2. ARALIN 1:EKONOMIKS SA PAGLIPAS NG
PANAHON
Ang Pagsilang ng Pag-aaral ng Ekonomiks
Bago dumating ang ika-18 siglo, walang
pormal na pag-aaral ng ekonomiks. Mayroon lang
mga kaisipan ang ekonomiks na ginagamit sa pagaaral ng batas at pamahalaan. Ayon sa pag-aaral
nina Robert B. Ekelund Jr. at Robert F. Herbert,
mga manunulat ng A History of Economic Theory
and Method na nailathala noong 1997, ang mga
kaisipan sa ekonomiks ay unang sumikat sa
sinaunang Greece. Samantalang ang interes sa
pag-aaral ng ekoomiks ay mula pa sa panahon nina
Aristotle at Thomas Aquinas. Ang mga Physiocrats
ang itinuturing noon na mga ekonimista.
4. Mga Unang Kaisipan sa Ekonomiks
Kauna-unahang kaisipan sa ekonomiks ang
masinop na pagdedesisyon ng isang pinuno.
Layunin sa kaisipan na tumugon sa pinuno sa mga
pangangailangan ng nasasakupan nang higit sa
inaasahan. Mahalagang ipaubaya ito ng pinuno sa
mga taong may kakayahang tapusin ang iba’t ibang
aspekto ng paglilingkod. Ito ang division of labor.
Napabibilis at napapaganda nito ang paglikha ng
isang paglilingkod. Tinatayang unang tinalakay ang
kaisipang ito sa aklat na Oeconomicus na isinulat
ng pilosopong si Xenophon (circa 430 B.C.E.).
Halaw ang salitang ekonomiks sa Greek na salitang
oikonomia.
5. Sumibol din ang mga kaisipan sa ekonomiks sa
iba’t ibang panig ng daigdig. Kabilang dito ang
sinaunang Rome, Germany, Spain, England,
Ireland, at France. Subalit wala pang nagpakilala sa
ekonomiks bilang isang espesyalisadong pag-aaral
(specialized study) o disiplina. Kung tutuusin, ang
salitang ekonomiya ay unang naitala sa mga
babasahin noong 1520-1530 lamang. Hindi pa
ginagamit ang salitang ekonomiks bago ang ika-18
siglo sa Europe. Ngunit unti-unting nabuo ang
disiplina ng ekonimiks nang lumitaw na ang tuon
(focus) nito — ang pagtugon sa suliranin ng
kakapusan.
6. Rebolusyong Industriyal
Ang ika-18 siglo ay panahon ng Rebolusyong
Industriyal, partikular sa England kung saan ito
unang naganap. Sa panahong ito, nabuo at
lumawak ang industriyang pampabrika
(manufacturing industry). Pangunahing layunin nito
ang mapabilis at mapalago ang ang produksyon ng
mga pabrika, sumigla rin ang pagnenegosyo at
naging daan sa pagyaman ng dating mahihirap.
Nakapagtayo sila ng marami pang negosyo sa
pagnanais na mapalago ang kanilang yaman.
7. Kalakip ng pagsigla ng industriyang
pampabrika, tumaas ang pangangailangan sa mga
manggagawang may kasanayan (skilled workers).
Mataas ang kaalaman sa paglikha ng mga produkto
ng mga manggagawang may kasanayan. Tumaas
din ang pangangailangan sa mga makabagong
pamamaraang pamproduksyon. Maraming
naimbento na makinaryang nagpabilis at nagpataas
ng produksyon. Dumami rin ang mga produktong
iniluluwas sa kalakalang panlabas. Lumaki ang
populayon sa England at bumilis ang paglago ng
kalakalan nito.
8. Sinubukang unawain ng mga tagapayo ng
pamahalaan ng England ang nagaganap sa
kanilang lipunan. Sa kanilang pagsusuri, nakita nila
ang kawalang-hanggan ng pangangailangan at
kagustuhan ng mga tao. Tumaas ang
pangangailangan sa mga pangunahing produkto
(basic goods) tulad ng pagkain at damit. Tumaas
din ang pangangailangan sa makabagong
kaalaman. Maraming naghahangad ng
maginhawang pamumuhay.
9. Nabatid ng mga tagapayo ang kakapusan ng
mga pinagkukunang-yaman. Hindi tulad ng mga
pangangailangan at kagustuhan, limitado at
mabagal ang paglago ng mga pinagkukunangyaman. Pinangambahan ng mga tagapayo na ang
suliranin ng kakapusan ay makapagdudulot ng
kaguluhan, kahirapan, at kamatayan. Malaking
palaisipan sa kanila ang sistema ng ekonomiya na
makatutugon sa suliranin.
10. Adam Smith
Noong 1776, isinulong ni Adam Smith ang
sistema ng pamilihan batay sa doktrina ng
kapitalismo bilang kanyang sagot sa suliranin. Ayon
kay Smith, pamilihan ang magsasaayos ng mga
desisyon sa pagbebenta at pamimili ng mga
produkto. Tangan ng doktrina ang kapitalismo ang
masinop na paggamit ng mga pinagkukunangyaman. Mahalagang salik ang division of labor sa
paglago ng isang ekonomiya. Itinatag ni Smith ang
kanyang sagot sa kanyang aklat na An Inquiry into
the Nature of the Wealth of Nations.
11. Naipakilala ni smith ang kauna-unahang
komprehensibong pag-aaral sa ekonomiya.
Tinawag itong politikal na ekonomiya o political
economy. Political economy ang dating katawagan
sa ekonomiks. Ayon sa ekonomistang si Gerardo
Sicat, ito ay dahil sa maraming katanungan sa
ekonomiya ang may implikasyon sa pampolitika at
pampublikong patakaran (political and public
policy). Unang tumukoy ang political economy sa
paggamit ng limitadong pinagkukunang-yaman at
kaugnay nito sa umiiral na batas. Maraming
nahikayat na mag-aral ng political economy. Ngunit
hindi pa nakikilala ang salitang ekonomiks bilang
isang larangan ng pag-aaral. Noong 1785-95, ito ay
ginamit sa pakahulugang”pagtitipid”. Gayunpaman,
kinikilala ang political economy bilang unang mukha
ng pag-aaral ng ekonomiks.
12. Gumawa si Adam Smith
ng kauna-unahang
komprehensibong
pag-aaral sa ekonomiya.
13. Intelektuwal na Krisis sa Political Economy
Nagkaroon ng intelektuwal na krisis sa pagaaral ng political economy. Iminungkahi ng ilang
dalubhasa ang aktibong panghihimasok ng
pamahalaan sa ekonomiya. Sa ganitong paniniwala
nabuo ang disiplina ng agham pampolitika (political
science) o ang pag-aaral ng pamahalaan at mga
institusyon nito. Nanindigan naman ang ibang
dalubhasa sa doktrina ng laissez faire. Ang laissez
faire ay ang prinsipyong kumikilala sa kalayaan ng
pribadong indibidwal na magdedesisyon. Sistema
ng pamilihan ang ipinaiiral nito sa ekonomiya.
Naging tuon ang pagdedesisyon ng tao sa loob ng
sistema ng pamilihan.
14. Impluwensiya ng Agham at Matematika
Sa panahong nahaharap sa krisis ang pagaaral ng political economy, lumalaganap ang
impluwensiya ng agham at matematika.
Nagpakilala ang agham at matematika ng mga
sistematikong pamamaraan sa paglalahad ng mga
kaisipan sa ekonomiks. Nagawang masukat ang
maitakda ang ugnayan ng mga hinihinalang salik sa
pagdedesisyon ng bawat tao. Napasimulan ang
matematikal na pag-aaral ng ekonomiks nina
Augustine cournot, Jules Dupuit, Henry Gossen, at
J.H. Von Thünen. Noong dekada 1850, inilunsad ni
Nassau Senior ang kampanya sa pagsasaagham
ng ekonomiks.
16. Ekonomiks Bilang Ganap na Disiplina
Naipakilala ang ekonomiks bilang isang ganap na
disiplina noong 1870 sa pangunguna ni Alfred Marshall.
Bilang isang disiplina, espesyalisado ang pag-aaral ng
ekonomiks. Ito ay nakatuon sa pinakamahusay na
paggamit ng pinagkukunang-yaman sa kabila ng walang
katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao.
Hindi naman agarang kinikilala ng ibang dalubhasa
ang ekonomiks bilang isang disiplina. Patuloy nilang
itinuro ang political economy sa mga pamantasan,
kabilang ang Oxford University sa England. Noong
1890, nailimbag ang aklat ni Marshall na Princiles of
Economics. Dumami ang tagasunod ni Marshall. Higit
na lumawak ang pagtanggap sa eknomiks. Hindi
naglaon, naging akademikong programa ito sa iba’t
ibang panig ng daigdig.
17. Kahulugan ng Ekonomiks
Nakatuon ang ekonomiks sa mapanuring pagiisip at pagtugon sa mga pangyayari o
suliraninmula sa tinatawag na economist’s
perspective. Ang mga batayang kaisian tungkol sa
kakapusan, pagpili, at opportunity cost ay hindi
lamang nauukol sa laki ng roduksyon ng bansa,
kundi ukol sa uri ng desisyon na ginagawa ng
indibidwal tungkol sa pang-araw-araw na
pangyayari o suliranin. Ang opportunity cost ay ang
mga bagay o oportunidad na pinakakawalan o
ipinapalit sa paggawa ng desisyon. Halimbawa,
pag-aaral para sa isang pagsusulit o panonood ng
telebisyon; pagbili ng bagong cellphone o pagiimpok ng pera sa bangko.