4. Bago umakyat sa langit,
sinabi ni Jesus sa kanyang
mga apostol:
“Huwag kayong aalis sa
Jerusalem. Aakyat ako sa Ama
at hihilingin kong isugo sa inyo
ang Espiritu Santo.”
6. Sinabi pa ni Jesus:
“Pagdating ng Espirutu
Santo, marami kayong
magagawa, hindi pa sa
aking nagawa.”
7. Nung araw ng Pentecost,
limampong araw
pagkatapos ng Muling
Pagkabuhay ni Jesus, ang
Espirutu Santo ay dumating
sa mga apostol, katulad ng
pangako ni Jesus.
8. Bago ang Pentecostes,
ang mga apostol ay
pinaghaharian ng takot.
Subalit nang dumating na
ang Espiritu Santo, nawala
ang takot sa kanilang puso.
10. Pagdating ng Espiritu Santo,
saka lamang naunawaan
ng mga unang Kristiyano
na ang Diyos ay may
Tatlong Persona,
ang Santisima Trinidad,
subalit iisang Diyos pa rin.
11. Ang Espiritu Santo
ay Diyos na totoo,
naroon na siya
sa simula ng panahon,
hindi siya nilikha.
12. Ang Santisima Trinidad ay
may kanya-kanyang gawain
subalit iisa pa rin.
Ang Ama ang Manglilikha,
ang Anak ang Tagapagligtas,
at ang Espirutu Santo ang
Nagpapabanal.
16. Dahil nasa atin ang Espiritu
Santo, hindi tayo nag-iisa,
kasama natin ang Diyos.
Natitiyak natin na anumang
oras tayo tumawag sa
Diyos, naririnig tayo ng
Diyos.
17. Iisa ang Espiritu na
tinanggap natin sa
tinanggap ng mga Apostol.
Kaya magagawa rin natin
ang nagawa ng mga
Apostol.
18. Ang Espirutu Santo ay
hindi natin nakikita,
subalit mararanasan
natin ang pagkilos nito
sa ating buhay.
26. Iba’t iba ang mga kaloob,
iba’t iba ang mga gawain,
subalit iisang katawan pa
rin ang pinaglilingkuran,
ang Simbahan,
ang Katawan ni Kristo.
27. Katulad ng ating katawan,
marami itong bahagi,
bawa’t bahagi ay mahalaga.
Bawat bahagi ay may kanyang
gawain tungo sa iisang
pagkilos ng katawan.
28. Hadlang sa Pagkilos
ng Espiritu Santo
Kasalanan
Hindi pagpapatawad
Pagiging makasarili
Kulang ang tiwala sa Diyos
29. Ano ang dapat gawin?
Isuko ang sarili sa Diyos.
Talikuran ang kasalanan at
mga bisyo.
Tawagan ang Espiritu Santo.
Magsimula ng buhay sa
Espiritu Santo.
30. Ano naman ang mga
kasalanan laban sa
Espiritu Santo?
31. Ang kasalanan laban sa
Simbahan ay kasalanan
sa Espiritu Santo,
sapagkat ang
Simbahan ang Templo
ng Espiritu Santo.
32. Ang kasalanan sa ating
katawan ay kasalanan sa
Espiritu Santo.
Sa binyag, tinanggap natin ang
Espiritu Santo, kaya ang ating
katawan ang naging Templo ng
Espiritu Santo.