
Kultural na literasi
 
3-Mga-gawaing-pangkomunikasyon-ng-mga-Pilipino.pptx
3-Mga-gawaing-pangkomunikasyon-ng-mga-Pilipino.pptx3-Mga-gawaing-pangkomunikasyon-ng-mga-Pilipino.pptx
3-Mga-gawaing-pangkomunikasyon-ng-mga-Pilipino.pptx
 

Último

Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxJieMartinez1
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGeizukiTaro
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxLucy Datuin
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  MarkahanCOT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang MarkahanLornaBragaisBorbe
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxEVELYNGRACETADEO1
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONGRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONSaadaGrijaldo1
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiMiaBumagat1
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...LlemorSoledSeyer1
 

Último (20)

Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  MarkahanCOT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONGRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
 

Ang Gang Bilang Alternatibong Institusyong Panlipunan at ang Kabatang Pilipino

  • 1. ANG GANG BILANG ALTERNATIBONG INSTITUSYONG PANLIPUNAN: Ang Penomenon ng Gang at ang Kabataang Pilipino Michael Wilson I. Rosero Kasaysayan 114 PROF. GIL GOTIANGCO JR. Guro Abril 2010
  • 2. 1.0. PANIMULA Nasa kalikasan ng tao ang magsama-sama at bumuo ng isang samahan para sa isang partikular na layunin at gawain. Sinasabing likas sa tao ang makipag-ugnayan sa kanyang kapwa at bumuo at sumali sa mga samahan na makakatugon sa mga pangangailangan nito. Kahit na ang mga sinaunang tao ay nangangaso at nangangalap ng mga pagkain ng pangkat-pangkat. Kaya naman hindi na bago sa kasaysayan ng tao ang pag-iral at paglaganap ng mga samahan, organisasyon at iba pang pagpapangkat-pangkat at sa partikular na usapin, ang penomenon ng gang. Hindi na isang makabagong konsepto ang penomenon ng gang. Sa kasaysayan ng India, lumitaw ng halos kasing-aga ng 1200 AD ang salitang thug na tumutukoy sa grupo ng mga kriminal (Thugz) na sumasalanta sa mga pangunahing siyudad ng nasabing bansa. Ang mga miyembro ng Thugz ay may sariling simbolo, mga senyas, ritwal at wika. Samantala ang salitang gang na nagmula sa lumang Norse gangr, ganga na nangangahulugang ‘daan, paglakbay o paglakad ay ginamit nang pagpapangalan sa mga grupo ng kabataan nang halos kasing-aga ng ika-14 na siglo. Masasabi na ang etimolohiyang ito ay nagpapahiwatig na bahagi ng kalakaran ng buhay ng sinaunang pagpapangkat-pangkat o band ang paggala o paglalakbay, bagama’t malayo na ito sa kasalukuyang pagtingin ng gang na mayroon ng ideya na ng teritoryo. Matagal ng mayroong gang, anuman man ang anyo nito at ito ay bahagi na ng kasaysayan ng tao. Ngunit sa pagpasok lamang ng dekada 80 naagaw ang pansin ng midya at pulitiko ng mga karahasan at suliraning dulot ng gang. Pagdating ng ika-19 at ika-20 siglo naging suliranin na ng bawat pangunahing siyudad sa mundo ang problemang dulot ng gang. Kasabay ng popularidad ng gang ay ang paglaganap at paglala ng mga suliraning dulot ng mga miyembro nito. Naging popular na tema ito sa mga pag-aaral ng mga dalubhasa at literatura. Subalit nakatuon ang mga isinagawang pag-aaral na ito sa ugat at pinagmulan ng penomenon ng ‘gang’ bilang isang suliraning panlipunan at paglaganap nito partikular na sa mga kabataan. Kaugnay nito ay ang pag-usbong ng mga teorya hinggil sa pag-unlad ng gang, na kung saan ang pagsugpo o paglutas sa suliranin na dulot ng samahang ito ng mga kabataan ang malimit na usapin.
  • 3. Sa bawat literaturang naisulat hinggil sa gang, negatibo ang lumalabas na pagtingin sa gang. Nabigyang-pansin ng ganitong pagtanaw sa karahasan, at iba pang lihis na gawain ng kabataang miyembro ng gang na umaabot pa sa pagnanakaw, pagpatay, at paggamit ng bawal na gamot. Subalit hindi ito ang buong istorya. Bagama’t may mga ganitong popular na pagtanaw at steryotipo sa gang at buhay-gang, hindi pa rin maaalis ang katotohanang may tungkuling ginagampanan sa lipunan ang gang. Para sa mga miyembro nito, hindi lamang simpleng samahan ng mga magkakaibigan ang gang, ito ang humahalili at gumaganap sa tungkuling dapat ay ginagampanan ng institusyong panlipunan tulad pamilya, relihiyon at paaralan. Walang istandard na pagpapakahulugan sa salitang gang sa kasalukuyan. May sari- sariling konsepto ng gang at nag-iiba-iba ang pagpapakahulugang ito sa bawat manunulat. Karamihan sa naging pagpapakakahulugang ito ay nakatuon sa mga karahasan at problemang dulot ng mga miyembro ng gang bilang pangunahing katangian ng gang na nag-iiba dito mula sa iba pang uri ng pagpapangkat. Ang ganitong pagtanaw ay hindi nakatuon sa pag-unawa sa tunay na konteksto ng problema kundi sa pagsugpo at pag-alis ng nasabing suliranin. Ang sulating ito ay isa lamang sa mga naging pagtatangkang unawain ang penomenon ng gang sa mga kabataan. Ito ay preliminaryong pagsusuri sa isang kapansin-pansin at popular na kaganapan sa mga kabataan, partikular na sa mga kabataang Pilipino sa mga nakalipas na taon. Bagama’t marami ng naisulat na pag-aaral tungkol sa gang sa pangkalahatan, wala pang naisasagawang pormal at komprehensibong pag-aaral hinggil sa mga Pinoy gang. Layunin ng sulating ito na makapagbigay ng isang kongkretong pagsasalarawan ng kung ano ang gang at ang sinasabing buhay-gangster bilang isang pangkalinangang-tanawin sa lipunan at kulturang Pilipino partikular na sa subkultura ng kabataan. Nilalayon nito na mabigyan ng ideya ang mga mambabasa tungkol sa kalagayan ng mga ganitong samahan ng samahan at mga miyembro nito sa lipunan at kulturang Pilipino. Uusisain din ang mga teorya hinggil sa pag- unlad nito at ang iba’t ibang persepsyon dito. Kaugnay nito, nais din ng papel na ito na matukoy ang pinagmulan ng gang at ang dahilan ng paglaganap nito sa Pilipinas.
  • 4. Titingnan ng sulating ito ang gang bilang isang alternatibong institusyong panlipunan na siyang nagiging takbuhan at kanlungan ng mga miyembrong ito sa mga pagkakataong di nagagampanan ng maayos ng mga nasabing institusyon ang kanilang gampanin. Kaugnay nito, titingnan ang pagsali sa gang bilang pakikipag-ugnayang sosyal na esensyal sa pag-unlad bilang tao. Sa positibong pagtanaw, susuriin ang gang at ang tungkulin na ginagampanan nito sa sosyalisasyon ng mga kabataang Pilipino. Pahapyaw din na tatalakayin ang isa pang lumalaganap na uri ng pangkat ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon na nagpapahiwatig na ng paghina ng penomenon ng gang sa kabataan. 1.1. Metodolohiya Gaya ng nabanggit sa itaas, ang pag-aaral na ito ay isang preliminaryong pagsusuri sa kalagayan ng gang at buhay-gang sa Pilipinas. Layunin nito na makapagbigay ng kongkretong pagsasalarawan at makapagbigay-ideya hinggil sa konsepto ng gang sa lipunan at kulturang Pilipino. Dalawa ang naging pangunahing paraan ng mananaliksik sa pagkalap ng datos at impormasyon para sa nasabing pag-aaral na ito. Pagkatapos magsumite ng isang balangkas at batayang tanong, sinimulan ang pagbabasa ng mga akda at mga nakaraang pag-aaral, maging mga dokumentaryo at artikulong naisulat tungkol sa gang. Sumunod na naging hakbang ay ang paghahanap ng mga informant, mga miyembro ng gang upang kapanayamin. Hindi naman naging mahirap para sa mananaliksik ang pagtukoy sa mga informant na kakailanganin sa pag-aaral. Unang tinukoy ang mga lugar na kinaroroonan at napapabalitang may mga miyembro ng gang. Ilan sa mga lugar na ito ay Manggahan at Napa Compound sa Brgy. Marcelo Green, Paranaque City, Brgy. Purok 3, Bagong Tanyag, Taguig City, Dr. Arcadio Santos National High School at Fourth Estate Elementary School sa Paranaque. Kinapanayam din ang mga lokal na opisyal ng mga nasabing lugar at paaralan.
  • 5. 1.2. Saklaw at Limitasyon Ang pag-aaral na ito ay tutuon sa penomenon ng gang at paglaganap nito sa kabataang Pilipino. Layunin nito na makapagbigay ng isang pagsasalarawan sa mukha at kalagayan ng gang at mga miyembro nito. Sasaklawin ng pag-aaral na ito ang kasaysayan at pinagmulan ng gang at paglaganap nito sa lipunang Pilipino. Kaugnay nito, tatalakayin din ang mga perspektibong teoritikal na maikakawing sa pag-unlad ng gang sa Pilipinas. Mula sa mga nakalap na datos at impormasyon, magbibigay ang mananaliksik ng isang kongkretong pagsasalarawan, pagpapakahulugan at pagtingin ng mga tao tungkol sa gang sa lipunang Pilipino. Lalamanin din ng pagsusuri ang mga polisiya at programang ipinapatupad kaugnay ng suliranin sa gang at karahasang dulot nito. Tatalakayin din ng pahapyaw ang fraternity, isa ring lumalaganap na uri ng pangkat ng mga kabataang Pilipino. Sa pag-aaral na ito, ipapakita ang unti-unti ng paghina ng penomenon ng gang at ang transisyon mula sa gang patungong fraternity na siyang umiiral sa kasalukuyang panahon. Samantala, naging isang malaking limitasyon sa isinagawang pag-aaral ang kakulangan sa oras at panahon bagamat masasabing sapat na ito upang makuha ang mga esensyal na impormasyon para sa pag-aaral. Maliban pa dito ay ang pagiging sensitibo ng napiling paksa. Bagama’t hindi masyadong nahirapan ang manunulat na maghanap ng mga informant, naging suliranin naman ang pag-aatubili ng mga ito na ibigay ang hinahanap na datos. Isang konsiderasyon din ang kaligtasan ng mananaliksik. Hindi na tinangka na magsagawa ng mga panayam sa mga lugar na walang kakilalang tutulong sa paghahanap ng mga miyembro ng isang gang. Wala pa ring gaanong nasusulat hinggil sa ‘Filipino gang’ kaya hindi naging madali ang pagkalap ng impormasyon lalo tungkol sa kasaysayan ng gang sa Pilipinas. Karamihan sa pinagbatayang batis ay sinulat ng mga banyagang may-akda.
  • 6. 2.0 KALUGARANG HISTORIKO-KULTURAL 2.1. Ang Kabataang Pilipino Mahigit isandaan taon na ang nakalilipas, winika ni Dr. Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas na ang ‘Kabataan ang pag-asa ng bayan.’ Sa kasalukuyan, ito ang pinanghahawakan ng mga kabataan para matamo ang minimithi nilang pagbabago. Sa lipunang Pilipino, ang ‘kabataan’ ay ang mga nabibilang sa mga edad 15-30 taong gulang. Ito ay ayon sa itinakda ng Batas Republika 8044 o ang ‘Youth Nation-Building Act’ noong 1995. Subalit ang nag-iiba-iba ang pagpapakahulugang ito sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa bansa na nakabatay sa tungkuling ginagampanan nila. Itinuturing na yugto ng kabataan ang isa sa mga pinakamahirap na yugto ng buhay ng isang tao. Sa maikling panahong ito, patuloy na nakararanas ang isang tao ng mga pagbabago, mga dramatikong trnaspromasyon sa pisikal at emosyonal na aspekto. Sa yugtong ito, nararanasan ng isang tao ang mga pagsubok na makasabay sa mga pagbabagong ito. Sa paglipas ng panahon, mahalaga ang papel na ginampanan ng sektor ng kabataan sa pagbuo ng kasaysayan. Noong panahon ng mga Kastila, sinimulan ng mga kabataang Pilipinong tinawag na ilustrado na may kakayahang makapag-aral sa ibang bansa ang paghingi ng reporma para sa kalayaan ng Pilipinas. Nanguna sina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez- Jaena at marami pang iba. Sa panahon ng Batas Militar, naging aktibo ang mga kabataang Pilipino sa pagpapaalis sa diktador na pangulo. Nanguna ang grupong Kabataang Makabayan at mga estudyanteng kabilang sa sector ng kabataan sa paghingi ng pagbabago para sa bansa. Sa kasalukuyan, kinakarakterisa ng kabataang Pilipino ang sarili bilang indibidwal na may katangi-tanging katangian, kakayahan, pangarap at mithiin at indibidwal na may
  • 7. pagpapahalaga sa mithiin ng iba1 May kakayahan ang kabataang Pilipino na gumanap ng iba’t ibang karakter sa iba’t ibng sitwasyon ng buhay. Sunod sa pamilya bilang mahalagang pinagmumulan ng suporta at pagtanggap bilang tao ay ang kanilang mga kaibigan at barkada na tumutukoy sa maliit na pangkat ng tao na madalas nakakasama sa lahat ng gawain. Karaniwan itong gumaganap na isang entablado na kung saan nagagawa ng isang kabataan ang mga gampanin niya bilang tao. Isang mahalagang pinagmumulan din ng tama at maling impormasyon ang barkada. Kung kaya naman ay mayroong konsepto ng mabuti at masamang barkada ang mga magulang pagdating sa mga kaibigan ng kanilang mga anak. Mayorya (97%) ng kabataang nabanggit ay may barkada. Ang barkada ang nagsisilbing lugar na kung saan maaaring makapagpahayag ng walang ibang iniisip, lalo na ang hindi nila masabi sa kanilang magulang at kapatid. Isang esensyal na bahagi ng buhay-kabataan ang pagkakaroon ng barkada at iba pang uri ng samahan. 2.2. Kasaysayan ng Gang Unang ginamit ang salitang ‘gang’ bilang pagpapangalan sa grupo ng mga kabataan noong ika-14 na siglo. Sa pagpasok ng ika-19 hanggang ika-20 siglo, naging pangunahing suliranin sa mga malalaking siyudad sa mundo ang karahasang dulot ng mga grupo ng kabataan ngunit naagaw lamang nito ang pansin ng midya at mga pulitiko noong 1980s. Unang lumitaw ang gang na kinabibilangan ng kabataan sa Europa at Mexico. Nakarating at lumaganap ito sa Estados Unidos nang kasing-aga ng 1973 sa pagtatapos ng Rebolusyong Amerikano. Pinaniniwalaang nag-ugat ito sa mga grupong tinatawag na play groups o maaaring isa rin itong kolektibong pagtugon sa mga pagbabago sa kondisyon ng bansa. Sinasabi rin na umusbong kasunod ng pandarayuhang Mehikano patungong timog-kanluran pagkatapos ng Rebolusyong Mehikano noong 1813. Mahihinuhang ang hirap na naranasan at nakaharap ng mga 1 Gale, Fay, ed. “Youth in Transition. The Challenges of Generational Change in Asia” The Association of Social Science Research Councils, (2005), 202, http://www.unescobkk.org/fileadmin/user_upload/shs/Publications/AASSREC_Book.pdf
  • 8. migranteng kabataang Mehikano sa pakikipag-ugnayan sa banyagang kultura ang nagbunsod ng pagbuo ng mga gang. Lumaganap ang mga gang sa New England noong unang bahagi ng 1800s sa pagsulong ng Rebolusyong Industriyal sa mga malalaking siyudad ng Estados Unidos tulad ng New York, Boston at Philadelphia. Umunlad ang gang sa Chicago at ibang malalaking siyudad sa pagtaas ng antas ng pandarayuhan at pabagu-bagong populasyon noong panahong industriyal. Sa kasaysayan ng Amerika, naging pinakaaktibo at pinakamarahas sa mga panahon na kung saan may nagaganap na mabilis na pagbabago sa populasyon ng bansa. Kinakitaan ng apat na yugto ng rurok ng pag-unlad ng gang at gawain nito: noong ika-18 siglo, dekada 20, 60 at 90. Noong dekada 70 at 80, naging mas mapanganib ang mga gang. Ang dating mga away-gang o rumble na ginagamitan lamang ng kamao at mga brass knuckles ay ginamitan na ng mga baril. Sa pag- unlad ng panahon at makabagong teknolohiya, nagkakaroon ng mga bagong paraan at naging daan ito sa pagiging mas mapanganib na gawain ng gang. Bumabata din ang mga naging miyembro ng gang ng 1980 at 1990. Kinakitaan din ng pagbabago at transpormasyon ang ilan sa mga gang patungo sa mga organisasyong entreprenyuryal. Pinasok na rin ng ilang gang ang negosyo ng pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot noong kalagitnaan ng dekada 80.2 2.3. Ang Pinagmulan ng Pinoy Gang Sinasabing nagsimulang lumaganap ang mga gang na binubuo ng mga kabataang Pilipino noong dekada 70 at 80. Ito ang panahong laganap ang kaguluhang pulitikal sa bansa. Dahil dito, marami ang umalis ng Pilipinas at nagpunta sa ibang bansa tulad ng Estados Unidos. Dala ng pagkakaiba sa kultural na aspeto, nagsimulang magbuo ng mga samahan ang mga kabataang Pilipino bilang proteksyon sa mga komprontasyong kinakaharap nila sa ibang bansa. Habang nasa banyagang lupain, kinailangan ng mga kabataang Pilipino na maipagtanggol ang kanilang mga sarili laban sa iba’t ibang uri ng diskriminasyon dulot ng pagkakaiba ng lahi at kultura Dito nagsimulang mabuo ang mga ‘gang’. 2 Irving, Spergel, The Youth Gang Problem: A Community Approach (New York: Oxford University Press, 1995).
  • 9. Sa Pilipinas, walang nakalap na impormasyon hinggil sa kasaysayan ng mga gang sa bansa. Subalit kung pagbabasehan ang mga naging kaganapang panlipunan sa bansa, mahihinuhang sa yugto ding ito ng dekada 70 at 80 nabuo at lumaganap ang mga gang sa bansa. Sa mga panahong ito, aktibo ang mga kabataan sa pagbuo at pakikilahok sa mga samahan at organisasyon. Isa sa rin sa maaaring pagbatayan ng ganitong hipotesis tungkol sa kasaysayan ng Pinoy gang ay ang social disorganization theory3 na isa sa pinakapopular na teorya sa pag-unlad ng gang. Ayon sa teoryang ito, malaki ang kaugnayan ng urbanisasyon, pandarayuhan at industriyalisasyon sa pag-unlad ng gang na nagiging dahilan pagkasira ng mga umiiral na institusyong panlipunan. Isa sa mga bunga ng urbanisasyon ay ang pagdami ng mga iskwater o mga informal settlement. Ayon sa isang pag-aaral4, naging triple ang populasyon ng iskwater mula 3.35 milyon noong 1985 na naging 11 milyon noong 1989. Nasa Metro Manila ang 45 porsyento ng populasyon ng iskwater. Inaasahang sa patuloy na pagsulong ng urbanisasyon, patuloy rin ang paglaki ng bilang ng populasyon ng iskwater sa mga susunod na dekada. Ang kalagayang ito ng lipunang Pilipino noong dekada 80 ay maiuugnay din ito sa popular na pagtanaw na ang mga gang ay karaniwang nabubuo sa mga mahihirap na lugar at mga lugar na may iskwater. Sa kasalukuyan, patuloy ang paglaganap ng mga gang sa kabataang Pilipino. Hindi rin naiiba ang mga Pinoy gang sa mga gnag sa ibang bansa. Negatibo rin ang pagtingin ng mga tao sa mga miyembro ng gang. Sa Metro Manila, naging malaking suliranin ang mga karahasang dulot ng mga kabataang miyembro ng gang. 2.4. Ano ang Gang? Walang isang masasabing istandard na pagpapakahulugan sa gang. Nag-iiba-iba ito depende sa pagtanaw ng mga manunulat na nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa gang. Sa mga nakaraang pag-aaral, ang pagiging sangkot ng mga miyembro ng gang sa mga gawaing kriminal 3 Randall Shelden, and others, Youth Gangs in American Society, (Wadsworth Publishing Company, 1997). 4 Transportation, Water, And Urban Development Department, Philipines in the 1980s: A Historical Review of Social Policy and Urban Level Interventions (Washington:The World Bank, 1993).
  • 10. at delingkwenteng gawi ang nagiging batayan at siyang nag-iiba sa gang sa iba pang pangkat o samahang kinabibilangan ng mga kabataan. Ayon sa mga isinagawang pag-aaral ng mga sosyolihista, ang gang ay grupo ng kabataan na kinikilala at tinitingnan bilang distintong samahan sa lugar na kanilang kinabibilangan; itinuturing ang kanilang mga sarili bilang isang distintong grupo (na may sariling pagpapangalan at mga simbolo na sumasagisag sa kanilang grupo) at; naging sangkot sa mga iligal na insidente na sapat upang tumawag ng pansin o makakuha ng mga negatibong puna mula sa mga tao sa kanilang lugar at/o maging sa mga awtoridad ng batas (Klein and Maxson, 1989). Sa isa pang parehong pagpapakahulugan, ayon kay Joan Moore na isang sosyolohista, ang mga gang ay mga unsupervised peer group na ang paraan ng pakikipag-ugnayan at sosyalisasyon ay sa mga kalye at kalsada at hindi sa ilalim ng mga umiiral na institusyon. Kinikilala nila ang sarili nilang gang at may kapasidad na magparami ng kanilang samahan, karaniwan sa kinabibilangan nilang lugar. Para naman kay Frederic Thrasher, isang sosyolohista na nagsagawa ng komprehensibong pag-aaral tungkol sa gang, ang mga gang ay isa sa mga normatibong gawain ng mga kabataan na nakapaloob sa isang continuum ng pag-uugali, mula sa pagiging kumbensiyonal patungo sa wild o magulong gawi. Samantala, sa perspektibo naman ng mga tagapagpatupad ng batas, ang gang ay mga samahan at ugnayang kriminal na may iilang hard-core na miyembro (karaniwang inilalarawan bilang mga sociopath). Naniniwala ang mga awtoridad ng batas na ang paghuli at pagkulong sa mga indibidwal na ito ay kinakailangan at pinahihintulutan ng polisiyang panlipunan. Ayon naman sa California Penal Code, ang isang street gang ay kahit anong organisasyon, asosasyon o samahan ng tatlo o higit pang indibidwal, pormal o di-pormal na may iisang pagpapangalan o símbolo o senyas na kung saan ang mga miyembro ay maaaring mag-isa o magkakasamang nagsasagawa o nakikilahok sa isang padrón ng gawain na labag sa batas.
  • 11. Subalit ano nga ba ang pagpapakahulugan sa gang sa lipunang Pilipino? Sa pag-aaral at pagsusuri ng mga gang, mahalagang bigyang-pansin na normatibo para sa mga kabataan na makasama ang kanilang mga kaibigan. Dahil sa ang kabataan ay pumupunta sa mga kasiyahan at party, at sayawan at mga mall upang mamili at mamasyal, hindi na nakakagulat ang ilan sa kanila ay sumali sa isang uri ng grupo na kilala bilang gang. Dahil dito, maituturing na ang karanasan sa gang na isang ang normatibo at pamilyar na penomenon sa subculture ng mga kabataan at nagpapakita ng isang na manipestasyon ng pagkakaroon ng tendensiya ng mga nasa ganitong pangkat na magsasama-sama o maging kabilang sa isang grupo. Sa mga isinagawang panayam sa mga miyembro ng gang, ang mga sumusunod ay mga pagpapakahulugan nila sa mga gang na kanilang kinabibilangan: a. Isang samahan o tropa ng mga kabataan na nagtutulungan kapag may kaaway b. Isang samahan na maaari mong matakbuhan pag nangangailangan c. Isang samahan na makakapitan at magbibigay sa isang miyembro ng proteksyon laban sa nang-aapi d. Isang samahan o barkada e. Isang grupo o samahan ng mga kabataan na walang patutunguhan f. Isang kapatiran ng mga kabataan na nagdadamayan kung may naapi . Sa madaling sabi, kung pagsasamahin ang mga nakuhang sagot, ang gang ay isang samahan ng mga kabataan na may layuning mabigyan ng proteksyon ang mga miyembro nito. Bagama’t hindi pa rin naaalis ang negatibong konotasyon ng salitang gang, mahalagang unawain na tinitingnan ito ng mga miyembro nito bilang isang institusyon na maaari nilang takbuhan at magsisilbing kanlungan nila sa panahon ng kagipitan. 2.5. Ang Persepyon at Steryotipo sa Gang Sa lipunang Pilipino, hindi na rin bago ang pagturing sa mga miyembro ng gang bilang masasama at delingkwenteng indibidwal. Hindi na rin bago ang pagiging sangkot sa krimen at mga gawaing labag sa batas gaya ng pagnanakaw, at pagpatay.
  • 12. Marahas, mayabang, maangas - ito ang mga salitang ito ang agad na sagot ng mga nakapanayam tungkol sa persepsyon sa gang. Walang ibang ginagawa ang mga miyembro nito kundi makipag-away at mangggulo at sangkot sa mga kaguluhang nangyayari sa lugar na kanilang kinabibilangan. At bilang panghuli, pinaghihinalaang ang mga miyembro ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at nagbibisyo. Itinuring din na mahilig sa kasiyahan o party. Sa madaling sabi, wika nga ng isang informant, ang mga miyembro ng gang ang mga walang patutunguhan sa buhay. Isang mahalagang konsiderasyon din ang panlabas na katangian ng mga gangster. Karaniwang nakasuot sila ng mga maluluwang na damit at sumbrero. Mayabang daw ang paglalakad at pananalita ng mga ito. Ang paso sa daliri, braso at iba pang bahagi ng katawan ay isa rin sa mga pisikal na palatandaan ng pagiging gangster. Popular na paniniwala din na ang mga gangster ay mula sa mga mahihirap na lugar sa mga siyudad. 3.0. ANG PENOMENON NG GANG Marami ng naisagawang pag-aaral tungkol sa pinagmulan ng gang at dahilan ng pagsali ng mga kabataan sa gang. Subalit ang mga pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pagtugon sa problemang idinudulot ng mga gang sa lipunang kinabibilangan nila. Ilan sa mga popular na pagtanaw na ginagamit ng mga manunulat upang pag-aralan ang pag-unlad ng gang ay ang pag- unawa sa mga salik na istruktural at sikolohikal. 3.1. Mga Istruktural na Salik sa Pag-unlad ng Gang Ang Social Disorganization Theory5 ang isa sa pinakapopular na teorya sa pag-unlad ng gang. Isa itong teorya na nakatuon sa krimen at lihis na gawain na bunga ng pagkasira o pagkawala ng mga institusyong komunal gaya ng pamilya, paaralan, relihiyon at lokal na pamahalaan) at ugnayang komunal sa mga taong nakapaloob sa dito. Ang terminong disorganization ay tumutukoy sa pagkasira o pagkawala ng ugnayan ng mga tao at ang mga ugnayang ito ay tinitingnan na organisado at may depinidong istruktura. Ang organisado at 5 Randall Shelden, and others, Youth Gangs in American Society, (Wadsworth Publishing Company, 1997).
  • 13. depinidong istrukturang ito ay nasisira dala ng mga pagbabagong panlipunan at siyang nagiging sanhi ng pagbuo ng mga gang. Ayon sa Social Disorganization Theory, ang mataas na bilang ng krimen at lihis na gawain ay makikita sa mga lugar na nagpapakita ng mataas na bilang ng mga suliraning panlipunan gaya ng kawalan ng trabaho, mababang kalidad ng edukasyon at iba pa. Ang ganitong kalagayan ay maaaring bunga ng tatlong salik: ang urbanisasyon, industriyalisasyon at pandarayuhan. Kung titingnan ang kasaysayan ng gang, naipapaliwanag ng Social Disorganization Theory ang pinagmulan ng mga Pinoy gang sa ibang bansa. Ang pagkakaiba sa kultural na aspeto ang nagbunsod sa mga kabataang Pilipino na bumuo ng gang upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili laban sa diskriminasyon dala ng pagkakaiba sa kultura at lahi. Magagamit din ang teoryang ito upang ipaliwanag ang paglaganap ng mga gang sa Pilipinas noong dekada 70 at 80. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pag-iral ng mga gang sa Pilipina. Ito ay maaaring dala ng patuloy na urbanisasyon at pandarayuhan. Kasabay ng urbanisasyon ay ang paglaki ng populasyon ng mga informal settler o mga iskwater sa Metro Manila na bunga ng pandarayuhan ng mga mula sa karatig-bayan. Kaugnay ng paglaki ng bilang ng mga iskwater sa kalunsuran partikular na sa Kamaynilaan ay ang pag-usbong at pagbuo ng mga gang. Sa isang lugar na kung saan nawala o nabigo ang umiiral na mga institusyong panlipunan na gampanan ang mga kaukulang tungkulin sa buhay ng isang bata, nangangahulugan ito ng disintegrasyon ng buhay-pamilya, pagiging di-epektibo ng mga paaralan, korupsyon, at kawalang-interes sa lokal na pulitika, mababang sahod at kawalan ng trabaho at kakulangan ng oportunidad para makapaglibang. Ang lugar na may mga iskwater ang isang perpektong pagsasalarawan ng isang disorganisado at nabubulok na lipunan. Sa ganitong kalagayan, nagiging isang mahalagang bahagi ng pamumuhay ng mga kabataan ang gang. Ang mga gang ang nagiging kahalili at nagsisilbing alternatibong institusyon na nagbibigay ng kung anuman hindi maibigay ng umiiral na lipunan at nagiging kanlungan at
  • 14. proteksyon laban sa di-kaaya-ayang kalagayang panlipunan. Sa gang nahahanap ng mga kabataan ang hinahanap nilang pagkalinga ng pamilya at iba pang mga pangunahing pangangailangan. Sa gang din nahahanap ng mga miyembro ng gang ang proteksyon na kinakailangan nila sa paglaki at pakikipag-ugnayan sa mundo. Sa uri ng pamumuhay na umiiral sa mga lugar na may iskwater, isang normatibong bahagi ng buhay ang pagkakaroon ng mga kaibigan na kinakatawan ng mga gang. 3.2. Mga Sikolohikal na Salik sa Pag-unlad ng Gang Ang mga sikolohikal na salik ay maaaring bunga ng mga istruktural na salik na makikita rin at pinagtuunan din ng pansin ng mga manunulat ng tungkol sa gang. Ang gang ang nagsisilbing alternatibong lugar na kung saan maaaring makamit o ng mga miyembro nito ang mga batayang pangangailangan na hindi naibibigay sa kanila ng mga umiiral na institusyong panlipunan tulad ng estadong panlipunan, pagkakakilanlan at pangangailangan mapabilang sa isang samahan. Sa mga lugar na kanilang kinabibilangan, isang paraan ng pagkamit ng estadong panlipunan at sariling pagkakakilanlan ay ang pagsali sa mga gang. Sa loob ng gang, nakakamit ng mga miyembro nito ang mga pagkilalang ninanais nilang makamit. Makukuha sa gang ang lahat ng imposible at di maibibigay ng lipunan gaya ng suporta, pagkakakilanlan, estado, dangal, oportunidad at pamilya. 4.0. ANG GANG SUBCULTURE 4.1. Demograpiya Ang average na edad ng isang gangster ay 17 o 18 taong gulang. Sa isinagawang pag- aaral, ang mga miyembro ng gang ay karaniwang may edad na 11 hanggang 24 taong gulang. Ang ilan sa kanila ay maaaring mas matanda pa o bata sa nabanggit na edad.
  • 15. Taliwas din sa lumang paniniwala na ang mga gang ay binubuo ng mga lalaki lamang, marami na rin sa mga gang ngayon ay binubuo ng parehong lalaki at babae. Subalit bihira naman ang pagkakaroon ng isang all-female gang na binubuo lamang ng mga kabataang babae. 4.2. Ang Gang at Kabataang Babae Bagamat walang nakalap na mga estadistika hinggil sa mga pagkakaroon ng mga babaeng gang, karaniwan sa mga Pinoy gang ay binubuo na ng parehong lalaki at babaeng miyembro. Ayon sa mga naging pag-aaral, may tatlong uri ng kasapian ang mga kabataang babae na miyembro ng gang. Una ay ang pagiging independyente o hiwalay na gang sa mga kalalakihan. Pangalawa, pagiging miyembro ng isang coed na gang na tumutukoy sa gang na may babae at lalaking miyembro. At panghuling uri ng gang na kinabibilangan ng mga kabataang babae ay ang babaeng bersyon (feminized version) ng mga umiiral na mga gang ng kabataang lalaki. Kagaya ng mga lalaking gangster, pangunahing dahilan din ng pagsali ng gang ng babaeng gangster ang paghahanap ng proteksyon. Pangalawa dito ay ang patuloy na hangaring maalis ang steryotipo sa mga kababaihan at maipakita na kaya nilang gawin ang mga ginagawa ng mga kalalakihan. Isang pagrerebelde din ito sa konserbatibong nosyon ng lipunang at kulturang Pilipino sa pagiging babae na nangangahulugan ng pagiging mahinhin at masunurin at laging pangalawa sa lalaki. Ang pagsali sa gang ay isang paraan ng pagpapakitang-gilas sa kakayahan at maaaring gawin bilang isang babae. Nakikita din mga kabataang babae na maaari silang makahanap at magkaroon ng boyfriend pag sumali sila sa gang. Ang mga babaeng gangster ang karaniwang taga-dala o tagapagtago ng mga sandata ng mga lalaking gangster. Isa rin sa tungkulin na ginagampanan nila sa gang ay magbigay ng aliw (sekswal) sa mga lalaking miyembro nito. Kalimitan ding mga girlfriend ng lalaking gangster ang mga babaeng miyembro ng gang.
  • 16. 4.3. Istrukturang Organisasyonal ng Gang Ayon sa isinagawang pananaliksik, ang mga Pinoy gang ay pinamumunuan ng Founder, Pangulo at Master of Disciplinary Action (Master D.A.). Ito ang tatlong esesnyal na bahagi ng samahan. Subalit maaaring magdagdag ng ilan pang opisyal ayon sa pagpapasya ng Founder at Pangulo ng gang. Maaaring magkaroon ng Pangalawang Pangulo, Kalihim at Ingat-Yaman. Ang Founder ang tagapagtatag ng gang. Siya ang itinuturing na pinakamakapangyarihan sa gang at kadalasang may pinakamalawak na karanasan at koneksyon. Iginagalang ng lahat ng miyembro ang kanilang Founder. Karaniwan ang Founder ang nagbibigay ng payo sa mga miyembro ng gang. Isa siya mga tinatawag na OG o original gangster na siyang mga beteranong miyembro ng gang. Ang Founder din ang siyang gumagawa ng mga simbolo, pagpapangalan ng samahan. Lady Founder naman ang katumbas nito sa mga babaeng gang. Ang Pangulo naman ang nangangasiwa at namamahala sa mga internal na gawain ng gang. Sila ang gumagawa ng batas na dapat sundin ng mga miyembro ng gang. Bagama’t mas makapangyarihan ang Founder, hindi ito gaanong nakikialam sa mga usapin ng gang. Ipinauubaya nito sa Pangulo at iba pang opisyal ang pagpapanatili ng kaayusan ng samahan. Pinipili ang Pangulo sa pamamagitan ng botohan. Ang mga miyembro ang nagpapasya sa kung sino ang kanilang magiging Pangulo. Ang isang Pangulo ay dapat responsable, malakas, matapang at isang bentahe ang kanyang karanasan bilang isang gangster. Kailangan din na may kakayahan siya at magaling magpalakad ng isang samahan. Karaniwan napapalitan lamang ang isang Pangulo kapag siya ay namatay o nawala ito. Subalit sa mga pagkakataong nagkaroon ng problema sa kanyang pamamahala, maaaring palitan siya at idinadaan ito sa botohan. Samantala, nasa kamay naman ng Master D.A. ang pagdidisiplina sa mga miyembro ng gang. Siya ang nagpapanatili ng kaayusan ng samahan at kadalasang nagbibigay ng kaukulang parusa sa mga lumalabag sa mga batas na dapat sinusunod ng mga miyembro. Siya rin ang namamahala sa initiation ng mga gustong maging miyembro.
  • 17. Sunod sa mga opisyal ay ang mga miyembro ng gang. Inaasahan ang bawat miyembro na sumunod sa mga batas ng gang, at isabuhay ang mga paniniwala ng gang. Kasama na rin sa responsibilidad na ito ang pagpapanatili sa gang sa pamamagitan ng pagpaparami at pagpapalawak ng sakop nito. Bawat miyembro ay may kakayahang makapagtatag ng bagong chapter ng gang nila sa ibang lugar. 4.4. Proseso ng Pagsali sa Gang Bawat gang ay may sinusunod na proseso sa pagpapalawak ng kasapian nito. Ang mga sumusunod ay hakbang sa pagsali ng gang ng isang neophyte o wannabe. Hindi ito ang istandard na proseso sapagkat hindi lahat ng gang ay sumusunod sa mga hakbang na ito. Recruitment Ito ang unang hakbang sa pagsali sa isang gang. Lalapitan ng isang miyembro ng gang ang isang potensyal na miyembro at hihikayating sumali sa gang nila. Sa yugtong ito, ikinukwento ng miyembro ng gang ang lahat ng positibong bagay tungkol sa kanilang samahan. Subalit madalas na hindi na dumadaan dito ang mga nais na maging miyembro gangster. Sila na mismo ang lumalapit sa isang miyembro ng gang at nagpapahayag ng kagustuhang sumali. Karaniwan ang mga indibidwal na ito ay kaibigan na ng mga miyembro at halos alam na ang lahat ng tungkol sa gang na sasalihan niya. Confirmation Mahalaga sa gang na mapangalagaan ang anumang lihim na mayroon ito na nararapat lamang na malaman ng mga miyembro nito kung kaya’t dumadaan sa hakbang na ito ang mga nais na maging miyembro. Ito ay upang masiguro na alam na ng neophyte ang mga papasukin niya bilang miyembro ng gang at matiyak ang kagustuhan niyang bahagi ng gang. Hazing o ‘Bigay’ Tinatawag itong 30-second massacre. Sa loob ng tatlumpung segundo, daranasin ng neophyte ang pisikal na pagpapahirap mula sa mga miyembro ng gang. Kadalasang jina-jump in at bibigyan o bubugbugin ng lahat ng naroroong miyembro ang neophyte.
  • 18. Kinakailangan niyang kayanin ang ganitong pagpapahirap upang maging ganap na miyembro. Maaaring makaligtas ang isang neophyte sa 30-second massacre sa pamamagitan ng tinatawag na ‘welcome’ na kung saan nagagawang pakiusapan ng nagrecruit ang Pangulo na huwag ng dumaan sa hazing ang kanyang narecruit. Subalit tanging ang mga opisyal at mga miyembrong malapit sa Pangulo ang may prebilihiyong gawin ito. May sariling bersyon naman ang mga babaeng gang sa 30-second massacre. Sa kanila, maaaring ito ay sa pamamagitan ng pagsampal o pagsinturon sa neophyte. Bahagi rin ng hazing o Isa sa palatandaan ng gang ay ang tinatawag na sondo o paso sa pagitan ng daliri, braso o sa iba pang bahagi ng katawan. Kamayan Ito ang huling bahagi ng proseso. Kakamayan ng mga miyembro ang bagong miyembro upang maging opisyal ng miyembro ng gang. 4.5. Dahilan ng Pagsali sa Gang Iba-iba ang dahilan ng bawat miyembro sa pagsali sa gang . Ang mga sumusunod ay mga ispisipikong dahilan ng pagsali ng mga kabataang Pilipino sa gang. Proteksyon Ang pagbibigay-proteksyon sa mga miyembro nito ang pinakapopular na dahilan sa pagsali sagang. Tinitingnan ng mga miyembro nito ang gang bilang isang samhan o kapatiran na tutulong sa kanila kapag sila ay naaapi. Panatag ang mga miyembro kapag kasama nila ang kanilang gang. Ayon sa isa sa mga informant, pag kasama niya ang gang niya, pakiramdam niya wala ng gagalaw sa kanya.
  • 19. Ang gang din ang nagsisilbing takbuhan ng mga miyembro nito sa panahon ng kagipitan. Maliban sa pisikal na proteksyon, sa gang din nahahanap ng mga mga miyembro nito ang mga pagkukulang na di maibigay sa kanila ng kanilang pamilya, paaralan at lokal na pamahalaan. Dito nila nararanasan ang suporta, pagkalinga at pagmamahal na hinahanap nila. Karanasan Ang ilan naman ay sumasali lang sa gang upang maranasan lamang ang buhay- gang. Dala ito ng kuryosidad sa kung ano ang mayroon sa gang at ano ang dahilan ng popularidad. Sa isang lugar sa Paranaque, dumating ang panahon na halos lahat ng kabataan ay nais maging gangster at halos lahat ay sumasabay sa popularidad ng gang. Barkada/Kaibigan Isang malaking impluwensya sa buhay ng kabataang Pilipino ang kani-kanilang grupo ng kaibigan o mga barkada. Karamihan sa mga naging informant ay naimpluwensyahan ng barkada o ang sabi pa ng isa ay nadala sa sulsol ng barkada kaya naman sumali at napasali sagang. Pinaiiral sa mga barkadang ito ang konsepto ng‘Walang iwanan’ na nagpapakita ng matibay na samahan ng mga magkakaibigan sa lipunan at kulturang Pilipino. Sa kabilang banda naman, ang paghahanap ng mga bagong kaibigan ay isa ring dahilan sa pagsali sa gang. Ayon kay Syron ng Reckless Asiatic Gang (RAG), masaya siya sa gang niya dahil sa mga kaibigan niya sa gang. Mas maganda kung maraming tropa. 4.6. Pag-alis sa Gang Hindi sa lahat ng pagkakataon ay matiwasay ang samahan sa gang. Minsan may mga bagay na dapat isaalang-alang na humahantong sa pag-alis sa gang.
  • 20. Para kay Paulo, isa sa mahalagang konsiderasyon sa pag-alis niya sa gang ay ang kanyang pamilya. Hindi sang-ayon ang kanyang ina sa pagsali sa gang kaya naman di niya ito ipinaalam. Subalit nang malaman ito ng kanyang ina, napilitan siyang umalis sa gang. Humantong pa sa insidenteng ipinakulong siya kasama ang kanyang mga ka-gang dahil sa pagsali niya sa gang. “…. Mama ko. Nung nagalit siya. Kasi yung cellphone ko nun may camera tas nakita niya yung picture namin ng mga kagang ko. Ayaw niya kasi madudungis yung mga katropa ko. Pagkatapos nun, wala na kaming pansinan ng mga kagang ko. Pero pag nakikita nila ako, kinakantyawan nila ako. Pag ganun, may magsusumbong sa bahay, tas pupuntahan sila ni Mama, aawayin niya mga yung mga dati kong ka-gang.” Isa rin sa mahalagang konsiderasyon ay ang internal na alitan sa loob ng gang. Kapag di na nagugustuhan ng isang gangster ang pagpapalakad sa gang, nagiging dahilan ito ng pag-alis niya sa gang. Ang kagustuhan ding lumipat sa ibang ang isa sa mga dahilan ng pag-alis ng isang miyembro sa gang na kinabibilangan niya. Si Salnel ng Purok 3, Bagong Tanyag, Taguig ay matagal ng miyembro ng Original Brotherhood 3 gang simula noong siyam na taong gulang pa lamang siya. Subalit pagsapit niya ng ikadalawampung taon, dumating ang yugto sa buhay niya na sawa na siya sa buhay-gang at hindi na naging aktibo sa gang niya. Subalit hindi rin ganoon kadali ang pag-alis sa gang. Kailangan munang sumailalim sa isa pang 30-second massacre na tinatawag na good bye hazing. Halos katulad lang din ito ng bigay sa pagsali sa gang subalit di hamak na mas matindi ang pagpapahirap na gagawin sa mga miyembro na nais umalis ng gang. Doble ang hirap na mararanasan mo. Sa Armela Compound sa Paranaque, halos lahat ng kabataan ay miyembro o may kaugnayan sa gang. Subalit pagdating ng ikadalawampung taon nila na kung saan nagtatrabaho at may nahanap na ibang pagtutuunan ng pansin, unti-unti nang humihina ang partisipasyon ng
  • 21. mga miyembro ng gang sa gawain ng gang nila. Masasabing ang ganitong tanawin ay nagpapakita na ang buhay-gang ay isa lamang yugto ng kabataan na unti-unti ding nawala sa paglipas ng panahon. Sa kasalukuyan, makikita na sa pag-iral at unti-unting paglaganap ng mga fraternity sa komunidad na sakop ng pag-aaral. Sa Napa Compound sa Paranaque City, nakikita ang transisyon mula sa gang patungo sa fraternity. Makikita ito sa ebolusyon ng True Asiatic Gang (TAG) na ngayon ay Alpha Kappa Rho (AKRHO) na. Ganun din ang kasalukuyang nangyayari sa Reckless Asiatic Gangsta na unti-unti na umanong nabubuwag at may plano ng isali sa AKRHO. Sa kasalukuyan, tanging ang mga hard-core na miyembro na lamang ang patuloy na naging aktibo sa RAG samantalang ang ilan sa mga miyembro nito ay lumipat sa mga fraternity gaya ng Triskelion at AKRHO. Isa itong palatandaan ng humihinang penomenon ng gang sa mga kabataang Pilipino. 4.7 Ang Kalinangang Gang 4.7.1. Sistema ng Paniniwala at Etika ‘Bala ang pantubos sa sala. Ang kaligtasan ,sa isa’t isa ay nasa. Yan ang buhay ng gangsta…’ - Buhay ng Gangsta Ang katapatan sa gang ang isa sa mga pagpapahalagang mayroon ang bawat miyembro ng gang. Ito ay dala ng mga pinagsamahan at karanasan nila bilang mga miyembro ng gang. Sa koro ng awiting Buhay-Gangsta, ang pagbubuwis ng buhay alang-alang sa kapwa gangster. Laging iniuuna ng bawat miyembro ang kaligtasan ng bawat isa. Naisasalarawan nito ang konsepto ng ‘Walanglaglagan’ at ‘Walang iwanan.’ Mahalaga rin ang pagpapanatili sa kaisahan ng samahan at sa matiwasay na pagsasama ng mga miyembro nito. Ang pagpapahalaga sa kasama, kaibigan, ka-barkada ay isa sa magandang karakterisasyon ng mga kabataang Pilipino at naipapakita ito sa matibay na samahan ng mga miyembro ng gang.
  • 22. Taliwas naman sa paniniwala ng nakararami, hindi gawain ng gang na manakit ng sibilyan. Kadalasang mga miyembro ng ibang gang o kaalitang gang ang nagiging biktima ng karahasan ng gang. Maaari namang humantong sa pagpatay ang pagganti para sa naagrabyadong kamiyembro ng gang. 4.7.2. Wika ‘Mga TBS satakbuhan ay mabilis Brown style 12, dumadami Kung TBS ka, putang-ina ka’ Takbo TBS 13 Para sa mga taga-labas ng gang, isa sa mga di-kaaya-ayang aspeto ng buhay-gang ay ang paraan ng pananalita ng mga miyembro nito. Opensiba, bastos at bulgar na wika ang ginagamit ng mga gangster. Sa bawat salita nila ay namumutawi ang mga mura at ang paggamit ng mga salitang may kaugnayan sa maseselang bahagi ng katawang ng tao. Magkatulad ang babae at lalaking miyembro ng gang sa aspetong ito. Taliwas ang ganitong gawi sa umiiral na mga pagpapahalagang Pilipino. Sa wikang ito, masasalamin sa wika at sa tono ng pananalita ang pagiging ‘mayabang’ at maangas at walang inuurungan na tila ba nagpapahiwatig ng pagiging rebelde ng mga kabataan sa umiiral na norm sa lipunan at kulturang Pilipino. Maliban sa pang-araw-araw na kalakaran ng buhay-gang, makikita rin ang ganitong paggamit ng wika sa mga awiting gang. 4.7.3. Pananamit Isa sa pisikal na palatandaan ng isang gangster ay ang kanyang pananamit.. Sa Pilipinas, uso sa mga gangster ang panghiphop na porma ng mga kabataan. Kaiba ito sa mga gang sa ibang panig na mundo na may sariling paraan ng pananamit upang tukuyin ang gang na kinabibilangan
  • 23. nila. Makikita mo ang mga kabataang Pilipino na miyembro ng gang na nakasuot ng malalaki at maluluwang na damit sa pang-itaas at shorts (size XXL). Teternuhan nila ito ng malalaking sombrero sa ulo. At bilang sapin sa paa, tsinelas na malalaki na imitasyon ng brand na Islander. Sa mga kababaihan naman, malalaki at maluluwang na damit din ang pang-itaas nila na karaniwang jersey. Sa pang-ibaba naman ay maiikling shorts na tinatawag poky o pekpek shortsdahil sa sobrang ikli nito. 4.7.4. Simbolo (Hand Signs) Bawat gang ay may sariling mga senyas o simbolo o kamayan na isang paraan upang makilala ang isang indibidwal na kabilang sa isang gang. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng Founder at nagsisilbing identidad ng miyembro ng gangster sa labas ng kanilang teritoryo. Isang tipikal na gangster
  • 24. Ang simbolo ng sikat na gang sa Estados Unidos na nagngangalang Bloods 4.7.4. Sining Kilala ang gang sa kanilang mga ,makukulay na graffiti at mga vandalismo sa mga pader ng mga gusali at kung saan saan pa. Tinagurian ang mga graffiti na dyaryo o bulletin board ng mga gang at ito ang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga gang, kasama na ang mga mensahe ng paghahamon, babala, pagpapahayag ng mga matagumpay na gawain o mga gagawin pa lang. Subalit ang mga graffiti na ito ay hindi kaaya-ayang tanawin para sa nakararami. Ilan sa mga pagpapakahulugan sa mga graffiti ay ang mga sumusunod: Ang mga graffiti na ito ay pagpapahiwatig na ang nasabing lugar ay teritoryo ng mga gang na ito.
  • 25. Samantala ang mga graffiti na ito na may nakasulat na Henry RIP ay nangangahulugang babala ito sa kung sinumang miyembro ng gang na nagngangalang Henry. 4.7.5. Musika Gusto mo ba na sumama Saming mundo na madrama Na may halong lungkot at saya at may kaba Bala ang pangtubos sa sala ng iba Ang kaligtasan sa isat-isa inasa Yan ang buhay ng gangsta Yan ang buhay ng gangsta Buhay ng gangsta Buhay ng Gangsta Ang Buhay ng Gangsta ay isang awiting rap na sumasalamin sa buong buhay ng isang miyembro ng gang. Nakapaloob sa titik ng awiting ito ang hirap na dinanas ng isang gangster sa pagsali sa gang, ang mga karanasan niya bilang isang gangster at mga alinlangan sa buhay na pinasok niya.
  • 26. Ang musikang rap ay isang genre na popular sa mga gangster. Paborito nila ang hiphop at mabilis nitong himig. Sa isang blog ng isang miyembro ng True Brown Style na kung saan tampok ang paksang ito, may tatlong pag-uuri sa ng musikang rap. Una ay ang makabayang rap ni Francis Magalona, rap na puro kalokohan na pinasikat ni Andrew E. at ang gangsta rap. Para sa kanila, ang gangsta rap na kanilang paborito ay ang tema ng kanilang buhay, Isang katangian ng musikang rap ay ang patula nitong pagkanta. Karaniwang tema ng gangsta rap ang karahasan ng gang at pag-ibig. Ang dalawang ito ang paboritong paksa ng mga gangster at karaniwang laman ng kanilang awitin. Negatibo ang konotasyon ng salitang gang at ang pagiging gangster ay isang di-kaaya- ayang katangian ng isang indibidwal. Sa pamamagitan ng gangsta rap, naipapahayag ng mga gangster ang kanilang wagas na pag-ibig sa kabila ng di magandang pagtingin sa kanila ng mga tao. Tanging sa rap lamang nila naipapakita na handa silang magmahal ng totoo sa kabila ng lahat ng karahasang kakabit ng pagiging gangster nila. 5.0. Mga Gawain ng Gang ‘Mula noong 1998 buhay ko dito na ginugol Dose anyos ang laro sa mga lespu magpahabol Naging kakaiba ang pananaw sa kaedaran Pinangarap na lahat ng gang ay mapangibabawan’ Buhay ng Gangsta Naging popular ang mga kabataang gang sa mga karahasang dulot nila sa mga lugar na kanilang kinabibilangan. Sangkot sila sa bawat kaguluhan at pag-aaway na nagaganap sa kanilang lugar. Narito ang ilan sa mga karanasan ng mga informant sa pagiging gangster nila:
  • 27. ‘Nung nakaraang linggo, may dumayo dito sa amin na mula sa kalaban naming gangsta. Binanatan namin, binugbog at nakuhaan namin ng sumbrero. Gumanti lang kami. Binawian lang namin kasi nung dumayo kami sa lugar nila, di lang nila kami ginanun, talagang papatayin nila kami. hinagisan kami ng mga pasabog. Tinutukan kami ng sumpak. ‘ Ang nasa itaas ay karanasan ni Jefferson, miyembro ng True Brown Style (TBS). Madalas na nagkakaroon ng rumble kapag may napapadaan o napadpad na miyembro mula sa kalabang gang. Nasa kalikasan ng gang ang magpagalingan at ipakita sa kapwa nila gangster kung sino ang mas malakas na gang. Ang pasikatang ito ay madalas na nauuwi sa marahas na kaguluhan. Madalas ding mangyari na dahil sa ayaw magpatalo ng isang gang, hindi ito titgil hangga’t hndi nakakabawi o nakakaganti sa kabilang gang. Makikita ito sa karanasan ni Paulo, miyembro ng Lovestruck Gang (LSG). Layunin ng bawat gang na mapangibabawan ang lahat ng kalabang gang. “ Experience lang. Nung nalaman ng mga TAG na may gangster sa PAE, lagi na silang nagbabanatan dun, kasama ako. Pero bawal kasi ako makipag-away. Naka-uniform pa kasi ako nun kaya ayun, pinapauna na lang nila ako. Pero parang gusto ko rin kaya yun, hinubad ko yung uniform ko tas sumali sa rambol. Batuhan. “ Humahantong sa kamatayan ang ang ganitong gawain ng gang. Sa matagal na panahon ng pagiging gang, nasaksihan ni Salnel na miyembro ng OB3 ang rurok ng gawain ng gang. “Nakita ko, harap-harapan binabaril, sinasaksak. Dun sa may kanto, yung katropa ko, binaril ng kalaban naming gang. Nakulong yung bumaril pero nakalaya din after 1 week. Yung nabaril, baldado isang paa.” Maliban sa rumble at mga kaguluhan, sangkot din ang mga gang sa malilit na kaso ng pagnanakaw at panghihingi sa mga biktima nito. Ito ang ginagamit nilang panggastos upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at bisyo.
  • 28. Bahagi na rin ng pagiging gangster ang pagbibisyo at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Subalit hindi naman ipinipilit sa mga miyembro ang mga ganitong gawain. Ayon sa mga informant, nasa indibidwal na ang pagpapasya kung magpapaimpluwensya ito sa kanyang mga kasama. Hindi naman napatunayan ang hinuha na sangkot sa prostitusyon ang mga babaeng miyembro ng gang. Hindi sila umaabot sa puntong ito. Sa buong maghapon, inuubos ng mga gang ang oras nila sa paggala at pakikipag-ugnayan sa mga kapwa nila gangster na hindi nila kalaban sa ibang lugar. May mga insidente na nasasangkot sila sa gulo at ilan pang gawaing labag sa batas. Pagsapit ng gabi, dito na nagsisimula ang paggamit nila ng bawal na gamot at iba pang gawain. 6.0. Iba’t Ibang Pagtingin sa Gang Ang mga kabataang miyembro ng gang ay mga kabataang walang patutunguhan sa buhay. Ito ang bukambibig ng mga tao kapag nababanggit ang tungkol sa gang. Ang mga gangster ay mga indibidwal na puro away at gulo at karahasan lamang ang iniisip. Sangkot sila sa mga kaguluhan at madalas na pinagmumulan ng mga problema sa lugar na kanilang kinabibilangan. Mahirap na alisin sa isipan ng tao ang ganitong pagpapakahulugan sa gang. Bagama’t nag-uumapaw na patunay na sumusuporta sa pagtanaw na ito, hindi ito dapat magtapos dito. Sa ilang lugar na mayroong gang, hindi pawang negativo ang pagtingin sa gang. Dahil sa kahiligan sa mga kasiyahan at party, mismong ang mga miyembro ng gang ang nangunguna sa pagtulong at pag-aayos ng mga pasayaw sa kanilang lugar. Ito ang makikita sa Brgy. Bagong Tanyag at Armela Compound. May mga pagkakataong tumutulong din ang mga gang sa kanilang komunidad.
  • 29. 7.0. Paglalagom Isang sensitibong usapin ang gang na nangangailangan ng maingat na pagsusuri upang higit na maunawaan ito. Nakatuon ang mga nakaraang pag-aaral sa pagsugpo, pagkontrol at pag- alis sa mga gang dahil sa mga karahasan at perwisyong dulot nito. Subalit magpahanggang ngayon, laganap pa rin ang mga gang. Isa sa tinitingnan at laganap na perspektibo sa pag-unlad ng gang ay ang Social Disorganization Theory na tumukoy sa malaking bahagi ng mga institusyong panlipunan sa pag- unlad ng kabataan at sa pagiging delingkwente nito. Isang mahalagang daan ito sa pag-unawa na sa halip na bigyan ng pansin ang pagsugpo sa gang at karahasan nito, dapat nakatuon sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng mga nasabing institusyong ito. Sa lipunan at kulturang Pilipino, sa kasalukuyang panahon, mahalagang maunawaan na isa ng institusyon sa buhay ng mga kabataan ang mga samahang tulad ng gang. Para sa mga miyembro nito, isa lamang yugto sa buhay ng isang indibidwal ang pagsali sa gang at pagiging gangster. Ito ay isang paraan ng pakikiangkop ng mga nasabing pangkat sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa kanila sa mga panahong ito. Sa pananaw ng kabataang Pinoy, ang gang ay isang samahan ng mga kabataan na may layuning makapagbigay ng proteksyon sa mga miyembro nito. Ito ay isang lugar na kung saan maaaring ipahayag ng isang indibidwal ang kanyang saloobin. Sa gang din unang nabubuo ang kanyang identidad. Dito nila natatagpuan ang kanilang kaibigan, guro, at pamilya. Malaya silang gawin ang nais nilang gawin kasama ang kanilang mga kaibigan sa gang. Ang pag-iral ng gang sa mga kabataang Pilipino ay malinaw na manipestasyon ng kahalagahan ng mga peer group o barkada sa pag-unlad nito bilang tao.
  • 30. Batis Gale, Fay, ed. “Youth in Transition. The Challenges of Generational Change in Asia” The Association of Social Science Research Councils, (2005), 202, http://www.unescobkk.org/fileadmin/user_upload/shs/Publications/AASSREC_Book.pdf (accessed April 4, 2010) Shelden, Randall and others, Youth Gangs in American Society. Wadsworth Publishing Company, 1997. Spergel, Irving, The Youth Gang Problem: A Community Approach New York: Oxford University Press, 1995. Transportation, Water, And Urban Development Department. Philipines in the 1980s: A Historical Review of Social Policy and Urban Level Interventions (Washington: The World Bank, 1993).