2. Rehiyon VIII- Silangang Kabisayaan
Ang Kataksilan ni Sinogo
Maraming maraming taon sa nakaraan sa bayan ng Leyte, nuong
si Maguayan pa ang panginuon sa dagat, at ang mapusok na Kaptan ang
naghahagis ng kidlat mula sa kanyang kaharian sa langit, pulos mga halimaw ang
lumalangoy sa tubig at lumilipad sa himpapawid. Malalaki ang ipin at matatalas
ang kuko ng mga halimaw sa himpapawid. Subalit kahit ano ang bangis nila,
sama-sama silang nabubuhay nang tahimik dahil takot sila sa galit at lupit
ni Kaptan. Kaiba ang lagay sa dagat sapagkat dambuhala ang mga halimaw na
lumalangoy at malakas ang luob nila sa kanilang laki at lakas. Pati
si Maguayan ay sindak sa kanilang laki at dahas kaya hindi siya sinunod, ni hindi
iginalang ng mga halimaw. Balisa araw-araw si Maguayan na baka siya ang
balingan ng mga ito.
3. • Natakot at nawalan ng pag-asa si Maguayan na igalang siya ng mga halimaw sa
karagatan kaya’t humingi siya ng tulong kay Kaptan, ang namumuno sa kalangitan
• Tinipon ni Kaptan ang mga halimaw mula Luzon, Visayas hanggang sa Mindanao at
inutos nitong igalang si Maguayan tulad ng paggalang nila sa Kaptan. Ang sinumang
sumuway ay parurusahan at papatayin.
• Nang pinauwi nya ang mga halimaw, nagpiging ang dalawang diwata, Inutusan ang
kanyang tatlong tagahayag na sila Dalagan, ang pinaka-mabilis, si Gidala, ang pinaka-
matapang, at si Sinogo, ang pinaka-makisig at pinaka-mahal ni Kaptan.
• Binigyan ni Kaptan ng gintong kabibe si Maguayan upang kung mayroong talipandas na
sumuway sa utos nito at kalabanin si Maguayan ay maari nyang isubo ang kabibe at
magbagong anyo na mas malakas at mas malaking halimaw upang matalo nya ang
kakalaban sa kanya. Nagpasalamat si Maguayan at nagpatuloy sa piging
•Matagal bago namalayang wala si Sinogo, at ipinahanap siya ni Kaptan kay Dalagan.
Kasing bilis ng lintik, bumalik si Dalagan at hinayag na wala na sa pulo si Sinogo. Nataon
namang napansin niMaguayan na naglaho ang gintong kabibi kaya nahulaan ni Kaptan
na ninakaw ito ni Sinogo at tumakas. Sumisigaw sa galit, inutos ni
Kaptan kina Dalagan at Gidala na habulin at bihagin ang taksil
4. •Nang namataan nila sa isang daungan si Sinogo, susunggaban na sana nila ito
subalit isinubo ni Sinogo ang kabibe at naging isang malaking buwaya at sumisid
sa dagat. Hinabol nila ito at pinagta-taga subalit hindi umubra ang armas nila sa
kapal ng balat nito. Bumalik si Dalagan sa Kaptan, iniwan nito si Gidala at
ibinalita kung saan lumalangoy itong si sinogo.
• Tinambangan ng Kaptan si sinogo at lumipad patungo sa tinatawag ngayon na
Tanon Strait hawak ang isang malakas na kidlat. Habang tinataga ni Gidala si
Sinogo, umalingawngaw ang malakas na kulog at tumama sa likuran ni Sinogo
ang malakas na kidlat ni Kaptan.
•Nakatuhog sa kidlat, hindi naka-alpas si Sinogo at sa pagpu-pumiglas niya,
nailuwa niya ang gintong kabibi. Mahuhulog sana sa putik ang kabibi subalit
sinalo ito ng isang isda, pagkatapos dinala kay Kaptan. Samantala,
nanatiling buwaya si Sinogo at patuloy na palag nang palag sa ilalim ng dagat.
•Ang walang tigil na palag ni Sinogo na dambuhalang buaya ang sanhi ng
mga ipu-ipu sa bahaging iyon ng Pilipinas, bahaging laging iniiwasan ng mga
namamangka, sa takot nila sa panganib.
5. Rehiyon IX- Tangway ng Kasambuwangaan (Zamboanga Peninsula)
Si Manik Buangsi
Noon ay may isang sultan na may pitong anak na dalaga. Ang bunso
ang pinakamaganda sa lahat. Ang kanyang pangalan ay Tuan Putli.
Nang magdalaga si Tuan Putli ay maraming dugong bughaw ang
lumigaw sa kanya. Ngunit hindi niya pinansin ang mga ito, sapagkat sa
kanyang panaginip ay nakita na niya ang lalaki na kanyang iniibig. Siya
ay si Manik Buangsi. Datapwat si Manik Buangsi ay hindi isang
pangkaranwang tao. Siya ang nilalang na walang kamatayan at
nakatira sa pook ng mga bathala. Sa panaginip lang niya dinadalaw si
Tuan Putli.
Dumating ang araw na hindi na matiis pa ni Manik
Buangsi ang kanyang pag-ibig kay Tuan Putli. Kung kayat kinausap niya
si Allah. Pumayag naman si Allah na bumaba isi Manik Buangsi sa lupa.
6. Si manik Buangsi ay nag-anyong isang ginuntuang bayabas.
Napasakamay siya ng isang matandang babae na pulubi. Nag bigyan ni
Tuan Putli ang pulubi ng limos ay ibinigay naman ng pulubi ang prutas
sa kanya. “Itanim mo ito sa hardin,” ang bilin ng pulubi kay Tuan Putli.”
“ Ang bungang nito ay siyang iyong kapalaran!”.
Itinanim ni Tuan Putli ang bunga. Tumubo agad ito at nagbunga ng
marami. Pinitas nito ang pinakamalaki at pinakamgandang bunga at
iyo ay dinala niya sa loob ng kanyang silid.
Sa loob ng bungang iyon ay naroon si Manik Buangsi. Sa gabi,
nagmumula sa bungang iyon ang isang kakaibang liwanag. Pagkatapos,
lalabas si Manik Buangsi at panonoorin ang mukha isang magandang
dayang-dayang. Saka lamang siya bumabalik sa loob ng bunga kapag
tumilaok na ang manok. Ngunit sa isang pagkakaton ay nakatulog si
Manik Baungsi. Nang magising siya ay nakasikat na ang araw. Gayon
na lamang ang pagtataka ng dalaga. “Kung gayon, isa kang
katotohanan!” bulalas ni Tuan Putli.
7. Ngumiti si Manik Buangsi. “oo Wika niya. At narito ako
upang pakasalan ka!.
Naganap ang kasalan ni Tuan Putli at Manik Buangsi
at sa piging na iyon ay bumaba ang mga bathala mula sa
kalangitan upang masaksihan ang pag-iisang dibdib ni Tuan
Putli at Manik Buangsi.
Nanatili sina Manik Buangsi at Tuan Putli sa lupa. Sa
kabilang dako, naninibugho ang mga kapatid ni Tuan Putli sa
kanyang magandang kapalaran. Hanggang sa naisip ng
tatlong dalaga na sirain ang magandang ugnayan ng dalawa.
“Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo,” sabi ng isa kay
Tuan Putli.
“Maaring isa lamang siyang masamang espirito!”
“Maganda siyang lalaki,” wika pa ng isa pa. “ sigurado mo
bang ikaw lang ang babaeng minamahal niya?”
“Sa tingin ko ay isa ka lamang sa mga babaeng dumaan sa
buhay niya,” sabi sa kanya ng isa pa, “Paluluhain ka niya
balang araw!”
8. Dahil sa patuloy sa paninira ng kanyang mga kapatid ay tuluyan nang
nalason ang kanyang isipan. Naging selosa si Tuan Putli sa kalaunan.
Palagi na niyang inaaway si Manik Buangsi. Hanggang sa dumating ang
panahong napuno na si Manik Buangsi. Ipinasiya niyang bumalik na sa
kanyang pinagmulan. Sa kapangyarihang taglay niya ay biglang isang
lumabas ang isang mabikas na puting kabayo at isang kris. Nagsisi si
Tuan Putli at nagmakaawang isama siya ni Manik Buangsi. Pumayag
naman si Manik Buangsi.
Sa kanilang paglalakbay ay biglang binalot sila ng makapal sa
alikabok. Ang mga dahon ng mga damo sa paligid ay nagmistulang kris,
ngunit buong tapang na sinagupa ni Manik Buangsi ang lahat.
Hanggang sa dumating sila sa isang mahaba at makipot na tulay. Sa
ilalim ng tulay ay isang ilog na kumukulo at mula roon ay maririnig ang
daing ng mga nagdudurusa kaluluwa.
9. Mahigpit ang yakap ni Tuan Putli sa baywang ng asawa.
“ hindi ako magdidilat ng mata,” pangako niya. “ pipikit
ako!.”
Nagsimula silang tumawid sa makipot sa tulay,
sakay ng kabayo. Ngunit hindi kaginsa-ginsa’y, biglang
nakarinig ng tinig si Tuan Putli. Siya ang tinatawag nito.
“Tuan Putli! Tuan Putli! Tuan Putli!” daing ng tinig. Ang
tinig na iyon at tulad ng kanyang yumaong ina!
Bigla nitong iminulat ang mga mata at tumingin sa
ibaba. Dahil sa takot sa nakita ay nakabitaw ito at
nahulog sa kailaliman.
Mula noon mag-isa na lang si Manik Buangsi na
nakarating sa kaharian, ngunit malungkot ito sa
pagkamatay ng asawang hindi nakinig sa kanya.
10. Rehiyon X- Hilagang Kamindanawan (Northern Mindanao)
Pinagmulan ng Guimad
(mula sa Siyudad ng Ozamiz, Misamis Occidental)
Sa unang panahon, si Gu-i-mad usa ka timo-ay sa mga subanen sa usa ka lugar. Siya ang tawo
na matinabangon, manggihatagon ug adunay maayong paglantaw sa iyang mga sakop. Usa ka
tawo na adunay poy nasayran sa pag-ayo sa ginagmay'ng sakit. Dali siyang duolon sa mga
tawo, dili siya hakog sa mga tawo nga nanginahanglan sa iyang tabang. Tinahod siya sa mga
katawhan ug sa uban pang mga kadagkuan sa uban pang mga tribo.
Adunay usa ka panahon nga kinahanglan siya moduaw sa ilang silingang lugar para sa himoong
sabot-sabot. Nagsakay siya sa kabayo para adtoon ang lugar sa iyang usa ka higala. Sa
panahon sa iyang pagpa-uli sa maong lugar, kusog kaayo ang ulan ug hangin. Sa wala damha,
pagtabok niya sa usa ka sapa kauban sa iyang kabayo,kalit ni hapak ang kusog na baha sa
maong sapa. Ug sa kadautang palad, naanod si Gu-i-mad kauban sa iyang kabayo ug wala na
siya nakita. Sa pagsubang sa adlaw, nakit-an na lamang siya sa daplin nga wala nay kinabuhi
ug adunay daghang lagom.
Sa pipila ka mga adlaw ang milabay, paghuman sa maong nahitabo, nasabotan sa mga
katawhan nga isip paghinomdom sa kalag ni Gu-i-mad, nganlan nila ang maong lugar ug
GUIMAD ug usabon lang kini sa pagbasa hangtod nga sa pagrehistro sa pipila ka mga tuig nga
milabay, ang lugar nga walay ngalan nga gipuy-an sa mga subanen nahimong Guimad ug
hangtod karon mao na kini ang ngalan sa maong barangay.
11. SALIN:
Noong unang panahon, si Gu-i-mad, isang pangulo ng mga subanon sa isang
kilalang lugar. Siya ay matulungunin, mapagbigay, at mayroong maayos na
pananaw sa kanyang mga nasasakupan. Isa siya sa mga taong mayroon ding
nalalaman sa pagpapagaling sa mga hindi kalalakihang sakit. Madali siya lapitan
ng mga tao, hindi siya maramot sa mga taong nangangailangan sa kanyang
tulong. Ginagalang siya sa lahat ng mga tao pati na rin sa mga malalaking tao sa
ibang tribo.
May isang araw na kinailangan niyang pumunta sa isang lugar para sa gawing
usapan. Sinakyan niya ang kanyang kabayo para puntahan ang lugar sa isa
niyang kaibigan. Sa panahon na siya'y papauwi na, malakas na malakas ang
ulan at hangin. Sa hindi inaakalang pangyayari, biglang humampas ang malakas
na baha. Sa kasawiang palad, natangay siya ng baha pati na rin ang kanyang
kabayo at hindi na siya nakita. Sa pasikat ng araw, nakita ng mga tao si Gu-i-
mad sa gilid ng sapa na wala ng buhay at may maraming mga pasa sa katawan.
12. Ilang araw ang nakalipas matapos ang pangyayaring ito,
napagdisisyunan ng mga tao na Guimad ang ipapangalan
nila sa kanilang lugar, dahil na rin sa pagpapaalala sa
kabutihang nagawa ni Gu-i-mad. Napagkasunduan din
nila na ibahin ang nakarehistro. Naging Guimad ang
nasabing lugar na hango kay Gu-i-mad na pangulo ng
mga subano noon. Hanggang ngayon, ito na ang pangalan
ng lugar na ito.