K to 12 - Filipino Learners Module
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

K to 12 - Filipino Learners Module

on

  • 124,354 reproducciones

K to 12 - Filipino Learners Module

K to 12 - Filipino Learners Module

Estadísticas

reproducciones

reproducciones totales
124,354
reproducciones en SlideShare
124,354
reproducciones incrustadas
0

Actions

Me gusta
45
Descargas
2,922
Comentarios
9

0 insertados 0

No embeds

Accesibilidad

Categorias

Detalles de carga

Uploaded via as Adobe PDF

Derechos de uso

© Todos los derechos reservados

Report content

Marcada como inapropiada Marcar como inapropiada
Marcar como inapropiada

Seleccione la razón para marcar esta presentación como inapropiada.

Cancelar

15 of 9 Comentar

  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Tu mensaje aparecerá aquí
    Processing...
  • i save lang
    Are you sure you want to
    Tu mensaje aparecerá aquí
    Processing...
  • pano iprint
    Are you sure you want to
    Tu mensaje aparecerá aquí
    Processing...
  • wala ka bang modyul para sa filipino baitang 7?
    Are you sure you want to
    Tu mensaje aparecerá aquí
    Processing...
  • pdf format yan, download ka pdf to word converter software, then iconvert mo to word yon pdf..
    Are you sure you want to
    Tu mensaje aparecerá aquí
    Processing...
  • ay naku d ko nga mkuha kun pano i-print ito...
    Are you sure you want to
    Tu mensaje aparecerá aquí
    Processing...
Publicar comentario
Edite su comentario

K to 12 - Filipino Learners Module K to 12 - Filipino Learners Module Presentation Transcript

  • i PAUNANG SALITA “Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kaniyang mamamayan, sa lahat ng aspeto ng buhay” Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo ang pagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng Panitikang Pilipino. Ang pagpapalit-anyo nito at pagbibihis mula sa makalumang panitikan hanggang sa kasalukuyan upang manapay maipabatid sa karamihan, lalo’t higit sa mga kabataan ang kayamanang angkin ng Panitikang natatangi, ang Panitikang Pilipino. Alinsunod sa pagbabago ng kurikulum, ang pagbuo sa mga kagamitang panturo at pampagkatuto upang makaagapay sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino. Pinaglaanan ng mahuhusay at makabagong pamamaraan upang higit na maiangkop sa uri ng mga mag-aaral ang mga gawain sa modyul na ito. Sapagkat naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon na ang mahusay at kalidad na edukasyon ay makakamtan ng bawat isang Pilipinong mag-aaral mula ngayon at sa mga susunod pang henerasyon.
  • ii PASASALAMAT Taos-pusong nagpapasalamat ang mga may-akda sa mga manunulat ng mga akdang ginamit sa modyul na ito. Hindi matatawaran ang naging ambag ng kanilang mga akdang pampanitikan upang linangin ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.Hindi rin mapasusubalian ang kabisaan na maidudulot ng mga akda upang higit na mapagtibay ang pagkakailalan ng mag- aaral sa kaniyang identidad bilang mamamayang Pilipino. Nais naming magpasalamat sa sumusunod na manunulat. Abdon M. Balde Jr. Hahamakin ang Lahat Andres Bonifacio Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Brillantes Mendoza “Manoro” ( Ang Guro ) Carlo J. Caparas Mga Klase ng Komiks Dionisio Salazar Sinag sa Karimlan Eros Atalia Skyfakes Genoveva Edroza Matute Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata Gregorio G. Cruz Mga Ginto sa Putikan Jess Torres Positibong Kasabihan Jose Corazon De Jesus Bulaklak ng Lahing Kalinislinisan Jose Rizal Ang Katamaran ng mga Pilipino Liwayway Arceo Uhaw ang Tigang na Lupa Manuel L. Quezon Wikang Pambansa Mil Adonis Sa Gitna ng Dilim Narciso G. Reyes Lupang Tinubuan Severino Reyes Walang Sugat mga may-akda
  • iii TALAAN NG NILALAMANTALAAN NG NILALAMANTALAAN NG NILALAMANTALAAN NG NILALAMAN Modyul 1: Salamin ng Kahapon…Bakasin Natin Ngayon Aralin 1.1 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo Aralin 1.1.1 : a. Panitikan: Karunungang - bayan (Salawikain, Sawikain at Kasabihan) b. Wika: Dalawang Uri ng Paghahambing Aralin 1.1.2 : a. Panitikan: Alamat “Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio b. Wika: Pang-abay na Pamanahon at Panlunan Aralin 1.1.3 : a. Panitikan: Epiko “Tuwaang” – Epiko ng mga Bagobo b. Wika: Pang-abay na Pamaraan Aralin 1.2 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Espa ol Aralin 1.2.1 : a. Panitikan: Ang Karagatan at Duplo b. Wika: Mga Eupemistikong Pahayag Aralin 1.2.2 : a. Panitikan: Tula ”Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio b. Wika: Mga Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin Aralin 1.2.3: a. Panitikan: Sanaysay ”Ang Katamaran ng mga Pilipino” ni Dr. Jose P. Rizal b. Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan
  • iv Aralin 1.3 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapones Aralin 1.3.1 : a. Panitikan: Tanaga at Haiku b. Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa Aralin 1.3.2 : a. Panitikan: Maikling Kuwento “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo b. Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari Modyul 2: Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin Aralin 2. 1: Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano Aralin 2.1.1: a. Panitikan: Balagtasan “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan” ni Jose Corazon de Jesus b. Wika: Opinyon o Katotohanan Aralin 2.1.2: a. Panitikan: Sarsuwela “Walang Sugat” ni Severino Reyes b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri Aralin 2.2: Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt Aralin 2.2.1: a. Panitikan: Sanaysay (Talumpati) “Wikang Pambansa” ni Manuel L. Quezon b. Wika: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag Aralin 2.2.2: a. Panitikan: Maikling Kuwento “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes b. Wika: Kayarian ng Pang-uri Aralin 3: Ang Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan Aralin 2.3.1: a. Panitikan : Maikling Kuwento “Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” ni Genoveva Edroza Matute b. Wika: Aspekto ng Pandiwa
  • v Aralin 2.3.2: a. Panitikan: Dula “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar b. Wika: Pagsang-ayon at Pagsalungat Modyul 3: Repleksiyon ng Kasalukuyan… Tungo sa Kinabukasan Aralin 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular a. Panitikan: Popular na Babasahin • Pahayagan (Tabloid) • Komiks • Magasin • Kontemporaryong Dagli b. Wika: Antas ng Wika • Pormal • Di-pormal • Balbal Aralin 3.2: Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino . a. Panitikan: Opinyon at Talakayang Panradyo b. Wika: Konsepto ng Pananaw a. Panitikan: Dokumentaryong Pantelebisyon b. Wika: Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal Aralin 3.3: Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong Panlipunan a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni Brillante Mendoza b. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag
  • 1 MODYMODYMODYMODYUL 1 : SALAMIN NG KAHAPONUL 1 : SALAMIN NG KAHAPONUL 1 : SALAMIN NG KAHAPONUL 1 : SALAMIN NG KAHAPON BAKASIN NATIN NGAYONBAKASIN NATIN NGAYONBAKASIN NATIN NGAYONBAKASIN NATIN NGAYON I. PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG Binabati kita at nasa Baitang 8 ka na ng pag-aaral ng Filipino! Tinitiyak ko na kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul na ito dahil magbabalik-tanaw tayo sa ilang akdang pampanitikang Pilipino na umusbong at lumaganap sa tatlong panahon ng kasaysayan ng ating bansa - ang Panahon ng mga Katutubo, Panahon ng mga Español, at Panahon ng mga Hapon. Magkasama nating tutuklasin kung ano ang ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga akdang pampanitkan ang kultura ng mga Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito at kung bakit naiiba ang paksa ng mga akdang ito sa bawat panahon. II. ANG MGA ARALIN AT ANG SAKLAW NITO Masasagot mo ang mahahalagang tanong sa itaas kung uunawain mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito. Aralin 1.1 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo Aralin 1.1.1 : a. Panitikan: Karunungang - bayan (Salawikain, Sawikain at Kasabihan) b. Wika: Dalawang Uri ng Paghahambing Aralin 1.1.2 : a. Panitikan: Alamat “Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio b. Wika: Pang-abay na Pamanahon at Panlunan Aralin 1.1.3 : a. Panitikan: Epiko “Tuwaang” – Epiko ng mga Bagobo b. Wika: Pang-abay na Pamaraan Aralin 1.2 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Espa ol Aralin 1.2.1 : a. Panitikan: Ang Karagatan at Duplo b. Wika: Mga Eupemistikong Pahayag
  • 2 Aralin 1.2.2 : a. Panitikan: Tula ”Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio b. Wika: Mga Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin Aralin 1.2.3: a. Panitikan: Sanaysay ”Ang Katamaran ng mga Pilipino” ni Dr. Jose P. Rizal b. Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan Aralin 1.3 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon Aralin 1.3.1 : a. Panitikan: Tanaga at Haiku b. Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa Aralin 1.3.2 : a. Panitikan: Maikling Kuwento “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo b. Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Aralin 1.1 – Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa mga karunungang bayan, alamat at epiko na lumaganap sa Panahon ng mga Katutubo upang maunawaan mo ang kalagayang panlipunan noon panahong naisulat ito, at mapahalagahan mo ang kultura ng lahing ating pinagmulan; Aralin 1.2 – Makapagpapamalas ng iyong ang pag-unawa sa karagatan, duplo, tula, at sanaysay na lumaganap sa Panahon ng mga Espa ol, higit sa Panahon ng Himagsikan upang iyong maunawaan at mapahalagahan ang kultura at kalagayang panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito; Aralin 1.3 – Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa tanaga, haiku, at maikling kuwento na umusbong sa Panahon ng mga Hapon upang mapahalagahan mo ang kulturang naibahagi ng bansang ito sa ating bansa.
  • 3 III. INAASAHANG MGA KASANAYAN Narito ang mga kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa pagtalakay mo sa modyul na ito. MODYUL 1 : Salamin ng Kahapon… Bakasin Natin Ngayon Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Nabibigyang –kahulugan ang mga makabuluhang salita/ matatalinghagang pahayag na ginamit sa teksto/ diskursong pinakinggan Nakapaglalahad ng sariling pananaw sa pagiging maka totohanan/di- makatotohanan ng mga punto/argumentong bibigyang- diin o halaga sa napakinggan Nakikinig nang may pag-unawa upang: • mailahad ang layunin ng napakinggan • masagot ang mga tiyak na tanong • maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari • masuri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari • mapatunayan ang kawastuan ng mga impormasyon batay sa sariling karanasan Pagsasalita Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang panggramatika na makatutulong sa pagtatamo ng pasalitang komunikasyon tulad ng: • dalawang Uri ng paghahambing • mga Pang-abay pamanahon panlunan pamaraan mga eupemistikong pahayag matatalinghagang pahayag Naibabahagi ang sariling opinyon, pananaw, katuwiran, interpretasyon sa tulong ng mga diskursong: • nagpapaliwanag • nangangatuwiran • nagsasalaysay • naglalarawan Naibabahagi ang sariling opinyon,pananaw,damdamin at saloobin na may kaugnayan sa paksa Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag/pangungusap na nagbibigay-pahiwatig
  • 4 Pag-unawa sa Binasa Nasusuri ang ilang uri ng panitikan batay sa mga katangian nito: • karunungang-bayan • alamat • epiko • karagatan • duplo • tula • sanaysay • tula • maikling kuwento Nakapagbibigay ng wastong hinuha sa pag- uugali/katangian ng mga tauhan sa akda Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: • pagkilala sa kahulugan ng mga salita kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan talinghaga • pagbibigay ng hinuha batay sa: mga ideya/pangyayari sa akda dating kaalaman kaugnay sa binasa • pag-uugnay ng akda sa: sarili kapaligiran ibang tao Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akda/ teksto ay nakatulong upang maipahatid ang layunin na may akda Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang pampanitikan Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang akda/teksto sa pamamagitan ng pag-uugnay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng akda/teksto • nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto • nailalarawan sa imaheng biswal ang mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa akda/teksto
  • 5 Nahuhulaan ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa pamamagitan ng: • pagpili ng lohikal na wakas • paggawa ng sariling wakas • pagbabago ng wakas Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang pampanitikan Pagsulat Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan at opinyong nakapaloob sa teksto kung: • totoo o hindi totoo • may pagbabatayan o kathang-isip lamang Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akda/tekstong binasa at ng: • pamantayang pansarili o sariling karanasan • pamantayang galing sa ibang tao o sa ibang babasahin Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: • paghahawig o pagtutulad • depinisyon • pagsusuri Nagagawang kawili-wili ang panimula ng talata sa pamamagitan ng isang: • kaakit-akit na pahayag • anekdota • serye ng tanong Nakasusulat ng talata na : • binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap na nagpapahayag ng isang buong pagkakabuo, palagay o kaisipan • nagpapakita ng bahagi nito: simula gitna wakas Nawawakasan ang talata nang may pangkalahatang impresiyon sa pamamagitan ng : • pagbubuod • makabuluhang obserbasyon • pangunahing kaisipan
  • 6 • pantulong na kaisipan Naisasaayos ang mga tala/impormasyong nakalap mula sa iba’t ibang pinanggalingan(panayam, aklat, pelikula, internet at iba pa) na may kaugnayan sa paksang tinalakay Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa tulad ng : • depinisyon • paghahalimbawa • pagsusuri • paghahawig o Pagtutulad • sanhi at bunga Tatas Naipapamalas ang mga natamong kaalaman at kakayahan sa paglinang ng pangangailangang pangkomunakatibo Nasusuri ang mahahalagang detalye ng napanood, napakinggan, o nabasang impormasyon (media literacy) Nagagamit ang pormal at impormal na Filipino sa komunikasyon ayon sa sitwasyon,pangangailangan, at pagkakataon Natataya kung ang napakinggan, napanood, o nabasa ay may kabuluhan at kredibilidad Pakikitungo sa Wika at Panitikan Nagpapakita ng likas na interes at kasabikan sa pagbuo At pagsagot ng mga tanong at puna sa panitikan / tekstong napanood, nabasa, o napakinggan Nagpapamalas ng kawilihan at malalim na pag-unawa sa mga gramatika /retorika at iba’t ibang uri ng pambansang panitikang saklaw ng pag-aaral Estratehiya sa Pag-aaral Nababasa nang masinsinan ang akda/ teksto sa pagpili ng angkop na mga detalye para sa isang tiyak na layunin Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral Naipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda Pananaliksik Nailalapat ang nakalap na mga impormasyon sa pamamaraang :
  • 7 • tuwiran • di-tuwiran Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian Nailalahad nang maayos at mabisa ang mga nalikom na impormasyon sa pananaliksik Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internet Nakabubuo ng balangkas ng nasaliksik na impormasyon IV. KONSEPTUWAL NA BALANGKAS Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga aralin na iyong pag- aaralan. Salamin ng Kahapon… Bakasin natin Ngayon Aralin 1.1 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo 1.1.1 Panitikan: Karunungang - bayan (salawikain, sawikain at kasabihan) Wika: Dalawang Uri ng Paghahambing 1.1.2 Panitikan: Alamat: “Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio Wika: Pang-abay na Pamanahon at Panlunan 1.1.3 Panitikan: Epiko: “Tuwaang” – Epiko ng mga Bagobo Wika: Pang-abay na Pamaraan Aralin 1.2 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Espa ol 1.2.1 Panitikan: Ang Karagatan at Duplo Wika: Mga Eupemistikong Pahayag 1.2 .2 Panitikan: Tula: ”Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio Wika: Mga Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin 1.2. 3 Panitikan: Sanaysay: “Ang Katamaran ng mga Pilipino” ni Dr. Jose P. Rizal Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan Aralin 1.3 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon 1.3.1 Panitikan: Tanaga at Haiku Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa 1.3.2 Panitikan: Maikling Kuwento “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
  • 8 Sa bahaging ito, matutunghayan mo ang mga kasanayang dapat na malinang sa iyo sa pag-aaral ng modyul na ito. Gagabayan ka ng ilang paalaala sa mga dapat mong gawin. 1. Hanapin ang kahulugan ang mga salitang hindi mo nauunawaan. 2. Sagutin ang lahat ng tanong at gawain. 3. Magsaliksik at itala ng mahahalagang impormasyong kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng epiko. 4. Alamin ang iba’t ibang paraan ng pagsulat ng tekstong naglalahad 5. Subuking bumuo ng iba’t ibang paraan ng pagtatanong na angkop sa sitwasyon. V. PANIMULANG PAGTATAYA Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin mo ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa patlang. ____1. Ang larawan ay halaw sa kuwentong nakapaloob sa isang epiko. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan? a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw- araw na pamumuhay b. Kuwentong-bayan na maaaring kathang- isip na pumapaksa kung paano malalampasan ang anumang pakikipaglaban sa buhay c. Ito’y pasalindilang tradisyon tungkol sa pangyayaring supernatural o kabayanihan ng isang nilalang. d. Ito’y kuwento tungkol sa mga bathala tungkol sa paglikha sa daigdig at iba pa. ____ 2. Pansinin ang bahagi ng alamat na nasa kahon sa kasunod na pahina . Ano ang kapuna- puna sa pangyayari? a. makatotohanan c. posibleng maganap b. kapani-paniwala d. hindi kapani-paniwala
  • 9 Basahin ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong bilang 3-7. ____ 3. Ano ang ipinapakahulugan ng salawikaing “ Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas kapag nag-iisa”? a. pakikisama c. pagkakaisa b. pagtitiis d. pakikipagkapwa ____ 4. Matatapos na ang inyong breaktime kaya nagmamadali kang bumalik sa inyong silid-aralan sapagkat ang susunod na guro sa inyong klase ay mahigpit sa pagtatala ng attendance. Sa di inaasahan, nasaksihan mo ang pagkahimatay ng isang mag-aaral. Ano ang iyong gagawin? a. Ipagwawalang bahala na lamang ang nasaksihan upang hindi mahuli sa klase. b. Pupuntahan ang guidance counselor upang ipaalam ang nangyari sa mag aaral. c. Tutulungan ang mag-aaral at ihahatid siya sa clinic para mabigyan ng paunang lunas. d. Magpapatala muna ng attendance sa guro at ipaaalam ang kanyang nasaksihan. “ Huwag kang makialam, matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang aming magustuhan upang mailipat sa aming tahanan.” Sabay-sabay na nagtawanan ang mga kabataan. “ Huwag kang makialam, matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang aming magustuhan upang mailipat sa aming tahanan.” Sabay- sabay na nagtawanan ang mga kabataan.“ Mga lapastangan! Hindi na kayo nagpaalam ay sinira pa ninyo ang aking halaman. . Mula ngayon kayo ay aking paparusahan.” Hindi pinapansin ng mga kabataan ang sinabi ng matanda, bagkus lalo pa silang nagbulungan at naghagikgikan. Hindi nila namalayan na unti-unti na pala silang lumiliit at tinutubuan ng pakpak. Sila ay naging ganap na bubuyog. Nagliparan sila sa paligid ng mga bulaklak habang nagbubulungan. Bzzzzzzzz, Bzzzzzzz. Bzzzzzzzzzz. Halaw sa Alamat ng Bubuyog
  • 10 ____ 5. Usong- uso sa mga kabataan ang “fliptop”. Nais mong maging “in “ sa bagong henerasyon na iyong kinabibilangan ngunit gusto mong maging makabuluhan ang nilalaman ng fliptop na iyong ibabahagi . Ano ang dapat mong gawin? a. Humalaw ng makabuluhang kaisipan mula sa mga karunungang-bayan ng ating panitikan. b. Gayahin ang estilo ng isang sikat na rapper . c. Magpagawa ng fliptop sa mahusay bumuo nito . d. Mangopya ng mga fliptop na napanood sa video . _____6. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam ng isang mas mabuting buhay para sa kaniyang mga minamahal. Anong salita ang binibigyang turing ng mga salitang nakahilig sa pangungusap? a. siya c. namatay b. malayo d. pag-asam _____7. Nag-umpisa ang palatuntunan nang tanghali kaya naman pawisan ang mga nagsipagdalo. Ano ang binibigyang- turing ng salitang tanghali? a. palatuntunan c. pawisan b. nagsipagdalo d. nag-umpisa Basahin ang liham. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong blg. 8- 10. 1809 Herrera st. Poblacion Lungsod ng Makati Ika- 7 ng Disyembre, 2012 Mahal kong Kaibigan, Magandang umaga sa iyo. Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan? Iniisip kong umuwi tuwing Pasko. Ibang-iba talaga ang Pasko sa atin bukod sa mas mahaba ang pagdiriwang, mayroon pang iba’t ibang activities saan ka man pumunta. Ganoon pa man, tulad mo, ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan ang akong mga mahal sa buhay. Inaasahan ko na hihintayin mo ang tawag ko sa araw na iyon. Hanggang sa muli. Ang iyong kaibigan, Noreen
  • 11 _____8. “ Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan?” Ano ang gamit ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap? a. naglalahad ng dahlia c. nagpapakita ng paghahambing b. nagpapakita ng katuwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon _____9. Ano ang tinutukoy ng salitang nakahilig sa loob ng liham? a. lugar c. paraan b. panahon d. pagsang-ayon ____10.” Ganoon pa man, tulad mo, ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan ang aking mga mahal sa buhay .” Alin sa pangungusap ang pang-abay na panlunan? a. Pasko c. sa bahay b. b. mahal sa buhay d. tawagan -------11. Uri ng tulang patnigan na paligsahan tungkol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa dagat? a. duplo c. pamanhikan b. karagatan d. Huego de Prenda -------12. Alin sa mga tulang patnigan ang gumagamit ng tsinelas bilang palmatorya na ipinamamalo sa palad ng sinomang nahatulang parusahan? a. Balagtasan c. karagatan b. Batutian d. duplo ____13. Alin sa sumusunod na pahayag ang ginagamitan ng eupemistikong pahayag? a. sumakabilang buhay para sa namatay b. magbuburo sa asin para sa hindi mag-aasawa c. buto’t balat para sa payat d. papatay-patay para sa hipong tulog
  • 12 _____14. Ayon sa pagkakasalaysay, ang uring ito ng tuluyan ang huling nakakita ng liwanag sa mga akdang pampanitikan na naglalaman ng mga opinyon at saloobin ng sumulat tungkol sa isang mahalagang paksa o isyu. a. tula c. dula b. sanaysay d. maikling kuwento ____ 15. Bakit mahalagang maunawaan ang mga detalyeng nagbibigay – suporta sa pangunahing ideya? a. nagbibigay ng tulong sa pag-unawa sa mga halimbawa b. madalas na itinatanong sa pagsusulit c. nagbibigay- daan upang matandaan ang mga detalye d. susi para sa lubusang pagkilala at pag-unawa sa pangunahing ideya ____16. Paano mo malalaman na isang haiku ang tula? a. may tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5 b. may tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 10-4-4 o 5-5-8 o 8-4-6 c. may tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4-4 o 8-2-2 o 2-8-2 d. may tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4-5 o 4-5-5 o 5-5-4 ____17. Ano ang ikinaiba ng tanaga sa haiku? a. tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong pantig b. tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong c. tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig d. tula na may 6 na taludtod ang bawat saknong _____18. Kailan masasabing ang isang pamilya ay huwaran? a. may ina, ama, at mga anak b. may masaganang pamumuhay c. nakatira sa maayos na bahay d. may pagmamahalan at respeto sa isa’t isa.
  • 13 _____19. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang huwarang pamilya? a. may kapanagutan sa anumang gawain b. magiging sikat na mamamayan. c. hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan d. magkakaroon ng disiplinang pansarili _____20. “Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya,sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi…” Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag? a. may problemang hinaharap ang kanyang kaibigan b. isang sanggol sa piling ng isang ina c. nararamdaman niya ang suliraning pampamilya d. binabalikan ang mga pangyayari Bigyan mo ng pansin ang kalakip na susi sa pagwawasto upang iyong malaman kung alin sa mga aytem ang iyong nasagutan nang wasto at mali. Huwag kang mabahala kung may mga naging sagot kang mali sapagkat gagabayan ka ng modyul na ito upang maiwasto ang mga ito. VI. YUGTO NG PAGKATUTO ALAMINALAMINALAMINALAMIN Nais mo bang mabatid ang pinagmulan at pinagdaanan ng panitikan ng ating lahi? Marahil ay nagtatanong ka kung paano napanatili at napaunlad ang ating panitikan sa kabila ng pananakop ng iba’t ibang dayuhan sa ating bayan. Sa modyul na ito, magbabalik-tanaw tayo sa ilang akdang pampanitikang Pilipino na umusbong at lumaganap sa tatlong panahon ng kasaysayan ng ating bansa - ang Panahon ng mga Katutubo, Panahon ng mga Español, at Panahon ng mga Hapon. Magkasama nating tutuklasin kung ano ang ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga akdang pampanitkan ang kultura ng mga Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito at kung bakit naiiba ang
  • 14 paksa ng mga akdang ito sa bawat panahon. Bago natin talakayin ang mga ito, alamin muna natin kung ano na ang alam mo sa nilalaman ng modyul na ito. Simulan na natin. GAWAIN 1: LARAWAN NG NAKALIPAS Suriin mo ang larawan upang iyong matukoy ang tatlong panahon na pinagdaanan ng ating panitikan. Sa iyong palagay, ano ang naging papel ng panitikan sa buhay ng mga Pilipino sa bawat panahong nagdaan? Itala ang iyong sagot sa loob ng banner. Sagot: I. Panahon ng mga Katutubo _______________________________________________ _________________________________________________ II. Panahon ng mga Español _______________________________________________ _______________________________________________ III. Panahon ng mga Hapones _________________________________________________ _________________________________________________
  • 15 Marahil ay nabuo na sa iyong isipan ang saklaw na mga aralin sa modyul na ito. Bago ka pumunta sa susunod na gawain, nais ko munang malaman ang iyong pananaw tungkol sa panitikan. GAWAIN 2: IPABATID SA BAWAT LETRA May malaki bang impluwensiya ang panitikan sa iyong buhay bilang Pilipino? Paano mo ito pinahahalagahan? Subukin mong sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagbuo ng akrostik mula sa salitang panitikan. PPPP ---- AAAA ---- NNNN ---- IIII ---- TTTT ---- IIII ---- KKKK ---- A - NNNN - Ang sagot mo sa mga naunang gawain ay makatutulong upang mapaunlad natin ang iyong kaalaman sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa panahong sakop ng modyul na ito. Iminumungkahi ko na sa sa pagtatapos ng pag-aaral mo ay balikan mong muli ang iyongsagot, nang sa gayo’y maiwasto natin kung mayroon ka mang mga maling konsepto tungkol sa mga paksang tatalakayin. Ipagpatuloy mo lang ang pag-aaral. PAUNLARINPAUNLARINPAUNLARINPAUNLARIN Sa bahaging ito ay pauunlarin natin ang iyong kaalaman tungkol sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na binanggit ko na sa panimula pa lamang. Sa pamamagitan ng mga gawain na nakahanay sa bawat aralin, mauunawaan natin kung ano ang ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga akdang pampanitkan ang kultura ng mga Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito at kung bakit naiiba ang paksa ng mga akdang ito sa bawat panahon. Pag-aaralan din natin ang ilang araling panggramatika tulad ng Mga Uri ng Paghahambing, Pang-
  • 16 abay na Pamanahon, Panlunan at Pamaraan, Eupemistikong Pahayag, Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin, at Pagtukoy ng Pangunahin at Pantulong na Kaisipan sa Isang Sanaysay. At bilang patunay na naunawaan mo ang modyul na ito, makapagpapakita ka ng awtentikong pagkatuto na iyong magagamit bilang isang responsableng mamamayan sa iyong bayang sinilangan. Simulan natin ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at kakayahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa Aralin 1.1 ng modyul na ito - Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo. ARALIN 1.1: ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO I. Panimula at Mga Pokus na Tanong Naniniwala ka ba na ang kasaysayan at panitikan ay magkaugnay? Sa iyong palagay, bakit kailangang unawain ang mga akdang pampanitikan na umusbong sa panahong naisulat ito? Paano mapananatili at mapauunlad ang panitikang minana pa sa ating mga ninuno ng kasalukuyang panahon? Isang iskolar ang nagsabing makikilala lamang niyang ganap ang kaniyang sarili dahil sa kaniyang lumipas. Kung gayon, masasabi nating makatutulong para sa atin na makilala ang ating lahing pinagmulan sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa ating panitikan na malinaw na salamin ng ating kultura at kabihasnan . Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag- asa, hinaing, buhay, at hangarin ng mga Pilipino. Samakatuwid, panitikan ang nagsisilbing tulay upang maabot ng nakalipas ang kasalukuyan, gayundin upang maipagpatuloy ng kasalukuyan ang pagpapanatili at pag- unlad ng kultura at kabihasnan upang maisalin ito nang ganap sa susunod na henerasyon. Ang inaasahang mga sagot sa mga tanong na nasa itaas ay mauunawaan mo sa pag-aaral ng araling ito. Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Inaasahan din na sa pamamagitan ng mga gawain na iyong maisasakatuparan sa bawat aralin ay mapahahalagahan mo ang kultura, tradisyon at kalagayang panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito.
  • 17 II. Ang mga Aralin at ang Saklaw ng mga Ito Masasagot mo ang mahahalagang tanong sa itaas kung uunawain mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito. ARALIN 1.1 : PANAHON NG KATUTUBO Aralin 1.1.1 a.Panitikan : Karunungang – bayan ( Salawikain , Sawikain, at Kasabihan ) b.Wika : Dalawang Uri ng Paghahambing Aralin 1.1.2 a. Panitikan : Alamat “ Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio b. Wika : Pang-abay na Pamanahon at Panlunan Aralin 1.1.3 a. Panitikan : Epiko “Tuwaang” - Epiko ng mga Bagobo b.Wika : Pang-abay na Pamaraan III. Mga Inaasahang Kasanayan Narito ang mga kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa pagtalakay mo sa araling ito. Aralin 1 Panahon ng Katutubo Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Nabibigyang –kahulugan ang mga makabuluhang salita/ matatalinghagang pahayag na ginamit sa teksto /diskursong pinakinggan Nakapaglalahad ng sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/ di- makatotohanan ng mga punto/ argumentong bibigyang- diin o halaga sa napakinggan Nakikinig nang may pag-unawa upang: • mailahad ang layunin ng napakinggan • masagot ang mga tiyak na tanong • maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari Pagsasalita Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang panggramatika na makatutulong sa pagtatamo ng pasalitang komunikasyon tulad ng: • dalawang uri ng paghahambing • mga pang-abay na:
  • 18 pamanahon panlunan pamaraan Naibabahagi ang sariling opinyon, pananaw, katuwiran, interpretasyon sa tulong ng mga diskursong: • nagpapaliwanag • nangangatuwiran • nagsasalaysay • naglalarawan Pag-unawa sa Binasa Nasusuri ang karunungang-bayan, alamat at epiko batay sa mga katangian nito Pagbibigay ng wastong hinuha sa pag-uugali/katangian mga tauhan sa akda Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: • pagkilala sa kahulugan ng mga salita kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan talinghaga • pagbibigay ng hinuha batay sa: mga ideya/pangyayari sa akda dating kaalaman kaugnay sa binasa • pag-uugnay ng akda sa: sarili kapaligiran ibang tao Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akda/ teksto ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng may akda Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang pampanitikan Pagsulat Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan, at opinyong nakapaloob sa teksto kung: • totoo o hindi totoo • may pagbabatayan o kathang-isip lamang Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akda/ tekstong binasa at ng:
  • 19 • pamantayang pansarili o sariling karanasan • pamantayang galling sa ibang tao o sa ibang babasahin Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: • paghahawig o pagtutulad • depinisyon • pagsusuri Nagagawang kawili-wili ang panimula ng talata sa pamamagitan ng isang: • kaakit-akit na pahayag • anekdota • serye ng tanong Nakasusulat ng talata na : • binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap na nagpapahayag ng isang buong pagkakabuo, palagay o kaisipan • nagpapakita ng bahagi nito: simula gitna wakas Nawawakasan ang talata nang may pangkalahatang impresyon Sa pamamagitan ng : • pagbubuod • makabuluhang obserbasyon Tatas Naipapamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan sa paglinang ng pangangailangang pangkomunikatibo Nasusuri ang mahahalagang detalye ng napanood, napakinggan o nabasang impormasyon Pakikitungo sa Wika at Panitikan Nagpapakita ng likas na interes at kasabikan sa pagbuo at pagsagot ng mga tanong at puna sa panitikan / tekstong napanood,nabasa, o napakinggan Nagpapamalas ng kawilihan at malalim na pag-unawa sa mga aralin sa gramatika /retorika at iba’t ibang uri ng pambansang panitikang saklaw ng pag-aaral Estratehiya sa Pag-aaral Nababasa nang masinsinan ang akda/ teksto sa pagpili ng angkop na mga detalye para sa isang tiyak na layunin
  • 20 IV.Konseptuwal na Balangkas Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito upang maiplano mo ang iyong mga gawain. Nananabik ka na ba sa gagawin mong pag-aaral? Marahil ay iniisip mo na ang mga gawain na iyong isasakatuparan sa modyul na ito. Simulan natin ang iyong pag-aaral sa pamamagitan ng panimulang pagtataya na susubok sa iyong kaalaman sa mga araling pampanitikan at panggramatika na saklaw ng kabuuan ng araling ito. Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral Pananaliksik Nailalapat ang nakalap na mga impormasyon sa pamamaraang : • tuwiran • di-tuwiran Nalilikom ang kakailanganing mga impormasyon mula sa iba’t ibang pagkukunang sanggunian Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga impormasyon sa pananaliksik Alamat EpikoKarunungang -bayan ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO A. Panitikan -Salawikain -Sawikain -Kasabihan B. Wika Dalawang Uri ng Paghahambing Paghambing A. Panitikan -Mina ng Ginto Alamat ng Baguio B. Wika -Pang-abay ( Pamanahon at Panlunan ) A. Panitikan -Tuwaang Epiko ng mga Bagobo B. Wika -Pang-abay na Pamaraan
  • 21 V. Panimulang Pagtataya A. Sumulat ng maikling talata tungkol sa paksang: “Karunungang-bayan… Salamin ng Pagka-Pilipino”. Bigyan mo ng pansin ang rubrik sa pagbuo ng talata. Isulat sa sagutang-papel. (10 puntos) RUBRIK PAMANTAYAN Mahusay (5) Kainaman (3) Mahina (1) Kaisahan Tiyak ang pag- talakay sa paksa Hindi masyadong tiyak ang pag- talakay sa paksa Hindi natalakay nang wasto ang paksa Kaugnayan Angkop ang pag- uugnay-ugnay ng mga pangungusap Hindi masyadong angkop ang pag-uugnay- ugnay sa mga pangungusap Walang pag- uugnay-ugnay sa mga pangungusap Kalinawan May pokus/ tuon sa ideyang nais ipa- batid Hindi masyadong nakapokus sa ideyang nais ipabatid Walang pokus/tuon sa ideyang nais ipabatid B.Bumuo ng sariling wakas ng akdang “Ang Alamat ng Kasoy”. Isulat sa sagutang-papel. Bigyan mo ng pansin ang pamantayan sa pagbuo. (10 puntos) MGA PAMANTAYAN: Kaangkupan- Angkop ang wakas sa daloy ng naunang mga pangyayari. Kalinawan - Malinaw na naipabatid ang bunga o kinalabasan ng mga pangyayari. Mensahe - Nakapagpabatid ng aral na dapat matutuhan ng mambabasa.
  • 22 Ang Alamat ng Kasoy Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkot na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman. Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy ang lungkot na lungkot. "Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan."Naulinigan ngmakapangyarihang Ada ang himutok ng Buto. "Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?" "Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa ibang hayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo, mahal na Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa loob ng prutas na ito." Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto. Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman. Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila. Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba.
  • 23 C. Ibuod mo ang bahagi ng epiko ng Bicol na Handiong.Isaalang-alang sa pagbubuod ang paggamit ng pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan.Salungguhitan ang mga ito. Isulat sa sagutang papel. (10 puntos) HANDIONG Epiko ng Bicol Salin sa Tagalog ni (J. Arrogante) VIII Ang Kabikolan ay isang lupain Patagang mayaman sa mga baybayin Sa buong daigdig pinakamarikit Sagana sa butil, aming nakakamit. IX Si Baltog ang lalaking kauna-unahang Naninirahan sa dakilang patagan Nagmulang Botavara, Lahing di- nakikita. X Nang ito’y kaniyang masukol, Sa sibat ito’y nasapol At sa brasong Herkules sa lakas Ang panga ng hayop ay nangagkapilas. XI Bawat panga’y sukat Sa habang sandipa Dalawang katlo ang mga pangil Nang tanganan ng kaniyang sibat. XII At siya’y umuwi sa kanilang lupain Ang dalawang panga’y kaniyang binitin Sa puno ng isang talisay Sa Tondo, malapit sa bahay. Ang ginawa mong pagsagot sa panimulang pagtataya ay makatutulong sa iyo upang madali mong maunawaan ang mahahalagang konsepto sa mga araling pampanitikan at panggramatika na nakapaloob sa kabuuan ng Aralin 1.1 – Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo.
  • 24 VI.Yugto ng Pagkatuto AlaminAlaminAlaminAlamin Handa ka na ba? Simulan nating pagyamanin ang iyong kaalaman at kakayahan sa panitikan sa Panahon ng Katutubo. Batid ko na may ideya ka na sa araling ito. Subukin nating alamin kung ang iyong mga ideya ay tumutugon sa mga konseptong saklaw ng aralin. Simulan natin sa pamamagitan ng gawain na susukat sa lawak ng iyong kaalaman. GAWAIN 1.1.1.a : TUGON SA PAGKATUTO Basahin ang mga pangungusap na nakasulat sa graphic organizer pagkatapos sagutan ang hanay sa BAGO BUMASA. Lagyan ng tsek (/) ang salita na tutugon sa iyong kasagutan. Ikaw ba ay sumasang-ayon o di- sumasang-ayon? Hintayin mo ang kasunod na panuto kung kailan mo sasagutan ang HANAY NG PAGKATAPOS BUMASA. ANTICIPATION-REACTION GUIDE Bago Bumasa Mga Pangungusap Pagkatapos Bumasa Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Ang damdamin, saloobin, kaugalian o tradisyon ng lahi kapag naisatitik ay tinatawag na panitikan. Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Kailanman, hindi maaaring magka-ugnay ang panitikan at kasaysayan. Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Sumasang-ayon Di -sumasang-ayon Ang Pilipinas, bago pa man dumating ang mga Espa ol ay mayaman na sa panitikan. Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Hindi mababatid sa panitikan ang tunay nating pagkalahi. Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Bago pa man dumating ang mga Espa ol ay may alpabeto nang ginagamit ang ating mga ninuno. Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Ang epiko, alamat, at mga karunungang-bayan ay nakilala lamang ng ating mga ninuno noong panahon ng Espa ol. Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon
  • 25 Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Napatunayan ng mga Espa ol na ang ating mga ninuno ay hindi mahilig sa tula, awit, kuwento, bugtong, at palaisipan. Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Ang panitikan ay hindi sumasalamin sa panahon kung kailan isinulat. Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Matapos mong masagutan ang ARG, nakatulong ba ito upang malaman mo ang mga konsepto na saklaw ng araling iyong pag-aaralan ? GAWAIN 1.1.1.b : LIKAS-KATUTUBO Sa bahaging ito, nais kong balikan mo ang dati mong kaalaman tungkol sa saligang kasaysayan ng ating panitikan. Kilalanin mo ang mga ninunong nag-ambag sa ating panitikan. Isulat sa loob ng kahon ang mga nakaimpluwensiya sa panitikan ng Pilipinas Bago Dumating ang Espa ol . Gawin sa sagutang papel. Negrito Ma Malay Espa ol Arabe Amerikan o Indones Nakatutuwang isipin na nagawa mong sagutin ang gawain. Ngayon, iyo namang alamin ang mga akdang pampanitikan na kanilang inambag na
  • 26 naging tulay upang masilayan natin ang tradisyon, paniniwala, at kaugalian ng lahi na ating pinagmulan. GAWAIN 1.1.1.c : I-Q NEK Tulungan mo ang larawan na iugnay ang kaniyang sarili sa mga akdang pampanitikan na lumaganap noong Panahon ng Katutubo sa pamamagitan ng pagkukulay ng mga ito hanggang marating niya ang aklat ng panitikan na nasa pinakaibaba ng tsart. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Matapos kong mataya ang dati mong kaalaman sa paksa, oras na upang ating pag-aralan ang ilan sa mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo. nobela maikling kuwento Karagatan Pasyon awiting- bayan alamat Moro-moro korido Haiku tanaga mito epiko dula Timpalak Palanca komiks magasin salawikain dulang panradyo blog duplo palaisipan kasabihan sawikain Bugtong tulang dula pelikula dulang pantelebisyon Sarsuwela
  • 27 PaunlarinPaunlarinPaunlarinPaunlarin Sa bahaging ito ng aralin ay makikilala natin nang ganap ang mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo tulad ng mga karunungang-bayan ( salawikain, sawikain/kawikaan , at kasabihan ), alamat at epiko. Nakikita at nasasalamin sa panitikan ang kalinangan ng isang lahi. Nakikita sa mga nakasulat maging sa pasalitang panitikan ang kultura, tradisyon, at mithiin ng isang bansa. Sa pamamagitan ng inilaang mga gawain sa bawat bahagi ay masasagot mo kung bakit mahalagang unawain ang mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Mapauunlad mo rin ang iyong mga kaalamang panggramatika. Mauunawaan mo kung bakit mahalaga ang paggamit ng angkop na gramatika/retorika sa mga araling pampanitikan. Simulan natin ang iyong pag-aaral sa bahaging ito. Una nating tatalakayin ang tungkol sa mga karunungang-bayan tulad ng salawikain, sawikain, at kasabihan gayundin, ang dalawang uri ng paghahambing. Ang unang bahagi ng araling ito ay magbibigay-daan upang maisabuhay muli ang mga karunungang-bayan na minana pa natin sa matandang panitikan at mailapat sa sariling pang-araw-araw na pamumuhay. Ang ating mga karunungang-bayan bagamat payak ay mabuting hanguan ng mahahalagang impormasyon hinggil sa kaugalian, asal at gawi. Samakatuwid, hindi natin dapat ipagwalang-bahala at ibaon sa limot ang mga karunungang-bayan ng ating panitikan. Tuklasin natin kung bakit mahalagang unawain ang mga karunungang- bayan tulad ng salawikain, sawikain at kasabihan bilang akdang pampanitikan sa kasalukuyang panahon. Subukin mo munang gawin ang gawain na nasa loob ng kahon sa susunod na pahina sa pamamagitan ng pagdurugtong ng angkop na ideya sa sumusunod na pahayag. 1. Makikita sa mga karunungang-bayan ang kultura, tradisyon at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino sa panahong naisulat ito sapagkat ____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. Upang maging malinaw ang pag-unawa sa salawikain, sawikain/kawikaan at kasabihan kailangang ____________________________________________________ ____________________________________________________
  • 28 Bigyan mo ng pansin ang larawan. Napansin mo ba ang pagiging simple ng pamumuhay noon? Sa iyong palagay, ano ang naging gabay at patnubay ng mga Pilipino noon sa ganitong klaseng pamumuhay? Nakatulong kaya ang mga karunungang bayan? Kinuha sa : Tama! Payak ang pamumuhay noon ng mga sinaunang Pilipino. Sa kabila ng pagiging payak ay nabuhay sila nang maligaya at payapa. Pinaniniwalaang naging bahagi na ng kanilang pamumuhay ang mga karunungang-bayan. Sa bahaging ito, nais kong bigyan mo ng pansin ang tula ni Jose Rizal na bagaman naisulat noong Panahon ng Espa ol ay makikita mo ang paggamit niya ng isa sa mga karunungang-bayan na minana natin sa ating mga ninuno. Isa lamang itong patunay na ang matandang panitikan tulad ng karunungang-bayan ay may malaking impluwensiya sa mga Pilipino sa iba’t ibang panahon. Sa Aking Mga Kabata ni Jose P. Rizal Kapagka ang baya'y sadyángumiibig Sa kanyáng salitáng kaloob ng langit, Sanglang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid. Pagka't ang salita'y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharián, At ang isáng tao'y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaán. Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ Mahigit sa hayop at malansáng isdâ,Kayâ ang marapat pagyamaning kusà Na tulad sa ináng tunay na nagpalà. Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,Sa Inglés, Kastilà at salitang anghel,Sapagka't ang Poong maalam tumingín Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
  • 29 Ang salita nati'y tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawalá'y dinatnan ng sigwâ Ang lunday sa lawà noóng dakong una GAWAIN 1.1.1.d : PAGLINANG SA TALASALITAAN Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng biluhaba ayon sa pagkakagamit ng mga ito sa tula.Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. 1. 2. 2. 4. 5. Palawakin pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Batid ko na handa ka na upang linangin at paunlarin ang kakailanganing pag-unawa sa tulong ng mga angkop na gawain na ibibigay ng modyul na ito. GAWAIN 1.1.1.e : SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA 1.Suriin ang tula . Tukuyin ang kasabihang ginamit ni Jose Rizal . Ilahad ang tiyak na kaisipan na nais nitong ipabatid. Gawin sa sagutang papel.Gayahin ang pormat. naggawad kahulugan: _________ kabagay kahulugan: ____________ ____________________ maalam kahulugan:_______ __ sigwa kahulugan:_______ __ lunday kahulugan:_____________ __________________ Sa Aking Mga Kabata KASABIHAN _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ KAISIPAN
  • 30 3. Kung si Jose Rizal ay gumamit ng karunungang- bayan sa kaniyang tula ikaw bilang kabataan, paano mo magagamit ang mga karunungang- bayan na minana pa natin sa ating mga ninuno? Ang mga gawain na iyong isinagawa ay nagpapatunay na ang kasabihan bilang karunungang- bayan ay kinapapalooban ng mensahe na magagamit sa buhay. Gayundin naman ang iba pang karunungang-bayan tulad ng salawikain at sawikain/ kawikaan. Upang higit pang lumawak ang iyong kaalaman sa paksa, basahin at unawain ang mahahalagang impormasyon na nakatala sa loob ng kahon. ALAM MO BA NA... KARUNUNGANG-BAYAN Kasama sa kabang-yaman ng karunungang-bayan ng ating bansa bago dumating ang mga Espa ol ay ang salawikain, sawikain/kawikaan, at kasabihan. Salawikain- Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas. Mga Halimbawa: ‘Pag ang tubig ay magalaw Ang sakit ng kalingkingan Ang ilog ay mababaw Damdam ng buong katawan “A wattu langan a kuruga mariga “Ing taung mapibabata’ Tattolay nga minagimamma .” Dasan na ing sablang buring na” (Ibanag) (Pampango) “Walang gawaing mahirap “Ang taong matiyaga sa taong matiyaga.” natutupad ang ninanasa. _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________
  • 31 Sawikain – Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob. Ang sawikain o patambis samakatuwid , ay masasabing mga salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag. Mga Halimbawa: parang natuka ng ahas- natulala itaga mo sa bato- pakatandaan malayo sa bituka- hindi malubha mahaba ang kamay- magnanakaw Kasabihan- Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos , ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan. Mga Halimbawa: Tulak ng bibig Kasama sa gayak Kabig ng dibdib. ‘Di kasama sa lakad. Utos na sa pusa Ubos-ubos biyaya Utos pa sa daga Bukas nakatunganga Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin, marahil ay naging malinaw na sa iyo ang konsepto ng salawikain, sawikain at kasabihan. Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa paksang iyong pinag-aaralan, subukin mong gawin ang ilan pang gawain. 3. Suriin kung ang sumusunod ay salawikain, sawikain o kasabihan.Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang pormat. 1. Ang magtanim ng hangin, 4. Maitim ang gilagid. bagyo ang aanihin. 2. Itaga mo sa bato. 5. Ang taong walang kibo nasa loob ang kulo. 3. Kasama sa gayak, 6. Ubos-ubos biyaya, di kasama sa lakad. bukas nakatunganga.
  • 32 Salawikain Sawikain Kasabihan 1. 2. 1. 2. 1. 2. Madali mo bang nakilala ang salawikain, sawikain at kasabihan? Nakilala mo ba ang mga ito dahil sa taglay nilang mga katangian? Kung sa iyong palagay ay hindi pa sapat ang iyong kaalaman sa mga ito, makatutulong ang kasunod na gawain upang madagdagan pa ang iyong kaalaman tungkol dito. 4. Basahin at unawain ang mga nakahanay na salawikain, sawikain/kawikaan at kasabihan. Isulat ang kahulugan ng bawat isa. Gayahin ang pormat. 5. Batay sa iyong nakuhang mga impormasyon at sa sinagutang mga gawain, ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng salawikain, sawikain at kasabihan. Sagutin sa pamamagitan ng Venn Diagram.Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. karunungang bayan salawikain sawikain kasabihan Taong nanunuyo, Dala-dala’y bukayo Kahulugan: ________________ ________________ Itaga mo sa bato Kahulugan: _______________ _______________ Malakas ang loob, Mahina ang tuhod Kahulugan: _______________ _______________ A, B, C Katangian ng bawat isa D- Pagkakatulad ng tatlo
  • 33 Sa tulong ng mga gawain na inilaan ng araling ito ay maaari mo nang maisantabi ang maling pag-unawa sa salawikain, sawikain, at kasabihan.Ngayon ay nagawa mong paghambingin ang salawikain, sawikain at kasabihan. Alam mo ba na upang maging mabisa ang pagsusuri mo sa pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao, bagay , pangyayari, ideya at iba pa, kailangan ang isang maayos na paghahambing ? Ang araling ito ay naglaan ng mga gawain upang mapaunlad ang iyong kakayahan sa paghahambing. 6. Basahin mong mabuti ang teksto. Hanguin sa loob ng teksto ang mga pahayag na nagpapakita ng paghahambing. Isulat sa papel ang sagot. Sariwa ang hangin na humihihip sa karagatan. Mas masarap ang pakiramdam ko ngayon kaysa noong nakaraang buwan. Kapansin-pansin din ang tubig na umaalon sa dagat na maituturing kong kasinlinaw ng kristal. Di- gasino mang maingay dito ,wala man ang ingay na matagal ko nang kinagisnan, alam kong masasanay rin ako. Naalala ko tuloy ang pook na pinasyalan namin ni inay noong bata pa ako. Magkasingganda ang pook na iyon at ang lugar na kinatatayuan ko ngayon. Simputi rin ng bulak ang buhangin doon. Akala ko iyon na ang una at huling araw na makadadalaw ako sa ganoong klaseng lugar. Sa mura ko kasing edad noon , alam ko na ang hirap na pinagdadaanan ng aming pamilya kaya napilitan akong magbanat ng buto kahit wala pa sa panahon. Buti na lang kinaawaan ako ng Poong Maykapal. Inialis ako sa nakasusulasok na lugar at dinala ako sa lugar na singganda ng paraiso. Salamat at nakilala ko si Sir James Bossier. Pansamantala man ang pananahan ko dito, batid ko na sa aking pagpupursige kasama ng aking pamilya ay makababalik ako dito upang manirahan.
  • 34 Pagkatapos mong sagutan ang gawain, nadagdagan ba ang iyong kaalaman sa ating araling panggramatika . Sa araling ito , malalaman mo kung paano susuriin ang antas o lebel na katangian ng dalawang tao, bagay, ideya at iba pa na makatutulong sa malawak mong pagtingin sa mga ito. Mabuting basahin at unawain mo ang mahahalagang impormasyon tungkol sa ating araling panggramatika. ALAM MO BA NA … MAY DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING 1. Paghahambing na magkatulad Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing, sing,magsing at magkasing o kaya ay ng mga salitang gaya,tulad, paris, kapwa, at pareho. 2. Paghahambing na di-magkatulad Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian. May dalawang uri ito: 2.1 Pasahol- Kung ang pinaghahambing ay mas maliit, gumagamit itong mga salitang tulad ng lalo, di-gaano, di-totoo, di- lubha, o di-gasino 2.2 Palamang- Kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan, gumagamit ito ng mga salitang higit, labis, at di-hamak. Mayroon ka nang sapat na kaalaman sa araling panggramatika, subukin mong maipakita ang iyong natutuhan sa bahaging ito.
  • 35 7. Itala mo ang pagkakatulad at pagkakaiba ng salawikain, sawikain, at kasabihan sa tulong ng mga salita/ pahayag na ginagamit sa paghahambing. Ang pagkakatulad ng salawikain, sawikain at kasabihan ___________________________ ___________________________ ___________________________ Ang pagkakaiba ng salawikain, sawikain at kasabihan __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ Bago tayo magpatuloy, balikan mo muna ang iyong mga sagot sa naunang mga gawain at ihambing mo ang iyong mga naging sagot sa daloy ng talakayan sa bahaging ito. Ano sa mga ideya mo ang tama? Ano naman ang hindi tama at dapat na iwasto? GAWAIN 1.1.1.f : Pag - Sa – Sa – Ka ( Pagpapalalim ng Pag-unawa sa Salawikain, Sawikain, at Kasabihan ) Habang lumalalim ang iyong pag-unawa sa paksa ay mapagninilayan mo kung bakit mahalagang unawain ang mga akdang pampanitikan tulad ng salawikain, sawikain, at kasabihan sa kasalukuyang panahon. Mapagtitibay mo ang ideyang ito sa tulong ng mga gawain na inilaan sa bahaging ito. A. Salawikain Bigyan mo ng pansin ang bahagi ng tula na ginamitan ng salawikain ng may-akda upang bigyang diin ang mensaheng nais niyang iparating. Nakikita ang butas ng karayom, Hindi ang butas ng palakol Mayroon pang taong Sobrang palapuna at palapintasin, Sa mukha ng kapwa’y Nakikikita agad ang dumi o dusing; Munting kapintasan Ng kapwa niya taong laging pinapansin Ang kamalian niya’t Mga kasamaan ay ayaw aminin. Dungis sa mukha mo’y pahirin mo muna Bago ka mamintas ng mukha ng iba. Halaw sa tulang Mga Ginto sa Putikan ni Gregorio G. Cruz
  • 36 Panuto: Bumuo ka ng maikling talata na magpapalawak ng iyong sagot sa tanong blg. 1. 1. Bilang kabataan, paano mo isasabuhay ang mga salawikain na ginamit sa tula? Isulat ang mga sagot sa papel. B. Kasabihan Ang kasabihan ay isa sa mga karunungang-bayan na iyo nang nakilala. Bigyan mo ng pansin ang nilalaman ng bahagi ng isang awit na nagpakilala ng mga kasabihang Pilipino na hindi dapat kalimutan. Sa pagdamay ay no.1 Matalas makiramdam Ang sakit sa kalingkingan Ay sakit ng buong katawan Kung di kaya ng nag-iisa Pagtulungan nating dalawa Ang bayanihan spirit ay taglay ng bawat isa Marunong lumingon Sa pinanggalingan Ang utang na loob Hindi nalimutan Walang puwang sa isip mo Ang crab mentalidad Hindi naiinggit Kapwa Pinoy man Ay umunlad Bahagi ng awit na Positibong Kasabihan ni Ser Jess Torres 2. Magsaliksik ka ng mga pangyayari sa iyong kapaligiran (halimbawa: batay sa obserbasyon o pansariling karanasan) na nagpapakita ng diwang isinasaad ng napiling kasabihan sa hinalaw na awit . Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Kasabihan mula sa awit _______________________________ _______________________________ Nasaliksik na pangyayari: _______________________________ _______________________________ Kasabihan mula sa awit ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ Nasaliksik na pangyayari: ______________________ ______________________ ______________________
  • 37 C. Sawikain/Kawikaan Ang pakikipag-usap sa kapwa ay tulay sa pagkakaunawaan. Ngunit minsan, naghahatid ito ng hidwaan sa mga tao dahil sa paggamit ng mga salita o pahayag na nakasasakit ng damdamin. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang sawikain upang maiwasan ang ganitong sitwasyon? Bigyan mo ng pansin ang mga sawikain na ginamit sa usapan. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na gawain sa p. 41. Lef : Hoy! Joan, kumusta ka na? Ibang-iba ka na ngayon . Halos di kita makilala para kang hinipang lobo. Joan: Mabuti naman. Naku , Oo nga eh, napabayaan na kasi ako sa kusina. Aba! Iba na rin naman ang hitsura mo. Ang tingin ko sa iyo ngayon tila ka ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Ang lakas ng dating mo. Lef : Naku ha, pamporma lang ang mga ito. Anong balita sa’yo? Ipinagpatuloy mo ba ang kursong Medisina? Ikaw ang may utak sa klase natin noong High School tayo di ba? Malamang kayang-kaya mo ang kursong pinangarap mo. Joan: Heto nga’t patuloy akong nagsusunog ng kilay para matapos ko ang kursong noon pa’y hinangad ko na. Lef: Masaya akong malaman ’yan. Talaga naman, sa buhay ng tao bago mo makamtan ang iyong pangarap kailangan mo talagang dumaan sa butas ng karayom sa dami ng pagsubok na iyong mararanasan. Joan: Ganyan talaga ang buhay. Matamis ang bunga kapag pinaghihirapan.
  • 38 3. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang bawat sawikain upang maging magaan ang mga pahayag ng mga tauhan? Isulat mo ang iyong sagot sa paraang patalata.Gawin sa papel. Bumuo ng iyong pamagat para sa talata. 4. Batay sa iyong naging sagot sa naunang mga gawain, ihanay mo ang kahalagahan ng salawikain, sawikain at kasabihan. Karunungang-bayan Kahalagahan Salawikain Sawikain Kasabihan Matapos mong sagutin ang mga gawain, nakaramdam ka ba ng pagmamalaki bilang isang Pilipino? Masasabi mo bang may kalinangan na ang ating lahi bago pa man tayo sakupin ng mga Espa ol? Paano mo pahahalagahan ang matatandang panitikan tulad ng karunungang-bayan na minana mo pa sa ating mga ninuno? Pagkakataon mo na upang ilahad ang iyong pananaw sa kahalagahang hatid ng karunungang-bayan sa mga kabataan sa kasalukuyan. Naniniwala ako na mapaninindigan mo ang bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin na iyong natutuhan sa aralin.
  • 39 GAWAIN 1.1.1. g : PAGTALUNAN NATIN, PUNTO SA PUNTO . Ilahad ang iyong panig sa paksa. Subuking gamitin ang mga konseptong natutuhan sa araling pampanitikan at panggramatika. Isulat ang sagot sa papel. Naipakita mo sa gawaing ito ang kahalagahan ng mga karunungang- bayan sa kabataang Pilipino. Malaki ang maiaambag mo sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng ating matandang panitikan kung ang mga ito ay magagamit mo sa iyong buhay. GAWAIN 1.1.1.h : SALAMIN NG KATOTOHANAN Suriin ang bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin sa ipinahayag na panig na ginawa sa GAWAIN 1.1.1.g. Sumulat ng repleksiyon tungkol dito. KARUNUNGANG- BAYAN: MABISA PA RING GAMITIN BILANG PATNUBAY O GABAY NG KAGANDAHANG-ASAL SA KASALUKUYANG PANAHON REPLEKSIYON _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ ____________________________________
  • 40 GAWAIN 1.1.1.i : DUGTUNGAN TAYO… Pagtibayin mo ang iyong natutuhang mahahalagang konsepto sa aralin sa pamamagitan ng pagbuo ng mga ideya na nakapaloob sa kahon. Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailapat ang mga kaalamang natutuhan sa awtentikong pagkatuto. Basahin at unawain mo ang sitwasyon pagkatapos, gawin mo ang Inaasahang Produkto para sa araling ito Dadalaw ngayong buwan sa inyong barangay ang mga piling senior citizen na nagmula sa iba’t ibang lalawigan. Ang layunin nila sa pagdalaw ay upang matiyak na ang kabataan ay may naiaambag sa pagpapanatili ng yaman ng kultura at tradisyon ng ating lahi. Ikaw, bilang SK chairman ay naatasan ng inyong Punong barangay na magpakita ng mga katibayan na ang kabataan ay may malaking bahagi sa pagpapanatili ng sariling kultura at tradisyon. Naisip mo na ipakita ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang brochure na naglalaman ng mga karunungang- bayan kung saan iuugnay mo ang mga gawaing pangkabataan sa inyong barangay. Ayon sa inyong punong barangay ang brochure na dapat mong maipakita ay matataya sa sumusunod na pamantayan: 1. Naniniwala ako na mahalagang unawain ang mga karunungang - bayan sapagkat ________________________________________________ ________________________________________________ 2. Ang mga karunungang-bayan bagaman bahagi ng ating matandang panitikan ay masasabi kong angkop pa ring pag-aralan at isabuhay sa kasalukuyan dahil ________________________________________________ ________________________________________________ 3. Sa tulong ng mga karunungang-bayan, naging malinaw sa akin ang ________________________________________________ Kaya ipinagmamalaki ko ___________________________
  • 41 RUBRIK PAMANTAYAN LUBOS NA KATANGGGAP- TANGGAP (5) KATANGGAP- TANGGAP (3) MAHINA (1) Organisasyon Lohikal ang pagkakaayos ng mga teksto at larawan May ilang teksto at larawan na wala sa lugar Nakalilito ang pagkakaayos ng teksto at mga larawan Kalidad ng mga Larawan Klaro at tama ang perspektibo May ilang larawan na di klaro o tama ang perspektibo Karamihan sa mga larawan ay di klaro o Malabo ang perspektibo Dibuho Kaakit-akit ang brochure dahil tama ang kombinasyon ng kulay, estilo, laki ng font at pagkakaayos ng teksto at larawan Medyo kaakit-akit ang brochure kahit ay ilang maling kombinasyon na makikita sa brochure Di- gaanong kaakit-akit ang brochure dahil kitang-kita ang maling kombinasyon ng larawan, estilo, font at teksto Gamit ng Karunungang- bayan Mabisa ang pagkakagamit ng karunungang - bayan sapagkat Nakatulong ito upang maipakita ang kultura at tradisyong Pilipino Di masyadong mabisa ang pagkakagamit ng mga karunungang- bayan dahil di gaanong naipakita ang kultura at tradisyong Pilipino Di mabisa ang pagkakagamit ng mga karunungang - bayan sapagkat halatang pilit ang pagpapakita ng kultura at tradisyong Pilipino Nakatulong ba nang malaki ang mga kaalamang natutuhan mo sa kabuuan ng aralin sa pagbuo ng Inaasahang Produkto? Higit pa sa mga kaalaman, konsepto at ideyang natutuhan mo sa bahaging ito ng modyul, inaasahan ko na maisasabuhay mo ang mga aral na nakapaloob sa ating mga karunungang-bayan. Samantala, naniniwala ka ba na mahalagang malaman ang pinagmulan ng mga bagay sa ating paligid? Naisip mo rin ba na ang mga bagay na iyong napakikinabangan sa kasalukuyan ay nagtataglay ng mga kuwento ng kanilang pinagmulan? Ang susunod na aralin na iyong pag-aaralan ay isang akdang pampanitikan na makatutulong sa iyo upang higit mong makilala ang pinagmulan at kahalagahan ng pagsulpot ng mga bagay sa iyong kapaligiran,
  • 42 ang alamat. Batid ko ang iyong pananabik sa aking tinutukoy kaya maaari ka nang humakbang sa susunod na aralin para pag-aralan ito. ARALIN 1.1.2 : ALAMAT Sinasabing ang ilang kaalaman natin ngayon ay kinuha ng mga mananaliksik sa saling-dila ng matatanda. Sa pag-usad ng panahon, maaaring nagbabago ang mga alamat gayunpaman hindi nawawala ang katangian nitong maglahad ng pinagmulan ng tao, bagay, lunan , o pangyayari. Ang aralin na ito ay tutulong sa iyo upang mauunawaan mo kung paano nakatutulong ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino na minana natin bilang isa sa matatandang panitikan ng ating lahi. Matapos mong pag- aralan ang mahahalagang konsepto sa aralin, ikaw ay inaasahang makabubuo ng informercial na nagtatampok sa kultura at tradisyong Pilipino.Gayundin, mapagtitibay mo kung paano kasasalaminan ng kultura, tradisyon, at kaugalian ang alamat tulad ng iba pang akda na lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Bago mo alamin ang mahahalagang konsepto sa araling ito, nais ko munang mataya ang iyong kabatiran sa ating paksa. Simulan mo sa pagsagot sa sumusunod na gawain. GAWAIN 1.1.2.a : LARAWAN NG PINAGMULAN Pansinin mo ang mga larawan na nasa loob ng kahon. Pamilyar ka ba sa mga ito? Alamin natin ang iba mo pang kaalaman sa paksang iyong pag- aaralan sa tulong ng mga larawan.Subukin mong sagutin ang kasunod na mga tanong. a. Ano-ano ang maaaring maging paksa ng alamat? b. Nakatutulong ba ang alamat upang maging malinaw ang pinagmulan ng mga bagay? c. Makikita ba sa bawat paksa ng alamat ang tatak ng pagiging mamamayan? Patunayan. Ang mga larawan ay hinango sa http://www.google.com.ph/search
  • 43 Nakatulong ba sa iyo ang ginawa mong pagsagot sa mga tanong upang makilala ang alamat bilang isang akdang pampanitikan? Huwag kang mag-alala, ang modyul na ito ay tutulong sa iyo upang pagyamanin ang iyong kaalaman sa paksang ating pag-aaralan. GAWAIN 1.1.2.b : WAKAS NG PINAGMULAN Sa isang kuwento , pelikula o teleserye man, kaabang-abang ang bahaging resolusyon o kinahinatnan sapagkat dito malalaman ng mambabasa o manonood kung ano ang maaaring mangyari sa pangunahin at iba pang sangkot na tauhan. Sa isang alamat, gaano kaya kahalaga ang wakas na bahagi nito? Paano nakatutulong ang wakas upang maging malinaw ang pinagmulan ng mga bagay? Narito ang ilang halimbawa ng wakas sa ilang alamat. Suriin mo ang kinahinatnan ng mga tauhan. Isulat ang sagot sa papel. Puna: _______________________________________________________ Puna: ___________________________________________________________________ Nanangis ang binata at nagsisi sa kanyang narinig. Gusto niyang ibalik ang puso ng ina ngunit wala na itong buhay. Dahil sa ginawa niya ay biglang pinarusahan at naging BUTIKI na gumagapang sa mga kisame at haligi. Ito ang parusa sa anak na walang utang na loob sa kaniyang pinanggalingan. Halaw sa Alamat ng Butiki Pagkakita sa puno,naalala ni Juana ang brasong ibinaon niya sa lupa, doon mismo sa pinagtubuan ng puno. Nasambit niya sa sarili ang pangalan ni Aging. "Ang halamang iyan ay si Aging", wika ni Juana. Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging"na di nagtagal ay naging saging. Halaw sa Alamat ng Saging
  • 44 Puna ______________________________________________________ Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang napuna mo sa naging daloy ng wakas? 2. Kapani-paniwala ba ang ganitong uri ng wakas? Ipaliwanag. 3. Sa iyong palagay, bakit karaniwan na sa mga alamat na magkaroon ng kaparusahan o pagkamatay ng pangunahing tauhan? GAWAIN 1.1.2.c : KILALANIN ANG PINAGMULAN Batay sa mga impormasyon na nailahad sa mga naunang gawain, paano mo mailalarawan ang alamat bilang akdang pampanitikan? Isulat ang sagot sa papel gamit ang fan fact analyzer. Gayahin ang pormat. Nataya na natin ang iyong dating kaalaman sa paksa at alam ko na handa ka nang dagdagan pa ito sa pamamagitan ng mga gawain na batid kong makatutulong sa iyo upang malinang mo ang kinakailangang pag- unawa .Simulan natin sa pamamagitan ng pagsagot mo sa mga tanong na magiging gabay sa iyong pag-aaral mula simula hanggang huling bahagi ng araling ito. Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa'y ilagak na magkasama sa isang hukay. Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong Bundok ng Mayon bilang alaala kay Daragang Magayon. Halaw sa Alamat ng Bulkang Mayon ALAMAT
  • 45 Mga Gabay na Tanong: 1. Paano nakatutulong ang alamat sa pag-unawa ng pinagmulan ng mga bagay sa kasalukuyan? 2. May saysay pa ba ang mga alamat bilang mga akdang pampanitikan sa kasalukuyan? Patunayan. 3. Nakatutulong ba ang paggamit ng mga lugar at panahon upang mabisang maipabatid ang mahahalagang pangyayari sa isang kuwento tulad ng alamat? Patunayan. GAWAIN 1.1.2.d : TUGON MO…MAHALAGANG ALAMIN Sa bahaging ito, nais kong malaman ang antas ng iyong pag-unawa sa aralin na ating pag-aaralan. Subukin mong sagutin ang mga nakatala sa mga gabay na tanong upang magabayan ka sa pagpapalawak ng paksa na nasa loob ng kahon. Huwag kang mag-alala kung sa tingin mo ay hindi mo nasagot nang wasto ang mga katanungan.Naglaan pa ng mga gawain ang modyul na ito upang matulungan ka sa pagkilala ng mga tamang konsepto ng aralin . Ang bahaging ito ng aralin ay makatutulong upang maunawaan mo ang mga konsepto at kasanayang dapat mong malinang sa paksa. Kailangang mapalawak at mapaunlad mo pa ang iyong dating kaalaman nang sa gayon ay mabatid mo kung paano nakatutulong ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino na minana natin bilang isa sa matatandang panitikan ng ating lahi. Ang Kahalagahan ng Alamat sa Kasalukuyan _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _____________________________________________
  • 46 Basahin at unawain. Mina ng Ginto Alamat ng Baguio Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakama-lakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng matatandang pantas. Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik . Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay nagdaraos sila ng ca ao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito. Kung nagdaraos sila ng ca ao ay lingguhan ang kanilang handa. Nagpapatay sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila. Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kanyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba. Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil. Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na natigilan si Kunto . Bagamat siya’y malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita. Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Anang isang matanda, “
  • 47 Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos ng ca ao.” Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng ca ao,” ang pasiya ni Kunto. Ipinagbigay-alam sa lahat ang ca ao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman ay naghanda ng masasarap na pagkain. Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila. Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok- bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay- lupa na sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan.Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita. Sila’y natakot. Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika nang ganito: “Mga anak magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin. “Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi. Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong ca ao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook na ito. Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga,dahon, at sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.”
  • 48 Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy nila ang kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang punungkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng araw-lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon. Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna- unahang lumapit sa punungkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng dahon. Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati nilang matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang punungkahoy naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo nito’y hindi na maabot ng tingin ng mga tao. Isang araw, anang isang mamamayan, “kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul- putulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati- hatian natin.” Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat.Nang malapit nang mabuwal ang punungkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubos-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit. Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. “ Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan. Ang punong-ginto upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan , kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking
  • 49 ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.” At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio at nakukuha lamang ito sa pamamagitan ng paghukay sa lupa. Masasalamin ba sa alamat ang kultura at tradisyon ng isang pangkat ng mamamayan sa ating bansa? Maituturing mo bang yaman ng lahi ang mga alamat sa ating panitikan? Bago mo sagutin ang mga tanong, bigyan mo ng pansin ang kasunod na mga gawain upang higit mong maunawaan ang nilalaman ng binasa mong alamat. GAWAIN 1.1.2.e : PAGLINANG NG TALASALITAAN Suriin ang mga salitang nakahilig sa loob ng pangungusap. Bigyan ng kahulugan ayon sa pagkakagamit sa akda. Isulat sa papel ang mga sagot. 1. Taon-taon ay nagdaraos sila ng ca ao bilang parangal sa kanilang mga anito. Kahulugan - _______________________________________ 2. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito. Kahulugan - ______________________________________ 3. Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Kahulugan - ______________________________________ 4. Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Kahulugan - _______________________________________ 5.Marahil, ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Kahulugan - ______________________________________ Batid ko na nakatulong ang mga salitang binigyan mo ng kahulugan upang iyong maunawaan ang kultura at tradisyon na mayroon ang mga Igorot. Subukin natin ang lalim ng iyong pag-unawa sa ilang mahahalagang konsepto ng akdang binasa.
  • 50 Simula Wakas GAWAIN 1.1.2.f : SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA Ang gawaing ito ay nakatulong sa iyo upang madali mong maunawaan ang daloy ng mga pangyayari sa alamat. 1. Pagsunud-sunurin mo ang mga pangyayari sa alamat sa tulong ng Story Mountain. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 2. Sa iyong palagay, angkop ba ang naging wakas ng akda ? Pangatuwiranan ang iyong sagot. Gawin sa papel. 3. Suriin ang mga pangyayari sa bawat bahagi ng alamat.Itala mo sa talahanayan kung alin ang makatotohanan at di- makatotohanan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. BAHAGI MAKATOTOHANAN DI- MAKATOTOHANAN SIMULA GITNA WAKAS Sa bahaging ito, iyong napagtibay na nangingibabaw sa alamat ang mga di- makatotohanang pangyayari na nagpapaigting upang maging kapana-panabik ang kuwento na nakapaloob dito. Gayundin, sa tulong ng mga di-makatotohanang pangyayari nabubuo ang pinagmulan ng mga bagay. Gitna
  • 51 4. Mula sa akdang binasa, itala ang kultura at tradisyon ng mga Igorot sa tulong ng dayagram. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 5. Balikan mong muli ang naitala mong mga kultura at tradisyon ng mga Igorot. Sa iyong palagay , nananatili pa rin ba ang mga ito sa kasalukuyan? Itala ang iyong sagot sa tsart. ( Maaring magsaliksik ang mag-aaral sa bahaging ito ). Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. KULTURA NG IGOROT Ano- ano ang mga kulturang binanggit sa akda? Sa kasalukuyan, nananatili pa rin ba ito? Oo o Hindi Patunay Napatunayan mo sa bahaging ito na ang alamat bilang akdang pampanitikan ay sumasalamin sa kultura, tradisyon, at kalagayang panlipunan noong panahong naisulat ito. Binabati kita sa matiyaga mong pagsagot sa mga gawain. Layon ng araling ito na mapalawak pa ang iyong kaalaman sa paksang tinatalakay . Makatutulong kung iyong babasahin at uunawain ang mahahalagang konsepto na nakatala sa loob ng kahon. Mina ng Ginto Igorot Kultura At Tradisyon ___________ __________ __________ ___________ __ ___________ ___________ ____ ___________ ___________ ___________ ___________ __________ __________ __________ ______ __________
  • 52 ALAM MO BA NA… Ang Alamat Ang alamat ay isa sa kauna-unahang panitikan ng mga Piipino bago pa dumating ang mga Español. Karaniwang kathang-isip o maaari namang hango sa tunay na pangyayari. Pinagmulan ng isang pook, ng isang halaman o punongkahoy, ng ibon, ng bulaklak at iba pang mga bagay ang karaniwang paksa nito. Maaari ring tungkol sa mga pangyayaring di- kapani-paniwala o kaya’y tungkol sa pagkakabuo ng pangalan ng lugar, bagay at iba pa. Mababakas sa alamat ang matatandang kaugaliang Pilipino. Layunin din ng alamat na manlibang. May tatlong bahagi ang alamat. Simula: Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gagampanan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida, o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang nagsasaad ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan. Gitna: Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan sa sarili , sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban. Wakas: Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan . Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. Sa tulong ng bawat bahagi ng alamat ay naipakita ang mga pangyayari na sumasalamin sa kultura, tradisyon, kaugalian at kalagayang panlipunan ng sinaunang Pilipino.
  • 53 Pagkatapos mong malaman kung ano ang alamat at mga bahagi nito, bigyan mo naman ng pansin ang mahalagang gamit ng panahon at pook . Sa iyong palagay nakatutulong ba ang paggamit ng mga lugar at panahon upang mabisang maipabatid ang mahahalagang pangyayari sa isang kuwento tulad ng alamat? Gawin mo ang mga susunod na gawain upang masagot mo nang wasto ang mahalagang tanong hinggil sa paksang ito .Isulat sa sagutang papel. Sa bahaging ito masusukat ang iyong kasanayang panggramatika. Malalaman natin ang antas ng iyong kaalaman sa araling pangramatika na iyong pag-aaralan. Basahin mo ang bahagi ng kuwento na nasa loob ng kahon. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong . a. Suriin ang mga salitang may salungguhit.Nagbibigay- turing ba ito sa mga salitang nakihilig o naglalarawan? b. Nakatulong ba ang mga salitang may salungguhit upang mabisang maipabatid ang mahalagang pangyayari sa alamat? Patunayan. c. Anong bahagi ng panalita ang mga salitang may salungguhit? Pagkatapos mong sagutin ang mga tanong, may ideya ka na ba kung ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pang-abay na pamanahon at pang-abay na panlunan upang malinaw na maipabatid ang mga pangyayari sa isang kuwento? Makatutulong sa iyo nang malaki ang mga impormasyon na nakatala sa kasunod na kahon upang ganap mong maunawaan ang araling panggramatika. Ngunit mula sa kanyang nangangatal na mga labi ay walang namumutawi kundi isang impit na “ Diyos Ko!!!” Sa gitna ng kanyang pagluha, ang mabait na si Sinang ay lumapit sa asawa at tinapunan iyon ng isang “ hayaan-mo-na ang Nanay” na tingin. Kasabay ng isang malalim na buntung-hininga, si Conrado’y nalugmok sa isang likmuan. Ang salitaan ay napinid na. Umagang-umaga kinabukasan, nagtaka na lamang sila’t natagpuan nila sa isang sulok si Impong Selang nananangis, umiiyak na nag-iisa. Siya’y hindi man lamang tinuluan ng luha nang si Pepe’y naghihirap, at saka ngayon pang si Pepe’y matiwasay na, salamat sa suwerong itinusok sa kanya ng manggagamot, ay saka…. Halaw sa Impong Sela ni Epifanio G. Matute
  • 54 ALAM MO BA NA… PANG-ABAY NA PAMANAHON AT PANG-ABAY NA PANLUNAN Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Napapangkat ang ganitong uri ng pang-abay: (1) yaong may pananda at (2) yaong walang pananda. Gumagamit ng nang , sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang bilang mga pananda ang pang-abay na pamanahon Mga halimbawa: 1. Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw? 2. Inaasahan tayo roon sa gabi, hindi sa araw. 3. Noong Lunes siya nagsimula sa kaniyang bagong trabaho. 4. Kapag Mahal na Araw ay sinisikap niyang mag-abstinensya at mag- ayuno. 5. Tuwing Pasko ay nagtitipon-tipon silang mag-anak. May mga pang-abay na pamanahon na walang pananda tulad ng kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali at iba pa. Mga Halimbawa: 1. Pitong pangunahing alagad ng sining ang tumanggap kahapon ng “National Artist Award” buhat sa Pangulo. 2. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino
  • 55 MINA NG GINTO Pang-abay na Pamanahon Pang-abay na Panlunan Sa tulong ng mga nabasa mong impormasyon sa ating araling pang- gramatika, batid ko na nananabik ka nang sumagot muli sa mga gawain upang masubok ang iyong mga kakayahan. Naglaan ng iba pang mga gawain ang modyul na ito upang ganap na mataya ang bisa ng mga konseptong iyong natutuhan . GAWAIN 1.1.2.h : PAGPAPATIBAY NG KAALAMAN 1. Balikan mong muli ang alamat na “ Mina ng Ginto. “ Sumipi ka ng mga pangungusap na nagtataglay ng mga pang-abay na pamanahon at pang-abay na panlunan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 3. Magsisimula pamaya-maya ang kumbensiyon tungkol sa pagpapabahay sa mahihirap. 4. Ipinagdiriwang ngayon ng Makati ang ika-262 anibersaryo ng kaarawan ni Gabriela Silang. 5. Panauhing pandangal mamaya ang bagong pangulo sa pagkakaloob ng Gantimpalang TOYM. Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa pook na pinangyarihan, pinangyayarihan, o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa. Karaniwang ginagamitan ng pariralang sa/kay ang ganitong pang-abay. Sa ang ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip. Kay o ang maramihan nitong kina, ang ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao. Ang pangngalang pantanging ngalan ng pook o bagay ay pinangungunahan ng sa. Narito ang Ilang Halimbawa: 1. sa + pangngalang pambalana Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.
  • 56 2. Mula pa rin sa alamat na “ Mina ng Ginto,” pumili ka ng nagustuhan mong bahagi at ibuod ito. Salungguhitan ang mga pang-abay na pamanahon at panlunan na nakapaloob dito. Gawin sa papel. 3. Paano nakatutulong ang pang-abay na pamanahon at panlunan sa isang alamat? Isulat ang iyong sagot sa papel. Malinaw na sa iyo ang gamit ng pang-abay na pamanahon at panlunan sa isang salaysay tulad ng alamat, inaasahan ko na ang mga mali mong ideya ay naiwasto na.Higit sa lahat, dapat nabatid mo rin kung paano nakatutulong ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino na minana natin bilang isa sa matatandang uri ng panitikan ng ating lahi. Bukod sa alamat ang isa pang matandang panitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo ay ang mga kuwentong- bayan. Tulad ng alamat, sa iyong palagay, tumutulong din ito sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino na minana natin bilang isa sa matatandang uri ng panitikan ng ating lahi? Sa bahaging ito , muli mong suriin kung paano nakatulong ang pang-abay na pamanahon at panlunan sa isang salaysay upang mabisang maipabatid ang mahahalagang pangyayari sa akda. Basahin at unawain. Ang kinagigiliwang Juan ng Katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa. Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harapan na nakasuot ng magarang kasuotan ng Sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na ginintuang tabak." Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng Sultan."Hindi po ako namatay, mahal na Sultan sapagkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na NAGING SULTAN SI PILANDOK kuwentong -bayan ng Maranaw
  • 57 mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang Sultan. "Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat. "Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok."Hintay," sansala ng Sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang Sultan ng mga Sultan at ang iba ko pang kamag- anak."Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihang walang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang sultan saloob ng isang hawla. "Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi ng Sultan. "Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok."Kapag nalaman po ng iba ang tungkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin doon. Sandaling nag- isip ang Sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang Sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat mlaman ng inyong mga ministro.""Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng Sultan. "Ililihim po natin ang bagay na ito.Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako," ang tugon ni Pilandok. Pumayag naman ang Sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok anghinihingi at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang Sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging Sultan.
  • 58 Ang paggamit ng kaugnay na teksto ay makatutulong upang higit na mapagyaman ang kaalaman at kasanayan sa mga araling pampanitikan at panggramatika. Subukin mong sagutin ang mga susunod na gawain upang mapalalim mo pa ang iyong kakayahang sumuri at umunawa. GAWAIN 1.1.2.i : PALALIMIN ANG KAALAMAN 1. Mula sa binasang akda, patunayan mo na masasalamin sa kuwentong- bayan ang kultura, tradisyon, kaugalian, at kalagayang panlipunan ng isang pangkat ng mamamayan sa Pilipinas. Mahusay! Madali mong natukoy ang kultura, tradisyon, kaugalian, at kalagayang panlipunan sa akdang iyong binasa. Marahil ay iyo nang naba- batid na sa tulong ng panitikan ay maaari mong masilip ang ating nakaraan. 2. Sa kasalukuyang panahon, sino ang maituturing mong Pilandok? Bakit? Isulat sa papel ang iyong sagot. 3. Paghambingin mo ang alamat at kuwentong- bayan batay sa mga katangiang taglay ng mga ito bilang akdang pampanitikan. Kultura at Tradisyon Kaugalian Kalagayang Panlipunan Naging Sultan si Pilandok ALAMAT KUWENTONG BAYAN PagkakatuladKatangian Katangian
  • 59 Mabisa mo bang napaghambing ang dalawang akdang pampanitikan ? Natitiyak kong nakatulong ang ginawa mong paghahambing upang higit mong ma-pahalagahan ang mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Katutubo. 4. Bumuo ka ng isang kuwento na magtatampok ng natatanging kultura, tradisyon, kaugalian o kalagayang panlipunan ng inyong bayan sa kasalukuyan. Gawin sa papel. Alam kong ang iyong kaalaman ay napagyaman na sa tulong ng sinagutan mong mga gawain. Higit sa lahat, batid kong nakatulong ang araling ito upang tumibay ang iyong pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo . Binabati kita at nagawa mong lampasan ang mga gawain.Ngayon, alam kong sapat na ang iyong kaalaman at kasanayan upang maisakatuparan ang inaasahang produkto para sa araling ito. Pag-aralan mo ang sitwasyon. Sitwasyon: Ang araw ng pagkakatatag ng inyong pamahalaang lungsod ay nalalapit na. Kaya naman bilang paghahanda, ang lahat ng punong barangay ay ipinatawag ng inyong mayor upang ibahagi ang mahalagang impormasyon hinggil sa gaganaping pagdiriwang. Ayon kay mayor, ang lahat ay kailangang lumahok sa paligsahan sa pagbuo ng infomercial para sa paksang “ Bayan ko… Ipinagmamalaki ko”. Kaya, ikaw bilang punong barangay sa inyong lugar ay inatasang maghanda sa nabanggit na paligsahan. Ang pagtatanghal ng infomercial ang pinakatampok na gawain sa pagdiriwang. Inaasahan na sa araw na iyon ay darating ang mga piling panauhin tulad ng DILG secretary, congressman at mayor mula sa iba’t ibang lungsod.Ang infomercial ay matataya sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan. a. Nilalaman b. May kaugnayan sa paksa c. Pagiging masining d. May orihinalidad e. Batay sa pananaliksik f. Tapat
  • 60 Natutuwa ako at nagawa mong maisakatuparan ang Inaasahang Produkto para sa araling ito. Batid ko na lahat ng konsepto sa araling pampanitikan at panggramatika na iyong natutuhan ay mananatili at mapauunlad mo pa. Ngayon, alam ko na handa ka na sa pagkilala sa bagong aralin. Subalit bago mo ito pag-aralan , subukin mo munang sagutin ang sumusunod na tanong. May paborito ka bang superhero? Anong katangian niya ang iyong nagustuhan? Maituturing mo ba siyang bayani ng iyong buhay? Marahil ay nagtataka ka kung ano ang kaugnayan ng aking mga tanong sa susunod na araling iyong pag-aaralan. Kaya, simulan mo nang silipin ang mundo ng epiko nang sa gayo’y higit mong maunawaan ang mga kaisipan/ konseptong nakapaloob dito. Huwag mong hayaang mawala ang iyong sigla sa pag-aaral dahil alam kong ang susunod na aralin ay tulad ng alamat, maipagmamalaki mo ito bilang bahagi ng panitikan ng iyong lahing pinagmulan. Aralin 1.1.3: EPIKO Matapos mong maunawaan ang katangian at kahalagahan sa buhay ng mga Pilipino ng ilang sinaunang panitikan, sa bahaging ito ay iyong makilala ang isa pang itinuturing na maipagmamalaking matandang panitikan – ang epiko. Kung nais nating mabakas ang kasaysayang may kaugnayan sa kalinangan ng ating lahi at nais nating matagpuan muli ang ating mga sarili ay napapanahon na upang balikan at pagtuunan ng pansin ang ating mga epiko. Bagama’t ito ay nalikha batay sa kababalaghan at nagtataglay ng mga di- kapani-paniwalang pangyayari, kasasalaminan ang epiko ng kultura ng rehiyong pinagmulan nito na tunay na maipagmamalaki. Ang araling ito ay tutulong sa iyo upang maunawaan mo kung bakit napabilang ang epiko sa matatandang uri ng panitikan na nananatili pa rin sa kasalukuyan. Sa kabuuan ng iyong pag-aaral sa araling ito, ikaw ay inaasahang makabubuo ng biopoem na nagtatanghal ng karaniwan o simpleng mamamayan na nakagawa ng kabayanihan sa kaniyang kapwa.
  • 61 GAWAIN 1.1.3.a: LARAWAN NG KABAYANIHAN Bago natin paunlarin ang iyong kaalaman sa ating tatalakayin, nais kong subukin muna ang dati mo nang alam sa paksang pag-aaralan natin . Kilalala mo ba ang mga nasa larawan? Kung gayon sagutin mo ang mga tanong tungkol sa kanila. a. Ano ang iyong pagkakakilala sa kanila bilang mga tauhan? b. Ano ang mga katangian nila na ‘di makikita sa karaniwang tao? c. Maituturing ba silang mga bayani? Bakit? Alam mo ba na noon pa man ay may kinikilala na ang ating mga ninuno na tulad ng mga Pinoy Superhero sa kasalukuyan? Matatagpuan sila sa ating mga epiko. Itinuturing sila bilang mga bayani ng kani-kanilang rehiyon. Tatalakayin sa araling ito ang mga katangian ng epiko upang iyong maunawaan ang kabisaan nito bilang akdang pampanitikan. Gayundin ang kahalagahan ng paggamit ng mga pang-abay na pamaraan upang maging tiyak at malinaw ang isinasaad ng kilos ng mga tauhan sa bawat pangyayari ng epiko. Mga Gabay na Tanong: 1. Paano lumaganap ang epiko sa Pilipinas mula noong Panahon ng Katutubo hanggang sa kasalukuyan? 2. Paano naiiba ang epiko sa iba pang akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo? 3. Paano nakatutulong ang paggamit ng mga pang-abay na pamaraan sa kilos ng tauhan sa mga pangyayari sa isang epiko? Patunayan. Ang mga larawan ay hinango sa http://www.google.com.ph/search
  • 62 GAWAIN 1.1.3.b : MAIKLI LANG…SUBUKIN MO Bago tayo magsimula sa ating pag-aaral, sagutin mo muna ang mga tanong na nakatala sa itaas sa pamamagitan ng pagsulat ng Five - Minute Essay. Huwag kang matakot na ibahagi ang iyong kaalaman sapagkat sa pamamagitan ng iyong mga sagot ay malalaman ng modyul na ito ang antas ng iyong kaalaman sa paksa. Batay sa iyong naging sagot, naniniwala ako na hindi ka mahihirapan sa mga gawaing inihanda ko para sa araling ito. Ang layunin mo sa bahaging ito ay malinang at mapaunlad ang iyong kaalaman tungkol sa kahulugan, katangian, at kahalagahan ng epiko bilang akdang pampanitikan. Tuklasin mo rin kung bakit napabilang ang epiko sa matatandang uri ng panitikan na nananatili pa rin sa kasalukuyan. Ngunit bago natin talakayin ang mahahalagang konsepto ng aralin, alamin muna natin kung paano umusbong ang epiko bilang akdang pampanitikan sa ating bansa. Basahin at unawain. Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko Ang epiko ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil ang mga tagpuan ay pawang kababalaghan at di-kapani-paniwala. Isang kuwento ito na punong-puno ng kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko. Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong "epos" na nangangahulugang salawikain o awit. Isa itong mahabang salaysay na anyong patula na maaaring awitin o isatono. Hango ito sa pasalin-dilang tradisyon tungkol sa mga pangyayaring mahiwaga o kabayanihan ng mga tauhan. Layunin nitong pukawin ang isipan ng mga mambabasa sa pamamagitan ng nakapaloob na mga paniniwala, kaugalian at mithiin ng mga tauhan. May nagsasabing ang epiko daw ay hango sa pangalang Kur, isang lalaki na kinuhang manunulat ng mga Español sa kanilang kapanahunan dahil sa kaniyang likas na pagiging malikhain at matalino. Lahat ng kaniyang isinulat
  • 63 ay tinawag niyang epikus, na di kalaunan ay tinawag ng mga Español na epiko na ang ibig sabihin ay “ dakilang likha”. Ang epiko ay mahabang salaysay. Ito ay karaniwang inaawit o binibigkas nang patula. Kadalasan itong salaysay tungkol sa mahiwagang pangyayari o kabayanihang kinapapalooban ng mga paniniwala, mga kaugalian, at mga huwaran sa buhay ng mga sinaunang mamamayan ng isang bayan. Sa Pilipinas, popular ang tinatawag na epikong bayan o folk epic. Ayon sa mga mananaliksik ng katutubong panitikan, may kani-kaniyang matatanda at mahahabang salaysay na patula ang iba’t ibang pangkating etniko sa Pilipinas. Sa labas ng Katagalugan, mayroong mga popular na tulang pambayan, o mga tulang epiko, bago pa man dumating sa bansa ang mga banyaga. Kilala sa mga Iloko ang epikong Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam- ang). Ito ay isinulat ng makatang si Pedro Bukaneg na sininop at pinag- aaralan pa rin hanggang sa kasalukuyan. Sa Bicol naman ay tanyag ang epikong Ibalon na ang orihinal na sipi sa wikang Bicolano ay iningatan ni Padre Jose Castaño noong ika-19 dantaon. Gayundin ang epikong Handiong ng mga Bicolano na batay naman sa mga bagong pananaliksik ay likha ng isang paring Español at hindi sa bibig ng mga katutubo. Sa Visayas naman nagmula ang epikong Maragtas, at sa Mindanao ang pinakamahabang epiko sa Pilipinas na Darangan. Nakapaloob sa Darangan ang kilalang mga epikong Prinsipe Bantugan, Indarapatra at Sulayman at Bidasari. Ang mga kapatid naman natin sa CAR (Cordillera Administrative Region) partikular sa Ifugao ay may ipinagmamalaki namang Hudhud at Alim. Sa nakaraang ikadalawampung siglo, isa-isang naitala ng mga mananaliksik at dalubhasa ang marami pang epikong- bayan mula sa iba’t
  • 64 ibang dako ng bansa. Ayon sa kanila, nauuri ang epikong nasusulat ayon sa kasaysayan ng lugar na kinatagpuan nito. Halimbawa, nasa pangkating Kristiyanong epiko ang Lam-ang at Handiong, samantala, nasa pangkating Muslim naman ang mga epikong Bantugan, Indarapatra at Sulayman, Parang Sabil at Silungan. Ibinilang naman sa pangkating Lumad (di-Kristiyano at Muslim) ang Ullalim ng Kalinga, Hudhud at Alim ng Ifugao, Labaw Donggon ng Hiligaynon, Hinilawod at Agyu ng Mindanao, Kudaman ng Palawan, Tuwaang ng mga Bagobo, Ulod, Sambila, at Guman ng Bukidnon, at marami pang iba. Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang epikong-bayan. Bukod sa nagiging aliwan ang epiko, ito ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at pangkultura. Ginagamit ito sa mga ritwal at pagdiriwang upang maitanim at mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno. Pagkatapos mong basahin ang kaligirang pangkasaysayan ng epiko, paano mo pahahalagahan ang epiko bilang bahagi ng panitikan ng ating lahi? Sa susunod na bahagi ng ating pag-aaral, makababasa ka ng isang halimbawa ng epiko. Suriin mo kung ano ang mahahalagang katangian nito nang sa gayo’y maunawaan mo kung bakit nananatili pa rin ito bilang isa sa matandang panitikan ng ating bansa. Pansinin mo rin kung paano nakatulong ang paggamit ng mga pang-abay na pamaraan sa malinaw na paglalarawan ng kilos ng bawat tauhan na nakatulong upang maging malinaw ang daloy ng mga pangyayari sa epiko. Basahin at unawain.
  • 65 Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang. Tinawag niya ang kaniyang kapatid na si Bai. Lumapit si Bai, at ito ay nagdala ng nganga. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga. Sinabi ni Tuwaang na may dalang mensahe ang hangin na pinapapunta siya sa kaharian ni Batooy, isang bayani sapagkat may dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi siya nakikipag-usap sa mga kalalakihan doon, kaya pinatawag ng isa sa mga kalalakihan ang hangin para ipatawag si Tuwaang. Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Kinakabahan si Bai sa maaaring mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero hindi nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad-agad na naghanda si Tuwaang at isinuot ang kanyang mga armas. Kinuha niya ang kaniyang sibat at kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan. Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng Pangavukad. Sinamahan siya ng binata ng Pangavukad sa kaniyang paglalakbay. Sila’y nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng dalagang nagbalita sa kaniya at kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni Tuwaang na nakalawit. Nagsalita ang dalaga at nakilala na nila ang isa’t isa. Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas siya at nagtatago mula sa Binata ng Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap. Gusto siyang pakasalan ng binata ngunit tinanggihan niya ang alok. Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang dalaga saan man siya mapadpad at sinunog niya ang mga bayan na
  • 66 pinagtataguan ng dalaga, kaya naghanap ang dalaga ng pagtataguan sa mundong ito. Pagkatapos magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang Binata ng Pangumanon, balot ng apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa kaharian ni Batooy. Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang mga sandata. Ngunit magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang kanilang mga sandata. Tinawag ng Binata ng Pangumanon ang kaniyang patung, isang mahabang bakal. Ito’y kaniyang ibinato at pumulupot kay Tuwaang. Lumiyab ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang kaniyang kanang bisig at namatay ang apoy. Tinawag ni Tuwaang ang kaniyang patung at ibinato sa binata. Lumiyab ito at namatay ang binata. Pagkatapos ng labanan ay binuhay niya ang mga namatay na tauhan gamit ng kaniyang laway. Dinala niya ang dalaga sa kaniyang bayan sakay ng kidlat. Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa kaniyang panginip na darating si Tuwaang sa Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang ang Gungutan na sumama sa paglalakbay niya; tinanggap naman ito ng Gungutan. Tumuloy na sila sa paglalakbay. Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang Binata ng Panayangan, na nakaupo sa gintong salumpuwit, ang Binata ng Liwanon, ang Binata ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki, at kaniyang 100 pang tagasunod. Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin ang mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang bisita) ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na may pulang dahon (mga bayani) sa okasyon. Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamag-anak ang mga savakan (mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na pagkain na inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng
  • 67 babaeng ikakasal, hanggang may naiwang dalawang hindi mabayaran. Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang dalawang bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong bansi (o gintong plawta) sa pangalawang bagay. Lumabas ang Dalaga ng Monawon, ang dalagang ikakasal para magbigay ng nganga sa lahat ng bisita. Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng panauhin ng nganga, umupo siya sa tabi ni Tuwaang. Nagalit ang Binata ng Sakadna. Hinamon ng binata si Tuwaang sa labas ng bahay. Ang Gungutan, samantala ay nakapatay na ng mga kasama ng binata hanggang sa anim na lang ang natira. Nagkipaglaban ang dalawa sa anim na kalaban hanggang ang natira na lamang ay si Tuwaang at ang Binata ng Sakadna. Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa at nakita niya ang isa sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad sa mundo ang binata at itinapon naman si Tuwaang sa mundong ilalim, kung saan nakita rin ang tagapagbantay rito. Nalaman ni Tuwaang ang kahinaan ng binata, at pagkalabas niya roon, kinuha ang gintong plawta na nagtataglay ng buhay ng binata. Dahil mas ginusto ng binata na mamatay kaysa mapabilang sa kampon ni Tuwaang, sinira ni Tuwaang ang plawta at ang binata ay unti-unting namatay. Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari habambuhay. Ang akdang iyong binasa ay nagpapatunay na ang panitikang Pilipino ay kasasalaminan ng kultura, tradisyon,kaugalian, at kalagayang panlipunan noong panahong naisulat ito. Upang higit na mapagtibay ang ideyang ito, subuking sagutin/gawin ang mga inilaang gawain ng modyul na ito.
  • 68 GAWAIN 1.1.3.c : Paglinang ng Talasalitaan Bigyan mo ng kahulugan ang mga salitang ginamit sa akda upang higit mong maunawaan ang nilalaman nito. Isulat ang sagot sa papel. _______________ _________________________ ____________________ _____________________ _ ____________ Malaking tulong ang ginawa mong pagsasaliksik sa mga salitang ginamit sa akda upang ang mga ito ay mabigyan mo ng kahulugan. Hindi ba’t nakatulong ito upang madali mong maunawaan ang nais ipabatid ng akda gayundin ang kahalagahan ng mga ito sa pamumuhay ng isang pangkat- etniko? GAWAIN 1.1.3.d : SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA Sa bahaging ito, mabibigyan mo ng pansin ang kahalagahan ng epiko bilang akdang pampanitikan. Mapagtitibay mo kung tunay nga itong kasasalaminan ng kultura, tradisyon, uri ng pamumuhay at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino noong panahong naisulat ito. 1. Isa sa mga katangiang taglay ng epiko ay ang pagkakaroon nito ng mga pangyayaring may kababalaghan. Isa-isahin ang mga kababalaghang nakapaloob sa binasang epiko. Pagkatapos, sagutin mo ang tanong: “Sa iyong palagay, paano nakatulong ang nasabing kababalaghan upang makilala ang mga tauhan? “ Gamitin mo ang dayagram sa iyong pagsagot.Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. patung sinaunang gong gintong salumpuwit nganga gintong bansi
  • 69 Ang paglalahok ng mga pangyayaring di-kapani-paniwala o kababalaghan sa epiko ay sinasabing nakapagpapakita ng pagka- Pilipino. Hindi ba’t bahagi na ng iyong pagka-Pilipino ang maniwala sa anting-anting, gayuma, pamahiin, at iba pa? 2. Suriin mong mabuti ang pangunahing tauhan. Batay sa mga detalye at pangyayaring nakapaloob sa epiko, bumuo ka ng Character Profile tungkol sa pangunahing tauhan . TUWAANG Mga Kababalaghan Para sa akin, nakatulong ang mga kababalaghan sa epiko sa pagkilala ng mga tauhan sapagkat ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Pangalan:___________________________________________ Edad: ____________________________________________ Tirahan: __________________________________________ Hilig: ____________________________________________ Katangian:_________________________________________ Kakayahan:_________________________________________ Pangarap: ________________________________________ Misyon: _______________________________________
  • 70 Naunawaan mo na ba kung bakit itinuturing na bayani sa kani- kanilang pook ang pangunahing tauhan sa epiko? Katanggap-tanggap bang maituturing ang katangiang taglay ng pangunahing tauhan upang kilalanin siya bilang bayani? Ang susunod na gawain ay makatutulong sa iyo upang maging ganap ang iyong pag-unawa sa kabayanihan ng bawat pangunahing tauhan sa epiko. 3. Bumasa ka ng isa pang halimbawa ng epiko. Suriin mo ang katangian ng pangunahing tauhan. Pagkatapos, gumawa ka ng paghahambing sa mga pangunahing tauhan ng epikong iyong binasa at epikong “ Tuwaang”. Gumamit ng Venn Diagram. Gayahin ang pormat sa papel at doon isulat ang sagot. 4. Ano ang mga pangyayari na nagpapatunay na ang akdang binasa ay epiko ng mga Bagobo? Isa-isahin ito. Madali mong makikilala ang isang epiko kung saang rehiyon ito nabibilang dahil sa kultura at tradisyong nakapaloob dito. Sa epikong iyong binasa, nakilala mo ba nang bahagya ang mga Bagobo? Tuwaang A C Tauhan sa ibang epiko B A at B: Pagkakaiba C: Pagkakatulad TUWAANG Epiko ng mga Bagobo Mga Patunay
  • 71 Ugnay-Panitikan 5. Matapos mong sagutin ang mga naunang gawain, sa iyong palagay, ano ang mga katangian ng epiko upang matukoy ang kaibahan nito sa iba pang akdang pampanitikan ? Ipaliwanag. Sa tulong ng mga gawain na iyong isinagawa, sa tingin ko, unti-unti mo nang nakikita ang kasagutan sa mahalagang tanong na ” Bakit nagpatuloy ang paglaganap ng epiko mula Panahon ng Katutubo hanggang sa kasalukuyan? At upang maging matibay ang iyong pag- unawa sa araling pinag-aaralan, bigyan mo ng pansin ang mahahalagang impormasyon . Alam mo ba na ... EPIKO Dala ng mga ninunong nandayuhan sa Pilipinas ang mga epiko. Mahabang tulang pasalaysay ito tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan. Naglalaman ang epiko ng mga pangyayaring di kapani- paniwala. Mga Anda ng Epiko: 1. Ang pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan sa sariling tahanan. 2. Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng pangunahing tauhan. 3. Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang minamahal. 4. Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan. 5. Patuloy na pakikidigma ng bayani. 6. Mamamagitan ang isang bathala para matigil ang labanan. 7. Ang pagbubunyag ng bathala na ang naglalaban ay magkadugo. 8. Pagkamatay ng bayani. 9. Pagkabuhay na muli ng bayani. 10. Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan. 11. Pag-aasawa ng bayani. Kung magpopokus sa tatlong punto: ang paulit-ulit na paksa atema, ang pagsasalarawan ng mga lalaking bayani, at ang mga pangunahing babaeng karakter sa istorya; ating makikita kung paano naipakikita ng epiko ang kultura ng isang pangkat ng tao.
  • 72 Ang Paulit-ulit na Paksa o Tema katapangan at pakikipagsapalaran ng bayani mga supernatural na gawa ng bayani pag-ibig at romansa panliligaw – pag-aasawa – pagbubuntis – mga yugto ng buhay kamatayan at pagkabuhay pakikipaglaban at kagitingan ng bayani kayamanan, kaharian at iba't ibang mga kasiyahan o piging mga ritwal at kaugalian ugnayan ng magkakapamilya Ang Lalaking Bayani Sa pagbabasa ng mga epiko, agad na makikita ang katangian ng isang bayani. Karamihan sa kaniyang mga katangian ay mauuri sa alinman sa sumusunod: pisikal, sosyal, at supernatural. Maaari ding isama ang kaniyang intelektwal at moral na katangian Ang Pangunahing Babaeng Karakter Ang pangunahing babaeng karakter ay kadalasang ang babaeng iniibig ng bayani o maaari rin namang tinutukoy rito ang kanyang ina. Sa tulong ng mga impormasyon na iyong nalaman tungkol sa paksa, naniniwala ako na nadagdagan ang iyong kaalaman at lumawak pa ang iyong pag-unawa sa aralin. Nais kong suriin mo ang mga pangyayari sa epikong iyong binasa. Nailarawan ba nang tiyak ang mga pangyayari sa nasabing epiko? Malaki ba ang ginampanang papel ng pang-abay na pamaraan upang maging tiyak ang mga pangyayari sa epiko? Subukin mong sagutin ang kasunod na mga gawain nang sa gayo’y iyong matukoy ang sagot sa mga tanong. Ilang Epiko sa Pilipinas Biag ni Lam-ang- Ilokos Maragtas- Bisaya Bantugan- Mindanao Hudhud - Ifugao Darangan – Muslim
  • 73 GAWAIN 1.1.3.e : PAGSUBOK SA KASANAYANG PANGGRAMATIKA 1. Pansinin mo ang mga salitang nakasulat nang nakahilig sa loob ng pangungusap. Ano ang gamit nito sa mga salitang nagsasaad ng kilos? Naglalarawan ba ito o nag-uugnay? Isulat ang sagot sa sagutang papel. Sa bahaging ito, nakilala mo ang pang-abay na pamaraan sa pamamagitan ng relasyon nito sa kasamang pandiwa. Bukod sa impormasyong ito, paano mo pa kaya makikilala ang pang-abay na pamaraan. Subukin mong sagutin ang susunod na mga gawain upang higit na mapagyaman ang iyong kaalaman sa araling panggramatika . 2. Punan mo ng angkop na salita ang patlang ayon sa iminumungkahi ng larawan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. a. Sila ay _________na sumakay sa b. Sila’y_______ na nakarating sinalimba at pumunta sa tahanan ni Batooy. sa Katuusan, kung saan lupa ito nang walang kamatayan. 1.Agad-agad na naghanda si Tuwaang 2.Naghanda nang mabilis si Tuwaang para sa kaniyang paglalakbay. 3. Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata. 4. Ang binata ay unti-unting namatay. Ang kaugnayan ng mga salitang nakahilig sa pandiwa ay ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ __________________ ____________________ ___
  • 74 c.________ tinanggap ni Gungutan d._______na nakipaglaban si ang alok ni Tuwaang na maglakbay. Tuwaang. Nakatulong ba ang ang mga larawan upang madali mong makilala at magamit ang mga pang-abay na pamaraan? Subukin mong sagutin ang susunod na gawain upang higit pang mataya ang antas ng iyong pag- unawa sa araling ito. 3. Punan mo ng angkop na pang-abay na pamaraan ang bawat patlang upang mabuo ang mga pahayag na ginamit sa usapan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat sa sagutang papel. Jewill : Hoy Emil! Bakit nandito ka na sa labas? Di ba hindi pa ninyo uwian? Emil : Maaga kaming pinauwi. Kaya tingnan mo, ________nang naglalabasan ang aking mga kamag-aral. Jewill: Ganon ba? Akala ko nag-cutting classes ka dahil nakita kitang _______ na lumalabas mula sa inyong silid-aralan. Emil : Hihintayin ko kasi dito ang kaibigan kong si John. Jewill: Bakit ? Emil : Pupunta kasi kami sa silid-aklatan para magsaliksik tungkol sa epiko. ________ nagturo kanina ang aming guro sa Filipino kaya naman nais naming ipakita ang aming pananabik sa kanyang leksiyon. Jewill: Naku... ______ na tinanong ni Gng. Gomez ang kanyang klase kanina dahil kaunti lang daw ang nakagawa ng takdang-aralin. Kaya , husayan ninyo.
  • 75 Emil : Talaga? Kailangan talaga naming magsaliksik. Maraming salamat. O paano? _________ na kaming aalis. Paalam. Mula sa isinagawang pagsasanay, naging malinaw na ang kilos ay inila-larawan o binibigyang-turing ng pang-abay. Kapag ang inilarawan ay ang paraan kung paano ginawa ang kilos , ito ay pang-abay na pamaraan. Upang lubos mong maunawaan ang tungkol dito, basahin mo ang susunod na bahagi. Alam mo ba na ... ANG PANG-ABAY NA PAMARAAN Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa. Dalawa ang panandang ginagamit sa pang-abay na pamaraan: (1) ang panandang nang at (2) ang na/ng. Narito ang mga halimbawa: 1. Kinamayan niya ako nang mahigpit 2. Natulog siya nang patagilid. 3. Bakit siya umalis na umiiyak? 4. Lumapit ditong tumatakbo ang bata 5. Naluluha siya nang nagpasalamat. Naging malinaw ba sa iyo na sa tulong ng mga pang-abay na pamaraan ay naging tiyak ang detalye ng kilos ng bawat tauhan? Sa iyong palagay, nakatulong ba ang mga ito upang maunawaan ang daloy ng mga pangyayari sa akda? Ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa araling ito ay makatutulong upang higit mong mapalalim ang iyong pag-unawa sa araling tinalakay. sabay-sabay isa-isa pagalit dahan-dahan ganadong-ganadong Ugnay-Wika
  • 76 Ang bahaging ito ng aralin ay tutulong upang mataya ang lalim ng iyong pag-unawa sa mga konseptong natutuhan.Sa bahaging ito ay makakikilala ka ng kaugnay na teksto na iyong magiging gabay sa ganap na pagkatuto. Mahalagang maiugnay mo ang mga konseptong natutuhan sa araling pampanitikan at panggramatika. Gayundin, magiging kapaki- pakinabang ang tekstong babasahin kung iyong mailalapat ang mga natutuhan . Basahin at unawain. Ang kakaba-kabang dibdib ni Mang Ibiong ay napanatag nang kaunti. Nang makakain si Mang Ibiong, siya ay kinausap ng Presidente. “ Mang Ibiong, ano po ba ang aming pagkakasala sa inyo at kami’y ayaw ninyong bigyan ng pagkakataong makapagpulong sa pook ng Felix Huertas?” “Ako po ay isang mahirap na tao, Ginoong Quezon. Lahat po ng aking pagsisikap ay aking ginawa upang mahango ko ang aking pamilya sa pagdaralita.Ako’y lumapit sa pamahalaan. Halos magpalimos po ako upang makapaghanapbuhay. Ang lahat po ng aking pagsisikap ay nawalan ng halaga. Palagay ko po ay walang mangyayari sa aming pamumuhay kung ang pangkasalukuyang partido ay mamamayani,” ang paliwanag ni Mang Ibiong. “ Ganoon ba? Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyo. Ngunit sisikapin kong ikaw ay matulungan. Hintayin mo ang aking sulat kung ikaw ay mabibigyan ng hanapbuhay.” Umalis na si Mang Ibiong. Dinili-dili niya ang pagtanggap sa kanya ng Presidente ng Senado. Siya’y isa lamang hamak, ngunit siya’y tinanggap na parang isang mahal na tao.Ang inaalala niya’y baka ang pangakong hanapbuhay ay mauwi lamang sa pangako. Kung panahon ng kampanya ang mga pulitiko ay sadyang masarap mangako. Hindi pa nakababangon sa kanyang tulugan, si Mang Ibiong ay ginising na ng isang” tao po “. Nagbalikwas siya upang siyasatin kung sino ang napaka-agang panauhin. Sina Mang Basio at Mang Justo pala ay maagang inutusan ng Presidente upang ipagbigay- alam kay Mang Ibiong na maaari na siyang mag-simula sa isang pagawaan sa umaga ring iyon. Napamangha si Mang Ibiong. Hindi niya sukat akalaing ganoon kaagap kung mangako ang Presidente ng Senado. Bahagi ng Si Manuel L. Quezon sa Harap ng Kaaway ni P.S. Vergara
  • 77 GAWAIN 1.1.3.f : PAGPAPALALIM NG IYONG KAALAMAN 1.Isa-isahin ang katangiang taglay ni Manuel L. Quezon batay sa nilalaman ng binasang anekdota. Gawin sa papel. 1. Sa iyong palagay, makahulugan ba ang ginawa ni Manuel L. Quezon para kay Mang Ibiong ? Pangatuwiranan. 2. Batay sa taglay na katangian ng pangunahing tauhan sa epiko at ang katangian na taglay ni Manuel L. Quezon na isinalaysay sa anekdota, ibahagi ang iyong ideya tungkol sa kabayanihan? Ipaliwanag. Isulat ang sagot sa papel. 3. Sumulat ka ng isang karanasan ( maaaring pansarili o sa iba ) na nagpapakita ng kabayanihan. Sikaping maging malinaw ang mga pangyayari sa tulong ng paggamit ng mga pang-abay na pamaraan. Gawin sa papel. Magaling ! Iyong napatunayan na anumang uri ng teksto ang gamitin, kayang-kaya mong mailapat ang mga kaalaman at kasanayan na iyong nalinang. Sa bahaging ito, nais kong balikan mo ang mga ideya at kaalaman na iyong natutuhan sa araling ito. Ipakita mo ang patunay na malinaw mong nabatid ang mahahalagang konsepto na saklaw nito. GAWAIN 1.1.3.g : HULING HIRIT... Sagutin mo ang tanong na - ” Bakit nagpatuloy ang paglaganap ng epiko mula Panahon ng Katutubo hanggang sa kasalukuyan? Makatutulong sa iyong pagsagot ang paggamit ng mga salitang nasa kahon upang maging malinaw ang kaisipan na nais mong ipabatid. kultura at tradisyon kababalaghan pagpapahalaga kabayanihan paraan ng pamumuhay lahing Pilipino
  • 78 Ang layunin mo sa bahaging ito ay ilapat ang mga konseptong natutuhan mo sa araling pampanitikan at panggramatika sa pagbuo ng Inaasahang Produkto. Marami ang nagbunying Pilipino sa naganap na kanonisasyon kay Pedro Calungsod bilang pangalawang santo na nagmula sa ating bansa. Dahil dito, ang namumuno sa inyong barangay ay nagkaroon ng interes na makabuo ng proyekto na magtatanghal sa buhay ng mga karaniwang mamamayan na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa. Ikaw, bilang aktibong opisyal sa inyong barangay ay nagpanukala ng pagsulat ng biopoem upang maisakatuparan ang proyekto na sinang- ayunan ng lahat . Hinikayat ninyong lumahok ang mga mamamayan na nasasakupan ng inyong lugar. Ang magwawaging biopoem ay bibigkasin nang mahusay na mambibigkas ng inyong bayan kung saan panonoorin ng lahat ng mamamayan sa inyong komunidad. Ang biopoem ay matataya sa sumusunod na pamantayan. • Pagkakaugnay sa paksa • Organisasyon ng ideya • Kabuluhan ( Taglay na mensahe) • Pagiging masining • Tapat • May batayan Binabati kita sa matiyaga mong pagsagot sa mga gawain na inilaan sa mga araling ito. Sa bahaging ito, inaasahan na ang lahat ng mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa Panahon ng Katutubo ay nakatulong upang higit mong makilala ang pinagmulan at kultura ng ating lahi sa uri ng panitikang mayroon ito.
  • 79 Pagnilayan at UnawainPagnilayan at UnawainPagnilayan at UnawainPagnilayan at Unawain Nakatutuwang isipin na naipakita mo ang iyong husay sa pag- unawa ng mahahalagang konsepto sa mga araling pampanitikan at panggramatika sa Panahon ng Katutubo. Sa bahaging ito, muli kong susubukin ang iyong kaalaman sa kabuuang aralin upang mataya ko kung nanatili ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan. Gayundin , mahalagang maipamalas mo sa bahaging ito ang iyong kabatiran kung bakit kailangang maunawaan ang mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo tulad ng karunungang-bayan ( salawikain, sawikain at kasabihan ), alamat , at epiko. Subukin mo muling paganahin ang iyong isipan sa tulong ng pagsagot sa sumusunod na gawain: 1. Sa tulong ng mga larawan, sagutin ang sumusunod na tanong. a. Bakit kailangang unawain ang mga akdang pampanitikan na umusbong sa panahon na naisulat ito? b. Paano mapananatili at mapapaunlad ang panitikang minana pa sa ating mga ninuno sa kasalukuyang panahon? Sa bahaging ito, ipakita mo na malaki ang tungkuling ginampanan ng mga araling panggramatika sa mga akdang pampanitikan upang lalong maging mabisa ang paghahatid ng mahahalagang konsepto. Karunungang- bayan Alamat Epiko Panahon ng Katutubo Kasalukuyan
  • 80 2. Paano nakatulong ang mga araling panggramatika sa kabisaan ng mga akdang pampanitikan? a. Dalawang Uri ng Paghahambing Karunungang- bayan b. Pang-abay na pamanahon at panlunan Alamat c. Pang-abay na pamaraan Epiko Balikan muli natin ang Map of Conceptual Change na iyong sinagutan sa unang bahagi ng modyul. Sa pagkakataong ito, sagutin mo ang Pagkatapos Bumasa. Alam ko na malinaw na sa iyo ang mga ideya at konsepto ng kabuuang aralin. Mahalaga ang paggamit ng dalawang uri ng paghahambing sa pagtalakay ng karunungang- bayan upang __________ ang ______________ at _______________ ng salawikain, sawikain at kasabihan. Nakatutulong nang malaki ang paggamit ng mga pang-abay na ___________ at ___________ sa ____________upang mabisang maipabatid ang mga ______________ . Ang paggamit ng mga _________________ sa __________ ay nakatutulong upang maging ____________ ang kilos ng mga _________ sa ganang ganito, magiging ______________ ang daloy ng mga ____________________.
  • 81 ANTICIPATION-REACTION GUIDE Binabati kita! Ipinakita mo ang husay mo sa pagsagot sa mga gawain. Patunay lamang ito na malalim na ang iyong pag-unawa sa mga paksang pinag-aralan. Ipagpatuloy mo ang iyong kahusayan. Alam kong magagampanan mo ang inaasahang pagganap sa pagtatapos mo sa araling ito – Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo. Muli mong gamitin ang mga natutuhang kaalaman at kasanayan sa pagsasakatuparan ng gawain. Bago Bumasa Mga Pangungusap Pagkatapos Bumasa Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Ang damdamin, saloobin, kaugalian, o tradisyon ng lahi kapag naisatitik ay tinatawag na panitikan. Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Kailanman. hindi maaaring magka-ugnay ang panitikan at kasaysayan. Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Ang Pilipinas, bago pa man dumating ang Español ay mayaman na sa panitikan. Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Hindi mababatid sa panitikan ang tunay nating pagkalahi. Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Bago pa man dumating ang Español ay may alpabeto nang ginagamit ang ating mga ninuno Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Ang epiko, alamat at mga karunungang bayan ay nakilala lamang ng ating mga ninuno noong panahon ng Español. Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Napatunayan ng mga Español na ang ating mga ninuno ay hindi mahiligin sa tula, awit, kuwento, bugtong at palaisipan. Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Ang panitikan ay hindi suma-salamin sa panahon kung kailan ito isinulat ito. Sumasang-ayon Di sumasang-ayon
  • 82 IlipatIlipatIlipatIlipat Nananabik ka na bang isagawa ang inaasahang pagganap para sa Aralin 1.1? Nais mo bang masubok ang kahusayan mo sa pagsasakatuparan ng gawain? Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailapat ang natutuhang mga konsepto ng mga araling pampanitikan at panggramatika sa kabuuan ng aralin. Ikaw ay kasalukuyang namamahala ng museo sa inyong lungsod. Isang araw, ikaw ay ipinatawag ng mayor upang ipaalam na may darating na panauhin sa inyong lungsod sa susunod na buwan na dadaluhan ng DILG secretary at ilang local officials ng iba’t ibang lungsod. Nais ng inyong mayor na magpakita ka ng presentasyon para sa mga artifacts at dokumento na nakalagak doon. Kaya naman , ikaw ay inaasahang makabubuo ng timeline ng mga artifacts at dokumento na matatagpuan sa museo. Ang timeline ay kailangang nakabatay sa sumusunod na pamantayan: Organisasyon ( Maayos ang pagkakasunod-sunod ) Mensahe Presentasyon ( Kalinawan, Biswal ) Makatotohanan ( Batay sa Pananaliksik) VII. Pangwakas na Pagtataya (para sa Aralin 1.1) A. Bumuo ng islogan batay sa paksa: (5 puntos) “ Karunungang-bayan, Dunong na Dapat Pinagyayaman”. B. Bumuo ng sarili mong simula at gitnang bahagi batay sa wakas ng alamat. Gumamit ng pang-abay ( panlunan, pamanahon at pamaraan ) sa pagbuo ng dalawang bahagi.Isulat sa papel ang iyong sagot. (10 puntos) Pagkakita sa puno, naalala ni Juana ang brasong ibinaon niya sa lupa doon mismo sa pinagtubuan ng puno. Nasambit niya sa sarili ang pangalan ni Aging. "Ang halamang iyan ay si Aging," wika ni Juana. Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging"na di nagtagal ay naging Saging. Halaw sa Alamat ng Saging
  • 83 C. Sumulat ng maikling talata tungkol sa kabayanihan na dapat ipakita ng isang Pilipino sa kasalukuyang panahon. (10 puntos) Binabati kita at matagumpay mong natapos ang mga aralin sa Panahon ng Katutubo. Ngayong may malawak ka nang kaalaman hinggil sa ating panitikan noong Panahon ng Katutubo, mabuting alamin mo rin ang naging kalagayan ng ating panitikan sa panahon ng mananakop partikular noong Panahon ng Espa ol. Sa iyong gagawing pag-aaral sa susunod na modyul, malalaman mo kung umunlad ang ating panitikan sa panahon ng kanilang pananakop. Makikilala mo rin kung ano ang mga akdang pampanitikan na lumaganap at nakilala sa ating bansa sa Panahon ng Espa ol. Sa pagpapatuloy mo sa susunod na aralin, inaasahan ko na nasiyahan ka sa ating pagtatagpo . Ang lahat na natutuhan mo rito ay maaari mong magamit sa susunod na aralin. Aralin 1.2 : Ang Panitikan sa Panahon ng mga Español I. Panimula at mga Pokus na Tanong Ang mahigit na tatlong daang taong pananakop at paniniil ng mga Español sa ating bansa ang sanhi ng unti-unting pagkakabuo at paglaganap ng damdaming makabayan at mapanghimagsik na mga Pilipino. Nagkaroon ng mga bagong kilusan sa politika at panitikan sa Pilipinas. Ang dating diwang makarelihiyon ay naging makabayan na humihingi ng pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaan at simbahan. Ang naging paksa ng panitikan ay pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan, at pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang magising, magkaisa at maghanda upang matamo ang minimithing kalayaan. At ilan sa mga panitikang lumaganap sa panahong ito ng paghihimagsik ang tatalakayin natin sa modyul na ito. Sa araling ito, matutuklasan mo ang sagot sa sumusunod na tanong sa tulong ng mga araling inilaan ko para sa iyo. 1. Bakit nabago ang paksa ng panitikan sa panahong ito? 2. Anong damdamin ang naghahari sa mga akdang pampanitikan sa panahong ito? 3. Masasalamin ba sa panitikang lumaganap ng panahong ito ang kalagayang panlipunan at kultura ng bansa? Patunayan. Ang Krus ni Magellan sa Cebu, ang sagisag ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
  • 84 II. Ang mga Aralin at Ang Saklaw Nito Narito ang mga aralin na makatutulong upang matamo mo ang pamantayang pangnilalaman sa itaas. ARALIN 1.2 : Ang Panitikan sa Panahon ng ng mga Español Aralin 1.2.1 Panitikan: Dulang Pantanghalan Karagatan Duplo Wika: Mga Eupemistikong Pahayag Aralin 1.2.2 Panitikan: Tula “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio Wika: Mga Pandiwang Ginagamit sa Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin Aralin 1.2.3 Panitikan: Sanaysay “Ang Katamaran ng mga Pilipino” ni Dr.Jose P. Rizal Wika: Pangunahin at Pantulong na Kaisipan III. Mga Inaasahang Kasanayan Ang sumusunod ang kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa pagtalakay mo sa araling ito. Aralin 2 Panahon ng Español Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Nabibigyang kahulugan ang mga makabuluhang salita/matatalinghagang pahayag na ginamit sa akdang napakinggan Nakikinig nang may pag-unawa upang: • mailahad ang layunin ng napakinggan • masagot ang mga tiyak na tanong • maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari Pagsasalita Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang pangwika na makatutulong sa pagtatamo ng pasalitang komunikasyon tulad ng: • mga eupemistikong pahayag • matatalinghagang pahayag
  • 85 Naibabahagi ang sariling opinyon, pananaw, damdamin, at saloobin na may kaugnayan sa paksa Pag-unawa sa Binasa Nasusuri ang ilang uri ng panitikan batay sa mga katangian nito: • karagatan • duplo • tula • sanaysay Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: • pagkilala sa kahulugan ng mga salita kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan talinghaga • pagbibigay ng impresyon sa binasang akda kaugnay ng: paksa/tema tono layon • pagbibigay ng hinuha batay sa: mga ideya/pangyayari sa akda dating kaalaman kaugnay sa binasa • pag-uugnay ng akda sa: sarili kapaligiran ibang tao Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akda ay nakatulong upang maipabatid ang layunin ng may-akda Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang pinag-aralan Pagsulat Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akdang binasa at sa: • pamantayang pansarili o pansariling karanasan • pamantayang galing sa ibang tao o sa ibang babasahin Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa
  • 86 Nagagawang kawili-wili ang panimula ng talata sa isang komposisyon sa pamamagitan ng isang: • kaakit-akit na pahayag • napapanahong sipi o banggit • serye ng mga tanong Nakasusulat ng talata na may wastong paglulugar ng pangunahin at pantulong na kaisipan Nawawakasan ang talata na may pangkalahatang impresiyon sa pamamagitan ng pagtukoy sa: • pangunahing kaisipan • pantulong na kaisipan Tatas Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan sa paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo Nagagamit ang pormal at impormal na Filipino sa komunikasyon ayon sa sitwasyon,pangangailangan at pagkakataon Pakikitungo sa Wika at Panitikan Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot sa mga tanong at puna sa panitikang napanood, nabasa o napakinggan Estratehiya sa Pag-aaral Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral Naipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda Pananaliksik Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian Nailalahad nang maayos ang mga nalikom na impormasyon sa isinagawang pananaliksik Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internet
  • 87 IV. Konseptuwal na Balangkas Narito ang konseptwal na balangkas ng araling ito na makatutulong upang maging gabay mo sa pag-aaral. Marahil ay handang – handa ka na sa ating gagawing pag-aaral. Alamin natin ang tungkol sa ilang akdang pampanitikang lumaganap matapos ang Panahon ng Katutubo, ang Panahon ng mga Español, partikular sa Panahon ng Himagsikan. Ang Panitikan sa Panahon ng Español Panitikan: Dulang Pantanghalan Karagatan Duplo Wika: Mga Eupemistikong Pahayag Panitikan:Tula “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio Wika: Mga Pandiwang Ginagamit sa Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin Panitikan: Sanaysay “Ang Katamaran ng mga Pilipino” ni Dr. Jose P. Rizal Wika: Pangunahin at Pantulong na Kaisipan
  • 88 V. Panimulang Pagtataya Alamin natin kung ano na ang mga alam mo sa araling ito. Basahin at unawain mo ang bawat aytem. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong kaugnay nito. Sikaping sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos mong sagutin ang pagsusulit na ito, makikita mo ang iyong iskor. Itala at tandaan ang mga aytem na hindi mo nasagot nang tama at hanapin mo ang tamang sagot habang pinag-aaralan mo ang araling ito Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot. 1. Bakit tinawag na dulang pantahanan ang duplo? a. Ito ay nilalahukan ng mga kasapi ng pamilya. b. Idinaraos ito sa bakuran o loob ng isang tahanan. c. Ang mga paksa ng pagtatalo ay tungkol sa tahanan. d. Ibinibigay sa ilaw ng tahanan ang gantimpala ng mga kalahok. 2. Ang sumusunod ay pagpapatunay sa angking husay ng mga Pilipino sa pagtula. Alin sa mga ito ang hindi kabilang? a. Ang pagtatalong patula ay ginagamitan ng mga talinghaga. b. Nagpapalitan ng mga katuwiran sa tulong ng tulang may sukat at tugma. c. Ang paksa ay tungkol sa nawawalang loro ng hari. d. Nagtatalo at nagpapalitan ng matuwid sa paraang agaran o walang paghahanda. 3. Sa panahon ng Español, karamihan ng mga akda na binabasa o itinatanghal man ay tungkol sa mga santo/santa. Nagsisimula ito sa panalangin. Samakatuwid, ano ang ibig sabihin nito? a. Iniangkop sa panitikan ang relihiyon. b. Likas na relihiyoso ang mga Pilipino. c. Mahilig sa mga pagtatanghal ang mga Pilipino. d. Ibinahagi ng mga Español ang paraan ng kanilang pananampalataya.
  • 89 4. Ano ang tawag sa mga binata at dalaga na naglalaro ng duplo na sila rin ang nagtatalo? a. bilyako/bilyaka b. mambibigkas c. manunula d. prinsipe/prinsesa 5. Si Alex ay mag-aaral sa Baitang 8. Mahilig siyang sumulat at bumigkas ng tula. Paano malilinang sa paaralan ang kaniyang talento sa pagtula? a. Mag-aral ng asignaturang Pamamahayag. b. Dumalo sa mga sa mga seminar-worksyap ng Samahan ng Mambibigkas sa paaralan. c. Laging lumahok sa mga patimpalak ng pagbigkas ng tula. d. Maghanap ng masasalihang samahan ng mga manunula. 6. Pangulo ka ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL)at sa darating na pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito, napag- usapan ninyo ng pamunuan ng inyong samahan na magkakaroon ng paligsahan sa pagtatalong patula gamit ang fliptop. Alam mo na ito ay lubhang kinagigiliwan ng mga mag-aaral na katulad mo sa kasalukuyan. Ano ang pangunahing layunin ng SAMAFIL sa pagdaraos nito? a. Mahikayat na maging kasapi ng SAMAFIL ang lahat ng mag- aaral sa paaralan. b. Mahikayat na lumahok ang mga mag-aaral sa paligsahan. c. Maging bago sa paningin ng mga guro ang fliptop. d. Malinang at maibigan ng mga mag-aaral ang sining ng pagtula. 7. Anong katangian ng mga Pilipino ang taglay sa paggamit ng eupemistikong pahayag? a. tapat c. madaling umunawa b. magalang d. malumanay magsalita 8. Ano ang lumulutang na paksang ginamit ng manunulat sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Himagsikan? a. pag-ibig sa bayan b. mga kaugaliang Pilipino c. pagmamahalan ng pamilya d. pagpupuri sa pamahalaang Espa a
  • 90 9. Paano ipinakita ni Dr.Jose Rizal ang kaniyang pakikipaglaban sa mga Espa ol? a. Nakipag-usap sa kinauukulan. b. Ginamit ang mga akdang pampanitikan upang gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino c. Nangibang-bansa siya upang hikayatin ang kapwa mga Pilipino na magkaisa sa paglaban sa pamahalaang Espa ol. d.Nagtatag ng samahang tutuligsa sa Espa a. 10. Ang karagatan at duplo ay pawang mga akdang pampantikan na nasa anyong________. a. prosa c. pasalaysay b. patula d. tuluyan VI. Yugto ng Pagkatuto AlaminAlaminAlaminAlamin Simulan mo na ang pag-aaral upang sa gayo’y matuklasan mo kung bakit nabago ang paksa ng panitikan sa panahong ito? Anong damdamin ang naghahari sa mga akdang pampanitikan sa panahong ito? Masasalamin ba sa panitikang lumaganap sa panahong ito ang kalagayang panlipunan at kultura ng bansa? Sa tulong ng KWHL Sheet, nais kong bigyan mo ng hinuha ang tanong na nasa loob ng kahon. Sagutin mo muna ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, sagutin mo na ang huling kolum, ang L.
  • 91 K Ano ang alam mo na? (What do you know?) W Ano ang nais mong malaman? (What do you want to find out) H Paano mo makikita ang nais mong maunawaan? (How can you find out what you want to learn?) L Ano ang iyong natutuhan/ naunawaan? What did you learn?) Bilang patunay na naunawaan mo na ang nilalaman ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapagpapahayag ng iyong sariling pananaw, damdamin at saloobin sa kasakuluyang kalagayan ng ating bansa sa masining na paraan. Simulan na ang pagsagot sa mga gawaing inilaan para sa iyong pag-unawa. GAWAIN 1.2.1.a: BAYANITIKAN Ang mga nasa larawan ay ilan lamang sa mga bayaning Pilipino na nagpahayag ng damdamin sa kani-kanilang panulat. Alamin ang damdaming namayani sa kanilang mga isinulat. Gayundin, kung masasalamin ba sa kanilang isinulat ang kalagayan ng bansa sa kanilang panahon? Basahin at unawain ang bawat saknong. Isulat sa sagutang papel ang letra na tutugon sa angkop na akda nang nakalarawang manunulat. Masasalamin ba sa panitikan ang kultura o kalagayang panlipunan ng isang bansa sa panahon at lugar na isinulat ito? Patunayan. Paalam na, Ina, itong Pilipinas, Paalam na, Ina, itong nasa hirap, Paalam, paalam, Inang walang habag, Paalam na ngayon, katapusang tawag. -mula sa Katapusang Hibik ng Pilipinas
  • 92 Jose P. Rizal A B Marcelo H. Del Pilar B Apolinario Mabini C D Emilio Jacinto E Pagpilitan mo ang kasarinlan ng iyong bayan, sapagkat ikaw lamang ang tunay na nakapagmamalasakit sa kanyang kadakilaan at ikatatanghal, palibhasa’y ang kanyang pagdakila ang magdadala sa iyo ng lahat mong kailangan at ang kanyang pagtatanghal ang siya mong kabantugan at kabuhayang walang hanggan. Idalanging lahat yaong nangamatay, nangagtiim hirap na walang kapantay; mga ina naming walang kapalaran na inihihibik ay kapighatian. - mula sa Huling Pahimakas Inaalo ng ina ang anak, idinuyan sa mga bisig at wari bagang ibig bigyan ng lakas ang yayat na katawan niyon na halos takasan na ng buhay. - mula sa Impresiones “Pinupuri ko sila. Sila’y kabataang may pagkakaisa at paninidigan. Dapat silang magsimula: ang kanilang pagtutol ay makatawag na ng pansin. - mula sa Fray Botod
  • 93 Graciano Lopez Jaena F Andres Bonifacio F G Mahusay , kung nasagot mo nang tama ang lahat ng bilang. Kung hindi naman, huwag kang mag-alala at gagabayan ka ng modyul na ito para higit mong maunawaan ang tamang sagot sa bawat tanong. Sa unang aralin, aalamin natin kung paano ipinahayag ng mga Pilipino ang kanilang pananaw, saloobin, at damdamin sa panahong ito. Makatutulong sa iyong pag-aaral ang mga gabay na tanong sa ibaba. Mga Gabay na Tanong: 1. Naniniwala ka ba na ang mga Pilipino mula noon hanggang sa kasalukuyan ay may likas na hilig sa pagtula? 2. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang husay sa palitan ng opinyon at pagsagot sa mga talinghaga? Ang pag-aaral ng akdang pampanitikan anoman ang anyo nito ay naglalayong magbigay ng mabuting bisa sa kaasalan ng tao tulad ng pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa sa pamamagitan ng magandang uri ng pagpapahayag. Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko ay matuto kaya na kumuhang halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan? - mula sa Ang Ningning at Liwanag “Sa cadaquilaang ito, sino kaya sa mundo ang sa caniya’y macacahuad? Huwag na ang sa gawang lumicha, huag na sa pagdudulot ng buhay at kaligayahan, may puso caya baga sa lupang pagmamahal? May puso caya baga sa lupang macapamumuhunan nang buong pag-irog sa iyo cahit sucat nang wala cang igaganti cundi catampalasan? - mula sa Ang Cadaquilaan nang Dios
  • 94 PaunlarinPaunlarinPaunlarinPaunlarin Isa sa itinuturing na matandang anyo ng panitikan ang karagatan at duplo. Tinatawag itong tulang padula sapagkat ang mga ito ay nasusulat nang patula at ginagampanan ng mga tauhan. Tinatawag din itong dulang pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos sa loob ng bahay o bakuran ng namatay. Nagiging parangal din ito sa namatay. Alamin natin kung paano ipinahayag ng ating mga ninuno ang kanilang sariling pananaw, saloobin at damdamin sa kanilang kapanahunan. Gayundin, kung masasalamin ba ang kultura ng mga Pilipino sa mga ganitong uri ng akdang pampanitikan? Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagpapahayag ng iyong sariling pananaw, saloobin at damdamin tungkol sa kaugaliang Pilipino sa kasalukuyan gamit ang wika ng kabataan. Maaari mo nang gawin ang kasunod na mga gawain. GAWAIN 1.2.1.b : PICK-UP LINES… Tunog-Makata Ang paglalaro ng pick-up lines ay nagtatampok sa pagiging malikhain ng kabataan, maging ng nakatatanda sa kasalukuyan. Subukin mong sagutin ang ilan sa pick-up lines na kasunod. Gawin ito sa ikaapat na bahagi ng papel. 1. Bangin ka ba? … Bakit? 2. Kape ka ba? … Bakit? ____________________________________
  • 95 3. Pustiso ka ba? … Bakit? ________________________________ 4.Kumain ka ba ng asukal? … Bakit? _____________________________________ 5. Surgeon ka ba? … Bakit? _______________________________ Marahil ay ganito ang iyong isinagot. 1. Bangin ka ba? Bakit? Nahulog kasi ako sa’yo. 2. Kape ka ba? Bakit? Ninenerbiyos kasi ko sa’yo e. 3. Pustiso ka ba? Bakit? Kasi, I can’t smile without you. 4. Kumain ka ba ng asukal? Bakit? Ang tamis kasi ng ngiti mo. 5. Surgeon ka ba? Bakit? Kasi ikaw lang ang nakapagbukas ng puso ko. Nakatutuwa ‘di ba? Simple pero may dating, sabi nga. Sa ganitong paraan, mabisa mo kayang maipararating sa iyong kapwa ang nais mong sabihin? Paano? Bakit hindi mo subuking gumawa ng sarili mong pick-up lines. Isulat mo ito sa papel. Gayahin ang kasunod na pormat.
  • 96 To... Cc... Subject: SEND Ang iyong ginawa ay ilan lang sa mga paraan kung paano ka makapagbibigay ng iyong pananaw, saloobin at damdamin. Samantala, sa Panahon ng Español, paano nga ba ipinahayag ng mga Pilipino ang kanilang pananaw, saloobin at damdamin? Matutunghayan mo sa susunod na pagtalakay ang mga gawaing nagpapakita ng katangian at paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa nabanggit na panahon. GAWAIN 1.2.1.c : SINING: KARAGATAN AT DUPLO Nais kong unawain mong mabuti ang mga katangian ng karagatan na iyong matutunghayan. Ang Karagatan 1. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula. 2. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat. 3. Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing. 4. Sa larong ito, hindi kinakailangang “sumisid’ sa dagat ang binatang nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing. 5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay. 6. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sarisaring pagkaing-nayon. 7. Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga. 8. Karaniwang isang matanda ang magpapasimula ng laro. 9. Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyan ng dalaga ng talinghaga. 10. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan ng tabong may tandang puti. 11.Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang sagutin ang talinghaga. Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et. al
  • 97 Basahin at unawain. Ang iyong mababasa ay unang bahagi ng pagtatanghal ng Karagatan ng Sulo ng Inang Wika noong ika-19 ng Disyembre 1967, sa Ika-19 na Pagkakatatag ng Unibersidad ng Manuel L. Quezon. ANG KARAGATAN (May isang mesang nakalagay ang mga paninda-mga garapon ng pagkain at mga de-bote. May dalawang dalaga at apat na binata sa paligid ng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang matanda ang lalapit sa ponda.) Tandang Terong: Humm… tila matagal nang nakasalang ang sinaing ay ‘di pa nagagatungan. Isang Manonood: Kailangang gatungan ang sinaing nang maluto’t tayo’y makakain. Maring: Ang kahoy na panggatong kaya ‘di masindihan ay higit na marami ang nasa kalan kaysa kailangan. Isa pang manonood: Tama si Maring. Ang isa’y malungkot kaya’t naghahanap; dalawaha’y angkop at siyang anong sarap; ngunit pag nagtatlo’y isa na ang kalabisan.Kung ‘di matiyak ni Neneng kung sino sa kanila ang kakausapin, mga kanayon ano’ng kailangan? Lahat: Tanging paraa’y ang karagatan. Ingkong Terong: Ayos ka na ba, Neneng? Neneng: Tumanggi man po ako’y walang mangyayari. Kagustuhan rin ninyo ang masusunod. Ingkong Terong: At kayong apat? Apat na Lalaki : Opo.
  • 98 Ingkong Terong: Akin na, Neneng ang iyong singsing. (Aabutin sa dalaga ang singsing at ihuhulog sa tubig na nasa garapon). Kayong apat ay magpapalabunutan kung sino ang unang sisisid sa singsing na inihulog ni Neneng. (Palabunutan). At ikaw Berting ang unang sisisid sa dagat ng pag-ibig upang makuha ang singsing. Mga Tao: (Palakpakan) Isang Tao: Pagbutihin mo, binata at si Neneng ay marami nang nailunod na talisuyo sa karagatan. Berting: Magandang gabi sa inyong lahat Mga nariritong kanayon ni Neneng At sa iyo mutya’y muling nagpupugay. Ipinangangakong nahulog mong singsing Aking sisiri’t sa iyo’y ibibigay Tanda ng pag-ibig na walang hangganan. Dahilan sa ako’y siyang nakabunot Ng palitong itong nagpapahintulot Ako ay sumisid sa dagat ng nais At ang iyong singsing ay aking makamit Ay katunayan nang Diyos ang pumili Na ako ngang ito’y siya mong itangi. Sumisid sa singsing na aking hinulog Subalit ‘di upang siyang maging irog Kundi idaan lang muna sa pagsubok Kaya’t sisirin mo ang tanong kong ito At singsing kong ito ay nang maangkin mo Ang singsing na itong linso’t walang bato Turan mo’ng simula at ang dulo nito. Berting: Tila ang bugtong mo’y sinlalim ng dagat Na ‘di matatarok ng isip kong pahat. Kaya’t iyong singsing nais mang makuha Isa pang pagsubok ay hiling ko sinta.
  • 99 Kulas: Ang pagkakatao’y isalin sa iba Nang ‘di masabing ikaw ay buwaya Akong nabunot ng pang-ikalawa Inaangkin hirang kanyang karapatan Sumisid sa dagat ng singsing mong bugtong Na siyang panumbas sa iyong pag-irog. Neneng: Kung gayon, o, Kulas, iyo nang sisirin Ang lalim ng puno’t dulo niyang singsing. Kulas: Singsing, aking Neneng, walang puno’t dulo Mayroon ngang simula at may wakas ito Ang simula’y bilog nito na panloob At ang katapusa’y panlabas na bilog. Ganyan kung gawin, singsing ng pag-ibig Haya’t nasisid ko singsing mong nahulog. Neneng: Iyan ang tanong diyan kay Lamberto Kaya’t heto naman ang para sa iyo; Nang ika’y parito, pamula sa kanto Ilang bahay, Kulas, ang naraanan mo? May ilaw ay ilan, iyo sanang turan Tingnan ko ang tibay pang-alaala mo? Kulas: Salamat Neneng ko’t iyang katanungan Kay daling sagutin kaya’t aking masasabing Ako’y tanging mahal; Heto ang tugon ko: Bahay, pito lamang at sa mga ito’y Aking natandaan, apat ang may ilaw- Ito’y patotoong isip ko’y malinaw. Neneng: Kulas, ika’y mali sa iyong katugunan Kaya’t isasalin itong aking tanong Sa sinong ikatlong sa tubig lulusong At siyang sisisid, sa singsing kong bugtong. Nardo: Ako ang ikatlong dapat subukin mo Kaya’t iyong dinggin ang tugon ko’y: Pamula sa kanto at hanggang sa rito Walang bahay ni ilaw akong natandaan Kundi itong ponda ni Neneng kong mahal.
  • 100 Mga Tao: (Palakpakan at kantiyawan) Neneng: Kung gayon ito naman ay tugunin Pang-una sa ikatlong iyong sasagutin Bakit ba ang tubig sa bilog na mundo Hindi tumatapon walang ligwak ito? Nardo: Sa abot ng isip narito ang tugon: Tubig, bato’t tao, at lahat sa mundo Ay ‘di tumatapon dahil sa ang globo Ay isang malaki’t mabisang magneto; Hinihigop nito ang lahat ng narito At sa kalawaka’y ‘di tayo tutungo. Mga Tao: Magaling! Mabuhay si Nardo! Neneng: Pangalawang tanong,heto na’t pakinggan Paanong buwang sa langit ay tanglaw Aking mahihipo’t mapaglalaruan? Ito’y pangarap nang ako’y musmos pa lamang Kung talagang ako ay sadyang mahal mo Paiirugan mo ang hiling kong ito. Nardo: Salamat, O, Ina, sa pag-aaruga mo, Noong ako’y munti’t pinalalaki mo. Isang paborito’t ibig kong kuwento Ay siyang panugon sa tanong na ito. Sa pamamagitan ng isang salamin Minumutyang buwan ay pabababain Kahit sa kandungan ng mutya ko’t giliw Mapaglalaruang buwang hinihiling. Mga Tao: Magaling! Iyan ang binata namin!... Pakinggan natin ang tanong na ikatlo. Nardo: Ako’y nakahanda sa pangatlong tanong Singsing na nahulog aking sisisirin Sukdang ikapugto ng hiningang tangan Kung puso ng mutya’y aking maaangkin.
  • 101 Neneng: Ako’y nangangamba, ako’y natatakot Na ang huling tanong kaniyang masagot Itong karagatan isang laro lamang Ngunit paglalarong birong totohanan Ayoko na yatang ito ay ituloy Baka sa sagutan ako’y maparool. Ingkong Terong: Ituloy mo, apo, bahala na ako. Neneng: Kung gayon, Leonardo, tugunin mo ito. Kung tayo’y makasal, ay nanaisin ko Na magpulot-gata sa bayang Mindoro Na ating sasakya’y binalsang kawayan Na bigkis ng lubid na pawang hinabi Sa buhanging pino’t ikaw ang pipili. Nardo: Neneng, aking mahal, sadyang mahal kita Kaya’t imposible’y pag-aariin pa Lubid na buhangin, aking pipiliin Kung pababaunan ng aking pagkain Bawat isang linggong kakailanganin Sa ‘sang dahong ipil iyong babalutin. Neneng: ‘Di ba’t ang hiling sa akin nanggaling Bakit ngayo’y ako ang pasusulitin? Nardo: ‘Pagkat paniwalang ‘di ka sinungaling Neneng: Ano ang batayan ng iyong pasaring? Nardo: Salamat kung gayon, mutya ko at giliw Ikaw ay may wikang tapat at matining Nang iyong sabihin tayo’y kakasalin Inakalang tapat ikaw sa paggiliw Kaya’t sa problemang aking Kahati ka sa tuwa’t sa ligaya gayo’y din Ang buhanging lubid ay kaya kong gawin Kung sa hirap nito’y kasalo ang giliw.
  • 102 Neneng: Ayoko’t ‘di tama! ‘Di pala kasal, Ni walang sintahan ay mag-aasawa na. Nardo: ‘Di nga mag-asawa ngunit may pagsinta! Neneng: Ay sayang! Sayang na pag-ibig Sayang ang singsing kong nahulog sa tubig Kung ikaw rin lang siyang sisisid Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig. Tandang Terong: Sa unang pagkakataon ay nagkaganito ang apo ko. Ako ang hahatol. Tama si Nardo. Ang karagata’y simula lang ng kuwento Mula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhik At doon mo ihibik ang iyong pag-ibig. Pepito: (Iiling-iling at magkikibit ng balikat.) Mga Tao: Mabuhay si Ingkong Terong! Mabuhay! Mabuhay ang karagatan, aliwang Pilipino! (Palakpakan) W A K A S Halaw sa Panitikang Pilipino nina Pineda, G.D at Ongoco, T.C Subukin natin ang naging pag-unawa sa iyong binasa? Maaari mo nang sagutin ang kasunod na mga tanong. Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang paksa ng binasang karagatan? 2. Paano ito binigyang-buhay ng mga tauhan? Ano-ano ang papel kanilang ginampanan? 3. Bakit sinasabing hindi kinakailangang “sumisid” ang binatang nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing?
  • 103 4. Ano ang matatalinghagang pahayag na binigkas ni Neneng? Paano tinugon ng mga binata ang kaniyang talinghaga? Itala mo ito sa sagutang papel. Gayahin ang kasunod na pormat. 5. Sa iyong palagay, ano ang angkop na pamagat ng binasang karagatan? 6. Ilahad ang mga pag-uugali o kasanayang napaunlad ng mga Pilipino batay sa larong karagatan? Matutukoy mo kaya ang pagkakatulad at pagkakaiba ng karagatan sa duplo? Tunghayan mo naman kung ano ang duplo. MATATALINGHAGANG PAHAYAG NA BINIGKAS NI NENENG TUGON NG MGA BINATA Alam mo ba na … Ang matalinghagang pahayag ay mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan nito. Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa.
  • 104 Ang Duplo 1. Isa rin itong larong may paligsahan sa pagtula kaya maaari ring mauring tulang patnigan. 2. Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga babae ay duplera. 3. Sila ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag naglalaro na. 4. Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa palad ng sinumang nahatulang parusahan. 5. Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay. 6. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng hari o kaya naman ay magsusumbong ang bilyako sapagkat hinamak ng isang bilyaka. 7. Ginaganap ito sa bakuran ng isang tahanan. 8. Tulad ng karagatan, ginaganap kapag may lamay o parangal sa isang namatay. 9. Nagpapatalas ng isip sapagkat ang pagmamatuwid ay daglian o impromptu. 10. Pinangungunahan ng isang matanda na gaganap na haring tagahatol. Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et al. Narito ang halimbawa ng duplo na sadyang pinaikli at iniangkop sa mag-aaral na tulad mo.
  • 105 ANG DUPLO: Ang Ibon ng Hari Hari: Simulan na ang laro. Bumilang kayo. Mga Bilyaka: Una, Ikalawa, Ikatlo. Mga Bilyako: Una, Ikalawa, Ikatlo. Hari: Tribulasyon! Lahat: Tribulasyon! Hari: Estamos en la Buena composicion.(Titindig) Ang komposisyon ng tanan ay paglalarong mahusay! Ang magulo ay mahalay Sa mata ng kapitbahay. Mga binibini at mga ginoo, Matatanda’t batang ngayo’y naririto, Malugod na bati ang tanging handog ko sa pagsisimula nitong larong duplo. Ang hardin ko’y kubkob ng rehas na bakal, Asero ang pinto’t patalim ang urang; Ngunit at nawala ang ibon kong hirang, Ang mga bilyaka ang nuha’t nagnakaw! Mga Bilyaka: Hindi kami ang nagnakaw. Hari: Sino ang nagnakaw? Bilyako 1: Kagabi po, hari, maliwanag ang b’wan; May isang aninong aking natanaw; Hindi sinasadya, nang aking lapitan Isang babae po, iyang natagpuan. At kitang-kita kong ikinubli niya. Siya’y naririto at nasa tribuna, Nagnakaw ng ibon ay isang bilyaka!
  • 106 Hari: Diyata’t bilyaka? Sino sa kanila? Bilyako 1: Sa unang hanay po. Bilyaka 2: H’wag paniwalaan. Siya’y bulaan! (Magkakaingay) Hari: (Sa lahat) Katahimikan! (Sa Bilyako 1) Mapatototohanan? Bilyako 1: Ako’y nalalaan! Bilyaka 2: Kung kagabi lamang ang sinabi niya, Hindi maaari’t kami’y magkasama; Kami’y namamasyal ng irog kong sinta, Pa’nong mananakaw ang ibon sa hawla? Hari: Kung hindi nga siya, sabihin kung sino At pakaasahang parurusahan ko. Bilyaka 2: Ang nuha ng ibo’y sa ikalawang hanay, Doon nakaupo nang buong hinusay, Walang iba kundi kanyang kasintahan (Ituturo.) Kung hindi ay bakit ipinagsasanggalang? Hari: Pinararatanga’y hindi umiimik, Tila nga may sala’t dila’y nauumid. (Mag-iisip) Sapagkat may sala Heto, palmatorya! (Akmang papaluin) Bilyako 2: Kaiingat kayo, O mahal na hari, Mag-isip-isip ka’t baka magkamali. (Titigil ng pagsasalita bago magpapatuloy) Nalalaman ko po kung sinong nagnakaw. Aking ibubulong kung pahihintulutan. Hari: Nagpapahintulot!
  • 107 Bilyako 2: (Lalapit at bubulong) Hari: Ipakakaon ko, talaga bang tunay? (Siyang pagdating ng abay ng reyna) Abay ng Reyna: Mahal na hari po, ibo’y aking dala, Isasauli ko sa kinunang hawla; Kagabi po ito’y kinuha ng reyna Siya ay nag-aliw sa pangungulila! Hari: Kung gayon ay walang dapat parusahan! Ibalik ang ibon sa hawlang kinunan. Kung uulitin pa’y ipagbibigay-alam Nang huwag ang iba ang mapagbintangan. Aba ng Reyna: ’Pinagbigay-alam sa inyong gward’ya, Baka nalimutan at nalingat siya. Hari: Maraming salamat, bilyaka’t bilyako, Ngayo’y tinatapos itong larong duplo. Paalam sa lahat, salamat sa inyo, Muling magkikita pag naglaro tayo. W A K A S Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et al.
  • 108 Mga Gabay na Tanong: Batay sa mga impormasyong iyong binasa, magiging daan ito upang maunawaan mo na ang mga katangian ng karagatan at duplo bilang mga akdang pampanitikan. 2. Sino-sino ang tauhang gumaganap sa duplo? 3. Paano nilalaro ang duplo? 4. Paano ipinagtatanggol ng mga bilyako at bilyaka ang bawat isa? 1. Tungkol saan ang binasang duplo? 5. Sa iyong palagay, ano-ano ang mabuting epekto ng dupluhan? 6. Makatuwiran pa rin kaya na gawin ang larong duplo sa mga lamay sa patay sa kasalukuyan? Bakit?
  • 109 GAWAIN 1.2.1.d : SURIIN: PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA Batay sa mahahalagang tala na iyong nabasa tungkol sa karagatan at duplo, itala ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito batay sa mga elemento ng mga ito. Gawin sa sagutang papel. KARAGATAN Mga Elemento DUPLO Paksa Mga Tauhan Hakbang ng Pagsasagawa Palitan ng Pangangatuwiran Hatol PAGKAKATULAD 1. Paksa: ___________________________________________________ 2. Mga Tauhan: ______________________________________________ 3. Hakbang ng Pagsasagawa: __________________________________ 4. Palitan ng Pangangatuwiran: _________________________________ 5. Hatol: ____________________________________________________ Mga Gabay na Tanong: 1. Sa tulong ng karagatan at duplo, paano mailalarawan ang mga Pilipino batay sa sumusunod:
  • 110 pagbibigay-parangal sa namatay pag-aliw sa namatayan pagpapahayag ng intensiyon na makapanligaw paraan ng pagpapahayag paggamit ng mga salita Sa pagkakataong ito ay inaasahan kong malinaw na sa iyo ang mga tiyak na katangian ng karagatan at duplo bilang mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Español at naging instrumento ng pagpapahayag ng pananaw, damdamin at saloobin ng mga Pilipino sa panahong iyon.
  • 111 GAWAIN 1.2.1.e: PAGPAPAHAYAG…SARILING REPLEKSIYON Masasalamin pa rin ang katayugan ng pag-iisip at pagiging masining sa pagsasalita na mahalagang sangkap sa pakikipag-ugnayan sa kapwa na bibigyang pansin ng susunod na gawain. Batay sa sumusunod na sitwasyon, paano mo ipahahayag ang iyong panig? SITWASYON SARILING PANIG 1. Nasa elementarya ka pa lamang ay hilig mo na ang maglaro ng aral-aralan dahil pinapangarap mo sa buhay ang maging guro sa hinaharap. Ngayong ikaw ay nasa hayskul na pinaaalalahanan ka ng iyong magulang na kumuha ng ibang kurso. Paano mo sasabihin sa kanila na ang iyong kursong ibig pag-aralan ay pagiging guro? 2. Isa sa mga aktibong organisasyon sa inyong paaralan ang Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL). Hinihikayat ka ng iyong mga kaibigan na sumali sa nasabing samahan ngunit buo na ang iyong pasiya na ikaw ay lalahok sa Ang Tinig, ang opisyal na pahayagang pampaaralan sa Filipino. Ano ang iyong sasabihin sa kanila? 3. Nakatakda kang mag-ulat sa inyong klase sa Araling Panlipunan. Subalit sa araw na iyon ikaw ay nahuli dahil may isang matanda sa kanto na iyong tinulungan. Naramdaman mo ang makahulugang tingin ng iyong mga kaklase. Paano mo ipahahayag ang iyong panig? 4. Madalas kang biruin at tuksuhin ng iyong kaklase na totoo namang ikinaiinis mo. Nais mo siyang kausapin upang patigilin sa ginagawang panunukso sa iyo. Ano ang sasabihin mo sa kaniya?
  • 112 Ugnay-Wika 5. Isa kang mag-aaral na buo ang loob para sabihin ang iyong nadarama sa kaklase man o sa guro. Isa mong bagong kaklase ang iyong hinahangaan. Paano mo sasabihin ang iyong paghanga? Ang iba’t ibang sitwasyon sa buhay ay humahamon sa tao na manatiling maayos sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Napakahalaga ng paggamit ng angkop na salita sa pagsasaalang-alang sa damdamin ng iba. Sadyang ang salitang ginagamit ng tao ay tunay na repleksiyon ng sariling pagkatao. Alam mo ba na maraming paraan para mapaganda at maging katanggap-tanggap ang mga pahayag? Tunghayan mo ang susunod na talakayan. GAWAIN 1.2.1.f.: EUPEMISTIKONG PAGPAPAHAYAG… ISAALANG-ALANG PAGPAPAGANDA NG PAHAYAG Batay sa obserbasyon ang mga Pilipino ay pangkat ng mga tao na mapagpahalaga sa uri ng wika na ginagamit. Pansinin ang sumusunod na impormasyon. 1. Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa: a.paksa ng usapan b.taong sangkot sa usapan c.lugar 2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na nagpapahiwatig lamang. 3. Gumagamit ng talinghaga para ‘di tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita
  • 113 at kinakausap. Sa kalahatan, umiisip ng magagandang salita o pahayag na kilala sa tawag na eupemismo. Ang paggamit ng magagandang pahayag ay naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba. Sa halip na sabihing: Gumagamit ng: 1. patay sumakabilang buhay 2.nadudumi tawag ng kalikasan 3. iniwan ng asawa sumakabilang bahay 4. katulong kasambahay Ang pagsasalita ay isa sa likas na gawain ng tao. Naipakikilala mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng mga salitang iyong ginagamit. Sa layuning hindi makasakit sa damdamin ng iba, sinisikap nating gumamit ng magagandang pahayag. Basahin ang mga salita at sikapin mong tumbasan ang mga ito ng eupemismo. 4. sugarol 1. pakialamero 2. maarte 3. tsimay 5. mayabang
  • 114 Natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa araling ito. Handa ka na sa mga gawaing tutulong sa iyo na palalimin pa ang iyong kaalaman. Sa bahaging ito ng iyong pag-aaral, ang mga gawaing inihanda ay naglalayong pagtibayin ang mga nabuong pag-unawa at kasanayan. Marahil, unti-unti mo nang nakita ang bakas ng nakaraan, ang naging paraan ng mga Pilipino sa kanilang pagpapahayag noon at ang paraan naman ng pagpapahayag sa kasalukuyan. Pareho itong nagpapakita ng bahagi ng kulturang Pilipino. GAWAIN 1.2.1.g: MAGTAGALOG WALANG SAKITAN Subukin mong bumuo ng pangangatuwiran sa paksang nasa loob ng kasunod na graphic organizer. Gamitin ang pamaraang palinya o pataludtod na bubuuin ng lima hanggang anim na saknong. Maaaring may sukat o wala. Gawing gabay ang kasunod na mga saknong. Ang pagtatalo ay isang laro ng isipan Walang sakitan ng katawan pati ng kalooban Ingatan ang salitang bibigkasin at bibitawan Dahil ang totoo’y paksa lang ang pagtatalunan. Subuking sagutin ang isyu ngayon Ako ay nasa panig ng pagsang-ayon Samantalang ikaw ay lubos na di- umaayon Pagkakaiba ng mga pananaw sa mundo’y nagpapayabong. PAKSA Ang paghahanapbuhay ng mga ina ng tahanan ang sinasabing dahilan sa pagkaligaw ng landas ng maraming anak/kabataan. SALUNGATSANG-AYON
  • 115 Sa pagkakataong ito, sinikap mong makapagpahayag nang may sining sa isang paksa. Tulad ng karagatan at duplo, sinikap mong humabi ng mga taludturan na ginamitan ng mga salitang higit na nakabubuti kaysa nakapananakit. Mahusay na napagsama-sama mo ang iyong kaalaman sa tula, paraan ng pagpapahayag at paggamit ng magagandang pahayag. GAWAIN 1.2.1.h: BUUIN: KONSEPTONG NATUTUNAN Dugtungan ang mga pahayag na nagpapakita ng kabuuan ng paksang tinalakay. Ang karagatan at duplo ay mga _________________________________ Ito ay nagpapakita ng _________________________________________ Makikita sa kulturang Pilipino ang _______________________________ Sa pagpapahayag, mahalagang isaalang-alang ang ___________________ Maaaring magkaroon ng pagtatalong _____________________________ Sa kasalukuyan, ito’y yamang ___________________________________ Binabati kita! Pinatunayan mo sa iyong mga sagot na ikaw ay maaari nang sumubok sa pangwakas na gawain.
  • 116 GAWAIN 1.2.1i : NAIIBANG FLIPTOP Marahil ay nakapanood ka na ng fliptop sa telebisyon, sa inyong komunidad, sa youtube, o sa iba pang social networking site. Ano-ano ang iyong napansin? Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang kasunod na pormat. Mga Napansing Positibong Mensahe at Paraan ng Paggamit ng Wika FLIPTOP Mga Napansing Negatibong Mensahe at Paraan ng Paggamit ng Wika 1. 2. 3. 1. 2. 3. Alam mo ba na isa sa kinagigiliwan ng maraming kabataan ay ang pagtatalo gamit ang fliptop? Ito ay isang pagtatalo tungkol sa anumang napapanahong paksa sa paraang makabago. Sinisikap ng magkatalong panig na gumamit ng mga tugmaan at talinghaga upang higit na paghusayan ng magkatunggaling panig gayundin kung paanong hihikayatin ang mga tagapanood na karaniwang nagbibigay ng hatol sa pamamagitan ng kanilang hiyawan at palakpakan. Kaugnay nito, magdaraos ng paligsahan ng fliptop sa inyong komunidad, at ang mga kalahok ay ang kabataan. Bilang paghahanda, ikaw ay gagawa ng iskrip ayon sa paksang ibinigay ng mga tagapamahala. Presentasyon ito upang makapagtanghal at makipagtagisan ka ng galing sa entablado. Ayon sa pamantayan, kinakailangang kakitaan ito ng sumusunod: Pamantayan Bahagdan 1. kabuluhan ng paksa 25 2. kalinawan ng paninindigan 20 3. kahusayan sa paggamit ng mga eupemismong pahayag 25 4. wastong gamit ng mga salita 15 5. ideya ng pagtatalo 15 KABUUAN 100
  • 117 Ngayon ay napagtagumpayan mo ang mga gawain sa paksang karagatan at duplo. Alam kong handa ka na para pag-aralan ang susunod na akda na kinilala sa Panahon ng Español – ang tula. Aralin 1.2.2: TULA Sa araling ito, tatalakayin natin ang isa sa mga tula na umusbong sa panahon ng pananakop ng mga Espa ol. Ito ang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” na isinulat ng ating bayaning si Andres Bonifacio. Tatalakayin natin ang nilalaman at ang sining na tinataglay ng tula bilang isa sa mga anyo ng panitikang Pilipino. Pag-aaralan mo rin ang mga pandiwang magagamit upang higit na maipadama ang ating emosyon o damdamin. Magiging tulong ang kasunod na tanong. Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang kalagayang panlipunan ng Pilipinas sa panahong isinulat ni Andres Bonifacio ang tula? 2. Paano ipinahayag ng may akda ang kaniyang emosyon o damdamin sa kaniyang isinulat na tula? 3. Ipaliwanag kung ano ang nakatulong upang mabisang maiparating ng may- akda sa mga mambabasa ang kaniyang emosyon o damdamin? Bago natin simulan ang pag-aaral, sagutin mo muna ang mga gabay na tanong batay sa iyong nalalaman. Dugtungan ang kasunod na pahayag. Magkasama nating aalamin kung tama ang sagot sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasagawa ng mga gawain sa araling ito. Ang lahat ng iyong matututuhan ay makatutulong upang maisagawa mo nang buong husay ang inaasahang produkto. Bilang patunay na talagang naunawaan mo ang aralin, inaasahang ikaw ay makasusulat ka ng iyong sariling tula na magpapahayag ng iyong damdamin tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng ninyong sariling lugar o ng ating bansa. Mabisang naipahayag ni Andres Bonifacio ang kaniyang damdamin sa pamamagitan ng ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ __________________
  • 118 Ang iyong layunin sa bahaging ito ay mabasa at masuri ang tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” na isinulat ni Andres Bonifacio upang nang sa gayo’y malaman mo kung paano niya ipinahayag ang masidhing pagmamahal sa bayan. Upang lubos mong mapahalagahan ang tula, kilalanin mo muna si Andres Bonifacio. Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kaniyang magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya ng pag-aaral sa Mababang Paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu. Sa gulang na 14, ang kaniyang mga magulang ay namatay kaya napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang nakababata niyang kapatid na babae at lalaki. Bilang hanapbuhay, sinabihan niya ang kaniyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na ititinda niya sa mga lansangan. Dahil sa marunong siyang bumasa at sumulat, naging ahente siya ng Fleming and Company, isang kompanya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda. Subalit ang kaniyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pansuporta sa kaniyang mga kapatid. Lumipat siya sa Fressell and Company bilang ahente. Ipinakita niya ang kaniyang determinasyon at sipag kaya naging matatag siya sa kaniyang trabaho. Dinagdagan niya ang kaniyang kakulangan sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa kakaunting aklat na kaniyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ang buhay ng mga Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses, at iba pa. Nakasulat din siya ng mga artikulo at mga tula at isa na rito ang sikat na “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”.
  • 119 Ang nabasa niyang mga aklat ang naging dahilan upang makaramdam siya ng paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Español. Naitatag din niya ang Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) noong ika-7 ng Hulyo, 1892, kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kaniyang asawa na si Gregoria de Jesus ang naging lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang simulan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya magsimula, ang Katipunan ay natuklasan na ng mga Español. Mahigit sa 1,000 katipunero ang sumama sa kaniya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Dahil sa kakulangan ng mga armas, at kakaunti ang tumulong sa kanila, hindi sila nagtagumpay. Ito ang nagkumbinsi kay Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa isinagawang halalan, si Emilio Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Kalihim. Hindi matanggap ni Bonifacio ang kinalabasan ng halalan. Ginamit niya ang kaniyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan. Lumipat siya sa Naic, Cavite at bumuo ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Dahil ang mga sundalong Español sa pamumuno ni Heneral Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang Cavite, inutusan ni Aguinaldo sina Pio del Pilar at iba pa na pawang binigyan ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang gawain. Si Bonifacio kasama ang kaniyang pamilya ay umalis sa Naic at lumipat
  • 120 sa Indang, pagkatapos ay sa Montalban, Rizal. Nang malaman ni Aguinaldo na si Bonifacio ay nasa Montalban, nagpadala siya ng kaniyang mga tauhan dito upang siya ay arestuhin. Humarap si Bonifacio sa paglilitis dahil sa kaniyang gawain laban sa bagong pamahalan. Binigyan siya ng sentensiyang bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang nagsagawa ng kaparusahan sa kaniya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897. Ibahagi ang iyong naging damdamin pagkatapos mong malaman ang ilang mahahalagang bahagi sa buhay ni Andres Bonifacio. Isulat sa sagutang papel. Gayahin ang pormat na pagsusulatan ng mga sagot. Sa susunod na bahagi ng ating pag-aaral, suriin mo kung masasalamin ba sa tula ni Andres Bonifacio ang buhay at mga karanasan na kaniyang pinagdaanan? Nakaragdag ba ang mga ito upang mabisa niyang maipahayag ang kaniyang emosyon o damdamin sa tulang kaniyang nilikha?
  • 121 Basahin at unawain: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. Pagpupuring lubos ang palaging hangad Sa bayan ng taong may dangal na ingat, Umawit, tumula, kumanta't sumulat, Kalakhan din niya'y isinisiwalat. Walang mahalagang hindi inihandog ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop, dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod, Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot. Bakit? Alin ito na sakdal laki, na hinahandugan ng buong pagkasi, Na sa lalong mahal nakapangyayari, At ginugugulan ng buhay na iwi? Ay! Ito'y ang Inang Bayang tinubuan: Siya'y ina't tangi sa kinamulatan Ng kawili-wiling liwanang ng araw Na nagbigay-init sa buong katawan. Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan, Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal, Mula sa masaya't gasong kasanggulan Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan. Sa aba ng abang mawalay sa bayan! Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay, Walang alaala't inaasa-asam Kundi ang makita'y lupang tinubuan.
  • 122 Pati ng magdusa't sampung kamatayan Wari ay masarap kung dahil sa bayan At lalong mahirap. Oh, himalang bagay! Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay. Kung ang bayang ito'y masasa-panganib At siya ay dapat na ipagtangkilik, Ang anak, asawa, magulang, kapatid; Isang tawag niya'y tatalikdang pilit. Hayo na nga, hayo, kayong nangabuhay Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan At walang tinamo kundi kapaitan, Hayo na't ibangon ang naabang bayan! Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak Ng kaho'y ng buhay na nilanta't sukat, Ng bala-balaki't makapal na hirap, Muling manariwa't sa baya'y lumiyag. Ipahandug-handog ang buong pag-ibig At hanggang may dugo'y ubusin itigis; kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid Ito’y kapalaran at tunay na langit! GAWAIN 1.2.2.a: PAGLINANG NG TALASALITAAN Upang higit mong maunawaan ang tula, bigyang-kahulugan ang ilang mahihirap na salitang ginamit ng may akda. Hanapin ang kahulugan ng mga ito sa loob ng kahon, at isulat sa sagutang papel ang letra ng wastong sagot. Pagkatapos ay gamitin ang mga salitang ito sa pagbuo ng isang talata na may kaugnayan sa tula. Gawin sa isang buong papel. . isinisiwalatisinisiwalatisinisiwalatisinisiwalat __________________ sakbibisakbibisakbibisakbibi __________________ itigisitigisitigisitigis __________________ tatalikdantatalikdantatalikdantatalikdan __________________ lumiyaglumiyaglumiyaglumiyag __________________
  • 123 GAWAIN 2: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa GAWAIN 1.2.2.b: SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA Ang gawaing ito ay naglalayong masukat ang iyong naunawaan tungkol sa nilalaman ng tulang iyong binasa. Sagutin nang matapat ang mga tanong at gawain upang matamo mo ang iyong hinahangad na maunawaan at maisagawa sa pagtatapos ng aralin. 1. Saan maaaring ihambing ang pag-ibig na nadarama ng may- akda para sa kaniyang bayan? Ipaliwanag. Iguhit din ang maaaring sumagisag sa pag-ibig na ito. a.a.a.a. itaponitaponitaponitapon b.b.b.b. umibigumibigumibigumibig c.c.c.c. tatalikurantatalikurantatalikurantatalikuran d.d.d.d. inilabas/ipinagsasabiinilabas/ipinagsasabiinilabas/ipinagsasabiinilabas/ipinagsasabi e.e.e.e. kaligayahankaligayahankaligayahankaligayahan f.f.f.f. matinding kalungkutanmatinding kalungkutanmatinding kalungkutanmatinding kalungkutan Talata:Talata:Talata:Talata: Iguhit dito ang simbolo/sagisag: Paliwanag: _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________
  • 124 2. Anong panahon naisulat ang tula? Ano ang kalagayang panlipunan ng Pilipinas ng panahong naisulat ng may-akda ang tula? Magsaliksik ng ilang impormasyon tungkol dito at itala sa tulong ng Rays Concept Organizer. Gawin sa papel. Gayahin ang kasunod na pormat. 3. Sa kasalukuyan, paano maipakikita ang iyong pagmamahal sa bayan? Muli, gumuhit o gumupit ng simbolo na magpapakita ng iyong pag-ibig sa bayan. Gawin sa maiksing coupon bond. 4. Si Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio ay may magkaibang pananaw tungkol sa pag-ibig sa bayan. Magtanong sa iyong kakilala na sa iyong palagay ay makatutulong upang malaman mo ang kani-kanilang pananaw. Ilahad mo ang mga ito. Pagkatapos, bumuo at ibahagi mo naman ang iyong sariling pananaw tungkol sa pag-ibig sa bayan. Isulat ang sagot sa papel. 5. Maghanap ng isang tula sa kasalukuyang panahon na pag-ibig sa bayan ang paksa. Sipiin mo ito at ihambing sa tulang isinulat ni Bonifacio. Rizal sarili Bonifacio pag-ibig sa bayan
  • 125 6. Ano ang iyong naramdamam pagkatapos basahin ang dalawang tula? 7. Mabisa bang naipahayag ng mga sumulat ang kanilang damdamin sa isinulat nilang tula? Ano kaya ang nakatulong upang maisagawa nila ito nang mabisa? Ipaliwanag. 8. Balikan ang tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”, at subuking sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa papel ang sagot. Tanong Sagot a. Ilang taludtod mayroon ang tula? b. Ilang saknong mayroon ang tula? c. Ano ang sukat ng tula? d. May tugmaan ba ang mga dulong salita ng bawat taludtod ng mga saknong? Patunayan. e. Magbigay ng halimbawa ng mga salitang magkakatugma sa bawat taludtod ng mga saknong ng tula? Alam mo ba na… Ang tradisyunal na tula ay mga pahayag na kadalasang nagtataglay ng sukat at tugma sa bawat taludtod, o ang mga salita at paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, matayutay, at masining bukod sa pagiging madamdamin. Ang sukat ay bilang ng mga pantig sa bawat taludtod, samantalang ang tugma ay pagkakasintunugan ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng saknong. May aliw-iw at indayog kung bigkasin ang tulang Tagalog dahil sa tinataglay nitong katutubong tugma. Magkakasintunog ang huling salita ng taludturan. Karaniwan nang gamitin ang wawaluhin at lalabindalawahing pantig ang sukat. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Ibang tula ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ __________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ __________
  • 126 9. Nakatulong ba ang mga elemento ng tula upang mabisang maipahayag ng may-akda ang kaniyang emosyon o damdamin? Ipaliwanag. 10. Muli, maghanap ng isa pang tradisyunal na tula na nagpapahayag ng emosyon o damdamin. Sipiin mo ito sa iyong notbuk at pagkatapos ay suriin. Makatutulong sa iyo ang mga gabay na tanong sa gagawin mong pagsusuri. Gamitin ang pormat sa ibaba. Gawin sa papel. Pamagat ng Tula Ang may-akda ng tula (maikling talambuhay)
  • 127 Sagutin mo naman ang sumusunod na tanong. Gawin sa papel. Buong husay mong naisagawa ang mga gawain. Marahil ay nauunawaan mo na kung paano mabisang maipahahayag ng isang tao ang kaniyang emosyon o damdamin? Paano nga ba? Tingnan ko nga kung alam mo na. Dugtungan mo lamang ang pahayag na ito. 1. Ano ang emosyon o damdaming ipinahahayag ng may-akda sa kaniyang tula? 2. Ano ang nakatulong upang mabisang maipahayag ng may -akda ang kaniyang emosyon o damdamin? 3. Ano ang iyong naging damdamin matapos mong mabasa ang tula? Bakit ito ang iyong naramdaman? Ipaliwanag. 4. Ilang taludtod mayroon ang tula? 5. Ilang taludtod mayroon ang bawat taludtod? 6. Ilan ang sukat ng taludtod? 7. Magbigay ng halimbawa ng mga salitang magkakatugma sa bawat saknong. Mabisang maipahahayag ng isang tao ang kaniyang emosyon o damdamin kung _______________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________
  • 128 Pero hindi lamang iyan. Mayroon pang makatutulong kung paano natin maipahahayag ang ating emosyon o damdamin. Alamin natin. GAWAIN 1.2.2.c: EMOSYON MO... IPAHAYAG MO Mahalagang maipahayag natin nang malinaw at maayos ang ating damdamin at saloobin upang maunawaan tayo ng ating kapwa. Sa pagpapahayag ng ating emosyon o damdamin, makatutulong ang paggamit ng mga pandiwang naglalarawan ng ating nadarama. Ang mga pandiwang nagpapahayag ng damdamin ay may aspekto o panahunan. Hindi lamang ginagamit ang pandiwa sa pagsasaad ng kilos o galaw. May mga pandiwa rin na magagamit sa pagpapahayag ng damdamin tulad ng sumusunod:(ilan ito sa makikita sa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”). 1. Isulat sa kabilang kolum ang damdaming ipinahahayag ng bawat pandiwa. Gawin sa papel. Gayahin ang kasunod na pormat. Mga Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin Emosyon o Damdamin pagpupuring lubos buong pagkasi sakbibi ng lumbay wari ay masarap tunay na langit 1. a. Balikan ang isa sa mga tulang ipinahanap ko sa iyo sa mga naunang gawain. Itala ang mga pandiwang ginamit ng may-akda sa pagpapahayag ng kaniyang emosyon o damdamin. Isulat sa sagutang papel. b. Batay sa mga pandiwang ginamit ng may-akda, ano ang damdaming nangingibabaw sa kaniyang tula? Ipaliwanag. c. Ikaw naman ang magpahayag ng iyong damdamin. Sagutin mo lamang nang tapat ang kasunod na tanong. “Ano ang iyong nararamdaman sa mga oras na ito?” Gawin mo sa papel.
  • 129 Pagkatapos mong maunawaan ang iba’t ibang konsepto kaugnay ng araling ito, palalimin pa natin ang iyong pag-unawa sa susunod na bahagi. Ang iyong layunin sa bahaging ito ay higit pang mapalalim ang iyong pag-unawa sa mahahalagang konsepto na nais kong iwanan sa iyong isipan dahil ito ang tulay upang maisagawa mo nang buong husay ang inaasahang produkto na isasagawa mo sa pagtatapos ng araling ito. GAWAIN 1.2.2.d: ALAM KO NA… Anong mahahalagang konsepto ang iyong natutuhan sa aralin? Paano mo ito gagamitin sa iyong sariling buhay? May nabago ba sa iyong sarili, matapos mong maunawaan ang mga konseptong ito? Ibahagi. Ngayon ay nakahanda ka nang ilipat ang iyong natutuhan sa tunay na sitwasyon, nang sa gayo’y makita mo ang kabuluhan ng pag-aaral ng modyul na ito. GAWAIN 1.2.2.e : DAMDAMIN KO… ISULAT KO Sa bahaging ito, ililipat mo na ang iyong natutuhan sa sitwasyong kasalukuyan mong ginagalawan. Ito ay ang pagsulat ng sariling tula na nagpapahayag ng emosyon o damdamin sa isang taong iniidolo o hinahangaan. Basahin ang kasunod sitwasyon. Higit mong maipahahayag ang iyong emosyon o damdamin kung…
  • 130 Ano ang iyong natutuhan sa isinasagawang gawain? Makatutulong ba ito sa iyong pang-araw-araw na buhay? Paano? Pagkatapos mong matutuhan ang tungkol sa tula bilang isa sa mga akdang pampanitikan, ngayon ay makikita mo ang pagkakaiba nito sa isa pang akdang tuluyan-ang sanaysay. ARALIN 1.2.2: SANAYSAY Ang karanasan ang nagtutulak sa tao upang siya ay makapagpahayag. Maraming karanasan ang idinulot ng pananakop ng mga dayuhang Español sa loob ng mahabang panahon. Bagamat dumanas ng paniniil ang mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan, hindi ito naging hadlang upang ipahayag nila ang kanilang pananaw, damdamin at saloobin. Sa pagkakataong ito, isa pa ring akdang pampanitikan ang iyong pag- aaralan- ang sanaysay. Gayundin, makikita ang kabisaan ng isang mahusay na sanaysay sa pamamagitan ng maayos na pagkakahanay ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan. Kung gayon, mahalagang tanong na ating pag-uukulan sa pag-aaral na ito ang: Paano ipinahayag ng mga manunulat ang kasaysayan, kaugalian at kalagayang panlipunan ng bansa sa kanilang panahon? Sitwasyon: Nais ng inyong Punong-bayan na parangalan ang mga taong nakapag-ambag o nakagawa ng kabutihan sa inyong pamayanan. Isang paligsahan sa pagsulat ng tula ang kaniyang idaraos. Ang tulang mananalo ay bibigkasin sa araw ng parangal. Magaling kang sumulat at bumigkas ng tula. Inaasahan ng napiling Lupon ng Inampalan na ang kalahok na mga tula ay isusumite sa kanila isang buwan bago ang araw ng parangal. Huhusgahan ang tula batay sa sumusunod na pamantayan: a) orihinal, b) taglay ang mga elemento ng tradisyunal na tula, c) angkop sa paksa, d) nagpapahayag ng sariling emosyon o damdamin sa taong hinahangaan, e) makatotohanan at f) may kariktan.
  • 131 GAWAIN 1.2.3.a: KALAKASAN, KAHINAAN… TUKUYIN AT ITALA Sinasabing ang isang tao maging ang isang bansa ay nagtataglay ng mga kalakasan at kahinaan. Batay sa mga pahayag, tukuyin mo ang mga kalakasan at kahinaan ng mga Pilipino. Maaari ka pang magtala ng karagdagang katangian at mga patunay tungkol dito. Mga Gabay na Tanong: 1. Ano-ano ang kalakasan at kahinaan ng mga Pilipino batay sa mga pahayag? Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. KALAKASAN PATUNAY KAHINAAN PATUNAY Bukas na lang natin ipasa ang proyekto.Kahit huli na tatanggapin naman ni ma’am ‘yan. Umaasa akong hindi tayo pababayaan ng Diyos. Dagdagan pa natin ang sipag at tiyaga. Di na ako papasok, wala namang gagawin sa iskul,maglilinis lang! Batay sa aking pag-aaral, lumalala ang kondisyon ng kapaligiran dahil sa tinatawag na climate change. Kunin na natin ito,kahit ba ukay, imported naman! Sige na, wala namang bantay,itapon mo ang basura sa Lola, sumabay na po kayo sa akin sa tawiran. Naku, kanina pa pala tumatapon ang tubig.Maisara nga ang gripo. Manang, sobra po ang inyong sukli. Panalo tayo! Sabi ko sa iyo, dapat kaya nating makipagsabayan sa galing ng ibang bansa.
  • 132 . 2. Sa iyong palagay, paano nakaaapekto ang mga ito sa kalagayan ng bansa? Dugtungan ang pahayag. Isulat ang sagot sa papel. Gayahin ang pormat. Ang kalakasan ng mga Pilipino ay: Samantala, ang mga kahinaan ng mga Pilipino ay …(isulat sa loob ng alimango): 3. Alin ang nakahihigit ang kalakasan o ang kahinaan ng mga Pilipino? Patunayan. 1. 5. 3. 4. 2. 1 4 3 5 2
  • 133 GAWAIN 1.2.3.b:: LIHIM NG MGA SALITA … TUKLASIN Tuklasin mo ang lihim ng mga salitang pinahuhulaan? Alamin mo ang teknik upang matukoy ang mahalagang salita na gagamitin sa sanaysay na iyong babasahin. Halimbawa: 1. Ako ang simula ng buhay At simula pa rin ng umagang kayganda Gitna ng bahay na kongkreto At simula ng araw-araw na biyaya At katapusan ng bagay . Natuklasan mo ba kung anong salita ako? Tama, ang salita ay buhay. 2. Ako ang simula ng katotohanan At katapusan ng tapat na pagsinta Ako ang matatagpuan sa unahan ng ligaya Ngunit nasa gitna ng kawalan Ako ang simula ng yaman ng bawat bansa At simula rin ng alab ng puso Ako ang katapusan ng pag-asa Ngunit simula ng nabuhay na pangarap. Hulaan mo ang salita. 2. Simula ako ng elementong pinag-uusapan At katapusan ng mabagal na pag-unlad Ako ang nasa unahan ng ulap na bughaw Ako pa rin ang simula ng katahimikan Nasa gitna ng malakas na tawanan Ako ang nasa unahan ng simula At simula pa rin ng yukong walang humpay Ako ang katapusan ng musikang kulang sa tono At wakas ng nanay na ‘di matagpuan. Hulaan mo ang salita.
  • 134 Natuklasan mo ba kung paano mahuhulaan ang mga salita? Natukoy mo ba na ito ay ang kalayaan at edukasyon? Tama, kung napansin mo ay walang kaugnayan ang mga pahayag sa bawat isa. Ang tanging palatandaan para mahulaan ang salita ay ang paggamit ng simula, gitna at katapusan ng kasunod na salita/mga salita. Kung gayon, binabati kita! Alam kong nasagot mo ang mga tanong at gawain sa bahaging ito. Ngayon ay handa ka na para sa mga gawain sa bahaging Paunlarin. Ang bahaging ito ng pag-aaral ay makatutulong upang lubusan mong makilala ang sanaysay bilang isang akdang pampanitikan. Maihahambing mo ito sa iba pang akdang pampanitikang pinag-aralan kung matutukoy mo ang katangian nito. Tutuklasin mo rin kung paano nakatutulong ang paggamit ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan sa pagbuo ng sanaysay. Gayundin, sa pagbabasa ng halimbawang akda malalaman mo ang kaligirang pinagmulan at mga dahilan ng may-akda. Dahil dito, mahalagang tanong na dapat tandaan: Paano ipinahayag ng mga manunulat ang kasaysayan, kaugalian at kalagayang panlipunan ng bansa sa kanilang panahon? Iyong balikan ang ilang tala sa buhay ni Dr. Jose P. Rizal. Alam mo ba na … (1) Si Dr. Jose P. Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna, araw ng Miyerkules sa pagitan ng ika-11:00 at 12:00 ng gabi. (2) Ang kaniyang ina na si Gng. Teodora Alonzo Y Quintos Realonda ay nahirapan sa panganganak sapagkat ang ulo ni Jose ay malaki kaysa karaniwan. (3) Ang kaniyang ama na si Don Francisco Mercado Rizal ay isinilang sa Bi an, Laguna. (4) Bata pa lamang si Jose ay kinakitaan na ng angking talino sapagkat tatlong taong gulang pa lamang ay natutuhan na niya ang alpabeto. Nakasulat ng dulang itinanghal sa pista ng bayan at sa gulang na walo ay isinulat ang tulang nauukol sa kahalagahan at pagmamahal sa wika. (5) Natamo ni Jose ang unang pag-aaral sa kaniyang unang guro, ang kanyang ina. Samantala, naging guro naman niya si Justiniano Aquino Cruz sa Bi an, Laguna.
  • 135 (6) Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa Ateneo Municipal de Manila. Samantala, sa Unibersidad ng Santo Tomas siya nagsimulang mag- aral ng medisina subalit tinapos niya ito sa Unibersidad Central de Madrid. (7) Nakapagsalita siya ng dalawampu’t dalawang wika. (8) Marami siyang naisulat na akdang pampanitikan tulad ng tula, dula, nobela, sanaysay, atbp. (9) Maituturing na isang manggagamot, siyentipiko, makata, dalubwika, mananaliksik at pilosopo. (10)Nagbuwis ng buhay para sa bayan. Binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta noong Disyembre 30, 1896 dahil sa paratang na panghihimagsik laban sa mga Espa ol. (11)Kinikilalang pambansang bayani dahil sa sumusunod na salik: a. Si Rizal ay kauna-unahang Pilipinong umakit upang ang buong bansa ay magkaisa-isang maghimagsik laban sa mga Espa ol. b.Si Rizal ay huwaran ng kapayapaan. c.Si Rizal ay may madulang pagkamatay. GAWAIN 1.2.3.c.: Ako At Ang Bayani Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang tala sa buhay ng pambansang bayani, subukin mong isulat ang mga kaisipang naibahagi nito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga pahayag. Gawin sa papel. Nabatid ko na ang buhay ni Dr. Jose P. Rizal ay ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ Hindi maikakaila ang marubdob na pagmamahal niya sa bayan dahil ______________________________________________________________
  • 136 ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ Bilang mag-aaral, nais kong ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ Nais mo bang maragdagan ang iyong pagkakilala sa pambansang bayani? Kung gayon, basahin ang kaniyang sanaysay. GAWAIN 1.2.3.d: LIGHT.: MGA KAISIPAN … HANAPIN AT PATUNAYAN Bago mo basahin ang sanaysay, nais kong lagyan mo ng tsek(√) ang mga kaisipan na sa palagay mo ay matatagpuan sa sanaysay. ___1. Likas na tamad ang mga Pilipino. ___2. Hindi tamad ang mga Pilipino. ___3. Ang katamaran ng mga Pilipino ay bunga ng kalagayang panlipunan sa Panahon ng mga Español. ___4. Isa sa dahilan ng katamaran ng mga Pilipino ay ang mainit na singaw ng panahon. ___5. Ang sikap at pagkukusa ay napanatili ng mga Pilipino sa kabila ng di- magandang sistemang umiiral sa Panahon ng mga Español. ___6. Ang pagsasaka’y napabayaan dahil pa rin sa sapilitang paggawa na ipinatutupad ng pamahalaan. ___7. Sinusuportahan ng mga Español ang mga magsasaka na ang pananim ay pininsala ng mga hayop o bagyo. ___8. Ayon kay Jose Rizal, kung walang edukasyon at walang kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa, walang hakbang na makapagdudulot ng bungang ninanais. ___9. Nagpapahiram ng puhunang salapi ang mga Español sa layuning mapaunlad ang buhay ng mga magsasaka.
  • 137 ___10.Ang mga Pilipino ay nagkaroon ng mababang pagkilala sa sarili at pagwawalang-bahala sa paggawa dahil sa malupit na sistema ng edukasyon. Ang iyong pagbabasa at pag-unawa sa sanaysay na pinamagatang “Ang Katamaran ng mga Pilipino” na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal ang magpapatunay sa mga kaisipan kung ito ay binanggit sa kaniyang sanaysay. Sikapin mong salungguhitan ang mga kaisipang napatunayan mong tuwirang binabanggit dito. Ang Katamaran ng mga Pilipino ni Dr. Jose P. Rizal (Ang matutunghayan ay isang lagom sa Tagalog ng sanaysay na “La Indolencia de los Filipinos,” na nalathala sa La Solidaridad mula noong Hulyo 15 hanggang Setyembre 15, 1890. Ang sanaysay na ito’y isinulat ni Rizal sa ikalawang pagtungo niya sa Europa. Isinulat niya ito bilang tugon sa paulit-ulit na upasala sa mga Pilipino na sila’y mga tamad. Ang upasalang ito’y hindi tinutulan ni Jose Rizal sa kaniyang sanaysay. Manapa’y inamin nga niya ang pag-aangkin ng katamaran ng kaniyang mga kababayan. At sa pag-amin niyang iyan ay nagbigay siya ng mga matuwid kung bakit ang mga Pilipino ay masasabi ngang tamad. Narito ang kaniyang mga matuwid. Ang pangunahing sanhi ay ang mainit na singaw ng panahon. Kahit na ang mga banyagang nandarayuhan sa Pilipinas buhat sa mga bayang malamig ang klima ay nagiging tamad pagdating dito at ayaw humawak ng mabibigat na gawain. Sa bayang mainit ang panahon, kahit hindi kumilos ang isang tao, siya’y pinagpapawisan at hindi mapalagay. Wika pa ni Rizal: Ang mga Europeong naninirahan sa Pilipinas ay nangangailangan pa ng mga tagapaypay at tagahugot ng sapatos, at hindi nagsisipaglakad kundi laging lulan ng kanilang karwahe, gayong masasarap ang kanilang kinakain at ginhawa ang kanilang kabuhayan. Sila’y malaya, ang bunga ng kanilang mga pagsisikap ay para sa kanilang sarili, may pag-asa sa kinabukasan, at iginagalang ng madla. Ang abang katutubo, ang tamad na Ugnay-Panitikan
  • 138 katutubo ay kulang sa pagkain, walang inaasahan sa araw ng bukas, ang bunga ng kanilang pagod ay sa iba napupunta, at kinukuha sila sa paggawang sapilitan. Sinasabing ang mga Europeo ay nahihirapan sa mga bayang mainit ang singaw ng panahon palibhasa’y hindi sila hirati sa gayong klima, kaya’t karampatan lamang na dulutan sila ng balanang makapagpapaginhawa sa kanilang kalagayan. Datapuwa’t ang wika nga ni Rizal, ang isang tao’y maaaring mabuhay kahit saan kung sisikapin lamang niyang ibagay ang kanyang sarili sa hinihingi ng pangangailangan. Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino dahil din sa kagagawan ng mga Kastila. Ang mga Pilipino, nang bago dumating ang mga Kastila ay ginhawa sa kanilang kabuhayan, nakikipagkalakalan sila sa Tsina at iba pang mga bansa, at hinaharap nila ang pagsasaka, pagmamanukan, paghabi ng damit at iba pa. Kaya’t mapagkikilalang nang wala pa rito ang mga Kastila, ang mga Pilipino bagaman ang mga pangangailangan nila’y hindi naman marami, ay hindi mga mapagpabayang gaya ngayon. Ang lahat ng industriya at pati na ang pagsasaka ay napabayaan sapagkat ang mga Pilipino’y hindi makapagtanggol laban sa pananalakay ng mga mandarambong buhat sa Mindanaw at Sulu. Paano’y ayaw pahintulutang makapag-ingat ng mga baril at iba pang sandata ang mga Pilipinong naiiwan sa bayan habang ang iba’y wala at kasama sa mga pandarayuhang walang kabuluhan. Nang panahon ng Kastila’y maraming digma at kaguluhan sa loob ng bayan at maraming ipinapapatay. Isinalaysay ni Rizal ang nangyari sa isang pulong malapit sa Sebu, na halos nawalan ng tao sapagkat madaling nangabihag ng mga piratang buhat sa Sulu palibhasa’y walang sukat maipananggol sa sarili. Ang pagsasaka’y napabayaan dahil pa rin sa sapilitang paggawa na ipinatutupad ng pamahalaan. Dahil sa maraming pandarayuhang ginagawa ng mga Kastila, kailangan ang walang tigil na paggawa ng mga barko, kaya’t maraming Pilipino ang pinapagpuputol nila ng mga kahoy sa gubat upang magamit. Wala tuloy katiyakan ang kabuhayan ng mga tao kaya’t naging mga mapagpabaya. Tungkol dito’y sinipi ni Rizal si Morga na nagsabi (sa kanyang Sucesos) na halos nakalimutan na ng mga katutubo ang pagsasaka, pagmamanukan, ang paghabi, na dati nilang ginagawa noong sila’y mga pagano pa hanggang sa mga ilang taon pa pagkatapos ng
  • 139 pagsakop. Iyan ang naging bunga ng tatlumpu’t dalawang taon ng sapilitang paggawa na ipinataw sa mga Pilipino. Ang pamahalaa’y walang dulot na pampasigla upang ang mga tao ay mahikayat na gumawa. Pinatamlay ng mga Kastila ang pakikipagkalakalan sa mga bansang malaya, gaya ng Siam, Cambodia, at Hapon, kaya’t humina ang pagluluwas ng mga produktong Pilipino at ang industriya ay hindi umunlad. Ang Pilipino’y hindi maaaring gumawa sa kanilang bukid kung walang pahintulot ng pamahalaan. Bukod sa mga iyan, ang Pilipino’y hindi tumatanggap ng karampatang halaga sa kanilang mga produkto. Sinabi ni Rizal na alinsunod sa istorya, matapos alipinin ng mga encomendero ang mga Pilipino, sila’y pinagagawa para sa sarili nilang kapakinabangan, at ang iba nama’y pinipilit na sa kanila ipagbili ang inaani o produkto sa maliit na halaga at kung minsa’y wala pang bayad o kaya’y dinadaya sa pamamagitan ng mga maling timbangan at takalan. Alinsunod pa rin kay Rizal, ang lahat ng negosyo’y sinasarili ng gobernador, at sa halip pukawin ang mga Pilipino sa kanilang pagpapabaya, ang iniisip lamang niya’y ang kanyang kapakanan kaya’t sinusugpo ang ano mang makaaagaw niya sa mga pakinabang sa pangangalakal. Mga kung anu-anong kuskos-balungos sa pakikitungo sa pamahalaan, mga “kakuwanan” ng pulitika, mga kinakailangang panunuyo at “pakikisama,” mga pagreregalo, at ang ganap na pagwawalang-bahala sa kanilang kalagayan,- ang mga iyan ay naging pamatay-sigla sa paggawang kapaki-pakinabang. Nariyan pa ang halimbawang ipinamalas ng mga Kastila: pag-iwas sa pagpaparumi ng kamay sa paggawa, pagkuha ng maraming utusan sa bahay, na para bang alangan sa kanilang kalagayan ang magpatulo ng pawis, at ang pagkilos na animo’y kung sinong maginoo at panginoon na ipinaging palasak tuloy ng kasabihang “para kang Kastila,”- ang lahat ng iyan ay nagpunla sa kalooban ng mga Pilipino ng binhi ng katamaran at pagtanggi o pagkatakot sa mabibigat na gawain. At ang wika pa ng mga Pilipino noon: “Bakit gagawa pa? Ang sabi ng kura ay hindi raw makapapasok sa kaharian ng langit ang taong mayaman.”
  • 140 Ang sugal ay binibigyan ng luwag, at ito’y isa pa ring nagpapalala ng katamaran. Ang Pilipino’y hindi binibigyan ng ano mang tulong na salapi o pautang upang maging puhunan. Kung may salapi man ang isang Pilipinong magsasaka, ang natitira, matapos bawasin ang buwis at iba pang impuwesto ay ipinambabayad naman niya sa kalmen, kandila, nobena, at iba pa. Kung ang mga pananim ay pinipinsala ng balang o ng bagyo, ang pamahalaan ay hindi nagbibigay ng ano mang tulong sa mga magsasaka, kaya ang mga ito ay inaalihan ng katamaran. Walang pampasiglang ibinibigay sa pagpapakadalubhasa. May isang Pilipinong nag-aral ng kimika sa Europa, ngunit hindi man lamang siya pinag-ukulan ng pansin. Ang katamara’y pinalulubha pang lalo ng di mabuting sistema ng edukasyon. Ganito ang wika ni Rizal: “Iminulat palibhasa sa halimbawa ng mapagbulay-bulay at tamad na pamumuhay ng mga monghe, ang mga katutubo nama’y walang ginawa kundi iukol ang kanilang buhay sa pagkakaloob ng kanilang salapi sa simbahan dahil sa inaasahang mga himala at iba pang kataka-takang bagay. Ang kanilang kalooban ay nagayuma; buhat sa pagkabata ay wala silang natutuhan kundi ang pagkilos na parang mga makina na hindi nalalaman ang buong kabagayan. Kataka-taka bang ang ganitong maling pagmumulat sa isip at kalooban ng isang bata ay magbunga ng kahambal- hambal na mga pagkakasalungatan? Iyang walang puknat na pagtutunggali ng isip at ng tungkulin… ay humantong sa pananamlay ng kanyang mga pagsisikap, at sa tulong ng init panahon, ang kaniyang walang katapusang pag-aatubili, ang kaniyang mga pag-aalinlangan ay siyang naging ugat ng kaniyang katamaran.” Ang sistema ng edukasyon, na isang kawil ng mga pagmamalupit, ay nagpatamlay sa halip na magpasigla sa Pilipino. Siya’y nagkaroon ng mababang pagkakilala sa sarili at pagwawalang-bahala sa paggawa. Ang isa pang nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino ay ang kawalan nila ng damdamin bilang isang bansa palibhasa’y pinagkaitan sila ng
  • 141 karapatang makapagtatag ng mga samahan na magbibigay sa kanila ng pagkakataong magkaunawaan at magkaisang damdamin. Palibhasa nga’y walang bansang kinaaaniban, ang mga Pilipino’y hindi nagkaroon ng pagkabahala sa ano mang kahirapang dinaranas ng mga tao. Patay ang apoy ng kanilang pagsisikap, at walang sukat makaganyak sa kanila na mag-ukol ng panahon at sigla alang-alang sa kaunlaran at kasaganaan ng kanilang Bayan. Ang sabi ni Rizal: “Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalayaan ay siyang araw, ng sangkatauhan. Kung walang edukasyon at walang kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa, walang hakbang na makapagdudulot ng bungang ninanais.” Mga Gabay na Tanong: 1. Tungkol saan ang sanaysay? 2. Isa-isahin ang dahilan ng sinasabing katamaran ng mga Pilipino? Isulat sa papel ang sagot. ANG KATAMARAN NG MGA PILIPINO 1. 2. 4. 3. 5. 6. 7. 9. 8. 10.
  • 142 3. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga puna ng sumulat tungkol sa kalagayang panlipunan sa kaniyang panahon? Gawin sa papel. 4. Ilarawan ang damdaming nangingibabaw sa sanaysay. 5. Ipaliwanag ang kaisipang nakapaloob sa larawan. Isulat ang mga sagot sa papel. 6. Sa iyong palagay, bakit isinulat ng bayani ang sanaysay? 7. Sa kasalukuyan, naniniwala ka bang tamad ang mga Pilipino? Pangatuwiranan. GAWAIN 1.2.3.e: MAGHANAY NG DETALYE … KAYA KO! Pagkatapos mong basahin at sagutin ang mga tanong tungkol sa nilalaman ng sanaysay, alam kong kayang-kaya mong ihanay ang mga detalye ng bawat kaisipan. Isa-isahin ang mga patunay sa pahayag. Gawing batayan ang sanaysay. A. Ang pangunahing sanhi ng katamaran ng mga Pilipino ay ang mainit na singaw ng panahon. B. Ang sipag at tiyaga ng mga Pilipino ay nawala dahil sa maling sistemang pinairal ng mga Español. C. Ang hindi mabubuting ugali ng mga Español ay nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino. Naihanay mo ang detalye ng kaisipang tinalakay sa sanaysay. Matutukoy mo ba ang katangian ng sanaysay bilang akdang pampanitikan? Basahin mo ang sumusunod na mga impormasyon. Mga Kalagayang Panlipunan Pirata, mandarambong, sumalakay Gobernador, abusado Sistema ng edukasyon, baguhin Malupit na sistema, palitan Sa aking palagay...
  • 143 Sanaysay Sinasabing ang sanaysay bilang akdang pampanitikan ay huling nakakita ng liwanag sa larangan ng panitikan. Ang sanaysay ay naglalahad ng pananaw at opinyon ng sumulat tungkol sa tiyak na paksa. Uri ng Sanaysay Sa pangkalahatan, dalawa ang uri ng sanaysay- (1) ang pormal o impersonal na sanaysay at (2) ang di-pormal o personal na sanaysay.Tumatalakay sa mga seryosong paksa ang pormal na sanaysay, tulad ng kamatayan, agham, pag-unlad, kabihasnan samantalang magaan ang mga paksang matatagpuan sa di-pormal, tulad ng paghihintay sa bus, kahit na ng pagtulog. Ang kapormalan ng una ay nagdidikta ng uri ng wika nito- di malapit o nakikipaglayo, siyentipiko, may himig na nag-uutos, mataas, istandard. Ang pagkamalapit ng impormal na sanaysay ay nagmumungkahing ang lenggwahe nito ay parang nakikipag-usap, mainit, mataginting, kung minsa’y garapal ngunit mapagnilay-nilay rin sa ibang paraan. Unang makatatawag ng pansin sa kaisipan, bago sa damdamin ang pormal na sanaysay; kabaligtaran sa di-pormal. Mga Tiyak na Uri ng Sanaysay May 12 natatanging uri ng sanaysay: (1) pasalaysay, (2) naglalarawan, (3) mapagdili-dili, (4) kritikal o mapanuri (5) didaktiko o nangangaral, (6) nagpapaalala, (7) editoryal, (8) maka-siyentipiko o makaagham, (9) sosyo-politikal, (10) sanaysay na pangkalikasan, at (11) sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan. Ugnay-Panitikan
  • 144 Mga Gabay na Tanong: 1. Batay sa mga impormasyong inilahad tungkol sa sanaysay subukin mong: a. paghambingin ang sanaysay na pormal at di-pormal b. Suriin (batay sa tiyak na uri ng sanaysay) ang mga mungkahing pamagat ng sanaysay 1. Si Papa at Mama 2. Bakit Nagkakaroon ng Climate Change? 3. Ang Laki sa Layaw: Aral ng Buhay 4. Ang Politika sa Pilipinas 5. Isang Gabing Pagninilay Nagkaroon ka na ng mga kaalaman tungkol sa sanaysay bilang isa sa mga akdang pampanitikan. Handa ka na upang pag-aralan ang mga elemento na nagpapabuti sa kabuuan ng pagsulat ng sanaysay - ang pagtukoy sa pangunahin at mga pantulong na kaisipan. Bilang mambabasa, malaki ang maitutulong sa iyo ng mga kasanayang matatamo sa pagtukoy ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan sapagkat sa ganitong paraan matitiyak kong mauunawaan mo ang layunin ng sumulat. Maaaring mapatunayan mo rin na ang pagbabasa ay isang gawaing interaktibo. Mga Gabay na Tanong 1. Basahin ang sumusunod na talata. Sipiin/Kopyahin ang bawat talata. Salungguhitan ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahing kaisipan at lagyan ng tsek(√) ang mga binilangang pangungusap na nagpapahayag ng pantulong na kaisipan. Gawin sa sagutang papel. PORMAL ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ _________ ________________ DI-PORMAL _________________ _________________ _________________ _________________ _________________ _________________ ___ _________________ SANAYSAY
  • 145 A) (1) Ang edukasyon ay mahalagang instrumento para magtagumpay ang isang tao. (2) Ito ay nagpapalaya sa tao sa kamangmangan. (3) Nagkakaroon siya ng sapat na tiwala sa sarili na nakatutulong sa pagharap sa iba’t ibang sitwasyon sa buhay. (4) Nagagawa niyang paunlarin ang sariling kakayahan. (5) Nagkakaroon siya ng ganap na kamalayan sa kaniyang kapaligiran. (6) Natututong lumikha ang tao ng mga bagay na makabubuti sa kaniya, sa bansa at sa mundo. B) (1) Naging mapagpabaya ang mga Pilipino dahil sa pagpapatupad ng sapilitang paggawa. (2) Ang mga encomendero ay lubhang nagsamantala sa pamamagitan ng pagpilit sa mga magsasaka na ipagbili sa kanila ang mga ani sa murang halaga na naging daan sa pananamlay ng mga magsasaka sa paggawa sa bukid. (3) Sinasarili rin ng gobernador ang lahat ng negosyo at nawawalan ng kita ang mga magsasaka. (4) Walang dulot na pampasigla sa mga tao ang pamahalaan. (5) Samakatuwid ang sipag at tiyaga ng mga Pilipino ay nawala dahil sa maling pamamalakad ng mga Español. C) ( 1) Ang mga Pilipino ay mapamahiin. (2) Naniniwala sila na ang pagkahulog ng kutsara o tinidor ay nangangahulugan ng pagdating ng panauhin. (3) Hindi dapat tumuloy sa anumang lakad kung nakasalubong ng itim na pusa dahil ito’y hudyat ng kapahamakan. (4) Mawawala ang suwerte kapag nagwalis sa bahay tuwing gabi. (5) Ang pagkabasag ng salamin ay magdudulot ng pitong taong kamalasan. (6) Sadyang mapamahiin ang mga Pilipino. D)(1) Hindi maikakaila na marami pa rin sa mga Pilipino ang nagnanais pumuti ang balat at tumangos ang ilong. (2) Nagsisikap na mapabuti ang pagsasalita sa wikang Ingles dahil gustong matawag na sosyal. (3) Ipinagpaparangalan sa mga kaibigan ang damit at sapatos na imported. (4) Tunay na suliraning panlipunan pa rin ang pagkakaroon ng diwang- alipin ng mga Pilipino. (5) Nagpapatuloy pa rin ang pag-idolo sa mga kanluraning kultura tulad ng awitin, sayaw, pagkain at pananaw. (6) Maging ang iba pang sistemang umiiral sa bansa ay mula sa mga dayuhan.
  • 146 Natutuwa ako sa iyo dahil natapos mo ang mga gawain sa bahaging nang may kahusayan. Sa pagkakataong ito ay susubok ka na sa susunod na gawain upang palalimin pa ang iyong kaalaman. Mahalagang mapagtibay mo ang mga konseptong iyong natutuhan at naunawaan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga inilaang gawain. Inaasahan ko na iyong nakita ang pagkakaugnay-ugnay ng mga gawain tungkol sa mahalagang tanong na: Paano ipinahayag ng mga manunulat ang kasaysayan, kaugalian at kalagayang panlipunan ng bansa sa kanilang panahon? Sa gayon ay maihahambing mo ang kasalukuyang kalagayang panlipunan at kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon paano mo ito maaaring maipahayag? GAWAIN 1.2.3.f: LARAWAN AT KAAISIPAN Matutunghayan mo sa ibaba ang mga larawang nagpapakita ng iba’t ibang kalagayan sa lipunan. Isulat sa loob ng malaking kahon ang pangunahing kaisipan at sa maliliit na kahon ang mga pantulong na kaisipan.
  • 147 Lagyan ng bituin ( ) ang larawang nagsasaad ng pangunahing kaisipan. Lagyan ng tsek ( ) ang larawang tumutukoy sa mga pantulong na kaisipan. Pagkatapos, bumuo ng mga pahayag na nagpapakita ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan batay sa mga larawang napili. Isulat ang sagot sa mga kahon sa ibaba. Sundin ang pormat. Nakikita mo ba ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari noon sa kasalukuyan? Ang mga kalagayang panlipunan ngayon na ipinakikita ng mga larawan ay nakatutulong sa pagbuo ng mga kaisipan. Maaaring sa tulong ng mga ito, makakalilikha ka ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan. √ √ √
  • 148 GAWAIN 1.2.3.g: BUUIN: KONSEPTONG MAKATOTOHANAN Dugtungan mo ang mga pahayag na nagpapakita ng kabuuan ng paksang tinalakay. √ Ang sanaysay ay _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ √ Ipinabatid ng sanaysay ang tungkol sa pambansang bayani na _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ √ Sa kasalukuyan, mapaiigting ang kalakasan ng mga Pilipino _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ √ Makatutulong ako sa paglutas ng mga suliranin ng bansa sa pamamagitan ng ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ √ Sa pagbabasa ng talata, makikilala ang pangunahing kaisipan ________ _______________________________________________________ ____ √ Samantala, ang mga pantulong na kaisipan sa isang talata ay ______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________
  • 149 GAWAIN1. 2.3.h: MAGSULAT, MAGPAHAYAG, AT MANGAMPANYA Unti-unti mo na bang nakikita ang bunga ng iyong pag-aaral? Tandaan na napakahalaga ng pag-unawa sa aralin para sa isang mag-aaral na tulad mo. Ito ang magiging daan upang iyong maisagawa ang inaasahang produkto/ pagganap. Kaya, alam kong handa ka nang gawin ang pangwakas na gawain. Ang barangay captain sa inyong lugar ay naghahanap ng mga kabataang manunulat na maghahanda ng flyers (leaflet) tungkol sa LIGTAS-KAPALIGIRAN, SAGIP-KALIKASAN: ISANG KAMPANYA. Ang flyers na ito ay ipamimigay sa bawat pamilya ng nasabing barangay. Layunin nitong ilahad ang kasalukuyang kalagayan ng kapaligiran sa inyong barangay na may malaking epekto sa kalikasan. Batay sa pamantayan, nararapat na magtaglay ng sumusunod ang flyers: 1. Maglagay ng tatlo hanggang apat na larawan tungkol sa suliranin sa kapaligiran ng inyong barangay. 2. Bawat larawan ay lalagyan ng lima hanggang pitong pangungusap na maglalahad ng kalagayang pangkapaligiran sa inyong barangay. 3. Tiyaking makapagtatala ng lima hanggang pitong mungkahing hakbang na gagawin ng bawat pamilya para makatulong sa panawagan. 4. Gawin itong kaakit-akit, malinaw, at nakapanghihikayat. Isaalang-alang ang sumusunod sa pagbuo ng flyers: Kalinawan ng mensahe sa larawan 40% Katiyakan at kaisahan ng mga pangungusap ayon sa paksa 50% Kabisaan sa panghihikayat sa mambabasa 10% ____ 100%
  • 150 Pagnilayan at UnawainPagnilayan at UnawainPagnilayan at UnawainPagnilayan at Unawain Tiyak kong batid mo na ang mga lumaganap na akdang pampanitikan sa Panahon ng Espa ol. Marahil ay humanga ka sa kapwa Pilipino dahil sa paraan ng kanilang pagpapahayag. Ipinakita sa mga akdang pampanitikang tulad ng karagatan, duplo, tula at sanaysay ang husay sa mabilis na pag-iisip gayundin ang kasiningan sa paggamit ng wika. Kaya naman patunayan mong ikaw ay nagmula sa lahing ito na may angking husay sa pag-iisip at pagpapahayag. Natutuwa ako para sa iyo sapagkat batid kong may sapat ka nang kaalaman tungkol sa mga panitikang sumibol sa panahon ng Espa ol. Natitiyak kong ang dati mong kaalaman sa simula ng pagtalakay sa aralin ay higit na lumawak at lumalim. Samakatuwid, sa tulong ng KWHL Sheet, ang nauna mong mga paghihinuha ay napagtibay na ng nakuha mong mga kaalaman sa kabuuan ng aralin kaya maaari mo nang sagutin ang huling kolum ng sheet. Sa tulong ng KWHL Sheet, nais kong bigyan mo ng hinuha ang tanong sa kasunod na kahon sa p. 150. Nasagot mo na ang tatlong naunang kolum, ang KWH,hindi ba? Pagkatapos nating pag-aralan ang Aralin 1.2 ay saka mo sagutin ang huling kolum, ang L. K Ano ang alam mo na? (What do you know?) W Ano ang nais mong malaman? (What do you want to find out) H Paano mo makikita ang nais mong maunawaan? (How can you find out what you want to learn?) L Ano ang iyong natutuhan/ naunawaan? What did you learn?) Masasalamin ba sa panitikan ang kultura o kalagayang panlipunan ng isang bansa sa panahon at lugar na isinulat ito? Patunayan.
  • 151 Binabati kita! Buong husay mong nagampanan ang mga gawaing inilaan ng bahaging ito ng modyul. Inaasahan kong naging malinaw sa iyo ang sumusunod na konsepto: 1. masasalamin sa panitikan ang kultura o kalagayang panlipunan ng isang bansa sa panahong isinulat ito ; 2. gumamit ng iba’t ibang anyo ng panitikan tulad ng duplo, karagatan, tula at sanaysay ang mga Pilipino sa pagpapahayag ng kanilang pananaw, saloobin at damdamin ; 3. mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa maayos na pagpapahayag; at 4. sa kasalukuyan, makikita pa rin ang kaugnayan ng mga akdang pampanitikan sa buhay ng mga Pilipino. IlipatIlipatIlipatIlipat Sa bahaging ito, ililipat mo na ang iyong mga natutuhan, gawin mo ang hamon sa pamamagitan ng pagtugon sa susunod na gawain. Isa kang kolumnista sa pahayagan. Maraming sumusubaybay sa iyong kolum/pitak. Ayon sa pamunuan ng pahayagan, iminumungkahi nilang talakayin mo sa iyong susunod na kolum ang paksang nauukol sa suliraning kinakaharap ng paparaming batang nasasangkot sa krimen o tinatawag na youth offenders tulad ng mga batang hamog atbp. Ang mungkahi ng pamunuan ay ayon na rin sa liham na natanggap nila sa mga mag-aaral sa hayskul na naglalayong matalakay ang paksa at makita ang paraan ng pagkakabuo nito sa ginagawa nilang pag-aaral. Inaasahan ng mga tagasubaybay ng mag-aaral ang sumusunod: (1) makatawag-pansing pamagat (2) lawak ng pagtalakay sa paksa (3) paglalahad ng mga datos o estadistika (4) wastong gamit ng mga salita (5) kalinawan ng mensaheng nakapaloob
  • 152 VII. PANGWAKAS NA PAGSUSULIT (para sa Aralin 1.2) Sa pagkakataong ito, alamin mo kung ano na ang iyong mga natutuhan sa mga paksang iyong pinag-aralan. I. Basahin at unawain mo ang bawat aytem. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong kaugnay nito. 1. Ayon sa pagkakasalaysay, ang uring ito ng tuluyan ang huling nakakita ng liwanag sa mga akdang pampanitikan na naglalaman ng mga opinyon at saloobin ng sumulat tungkol sa isang mahalagang paksa o isyu. a. tula c. dula b. sanaysay d. maikling kuwento 2. Sa pagbabasa ng isang talata paano magiging madaling makita ang pangunahing ideya nito? a. Alamin ang paksa ng talata. b. Isa-isahin ang mga detalye. c. Hanapin ang mga halimbawa sa talata. d. Tukuyin ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa. 3. Basahin at unawain ang mga pangungusap. Pagkatapos, tukuyin ang pangunahing kaisipan. (A) Sa kasagsagan ng bagyo, isang dalagita ang nagligtas sa bandila ng Pilipinas. (B) Samantala, isang nawawalang matanda ang tinulungang makita ang kaniyang pamilya sa pamamagitan ng facebook sa tulong ng isang binata. (C) Tulad ni Ahli, araw-araw niyang inaakay ang kaniyang lolo na may kapansanan. (D) Nakatutuwang isipin na may kabataan pa rin sa kasalukuyan ang handang maglingkod sa kapwa at bayan.
  • 153 4. Ano ang pinakamabuting maaaring ibunga ng paggamit ng eupemistikong pananalita? a. Nagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa. b. Nagpapakilala sa tao sa kaniyang kapwa. c. Nagdudulot ng pagkakaroon ng maraming kaibigan. d. Naghahatid ng saya sa kausap. 5. Ikaw ay inanyayahan ng iyong kamag-aral na dumalo sa kaniyang kaarawan. Subalit alam mo na hindi ka pahihintulutan ng iyong magulang sapagkat sa gabi isasagawa ang pagdiriwang. Paano mo sasabihin sa iyong kamag-aral na hindi ka makadadalo? a. “Pasensiya ka na kung hindi ako makadadalo kasi istrikto ang magulang ko.” b. “Ikinalulungkot ko na hindi ako makadadalo sapagkat talaga lamang may panuntunan kaming sinusunod sa bahay.” c. “ Sana ginawa mo na lang ng hapon para makadalo ako.” d. “Delikado ang panahon ngayon kaya hindi ako dadalo sa iyong kaarawan. 6. Ang duplo bilang anyo ng panitikan ay nagtataglay na sumusunod na katangian maliban sa: a. Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa palad ng sino mang nahatulang parusahan. b. Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay. c. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nahulog na singsing ng isang dalaga. d. Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga babae ay duplera. 7. Bakit mainam pa ring laruin ang karagatan at duplo sa kasalukuyan? a. Nagpapatalas ito ng isip sapagkat ang pagmamatuwid ay daglian o impromptu. b. Naaaliw nito ang mga namatayan. c. Nauuwi sa pagliligawan ang biruan lamang sa simula ng kabataan. d. Nasasanay magkabisado ng tula ang kabataan
  • 154 Basahin at unawain ang kasunod na mga saknong ng tula. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong kaugnay nito. 8.Ano ang ibig sabihin ng salitang kuhila? a. api c. ganid b. taksil d. hirap 9.Sino ang tinutukoy na Ina sa tula? a. Espa a c. Hapon b. Pilipinas d. Amerika 10. Alin sa mga taludtod ang angkop na kasunod ng saknong na: Bakit? Alin ito na sakdal laki, Na hinahandugan ng buong pagkasi, Na sa lalong mahal nakapangyayari, At ginugugulan ng buhay na iwi? a.Ay! Ito ang Inang Bayang tinubuan b. Siya’y Ina’t tangi kinamulatan b.Ng kawili-wiling liwanag ng araw d. Na nagbigay-init sa buong katawan Wow! Natapos mo na nang buong husay ang Aralin 1.2. Malawak na ang iyong kaalaman tungkol sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap naman noong Panahon ng mga Español. Nakatitiyak ako na nagkaroon ka rin ng kaalaman tungkol sa kultura at kaugaliang Pilipino ng mga panahong iyon dahil nasalamin mo ang mga ito sa bawat akdang ating tinalakay. Marahil ay nanininiwala ka na ang panitikan ay talagang salamin ng kultura ng mga tao sa panahon at lugar na pinagmulan ng mga ito. Pagkatapos ng pananakop ng mga Español sa ating bansa, dumating naman ang mga Hapon. Katulad ng mga naunang dayuhan na sumakop sa atin, mayroon din silang kultura at uri ng panitikan na ipinakilala sa ating mga kababayan. Iyan ang aalamin natin sa huling aralin ng Modyul 1, ang Aralin 1.3 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon. Simulan na natin. ‘Di na kailangan sa iyo ang awa ng mga Tagalog, O Inang kuhila, paraiso naming ang kami’y mapuksa, langit mo naman ang kami’y madusta. Paalam na Ina, itong Pilipinas, paalam na Ina, itong nasa hirap, paalam,paalam, Inang walang habag, paalam na ngayon, katapusang tawag. Mula sa: “Katapusang Hibik ng Pilipinas” ni Andres Bonifacio
  • 155 Aralin 1.3: Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon I. Panimula at mga Pokus na Tanong Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit ang paksa ng mga tula noong panahon ng Hapon ay tungkol sa bayan, pag-ibig, kalikasan, buhay-lalawigan o nayon, pananampalataya at sining? Marahil nagtataka ka kung bakit ‘di naging paksa ng mga akdang pampanitikan noon ang tungkol sa pamamahala ng mga Hapones. Sa araling ito malalaman mo ang mga akdang pampanitikan na sumibol sa panahong ito na naimpluwensiyahan sa panahong naisulat ito, tulad ng tanaga, haiku at maikling kuwento. Alamin mo kung ano ang kulturang namamayani ng panahong ito? Masasalamin ba sa uri ng panitikang lumaganap sa panahong ito ang kultura ng ating mga ninuno? II. Ang mga Aralin at Ang Saklaw Nito Masasagot mo ang mahahalagang tanong, at maisasagawa mo ang Inaasahang Produkto/Pagganap kung uunawain mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito: A. Aralin 1. 3- Ang Panitikan sa Panahon ng Hapones 1. 3. 1. a. Panitikan: Tula a.Tanaga b.Haiku b. Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa 1. 3. 2. a.Panitikan: Maikling Kuwento “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo b.Wika: Sanhi at Bunga Isang tipikal na tagpo sa kabukiran ang pagtatanim ng palay – ang pangunahing pagkain ng mga Pinoy.
  • 156 III. Mga Inaasahang Kasanayan Sa araling ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman at kasanayan. Aralin 1.3 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Nakikinig nang may pag-unawa upang: • maipaliwanag ang pagkakaugnay ng mga pangyayari • masuri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari • mapatunayan ang kawastuan ng mga impormasyon batay sa sariling karanasan Nabibigyang-kahulugan ang mga makabuluhang salita/matatalinghagang pahayag na ginamit sa teksto/ diskursong napakinggan Pagsasalita Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag/pangungusap na nagbibigay-pahiwatig Naibabahagi ang sariling opinyon, pananaw, katuwiran, interpretasyon sa tulong ng mga diskursong: • nagpapaliwanag • nangangatuwiran • nagsasalaysay • naglalarawan Pag-unawa sa Binasa Nasusuri ang iba’t ibang akdang pampanitikan batay sa mga katangian nito • tula • maikling Kuwento Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang akda/ teksto sa pamamagitan ng pag-uugnay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari
  • 157 Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng akda/teksto • Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto • Nailalarawan sa imaheng biswal ang mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa akda/teksto Nahuhulaan ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa pamamagitan ng: • pagpili ng lohikal na wakas • paggawa ng sariling wakas • pagbabago ng wakas Pagsulat Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye,kaisipan at opinyong nakapaloob sa teksto kung: • mabuti o masama • katotohanan o opinyon Naisasaayos ang mga tala/impormasyong nakalap mula sa iba’t ibang pinanggalingan(panayam, aklat, pelikula, internet at iba pa) na may kaugnayan sa paksang tinalakay Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: • depinisyon • paghahalimbawa • pagsusuri • paghahawig o Pagtutulad • sanhi at bunga Pakikitungo sa Wika at Panitikan Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot sa mga tanong at puna sa akdang pampanitikang napanood,nabasa o napakinggan
  • 158 Estratehiya sa Pag-aaral Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral Naipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda Tatas Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan sa paglinang ng pangangailangang pangkomunikatibo. Natataya kung ang napakinggan, napanood, o nabasa ay may kabuluhan at kredibilidad Nasusuri ang mahahalagang detalye ng napanood, napakinggan o nabasang impormasyon (media literasi) Pananaliksik Nakabubuo ng balangkas ng nasaliksik na mga impormasyon Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian Nailalahad nang maayos ang nalikom na mga impormasyon sa isinagawang pananaliksik Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internet
  • 159 IV. Konseptuwal na Balangkas Narito ang Konseptuwal na Balangkas ng araling ito na makatutulong upang maiplano mo ang iyong mga gawain. Marahil ay handang-handa ka na sa ating gagawing pag-aaral. Alamin natin ang tungkol sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Hapon. V. PANIMULANG PAGTATAYA Alamin muna natin kung gaano na ang alam mo sa panitikang sumibol noong Panahon ng Hapones sa pamamagitan ng pagsagot sa panimulang pagtataya. Sa pagtatapos ng mga gawain sa araling ito malalaman mo kung tama ang iyong mga kasagutan. Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng letra ng tamang sagot. 1. Paano mo malalaman na haiku ang isang tula? a.may tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7- 5 o 5-5-7 o 7-5-5 b.may tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 10- 4-4 o 5-5-8 o 8-4-6 c.may tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4- 4 o 8-2-2 o 2-8-2 d.may tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4- 5 o 4-5-5 o 5-5-4 ANG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON Tula Maikling Kuwento Tanaga Uhaw ang Tigang na Lupa Haiku Pangungusap na Walang Paksa Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
  • 160 2. Ano ang ikinaiiba ng tanaga sa haiku? a. tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong pantig b. tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong c. tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig d. tula na may 6 na taludtod ang bawat saknong 3. Anong panahon nagsimulang lumaganap ang mga tanaga at haiku sa ating bansa? a. Katutubo b. Español c. Hapon d. Kasarinlan 4. Ano ang karaniwang paksa ng mga tanaga at haiku noon? a. kababalaghan c. kalagayan sa buhay c. katatakutan d. kaguluhan 5. Basahin ang isang halimbawa ng tanaga. Ano ang ibig sabihin ng salitang dumalaw ? Panalangin ni Asuncion B. Bola Pagsubok ‘pag dumalaw ‘Di ka makapagpasiya Ang Panalangin lamang Sagot sa mga problema a. bumisita c. dumating b. pumunta d. bunga 6. Ano ang paksa ng kasunod na haiku? Iyong galangin Ang asawa’y yakapin Huwag bugbugin. Huwag nang buksan, Lahat ng nakaraan Walang sumbatan. Planong pamily Ay dapat ginagawa Ng mag-asawa.
  • 161 a. Buhay may asawa b. Ang Pag-aasawa c. Pagplano ng pamilya d. Pag-aaruga ng pamilya 8. Bakit nangibabaw ang panitikan sa Tagalog noong Panahon ng Hapones? a. Nagandahan ang mga Hapones sa panitikang Tagalog. b. Ipinagbawal ng mga Hapones ang panitikan sa Ingles. c. Nauunawaan ng lahat ang panitikan sa Tagalog. d. Mas maayos ang pagkakalahad ng mga ideya ng panitikan sa Tagalog. 8. Ano ang pagkakatulad ng haiku at tanaga? a. naglalaman ng mga pangyayari. b. magkapareho ang tunog sa hulihan ng bawat taludtod. c. Hindi pare-pareho ang pantig sa bawat taludtod. d. kapwa may sukat at tugma. 9. Kailan sumibol ang Gintong Panahon ng maikling kuwento? a. 1941 c. 1942 b. 1943 d. 1944 10. Ano ang tawag sa Liwayway na tanging magasin noon na pinangasiwaan ng mga Hapones na kumilala sa panitikan? a. likhang sining ng mga manunulat b. obra ng mga manunulat c. lakas ng manunulat d. buhay ng manunulat 11. Bakit sinasabing ang panitikan ay tinig ng kilusan sa Panahon ng Hapon? a. Naililimbag ang makabayang kaisipan ng mga makata, mananaysay at manunulat ng maikling kuwento. b. Naipahahayag ang di pagsang-ayon sa mga dayuhan. c. Naipararating ang mga kahilingan, alituntunin o kautusan ng mga Pilipino. d. Nakasusulat ng mga akdang nais ipalimbag.
  • 162 12 . Kung ikaw ang bata sa akdang “ Uhaw ang Tigang na Lupa” ano ang iyong gagawin sa nararamdaman mong katahimikan sa inyong tahanan? a. Ipagwawalang bahala ko sapagkat ayaw kong makialam. b. Hahayaan ko na lang sapagkat bata pa ako. c. Magtatanong ako sapagkat bilang anak karapatan kong malaman ang nangyayari. d. Pababayaan ko na lang sila sapagkat baka mapagalitan pa ako. 12. “Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw”, ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito? a. Madalang masilayan ang pagngiti ng Ina. b. May problemang dinadala kaya di siya napapansin. c. Hindi umuulan kaya tigang ang lupa. d. Malungkot ang paligid. 14. Kailan masasabing ang isang pamilya ay huwaran? a. may ina, ama at mga anak b. nakatira sa maayos na bahay c. may masaganang pamumuhay d.may pagmamahalan at respeto sa isa’t isa. 15. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang huwarang pamilya? a. magiging mamamayang may kapanagutan sa anumang gawain b. magiging sikat na mamamayan c. hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan d. magkakaroon ng disiplinang pansarili Kumusta? Ilan kaya sa mga aytem ang nasagot mo ng tama? Kung marami ang mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng modyul na ito upang maitama mo ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral ng mga panitikang lumaganap sa Panahon ng Hapon.
  • 163 VI.Yugto ng Pagkatuto AlaminAlaminAlaminAlamin Alam mo ba na bago pa man dumating ang mga mananakop tayo ay may sarili nang panitikan? Hindi maikakailang yumabong pa ito sa kanilang pagdating. Sa araling ito, pag-aaralan natin ang mga akdang sumibol sa Panahon ng Hapones na bagamat napakahirap ng buhay ng mga Pilipino noon ay napaunlad pa rin ang mga tula (haiku at tanaga), at maikling kuwento. Alamin mo kung ano ang kulturang namamayani sa panahong ito? Masasalamin ba sa uri ng panitikang lumaganap sa panahong ito ang kultura ng ating mga ninuno? Naniniwala ka ba na ang mga paksa ng akdang pampanitikan ay naiimpluwensiyahan ng panahong naisulat ito? Alam ko na may nalalaman ka na sa panitikan noong panahon ng Hapon. Kung wala naman, makatutulong sa iyo ang araling ito upang mabatid at madagdagan ang iyong kaalaman tungkol dito. Subukin mo kung hanggang saan na ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng susunod na gawain. GAWAIN 1.3.1.a : Tugon sa Pagkatuto Ang Tahanan ng mga Konsepto ay mga konsepto na iyong pagninilayan sa kabuuan ng araling ito. A. Bago ang Talakayan C.Pagkatapos ng Talakayan B. MGA KONSEPTO 1. Totoo __ Di Totoo __ 2. Totoo __ Di Totoo __ 3. Totoo __ Di Totoo __ 4. Totoo __ Di Totoo __ 10.Totoo _ Di Totoo __ 1.Totoo __ Di Totoo __ 2.Totoo __ Di Totoo __ 3.Totoo __ Di Totoo __ 4.Totoo __ Di Totoo __ 5.Totoo __ Di Totoo __ Tahanan ng mga Konsepto Panuto: Basahin at unawain mo ang mga pahayag sa gitna at sagutin ang nasa Hanay A at B. Lagyan ng tsek kung totoo o di- totoo ang mga konseptong nakasulat. 1. Ang panitikan ay salamin ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino. 2. Sa panitikan malayang naipahahayag ng mga Pilipino ang kanilang damdamin at saloobin. 3. Panitikan rin ang naging daan upang makamit ang kalayaan ng ating bansa. 4. Ang mga paksa noon ng akdang pampanitikan ay tungkol sa mga dayuhang sumakop sa Pilipinas. 5. Nakatulong ang nilalaman ng mga akdang pampanitikan sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
  • 164 Matapos mong gawin ang Tugon sa Pagkatuto malalaman mo ang mga konsepto na sa palagay mo ay totoo. Ito ay iyong babalikan upang maitama ang mga konseptong alam mo na totoo at di-totoo. GAWAIN 1.3.1.b: Hanap-Salita Hanapin mo ang tatlong salita na sa palagay mo ay may kaugnayan sa ating tatalakayin sa panitikan sa Panahon ng Hapones. Bilugan ang mabubuong salita. K I L A L A U E P S T O W A L A N G E H A I K U N I M I T O T A N A G A O Y A Y I E Sa Panahon ng Hapones , may dalawang klase ng akdang pampanitikan ang sumibol na iyong pag-aaralan sa bahaging ito- tula (tanaga at haiku) at maikling kuwento. Ang susunod na gawain ay makatutulong upang maunawaan isa-isa ang mga akdang sumibol sa Panahon ng Hapones. Bibigyan mo rin ng pokus sa iyong pag-aaral ang araling panggramatika na gagamitin upang maisagawa ang produktong inaasahan pagkatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito. Simulan natin sa tula, ang tanaga at haiku.
  • 165 PaunlarinPaunlarinPaunlarinPaunlarin Sa bahaging ito higit mong mauunawaan ang mga konseptong dapat mong matutuhan sa tanaga at haiku bilang mga akdang pampanitikan na sumibol sa bansa noong Panahon ng Hapones. Mauunawaan mo din kung ano ang naging tungkulin ng panitikan sa noong panahong iyon. Sa iyong palagay, nakatulong ba ang mga akdang pampanitikang ito upang masilayan natin ang kultura at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino sa panahong ito? Upang matugunan mo nang wasto ang mahalagang tanong, pagyamanin mo ang iyong kaalaman sa paksa na iyong pag-aaralan sa tulong ng mga gawaing inilaan sa araling ito. GAWAIN 1.3.1.c: Gabay ng Buhay Suriin at tukuyin ang mga nakatala sa kasunod na mga kahon kung alin ang tanaga at haiku. Isulat ang letra sa sagutang papel kung haiku o tanaga ang mga nakatala sa kahon. A. B. B. C. D. E. F. TANAGA HAIKU 1. 1. 2. 2. 3. 3. Ang katoto kapag tunay hindi ngiti ang pang-alay kundi isang katapatan ng mataos na pagdamay. Gabing tahimik Sumasapi sa bato Huning-kuliglig Puno ay sanga Bisagra ay talahib, Kandado’y suso. Palay siyang matino, Nang humangi’y yumuko; Nguni’t muling tumayo Nagkabunga ng ginto Wala iyan sa pabalat at sa puso nakatatak, nadarama’t nalalasap ang pag-ibig na matapat. Hila mo’t tabak… Ang bulaklak nanginig Sa paglapit mo…
  • 166 Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang mga katangian ng tulang sumibol sa Panahon ng Hapon na ikinaiiba nito sa iba pang tula? 2. Ang mga akdang pampanitikan ba ay sagisag ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino? Ipaliwanag. Tama kaya ang iyong pagkaunawa sa katangian ng tulang sumibol sa Panahon ng Hapones? Upang iyong malaman at maunawaan ang tungkol dito, narito ang mga impormasyon. TANAGA AT HAIKU Mayaman ang ating bansa sa mga akdang pampanitikan dahil sa impluwensiya ng mga dayuhang sumakop sa ating bansa. Isa na rito ang tula sa Panahon ng Hapones. Sinasabing dahil sa kahirapan ng papel noong Panahon ng Hapones, lumabas ang maiikling tula na tinatawag na tanaga at haiku. Ano ang tanaga at haiku? Ayon kina Noceda at Sanlucar, ang tanaga ay isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang matayog na guniguni at marangal na kaisipan.May 4 na taludtod (linya ng bawat saknong sa tula) na may sukat (bilang ng pantig sa bawat taludtod), binubuo ng pitong pantig (walang antalang bugso ng tinig na pasulat na bawat pantig ay laging may isang patinig) sa bawat taludturan, may tugma (pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod) , at puno ng talinghaga. Halimbawa: . Ugnay-Panitikan SIPAG Magsikhay nang mabuti Sa araw man o gabi Hindi mamumulubi Magbubuhay na hari IKAW LANG Dasal ko sa Bathala Sana’y makapiling ka sa luha ko at dusa Ikaw ang aking sigla
  • 167 Samantalang ang haiku ay tula ng mga Hapones na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay binubuo ng limang pantig; ang ikalawa’y may pitong pantig, at ang ikatlo’y may limang pantig tulad ng una. Halimbawa: GAWAIN 1.3.1.d: Talinghaga ng Buhay Ibigay ang kaisipang nais ipabatid ng kasunod na mga tanaga at haiku. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. c. A. B. d. C. D. B._____________ _____________ _____________ ___________________ __________________ ________________ ________________ __________ C.________________ _______________ _______________ __________________ ______________ ______________ ____________ TANAGA HAIKU Ang katoto kapag tunay hindi ngiti ang pang-alay kundi isang katapatan ng mataos na pagdamay. Puno ay sanga Bisagra ay talahib, Kandado’y suso. Wala iyan sa pabalat at sa puso nakatatak, nadarama’t nalalasap ang pag-ibig na matapat. Hila mo’t tabak… Ang bulaklak nanginig Sa paglapit mo… Puno ay sanga Bisagra ay talahib, Kandado’y suso. Hila mo’t tabak... Ang bulaklak nanginig Sa paglapit mo...
  • 168 Sa iyong palagay, nasasalamin ba sa mga tanaga at haiku ang kultura ng isang lahi? Marahil, tama ka sapagkat ang panitikan ay salamin ng kultura ng isang bansa. Ngunit pansinin kung ano ang pagkakaiba ng tanaga sa haiku sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong sa ibaba. 1. Sa paanong paraan magiging gabay ang mga tanaga at haiku sa pang- araw-araw mong buhay? Patunayan. 2. Nasasalamin ba ang kilos, ugali at pamantayan sa buhay sa mga tanaga at haiku? Tunay na tayong mga Pilipino ay naniniwala na sa mga akdang pampanitikan masasalamin ang kilos at pag-uugali ng isang tao. Tulad ng mga halimbawa ng tanaga at haiku sa itaas. GAWAIN 1.3.1.e : MAGKAIBA O MAGKATULAD (MOM) May pagkakaiba at pagkakatulad ba ang tanaga at haiku? Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Mga Gabay na Tanong: 1. Paano nagkaiba ang tanaga at haiku? Ipaliwanag. 2. Mahalaga bang matutuhan mo ang mga tanaga at haiku na nangibabaw sa Panahon ng Hapones? Pangatuwiranan. Alam ko na sa tulong ng mga gawaing naunang ginawa ay naunawaan mo nang ganap ang pagkakaiba ng tanaga at haiku na lumaganap noong Panahon ng Hapon. Pansinin ang kaiklian ng mga tanaga at haiku. Nagpapahayag ba ng isang buong diwa ang mga ito? Alam mo ba na may mga pangungusap tayo na kahit walang paksa ay maituturing na pangungusap? Upang maging mabisa ang gagawin mong orihinal na tanaga at haiku na lalapatan ng larawan, makatutulong sa iyo kung pag-aaralan mo ang mga pangungusap na walang paksa. Pagkakaiba(Haiku) ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ _ Pagkakaiba (Tanaga) ________________ ________________ ________________ ________________ Pagkakatulad (Tanaga at Haiku) ___________________ ___________________ ___________________ ___________________
  • 169 Pagkatapos ng klase, ang magkakaibigan ay nagkukuwentuhan habang sama-samang gumagawa ng kanilang takdang- aralin. Tuwang-tuwa sila at sabay-sabay nilang sinabi na... GAWAIN 1. 3.1.f : Pangungusap Ba Kahit Walang Paksa? Basahin at unawain mo ang nais ipabatid na mensahe ng kasunod na komik strip. Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang ginagawa ng magkakaibigan? 2. Pansinin ang naging usapan ng magkakaibiganl, ano ang tawag sa nabuong mga pangungusap? 3. Kailan masasabi na ang pangungusap na walang paksa ay temporal, penomenal, eksistensiyal at modal? Sa naganap na usapan ng magkakaibigan kapansin-pansin ang kaiklian nito at mga pangungusap na hindi tiyak ang paksa. Pag-aralan mo ang kasunod na impormasyon upang lubos mong maunawaan ang tungkol sa mga pangungusap na walang paksa. Umaaraw na. Kagabi nakakatakot talaga Huwag mo ng isipin iyon. Tanghali na,kailangang matapos natin ito Tawagan mo si Ana nasa kanya ang aklat na kailangan natin. Oo nga may pasok pa tayo. Tayo na.
  • 170 Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa 1. Penomenal- Ito ay tumutukoy sa mga pangungusap na tumutukoy sa mga kalagayan o pangyayaring pangkalikasan o pangkapaligiran. Halimbawa: Umuulan Lilindol uli! Maginaw ngayon. Makulimlim na naman. 2. Temporal- Nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian karaniwan itong mga pang-abay na nagsasabi ng… Halimbawa: Tanghali na Bukas ay Miyerkules Alas singko pa lang ng umaga. Todos los Santos sa Lunes Magbabakasyon lang 3. Eksistensiyal- Nagsasaad ito ng “pagka mayroon” o pagka-wala”. Inilalagay sa unahan nito ang mga salitang may o mayroon at wala. Halimbawa: Wala pang bisita May nakakuha na May hinihintay pa Walang sumasagot 4. Modal- Nangangahulugan ito ng gusto, nais, ibig, pwede, maaari, dapat, o kailangan. Halimbawa: Puwede bang sabihin. Maaari bang magdagdag? Gusto kong magbigay. Nais/ibig mo ba? Ngayong, alam mo na ang pagkakaiba ng mga pangungusap na walang na paksa, naghanda ako ng pagsasanay upang sukatin ang iyong naging kaalaman.. Ugnay-Wika
  • 171 GAWAIN 1.3.1 g : Mga Kasanayang Panggramatika Basahin ang usapan . Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong. Rey : Tao po. Magandang hapon po. Lolo : Ay! Ikaw pala, Rey.Halika.Tuloy. Rey : Nabalitaan ko pong dumating si Raymond, babatiin ko lamang po siya dahil sa pagtatapos niya nang may karangalan. Lolo : Ganoon ba? Apo, tuloy ka.May bisita ka. Raymond : Salamat po. Ikaw pala, Rey. Gabi na. Bakit napasugod ka. Rey : Binabati kita sa iyong pagtatapos nang may karangalan. Ang galing mo talaga dangal ka ng ating baryo. Raymond : Maraming salamat. Sana maging karapat-dapat ako sa iyong pagbati. Rey : Binabati ka rin ng iba pa nating kaibigan. Sana raw di ka magbago. Raymond : Naku! Hinding-hindi mangyayari iyon. Lolo : Hindi sa itinataboy kita, Rey. Bukas na kayo magbalitaan. Dumidilim na. Kumukulog pa. Tag-ulan ngayon. Baka magkasakit ka. 1. Ano ang paksa ng usapan? 2. Hanapin ang mga pangungusap na walang paksa sa teksto. Pangkatin ito ayon sa uri. Isulat ang sagot sa papel.
  • 172 3. Mabisa ba ang pagkakagamit ng mga pangungusap na walang paksa sa ganitong usapan? Ipaliwanag. 4. Bumuo ng tanaga o haiku gamit ang mga pangungusap na walang paksa. Sa bahaging ito, bigyan mo ng pansin ang nabuong pag-unawa tungkol sa paksa. Sapat na ba ang iyong kakayahan upang sagutin ang kasunod na gawain na tutulong upang higit na lumalim ang iyong pag- unawa sa araling pinag-aaralan? GAWAIN 1.3.1.h : ILARAWAN Piliin ang angkop na larawan sa mga sumusunod na tanaga at haiku. Ipaliwanag. A. B . D. C. Pangungusap na Walang Paksa 1. Naniniwala ako na mahalagang unawain ang m Modal ___________________________ ___________________________ ____________________________ Eksistensyal ____________________________ ____________________________ ____________________________ Temporal ___________________________ ___________________________ ___________________________ _ Penomenal ____________________________ ____________________________ _____________________________
  • 173 1._________ 2._________ 3._________ 4._________ Dahil ang mga tanaga at haiku ay sumasalamin ng kilos at ugali ng tao, mas madali mong maiintindihan ito kung may representasyon ng larawan katulad ng nasa kabilang pahina. Sang-ayon ka ba? Marahil , oo dahil nakatulong sa iyo ang mga larawan upang malaman mo agad ang ibig sabihin ng isang tanaga at haiku. GAWAIN 1.3.1.i : PAGBATAYAN MO… Bigyan mo ng pansin ang mga paksa sa kasunod na mga kahon. Pagbatayan mo ang mga ito upang makabuo ng sariling tanaga at haiku. Alam kong kayang-kaya mo itong gawin. TANAGA HAIKU ________________ __________________ ________________ __________________ ________________ __________________ ________________ _________________ _________________ _________________ _________________ _________________ _________________ _________________ Kabilang buhay, Totoo ba o sablay Kapag namatay Mabuting gawa Mayroong gantimpala Galing sa AMA. Pag ang sanggol ngumiti nawawala ang pighati kalong mo’y sumisidhi pangarap na punyagi Pakikisama Sa iyong mga kapwa Dulot ay saya. Pag-ibig sa bayan Pagkabata Biyaya Pagmamahal sa kapwa
  • 174 GAWAIN 1.3.1.j : SAYSAY PAGGUHIT Basahin mong mabuti ang tanaga at haiku na nasa banner. Iguhit mo ang kaisipang nakapaloob sa bawat isa. GAWAIN 1.3.1.k : KONSEPTO … AKING NABATID! Sa bahaging ito, nais kong masukat ang kabuuang kaalaman na iyong natutuhan sa araling pinag-aaralan. Tunay nga bang sapat na ang iyong kaalaman sa araling pampanitikan? Sa araling panggramatika? Ipakita mo ito sa pagbuo ng maikling talata. Magaling! Ngayon ay batid ko na tunay ngang napagyaman ang iyong kaalaman sa araling ating pinag-aaralan. Marahil, sapat na ang mga kaalamang iyong natamo upang maisakatuparan ang inaasahang produkto sa araling ito. GAWAIN 1.3.1.l : KAYA KO! Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailapat ang mga konseptong natutuhan sa araling ito. Basahin at unawain mo ang sitwasyon. Pagkatapos, isakatuparan ito. Araw ng mga puso kailangan mong mag-alay ng naiiba sa iyong nanay/tatay/kapatid/minamahal. Wala kang sapat na pera para bumili ng mamahaling regalo. Susulat ka ng orihinal na tanaga o kaya haiku tungkol sa katangian ng pagbibigyan mo. Isaalang-alang mo ang sumusunod na pamantayan sa gawain. a. Kaangkupan sa paksa b. Paggamit ng pangungusap na walang paksa c. Kaangkupan ng mga salitang ginamit d. Elemento ng tanaga at haiku e. May orihinalidad INOSENTE Nagtampong kalikasan Sa kurakot ng bayan Ang walang kasalanan Ang pinaghigantihan. KAIBIGAN Pakikisama Sa iyong mga kapwa Dulot ay saya
  • 175 Mahusay! Natapos mong pag-aralan ang tanaga at haiku handa ka na para sa susunod pang akda noong Panahon ng Hapones. Marahil , marami ka nang nabasang maiikling kuwento at ilan dito ay tumatak sa iyong isipan dahil sa husay ng pagkakabuo. Sa iyong palagay, malaki kaya ang impluwensiya ng mga mananakop na dayuhan sa ganitong klase ng akda sa panahong naisulat ito? Paano kaya naipakita ng mga Pilipinong manunulat ang kanilang pagiging makabayan sa panahon na hindi sila malaya? Alam kong nananabik ka ng umusad sa susunod na aralin. Nararamdaman ko ang iyong pananabik na makilala nang higit ang maikling kuwento na lumaganap sa Panahon ng Hapones. ARALIN 1.3.2 – Maikling Kuwento Ang maikling kuwento ay isang kathang pampanitikang ang layuni’y maglahad o magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Ang maikling kuwento, bukod sa pagiging maikli at may iba’t ibang elemento tulad ng tagpuan, tauhan, banghay, tunggalian kasukdulan at wakas. Isang natatanging katangian ng maikling kuwento ay nag-iiwan ng kakintalan sa mambabasa. Bilang panimula sa susunod na aralin. Subukin mong magbigay ng iyong saloobin, opinyon o paglalarawan sa kasunod na imahe. GAWAIN 1.3.2.a. : ISANG SULYAP Isang sulyap sa kasunod na larawan at alamin kung ano ang nais nitong iparating sa iyo. Makabubuo ka kaya ng kuwento buhat sa larawan? Subukin mong bumuo sa tulong ng sumusunod na bahagi . a. Simula b. Gitna c. Wakas
  • 176 Mga Gabay na Tanong: 1. Paano mo malalaman ang angkop na pangyayari sa bawat bahagi ng maikling kuwento? 2. Mahalaga ba ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa maikling kuwento? Bakit? 3. Nailalarawan ba sa maikling kuwento ang tunay na kaganapan sa lipunan? Pangatuwiranan. Sa bahaging ito, tiniyak ko lamang kung may ilang kaalaman ka sa araling iyong pag-aaralan. Huwag kang mag-alala sapagkat tiyak na pagyayamanin pa ang dati mong kaalaman sa paksa. Kung babalikan natin ang ating kasaysayan, sa iyong palagay ano ang naging papel ng maikling kuwento sa buhay n g mga Pilipino noong Panahon ng Hapon? Saang bahagi magkatulad ang maikling kuwento na umusbong noong Panahon ng Hapones sa mga maikling kuwento na lumalaganap sa kasalukuyan? Subukin mong sagutin ang susunod na gawain upang bahagya mong masilayan ang maikling kuwento sa Panahon ng Hapones. GAWAIN 1.3.2.b : ANG TUNAY NA MUNDO Alamin ang tunay na kulay ng panitikan sa Pilipinas noong Panahon ng Hapones. Balikan mo ang kasaysayan ng ating bansa particular sa panahong ito upang matugunan ang mga tanong na nasa mga biluhaba sa kasunod na pahina. Higit bang nakilala ang mga manunulat na Pilipino sa panahon ng Hapones? Patunayan. Nailarawan ba sa maikling kuwento ang kultura at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino noong Panahon ng Hapones? Nagamit din ba ang panitikan partikular na ang maikling kuwento upang makamit natin ang kalayaan sa kamay ng
  • 177 Ngayong may ideya ka na sa larawan ng mga maikling kuwento na lumaganap sa Panahon ng Hapones, nais kong bigyan mo ng pansin ang akda na pag-aaralan mo sa araling ito. Sikapin mong suriin kung taglay ba ng maikling kuwento ang katangian na dapat taglayin ng isang akda noong Panahon ng Hapones. Isang maikling kuwento na lumabas noong panahon ng Hapones ang iyong babasahin upang iyong malaman kung bakit ang mga akda noon ay nakaka- impluwensiya sa panahong naisulat ito. Basahin at unawain: Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi...Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang hindi nasasalamin ang isang larawang mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliwang buhok, singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mga labing duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan...Sa kanya ang aking noo at mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at maninipis na labi, ay kay Ina...Si Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing bilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita: Lumigkit ka!...At kailangang ‘di ko makita. Kailangang ‘di ko masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga mata. Kailangang ‘di ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kailangang ‘di ko na makita ang panginginig ng kanyang mga
  • 178 daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing huwag kung mayroon siyang ipinagbabawal. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag- araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw...Minsan man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama bagama’t hindi ko mapaniwalaang may magkabiyak ng pusong hindi nagkakahinampuhan. Marahil ay sapagkat kapwa sila may hawak na kainawaan: ang pagbibigayan sa isa’t isa ay hindi nalilimot kailanman.Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulot ng isang amang nagsasalaysay tungkol sa mga kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting ina; ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda at masasayang bata.Ngunit, sa halip niyon ay minalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat; sa kanyang pagmamakinilya; sa kanyang pagbabasa. Minamasdan ko kung paano niya pinapakunot ang kanyang noo; kung paano niya ibinubuga ang asong nagbubuhat sa kanyang tabako; kung paano siya titingin sa akin na tila may hinahanap; kung paano niya ipipikit ang kanyang mga mata; kung paano siya magpapatuloy sa pagsulat...Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga punit na damit; kung nag-aayos ng mga uhales at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa kanyang pagbuburda ng aking mga kamison at panyolito – sa galaw ng kanyang mga daliri – ay natutunghayan ko ang isang kapana-panabik na kuwento. Ngunit, ang pananabik na ito’y napapawi.Kabagut-bagot ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay:isang batang marahil ay nasa kanyang kasinungalingang gulang o isang saggol na kalugud- lugod, may ngiti ng kawalang-malay, mabango ang hininga, may maliit na paa at kamay na nakatutuwang pisilin, may mga pisngi at labing walang bahid-kasalanan at kasiya-siyang hagkan, o isang
  • 179 kapatid na kahulihan ng gulang, isang maaaring maging katapatan...Sakali mang hindi nagkagalit si Ina at Ama, o kung nagkakagalit man ay sadyanghindi ipinamamalay sa akin, ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti, ng mga biruan. Sapat na ang isang tuyot na aalis na ako sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang naningil na ang maniningil sa ilaw o sa tubig o sa telepono upang sakupin angpanahong itatagal ng isang hapunan. Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may naririnig siya.Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung makailan kaming nagpasyal: Si Ama, si Ina at ako. Malimit na ako ang kasama ni Ina; hindi ko nakitang sinarili nila ang pag-aaliw.Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng kakaibang kilos si Ina. Nahihiga rin siya pagdating ng mga sandali ng pamamahinga at kung nakatutulog siya o hindi ay hindi ko matiyak. Marahil ay ito ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang taong inaangkin ng madla...Ngunit, walang pagsisisi sa kanyang tinig. Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko yaon kay Ina: yaon daw ay talaarawan ni Ama.Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang lalo niyang hindi pagkibo buhat noon. Lalo siyang naging malungkot sa aking paningin. Ano ang nasa isang talaarawan? Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing lasing si Ama ngunit, kakaibaang kalasingan niya ngayong gabi. Hinihilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsaa, ngunit wala itong naibigay na ginhawa.Hindi rin kumikibo si Ina: nasa mga mata niya ang hindi maipahayag na pagtutol
  • 180 Sapagkat may isusulat ako...sapagkat ikamamatay ko ang pighating ito...sapagkat...sapagkat...sapagkat...Idinaraing ngayon ni Ama ang kanyang dibdib at ulo: hindi raw siya makahingang mabuti.Marahil ay may sipon ka, ani ina. Sinisinat ka nga.Isang panyolitong basa ng malamig na tubig ang itinali ko sa ulo ni Ama. Wala siyang tutol sa aking ginagawa. Sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko.Ang kanyang mga bisig, buhat sa siko hanggang sa palad, at ang kanyang binti,buhat sa tuhod hanggang sa mga talampakan, ay makailan kong binuhusan ng tubig na mainit na inakala kong matatagalan niya – tubig na pinaglagaan ng mga dahon ng alagaw. Kinulob ko siya ng makakapal na kumot matapos na inumin niya ang ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng kalamansi.Nakangiti si Ama: Manggagamot pala ang aking dalaga!Sinuklian ko ng isang mahinang halakhak ang ngiti niyang yaon: hindi ako dating binibiro ni Ama.Sana’y ako si ina sa mga sandaling yaon: sana’y lalo kong ituturing na mahalagaang nadarama kong kasiyahan...Nabigo ako sa aking pag-asa: nakaratay nang may ilang araw si Ama. Halos hindi siya hinihiwalayan ni Ina: sa ilalim ng kanyang mga mata ay may mababakas na namang maiitim na guhit.Anang manggagamot ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya. Ngunit,ayaw niyang ipagtapat sa akin ang karamdaman ni Ama. Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag. Nililinis ko ang kanyang makinilya.Idinikit ko ang kagugupit na kuwentong kalalathala pa lamang. Pinagsama-sama ko ang mga papel sa kanyang mga kahon. Ang pang-ilalim na kahon ng kanyang hapag ay nagbigay sa akin ng hindi gagaanong pagtataka: may isang kahitang pelus na rosas at isang salansan ng mga liham. Maliliit at mga bilugang titik bughaw na tinta sa pangalan ni Ama sa kanyang tanggapan ang mga
  • 181 nasa sobre.Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong nakawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta: Sapagkat ako’y hindi makalimot... Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang pagkapoot sa kanya at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama. Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang aking katiwasayan kung hindi ka dumating sa aking buhay, bagamat hindi ko rin marahil matitiis na hindi maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay ang malimit maging sagwil sa kanyang kaligayahan...Naiwan na natin ang gulang ng kapusukan; hindi na tayo maaaring dayain ng ating nadarama. Ngunit, nakapagitan sa atin ngayon ang isang malawak na katotohanang pumipigil sa kaligayahan ang hindi natin maisakatuparan ay buhayin na lamang natin sa alaala. Panatilihin na lamang natin sa diwa ang katamisan ng isang pangarap; sana’y huwag tayong magising sa katotohanan...Nakita ko siya kagabi sa panaginip; sinusumbatan niya ako. Ngunit, hindi ko balak ang magwasak ng isang tahanan. Hindi ko maatim na magnakaw ng kanyang kaligayahan; hindi ko mapababayaang lumuha siya dahil sa akin. Ang sino mang bahagi ng iyong buhay ay mahal sa akin; ang mahal sa akin ay hindi ko maaaring paluhain...Ang pag-ibig na ito’y isang dulang ako ang gumaganap ng pangunahing tauhan;sapagkat ako ang nagsimula ay ako ang magbibigay- wakas. Ipalagay mo nang ako’y nasimulang tugtuging nararapat tapusin. Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa kalungkutang itong halos pumatay sa akin...Ngunit, bakit napakahirap ang lumimot?Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang balikat: noon ko lamang namalayan na may pumasok sa aklatan. Nakita niya
  • 182 ang larawang nasa kahitang pelus na rosas. Natunghan niya ang mga liham na nagkalat sa hapag ni Ama.Si Ina ay dumating at lumisang walang binitiwang kataga. Ngunit, sa kanyang paglisan ay muling binati ng kanyang palad ang aking balikat at nadarama ko paang salat ng kanyang mag daliri; ang init ng mga iyo, ang bigat ng kanilang pagkakadantay...Ang katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi. Iniiwasan ko ngayon ang pagsasalubong ng aming mga titig; hindi ko matagalan ang kalungkutang nababasa ko sa mga paninging yaon. Hiningi ni Ama ang kanyang panulat at aklat-talaan. Nguni, nang mapaniwala ko siyang masama sa kanyang ang bumangon ay kanyang sinasabi: Ngayon ay ang aking anak ang susulat nang ukol sa atin...At sa anya’y isang dalubhasang kamay ang uukit niyon sa itim na marmol. Ngunit, hindi ko maisatitik ang pagtutol na halos ay pumugto sa aking paghinga.Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko!Kailanman ay hindi ko aangkining likha ng aking mga daliri ang ilang salitang ito. Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig sa tuwina...Halos kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga puso namin ng iyong Ina...Mura pang lubha ang labingwalang taon...Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili ng mga kalungkutang magpapahirap sa iyo habang-buhay...Muli kong nadama ang tibay ng buhol na nag-uugnay ng damdamin ni Ama sa akin.Kinatatakutan ko na ang malimit na pagkawala ng diwa ni Ama.Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi pag- idlip, patuloy sa kanyang pagluha kung walang makakita sa kanya...Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang nais tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi.Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang kamay nito ay kinulong niya sa kanyang mga palad.Magaling na ako, mahal ko...magaling na ako...sa muli mong pagparito ay sabihin mo sa akin
  • 183 kung saan tayo maaaring tumungo...ang moog na itong kinabibilangguan ko’y aking wawasakin...sa ano mang paraan...sa ano mang paraan...Ang malabubog na tubig na bumabakod sa mga pangingin ni Ina ay nabasag at ilang butil niya ang pumatak sa bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pinilt na iminulat ni Ama at sa pagtatagpo ng mga titig nila ay gumuhit sa nanunuyo niyang labi ang isang ngiting punong-puno ng pagbasa. Muling nalapat ang mga durungawang yaon ng isang kaluluwa at hindi niya namasid ang mga matang binabalungan ng luha: ang mga salamin ng pagdaramdam na di mabigkas . Nasa mga palad pa rin ni ina ang kaliwang kamay ni ama: sabihin mo mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko…Kinagat ni ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi ko maamin kay ina ang tinig na yaon...Maangkin mo na, mahal ko! Ang init ng mga labi ni ina ang kasabay ng kapayapaang nananahan sa mga labi ni ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay na wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa… GAWAIN 1.3.2.c. : LINAWIN MO! Sa gawaing ito kailangang maibigay mo ang kahulugan at magamit sa sariling pangungusap ang mga salitang nakasulat nang pahilig. 1. Kailangang ‘di ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kahulugan: __________________________________________ Pangungusap: __________________________________________
  • 184 2. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw. Kahulugan: __________________________________________ Pangungusap: __________________________________________ 3. Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may naririnig siya. Kahulugan: __________________________________________ Pangungusap: __________________________________________ 4. Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Kahulugan: __________________________________________ Pangungusap: __________________________________________ 5. Hinihilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsaa, ngunit wala itong naibigay na ginhawa. Kahulugan: __________________________________________ Pangungusap: __________________________________________ Ngayong nabigyan mo ng kahulugan ang mga salitang nakasulat nang pahilig at nagamit mo pa sa pangungusap, marahil nakatulong ito upang mas lalo mong maunawaan ang kuwento. Makakaya mo ring sagutin ang ilang kasunod na mga tanong na may kaugnayan sa paksa.
  • 185 GAWAIN 1.3.2.d : SA BISA NG KARUNUNGAN 1.Paano sinimulan ang maikling kuwento? 2. Ano ang paksa ng kuwento? Masasabi mo ba na ang paksa sa nasabing kuwento ay ang karaniwang paksang ginamit ng mga manunulat noong Panahon ng Hapones? Patunayan. 1. Isalaysay ang mga mahahalagang pangyayari gamit ang Story Ladder. Panimula: ________________________________________________________ Papataas na Aksiyon: ________________________________________________________ Kasukdulan: ________________________________________________________ Kakalasan: ________________________________________________________ Wakas: ________________________________________________________ Papataas na Aksiyon Panimula Kasukdulan Kakalasan Wakas
  • 186 2. Saang bahagi ng kuwento makikita ang maaksiyong pangyayari? 3. Paano winakasan ng may-akda ang maikling kuwento? 4. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na baguhin ang wakas ng kuwento, paano mo ito gagawin? 5. Sa panahong iyon, ano ang magagawa mo upang maging malaya ka sa iyong isinusulat? ANG BANGHAY ng banghay ay isa sa mga sangkap ng maikling kuwento. Ito ay maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Ang maikling kuwento ay makapag-iiwan lamang ng kakintalan sa isipan ng mga mambabasa kung may mangyayari, kung masasagot ang mga katanungang tulad ng sumsunod: ano ang nangyari? Bakit iyon nangyari? Ano ang naging wakas? Sinasabing ang banghay ang pinakakaluluwa ng maikling kuwento. Narito ang ilang tulong para masundan mo at mahiwatigan ang banghay ng kuwento. a. Alamin ang simula at wakas ng kuwento b. Bigyan-pansin ang kilos at galaw ng pangunahing tauhan c. Alamin ang mga pangyayaring sumasalungat sa daloy o galaw ng kuwento. Matapos mong malaman ang isa sa mga sangkap ng kuwento alamin naman natin ang katangian ng kuwento sa Panahon ng Hapones. Ugnay-Panitikan
  • 187 GAWAIN 1.3.2.e.. BANDILA Pagkatapos mong basahin ang isang halimbawa ng maikling kuwento sagutin ang mga detalyeng hinihingi sa kasunod na graphic organizer. ___________ _________ __________________ _________________ _______________ Suriin ang graphic organizer, at sagutin ang kasunod na mga tanong upang matukoy ang ikinaiiba at kalagayan ng panitikan noong Panahon ng Hapones. Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang maikling kuwento at paano ito naiiba sa iba pang akdang pampanitikan? 2. Bakit sinasabing ang mga akdang naisulat noong Panahon ng Hapones ay naimpluwensiyahan ng pananakop nila? 3. Sa iyong palagay, paano nagagawa ng mga manunulat sa panitikan sa kasalukuyan ang maging malaya sa pagsulat ng mga akda nila? Pagkatapos mong magkaroon ng kaalaman sa maikling kuwento na lumaganap noong Panahon ng Hapones, tingnan natin ang mas malalim na mga pangyayari kung ano ang naging sanhi at bunga ng pagsusulat ng mga manunulat sa Pilipino ng mga akdang pampanitikan sa panahong nabanggit.. Tutulungan ka ng susunod na gawain sa araling panggramatika upang malaman ang mga detalye kaugnay ng mga sanhi ng paglaganap ng maikling kuwento at mga bunga nito sa lipunang Pilipino noong panahong iyon. Kalagayan ng maikling kuwento sa Panahon ng Hapones _________________ _____ _________________ Kahulugan _________________ ___ _________________ ___ _________________ _ Sinasalaming Kultura _________________ _ _________________ ___ _________________ Nilalaman(Paksa) _________________ __ _________________ __ _________________MAIKLING KUWENTO
  • 188 GAWAIN 1.3.2.f : SANHI AT BUNGA Suriin at pagtapat-tapatin ang magkakaugnay na mga larawan upang malaman ang sanhi at bunga ng bawat pangyayari. Isulat sa sagutang papel ang letra na tutugon sa wastong pagtatapat at ang paliwanag sa ugnayan ng bawat larawan. 1. 2. 3. Sa bahaging ito nalaman mo na ang isang pangyayari ay may bunga na maaaring maganda o di kaya’y di kanais-nais. Upang higit mong maunawaan ang tungkol sa kasanayang sanhi at bunga narito ang mga impormasyon na iyong uunawain at tatandaan. A B C
  • 189 SANHI AT BUNGA Ang paggamit ng kasanayang sanhi at bunga ay higit na nakapagpapaliwanag at nakapaglalarawan kung bakit naganap ang isang pangyayari at kung ano ang naging epekto nito. Karaniwang ginagamit ang ilang pahayag na tulad ng “dahil dito, kung kaya, naging bunga nito, ang sanhi ng, kapag ipinatupad ito at iba pa. Sa paglalahad ng sanhi at bunga sinasagot ang mga katanungang “Bakit ito nangyari” at “ Ano ang naging epekto ng naturang pangyayari? Ang sagot sa unang tanong ay tumutukoy sa sanhi at ang ikalawang tanong ay tumutukoy naman sa bunga. Halimbawa: Sanhi bunga GAWAIN 1.3.2.g. Buuin Mo! Sa pamamagitan ng kasunod na sitwasyon, isulat ang sanhi at bunga nito. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Sitwasyon Sanhi Bunga 1. Magulong pamilya 2. Pakikipagbarkada 3. Pagputol ng mga puno 4. Maruming paligid 5. Mababang marka Ugnay-Wika
  • 190 Sa gawaing ito, mas lalo mong malalaman kung sapat na ang kaalaman mo sa maikling kuwento at kasanayang sanhi at bunga sa araling panggramatika.. GAWAIN 1.3.2.i: BUHAY MO, KUHA KO, KWENTO KO Nalalapit na ang paggawa ng inyong Year End Issue. Ikaw ay isa sa patnugot ng pahayagan na naatasang sumulat ng isang lathalain tungkol sa mag-aaral ng ALS(alternative learning system) na kasama sa nagtapos. Kailangang makalikha ka ng isang lathalain. Kumuha ka ng 4 na larawan na patunay ng kaniyang pagsusumikap, i-lay out mo ito at bumuo ka ng maikling kuwento. Kung wala namang kamera, gumupit ng 4 na larawan na may kaugnayan sa buhay ng mag-aaral. Naunawaan mo na ang kaugnayan ng Pananakop ng Hapones sa tema ng akdang pampanitikan na nangibabaw noon. Lubos mo pang mauunawaan ang panitikan noon sa susunod na mga gawain. Pagnilayan at UnawainPagnilayan at UnawainPagnilayan at UnawainPagnilayan at Unawain 1. Saguting muli ang gawain. TUGON SA PAGKATUTO (Map of Conceptual Change) Tahanan ng mga Konsepto A. Bago ang Talakayan C.Pagkatapos ng Talakayan B. MGA KONSEPTO 1. Totoo __ Di Totoo __ 2. Totoo __ Di Totoo __ 3. Totoo __ Di Totoo __ 4. Totoo __ Di Totoo __ 5. Totoo __ Di Totoo __ 1.Totoo __ Di Totoo __ 2.Totoo __ Di Totoo __ 3.Totoo __ Di Totoo __ 4.Totoo __ Di Totoo __ 5.Totoo __ Di Totoo __ Panuto: Basahin mo ang mga pahayag sa gitna at sagutin ang nasa Hanay A at B. Lagyan ng tsek kung totoo di totoo ang mga konseptong nakasulat. 1. Ang panitikan ay salamin ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino. 2. Sa panitikan, malayang naipahahayag ng mga Pilipino ang kanilang damdamin at saloobin. 3. Ang panitikan ang naging daan upang makamit ang kalayaan ng ating bansa. 4. Ang mga paksa noon ay tungkol sa mga dayuhang sumakop sa Pilipinas. 5. Nakatulong ang nilalaman ng mga akdang pampanitikan sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
  • 191 Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang iyong napansin sa kinalabasan ng iyong mga sagot? 2. Tama ba ang mga ito? Nagawa mo bang iwasto ang mga dating mali? 3. Bakit kaya sinasabing naiimpluwensiyahan ang mga akdang pampanitikan na nangibabaw sa panahong naisulat ito? 2. 1. Sa pamamagitan ng kasunod na dayagram sa ibaba. Sagutin kung paano nakaimpluwensiya ang mga Hapones sa panitikan noong panahong sinakop nila ang Pilipinas? 2. Sa iyong palagay, nakatulong kaya ito sa pagpapalaganap o pagpapaunlad ng panitikan?
  • 192 IlipatIlipatIlipatIlipat Sitwasyon: Tuwing buwan ng Agosto ang National Historical Institute ay nagkakaroon ng eksibit kaalinsabay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.At bilang mga kawani ng nasabing tanggapan, ikaw ay naatasang bumuo ng PICTO-TULA/KUWENTO. Ito ay kalipunan ng mga orihinal na tulang haiku at tanaga. Sa tulong ng teknolohiya at mga larawan dapat na maging malinaw na maipakikita ang natatanging kultura at kasaysayan ng lahing Pilipino. Ang eksibit ay sasaksihan ng iba-ibang sangay ng pamahalaan. Isaalang-alang ang paggamit ng tugmaan sa mga tulang bubuuin, mga larawang biswal, at paggamit ng teknolohiya at kaisahan/ kaangkupan. Binabati kita sa matagumpay mong pagsasagawa ng mga gawain sa mga aralin sa modyul na ito , Panitikan sa Panahon ng Hapones. Kraytirya Napakahusay 4 Mahusay 3 Papaunlad 2 Kailangan pang pag- aralan 1 MARKA Paggamit ng salitang tugmaan Gumamit ng mga angkop at magagandang salita sa pagbuo ng tula Gumamit ng mga angkop na salita sa pagbuo ng tula May mga ilang salita na hindi angkop sa pagbuo ng tula Ang mga salitang ginamit ay hindi angkop sa tula Mga Larawan Makukulay at nakakaakit ang ginamit na mga larawan na kakikitaan ng kulturang Pilipino Makulay at angkop ang mga ginamit na larawan na kakikitaan ng kulturang Pilipino Gumamit ng ilang angkop na makukulay na larawan na kakikitaan ng kulturang Pilipino Hindi angkop ang 1 o 2 larawang ginamit Paggamit ng Teknolohiya Nakagamit ng mga websites/technology sa pagpapalawak ng tema Nakagamit ng ilang websites/technol ogy lamang upang mapalawak ang tema Gumamit ng 1 o 2 websites/technolo gy upang mapalawak ang paksa Walang ginamit na websites/techn ology upang mapalawak ang paksa Kaisahan Batay sa tema at Pagkaka- roon ng Orihinalidad Angkop ang pagkakaayos at pagkakaugnay ng tula at larawan batay sa tema Maayos ang mga larawan batay sa tema Hindi masyadong maayos ang mga larawan at pagpapaliwanag Walang kaugnayan ang mga larawan batay sa tema KABUUANG MARKA
  • 193 VII.Pangwakas na Pagtataya (Ang Panitikan sa Panahon ng Hapones) Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang sa pahalang at pababa.Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 1. 2. 3. 4. ABB 5. 7. 8. 9. Pababa 1. Isang uri ng akdang pampanitikan 2. Sa panahong ito naging mahirap ang buhay ng mga Pilipino 3. Ito ay walang antalang bugso ng tinig na ang bawat pantig ay laging may isang patinig 4. Lima – Pito - ______ 5. Pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod. 6. Ibang salita ng sagot Pahalang 2. Tula ng mga Hapones na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod 7. Ang tanaga ay binubuo ng _____ pantig bawat taludtod. 8. Uhaw ang ______ na Lupa 9. Isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang matayog na guniguni at marangal na kaisipan.
  • 194 PAGNILAYAN AT UNAWAINPAGNILAYAN AT UNAWAINPAGNILAYAN AT UNAWAINPAGNILAYAN AT UNAWAIN ( para sa Modyul 1)( para sa Modyul 1)( para sa Modyul 1)( para sa Modyul 1) Dugtungan ang pahayag upang makabuo ng paglalagom ng tungkol sa kalagayan ng panitikan sa tatlong panahon na nakapaloob sa modyul na ito – Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo, Panahon ng Espa ol at Panahon ng Hapones. Ang modyul na ito ay tungkol sa panitikan na binubuo ng tatlong panahon ay lubos na ____________sa akin sapagkat ________________________________ Katulad ng Panahon ng ______________ ay nalaman ko na _________________________, di rin pahuhuli ang Panahon ng _________ ay ______________________ maging ang Panahon ng ___________. Ang tatlong panahon ay nagdulot/ nagpaalala/ nagbigay ________________ upang mas lalong ______________ ito ay aking _________________.
  • 195 ILIPAT ( para sa Modyul 1 )ILIPAT ( para sa Modyul 1 )ILIPAT ( para sa Modyul 1 )ILIPAT ( para sa Modyul 1 ) Sitwasyon Nalalapit na ang Araw ng Kalayaan. Ang SK chairman ninyo ay naglunsad ng isang patimpalak na gawain sa paggawa ng scrapbook ng mga orihinal na akdang pamapanitikan ng na lumaganap sa Panahon ng Katutubo, Espa ol at Hapon. Ikaw bilang kabataan ay sasali sa patimpalak na ito upang maipakita mo ang iyong pagpapahalaga sa mga akdang pamapanitikan na lumganap sa tatlong panahong nabanggit. a. May halimbawa ng bawat akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon Katutubo, Espa ol at Hapones. b. Orihinalidada c. Kakangkupan ng mga salitang ginamit Natapos mo na ang hulig bahagi ng modyul na ito. At naninaiwala akong buong husay mo itong naisagawa. Tanggapin mo ang aking pagbati. Iminumungkahi kong sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit upang higit mong matiyak na talagang naunawaan mo na ang mga araling nakapaloob s modyul na ito. Simulan mo na! VII.PANGWAKAS NG PAGSUSULIT (MODYUL 1) Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa sumusunod na mga tanong 1. Ang panitikan sa Panahon ng Hapones ay binigyang-halaga na makapagsulat sa wikang Pilipino ang mga manunulat na Pilipino ngunit ingat na ingat sila sa mga paksang isusulat .At dahil sa kahirapan ng buhay sa panahong iyon nagtipid ang mga manunulat sa kanilang isusulat kaya lumaganap ang tanaga at haiku. Aling pahayag ang nagpapakita ng sanhi ng pangyayari? a. Binigyang- halaga na makapagsulat sa wikang Pilipino b. ingat na ingat sila sa paksang isusulat c. dahil sa kahirapan ng buhay sa panahong iyon d. lumaganap ang tanaga at haiku
  • 196 2. Isa sa mga dahilan kung bakit maraming kabataan ang naliligaw ng landas ay ang pagkakaroon ng sirang pamilya. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag? a. mabuting kinahinatnan ng mga pangyayari b. masama ang pagkakaroon ng buong pamilya c. nagpapakita ng katotohanan d. opinyon lamang ng iba 3. Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kaniyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi. Ano ang nais ipahiwatig ng sitwasyon? a. may problemang hinaharap ang kanyang kaibigan b. isang sanggol sa piling ng isang ina c. nararamdaman niya ang suliraning pampamilya d. binabalikan ang mga pangyayari 4. Mula sa tekstong nasa blg.3 na bahagi ng kuwentong “Uhaw ang Tigang na Lupa”, ano ang ibig sabihin ng, “ tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib”? a. batang nasa tabi ng ina na natutulog b. sanggol na kalong kalong ng ina c. nakikiramdam sa pintig ng puso d. masama ang pakiramdam 5. Maikli ang isinusulat na akda dahil sa pagtitipid noong Panahon ng Hapones ngunit nagiging gabay ang mga ito ng buhay. Anong akdang pampanitikan ang tinutukoy sa pahayag? a. karunungang - bayan b. tanaga at haiku c. bugtong d. tula
  • 197 6. Elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng mga mambabasa. a. banghay b. tagpuan c. tauhan d. tema 7. Maagang gumising si Carlos para magtungo sa palengke. Masayang- masaya siya na nag-aayos ng kaniyang mga paninda ngunit walang ano-ano’y dumilim kaya’t nasabi niyang “uulan na naman”. Nalungkot siya. Kapag umuulan matumal at kaunti lang ang kaniyang kikitain. Alin sa mga pahayag ang pangungusap na walang paksa? a. Maagang gumising. b. Uulan na naman. c. Masayang- masaya siya. d. Nalungkot sita. 8. Narito ang isang orihinal na tanaga. Ano ang nais ipahiwatig nito? Damdamin ng Isang Ina ni Asuncion B. Bola Nasasaktan man ako Sa aking mga desisyon Paninindigan ito Sa ikabubuti mo. a. pagdidisiplina sa kaniyang anak b. paglayo sa kaniyang minamahal c. pagpaparaya sa kaniyang mahal d. nararamdaman ng isang tao 9. Lagi niyang hinihintay ang pagsapit ng Disyembre. Sa gulang niyang pitong taon, masaya siya kapag sumasapit ang buwang ito. Tsokoleyt, damit at laruan ang kanyang natatanggap. Pasko na bukas. Sa oras na ito kaiba ang kanyang nadarama. Lungkot. Ito ang araw na iniwan siya ng kanyang ina at namayapa. Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang mga salungguhit na pahayag?
  • 198 a. penomenal b. eksistensiyal c. temporal d. modal 10. Sa kaniyang pagiging matiyaga, mapagpakumbaba at masipag sa pag- aaral siya ang naging valedictorian ng kanilang paaralan. Aling pahayag ang nagsasaad ng bunga ng pangyayari? a. sa kanyang pagiging matiyaga b. naging valedictorian ng kanilang paaralan c. sa kaniyang pagiging mapagkumbaba d. masipag sa pag-aaral 11. Aling Pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. Anong elemento ng tula ang tinutukoy sa mga salitang nakasulat ng pahilig? a. sukat b. aliw-iw c. tugma d. indayog 12. Kung ang bayang ito’y masasa-panganib At siya ay dapat na ipagtangkilik, Ang anak, ang asawa, magulang, kapatid Isang tawag niya’y tatalikdang pilit Pansinin ang pagkakagamit ng pariralang tatalikdang pilit. Ano ang nais ipakahulugan nito? a. labag sa kalooban b. tatalikod c. di sang-ayon d. magsasawalang-kibo
  • 199 13. Saan nabibilang ang pahayag na “ Ang lahat ng palayok, may katapat na saklob”? a.bugtong b.salawikain c.sawikain d.sabi-sabi 14. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam ng isang mas mabuting buhay para sa kanyang mga minamahal. Anong salita ang binibigyang- turing ng mga salitang nakahilig sa pangungusap? a. siya b. malayo c. namatay d. pag-asam 16. Balikang muli ang pangungusap na nasa blg. 14. Ano ang tinutukoy ng mga salitang nakahilig? a. panahon b. lugar o lunan c. paraan d. kaisipan 17. Nag-umpisa ang palatuntunan nang tanghali kaya naman pawisan ang mga nagsipagdalo. Ano ang binibigyang- turing ng salitang tanghali? a. palatuntunan b. nagsipagdalo c. pawisan d. nag-umpisa
  • 200 18. Ano ang tinutukoy ng salitang tanghali sa pangungusap blg. 17? a. paraan b. panahon c. panahon o lugar d. dahilan 19. “ Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan?” Ano ang gamit ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap? a. naglalahad ng dahilan c. nagpapakita ng paghahambing b.nagpapakita ng katuwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon 20. Ano ang salitang ginamit na nagpapakita ng paghahambing na di- magkatulad? a. di- gaano b. labis c. c. dahil d. tulad Natapos mo na ang Modyul 1. Nakatitiyak ako na naunawaan mo ang mahahalagang konsepto sa bawat aralin dahil buobng bisa mo itong nailipat sa tunay na sitwasyon na magagamit mo sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa modyul na ito ay napag-aralan din natin ang ilang akdang pamapanitikan na lumaganapa sa tatlong panahon. Pagkatapos ng Panahon ng Hapones, ang Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan naman at ang panitikang namayani sa bawat panahon an gating pag-aaralan. Muli, maligayang pag-aaral.
  • 201 MODYUL 2:MODYUL 2:MODYUL 2:MODYUL 2: SANDIGAN NG LAHI … IKARANGAL NATIN I. PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG Kumusta na? Ikinatutuwa ko ang iyong pagtatagumpay sa pagsagot sa Modyul 1. Muli, magbubukas ako ng mga bagong gawain at aralin para naman sa Modyul 2 at ito ay nakatuon sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Pananakop ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan. Ang ilan sa mga ito ay ang Balagtasan, Sarsuwela, Sanaysay, Maikling kuwento at Dula. Gayundin ang tungkol sa araling panggramatika tulad ng Panandang Diskurso, Kaantasan at Kayarian ng Pang-uri, Iba’t ibang Paraang Ginagamit sa Pagpapahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat, at Aspekto ng Pandiwa. Bakit umusbong at sumigla ang panitikang Pilipino noong Panahon ng Amerikano? Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan sa panahong ito? Malaya ba ang mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt? Nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng damdamin, katuwiran, opinyon o saloobin ng mga manunulat upang maipahayag nila ang damdaming makabayan sa Panahon ng Kasarinlan? Tunay bang ang panitikan ay salamin ng kultura ng isang bansa? Bakit kailangang pag-aralan ang panitikan sa iba’t iba’t ibang panahon? At bakit kailangang magkarooon ka ng kaalaman at kasanayan sa gramatika? Nakatutulong ba ang mga ito sa pagiging mabisa sa pagpapahayag ng saloobin, damdamin o pananaw ng isang tao? Ang mahahalagang tanong na ito ay magsisilbing gabay mo sa pagtuklas ng mahahalagang konsepto na nakapaloob sa modyul na ito. Bilang patunay na naunawaan mo ang mahahalagang konsepto na nakapaloob sa modyul na ito, sa pagtatapos ng iyong pag-aaral, ikaw ay inaasahan kong makikibahagi sa pagbuo at pagtatanghal ng isang video presentation na nagpapakita ng kulturang Pilipino na nananatili pa sa kasalukuyan, nabago at nawala na. Narito ang mga tiyak na aralin na iyong pag-aaralan sa Modyul 2.
  • 202 II. ANG MGA ARALIN AT ANG SAKLAW NITO Sa modyul na ito ay masasagot mo ang mahalagang tanong kung pag-aaralan mo ang sumusunod na aralin. Aralin 2. 1: Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano Aralin 2.1.1: a. Panitikan: Balagtasan “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan” ni Jose Corazon de Jesus b. Wika: Opinyon o Katotohanan Aralin 2.1.2: a. Panitikan: Sarsuwela “Walang Sugat” ni Severino Reyes b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri Aralin 2.2: Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt Aralin 2.2.1: a. Panitikan: Sanaysay (Talumpati) “Wikang Pambansa” ni Manuel L. Quezon b. Wika: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag Aralin 2.2.2: a. Panitikan: Maikling Kuwento “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes b. Wika: Kayarian ng Pang-uri Aralin 3: Ang Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan Aralin 2.3.1: a. Panitikan : Maikling Kuwento “Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” ni Genoveva Edroza Matute b. Wika: Aspekto ng Pandiwa Aralin 2.3.2: a. Panitikan: Dula “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar b. Wika: Pagsang-ayon at Pagsalungat Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Aralin 2.1 – makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa Balagtasan at Sarsuwela na lumaganap sa Panahon ng Amerikano na sumasalamin sa kultura at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino mula noon hanggang sa kasalukuyan;
  • 203 Aralin 2.2 – makapagpapamalas ng iyong ang pag-unawa sa Sanaysay at Maikling kuwento na lumaganap sa Panahon ng Komonwelt upang mapahalagahan ang kultura at kalagayang panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito; Aralin 2.3 – makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa maikling kuwento at dula na umusbong sa Panahon ng Kasarinlan upang iyong mapahalagahan ang kultura ng ating bansa sa panahong ito. III. MGA INAASAHANG KASANAYAN Sa modyul na ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman at kasanayan: MODYUL 2 Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin Mga Kasanayang Pampagkatuto Pakikinig Napauunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa diskursong napakinggan Nakagagawa ng sariling pag-aayos ng mga ideyang pinakinggan Naibubuod ang teksto batay sa mahahalagang punto Nakapaglalahad ng kahulugan, katangian, at kahalagahan ng mga dulang pantanghalan sa buhay ng mga tao/ mag-aaral Naisasalaysay ang magkakaugnay na pangyayari sa napakinggan Naihahambing ang sariling saloobin sa saloobin ng nagsasalita Naiuugnay ang pinapaksa ng nagsasalita sa iba pang paksa at karanasan Nakabubuo ng makabuluhang tanong batay sa napakinggan Naililipat ang impormasyon mula sa diskursong napakinggan tungo sa iba pang anyo (transcoding) Nakagagawa ng sariling reaksiyon (pasalita o pasulat) sa mga ideyang pinakinggan Napipili ang angkop na ekspresiyon/pananalita sa pagpapahayag ng sariling puna Nakagagawa ng angkop na pagwawasto sa mga inaakalang maling pananaw o impormasyong napakinggan
  • 204 Pagsasalita Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag / pangungusap na nagbibigay pahiwatig Natutukoy sa loob ng pangungusap ang kaantasan ng pang-uri tulad ng: lantay pahambing pasukdol Naibabahagi ang sariling opinyon,pananaw,damdamin at saloobin Nakapagsasadula ng dulang pantanghalan (Sarsuwela) na nangibabaw sa Panahon ng Amerikano Nailalahad ang mga pagpapasiya batay sa mga patunay at katuwiran Nakapangangatuwiran nang maayos at mabisa batay sa iba’t ibang sitwasyon Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin batay sa mga ideya,kaisipang inilahad ng teksto Naipapahayag nang maayos ang matinding reaksiyon sa mga bagay na ‘di nagugustuhan (may pagsasaalang-alang sa damdamin ng kausap) Nakapagsasagawa ng interbyu/panayam Nakapagsasagawa ng sarbey batay sa kulturang Pilipino gamit ang panitikan Nakapaglalahad ng pamamaraan sa pagsasagawa ng simposyum tungkol sa kahalagahan ng kulturang sariling atin Nakapaglalahad ng sariling pananaw kung paano mapananatili ang kulturang Pilipino sa tulong ng panitikan
  • 205 Pag-unawa sa Binasa Nasusuri ang ilang akdang Panitikan batay sa mga katangian nito Balagtasan Sarsuwela Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: pagkilala sa kahulugan ng mga salita kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akdang pampanitikan ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng may-akda Naihahambing ang akda sa iba pang uri ng akda batay sa: paksa layon tono pananaw gamit ng salita Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang binasa Naibibigay ang kaugnayan ng akda sa: sarili kapaligiran ibang tao Naipaliliwanag ang mga elemento ng isang akda maikling kuwento dula Naisasaayos ang mga pangungusap upang makabuo ng mga talatang may kaisahan sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga detalye na lohikal ang pagkakasunod-sunod Napipili ang pangunahin at pantulong na mga ideya o kaisipang nakasaad sa binasa Nahihinuha ang pamaksang diwa ng teksto Naiisa-isa ang mga tiyak na layon ng teksto
  • 206 Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng teksto/akda Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto/akda Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa teksto/akda Nakapangangatuwiran sa napiling alternatibong solusyon o proposisyon sa suliraning inilahad sa teksto Nasusuri ang iba’t ibang uri ng panitikan batay sa kahulugan at katangian ng mga ito: Nailalahad ang punong kaisipan at ang paraan ng pagpapaikli ng paksa Nasusuri ang layunin ng paksa Nasusuri ang mga uri ng panitikan at ang katangian ng bawat isa Naipaliliwanag ang motibasyon o dahilan ng mga kilos o gawi ng mga tauhan Nabibigyang kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa akda Naibubuod ang binasang akda Natutukoy ang iba’t ibang tunggaliang naganap sa akda Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akdang binasa buhat sa simula, tunggalian, kasukdulan, kakalasan, at wakas Napayayaman ang karanasan ng mag-aaral sa tulong ng mga akdang pampanitikan upang mapaunlad at mapalawak ang kakayahan at pananaw sa buhay Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akda/teksto ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng may-akda Nakapagbibigay-hinuha sa • pangyayari • kaalaman • pakay o motibo • layunin ng may-akda
  • 207 Naihahambing ang kalagayan ng panitikan at epekto nito sa kulturang Pilipino noon at ngayon Nasusuri sa teksto ang mga aspekto ng pandiwa Naisasaayos ang mga pangyayari sa Maikling kuwento/Dula ayon sa wastong pagkakasunod-sunod Nasusuri ang bahagi ng Maikling kuwento/Dula/Sanaysay Napaghahambing ang elemento ng Maikling kuwento sa Dula Nasusuri ang kulturang taglay ng panitikan kung ito’y nanatili, nabago o nawala na Pagsulat Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akdang binasa at sa: pamantayang pansarili o pansariling karanasan pamantayang galing sa ibang tao o sa ibang babasahin Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagbuo ng diyalogo/ iskrip Nakasusulat ng talata na may pangunahin at pantulong na kaisipan Naisasaalang-alang ang mga kasanayan sa paggamit ng Filipino sa pagsulat ng talata Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: • pagbibigay ng depinisyon • paghahalimbawa • paghahawig o pagtutulad Naisasaayos ang mga pangungusap sa loob at pagitan ng talata upang magkaroon ng kaisahan sa pamamagitan ng: • pag-aayos ng mga detalye na lohikal ang pagkakasunod-sunod • paggamit ng mga ekspresiyong transisyunal
  • 208 • paglalahad ng mga pangungusap na may magkatulad na pagkakabuo Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng talata Nakabubuo ng balangkas upang maipakita nang malinaw ang sariling ideya at intensiyon sa pagbuo ng komposisyon Nagagawang kawili-wili ang panimula ng komposisyon sa pamamagitan ng isang: • kaakit-akit na pahayag • napapanahong sipi o banggit Nawawakasan ang komposisyon nang may pangkalahatang impresiyon sa pamamagitan ng: • pagbubuod • makabuluhang obserbasyon Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng isang tiyak na uri ng paglalahad Naisasaalang-alang ang mga kailanganin sa pagsulat ng sanaysay Nakapipili ng isang napapanahong paksa Nakapagtatala ng mga kinakailangang impormasyon Nakapagpapangkat-pangkat ng magkakaugnay- ugnay na ideya at impormasyon Napalalawak ang mga kaisipang kaugnay ng paksa Nakabubuo ng isang: • makatawag-pansing simula • mabisang wakas Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan, at opinyong nakapaloob sa teksto kung: • totoo o hindi totoo • may pagbabatayan o kathang-isip lamang • mabuti o masama • katotohanan o opinyon Nakapaglalahad ng sariling pananaw batay sa nilalaman ng akdang binasa kung ito’y makatotohanan o di- makatotohanan gamit ang graphic organizer
  • 209 Nakasusulat ng maikling kuwento batay sa kultura ng lugar na pinagmulan Nakasusulat ng talatang: • naglalarawan • naglalahad • nagsasalaysay • nangangatuwiran Nakapag-uugnay ng mga kaisipan mula sa binasang akda hango sa sariling karanasan • nasaksihan • napakinggan/napanood/nabasa Tatas Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan sa paglinang ng pangangailangang pangkomunikatibo Naipamamalas ang makahulugan at masining na pagpapahayag para sa mabisang pakikipagkomunikasyon Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pakikipagkomunikasyon Nagagamit ang pormal at impormal na Filipino sa komunikasyon ayon sa sitwasyon, pangangailangan at pagkakataon Pakikitungo sa Wika at Panitikan Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot sa mga tanong at puna sa panitikang napanood, nabasa o napakinggan Estratehiya sa Pag-aaral/Pananaliksik Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral Naipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda Nalilikom ang mga panoorin na namayani sa panahon ng Amerikano
  • 210 IV.KONSEPTUWAL NA BALANGKAS Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling nakapaloob sa Modyul 2 na iyong pag-aaralan. Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internet Nailalahad nang maayos ang mga nalikom na impormasyon sa isinagawang pananaliksik tungkol sa mockumentary Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internet SANDIGAN NG LAHI…IKARANGAL NATIN Aralin 3 : Ang Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan 3.1: a. Panitikan: Maikling Kuwento “Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” ni Genoveva Edroza Matute b. Wika: Aspekto ng Pandiwa 3.2: a. Panitikan:Dula “Sinag sa Karimlan.” ni Dionisio Salazar b. Wika: Pagsang-ayon at Pagsalungat Aralin 2 : Ang Panitikan sa Panahon ng 2.1: a. Panitikan:Sanaysay (Talumpati) “Wikang Pambansa” ni Manuel L. Quezon b. Wika: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag 2.2: a. Panitikan: Maikling Kuwento “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes b. Wika: Kayarian ng Pang-uri Aralin 1 : Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano 1.1: a. Panitikan: Balagtasan “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan” ni Jose Corazon de Jesus b. Wika: Opinyon o Katotohanan 1.2: a. Panitikan: Sarsuwela “Walang Sugat” ni Severino Reyes b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri
  • 211 Upang maging matagumpay ka sa pagsagot ng modyul na ito, narito ang ilang gabay. 6. Hanapin ang kahulugan ang mga salitang hindi mo nauunawaan. 7. Sagutin ang lahat ng tanong at gawain. 8. Magsaliksik at itala ng mahahalagang impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng epiko. 9. Alamin ang iba’t ibang paraan ng pagsulat ng tekstong naglalahad 10.Subuking bumuo ng iba’t ibang paraan ng pagtatanong na angkop sa sitwasyon. Alamin natin kung gaano na ang alam mo sa araling ito. Piliin ang pinakaangkop na sagot sa sumusunod na mga tanong/pahayag. Mangyaring sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos mong sagutin ang pagsusulit na ito, makikita mo ang iyong iskor. Itala at tandaan ang mga aytem na hindi mo nasagot nang tama at hanapin mo ang tamang sagot habang pinag-aaralan mo ang araling ito. V. PANIMULANG PAGTATAYA Unang Bahagi Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sumusunod na tanong/pahayag. 1. Tinaguriang ama ng Maikling kuwento. a. Rogelio R. Sicat b. Deogracias A. Rosario. c. Narciso Reyes d. Liwayway . Arceo 2. Dahilan kung bakit lubusang lumaganap ang Maikling kuwento sa Panahon ng Komonwelt. a. Nagkaroon ng samahan ng mga manunulat na tinawag na Panitikan. b. Nagkaroon ng paghihimagsik sa mga dayuhang manunulat c. Naglunsad ng mga makabagong pag-aaral sa pagsulat d. Ginawang instrumento ang pahayagang La Solidaridad ng mga kuwentista.
  • 212 3. Tinawag ni Alejandro G. Abadilla na “pagsasalaysay ng isang sanay.” a. salaysay b. komposisyon c. talumpati d. sanaysay 4. Dahilan kung bakit ang sanaysay ang may pinakakaunting bilang ng sumusulat at bumabasa. a. malayo ito sa damdamin ng madla b. napakahirap nitong gawin c. dahil nagmula ito sa ibang bansa. d. Ang paraan ng paglalahad ay hindi tinatangkilik. 5. Ikinaiba ng sanaysay sa iba pang akdang tuluyan. a. Ito lamang ang may pangunahing tauhan na naaapi subalit lumalaban. b. Mayroon itong isahang yugto. c. Tumutugon ito sa interes ng buhay, sa panitikan at iba pang sining. d. Ito ay maaaring pormal dahil nagbibigay ng impormasyon at pamilyar dahil nang-aaliw. Ikalawang Bahagi Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang masagot ang kasunod na mga tanong. Bago tayo magsimula’y akin munang ninanais Na batiin kayong dito’y naliliping matahimik. Nanalig akong kayo ay mayroon ding pananalig Na ang tao’y nabubuhay na may layo’t panaginip; Datapuwa’t sa ano mang hangad nila’t iniibig, Ay mayroong mag-uudyok, o kaya ay umuugit; Kung minsa’y ang ating puso, at kung minsan ay ang isip, Kaya naman iba’t iba ang wakas na nasasapit. Hango sa “Alin ang Dapat Maghari sa Tao, ang Puso at Pag-ibig o ang Isip at Katuwiran?” ni Bartolome del Valle
  • 213 6. Anong uri ng panitikan ang binasa? a. Balagtasan b. Batutian c. Karagatan d. Duplo 7. Sino ang nagsasalita sa hinangong akda? a. May-akda b. Lakandiwa c. Mambabalagtas ng Puso at Isip d. Mambabalagtas ng Isip at Katuwiran 8. Anong sukat mayroon ang akda? a. wawaluhin b. lalabindalawahin c. lalabing-animin d. lalabingwaluhin 9. Anong paksa kaya ang pagtatalunan sa akda? a. Kabutihan – Di-kabutihan b. Dunong - Pagmamahal c. Tagumpay o Kabiguan d. Isip at Katuwiran 10.Alin ang pagpapakahulugan sa puso batay sa mga saknong na binasa? a. pagkain b. kayamanan c. pag-ibig d. karangalan 11.Anong bahagi ng panalita ang salitang matahimik? a. pangngalan b. panghalip c. pang-uri d. pandiwa
  • 214 “Ilang dantaong tayo ay napasakamay ng mga dayuhan. Naghirap at nagtiis. Ngayon, napasakamay na natin ang kalayaan at tinagurian na tayong malaya; subalit Malaya na nga ba tayo…?” Unang hampas ang naramdaman mo nang ikaw ay hagupitin ng mga mananakop. Masidhing kirot ang dumapo sa iyo noon, at naganap ang unang latay sa iyong katawan. Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan ng tanikala, pinagdusa sa sarili mong bayan, pinaranas ng kalupitan, at paulit-ulit na pinapatay. Nagpasalamat ka sa mga puti nang silain nila ang iyong mananakop. Subalit nagkamali ka dahil sila pala ang papalit, angpangalawang hampas. Muling bumahid sa iyong katawan ang latay, ikalawang latay na sa buong akala mo’y di na masusundan. Pinilit ka pa nilang palitan din ng Ingles ang wika mo gayong iyan ang inihandog sa‘yo ng iyong Inang-bayan. Iyon ay di mo matanggap kaya lalong hinigpitan nila ang iyong tanikala. Dumating ang pangatlong latay, mas mabagsik, mas matindi kung humagupit kaya lalong namilipit ang iyong katawan. Sa panahong iyon ka dinusta pati na ang iyong lupang sinilangan. Iyon ang nagpabuhay ng iyong dugo kaya ikaw ay bumangon at lumaban sa mga tampalasang yumapak sa iyong bayan. Walang takot kang humarap sa kanila hanggang malagot mo ang tanikalang gumapos sa ‘yo sa loob ng apat na raang taon. Ngayon, ikaw nga ay malaya na. Wala na ang panlalait, wala na ang pandurusta, wala na ang paghihirap at wala na ang tanikala. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong isip. malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. Ahh…hanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon. Hango mula sa “Latay ng Kahapon” ni Buenaventura S. Medina Jr.
  • 215 12.Anong uri ng panitikan ang binasang seleksiyon? a. tula b. nobela c. maikling kuwento d. sanaysay 13.Anong kalayaan ang tinutukoy sa akda? a. pagiging isang politiko b. pagpapakita ng damdamin c. kahirapan d. pagpapahayag ng saloobin 14.“Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan ng tanikala.” Ano ang sinisimbolo ng salitang may salungguhit? a. bilangguan b. kalayaan c. sakit sa katawan d. kadena 15.Sino ang mga puti na tinutukoy sa akda? a. Amerikano b. Hapon c. Español d. Tsino 16.Sino ang kausap ng manunulat sa akda? a. dayuhan b. Pilipino c. namumuno sa pamahalaan d. kabataan
  • 216 17.Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon? a. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong isip. b. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas. c. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. d. Ahh…hanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon. 18.Ayon sa akda, bakit lalong hinigpitan ng mga puti ang tanikala ng mga Pilipino? a. dahil sa pagipilit na palitan ang wikang inihandog ng Inang-bayan na malaon nang ginagamit b. upang lalong tanggapin ang mga dayuhan sa kanilang pananakop sa bansa c. sapagkat hindi matanggap ng mga Pilipino ang wikang Ingles na pilit na ipinapalit sa sariling wika d. dahil unti-unti na tayong nakalalaya na ayaw naman nilang mangyari 19. Bakit natutong lumaban ang Pilipino sa mananakop na mga Amerikano? a. dahil mas matindi ang pagpapahirap ng mananakop na mga Amerikano b. upang ipakita na may taglay ring katapangan ang mga Pilipino c. sapagkat manhid na ang mga Pilipino sa latay na dumadapo sa kanilang katawan d. dahil maging ang lupang sinilangan – ang Pilipinas ay hinahamak na rin ng mananakop
  • 217 20.Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging malaya mula sa mga dayuhan sa kasalukuyan? a. pagtangkilik sa sariling produkto kaysa sa mga gawang dayuhan b. pagpapahayag ng sariling opinyon laban sa ibang bansa c. pagtangkilik sa produktong dayuhan upang masabing in d. pag-aaral sa wika ng mga dayuhan na makatutulong sa sariling pag-unlad Ilan sa mga aytem ang nasagot mo ng tama? Kung marami ang mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng modyul na ito upang maiwasto mo ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral. VI. YUGTO NG PAGKATUTO ALAMINALAMINALAMINALAMIN Hindi maikakailang isa sa ipinagmamalaki ng ating bansa ang ating sariling panitikan. Bago pa man dumating ang mga Amerikano, nagkaroon ng sariling pamahalaan hanggang sa makamit ng bansa ang kasarinla. Ang panitikan ay kinagigiliwang basahin ng ating mga kababayan. Dahil sa ito ay bahagi na ng ating buhay, nararapat lamang na ito ay pag-aralan upang lalo pa itong maunawaan. Ano ba ang iyong paniniwala tungkol sa panitikan? Sa tulong ng Beliefs Inventory, alamin natin ang iyong paniniwala tungkol dito. Pagkatapos ng lahat ng gawain sa modyul na ito, bago ang pagtatapos na pagtataya, muli itong balikan upang matiyak na ang iyong paniniwala ay wasto o mali.
  • 218 GAWAIN 2.1: BELIEVE IT OR NOT… Lagyan mo ng tsek (√) ang patlang bago ang pahayag na iyong pinaniniwalaan tungkol sa panitikan. Pagkatapos ng mga aralin sa modyul na ito ay muli itong balikan at ilagay sa dulo ng pahayag ang MK kung ito ay may katotohanan at WK kung ito ay walang katotohanan. Naniniwala ako na. . . _____ Ang panitikan ay salamin ng lahing Pilipino. _____ Malaya ang mga manunulat noong Panahon ng Amerikano. _____ Ang Balagtasan ay maaaring gawing akdang tuluyan. _____ Walang kaugnayan ang paglalahad ng opinyon at katuwiran sa Balagtasan. _____ Nagsasaad ng kilos o galaw ang pandiwa. _____ May layuning batikusin ang mga Pilipino ng dulang, “Walang Sugat ni Severino Reyes.” _____ Naging malaya ang mga manunulat na Pilipino noong Panahon ng Komonwelt. _____ Nakatutulong sa mga manunulat ang paggamit sa pang-uri upang mas maging masining ang kanilang akda. _____ Ang sanaysay ang pinakamaraming naisulat noong Panahon ng Amerikano. _____ Masasalamin sa mga akdang pampanitikan noong Panahon ng Amerikano, Panahon ng Komonwelt at Panahon ng Kasarinlan ang kulturang Pilipino. Tingnan mo sa kalakip na Susi sa Pagwawasto ang tamang sagot. Kung nasagot mo nang wasto ang 8 – 10 na aytem, napakahusay! Binabati kita sapagkat may ideya ka na sa ating magiging aralin. Kung 5 -7, mahusay sapagkat may kaalaman ka na rin sa magiging aralin na palalawakin pa natin sa tulong ng mga gawain o pagsasanay. Kung 4 pababa ang iyong nakuha, huwag kang malungkot sapagkat ang modyul na ito ang iyong magiging gabay upang lumawak ang iyong kaalaman sa aralin.
  • 219 GAWAIN 2.2. IMPORTANTASTIK Sa tulong ng Concept Map, isulat mo ang mahahalaga at kahanga- hangang impormasyong iyong nalalaman tungkol sa panitikan sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan. Isulat ang mga ito sa blangkong bilog. Marami ka bang naisulat na impormasyon? Ang mga impormasyong iyong naitala ay nagpapatunay kung gaano na ang alam mo sa nilalaman ng modyul na ito. Kung kaunti lamang ang iyong naisulat ay huwag kang mag- alala sapagkat tutulungan ka ng mga gawain at pagsasanay na inihanda ko upang lumawak pa ang iyong kaalaman sa mga paksang ating pag-aaralan. Halina’t simulan na nating paunlarin ang iyong dating ng alam. PAUNLARINPAUNLARINPAUNLARINPAUNLARIN Sa bahaging ito, pauunlarin natin ang ang iyong kaalaman at kakayahan sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng panitikan tulad ng Balagtasan, Sarsuwela, Sanaysay, Maikling kuwento at Dula sa iba’t ibang panahon. Ang mga impormasyon, gawain at pagsasanay na nakapaloob sa bawat aralin ay makatutulong upang palawakain pang lalo ang iyong kaalaman sa panitikan at nang sa ganoon ay matuto itong pahalagahan bilang salamin ng ating lahi mula noon, sa kasalukuyan at maging sa hinaharap. Bibigyang-pansin din sa modyul na ito ang pag-aaral tungkol sa wika tulad ng mga pahayag na may opinyon at katotohanan, kaantasan ng pang-uri, iba’t ibang paraan ng pagpapahayag, kayarian ng pang-uri, aspekto ng pandiwa, at mga pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat. PANITIKAN
  • 220 Simulan na natin ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at kakayahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa Aralin 2.1 ng modyul na ito - Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano. ARALIN 2.1: ang panitikan sa Panahon ng Amerikano I. Panimula at mga Pokus na tanong Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Español, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano sa Pilipino. Sa panahon ding ito isinilang ang ilang makatang Pilipino na nagsulat sa Ingles at Tagalog. Naitanong mo na ba kung bakit mahalagang pag-aralan at unawain ang mga akdang pampanitikang Pilipino sa panahon ng Amerikano? Masasalamin ba sa mga akda tulad ng Balagtasan at Sarsuwela ang kulturang Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito? Sa araling ito, tatalakayin at tutuklasin natin ang sagot sa mga tanong na ito sa pamamagitan ng ating paglalakbay sa ilang akdang pampanitikan sa Panahon ng Amerikano at pagsasaliksik sa mga akda ng mga batikang manunulat ng bansa. II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito Masasagot mo ang mahahalagang tanong, at maisasagawa mo ang Inaasahang Produkto/Pagganap kung uunawain mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito: Aralin 2.1: Panahon ng Amerikano Aralin 2.1.1: a. Panitikan: Balagtasan “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan” ni Jose Corazon de Jesus b. Wika: Katotohanan at Opinyon Aralin 2.2.2 a. Panitikan: Sarsuwela “Walang Sugat” ni Severino Reyes b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri
  • 221 III.Mga Inaasahang Kasanayan Narito ang mga kaalaman at kasanayang malilinang sa iyo sa pagtalakay mo sa araling ito Aralin 2.1 Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Napauunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa diskursong napakinggan Nakagagawa ng sariling pag-aayos ng mga ideyang pinakinggan Nabubuod ang teksto batay sa mahahalagang punto Nakapaglalahad ng kahulugan, katangian, at kahalagan ng mga dulang pantanghalan sa buhay ng mga tao/ mag- aaral Pagsasalita Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag / pangungusap na nagbibigay pahiwatig Natutukoy sa loob ng pangungusap ang kaantasan ng pang-uri tulad ng: • lantay • pahambing • pasukdol Naibabahagi ang sariling opinyon,pananaw,damdamin at saloobin Nakapagsasadula ng mga dulang pantanghalan (Sarsuwela) na nangibabaw sa Panahon ng Amerikano Pag-unawa sa Binasa Nasusuri ang ilang uri ng panitikan batay sa mga katangian nito • Balagtasan • Sarsuwela Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: • pagkilala sa kahulugan ng mga salita • kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng genre ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng may-akda Naihahambing ang akda sa iba pang uri ng akda batay sa:
  • 222 • paksa • layon • tono • pananaw • gamit ng salita Nailalahad ang mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa akdang binasa Naibibigay ang kaugnayan ng akda sa: • sarili • kapaligiran • ibang tao Naipaliliwanag ang mga elemento ng akda Naisasaayos ang mga pangungusap upang makabuo ng mga talatang may kaisahan sa pamamagitan ng pag- aayos ng mga detalye na lohikal ang pagkakasunod- sunod Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang binasa Pagsulat Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akdang binasa at sa: • pamantayang pansarili o pansariling karanasan • pamantayang galing sa ibang tao o sa ibang babasahin Nakagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagbuo ng diyalogo/ iskrip Nakasusulat ng talata na may wastong paglulugar ng pangunahin at pantulong na kaisipan Tatas Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan sa paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo Pakikitungo sa Wika at Panitikan Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot sa mga tanong at puna sa panitikang napanood,nabasa, o napakinggan
  • 223 Estratehiya sa Pag-aaral/ Pananaliksik Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral Nalilikom ang nakakalap na mga panoorin na namayani sa Panahon ng Amerikano Nailalahad nang maayos ang nalikom na mga impormasyon sa isinagawang pananaliksik Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internet Nakapagsasagawa ng isang panayam sa mga taong may sapat na kaalaman sa Sarsuwela at Balagtasan IV. Konseptuwal na Balangkas Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling nakapaloob sa modyul na ito na iyong pag-aaralan. a. Panitikan: Balagtasan Bulaklak ng Lahing Kalinis- linisan ni Jose Corazon de Jesus b. Wika : Katotohanan o Opinyon a. Panitikan: Sarsuwela Walang Sugat ni Severino Reyes b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano
  • 224 V. Panimulang Pagtataya Alamin natin kung gaano na ang alam mo sa araling ito. Ito ay panimulang pagtataya na hahamon sa iyong kakayahan sa pag-aaralang mga akda. Hanapin ang sa iyong palagay ay tamang sagot sa bawat tanong. Sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos masagot ang maikling pagsusulit na ito, malalaman mo ang iyong iskor. Alalahanin mo na ang mga aytem na mali ang iyong sagot at hanapin mo ang tamang sagot habang pinag-aaralan mo ang modyul na ito. Maaari mo nang simulan. A. Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa umusbong na mga akda sa Panahon ng Amerikano. Bilugan ang salita ng tamang sagot. G A L D E B A T E N B D D E I U A D T T A H K O S H U P D A G L I L M O A B A L A G T A S A N N N A T O S I R C S D T O E L N H B A T U T I A N L A K A N D I W A D G A K S A K G I B I B M A M B. Punan ng wastong panandang pandiskurso ang bawat pangungusap upang mabuo ang diwa nito. 1. ____________si Francisco Baltazar Balagtas ay dapat ngang tanghaling Ama ng Balagtasan. 2. ____________naging makulay ang kaniyang buhay nang makilala niya si Maria Asuncion Rivera. 3. Ating ____________ ang kaniyang naiambag sa panitikan at sa edukasyon. 4. May magagawa ____________tayo upang maipakitang mahal natin ang ating bayan gaya ni Balagtas. 5. _________nararapat na ipagpatuloy na pag-aralan ang mga tradisyon at kultura para sa susunod na heherasyon.
  • 225 Ilan kaya sa mga aytem ang nasagot mo ng tama? Kung marami ang mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng araling ito upang maiwasto mo ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral ng ilan sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Amerikano. VI. Yugto ng Pagkatuto AlaminAlaminAlaminAlamin Sa tulong ng KWHL Sheet na Ano ang Alam mo na ( What do you Know?), Ano ang Nais mong malaman (What do you want to find out?), Paano mo makikita ang nais mong malaman (How can you dind out what you want to learn?), Ano ang iyong natutuhan/naunawaan? (What Did You Learn?), ay subukin mong sagutin ang mga tanong. Sagutin mo muna ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Pagkatapos nating pag-aralan ang araling ito ay saka mo sagutin ang huling kolum, ang L. Gawin mo ito sa sagutang papel. Gayahin ang pormat. GAWAIN 2.1.a : KWHL Chart Sa aking palagay Naniniwala akong rin Sa dakong huli Tungkol sa para sa Walang dudang bigyang-pansin Sa madaling salita kaya lamang Masasalamin ba sa panitikan ang kultura o kalagayang panlipunan ng isang bansa sa panahon at lugar na isinulat ito? Patunayan. K Ano ang alam mo na ? (What do you Know?) W Ano ang nais mong malaman? (What do you want to find out?) H Paano mo makikita ang nais mong malaman? (How can you dind out what L Ano ang iyong natutuhan/ naunawaan? (What did you
  • 226 Simula pa lamang ng gawain ay humahamon na sa iyong kaalaman – ang dati at ang malalaman mo pa lamang. Ipagpatuloy mo ang pagbuklat sa mga pahina ng araling ito hanggang sa matuklasan mo ang mga sagot sa mga tanong na iyan. GAWAIN 2.1.b: HANGGANG SAAN ANG AKING KAALAMAN? Gamit ang Concept Map, ibigay ang mga impormasyong iyong nalalaman sa Panahon ng Amerikano. Naging madali ba sa iyo ang pagsagot? Kung oo, nangangahulugan ito na mas magiging madali para sa iyo ang aralin. Kung hindi naman, huwag kang mag-alala sapagkat tutulungan ka ng modyul na ito lumawak ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. PaunlarinPaunlarinPaunlarinPaunlarin Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang mahahalagang konsepto sa aralin. Huwag kang mag-alala gagawin nating magaan ang pagpoproseso ng iyong pag-unawa. Maligayang araw ng pag-unawa! Dalawa sa mga akdang pampanitikan ang pag-aaralan natin sa bahaging ito – ang Balagtasan at Sarsuwela. Simulan natin sa Balagtasan (Aralin 2.1) - na isang uri ng tulang patnigan na may pagtatalo. Lumaganap ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerikano, batay sa mga lumang tradisyon ng masining na pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo. Nagmula sa pangalan ni Francisco Baltazar bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan ang tawag sa Balagtasan. Bago tayo magsimulang talakayin ang araling ito ay nais ko munang malaman mo rin ang mahalagang tanong para sa araling ito: “Masasalamin ba sa Balagtasan ang kulturang Pilipino? Patunayan.” Narito ang mga gabay na tanong upang masagot mo ito. Panahon ng Amerikano Mga Manunulat Mga Akda Kultura
  • 227 Mga Gabay na Tanong 1. Ano ang Balagtasan? 2. Bakit ito kinagigiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano? 3. May naririnig o nababasa ka pa bang Balagtasan sa kasalukuyan? Paano ito naiiba sa ibang tulang patnigan? 4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Balagtasan sa ating bansa? Sagutin mo muna ang mga tanong batay sa iyong dating kaalaman. Sa pagwawakas ng araling ito tingnan natin kung wasto ang naging mga sagot. Upang matiyak na naunawaan mo ang nilalaman ng araling ito, sa pagtatapos ng iyong pag-aaral, inaasahang mailalapat mo ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng pagsulat ng isang argumentatibong editoryal na sumasalamin sa kaugalian ng isang masayang pamilya . Narito ang mga pamantayan kung paano itataya ang gawaing ito: a) malinaw na nailahad ang opinyon sa isyung tinalakay; b) gumamit ng mga ebidensya o patunay upang maging makatotohanan ang sinabi; c) nakitaan ng tiwala sa sarili at kaalaman sa isyu; d) naipahayag ang opinyon sa magalang na paraan; d) napaniwala at nahikayat ang mga mambabasa at e) wasto ang pagkakagamit ng gramatika. Nararamdaman kong sabik na sabik ka na sa ating gagawing pag-aaral. Alamin na natin ang tungkol sa Balagtasan. GAWAIN 2.1.1.a: PICK-UP LINES Simulan na natin ang paglalakbay sa mundo ng Balagtasan. Alamin mo muna ang pinagmulan, kahulugan at katangian ng Balagtasan bilang isang akdang pampanitikan. Bago mo simulan ang pag-aaral tungkol sa Balagtasan, naghanda ako ng isang laro. Ang laro ay pick-up line. Sinagot na ang una para maging gabay mo sa susunod na tanong. Lapis ka ba ? Bakit Kasi nais kong isulat lagi ang pangalan mo sa isip ko… 1. Aklat ka ba? 2. Papel ka ba? 3. Table of Contents ka ba? 4. Bagyo ka ba? 5. Teleserye ka ba?
  • 228 Mahusay ang iyong ginawa. Ano ang napansin mo sa larong ito? Tama! Ito ay ginagamit na paraan ng panunuyo o panliligaw ng kabataan sa kasalukuyan o modernong panahon. Idadaan sa simpleng patanong at ihahambing sa isang bagay ang sinusuyo upang maipahatid ang kaniyang nararamdaman. Pick-up lines ang tawag sa pamamaraang ito ng paghahatid ng damdamin. Noong Panahon ng Amerikano, isang paraang ginagawa ng binata upang ipahayag ang kaniyang pag-ibig sa dalagang nililigawan ay sa pamamagitan ng Balagtasan. Matapos mong gawin at malaman ang datos, balikan natin ang ating pinag-aralan sa pamamagitan ng paglalagom. Isulat sa papel ang mga sagot. GAWAIN 2.1.1.b: IBA AKO EH! Sa pagkakataong ito ay nais kong malaman kung ano ang iyong nalalaman sa salitang Balagtasan. Tingnan natin ang iyong nalalaman sa kasunod na gawain. Ibigay ang mga katangian ng Balagtasan bilang uri ng panitikan. Upang maragdagan ang iyong kaalaman sa Balagtasan, alamin mo ang kaligirang pangkasaysayan o pinagmulan nito. Umpisahan na natin. Natutuhan ko na Naging kawili-wili sa akin ang Ibig ko pang malaman ang tungkol Balagtasan _________________ _________________ _________ _________________ _________________ ___________ _________________ _________________ __________
  • 229 Basahin at unawain. Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. Nakilala ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, batay sa mga lumang tradisyon ng patulang pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo. Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating bansa mayaman na sa tradisyong tulang sagutan sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. May tinatawag na patulang Balitao ang Aklanon maging ang Cebuano, isang biglaang debate ng lalake at babae. Sagutan naman ng kinatawan o sugo ng dalawang pamilyang nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng dalaga at binata ang Siday ng mga Ilonggo at Pamalaye ng mga Cebuano. Sa mga Subanen naman ay sa inuman isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi ng ganitong gawain ay pagtikim ng alak kung saan nalalaman ang papel na gagampanan ng bawat isa, ang mga tuntunin at iba pang bagay na dapat isaalang-alang. Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo. Ang mga kasali sa duplo ay gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na piskal o tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging debate o sinasabing tagisan ng katuwiran sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na debate sa pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay-aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan, talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula. Ang Balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at napapanahong mga pangyayari at usapan. Ugnay-Panitikan
  • 230 Nabuo ang konseptong ito sa isang pagpupulong. Ang nangungunang mga manunulat noong Marso 28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres (Women's Institute), Tondo, Maynila. Ito ay naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata na si Francisco Balagtas o Araw ni Balagtas sa darating na Abril 2. Iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin itong Balagtas. Hinunlapiang “an” ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag dito. Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, 1924. Tatlong pares ng makata ang nagtalo na gumamit ng iskrip. Ang pinakamagaling sa mga nagbalagtasan ay sina José Corazón de Jesús at Florentino Collantes, kaya naisipan ng mga bumuo na magkaroon ng isa pang Balagtasan para sa dalawang kagalang-galang na makatang ito, na walang iskrip. Ginawa ito noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium sa Maynila. Si Jose Corazon De Jesus ang nagwagi bilang unang Hari ng Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon de Jesus bilang si "Huseng Batute" dahilan sa kaniyang angking kahusayan sa Balagtasan noong 1920. Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 Digmaang Pandaigdig, naging paboritong aliwan ang Balagtasan. Gumawa pati ang mga makata sa ibang mga wika sa Pilipinas ng sarili nilang bersyon, gaya ng Bukanegan ng mga Ilokano (mula sa apelyido ng makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg at ng Crisostan ng mga Pampango (mula sa pangalan ng Pampangong makata na si Juan Crisostomo Soto). Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa sumulpot ang mga samahang pampanitikang nakabatay sa paaralan kung hindi magkakaroon ng pagkakatong mapabilang sa mga samahang pampanitikan. Ang Balagtasan ay karaniwang may mga paksang pinag-uusapan ng tatlo katao. Ang mga kalahok ay inaasahang magaling sa pag-alala ng mga
  • 231 tulang mahahaba at pagbigkas nito ng may dating (con todo forma) sa publiko. Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig ( Mambabalagtas). May mga hurado na magsisiyasat kung sino sa kanila ang panalo o ang mas may makabuluhang pangangatuwiran. Nalaman mo na ang mahahalagang pangyayari tungkol sa pinagmulan ng Balagtasan. Atin namang paunlarin ang iyong kaalaman sa sumusunod na gawain. GAWAIN 2.1.1.c: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa 1. Ipaliwanag mo kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Balagtasan sa iba pang uri ng tulang patnigan. 2. Ang Balagtasan ay isa sa sandigan ng panitikang Pilipino. Paano mo ito mapananatili upang maganyak ang kapwa mo mag-aaral na basahin, palaganapin at pahalagahan ito? 3. Bakit mahalaga ang tauhan, at elemento ng Balagtasan? Sagutin ang kasunod na mga tanong. BALAGTASAN Ano-ano ang elemento ng Balagtasan? Bakit mahalaga ang mga tauhan? (Lakandiwa at Mambabalagtas) Bakit mahalaga ang mga elementong sukat,tugma at indayog sa isang Balagtasan? Duplo Karagatan Batutian B A L A G T A S A N Pagkakaiba Pagkakatulad
  • 232 4. Suriin mo ang ginagampanang papel ng mga tauhan sa Balagtasan. Punan ng mga angkop na impormasyon ang kasunod na diyagram. Gawin ito sa sagutang papel. Mahusay ang iyong ginagawa. Ituloy mo lang ito. Huwag kang mag- aalala, gagabayan ka ng mga aralin sa modyul na ito. Maaari mo nang basahin ang isang halimbawa ng Balagtasan. Unawain mo ito upang masagot/maisagawa ang kasunod na mga tanong at gawain. BALAGTASAN: Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan - Jose Corazon de Jesus Lakandiwa: Yamang ako’y siyang Haring inihalal Binubuksan ko na itong Balagtasan, Lahat ng makata’y inaanyayahang Sa gawang pagtula ay makipaglaban. Ang makasasali’y batikang makata At ang bibigkasi’y magagandang tula, Magandang kumilos, may gata sa dila At kung hindi ay mapapahiya. Itong balagtasa'y galing kay Balagtas Na Hari ng mga Manunulang lahat, Ito’y dating Duplong tinatawag-tawag Balagtasan ngayon ang ipinamagat. MAMBA- BALAGTAS MANONOOD Papel na Ginagampanan sa Balagtasan ___________________ ___________________ __________________
  • 233 At sa gabing ito’y sa harap ng bayan Binubuksan ko na itong Balagtasan Saka ang ibig kong dito’y pag-usapan: BULAKLAK NG LAHING KALINIS-LINISAN. Tinatawagan ko ang mga makata, Ang lalong kilabot sa gawang pagtula, Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna At magbalagtasan sa sariling wika. Paruparo: Magandang gabi sa kanilang lahat Mga nalilimping kawal ni Balagtas, Ako’y paruparong may itim na pakpak At nagbabalita ng masamang oras. Nananawagan po, bunying Lakandiwa, Ang uod na dating ngayo’y nagmakata, Naging paruparo sa gitna ng tula At isang bulaklak ang pinipithaya. Sa ulilang harding pinanggalingan ko Laon nang panahong nagtampo ang bango, Nguni’t aywan baga’t sa sandaling ito Ay may kabanguhang binubuhay ako. May ilang taon nang nagtampo sa akin Ang bango ng mga bulaklak sa hardin, Luksang Paruparo kung ako’y tawagin, mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim. Bunying Lakandiwa, dakilang Gatpayo, Yaring kasawia’y pagpayuhan ninyo, At si Lakan-iLaw ang gagamitin ko Upang matalunton ang naglahong bango. Lakandiwa: Sa kapangyarihan na taglay ko na rin Ikinagagalak na kayo’y tanggapin, Magtuloy po kayo at dito sa hardin, Tingnan sa kanila kung sino at alin.
  • 234 Paruparo: Sa aking paglanghap ay laon nang patay Ang bango ng mga bulaklak sa parang, Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpang Bulaklak ng lahing kalinis-linisan. Ang bulaklak ko pong pinakaiirog Ubod na ng ganda’t puti ang talulot, Bulaklak po ito ng lupang Tagalog, Kapatak na luhang pangala’y kampupot. Kung kaya po naman di ko masansala Ang taghoy ng dibdib na kanyang dinaya, Matapos na siya’y diligan ng luha Nang siya’y umunlad, nagtago…nawala! Isang dapit-hapong palubog ang araw Sa loob ng hardin, kami’y nagtaguan, Paruparo, anya kita’y tatalian, Ako’y hanapin mo’t kung makita’y hagkan. Isang panyong puting may dagta ng lason Ang sa aking mata’y itinakip noon, At ang Bulaklak ko’y bumaba sa dahon, Nagtago pa mandin at aking hinabol. Hinabol-habol ko ang bango at samyo Hanggang makarating ako sa malayo, At nang alisin na ang takip na panyo Wala si Kampupot, wala yaring puso. Ang taguang biro’y naging totohanan Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw, At ang hinagpis ko noong ako’y iwan, Baliw na mistula sa pagsisintahan. Sa lahat ng sulok at lahat ng panig Ay siya ang laging laman niring isip, Matulog man ako’y napapanaginip, Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.
  • 235 Sa apat na sulok ng mundong payapa Ang aking anino’y tulang nabandila, Paruparo akong sa mata’y may luha, Ang mga pakpak ko’y may patak na luksa. Ang sakdal kong ito, Lakandiwang mahal, Ibalik sa akin, puso kong ninakaw, At kung si Kampupot ay ayaw po naman, Ay ang puso niya sa aki’y ibigay. Bubuyog: Hindi mangyayari at ang puso niya’y Karugtong ng aking pusong nagdurusa, Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha Ang lalagutin mo’y dalawang hininga. Pusong pinagtali ng isang pag-ibig Pag pinaghiwalay kapanga-panganib, Daga’t ma’t hatiin ang agos ng tubig, Sa ngalan ng Diyos ay maghihimagsik. Ang dalawang ibon na magkasintahan, Papaglayuin mo’t kapwa mamamatay, Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay, Bangkay ang umalis, patay ang nilisan, Paruparong sawing may pakpak na itim Waring ang mata mo’y nagtatakipsilim, At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw “Di man Kampupot mo’y iyong inaangkin. Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo At sa kasawia’y magkauri tayo, Ako ma’y mayroong nawawalang bango Ng isang bulaklak kaya naparito. Buhat pa kanginang ikaw’y nangungusap Bawat salita mo’y matulis na sibat, Saka ang hanap mong mabangong bulaklak, Luksang paruparo, siya ko ring hanap.
  • 236 Ipahintulot mo, Paruparong luksa, Dalitin ko yaring matinding dalita. Itulot mo rin po, Hukom na dakila, Bubuyog sa sawi’y makapagsalita. Paruparo: ‘Di ko pinipigil ang pagsasalaysay Lalo’t magniningning ang isang katwiran, Nguni’t tantuin mo na sa daigdigan Ang bawa’t maganda’y pinag-aagawan. Lakandiwa: Magsalita kayo at ipaliwanang Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas, Paano at saan ninyo napagmalas Na ito ang siya ninyong hinahanap? Bubuyog: Sa isang malungkot at ulilang hardin Ang binhi ng isang halama’y sumupling, Sa butas ng bakod na tahanan namin Ay kasabay akong isinisilang din. Nang iyang halama’y lumaki, umunlad, Lumaki ako’t tumibay ang pakpak, At nang sa butas ko ako’y makalipad Ang unang hinagka’y katabing bulaklak. Sa kanyang talulot unang isinangla Ang tamis ng aking halik na sariwa, At sa aking bulong na matalinghaga Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya. Nang mamukadkad na ang aking kampupot Sa araw at gabi ako’y nagtatanod, Langgam at tutubing dumapo sa ubod Sa panibugho ko’y aking tinatapos. Ngayon, tanda ko ngang kayo’y nagtaguan Habang ako’y kanlong sa isang halaman, Luksang paruparo nang ikaw’y maligaw Ang aking halakhak ay nakabulahaw.
  • 237 Ang inyong taguan, akala ko’y biro, Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo, Ngani’t nang ang saya’y tumagos sa puso Sa akin man pala ay nakapagtago. Lumubog ang araw hanggang sa dumilim Giliw kong bulaklak din dumarating, Nang kinabukasa’t muling nangulimlim Ay hinanap ko na ang nawalang giliw. Nilipad ko halos ang taas ng langit At tinalunton ko ang bakas ng ibig, Ang kawikaan ko sa aking pag-alis Kung di makita’y di na magbabalik. Sa malaong araw na nilipad-lipad Dito ko natunton ang aking bulaklak, Bukong sa halik kokaya namukadkad ‘Di ko papayagang mapaibang palad. Luksang Paruparo, kampupot na iyan, Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay, Ang unang balik kong katamis-tamisan Sa talulot niya ay nakalarawan. Paruparo: Hindi mangyayaring sa isang bulaklak Kapwa mapaloob ang dalawang palad. Kung ikaw at ako’y kanyang tinatanggap Nagkasagi sana ang kanitang pakpak. Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang Nang makalabas ka’y saka mo hinagkan: Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay, Sino ang malapit sa pagliligawan? Una muna akong nag-uod sa sanga Na balot ng sapot ng pagkaulila, Nang buksan ng Diyos yaring mga mata Bulo’t dahon namin ay magkasama na. Sa ugoy ng hangin sa madaling-araw
  • 238 Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay, At kung bumabagyo’t malakas ang ulan, Ang kanya ring dahon ang aking balabal. Sa kanyang talulot kung may dumadaloy Na patak ng hamog, aking iniinom; Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong Sa init ng araw sa buong maghapon. Paano ngang siya ay pagkakamalan Na kami’y lumaki sa iisang tangkay, Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhay Ibig ko rin namang sa kanya mamatay. Bubuyog: Huwag kang matuwa sapagka’t kaniig Niyaring bulaklak na inaaring langit, Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibig Malayo ma’t ibig, daig ang malapit. Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot Nakikiinom ka ng patak ng hamog, Kaunting biyaya na bigay ng Diyos, Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok. Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay; Sa isang bulaklak laso’t kamatayan, At akong bubuyog ang dala ko’y buhay Bulong ng hiningang katamis-tamisan. Paruparo: Akong malapit na’y napipintasan mo, Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no? Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino, Ay ubos na pala ang tamis sa bao. Bubuyog na laging may ungol at bulong Ay nakayayamot saan man pumaroon, At ang katawan mo’y mayrong karayom Pa’no kang lalapit, di naduro tuloy?
  • 239 Di ka humahalik sa mga bulaklak, Talbos ng kamote ang siya mong liyag, Ang mga bintana’y iyong binubutas, Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab. Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo, Iyong mga bulong ay naririnig ko; Kung dinig ng lahat ang panambitan mo Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo. Bubuyog: Kundi iniibig ang nakikiusap Lalo na ang tahimik na tatapat-tapat, Kung ang magsalita’y di-magtamong-palad Lalo na ang dungong di makapangusap. Lilipad-lipad ka na payao’t dito Pasagilang-bingit, at patanaw-tao, Pag ligaw-matanda sa panahong ito Pagtatawanan ka ng liligawan mo. Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod, Nguni’t saang panig nitong sansinukob Nakakatuwaan ang paris mong uod? Saka, Paruparo, dapat mong malamang Sa mula’t mula pa’y ‘di ka minamahal, Ang panyong panali nang ikaw ay takpan Ikaw ang may sabing may lason pang taglay. Paruparo: Ganyan ang hinalang namugad sa dibdib, Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid, Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig Ang sa aking panyo’y kanyang idinilig. Bubuyog: Dadayain ka nga’t taksil kang talaga At sa mga daho’y nagtatago ka pa. Paruparo: Kung ako’y dinaya’t ikaw ang tatawa Sa taglay kong bulo nilason na kita.
  • 240 Bubuyog: Pagka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot. Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod. Paruparo: Bulaklak nga siya’t ako’y kanyang uod. Lakandiwa: Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo, Inyo nang wakasan iyang pagtatalo; Yamang di-malaman ang may-ari nito, Kampupot na iya’y paghatian ninyo. Bubuyog: Kapag hahatiin ang aking bulaklak Sa kay Paruparo’y ibigay nang lahat; Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap Kaya ang talulot niya ang malagas. Paruparo: Kung hahatiin po’y ayoko rin naman Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay; Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan O buo wala nguni’t akin lamang. Lakandiwa: Maging si Solomong kilabot sa dunong Dito’y masisira sa gawang paghatol; Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol, Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol. Ipahintulot pong sa mutyang narito Na siyang kampupot sabihin kung sino Kung sino ang kanyang binigyan ng oo, O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo. Kampupot: Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit, Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik, At si Bubuyog po’t paruparong bukid, Ay kapwa hindi ko sila iniibig. Paruparo: Matanong nga kita, sinta kong bulaklak, Limot mo na baga ang aking pagliyag? Limot mo na bagang sa buong magdamag Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?
  • 241 Kampupot: Tila nga, tila nga sa aki’y mayroong Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong, Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoy At di inakala na sinuman yaon. Bubuyog: At ako ba, Mutya, hindi mo na batid Ang mga bulong ko’t daing ng pag-ibig, Ang akin bang samo at mga paghibik Na bulong sa iyo’y ‘di mo ba narinig? Kampupot: Tila nga, tila nga ako’y may napansing Daing at panaghoy na kung saan galing, Ngunit akala ko’y paspas lang ng hangin At di inakala na sinuma’t alin. Bubuyog: Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod, Makapitong lumbay o hanggang matapos. Paruparo: Dito napatunayan yaong kawikaan Na ang paglililo’y nasa kagandahan. Bubuyog at Paruparo: Ang isang sanglang naiwan sa akin Ay di mananakaw magpahanggang libing. Lakandiwa: Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang Nabaliw nang hindi kinababaliwan: Yamang ang panahon ay inyong sinayang Kaya’t nararapat na maparusahan. Ikaw ay tumula ngayon, Paruparo Ang iyong tulain ay “Pagbabalik” mo, At ang “Pasalubong” sa babaing lilo, Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko. (Pagkatapos tumula ni Paruparo) Lakandiwa: Sang-ayon sa aking inilagdang hatol, Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon; Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong” Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.
  • 242 (Pagkatapos tumula ni Bubuyog) Minamahal nami’t sinisintang bayan, Sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan; At kung ibig ninyong sila ay hatulan, Hatulan na ninyo pagdating ng bahay. GAWAIN 2.1.1.d: Hanap-Salita Piliin sa Hanay B ang nais ipahiwatig ng mga pariralang nasa Hanay B. Isulat lamang ang letra ng mapipiling sagot at pagkatapos gamitin ito sa pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang sagot. Hanay A Hanay B ____ ____ ____ ____ ____ Mahusay ang naging sagot mo. Madali mong naunawaan ang simulang bahagi ng aralin. Pagkatapos mong masagutan ang pagsasanay ay dumako tayo sa kasunod na gawain, ang pagtalakay sa nilalaman ng binasang Balagtasan. Atin pang ipagpatuloy ang pagsusuri sa araling ito. Isulat sa papel ang mga sagot. Gayahin ang pormat. 1. May gata sa dila 2. Kapatak na luha 3. Hinagpis ko noong ako’y iwan b. konti c. mahulog d. matinding lungkot e. mahusay bumigkas f. nakaistorbo 4. Ang binhi ng isang halaman ay sumupling 5. Halakhak ay nakabulahaw
  • 243 GAWAIN 2.1.1.e: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Sagutin mo ang mga tanong na batay sa iyong pag-unawa. 1. Bakit iisa lamang ang nagugustuhan nina Paruparo at Bubuyog? 2. Makatuwiran ba ang pagmamatuwid ng nagtatalong mga makata? Patunayan. 3. Sa iyong pagsusuri sa Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan, kaninong panig ang matuwid at dapat na panigan? Bakit? 4. Paanong binigyan ng pagwawakas o paghatol ng lakandiwa ang balagtasan? Sang-ayon kaba sa kaniyang hatol? Bakit? Paruparo Bubuyog 5. Naging maayos ba ang paghahanay ng mga pagpapaliwanag at pangangatwiran ng dalawang nagtatagisan ng talino sa paksang kanilang pinagtatalunan. Magtala ng mga patunay. 6. Ihambing mo ang panliligaw ng mga binata sa dalaga noon sa kasalukuyang panahon. Gamitin ang Fan Fact Analyzer. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat. Pagkakatulad at pagkakaiba ng panliligaw ng mga binata sa dalagahan noon sa ngayon Pagkakatulad Pagkakaiba Ang higit na matimbang sa inyong dalawa ay si…
  • 244 7. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng Balagtasan upang maganyak ang kapwa mo mag-aaral na basahin, palaganapin, at pahalagahan ito? Matapos mong mapag-aralan ang nilalaman ng aralin sa panitikan, magtungo naman tayo sa wika – ang pagbibigay ng katotohanan at opinyon. Ang Balagtasan ay masining din na paraan sa paglalahad ng katotohanan at opinyon. Basahin mo ang ilang impormasyon tungkol dito. Katotohanan at Opinyon May mga pagkakataong ang tao ay nagbibigay ng kaniyang sariling opinyon o haka- haka sa mga paksang pampolitika o maging sa pangyayaring nagaganap sa lipunan o kahit sa mga pang-araw-araw na pakikipagtalakayan. At may pagkakataon din namang kailangang maglahad ng katotohanan. Mahalagang mauri ang mga pahayag na maririnig kung ito ba ay opinyon o katotohanan. Opinyon Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang batay sa mga totoong pangyayari. Ang opinyon ay mga impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito sa magkakaibang pinagmumulan ng impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o hindi. Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin atbp. Halimbawa: 1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa. 2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos.
  • 245 Katotohanan Ang mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng pinagkunan. Ang katotohanan ay mga impormasyon na maaaring mapatunayang totoo. Bihira itong magbago mula sa isang pinagmumulan ng impormasyon sa iba pa. Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa, resulta ng, pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula kay, tinutukoy na, mababasa na atbp. Halimbawa: 1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang mga out-of school youth. 2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting umuunlad ang turismo ng ating bansa. Tandaan: Katotohanan Opinyon Pareho ng ur impormasyon Maaaring mapatunayan na totoo Base sa mga saloobin at hindi maaaring mapatunayang totoo. Bihirang magbago sa pinagmumulan Madalas nagbabago sa mga pinagmulan Batay sa nalaman mong mga datos tungkol sa katotohanan o opinyon, magkaroon tayo ng pagtataya tungkol dito upang malaman natin ang iyong naging pag-unawa sa paksang ito. Simulan na natin.
  • 246 GAWAIN 1.1.e: Katotohanan O Opinyon Sagutin kung ang sumusunod ay katotohanan o opinyon. 1. Ang mga kaugaliang tulad ng bayanihan, pagmamano, pagsagot ng po at opo, at pagtanaw ng utang na loob ay tanging sa Pilipinas lamang makikita. 2. Sa aking palagay likas na mapagmahal sa kaniyang pamilyang kinagisnan ang mga Pilipino. 3. Ayon kay Adrian Eumagie, 2012, sa makabagong panahon ngayon, ang kaugalian ng Pilipino ay nananatiling mayaman sa bawat isa sa atin. 4. Para sa akin ang mga kaugaliang Pilipino ang pinakasentro ng paghubog sa isang tao at maaaring maging isang sandigan ng isang bansa at mamamayang tumatahak sa matuwid na landas. 5. Kung ako ang tatanungin, ang mga kaugaliang Pilipino ay nararapat na panatilihin at maipagpatuloy hanggang sa susunod na henerasyon. Mahusay, nagawa mong mabuti ang iyong gawain.Madali lang hindi ba? Kayang-kaya mo nang kilalanin kung alin ang opinyon at katotohanan batay sa mga halimbawa at pagsasanay na tinalakay. Matapos mong maunawaan ang gramatika (opinyon at katotohanan) ay maaari mo nang sagutan ang susunod na gawain na magtataya sa iyong naging pag-unawa sa aralin. GAWAIN 1.1.f: DUGTUNGAN Punan mo ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwang ipinahahayag ng mga pangungusap at upang masagot mo ang mga tanong . Bahagi na ng kuturang Pilipino ang _________________ at ______________________ bilang parangal sa mga ______________________. Ipinakikita nito kung gaano natin _____________________________ ang mga ________________________. Masasalamin din ang ________ ________ng ating mga ninuno sa paghabi ng magkakatugmang ________________________ at pagbigkas nang may _____________________.
  • 247 Mahusay. Matapos mong masagutan ang ating aralin, ngayon naman ay maaari ka nang maglapat ng iyong kaalaman na natutuhan. Bilang pangwakas na gawain para sa bahaging ito, maaari ka na ring gumawa o sumulat ng isang editoryal na argumentasyon na may kaugnayan sa kaugaliang Pilipino bilang sandigan ng isang pamilyang Pilipino at ng bansa. Ikaw ay tatasahin sa sumusunod 1) lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, 2) malikhain at masining ang presentasyon, 3) maikli at nakakakuha ng interes ang pamagat 4) malinaw na naipahayag ang argumento sa editoryal. Binabati kita sapagkat natapos mo na ang iyong gawain sa katatapos na aralin. Ngayon ay handa ka ng tuklasin at palawakin ang iyong kaalaman sa aralin na tungkol sa akdang pampanitikan na Sarsuwela na namayani noong Panahon ng Amerikano. Sa araling ito ay matutunghayan natin ang sarsuwelang “Walang Sugat” na isinulat ni Severino Reyes. Ito ay isang melodrama o komedyang binubuo ng tatlong yugto at tungkol sa damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, galit, paghihiganti, kalupitan, paghihimagsik o kaya’y mga suliraning panlipunan at pampolitika noong Panahon ng Español . Ang kathang pantanghalang ito ay naiiba sa mga dramang napapanood mo sa kasalukuyan dahil may mga bahagi o diyalogong inaawit dito. Noon, isang mabisang kasangkapan sa pagpapahayag ng isipin at damdaming makabayan ang sarsuwela. Isinisigaw nito ang pagmamahal sa bayan at paghihimagsik laban sa mga mananakop na dayuhan, tulad ng akdang babasahin mo na pinamagatang “Walang Sugat” ni Severino Reyes. Sa bahaging ito, tatalakayin natin ang tungkol sa sarsuwela. Bukod dito, pag- aaralan natin ang kaantasan ng pang-uri upang masagot mo kung masasalamin ba sa sarsuwela ang kalagayang panlipunan sa panahon ng Amerikano? Narito ang mga gabay na tanong na iyong sasagutin. Mga Gabay na Tanong 1. Ano ang sarsuwela? 2. Bakit ito kinagiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano? 3. May sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Patunayan. 4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang sarsuwela? 5. Masasalamin ba sa Sarsuwela ang kulturang Pilipino? Ipaliwanag. Simulan natin ang pag-aaral ng Sarsuwela sa pamamagitan ng pagpili sa sumusunod na mga pangalan na nakilala bilang manunulat at ang kanilang mga akdang naisulat.
  • 248 GAWAIN : 2.1.1 f: Akda Ko, Tukuyin Mo Nasa larawan ang mga taong may kinalaman sa kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas na namayani hanggang sa kasalukuyan. Hanapin mo sa kabilang hanay, Hanay B, ang akdang isinulat ng mga manunulat sa Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang sagot. Hanay A Hanay B Inaasahan kong nasagot mo nang wasto ang tanong. Kung hindi naman ay huwag kang mag-alala sapagkat layunin ng araling ito na sa sariling sikap at tiyaga ay mahanap mo ang tamang kasagutan. Ang huling bahagi ay sa iyo nakabatay. Subukin mo ang dating kaalaman sa paksang tatalakayin. a. Walang Sugat b. Dalagang Bukid c. Kahapon, Ngayon at Bukas d. Ako Ang Daigdig e. Sa Aking Mga Kababata f. Isang Punongkahoy
  • 249 Alam mo ba … Si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang ay itinuturing na Ama ng Sarsuwela. Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng dula. Nang itinatag ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang patnugot nito. Siya rin ay nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at ginawang kasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa mga samahan ng mga manunulat. Kinalaunan, si Reyes ay naging kilala sa mga kuwentong isinulat niya tungkol kay Lola Basyang. Nagsimula ang Lola Basyang noong siya ay naging punong-patnugot sa Liwayway. Nang sinabihan siya ng kaniyang mga patnugot na wala ng natitirang materyales upang punuin ang isang maliit na espasyo sa isang pahina ng magasin, kinailangan niyang magsulat ng isang kuwento upang umabot sa takdang oras. Matapos na maisulat ang kuwento, nag-isip siya ng ibang pangalan na maaaring ilagay bilang may-akda kuwentong ito. Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng kaniyang kaibigan sa Quiapo, Maynila. Ang pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de Zamora o mas kilala sa Tandang Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon, magsasama-sama ang mga kabataan sa kanilang lugar at makikinig sa mga kuwento ni Tandang Basyang. Kaya naman, matapos nito, ang mga kuwento na naisulat ni Reyes ay may pirma na Lola Basyang. Unang nailathala ang kuwento ni Lola Basyang sa Liwayway noong 1925. Siya ay nakasulat ng 26 na Sarsuwela. Matapos mong mabasa ang tungkol kay Severino Reyes, ngayon naman ay ating alamin ang tungkol sa kasaysayan ng Sarsuwela.
  • 250 Ang Sarsuwela ay isang anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa España noong ika-17 siglo. Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at tugtugin at may paksang mitolohikal at kabayanihan. Hinango ang taguring Sarsuwela sa maharlikang palasyo ng La Zarzuela na malapit sa Madrid, España. Sa Pilipinas, dinala ito ni Alejandro Cubero noong 1880 kasama ni Elisea Raguer. Itinatag nila ang Teatro Fernandez, ang unang grupo ng mga Pilipinong Sarsuwelista sa Pilipinas. Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon ng Español ay namulaklak noong Panahon ng Himagsikan at ng Amerikano sa pamamayani nina: Severino Reyes na kilala sa taguring Lola Basyang sa kaniyang “Walang Sugat”, Hermogenes Ilagan “Dalagang –Bukid”, Juan K. Abad “Tanikalang Ginto”, Juan Crisostomo Sotto “Anak ng Katupunan”, at Aurelio Tolentino “Kahapon, Ngayon, at Bukas.” Ang Sarsuwela o dula ay isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang tungkol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.
  • 251 Ngayon ay dumako na tayo sa Sarsuwelang isinulat ni Severino Reyes na “Walang Sugat”. Ituloy mo lamang ang pagbabasa at gagabayan kita sa tulong ng nakawiwiling mga gawain upang lalo mo pang maunawaan ang araling ito. Halika simulan mo na. Mga Elemento ng Sarsuwela 1. Iskrip o nakasulat na dula – Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip. 2. Gumaganap o aktor – Ang mga aktor o gumaganap ang magbibigay- buhay sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng diyalogo, at nagpapakita ng iba’t ibang damdamin. 3. Tanghalan – Anumang pook na pinagpasyahang pantanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan. Maaaring hindi lamang entablado ang tanghalan ang daan, sa loob ng siid-aralan, at iba pa ay nagiging tanghalan din. 4. Tagadirehe o Direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nagpapasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip. 5. Manonood – Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing at husay ng nagtatanghal. Pinanonood nila nang may pagpapahalaga ang bawat tagpo , yugto at bahagi ng dula. 6. Eksena at tagpo- Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit ng tagpuan.
  • 252 Basahin at Unawain. Walang Sugat ni Severino Reyes UNANG BAHAGI I Tagpo: (Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador. Musika) Koro : Ang karayom kung iduro Ang daliri’y natitibo, Kapag namali ng duro Burda nama’y lumiliko Julia : Anong dikit, anong inam Ng panyong binuburdahan, Tatlong letrang nag-agapay Na kay Tenyong na pangalan. Koro : Ang karayom kung itirik tumutimo hanggang dibdib. Julia : Piyesta niya’y kung sumipot Panyong ito’y iaabot, Kalakip ang puso’t loob, Ng kaniyang tunay na lingkod. Si Tenyong ay mabibighani Sa dikit ng pagkagawa Mga kulay na sutla, Asul, puti at pula. Julia : Panyo’t dito ka sa dibdib, Sabihin sa aking ibig Na ako’y nagpapahatid Isang matunog na halik. Koro : Ang karayom kung iduro Ang daliri’y natitibo. Hoy tingnan ninyo si Julia Pati panyo’y sinisinta, Kapag panyo ng ibig Tinatapos ng pilit
  • 253 Nang huwag daw mapulaan Ng binatang pagbibigyan: Ang panyo pa’y sasamahan Ng mainam na pagmamahal. At ang magandang pag-ibig Kapag namugad sa dibdib Nalilimutan ang sakit Tuwa ang gumigiit. Mga irog natin naman Sila’y pawang paghandugan Mga panyong mainam Iburda ang kanilang pangalan. Julia : Piyesta niya’y kung sumipot Panyong ito’y iaabot Kalakip ang puso’t loob Ng kaniyang tunay na lingkod. Koro : Nang huwag daw mapulaan Ng binatang pagbibigyan Ang panyo pa’y sasamahan Ng mainam na pagmamahal. Salitain Julia : Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo’y mangagsayaw na. (Papasok ang magkasintahan). (Lalabas si Tenyong). II TAGPO (Tenyong at Julia…) Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo… Julia : Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang pagkakayari, nakakahiya. Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang?… ay… Julia : Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.
  • 254 Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog kandila, na anaki’y nilalik na maputing garing, ay may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang. Julia : Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko. Tenyong: (Nagtatampo) Ay!… Julia : Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka palang mapagod. Tenyong: Masakit sa iyo! Julia : (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong…(sarili) Nalulunod pala ito sa isang tabong tubig! Tenyong: Ay! Julia : (Sarili) Anong lalim ng buntunghininga! (Biglang ihahagis ni Julia ang bastidor). (Sarili) Lalo ko pang pagagalitin. Tenyong: Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo ako; Hindi na ako nagagalit… Julia : Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay! Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko. Julia : Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan… Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio; N. Narciso, at E. ay Flores. Julia : Namamali ka, hindi mo pangalan iyan. Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga? Julia : Sa among! Iya’y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.
  • 255 Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra’y A, N, at F? Julia : Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F ay Frayle. Julia : Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang posporo at magkikiskis ng maraming butil at nag-aalab na magsasalita). Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag hindi ko sinilaban, ay … sinungaling ako… mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban) Musika No. 2 Julia : Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan. Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at ‘di mapigilan. Julia : Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo. Tenyong: Salamat, salamat, Juliang poon ko. Julia : Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko. Tenyong: Pag-iibigan ta’y kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi paglingap mo sa akin kusang mamalagi huwag malimutan sa tuwi- tuwi… Tenyong: Julia ko’y tuparin adhikain natin. Julia : Tayo’y dumulog sa paa ng altar. Tenyong: Asahan mo. Sabay: ‘Di mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano pa’t wari ‘di na mamamatay sa piling mo oh! (Tenyong) niyaring buhay (Julia) maalaalang may kabilang buhay… (Lalabas si Juana).
  • 256 III TAGPO (Tenyong, Julia, at Juana mamaya’y Lukas ) Salitain Juana : Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si Julia at si Tenyong.) (Lalabas si Lukas.) Lukas : Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…! Tenyong: Napaano ka, Lukas? Lukas : Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria. Tenyong: Diyata dinakip si Tatang? Lukas : Opo. Tenyong: Saan kaya dinala? Lukas : Sa Bulakan daw po dadalhin. Tenyong: Tiya, ako po paparoon muna’t susundan si Tatang. Juana : Hintay ka sandali at kami’y sasama. Julia, magtapis ka… (Magsisipasok sina Juana, Julia, at Lukas). Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng dibdib, ay tinutuntungan kapagdaka ng matinding dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay maitutulad sa bango ng bulaklak, at sa sandaling oras ay kusang lumilipas. (Telong Maikli) Kalye IV TAGPO (Musika) Koro at Lukas Lukas : Tayo na’t ating dalawin mga tagarito sa atin. Koro : Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin. Isang Babae: Naubos na ang lalaki. Lahat ng Babae: Lahat na’y hinuhuli mga babae kami.
  • 257 Lukas : Marami pang lalaki. Lahat ng Lalaki: Huwag malumbay…kami ng nasasa bahay at nakahandang tunay, laan sa lahat ng bagay… Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga babae’y pabayaan, di namin kayo kailangan. Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang. Isang Lalaki: Kaka ko’y gayundin naman. Isang Babae: Asawa’y paroroonan. Isang Babae: Anak ko’y nang matingnan. Lahat: Tayo na’t sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanila’y dalhin masarap na pagkain. Mga Babae: Tayo na, tayo na. Lahat: Sumakay na sa tren. Mga Lalaki: Doon sa estasyon. Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat) (Itataas ang telong maikli) V TAGPO (Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas). Salitain Relihiyoso 1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao ito… Marcelo: Mason po yata, among? Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka’t kung siya’y sumulat maraming K, cabayo K. Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!
  • 258 Relihiyoso 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya. Relihiyoso 2.0: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon. Marcelo: Hindi sila makakain eh! Relihiyoso 1.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo na dagdagan, Ay ang pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila kumain?Mabuti ngang mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang kailangan. Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang magsidaing; isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila! Relihiyoso 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro que duro-awa-awa? Ilang kaban an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha! Marcelo: Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan,ngayon po’y lima ng kaban, at makalima po isang araw. Relihiyoso 2.0: Samakatuwid ay limang bese 25, at makalimang 125, ay Huston 526 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa! (Bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako). Marcelo: Salamat po, among! Relihiyoso 1.0: Kahapon ilan ang namatay? Marcelo: Wala po sana, datapwa’t nang mag-uumaga po ay pito lamang. Relihiyoso1.0: Bakit ganoon? (gulat) Marcelo: Dahil po, ay si Kapitan Inggo ay pingsaulan ng hininga.
  • 259 Relihiyoso 1.O: Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan Inggo. Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso po’y litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos. Relihiyoso 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon? Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban. Relihiyoso 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha? Marcelo: Opo, among (Sa mga kasama niya) Companeros, habeis traido el dinero para el Gobernador? Relihiyoso 2,3,4: Si, si, hemos traido. Relihiyoso 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo. Marcelo: Hindi po makalakad, eh! Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag. Relihiyoso 2.0: Tonto. Tadeo : Bakit ka mumurahin? Juana : Kumusta po naman kayo, among? P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap, noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kami’y alipin ng mga prayle; ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang
  • 260 namamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawing pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle. Juana : Totoo po ba ang sabi mo. P.Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga lklerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin. Juana : Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking dalaga? P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko. Miguel: Ay! Aling Julia… ay… ma… ma… malapit na po… Alin po ang malapit na? Miguel: Ang… ang… ang… Julia : (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito? Tadeo : Miguel, tayo na’t nagkayari na kami ng kaniyang ina. Miguel: Ay… salamat (tuwang-tuwa.) Julia : (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang? Tadeo : Ano ba ang sinabi mo? Miguel : Sinabi ko pong … ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko! Tadeo : Wala ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo? Miguel : Sinabi ko pong malapit na… Tadeo : Malapit na ang alin?
  • 261 Miguel : Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po nasagutan… Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa mahalata… Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo. (Magsisilabas ang mga dalaw). Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa mahalata… Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo. (Magsisilabas ang mga dalaw). VI TAGPO (Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae at lalaki). Salitain Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na ang tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde na huwag nang paluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tulugan… Putin : Salamat po, among. Relihiyoso 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin namin na pawalan, lahat ang mga bilanggo, kaawa-awa naman sila. Putin : Opo, among, mano na nga po… Salamat po, among. (Magsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki). Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador.. a Manila, cogemeros el tren la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal. Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal.
  • 262 Los 3 : Si, si a fusilar, a fusilar. (Papasok ang mga pari). VII TAGPO (Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso) Salitain Putin : Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among? Tenyong: Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag pong maniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus pa ngang ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid lamang ng mga ito ang pinag-usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang kamngmangan! (Ipapasok si Kapitan Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid). Putin : Inggo ko! Tenyong: Tatang! Julia : Kaawa-awa naman! Tenyong: Mahabaging Langit! Musika Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang mga buto sa mga tinalian, lipos na ang sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali… Ah, kapag ka namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil. Salitain Tenyong: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay… Inggo : Huwag na … anak ko… hindi na maaari… luray-luray na ang katawan…Tayo’y maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang mo! Putin, ay Putin … Juana
  • 263 Julia.. kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila… Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala. Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? (Dito lamang ang pasok ng kantang “Ang dalawang braso’y…) Musika No.2 Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan mo po’t igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng prayle, isa sa kikitil. Julia : Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iya’y tadtarin man yata lahat niyang laman, buto sampung taba, di makababayad sa utang ng madla. Mga Babae at Lalaki: Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig sa magpahirap. Tenyong: Oo’t di matingnan puso ko’y sinusubhan sa ginawa kay Amang ng mga taong hunghan… ang awa’y nilimot sa kalupitan… Lalaki’t Babae: Wari mukha nang bangkay… Tenyong: Inang, masdan mo po… at masama ang lagay ni Tatang, Inang, tingnan mo’t naghihingalo… Tatang, Tatang… Putin : Inggo ko… Inggo… Tenyong: Patay na! (Mangagsisihagulgol ng iyak)
  • 264 Telong Maikli VIII TAGPO (Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong nangakagapos). Salitain Putin : Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong katawan ko! Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay taos hanggang likod! Ay, Tenyong, hindi ako makahinga! Ang pusoko’y parang pinipitpit sa palihang bakal! (Si Putin ay mapapahandusay). Tenyong: Langit na mataas! (Papasok lahat) IX TAGPO (Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya’y si Julia). Salitain Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhin. Isa : Ako’y mayroong iniingatan. Isa pa : Ako ma’y mayroon din. Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto. Isa : Nalalaman mo bang sila’y mangasisilulan? Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy na sasabihin daw nila sa Heneral na tayo’y pagbabarilin na. Isa : Mga tampalasan. Isa pa : Walang patawad! (Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia). Julia : Tenyong, Tenyong!
  • 265 Tenyong: Julia! Julia : Diyata’t matitiis, na Ina’y lisanin mo sa kahapis-hapis na anyo? Di ba nalalaman mong sa kaniya’y walang ibang makaaaliw kundi ikaw, at sa may damdam niyang puso, ay walang lunas kundi ikaw na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan? Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa’t sa sarili mong loob, di ba si Inang ay kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang Sa paglingap mo sa akin? Sa bagay, na ito, ano ang ipag-aalaala ko? Julia : Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing gaya ko. Tenyong, huwag kang umalis! Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid, Julia, tumutugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpaubayang anak; ang Ina natin ay nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo niyang daing: “May anak ako,” anya, “ngayo’y kapanahunang ako’y ibangon na ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang taong sinasangayad; hindi dapat tulutang… mga iaanak natin ay magising pa sa kalagim-lagim na kaalipin. Julia : Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin ang garantilyang may medalyita; tangnan at isusuo kay Tenyong ang garantilya.) Ang larawang ito’y aking isasabit sa tapat ng puso’y huwag iwawaglit at sa mga digma, kung siya’y masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. Kung saka-sakaling irog ko’y masaktan, pahatid kang agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo’y aking huhugasan ng masaganang luhang sa mata’y nunukal. Tenyong: Sa Diyos nananalig. Julia : Puso ko’y dinadalaw ng malaking hapis.
  • 266 Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw. Julia : Mangungulimlim na ang sa matang ilaw. Tenyong: Ang ulap Julia ko’y di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati. Julia : Tenyong na poon ko’y kahimanawari. Magliwayway uli’t dilim ay mapawi. Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako’t tutupad lang ng aking panata sa pakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog ko’y aking itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa mga sakuna, ikaw’y kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako! Julia : Ako’y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di ikamatay. Tenyong: Juliang aking sinta! Julia : Oh, Tenyong ng buhay! Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis). Julia : (Biglang lilingon) Te…! Yumao na! (papasok) X TAGPO (Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang sigawan sa loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.) Sa loob. Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo’t oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko – Perdon! Walang utang-na-di pinagbabayaran! (Hagara at mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na sasama sa tren). Telon Wakas ng Unang Bahagi
  • 267 Ikalawang Bahagi I TAGPO (Bahay ni Julia) Julia at Juana Salitain Juana : Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kanyang ama, sila’y pagpapakitaan nang mainam. Julia : Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po! Juana : Bakit ba ganyan ang sagot mo? Julia : Wala po! Juana : Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at nakaririwasa, ano pa ang hangarin mo? Julia : Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang hinahangad ko po ay… Juana : Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko. Julia : Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko. Juana : (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga- Anong pusu-puso ang sinasabi mo? Totoo nga’t noong unang dako, kapag may lalaking mangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod datapwa’t gayo’y iba na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon, ngayo’y kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy dito. Julia : (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siya’y nagpapahingalay na… Julia : Nakasisindak, Inang ko, ang mga pangungusap mo!
  • 268 Juana : Siyang tunay! Julia : Ako po’y makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil sa tapat na udyok ng aking puso. Juana : Julia, tila wari… may kinalulugdan ka nang iba. Julia : Wala po! Juana : Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan mong sarili ang aking ninananais. Ang wika ko baga, ay bukas- makalawa’y mag-aasawa ka rin lamang… ay kung mapasa-moro, ay mapasa-Kristiyano na! Julia : Sarili) Moro yata si Tenyong! II TAGPO (Julia at Monica) Salitain Julia : Monicaaaaaaaaaa, Monicaaaaaaaaaa!. Monica : (Sa loob) Pooo! Julia : Halika (Lalabas si Monica) Pumaroon ka kay Lukas, sabihin mong hinihintay ko siya; madali ka… Monica: Opo (Papasok). III TAGPO (Julia, mamaya’y Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana) Musika Dalit ni Julia Oh, Tenyong niyaring dibdib, Diyata’ ako’y natiis Na hindi mo na sinilip Sa ganitong pagkahapis. Ay! Magdumali ka’t daluhan, Tubusin sa kapanganiban, Huwag mo akong bayaang Mapasa ibang kandungan.
  • 269 Halika, tenyong, halika, At baka di na abutin Si Julia’y humihinga pa… Papanaw, walang pagsala! At kung patay na abutin Itong iyong nalimutan Ang bangkay ay dalhin na lamang Sa malapit na libingan. Huling samo, oh Tenyong, Kung iyo nang maibaon Sa malungkot na pantiyon, Dalawain minsan man isang taon. Salitain P. Teban: (Pumalakpak)Mabuti ang dalit mo Julia…datapwa’t napakalumbay lamang… Julia : (gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo’y nangagsirating…Kahiya-hiya po. P. Teban: Hindi. hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang Inang mo? Julia : Nariyan po sa labas: tatawagin ko po. (Papasok). P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting asawa..Marunong kang pumili, Miguel. Tadeo : Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po’y hindi maalam makiusap. (Lalabas si Juana). Juana : Aba, narito pala ang among! Mano po, among! P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay? Juana : Mabuti po, among. Tadeo : (Kay Miguel) Lapitan mo.
  • 270 Miguel : Baka po ako murahin ah! 17 May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman at bugtong na anak ngunit dungo. Payo ni Aling Juana: ”Ang pag-ibig ay tinatanggap ng mata at itinutuloy sa isip at di sa puso” Tutol si Julia kay Miguel. Ngunit ipinagkayari siya ng ina sa ama ni Miguel. Hindi alam ni Juana ang ukol sa anak at pamangking si Tenyong. Nagpadala ng liham si Julia kay Tenyong sa tulong ni Lukas. Si Tenyong ay kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot sa labanan. Natagpuan ni Lukas ang kuta nina Tenyong. Ibinigay ang sulat ng dalaga. Isinasaad sa sulat ang pagkamatay ng inang si Kapitana Putin at ang araw ng kasal niya kay Miguel. Sasagutin na sana ni Tenyong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan. Ikatlong Bahagi Sinabi ni Lukas kay Julia ang dahilan nang di pagtugon ni Tenyong sa liham. Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal. Minsan habang nanliligaw si Miguel kay Julia ay si Tenyong naman ang nasa isip ng dalagang ayaw makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan ng ina. Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana, na ina ni Julia. Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lukas na tumakas upang pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam ni Lukas kung nasaan na sina Tenyong kaya walang nalalabi kay Julia kungdi ang magpakasal o magpatiwakal. Pinayuhan ni Lukas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel ay buong lakas nitong isigaw ang “Hindi po!”. Ngunit tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng loob ang kanyang ina. Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Tenyong na sugatan. Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si Tenyong. Kinumpisal ng kura si Tenyong. Ipinahayag ng kura ang huling hiling ng binata – na sila niJulia ay makasal. Galit man si Juana ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag na rin sa huling kahilingan ng mamamatay. Gayundin si Miguel. Matapos ang kasal, bumangon si Tenyong. Napasigaw si Miguel ng “Walang Sugat”. Gayundin ang isinigaw ng lahat. Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang lahat. Wakas (Magsasara ang telon)
  • 271 GAWAIN 2.1.1 h: Hanap - Salita Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na mga salitang nasa kahon. Pagkatapos, gamitin mo ito sa pangungusap. Hanay A Hanay B _____ 1. pagkasiphayo a. sinisinta _____ 2. sumisimsim b. kalungkutan _____ 3. kaparangan c. apihin _____ 4. malumbay d. awit- panalangin _____ 5. dalit e. magtaksil _____ 6. maglilo f. malungkot _____ 7. magahis g. mamatay _____ 8. makitil h. mapahamak _____ 9. aglahiin i. mapulaan ____ 10. pagbabata j. kabukiran k. pagtitiis GAWAIN 2.1.1.i: Storyboard Pagkatapos mong sagutan ang pagsasanay sa talasalitaan ay dumako na tayo sa kasunod na Gawain.Ibuod mo ang Sarsuwela sa tulong ng sumusunod na story board. Piliin mo sa kasunod na mga pangyayari. Isulat ang tamang letra sa loob ng kahon ayon sa pagkakasunod- sunod. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. a. Sugatang dumating si Tenyong sa kasal. b. Naisipan ni Julia na tumakas at pumunta sa kinaroroonan ni Tenyong. c. Binuburdahan ni Julia ang panyong ibibigay kay Tenyong. d. Ipinagkasundo ni Juana si Julia kay Miguel. e. Namatay si Kapitan Inggo dahil sa sobrang palo na dinanas. f. Sinulatan ni Julia si Tenyong at ibinalita ang pagkamatay ni Kapitana Putin at pagpapakasal niya kay Miguel. g. Matapos ang kasal ay bumangon si Tenyong at ang lahat ay napasigaw ng “Walang Sugat”. h. Ibinilin ni Tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni Julia. i. Hinuli ng mga boluntaryo ng Sta. Maria si Kapitan Inggo. j. Si Tenyong at ang mga kalalakihan ay humandang makipaglaban upang mapalaya ang Inang-bayan.
  • 272 GAWAIN 2.1.1.j: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Sagutin ang mga tanong namay kaugnayan sa binasang akda upang masukat natin kung naunawaan mo ang nilalaman nito. 1. Bakit hindi agad inamin ni Julia na kay Tenyong ang panyong kaniyang binurdahan? 2. Ano ang nangyari sa tatay ni Tenyong na si Kapitan Inggo? Ano-anong pagpapahirap ang naranasan niya sa kamay ng mga prayle? 3. Isulat ang mga katangian ng mga tauhan sa akda. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. JULIA TENYONG LUKAS JUANA __________ __________ __________ __________ __________ __________ __________ __________ __________ __________ __________ __________ __________ __________ __________ __________ WALANG SUGAT
  • 273 4.Gamit ang Venn Diagram, ipakita ang pagkakatulad at pagkakiba ni Julia sa kababaihan sa kasalukuyan. Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang pormat. 5. Tama ba ang ginawa ng ina ni Julia na ipagkasundo nito ang anak sa isang lalaking mayaman ? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Julia, papayag ka ba sa pasiya ng iyong ina? Bakit?. 6. IIarawan ang namayaning damdamin sa Tagpo II. 7. Angkop ba ang pamagat na Walang Sugat sa akda? Bakit? 8. Tama ba na magtanim ng galit si Tenyong sa mga pari? Ipaliwanag. Mahusay ang iyong ginawa. Madali mong naunawaan ang simulang bahagi ng aralin. Alamin mo naman ang kaligirang pangkasaysayan ng Sarsuwela na namayani sa Panahon ng Amerikano. Gagabayan ka sa iyong pag-aaral ng sumusunod na gabay na mga tanong. Mga Gabay na Tanong 1. Ano ang Sarsuwela? 2. Bakit ito kinagiliwan mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano? 3. May Sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Paano ito naiiba sa ibang akdang pampanitikan? 4.Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Sarsuwela bilang bahagi ng panitikang Pilipino? 5. Suriin ang kultura o kalagayang panlipunang masasalamin sa akdang Walang Sugat. JULIA KABABAIHAN SA KASALUKUYAN Pagkakatulad Pagkakaiba Pagkakaiba
  • 274 6. Kung ikaw ay kabataan na nabuhay sa Panahon ng Amerikano, paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan? 7. Sa pagwawakas ng gawain mo sa bahaging ito, maibibigay mo na ang iyong damdamin sa dulang pantanghalang binasa mo. Gawin ito sa dyornal. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. Mahusay! Ngayon ay unti-unti mong nauunawaan ang daloy sa ating aralin. Nakatulong ba ang mga salitang naglalarawan na ginamit ng may-akda sa binasang Sarsuwela? Marahil ay napansin mo na iba-iba ang antas ng pang-uri na ginamit ng may-akda upang higit niyang maikintal sa isipan ng mambabasa ang imahe na nais niyang iwanan sa isipan . Suriin natin ang ilan sa mga ito. PAGSULAT Ituloy mo ang pahayag… Habang binabasa ko ang Sarsuwela ako’y , dahil ako’y . kaya nais kong maging ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ________________
  • 275 Kaantasan ng Pang-uri Pang-uri - Isang mahalagang bahagi ng panalita ang pang-uri. Ang pang-uri ay bahagi ng panalita na naglalarawan ng pangngalan o ng panghalip. Kaantasan ng Pang-uri 1. Lantay –Naglalarawan sa isa o isang pangkat ng tao, bagay, o pangyayari. Halimbawa: a. Nabighani ako sa kagandahan ng lugar na ito. b. Masagana ang ani ng palay sa taong ito. 2. Pahambing -Nagtutulad ng dalawang tao, bagay, o pangyayari. a. Pahambing na magkatulad – nagtataglay ng pagkakatulad na katangian. Ginagamitan ito ng mga panandang sing, kasing, at magsing, magkasin Halimbawa: .Magsing-talino sina Felix Irving at Andrela. . Sintanda ng aking ate ang guro ko sa musika. b. Pahambing na di- magkatulad (pasahol)-Kung hindi magkapantay ang katangian ng isang bagay na itinutulad sa iba. Ginagamitan ito ng mga pananda tulad ng salitang di-gaano, di- gasino, higit, o lalo bago ang pang-uri at sinusundan ito ng tulad, gaya o kaysa. Halimbawa • Di- gaanong magkapalad naging karanasan ni Alvin sa ibang kabataan . • Di-gasinong matamis ang mangga rito na gaya sa Guimaras. 3. Pasukdol – ay ginagamit kung ipinapakita ang kahigitan ng isang Ugnay-Wika
  • 276 Paghusayin mo pa ang iyong kaalaman sa wika. Magsanay Tayo. Pagkatapos mong malaman ang mga impormasyon sa kaantasan ng pang- uri, ngayon ay susubukin natin ang iyong kaalaman. Isulat sa sagutang papel ang kaantasan ng pang-uri na sinalungguhitan sa bawat pangungusap. (lantay, pahambing o pasukdol). ______________ 1. Tunay na bayani ng makabagong siglo si Kesz. ______________ 2. Si Kesz ay sikat na sikat na kabataang simbolo ng pag- asa. ______________ 3. Kami ay ubod saya sa tagumpay na kaniyang natamo. ______________ 4. Siya ang pinakabatang boluntaryong tumutulong sa Dynamic Teen Company ni Peñaflorida. ______________ 5. Di- gaanong magkapalad ang naging karanasan ni Kesz sa ibang kabataan ngayon. ______________ 6. Tunay na huwaran ang kabataang tulad ni Kesz Valdez. ______________ 7. Magkasingganda ng hangarin si Efren at si Kesz sa kanilang gawain. ______________ 8. Buhay man niya ay salat sa karangyaan at dunong ngunit hindi niya ipinagkait ang lakas niya upang matulungan ang mga kabataan na naliligaw ng landas. _______________9. Sa gulang na tatlo, namalimos si Kesz gaya ng ibang mga batang lansangan at nagkalkal ng mabahong basura para makahanap ng anumang bagay na may halaga na maaaring ibenta upang suportahan ang kaniyang pamilya. _____________ 10. Si Kesz ay may mabuting kalooban gaya ng kaniyang guro na si Efren Peñaflorida. Nasagutan mo lahat ang iyong gawain sa pagsasanay na ito. Kung hindi naman ay okey lang. Gagabayan ka ng araling ito sa paglinang pa ng iyong kaalaman. Magkaroon ka naman ng paglalagom kung ano ang iyong naunawaan sa pinag-aralan sa araling ito. Mahalagang pag-aralan ang mga bahagi ng panalita na nagbibigay- turing sa pangngalan o panghalip at ang pagbibigay ng paghahambing o pagtutulad nito batay sa kaantasan ng pang-uri sapagkat nagiging mabisa ang pagsasalaysay at paglalarawan sa mga tauhang karaniwang ginagamit sa isang sarsuwela. Ngayon ay maaari mo ng gawin ang gawaing aking inihanda.
  • 277 Upang malaman natin kung lubos mo nang naunawaan ang ating pinag-aralang akda, balikan natin ang mahalagang tanong na sumasalamin ba sa sarsuwela ang kulturang Pilipino gamit ang pinasidhing anyo ng pang- uri? Patunayan. Isulat sa salamin (mirror graphic organizer) ang iyong sagot. Napatunayan mo na ang sarsuwela ay larawan ng kulturang Pilipino, bukod dito isa pa sa mga tulong upang higit na masalamin ang kalagayang panlipunan. Nakatulong ba ang mga kaantasan ng pang-uri upang mapalabas ang kulturang Pilipino upang makapaglarawan ng mabisa? Binabati kita at ilang hakbang na lamang ay tapos na ang iyong paglalakbay. Upang matiyak natin na naunawaan mo ang aralin, nais kong magsaliksik ka ng isang dula na naglalarawan ng kalagayang panlipunan, kaugalian at paniniwala ng pamilyang Pilipino. Suriin mo ito. Ibuod at ipaliwanag kung paano inilarawan dito ang mga nabanggit sa itaas. SARSUWELA SALAMIN NG KULTURANG PILIPINO Bakit mahalagang gamitin ang kaantasan sa paglalarawan?
  • 278 Pagnilayan at UnawainPagnilayan at UnawainPagnilayan at UnawainPagnilayan at Unawain Ang layunin mo sa bahaging ito ay mataya natin kung tama ang pagkaunawa mo sa mahahalagang konsepto na nakapoob sa buong aralin- Ang Panitkan sa Panahon ng Amerikano. Muli, sagutin mo ang mahahalagang tanong na ito. Inaasahan kong kung may mali ka mang konsepto, ay naitama na natin ang mga ito sa tulong ng iba’t ibang gawaing iyong pinagdaanan. 1. Bakit umusbong ang panitikang Pilipino noong Panahon ng Amerikano? 2. Bakit mahalagang unawain/pag-aralan ang mga akdang pampanitikan sa panahon ng mga Amerikano? 3. Tunay bang salamin ng kultura angmga akdang pamapanitkan? Patunayan. Sagutin mo ang mga nabanggit na tanong sa paraang patalata. Maging matapat ka sa iyong pagsagot dahil dito ko malalaman kung dapat na tayong magpatuloy sa susunod na aralin, o balikan pa ang ilang gawain upang sa gayo’y magkaroon ka ng malalim na pag-unawa sa nilalaman ng araling ito. Makatutulong sa iyo kung sasagutin mo pa ang Gawain sa ibaba/kabilang pahina. Ano ang natutuhan mo sa kabuuan ng araling tinalakay? Isulat ang sagot sa iyong dyornal. Sa araw na ito naunawaan ko na ___________________________________________________ _________ Natatandaan ko na natuwa ako sa na ___________________________________________________ _________ Ngayong araw na ito, maipagmamalaki kong natutuhan ko ang/ ang mga ___________________________________________________ ___________________________________________________ ______________________
  • 279 Marahil ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa balagtasan at sarsuwela. Gayundin, natutuhan mo na ang kahalagahan ng malikhain at mapanagutang paggamit ng wika sa pamamagitan ng pag- unawa sa pagkakaiba ng katotohanan o opinyon at kaantasan ng pang-uri. Natitiyak ko na sa tulong ng mga gawain na naisagawa mo ay higit na lumawak at lumalim ang iyong pag-unawa. Paalala lamang na muli mong balikan ang Kahon ng Hinuha sa unahang bahagi ng araling ito, at dugtungan mo na ang huling pahayag sa labas ng kahon upang matiyak mo kung nauunawaan mo talaga ang araling ito. Maraming salamat. IlipatIlipatIlipatIlipat Sa mga natutuhan mong mga araling pampanitikan at pangwika ay natitiyak kong kayang-kaya mong maisagawa ang Inaasahang Produkto- ang makasulat ka ng iskrip at diyalogo ng isang dula na sumasalamin sa pamilyang Pilipino. Bago iyan, nakatitiyak ako na makatutulong sa iyo ang karagdagang kaalaman na ito tungkol sa Inaasahang Produkto – ang pagsulat ng iskrip at diyalogo ng isang dula. Atin pang ipagpatuloy at alamin naman kung ano ang iskrip at Diyalogo. Simulan na natin. Ang Iskrip at Diyalogo Sa isang pagtatanghal, walang kuwento ang maisasadula kung wala ang iskrip. Matatawag lamang na dula ang isang katha kung ito’y itinatanghal, ngunit maitatanghal lamang ito kung may iskrip na magsisilbing gabay ng mga tauhan upang magsadula. Taglay ng iskrip ang mga diyalogo ng mga aktor sa pagtatanghal ng isang tagpo at maging ng buong dula. Tinatawag na iskrip ang nakasulat na gabay ng aktor direktor at iba pa na nagsasagawa ng dula. Ang iskrip ang pinakakaluluwa ng isang dulang itatanghal sapagkat lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula rito. Sa iskrip matatagpuan ang galaw ng mga aktor, ang mga tagpo, ang mga eksena. At gayundin ang diyalogo ng mga tauhan.
  • 280 Paraan ng Pagsusulat Ayon kay Sicat sa kanyang sanaysay na “Sa Pagsulat,” nagsisimula siya sa ideya. Mula sa ideya, aniya, itinatayo niya ang balangkas sa isip at pinaglalapat-lapat niya rito, sa pamamagitan ng mahiwagang kapangyarihan ng imahinasyon, ang samu’t saring impresyon, gunita, larawan, damdamin at pangyayari. Tila siya mangangaso, kung saan-saan siya nakararating. Narito ang mga paraan o teknik kung paano makasusulat ng iskrip 1. Dapat na marunong ang isang manunulat na tumimpla ng kanyang mga sinusulat. Nakabaling ito sa tono’t himig na hangad ipahiwatig sa katha. 2. Mgsimula sa pagsulat ng mga diyalogo. Kailangang masalang mabuti kung ano ang mga gagamiting salita sa diyalogo. 3. Piliin ng salita na gagamitin depende sa manonood o paksa. 4. Mahalaga na may nilalaman (content) ang isang kuwento. Ito ang mensahe ng kuwento, anyo (form) sapagkat mapapailalim sa anyo ang kasiningan ng pagsusulat. Dito pumapasok ang estilo. 5. Kailangan sa pagsulat ang disenyo, ang pagbalangakas, ang mga dibisyon (ang simula, sinulong, at wakas). Dapat rin na pag-aralan ang makatotohanan at epektibong banghay (plot), karakter (character), tagpuan (location), paningin (point of view), at iba pang sangkap sa pagkatha. Sa pagsulat ng iskrip nalrarapat na Ang diyalogo ang sinusundan ng mga aktor. Ito ang nagbibigay ng mga mensahe sa isang dula. Diyalogo ang tawag sa anumang usapan sa pagitan ng dalawa at ilan pang mga tauhan sa loob ng isang dula. Sa pamamagitan ng iskrip, mabibigyan ng pagpapakahulugan ng direktor kung anong magiging kabuuan ng tagpuan, ang mga damit ng tauhan hanggang sa paraan kung paano isasaganap at ipahahayag ng mga tauhan ang kani-kanilang diyalogo. Isa sa batayan upang gumanda ang isang dula sa iskrip gayundin ang lawak ng karanasan ng direktor sa ganitong larangan. Narito ang paraan ng pagsusulat ng Iskrip.
  • 281 lakipan ito ng angkop na tunog sapagkat ang iyong gagawin akda ay pagbabatayan at pinakabuhay ng isang dula. Ngayong nalaman mo na ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng iskrip ng dula. Nakatitiyak ako na magiging matagumpay ang inyong gagawing produkto. Basahin at isagawa ang sitwasyon. Gamiting gabay ang sumusunod na pamantayan sa pagsasagawa nito. Dahil sa lumalalang isyung panlipunan na may kinalaman sa estado ng ating pamayanan tungkol sa kultura, gawi, kaugalian ng pamilya, ang NCCA kasama ang Lokal na Pamahalaang Panturismo, DSWD ay maglulunsad ng isang patimpalak sa dulang pantanghalan na magtatampok sa mga pamilya na hanggang sa kasalukuyan ay makikita pa ang mga kultura, gawi sa makabagong panahon. Ang timpalak ay naglalayon na mahikayat ang bawat pamilya na magsilbing inspirasyon sa komunidad. Ikaw bilang pangulo ng Samahang Kabataan (SK) ang napiling mamahala ng inyong punong bayan sa patimpalak na ito. Upang mangalap ng mga pamilya na naangkop sa aganitong kategorya. Ang magwawaging lahok ay tatanggap ng salapi, tropeo at sertipiko at mailalathala sa lokal na pahayagan sa bayan. Inaasahan na ang dula ay dapat na makatotohanan, may angkop na kasuotan, naaangkop sa tema, may angkop na tunog, ilaw,at tagpuan, mahusay ang iskrip at sumasalamin sa kultura at paniniwala ng pamilyang Pilipino.
  • 282 Rubrik sa Pagsulat ng Iskrip at Diyalogo Mga Pamantayan Napaka- husay 5 Mahusay 4 Katamta mang Husay 3 Hindi Mahusay 2 Nangangailangan pa ng Pagpapahusay 1 a. Pagkamalikhain b. Makatotohanan at kapani-paniwala ang pagkakasulat ng iskrip c. Orihinal d. Sumasalamin sa kulturang Pilipino at naaangkop sa kasalukuyan e. Wasto ang pagkakagamit ng wika Nakumpleto mo na ang araling ito. Bago ka dumako sa susunod na aralin, Bakit hindi mo subuking itaya ang iyong mga natutuhan? Maaari mo ng sagutan ang pangwakas na pagsusulit upang matiyak natin kung sapat na ang iyong kahandaan. Simulan mo na. Interpretasyon 21- 25 -Napakahusay 16- 20 -Mahusay 11-15 -Katamtamang Husay 6-10 -Hindi Mahusay 1-5 -Nangangailangan pa ng Pagpapahusay
  • 283 VII. Pangwakas na Pagsusulit (Panitikan sa Panahon ng Amerikano) A. Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Isang uri ng tulang patnigan na may pinagtatalunang mahalagang paksa na karaniwang may Lakandiwa na namamagitan. a. balagtasan b. duplo c. karagatan d. karilyo 2. Dahilan kung bakit isinunod ang tawag na balagtasan sa pangalan ni Francisco Baltazar. a. bilang alaala sa kaniyang kadakilaan b. bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan c. upang lalo siyang tangkilikin ng mga makata d. sapagkat siya ang pinakamahusay na mambibigkas noong kaniyang kapanahunan. 3. Ito ay biglaang debate ng lalake at babae ng mga taga-Cebu. a. Balitao b. Batutian c. Duplero d. Siday e. 4. Sila ang pinakamagaling na mambabalagtas noong kanilang kapanahunan. a. Jose Rizal at Andres Bonifacio b. Juan Luna at Antonio Luna c. Francisco Baltazar at Jose Dela Cruz d. Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes 5. Dahilan kung bakit tinawag na “Huseng Batute” si Jose Corazon de Jesus. a. Siya ang tagapamagitan sa mga mambibigkas. b. Mahilig siyang magsulat ng Balagtasang hindi pormal. c. Pinakamahusay siyang mambabalagtas sa kaniyang kapanahunan. d. Pagbibigay-galang it okay Jose Corazon de Jesus.
  • 284 B. Panuto: Isulat sa patlang ang wastong anyo ng kaantasan ng pang-uri. Gawing gabay ang mga salita sa loob ng panaklong. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. 1. Ang bawat mamamayan ay dapat na (husay) __________ sa paggamit ng ating pambansang wika. 2. Talagang (hanga) __________siya sa kanyang ipinamalas na husay sa pagsasalita. 3. (Marami) __________ ng magagandang dahilan upang ating paunlarin ang ating wika. 4. (Gusto) __________ ng mga manonood ang balagtasan at sarsuwela sa palatuntunan ng Buwan ng Wika. 5. (Hanga) __________ ang taong nagmamalaki at nagmamahal sa sariling wika. C. Panuto: Gamit ang 3-2-1 Chart, buuin ang konsepto o ideyang nabuo sa iyo sa pag-aaral sa dula. 3 Tatlong bagay, kaisipan o ideyang nalaman sa aralin 2 Dalawang kawili-wiling bagay na nalaman 1 Isang malaki at itinuturing na pinakamahalagang konseptong natutuhan sa dula Sa susunod na aralin, bibigyan natin ng pansin ang Panahon ng Komonwelt. Aalamin natin kung ano ang papel na ginampanan ng mga akdang pampanitikang namayani sa pagbabagong anyo ng panahon at masasabi mo ba na ang panitikan ay naging salamin ng kultura ng isang bansa? Pagkatapos sagutan ang ilang mga tanong sa Panimulang Pagtataya para sa Aralin 2.2, ipagpatuloy mo na ang iyong pag-aaral.
  • 285 ARALIN 2.2 :ARALIN 2.2 :ARALIN 2.2 :ARALIN 2.2 : ang panitikan saang panitikan saang panitikan saang panitikan sa PANAHONPANAHONPANAHONPANAHON NGNGNGNG KOMONWELTKOMONWELTKOMONWELTKOMONWELT I. Panimula at Mga Pokus na Tanong Kumusta? Binabati kita sapagkat matagumpay mong naisagawa ang mga gawain at pagsasanay sa Aralin 2.1. Sa bagong aralin, tutuklasin natin ang panitikan sa Panahon ng Komonwelt. Ang Panahon ng Komonwelt ay sinasabing Malasariling Pamahalaan sa ilalim ng pamamahala ni Manuel L. Quezon. Marahil ay maitatanong mo sa iyong sarili kung ang panitikan ba sa panahong ito ay nagpatuloy sa pag-unlad dahil ang ating bansa ay naging malaya na sa pananakop ng mga Amerikano. Mahalaga ba ang naging kontribusyon sa ating bansa ng mga manunulat ng panitikan sa Panahon ng Komonwelt? Sa tulong ng mga gawaing inihanda para sa iyo, malalaman mo ang kasagutan sa mahalagang tanong na ito. Hudyat na naunawaan mo ang araling ito kung sa pagtatapos ay makapagpapahayag ka ng iyong katuwiran na ang layunin ay makahikayat sa iyong tagapakinig/tagapanood na maniwala at pumanig sa iyong katuwiran. Magkakaroon ng pagtataya sa iyong ginawa sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan: a.) naglalahad ng sariling opinyon at katuwiran; b.) napaninindigan ang opinyon at katuwiran; c.) may batayan ang inilahad na opinyon at katuwiran; at d.) paraan ng presentasyon. Sa araling ito, ay malalaman mo ang iba pang panitikang napatanyag sa panahong ito partikular na ang Sanaysay (talumpati) at Maikling kuwento. Gayundin ang mga araling panggramatika tulad ng Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag, at Kayarian ng Pang-uri. II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga Ito Sa araling ito ay tutuklasin ang sumusunod na paksa: Aralin 2.1- Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt Aralin 2.1.1 a. Panitikan:Sanaysay (Talumpati) “Wikang Pambansa” ni Manuel L. Quezon b. Wika: Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag Aralin 2.1.2 a. Panitikan: Maikling Kuwento “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes b. Wika: Kayarian ng Pang-uri
  • 286 III. Mga Inaasahang Kasanayan Sa araling ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman at kasanayan Ang Panitikan Sa Panahon Ng Komon- welt Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Napauunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa diskursong pinakinggan • Naisasalaysay ang magkakaugnay na pangyayari sa napakinggan • Naihahambing ang sariling saloobin sa saloobin ng nagsasalita • Naiuugnay ang pinapaksa ng nagsasalita sa iba pang paksa at karanasan • Nakabubuo ng makabuluhang tanong batay sa napakinggan Napalalalim ang pag-unawa sa diskursong pinakinggan sa pamamagitan ng pagsusuri sa nilalaman nito • Nabubuod ang teksto batay sa mahahalagang punto • Naililipat ang impormasyon mula sa diskursong napakinggan tungo sa iba pang anyo (transcoding) Nakagagawa ng sariling reaksiyon (pasalita o pasulat) sa mga ideyang pinakinggan • Napipili ang angkop na ekspresiyon/pananalita sa pagpapahayag ng sariling puna • Nakagagawa ng angkop na pagwawasto sa inaakalang mga maling pananaw o impormasyong napakinggan Pagsasalita Nailalahad ang mga pagpapasiya batay sa mga patunay at katwiran Nakapangangatuwiran nang maayos at mabisa batay sa iba’t ibang sitwasyon Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin Pag-unawa sa Binasa Napipili ang pangunahin at pantulong na mga ideya o kaisipang nakasaad sa binasa Nahihinuha ang pamaksang diwa ng teksto
  • 287 Naiisa-isa ang mga tiyak na layon ng teksto Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng teksto • Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto • Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa teksto • Naibibigay ang kaugnayan ng teksto sa: sarili ibang tao • Nakapangangatuwiran sa napiling alternatibong solusyon o proposisyon sa suliraning inilahad sa teksto Nasusuri ang iba’t ibang uri ng panitikan batay sa kahulugan at katangian ng mga ito 1. Sanaysay • Nailalahad ang punong kaisipan at ang paraan ng pagpapaikli ng paksa • Nasusuri ang layunin ng paksa • Naipaliliwanag ang tema o kaisipang nakapaloob sa sanaysay • Nasusuri ang mga uri ng sanaysay at ang katangian ng bawat isa • Naipahahayag ang magandang kaisipang nais ipabatid ng may-akda sa kaniyang isinulat 2. Maikling kuwento • Naipaliliwanag ang mga elemento ng maikling kuwento • Naipaliliwanag ang motibasyon o dahilan ng mga kilos o gawi ng mga tauhan • Nabibigyang-kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa akda • Naibubuod ang binasang akda Pagsulat Naisasaalang-alang ang mga kasanayan sa paggamit ng Filipino sa pagsulat ng talata • Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: pagbibigay ng depinisyon paghahalimbawa paghahawig o pagtutulad • Naisasaayos ang mga pangungusap sa loob
  • 288 at pagitan ng talata upang magkaroon ng kaisahan sa pamamagitan ng: pag-aayos ng mga detalye na lohikal ang pagkakasunod-sunod paggamit ng mga ekspresiyong transisyunal paglalahad ng mga pangungusap nang may magkatulad na pagkakabuo Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng talata • Nakabubuo ng balangkas upang maipakita nang malinaw ang sariling ideya at intensiyon sa pagbuo ng komposisyon • Nagagawang kawili-wili ang panimula ng komposisyon sa pamamagitan ng isang: kaakit-akit na pahayag napapanahong sipi o banggit • Nawawakasan ang komposisyon nang may pangkalahatang impresiyon sa pamamagitan ng: pagbubuod makabuluhang obserbasyon Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng isang tiyak na uri ng paglalahad Naisasaalang-alang ang mga kailanganin sa pagsulat ng sanaysay • Nakapipili ng isang napapanahong paksa • Nakapagtatala ng kinakailangang mga impormasyon • Nakapagpapangkat-pangkat ng magkakaugnay- ugnay na ideya at impormasyon • Napalalawak ang mga kaisipang kaugnay ng paksa • Nakabubuo ng isang: makatawag-pansing simula mabisang wakas Tatas Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan sa paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo Pakikitungo sa Wika at Panitikan Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot sa mga tanong at puna sa panitikan Estratehiya sa Pag-aaral/ Pananaliksik Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral
  • 289 Naipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian Nailalahad nang maayos ang mga nalikom na impormasyon sa isinagawang pananaliksik tungkol sa mockumentary Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internet IV.Konseptuwal na Balangkas Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito Nagkaroon ka na ng ideya sa ating magiging aralin. Ngayong nalaman mo na ang magiging paksa sa araling ito at ang inaasahang kakayahan at kasanayan na lilinangin sa iyo, tingnan muna natin ang iyong kahandaan sa magiging paksa ng aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa panimulang pagtataya. V. Panimulang Pagtataya Alamin natin kung gaano na ang alam mo sa araling ito. Piliin ang pinakaangkop na sagot sa sumusunod na mga tanong/pahayag. Mangyaring sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos mong sagutin ang pagsusulit na ito, makikita mo ang iyong iskor. Itala at tandaan ang mga aytem na hindi mo nasagot nang tama, at hanapin mo ang tamang sagot habang pinag-aaralan mo ang araling ito. Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt a. Panitikan: Sanaysay b. Wika: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag a. Panitikan: Maikling Kuwento b. Wika: Kayarian ng Pang-uri Mini-museum o eksibit
  • 290 Unang Bahagi Panuto: Ibigay ang magkaibang katangian ng dalawang uri ng sanaysay. (Para sa bilang 1 – 4). Ikalawang Bahagi Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang masagot ang kasunod na mga tanong. Ang matandang babae ay ‘di nakasagot. Babae palibhasa at ina ng nagtatanong na dalaginding ay natarok na kapagkaraka ang lagay ng kalooban ng kaniyang anak. Si Irene ay hindi nga sasalang ginugulo noon ng mga suliranin ng puso. Umiibig, di sasalang siya’y umiibig. “Hindi,” ang tiyak na sagot. “Nang makilala mo ba si Tatang,” ang patuloy na tanong, “ay may naramdaman ka bang pintig sa loob ng dibdib?” “Oo!” “Ipinagtapat mo ba sa iyong Inang? “Oo!” “E ano ang sinabi sa iyo?” “Nagalit, kinagalitan akong mabuti at sinabing di sasalang ako’y may iniibig na lalaki. Ako’y kaniyang pinagbalaan. At pinagsabihang kapag ako’y nag-asawa ay kaniyang papatayin.” “Ay, ano ang naging sagot mo?” “Ako’y nangako, sinabi kong ang lalaking aking nakilala ay aking isusumpa.” “Kung gayo’y bakit mo naging asawa si Tatang?” “Sapagkat. . . ang pag-ibig ay isang damdaming sintigas ng bato a di nadudurog sa hampas ng alon, hindi natitinag sa kinalalagyan, mamatay … Sanaysay Pormal Pamilyar Magkaibang katangian: ____________________________________________ ____________________________________________
  • 291 mabuhay, laging sariwa.” “A, kaya pala!” “Kaya palang ano?” “Kaya pala lagi nang kakaba-kaba ngayon ang aking dibdib.” Ang ina ay napahagulgol ng iyak nang ganap na maunawaan ang ibig sabihin ni Irene. Mula sa, Ang Dalaginding ni Iñigo Ed. Regalado 5. Ang tinutukoy na dalaginding ay mga babaeng nasa edad ____________. a. 10 – 12 b. 13 – 15 c. 16 – 18 d. 19 – 21 6. Ang salitang sariwa ay halimbawa ng ___________. a. pangngalan b. panghalip c. pandiwa d. pang-uri 7. “Ang pag-ibig ay isang damdaming sintigas ng bato.” Ang salitang may salungguhit ay nasa anyo ng pang-uri na ________________. a. payak b. lantay c. pahambing d. pasukdol 8. “Ako’y kaniyang pinagbalaan. At pinagsabihang kapag ako’y nag- asawa ay kaniyang papatayin.” Alin sa sumusunod ang pinakamalapit na interpretasyon ng binasang pahayag? a. Gagawin ng magulang ang lahat masakop lamang ang anak maging sa pag-ibig. b. Hindi nakauunawa ang magulang sa damdamin ng mga taong umiibig kahit pa nga ito ay kaniyang anak. c. Takot ang magulang maiwanan ng anak sa pag-aakalang hindi na sila aalagaan sa kanilang pagtanda. d. Ayaw ng magulang na umibig ang anak sa murang edad pa lamang.
  • 292 9. Inilarawan ang pag-ibig sa akda sa pamamagitan ng __________. a. pagpapaliwanag sa kahulugan nito b. paghahambing gamit ang tayutay c. pagsasalaysay sa karanasan ng tauhan d. pagpapahayag ng sariling karanasan 10.“Kaya pala lagi nang kakaba-kaba ngayon ang aking dibdib.” Ano ang mahihinuha sa pahayag na ito ni Irene? a. Laging may takot na nadarama si Irene kapag kausap ang ina. b. Hindi na nakadarama ng kapayapaan si Irene dahil sa mga kagalit. c. Si Irene ay nagsisimula nang umibig. d. Bunga ng sakit ang kabang nadarama ni Irene. Upang magkaroon ka ng pagtataya sa iyong naging sagot, tingnan mo sa Susi sa Pagwawasto ang wastong sagot. Kung marami kang nasagot na wasto ay masasabi kong handa ka na para sa aralin. Maaari mo nang simulan. VI.Yugto ng Pagkatuto AlaminAlaminAlaminAlamin Bago pa man dumating ang mga mananakop, tayo ay may sarili ng panitikan. Hindi natin maikakaila na yumabong pa ito sa kanilang pagdating. Sa araling ito ay nakapokus tayo sa Sanaysay at Maikling kuwento sa Panahon ng Komonwelt. Marahil ay maitatanong mo sa iyong sarili, ano kaya ang kalagayan ng ating panitikan at manunulat sa panahong ito? Bigyang-pansin mo rin ang mahalagang tanong na: “Malaya ba sa pagsulat ang mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt?” Inaasahan kong ang mga gawain at pagsasanay sa bahaging ito ay makatutulong upang masagot ang mga tanong na ito. Gawin mo ring gabay ang pamantayang pangnilalaman kung saan ay maipamamalas mo bilang mag-aaral ang pag-unawa sa ilang akdang pampanitikan partikular na ang sanaysay na umusbong noong Panahon ng Komonwelt hanggang sa kasarinlan. Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay makapagsasagawa ka ng mockumentary tungkol sa wika. At sa pagsisimula mo sa araling ito, iyong isulat ang una mong naisip tungkol sa manunulat noong Panahon ng Komonwelt sa tulong ng Generalization Table.
  • 293 Gamit ang estratehiyang 3-2-1, piliin sa kahon ang tatlong (3) akdang napabantog sa Panahon ng Komonwelt at ang manunulat ng mga akdang ito, dalawang (2) katangian ng akda at manunulat na may likha ng mga ito at isang (1) tanong/pahayag na nais mo pang mabatid tungkol sa manunulat at sa kanilang akda. GAWAIN 2.2.1: Generalization Table Ang unang kolum ang unang sasagutan bago ang kasunod na mga kolum. Ang ikalawa at ikatlong kolum ay sa susunod na mga bahagi ng aralin at ang huli ay sa bahaging Paunlarin ng araling ito. Simulan natin Simulan natin ang pag-aaral ng modyul na ito sa pamamagitan ng pagpili sa sumusunod na pangalan na nakilala bilang manunulat sa Panahon ng Komonwelt at ang kanilang naisulat sa panahon ding ito. GAWAIN 2.2. 3-2-1 Action Una kong naisip na . .. Natuklasan ko na . . . Patunay nito ang . . . Mga Manunulat Genoveva Edroza Matute Buenaventura S. Medina Jr. Adriano P. Landicho Iñigo Ed. Regalado Narciso G. Reyes Deogracias A. Rosario Mga Akda Ang Anluwage Ang Dalaginding Lugmok na ang Nayon Lupang Tinubuan Sa Aking mga Kabata Hikbi sa Karimlan
  • 294 3 Mga akdang napabantog sa Panahon ng Komonwelt at ang manunulat ng mga akdang ito 1. 2. 3. 2 Katangian ng akda at manunulat sa naging sagot sa 3 1. 2. 1 Tanong/pahayag na nais mo pang mabatid tungkol sa manunulat at sa kaniyang akda 1. Inaasahan kong nasagot mo nang wasto ang unang dalawang kolum na magkasunod. Kung hindi naman ay huwag kang mag-alala sapagkat layunin ng modyul na ito na sa sariling sikap at tiyaga ay mahanap mo ang tamang kasagutan. Ang huling bahagi ay sa iyo nakabatay. Walang tama o mali sa bahaging iyon. Bibigyang-tuon natin sa araling ito ang Sanaysay (talumpati) at Maikling kuwento na lumaganap sa panahong ito. Tutuklasin natin ang iyong dati nang kaalaman sa ating magiging paksa sa pamamagitan ng sumusunod na gawain. GAWAIN 2.2.3: Ilalahad Ko, Kilalanin Mo Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang bawat aytem ay tumutukoy tungkol sa sanaysay, ekis (X) kung ito ay tumutukoy naman sa Maikling kuwento at asterisk (*) kung parehong tumutukoy sa Sanaysay at Maikling
  • 295 Naging madali ba sa iyo ang pagsagot? Kung hindi, huwag kang mag- alala sapagkat sinusukat lamang natin ang iyong kaalaman sa magiging aralin. Ang susunod na bahagi ay makatutulong sa iyo upang lalo pang lumawak ang iyong kaalaman sa panitikan sa Panahon ng Komonwelt. Makatutulong ang mga gawain upang masagot mo ang mahalagang tanong na “Malaya ba sa pagsulat ang mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt?” PaunlarinPaunlarinPaunlarinPaunlarin Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang mahahalagang kaisipan/konsepto na saklaw ng aralin. Ang mga akdang pampanitikan na pag-aaralan natin sa bahaging ito ay Sanaysay at Maikling kuwento na sumibol sa Panahon ng Komonwelt. Mahalagang masagot sa bahaging ito ang tanong na: “Malaya ba sa pagsulat ang mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt?” Simulan natin sa Sanaysay. Sa lahat ng uri ng panitikan, ang Sanaysay ang sinasabing may pinakakaunting bilang ng manunulat dahil sa malayo ito sa damdamin ng mga tao. Gayon pa man, mananatiling ang nilalaman nito ay kapupulutan ng aral at aliw sa mambabasa. Sa araling ito ay gawing gabay ang sumusunod na tanong na makatutulong sa iyo sa maaari mong maging tunguhin sa araling ito. __ nagbibigay ng mahahalagang kaisipan __ ito ay orihinal na panitikan ng mga Pilipino __ nagsisilbing aliwan/libangan __ kabilang ang sulating pampahayagan __ may mga tauhang nagsisiganap __ Buenaventura S. Medina Jr. __ Deogracias A. Rosario __ Michel de Montaigne __ maaaring iugnay sa sariling karanasan at karanasan ng ibang tao __ ginagamitan ng masining o mga tayutay na mga salita o pahayag Mabisa bang paraan ng paglalahad ng katuwiran ang pagsulat ng sanaysay? ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ Bakit mahaIaga ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag sa isang sanaysay? _______________________ _______________________ _______________________ _______________________
  • 296 Sa pagpapatuloy ng aralin ay malalaman mo rin ang wastong sagot sa mga tanong na iyan. Ipagpatuloy mo lamang ang paglalakbay at pagtuklas sa mga kaalamang ibibigay sa iyo ng modyul na ito. Muli mong gawin ang hinihinging sagot sa susunod na gawain. GAWAIN 2.2.1.a: Konseptulong Sa mga naging gawain ay inalam lang natin kung gaano na ang iyong nalalaman sa araling ito. Sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral, malalaman mo kung tama ang iyong mga sagot. Makatutulong ang pagbasa sa kasunod na sanaysay (talumpati) upang maunawaan ang aralin, subalit bago iyon ay magbigay ka muna ng impormasyon tungkol sa sumulat ng talumpating tatalakayin, si Manuel L. Quezon. Magbigay ng mga pantulong na konsepto na may kaugnayan sa salitang Sanaysay na sa iyong palagay ay makatutulong upang makabuo ng isahang konsepto para sa aralin. Gawin sa sagutang papel. Isahang konsepto sa salitang sanaysay _________________________________________ _________________________________________ _________________________________________ _________________________________________ Kapanganakan Pamilya Mga Katangian Naiambag sa Pilipinas
  • 297 Maaari mo nang basahin ang talumpating binigkas ni Manuel L. Quezon. Ang talumpati ay tumutukoy sa kaisipan o opinyon ng isang tao na ipinababatid sa pamamagitan ng masining na pagpapahayag para sa pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatuwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Basahin at unawain Wikang Pambansa ni Manuel L. Quezon Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng pamahalaan. Kailangang magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika. Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito'y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaan—ang kakulangan ng isang tunay na pambansang kamalayan. Hindi maaaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan walang wikang ginagamit ng lahat. Naunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa noong naging Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga Pilipino. Ngunit kapag ako'y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang aking mga kapwa mamamayan, kailangan ko ng tagapagsalin. Nakakahiya, hindi ba? Si Manuel L. Quezon na itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa ay nahirang na Komisyoner ng ating bansa, may kalayaang magpahayag subalit walang kalayaang bomoto sa U.S. House of Representatives. Ipinaglaban niya ang pagkakaroon ng kalayaan mula sa mga Amerikano noong 1935. Nagtapos din siya ng kursong abogasya at nakuha ang pang- apat sa pinakamataas na iskor sa pagsusulit.
  • 298 Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan at itataguyod ko rin ang pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa. Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang pambansa; ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya. Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba't ibang wikang Pilipino na Mangyan ang katutubong wikang pinakamainam gamitin, Mangyan ang tatangkilikin ko higit sa ibang wika. Tagalog ang ginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong mag-aral ng Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong wika para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng lahat. GAWAIN 2.2.1.b: Paglinang ng Talasalitaan Pumili ng isang salita sa akdang iyong binasa, ilagay ito sa pinakagitnang kasunod na grapiko. Ibigay ang kahulugan, ang katangian, ang bahagi ng panalita at ang halimbawang pangungusap. Gawin sa sagutang Kahulugan Katangian Bahagi ng Panalita Halimbawang Pangungusap SALITA
  • 299 GAWAIN 2.2.1.c: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Isulat ang sumusunod na tanong at ang iyong sagot sa iyong sagutang papel. 1. Sa iyong palagay, bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas? 2. Bigyang interpretasyon ang pahayag na nakasulat nang pahilig: “Kailangang magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.” 3. Kung ikaw ay nasa katayuan ni dating Pangulong Quezon, tulad din ba ng kaniyang desisyon ang iyong gagawin upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa? Bakit? 4. Sa kasalukuyan, makikita bang malaya ang mga Pilipino sa paggamit ng wikang pambansa? Magbigay ng sitwasyon batay sa sariling karanasan o ng ibang taong nakapaligid sa iyo. 5. Bilang isang kabataan, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa wikang pambansa? 6. Pakinggan ang awiting Ako’y Isang Pinoy ni Florante. Ilahad ang pangunahing ideya sa awit na ito. May kaugnayan ba ang awit na ito sa talumpati ni Manuel L. Quezon? Ilahad ito. 7. Sa damdaming namamayani sa iyo tungkol sa wika, ihambing ito sa damdaming namamayani sa awit. 8. Bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas? Nasagot/naisagawa mo ba ang lahat ng katanungan/gawain? Balikan mong muli ang iyong naging mga sagot at limiin ito sa iyong sarili. Sa iyong binasang akda ay mabisang nailahad ng may-akda ang kaniyang katuwiran upang makahikayat, maniwala at sumang-ayon sa kaniya. Napakasarap pag- aralan ang wika lalo’t ito ay sarili. Wala na ngang tatamis pa sa sariling wika. Kaya naman sa Panahon ng Komonwelt ay pinagtibay ang wikang magiging Wikang Pambansa. Ang binasang akda ay isang halimbawa ng Sanaysay na nasa anyong talumpati. Noong Panahon ng Komonwelt ay nakatulong ito upang maipahayag ang saloobin ng isang Pilipino sa katauhan ni Manuel L. Quezon na pahalagahan ang wikang sarili na mag-uugnay sa mga Pilipino noon hanggang ngayon. Ang Wikang Pambansa ay itinaguyod ni dating Pangulong Manuel L. Quezon para sa mas ikatatatag at pagkakaroon ng unawaan ng mga Pilipino.
  • 300 Sa bahaging ito ay nais kong itanong sa iyo kung handa ka na bang madagdagan ang iyong kaalaman sa Sanaysay? Kung gayon, basahin ang kasunod na mga impormasyon. Ang Sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin at damdamin na kapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay.” Ang Sanaysay ay anyo ng sulating hiram. Noong 1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel de Montaigne ang tinaguriang ama. Ito ay tinawag niyang essai na nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng panulat. Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o pamilyar. Narito ang kanilang pagkakakilanlan. Pormal Di-Pormal o Pamilyar Nagbibigay ng impormasyon Nagsisilbing aliwan/libangan Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos sa paksang tinatalakay Nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksang karaniwan, pang-araw-araw at personal Maingat na pinipili ang pananalita Ang pananalita ay parang nakikipag-usap lamang Ang tono ay mapitagan Pakikipagkaibigan ang tono Obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda Subhektibo sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda
  • 301 Ngayong nadagdagan na ang iyong kaalaman tungkol sa sanaysay, maaari mo ng sagutin at isagawa ang mga kaugnay na gawain. GAWAIN 2.2.1.d: Tukuyin ang Kaibahan Sagutin ang tanong na “Paano naiiba ang Sanaysay sa iba pang uri ng panitikan?” Gamitin ang Diyagram ng Hambingan at Kontrast sa paghahambing sa iba pang anyo ng tuluyan. 9. Uri Katangian Pagkakalahad Iba Pang Pagpapaliwanag Naunawaan mo na ba ang ilang bagay tungkol sa sanaysay? Kung hindi pa ganap ang iyong pagkaunawa, basahin ang isa pang halimbawa ng Sanaysay at sagutin ang kasunod na mga tanong. Sanaysay Iba pang tuluyan Paano nagkatulad? Paano nagkaiba sa…
  • 302 Ako ay Ikaw ni Hans Roemar T. Salum “Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y ‘di sanay sa wikang mga banyaga, ako’y Pinoy na mayroong sariling wika. Wikang Pambansa, ang gamit kong salita…” Hay, napakasarap sa pandinig ang awiting iyan ni Florante. Damang-dama ang pagmamahal ng mang-aawit sa akin. Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong Mauel L. Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong, gamitin at tangkilikin. Ako ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang Pilipinas. Ako ay ginagamit sa maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay ngang malayo na ang aking narating bilang isang instrumento ng komunikasyon. Sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa. Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin pati kabataan. Talagang ang mga Pinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging modernong ito ay ginawa na rin akong moderno. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon. Mayroong wika ng kabataan ngayon, Taglish, mga jejemon wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang tatay ay pudra. May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan bang kasabay ng pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang wika? Mga kabataan, ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi masama ang pag-unlad at ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at ikaaayos ng komunikasyon.
  • 303 Sa makabagong panahon, gamitin mo ako kung sa paraan ng iyong wika ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang aking patuloy na pag-unlad. Mga Gabay na Tanong 1. Anong uri ng Sanaysay ang binasang akda. Ipaliwanag. 2. Pansinin ang kasunod na mga pangungusap na may salungguhit. Ano ang layunin ng mga pangungusap na ito? Malalaman natin kung wasto ang iyong naging sagot sa katatapos na gawain sa pamamagitan ng ilang impormasyon tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagpapahayag. May iba’t ibang paraan at layunin ang isang tao sa kaniyang pagpapahayag. Upang lubos itong maunawaan, basahin ang nasa kahon at isagawa ang gawaing kaugnay nito. Handa ka na ba? Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong Mauel L. Quezon. __________________________________________________ Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong Mauel L. Quezon. __________________________________________________ Sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa __________________________________________________ Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon. __________________________________________________ Sa makabagong panahon, gamitin mo ako kung sa paraan ng iyong wika ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang aking patuloy na pag-unlad. __________________________________________________
  • 304 GAWAIN 2.2.1.e: Pagbuo ng Sariling Yaman Sumulat ng sariling pagpapahayag tungkol sa isang bagay na itinuturing mong sarili mong yaman na maaaring sa paraang paglalahad, paglalarawan, pagsasalaysay, at pangangatuwiran. Magkakaroon ng pagtataya sa iyong ginawa sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan: a.) kalinawan; b.) wastong gamit ng gramatika; c.) wastong gamit ng bantas; d.) kaisahan ng salita, pangungusap at talata; e.) makatotohanan; at f.) naglalahad, naglalarawan, nagsasalaysay o nangangatwiran (depende kung anong paraan ng pagpapahayag ang pinili ng mag-aaral). GAWAIN 2.2.1.f: Balita Mo, Isusulat Ko Sumulat ng sariling sanaysay na maaaring sa anyong pormal o pamilyar mula sa napanood na bagong balita sa telebisyon o sa mga balitang dokumentaryo. Gamitin ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag. Malaya kang pumili ng anumang paksa sa napanood. Magkakaroon ng pagtataya sa iyong ginawa sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan: a.) kaisahan ng salita, pangungusap at talata; b.) wastong gamit ng gramatika; c.) wastong gamit ng bantas; d.) makatotohanan; at e.) gamit ang iba’t ibang uri ng pagpapahayag. Ngayong ganap mo nang naunawaan ang aralin, binabati kita! Muling balikan ang ikalawa at ikatlong kolum sa huling bahagi ng Alamin. Punan ang mga kolum na ito. Matapos itong maisagawa ay palalimin pa natin ang iyong kaalaman sa tinalakay na aralin. Iba-iba ang paraan ng pagpapahayag, maaaring paglalahad, paglalarawan, pagsasalaysay, at pangangatuwiran. Ang paglalahad ay may layuning magpaliwanag. Layunin ng paglalarawan ang ipakita ang kabuuang anyo ng tao, bagay o pook upang maipakita ang kaibahan nito sa mga kauri. Kung ang nais ay maglahad ng mga pangyayari, pagsasalaysay ito. Pangangatuwiran kung ito ay may layuning umakit ng iba sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katuwiran.
  • 305 Una kong naisip na . .. Natuklasan ko na . . . Patunay nito ang . . . Minsan pa ay magkaroon tayo ng pagtataya sa iyong kaalaman sa naging mga aralin sa pamamagitan ng paglalagom sa iyong mga natutuhan. GAWAIN 2.2.1.g: YES/NO Analysis Ibigay ang sariling opinyon tungkol sa kahalagahan ng opinyon at katuwiran sa isang Sanaysay noong Panahon ng Komonwelt. GAWAIN 2.2.1.h: Ang Mali Noon, Itatama Ngayon… Muli, binabati kita! Maaari ka na ngayong sumubok sa pangwakas na gawain para sa araling ito. Gawin sa sagutang papel. Ang lagom ng aking nagawa sa aralin: • (panitikan) • (wika) Mga bago kong natutuhan sa paraan ng paglalahad ng katuwiran gamit ang Sanaysay: • • Naunawaan ko na ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ay: • • Ang dati kong kaalaman na natuklasan kong mali sa: • (panitikan) Kaya ang aking kongklusyon ay: Sa tulong ng reflective journal ay itala ang kabuuang konseptong natutuhan sa aralin.
  • 306 Binabati kita! Maaari ka na ngayong sumubok sa pangwakas na gawain para sa araling ito. Basahin ang tungkol sa isa sa mga anyo ng balitang dokumentaryo, ang tinatawag na mockumentary. Makatutulong ang impormasyong ito para sa huling bahagi ng araling ito. Upang maragdagan pa ang kaalaman dito, makatutulong ang http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_mockumentaries. GAWAIN 2.2.1.i: Natutuhan ay Isasabuhay… Ikaw ay kabataang mag-aaral na naimbitahang dumalo sa gaganaping programa para sa Buwan ng Wikang Pambansa. Layon nitong ipagtanggol ang wika ng kabataan sa harap ng mamamayan dahil sa hindi responsableng paggamit nito. Ikaw ay makikibahagi sa pagsasagawa ng • (wika) Natulungan akong maunawaan na • (panitikan) • (wika) Sa aking palagay, magagamit ko ang kaalamang ito sa pamamagitan ng: • (sa pag-aaral) • (sa tunay na buhay) Ang mockumentary ay isang uri ng pelikula o programang pantelebisyon na kadalasang ginagamit sa pagsusuri o pagbibigay puna sa napapanahong pangyayari at isyu sa bansa na maaaring komedya o katawa-tawa o drama. Ito ay maaaring isang paraan ng panggagaya na maaaring ang bahagi o ang kabuuan ay itinatanghal nang natural upang maging makatotohanan. Subukin mo na ngayon ang panghuling gawain sa araling ito. Bilang pagtataya sa iyong natutuhan, isabuhay mo ito sa tulong ng gawaing ito.
  • 307 mockumentary na magkakaroon ng pagtataya sa pamamagitan ng: a.) mahusay na pagbibigay ng katuwiran; b.) makatotohanan; c.) nakahihikayat sa pagbibigay ng katuwiran; at d.) nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag. MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA SA GINAWANG PAGTATANGHAL NG MOCKUMENTARY Pamantayan 10 8 6 4 2 Pamantayan Mahusay ang pagkakalahad ng mga katuwiran Di-gaanong mahusay ang pagkakalahad ng mga katuwiran Lahat ng inilahad na impormasyon at pagkakalahad ng paksa ay makatatotohanan. May mga impormasyong hindi makatotohanan ang pagkakalahad. Nakahikayat sa lahat ng manonood pagbibigay ng katuwiran Hindi lahat ng manonood ay nahikayat sa ibinigay na katuwiran. Nagamit ang lahat ng paraan ng pagpapahayag. Isa o walang nagamit na paraan ng pagpapahayag KABUUAN Interpretasyon: 31 – 40 Lubos na kasiya-siya 21 – 30 Kasiya-siya 11 – 20 Hindi gaanong kasiya-siya 2 – 10 Husayan pa
  • 308 Marahil ay sapat na ang iyong kaalaman tungkol sa Sanaysay. Kung mayroon pang hindi malinaw sa iyo, maaari mong balikan ang naging talakayan at mga gawain. Sa naunang naging mga gawain sa naunang aralin na iyong napagtagumpayan, binabati kita! Pag-aaralan naman natin ngayon ang isa pang uri ng panitikang tuluyan – ang Maikling kuwento. (Aralin 2.2) Ang Maikling kuwento ay isang sangay ng panitikan na masining ang pagkakalikha upang mabisang maikintal sa isip at puso ng mambabasa ang mga pangyayaring nakapaloob dito. Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay masagot mo ang mga gabay na tanong upang ikaw ay makabuo ng mahahalagang konsepto para sa aralin. Inaasahang makabubuo ka ng Advertisement Poster sa pagtatapos ng araling ito. Ang pamantayan sa pagtataya ng iyong gagawin ay batay sa a.) kasiningan; b.) pagkamalikhain;at c.) pagiging makatotohanan. Mga Gabay na Tanong 1. Paano nakatulong ang Maikling kuwento sa mga manunulat at sa iba pang Pilipino noong Panahon ng Komonwelt? 2. Bakit gumagamit ng iba’t ibang kayarian ng pang-uri ang isang kuwentista? GAWAIN 2.2.a: Katotohanan o Opinyon? Sagutin ang sumusunod na gabay na tanong sa tulong ng Fact or Opinion analysis. Matutuklasan mo ang wastong sagot sa pagpapatuloy mo sa araling ito. Pahayag Katotohanan o Opinyon? Paliwanag Si Deogracias A. Rosario ay “Ama ng Maikling Kuwento.” Nakatulong ang maikling kuwento sa manunulat at sa mga Pilipino noong Panahon ng Komonwelt. 1. Paano nakatulong ang Maikling kuwento sa manunulat at sa iba pang Pilipino noong Panahon ng Komonwelt? 2. Bakit gumagamit ng iba’t ibang kayarian ng pang-uri ang isang kuwentista sa kaniyang pagsulat?
  • 309 Marami ka bang nasagot nang tama? Tingnan sa Susi sa Pagwawasto upang makita ang antas ng iyong kaalaman sa magiging paksa. Kung ang lahat ay wasto, ipinababatid ko sa iyo ang aking pagbati. Ngunit kung marami ang mali sa iyong naging sagot, huwag kang mag-alala sapagkat bahagi lamang ito ng pagtataya at pagtuklas sa iyong dating kaalaman tungkol sa paksa. GAWAIN 2.2.b: Kilalanin Mo Maaaring buhay ng manunulat ang ipinahahayag sa akdang kaniyang isinulat. Mayaman ang mga manunulat. Hindi malaya ang mga Pilipinong manunulat noong Panahon ng Komonwelt. Nakatutulong ang pang-uri sa paglalarawan ng mga katangian ng isang lugar at mga tauhan sa akda. Sa bahaging ito ay alamin natin kung gaano mo kakilala ang sumusunod na mga manunulat na Pilipino. Ibigay ang naging kontribusyon nila sa panitikang Pilipino. ROGELIO R. SIKAT DEOGRACIAS A. ROSARIO SEVERINO REYES
  • 310 Nasagutan mo ba nang wasto ang mga tanong sa gawain? Kung hindi ka nakatitiyak sa iyong mga sagot, ang pagpapatuloy mo sa pagtuklas sa bahaging ito ng modyul ay makatutulong upang mapalawak mo pa ang kaalaman tungkol sa maikling kuwento gayon din naman sa kaugnay na wika nito, ang kaantasan ng pang-uri. Sa naging mga gawain ay inalam lang natin kung gaano na ang iyong nalalaman sa araling ito. Sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral, malalaman mo kung tama ang iyong mga sagot. Upang ganap na maunawaan ang aralin, basahin at unawain mo muna ang kasunod na Maikling kuwento at pagkatapos ay sagutin/gawin ang mga gawain o pagsasanay sa bahaging ito. GAWAIN 2.2.c: Pagtukoy sa Maaaring Nilalaman ng Akda Bigyan ng mga kaugnay na salita/parirala/pangungusap ang pamagat ng babasahing akda at ang maaaring nilalaman nito. Basahin at unawain Lupang Tinubuan Narciso G. Reyes Ang tren ay tumulak sa gitna ng sali-salimuot na mga ingay. Sigawan ang mga batang nagtitinda ng mga babasahin, Tribune, mama, Tribune, Taliba? Ubos na po. Liwayway, bagong labas. Alingawngaw ng mga habilinan at pagpapaalam. Huwag mong kalilimutan, Sindo, ang baba mo ay sa Sta. Isabel, tingnan mo ang istasyon. Temiong, huwag mong mabitiw- bitiwan ang supot na iyan. Nagkalat ang mga magnanakaw, mag-ingat ka! Kamusta na lang sa Ka Uweng. Sela, sabihin mong sa Mahal na Araw na Lupang Tinubuan
  • 311 kami uuwi. Ang pases mo Kiko, baka mawaglit. Maligayang Paglalakbay, Gng. Enriquez. Ngumiti ka naman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon at susulat ako araw-araw. Kamusta na lamang. Paalam. Paalam. Hanggang sa muli. Ang tren ay nabuhay at dahan-dahang kumilos. H-s-s-ss.Tsug, tsug, tsug. Naiwan sa likuran nina Danding ang takipsilim ng Tutuban, at sila’y napagitna sa malayang hangin at sa liwanag ng umaga. Huminga nang maluwag ang kanyang Tiya Juana at ang sabi, “Salamat at tayo’y nakatulak na rin. Kay init doon sa istasyon.” Ang kanyang Tiyo Goryo ay nakadungaw at nagmamasid sa mga bahay at halaman sa dinaraanan. Ang galaw ng makina ngayon ay mabilis na at tugma-tugma, tila pintig ng isang pusong wala nang alinlangan. Napawing tila ulap sa isip ni Danding ang gulo at ingay ng pag-alis, at gumitaw ang pakay ng kanilang pag-uwi sa Malawig. Nagsasalita na naman ang kanyang Tiya Juana, “Ang namatay ay ang Tata Inong mo, pamangkin ng iyong Lola Asyang at pinsan namin ng iyong ama. Mabait siyang tao noong siya’y nabubuhay pa.” Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagama’t hindi niya nakita kailanman ang namatay na kamag-anak. Ang pagkabanggit sa kanyang ama ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at naglapit sa kanyang damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya na sa Malawig ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Bumaling siya sa kanyang Tiya Juana at itinanong kung ano ang anyo ng nayong iyon, kung mayaman o dukha, kung liblib o malapit sa bayan. At samantalang nag- aapuhap sa alaala ang kanyang butihing ale ay nabubuo naman sa isip ni Danding ang isang kaaya-ayang larawan, at umusbong sa kanyang puso ang
  • 312 pambihirang pananabik. Sa unang malas, ang Malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang nayon sa Kalagitnaang Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko, natatalukapan ng makapal at manilaw-nilaw na alikabok. Mga puno ng kawayan, mangga, niyog at akasya. Mga bahay na pawid, luma na ang karamihan at sunog sa araw ang mga dingding at bubong. Pasalit-salit, isang tindahang hindi mapagwari kung tititigan sa malapit. Doon at dito, nasisilip sa kabila ang madalang na hanay ng mga bahay. At sa ibabaw ng lahat, nakangiti at puno ng ningning ng umaga, ang bughaw, maaliwalas at walang ulap na langit. ″Walang maganda rito kundi ang langit,” ang sabing pabiro ng kutsero ng karitelang sinasakyan nila. Pinaglalabanan ni Danding ang sulak ng pagkabigo sa kanyang dibdib. ″Hindi po naman,” ang marahan niyang tugon. Naisaloob niyang sa mga nayong tulad nito isinilang at nagsilaki sina del Pilar, at iba pang bayani ng lahi, at sa gayong mga bukid nagtining ang diwa ng kabayanihan ng himagsikan laban sa mga Kastila. Ang alaalang iyon ay nakaaaliw sa kanya, nagbigay ng bagong anyo sa lahat ng bagay sa paligid-ligid. Kayrami pala niyang kamag-anak doon. Hindi mapatid-patid ang pagpapakilala ng kanyang Tiya Juana. Sila ang iyong Lolo Tasyo, at sila ang iyong Lola Ines. Ang mga pinsan mong Juan, Seling, Marya at Asyas. Ang iyong Nana Bito. Ang iyong Tata Enteng. Yukod at ngiti rito, halik ng kamay roon. Mga kamag-anak na malapit at malayo, tunay at hawa lamang, matatanda at mga bata. Ang lahat yata ng tao sa bahay, buhat sa mga nangasapuno ng hagdan hanggang sa nangasaloob ay pawang kamag-
  • 313 anak ni Danding. ″Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko,” ang naisaloob niya. ″Kung hindi ay pulpol na marahil ngayon.” Sapagkat sila lamang ang nagsipanggaling sa Maynila, sa pagtitipong iyon ay napako kina Danding ang pansin ng lahat. Umugong ang kamustahan. Ang balana ay nagtanong kay Danding ng kung ano ang lagay ng kanyang amang may sakit at ng kanyang inang siya na lamang ngayong bumubuhay sa kanilang mag-anak. Sinulyapan ng kanyang Tiya Juana si Danding at sinikap na saluhin ang mga tanong. Bantad na siya sa pagkamaramdamin ng kaniyang pamangkin at alam niyang ang kasawian ng ama nito ay talusaling na sugat sa puso nito. Ngunit hindi niya maunahan ng pagtugon si Danding na tila magaan ngayon ang bibig at palagay na ang loob sa piling ng mga kamag-anak na ngayon lamang nakilala. Isang manipis na dinding ng sawali ang tanging nakapagitan sa bulwagan at sa pinakaloob ng bahay, na siyang kinabuburulan ng patay. At sa bukas ng lagusan, na napapalamutihan sa magkabilang panig ng mga puting kurtinang salo ng pinagbuhol na mga lasong itim, ay walang tigil ang pagyayao’t dito ng mga taong nakikiramay sa mga namatayan at nagmamasid sa bangkay. Ngunit pagpasok na pagpasok ni Danding ay nag- iba ang kanyang pakiramdam. Napawi sa kanyang pandinig ang alingawngaw sa labas, at dumampi sa kanyang puso ang katahimikan ng kamatayan. Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong, at pinagmasdan ang mukha ng bangkay. Maputi, kaaya-aya ang bukas, isang mukhang nagbabandila sa katapatan at kagitingan. Nabakas ni Danding ang lapad ng noo, sa mga matang hindi ganap ang pagkakapikit, at sa hugis ng ilong, ang bahagyang pagkakahawig sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa at lungkot.
  • 314 "Hindi mo pa nababati ang Nana Marya mo,” ang marahang paalala ng kanyang Tita Juana. ″At ang pinsan mong si Bining,” ang pabulong pang habol. Humalik ng kamay si Danding sa asawa ng yumao, at naupo sa tabi ni Bining, ngunit wala siyang nasabing anuman. Puno ang kanyang puso. Pagkaraan ng ilang sandali ay umabot siya ng isang album sa mesang kalapit, binuksan iyon, at pinagmuni-muni ang mahiwaga at makapangyarihang kaugnayan ng dugo na nagbubuklod ng mga tao. Pagkakain ng tanghalian ay nanaog si Danding at nagtungo sa bukid sa may likuran ng bahay. Nakaraan na ang panahon ng paggapas, at naimandala na ang ani. Malinis ang hubad na lupa, na naglalatang sa init ng araw. Naupo si Danding sa ilalim ng isang pulutong ng mga punong kawayan, at nagmasid sa paligid-ligid. Hindi kalayuan, sa gawing kaliwa niya, ay naroon ang kanyang Lolo Tasyo na nagkakayas ng kawayan. Ang talim ng matanda ay tila hiyas na kumikislap sa araw. Tumindig si Danding at lumapit sa matanda. Si Lolo Tasyo ang unang nagsalita. ″Kaparis ka ng iyong ama,’ ang wika niya. ″Bakit po?” ″Balisa ka sa gitna ng karamihan; ibig mo pa ang nag-iisa.” ″May mga sandali pong kailangan ng tao ang mapag-isa.” ″Ganyan din siya kung magsalita, bata pa’y magulang na ang isip.” ″Nasaksihan po ba ninyo ang kanyang kabataan?”
  • 315 ″Nasaksihan!’ Napahalakhak si Lolo Tasyo. ″Ang batang ito! Ako ang nagbaon ng inunan ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan. Naulila agad siya sa ama.” Tumayong bigla si Lolo Tasyo at itinuro ng itak ang hangganan ng bukid. ″Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang munti. Sa kabilang pitak siya nahulog sa kalabaw, nang minsang sumama siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan siya noon, ang akala ko’y hindi siya titigil sa kaiiyak.” Lumingon ang matanda at tiningala ang punong mangga sa kanilang likuran. ″Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo isang hapon, noong kainitan ng himagsikan, nang mabalitaang may mga huramentadong Kastila na paparito. At doon, sa kinauupuan mo kanina, doon niya isinulat ang kauna-unahan niyang tula - isang maikling papuri sa kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya sa bayan. May tagong kapilyuhan ang ama mo.” Napangiti si Danding. ″Ang dalaga po bang iyan ang naging sanhi ng pagkakaluwas niya sa Maynila?” ″Oo,” natigilan si Lolo Tasyo na tila nalalasap sa alaala ang mga nangyari. ″Nahuli sila sa tabi ng isang mandala ng palay.” ″Nahuli po?” ″Oo – sa liwanag ng ilang aandap-andap na bituin.” Marami pang ibig itanong si Danding, ngunit naalala niya ang patay at ang mga tao sa bahay; baka hinahanap na siya. Unti-unting pinutol niya
  • 316 ang pag-uusap nila ni Lolo Tasyo, at iniwan ang matanda sa mga alaala nito. ″Ano ang pinanood mo sa bukid?” ang usisang biro ng isa sa mga bagong tuklas niyang pinsan. ″Ang araw,” ang tugon ni Danding, sabay pikit ng mga mata niyang naninibago at hindi halos makakita sa agaw-dilim na tila nakalambong sa bahay. Ang libingan ay nasa gilid ng simbahan, bagay na nagpapagunita kay Danding ng sumpa ng Diyos kay Adan sa mga anak nito, at ng malungkot at batbat-sakit na pagkakawalay nila, na kamatayan lamang ang lubusang magwawakas. Nagunita niya na sa maliit na bakurang ito ng mga patay na nakahimlay ang alabok ng kanyang ninuno, ang abang labi ng Katipunan, ng mga pag-asa, pag- ibig, lumbay at ligaya, ng palalong mga pangarap at mga pagkabigo na siyang pumana sa kanya ng kanyang angkan. Magaan ang pagyapak ni Danding sa malambot na lupa, at sinikap niyang huwag masaling maging ang pinakamaliit na halaman. Handa na ang hukay. Wala na ang nalalabi kundi ang paghulog at pagtatabon sa kabaong. Ngunit ng huling sandali ay binuksang muli ang takip sa tapat ng mukha ng bangkay, upang ito’y minsan pang masulyapan ng mga naulila. Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi at ang mga piping panangis na higit na makadurog-puso kaysa maingay Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi at ang mga pag-iyak. Pinagtiim ni Danding ang kanyang mga bagang, ngunit sa kabila ng kanyang pagtitimpi ay naramdaman niyang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.
  • 317 Sandaling nag-ulap ang lahat ng kanyang paningin. Nilunod ang kanyang puso ng matinding dalamhati at ng malabong pakiramdam na siya man ay dumaranas ng isang uri ng kamatayan. Balisa at nagsisikip ang dibdib ng damdaming ito, si Danding ay dahan-dahang lumayo at nagpaunang bumalik sa bahay. Ibig niyang mapag-isa kaya’t nang makita niyang may taong naiwan sa bahay ay patalilis siyang nagtungo sa bukid. Lumulubog na ang araw, at nagsisimula nang lumamig ang hangin. Ang abuhing kamay ng takipsilim ay nakaamba na sa himpapawid. Tumigil si Danding sa tabi ng pulutong ng mga kawayan at pinahid ang pawis sa kanyang mukha at liig. Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding. Huminga siya nang malalim, umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang inunat niya ang kanyang mga paa, itinukod sa lupa ang mga palad; tumingala at binayaang maglaro sa ligalig niyang mukha ang banayad na hangin. Kay lamig at kay bango ng hanging iyon. Unti-unti siyang pinanawan ng lumbay at agam-agam, at natiwasay ang pagod niyang katawan. Sa kapirasong lupang ito, na siyang sinilangan ng ama niya, ay napanatag ang kanyang puso. Palakas nang palakas ang hangin, na nagtataglay ng amoy ng lupa at kay bango ng nakamandalang palay! Naalala ni Danding ang mga kuwento ni Lolo Tasyo tungkol sa kanyang ama, at siya’y napangiti nang lihim. Ang pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog sa kalabaw, dalaga sa bunton ng palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang gunita. Tumawa nang marahan
  • 318 Naibigan mo ba ang kuwentong binasa? Subukin natin ang iyong kakayahan sa pag-unawa. Gawin ang sumusunod na mga gawain. si Danding at pinag-igi pang lalo ang pagkakasalampak niya sa lupa. Tila isang punong kababaon doon ang mga ugat, siya’y nakaramdam ng pagkakaugnay sa bukid na minsa’y nadilig ng mga luha at umalingawngaw sa mga halakhak ng kanyang ama. Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo at baha mauwi lamang sa Ina ng Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio. Sa kabila ng mga magigiting na pangungusap ng pambihirang mga pagmamalasakit, at ng kamatayan ng mga bayani ay nasulyapan ni Danding ang kapirasong lupa, na kinatitirikan ng kanilang mga tahanan, kinabubuhayan ng kanilang mga kamag-anak, kasalo sa kanilang mga lihim at nagtatago na pamana ng kanilang mga angkan. Muli siyang napangiti. Sa dako ng bahay ay nakarinig siya ng mga tinig, at nauulinigan niyang tinatawag ang kanyang pangalan. Dahan-dahan siyang tumayo. Gabi na, kagat na ang dilim sa lahat ng dako. Walang buwan at may kadiliman ang langit. Ngunit nababanaagan pa niya ang dulo ng mga kawayang nakapanood ng paglikha ng unang tula ng kanyang ama, at ang ilang aandap-andap na bituing saksi ng unang pag-ibig nito.
  • 319 GAWAIN 2.2.d: Paglinang ng Talasalitaan Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita. Pagkatapos, ibigay kung anong bahagi ng panalita ito, at gamitin sa pangungusap ang mga ibinigay na kahulugan. GAWAIN 2.2.e: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Isulat ang sumusunod na tanong at ang iyong sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ilarawan ang nayon ng Malawig. Ibig mo bang marating ang nayon na ito? Bakit? 2. Bakit lumuwas si Danding sa Malawig? 3. Ilahad ang mga kaugalian ng mga taga-Malawig. Nakikita pa ba ito sa kasalukuyan? Magbigay ng mga patunay. Salita mula sa aralin Kahulugan Bahagi ng Panalita Pangungusap pinagmuni-muni agaw-dilim piping panangis sumasalunga makadurog-puso Kaugalian ng mga taga-Malawig Nakikita pa ba sa kasalukuyan? (Oo/Hindi) Patunay na nakikita/hindi na nakikita sa kasalukuyan
  • 320 4. Ang Malawig ay isang lalawigan. Ihambing ang pamumuhay rito at sa lungsod. Alin ang nais mong maging tirahan? Bakit? 5. Sa iyong palagay, nanaisin ba ni Danding na manatili na lamang sa lupang tinubuan ng kaniyang ama kaysa ang bumalik sa siyudad na kaniyang kinalakhan? Magbigay ng mga patunay sa pamamagitan ng paglalahad sa bahaging nagpapatunay nito. 6. Nanaisin mo pa bang bumalik sa iyong tinubuang lupa kung maganda na ang iyong buhay sa ibang bayan o bansa? Bakit? 7. Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal at pagmamalasakit sa sariling bayan? Ang binasa at tinalakay na akda ay isang halimbawa ng Maikling kuwento. Alam mo ba kung ano ang maikling kuwento? Bakit kaya ito patuloy na pinag-aaralan mula noong panahon ng pananakop hanggang sa kasalukuyan? Basahin ang kasunod na mga impormasyon tungkol sa maikling kuwento at pagkatapos ay gawin mo ang kasunod na mga gawain. Dahilan: Paraan ng Pamumuhay sa Lalawigan Paraan ng Pamumuhay sa Lungsod
  • 321 Upang matiyak na naunawaan mo ang Maikling kuwento, subuking sagutin o gawin ang mga kaugnay na gawain o pagsasanay sa maikling kuwento. 1. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang Maikling kuwento sa mga manunulat at sa iba pang Pilipino noong Panahon ng Komonwelt at maging sa kasalukuyan? 2. Anong uri ng Maikling kuwento ang binasang aralin? Patunayan. 3. Gumawa ng balangkas ng kuwento ng katutubong kulay. Maaaring kuwento tungkol sa iyong sariling bayan o kuwento ng iyong paboritong lugar na napasyalan. Gawing gabay ang kasunod na pormat. Gawin sa papel. ANG MAIKLING KUWENTO Ang Maikling kuwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari. Taglay nito ang pagkakaroon ng (1) iisang kakintalan; (2) may isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang bigyan ng solusyon; (3) tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay, (4) may mahalagang tagpuan, (5) may kawilihan hanggang sa kasukdulan na kaagad susundan ng wakas. Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng katutubong kulay – ang binibigyang diin ay ang tagpuan, ang kapaligiran ng isang pook, ang pamumuhay, ang mga kaugalian at mga gawi sa lugar na binibigyang-diin sa kuwento.
  • 322 4. Mula sa ginawang balangkas ay bumuo ng sariling maikling kuwento. I- post ito sa iyong fb account at pabigyang puna (like o dislike) ito sa mga kamag-aral o kaibigan. Kung wala namang fb account, pabigyang puna ito sa kanila sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (√) sa pangkat ng mga bituing napili. Pabigyang paliwanag kung bakit ito ang kanilang puna sa iyong likha. Napakahusay Mahusay May kaunting husay Nangangailangan ng malaking pagbabago Pamagat May-akda Mga Tauhan Suliranin Solusyon Wakas
  • 323 Ugnay- Malaki ang tulong ng Maikling kuwento upang lalo pang sumigla at tumaas ang katayuan ng panitikan sapagkat Wikang Pambansa ang ginamit na midyum sa pagsulat, dumami ang manunulat, nagkaroon ng iba’t ibang pamamaraan ng pagkukuwento at ang mga paksang dating hindi naisusulat ay nabigyan ng pansin. Inaasahan kong naunawaan mo na ang ating aralin. Palalimin pa natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pag-aaral sa kaugnay na wika ng ating aralin – ang kayarian ng pang-uri. Basahin ang mga impormasyon tungkol dito. ANG PANG-URI Ang pang-uri ay salitang naglalarawan tungkol sa pangngalan at panghalip. Maraming paraan upang maglarawan. Maaaring sa pamamagitan ng paggamit ng kayarian ng pang-uri. Ang mga ito ay ang payak, maylapi, inuulit at tambalan. 1. Payak ang pang-uri kung binubuo lamang ng salitang ugat. Halimbawa: ganda talino, bago 2. Maylapi kung ang salitang naglalarawan ay binubuo ng salitang–ugat at panlapi. Halimbawa: maganda, matalino, makabago 3. Inuulit kung ang salitang naglalarawan ay inuulit ang isang bahagi nito o ang buong salitang-ugat. Halimbawa: kayganda-ganda, matalinong-matalino 4. Tambalan kapag ito ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinagsama o pinagtambal na maaaring magkaroon ng pangalawang kahulugan. Halimbawa: balat-sibuyas, utak-matsing Upang matiyak natin ang iyong pag-unawa tungkol sa pang-uri, basahin ang kasunod na teksto sa at sagutin ang kasunod na mga tanong tungkol dito.
  • 324 1. Suriin ang mga salitang may salungguhit sa binasang teksto. Itala ang mga ito sa ilalim ng angkop na kayarian ng pang-uri. Payak Maylapi Inuulit Tambalan Sa buhay, kailangang maging pusong mamon ka sa mga taong nangangailangan ng tulong. Hindi mahalaga ang kasikatan dahil sa yaman, sikat na sikat ka nga kung hindi mo naman alam ibahagi sa iyong kapwa, balewala rin. Maging matulungin at hindi dapat maging palalo, iyan dapat ang maging panuntunan sa buhay ng mga taong biniyayaan ng Panginoon ng maraming bagay. Hindi dapat tapakan ang mga taong may buhay-alamang, sa taimtim na panalangin sa Dakilang Lumikha, mababago rin ang mahirap nilang buhay. Kaysarap sa pakiramdam ang tumulong sa kapwa. Magiging magaang-magaan ang pakiramdam kung ikaw ay magiging daan sa pagtupad sa kanilang simpleng pangarap.
  • 325 2. Mula sa mga larawan sa ibaba, pumili ng isa. Sumulat ng komposisyon tungkol dito na naglalarawan gamit ang iba’t ibang kayarian ng pang- uri. 3. 4. Bakit gumagamit ng iba’t ibang kayarian ng pang-uri ang isang kuwentista? Kumusta? Naisagawa mo ba ang lahat ng gawain? Tunay na nakatutulong ang mga kayarian ng pang-uri upang mas mabisang mailarawan ang tagpuan, mga tauhan at mga pangyayari sa akda. Ngayong natapos mo na ang mga gawaing pampanitikan at panggramatika, subukin naman nating magkaroon ng pagtataya sa iyong pag-unawa sa mahahalagang konseptong nakapaloob sa aralin. Sagutin ang tanong upang mataya ang iyong pag- unawa sa naging aralin.
  • 326 Natutuwa ako at malapit ka na sa hagdanan ng tagumpay. Kaunting sikap pa at makakamit mo na ang bandila ng tagumpay. Nakita mo na ang kahalagahan ng Maikling kuwento. Sa Panahon ng Komonwelt ay malaya ang mga manunulat na ipahayag ang kanilang saloobin, damdamin at ideya. Kasama ng kalayaan sa pagpapahayag ng mga ito ang kalayaan sa paggamit ng sariling wika sa kanilang mga akda. Pagkatapos mong maunawaan ang Maikling kuwento, magkaroon pa tayo ng pagtataya sa gawaing susubok sa iyong pag-unawa sa aralin. Basahin ang kasunod na sitwasyon at ihanda ang sarili sa pagsasagawa nito. Naniniwala ako sa iyong kakayahan kaya’t halika na! GAWAIN 2.2.f: Proud to be Kabarangay! Magkakaroon ng panauhin sa inyong lugar dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng kapistahan. Bilang SK Chairman ng inyong barangay, ikaw ay naatasang i-promote ang inyong lugar sa inaasahang mga panauhin na punong-lalawigan, punong-bayan at iba pang politiko, mga turista at mga kabarangay sa pamamagitan ng paggawa ng advertisement poster. Ang iyong likha ay magkakaroon ng pagtataya batay sa: a.) pagiging masining; b.) pagiging malikhain; c.) husay sa pagpapaliwanag; at c.) pagiging makatotohanan. MGA PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG ADVERTISEMENT POSTER Napakahusay Mahusay Mahusay-husay Kailangan Pang Paunlarin Natugunan ang lahat ng pangangailangan sa nilalaman at mekaniks Natugunan ang lahat ng pangangailangan sa nilalaman at mekaniks Natugunan ang ilang pangangailangan Natugunan ang ilang pangangailangan Ganap at epektibong naihatid ang mensahe Epektibong naihatid ang mensahe Nahirapang maihatid ang mensahe Walang gaanong naihatid na mensahe Napakahusay at higit sa inaasahang elementong display na biswal Nakaaakit ang display na biswal Katamtaman ang pang-akit na display Walang organisasyon at kaayusan ang display na biswal Naipaliwanang nang maayos at wasto ang poster. Naipaliwanag nang maayos ang poster Hindi gaanong malinaw ang pagpapaliwanag Hindi malinaw ang pagpapaliwanag
  • 327 Ngayon ay natalakay na natin ang Sanaysay at Maikling kuwento, mga panitikang maging sa kasalukuyan ay dapat na bigyang-pansin. Balikan ang naging mga gawain at ihambing ang iyong unang ideya sa naging takbo ng talakayan. Ilan sa iyong mga ideya ang wasto? Kung halos lahat ay nakuha mo nang tama, binabati kita. Kung hindi naman ay mayroon ka pang pagkakataon upang maiwasto ito. Alam mo na ang mahahalagang ideya sa araling ito, palalimin pa natin ang kaalamang ito sa susunod na bahagi. Pagnilayan at UnawainPagnilayan at UnawainPagnilayan at UnawainPagnilayan at Unawain Ang layunin mo sa bahaging ito ay palalalimin pa ang iyong pag- unawa sa mahahalagang konseptong nakapaloob sa araling ito – Aralin 2.2: Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt. May ilan pang gawain na pagtutulungan nating gawin at sagutin upang sa gayo’y matiyak ko na wala ka nang maling pag-unawa sa nilalaman ng araling ito. GAWAIN 2.3: KKK (Katuwiran Ko’y kailangan) Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag. Isa na rito ang pangangatuwiran. Sa gawaing ito, ang husay mo sa pagbibigay ng katuwiran ay kailangan. Sagutin mo ang tanong na “malaya ba ang manunulat sa Panahon ng Komonwelt?” Sagutin ang mahalagang tanong na ito gamit ang yes/no analysis. Malaya ba ang mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt? Pangatuwiranan. Hindi ___________ ___________ ___________ ___________ Oo ___________ ___________ ___________ ___________
  • 328 Wikang pambansa ang ginagamit ng mga manunulat sa panahong ito at lalo pang umunlad ang panitikan dahil sa naipahahayag ng mga manunulat ang kanilang saloobin, ideya at damdamin nang hindi napipigilan nang ibang tao o mananakop. GAWAIN 2.4: Ito Noon, Ganito Ngayon Gamit ang IRF (Initial, Revised, Final) ay ibigay ang dating kaalaman sa paksa, ang nabagong pagkaunawa sa aralin at ang kabuuan at wastong natutuhan sa araling tinalakay. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. Ngayong malalim at malawak na ang iyong pag-unawa sa aralin, alam kong handa ka na sa susunod na gawain sa susunod na bahagi IlipatIlipatIlipatIlipat Layunin mo sa bahaging ito ang ilipat at isabuhay ang iyong natutuhan sa aralin. Ang susunod na gawain ay magtataya sa iyong natutuhan sa aralin. GAWAIN 2.5: KULTURA – IN OR OUT? Magkakaroon ng paligsahan sa iyong paaralan tungkol sa paglalarawan ng mga kulturang Pilipino sa Panahon ng Komonwelt na nagbago, nawala at nananatili pa sa kasalukuyan. Bilang lider ng Mga Kabataang Historyador sa Pilipinas (KHP), sa harap ng mga guro, kapwa mag-aaral, puno ng kagawaran, punongguro at historyador ay gagawin mo ito sa masining na paraan tulad ng mini-museum o eksibit. Magkakaroon sila ng pagtataya sa iyong likha batay sa a.) presentasyon na iyong isasagawa; b.) makatotohanan; c.) batay sa pananaliksik; at d.) pagkamalikhain. Initial (Dating Kaalaman sa Paksa) Revised (Nabagong Pagkaunawa sa Aralin) Final (Kabuuan at wastong natutuhan sa aralin)
  • 329 MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA SA MINI-MUSEUM O EKSIBIT A – Perpekto B - Halos perpekto C – May kaayusan D – Paunlarin pa Interpretasyon: 4 na A – Napakahusay! Ipagpatuloy ang kahusayan o kagalingan sa mga gawain. 3 A – Mahusay! Hindi man perpekto, naipakita mo ang iyong kahusayan o kagalingan. 2 na A – Katamtamang Husay! Nakita ang iyong pagsisikap subalit dagdagan pa upang mapaunlad pa ang gawain. 1 o walang A – Hindi Mahusay! Ulitin pa ang gawain upang maging makabuluhan ito sa sarili at sa titingin ng iyong likha. Nakatulong ba ang pagganap na gawain upang maunawaan mo ang halaga ng aralin sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay? Ngayong natapos mo na ang aralin, bago ka maglakbay sa bagong aralin ay sagutin mo muna ang pangwakas na gawain. PAMANTAYAN A B C D Presentasyon – maayos at organisado Makatotohanan – totoo ang mga impormasyong ipinakita Batay sa pananaliksik – mapanghahawakan o mapagkakatiwalaan ang pinagkunan ng mga impormasyon Malikhain – masining at gumamit ng mga awtentikong bagay
  • 330 VII. Pangwakas na Pagtataya: (Panitikan sa Panahon ng Komonwelt) SUMMARY-LESSON CLOSURE: Sa pamamagitan ng Lesson Closure ay bumuo ng konsepto sa naging aralin. Sa pagtatagumpay mo sa araling ito, ikaw ay aking binabati. Napatunayan mong muli ang iyong kakayahan sa pag-unawa sa mga aralin sa sariling sikap at tiyaga. Sa pagpasok mo sa bagong aralin, palawakin mo pa ang iyong kaalaman sa pag-aaral sa mga panitikan sa Panahon ng Kasarinlan. Muli kang gagabayan ng modyul para sa panibagong pagbubukas ng aralin. Hangad ko ang muli mong pagtatagumpay. LESSON CLOSURE Ang aralin sa modyul na ito ay _____________________. Ang mahalagang ideya tungkol sa sanaysay ay _____________________ ______________________________________________________ _. Mahalagang maunawaan ang ideya o konseptong ito sapagkat ___________________________________________________. Isa pang mahalagang konsepto sa aralin ay ang tungkol sa maikling kuwento kung saan naunawaan ko na _________________________ ______________________________________________________ __. Mahalaga ito dahil _________________________________________. Magagamit ko ito sa pang-araw-araw na pamumuhay sa pamamagitan ng ____________________________________________________ Sa kabuuan, ang aralin ay ___________________________________________________ ___________________________________________________.
  • 331 ARALIN 2.3: Ang Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan I. Panimula at Mga Pokus na Tanong Kumusta na! Labis akong natutuwa na sa dalawang panahon na iyong pinagdaanan ay marami kang napulot na kaalaman. Malaki ang magagawang tulong sa iyo sa pagpasok mo sa bagong panahon na ito, ang Panahon ng Kasarinlan. Sa araling ito ay aalamin mo ang naiambag ng akdang pampanitikan na sumibol at napatanyag sa Panahon ng Kasarinlan. Sa iyong palagay, nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng damdamin, katuwiran, opinyon o saloobin ng mga manunulat upang matamo ang damdaming makabayan sa nasabing panahon? Masasabi mo ba na ang panitikan ay naging salamin ng kultura ng isang bansa? Gayundin, mahalaga bang matutuhan mo ang paggamit ng angkop na gramatika? Mahalaga ba na magkaroon ka ng kaalaman at kakayahan tungkol dito? Malalaman mo ang sagot sa mahahalagang tanong na ito sa pagpapatuloy mo ng iyong pag- aaral. Upang mapatunayan na naunawaan mo ang nilalaman ng araling ito, sa pagtatapos ng iyong pag-aaral, inaasahan na makabubuo ka ng isang photo documentary na naglalarawan ng kultura at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino sa panahong ito na nawala,nabago na at nananatili pa hanggang sa kasalukuyan. Narito ang mga pamantayan kung paano tatayain ang gawaing ito: a) orihinal, b) may kaugnayan sa paksa/napapanahon ang paksa, c)malikhain ang presentasyon, d) wasto ang paggamit ng gramatika/retorika. Malalaman mo sa araling ito ang iba pang akdang pampanitikang napatanyag sa panahong ito partikular ang Maikling kuwento at Dula. Gayundin ang mga araling panggramatika tulad Aspekto ng Pandiwa at Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat. II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga Ito Masasagot mo ang mahahalagang tanong at maisasagawa mo ang Inaasahang Produkto/Pagganap kung uunawain mo ang sumusunod na nakapaloob sa araling ito:
  • 332 ARALIN 2.3: ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLANARALIN 2.3: ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLANARALIN 2.3: ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLANARALIN 2.3: ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN Aralin 2.3.1 a. Panitikan: Maikling Kuwento “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” ni Genoveva Edroza-Matute b. Wika: Aspekto ng Pandiwa Aralin 2.3.2. a. Panitikan: Dula “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar b. Wika: Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat III. Mga Inaasahang Kasanayan Sa araling ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman at kasanayan: ARALIN : ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Nabibigyang kahulugan ang mga makabuluhang salita/matatalinghagang pahayag na ginamit sa akdang napakinggan Nakikinig nang may pag-unawa upang: • mailahad ang layunin ng napakinggan • masagot ang mga tiyak na tanong • maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay na mga pangyayari Nakapaglalahad ng sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/di- makatotohanan ng mga punto/argumentong binibigyang-diin o halaga ng napakinggan batay sa paraan ng pagsasalita (tono, diin, paghinto, intonasyon) Pagsasalita Naipapahayag nang maayos ang matinding reaksiyon sa mga bagay na ‘di nagugustuhan (may pagsasaalang-alang sa damdamin ng kausap) Nakapagsasagawa ng interbyu/panayam
  • 333 Nakapagsasagawa ng sarbey batay sa kulturang Pilipino gamit ang panitikan Nakapaglalahad ng pamamaraan sa pagsasagawa ng simposyum tungkol sa kahalagahan ng kulturang sariling atin Nakabubuo ng pansariling opinyon batay sa mga ideya,kaisipang inilahad ng teksto Nakapaglalahad ng sariling pananaw kung paano mapananatili ang kulturang Pilipino sa tulong ng panitikan Pag-unawa sa Binasa Nasusuri ang iba’t ibang akdang pampanitikan batay sa mga katangian nito Naipahahayag ang mga makabuluhang kaisipang nais ipabatid ng may-akda Naipaliliwanag ang mga elemento ng akda • dula • maikling kuwento Natutukoy ang iba’t ibang tunggaliang naganap sa akda Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akdang binasa buhat sa simula, tunggalian, kasukdulan, kakalasan at wakas Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng akda/teksto Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa teksto Napayayaman ang karanasan ng mag-aaral sa tulong ng mga akdang pampanitikan upang mapaunlad at mapalawak ang kakayahan at pananaw sa buhay Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akda/teksto ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng may-akda
  • 334 Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang pampanitikan Nakapagbibigay-hinuha sa • pangyayari • kaalaman • pakay o motibo • layunin ng may-akda Naihahambing ang kalagayan ng panitikan at epekto nito sa kulturang Pilipino noon at ngayon Nasusuri sa teksto ang mga aspekto ng pandiwa Naisasaayos ang mga pangyayari sa maikling kwento/dula ayon sa wastong pagkakasunod-sunod Nasusuri ang bahagi ng maikling kuwento/dula/sanaysay Nakikilala ang iba’t ibang bahagi at elemento ng maikling kwento/dula Napaghahambing ang elemento ng maikling kuwento sa dula Nasusuri ang kulturang taglay ng panitikan kung ito’y nanatili, nabago o nawala na Pagsulat -Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan, at opinyong nakapaloob sa teksto kung: • totoo o hindi totoo • may pagbabatayan o kathang-isip lamang • mabuti o masama • katotohanan o opinyon Nakapaglalahad ng sariling pananaw batay sa nilalaman ng akdang binasa kung ito’y makatotohanan o di- makatotohanan gamit ang graphic organizer Nakasusulat ng maikling kuwento batay sa kultura ng lugar na pinagmulan Nakasusulat ng talatang • naglalarawan
  • 335 • naglalahad • nagsasalaysay • nangangatuwiran Nakapag-uugnay ng mga kaisipan mula sa binasang akda hango sa sariling karanasan • nasaksihan • napakinggan/napanood/nabasa Tatas Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan sa paglinang ng pangangailangang pangkomunikatibo Naipamamalas ang makahulugan at masining na pagpapahayag para sa mabisang pakikipagkomunikasyon Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pakikipagkomunikasyon Nagagamit ang pormal at impormal na Filipino sa komunikasyon ayon sa sitwasyon, pangangailangan at pagkakataon Estratehiya sa Pag-aaral Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral Pananaliksik Nalilikom ang kakailanganing mga impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga impormasyon sa pananaliksik Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang mga kagamitang sanggunian sa aklatan/Internet
  • 336 VIII. Konseptuwal na Balangkas Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling ito Nasasabik ka na marahil sa mga aralin na iyong aalamin,huwag kang mag-alala kasama mo na magsisilbing katuwang mo sa pagdukal ng mas malalim pang karunungan.Magtiwala ka lamang sa iyong kakayahan at tinitiyak ko magiging kapaki-pakinabang sa iyo ang ating samahan, ipangako mo lamang na walang iwanan hanggang sa matapos mo ang kabuuan ng araling ito. Halika na! Simulan mo na ang iyong pag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot sa panimulang pagtataya na susuri sa iyong kahandaan sa magiging paksa ng ating aralin. IX.Panimulang Pagtataya Alamin natin kung gaano na ang alam mo tungkol sa araling ito. Hanapin at isulat sa iyong notbuk ang sa iyong palagay ay tamang sagot sa bawat tanong. Sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos masagot ang maikling pagsusulit na ito, malalaman mo ang iyong iskor. Alalahanin mo ang mga aytem na mali ang iyong sagot at hanapin mo ang tamang sagot habang pinag-aaralan mo ang modyul na ito. Ang Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan 3.1.1 Panitikan: Maikling Kuwento 3.1.2 Wika: Aspekto ng Pandiwa 3.2.1 Panitikan: Maikling Kuwento 3.2.2 Wika: Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat
  • 337 Unang Bahagi Panuto: Ibigay ang hinihingi ng diyagram tungkol sa dula. (para sa bilang 1-5) Gawin sa sagutang papel. Ikalawang Bahagi Panuto: Basahin at unawain ang isang bahagi ng maikling kuwento. Sagutan ang mga tanong na kasunod nito. Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo’y magpatuloy sa loob ng tatlong araw, ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan. Ilang maliit na bata ang nagpapalutang ng mga bangkang papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak. Sa tuwing ako ay makakakita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kalian man. Dula Kahulugan Katangian Kahalagahan nito bilang akdang pampanitikan
  • 338 6. Ang katangian ng batang lalaki sa akda ay ______. A. mapagmahal B. palaasa C. mayabang D. mapangarapin 7. Sa karimla’y pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Ang damdaming inilalarawan ay _______. A. pagkatakot B. pagkagitla C. paghanga D. pagtataka 8. Batay sa akda, ang bangkang papel ay sumasagisag sa ______. A. pag-asa B. pangarap C. pag-unlad D. paghahangad Sa karimla’y pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang, makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-angat ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo’y ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita “Siya matulog ka na.” Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti, kaysa rati. Ngunit ang mga mata noo’y hindi pumipikit, nakatingin sa wala. Kaya nga ba’t sa tuwi akong makakita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumagawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman. -halaw sa “Bangkang Papel” ni Genoveva Edroza Matute
  • 339 9. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong binasa ay tinatawag na ________. A. banghay B. tema C. pananaw D. damdamin 10. Nagsimula ang akda sa pamamagitan ng ______. A. kilos at galaw ng tauhan B. tagpuan at banghay C. tagpuan at kapaligiran Nahirapan ka ba sa pagsagot? Huwag kang malungkot kung ilan lang ang tama mong sagot. Tutulungan ka ng araling ito upang turuan ka pa at maiwasto ang mali sa mga sagot mo. Simulan na natin ang pag-aaral ng mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Kasarinlan. VI . Yugto ng Pagkatuto AlaminAlaminAlaminAlamin Malaki ang papel na ginampanan ng panitikan sa buhay ng mga Pilipino sa iba’t ibang panahon. Naranasan nila na maipahayag ang sariling damdamin at saloobin sa pamamagitan ng mga pasalita at pasulat na akda na nagbukas sa isang diwang makabansa. Simulan na natin ang pag-aaral nang sa ganoo’y, malaman mo kung nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng damdamin, katuwiran, opinyon o saloobin ng mga manunulat upang matamo ang damdaming makabayan sa Panahon ng Kasarinlan? Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan sa panahong ito? Umaasa ako na ang mga gawain at pagsasanay sa bahaging ito ay makatutulong upang masagot ang mga tanong na ito. Gawin mo ring gabay ang pamantayang pangnilalaman kung saan maipamamalas mo bilang mag-aaral ang pag-unawa sa ilang akdang pampanitikan partikular na ang Maikling kuwento at Dula na napatanyag at umusbong noong Panahon ng Kasarinlan. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan kong makapagsasagawa/makabubuo ka ng photo documentary na naglalarawan ng kultura at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino sa Panahon ng Kasarinlan . Ngayon, simulan mo na ang pag-aaral sa araling ito sa tulong ng Timeline, ikaw ay magbabalik-tanaw sa mga manunulat at akdang pampanitikan na umusbong sa Panahon ng Pananakop ng Amerikano, Komonwelt hanggang sa Panahon ng Kasarinlan. Sa pamamagitan nito, tiyak kong maalala mo ang mga akdang iyong napag-aralan sa nagdaang panahon
  • 340 GAWAIN 2.1: Timeline…Noon at Ngayon Tingnan ang mga larawan ng manunulat sa p.139. Kilalanin mo at piliin sa hanay A ang mga manunulat at hanay B naman ang kanilang akda na isinulat at ilagay ito sa angkop na panahon na hinihingi sa timeline. Gawin sa sagutang papel. Hanay A Hanay B Panahon ng Amerikano Panahon ng Komonwelt Panahon ng Kasarinlan • Ang Pagpupulis – Trapiko ay Isang Sining • Paglalayag sa Puso ng Isang Bata • Ako ang Daigdig • Isang Dipang Langit • Lupang Tinubuan
  • 341 Matapos mong makilala at maihanay nang wasto sa angkop na panahon ang nasa bawat hanay sa Timeline, nais kong bigyan mo ng hinuha ang mahahalagang tanong sa aralin sa tulong ng KWHL Sheet. Sagutin mo muna ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Pagkatapos nating pag-aralan ang modyul na ito ay saka mo sagutin ang huling kolum, ang L. GAWAIN 2.2: TSART-KWHL Inaasahan ko na masasagot mo nang tama ang tanong na ito. Kung hindi pa, huwag kang mag-alala sapagkat gaya nga ng ipinahayag ko sa layunin ng araling ito na sa iyong pagsisikap at pagtitiyaga ay mahahanap mo ang tamang kasagutan. Maaari ka ng magsimula sa pag-alam sa mga impormasyon kaugnay ng akdang pampanitikan. PaunlarinPaunlarinPaunlarinPaunlarin Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang mahahalagang kaisipan/konsepto na saklaw ng aralin. Huwag kang mag-alala sa tulong ng iyong pagsisikap at pagtitiyaga, mahahanap mo ang tamang kasagutan. Ngayon ay maaari kang magsimula na sa pag-alam sa mga impormasyon kaugnay ng akdang pampanitikan. Magsimula tayo sa Maikling kuwento (Aralin 2.3.1 Ang Maikling kuwento o maikling katha gaya ng karaniwang taguri dito ay sangay ng salaysay (narration). May sariling mga katangian ito na ikinaiiba sa ibang akdang pampanitikan. Kabilang sa mga katangiang ito ay ang pagkakaroon ng iisang kakintalan, may isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang lutasin, tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay at iba pa. Mahalaga ring masagot mo ang sumusunod na pantulong o prosesong tanong upang makatulong sa iyo sa pagsagot sa mahalagang tanong ng aralin. K W H L Ano ang alam mo na? (What do you know?) Ano ang nais mong malaman? (What do you want to find out) Paano mo makikita ang nais mong maunawaan? (How can you find out what you want to learn?) Ano ang iyong natutuhan/ naunawaan? (What did you learn?) Nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng damdamin, katuwiran, opinion o saloobin ng mga manunulat upang matamo ang damdaming makabayan sa Panahon ng Kasarinlan?
  • 342 Mga Gabay na Tanong 1. Paano naiiba ang maikling kuwento sa iba pang akdang pampanitikan? 2. Ano ang karaniwang tema o paksang ginamit ng mga manunulat sa panahong ito? 3. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng kaalaman at kakayahan sa paggamit ng angkop na aspekto ng pandiwa sa pag-aaral ng maikling kuwento? Simulan mo na ang mga gawain. Unahin mo munang tuklasin kung ano ang iyong nalalaman sa ating paksa. GAWAIN 2.3.1. a: TUKLAS-INFO Batay sa iyong nalalaman, subukin mong isulat ang hinihingi sa dayagram kaugnay ng araling iyong pag-aaralan. Huwag kang mag-aalala, ito’y pag-alam lamang kung gaano na ang iyong kaalaman tungkol sa pag- aaralan natin. Inalam lang natin sa mga gawaing ito kung ano na ang iyong nalalaman sa araling ito. Sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral, malalaman mo kung tama ang iyong mga sagot. Makatutulong ang pagbasa sa sumusunod na Maikling kuwento upang maunawaan ang aralin. Ngunit bago iyon, mahalagang malaman mo muna kung sino ang sumulat ng akda.Upang ganap na maunawaan ang aralin, kilalanin mo muna ang isa sa natatanging manunulat sa panahong ito. Kilala mo ba si Aling Bebang o si Genoveva Edroza-Matute? Magbigay ng ilang impormasyon tungkol sa kaniya gamit ang sumusunod na Concept Map. Maikling Kuwento Ano ang Maikling kuwento? Paano ito lumaganap sa Pilipinas? Ihambing ang Maikling kuwento sa iba pang akdang pampanitikan
  • 343 Nasiyahan ka ba sa iyong nabatid sa ating may-akda? Sa pagpapatuloy, basahin mo na ang maikling kuwento nang may pag-unawa at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa pagsasanay at isagawa ang mga gawaing nasa bahaging ito. Basahin at unawain Ngayon, may ilang impormasyon ka na tungkol sa may-akda, handa ka na ngayong basahin at unawain ang isa sa kanyang ipinagmamalaking akda. Simulan mo na. Genoveva Edroza-Matute Si Aling Bebang, ayon sa talambuhay na isinulat ni Gregorio C. Borlaza, ay bunso sa labindalawang magkakapatid, at supling nina Anastacio B. Edroza at Maria Magdalena K. Dizon. Siyam ang namatay sa kaniyang mga kapatid, at karamihan ay wala pang isang taon ang itinagal sanhi ng pagkakasakit. Lumaki siya sa Tayuman-Oroquieta, malapit sa karerahan ng kabayo sa San Lazaro. Hindi naglaon ay nakitira siya sa kaniyang ale—na kapatid ng kaniyang ama—doon sa Felix Huertas, Maynila hanggang makatapos ng elementarya. Nag-aral siya sa Santa Clara Primary School (na naging P. Gomez Elementary School) at Magdalena Elementary School, pagkaraan ay sa Manila North High School (na Arellano High School ngayon), nagkolehiyo sa Philippine Normal School (na Philippine Normal University ngayon), hanggang matapos ang masterado sa Filipino at doktorado sa edukasyon sa Unibersidad ng Santo Tomas. Larawan ni Genoveva Edroza- Matute Kapanganakan: Pamilya: Mga Katangian: Mga Tagumpay sa Buhay:
  • 344 PAGLALAYAG sa PUSO ng ISANG BATA ni Genoveva Edroza Matute Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan… nguni't ayaw kong isiping baka hindi. Sa akin, siya'y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin, siya'y mananatiling isang batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at may walong taong gulang. Pagkaraan ng daan-daaang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, at lumisan pagkatapos, pagkaraan ng mga taong ang ila'y nagdumali, ang ila'y nagmabagal at ang ila'y nakintal sa gunita, buhay na buhay pa sa aking isipan ang kanyang mukha at ang kanyang pangalan. Nguni't ang buhay sa lahat ay ang isang bagay na itinuro niya sa akin isang araw nang siya ang aking maging guro at ako ang kanyang tinuturuan. Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyo'y mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang "punto" na nagpapakilalang siya'y taga- ibang pook. Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti't pangit na batang ito, kahit sa simula pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na hindi siya hilingan ng gayon. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa buong silid upang pulutin ang mga naiiwang panlinis. Lihim ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat hanay ng upuan upang tingnan kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon sa pagsasabi
  • 345 ng "Goodbye, Teacher!" Sa simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahiyain. Nakikita ko siyang gumagawa nang tahimik at nag-iisa - umiiwas sa iba. Maminsan- minsa'y nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin upang bawiin lamang ang kanyang paningin. Siyang tinatanaw tuwing hapon, pinakahuli sa kanyang mga kasamahan, ay naiisip kong alam na alam niya ang kanyang kapangitan, ang nakatutuwang paraan ng kanyang pagsasalita. Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanan tungkol sa kanyang buhay. Payak ang mga katotohanan: siya'y isang munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang pumapasok sa paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang panginoon. Nadama ko ang kakaibang kalungkutan: Nais kong makita siyang nakikipaghabulan sa mga kapwa-bata, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal, napapasuot sa kaguluhang bahagi ng buhay ng bawat bata. Kahit na hindi siya marunong, maging kanya lamang sana ang halakhak at kaligayahan ng buhay-bata. Tinatawag ko siya nang madalas sa klase. Pinagawa ko siya ng marami't mumunting bagay para sa akin. Pinakuha ko sa kanya ang mga tsinelas ko sa pinakahuling upuan sa silid. Naging ugali niya ang pagkuha sa mga iyon, ang paghihiwalay sa mga iyon upang itapat sa aking paa. Ang pagbili ng aking minindal sa katapat na tindahan, hanggang sa hindi ko na kailangang sabihin sa kanya kung ano ang bibilhin - alam na niya kung alin ang ibig ko, kung alin ang hindi ko totoong ibig. Isang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa munti't pangit na batang ito at sa akin. Sa tuwi akong mangangailangan ng ano man, naroon na siya agad. Sa tuwing may mga bagay na gagawin, naroon na siya upang gumawa. At unti-unti kong nadamang siya'y lumiligaya - sa paggawa ng
  • 346 maliliit na bagay para sa akin, sa pagkaalam na may pagmamalasakit ako sa kanya at may pagtingin sa kanya. Nahuhuli ko na siyang nagpapadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan hanggang sa magkahiga-higa sa likuran ng silid. Nakikita ko na siyang nakikipaghabulan, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal. Nagkakandirit hanggang sa tindahang bilihan ng aking minindal. At minsan o makalawa ko siyang nahuling nagpapalipat-lipat sa pagtapak sa mga upuan. At kung ang lahat ay wala na, kinakausap ko siya at sumasagot siya nang pagaril sa Tagalog. At sa mga ganoong pagkakatao'y nagmumukha siyang maligaya at ang kanyang, "Goodbye, Teacher," sa may-pintuan ay tumataginting. Sa mga ganoong pagkakatao'y naiiwan sa akin ang katiyakang siya'y hindi na totoong napag-iisa at hindi na totoong nalulumbay. Isang mabagal na paraan ang pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na siya'y mahalaga at sa kanya'y may nagmamahal. Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawa't bata. Nanukso na siya sa mga batang babae. Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo siyang naging maalala at mapagmahal. Maligaya na siya. Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong nagdaa'y naamin ko sa sariling ang lahat ng iyo'y aking kasalanan. Mainit noon ang aking ulo, umagang-umaga pa. At ang hindi ko dapat gawin ay aking ginawa - napatangay ako sa bugso ng damdamin. Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang pagsasalita ko sa kanyang ipinanliit niya sa kanyang upuan. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang kanyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanyang siya'y mahalaga at minamahal. Nang hapong iyo'y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay
  • 347 ng upuan. Ngunit siya'y nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking tsinelas, upang paghiwalayin ang mga iyon at itapat sa aking mga paa. Nagtungo siya sa tindahang katapat upang bilhin ang aking minindal at nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa paglilinis at upang ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay rin niya ang mga upuan sa bawat hanay, gaya ng kanyang kinamihasnan. Ngunit hindi siya tumingin sa akin minsan man lamang nang hapong iyon. Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso'y kinapopootan niya ako ng pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong mga huling buwan. Ang isa mang batang namulat sa pag- iisa at sa kalumbayan ng pag-iisa't kawalan ng pagmamahal ay makaaalam din sa kawalan ng katarungan. Ngayo'y paalis na siya, ang naisip ko, nang may kapaitan sa puso. Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong kapasiyahan sa kanyang loob. Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, "Goodbye, Teacher." Lumabas siya nang tahimik at ang kanyang mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo. Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin. At ito'y sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili. Bukas…. Marahil, kung pagpipilitan ko bukas… Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata'y nakita ko sa pintuan. Ang mga mata niyang nakipagsalubungan sa aki'y may nagugulumihanang tingin. "Goodbye, Teacher," ang sabi niya. Pagkatapos ay umalis na siya.
  • 348 Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin. Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon. Ang tangi kong nagugunita'y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro. Naka-relate ka ba? Upang malaman natin na naunawaan mo ang iyong binasa, sagutin mo nang buong husay ang sumusunod na mga gawain. GAWAIN 2.3.1.b: Paglinang ng Talasalitaan Sa pamamagitan ng Clustering, ibigay ang hinihinging mga konsepto o kaisipan na may kaugnayan sa pahayag na SA PUSO NG ISANG BATA. Gawin sa sagutang papel.
  • 349 GAWAIN 2.3.1.c: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Upang ganap na mataya ang iyong pag-unawa sa binasa, sagutin mo ang sumusunod na mga tanong/gawain. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Suriin mo ang mga tauhan batay sa kilos, damdamin at pananalita sa pamamagitan ng Character Mapping. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat 2. Bakit nais ng guro na mapalapit sa bata? 3. Patunayan na ang guro sa akda’y naturuan ng bata sa kaniyang buhay? 4. Kung ikaw ang bata, babalikan at magpapaalam ka pa ba sa iyong guro kapag ikaw ay napagalitan niya? Pangatuwiranan. Isulat sa papel. 5. Sa iyong palagay, ano kaya ang gagawin ng guro pagkatapos nang ipinakita sa kaniya ng mag-aaral kahit na napagalitan siya? Sumulat ng diyalogo bilang sagot. Gawin sa papel 6. Anong damdamin ang namayani sa guro ng nasabi niya sa kanyang sarili ang pahayag na ito? “Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang kaniyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanyang siya’y mahalaga at minamahal.” 7. Nagtungo siya sa pintuan at ang kaniyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, “Goodbye, Teacher.” Lumabas siya nang tahimik at ang kaniyang mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo. Ano ang mensaheng nais iparating nito sa guro at mag-aaral? Isulat ang sagot sa papel. 8. Punan ang mga kahon ng mga mensahe ng kuwento. Gawin sa papel. Pananalita Kilos Damdamin Pananalita Kilos Damdamin
  • 350 9. Ano ang tema o paksa ng nasabing akda? Patunayan. 10. Sa iyong palagay, may kaugnayan ang paksa o tema ng nasabing akda sa buhay ng may-akda ng kuwento? 11.Mula sa simula hanggang sa wakas ng kuwento, anong pamamaraan ang ginamit ng may-akda? Nasagot at naisagawa mo ba ang lahat ng katanungan/gawain? Muli, balikan mo ang iyong mga naging sagot at suriin mo. Sa iyong binasa, mabisang naisalaysay ng may-akda ang tema, paksa o layunin sa kanyang akda sa pamamagitan ng mabisang paggamit ng mga pahiwatig. Pagpapahiwatig ang isang matingkad na katangian ng mga kuwento ni Genoveva Edroza Matute. Karaniwang nagtutuon siya sa isa o dalawang tauhan, at sa mga tauhang ito ay lalaruin niya ang banghay at gusot ng kuwento. Ang pingas o puntos ng tauhan ay maaaring nasa kapasiyahan nito, at hindi dahil sa taglay na personal at panlabas na anyo. Sa mga matagumpay niyang kuwento, ang mga tauhan ay pumupukol ng mabibilis na salitaan, o nagsasalita sa guniguni, at ang mga kataga ay waring makapaglalagos sa kalooban ng mambabasa. Sumasabay din ang mga kuwento ni Aling Bebang, palayaw ni Matute, sa mga kasalukuyang pangyayari na kung minsan ay nakalulugod at kung minsan ay nakaiinis, at kung ano man ang epekto nito sa mambabasa’y mauugat sa lalim ng pagkaunawa ng manunulat sa kaniyang pinapaksa.
  • 351 Isang halimbawa ng Maikling kuwento ang iyong binasang akda. Maliban sa kuwento ng katutubong kulay na iyong napag-aralan sa Panahon ng Komonwelt, may iba pang mga uri ang Maikling kuwento. Siyanga pala, ang binasa mong akda ay isang halimbawa ng Maikling kuwento na nasa uring kuwento ng tauhan. Handa ka na bang madagdagan pa ang iyong kaalaman tungkol sa Maikling kuwentong ito? Kung gayon, basahin mo ang kasunod na impormasyon. Nadagdagan na ang iyong kaalaman tungkol sa Maikling kuwento, mangyaring sagutin at gawin mo ang kaugnay na mga gawain. Ang binibigyang-diin sa kuwento ng tauhan ay ang pangunahing tauhan o mga tauhang gumagalaw sa kuwento. Ipinakikilala ang kanilang pag-uugali, pagkilos, pananalita at iba pang katangian sa pamamagitan ng tahasan o tuwirang paglalarawan o kaya’y pagpapahiwatig sa pamamagitan ng usapan ng mga tauhan at sa ikinikilos ng mga iyon. Ang mga tauhan ang gumagalaw sa akda- protagonista na tinatawag na bida at antagonista na nagpapahirap o nagpapasalimuot sa buhay ng bida. Ang tauhang lapad (flat character) ay hindi nagbabago ang pag- uugali kung ano ang gawi, kilos at katangian niya sa simula ng akda hanggang katapusan; habang ang tauhang bilog (round character) naman ay nagbabago mula sa pagiging salbahe ay nagiging mabait; kung api sa simula, sa pagwawakas ay natuto nang lumaban.
  • 352 GAWAIN 2.3.1.d: Pananaw mo,Pananaw ko,Pananaw ng lahat Ibigay ang kahulugan ng maikling kuwento ayon sa iyong sariling pananaw, pananaw ng ibang tao (kapwa kamag-aral, kaibigan) at pananaw ng eksperto (maaaring kapanayamin nila). Gawin sa papel. Sa pananaw ng mga eksperto... Sa aking pananaw... Sa pananaw ng aking kamag-aral ... Sa pananaw ng aking kaibigan...
  • 353 GAWAIN 2.3.1.e: Pagkakaiba-Pagkakatulad Paano naiiba ang Maikling kuwento sa ibang akdang pampanitikan? Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang pormat. PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD sa Tema sa Paksa sa Layunin sa Pamamaraan Kung susuriin mo, sa pagdaan ng mga panahon (mula sa Panahon ng Amerikano, Panahon ng Komonwelt hanggang Panahon ng Kasarinlan) ang Maikling kuwento ay naging behikulo ng mga manunulat para maipahayag ang kanilang saloobin, damdamin, katuwiran o opinyon. Nagkakaiba lamang sila sa tema, paksa, layunin at pamamaraan kung paano ito nilikha ng isang manunulat na nakabatay kung minsan sa kanilang naging karanasan o totoong buhay. At upang higit mo pang maunawaan at makilala ang Maikling kuwento, basahin mo pa ang isang halimbawa nito at sagutin ang kasunod na mga tanong: MAIKLING KUWENTO Iba pang akdang pampanitikan Ang Aking Inspirasyon “Tumayo ang lahat at tayo’y mananalangin.” Ito ang laging bukambibig ng gurong nagsilbing pangalawang magulang sa aking buhay. Guro siya ng ikalawang taon sa aming paaralan. Lahat ng aking kamag-aral ay natutuwa tuwing sasapit ang ikawalo ng umaga sapagkat Filipino na. Sa tuwing magtuturo siya, ang lahat ay tahimik na nakikinig, walang dumadaldal. Ang buong klase ay nag-aabang ng bagong kaalaman na ibabahagi niya sa amin. Gustong-gusto ko ang araling itinuro niya tulad ng akdang pampanitikan. Dito ko natutuhan na ang panitikan ay salamin ng kultura ng isang bansa. Buong puso at galak siyang nagtuturo at ito’y walang halong pagkukunwari. Kaya marami akong natutuhan sa kanya. Naunawaan ko na sa iba’t ibang panahon malaki ang naging papel ng manunulat sa pagpapaunlad ng panitikang Filipino.
  • 354 Mga Gabay na Tanong 1. Sino ang nagsasalaysay sa kuwento? 2. Anong uri ng Maikling kuwento ang iyong binasa?Patunayan. 3. Aling bahagi sa akdang ito ang masasabi mong may pagkakatulad/ pagkakaiba sa kuwentong nauna mo nang nabasa? Pangatuwiranan. 4. Pansinin ang salitang may salungguhit sa kuwento. Anong bahagi ito ng panalita? Ano ang diwang inihahatid nito? Malalaman mo kung wasto ang iyong naging sagot sa katatapos na gawain sa pamamagitan ng mga impormasyon tungkol sa aspekto ng pandiwa. Malaking tulong upang higit na maipakita ang kasiningan ng larawan at daloy ng Maikling kuwento sa pamamagitan ng wastong paggamit ng aspekto ng pandiwa. Mula sa salitang aspekto, malalaman na ito ay nagpapakita kung kailan natapos, katatapos, kasalukuyang ginagawa ang kilos. Upang lubos itong maunawaan, basahin ang nasa kahon at gawin ang gawaing kaugnay nito. Handa ka na ba? Parang kailan lang, sampung taon na pala ang nakalilipas. Subalit sa puso’t diwa ko ay parang kahapon lang. Isa ako sa nag-aaral sa kaniyang paaralan. Ngayon, ganap na akong isang guro ng Filipino na sumunod sa yapak ng isang gurong nagsilbing inspirasyon ng aking buhay. Minsan, pinuntahan ko ang paaralang aking pinagtapusan kung saan siya nagtuturo upang mabisita at personal na mapasalamatan. Ngunit pagdating ko sa paaralan, ang guwardiya na nagbabantay ang aking napagtanungan. Ang tanong ko’y “nariyan ba si Ma’am?”. Ang sagot niya “kaaalis lamang niya ng dumating ka.” Hindi man kami nagtagpo sa oras na iyon, subalit sa puso ko natagpuan ko ang natatanging guro na nagsilbing tanglaw sa landas ko.
  • 355 GAWAIN 2.3.1.f: Aspekto-Tsart Balikan muli ang kuwento. Isulat ang mga salitang may salungguhit sa tamang talahanayan nang ayon sa aspekto nito. ASPEKTO NG PANDIWA Aspektong Perpektibo Aspektong Perpektibong Katatapos Aspektong Imperpektibo Aspektong Kontemplatibo GAWAIN 2.3.1.g: Salaysayin ng Buhay Magsalaysay ng ilang pangyayari sa iyong buhay noon na sa iyong palagay ay nangyayari pa rin sa ngayon. Isaalang-alang ang simula, gitna at wakas ng pagsasalaysay. Gamitin at salungguhitan ang mga aspekto ng pandiwa sa gagawing pagsasalaysay. Ganap na ang iyong pagkaunawa sa aralin. Muling balikan ang huling kolum ng tsart-KWHL. Punan ang kolum na ito. Matapos itong maisagawa ay palalimin pa natin ang iyong kaalaman sa tinalakay na aralin. Ang aspekto ng pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang kilos, at kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa ang pagganap. May apat na aspekto ang pandiwa: aspektong perpektibo kung ito ay nagsasaad o nagpapahayag na ang kilos na nasimulan na at natapos na, aspektong imperpektibo kung nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos at kasalukuyan pang ipinagpapatuloy, aspektong kontemplatibo ay naglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan at aspektong perpektibong katatapos kung saan nagsasaad ito ng kilos na katatapos lamang bago nagsimula o naganap ang kilos.
  • 356 Pagkatapos mong pag-aralan ang maikling kuwento at ang wastong paggamit ng aspekto ng pandiwa, dugtungan mo ang pahayag na nasa kahon upang makabuo ng makabuluhang pahayag. GAWAIN 2.3.1.h: DugtungangPahayag Itala mo ang kabuuang konseptong natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng pagdurugtong sa pahayag na nasa kahon. K W H L Ano ang alam mo na? (What do you know?) Ano ang nais mong malaman? (What do you want to find out) Paano mo makikita ang nais mong maunawaan? (How can you find out what you want to learn?) Ano ang iyong natutuhan/ naunawaan? (What did you learn?) Nalaman ko na ang …. Naliwanagan ako dahil sa… Naunawaan ko na… Nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng damdamin, katuwiran, opinyon o saloobin ng mga manunulat upang matamo ang damdaming makabayan sa Panahon ng Kasarinlan?
  • 357 Binabati kita at ilang hakbang na lamang ay tapos na ang iyong paglalakbay para sa araling ito. Ang layunin mo sa bahaging ito ay maipakita ang iyong pagkaunawa sa aralin sa pamamagitan ng pagtatanghal ng masining na pagkukuwento o mga kauri nito tungkol sa mga pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad o kabaligtaran ng mga pangyayari sa maikling kuwento. Maaari ka na ngayong sumubok sa pangwakas na gawain para sa araling ito. GAWAIN 2.3.1.i: Inspirasyon Ko, Kuwento ng Buhay Mo Sinasabi na kung walang guro, walang anumang propesyon tulad ng doktor, abogado, inhinyero at iba pa. Kaya naman dapat lamang kilalanin ang mahahalagang papel ng kaguruan sa paghubog ng isang kabataan. Marapat lamang na siya’y tumanggap ng pagkilala. Kaakibat ng programa ng Kagawaran ng Edukasyon ay ang Pambansang Kongreso ng mga Guro sa Pilipinas. Ito ay lalahukan ng mga piling guro sa buong Pilipinas, mga tagapanayam, mga superbisor, punong-guro, Filipino specialist at buong pangasiwaan ng Kongreso. Ikaw, bilang kampeon sa katatapos na Pambansang Paligsahan sa larangan ng masining na pagkukuwento ay inanyayahan bilang isa sa mga panauhing pandangal na magpapakita ka ng masining na pagkukuwento batay sa paksang “My Teacher, My Hero” kaugnay sa pagdiriwang ng World Teachers Day bilang pasasalamat sa kanilang buong pusong pagtupad sa tungkulin. Tiyakin mo na ito’y a)orihinal; b) malikhain; c) may pagkakaugnay-ugnay ang mga pangungusap; d) makatotohanan; e) napapanahon; at f) may wastong gamit ng aspekto ng pandiwa. Kahanga-hanga ang iyong ginawa! Magaling! Tunay nga na ikaw ay malikhain. Tiyak ko na sapat na ang iyong kaalaman tungkol sa maikling kuwento. Kung mayroon pang hindi malinaw sa iyo, muli mong balikan ang naging talakayan at mga gawain. Ngayon nakumpleto mo na ang araling ito, dumako ka naman sa susunod na aralin, ang dula (Aralin 2.3.2) Halina at simulan mo na ang panibagong aralin. Isang tuluyan ang dula na kababakasan ng kulturang Pilipino ipinakikita rito ang paraan ng pamumuhay noon hanggang sa pag-unlad nito sa kasalukuyan, na naging pagkakakilanlan ng ating lahi. Sa Panahon ng Kasarinlan, naipakilala ng mga manunulat na ang dula ay hindi lamang para sa napakababaw na layuning magbigay ng kaaliwan, sa halip, ito ay maaaring mabisang kasangkapan sa pagbibigay ng kamalayang panlipunan, sa paggising ng damdamin at sa pagpapakilos. Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay masasagot mo ang mga gabay na tanong upang makabuo ng mahahahalagang konsepto para sa aralin. Inaasahang ikaw ay makabubuo at makikibahagi sa pagtatanghal ng dula mula sa orihinal na iskrip na naglalarawan ng ilang pangyayari sa buhay
  • 358 ng isang tao/mga tao sa kasalukuyan batay sa mga kraytirya: a) kaangkupan, b) makatotohanan, c) masining, d) orihinal, e)kaangkupan ng tunog/props/costume, f) taglay ang mga bahagi ng dula, g) kahusayan sa pag-arte. Mga Gabay na Tanong 1. Masasalamin ba ang kulturang Pilipino sa mga dulang pantanghalan sa kasalukuyan? 2. Naging mabisa bang kasangkapan ng mga manunulat sa paghahayag ng kanilang damdamin, saloobin, opinyon at karanasan ang dula? 3. Bakit mahalagang malaman mo ang tamang paraan ng pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat? GAWAIN 2.3.2.a: Pagkakatulad-Pagkakaiba Sa tulong ng Venn Diagram, ipakita at ilahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawa sa mga uri ng panitikan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Pagkatapos mong mailahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Maikling kuwento at Dula, sikapin mo namang sagutin ang hinihingi sa talahanayan.
  • 359 GAWAIN 2.3.2.b: Balik-tanawin… Balikan mo ang ilan sa araling napag-aralan mo upang masagutan mo ang dayagram.Gawin sa sagutang papel. MAIKLING KUWENTO PANAHON NG AMERIKANO PANAHON NG KOMONWELT PANAHON NG KASARINLAN PAMAGAT PAKSA MAY -AKDA PANGUNAHING TAUHAN ARAL DULA PANAHON NG AMERIKANO PANAHON NG KOMONWELT PANAHON NG KASARINLAN PAMAGAT PAKSA MAY -AKDA PANGUNAHING TAUHAN ARAL GAWAIN 2.3.2.c: Sang-ayon o Salungat Sagutin mo ang sumusunod na mga gabay na tanong sa tulong ng discussion web. Malalaman mo ang wastong sagot sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral ng araling ito. Sang-ayon Salungat Hanggang sa kasalukuyan nananatili pa rin ang kulturang Pilipino na masasalamin sa dulang pantanghalan mula sa Panahon ng Kasarinlan Naging mabisang kasangkapan ng mga manunulat sa pagpapahayag ng kanilang damdamin, saloobin, opinyon, at karanasan sa Dula. Mahalagang malaman mo ang tamang paraan ng pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.
  • 360 Nasagutan mo ba nang wasto ang mga tanong sa gawain? Kung hindi ka tiyak sa iyong naging mga sagot, ipagpatuloy mo lamang ang iyong pagtuklas sa bahaging ito ng aralin na makatutulong upang mapalawak pa ang kaalaman mo tungkol sa dula gayundin naman sa kaugnay na wika nito, ang pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat Para sa higit na pagkakaunawa mo sa aralin, halika at kilalanin mo ang isa sa napantanyag na manunulat sa Panahon ng Kasarinlan. Pagkatapos mo siyang makilala, basahin at unawain mo muna ang kasunod na dula na isinulat niya noong Panahon ng Kasarinlan. Dionisio S. Salazar Tubong-Nueva Ecija na ipinanganak noong Pebrero 8,1919 si Dionision Santiago Salazar. Nagtapos ng kolehiyo sa prestihiyosong Unibersidad ng Pilipinas (kursong AB) at Unibersidad ng Sto. Tomas (para sa kanyang MA). Isa siyang premyadong manunulat at hindi matatawaran ang kaniyang husay at galing, patunay na rito ang siyam (9)na nobelang kaniyang isinulat at nailathala na tunay namang maipagmamalaki natin. Nagtamo siya ng iba’t ibang parangal gaya ng Carlos Palanca Award, National Balagtas Award, Dangal ng Lahi sa Dula, Manila Cultural Heritage Award, TOFIL Awardee for Drama and Literature at iba pa. Siya ay tunay na huwarang manunulat ng makabagong panahon. Ang kaniyang mga dula ay isang obra maestrang maipagmamalaki nating lahat. Isa siyang premyado at walang katulad ang husay na manunulat na dapat ipagmalaki sa lahat. Ang kaniyang mga isinulat ay dapat tangkilikin sapagkat ito’y sariling atin. O, nasiyahan ka ba sa iyong nabatid tungkol kay Dionisio Salazar? Sa pagpapatuloy, babasahin mo na ang dula, huwag mong kalilimutang sagutin ang mga tanong sa pagsasanay. Isagawa ang mga gawain sa bahaging ito. Bilang panimula, nais ko munang bigyan mo ng hinuha ang pamagat ng ating dula. Isulat sa papel ang sagot.
  • 361 GAWAIN 2.3.2.d: Hinuha Mo…Hinuha Ko Ang aking hinuha sa pamagat ay ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ Matapos mong mabigyan ng hinuha ang pamagat ng ating dula, handa ka na para basahin ito. Basahin at unawain SINAG SA KARIMLAN ni Dionisio S. Salazar MGA TAUHAN : Tony ……………….. Binatang bilanggo Luis ……………….. Ang kanyang ama Erman ……………… Doming …………….. Mga kapwa bilanggo Bok ………………… Padre Abena ………Isang pari ng bilibid Miss Reyes ………… Isang Nars Isang Tanod PANAHON: Kasalukuyan TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. ORAS: Umaga PROLOGO: Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula … Moog ng katarungan … Sagisag ng Demokrasya … Salaming pambudhi … Palihan ng puso’t diwa…Waterloo ng kasamaan… Hamon sa pagbabagong buhay …May mga maikling gayong dapat
  • 362 hubdan ng maskara at sa sinapupunan nito kailangang iwasto ay hayu’t talinghagang mamamayagpag at umiiring sa batas. Sa isang dako’y may mga walang malay na dahil sa kasamaang-palad, kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito humahantong; dito rin sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan… Marami nang lubha ang mga pumasok at lumabas dito. Walang makapagsasabi kung gaano pa karami ang tatanggap ng kanyang tatak…May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit at makulay na kasaysayan… PAGBUBUKAS ng tabing ay mabubungad ang isang bahay ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. May anim na teheras ang makikita rito. Ang dalawang nasa magkabilang gilid ay bakante. Sa dalawang nasa gawing kanan ay magkaagapay si Tony (19 na taon) at si Bok (29); sa gawing kaliwa naman ay naroroon si Mang Erman (45) at si Doming (30). May munting durungawang nahahadlangan ng mga rehas na bakal na makikita sa gawing likod, kalagitnaan. Hubad ang natutulog na si Tony. May bakas ng dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at kaliwang bisig. May black eye rin siya. Si Bok na bilanggong labas-masok sa Bilibid, ay nakakulubong – may trangkaso siya. Si Mang Erman, na may apat na araw nang naooperahan sa almoranas, ay gising at waring nag-iisip. Naka-plaster cast naman ang isang paa ni Doming …Paminsan- minsa’y maririnig ang malakas ng paghilik ni Bok . Doming : (Bibiling sa higaan, iiangat ang ulo, at tatanungin si Bok) tipaningmayap, lakas namang mag-ilik ni Bok. Ernan : (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming. Doming : Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan, a Mang Ernan? Traga malas hang.BABAYING . Ba,sino ‘yan? …. (Ingunguso si Tony.) Ernan : Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa naman. Duguduguan siya. Doming : OXO seguro ‘yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata pa. Ernan : At may hitsura, ang sabihin mo.(Mapapalakas ang hilik ni Bok.) Doming : Tipaning – parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.) Bok : (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens! Magapatulog man kayo! Yawa…. Ernan : Si Bok naman. Konting lamig, ‘bigan. Doming : Hisi lang, Tsokaran. Bok : Tuluyan nang babangon: matapos mag-inat at maghikab ay
  • 363 susulyapan ang katabi) Nagapuyat ako kagab-i. Galaking sugat n’ya.(Titingnan si Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga at mapapahalinghing si Tony.) Doming : Kilala mo siya, Bok? Bok : (Sabay iling) De-hin. Kung ibig yo gigisingin ko… Doming : Ba, ‘wag!, (Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na. Tony : (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang nararamdamang sakit) M-ma—gandang umaga senyo… Ernan : Gayundin sa ‘yo. Este, ano nga’ng - ? Tony : (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony ho’ng pangalan ko. Tekayo!Kayo si Ginoong Ernani Alba, di ho ba? Ernan : Ako nga. Tony : Nababasa ko’ng inyong mga akda. Hanga ako senyo! Ernan : Salamat, Tony. Bok : (May pagmamalaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en only Bok –alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang. Marai padrino. Yeba!… (Mangingiting makahulugan ang lahat.) Tony : Haharapin si Doming; malumanay) Kayo? Doming : Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas . Bok : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? … Bahala na? … Pawang iling ang itutugon niTony.) Beri-gud Ginsama ka a ‘ming Batsi Gang, ha? Tony : Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga gang, sa mga barkada. Dahil sa barkada’y –heto, magdadalawang taon na ‘ko dito sa Big House. Ernan : Mukhang makulay ang … Pewede ba Toning kahit pahapyaw ay ibida mo sa ‘min ang iyong buhay? Bok : (Bago makapangusap si Tony) Holdi’t,Tony boy! … Ba’t nagalaslas ang imong tiyan,ber? At… teribol yang blakay mo. Yawa. Doming : (Mapapansin ang pangagasim ng mukha ni Tony) Makakaya mo ba,Tony? Tony : (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy kagabi.Nang hindi ako sumama’y sinuntok ako. Mabuti kanyo’t nailagan ko’ng saksak dito (sabay turo sa kaliwang dibdib), kundi’y … nasirang Tony na ‘ko ngayon. Pero ang di nailaga’y yung sakyod ni Pingas … Nagpatay-patayan lang ako kaya … Aruy!
  • 364 Ernan : Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang napatay. Tila lima ang patawirin. Ang iba’y nahuli. (Sa sarili) A,kalayaan, sa ngalan mo’y kay raming humahamak sa kamatayan ! (Kay Tony ) mabuti’t tumanggi ka, Tony, kundi’y … ‘tay kung masakit ‘yan ay saka na. Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito … (Hihinga muna nang mahaba.) Mula nang madala ko rito, e nag-iba na’ng takbong … Naisip kong walang ibubungang mabuti ang kasamaan … Malaki’ng utang na loob ko ke Padre Abena … sa aking pagbabago… Totoo nga naman, walang utang na hindi pinagbabayaran …. Me parusa sa bawat kasalanan! Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony! Bok : (Ngingiti – ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa himig nagmamagaling) No dais, Tony, kun sila malalaki naganakaw milyun –milyun, ba. Sigi lang, ‘adre. Basta mi lagay. Basta mi padrino! Tony : Me relihiyon ka ba, Bok? Bok : (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala kwenta ‘yan. Hm, dami, dami nagasimba, pero ginluluko sa kapwa. Dami gadasal, pero gin-nakaw, gin-ismagel,yawa. Doming : Mabuti pay ‘way na tayo maghusap tungkol sa relihiyon. Ernan : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay masyadong kontrobersyal. Paris ng iba’t ibang ismo, kaya … di dapat pagtalunan. Tony : Pero, Mang Ernan, ba’t tayo matatakot magtalo? Kung walang pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong di nagkakaisa’y pirming nag- aaway. Ernan : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y dapat lamang sa taong malaki ang puso; hindi sa mga maliit ang pinagkukunan. Pero … pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba, may kakaibang tilamsik ang iyong diwa. Tony : Elementarya lamang ho ang natapos ko. Doming : Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita. Bok : Ber, ber, mga pare! ‘Yung istorya ni Tony! Tony : Iimbitahin kita , Bok, isang araw, sa klase namin nila Padre Abena. Marami kang mapupulot doon. At pakikinabangan. Tiyak. Bok : No ken du! Kun naytklab pa, olditaym! Tony : (Matapos makitang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya) Buweno…Ako’y buhay sa ‘sang karaniwang pamilya sa Tundo.
  • 365 Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero malakas uminom ng tuba. At mahilig sa karera. Napakabait ng Nanay ko. Kahit kulang ang iniintregang sahod ni Tatay e di siya nagagalit, paris ng iba. ‘Sang araw e nadiskubre ni Nanay ang lihim ng Tatay ko; meron siyang kerida . Natural, nag-away sila … Umalis si Tatay . Iniwan kami. Awa naman ng Diyos e natapos ko rin ang elementarya. Balediktoryan ako… Bok : (Sisingit) Balediktoryan? Siga ka. Yeba! Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang solo kong kapatid na babae. Malubha si Nanay. Naospital siya… Naghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang din, kasi mahal ang lahat … Nakakahiya pero … dahil sa barkada’y natuto akong mandukot, mang – agaw, magsugal. Naglabas-masok ako sa Welfareville … Inilipat ako dito pagkatapos … Santaon na lang ang natitira sa senten’sya ko… A, ang tatay ko ang may sala ng lahat! … Mabuti nama’t idinistino ako ni Direktor sa ‘ting library. Nakapagbabasa ako roon. Mahilig akong magbasa ng – Ernan : Magaling. Ang pagbabasa’y nakapagpapayaman ng isip. Sabi nga ni Bacon ay “Nakalilikha ng tunay na lalaki ang pagbabasa…” Tony : Mahilig din ho akong magsulat. Doming : Teka muna, Tony! Hanong nangyari sa Tatay mo? Tony : Mula nang umalis siya’y di na namin nakita. O nabalitaan kaya. Kinamuhian ko siya nang labis. Ernan : Huwag naman. Hindi tama ‘yan. Ang ama ay ama kailanman. Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo? Tony : Ayoko na siyang makita pa! Bok : Gaisip ko reliyuso ka. Ba’t ngani…? Tony : ‘Di ba maliwanag? Si Tatay ang nagwasak ng aming tahanan. Siya’ng dahilan ng pagkaospital ni Nanay. Ng pagkamatay ng aking kapatid… ng aking pagkakaganito! Ernan : Kung sabagay ay madaling sabihing “lumimot at magpatawad.” Subalit may kahirapan itong isagawa. Gayunmay’y walang hindi napag-aaralan, kung talagang ibig. Ako? Di ninyo naitatanong ay nagawa ko ring patawarin ang mga naghangad ng aking pagbagsak. Tony : Malaki ang inyong puso, Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng inyong puso. Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng iyong tingin. Pambihira kayo. Ernan : Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong kasawian ay ang di pagkakaroon ng anak?
  • 366 Tony : Biyudo kayo? Ernan : Hindi, buhay ang aking asawa. Mabait siya. Maunawain. Mapagmahal. Mapagkakatiwalaan. Pero ang mag-asawang walang anak (Magbubuntunghininga) …napaka … hindi ganap ang kanilang kaligayahan. Doming : Hilang taon na kayo, Mang Herman? Ernan : K’warenta’y singko na. Bok : Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na, gaaanak pa. (Maikling tawanan.) Tony : Ga’no na kayo katagal dito, tabi ? … Ernan : Nakakaisang taon na ako. May isa pa. Alam n’yoy kuwestiyon de prinsipyo ang ipinasok ko rito. Binayaran ko lang yung multa. – na sabi nga ni Bok ay tsiken pid lang – ay ligtas na ‘ko sa pagkakabilanggo. Tony : E bat naman kayo namultahan? Ernan : Kakaiba ang aking pagkamakabayan. Isang araw ay sinunog ng isang kapisanang pinangungunahan ko ang maraming aklat na imoral, mga aklat kasaysayang mali-mali ang mga ulat, mga nobela, komiks at magasin at iba pa na nakaw lang sa iba ang nilalaman… Nahabla kami. At namultahan ng hukuman. Dahil nga sa prinsipyo’y inibig ko pang pabilanggo. Malaya naman akong nakapagsusulat dito, kung sabagay. Tony : Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami kung ibig sulatin kasi, e. Ernan : Tulad ng isang beteranong mag-aalahas, agad kong nakikilala ang batong may mataas na uri … Ituturing kitang parang tunay na anak. Mapapamahal ka rin sa king mabait na maybahay… Meron din kaming ilang ari-arian … pag-aaralin ka namin. Tony : Ke buti n’yo! . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pag – aaralin din daw ako. Pero…nakakahiya na atang pumasok sa klase. Baka tawanan. Ernan : Ang karunungan, iho ay walang kinikilalang edad. Ang totoo’y walang katapusan itong pag-aaral ng buhay ng tao. Tony : Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan. Ernan : Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan, kapangyarihan. Walang marunong na nagkakaanak ng alipin. Tony : Wala ring kuwenta ang masyadong marunong. Paris ni Rizal, binaril – Ernan : Iba ang kanyang panahon, iho. Pasalamat tayo’t dahil sa kanyang pambihirang katalinuhan ay nabago ang takbo ng
  • 367 ating kasaysayan. Kailangan natin ang marunong na lider, Tony. Yaong taong matalino na’y makabayan pa. Hindi gahaman sa salapi’t karangalan. Hindi mapagsamantala yaong walang colonial mentality. Bok : Kalunyal mantiliti? Anu ‘yun? Ernan : Diwang alipin, Bok. Pamamanginoon sa mga dayuhan. Walang sariling paninindigan.Wal- (Kagyat na matitigil dahil sa naririnig na takatak ng sapatos.) Bantay!… (Habang dumaraan ang may edad nang tanod ay walang imik sa magkakasama.) Bok : (Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso pang bu-ang! Gaisip seguro magatakas tayo.Yawa. (Tawanan) Pano ngani?… Mi trangkaso… Lumpo (Titingnan si Doming) …Almoranas (Susulyapan si Mang Ernan) . . . Galaslas ang tiyan? Ingungususo si Tony.Tawanan na naman.) Tony : Maiba ‘ko, Mag Ernan. Ba’t kayo naospital? Ernan : Hindi naman. Doming : Sang tanong, Mang Ernan. Nagagawa bang makata? Ernan : Isinisilang sila, Doming …. Maalala ko nga pala! Di ba’t ikaw Tony ang tumula nang dumalaw itong minsan ang Presidente? Tony : Ako nga ho. Ernan : Ang binigkas mong tula’y – Tony : Pilipinas, ke gandang tula. Alam kong kayo’ng gumawa niyon. Ernan : Ibig kong malaman mo na ang tulang iyo’y kasama sa lalabas kong aklat ng mga piling tula… kabilang na roon ang mga sinulat ko rito. Doming : Hanong pamagat? Ernan : Sinag Sa Karimlan. Tony : Sinag sa Karimlan? Wow, gandang pamagat! Bagay na bagay sa saaa … atin dito! Kelangan ng mga nasa dilim ang sinag. Ang liwanag! Ernan : Walang taong hindi nalalambungan ng dilim. Lubhang makapangyarihan ang karimlan! Subali… naitataboy ang dilim! Tony : Sana’y mabasa ko ‘yon!… Ernan : Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba. Bok : (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag pangkaisipan na ang paksa)Ber, ber, Doming! Gin istorya mo naman pare…. (Titingnan at tataguan ng iba si Doming, bilang pagayon sa pahiwatig ni BOK) Doming : Ako’y ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon. Sang haraw, buat sa hisang prubins’ya hay muwi ako dail sa bagyo. Magugulat pero matutuwa ning asawa o, sabi ko. Sa kusina
  • 368 hako nagdaan. Pero hanong nakita ko? Sus, hang asawa ko’t matalik na kebigan hay…Uling-uli ko sila . Nagdilim hang aking tingin … Binaril ko’ng traydor nang tumalon sa bintana… Napatay ko siya. (Mapapasandal sa dingding pagkatapos). Tony : At nabilanggo ka dahil doon? Bakit ganon? Doming : Hewan ko nga ba. (Magbububuntunghininga) Ernan : Nakikiramay kami sa ‘yo, Doming …. Alam mo Tony, ang bilangguan ay hindi lamang para sa mga nagkakasala . Ito’y para rin sa mga sinamaang palad. Sa mga kawawa. Sa walang malakas na naa…padrino, sabi nga ni Bok. Bok : (May pananabik) Ber, ang imong waswas ? Seksi? Doming : Para sa haki’y siyang pinakamaganda sa ‘ming bayan. Kinuha s’yang mag-hartista. Marami kong naging karibal sa kanya! Tony : “Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam na ang paglililo’y nasa kagandahan ” Sino nga, Mang Ernan, ang nagsabi niyon? Ernan : Si Balagtas, iho, ang “Sisne ng Panginay” Doming : Hang sama, ng loob ko’y ‘yung pinakamatalik ko pang kebigan hang…(Haharapin si Tony.) Binata ka pa, Tony, hano? … Ikaw, Bok, binata rin? ‘Wag kayong pakakasal sa masyadong napakaganda. Bok : A, p’wee sa akon gano. Todas lahi sila lahat pag ako ginaliko, hm… Ernan : Kaya nga salungat ako sa sinabi ni Keats na “A thing of beauty is a joy forever.” Dahil sa kagandaha’y daming tahanan ang nawasak at patuloy na mawawasak. Daming pagkakaibigang napuputol. Daming kataksilang nangyayari! …. Kung totoong nagbibigay ng inspirasyon ang kagandahan, totoo ring lumalason ito. Pumapatay! Bok : Asan ngayon ang imong misis Dom? Tony : Magsasama kayo uli? Paglabas mo? Doming : Indi na. Hisinusumpa ko! Bok : Ilan ang imong anak? Sino gid gaalaga? Doming : Wala. “Yung panganay namin ay namatay sa eltor. Ernan : Tungkol sa kaibigan. Sadyang mahirap silang harapin. Lalo na ngayong namamayani ang diwa ng materyalismo. Ng pagpapalaluan. pagkukunwari. Ba, kakailanganin ang maraming Diogenes! (Dahil a hindi lubos na maunawaan ni Bok ang marami sa kanyang naririnig, mahihiga na siya’t magbabalot ng kumot.) Tony : Pa’nu hu makikilala ang tapat na kebigan?
  • 369 Ernan : Maraming paraan diyan. Subalit ang pinakamabuting pagsubok ay sa mga oras ng kagipitan. Ng pangangailangan. Nang pangungulila. Walang pagkukunwari ang tapat na kaibigan. Lagi siyang handang magbigay. Magpakasakit. Tony : Paris ni Damon at Pityas, ano ho ? … Ba’t nga kaya napakaraming mapagkunwari? Ke raming marumi na naglilinis- linisan . At meron pang kaya lang nagbibigay e dahil me inaasahang tubo o gantimpala. May – Ernan : “ – nagmamalukong ay kubaw; may nagmamatulis ay pulpol.” Tony : Me kunwari’y nagkakawanggawa, pero saan ba’y ibig lang maperyodiko ang kanilang retrato o pangalan. Ernan : Kaya nga kaibigan natin ang moral regeneration pagbabagong –buhay. Doming : Napapansin kong alos pare-ong pare-o hang takbo ng hisip mo, Tony , ke Mang Ernan. Tony : P’wera bola, Doming! Malayong – (Mauuntol ang sasabihin dahil sa paglitaw ni Padre Abena ) Aba si Padre Abena ! Magandang umaga po Padre. P. Abena : Magandang umaga sa inyong lahat. (Karaniwan lamang ang taas ni Padre Abena. Isa siya sa pari ng Bilibid. Mag- aapatnapu na siya, Maamo ang kanyang mukha at malamig ang tinig. Nakasutana siya. At nakasalamin habang lumalapit ) Tony, totoo bang? … may sugat ka sa tiyan ! .. sa braso! May blak-ay ka! Bok : (Maliksing babangon) kondi magapatay-patayan ‘yan, Padre tay-pa na . Tony : Totoo po’ng sabi ni Bok, Padre. Ganon nga ‘ng ginawa ko kaya lang iniwan ng mga tigasin. P. Abena : Laking pagsisi ngayon ng mga nabigong mapupusok. Tony : Sadyang walang unang sisi, Padre, E-e-e- … pa’no po ngayon , Padre maaabsen ako sa ‘ting klase? P. Abena : Ow, huwag mong intindihin yun, anak. Ikaw naman ang pinakamarunong sa lahat, a…Natutuwa ako’t hindi ka naganyak sumama kagabi. Tony : Padre, hindi ko mamantsahan ang inyong pagtitiwala sa ‘kin! Gayundin ang ke Direktor. P. Abena :Salamat, anak. Huwag kang makalimot sa Diyos Ang tumatawag ay dinirinig. Ang napakupkop ay tinatangkilik. Tony : Padre, ke buti-buti n’yo ! … Siyanga pala, si Mang Erna’y ibig ding …Wala raw silang anak.
  • 370 Ernan : (Maagap) Totoo, padre, ang sinabi ni Tony. Gayunma’y kung may usapan na kayo’y… Padre, kami ng maybahay ko’y labing limang taong umasa, nagnobena, namintakasi upang magka- anak, subalit…Aywan ko ba kung bakit agad akong nagkaamor kay Tony. P. Abena :Talagang isa sa marami ang batang iyan . Masunurin siya. Matulungin.Mapagkakatiwalaan at matalino. Balak ko sanang pagpariin siya dangat ibang kurso ang kanyang ibig. Natutuwa ako’t kayo’y – Tony : Padre, posible po bang magkaroon ng dalawang ama-amahan? P. Abena : Bakit hindi ? Mabuti nga’ng gayon at maraming titingin sa ‘yo. Pagdating naman ng araw ay… kagustuhan din ng tatay mo ang mangyayari. Tony : (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre Sinabi ko na senyong wala ‘na akong Tatay! P. Abena : Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong nasugatang damdamin. May lambong ka pa ng karimlang … A, ‘di na nga bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat mo, Tony? Tony : Sabi ng doktor e di naman daw napinsala ang aking bituka. P. Abena : Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong maggagagalaw at nang hindi dumugo. (Sa bahaging ito’y aalingawngaw ang isang malakas na pagpapagibik buhat sa ibang panig ng ospital. Matatahimik ang lahat at makikinig sana) “Tubig! Tubig! Mamamatay na ‘ko sa uhaw! Tubiggg! P. Abena : Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang nagpapagibik na ‘yon.(Susundan ito ng alis .) Lahat : Adyos, Padre. Tony : ( Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng paring tulad niya …Matutupad din ang pangarap kong makapag-aral … kung sakali… Ernan : Sadyang mabait si Padre Abena. Sana’y paris niya ang lahat ng alagad ng pananampalataya … Pero, tingnan mo, Tony: sa karamihan ng kanyang gawain ay hindi mo siya makakapiling sa lahat ng oras, samantalang ako … Tuturuan kita ng pagtula. Ng pagsulat. Pananalumpati. Pag – aaralin kita hanggang ibig mo. Kailangan naming mag-asawa ang tagapagmana. Tony : Paumanhin ho, Mang Ernan… Bukod sa makata, ano ho ba’n – Ernan : A, ako’y peryodista. Propesor din ako sa isang unibersidad sa Maynila. Kaanib sa ilang samahang pangwika, pangbayan, pangkultura … May malaki akong aklatan –magugustuhan mo
  • 371 …. Guro naman sa piyano ang aking maybahay. Magkakasundo kayo. Teka, ayan na’ng ating butihing angel! ((Titigil sa pagsasalita pagkatanaw sa pumapasok na nars. Magbibigay galang ang lahat. Ilalapag ng simpatika’t batang-batang nars ang lalagyan ng mga gamot. Isa-isa niyang titingnan ang temperatura ng naroong apat na pasyente. Hindi iintindihin ang may paghanga’t pagnanasang tinging iniuukol sa kanya – lalo na si Bok. Alam niyang sa kaharian ng mga lalaki, ang pangit mang babae ay nagiging pulot gata. Aalis siya pagkabigay ng kaukulang gamot sa mga may karamdaman) Bok : (pagkatalikod ng nars) Wow! Talagang da-magan si Miss Reyes! Kung magaibig lang siya ngani sa akon, pero … ginsama ang akon record. Yawa. Tony : Bok, si San Agustin , bago naging santo ay naging isang pusakal munang magnanakaw … Tandaan mo’to, Bok. Higit na marangal ang masamang bumuti kaysa mabuting Sumama. Bok : Galalim man ang imong Tagalog! Ernan : Malay natin, baka maging santo ka rin, Bok (Tawanan) Bok : (Matatangay na rin ng biruan) Tama ka Mang Ernan. San Bok (pagdadaupin ang mga palad sa tapat ng dibdib, titingala ng bahagya at pipikit ) … santo santo gid ng mga holdaper! .. Nakakahiya, yawa. (Tawanan na naman.) Ernan : P’wera biro, napansin kong may ibig sabihin ang tinginan ni Tony at Miss Reyes. Lalaban ako ng pustahan na … (Haharapin si Tony.) Magtapat ka Tony, may pagkakaunawan na kayo ni Miss Reyes, ano? (Ngingiti lamang ng makahulugan si Tony at ang palihim na pag-sang-ayon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay mapapansin din nina Bok at Doming.) Bok : Jackpot ka, Tony boy! Tsk, tsk, talaga man materyales pwerte si Miss Reyes. Inggit ako sa imo. Doming : Listo ! Ayan na naman hang-tay-ban! Darating ang dati ring tanod.) Tanod : (Sa may pintuan) Antonio Cruzada! Tony : (Itataas ang kanang kamay) Sir! Tanod : Miron kang bisita, adding. Tony : Bisita? Asan Sir? Sino ho siya? Kilala ba n’yo sir? Tanod : Iiling at susulyapan si Mang Ernan) Siguro sing, idad sa kanya. Doming : Kuwarentay singko. Tony : Papunta na ba rito, sir?
  • 372 Tanod : Wen adding. (Aalis. Lalabas sa pintuang pinapasukan.) Tony : (Kunut-noo) Sino kaya ‘yon? … Ba, siya ang una kong dalaw sa loob ng dalawang taon. Ernan : Baka … Tatay mo na ‘yun, Tony) Doming : Baka naman hisang kamaghanak. Bok : (Mapapabangon na naman) G’wapo bang imong derpa? Paris moTony? Tony : (Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunawaan ang tanong ni Bok; sa sarili) Pa’no niya malalamang narito ako? …. Anim na taon!… City Jail … Welfareville … Muntinlupa… Imposible! Hindi. Hindi maaaring siya! (Halos pasalubong) Huwag Mo pong itulot,Diyos ko! Ernan : Sino man’yon ay may kapit siya. Kung di’y ‘di siya makatutuloy dito. Ayun! Siya na Siguro ‘yung dumarating! (Papasok si Mang Luis, ang ama ni Tony. Kasama niya ang dating tanod. May kataasan si Mang Luis, nakasalamin siya ng may kulay. Mababasa sa kanyang anyo na siya’y dumanas o dumaranas ng maraming suliranin. Isang manhid na barong tagalog ang kanyang suot. Sunog ang kanyang balat, gayun may halata rin ang kanyang kagandahang lalaki. Mag-aapatnapu pa lamang siya subalit mukha nang lilimampuin. Pagagalain niya ang kanyang sabik na paningin. Pagkunwa’t ituturo naman ng tanod para sa kanya ang pinaghahanap na hindi kaagad mamumukhaan. Pagtatama ng kanilang tingin ang anaki nakatanaw ng multo si Tony. Akibat ng matinding tuwa at pananabik ay pasugod na lalapit ang ama sa anak.) Luis : (Madamdamin) Tony, anak ko! …(Walang imik na pagyayapos ang tila natatandaang si Tony. Magpapalipat-lipat ang kamay ng naluluha sa galak na ama sa buong katawan ng mutyang anak. Pagkaraan ng ilang saglit sa gayong ayos ay pabigla at walang kibong magwawala si Tony. Kahit nakararamdam ng kirot at tatayo siya’t uurong ng ilang hakbang. Tutop niya ang sugat sa tiyan. Tiim ang kanyang mga bagang, may apoy sa mata at iaalon ang kanyang dibdib. Mapapansin ni Mang Luis ang mga sugat at “black-eye” niya.) Luis : Anak ko, napano ka? (Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang pananalim ng kanyang sulyap, ang panginginig ng kanyang ugat sa kalamnan ng kanyang panga, ang paninikip ng kanyang dibdib. Samantala’y walang kibuan ang lahat, bagaman mataman silang nagmamasid at nakikiramdam)
  • 373 Luis : Tony, magsalita ka, anak ko. Hindi ka ba natutuwang ako’y makita? Pagkaraan ng may anim na taon? (Buhat sa kinatatayuan ay hindi rin iimik o titinag si Tony. Unti- unti siyang lalapitan ng ama.) Tony : Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag! Luis : (Matigigil!) Anak, di mo ba … Ako ang Tatay mo… Tony : (Palibak) Tatay? … Hm, ang nakilala kong ama’y anim na taon nang p-p patay ! Tony : Sayang lang ang inyong pagod! Luis : Lalapit pa ng isang hakbang; titigil) anak, patawarin mo ‘ko… Tony : Inuulit ko: wala na akong,, ama! …. (Lilingon sa gawi ng bintana.) Mula nang iwan n’yo kami dahil sa ‘sang – Tony :(Magpapatuloy na hindi alumana ang sinabi ng ama) Dahil sa kerida’y sapin-saping hirap ang aming dinanas …lalo na’ng aking Nanay … Pati pag-aaral ko’y natigil …Ano’ng gagawin ko? Me sakit si Nanay … Me sakit si Baby … Nagkasangla-sangla kami … At nang lumao’y wala nang ibig magpautang sa ‘min … ‘Sang araw e napilitan akong …Nang– agaw ako ng bag. Nahuli ako. Nagmakaawa ako at pinatawad naman. Subalit …. nang dumating ako sa - amin ay … (mababasag ang tinig) patay nang kapatid ko! Sa tulong – Luis : Nahihilam na sa luha) Tony, husto na ! … U-utang na loob … A-a alam ko na’ng lahat! … Tony : (Hindi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga kapitbahay e nailibing din si Baby… Naospital si Nanay … Walang ibig kumupkop sa ‘kin … Baka raw me T.B. rin ako … Ako’y naging kanto boy, nabarkada, hanggang … Natuto ako ng iba’t ibang paraan ng pagnanakaw … Natikman kong matulog nang walang unan …magtago sa ilalim ng tulay … Bok : (Mabilis na papatlang) Tsiken pid ‘yan, Tony! Tony : (Wawalaing – bahala si Bok) Subalit me wakas ang lahat … Mula sa city jail e nalipat ako sa Welfareville. Naglabas- masok ako ro’n … Nang magdisiotso ako’y heto …Magdadalawang taon na ‘ko rito … (Hihinga ng mahaba at malalim . Tutop pa rin ng kaliwang kamay ang sugat. Biglang haharapin nang tuwiran ang lumuluha’t mistulang korderong ama. Makapangyarihan.) Kayo na dapat kong tawaging ama ay tinatanong ko: Mangyayari kaya ang nangyari sa ‘ming mag- iina kung kayo’y tumupad senyong tungkulin?… Luis : H-hindi ko na – hindi ko na kayo iiwan … K-k kelanman ! Tony : Pangako, hm … Daling sabihin, daling sirain…
  • 374 Luis : Nagbalik ako upang – upang pagsilbihan kayo habambuhay … Tony : (Patuya) Ba’t di kayo bumalik senyong magandang kerida? Luis : (Lipos pagpapakumbaba) Iniwan n’ya ako – ang taksil! – nang hindi ko na masunod ang kanyang kapritso … Salamat sa kanyang ginawa at nagliwanag ang nalabuan kong isip. Ngayo’y – Tony : Huli na ang lahat! Luis : Ang sakit mong magsalita, anak…alam mo bang limang buwan kitang pinaghahanap?… At nang malaman kong narito ka’y nilakad kong … Nangako si Senador Bigat na mabibigyan ka ng parole. Tony : (Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang huling sinabi ng ama) Ewan ko kung si Nanay e buhay pa o patay na. (Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang kasawian! Aru-aruuuyyy! Luis : Buhay ang nanay mo, anak. Nagkita na kami. Magaling na siya. Tony : Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos! Luis : (Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony) Pinatawad na n’ya ako. At nagkasundo nga kaming hanapin kita. Anak, magsama-sama tayong muli! Tony : Mahal ko si Nanay, ngunit kayo… Ibig ko pang mamatay kesa sumama sa senyo! Luis : (Mawawala ang pagtitimpi at paghaharian ng damdaming – ama. Isang matinding sampal ang ibibigay kay Tony). Durugo ang bibig ng huli. Sa bahaging ito’y nganingani nang lundagin ni Bok si Mang Luis danga’t makakambatan siya ni Mang Ernan na huwag manghimasok. Sa sandaling ito’y nakatalikod naman at nasa may labas ang tanod. Mapagwawaring ang nagawang kabiglaan, mabilis na lalapitan ang anak. Iigtad naman si Tony.) Patawarin mo ‘ko, anak! Tony : (Matapos pahirin ang likod ng palad and dumudugong bibig) Lalo lamang ninyong pinalalayo ang ating daigdig! (Mabilis na tatalikod.) (Tigib-pagsisisi at panunumbat sa sarili, walang malamang gawin o sabihin si Mang Luis. Naroong pisilin ang mga kamao; naroong muling tangkaing lapitan ang nagmamalaking anak; tanawin sina Mang Ernan na parang nagpapahabag at nagpapatulong. Wala namang imikan ang nangamamasid. Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan. Titigil sa may pintuan upang linguni’t pag-ukulan ng may pagmamahal sa titig si Tony. Wala namang kamalayan ang nagugulumihanan ding si Tony sa mga ikinikilos ng
  • 375 kanyang ama. Muling babalikan ni Mang Luis ang nakatungong bunso subalit hindi maisasagawa ang balak na pagyapos dito. Mapapabuntunghininga na lamang at tiim-bagang na aalis. Magkakatitigan sina Mang Ernan, Bok at Doming. Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo sa gilid ng kanyang teheras Si Tony. Kagat niya nang mariin ang kanyang labi.) Ernan : (Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay, Tony, ay batbat ng iba’t ibang uri ng pagsubok. Ang tagumpay, kaya lalong tumitingkad ay dahil sa kakambal na pagpapakasakit. Ang lalaking tumatakbo sa mga pagsubok at hamon ng tadhana ay pinagtatampuhan ng tagumpay. Tony : Mang Ernan, kayo man ang nasa lugar ko’y – Ernan : Nauunawan kita, iho. (Titindig at aakbayan si Tony. Mahihipo ang dugong nagmumula sa sugat sa tiyan.) Dumudugo ang sugat mo! (Kay Bok) Pakitawag mo nga ang doktor…(Kay Tony) Mabuti’y mahiga ka. Siguro’y maaampat ‘yan. Tony : (Habang nahihiga) Walang anuman ito Mang Ernan. Bok : (Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na ng kumot) Hm… tsiken pid ‘yan. Doming : Sabagay, hakuman ‘yang nasa lugar ni Toni’y – hewan ko nga ba… Bok : Bilib gid ako sa imo… Gas-mati ka. Y-y-yeba! …. Ernan : (Habang bumabalik sa kanyang teheras; sa sarili) A, kung masusunod lamang ng mga tao ang Panalangin ni San Francsico ng Asisi, sana’y – Tony : Biglang mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang Ernan) Pagkaganda –ganda nga ng “Panalangin ni San Francisco” … Bathala, gawin Ninyo akong … kasangkapan … Kung saan may galit – Ernan : (Maagap) Bayaang nakapaghasik ako ng pag-ibig. Ang isang maganda pang bahagi’y ‘yung … “Nasa pagbibigay ang ating ikatatanggap … nasa pagpapatawad ang ating kapatawaran … “ Tony : (Mabilis) Mang Ernan… Madali ngang sabihing “Lumimot at magpatawad, “ ano ho? Pero, ar – ruyyy … (Mapipikit at aasim ang mukha. Hahawakan ang sugat sa tiyan.) Ernan : (Makikitang sa pag-aangat ng kamay ni Tony ay punung-puno yaon ng dugo) Tony!(Kagyat na nalalapitan ang binata at pagyayamanin.) Doming! Bok! Pakitawag n’yung doktor! O nars! Madali kayo! … Bok : Hindi pa rin mababakla; hindi titinag) Bals –wals ‘yan!
  • 376 Doming : (Patikud–tikod na lalabas subalit doon pa’y sisigaw na) Nars! Nars! Narrsss!…(Muling darating ang nars na nakarinig sa malakas na sigaw ni Doming. Agarang lalapatan ng pampaampat ng dugo ang sugat ni Tony. Samantalang nagamutan sila ay siya namang paglitaw sa may pintuan ng magkasamang P. Abena at Mang Luis.Walang imik silang magmamasid.) Nars : Sariwa pa’ng sugat mo, kaya huwag ka munang magsalita nang malakas. At huwag kang maggagalaw ha, Tony? Tony : Paglabas ko rito’y pupunta ‘ko senyong bahay, ha, Lyd? A, Miss Reyes pala! Nars : Sabi na’t puwera muna ang salita. Pag sinuway mo ‘koy … Sige ka, hm… Tony : Okey. (Pipikit dapwat muling didilat. Masusulyapan si P. Abena. Magpapalitan sila ng ngiti.) Nars : O, hayan , tapos na. Be good, ha, Tony? Promise? Tatango ang binata; hahanda siya sa pag-alis.) Tony : Maraming salamat, L-Ly – Miss Reyes. Hindi kita malilimot kelanman ! Alam mo na iyan … matagal na. ( Hindi pa rin nakikita ni Tony ang ama sapagkat natatakpan ito ng papalapit na pari.) P. Abena : Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes …. Mabait at masipag ang batang ‘yan. Paris mo… Tony : Siya nga po ang babaing handa kong … Bok : (Makahulugan ang ngiti) tingin ko’y ayos na Silang dal’wa, Padre. P. Abena : Hindi masama Pabor ako. Saglit na titigil; kay Tony, sa ibang tinig) Anak, ang tatay mo’y … nagkita kami. nakiusap siyang - Tony : Malilimutan ang lahat; mapapabagong bigla’t puputulin ang pagsasalita ng kausap) Padre! … Na naman? (Hindi mangungusap si P. Abena. Marahan na lang siyang mapapailing; subalit maagap namang maaalayan si Tony. Si Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan, ay mapapabuntung-hininga’t mapapakagat labi sa namamalas na katigasan ng anak. Mauuntol ang balak niyang paglapit. Si Miss Reyes naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay magaganyak na manood sa tagpong yaong may pangako ng kapanabikan. Lalapitan si Tony at masuyong pagsasabihan.) Nars : Tony, di ba’t sabi ko sa’yo’y huwag ka munang gagalaw ‘pagkat makasasama sa ’yo? Tony : Patawarin mo ‘ko, Ly – est, Miss Reyes.
  • 377 Nars : (Tatanguan si Tony) Patatawarin kita pero sa uli-uli’y.. Sige, higa na. (Susunod na sana si Tony subalit magkakatama ang tingin nilang mag-ama. Matagal silang magkakatinginan. P. Abena :(Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes, nakapagpapatawad…. (Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na katahimikan . Walang kakurap-kurap, at halos hindi humihinga sina Mang Ernan sa pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng mukha ni Tony ay makikitang may luha sa kanyang pisngi. Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan- dahan siyang lalapit sa bunsong ngayo’y nakayupyop sa bisig ni Padre Abena. Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng butihing pari ang ulo ni Tony at siya’y unti-unting uurong upang mabigyan ng ganap na kalayaan ang mag-ama. Ngayo’y may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. May kakaiba ring ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At sa isang kisap-mata’y mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo, madamdamin, mahaba ang kanilang pagyayakap. Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may bakal na pusong si Bok ay mapapakagat-labi’t mapapatungo ng marahan. Pagdaraupin naman ni Padre Abena ang mag-ama, titingala ng bahagya at pangiting bubulong.) Nagustuhan mo ba ang dulang iyong binasa? May nabago ba sa iyong saloobin at pananaw sa buhay matapos mong mabasa ang dula? Kaugnay ng akdang ito, iba’t ibang gawain ang inihanda ko para sa iyo. Higit nitong mapalalawak at mapalalalim ang iyong kaalaman.
  • 378 GAWAIN 2.3.2.e: Kasingkahulugan(Talasalitaan) Basahin ang mga pariralang hango sa dula. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Piliin sa ang kasingkahulugan ng mga ito at gamitin sa sariling pangungusap. Gawin sa papel. 1. nagbakbakan naman seguro. Pangungusap:____________________________________________ 2. masyadong kontrobersiyal Pangungusap:_____________________________________________ 3. nalalambungan ng dilim. Pangungusap:_____________________________________________ 4. paglililo’y nasa kagandahan Pangungusap:_____________________________________________ 5. walang pagkukunwari Pangungusap:_____________________________________________ naglabanan Mainit na pinag-uusapan natatakpanpagtataksil pagpapanggap nakakubli
  • 379 GAWAIN 2.3.2.f: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Bilang pagpapatunay na naunawaan mo ang iyong binasa, sagutin mo ang sumusunod na mga tanong/gawain. Isulat ang sagot sa iyong notbuk. 1. Ilarawan mo ang pagkilos, pananalita, saloobin at paniniwala ng mga tauhan sa dulang iyong binasa. Gawin mong batayan ang kasunod na tsart. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 2. Mga Tauhan PAGKILOS PANANALITA PANINIWALA SALOOBIN Tony Ernan Doming Bok 3. May katuwiran ba si Tony na itakwil ang kaniyang ama? Ipaliwanag. 4. Halimbawang nagkamali ka, paano mo ito maitutuwid? 5. Sa iyong palagay, bakit maraming tao ang napipilitang gumawa ng mga bagay na labag sa batas? 6. Kung ikaw si Tony, paano mo haharapin ang iyong ama sa likod ng kaniyang mga pagkukulang sa inyong pamilya? 7. Anong kalagayang panlipunan ang masasalamin sa dula? May pagkakatulad o pagkakaiba ba ito sa ngayon? Gawin sa papel. NOON KALAGAYANG PANLIPUNAN NGAYON
  • 380 8. Isa-isahin ang mga bahagi ng dulang “Sinag sa Karimlan” na nagpapakita sa katangian ng isang dula. Gawin sa papel. 9. Makatuwiran ba o di-makatuwiran na isisi ng isang tao sa kaniyang kapwa ang masaklap na nangyari sa kaniyang buhay? Bakit?Isulat sa papel ang sagot. 10.Sa iyong palagay, naging mabisang kasangkapan ba ng mga manunulat sa panahong ito ang Dula sa paghahayag ng kanilang damdamin, saloobin, opinyon at karanasan? 11.Anong uri ng Dula ang iyong binasa? Ilahad ang mga katangian nito. URI NG DULA MGA KATANGIAN - - -
  • 381 12.Tukuyin ang nais sabihin ng may-akda. Punan ang tsart. Gawin sa papel. Sa Sarili Sa Ibang Tao Sa Lipunang Ginagalawan Ang binasa at tinalakay nating akda ay isang halimbawa ng Dula. Maliban sa Sarsuwela na isa sa uri ng dulang pantanghalan na ipinakilala sa iyo sa naunang aralin (Panahon ng Amerikano), may iba pang mga uri ang Dula. Basahin mo ang kasunod na karagdagang mga impormasyon tungkol sa dula at pagkatapos gawin mo ang kasunod na mga gawain. Ang dula ay isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan ay naglalarawan ng isang kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. Gaya ng ibang katha, ang dula ay lumilibang, nagbibigay-aral, pumupukaw ng damdamin at humihingi ng pagbabago. Higit na nakapagpapakilos ang dula kaysa sa ibang akda sapagkat bukod sa naririnig ang mga salita, nakikita pa ang kilos at galaw sa tanghalan.
  • 382 Nakatulong nang malaki ang Dula sa pagpapasigla at pagpapaunlad ng panitikan sa Panahon ng Kasarinlan. Naging daan ito upang malinaw na mailarawan ng buo ang kulturang Pilipino at kanilang pangkasalukuyang kalagayang panlipunan. Naipakilala nila ang dula na hindi lamang para sa napakababaw na layuning magbigay kaaliwan kundi maaaring mabisang kasangkapan sa pagbibigay ng kamalayang panlipunan, sa paggising ng damdamin at sa pagpapakilos. Samantala, kaugnay nito ang pagiging interaktibo ng tao sa pagbibigay ng sariling opinyon o reaksiyon hinggil sa kaniyang naranasan, nakita o napanood, narinig at nabasa. Sa pagbibigay ng tiyak na reaksiyon sa mga ito, karaniwang humahantong sa pagsang-ayon o pagsalungat. Basahin ang mga impormasyon tungkol sa tamang paraan ng paggamit ng pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat. Ang anumang uri ng dula ay binubuo ng mga sangkap na nagpapatingkad dito kung kaya’t nararapat lamang na ang isang dula ay hindi magkulang ng sangkap sapagkat ito ang nagsisilbing haligi nito upang lalong makatayo nang buong husay at makulay. Ito rin ang nagdudulot ng kawilihan sa mga manonood. a) Tanghalan-lugar- kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa isang pagtatanghal; b) iskrip- itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula, lahat ng pangyayaring isinasaalang-alang o nagaganap sa isang pagtatanghal ay naaayon sa iskrip; c) aktor- gumaganap at nagbibigay-buhay sa dula, sila ang nagpapahayag ng mga diyalogo, nagsasagawa ng mga aksyon at nagpapakita ng mga emosyon sa mga manonood; d) direktor- nagbibigay ng interpretasyon at nagpapakahulugan sa isang iskrip; e) manonood- mga saksi o nakapanood ng isang pagtatanghal; f) eksena- ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo-ang pagpapalit ng mga pangyayari sa dula.
  • 383 Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat Isang paraan ito upang maging kapaki-pakinabang ang pakikilahok sa anumang usapan o pagbibigay ng mga pala-palagay, opinyon o ideya o kaisipan. Sa paraang ito, mahalagang malaman natin ang mga pananalitang dapat gamitin sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat. Sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat ay makabubuting pag-aralan o pag-isipan munang mabuti at magkaroon ng malawak na kaalaman ukol sa isyu. Iwasang gumawa ng desisyong hindi pinag-iisipan at maaaring dala ng desisyong itinutulak ng nakararami. Halimbawa: *Pahayag na karaniwang nagsasaad ng pagsang-ayon Sang-ayon ako. Tama. Iyan ang nararapat. Pareho tayo ng iniisip. Ganyan din ang palagay ko. Oo. Tunay *Pahayag na nagsasaad ng pagsalungat Hindi ako sang-ayon. Mabuti sana ngunit. Ikinalulungkot ko ngunit. Nauuwaan kita subalit. Bakit di natin. Ayaw Upang matiyak natin ang iyong pag-unawa sa tamang paraan ng paggamit ng pahayag na pagsang-ayon at pagsalungat, maaari mo ng sagutin ang hinihingi ng tanong/gawain . GAWAIN 2.3.2.i: Reaksiyon 1 / 1 Isulat ang reaksiyon ng mga tauhan sa pangyayari mula sa dula.Gawin sa papel. a.Pananaw ni Mang Ernan sa buhay b.Pagbabago ng kaisipan ni Tony sa kaniyang ama c.Hindi naibigan ni Bok ang ginawang pagsampal ng ama ni Tony d.Naging tugon ni Padre Abena sa ginawa nina Tony at Mang Luis
  • 384 GAWAIN 2.3.2.j: Ilahad Mo, Opinyon Mo Pumili ng isa sa sumusunod na paksa at ilahad ang opinyon mo hinggil dito. Gumamit ng mga pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat at salungguhitan ang mga ito. Sa tulong ng debate, ilahad ang iyong opinyon sa sumusunod na paksa. a. Dapat basahin at pag-aralan sa klase ang maikling kuwento at dula. b. Dapat magkaroon ng tamang batas para sa mga inosenteng indibidwal na nakukulong c. Dapat magkaroon ng pantay na karapatan ang babae at lalaki GAWAIN 2.3.2.k: Sumasang-ayon…Sumasalungat Suriing mabuti ang mga pahayag. Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba sa mga ito? Lagyan ng tsek ( / ) ang kahong katapat ng iyong sagot at saka ipahayag ang iyong pangangatuwiran sa patlang. a. Ang pagpapatawad ay mahirap gawin. Sumasang-ayon ako Sumasalungat ako Ang pangangatuwiran ko ay _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ b. Lubos na nakatutulong sa pagbabagong-buhay ng isang tao ang relihiyon. Sumasang-ayon ako Sumasalungat ako Ang pangangatuwiran ko ay _________________________________ ______________________________________________________________
  • 385 c. Ang tao ay sumasama dahil sa kaniyang kapwa. Sumasang-ayon ako Sumasalungat ako Ang pangangatuwiran ko ay _________________________________ ______________________________________________________________ GAWAIN 2.3.2.l: Halaga ng Wika Bakit mahalagang matutuhan mo ang tamang paraan ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat? Pangatuwiranan. Naging madali ba sa iyo ang pagsagot sa gawain? Alam kong kayang-kaya mo ito. Minsan pa ay magkaroon ka ng pagtataya sa iyong kaalaman sa mga naging aralin sa tulong ng sumusunod na gawain. GAWAIN 2.3.2.m: Ilahad…Pananaw Mo Ilahad ang iyong pananaw sa tanong na nasa loob ng bilog Masasalamin pa ba ang kulturang Pilipino sa mga dulang pantanghalan sa kasalukuyan? Naging mabisa bang kasangkapan ng mga manunulat sa paghahayag ng kanilang damdamin, saloobin, opinyon at karanasan ang pagsulat ng Dula?
  • 386 GAWAIN 2.3.2.n: Bisa sa Isip, Damdamin, Kaasalan Buuin ang pahayag batay sa bisang pangkaisipan, bisang pandamdamin at bisang pangkaasalan buhat sa dulang napag-aralan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Matapos mong mapalalim ang iyong pag-unawa sa aralin, handa ka nang ilapat ang iyong mga natutuhan sa susunod na bahagi. Bakit mahalagang matutuhan mo ang tamang paraan ng pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat
  • 387 GAWAIN 2.3.2.o: Buhay Ko, Buhay Mo Sa Likod ng Iskrip Subukin mo na ngayon ang panghuling gawain sa araling ito. Bilang pagtataya sa iyong natutuhan, isabuhay mo ito sa tulong ng gawaing ito. Bilang presidente ng Samahan ng Mandudula sa inyong paaralan, ikaw ay naimbitahang dumalo sa gaganaping seminar-worksyap tungkol sa “Dula at Dulang Tagalog sa Modernong Panahon”. Isa sa bahagi ng naturang seminar ang pagpapanood ng isang video clip tungkol sa buhay ng isang artistang nagwagi bilang pinakamahusay na aktres o artistang babae sa larangan ng indie film. Batay sa napanood, gagawa ka ng orihinal na iskrip na naglalarawan ng ilang pangyayari sa buhay ng naturang aktres at pagkatapos itatanghal ito sa gitna ng mga manonood bilang awput. Tatayain ito batay sa mga kraytirya: a) kaangkupan, b) makatotohanan, c) masining, d) orihinal, e) kaakmaan ng tunog/props/costume, f) taglay ang mga bahagi ng dula, g) kahusayan sa pag-arte at h) nagagamit ang pahayag ng pagsang- ayon at pagsalungat. Magaling! Naisagawa mo nang buong husay ang naturang gawain. Sa bahaging ito tapos na nating talakayin ang maikling kuwento at dula, mga panitikang maging sa kasalukuyan ay dapat na bigyang-pansin. Balikan mo ang naging mga gawain at ihambing ang iyong inisyal na ideya sa naging takbo ng talakayan. Ilan sa mga ito ang wasto? Kung halos lahat ay nakuha mo nang tama, binabati kita!. Kung hindi naman ay mayroon ka pang pagkakataon na muli itong balikan upang maiwasto ito. Ngayong alam mo na ang mahahalagang ideya/konsepto ng dalawang araling ito, ihanda mo naman ang iyong sarili sa susunod na gawain kung saan magkakaroon ng pagtataya kung paano mo naunawaan ang naging mga aralin.
  • 388 IlipatIlipatIlipatIlipat Layunin mo sa bahaging ito ang ilipat at isabuhay ang iyong natutuhan sa dalawang aralin. Tatayain ito sa pamamagitan ng sumusunod na gawain. Kumusta? Ano ang pakiramdam mo matapos mong magawa ang naturang gawain? Sabi ko na nga ba, kayang-kaya mo itong gawin. Nakumpleto mo na ang mga araling ito. Bago ka dumako sa susunod na gawain o bahagi, sagutin mo muna ang pangwakas na pagsusulit upang matiyak natin kung sapat na ang iyong kahandaan. Ikaw ay opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) ng inyong barangay na naimbitahang maging panauhing tagapagsalita sa gaganaping programa para sa Foundation Day ng iyong lungsod. Layunin mong makapaghatid sa kanilang kaalaman tungkol sa kultura at kalagayang panlipunan ng inyong barangay na katatapos lamang tanghalin bilang Most Outstanding Barangay ng Taon. Gagamitin mo bilang presentasyon sa inyong pagsasalita ang photo documentary na naglalarawan ng kalagayan ng kultura at kalagayang panlipunan ng inyong barangay sa kasalukuyan. Tiyakin mo na ito’y a)orihinal/awtentiko; b) malikhain; c) makabuluhan ang mensahe; d) may pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari at larawan; d) nagtataglay ng elemento ng masining na pagkukuwento; e) masining; at f) may wastong gamit ng aspekto ng pandiwa.
  • 389 X. Pangwakas na Pagtataya (Panahon ng Kasarinlan) Ano ang nalaman o natutuhan mo sa ating aralin? Ilahad ang naramdaman matapos itong matalakay. Pinatunayan mong muli na sa sariling sikap at tiyaga, malalampasan mo ang lahat ng pagsubok sa modyul na ito. Sa kabuuan, naunawaan mo na ang tungkol sa tulong na hatid ng panitikan sa pagtatamo ng damdaming makabayan sa Panahon ng Kasarinlan at sa kahalagahan nito bilang salamin ng kultura ng isang bansa. Oops, huwag ka munang bibitiw. Upang mas lalo pa nating malaman na ganap at malalim na talaga ang iyong pagkaunawa sa buong Modyul 2, muling pagnilayan, suriin,at sagutin mo ang mahahalagang konsepto nito na matatagpuan sa unahang bahagi. Matapos matalakay ang aralin, NALAMAN KO NA: 1. 2. 3. 4. Nakadama ako ng _____________________________________matapos mailahad ang aralin dahil: 1. 2. 3. 4.
  • 390 PAGNILAYAN AT UNAWAINPAGNILAYAN AT UNAWAINPAGNILAYAN AT UNAWAINPAGNILAYAN AT UNAWAIN Ngayon subukin natin kung talagang naunawaan mo ang mahahalagang konseptong nakapaloob sa modyul na ito na nais kong matandaan mo. Masasagot mo na nang tama kung bakit kailangang pag-aralan ang panitikan sa iba’t ibang panahon? Tunay ba na ang panitikan ay naging salamin ng kultura ng isang bansa? 1. Ibigay ang konseptong inilalahad ng graphic organizer. Pag-aralan mo ito nang mabuti. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat 2. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan sa mga panahong ito? 3. Nakatulong ba ang panitikan upang maging daan ng pagpapahayag ng saloobin, opinyon at katuwiran? 4. Ano ang natutuhan mo sa kabuuan ng araling ating tinalakay? Sagutin ito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga pahayag na nakasulat sa Speech Balloon. Gawin sa papel. Ang Pagkakatulad at Pagkakaiba ng mga akdang pampanitikan noong Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan (batay sa paksa, tema, layunin ng manunulat at uri ng akdang pampanitikan) Ang Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan ay may pagkakatulad… Ang pagkakaiba ng Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan ay… Ang Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan ay may pagkakatulad… Ang Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan ay may pagkakatulad…
  • 391 Nasisiyahan ako at nagagalak sapagkat natugunan mo ang lahat ng gawain na inilaan para sa iyo ng modyul na ito. Tunay na marami ka ng naipong kaalaman/impormasyon at higit na ang iyong kahandaan hindi lamang sa pagsagot ng modyul kundi higit sa mas makabuluhang patutunguhan nito. Bilang isang hamon, muli sikapin mong matugunan at mahigitan ang inaasahan kong magagawa mo sa susunod na bahagi. ILIPATILIPATILIPATILIPAT Binabati kita! At ilang hakbang na lamang at tapos na ang iyong paglalakbay sa modyul na ito. Ang layunin mo sa bahaging ito ay ilipat at isabuhay ang iyong natutuhan sa Modyul 2 sa pamamagitan ng pakikibahagi sa pagbuo at pagtatanghal ng isang video presentation na nagpapakita ng kulturang Pilipino na nananatili pa sa kasalukuyan, nagbago at nawala na. Unawain mong mabuti ang sitwasyon upang maisagawa mo nang buong husay ang gawain. Pagkatapos kong pag-aralan ang mga akdang pampanitikan na sumibol at umusbong sa tatlong panahon, napag-alaman kong ______________________________________________ __________________________________________. Naramdaman kong ________________________________________ ______________________________________________ __________________________________________. Dahil dito, naunawaan ko ang kahalagahan ng __________________ ______________________________________________ __________________________________kaya_________ ______________________________________________ ______________________________________________.
  • 392 Napakahusay ng iyong video presentation! Maipagmamalaki na kita! Nagagalak ako at natapos mo na ang araling ito. Inaasahan ko na marami kang natutuhan sa ating pag-uugnayan. Kaya bago ka dumako sa susunod na modyul, sagutin mo ang ating pangwakas na pagsusulit. Huwag kang matakot, kayang-kaya mo ito dahil marami ka ng alam. Isa sa nakatutulong upang mapasigla ang ekonomiya ng bansa ay ang pagpasok ng dolyar sa pamamagitan ng turismo. Marami ang nabibigyan ng trabaho. Kaya naman patuloy sa pagbuo ng iba’t ibang programa ang Departamento ng Turismo upang higit na maipagmalaki ang kulturang Pilipino sa buong mundo. Naglalayon na hikayatin ang mga turista na balik-balikan ang Pilipinas dahil sa kagandahang taglay nito. Bilang tagapangulo ng departamento ng lokal na turismo sa iyong probinsiya, layunin mo na hikayatin ang mga turista na balik-balikan ang Pilipinas dahil sa ating pamanang kultural. Kaya ikaw ay naatasan na bumuo at itanghal ang isang video presentation na nagpapakita ng kulturang Pilipino na nagpapatunay na “It’s More Fun in the Philippines” . Sa nasabing presentasyon ay makikita ang kulturang Pilipino na nananatili, nabago at nawala na sa inyong probinsiya. Ang presentasyon ay batay sa sumusunod na pamantayan: a) batay sa pananaliksik; b)makatotohanan; c)orihinal; d)malikhain; e) may kaugnayan sa paksa; f)napapanahon; g) taglay ang elemento ng pagbuo ng isang
  • 393 VII.PANGWAKAS NA PAGSUSULIT (para sa Modyul 2) Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng pagtataya kung paano mo naunawaan ang aralin. Sagutin ang sumusunod na tanong. Tiyakin na nabasang mabuti ang panuto upang masagot mo ito ayon sa isinasaad nito. Maaari ka nang magtungo sa bagong aralin kung maipapasa mo ang huling pagtataya subalit kung hindi naman ay babalikan mo lamang muli ang mga gawain. Huwag kang mag-alala sapagkat bahagi lamang ito ng proseso upang matiyak na naunawaan mo ang aralin. Pangkalahatang Panuto 1.Basahing mabuti ang bawat panuto sa pagsusulit. 2.Isulat ang sagot sa iyong notbuk. 3.Basahin at balikang muli ang mga tanong at ang iyong naging sagot upang matiyak na nasagot mo ang lahat ng katanungan at mapag- aralang muli ang iyong mga naging kasagutan. Simulan mo na ang pagsagot. 1. Sino ang tinaguriang ama ng maikling kuwento? a. Rogelio R. Sikat a. Deogracias A. Rosario b. Narciso Reyes c. Liwayway Arceo 2. Paano lubusang lumaganap ang Maikling kuwento sa Panahon ng Komonwelt? a. Nagkaroon ng samahan ng mga manunulat na tinawag na Panitikan. b. Nagkaroon ng paghihimagsik sa mga dayuhang manunulat c. Naglunsad ng mga makabagong pag-aaral sa pagsulat d. Ginawang instrumento ang pahayagang La Solidaridad ng mga kuwentista 3.Tinawag ni Alejandro G. Abadilla na “pagsasalaysay ng isang sanay.” a. salaysay b. komposisyon c. talumpati d. sanaysay
  • 394 4.Bakit ang sanaysay ang may pinakakaunting bilang ng sumusulat at bumabasa? a. Malayo ito sa damdamin ng madla b. Napakahirap nitong gawin. c. Dahil nagmula ito sa ibang bansa. d. Ang paraan ng paglalahad ay hindi tinatangkilik. 5.Paano naiiba ang sanaysay sa iba pang akdang tuluyan? a. Ito lamang ang may pangunahing tauhan na naaapi subalit lumalaban. b. Mayroon itong isahang yugto. c. Tumutugon ito sa interes ng buhay, sa panitikan at iba pang sining. d. Ito ay maaaring pormal dahil nagbibigay ng impormasyon at pamilyar dahil nang-aaliw. 5. Anong bahagi ng kuwentong nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapanabikan o interes sa mambabasa? a.kakintalan b.kasukdulan c.kakalasan d.wakas 7. Ano ang tawag sa mga pahayag o ideyang hindi lantad o hayag ang kahulugang nais iparating ng mga manunulat sa Maikling kuwento? a. simbolismo b. pahiwatig c. kakintalan d. larawang-diwa
  • 395 Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang masagot ang kasunod na mga tanong. 8.Anong uri ng tulang patnigan ang binasa? a. Balagtasan b. Duplo c. Karagatan d. Batutian 9. Sino kaya ang nagsasalita sa hinangong akda? a. May-akda b. Lakandiwa c. Mambabalagtas 1 d. Mambabalagtas 2 10.Anong sukat mayroon ang akda? a. wawaluhin b. lalabindalawahin c. lalabing-animin d. lalabingwaluhin 11.Anong paksa kaya ang pagtatalunan sa akda? a. kalakasan at kahinaan b. kayamanan at karalitaan c. pag-aaral o pag-ibig d. puso at isip Bago tayo magsimula’y akin munang ninanais Na batiin kayong dito’y naliliping matahimik. Nanalig akong kayo ay mayroon ding pananalig Na ang tao’y nabubuhay na may layo’t panaginip; Datapuwa’t sa ano mang hangad nila’t iniibig, Ay mayroong mag-uudyok, o kaya ay umuugit; Kung minsa’y ang ating puso, at kung minsan ay ang isip, Kaya naman iba’t iba ang wakas na nasasapit. Hango sa “Alin ang Dapat Maghari sa Tao, ang Puso at Pag-ibig o ang Isip at Katuwiran?” ni Bartolome del Valle
  • 396 12.“Utang na loob, Padre. Sinabi ko na seyong wala akong Tatay!” ang pahayag na ito ni Tony ay nagpapahiwatig ng _______________. a. pagngingitngit ni Tony sa ama b. pagkagalit ni Tony sa kalagayan niya c. pagtatampo ni Tony ke Padre Abena d. pagkainis ni Tony sa pangalang binanggit Tony :Padre, posible po bang magkaroon ng dalawang ama- amahan? P. Abena :Bakit hindi? Mabuti ngang gayon at maraming titingin sa’yo. Pagdating naman ng araw ay…magugustuhan din ng tatay mo ang mangyayari. Tony :(Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre. Sinabi ko na seyong wala akong Tatay! P.Abena :Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong nasugatang damdamin. May lambong ka pa ng karimlang…A, di na nga bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat mo, Tony? Tony :Sabi ng doktor e di naman daw napinsala ang aking bituka. P. Abena :Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong Maggagalaw at nang hindi dumugo. (Sa bahaging ito’y aalingawngaw ang isang Malakas na pagpapagibik buhat sa ibang panig ng ospital. Matatahimik Ang lahat at makikinig sa narinig “Tubig! Tubig! Mamamatay na ‘ko sa Uhaw! Tubig!) P. Abena : Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang napagibik na ‘yon (Susundan ito ng alis) Lahat : Adyos, Padre. Tony : (Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng paring tulad niya. Matutupad din ang pangarap kong makapag-aral kung sakali. Halaw sa akdang “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio S. Salazar
  • 397 13.Ang pandiwang may salungguhit sa pangungusap na “Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang napagibik na ‘yon.” ay nasa aspektong_____________ a. perpektibo b. kontemplatibo c. imperpektibo d. perpektibong katatapos 14. Ano ang tawag sa anumang usapan sa pagitan ng dalawa at maraming mga tauhan sa loob ng isang dula. a.usapan b.diyalogo c.salitaan d.eksena 15. Sino ang kinikilalang bida sa isang akdang pampanitikan? a. antagonista b. ekstra c. kontrabida d. protagonista
  • 398 “Ilang dantaong tayo ay napasakamay ng mga dayuhan. Naghirap at nagtiis. Ngayon, napasakamay na natin ang kalayaan at tinagurian na tayong malaya; subalit malaya na nga ba tayo…?” Unang hampas ang naramdaman mo nang ikaw ay hagupitin ng mga mananakop. Masidhing kirot ang dumapo sa iyo noon, at naganap ang unang latay sa iyong katawan. Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan ng tanikala, pinagdusa sa sarili mong bayan, pinaranas ng kalupitan, at paulit-ulit na pinapatay. Nagpasalamat ka sa mga puti nang silain nila ang iyong mananakop. Subalit nagkamali ka dahil sila pala ang papalit, ang pangalawang hampas. Muling bumahid sa iyong katawan ang latay, ikalawang latay na sa buong akala mo’y di na masusundan. Pinilit ka pa nilang palitan din ng Ingles ang wika mo gayong iyan ang inihandog sa ‘yo ng iyong Inang-bayan. Iyon ay di mo matanggap kaya lalong hinigpitan nila ang iyong tanikala. Dumating ang pangatlong latay, mas mabagsik, mas matindi kung humagupit kaya lalong namilipit ang iyong katawan. Sa panahong iyon ka dinusta pati na ang iyong lupang sinilangan. Iyon ang nagpabuhay ng iyong dugo kaya ikaw ay bumangon at lumaban sa mga tampalasang yumapak sa iyong bayan. Walang takot kang humarap sa kanila hanggang malagot mo ang tanikalang gumapos sa ‘yo sa loob ng apat na raang taon. Ngayon, ikaw nga ay malaya na. Wala na ang panlalait, wala na ang pandurusta, wala na ang paghihirap at wala na ang tanikala. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong isip. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. Ahh…hanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon. Mula sa “Latay ng Kahapon” ni Buenaventura S. Medina Jr.
  • 399 16.Anong kalayaan ang tinutukoy sa akda? a. politiko b. mananakop c. kahirapan d. pagpapahayag ng saloobin. 17. “Wala na ang panlalait, wala na ang pandurusta, wala na ang paghihirap at wala na ang tanikala.” Ano ang sinisimbolo ng salitang may salungguhit? a. bilangguan b. kalayaan c. sakit sa katawan d. kadena 18. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon? a. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong isip. b. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas. c. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. d. Ahh…hanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon. 20. Ayon sa akda, bakit lalong hinigpitan ng mga puti ang tanikala sa mga Pilipino? a. dahil sa pagpipilit na palitan ang wikang inihandog ng Inang- Bayan na malaon nang ginagamit b. upang lalong tanggapin ang mga dayuhan sa kanilang pananakop sa bansa c. sapagkat hindi matanggap ng mga Pilipino ang wikang Ingles na pilit na ipinapalit sa sariling wika d. dahil unti-unti na tayong nakalalaya na ayaw naman nilang mangyari
  • 400 21. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging malaya mula sa mga dayuhan sa kasalukuyan? a. pagtangkilik sa sariling produkto kaysa sa mga gawang dayuhan b. pagpapahayag ng sariling opinyon laban sa ibang bansa c. pagtangkilik sa produktong dayuhan upang masabing in d. pag-aaral sa wika ng mga dayuhan na makatutulong sa sariling pag-unlad Ngayon, tingnan mo ang iyong sagot sa pagtatapos ng modyul. Marami ka bang naging wastong sagot? Natutuwa ako at punong-puno ka ng kaalaman sa araw na ito! Alam mo ba na ‘di lamang sa Panahon ng Pananakop ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan lumaganap ang mga akdang pampanitikang natutuhan mo dahil sa kasalukuyan ay may tinatawag na tayong panitikang popular.. Gusto mo bang malaman ang mga ito? Ikaw, nasa uso ka ba? In ka ba ngayon? Kung oo, tiyak na makapag- aaral ka na sa ikatlong modyul na iyong pag-aaralan…ang Repleksiyon ng Kasalukuyan…Tungo sa Kinabukasan. Maligayang paglalakbay!!!
  • 401 MODYUL 3: REPLEKSIYON NgMODYUL 3: REPLEKSIYON NgMODYUL 3: REPLEKSIYON NgMODYUL 3: REPLEKSIYON Ng kkkkASALUKUYAN…ASALUKUYAN…ASALUKUYAN…ASALUKUYAN… TUNGO SATUNGO SATUNGO SATUNGO SA KINABUKASANKINABUKASANKINABUKASANKINABUKASAN I. PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG Binabati kita! Ngayon ay magsisimula ka na sa Modyul 3 ng iyong pag-aaral sa Filipino! Sa modyul na ito, matutuklasan mo at mauunawaan ang kulturang popular sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga babasahing popular (tabloid, komiks, magasin at kontemporaryong dagli), broadcast mediabroadcast mediabroadcast mediabroadcast media (radyo at telebisyon) at pelikula. Masasabing malaki na ang naging pag-unlad ng teknolohiya sa buong mundo maging sa ating bansa. Ang paglaganap ng Internet, pag- usbong ng iba’t ibang social media networksocial media networksocial media networksocial media network gaya ng FacebookFacebookFacebookFacebook at TwitterTwitterTwitterTwitter, gayundin ang pagkahumaling ng kabataan sa pagtangkilik sa mga websitewebsitewebsitewebsite gaya ng YouTubeYouTubeYouTubeYouTube ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kulturang Pilipino. Ang pagkahilig ng marami, lalo na ng kabataan, sa mga kontemporaryong anyo ng panitikan ang nag-udyok sa pagbabagong bihis ng tradisyunal na anyo nito. Paano nga ba naiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? Malalaman mo ang sagot sa mahahalagang tanong na ito sa pagpapatuloy mo ng iyong pag-aaral. Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan kong makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa estilo, mekanismo, pamamaraan/ teknik at mga kaalamang teknikal ng mga panitikang popular tungo sa kamalayang panlipunan. Bilang patunay na naunawaan mo ang mahahalagang konsepto, sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang ikaw ay makikibahagi sa pagbuo ng kampanya tungo sa kamalayang panlipunan (social awarenesssocial awarenesssocial awarenesssocial awareness campaigncampaigncampaigncampaign) sa pamamagitan ng alinmang midyum ng multimediamultimediamultimediamultimedia na iyong matututuhan sa modyul na ito. Magiging kaagapay mo rin sa pagbuo nito ang mga araling pangwika na iyong pag-aaralan.
  • 402 II. MGA ARALIN AT ANG SAKLAW NITO Masasagot mo ang mahahalagang tanong, at maisasagawa mo ang Inaasahang Produkto/Pagganap kung uunawain mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito Mga Aralin sa Yunit Aralin 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular a. Panitikan: Popular na Babasahin • Pahayagan (Tabloid) • Komiks • Magasin • Kontemporaryong Dagli b. Wika: Antas ng Wika • Pormal • Di-pormal • Balbal Aralin 3.2: Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino . a. Panitikan: Opinyon at Talakayang Panradyo b. Wika: Konsepto ng Pananaw a. Panitikan: Dokumentaryong Pantelebisyon b. Wika: Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal Aralin 3.3: Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong Panlipunan c. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni Brillante Mendoza d. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag Sa pagtatapos ng bawat aralin, ikaw ay inaasahang: Aralin 3.1: makapagbabahagi ng mga babasahing popular na sumasalamin sa kultura at tradisyon sa kasalukuyang panahon; Aralin 3.2: makalilikha ng isang akdang naglalahad ng sariling pananaw batay sa pamantayan ng isang mapanagutang mamamahayag;
  • 403 Aralin 3.3: makapagpapamalas ng pag-unawa sa estilo, mekanismo at kaalamang teknikal ng isang dokumentaryong pampelikula bilang midyum sa pagbabagong panlipunan. III. MGA INAASAHANG KASANAYAN Sa modyul na ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman at kasanayan Repleksiyon Ng Kasalukuyan Tungo Sa kinabukasan Mga Kasanayang Pampagkatuto Pakikinig Naililipat sa isang grapikong organayser ang mga impormasyong napakinggan (transkoding) dayagram grap grid Nailalahad ang sariling pamamaraan sa napakinggang pahayag, mensahe at teksto Napauunlad ang kasanayan sa mapanuring pakikinig/panonood Napag-iiba ang katotohanan sa mga hinuha, opinion at personal na interpretasyon ng nagsasalita at nakikinig Napag-iiba ang katotohahan (facts) sa mga hinuha (inferences), opinyon at personal na interpretasyon ng nagsasalita at ng nakikinig /nanonood Nailalahad ang mga pagkiling (biases, prejudices) at sariling interes ng nagsasalita Naisasaayos ang mga ideya o impormasyon mula sa teksto o diskursong napakinggan/napanood Nailalahad sa sariling pamamaraan ang mga napakinggang pahayag, mensahe at teksto Pagsasalita Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga datos sa pananaliksik Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin Nakapagpapahayag nang wasto ng mga pag-aalinlangan/ pag-aatubili o pasubali
  • 404 Pag-unawa sa Binasa Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na bahagi nito Naihahambing ang teksto sa iba pang uri ng teksto batay sa: paksa layon tono pananaw paraan ng pagkakasulat pagbubuo ng salita pagbubuo ng pangungusap pagtatalata Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng teksto gaya ng sumusunod: Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa teksto Nakapagbibigay ng impresiyon sa teksto kaugnay ng - paksa - tono - layon - estilo at - gamit ng mga salita Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa mga nangyayari sa: sarili pamilya pamayanan lipunan daigdig Nakapagbibigay ng sariling kuro-kuro at mungkahi tungkol sa alinman sa mga paksa gaya ng sumusunod: - HIV and Drug Prevention - Peace Education - Karapatang Pambata at Kanilang Responsibilidad - Kaligtasan ng Tao, Batas Trapiko at mga Pilipino Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang teksto sa pamamagitan ng pagkilala sa: Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag
  • 405 Napagsasama-sama ang magkakasalungat na ideya Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na bahagi nito Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa sa teksto; Nakapagbibigay ng impresiyon sa teksto kaugnay ng: - paksa/tema - layon - gamit ng mga salita Pagsulat Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng ideya sa pagsulat tulad ng panayam, brainstorming, pananaliksik at panonood Nakapagsasagawa ng rebisyon kung kinakailangan Nakapagtatala ng mahahalagang impormasyon Nababanggit nang wasto ang may-akda, personalidad, organisasyon o grupo na nagpapatunay sa datos o impormasyong nagbibigay- kredibilidad sa mga kaisipan at opinyong ipinahahayag sa lathalain Naisasaalang-alang ang mga kakailanganin sa pagsulat ng isang dokumentaryong panradyo Nakapipili ng isang napapanahong paksa Nakapagtatala ng mga kinakailangang impormasyon Nakabubuo ng maayos na balangkas Nababanggit nang wasto ang may-akda, personalidad, organisasyong nagbibigay-kredibilidad sa mga kaisipang ipinahahayag Nagagamit ang mga ekspresiyong nagpapakilala ng konsepto ng pananaw Nagagamit ang mga ekspresiyong nagpapakilala ng kaugnayang lohikal Tatas Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at impormal na Filipino pasalita man o pasulat Nagagamit ang gramatika/retorika at bokabularyong Filipino sa pakikipagkomunikasyon, pasalita man o pasulat
  • 406 Nasusuri ang mahalagang detalye ng napakinggang impormasyon Napagtitimbang-timbang kung ang napakinggan ay may kabuluhan at kredibilidad Nakikipagkomunikasyon gamit ang wikang Filipino batay sa hinihingi ng pagkakataon/sitwasyon Pakikitungo sa Wika at Panitikan Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan Hinaharap ang mga pang-araw-araw na gawain sa klase na may kasiyahan at kasiglahan Masigasig na tumutugon sa mga oportunidad sa ibayong pag- aaral ng wika at panitikan Nagagamit sa angkop na sitwasyon at pangangailangan ang mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan Estratehiya sa Pag-aaral/Pananaliksik Naipamamalas ang kakayahang maisaayos ang mga impormasyon at talang nalikom mula sa iba’t ibang lawak ng pag-aaral/ pananaliksik Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga datos sa pananaliksik Nalilikom ang mga impormasyon sa tulong ng mga sanggunian sa aklatan/ internet Nalilikom ang kakailanganing mga impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian Nailalahad nang maayos ang nalikom na mga impormasyon sa isinagawang pananaliksik. Panonood Nagpapamalas ng kakayahang suriin ang teksto o diskursong napanood Nakabubuo ng sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu na may kaugnayan sa napanood
  • 407 IV. KONSEPTUWAL NA BALANGKAS Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling nakapaloob sa modyul na ito na iyong pag-aaralan. Upang maging matagumpay ka sa pagsagot ng modyul na ito, gawin mo ang sumusunod na gabay. 11.Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul. 12.Sikaping makasunod sa mga direksiyon/panuto ng mga gawain. 13.Hanapin ang kahulugan ng mga salitang hindi mo gaanong maunawaan. 14.Balikan ang mga bahaging hindi mo gaanong naintindihan. Gawin itong gabay sa mga bahagi ng aralin na dapat pang paglaanan ng oras sa pag-aaral. 15.Magsaliksik. Tumuklas pa ng karagdagang kaalaman na makatutulong sa lalong pag-unawa sa modyul na ito. REPLEKSIYON NG KASALUKUYAN… TUNGO SA KINABUKASAN Aralin 3.1 Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular a. Panitikan: Popular na mga Babasahin • Pahayagan(tabloid) • Komiks • Magasin • Kontemporaryong Dagli b. Wika: Antas ng Wika • Pormal • Di-Pormal • Balbal Aralin 3.2 Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino . a. Panitikan: Komentaryong Panradyo Dokumentaryong Pantelebisyon b. Wika: Konsepto ng Pananaw/Kaugnayang Lohikal Aralin 3.3 Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong Panlipunan a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni Brillante Mendoza b. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag
  • 408 V. PANIMULANG PAGTATAYA Alamin natin kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman kaugnay ng mga aralin sa modyul na ito. Subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit bago ka magsimula ng iyong pag-aaral. Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin at isulat ang letra na sa palagay mo ay tama. Matapos maiwasto ang iyong papel, tandaan mo ang iyong mga pagkakamali. Matutuklasan mo ang mga wastong sagot sa pamamagitan ng mga gawain sa modyul na ito. Simulan mo na. Teksto A. 1. Ang pamaksang pangungusap ay matatagpuan sa pangungusap bilang __________. a. 1 c. 3 b. 2 d. 4 2. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay __________. a. paghanga c. pag-asam b. pananabik d. kasiyahan 3. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay _____________. a. manghikayat c. magbigay-parangal b. magpaliwanag d. magbigay-kaalaman (1) Nakikinig kaming lahat sa aming guro sapagkat mahusay siyang magturo. (2) Malinaw siyang magpaliwanag, laging handa at paminsan- minsan ay nagpapatawa kaya nawiwili kami sa kaniyang klase. (3) Marami kaming natututuhan sa kanya at sa lahat ng ito siya’y aming pinasasalamatan. (4) Sana’y marami pang tulad niya upang maraming mag- aaral ang mahasikan niya ng karunungan.
  • 409 Teksto B 4. Alin sa sumusunod na pangyayari ang may malapit na kaugnayan sa tula? a. Demolisyon ng mga bahay sa Brgy. Jose Corazon de Jesus sa San Juan, Metro Manila b. Pagputok ng bulkang Pinatubo na naging sanhi ng paglikas ng mga katutubong Aeta. c. Pakikipaglaban ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita tungkol sa usapin sa lupa d. Tensiyon sa pagitan ng bansang Tsina at Pilipinas sa isyu ng Panatag Shoal. 6. Anong pinakamalapit na kaisipan ang lumulutang sa tula? a. Nasa pagtutulungan ng bawat isa ang ikapagtatagumpay ng anumang layunin. b. Kung makikiisa ang lahat, makakamit ang mabuting hangarin c. Walang hangad na mabuti ang mga taong sakim sa kayamanan at kapangyarihan. d. Hindi nagbubunga ng kabutihan ang anumang kasamaan. Tanaga ng Sakada Jayson Alvar Cruz Tahan ka sa’king silid Halika’t manibasib apuhapin ang sakit sa katas ay sumipsip. nang naglatag na sugat, Nang panawan nglakas, sa banig, mutyang papag. kat’wang nais lumikas. Doo'y lasapin kata Pagsaluhan na kata nawaglit na gunita Utopia ng ideya. usapin sa ‘ting lupa, Nang lumagpak na sila, limot na alaala. sa ‘ting mga haraya. Halikan mo ang langib, sugat sa aking dibdib. Haplusin mo ang hapdi. Isip, namimighati.
  • 410 Teksto C. 16. Ayon sa akda, paano naging mabisang instrumento ang mga dokumentaryo upang magising ang kamalayan ng bawat indibidwal? a. Naimumulat nito ang isipan ng mga tao sa mga isyung panlipunan. b. Sadyang nakalilibang lang talaga itong panoorin. c. Masyadong nag-iisip ng problema ang mga tao. d. Nagagabayan tayo nito para umasenso at yumaman. 17. Ano ang kahulugan ng pahayag na ‘hindi mapasusubalian’ ayon sa pagkakagamit sa akda? a. walang masyadong iniisip b. hindi mapasisinungalingan c. walang katotohanan d. hindi angkop sa sitwasyon Sa pelikula man o sa telebisyon, iba’t ibang uri ng dokumentaryo ang ating napapanood na tumatalakay sa iba’t ibang paksa o isyu. Sa paglipas ng panahon, ang mga dokumentaryo ay nagsilbing instrumento o midyum upang maimulat ang kamalayan ng mamamayan sa mga suliranin at isyung panlipunan na kinahaharap sa araw-araw. Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan, korapsyon, problema sa edukasyon, suliraning pang-ekonomiya at mga katiwalian. Nagsisilbi rin itong tinig ng taong-bayan upang maiparating sa kinauukulan ang mga kakulangang dapat maaksyunan. Higit pa rito, ang mga nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko ay nagigising upang harapin ang hindi mapasusubaliang katotohanan. Kaya naman, bilang kabataan, ano kaya ang iyong magagawa upang ikaw ay makatulong kahit sa simpleng pamamaraan sa iyong kapwa? Sa paanong paraan mo maipararating ang hinaing ng iyong kapwa mag-aaral at ng inyong komunidad sa barangay. Nasa iyo ang natatanging kasagutan.
  • 411 18. ‘Nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko.’ Ano ang mahihinuha sa pahayag? a. Puro pangangampanya lamang ang mga politiko. b. Kakaunti lamang ang suliraning umiiral. c. Hindi lubusang nagagampanan ng mga politiko ang kanilang tungkulin. d. Wala namang dapat masyadong ipag-alala. 19. Ayon sa akda, ang pangunahing misyon sa paglikha ng mga dokumentaryo ay upang ___________. a. matugunan ng nararapat na aksiyon ang mga isyung panlipunan b. maipalabas lamang sa madla ang mga ito c. panoorin ang dokumentaryo at masiyahan d. aksiyunan lamang ang mga pangunahing problema 20. Bilang isa sa mga kabataan, ano ang dapat na maging implikasyon sa iyo ng mga pahayag sa huling talata? 21. a. Maaari kang makatulong sa iyong kapwa kahit sa simpleng pamamaraan. b. Pamunuan ang lahat ng mga welga sa pamayanan. c. Maging isang lider upang maging sikat. d. Ang isang kabataan ay wala pang gaanong magagawa.
  • 412 Teksto D 22. Alin sa sumusunod ang maituturing na negatibong pahayag? a. Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado. b. Tama ka dyan! Nakatulong d’yan ang pagsang-ayon ni PNOY! c. Inaasahan na tataas ang makokolektang buwis dahil sa Sin Tax Bill. d. Magdurusa ang mga magtatabako dahil sa pagtaas ng buwis na sisingilin sa mga kompanya ng sigarilyo. 23. Alin sa sumusunod ang paksa ng komentaryong panradyo? a. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin gaya ng sigarilyo at alak b. Pagpasa sa Sin Tax Bill c. Pagtutol ng mga senador sa pagpasa ng Bill d. Paghihirap ng mga magtatabako dahil sa Sin Tax Bill 24. Alin sa sumusunod ang salitang nagpapahayag ng konsepto ng kaugnayang lohikal? a. Pati na rin c. Ayon kay b. Dahil dito d. Kaya naman Komentarista 1 : Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado, partner! Komentarista 2: Tama ka dyan! Mukhang nakatulong d’yan ang pagsang-ayon ni PNOY tungkol sa panukalang batas na ‘yan! Komentarista 1: Naku! Eh bali-balita ngang dalawang senador ang bumoto laban sa pagpapasa ng Bill na ‘yan eh. Komentarista 2: Inaasahan partner na tataas ang makokolektang buwis mula sa mga kompanya ng sigarilyo at alak dahil dito. Komentarista 1: Pero ayon kay La Union Representative Victor Ortega, magdurusa ang mga magtatabako dahil marami sa kanila ang maaaring mawalan ng trabaho. Komentarista 2: Kaya naman pala todo papogi ang mga re-electionist na senador na bumoto laban sa bill na ‘yan! Komentarista 1: Hindi bale nang maraming mamatay dahil sa kanser sa baga, manalo lang sa eleksyon! Komentaista 2: Tumpak!
  • 413 25. Marami ang maaapektuhang mga magtatabako ______________ sa pagkakapasa ng Sin Tax Bill. Ano ang angkop na salita/pariralang nararapat gamitin upang mabuo ang pahayag? a. upang c. nang sa gayon b. dahil sa d. Kung 26. Alin sa sumusunod ang maituturing na opinyon? a. Naipasa na ang Sin Tax Bill sa Senado. b. Nakatulong ang pagsang-ayon ni PNOY sa Sin Tax Bill. c. Maraming magtatabako ang maapektuhan dahil sa Sin Tax Bill. d. Tinutulan ng ilang sendor ang pagpasa ng panukalang batas. 27. Ano ang unang dapat gawin sa pagsasagawa ng panayam? a. Iulat nang patas at wasto ang nakuhang mga impormasyon. b. Maging malinaw sa pagtatanong. c. Alamin ang iskedyul ng kakapanayamin. d. Magsaliksik ng mga kaugnay na impormasyon tungkol sa paksa ng panayam. 28. Alin sa sumusunod ang maituturing na broadcast media? a. komiks at magasin c. pelikula at telebisyon b. radyo at telebisyon d. aklat at pahayagan 29. Ano ang mahalagang papel ang ginagampanan ng broadcast media sa lipunan? a. Nabibigyan nito ng pansin ang mga katiwalian sa pamahalaan. b. Naimumulat nito ang mamamayan sa nagaganap sa paligid. c. Nagiging kilala o tanyag ang mga personalidad dahil dito. d. Nakapagbibigay ito ng impormasyon kaugnay ng politika at showbiz.
  • 414 30. Hindi bale nang maraming mamatay dahil sa kanser sa baga, manalo lang sa eleksiyon! Ano ang ipinahihiwatig na opinyon sa pahayag? a. Marami ang mamamatay dahil sa paninigarilyo. b. May mga politiko na hindi pumapayag sa panukalang batas dahil nais na mapaboran ng publiko sa parating na eleksiyon. c. Siguradong matatalo sa eleksiyon ang mga politikong pabor sa panukalang batas. d. Maraming politiko ang napapahamak dahil sa paninigarilyo. 31. Ang pangunahing kaisipan ng binasang akda ay_______________. a. bawat indibidwal ay may magagawa para sa ating lipunan b. bahala na ang kabataan kung kikilos sila c. manood palagi ng mga dokumentaryo d. tama na ang mulat ka sa iyong kapaligiran Ilan kaya sa mga aytem ang nasagot mo nang tama? Kung marami ang mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng modyul na ito upang maitama mo ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral ng mga panitikang popular na kinagigiliwan ng mga kabataang tulad mo. VI. YUGTO NG PAGKATUTO ALAMINALAMINALAMINALAMIN Handa ka na bang tumuklas ng mga bagong kaalaman? Kung gayon, simulan na natin ang iyong pag-aaral tungkol sa mga panitikang popular. Naisip mo na ba kung paano naiba ang mga panitikan sa kasalukuyan sa mga tradisyunal na uri ng panitikan na iyong natalakay sa naunang mga aralin? Bakit nga ba nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? Bakit kailangang basahin at pag-aralan ang mga panitikang popular?
  • 415 GAWAIN 1: BUGTUNGAN, DUGTUNGAN! Alam mo ba ang iba’t ibang uri ng panitikan na maituturing nating bahagi ng panitikang popular? Batid mo rin ba ang iba’t ibang midyum na ginagamit upang maipahatid ang mga ito sa higit na nakararaming mamamayan? Tukuyin mo ang inilalarawan ng mga bugtong sa ibaba. Pagkatapos, isulat mo ang mga titik ng iyong sagot sa mga kahon upang mabuo ang crossword puzzle. Kung nakuha mo nang tama ang lahat ng aytem, binabati kita dahil may ideya ka na sa iba’t ibang uri ng panitikang popular! Kung hindi naman, huwag kang mag-aalala dahil tutulungan ka ng modyul na ito upang maitama ang iyong mga maling akala. 1 – Pinipilahan ng mga manonood, Sa pinilakang tabing ito’y itinatampok! 2 – Kahong puno ng makukulay na larawan at usapan ng mga tauhan. Tunay na kinagigiliwan ng kabataan! 3 – Kuwadradong elektronikon kagamitan.Tampok ay iba’t ibang palabas na kinaaaliwan! 4 – Sa isang click lang mundong ito’y mapapasok na para mag- Fb, Twitter o magsaliksik pa. 5 – Musika’t balita ay mapapakinggan na. Sa isang galaw lamang ng pihitan, may FM at AM pa! 6 – Maliit na diyaryong inilalako sa daan; balita, tsismis at iba paang laman. 7 – Pabalat nito’y may larawan pang sikat na artista. Nilalama’y mga artikulong tumatalakay sa iba’t ibang paksa. 4 . 5 . P1 . M B G L T T D 7 . 2 . 3 . 6 . Mga Bugtong:
  • 416 GAWAIN 2: ALIN, ALIN ANG PAGKAKAIBA? Napansin mo ba ang pagkakatulad ng mga katangian ng mga nabanggit na panitikang popular sa Gawain 1? Naisip mo ba ang pagkakaiba ng mga ito sa mga tradisyunal na panitikan? Subukin naman nating isa-isahin ang mga katangian ng panitikang popular at tradisyunal sa tulong ng kasunod na gawain . Isulat mo sa kahon ang mga katangian na sa iyong palagay ay taglay ng panitikang popular at tradisyunal na panitikan. Bigyan mo ng pansin ang paksang kadalasang tinatalakay sa mga ito, wikang ginagamit at midyum na ginagamit sa paghahatid nito sa mamamayan. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. Kung nakuha mo nang tama ang lahat ng aytem, binabati kita dahil may ideya ka na sa katangiang taglay ng tradisyunal na panitikan at panitikang popular. May napansin ka rin bang pagkakatulad ng mga ito? Bakit kaya nagkaroon ng transisyon mula sa tradisyunal na uri ng panitikan tungo sa panitikang popular na kilala natin sa kasalukuyan? Huwag kang mag-alala, lalo pa nating pagyayamanin ang iyong kaalaman sa mga panitikang popular sa susunod na mga gawain. Tradisyunal na Panitikan Panitikang Popular ___________________ ___________________ ___________________ __________________ __________________ __________________ ___________________ ___________________ ___________________ __________________ __________________ __________________ ___________________ ___________________ ___________________ __________________ __________________ __________________ Paksang Tinatalakay Wikang Ginagamit Paraan/Midyum sa Paghahatid Alam mo ba na... May iba’t ibang midyum na ginagamit sa paghahatid ng impormasyon, balita at iba’t ibang palabas na maaaring napakikinggan o napanonood ng mamamayan lalo na ng kabataan sa kasalukuyan? Ang ilan sa mga ito ay ang tabloid, komiks, magasin, internet, radyo at telebisyon. Ang mga ito ay maituturing nating kumakatawan sa kulturang popular ng mga Pilipino sa ngayon.
  • 417 PAUNLARINPAUNLARINPAUNLARINPAUNLARIN Sa bahaging ito ng modyul ay bibigyan natin ng pansin ang iba’t ibang uri ng panitikang popular at ang iba’t ibang midyum na ginagamit sa pagpapalaganap nito. Sa pamamagitan ng mga gawain na nakahanay sa mga aralin, matutuklasan natin ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga panitikang popular at ang papel na ginagampanan ng mga ito sa kamalayang panlipunan ng mamamayan ng isang bansa. Sa tulong ng mga araling pangwika, pagtalakay sa iba’t ibang pamamaraan sa pagbuo ng panitikang popular, pagsasagawa ng mga programang panradyo at maging ng pelikula, inaasahang magiging bahagi ka rin ng paghahanda ng isang kampanya tungo sa kamalayang panlipunan sa pamamagitan ng multimedia (social awareness campaign through the use of multimedia) sa katapusan ng iyong pag-aaral sa modyul na ito. Simulan na natin ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at kakayahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa Aralin 3.1 ng modyul na ito - ang mga uri ng kontemporaryong panitikan. ARALIN 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular IV.Panimula at Mga Pokus na Tanong Nahihilig ka rin ba sa pagbabasa ng mga pocketbook, magasin at komiks? Maliban sa mga aklat na isinulat ni Bob Ong, nabasa mo na ba ang mga naisulat nina Eros Atalia, Ricky Lee, Edgar Samar at Jun Cruz Reyes? Eh, ang mga nakakikilig na Textstory ni Marcelo Santos sa Facebook, nabasa mo na? Paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? Bakit kailangang basahin ang mga popular na babasahin ng kabataan? Malalaman mo ang mga sagot sa mga tanong na ito sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral. V. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito: Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa mga babasahing popular gaya ng tabloid, komiks, magasin, at kontemporaryong dagli bilang bahagi ng panitikang popular upang maunawaan mo kung bakit mahalagang basahin ang mga ito. Narito ang mga aralin na makatutulong upang matamo mo ang pamantayang pangnilalaman na lilinangin sa araling ito.
  • 418 ARALIN 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular Aralin 3.1 a. Panitikan: Panitikang Popular na Babasahin (Tekstuwal Analisis) • Pahayagan(tabloid)/broad sheet • Komiks • Magasin • Kontemporaryong Dagli b. Wika: Antas ng Wika • Pormal • Di-pormal • Balbal VI. Mga Inaasahang Kasanayan Ang sumusunod ang kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa pagtalakay mo sa araling ito. Kon temporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular Mga Kasanayang Pampagkatuto Pakikinig Naililipat sa isang graphic organizer ang mga impormasyong napakinggan (transkoding) dayagram grap grid Nailalahad ang sariling pamamaraan sa napakinggang pahayag, mensahe at teksto Pagsasalita Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga datos sa pananaliksik Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin Pag-unawa sa Binasa Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na bahagi nito Naihahambing ang teksto sa iba pang uri ng teksto batay sa: • paksa • layon • tono • pananaw • paraan ng pagkakasulat • pagbubuo ng salita
  • 419 • pagbubuo ng pangungusap • pagtatalata Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng teksto gaya ng sumusunod: • Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto • Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa teksto Nakapagbibigay ng impresiyon sa teksto kaugnay ng • paksa • tono • layon • estilo at • gamit ng mga salita. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa mga nangyayari sa: • sarili • pamilya • pamayanan • lipunan • daigdig Nakapagbibigay ng sariling kuro-kuro at mungkahi tungkol sa alinman sa mga paksa gaya ng sumusunod: • HIV and Drug Prevention • Peace Education • Karapatang Pambata at Kanilang Responsibilidad • Kaligtasan ng Tao, Batas Trapiko at mga Pilipino Pagsulat Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng ideya sa pagsulat tulad ng panayam, brainstorming, pananaliksik at panonood • Nakapagsasagawa ng rebisyon kung kinakailangan • Nakapagtatala ng mahahalagang impormasyon Nababanggit nang wasto ang may-akda, personalidad, organisasyon o grupo na nagpapatunay sa datos o
  • 420 impormasyong nagbibigay kredibilidad sa mga kaisipan at opinyong ipinahahayag sa kaniyang lathalain Tatas Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at impormal na Filipino pasalita man o pasulat Nagagamit ang gramatika/retorika at bokabularyong Filipino sa pakikipagkomunikasyon, pasalita man o pasulat Pakikitungo sa Wika at Panitikan Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan Nagagawa ang mga pang-araw-araw na gawain sa klase na may kasiyahan at kasiglahan Masigasig na tumutugon sa mga oportunidad sa ibayong pag-aaral ng wika at panitikan Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan Nagagamit sa angkop na sitwasyon at pangangailangan ang mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan Estratehiya sa Pag-aaral Naipamamalas ang kakayahang maisaayos ang mga impormasyon at talang nalikom mula sa iba’t ibang lawak ng pag-aaral/pananaliksik • Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga datos sa pananaliksik • Nalilikom ang mga impormasyon sa tulong ng mga sanggunian sa aklatan/internet Panonood Nagpapamalas ng kakayahang suriin ang teksto o diskursong napanood • Nakabubuo ng sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu na may kaugnayan sa napanood
  • 421 XI. Konseptuwal na Balangkas Narito ang grapikong presentasyon ng araling ito na makatutulong upang maiplano mo ang iyong mga gawain: Maaaring sabik na sabik ka na sa ating gagawing pag-aaral. Alamin natin ang tungkol sa mga babasahing popular gaya ng tabloid, komiks, magasin at kontemporaryong dagli. XII. Panimulang Pagtataya Crossword Puzzle Tukuyin ang mga salita sa crossword puzzle sa tulong ng mga gabay sa pagsagot. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Gabay sa Pagsagot 1. Kuwentong isinalarawan ng mga dibuhista. (pababa) 2. Pahayagan ng masa. (pahalang) 3. Kuwentong higit na maikli sa maikling kuwento. (pahalang) 4. Makulay na babasahin na hitik sa iba’t ibang impormasyon (pahalang) Panitikan: Mga Popular na Babasahin • Pahayagan (tabloid/ broad sheet) • Komiks • Magasin • Kontemporaryong Dagli Wika: Antas ng Wika • Pormal • Di-pormal • Balbal Aralin3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular Produkto/Pagganap: Literary Folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng barangay.
  • 422 VI . Yugto ng Pagkatuto AlaminAlaminAlaminAlamin Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng modernisasyon sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya. Marahil, nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa kasalukuyan na ang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng komiks, magasin, at dagling katha ay nauulit lamang ang paksa at tema sa mga akda sa tradisyunal na uri ng panitikan. Kung susuriin, nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan at kaalamang teknikal ang panitikang popular. Simulan na natin ang pag-aaral nang sa ganoo’y malaman mo kung paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? Bakit kailangang basahin ang mga babasahing popular? Sa tulong ng Sarbey-Tseklist, nais kong malaman kung alin sa mga babasahing popular ang kilalang-kilala mo at binabasa ng kabataang tulad mo. Sa pamamagitan nito, nakatitiyak akong maihahambing mo ang mga babasahing popular na ito sa mga tradisyunal na anyo ng panitikan na pinag- aralan mo sa Modyul 1 at 2 sa huling bahagi ng araling ito. GAWAIN 3.1.a : Sarbey-Tseklist Lagyan mo ng tsek (/) ang mga babasahing popular para sa iyo. Pagkatapos, iayos ang mga ito nang paranggo batay sa naging resulta. Lagyan ng bilang 1-4 ang bawat kahon. Pinakamataas ang bilang 1 samantalang ang bilang 4 ang pinakamababa. Gawin sa papel. Gayahin ang format Pahayagan Komiks Magasin Mga Aklat Broadsheet ___ Inquirer ___ Manila Bulletin ___ Philippine Star ___ Business Mirror ___ Manila Times Tabloid ___ Abante ___ Taliba ___ Pilipino Mirror ___ Pilipino Star Ngayon ___ Tempo ___ Aliwan ___ Pantastik ___ Halakhak ___ Pugad Baboy ___ Super ___ Manhwa Korean Comics ___ Archie ___ Marvel ___ Japanese Manga ___ Captain America ___ Liwayway ___ Yes! ___ FHM ___ Candy ___ T3 ___ Men’s Health ___ Metro ___ Entrepreneur ___ Cosmopolitan ___ Good Housekeeping ___ Mga Aklat ni Bob Ong ___ Florante at Laura ___ Noli Me Tangere ___ Mga Aklat ni Eros Atalia ___ Aklat- Kalipunan ng mga Tula ___ Teksbuk ___ HorrorBooks ___ Antolohiya ng Maikling Kuwento ___ Kalipunan ng Dagling Katha ___ Bibliya
  • 423 RANGGONG AYOS Pahayagan (tabloid/ broad sheet) Komiks Magasin Kontemporaryong Dagli GAWAIN 3.1.b: Kahon ng Hinuha Matapos mong matuklasan ang resulta ng isinagawang sarbey- tseklist, nais kong ibigay mo ang iyong hinuha tungkol sa mahahalagang tanong sa araling ito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga hindi tapos na pahayag sa loob ng kahon ng hinuha. Pagkatapos ng araling ito saka mo dugtungan ang kasunod na mga pahayag na nasa labas ng kahon. Ngayo’y naunawaan ko na, ________________________ ___________________________________________________ __ ___________________________________________________ __ Nabago ang aking paniniwala sa ___________________ _____________________________________________________ LEYENDA 1 ------------------------------------- Pinakapopular sa akin 2 ------------------------------------- Popular sa akin 3 ------------------------------------- Di-masyadong popular sa akin 4 ------------------------------------- Hindi popular sa akin Sa aling palagay, ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na uri ng panitikan ay ____________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ Sa aking palagay, ang pagbabago sa panitikang popular ay bunsod ng ____ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ Nalalaman ko na kailangang basahin ang panitikang popular dahil _____________________________________________________________
  • 424 Bilang patunay na nauunawaan mo na ang nilalaman ng araling ito, ikaw ay inaasahang makagagawa ng isang literary folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang barangay. Ipagpatuloy mo lang ang pagsagot sa mga gawaing inihanda para sa iyong pag-unawa. PaunlarinPaunlarinPaunlarinPaunlarin Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang mahahalagang konsepto sa aralin. Huwag kang mag-alala gagawin nating magaan ang pagpoproseso ng iyong pag-unawa. Tutulungan kitang alamin kung paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? At bakit kailangang basahin ang mga babasahing popular? Maligayang araw ng pag-unawa! Napakaraming popular na babasahin sa kasalukuyan ang kinagigiliwang basahin. Nariyan ang mga tabloid, komiks, magasin, at mga kontemporaryong dagling katha. Magsimula tayo sa tabloid. PAHAYAGAN (tabloid) Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa higaan hanggang bago matulog ay nakatutok tayong mga Pilipino sa nangyayari sa ating paligid. Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng print media ang kailanma’y hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura. Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez mula sa kaniyang blog sa Sanib-Isip tungkol sa tabloid. Tabloid: Isang Pagsusuri William Rodriguez II “Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum.” Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin sa radyo.May sariling hatak ang nasa print media dahil lahat ay 'di naman naibabalita sa TV at radyo. Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mambabasa ang mga nilalaman nito.
  • 425 Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o 'di kaya'y sumagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Filipino ito nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum. Hindi katulad sa broadsheet na ang target readers ay Class A at B. "Yun nga lang sa tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan kaya't tinagurian itong 'sensationalized journalism.' Bihira lamang maibalita ang magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa masamang balita? Sa kasalukuyan ay mayroong humigit sa dalawampung national daily tabloid ang nagsi-circulate sa bansa. GAWAIN 3.1.c: Listing Napansin mo ba ang pagsusuri sa artikulo tungkol sa tabloid at broadsheet? Ngayon, ibig kong itala mo ang mga katanggap-tanggap na ideya o pahayag mula sa artikulo. Isulat sa papel ang sagot. Mga Katanggap-tanggap na Ideya o Pahayag 1. 2. 3. 4. 5. Mga Gabay na Tanong: 1. Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid kaysa sa broadsheet? 2. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya, lalo na ang malaganap na Internet, bakit marami pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng mga pahayagan? Pagkatapos mong malaman ang ilang konsepto tungkol sa popular na babasahing tabloid, dumako naman tayo sa isa pang kinagigiliwang basahin, lalo na ng kabataang tulad mo – ang komiks.
  • 426 KOMIKS Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang higit na makaapekto nang may lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon. Narito ang isang halimbawa ng komiks at ang mga bahagi nito. Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon. Ang pagiging malikhain ng mga tagakomiks ang nagpagalaw maging sa mga bagay na walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng iba. Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika. Pinagkabit- kabit ang mga elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad nila ultimong tuldok sa kalawakan, ipinakita na bukod sa ating mundo ay may iba pang mundo, at may iba pa palang uri ng mga nilalang. Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ng mga super karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming pinaligaya ang komiks, maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig. Pamagat ng kuwento Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento Kuwadro- Naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame) Lobo ng usapan- Pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan; may iba’t ibang anyo ito batay sa inilalarawan ng dibuhista. Kahon ng Salaysay- Pinagsusulatan ng maikling salaysay tungkol sa tagpo Isinulat ni Carlo J. Caparas. Mula sa Komiklopedia.wordpress. com.
  • 427 Sa Pilipinas, Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna- unahang Pilipino na gumawa ng komiks. Noong 1884 ay inilathala sa magasing "Trubner's Record" sa Europa ang komiks strip niya na "Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa isang popular na pabula sa Asya. Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito sa mga magasin bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920. Magmula dito, nagsulputan na ang mga regular na serye ng Halakhak Komiks noong 1946, Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950. Mga larawan mula sa Philippine Online Chronicles
  • 428 Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng komiks dahil sa ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos angpaggamit ng murang papel. Naapektuhan nito ang kalidad at itsura ng komiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa parehong industriya, ang komiks. Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Niño at iba pa. Pagkatapos ng Martial Law muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sa panahong ito sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang pagbabalik ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamang hanggang simula ng 1990 dahil nahumaling na ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng paglilibang. Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang industriya sa bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. Caparas. Noong taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng komiks kundi maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador, 'world-class' ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks. Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing pagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga komikerong Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan, Whilce Portacio, Philip Tan, Alfredo Alcantara, at marami pang iba. Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks. Ayon nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. “Hindi mamamatay ang komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi mamamatay sa kulturang Pilipino hangga't ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig para makabasa-- magpapatuloy ang eksistensiya ng komiks.” Nakatutuwang mabasa na kayang-kaya ng mga dibuhistang Pinoy na makipagsabayan sa buong daigdig sa larangan ng paglikha ng komiks? Ikaw,
  • 429 hindi ka ba naaakit na maging tulad din nila? Ang kanilang kasanayan sa larangang ito ang nagbigay sa kanila ng ikabubuhay at katanyagan. GAWAIN 3.1.d: Guhit-Likhang Kuwento Subukin mo ang iyong kakayahan na malagyan ng angkop na salitaan ang mga larawang guhit sa bawat kuwadro ng komiks istrip upang makabuo ka ng isang kuwento. Mga Gabay na Tanong: Mga Gabay na Tanong 1. Bakit patuloy na kinagigiliwang basahin ang komiks? 2. Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura, tradisyon at ang kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan? Ngayon ay dumako na tayo sa tinatawag na pinakamakulay na popular na babasahin sa kasalukuyan – ang magasin. Ituloy mo lamang ang pagbabasa at gagabayan kita sa tulong ng nakawiwiling mga gawain upang lalo mo pang maunawaan ang araling ito. Isang araw, ipinakita at ikinuwento ng lola ni Cyrus ang mga sumikat na komiks noon na siya ang isa sa mga dibuhista nito. …Wakas.
  • 430 MAGASIN Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago pa man ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela. Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, naririto ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa bansa. 1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan. 2. Cosmopolitan – Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan. 3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay. 4.Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago, puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa. 5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro. 6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa. 7. Men’s Health – Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na
  • 431 kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ng maraming kalalakihan. 8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag- aalaga ng mga gadget. 9. Entrepreneur – Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo. Talagang napakalayo na nang narating ng magasin sa Pilipinas. Magmula sa Liwayway hanggang sa mga popular ngayong magasin. GAWAIN 3.1.e: Kontra-Saliksik Sa bahaging ito, nais kong magsagawa ka ng sarili mong pananaliksik sa mga guro sa inyong paaralan kung anong popular na magasin ang binabasa nila. Gamitin mong gabay sa pananaliksik ang kasunod na balangkas na nasa ibaba. Gawin sa papel. Pamagat:_______________________________________ Mga Natuklasan sa Naunang Binasang Pananaliksik Mga Natuklasan sa Isinagawang Pananaliksik Mga Gabay na Tanong 1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tabloid, komiks, at magasin sa isa’t isa? 2. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang mga babasahing ito sa pag-unlad ng iyong pagkatao at sa lipunang iyong ginagalawan? Binabati kita sa matiyaga mong pagbabasa at pagsagot sa mga gawain. Ngayon naman, dumako na tayo sa pinakatampok na popular na KONGKLUSYON ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ _
  • 432 babasahin na ituturo sa iyo ng modyul na ito – ang kontemporaryong dagli. Basahin at unawain ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang inihandang mga tanong at gawain. KONTEMPORARYONG DAGLI Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kuwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano. Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kuwento. Kabilang sa kilalang mga manunulat ng dagli sina Iñigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K. Santos. Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot ang dagli noong 1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang 1930. Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang Espanyol at tinawag na Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Español dahil hindi pa malinaw noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa ngunit patula ang himig. Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at nobela pagsapit ng 1920, at mula rito'y lalong sumigla ang pagpapalathala ng dagling nasa ilalim ng sagisag-panulat Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila ni Tolentino para sa antolohiyang “Ang Dagling Tagalog: 1903-1936” ang tumatalakay sa karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang kanilang ginagalawan. Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang mga damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa mananakop na Amerikano. Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap na pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong
  • 433 kuwento sa mga tabloid o tampok na kuwento (feature story) sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at telebisyon. Aniya, “na-transform na ang dagli, hindi na ito tinawag na dagli at nagkaroon na ng ibang lehitimong pangalan at katawagan—anekdota, slice-of-life, day-in- the-life, at iba pa at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng kwento sa media).” ANG DAGLI SA KASALUKUYAN Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa Ingles ang dagli. Nguni't ayon sa panayam kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong noong 1990. Maaari itong nagmula sa anyong pasingaw at diga ng magbabarkada kung kaya't masasabing marami sa mga probinsya at malalayong lugar ang nagkaroon ng ganitong paraan ng kuwentuhan. Noong 2007, lumabas ang antolohiyang “Mga Kwentong Paspasan” na pinamatnugutan ni Vicente Garcia Groyon. Taong 2011 naman nang mailathala ang “Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)” ni Eros Atalia kung saan, ayon sa blogger na si William Rodriguez, tinatalakay ang “samu’t saring pangyayari sa lipunan sa paraang madaling unawain dahil simple lang ang paggamit ng wika.” Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga dagli ni Jack Alvarez na may pamagat na "Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga" na ayon kay Aguila: "Naiangat ni Jack Alvarez ang dagli sa isang sining ng paglikha ng malaking daigdig mula sa maliit at partikular na karanasan… Isang makabuluhang kontribusyon ito sa panitikan ng bansa. Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang tuluyan, pasingaw, at proto-fiction o micro-fiction sa Ingles. Narito ang isang halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R. Barros "Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may malaking ipinagkakaiba.” "Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila.” "Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig.”
  • 434 "At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan." (Sampagita, 8 Nobyembre 1932) Sa pagdaan ng panahon, maraming katawagang nagsulputan na hinango sa flash fiction. Batay sa naging karanasan ni Abdon Balde Jr., isang manunulat, mula sa isang pulong ng lupon ng manunulat sa Pilipinas ay pinagtatalunan din kung ano ang itatawag sa higit na pinaikling maikling kuwento. Lumabas ang “Mga Kuwentong Paspasan,” na inedit ni Vicente Groyon noong 2007; ang mga kuwento ay walang sukat at karamihan ay lampas ng 150 salita. Si Vim Nadera ay nagpanukala na ang dapat itawag ay Kagyat. Sabi ni Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan ay maigi ang pangalang malapit sa Flash Fiction. Nang magpanukala si Michael Coroza ng Iglap ay saka naisip ni Abdon Balde Jr. ang Kislap, Kuwentong ISang igLAP. Kung kaya ang naging bunga ng pag- uusap ay naisulat at nailathala ang aklat na “Kislap” ng manunulat na si Abdon M. Balde Jr. Ang aklat na ito, ayon sa manunulat ay kalipunan ng mga kuwentong maaaring umabot, maaaring hindi, ngunit hindi hihigit sa 150 salita. Narito ang isang halimbawa ng KISLAP ni Abdon Balde Jr. na umabot sa 116 na salita. HAHAMAKIN ANG LAHAT Abdon M. Balde Jr. (Sangguniin ang aklat na 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr., p. 29 na inilathala ng ANVIL PUBLISHING, INCORPORATED upang mabasa ang kabuuan ng dagling katha) Matapos ang pagkakalathala ng 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr. Sinundan naman ito ng pagkakalathala ng “Wag Lang Di Makaraos” ni Eros Atalia na kinatatampukan ng kaniyang 100 Dagli. Ayon sa manunulat, halos tatlong taon din niyang isinulat ang aklat. Mas nahirapan siyang isulat ito kaysa sa mga nauna niyang aklat na nalathala. Narito ang isang Dagling Katha ni Eros Atalia mula sa pahayagang Pilipino Mirror na nalathala noong Oktubre 29, 2012. Una itong nailathala ng Visual Print Enterprises noong Disyembre, taong 2011. SKYFAKES
  • 435 Eros Atalia (Sangguniin ang aklat na “WAG LANG DI MAKARAOS” na inilathala ng Visual Print Enterprises upang mabasa ang kabuuan ng dagling katha) Mga Gabay na Tanong/Gawain 1. Sa tulong ng Concept Map, itala ang hinihinging mga impormasyon kaugnay ng binasang teksto. 2. Sa pamamagitan ng Dayagram na Paghahambing at Pagtutulad, suriin ang nilalaman ng dalawang Dagli na iyong nabasa batay sa paksa, tono, layon, estilo, at gamit ng mga salita. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. KONTEMPORARYONG DAGLI Mga Unang Katawagan Internasiyonal na Pag-aaral na Naisagawa Tungkol sa Dagli Lokal na Pag-aaral na Naisagawa Tungkol sa Dagli Mga Katangian ng Naunang Dagling Katha Layunin ng Naunang mga Dagling Katha HAHAMAKIN ANG LAHAT Abdon M. Balde Jr. SKYFAKES EROS ATALIA
  • 436 3. Sa tulong ng T-Chart, ibigay ang mga kaisipang taglay ng bawat akda at iugnay ito batay sa mga nangyayari sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan, at daigdig. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ Paano Nagkakatulad? ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ Paano Nagkaiba? HAHAMAKIN ANG LAHAT Abdon M. Balde Jr. SKYFAKES EROS ATALIA Kaisipan: Kaisipan: 1. sarili: 2. pamilya: 3. pamayanan: 4. lipunan: 5. daigdig: 1. sarili: 2. pamilya: 3. pamayanan: 4. lipunan: 5. daigdig:
  • 437 4. Gamit ang 3-2-1 Chart, Itala ang mga natuklasan, kapaki-pakinabang na kaalaman, at tanong nasa iyong isipan hanggang sa ngayon magmula sa unang gawain hanggang sa huling gawain sa aralin. 3-2-1 CHART 3. Mga Natuklasan 2. Mga Kapaki-pakinabang na Kaalaman 1. Mga Katanungang Nasa Isipan Hanggang sa Kasalukuyan 5. Sa tulong ng Three Minute Pause, Ilahad ang sariling kongklusyon, paniniwala, pagbabago sa sarili at bisa ng mga akda hindi lamang sa sarili kundi sa nakararami. 1. Kongklusyon 2. Paniniwala 3. Pagbabago sa sarili 6. Pansinin ang paggamit ng mga salita ng dalawang manunulat, Ano ang kapuna-puna sa paggamit nila ng wika sa kanilang akda? 7. Magbigay ng mga tiyak na patunay mula sa akda tungkol sa paggamit nila ng wika. Sino ang gumamit ng pormal, di- pormal at balbal na wika? Mahusay! Ngayon ay unti-unti mong nauunawaan ang daloy sa ating aralin. Upang lubos mong maunawaan ang araling pangwika sa ating aralin, narito ang isang kaugnay na teksto (pabula) basahin at suriin ang wikang ginamit ng manunulat. Maligayang pagbabasa!
  • 438 GAWAIN 3.1.f: Pahina ng Pagkilala (Pagbasa o Pakikinig) Basahing mabuti ang teksto. Pansinin ang ginamit na wika ng manunulat. Ang Talangkang Nakaharap Lumakad (pabula) Jayson Alvar Cruz Usap-usapan sa baryo Talangkukay ang kakaibang pag-iisip at ikinikilios ni Mokong Talangka. Hindi siya palakibo at madalas na hindi nakikihalubilo sa iba pang talangka sa kanilang baryo. Madalas lamang siyang natatanawan sa kaniyang bintana na nagbabasa, umiinom ng kape at nagsusulat. Minsan, isang batang talangka ang nagkainteres na usyosohin kung ano ang ginagawa ni Mokong Talangka. Mula sa maliit na butas sa dingding ng bahay ni Mokong Talangka ay sumilip ang batang talangka. Laking pagtataka ng batang talangka nang marinig niyang tila may kausap si Mokong Talangka. Batid ng lahat sa baryong iyon na mag-isa na lamang sa buhay si Mokong Talangka. Ang pagtatakang ito ng batang talangka ay napalitan ng pagkatulala at pagkagulat sapagkat ang kausap ni Mokong ay ang mismo nitong sarili habang nakaharap sa salamin. At ang lalong ikinagimbal ng batang talangka ay nang makita nito ang kakaibang paglakad ni Mokong Talangka, paharap na katulad ng ibang hayop at hindi patagilid kagaya ng ibang talangka sa kanilang baryo. Umugong ang bulung-bulungan sa baryo Talangkukay matapos na ipagkalat ito ng batang talangka. Nagtaasan ang kilay ng mga purok lider na talangka sa baryo. Nagtawanan naman ang mga istambay na talangka sa kakaibang paraan ng paglakad ni Mokong Talangka.
  • 439 “Nababaliw na siguro si Mokong, palibhasa’y hindi sumasali sa mga usap-usapan dito sa ating baryo. Parati lamang kaharap ang kaniyang mga aklat,” wika ng isa sa mga purok lider na nasa umpukan. “Kaawa-awang nilalang, maagang pinanawan ng bait,” pambubuska ng isa pang talangka. Laking gulat ng mga talangka sa umpukan nang makitang nagbukas ng pinto si Mokong Talangka. Tila patungo ito sa kanilang kinaroroonan. Nagulat ang karamihan nang makitang paharap nga na maglakad si Mokong at hindi patagilid. “Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?” Tanong ni Mokong sa mga naroong lider talangka sa kanilang baryo. “ Oo! Eh ano naman sa iyo ngayon kung ikaw ang pinag-uusapan namin?” Pagtataray ng isang babaeng talangka. “Nais kong linawin ang kumakalat na masamang mga balita laban sa akin. Ako’y walang ginawang masama laban sa inyo. Tahimik lamang ako at ninanais na makapag-isa. Tama kayo. Napapansin ninyo akong nagsasalitang mag-isa sa aking bahay, ito ay dahil sa nais kong buhayin ang mga letra sa aking mga naisusulat. Naniniwala ako na walang saysay ang isang panulat kung hindi ito maririnig at maiparirinig. Natuwa naman ako dahil may isa sa inyo dito ang nagkaroon ng interes sa aking mga ginagawa. Marahil siya ang nagbalita sa inyo nito. Tungkol naman sa aking kakaibang paraan ng paglalakad na taliwas sa inyong nakaugaliang paglakad, ipagpaumanhin ninyo, hindi sa nais kong maging kakatwa sa karamihan. Hindi ko lamang ibig na umayon sa lakad na patagilid. Batid ko na mauunawaan n’yo rin ako balang-araw, sa tamang panahon at pagkakataon.” Mahinahong paglilinaw ni Mokong Talangka.
  • 440 Saglit na natulala ang karamihan. Muling bumalik si Mokong Talangka sa kanyang bahay. Nabuhayan na lamang ang mga talangka nang maipinid na ni Mokong ang pinto ng bahay nito. “Hu, ang akala mo’y kung sinong marunong. Siya lang ang magaling. Siya lang ang mahusay”. Galit na winika ng isang purok lider na talangka. “At may sinasabi-sabi pang mabuti’t may nagkainteres sa kaniyang ginagawa. Walang may interes sa kaniyang mga ginagawa kundi ang sarili niya lamang,” inis na tinig ng isa pang purok lider na talangka. Lingid sa kaalaman ng lahat ng talangka ay narinig ni Mokong ang lahat ng masasakit na salitang binitiwan ng mga kabaryo niyang talangka. Naisip bigla ni Mokong na paano naging lider ang mga ito gayong walang kakayahang mag-isip para sa kanilang sarili, paano pa kaya ang kanilang mga nasasakupan? Isang araw, habang nagmamasid ang batang talangkang si Tikang sa butas ng bahay ni Mokong, nagulat si Tikang dahil mula sa kanyang likuran ay may kung sino ang kumalabit dito. Si Mokong Talangka. Nagimbal sa kahihiyan si Tikang Talangka. Pinahupa ni Mokong ang kaba at kahihiyan ng batang talangka. Inalok niya itong pumasok sa kaniyang bahay. Namangha si Tikang talangka sa dami ng aklat na naipon ni Mokong talangka. Maayos na nakasalansan ito sa bawat dingding ng bahay. Patong- patong sa maliit na mesa ang mga magasin at pahayagan. Kapansin-pansin din ang nakasubong papel sa makinilya ni Mokong talangka. “Maaari mong hawakan at basahin ang nakikita mong mga aklat. Ang maiibigan mo ay maaari mo nang iuwi sa inyong tahanan.” Marahang alok ni Mokong talangka.
  • 441 “Talaga po!” Ang bait n’yo pala. Akala ko po kasi ay salbahe kayo dahil wala kayong kinakausap sa ating lugar. Sabi po kasi ng mga magulang ko, huwag daw po kaming lalapit sa bahay ninyo dahil nababaliw na po raw kayo.” Sunod-sunod na nawika ni Tikang. “Tikang, ang pakikipag-usap at pakikisalamuha sa ibang tao ay hindi masama subalit paano ako makikitungo sa kanila kung ako naman ay hindi nila nauunawaan? Sinubukan ko na dati na makipag-usap sa mga purok lider ng ating baryo. Nagbigay ako ng mga mungkahi tungo sa pag-unlad ng buhay ng mga kababaryo natin. Ngunit, ano ang naging reaksiyon nila sa nais kong mga pagbabago? Kabaliwan daw at nalalayo sa katotohanan ang aking mga ipinagsasasabi. Magmula noon, hindi na ako lumahok sa anumang pagtitipon at pulong na ipinatatawag sa baryo natin. Namuhay akong mag-isa kapiling ang mga aklat at ang aking panulat. Dito sa loob ng bahay ko ibinuhos ang naiisip kong magiging solusyon sa krisis at matagal na problema nating mga talangka sa baryo Talangkukay,” paliwanag ni Mokong talangka. “ Isa na lamang po, bakit po paharap ang inyong paraan ng paglalakad?” pag-uusisa ni Tikang. “Dahil ayaw kong patangay na lamang sa agos, sa kulturang kinamumuhian ko sa asal nating mga talangka. Dahil sa iisang paraan ng paglalakad natin, nagkakaroon ng hilahan kapag may dumarating na panganib sa ating baryo. At kung may nauuna namang mag-isip na isang talangka sa karaniwang talangka ay ganoon din ang ginagawa nila, hinihila. Ayaw ko nang ganoong kultura. Kaya magmula noon ay pinag-aralan ko ang lumakad nang paharap at hindi patagilid.” Dugtong ni Mokong Talangka. Gabi na nang makauwi si Tikang sa kanilang bahay. Agad siyang inusisa
  • 442 ng kaniyang mga magulang. Nang malaman na nanggaling ito sa bahay ni Mokong talangka ay pinagalitan ito. Ipinagtanggol naman ni Tikang si Mokong at sinabing mali ang mga paratang nila, mabait at maginoo ang sinasabing nababaliw na si Mokong. Dahil sa sinabi ni Tikang, nag-init ang ulo ng ama nito at agad na pinulong ang ibang kasamahang talangka. Nilusob nila ang bahay ni Mokong. “Walang kahihiyan ang Mokong na iyan. Nilalason ang isip ng anak ko. Tinuturuang magrebelde sa amin. Kailangang mawala sa landas natin ang talangkang iyan.” Galit na wika ng ama ni Tikang. “Lumabas ka Mokong! Harapin mo kami dito!” Sigaw ng ina ni Tikang. Nakaakma na ang lahat ng sandata ng mga talangkang nasa harap ng bahay ni Mokong nang biglang yumanig ang lupang kanilang tinatapakan. “Mga kasama, nariyan na ang mga taong nananalakab. Takbo!” Sigaw ng isang purok lider. Nagsipanakbuhan ang mga talangka. Nag-uunahan. Ang ibang maliliit na talangka ay naiwan sapagkat hinihila ng ibang kasamahang talangka. Naipit naman ang iba. Laking tuwa ng mga mananalakab sapagkat napakarami nilang nahuling talangka. Wala halos natira sa lipi ng talangka sa baryo Talangkukay maliban kay Mokong Talangka na dahil sa paharap ang nakaugaliang paglalakad ay naiba ng direksiyon mula sa nagtakbuhang kababaryo. Ikinalungkot ni Mokong ang nangyari sa ibang kasama. Mula sa kalayuan ay may narinig siyang pamilyar na tinig, isang kababaryo niyang talangka ang umiiyak. Si Tikang. Agad niyang tinungo ang kinaroroonan ng humihikbi. Natuwa naman si Mokong nang makita niya si Tikang gayundin naman ang batang talangka.
  • 443 “Ngayon po ay nauunawaan ko na kung bakit paharap ang paraan ng paglalakad ninyo”, nawika ni Tikang. “Salamat Tikang. Ngayon, bubuo tayo ng bagong henerasyon ng mga talangka sa ating baryo. Isang henerasyon na may busilak na kalooban na walang halong inggit sa kalooban”. Marahang tugon ni Mokong Talangka. GAWAIN 3.1.g: Pahalaganitik Bigyang-halaga ang pabulang binasa sa pamamagitan ng PAHALAGANITIK. Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang mabuo ang kaisipan sa loob ng frame. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Mga Gabay na Tanong 1. Anong antas ng wika ang ginamit ng manunulat sa akda? Patunayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tiyak na bahagi mula sa akda. 2. Naging mabisa ba ang paggamit ng wika ng manunulat upang maipahayag niya ang kaniyang saloobin o paniniwala? Patunayan. 3. Mahalaga ba ang antas ng wika sa pasalita o pasulat na komunikasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot. Alam mo ba… Ang Katibayan ng Pagpapahalaga Inihahandog para sa akdang Dahil sa taglay nitong mensahe tungkol sa ____________________ ______________________________________________________. Nagkaroon ng pitak sa aming puso ang maiiwan nitong kaisipan na ______________________________________________________ Ang Talangkang Nakaharap LumakadAng Talangkang Nakaharap LumakadAng Talangkang Nakaharap LumakadAng Talangkang Nakaharap Lumakad (pabula) Pangalan at Lagda ng Mag-aaral
  • 444 Kabilang sa Antas ng Wika ang 1. Balbal 2. Kolokyal 3. Diyalektal/ Lalawiganin 4. Teknikal at 5. Masining Sa araling ito, bibigyang halaga ang pagtalakay sa promal, di-pormal, at balbal na antas ng wika. ANTAS NG WIKA Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at Di-pormal at sa loob ng bawat isa ay may iba pang antas. Sa Pormal, nariyan ang pambansa, pampanitikan at Teknikal. Samantala ang mga Di-pormal naman ay lalawiganin, kolokyal at balbal. Sa araling ito, nagbigay tuon ang sumusunod: Ang Pormal, Di pormal at ang Balbal 1. Pormal – Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga panuntunang gramatikal. 2. Di-Pormal – Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi lamang. Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mga panghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din- rin, daw-raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga diyaryo na parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang gumagamit ng mga wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa pagsulat sa mga kaibigan. Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mga
  • 445 mababa ang katayuan sa buhay. Kung ito’y hiram, binabago ang anyo nito upang maiakma sa paggamit. Binabati kita! Ngayon ay natapos mo na ang bahaging Paunlarin. Pagnilayan at UnPagnilayan at UnPagnilayan at UnPagnilayan at Unawainawainawainawain Nakatitiyak na ako na taglay mo na ang mahahalagang konseptong nais kong maunawaan mo sa tulong ng mga tanong at gawaing iyong napagdaanan. Ipagpatuloy lamang ang ipinamamalas na sipag at tiyaga sa pagtugon sa mga gawain sa araling ito. Nakatitiyak ako na alam mo na kung paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? At bakit kailangang basahin ang mga babasahing popular? Subukin ko nga. GAWAIN 3.1.h : Malikhaing Pagsulat Gamit ang iyong mga natutuhan sa araling ito, subuking humalaw ng iba’t ibang uri ng babasahin mula sa diyalogo gamit ang malikhain at mapanagutang gamit ng wika (pormal). ISANG GABI SA PILING NG MAYNILA Jayson Alvar Cruz Sabik na sabik na lumuwas ng Maynila si Boyet. Nais niyang maranasan ang kaniyang mga nababasa sa komiks tungkol sa kaunlaran ng Maynila. Ibig niyang makita ang nagtatayugang mga gusali. Gusto niyang malakaran ang naglalakihang mall. Gabi na nang makarating sa Maynila si Boyet. Sinundo siya sa terminal ng kaniyang tiyuhin. Laking gulat ni Boyet sa larawang tumambad sa kaniya. Nanikip ang kaniyang dibdib matapos makababa ng bus. BOYET: “Ganito ba karumi ang Maynila Tiyo? Napakausok at lubhang napakarami ng kalat.”
  • 446 TIYO: “Masanay ka na Boyet. Hindi ba gusto mong maranasan ang buhay dito sa Maynila? Halika’t ipapasyal muna kita bago tayo umuwi ng bahay.” Sa kanilang paglalakad, narinig ni Boyet ang usapan ng isang pangkat ng mga kabataan. BINATILYO 1: “Wow tropa, lakas ng amats ng dubi! Panalo!” BINATILYO 2: “Nagsolo ka naman brod eh, bwiset! Waisted tuloy ako kanina. Buti na lang, may karga si Tuklaw na tobats, naka- jam ako kahit konti.” BINATILYO 3: “Dapat makadiskarte tayo ng tsibog ngayon. Tomguts na ko eh.” BINATILYO 1: (Bumulong sa binatilyo 2. Nanlilisik ang mga mata. Inginuso ang naglalakad na estudyante. Maya-maya’y biglang naglaho ang tatlong binatilyo sa dilim. Narinig niya ang impit na tili ng dalagitang estudyante. Tinangkang saklolohan ito ni Boyet subalit pinigilan siya ng kaniyang tiyuhin. TIYO: “Huwag kang makialam Boyet. Mapapahamak lang tayo. Hayaan mo na sila.” BOYET: Bakit tiyo? Nangangailangan ng saklolo ang babae. Kailangan niya tayo. TIYO: “Huwag na! Masanay ka na sa Maynila.” Nagpatuloy sila sa paglalakad, may sumalubong sa kanilang mga babae. Nakapustura at puno ng kolorete ang mga mukha nito. BABAE 1: “Boss, short time? 500 lang.” TIYO: (Umiling ang tiyo ni Boyet) “Hindi, ipinapasyal ko lamang ang pamangkin ko.” BOYET: “Anong sinasabi ng babae tiyo? Bakit ganoon ang ayos ng kanilang pananamit?”
  • 447 TIYO: “Malalaman mo rin Boyet pagdating ng panahon kung bakit sila nasadlak sa ganoong buhay. Mauunawaan mo rin ang lahat dito sa Maynila.” Labis na naguguluhan si Boyet sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Marami siyang katanungan sa kaniyang isip. Hanggang sa marating na nila ang eskinita patungo sa bahay ng kaniyang tiyuhin. Makipot at tila bituka ng manok ang kanilang binabagtas nang may marinig silang putok. Pinadapa siya ng kaniyang tiyuhin. Kumubli sila sa isang lugar na napaliligiran ng pader. Sunod-sunod na putok. Maya-maya, narinig niya ang sirena ng pulis. Tumayo na sila. Paroo’t paritong nagtatakbuhan ang mga tao. Sa wakas, narating na nila ang bahay ng kaniyang tiyuhin. Bumungad agad sa kaniya ang lima niyang pamangkin na kasalukuyang himbing na natutulog sa lapag ng bahay. Maliit, masikip at may kung anong nakasusulasok na amoy ang nalanghap ni Boyet. BOYET: Tiyo, paano ninyo natitiis na tumira sa ganitong lugar? Hindi na ba kayo babalik sa probinsiya? Wala ba kayong balak na doon palakihin ang mga pinsan ko? TIYO: Matagal ko nang binabalak na umuwi subalit naririto ang trabaho ko, wala akong magawa Boyet, wala. Ngayon pagkakataon mo na upang patunayan na talagang nauunawaan mo na ang mahahalagang konsepto sa araling ito. Gaya ng ating napag-usapan sa unahang bahagi subukin mong humalaw ng iba’t ibang akda gamit ang malikhain at mapanagutang wika (pormal) mula sa mga pangyayari sa diyalogo batay sa hinihingi ng mga kahon sa ibaba: Maaari kang gumamit ng ibang papel sa bahaging ito. BALITA Artikulo (Sanaysay)
  • 448 KOMIKS DAGLING KATHA (Hanggang 150 salita) BINABATI KITA! Matagumpay mong nasagutan ang mga gawain sa bahaging Pagnilayan at Unawain ng araling ito. Mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa mga babasahing popular sa kasalukuyan. Gayundin, natutuhan mo na ang kahalagahan ng malikhain at mapanagutang paggamit ng wika sa pamamagitan ng pag-unawa sa iba’t ibang antas ng wika. Natitiyak ko na sa tulong ng mga gawain na naisagawa mo ay higit na lumawak at lumalim ang iyong pag-unawa. Paalala lamang na muli mong balikan ang Kahon ng Hinuha at dugtungan mo na ang huling pahayag sa labas ng kahon upang matiyak mo kung nauunawaan mo talaga ang araling ito. Kinopya ko ulit ito para sa iyo. GAWAIN 3.1.b: Kahon ng Hinuha Matapos mong matuklasan ang resulta ng isinagawang sarbey- tseklist, nais kong ibigay mo ang iyong hinuha tungkol sa mahahalagang tanong sa araling ito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga hindi tapos na pahayag sa loob ng kahon ng hinuha. Dugtungan ang kasunod na mga pahayag na nasa labas ng kahon. Ngayo’y naunawaan ko na, ______________________________ _____________________________________________________ Sa aking palagay, ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na uri ng panitikan ay ________________________________________________ __________________________________________________________ Sa aking palagay, ang pagbabago sa panitikang popular ay bunsod ng __________________________________________________________ __________________________________________________________ Nalalaman ko na kailangang basahin ang panitikang popular dahil __________________________________________________________
  • 449 _____________________________________________________ Nabago ang aking paniniwala sa _________________________ _____________________________________________________ Alam kong handa ka na para sa susunod na bahagi. Sa mga natutuhan mong mga araling pampanitikan at pangwika ay natitiyak kong kayang-kaya mong maisagawa ang Inaasahang Produkto- ang makabuo ka ng isang literary folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang barangay. Bago iyan, nakatitiyak ako na makatutulong sa iyo ang karagdagang kaalaman na ito tungkol sa Inaasahang Produkto – ang paggawa ng literary folio. MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGGAWA NG LITERARY FOLIO Sa pamamagitan ng pakikiisa ng bawat isa sa inyong klase ay makabubuo kayo ng isang literary folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang barangay. Narito ang mga dapat isaalang- alang sa paggawa nito. 1. Magkaisa ang buong klase kung ano ang magiging pamagat ng inyong literary folio. Kasama na rito ang napagkasunduang logo, konsepto ng pabalat ng aklat at kinakailangang mga larawan. Halimbawa: 2. Sumulat ng Panimula, Pasasalamat at Paghahandog sa unahang bahagi ng inyong literary folio. Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales Lungsod ng Mandaluyong KALSADA-PASADA (Mga Akdang Napulot sa Kalsada) Literary Folio 2012
  • 450 3. Kinakailangang makita rin ang Talaan ng Nilalaman bago ang koleksiyon ng mga akdang pampanitikan na isinulat ng bawat isa. Sikaping mauri ang bawat isa sa bahaging ito upang madaling makita ng mambabasa kung tula, maikling kuwento, dula at iba pang akdang pampanitikan. 4. At ang pinakatampok sa literary folio ang koleksiyon ng iba’t ibang akdang pampanitikan na orihinal na isinulat ng bawat isa sa inyong klase na dumaan sa proseso ng pag-eedit. Ngayong nalaman mo na ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng literary folio Nakatitiyak ako na magiging matagumpay ang iyong gagawing produkto. IlipatIlipatIlipatIlipat Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailipat ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa tunay na buhay. Ikaw ay bibigyan ng mga gawain na magpapakita ng iyong pag-unawa sa mahahalagang konsepto na natamo mo sa araling ito. Gamiting gabay ng inyong pangkat ang sumusunod na pamantayan. Mga Pamantayan 5 4 3 2 1 A. Malikhain B. Kaisahan (pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap) C. Makatotohanan (Sumasalamin sa lipunang ginagalawan) D. Pormal at responsable ang gamit ng wika E. Kawastuhan (Wasto ang gamit ng mga salita at bantas) Binabati kita! Matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawain sa Aralin 1 ng modyul na ito! Sa pamamagitan ng mga gawain na iyong naisakatuparan, nagkaroon ka na ng mas malalim na pag-unawa sa ilang kontemporaryong uri ng panitikan. Natuklasan mo na ba kung ano ang LEYENDA 20 – 25………………………………………………... Napakahusay 15 – 20 ………………………………………………. Mahusay 10 – 15 ………………………………………………. Katamtamang Husay 5 – 10 ………………………………………………. Hindi mahusay 0 – 5 ……………………………………………….. Nangangailangan ng rebisyon
  • 451 pinagkaiba ng tradisyunal na uri ng panitikan sa kontemporaryong anyo nito? Bakit hindi mo subuking tayain ang iyong mga natutuhan? XIII.Pangwakas na Pagtataya Isulat ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ito sa iyong sagutang papel. ___________1. Isang grapikong midyum ng mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. ___________2. Ang tawag sa mga kuwentong binubuo ng 1,000 hanggang 2,000 libong salita. ___________3. Ito ay naglalaman ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. ___________4. Binubuo ito ng mga salitang ginagamit lamang sa pang-araw- araw na usapan. ___________5. Salitang tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na binago ang anyo upang maiakma sa paggamit. Sa susunod na aralin, bibigyan natin ng pansin ang mundo ng broadcast media. Aalamin natin kung ano ang papel na ginagampanan ng radyo at telebisyon sa pagbabagong anyo ng panitikan at kung paanong ang ating napakikinggan at napanonood ay nagkakaroon ng malaking bisa sa ating kamalayan sa mahahalagang kaganapan sa ating lipunan? Pagkatapos sagutan ang ilang mga tanong sa Panimulang Pagtataya para sa Aralin 3.2. Ipagpatuloy mo na ang iyong pag-aaral. Aralin 3.2: AngAralin 3.2: AngAralin 3.2: AngAralin 3.2: Ang Broadcast MediaBroadcast MediaBroadcast MediaBroadcast Media:::: Mekanismo ng Pagbabago atMekanismo ng Pagbabago atMekanismo ng Pagbabago atMekanismo ng Pagbabago at PagPagPagPag----unlad ng Kulturangunlad ng Kulturangunlad ng Kulturangunlad ng Kulturang PilipinoPilipinoPilipinoPilipino
  • 452 V. Panimula at Mga Pokus na Tanong: Ayon sa Encyclopedia, ang paghahatid ng mga impormasyon sa mamamayan sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ay maituturing na broadcast media. Mula noon hanggang sa kasalukuyan, hindi maitatangging malaki ang papel na ginagampanan nito sa lipunang ating ginagalawan. Sino nga ba ang hindi nakikinig sa radyo upang mapakinggan ang paboritong awitin o kaya naman ay malaman ang mahahalagang anunsiyo mula sa PAGASA? Sino nga ba ang hindi nanonood ng telebisyon upang malaman ang mga kaabang-abang na tagpo sa paboritong telenobela o kaya’y malaman ang mahahalagang balita sa nakalipas na araw? Tunay ngang bahagi na ng ating buhay ang broadcast media. Ngunit paano nga ba nakatutulong ang broadcast media sa pagpapalaganap ng kulturang popular? Paano nagagamit ang radyo at telebisyon sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan ng mga mamamayan ng isang bansa? Ang kasagutan sa mga tanong na ito ang ating tutuklasin sa pamamagitan ng mga gawain sa araling ito. VI.Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga Ito Sa araling ito ay tutuklasin ang sumusunod na paksa: Aralin 3.2 : Ang Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino A. Panitikan: Komentaryong Panradyo/ Dokumentaryong Pantelebisyon B. Wika: Mga Ekspresiyong Nagpapakilala s Konsepto ng Pananaw/ Mga Ekspresiyong Nagpapakilala ng Kaugnayang Lohikal VII. Mga Inaasahang Kasanayan Narito ang mga kaalaman at kasanayang malilinang sa iyo sa pagtalakay mo sa araling ito:
  • 453 Aralin Broadcast Media mekanismo Ng Pagbabago At Pag-unlad Ng Kulturang Pilipino Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Napauunlad ang kasanayan sa mapanuring pakikinig/panonood • Napag-iiba ang katotohanan sa mga hinuha, opinyon at personal na interpretasyon ng nagsasalita at ng nakikinig • Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa mga hinuha (inferences), opinyon at personal na interpretasyon ng nagsasalita at ng nakikinig/nanonood • Nailalahad ang mga pagkiling (biases,prejudices) at sariling interes ng nagsasalita • Naisasaayos ang mga ideya o impormasyon mula sa teksto o diskursong napakinggan/napanood • Nailalahad sa sariling pamamaraan ang napakinggang mga pahayag, mensahe at teksto Pag-unawa sa Binasa Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang teksto sa pamamagitan ng pagkilala sa: • Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag • Napagsasama-sama ang magkakasalungat na mga ideya • Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na bahagi nito Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa sa teksto • Nakapagbibigay ng impresyon sa teksto kaugnay ng: - paksa/tema - layon - gamit ng mga salita Pagsasalita Nakapagpapahayag nang wasto ng mga pag- aalinlangan/pag-aatubili/pasubali Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw,opinyon at saloobin Pagsulat Naisasaalang-alang ang mga kakailanganin sa
  • 454 pagsulat ng isang dokumentaryong panradyo • Nakapipili ng isang napapanahong paksa • Nakapagtatala ng mga kinakailangang impormasyon • Nakabubuo ng maayos na balangkas • Nababanggit nang wasto ang may akda, personalidad, organisasyong nagbibigay kredibilidad sa mga kaisipang ipinapahayag • Nagagamit ang mga ekspresiyong nagpapakilala ng konsepto ng pananaw • Nagagamit ang mga ekspresiyong nagpapakilala ng kaugnayang lohikal Tatas Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at impormal na Filipino pasalita man o pasulat Nasusuri ang mahalagang detalye ng napakinggang impormasyon Napagtitimbang-timbang kung ang napakinggan ay may kabuluhan at kredibilidad Nakikipagkomunikasyon gamit ang wikang Filipino batay sa hinihingi ng pagkakataon/sitwasyon Pananaliksik Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian Nailalahad nang maayos ang nalikom na mga impormasyon sa isinagawang pananaliksik Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internet
  • 455 VIII. Konseptuwal na Balangkas Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito Marahil ay nananabik ka nang simulan ang araling ito. Simulan na natin ang pagtuklas ng mga bagong kaalaman! Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino RADYO TELEBISYON Panitikan: Komentaryong Panradyo Wika: Mga Ekspresyong Nagpapakilala ng Konsepto ng Pananaw Panitikan: Dokumentaryong Pantelebisyon Wika: Mga Ekspresyong Nagpapakilala ng Kaugnayang Lohikal Dokumentaryong Panradyo/ Dokumentaryong Pantelebisyon
  • 456 IX. Panimulang