SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 13
Si Kartikkeya, Ang
   Anak ni Shiva
Noong unang panahon ay may
nanirahang asura o demonyong ang tawag
ay Taraka. Siya ay naghangad na maging
pinakamakapangyarihanng tao sa buong
daigdig. Taimtim siyang nanalangin kay
Brahma at sinikap an tuparin ang mga nais
nito. Kung kaya napilitan si Brahma na
magpakita sa kanya.
“Ano ba ang iyong nais at
ginagawa mo ang mga bagay an
iyan?” tanong ni Brahma kay
Taraka.
“Ipagkaloob mo ang aking
   hinihiling – na ako ay maging
  pinakamakapangyarihang tao sa
 buong daigdig at walang sinumang
    maaaring makapapantay sa
akin, maliban sa anak ng Diyos na si
               Shiva.”
Si Shiva nang panahong iyon ay di
pa nakakasal at tila alam ng buong
 mundo na iyon ang kanyang nais
  mangyari. Wala din siyang balak
magkaroon ng anak. Kung kaya ito
 ang kanyang hiningi kay Brahma
    dahil alam niya ligtas siya sa
           kanyang hiling.
Dahil sa taimtim na panalangin at
sakripisyo ni Taraka ay ipinagkaloob ni
Brahma ang kanyang hiling. Siya ay
naging pinkamakamlakas at
pinakamakapangyarihan sa bawat araw
na dumating. Walang sinumang
makatatalo at nakapapatay sa kanya.
Samantalang si Shiva ay nanatiling hindi
kasal at walang anak.
Pinagbantaan ni Taraka ang mga Diyos: si
Indra, ang hari ng mga Diyos ay isinuko kay Taraka ang
kanyang napakagandang puting kabayo an si
Unchaishsraivas; isinuko naman ng mga Rishis ang
kanilang mahiwagang baka na si Kamadhenu na
nagbibigay katuparan sa mga hiling; nagbibigay ng
isang libong sea horses si Kubera, ang Diyos ng
kayaman; umiihip ayon sa dikta ni Taraka ang Diyos ng
Hangin na si Vayu; takot na takot ang buwan na si
Chandrama kung kaya nanatiling kabilugan sa lahat ng
oras; samantalang si Surya, ang Araw, ay nakalinutan
nang nagbigay ng init. Anong kaguluhan ang nangyari
sa mundo! Dahil dito, takot na takot ang mga Diyos.
Napagpasyahan ni Indra na magpatawag ng
isang pagpupulong sa lahat ng mga Diyos,
napagkasunduan nilang himukin si Shiva na mag-
asawa at nagkaroon ng anak na lalaki na siyang
makapapatay kay Taraka. Batid nilang si Parvati,
isang maganda, marunong at may napatunayan
na sa sarili, na anak ng Himalayas, ang magiging
angkop na asawa para kay Shiva. Subalit si Shiva
ay nasa proseso ng meditasyon at walang
kamalaymalay tungkol kay Parvati o sa mundo.
Muli, nagkaroon ng pagsasangguni ang mga Diyos. Sa
pagkakataong ito ay ipinatawag si Kama ang Diyos ng pag-ibig,
upang pukawin ang pag-ibig sa puso ni Shiva. Matapos itong
marinig ay lumipad na si Kama papuntang Bundok Kailash kung
saan ay natagpuan niya si Shiva na lunod na lunod sa kanyang
ginagawang meditasyon. Nakaupo sa isang bato at nakapikit ang
mga mata. Tila huminto ang pag-ikot ng mundo nang oras na
iyon. Ang mga ibon ay tumigil sa pag-awit, ang mga damo ay
huminto sa pagtubo. Nagtago si Kama sa likiod ng isang bato at
nagmamasid, nag-aatubiling abalahin si Shiva sa kanyang
meditasyon. Makalipas ang ilang sandali ay dumaan si Parvati
upang manguha ng bulaklak. Napakaganda niya at naisip ni
Kama na iibig si Shiva kay Parvati sa oras na masilayan niya ito.
Pinana ni Kama si Shiva sa kanyang puso. Biglang dumilat ang
mga mata ni Shiva sa galit at nasunog agad-agad si Kama.
Subalit nang masilayan niya si Parvati ay umibig siya rito.
Hinimok ng mga Diyos si
Shivana pakasalan si Parvati kung
kaya napahinuhod siya dahil mahal
niya ito. Tila nabunutan ng tinik ang
mga Diyos at labis nila itong
ikinatuwa. Subalit dumaan ang
maraming taon ay hindi nagkaroon
ng anak sina Shiva at Parvati.
Dahil dito, ipinadala ng mga Diyos si
Agni, ang Diyos ng apoy upang kumbinsuhin si
Shiva na magkaanak na. Nagbalatkayo si Agnil na
isang kalapati at nakakuha at nakakuha ng buto
ni Shiva an dinala niya pabalik kay Indra. Subalit
masyadong mabigat ang buto. Sa kanyang
paglipad sa ibabaw ng Ilog Ganga, nahulog ang
buto sa sagradong tubig. Mula sa tubig ay si
Kartikkeya, anak ni Shiva, ipinanganak na siyang
makapupuksa sa demonyong si Taraka.
Kasabay ng pagsilang kay Kartikkeya
mula sa tubig ng Ganga, ay naliligo rin ang
anim na Krittikas, ang mga Pleiades na anak
ng anim an hari. Bawat isa ay inaangking
sila ang may-ari sa bata at nais itong
alagaan. Upang mapagbigyan ang mga
Krittikas, tinubuan ng anim na ulo na may
maliliit na bibig ang batang Kartikketa. Iyan
ang dahila kung bakit si Kartikkeya ay may
anim na ulo at labindalawang bisig.
Sa pangangalaga ng Ganga at mga
Krittikas, lumaki siyang matangkad at
malakas. Siya ay isang dakilang
mandirigma, at hinirang na pinuno ng mga
kawal ng mga Diyos. Sa isang mahaba at
madugong labanan ay napatay ni Kartikkeya
ang demonyong si Taraka at natupad niya
ang nakatadhana sa kanya. Tinawag din
siyang Tarakajit – ang tagapuksa kay
Taraka. Sinamba siya bilang Diyos ng
Digmaan o Pagbabaka.

Más contenido relacionado

Destacado

2024 State of Marketing Report – by Hubspot
2024 State of Marketing Report – by Hubspot2024 State of Marketing Report – by Hubspot
2024 State of Marketing Report – by HubspotMarius Sescu
 
Everything You Need To Know About ChatGPT
Everything You Need To Know About ChatGPTEverything You Need To Know About ChatGPT
Everything You Need To Know About ChatGPTExpeed Software
 
Product Design Trends in 2024 | Teenage Engineerings
Product Design Trends in 2024 | Teenage EngineeringsProduct Design Trends in 2024 | Teenage Engineerings
Product Design Trends in 2024 | Teenage EngineeringsPixeldarts
 
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental HealthHow Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental HealthThinkNow
 
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdfAI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdfmarketingartwork
 
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024Neil Kimberley
 
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)contently
 
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024Albert Qian
 
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsSocial Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsKurio // The Social Media Age(ncy)
 
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024Search Engine Journal
 
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summarySpeakerHub
 
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd Clark Boyd
 
Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next Tessa Mero
 
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search IntentGoogle's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search IntentLily Ray
 
Time Management & Productivity - Best Practices
Time Management & Productivity -  Best PracticesTime Management & Productivity -  Best Practices
Time Management & Productivity - Best PracticesVit Horky
 
The six step guide to practical project management
The six step guide to practical project managementThe six step guide to practical project management
The six step guide to practical project managementMindGenius
 
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...RachelPearson36
 

Destacado (20)

2024 State of Marketing Report – by Hubspot
2024 State of Marketing Report – by Hubspot2024 State of Marketing Report – by Hubspot
2024 State of Marketing Report – by Hubspot
 
Everything You Need To Know About ChatGPT
Everything You Need To Know About ChatGPTEverything You Need To Know About ChatGPT
Everything You Need To Know About ChatGPT
 
Product Design Trends in 2024 | Teenage Engineerings
Product Design Trends in 2024 | Teenage EngineeringsProduct Design Trends in 2024 | Teenage Engineerings
Product Design Trends in 2024 | Teenage Engineerings
 
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental HealthHow Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
 
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdfAI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
 
Skeleton Culture Code
Skeleton Culture CodeSkeleton Culture Code
Skeleton Culture Code
 
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
 
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
 
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
 
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsSocial Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
 
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
 
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
 
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
 
Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next
 
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search IntentGoogle's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
 
How to have difficult conversations
How to have difficult conversations How to have difficult conversations
How to have difficult conversations
 
Introduction to Data Science
Introduction to Data ScienceIntroduction to Data Science
Introduction to Data Science
 
Time Management & Productivity - Best Practices
Time Management & Productivity -  Best PracticesTime Management & Productivity -  Best Practices
Time Management & Productivity - Best Practices
 
The six step guide to practical project management
The six step guide to practical project managementThe six step guide to practical project management
The six step guide to practical project management
 
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
 

Si kartikkeya, ang anak ni shiva

  • 1. Si Kartikkeya, Ang Anak ni Shiva
  • 2. Noong unang panahon ay may nanirahang asura o demonyong ang tawag ay Taraka. Siya ay naghangad na maging pinakamakapangyarihanng tao sa buong daigdig. Taimtim siyang nanalangin kay Brahma at sinikap an tuparin ang mga nais nito. Kung kaya napilitan si Brahma na magpakita sa kanya.
  • 3. “Ano ba ang iyong nais at ginagawa mo ang mga bagay an iyan?” tanong ni Brahma kay Taraka.
  • 4. “Ipagkaloob mo ang aking hinihiling – na ako ay maging pinakamakapangyarihang tao sa buong daigdig at walang sinumang maaaring makapapantay sa akin, maliban sa anak ng Diyos na si Shiva.”
  • 5. Si Shiva nang panahong iyon ay di pa nakakasal at tila alam ng buong mundo na iyon ang kanyang nais mangyari. Wala din siyang balak magkaroon ng anak. Kung kaya ito ang kanyang hiningi kay Brahma dahil alam niya ligtas siya sa kanyang hiling.
  • 6. Dahil sa taimtim na panalangin at sakripisyo ni Taraka ay ipinagkaloob ni Brahma ang kanyang hiling. Siya ay naging pinkamakamlakas at pinakamakapangyarihan sa bawat araw na dumating. Walang sinumang makatatalo at nakapapatay sa kanya. Samantalang si Shiva ay nanatiling hindi kasal at walang anak.
  • 7. Pinagbantaan ni Taraka ang mga Diyos: si Indra, ang hari ng mga Diyos ay isinuko kay Taraka ang kanyang napakagandang puting kabayo an si Unchaishsraivas; isinuko naman ng mga Rishis ang kanilang mahiwagang baka na si Kamadhenu na nagbibigay katuparan sa mga hiling; nagbibigay ng isang libong sea horses si Kubera, ang Diyos ng kayaman; umiihip ayon sa dikta ni Taraka ang Diyos ng Hangin na si Vayu; takot na takot ang buwan na si Chandrama kung kaya nanatiling kabilugan sa lahat ng oras; samantalang si Surya, ang Araw, ay nakalinutan nang nagbigay ng init. Anong kaguluhan ang nangyari sa mundo! Dahil dito, takot na takot ang mga Diyos.
  • 8. Napagpasyahan ni Indra na magpatawag ng isang pagpupulong sa lahat ng mga Diyos, napagkasunduan nilang himukin si Shiva na mag- asawa at nagkaroon ng anak na lalaki na siyang makapapatay kay Taraka. Batid nilang si Parvati, isang maganda, marunong at may napatunayan na sa sarili, na anak ng Himalayas, ang magiging angkop na asawa para kay Shiva. Subalit si Shiva ay nasa proseso ng meditasyon at walang kamalaymalay tungkol kay Parvati o sa mundo.
  • 9. Muli, nagkaroon ng pagsasangguni ang mga Diyos. Sa pagkakataong ito ay ipinatawag si Kama ang Diyos ng pag-ibig, upang pukawin ang pag-ibig sa puso ni Shiva. Matapos itong marinig ay lumipad na si Kama papuntang Bundok Kailash kung saan ay natagpuan niya si Shiva na lunod na lunod sa kanyang ginagawang meditasyon. Nakaupo sa isang bato at nakapikit ang mga mata. Tila huminto ang pag-ikot ng mundo nang oras na iyon. Ang mga ibon ay tumigil sa pag-awit, ang mga damo ay huminto sa pagtubo. Nagtago si Kama sa likiod ng isang bato at nagmamasid, nag-aatubiling abalahin si Shiva sa kanyang meditasyon. Makalipas ang ilang sandali ay dumaan si Parvati upang manguha ng bulaklak. Napakaganda niya at naisip ni Kama na iibig si Shiva kay Parvati sa oras na masilayan niya ito. Pinana ni Kama si Shiva sa kanyang puso. Biglang dumilat ang mga mata ni Shiva sa galit at nasunog agad-agad si Kama. Subalit nang masilayan niya si Parvati ay umibig siya rito.
  • 10. Hinimok ng mga Diyos si Shivana pakasalan si Parvati kung kaya napahinuhod siya dahil mahal niya ito. Tila nabunutan ng tinik ang mga Diyos at labis nila itong ikinatuwa. Subalit dumaan ang maraming taon ay hindi nagkaroon ng anak sina Shiva at Parvati.
  • 11. Dahil dito, ipinadala ng mga Diyos si Agni, ang Diyos ng apoy upang kumbinsuhin si Shiva na magkaanak na. Nagbalatkayo si Agnil na isang kalapati at nakakuha at nakakuha ng buto ni Shiva an dinala niya pabalik kay Indra. Subalit masyadong mabigat ang buto. Sa kanyang paglipad sa ibabaw ng Ilog Ganga, nahulog ang buto sa sagradong tubig. Mula sa tubig ay si Kartikkeya, anak ni Shiva, ipinanganak na siyang makapupuksa sa demonyong si Taraka.
  • 12. Kasabay ng pagsilang kay Kartikkeya mula sa tubig ng Ganga, ay naliligo rin ang anim na Krittikas, ang mga Pleiades na anak ng anim an hari. Bawat isa ay inaangking sila ang may-ari sa bata at nais itong alagaan. Upang mapagbigyan ang mga Krittikas, tinubuan ng anim na ulo na may maliliit na bibig ang batang Kartikketa. Iyan ang dahila kung bakit si Kartikkeya ay may anim na ulo at labindalawang bisig.
  • 13. Sa pangangalaga ng Ganga at mga Krittikas, lumaki siyang matangkad at malakas. Siya ay isang dakilang mandirigma, at hinirang na pinuno ng mga kawal ng mga Diyos. Sa isang mahaba at madugong labanan ay napatay ni Kartikkeya ang demonyong si Taraka at natupad niya ang nakatadhana sa kanya. Tinawag din siyang Tarakajit – ang tagapuksa kay Taraka. Sinamba siya bilang Diyos ng Digmaan o Pagbabaka.