2. Salalayang
Pangkasaysayan
• Sa buong pananakop ng Kastila, ang mga “kristiyanisadong”
Pilipino ay palaging nag-aalsa laban sa kanyang mananakop,
lalo na sa mga prayle, at nagtangkang bumalik sa lumang
relihiyon.
• Ang mga unang lalawigang nag-alsa ay mga lupaing pagmamay-
aari ng mga malalaking kongregasyon ng mga relihiyoso. Gayun
pa man, madaling nasupil ang mga pag-aalsa sa pamamagitan ng
mga di makataong patakaran. Ginamit ang mga Pilipino mula
sa isang rehiyon upang labanan ang kapwa Pilipino sa isa pang
rehiyon. Bunga nito hindi naging isa ang mga Pilipino sa loob
ng 300 taon.
3. Mga Dahilan ng
Pag-aalsa
• Pagbabagong anyo sa kalinangan (wika)
• Pagkawala ng halaga ng babaylan sa lipunang
dati at ang pagdating ng prayle
• Sanduguan – higit pa sa pulitika, ito’y sagisag
ng kapayapaan, ng pagkakapantay
4. Mga Pag-aalsa ng mga
Katutubo
Martin Panga at Agustin de Legaspi 1587-1588
Sanduguan ni Raja Buisan at mga datu taga-Leyte,
1603
Tamblot ng Bohol, 1622
Bangkaw ng Leyte, 1622
Sumuroy ng Samar, 1649
Tapar ng Panay, 1663
Pakikibaka ng Sultanato, Sultan Kudarat, 1630-1671
5.
6. Mga Pag-aalsa sa Loob
ng Estadong Kolonyal
Dagohoy, Bohol, 1744
Gabriela at Diego Silang, 1762-1763
7. Kilusang Agraryo ng
1745
• Lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Morong, at
Bulacan
• Dahilan ng Pag-aalsa: pangangamkam ng lupa; pagsasara
ng lupain sa mga nakagisnang karapatan ng mga
Pilipino.
• Pedro Enriquez Calderon (oidor): amnestiya sa lahat
maliban sa mga namuno
• Recopilacion: katibayang titulo sa lahat ng umukupa
sa mga lupain ng hacienda; land survey; at pagbabalik
ng
8. Sekularisasyon
• Bunga ng pagpapatalsik sa mga Heswita noong
1768 (dahil sa alitan ng Papa at Hari ng España),
maraming nabakanteng parokya na siyang
pinamahala sa mga paring sekular (Pilipino) na
hindi nagustuhan ng mga regular (prayle), sapagkat
mayroon daw kakulangan sa katekismo ang nauna,
na sa mga katutubong pari ay walang iba kundi
diskriminasyon sa lahi.
10. Hermano Pule, 1841
• COFRADIA DE SAN JOSE
• pagpapatuloy parin kahit na may babala na ng
excommunicacion;
• pangongolekta ng real bawat buwan;
• mga cabecilla pinipilit magpadami ng kasapian;
• pangako ng indulgencia at walang hanggang
kapatawaran mula sa Diyos;
• hindi tumatanggap ng mestiso;
• pinarurusahan ang mga kasaping tumitiwalag;
• mga kasapi lamang ng confradia ang maliligtas;
• kinatatakutang maging isang kulto.
11. Cofradia de San Jose
• Maaaring mauwi ito sa isang kilusang liberal.
• Pagtatayo ng Kapatiran ng lingid sa kaalaman ng
simbahan.
• Pagtuturo ng Katolisismo batay sa sariling pagbibigay
kahulugan (ni Pule).
• Pagpapakilala sa sarili bilang pinuno ng pananampalataya
kahit isang indio o maralita lamang.
• Ang daan tungo sa kaharian ng Diyos ay maaaring
marating ng kahit mahihirap.
• Eksklusibo para sa mga Pilipino lamang.
12. Si Hermano Puli at ang pag-aalsa ng Kapatirang San
Jose ay halimbawa ng isang kilusang bumuo ng
nagsasarili at malayang kamalayan sa loob ng
kaayusang kolonyal. Isinulong ang pag-angkin at
pagsasakatutubo ng dayuhang pananampalataya sa
kaisipan ng gawain ng kapatiran. Tinukoy ang lahi
bilang tanda ng pagkakilanlan ng isang komunidad sa
pamamagitan ng pagtatakda sa mga taga-loob, at
labas nito. Hinangad nito ang pagbubuo ng bayan.
13. Pagpukaw sa Kamalayang
Pilipino: Salik Panlabas
• Rebolusyong Pranses (1789) at bagong pilosopiyang
dala ni Napoleon Bonaparte.
• Pagtatalaga kay Joseph Bonaparte sa España
• Simon Bolivar at ang mga pag-aalsa sa Amerika
Latina.
• Mga creoles na pinatapon sa Pilipinas.
• Mga makabagong kagamitan sa digma: bapor de
singaw, at riple.
• Paghina ng Katolisismo (bunga ng Protestantismo
at nasyonalismo).
14. Pagpukaw sa Kamalayang
Pilipino: Salik Panloob
• Pagtatatag ng Comandacia Politico Militar
sa Cordillera at mga destacamento.
• Panukala ni Sinibaldo de Mas.
• Pagkita ang pamahalaan sa halip na
pagbibigay ng real situado sa kolonya.
• Realengos baldios
• Paglaki ng bilang ng mga juramentado
(moro), tulisan at ilustrado
15. Pambansang Kamalayan
• Layuning pulitikal na ang mga katutubo mismo ang
magpapatakbo ng pamahalaan. Malaya sa kolonyalista.
• Kasama sa lebel ng kamulatang ito ang pamunuan ng
Katipunan.
• Paglaki ng populasyon ng mga anak ng mga inquilino na
nakapag-aral sa labas ng bansa.
• Ang Los Indios Bravos (magigiting na indio).
• Pagkalat ng mga bagong babasahing hindi relihiyoso
(Florante at Laura, Noli at Fili, mga kuwentong bayan)
19. Itaas ang iyong
Malinis na noo
Sa araw na ito,
Kabataang Pilipino!
Igilas mo na rin ang kumikinang mong
Mayamang sanghaya
Magandang pag-asa ng Bayan kong Mutya!
20. Makapangyarihang wani’y lumilipad,
At binibigyan ka ng muning mataas,
Na maitutulad ng ganap na lakas,
Mabilis na hangin, sa kanyang paglipad,
Malinis na diwa, sa likmuang hangad.
21. Ikaw ay bumaba
Na taglay ang ilaw
Ng sining at agham
Sa paglalabanan,
Bunying kabataan,
At iyong kalagiun ang gapos mong iyang
Tanikalang bakal na kinatalian
Ng matulain mong waning kinagisnan.
22. Ikaw na lagi nang pataas ang lipad,
Sa pakpak ng iyong Mayamang pangarap,
Na iyong Makita sa Olimpong ulap
Ang lalong matamis
Na mga tulaing pinakananais,
Ng higit ang sarap
Kaysa “ambrosia” at “nectar” na awagas
Ng mga bulaklak.
23. Ikaw na may tinig
Na buhat sa langit,
Kaagaw sa tamis
Na kay Filomenang Malinis na himig,
Sa gabing tahimik
Ay pinaparam mo ang sa taong sakit,
Ikaw, na ang batong sukdulan ng tigas
Sa lakas ng iyong diwa’y nagagawad
Ng buhay at gilas,
At ang alaalang makislap
Ay nabibigyan ng kamay mong masikap
Ng buhay na walang masasabing wakas
24. At ikaw, na siyang
Sa may iba’t ibang
Balani ni Febong kay Apelas mahal,
Gayundin sa lambong ng katalagahan,
Na siyang sa guhit ng pinsel mong tanga’y
Nakapaglilipat sa kayong alinman;
Hayo na’y tumakbo! Sapagka’t ang banal
Na ningas ng wani’y nais maputungan
Kayong naglalama’y,
At maipamansag ng tambuling tangan,
Saan man humanggan,
Ang ngalan ng tao, sa di matulusang
Lawak ng palibot na nakasasaklaw.
25. Malwalhating araw,
Ito, Pilipinas, sa lupang tuntungan!
Ang Lumikha’y dapat na pasalamatan,
Dahilan sa kanyang mapagmahal,
Na ikaw’y pahatdan.
26. Kamulatang Makabansa
sa Katipunan
• Mayroong mithiing makabansa (soberenidad,
pagkakapantay-pantay) ang Katipunan ni Andres
Bonifacio. Ngunit nagpaliwanag ito sa kalagayan ng
bayan sa sariling wika sa pahayagang Kalayaan
• Tripartite din ang pagtingin.
• Higit na may kinalaman sa pagpapaganda sa buhay ng
karaniwang tao at hindi nagpapaligsahan lamang sa
katayuang intelektuwal at pagiging sibilisado.
• Agosto 23, 1896 pagputok ng himagsikan.
28. Walang isinuhay kaming iyong anak
sa bagyong masasal ng dalita't hirap;
iisa ang puso nitong Pilipinas
at ikaw ay di na Ina naming lahat.
Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis...
ang layaw ng anak: dalita't pasakit;
pag nagpatirapang sa iyo'y humibik,
lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.
29. Wala nang namamana itong Pilipinas
na layaw sa Ina kundi pawang hirap;
tiis ay pasulong, patente'y nagkalat,
rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat.
Ang lupa at buhay na tinatahanan,
bukid at tubigang kalawak-lawakan,
at gayon din pati ng mga halaman,
sa paring Kastila ay binubuwisan.
30. Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban,
kami'y di na iyo saan man humanggan,
ihanda mo, Ina, ang paglilibingan
sa mawawakawak na maraming bangkay.
Paalam na Ina, itong Pilipinas,
paalam na Ina, itong nasa hirap,
paalam, paalam, Inang walang habag,
paalam na ngayon, katapusang tawag.
31. Kamulatang Makabayan
• Mithiin ng karaniwang tao na magkaroon ng mga
karapatang panlipunan.
• Mula sa salitang bayan: tao at lugar ay iisa, hindi mahalaga
ang teritoryo, kaya ang bayani (tao) ay handang ipagtanggol
ang komunidad. Ganun din ang bayanihan (tulungan ng mga
tao para sa komunidad)
• Tulisan naghanap ng kalayan sa kabundukan. (Hal. Hermano
Puli, Colorum at Pulajanes sa Samar at Leyte, Buhawi sa
Negros, Gabinista sa Bulacan at ang kasapian ng Katipuan).
• Bunga ng pang-aabuso sa lupa nawala ang kinagisnang
karapatang ng tao sa lupa.
32. Palatandaan ng
Napipintong Himagsikan
• Unstable peso
• Mataas na presyo ng bigas at mais
• Pagbagsak ng industriya ng asukal at abaca
• Coffee blight
• Pulitikal at Panlipunang “unrest”
• Pagtaas ng Kamalayang Makabansa/
Makabayan
33.
34. • Nang hindi kinilala ni Andres Bonifacio ang
pamahalaang rebolusyonaryo ng 28 taong gulang na
si Aguinaldo, siya at ang kanyang kapatid na si
Procopio ay hinatulan ng kamatayan sa salang
pagtratraydor at sedisyon (treason and sedition) at
barilin sa Mt Tala sa Maragondon Cavite umaga ng
Mayo 10, 1897.
• Mabilis na kumalat ang himagsikan sa buong
kapuluan. Nilusod ang mga garison, sinunog ang mga
bayan at simbahan, binihag at pinatay ang mga prayle.
35. Kasunduan sa Biak na Bato
• Nakipagkasundo si Aguinlado sa
Pamahalaang Kastila ng tigil-putukan noong
Dec. 1897. Unang hulog na P400,000 (sa
kabuuang P800,000), Tumulak siya
patungong HongKong.
• Bunga nito maraming bayani ng bayan (mula
sa tao) ang lumitaw at ipinagpatuloy ang
himagsikan.
36. Pagpapatuloy ng
Himagsikan
• Macario Sakay, Julian Montalan, Cornelio Felizardo, Lucio de Vega:
Mga rebolusyonaro ng Cavite, Rizal, Laguna at Batangas. Binuo
ang Republika ng Tagalog noong 1904. Tinugis sila ng 2 taon ng
mga Amerikano (3,000 sundalo). Napatay si Felizardo noong
1905 samantala naloko sina Sakay at de Vega na sumuko at
binitay sa salang Brigandage noong Set. 15, 1907
• Luciano San Miguel: Pinuno ng “Bagong Katipunan” sa Rizal at
Bulacan noong 1902. Nasukol kasama ang 200 tauhan noong
Marso 28, 1903, lumaban sila hanggang kamatayan.
• Miguel Malvar: Nang bumagsak si Aguinaldo siya ang pumalit
bilang pinuno ng kilusang rebolusyonaryo. Nanatili sa Batangas
ng isang taon. Sumuko lamang noong Abril 16, 1902 dahil sa
puspusang magtugis ni Gen. Bell at ng 4,000 sundalo.
37. Pagpapatuloy ng
Himagsikan
• Faustino Guillermo: Pagkamatay ni
San Miguel siya ang pumalit na
pinuno at huli sa Pasig at binitay
noong Mayo 1904.
• Simeon Ola at Lazaro Toledo:
(1901-1903) Mga pinuno ng
rebolusyon sa Bikol.
• Artemio Ricarte: (1903-1914) guro
naging rebolusyonaryo, hindi
kahit kailan nanumpa sa watawat
ng Amerika kahit 3 ulit siyang
pinatapon sa Guam (kasama si
Mabini), HongKong at Japan.